14
1 FILIPINO 9// MGA AKDANG PAMPANITIKAN MULA SA ASYA AT NOLI ME TANGERE// SY: 2021-2022 Camarines Norte College Inc. Labo, Camarines Norte Junior High School Department S.Y. 2021-2022 Learning Module para sa Filipino 9 Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng Kanlurang Asya. Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap Nakapagtatanghal ng kulturang Asyano batay sa napiling mga akdang pampanitikang Asyano. IKATLONG KWARTER Mga Akdang Pampanitikan mula sa Kanlurang Asya Filipino 9: Mga Akdang Pampanitikan mula Asya at Noli Me Tangere

IKATLONG KWARTER Mga Akdang Pampanitikan mula sa

Embed Size (px)

Citation preview

1 FILIPINO 9// MGA AKDANG PAMPANITIKAN MULA SA ASYA AT NOLI ME TANGERE// SY: 2021-2022

Camarines Norte College Inc.

Labo, Camarines Norte

Junior High School Department

S.Y. 2021-2022

Learning Module para sa Filipino 9

Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng Kanlurang Asya.

Pamantayang Pangnilalaman

Pamantayan sa Pagganap Nakapagtatanghal ng kulturang Asyano batay sa napiling mga akdang

pampanitikang Asyano.

IKATLONG KWARTER

Mga Akdang Pampanitikan mula

sa Kanlurang Asya

Filipino 9: Mga Akdang Pampanitikan mula Asya at Noli Me Tangere

2 FILIPINO 9// MGA AKDANG PAMPANITIKAN MULA SA ASYA AT NOLI ME TANGERE// SY: 2021-2022

TALAAN NG NILALAMAN

MODYUL BLG. 3: MGA AKDANG PAMPANITIKAN MULA SA KANLURANG ASYA

LINGGO NILALAMAN/ARALIN MGA GAWAIN PAHINA SA

MODYUL

UNANG LINGGO ❖ Panimula

❖ Saklaw ng Modyul

❖ Grapikong Pantulong

❖ Inaasahang Kasanayan

❖ Panimulang Pagtataya

❖ Pagtuklas

❖ Pagsasanay 1: Virtual

Tour

❖ Pagsasanay 2: Mapa ng

Konsepto ng Pagbabago

Pahina 3-5

IKALAWANG LINGGO ❖ Paglinang

❖ Tayutay

❖ Pagpapayaman ng

Talasalitaan

❖ Pang-uri

❖ Gawain 1: Paggamit ng

Tayutay

❖ Gawain 2: Natatanging

Salita

❖ Gawain 3: Pinasidhing

Pang-uri

Pahina 6-7

IKATLONG LINGGO ❖ Paglinang

❖ Pagsusuri ng teksto

❖ Maikling Pagsusulit

❖ Gawain 4: Pagsusuri

❖ Maikling Pagsusulit Pahina 8-9

IKAAPAT NA LINGGO IKATLONG ANTASANG PAGSUSULIT

IKALIMANG LINGGO ❖ Pagpapalalim

❖ Alamat

❖ Parabula

❖ Gawain 5: Fake or Real?

❖ Gawain 6: Hiwaga ng

Parabula

❖ Gawain 7:

Pagbabalangkas

Pahina 10-11

IKAANIM NA LINGGO ❖ Pagpapalalim

❖ Maikling Kuwento

❖ Pormatibong Pagtataya

❖ Gawain 8: Sarili ang

Kalaban ko!

❖ Gawain 9:

Pinatnubayang

Paglalahat

❖ Mapa ng Konsepto ng

Pagbabago

Pahina 11-12

IKAPITONG LINGGO ❖ Paglipat

❖ Performance task

❖ Gawain 10: E-Tanghal Pahina 13

IKAWALONG LINGGO IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT

3 FILIPINO 9// MGA AKDANG PAMPANITIKAN MULA SA ASYA AT NOLI ME TANGERE// SY: 2021-2022

MODULE No. 3: MGA AKDANG PAMPANITIKAN MULA SA KANLURANG ASYA

SAKLAW NG MODYUL

Sa modyul na ito, matututuhan mo ang mga sumusunod:

Mga Aralin Magagawa mong… Mga akdang pampanitikan

mula sa Kanlurang Asya

• Parabula

• Maikling Kuwento

• Alamat

✓ mahinuha ang mga katangian ng parabula.

✓ mapatunayan na ang mga pangyayari sa binasang parabula ay maaaring

maganap sa tunay na buhay sa kasalukuyan.

✓ masuri at maipaliwanag ang mga katangian ng binasang kuwento na

may uring pangkatauhan batay sa pagkabuo nito.

✓ maisa-isa at mapahalagahan ang kulturang Asyano bunga ng nabasang

mga akdang pampanitikan.

✓ maipakita ang isang masining na pagtatanghal ng kulturang Asyano na

masasalamin sa binasang mga akdang pampanitikan.

Gramatika ✓ magamit nang wasto sa pangungusap ang matatalinghagang pahayag.

✓ magamit ang mga pang-ugnay na hudyat ng pagsusunod-sunod ng mga

pangyayari.

✓ magamit ang pang-uri na nagpapasidhi ng damdamin.

Mga pahayag sa pag-aayos ng

datos

✓ magamit nang maayos ang mga nakalap na impormasyon tungkol sa

mga akda mula sa Kanlurang Asya.

Kaalaman at Kasanayan sa

Pananaliksik

✓ makapagsaliksik tungkol sa iba pang mga akda ng Kanlurang Asya.

✓ maisagawa ang mga hakbang sa pagsasagawa ng isang masining na

pagtatanghal ng mga akdang pampanitikan Asyano.

Grapikong Pantulong sa Aralin

Panimula

Sa yunit na ito, aalamin natin ang panitikang taglay ng Kanlurang Asya. Malapit na nating matapos ang isang mahabang paglalakbay sa panitikan ng mundo. Ako’y nagagalak sapagkat tunay ngang malayo na ang ating narating.

Ang Kanlurang Asya ay pinakamalapit sa kontinente ng Europa at Aprika. Ito ay nagsilbing daanan ng mga umaalis at pumupunta sa tatlong kontinente noong unang panahon. Sa makabagong panahon naman ay tinawag na Gitnang Silangan o Middle East dahil ito ay nasa gitna ng tatlong kontinente.

Ito ay mula sa panitikang Indo-Europeo. Binibigyang-diin ang mga akda mula sa Europa, Espanya, Pransya, Italya, at Rusya. Malaki ang impluwensiya ng maraming bansa sa pagiging maunlad ng panitikang kanluranin. Kasabay ng pag-unlad ng ekonomiya ng mga bansa mula rito ang pag-unlad ng kanilang panitikan.

Taglay ng panitikang kanluranin ang mga natatanging akda na nagkaroon ng malaking impluwesiya sa ibang panitikan ng mundo. Sa pag-usad ng yunit na ito, lagi mong isaisip ang tanong na “Paano mo maipamamalas ang iyong pag-unawa at

pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng Kanlurang Asya?”

MGA AKDANG PAMPANITIKAN MULA SA

KANLURANG ASYA

(QUARTER 3)

Mga akdang

pampanitikan sa

Kanlurang Asya

Kaalamang

Pangwika

Mga

matatalinghagang

pahayag

Kaalaman at

Kasanayan sa

Pagsusuri

Tungo sa pagbuo ng isang masining na pagtatanghal ng mga akdang pampanitikan ng

kulturang Asyano

UNANG LINGGO

4 FILIPINO 9// MGA AKDANG PAMPANITIKAN MULA SA ASYA AT NOLI ME TANGERE// SY: 2021-2022

lantay pahambing pasukdol

INAASAHANG KASANAYAN:

Bilang patunay ng pagtatagumpay mo sa modyul na ito, inaasahang matutupad mo ang sumusunod na

mga gawaing pampagkatuto:

1. napauunlad ang kakayahang umunawa sa binasa

2. nagagamit nang maayos ang mga matatalinghagang pahayag

3. naiuugnay ang akda sa totoong sitwasyon sa kasalukuyan

4. nasusuri ang akda batay sa elemento nito

5. nailalahad ang sariling pananaw

6. nakapagpaplano ng isang masining na pagtatangahal

7. nakapagsusuri ng isang masining na akda

8. nakabubuo ng isang masining na pagtatanghal

PANIMULANG PAGTATAYA

Alamin natin ngayon kung may kaalaman ka sa araling tatalakayin sa pamamagitan ng pagsagot sa

panimulang pagtataya. Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang sa tingin mong

tamang sagot. Gawin at sagutin mo na lamang ang bahaging ito sa hiwalay na papel.

A. Panuto: Basahin ang bawat pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay akdang pampanitikan na naglalarawan ng pagbubulay-bulay o guni-guning nagpapakita ng

masidhing damdamin tungkol sa alaala ng isang mahal sa buhay.

a. elehiya c. parabula

b. pabula d. sanaysay

2. Ito ang ginagamit na kasangkapan upang magpahiwatig ng mga ideya o kaisipang nakapaloob sa akda.

a. damdamin c. simbolo

b. kaugalian o tradisyon d. wikang ginamit

3. Ano ang pinakamasidhi o pinakamataas na antas ng salitang “tuwa”?

a. galak c. saya

b. ligaya d. tawa

4. Ang laban sa pagitan ng dalawang magkasalungat na puwersa ay tumutukoy sa _________________.

a. pagkakaisa c. pagkakagulo

b. paglalaban d. tunggalian

5. Ito ay isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo ng iba’t ibang kabanata.

a. sanaysay c. tula

b. nobela d. awit

B. Basahin ang bawat pahayag. Piliin sa loob ng kahon kung anong antas ng pang-uri ang ginamit sa

bawat pangungusap.

1. Si Teddy ay ang pinakamagulong mag-aaral sa klase ni Bb. Tolentino.

2. Ang buhok ni Lola Francisca ay kasimputi ng balahibo ng tupa.

3. Sintangkad na ni Joni ang kanyang ina.

4. Wala akong gusto sa kanya kahit saksakan nang ganda pa siya.

5. Higit na malakas ang Bagyong Ursula sa Bagyong Luis.

Binabati kita! Naniniwala akong madali mong nasagot ang bawat tanong.

Marahil ikaw nasasabik na malaman ang mga bagay na iyong matutuklasan sa araling ito.

Ngayon ay maaari mo nang simulan ang iyong masigasig na pag-aaral sa nilalaman ng modyul

na ito. Subukin mo ang iyong sarili sa panimulang gawain na inihanda para sa iyo.

Alam kong handa ka na para sa mga matatamo mong mga pagkatuto.

5 FILIPINO 9// MGA AKDANG PAMPANITIKAN MULA SA ASYA AT NOLI ME TANGERE// SY: 2021-2022

Mga relihiyon sa Kanlurang Asya:

https://www.youtube.com/watch?v=byJcy7NF4W8

Mga rehiyon sa Kanlurang Asya https://www.youtube.com/watch?v=HFdRNCIQ-Ns

Pokus na Tanong Bago Pagkatapos

Paano mo maipamamalas ang

iyong pag-unawa at pagpapahalaga

sa mga akdang pampanitikan ng

Kanlurang Asya?

KATAPUSANG BAHAGI NG PAGTUKLAS

Magaling! dahil naibigay mo ang iyong inisyal na pag-unawa sa paksa ng pag-aaralan mo para sa

kwarter na ito.

Hinihikayat kita na basahin, unawain, at sagutin ang lahat ng gawain sa modyul na ito para sa iyo. Ang lahat

ng gawain ay sadyang inilaan upang maihanda ka sa pagtupad mo sa mga inaasahang kasanayang malilinang

mo.

Ngayon ay ihanda mo ang iyong sarili para sa Ikalawang Linggo.

Simulan natin ang gawaing ito sa pamamagitan ng isang virtual tour. Makikita mo rito ang

mga bansa na nabibilang sa Kanlurang Asya. Masasaksihan mo rin ang iba’t ibang

impormasyon tungkol dito. Itala mo ang mga mahahalagang detalye sa isang buong papel.

Handa ka na ba sa ating virtual tour? Tara, byahe tayo.

KAYA KO ITO!

Mga Pamprosesong Tanong:

1. Ano-anong mga kabatiran ang iyong nakuha mula sa iyong napanood?

2. Ano ang iyong puna o masasabi batay sa nilalaman ng iyong napanood? Patunayan

3. Masasabi mo bang may pagkakatulad ang mga bansa sa kanluranin sa buhay nating mga

Pilipino? Ipaliwanag

Sa ibaba ay makikita mo ang mapa ng konsepto ng pagbabago na Bago at Pagkatapos. Ito ay magsisilbi

mong gabay upang masubaybayan mo ang pag-unlad ng iyong pagkatuto. Kopyahin at sagutin mo ang tsart

na ito sa iyong intermediate paper. Sagutin mo lamang ang mga tanong sa ilalim ng “Bago”. Ang bahagi ng

“Pagkatapos” ay sasagutin mo sa pagtatapos mo ng modyul na ito. Hindi ito ipapasa ngunit huwag mong

hayaang mawala.

Panuto: Para sa ating virtual tour, panoorin mo sa youtube ang dalawang link sa ibaba. Habang pinapanood mo

ang bidyu, itala mo ang mahahalagang detalye na sa tingin mo ay kakailanganin mo para sa darating na mga

gawain sa bawat linggo. Sagutin ang tanong sa ibaba sa isang buong papel.

PAGSASANAY 1: Virtual Tour tayo!

PAGSASANAY 2: Mapa ng konsepto ng Pagbabago

6 FILIPINO 9// MGA AKDANG PAMPANITIKAN MULA SA ASYA AT NOLI ME TANGERE// SY: 2021-2022

Nilalaman: Talinghaga

Pahayag Uri ng Tayutay

1. tampo ng puso 2. sanghiwang papaya ang buwan 3. loob na parang alipato 4. sugat ng digma 5. gubat ang gabi

1. Dalawang magkahawig na salita ang “pagsulat” at “pag-akda”. Hanapin ang tiyak na kahulugan ng bawat salita at isulat ang wastong kahulugan sa katapat na kahon

2. Isa pang magkahawig na salita ang “kuwento” at “salaysay”. Muling hanapin ang tiyak na kahulugan ng bawat salita at isulat ang wastong kahulugan sa katapat na kahon.

Dumako tayo sa bahagi ng paglinang. Tutulungang ka ng bahaging ito upang mahasa ang iyong

kasanayan sa pagpapahalaga at pag unawa sa mga akdang pampanitikan. Ang mga kaalaman mong

matatamo rito ay siyang magbibigay sa iyo ng isang makabuluhang sagot sa iyong pokus na tanong na

“Paano mo maipamamalas ang iyong pag-unawa at pagpapahalag sa mga pampanitikan ng

Kanlurang Asya?”

Marahil ay handa ka na sa iyong mga matutuhan. Simulan na natin!

IKALAWANG LINGGO

Talinghaga ang kapasidad ng kamalayan sa pamamagitan ng malikhaing pahayag na makita o tingnan ang isang bagay

bilang iba pang bagay. Isang paraan ng pagtiyak na matalinghagang pahayag ang paggamit ng tayutay. Para sa

karagdagang kaalaman maaari mong basahin ang mga halimbawang tayutay sa pahina 145-146 ng iyong batayang

aklat.

GAWAIN 1: Paggamit ng mga Tayutay

Panuto: Basahin ang bawat pahayag. Tukuyin kung anong uri ng tayutay ang ginamit sa mga sumusunod

na pariralang matalinghaga. Gawin ito sa isang buong papel.

GAWAIN 2: Natatanging Salita

Pagyamanin natin ang iyong bokabularyo.

Panuto: Pansinin mo ang dalawang pares ng salita sa ibaba. Bigyan mo ng kahulugan ang bawat salita.

Maaari kang sumangguni sa diksyunaryo para sa kahulugan nito. Isulat ang nahanap na

kahulugan sa katapat na kahon.

pagsulat

pag-akda

kuwento

salaysay

7 FILIPINO 9// MGA AKDANG PAMPANITIKAN MULA SA ASYA AT NOLI ME TANGERE// SY: 2021-2022

Pahayag Pang-uri na ginamit Antas ng Pang-uri 1. Si Arnulfo ang pinakamahusay sa klase ni G. Robles.

2. Mas malinis ang aking silid kaysa sa kwarto ng aking kapatid.

3. Ang buhok ni Aleng Gloreng ay kasimputi ng ulap.

4. Sintamis ng ubas ang aking pagmamahal sa iyo.

5. Sintangkad na ni Mario ang kanyang tatay.

6. Higit na malakas ang Bagyong Rolly kaysa Bagyong Quinta sa rehiyon ng Bikol.

7. Saksakan ng gwapo ang iniidolo kong mananayaw.

8. Maliit pa ang bahay namin sa ngayon.

9. Di-gaanong masarap ang luto ni ate kaysa luto ni kuya Allan.

10. Dapat tayong kumain ng pinakamasarap na pasta dahil kaarawan mo ngayon.

IKATLONG LINGGO

Sa pagpapahayag ng masidhing damdamin, nakatutulong ang pag-unawa sa kaantasan ng pang-uri.

Ang pang-uri ang naglalarawan o nagbibigay-katangian sa isang pangngalan. Maaaring lantay, pahambing, o

pasukdol ang antas ng pang-uri. Maaari ding magpahayag ng papasidhing damdamin ang pang-uri ayon sa

gagamitin. Pag-aralan mo ang halimbawa sa ibaba.

1. Lantay

Magaan ang loob ko sa batang iyan.

2. Pahambing

Mas magaan ang loob ko sa nakatatanda niyang kapatid kaysa sa kanya.

3. Pasukdol

Sa kanilang tatlong magkakapatid, pinakamagaan ang loob ko sa bunso.

Naunawaan mo ba ang bahaging iyan? Mahusay kung gano’n. Subukin natin ang

iyong pagkatuto. Sundan mo sa sunod na pahina.

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Tukuyin ang pang-uring ginamit sa

pangungusap at ilagay sa katapat nito kung anong antas ng pang-uri ang ginamit.Isulat ang sagot

sa kaparehong papel ng sinundang gawain.

GAWAIN 3: Pinasidhing Pang-uri

Kumusta munting mag-aaral? Binabati kita dahil nakarating na tayo sa linggong ito. Gunitain mo

muna sa iyong isipan ang mga natapos mong gawain. Naaalala mo pa ba ang mga iyon? Mahusay

kung gano’n. Handa ka na ba sa bago mong matutuhan? Kung gano’n, simulan na natin.

8 FILIPINO 9// MGA AKDANG PAMPANITIKAN MULA SA ASYA AT NOLI ME TANGERE// SY: 2021-2022

Para sa iyong inisyal na preparasyon, suriin mo ang isang tula at sagutin ang mga sumusunod na tanong upang

maging gabay at magbigay kabatiran sa iyong isasagawang pagtatanghal. Ang iyong gagawing pagtatanghal ay

pagsulat ng tula para sa mga frontliners ngayong panahon ng pandemya.

Alay sa mga Frontliners sa COVID-19

ni Malou Tiangco

(Para sa kawani sa kalusugan, lansangan, basurero, panadero,boluntaryo, tagapagpaganap sa barangay, social

workers, mambabatas, nagpapatupad ng batas, bumubutas sa batas, pamilya ng mga pumanaw at lumalaban na

huwag pumanaw, tagadasal, nagsusulat at naglalathala, nagugutom at namatay sa gutom dahil sa lockdown)

Sa inyo aming alay

Kayong nagliligtas ng buhay

Mayroon din kayong pangamba

Bagsik na dala ni Corona

Kayong humaharap sa nakaambang panganib

Nanaig ang katapatan sa sinumpaang katungkulan

Kahit nasa bingit ng kamatayan

Usal na dasal makaligtas sana.

Gapiin ang kamandag ni Corona

Huwag magwagi bagsik ni Corona

Naririnig namin usal ninyong hiling

Taimtim na panalangin

Matapos na sana, salot ni Corona

Matigil na ang mga palahaw ng mga naulila

Matigil na ang salot na dulot

Matigil na bumabalot na lungkot!

Naririnig namin, taimtim n’yong panalangin

Mailigtas ang buhay, di na madagdagan dumaragsang bangkay…

Naririnig namin taimtim n’yong panalangin

Matapos na

Magapi na

Kamandag ni Corona

Upang makauwi naman

Makapiling mga mahal sa buhay!

Dalangin n’yo, tumatagos sa hangin

Dalangin n’yo, aming naririnig

Sinasabayan namin inyong panalangin

Sana’y makamtan nga inyong hinihiling…

Matapos na

Magapi na

Kamandag ni Corona

Matigil na ang bumabalot na lungkot

Matigil na ang takot na dulot

Matigil na…!

GAWAIN 4: Pagsusuri

SITWASYON

Sa kabila ng mga hirap at serbisyong binigay ng mga frontliners ngayong pandemya, marami pa rin ang

nawawalan nang pag-asa dahil sa mga negatibong reaksyon ng lipunan at korapsyon sa gobyerno ngayong panahon

ng krisis. Bilang isang kabataan na saksi sa hirap at oras na ibinibigay ng ating mga frontliners, naglunsad ang

Tanghalang Pambansa ng isang patimpalak at pagkilala sa ating mga frontliners sa pamamagitan ng isang masining

na pagtatanghal. Ang pagtatanghal na ito ay may layuning makilala ang mga bayani ng pandemya o ang ating mga

frontliners. Bilang isang kabataan, tungkulin mong maging daan upang mabigyang sigla at pagkilala ang bawat

nakikibuno sa gitna ng pandemya kahit buhay pa nila ang kapalit. Ang entry na iyong ipapasa ay isang masining na

pagtatanghal sa mga frontliners. Bibigyang- pagkilala ang kanilang mga paghihirap at sakripisyong binigay sa

lipunan. Ito ay mababasa at makikita hindi lamang ng mga mag-aaral o kabataan, kundi maging ng mga magulang,

mga guro, at mga kinatawan ng ahensya ng kalusugan at mga frontliners.

9 FILIPINO 9// MGA AKDANG PAMPANITIKAN MULA SA ASYA AT NOLI ME TANGERE// SY: 2021-2022

Para sa iyong pagsusuri, sagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang nag-udyok sa may akda upang sumulat ng ganitong tula?

2. Ano ang tinatalakay sa tula? Paano binigyang buhay ng may akda ang tula?

3. Nabigyang pagkilala ba ang ating mga frontliners? Patunayan.

4. Mayroon bang nabanggit na panghihikayat o pampalakas loob para sa ating mga frontliners ang may

akda? Ipaliwanag.

5. Paano binigyang kulay ng may akda ang pagkilala sa kabayanihan ng ating frontliners sa isang payak na

tula? Ipaliwanag.

Tulad ng nabanggit sa sitwasyon, ikaw ay lilikha ng isang tula bilang isang pagtatanghal na magbibigay pagkilala

sa ating mga frontliners. Ang mga tanong na iyong sinagot ay nagdulot sa iyo ng mga kabatiran na tutulong at

magiging gabay mo sa sunod na paghahanda kaugnay pa rin sa pagbuo ng isang masining na pagtatanghal sa

pamamagitan ng pagsulat ng tula.

Ano-ano ba dapat ang iyong kabatiran sa bahaging ito?

1. Alamin ang estilo ng pagsulat ng tula.

2. Mangalap ng mga paksang tumatalakay sa pagkilala sa mga frontliners sa tulong ng mga

pinagkakatiwalaang website o sanggunian.

3. Itala lamang ang pinakamahalagang detalye o impormasyon.

4. Alamin kung sino-sino ang mga sangkot sa paksang tinatalakay sa tula.

5. Sa huling bahagi, dapat ito ay magiging susi sa pagkilala sa kabayanihan ng ating mga frontliners.

Magagamit mo ang mga nakalahad sa iyong pagbuo ng isang masining na tula para sa pagbibigay ng pagkilala o

pagpaparangal sa ating mga frontliner ngayong panahon ng pandemya.

Panuto: Basahin ang mga pahayag na nasa ibaba. Isulat ang TAMA kung wasto ang tinutukoy ng salitang may

salungguhit at MALI kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa intermediate paper.

________1. Ang talinghaga ay tawag sa salik ng hiwaga o palaisipan ng tula.

________2. Ang pabula ay isang uri ng panitikan na tumatalakay sa mga aral ng Diyos mula sa Bibliya.

________3. Ang simile ay isang uri ng tayutay na tahasang paghahambing sa dalawang magkaibang bagay.

________4. Ang metapora ay paghahambing ng dalawang magkaibang bagay nang di-tahasan o tuwiran.

________5. Ang etimolohiya o palaugatan ay ang pagkilala sa kasaysayan ng pinagmulan ng salita at kahulugan

nito.

________6. Ang pang-uri ay paglalarawan o nagbibigay-katangian sa isang pangalan.

________7. Ang alamat ay isang uri ng panitikan tungkol sa awit ng mga yumao.

________8. Ang pagpapalit-tawag ay ginagamit upang tukuyin ang isang bagay na malapit sa isinasalaysay na

katangian.

________9. Ang lantay ay tumutukoy sa kaantasan ng pang-uri na hindi naghahambing.

________10. Ang pahambing ay ang ikalawang kaantasan ng pang-uri. Ang kaantasang ito ay naghahambing ng

dalawa o higit pang pangngalan.

IKALIMANG LINGGO

Maikling Pagsusulit

Mahusay! Ang dami mo nang natapos na gawain. Ngayon, dadako tayo sa bahaging pagpapalalim. Ihanda ang

iyong sarili upang tuklasin ang mga pagpapahalaga, kultura at masasalaming tradisyon sa mga akdang Kanluranin.

10 FILIPINO 9// MGA AKDANG PAMPANITIKAN MULA SA ASYA AT NOLI ME TANGERE// SY: 2021-2022

Nilalaman: Alamat

\\

Nilalaman: Parabula

Ang akdang pag-aaralan mo ngayon ay tungkol sa pagsasabi ng kasinungalingan at pagsasabi ng

katotohan. Alin nga ba ang mabuti sa dalawa? Natural lang na sabihing mali ang magsabi ng hindi totoo at

sadyang tama at mabuti naman ang pagiging tapat o totoo sa mga sinasabi. Ngunit sa akdang iyong babasahin

ay magkakaroon ka ng pagkakataong tingnan at pagnilayan ang mga ito. Handa ka na ba?

Ngayon, basahin mo ang alamat ni Saadi na nasa pahina 170 sa iyong batayang aklat, “Mula sa ‘Ang Gawin

ng mga Hari”.

GAWAIN 5: Fake or Real?

Panuto: Mula sa iyong binasa, anong mga detalye sa akda ang masasabi mong

makatotohanan at hindi makatotohanan? Gamitin ang grapikong pantulong sa ibaba upang

mabigyang linaw ang mga detalye sa akda. Gawin mo ito sa isang buong papel.

MAKATOTOHANAN

HINDI MAKATOTOHANAN

GAWAIN 6: Hiwaga ng Parabula

Panuto: Suriin mo ang parabula mula sa “Mathanawi”, pagkatapos ibigay ang mensahe at

solusyong ginawa sa problema sa tulong ng grapiko sa ibaba. Gawin mo ito sa isang buong papel.

Isang Parabula mula sa “Mathanawi”

Aral

mula

sa

Pabula

PROBLEMA

Paano binigyang SOLUSYON ang

problema sa parabula?

Ano nga ba ang parabula? Ang salitang parabula o “parable” sa Ingles ay paghahambing. Ito ay mga kwento na makalupang

pagsulat ngunit may makalangit na kahulugan. Ang mga nilalaman ng mga parabula ay nagmula sa sulat ng

Diyos na pumupuna sa mga masamang katangian ng tao. Ito ay hindi lamang kwento ngunit nagbibigay aral din

at matatagpuan sa bibliya na nakapagtuturo ng mga magagandang asal at espiritwal.

Ito ay nagmula sa salitang Griyego na “parabole” na ang ibig sabihin ay pagkukumpara. Ang mga

kwentong parabula ay galing sa Panginoon at nagbibigay pangaral sa sangkatauhan.

Ngayon, basahin mo ang isang parabula mula sa “Mathanawi”, pahina 144 sa iyong batayang aklat.

11 FILIPINO 9// MGA AKDANG PAMPANITIKAN MULA SA ASYA AT NOLI ME TANGERE// SY: 2021-2022

Sundin ang mga sumusunod na gabay sa iyong gawain:

1. Mag-isip ng isang frontliner na gusto mong bigyan ng pagkilala ngayong panahon ng pandemya.

2. Isaisip at tandan na ang iyong bubuuing tula ay kailangang sariling likha upang matiyak ng mga ahensya

at mga kritiko ang iyong pagkamalikhain at pagpapahalaga sa kulturang Asyano na pagkilala sa

kabayanihan ng mga frontliners.

3. Maging malikhain sa pagbuo nito.

4. Maging tiyak sa punto o diin na nais bigyan ng pagpapahalaga o pagkilala.

5. Pag-isipang mabuti ang gagawing tula na makaaantig sa puso ng mga frontliners bilang isang masining

na pagtatanghal. Ang lilikhaing tula ay maaaring printed, sulat-kamay o video habang binibigkas ang tula,

kung video ang iyong napili, mag-send ng sample video sa messenger ng inyong guro.

Nilalaman: Maikling Kuwento

IKAANIM NA LINGGO

Kumusta ang iyong pag- aaral sa nakaraang linggo? Naibigan mo ba ang mga akda na iyong

binasa? Mahusay kung gano’n. Ngayong linggong ito ay dadako ka sa isang bagong pagsubok

para sa iyong mas malalim na pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang kanluranin. Basahin

at alamin mo ang hiwaga na iyong matutuklasan sa “Ang mangingisda at ang Genie” sa pahina

160-163 sa iyong batayang aklat.

Panuto: Suriin at ipaliwanag kung anong tunggalian ng mga tauhan ang lumitaw sa binasang

kuwento. Pagkatapos ibigay ang mensaheng nais ipabatid ng maikling kuwento sa mambabasa.

Gamitin ang grapikong pantulong sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa isang buong papel.

GAWAIN 8: Sarili ang Kalaban ko!

Sa puntong ito, ikaw ay gagawa ng isang balangkas para sa lilikhaing tula. Sinuri mo kung paano sinulat

ng may akda ang isang tula na kinakitaan ng pagkilala at pagpapahalaga sa ating mga frontliners. Kaya sa

puntong ito, bilang isang kabataan sa panahon ng pandemya, kailangang makalikha ka ng isang balangkas ng

iyong isasagawang masining na pagsulat ng tula bilang isang pagtatanghal. Sa inisyal mong gawain, sinuri mo

ang isang tula at tinuklas mo ang estilo, paksa at kung paano binigyang pagkilala ang ating mga bayaning

frontliners. Kaya sa puntong ito, hinihingi ng kinatawan ng ahensya ng kalusugan at iba pang sektor ang

balangkas ng iyong lilikhaing tula para sa mga frontliners ngayong panahon ng pandemya.

GAWAIN 7: Pagbabalangkas

Tunggalian A

Tunggalian B

MENSAHE

12 FILIPINO 9// MGA AKDANG PAMPANITIKAN MULA SA ASYA AT NOLI ME TANGERE// SY: 2021-2022

Pinatnubayang Paglalahat

Mahalagang Tanong

Text 1

Ang Mangingisda at

ang Genie

Punla 9, pahina 160-163

Text 2

Isang Parabula mula sa

“Mathanawi”

ni Rumi ng Persiya

Punla 9, pahina 144

Text 3

“Ang Gawi ng mga

Hari”

Ni Saadi

Punla 9, pahina 170

Paano maipamamalas

ang pag-unawa sa mga

akdang pampanitikan

ng Kanlurang Asya?

Anong mga kultura ang

nakapaloob sa akdang

ito?

Anong mga kultura ang

nakapaloob sa akdang

ito?

Anong mga kultura ang

nakapaloob sa akdang

ito?

Maglahad ka ng patunay

sa iyong sagot.

Maglahad ka ng patunay

sa iyong sagot.

Maglahad ka ng patunay

sa iyong sagot.

Paano mo masasabing ito

ay magpapatunay sa

iyong sagot?

Paano mo masasabing ito

ay magpapatunay sa

iyong sagot?

Paano mo masasabing ito

ay magpapatunay sa

iyong sagot?

Magkakaparehong ideya na nasa mga katuwiran:

Paglalahat/ Mahalagang Pag-unawa:

Sa pulang ilaw, itala mo ang tatlong konsepto na hindi naging malinaw sa iyo.

Sa ilaw na dilaw, itala ang bahagi ng aralin na naunawaan mo ngunit kailangan

pa ng karagdagang paliwanag mula sa iyong guro.

Sa berdeng ilaw, itala ang mga natutuhan sa aralin na kaya mong ibahagi o ituro

sa iba.

Pokus na Tanong Bago Pagkatapos

Paano mo maipamamalas ang iyong pag-unawa at

pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng

Kanlurang Asya?

Sa bahaging ito ay tutulungan kitang palalimin ang iyong pag-unawa sa iba pang mga akdang

pampanitikan mula sa Kanlurang Asya. Dito ay susuriin mo ang piling mga akdang

pampanitikan na iyong nabasa batay sa konteksto nito. Inaasahan din na mapalalalim mo pa

ang iyong kasagutan sa tanong na Paano maipamamalas ang pag-unawa sa mga akdang

pampanitikan ng Kanlurang Asya?

Alam kong kayang-kaya mo ang mga gawaing inihanda sa bahaging ito.

GAWAIN 9: Pinatnubayang Paglalahat

PORMATIBONG PAGTATAYA

Natutuwa ako sa’yo! Ang dami mo nang natapos na gawain. Ano na kaya ang mga pagkatutong

natamo mo sa bahaging ito? Tara, alamin natin. Gawin mo ang pormatibong pagtataya sa ibaba.

Ngayon, bago ka dumako sa katapusang bahagi ng modyul na ito, tingnan natin ang naging

kaibahan sa iyong sagot mula sa “Bago” patungo sa “Pagkatapos” ng mapa ng konsepto ng

pagbabago. Sagutin mo na lamang ang bahaging “Pagkatapos”. Gamitin mo sa bahaging ito ang

ginamit mong papel sa Pagsasanay 2.

Mapa ng konsepto ng Pagbabago

KATAPUSANG BAHAGI NG PAGPAPALALIM

Inaasahang nagawa mong mapalalim ang iyong pag-unawa tungkol sa pagpapahalaga at pag-

unawa sa mga akdang pampanitikan ng Kanlurang Asya. Batid kong marami ka ng natutuhan sa

mga aralin at natuklasan mo ang kanilang natatanging panitikan. Ang susunod ay ang katapusang

bahagi ng modyul na ito kung saan inaasahang matupad mo ang panghuling gawain.

13 FILIPINO 9// MGA AKDANG PAMPANITIKAN MULA SA ASYA AT NOLI ME TANGERE// SY: 2021-2022

PERFORMANCE TASK: MAKAPAGTANGHAL NG ISANG MASINING NA LIKHANG

PAMPANITIKANG ASYANO

Sitwasyon:

Sa kabila ng mga hirap at serbisyong binigay ng mga frontliners ngayong pandemya. Marami pa ring

frontliners ang nawawalan ng pag-asa dahil sa mga negatibong reaksyon ng lipunan at korapsyon sa gobyerno

ngayong panahon ng krisis. Bilang isang kabataan na saksi sa hirap at oras na ibinibigay ng ating mga frontliners,

naglunsad ang Tanghalang Pambansa ng isang patimpalak at pagkilala sa ating mga frontliners sa pamamagitan

ng isang masining na pagtatanghal. Ang pagtatanghal na ito ay may layuning makilala ang mga bayani ng

pandemya o ang ating mga frontliners. Bilang isang kabataan, tungkulin mong maging daan upang mabigyang

sigla at pagkilala ang bawat nakikibuno sa gitna ng pandemya kahit buhay pa ng ating mga frontliners ang kapalit.

Ang entry na iyong ipapasa ay isang masining na pagtatanghal sa mga frontliners bibigyang-pagkilala ang

kanilang mga paghihirap at sakripisyong binigay sa lipunan kalakip nito na tangkilikin o kagiliwan ang mga

akdang pampanitikan ng Kanlurang Asya. Ito ay mapapanood o makikita hindi lamang ng mga mag-aaral o

kabataan, kundi maging ng mga magulang, mga guro, at mga kinatawanan ng ahensya ng kalusugan at ng ating

mga frontliners. Inaasahang maipakikita mo sa iyong masining na pagtatanghal ang husay ng nilalaman,

pagkamalikhain, organisasyon, dating o impact sa madla, at mahusay na paggamit ng wika.

(MAKALIKHA NG ISANG MASINING NA PAGTATANGHAL NA PUMAPAKSA SA KABAYANIHAN,

PAG-IBIG, PAGKALINGA AT PAGKILALA SA SAKRIPISYO NG MGA FRONTLINERS SA PANAHON

NG KRISIS AT PANDEMYA)

Mula sa iyong nalaman na mga mahahalagang impormasyon at pagsusuri sa pagsulat ng tula, kailangan

mong makalikha ng tula, makabago man o tradisyonal na naglalaman ng kabayanihan o pagkilala sa ating mga

frontliners ngayon panahon ng pandemya.

Panuto:

Isulat o i-print ang tula sa isang malinis na short coupon bond.

Huwag kalimutan ang pamagat ng iyong tula.

Kung lilikha ka ng tradisyonal na tula, sikaping taglay lamang nito ang apat na saknong

(maaaring may sukat o wala, maaari ding may tugma o wala).

Kung spoken word poetry ang lilikhain, sikaping 2-3 talata lamang at maaaring i-bidyu. I-send

mo na lang sa messenger account ng iyong guro.

Tandaan: Ang produkto na dapat mong magawa ay isang masining na pagsulat ng tula bilang isang

pagtatanghal.

Ang layunin mo sa bahaging ito ay ipakilala ang mga akdang pampanitikan mula sa Kanlurang Asya sa

pamamagitan ng pagbuo ng isang masining na pagtatanghal ng akdang pampanitikang Asyano. Dito mo na

mailalapat ang lahat ng iyong natamong pagkatuto sa mga nagdaang linggo at gawain.

Halina’t ipamalas mo ang iyong pagkamalikhain.

IKAPITONG LINGGO

GAWAIN 10: E-TANGHAL

14 FILIPINO 9// MGA AKDANG PAMPANITIKAN MULA SA ASYA AT NOLI ME TANGERE// SY: 2021-2022

Panimulang Pagtataya

A. 1. A. B. 1. Pasukdol

2. C. 2. Pahambing

3. B. 3. Pahambing

4. D. 4. Pasukdol

5. B. 5. Pahambing

Gawain 1: Paggamit ng Tayutay

Pahayag Uri ng Tayutay

1. tampo ng puso Pagpapalit-tawag 2. sanghiwang papaya ang buwan Metapora 3. loob na parang alipato Simile 4. sugat ng digma Alusyon 5. gubat ang gabi Alusyon

GAWAIN 2: Natatanging Salita

1. Pagsulat- pagguhit na likha ng lapis, bolpen, at iba pang pansulat.

Pag-akda- anumang nilikha ng isang manunulat.

2. Kuwento- isang paglalahad ng tunay o kathang pangyayari hinggil sa isang tao, bagay, pook, at

pangyayari.

Salaysay- paglalahad ng mga naganap hinggil sa tao, pook, o panahon.

GAWAIN 3: Pinasidhing Pang-uri

Pahayag Pang-uri na ginamit Antas ng Pang-uri 1. Si Arnulfo ang pinakamahusay sa klase ni G. Robles.

pinakamahusay Pasukdol

2. Mas malinis ang aking silid kaysa sa kwarto ng aking kapatid.

mas malinis Pahambing

3. Ang buhok ni Aleng Gloreng ay kasimputi ng ulap.

kasimputi Pahambing

4. Sintamis ng ubas ang aking pagmamahal sa iyo.

sintamis Pahambing

5. Sintangkad na ni Mario ang kanyang tatay.

sintangkad Pahambing

6. Higit na malakas ang Bagyong Rolly kaysa Bagyong Quinta sa rehiyon ng Bikol.

higit na malakas Pasukdol

7. Saksakan ng gwapo ang iniidolo kong mananayaw.

saksakan ng gwapo Pasukdol

8. Maliit pa ang bahay namin sa ngayon.

maliit Lantay

9. Di-gaanong masarap ang luto ni ate kaysa luto ni kuya Allan.

di-gaanong masarap Pahambing

10. Dapat tayong kumain ng pinakamasarap na pasta dahil kaarawan mo ngayon.

pinakamasap Pasukdol

SUSI SA PAGWAWASTO