10
Mga Bayani sa Panahon ng Kastila

Mga BAYANI SA PANAHON NG KASTILA - baixardoc

Embed Size (px)

Citation preview

MgaBayani sa Panahon

ngKastila

Lapu-lapu

Si Lapu-lapu ang kauna-unahang pinunong Pilipinong lumaban sa mga mananakop na Kastila.

Pinamumunuan ni Magallanes ang unang pangkat ng mga Kastilang nagtangkang sumakop sa

kapuluan. Nang dumating siya kasama ng kanyang mga sundalo sa pulo ng Mactan, magiting na

ipinagtanggol ni Lapulapu at ng kanyang mga tauhan ang kalayaan nila. Napatay si Magallanes

sa labanang iyon kaya't itinanghal na unang bayaning Pilipino si Lapu-lapu ng bansa.

Jose Rizal

Si Rizal ang pambansang bayani ng Pilipinas. Dalawang kilalang nobela ang sinulat niya - ang Noli Me

Tangere at El Filibusterismo. Inilarawan niya sa dalawang nobelang ito ang kawalang-katarungan at

pagmamalupit ng mga Kastila sa mga Pilipino. Binigyang-diin din niya ang pag-ibig sa bayan at ang

kinakailangang kalayaan ng ating bansa. Hindi naibigan ng mga Kastila ang isinulat niya kaya't ikinulong

siya at binaril sa Bagumbayan. Rizal Park o Luneta na ang tawag ngayon sa Bagumbayan.

Bata pa lamang si Rizal ay kinakitaan na siya ng katalinuhan. Tatlong taong gilang pa lamang siya nang

matutong bumasa. Kartilya ang kanyang unang aklat na may mga alpabeto at dasal. Kinagigiliwan niyang

makinig sa kanyang ina habang tinuturuan nito ang kanyang mga kapatid.

Apolinario Mabini

Isang napakatalinong tao at may napakatibay na paninidigan si Apolinario Mabini. Kahit

paralitiko siya, sumulat siya ng isang sanaysay hinggil sa mga tungkulin ng mga mamamayan sa

Diyos, sa bayan, at sa kanyang kapwa-tao. naging tagapayo siya ni Heneral Emilio Aguinaldo

noong panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano. Tinawag siyang Utak ng Himagsikan.

Andres Bonifacio

Si Andres Bonifacio ang nagtatag ng Katipunan. Ang Katipunan ay ang samahan ng mga

Katipunero. Ang mga Katipunero ay ang mga Pilipinong lumaban sa mga Kastila sa pamamagitan

ng sandata o himagsikan. Gusto nilang maging malaya ang mga Pilipino mula sa España.

Melchora Aquino

Si Melchora Aquino ay kilala rin sa pangalang Tandang Sora. Tinulungan niya ang mga

Katipunero. Binigyan niya sila ng pagkain at tirahan. Inalagaan pa niya ang mga may sakit at

sugatang Katipunero. Isa iyang matapang na Pilipino.

MgaBayani sa Panahon

ngAmerikano

Emilio Jacinto

Isinilang si Emilio Jacinto noong Disyembre 15, 1875 sa Trozo, Maynila. Ang mga magulang niya ay sina

Mariano Jacinto at Josefa Dizon. Nag-aral siya sa kolehiyo ng San Juan de Letran at kumuha ng

abogasya sa UST ngunit ito ay natigil nang siya ay sumapi sa Katipunan noong 1893. sa gulang na 19 siya

ay isa sa mga magagaling na pinuno ng Katipunan.

Kinilala siyang Utak ng Katipunan. Gumamit siya ng sagisag-panulat na Pingkian sa Katipunan. Itinatag

niya ang pahayagang Kalayaan, ang pahayagan ng katipunan. Ito'y pinamatnugutan katulong si Pio

Valenzuela. ang sagisag-panulat na kanyang ginamit ay Dimas Ilaw. Siya ang sumulat ng Kartilya ng

Katipunan. Si Jacinto ay lubhang nasugatan ngunit pinakawalan dahil sa sakit na malaria at disenterya.

siya ay binawian ng buhay sa Sta. Cruz, Laguna noong abril 16, 1899 sa edad na 24.

Manuel Luis Quezon

Si Manuel Luis Quezon y Molina (Agosto 19, 1878 – Agosto 1, 1944) ay ang

ikalawang Pangulo ng Republika ng Pilipinas (Nobyembre 15,1935–Agosto 1, 1944). Siya ang kinilala

bilang ikalawang pangulo ng Pilipinas, kasunod ni Emilio Aguinaldo (na ang administrasyon ay hindi

kinilala ng ibang bansa sa mga panahong iyon at hindi kinilala bilang unang pangulo sa mga kapisanang

internasyunal).

Naging manananggol si Quezon sa Baler. Noong 1906, nahalal siya bilang gobernador ng lalawigan ng

Tayabas, ngunit nagbitiw upang makapangampanya para sa Asambleya ng Pilipinas, kung saan nakamit

niya ang pagiging pinuno ng Asambleya. Mula 1909 hanggang 1916, nagsilbi si Quezon sa Estados Unidos

bilang naninirahang komisyonero para sa Pilipinas. Sa panahong ito naipasa ang Batas Jones (Jones Act), nagtatanggal sa Komisyon sa Pilipinas ng Estados Unidos at nagbibigay ng mas mataas na antas ng

pamamahala sa mga Pilipino. Dahil dito, itinuring na bayani si Quezon nang muli siyang magbalik sa

Pilipinas.

JOSE PALMA

Si Jose Palma ay isang makata at sundalong Pilipino. Siya ay naging tanyag sa pagsulat niya ng Filipinas,

na naging titik ng pambansang awit ng Pilipinas.

Siya ay isinilang sa Tondo, Maynila noong ika-6 ng Hunyo, 1876. Siya ay kapatid ni Rafael Palma na

naging pangulo ng Unibersidad ng Pilipinas. Ang kanilang mga magulang ay sina Hermogenes Palma at

Hilaria Velasquez. Nakatagpo ni Jose Palma noong nag-aaral siya sa Ateneo Municipal de Manila,