519

Tagalog Edition 22 - The New Life Mission

Embed Size (px)

Citation preview

Ang Layunin ng Diyos na Inihayag sa Genesis

Ang sinumang nais magtayo ng bahay

ay una munang gagawa ng disenyong nararapat sa tiyak na layuning ito, at pagkatapos ay bubuuin ang bahay ayon sa disenyong ito. Gayon din, ang ating Panginoon din ay kailangan ang isang disenyo upang iligtas ang sangkatauhan mula sa kasalanan at gawin ang sangkatauhan na maging bayan ng Diyos. Habang ang buong Salita ng Biblia ay pinakikita sa atin ang disenyo ng Diyos, lalo na ang Aklat ng Genesis na inihahayag ang Kanyang layunin sa higit na detalye. Sa disenyo ng kaligtasan ng Diyos, ang pinakamalinaw na naghahayag ng Kanyang layunin ay ang ebanghelyo ng Katotohanan ng tubig at ng Espiritu. Sa pamamagitan ng pananalig sa Salita ng Diyos, ating mababatid ang Kanyang mabuting kalooban tungo sa atin.

Ano ang layunin kung saan tayo ay niligtas ng Diyos? Nilikha tayo ng Panginoon upang ating papurihan ang katuwiran ng Diyos at ang Kanyang kalooban, at ito ay upang ibigay din ang espiritual na mga pagpapala ng Langit. Lahat ng ito ay ang hangarin ng Diyos na Kanyang hinanap upang ipahayag sa atin.

Inihayag ng Diyos ang Kanyang kalooban sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, at sa pananalig nitong layuning inihayag ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang Iglesia, ating makakamtan ito at magagalak. Lahat ng mga pagpapala na pinagkaloob ng Diyos sa atin ay palaging magiging atin. Hallelujah!

Maaari mong i-download ang Mga Aklat na Kristiyano ni Rev. Paul C. Jong sa Computer, Tablet o Smartphone.

Ang KALOOBAN ng BANAL na TRINIDAD

para sa SANGKATAUHAN

Mga Sermon sa Genesis (I)

Maaari mong i-download ang Mga Aklat na Kristiyano ni Rev. Paul C. Jong sa Computer, Tablet o Smartphone.

Ang KALOOBAN ng BANAL na TRINIDAD

para sa SANGKATAUHAN

PAUL C. JONG

Hephzibah Publishing House A Ministry of THE NEW LIFE MISSION

SEOUL, KOREA

Maaari mong i-download ang Mga Aklat na Kristiyano ni Rev. Paul C. Jong sa Computer, Tablet o Smartphone.

Mga Sermon sa Genesis (I) Ang Kalooban ng Banal na Trinidad para sa Sangkatauhan Karapatang paglalathala © 2007 ng The New Life Mission Lahat ng karapatan ay nakataan. Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ipadala sa anumang anyo o kahit anu pa, elektroniko o mekanikal, pati na ang pag-xerox, pagtatala o kahit sa anupang pag-iimbak ng impormasyon at pamamaraang retribal, nang walang kapahintulutan ng may-ari ng karapatang paglalathala. Ang mga Kasulatang binanggit ay mula sa Ang Banal na Kasulatan Biblia. ISBN 978-89-282-0289-8 ♠ Website: https://www.nlmission.com

https://www.bjnewlife.org https://www.nlmbookcafe.com

♠ E-mail: [email protected]

Mga Nilalaman

Maaari mong i-download ang Mga Aklat na Kristiyano ni Rev. Paul C. Jong sa Computer, Tablet o Smartphone.

Panimula -------------------------------------------------------------- 8

KABANATA 1

Ang Biblia ay ang Salita ng Kaligtasan, Hindi Aklat ng Agham (Genesis 1:1-2) -------------------------------------------------- 17

Ikaw ba ay Naging Ilaw sa Ebanghelyo ng Katotohanan? (Genesis 1:2-3) -------------------------------------------------- 45

Mula sa Kapangyarihan ng Kadiliman tungo sa Kaharian ng Anak (Genesis 1:2-5) -------------------------------------------------- 71

Unang Araw: Nang Pasimula ay Nilikha ng Diyos ang Langit at ang Lupa (Genesis 1:1-5) ------------------------------------------------- 133

Ang Tubig na nasa Itaas ng Kalawakan at ang Tubig sa Ilalim ng Kalawakan (Genesis 1:6-8) ------------------------------------------------- 173

Hiniwalay ng Diyos ang mga Tubig sa Pangalawang Araw (Genesis 1:6-8) ------------------------------------------------- 207

Maaari mong i-download ang Mga Aklat na Kristiyano ni Rev. Paul C. Jong sa Computer, Tablet o Smartphone.

Upang Matupad ang Kalooban ng Diyos (Genesis 1:9-13) ----------------------------------------------- 263

Upang Pumasok sa Gawain ng Diyos

(Genesis 1:9-13) ----------------------------------------------- 299 Tayo ay Maliligtas sa Lahat ng Ating Kasalanan kung Atin

Lamang Nakikilala Lahat ng Ating Kasamaan (Genesis 1:9-13) ----------------------------------------------- 342

Ano ang Dapat Gawin ng mga Lingkod ng Diyos na

Nananalig sa Ebanghelyo ng Tubig at ng Espiritu (Genesis 1:14-19) ---------------------------------------------- 358

Tayo ay Ginawa ng Diyos na Maging Makabuluhang

Mga Sisidlan (Genesis 1:16-19) ---------------------------------------------- 378

Ang Matuwid ay Mabubuhay Lamang sa pamamagitan

ng Pananampalataya (Genesis 1:20-23) ---------------------------------------------- 399

Italaga ang Inyong mga Puso sa Diyos

(Genesis 1:20-23) ---------------------------------------------- 431 Ang Buhay ng mga Taong may Pananampalataya na ang

Kanilang mga Puso ay Nananalig sa Salita ng Diyos (Genesis 1:20-23) ---------------------------------------------- 452

Ang Dahilan Bakit Tayo ay Ginawa ng Diyos sa

Wangis ng Kanyang Anyo (Genesis 1:24-31) ---------------------------------------------- 473

Tayo ay Nilikha sa Anyo ng Diyos

(Genesis 1:24-31) ---------------------------------------------- 497

8 Panimula

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

Panimula 9

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

Panimula

- Sa Kalooban ng Banal na Trinidad para sa Sangkatauhan -

Sinasabi sa Efeso 1:9-10, “Na ipinakikilala Niya sa atin ang hiwaga ng Kaniyang kalooban, ayon sa Kaniyang minagaling na ipinasiya Niya sa Kaniya rin. Sa pagiging katiwala sa kaganapan ng mga panahon, upang tipunin ang lahat ng mga bagay kay Cristo, ang mga bagay na nangasa sangkalangitan, at ang mga bagay na nangasa ibabaw ng lupa; sa Kaniya.” Sa pamamagitan ng Aklat ng Genesis, nais ipabatid ng Diyos sa atin ang Kanyang mabuting layunin sa atin. Saan nahayag ang kalooban ng Diyos para sa atin? Ito ay nahayag sa ebanghelyo ng Katotohanan ng tubig at ng Espiritu na tinupad ng Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Dapat nating makilala itong mabuting hangarin ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya, na nahayag sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Upang magkagayon, kung ating kinikilala ang Salita ng Diyos, dapat nating iwaksi ang ating kasalukuyang mga karnal na kaisipan, at manalig sa Salita ng Diyos ayon sa nakasaad nito. Lahat tayo ay dapat itapon ang ating maling kaalamang naipon hanggang ngayon, at buksan ang ating espiritwal na mga mata sa pamamagitan ng paglalagay ng ating pananampalataya sa katuwiran ng Diyos.

Tayo’y wastong makapananalig lamang sa Diyos kung ating wastong nauunawaan ang Kanyang mabuting mga hangarin na nahayag sa Kanyang Salita. Ito ay upang ihayag at ipakita sa atin ang mga hangaring ito kaya sinulat ng Diyos ang Salita ng paglilikha sa mga langit at ang lupa. Dapat nating maunawaan kung ano ang mga hangarin ng Diyos na Trinidad tungo sa sangkatauhan nang Kanyang nilikha ang kalawakan. Hinangad ng

10 Panimula

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

Diyos na gawin ang bawa’t tao sa wangis ng Kanyang anyo. Kung unang nilikha ng Diyos ang tao bago ang ibang

nilalang nang Kanyang nilikha ang kalawakan at lahat ng bagay nito, kung gayon malinaw na ang tao ay naging isang hadlang sa mabuting mga hangarin ng Diyos. Tinatanggihan ng tao ang anumang bagay na hindi maunawaan sa antas ng kanilang mga kaisipan. Samakatuwid, malibang iwaksi ng isang tao ang kanyang sariling mga kaisipan, wala siyang magagawa kundi ang maging salungat sa kalooban ng Diyos, dahil imposible para sa kanya na maunawaan ang mga hangarin ng Diyos sa pamamagitan ng kanyang sariling karnal na kaisipan. Sa katunayan, hindi ba labis na maraming tao ang sumasalungat sa tunay na pag-ibig ng Diyos ngayon, yaong mangmang sa Kanyang katuwiran?

Ang Salita ng Katotohanan ng Diyos ay tulad ng plano ng disenyo ng Kanyang katuwiran. Sa kalawakang ito na puno ng kadiliman, ang Diyos ay naging ilaw ng Katotohanan. Sa unang araw ng paglikha, iniutos ng Diyos na magkaroon ng liwanag sa kadiliman, sa gayon pinapabatid sa atin ang Kanyang mabuting mga hangarin mula sa pasimula, ang pagbibigay ng ebanghelyo sa tunay na pagpapatawad sa kasalanan sa ating mga puso na naroon sa espiritwal na kadiliman. Ang hangarin ng Diyos na Trinidad ay upang magtagumpay sa kadiliman sa pamamagitan ng ilaw ng Katotohanan, upang ating makamtan ang Kanyang biyaya ng kaligtasan, gayong tayo ay gapos ng kamatayan sa pagkabihag sa mga panlilinlang ni satanas.

Sa pangalawang araw ng paglikha sa mga langit at sa lupa, inihiwalay ng Diyos ang tubig na nasa itaas ng kalawakan sa tubig na nasa ilalim nito. Ang hangarin ng Diyos na nahayag sa pangalawang araw ay ang Kanyang pagliligtas sa ating lahat mula sa mga salita ni satanas sa pamamagitan ng paghihiwalay ng Kanyang Salita at sa mga salita ng diablo. Samakatuwid, dapat

Panimula 11

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

tayong mamuhay na may pananampalatayang batay sa Salita ng Diyos, at, upang magkagayon, dapat muna tayong maligtas sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu na nahayag sa Salita ng Diyos. Sa ikatlong araw, iniutos ng Diyos sa lahat ng tubig na nasa ilalim ng kalawakan na magsama-sama sa isang dako at nagkaroon ng tuyong lupa. Nang iutos ito ng Diyos, ang Kanyang hangarin ay upang ibunyag ang ating kasamaan at gawin tayong sumunod lamang sa Kanyang katuwiran.

Sa ikaapat na araw ng paglikha ng mga langit at lupa, ginawa ng Diyos ang araw, ang buwan, at ang mga bituin. Ang mga hangarin ng Diyos na nahayag sa ikaapat na araw ay upang ipakita na sa pamamagitan ng Kanyang mga lingkod na nagliwanag sa kadiliman na may pananalig sa Kanyang katuwiran na ang Diyos ay pinalalawig ang ilaw ng kaligtasan dito sa lupa at tumutupad sa Kanyang kalooban. Sa pamamagitan ng araw, ng buwan, at ng mga bituin sa kalawakan, pinahahayag ng Diyos ang Kanyang katuwiran, sa Kanyang mga lingkod, at sa ating mga puso. At nang inutos ng Diyos sa ikalimang araw na hayaang lumipad sa alapaap ang mga ibon at ang tubig ay sumagana ang mga isda ayon sa uri ng mga ito, pinakikita Niya sa ating lahat kung ano ang tiyak na katangian ng tunay na pananampalataya. Sa pamamagitan ng Kanyang gawain sa ikalimang araw, inihayag ng Diyos na ating makikilala ang Kanyang katuwiran sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, at sa pamamagitan ng pananalig nitong Salita, tatalunin natin lahat ng ating mga balakid at pagtatagumpayan.

Sa ika-anim na araw, nilikha ng Diyos ang tao sa wangis ng Kanyang anyo. Upang ang tao ay maging Kanyang mga anak kaya nilikha ng Diyos ang tao, upang maihayag Niya ang Kanyang katuwiran, at maluwalhati rin nating lahat. Tayo samakatuwid ay dapat kamtan ang kapatawaran sa ating mga

12 Panimula

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

kasalanan sa pamamagitan ng binigay ng Diyos na ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at purihin ang makatarungang Diyos.

At sa huli, ang Diyos ay nagpahinga sa ikapitong araw ng Kanyang paglikha sa mga langit at lupa. Itong ikapitong araw ay inihahayag na ibig ng Diyos na Siya lamang ang maluwalhati, dahil nilayon Niya lahat ng bagay at tinupad ang lahat alinsunod sa Kanyang mga hangarin. Ibig sabihin na sa paglikha ng kalawakan at ng sangkatauhan, natupad ng Diyos ang lahat ng bagay alinsunod sa Kanyang kalooban. Ito ay upang ipagkaloob sa atin ang tunay na kapatawaran sa kasalanan, upang pagpalain tayo na maging Kanyang mga anak, at upang ihatid ang Kaharian ng Langit sa atin, kaya ang Diyos ay nagpahinga sa ikapitong araw.

Mula sa buong Salita ng Genesis, lahat tayo ay dapat mabatid kung ano ang hangarin ng Diyos sa sangkatauhan, panaligan ito, at sa gayon maabot ang ating kaligtasan. Ang mga nauna sa atin sa pananampalataya ay nanalig lahat at namuhay ayon sa Salita ng Diyos, at unang narating nila ang kapahingahan ng Diyos upang tayo ay mabuhay sa kaluwalhatian.

Ang buhay nitong huling panahon, dapat nating wastong malaman ang mabuting hangarin ng Diyos at panaligan ito. Malinaw na ang pangalawang pagdating ng Panginoon ngayon ay papalapit na sa atin. Tulad niyaon, yaong nananalig sa katuwiran ng Diyos ay huwag mahulog sa ilang mga Kristiyanong doktrina na walang kabuluhan at nag-aaksaya lamang ng panahon, nguni’t sila sa halip ay palawigin ang katuwiran ng Diyos sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Kapag tayo ay nabubuhay na nagtitiwala sa Salita ng tubig at ng Espiritu, kung saan nahayag ang katuwiran ng Diyos, ating malalasap ang tunay na kapahingahan. Sa pananahan sa katuwiran ng Diyos, dapat tayong mapuspos ng pananampalataya kay Jesu-Cristo. Sa pamamagitan ng kaalaman at pananalig sa katuwiran ng Diyos

Panimula 13

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

ating malalasap ang tunay na pag-asa, tunay na kapahingahan, at tunay na walang hanggang buhay.

Samakatuwid, higit na maraming tao sa buong sanlibutan ang nangangaral ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Kasabay nito, gayon pa man, makikita rin natin na bagaman ang mga tao sa sanlibutan ay nagsasabi na ang katapusan ng daigdig ay malapit na, iilan ang tunay na nagpapakita ng pagnanais sa kanilang sariling kaligtasan. Sa kasalukuyang panahong ito, makikita natin kung gaano ang kamangmangan ng karamihang mga Kristiyano sa katuwiran ng Diyos, at paanong ang mga huwad na doktrina at kakaibang mga ugali ang namamayani sa Kristiyanismo. Di-mabilang na mga Kristiyano ang nagdurusa ngayon sa espiritwal na kauhawan at napapahamak, walang kakayanang lutasin ang suliranin ng kanilang mga kasalanan.

Ngayon, tayo’y tinawag upang palawigin ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa buong sanlibutan. Sa kasalukuyang ito, kapag ang pangalawang pagbabalik ni Jesu-Cristo at ang Araw ng Paghuhukom ay nalalapit na, dapat nating wastong nakikilala ang hangarin ng Diyos sa ating mga buhay. Atin sa gayong makikilala kung ano ang ating dapat malaman at ano ang ating dapat panaligan. Kung kayo pa rin ay nabubuhay sa pagdurusa sa pagkabilanggo ng kasalanan, pinapayo ko na kayo’y agad na manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ang ebanghelyong binigay ng Diyos sa inyo, at kamtan ang inyong tunay na kaligtasan.

Sa inyong pagpapatuloy sa buhay sa panahong ito, kailangan ninyong maingat na suriin kung anong uri ng katotohanan ang inyong dapat panaligan. Kailangan ninyong alamin ang tiyak na Katotohanan ng kaligtasan sa katuwiran ng Diyos, at kailangan kayong mamuhay na may buong pagtitiwala sa kaloobang ng Diyos. Para sa mga bata pa sa pananampalataya, kailangan natin silang wastong turuan kung ano ang sinasabi ng katuwiran ng

14 Panimula

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

Diyos. Itong mga huling araw, ang gawain na ating dapat iukol sa ating mga sarili, tulad ng mga unang isinilang na muli, ay ang wastong pagtuturo sa iba ukol sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu na inihahayag ang katuwiran ng Diyos, upang sila’y manalig at kamtan ang kapatawaran sa kanilang mga kasalanan; at yaong nagkamit ng kapatawaran sa kanilang mga kasalanan, ang ating gawain ay ituro sa kanila ang ganap pag-uukol sa matuwid na gawain na naglilingkod sa katuwiran ng Diyos. Tayo’y dapat magtagumpay sa ating pagpapagal upang mabuhay sa ating nalalabing buhay sa pamamagitan ng pagtitiwala sa katuwiran ng Diyos, at pagkatapos ay makatatayo sa harapan ng presensya ng Panginoon.

Binibigay ko ang aking pagbati sa lahat ng aking kasama sa buong sanlibutan. Itong mga sermon ay inilaan para sa mga anak ng Diyos na sumampalataya na sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, maging sa mga nagnanais na makilala itong katuwiran, sampalatayanan ito, at mabuhay para dito. Umaasa ako at dumadalangin na sa pamamagitan ng aklat na ito, kayong lahat ay mabatid at sundin ang kalooban na inilaan ng Diyos para sa ating mga tao, at tunay na magtagumpay sa pamamagitan ng inyong pananampalataya sa Diyos. Hinihiling ko sa Diyos na hirangin kayong lahat sa pamamagitan ng Kanyang mga pagpapala.

Naniniwala ako na ang katuwiran ng Diyos ay iingatan kayo at ako at pagpapalain tayong lahat. Buong taimtim kong nais na lahat tayo ay patuloy na ibahagi ang tunay na pakikipisan sa ating iisang pananampalataya na inilagay sa katuwiran ng Diyos, hanggang sa araw na tayo’y pumasok at magkita sa Kaharian ng Diyos.

Paul C. Jong

Maaari mong i-download ang Mga Aklat na Kristiyano ni Rev. Paul C. Jong sa Computer, Tablet o Smartphone.

KABANATA 1

Maaari mong i-download ang Mga Aklat na Kristiyano ni Rev. Paul C. Jong sa Computer, Tablet o Smartphone.

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

Ang Biblia ay ang Salita ng Kaligtasan,

Hindi Aklat ng Agham

< Genesis 1:1-2 > “Nang pasimula ay nilikha ng Dios ang langit at ang

lupa. At ang lupa ay walang anyo at walang laman; at ang kadiliman ay sumasa ibabaw ng kalaliman. At ang Espiritu ng Dios ay sumasa ibabaw ng tubig.”

“Nang pasimula ay nilikha ng Dios ang langit at ang lupa.”

Itong talata mula sa Genesis 1:1 ay ang unang talata na ating makikita kapag binuksan ang Biblia. Sinabi ng Diyos, “Nang pasimula ay nilikha ng Dios ang langit at ang lupa. At ang lupa ay walang anyo at walang laman; at ang kadiliman ay sumasa ibabaw ng kalaliman. At ang Espiritu ng Dios ay sumasa ibabaw ng tubig.” Nang sinabi rito, “ang lupa ay walang anyo at walang laman; at ang kadiliman ay sumasa ibabaw ng kalaliman,” ito’y naglalarawan ng kalagayan ng puso ng mga hindi isinilang na muli.

Ang Biblia ay hindi aklat ukol sa agham. Ang Biblia ay ang Salita ng Katotohanan na nagliligtas sa bawa’t isa sa kasalanan. Ito ang Salita na naghahatid ng kapatawaran ng kasalanan ng sangkatauhan. Ang Salita ng mga Kasulatan ay ang pinagpalang Salita ng kaligtasan na sinabi ng Diyos at tinupad sa sangkatauhan. Tulad sa nasusulat, “Saliksikin ninyo ang mga kautusan, sapagka’t iniisip ninyo sa mga yaon ay mayroon

18 Ang Biblia ay ang Salita ng Kaligtasan, Hindi Aklat ng Agham

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito’y siyang nangagpapatotoo tungkol sa Akin” (Juan 5:39). Ang Biblia ay ang Salita na magtutulot sa sangkatauhan na maligtas sa kasalanan at kamtan ang buhay na walang hanggan. Samakatuwid, ang tao upang maligtas sa kanyang mga kasalanan, una sa lahat dapat muna niyang mabatid ang kalagayan ng kanyang puso sa pamamagitan ng Salita ng mga Kasulatan.

Nang sinabi ng Diyos dito, “Ang lupa ay walang anyo,” inilalarawan Niya ang kalagayan ng puso ng bawa’t isa. Sinasabi ng Salita ng Diyos na ang puso ng bawa’t isa ay walang anyo tulad nito, at sa tunay na katangian nito ay likas na makasalanan. Sa puso ng bawa’t isa, lahat nitong tatlong kalagayan ng walang kaanyuan, walang laman, at ang kadiliman. Sa ibang pananalita, ang pagiging walang anyo, walang laman, at kasalanang nasa kalaliman ng mga puso ng tao, sa kanilang mga isip at mga kaisipan. Na ang mga kaisipan ng sangkatauhan ay “walang anyo” tinutukoy dito yaong hindi nakikilala ang Salita ng Katotohanan ng Diyos, at bunga nito ay hindi nakikilala si Jesu-Cristo. Ang salitang “walang laman” ay tumutukoy sa walang kasiyahang kalagayan ng puso ng mga makasalanan. Na ang kadiliman ay nananatili sa kalaliman ng puso ng tao, sa kabilang dako, nangangahulugan na ang mga kasalanan ng sangkatauhan ay nakakubli sa kalaliman ng kanilang mga puso.

Sa kanila na hindi tunay na nasumpungan ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung binigay ng Panginoon sa atin, ang kanilang mga puso ay inilarawan sa pagiging walang anyo. Sa ibang salita, hindi nila nalalaman kung ano ang Katotohanan ng Diyos—ito ay, hindi nila nalalaman kung ano ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu—at kaya sila’y nangaliligaw, bitag ng kanilang sariling mga kaisipan. Ang dahilan dito, kung bakit ang mga tao dito sa lupa ay naliligaw, dahil ang kanilang mga

Ang Biblia ay ang Salita ng Kaligtasan, Hindi Aklat ng Agham 19

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

kaisipan ay likas sa kalituhan. Ang kanilang nalilitong mga kaisipan ay nagiging imposibleng lutasing mag-isa lahat ng kanilang mga suliranin

Ang sanhi bakit ang puso ng bawa’t isa ay walang laman at walang anyo dahil wala sa puso ng bawa’t isa ang Salita ni Jesus. Sa ibang pananalita, dahil ang mga tao ay nabigong tupdin ang Salita ng Katotohanan ng Diyos sa kanilang mga puso kaya ang kanilang mga isipan ay naging walang laman at nasa kalituhan. Ang kawalan ay nananatili sa kanilang mga puso dahil ang kanilang mga puso ay hindi maaaring manahan ang Panginoon, Siya na nagbigay sa kanila ng kapatawaran sa kanilang mga kasalanan.

Sa ngayong talata sa Kasulatan, ang “kadiliman” ay tumutukoy sa kasalanan ng sangkatauhan. Ito’y tumutukoy sa kalagayan kung saan ang isang tao ay nananatiling hindi nahugasan sa kanyang mga kasalanan, dahil sa kanyang kabiguang wastong maunawaan ang ebanghelyo ng Katotohanan ng tubig at ng Espiritu. Sa mga taong ang kasalanan ay nananatili, ganap na dahil siya’y hindi nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Samakatuwid, ang lahat ay dapat mabatid at manalig alinsunod sa kalooban ng Diyos na ang ebanghelyo ng Salita ng tubig at ng Espiritu ay ang Katotohanan. Gayon pa man, yamang maraming tao pa rin ang hindi nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ang kasalanan ay patuloy na nananatili sa kanilang mga puso maging sa araw na ito. Ito ay dahil hindi nila nababatid sa katunayang ang Diyos ay ang Panginoong lumikha ng mga langit at ang lupa, ang buong kalawakan at lahat ng bagay nito, at ang pag-aalis ni Jesus sa lahat ng kanilang kasalanan. Nguni’t maging ngayon, karamihan sa mga tao ay naninindigan sa kanilang mabubuting mga gawa at hindi nakikilala ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Sinasabi ng Biblia na ang gayong tao, hanap ang pagtataguyod

20 Ang Biblia ay ang Salita ng Kaligtasan, Hindi Aklat ng Agham

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

ng kanilang sariling katuwiran, hindi nagpapasailalim sa katuwiran ng Diyos (Roma 10:2-3).

Anong mangyayari sa puso ng gayong mga makasalanan kung gayon? Yamang ang kanilang mga puso ay nanatiling makasalanan, sila’y balisa sa kalituhan, hindi nalalaman kung ano ang Katotohanan ng kaligtasan ng Diyos. Sa lahat ng hindi ganap na tumanggap sa Salita ng Diyos ayon sa nasasaad, dapat nilang pag-aralan at wastong mabatid kung ano ang Katotohanan ng tubig at ng Espiritu. Ang sinumang hindi nalalaman ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu na inihayag sa Salita ng Diyos ay balisa sa kalagayan ng kanilang sariling mga kaisipan ng kalituhan. Ang tao yaon ay mga makasalanan sa harap ng Diyos.

Tulad sa nasasaad, ang “lupa” sa ngayong talata sa Kasulatan ay tumutukoy sa puso ng tao. Na ang lupa (puso ng tao) ay walang anyo at walang laman ay tumutukoy na ang ating mga kasalanan sa harap ng Diyos ay humahadlang sa atin na makilala ang Panginoon, at sanhi nito, ang ating mga puso ay balisa sa kalituhan at kawalan. Sa ibang salita, ang kalituhan ay dumating sa mga isipan ng tao nang sila’y lumayo sa Diyos at sa Katotohanan ng tubig, ng dugo, at ng Espiritu, sa hindi pananalig sa tunay na Salita ng kaligtasan ng Diyos. Aking kapwa mga mananampalataya, maliban ang tao ay manalig sa Diyos bilang kanyang Tagapagligtas, Siya na lumikha sa mga langit at sa lupa, hindi malalaman ang tunay na Katotohanan. At ang taong walang kaalaman sa Katotohanan ng Diyos siya’y naliligalig sa kalituhan. Hindi niya maaaring mabatid kung sino ang lumikha sa lahat ng bagay nitong sanlibutan, at kung sino ang Diyos. Di-mabilang na mga tao ang nangahulog sa kalituhan, hindi nalalaman kung ang isang bato, ang araw, ang buwan, isang malaking puno, o isang elepante ay Diyos. Ito kung bakit ang Diyos, tinutukoy ang kalagayan ng puso ng makasalanan, ay

Ang Biblia ay ang Salita ng Kaligtasan, Hindi Aklat ng Agham 21

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

sinasabing, “Ang lupa ay walang anyo, at walang laman; at ang kadiliman ay sumasa ibabaw ng kalaliman.”

Kapag ang tao ay hindi kinilala ang Salita ng Diyos sa kanilang mga puso, sila’y mababagabag sa kalituhan. Kapag ang tao ay hindi tunay na nalalaman na ang Diyos na lumikha sa lahat ng bagay ay walang iba kundi si Jesu-Cristo; na si Jesus ay naparito sa lupa sa katawan ng tao; na Kanyang kinuha lahat ng kasalanan ng sangkatauhan minsan para sa lahat sa pamamagitan ng bautismo na Kanyang tinanggap kay Juan Bautista; na Siya’y nagbubo ng Kanyang mahalagang dugo sa Krus; at Siya’y nabuhay na muli at umakyat sa Langit, silang lahat ay nahantong na mamumuhay ng kanilang buong buhay nakagapos sa kalituhan, sa kawalan, at sa kadiliman. Iyan kung bakit labis na maraming tao ang hindi maliligtas sa kanilang mga kasalanan, walang hanggang paikot-ikot sa kalituhan, kawalan, at kadiliman.

Aking mga kapwa mananampalataya, nilikha ni Jesu-Cristo ang kalawakan kasama ang Diyos Ama at ang Banal na Espiritu. Ito ba ang katotohanan o hindi? Tunay na ito ang katotohanan. Ibig sabihin nito na si Jesu-Cristo ay ang Panginoon ng kalawakan. Ang kasalanan ng sangkatauhan walang iba kundi ang paglayo mula sa Diyos ng Katotohanan, ang hindi pananalig kay Jesu-Cristo bilang Tagapagligtas, at hindi pananalig ng puso kay Jesus na Siyang naparito sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu (Juan 16:9). Hindi ba kasalanan sa tao ang walang pananalig sa Panginoon na Siyang lumikha sa kanila bilang kanilang Panginoon, at hindi kinikilala ang kanilang orihinal na Panginoon? Oo. Sa ibang salita, ito’y binubuo ng kasalanan na kapag ang isang tao ay hindi nananalig kay Jesu-Cristo bilang kanyang Tagapagligtas, at bigong nananalig na inalis Niya ang ating mga kasalanan sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ang

22 Ang Biblia ay ang Salita ng Kaligtasan, Hindi Aklat ng Agham

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

paglayo ng isang tao kay Jesu-Cristo ay ang tunay na kasalanang aakay sa kanya na mahulog sa kapahamakan. Ito ang daan na mag-aakay ng kalituhan sa sangkatauhan. Sila na lumalayo sa Diyos na hindi nananalig sa Kanya ay nangaliligaw, dahil sila’y hindi nananalig sa Salita ng Katotohanan.

Ang Kawalan at Kasalanan sa Puso ng mga Tao Walang iba kundi si Jesus lamang ang makapagbibigay ng

tunay na kasiyahan sa ating mga tao. Subali’t, dahil ang mga tao ay hindi tinanggap kung ano ang ginampanan ni Jesus na ating Tagapagligtas nang Siya’y naparito sa lupa, si Cristo ay hindi makapapasok at maaaring manahan sa kanilang mga puso, at iyan kung bakit walang laman ang kanilang mga puso.

Upang punan ang kanilang mga pusong walang laman, ang mga tao ay dapat tanggapin sa kanilang mga puso ang Salita ni Jesus, na Siyang puspos ng buong katotohanan. Upang magkagayon, dapat tayong manalig ng ating mga puso sa lahat ng bagay ng ginawa ni Jesus nang Siya’y naparito sa lupa. Dapat tanggapin ng ating mga puso na si Jesus ay binautismuhan upang kuhanin lahat ng ating kasalanan, na Kanyang binubo ang Kanyang dugo at namatay sa Krus, at Siya’y nabuhay na muli. Kung tunay na kinikilala ng inyong mga puso at tinatanggap kung ano ang ginawa ni Jesus para sa inyo, kung gayon ang kawalan sa inyong mga puso ay tunay na maglalaho.

Ang puso ng tao ay may katangian din ng kadiliman. Nang sabihin ng Biblia, “Ang kadiliman ay sumasa ibabaw ng kalaliman,” ibig sabihin na ang mga kasalanan ng bawa’t isa ay labis na nananatili sa kalaliman ng kanyang puso na siya mismo ay hindi nalalaman ito. Nangangahulugan din na ang tao ay sinisikap na ikubli ang kanilang mga kasalanan sa kanilang mga

Ang Biblia ay ang Salita ng Kaligtasan, Hindi Aklat ng Agham 23

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

buhay. Aking mga kapwa mananampalataya, ang taong nagkukubli ng kanyang mga kasalanan at tumatangging kilalanin ang kanyang kasamaan, sa gayon siya’y patuloy na mabubuhay gapos ng kadiliman. At siya’y hindi maisisilang na muli upang magbibigay kaluguran sa Diyos. Ang taong hindi nababatid at kumikilala kung gaano ang kahinaan at kanyang kasamaan, sa gayon hindi makikilala ang habag ng Diyos sa huli, at bigong makikilala ang Diyos ng kaligtasan sa pamamagitan ng Salita.

Malibang tanggapin ng tao ang Salita ng Diyos, hindi niya makikilala ang kanyang tunay na sarili, at kung hindi nakikilala ng isang tao ang kanyang tunay na sarili, sa gayon ay kanyang tatalikdan ang Diyos. Dahil ang tao ay hindi makikilala ang Diyos kaya sila’y nagsisikap na ikubli ang kanilang mga kasalanan, sinusubukang itaguyod ang kanilang mga sarili bilang mabuting tao at mag-isang iniingatan ang kanilang mga sarili. Ito ang mangyayari kung ang isang tao ay hindi kumikilala sa Salita ng Katotohanan ng Diyos.

Ito, aking kapwa mga mananampalataya, ay ang kasalanan. Lahat ng lumalayo sa Diyos, at yaong hindi nananalig sa Kanyang Salita, ay mga makasalanan. Mula sa pasimula, ang Diyos ay nangungusap sa gayong mga makasalanan, sinasabi sa kanila na ang kanilang mga puso ay walang anyo at walang laman, at ang kadiliman ay nasa ibabaw ng kalaliman.

Ang Diyos ay Kumikilos Lamang sa Atin sa pamamagitan ng Kanyang Salita

Sinasabi ng Biblia na ang Espiritu ng Diyos ay lumilibot sa

ibabaw ng tubig. Sa pamamagitan ng ano tinubos ng Diyos ang mga pagsalangsang ng mga makasalanan? Ito ay sa

24 Ang Biblia ay ang Salita ng Kaligtasan, Hindi Aklat ng Agham

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

pamamagitan ng Kanyang Salita kung saan tinutubos ng Diyos lahat ng kasalanan ng mga tao.

Sa Biblia, itong “tubig” ay tumutukoy sa Salita ng Katotohanan ng Diyos. Ang “lupa” ay tumutukoy sa puso ng tao. At ang “dagat” ay tumutukoy sa sanlibutan.

Nang sinabi rito, “Ang Espiritu ng Diyos ay sumasa ibabaw ng tubig,” nagsasaad kung saan kumikilos ang Espiritu ng Diyos, nagbabadya na ang Banal na Espiritu ay kumikilos sa loob ng hangganan ng Kanyang Sinabing Salita. Kapag ang tao ay tangan ang Salita ng Diyos at nananalig sa Salitang ito, ang Diyos ay kikilos sa kanilang mga puso sa pamamagitan ng Kanyang Salita, ganap na aalisin lahat ng kasalanan sa kanilang mga puso, at ililigtas silang lahat. Nilikha ng Diyos ang kalawakan sa pamamagitan ng Kanyang Salita, at sa pamamagitan din ng Salita ay Kanyang pinatawad lahat ng kasalanan ng bawa’t makasalanan.

Ano, kung gayon, ang kahulugan nang sabihin ng Biblia na ang Banal na Espiritu, na Siyang Diyos, ay lumilibot sa ibabaw ng tubig? Nangangahulugang ang banal na Espiritu ng Diyos—ito ay, ang Banal na Espiritu—hindi makapapasok sa puso ng makasalanan. Sinasabi ng talatang ito na bagaman nais ng Diyos na manahan sa puso ng mga tao at manatili sa kanila, hindi Niya magagawa ito hanggang may kasalanan sa kanilang mga puso.

Ang Diyos na Banal na Espiritu ay nais pumasok sa puso ng bawa’t isa, nguni’t Siya’y makapapasok lamang sa puso ng mga nagkamit ng kapatawaran sa kanilang mga kasalanan. Iyan kung bakit ang isang tao ay dapat manalig sa Salitang sinabi ni Jesus, at tanggapin sa kanyang puso ang kapatawaran sa kasalanan na naparito sa pamamagitan ng tubig at ng Espiritu. Sa gayon ang Panginoon ay makapapasok sa atin.

Sino ang lumikha ng kalawakan? Si Jesus, ang Siyang Diyos.

Ang Biblia ay ang Salita ng Kaligtasan, Hindi Aklat ng Agham 25

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

Sa likas na pananalita, si Jesus ay ang Diyos, ang Siyang gumawa sa atin at lumikha sa kalawakan. At si Jesus ay ang Diyos na Tagapagligtas na naparito sa lupa upang iligtas ang sangkatauhan sa lahat ng ating kasalanan. Si Jesus ang Diyos na lumikha sa lahat ng kalikasan. Paano, kung gayon, natin makikilala si Jesus? Ito ay sa pamamagitan ng Salita ng Katotohanan ng Diyos ay ating makikilala si Jesus. Kapag tayo ay nanalig sa ebanghelyo ng Salita ng Katotohanan ng kapatawaran sa kasalanan, tayo’y tunay na mapapatawad sa lahat ng ating kasalanan at masusumpungan ang Diyos. Atin sa gayong malalaman kung sino ang Diyos; anong uri ng kaugnayan mayroon tayo sa Diyos; ano ang kasalanang sinasabi ng Diyos; ano ang kaligtasan—ito ay, ang kapatawaran sa kasalanan—na tinutukoy ng Diyos; kung ano ang walang hanggang buhay na binigay ng Diyos; at anong uri ng mga pagpapala ng Diyos ang binigay sa atin. Sa pamamagitan ng pananalig kay Jesus tayo ay nananalig sa Diyos ng ating mga puso.

Ang Diyos ay kumikilos sa mga nananalig nitong tunay na Salita ng kaligtasan. At ang mga mananampalataya nitong Salita ang inililigtas ng Diyos, ginagawad ang kapatawaran sa lahat ng kanilang mga kasalanan. Pinagkaloob ng Panginoon ang kapatawaran sa kasalanan ng mga nananalig sa Salita ng kaligtasan ng Diyos. Gayon pa man, ang sinumang hindi makikinig o mananalig sa Salita ng Katotohanan ng Diyos, at samakatuwid ang kasalanan sa kanyang puso ay mananatili, sa gayon ang Diyos ay hindi makapapasok sa kanyang puso. Iyan kung bakit ang Diyos ay lumilibot sa atin, sinasabi sa atin na tanggapin muna ang kapatawaran sa kasalanan na Kanyang walang bayad na hinahandog sa bawa’t isa. At ito kung bakit sinasabi ng Biblia, “Ang Espiritu ng Dios ay sumasa ibabaw ng mga tubig.”

Ano, kung gayon, ang kasalanan ng sangkatauhan? Una, ito

26 Ang Biblia ay ang Salita ng Kaligtasan, Hindi Aklat ng Agham

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

ang pagtanggi sa Salita ng kaligtasan ng Diyos, na naghahatid ng tunay na kapatawaran sa kasalanan, at ang pagtangging manalig ang puso. Ang hindi pananalig ng sangkatauhan sa Katotohanan ng kaligtasan ng Diyos ay ang paggawa ng isang malaking kasalanan laban sa Diyos. Ang mga tao kadalasan ay nakikilala lamang ang kasalanan kapag sila ay nakagawa ng isang malubhang pagsalangsang, nguni’t iyan ay hindi ang tanging kasalanan. Ang di-pananalig kay Jesu-Cristo, na Siyang Salita, ay isang kasalanan. Ang tunay at pinaka-pangunahing kasalanan ay ang kabiguang kilalanin at manalig sa Salita ng Diyos.

Nguni’t sa kabila nito, yaong nangahulog sa kalituhan ay iniisip ang kanilang sarili na hindi kinikilala ang Diyos, naniniwalang kapag sila lamang ay nakagagawa ng pagkakamali kung saan itong kakulangan sa kanilang mga asal ay binubuo ang kasalanan. Salungat nito, nang likhain ng Diyos ang mga langit at ang lupa, nagsabi Siya sa sangkatauhan na ang kasalanan ay ang hindi paniniwala sa Diyos at sa Kanyang Salita, malinaw na pinabatid na ito ang simula ng kasalanan, ang pinagmulan at ang kahalagahan nito.

Anong uri ng makasalanan ang mga tao, dahil sa di-pananalig sa Diyos at sa Kanyang Salita? Sinabi ng Diyos kay Adan at Eba, “Sa lahat ng punong kahoy sa halamanan ay makakakain ka na may kalayaan, datapuwa’t sa kahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama ay huwag kang kakain, sapagka’t sa araw na ikaw ay kumain niyaon ay walang pagsalang mamamatay ka” (Genesis 2:16-17). Bagaman si Adan ay naniniwala sa Diyos, hindi siya nanalig sa Kanyang Sinabing Salita sa kabuuan nito, kaya siya sa huli ay kumain ng bunga ng pagkilala ng mabuti at masama. Mula rito ang kasalanan ay nagsimula.

Yamang si Adan at si Eba ay hindi nanalig sa Salita ng

Ang Biblia ay ang Salita ng Kaligtasan, Hindi Aklat ng Agham 27

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

Diyos, ano ang naging mga kahinatnan na sinundan mula rito? Ang mga tao, nalinlang sa tukso ni satanas, ay nagwakas na maging mga makasalanan, nilisan ang Diyos, nagkasala sa Kanya, tinanggihan ang Kanyang Salita, ang higit na malubha nito, sila’y pumanig sa diablo. Sa hindi pananalig sa Salita ng Diyos, ang mga tao ay nakilala ang kanilang mga sarili bilang mga makasalanan na susumpain. Lahat ng lumayo sa Diyos dahil sa di-pananalig sa Kanyang Salita ay naging mga makasalanan sa harap ng Diyos. At ang sangkatauhan ay sinumpa, itinakdang mahatulan ng Diyos.

Ang isang makasalanan upang makaligtas sa sumpa ng Diyos, siya’y dapat manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu na naging katuwiran ng Diyos. Kapag ang sangkatauhan ay mananalig lamang sa Salita ng Katotohanang ito sila ay makapanunumbalik sa Diyos. Lahat tayo ay dapat manumbalik sa tunay na Salita ng Diyos, tanggapin ito na may pananalig. Upang ang isang kasalanan ay makapanumbalik sa Diyos, dapat niyang talikuran ang kanyang hindi pananalig, mula sa kanyang pagtanggi tungo sa pananalig sa Salita ng Katotohanan ng Diyos.

Mula sa Aklat ng Genesis, lahat tayo ay malalaman kung ano ang kasalanang sinasabi ng Diyos, kung paano lumapit ang Diyos sa mga makasalanan, at kung paano inihanda ang Kanyang gawaing pagliligtas at mga pagpapala. Nang tayong mga tao ay nahulog sa kasalanan, ang ating Panginoong Jesus, na Siyang Diyos, ay naparito sa atin bilang Tagapagligtas ng mga makasalanan, at pinatawad lahat ng kasalanan ng bawa’t makasalanan. Sa pamamagitan ng Kanyang Salita nilikha ng Diyos ang mga langit at ang lupa. Tulad nito, sa pamamagitan din ng Kanyang Salita pinagkaloob ng Diyos sa atin ang kapatawaran sa ating mga kasalanan, at maging ang Kaharian ng Langit.

28 Ang Biblia ay ang Salita ng Kaligtasan, Hindi Aklat ng Agham

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

Nang Likhain ng Diyos ang mga Langit at ang Lupa, Ginawa Niya ang mga Ito sa pamamagitan ng Kanyang Salita

Nang likhain ng Diyos lahat ng bagay sa ilalim ng mga

langit at sa lupa, inutos Niya sa pamamagitan ng Kanyang Salita. Sinabi Niya: “Magkaroon ng liwanag”; “Magkaroon ng isang kalawakan sa gitna ng tubig, at mahiwalay ang tubig sa kapuwa tubig”; “Sibulan ang lupa ng damo, pananim na nagkakabinhi, at punong kahoy na namumunga ayon sa kaniyang pagkakahoy, na taglay ang kaniyang binhi sa ibabaw ng lupa, at nagkagayon”; “Bukalan ng sagana ang tubig ng mga gumagalaw na kinapal na may buhay, at magsilipad ang mga ibon sa itaas ng lupa sa luwal na kalawakan ng himpapawid”; at, “Bukalan ang lupa ng mga may buhay na kinapal, ayon sa kanikaniyang uri.”

Nilikha ng Diyos lahat ng bagay sa pamamagitan ng Salita na nagmula sa Kanyang mga labi. Tulad ng buong kalawakan at lahat ng bagay nito ay nangyari ang lahat dahil sa Salita ng Panginoon, kaya ang kapatawaran sa kasalanan ng sangkatauhan ay dumating sa atin sa pamamagitan ng Salita ng Panginoon. Upang maligtas tayong nahulog sa kasalanan dahil sa hindi pananalig sa tunay na Salita ng kaligtasan ng Diyos, ang ating Panginoon ay muli tayong hinanap sa pamamagitan ng Salita ng katuwiran ng Diyos. Dapat nating mabatid na hindi sa pamamagitan ng ating mga panaginip o ng ating mga pangitain kaya ang Diyos ay lumalapit sa atin, bagkus Siya’y lumapit sa atin sa pamamagitan ng Salita ng katuwiran. Ang Panginoon ay hindi nakikipagkita sa atin sa pamamagitan ng ilang di-pangkaraniwang mga karanasan.

Nasusulat, “Nang pasimula ay nilikha ng Dios ang langit at ang lupa. At ang lupa ay walang anyo at walang laman; at ang kadiliman ay sumasa ibabaw ng kalaliman. At ang Espiritu ng

Ang Biblia ay ang Salita ng Kaligtasan, Hindi Aklat ng Agham 29

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

Dios ay sumasa ibabaw ng tubig. At sinabi ng Dios, ‘Magkaroon ng liwanag’; at nagkaroon ng liwanag” (Genesis 1:1-3).

Ibig sabihin ng talatang ito na yamang nilikha ng Diyos itong buong kalawakan sa pamamagitan ng Salita, kaya ang Diyos ay lumapit sa mga makasalanan sa pamamagitan ng Kanyang Salita ng katuwiran nang tayo ay mahulog sa kasalanan. At nangangahulugan nang niligtas ng Panginoon ang mga makasalanan sa kanilang mga kasamaan at tinupad ang kanilang kapatawaran sa kasalanan ayon sa sinabi ng Diyos.

Upang maligtas ang lahat ng taong nahulog sa kasalanan, si Jesus ay dumating at hinanap sila sa pamamagitan ng Salita ng Katotohanan ng Panginoon. Yamang si Adan at si Eba ay nahulog sa pagkakasala, ang lahat ay naging makasalanan din. Paano hinanap ng Panginoon ang gayong mga tao? Siya’y naparito sa pamamagitan ng Salita ng Katotohanan at biyaya. Ating tignan dito ang Isaias 55:1-3:

“Oh lahat na nangauuhaw, Magsiparito kayo sa tubig; At siyang walang salapi, Magsiparito kayo, kayo’y magsibili at magsikain. Oo, kayo’y magsiparito kayo’y magsibili ng alak at gatas Ng walang salapi at walang bayad. Ano’t kayo’y nangaggugugol ng salapi sa hindi pagkain? At nang inyong gawa sa hindi nakakabusog? Inyong pakinggan Ako, at magsikain kayo ng mabuti, At mangalugod kayo sa katabaan. Inyong ikiling ang inyong tainga, at magsiparito sa Akin. Kayo’y magsipakinig, at ang inyong kaluluwa ay

mabubuhay; At Ako’y makikipagtipan sa inyo ng walang hanggan— Samakatuwid bagay ng tunay na mga kaawaan ni David.” Nang ang mga kaisipan ng lahat ay gapos sa kalituhan, at

30 Ang Biblia ay ang Salita ng Kaligtasan, Hindi Aklat ng Agham

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

ang puso ay nasa kawalan ng kadiliman sa ibabaw ng kalaliman, naparito ang Panginoon sa pamamagitan ng tunay na Salita ng kaligtasan sa lahat ng makasalanang lumayo sa Diyos at sa Kanyang Salita. Tulad sa nasusulat, “Inyong ikiling ang inyong tainga, at magsiparito sa Akin. Kayo’y magsipakinig, at ang inyong kaluluwa ay mabubuhay; At Ako’y makikipagtipan sa inyo ng walang hanggan—Samakatuwid bagay ng tunay na mga kaawaan ni David.” Sa pamamagitan ng Salita ng Kanyang Katuwiran ang Diyos ay muling dumating sa atin.

Dapat Kayong Magbalik sa Salita ng Diyos Walang iba kundi ang Biblia na inyo at aking taglay ay ang

Salita ng Diyos. Ang Biblia ay ang Salita ng Diyos. Dapat nating malaman ang Salita ng Diyos at tanggapin ito ng may pananampalataya. Sa tatlong Persona ng Diyos—ang Ama, ang Anak, at ang Espiritu—ang Anak ang Salita ng Diyos. Itong Salita na ating binabasa ngayon ay Diyos (Juan 1:1).

Yamang ito ang katotohanan, kapag yaong nananalig sa Panginoon ay binabasa ang nasusulat na Salita ng mga Kasulatan, isinasagawa nila ito na may pananalig bilang Salita ng Diyos. Salungat nito, ang mga makasalanang hindi nananalig sa Panginoon ay hindi naniniwala na ang Biblia ay ang Salita ng Diyos, hindi sila naniniwala na ang Salita ay Diyos.

Ang Diyos ay Espiritu, nguni’t Siya rin ang Logos—ito ay, ang Salita. Ang tunay na Salita ng Biblia ay ang Salita ng Diyos. At ang Salita ay Diyos. Ang Panginoong Jesus ay pumasok sa puso ng mga makasalanan sa pamamagitan ng Salita ng kaligtasan, dahil Siya ang Diyos ng Salita. Sa paglapit sa mga makasalanan sa pamamagitan ng Kanyang Salita, sinabi ng Diyos, “Inyong hanapin ang PANGINOON samantalang Siya’y

Ang Biblia ay ang Salita ng Kaligtasan, Hindi Aklat ng Agham 31

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

masusumpungan, Magsitawag kayo sa Kanya samantalang Siya’y malapit. Lisanin ng masama ang kaniyang lakad, At ng liko ang kaniyang mga pagiisip; At manumbalik siya sa PANGINOON, At kaaawaan Niya siya, At sa aming Dios, Sapagka’t Siya’y magpapatawad ng sagana” (Isaias

55:6-7). Kung hindi sa Salitang sinambit ng Diyos sa atin, paano

tayo sasampalataya sa Panginoon bilang ating Tagapagligtas? Paano natin makikilala ang Panginoon? Kung ang Panginoon ay tatawagin ang ating mga pangalan at magpapakita sa atin sa pangitain sa Kanyang buong kaluwalhatian, at sabihin sa atin, “Aalisin Ko lahat ng iyong kasalanan,” tayong lahat ay manghihina at mamamatay. Hindi tulad natin, ang Diyos ay walang katawan. Siya’y lumalapit sa atin at nangungusap sa atin bilang Salita ng Katotohanan. Sinabi Niya sa atin, “Inyong hanapin ang PANGINOON samantalang Siya’y masusumpungan, Magsitawag kayo sa Kanya samantalang Siya’y malapit. Lisanin ng masama ang kaniyang lakad, At ng liko ang kaniyang mga pagiisip; At manumbalik siya sa PANGINOON, At kaaawaan Niya siya, At sa aming Dios, Sapagka’t Siya’y magpapatawad ng sagana.”

Ang Diyos ay malapit sa atin sa pamamagitan ng Kanyang Salita. Yamang ang Panginoon ay nasa puso ng mga ligtas, para sa mga di-mananampalataya, Siya’y higit na malapit sa kanila, bilang ang Salita ng Diyos. Ang Panginoon ay palagiang malapit sa mga makasalanan, kasama nila ay ang Salita. Kung ang mga makasalanan ay tatawag sa Diyos habang buhay pa rin, kung sila’y tunay na titingin sa Kanya, ang Diyos ay tunay na katatagpuin sila sa pamamagitan ng Kanyang Salita.

32 Ang Biblia ay ang Salita ng Kaligtasan, Hindi Aklat ng Agham

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

Upang masumpungan ang Diyos, ang masama ay dapat munang talikdan ang kanilang paraan, at ang kanilang di-matuwid na mga kaisipan. Ang salitang kasamaan dito ay tumutukoy sa mga hindi tinatanggap ang Salita ng katuwiran ng Diyos. Ang masama ay dapat tumalikod sa kanilang paraang hindi pagkilala sa katuwiran ng Diyos. Yaong di-matuwid sa harap ng Diyos ay yaong hindi tinatanggap ang Salita ng Katotohanan ng Diyos at gumagawa ng kasalanan, at kasama ng masasama, kanila ring dapat talikdan ang kanilang mga kaisipan na hindi naniniwala at nanunumbalik sa Diyos ng Katotohanan. Ang masasama at di-matuwid lahat ay magkatulad na mga makasalanan, at upang ang makasalanan ay manumbalik sa Diyos, dapat silang lumapit sa ebanghelyo sa pamamagitan ng pananalig sa katuwiran ng Diyos, anuman ang uri ng kasalanan ang kanilang kinahulugan.

Upang magkagayon, dapat muna nilang mabatid kung gaano ang kapalaluan nila sa kabiguang makilala ang Salita ng katuwiran ng Diyos. Lahat ng makasalanan ay maaaring makilala ang Diyos at manalig sa Kanya kung kikilalanin lamang nila ang kasamaan ng kanilang mga sarili, kilalanin ang kanilang kabiguan, kilalanin ang Diyos, at tanggapin na ang Diyos ay ang kanilang Panginoon at kanilang Tagapagligtas. Bawa’t makasalanan ay makababalik sa Diyos, nguni’t kung kikilalanin lamang at mananalig sa sinambit na Salita ng Katotohanan ng Diyos.

Kapag ating kinilala ang Salita ng Diyos sa pamamagitan ng pananalig ng ating mga puso tayo’y makapanunumbalik sa Diyos. Nauunawaan ba ninyo ito? Ito ang tanging paraan upang sangkatauhang tumalikod sa Diyos ay makapanumbalik sa Kanya. Ang isang makasalanan ay maaaring magbago at manumbalik sa Diyos kung kikilalanin lamang niya ang Kanyang kapangyarihan at tatanggapin ang Kanyang sinambit na Salita.

Ang Biblia ay ang Salita ng Kaligtasan, Hindi Aklat ng Agham 33

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

Upang Manumbalik sa Diyos, Talikdan Muna ang Inyong Sariling mga Kaisipan

Ang isang tao ay hindi makapanunumbalik sa Diyos sa

pamamagitan lamang ng pagtawag sa pangalan ng Panginoon, isinisigaw, “Panginoon!” Ang ibang mga pastor ay umangkin tulad nito, sinasambit ang talata mula sa Roma, na nagsasabing, “Ang lahat na nagsisitawag sa pangalan ng PANGINOON ay mangaliligtas” (Roma 10:13). Gayon pa man, hindi ang tiyak na pangyayari na ang isang tao ay makapapanumbalik sa Diyos sa pamamagitan lamang ng pagsasalita, “Diyos, ako’y nananalig.” Lahat ng ito ay pawang sariling kaisipan ng isang tao. Para sa lahat, kapag ang isang tao ay kinikilala lamang ang Salita ng Diyos kung saan siya’y makapanunumbalik sa Diyos at makikilala Siya. Ang masama ay makapanunumbalik lamang sa Diyos kung kanyang tatalikdan ang kanilang mga kaisipan.

Kaming mga taong matuwid na naligtas, at maging yaong mga makasalanang di-ligtas, lahat ay nakagawa ng maraming pagkakamali sa Diyos. Nguni’t sa kabila nito, kinuha ng Diyos lahat nitong mga pagsalangsang sa pamamagitan ng Kanyang katuwiran. Kinuha ng Kanyang sarili lahat ng kasalanan na ating nagawa sanhi ng ating mga maling kaisipan, mga maling unawa, at mga kahinaan. Kinuha ng Panginoon lahat itong mga kasalanang nagawa ng tao sanhi ng kanilang mga kahinaan at kamangmangan. Inyo bang nababatid kung gaano ang kamangmangan nating mga tao sa harap ng Diyos? Gaano kadalas tayong nagkaroon ng maling kaisipan, kabiguan at maling kaunawaan, at nabigong makita ng tuwid, lahat dahil wala tayong anumang paniniwala? Iyan kung bakit tayo’y nahantong sa pagkakasala dito sa lupa. Nguni’t sa kabila ng lahat nito, hindi ba kinuha ni Jesus lahat ng kasalanang ito? Tunay nga, pinasan ni Jesus lahat ng ating kasalanan at kinuha

34 Ang Biblia ay ang Salita ng Kaligtasan, Hindi Aklat ng Agham

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

lahat ng ito. Si Jesus ay ang ating Tagapagligtas. Sa talatang mula kay Isaias na sinambit sa itaas, sinasabing, “Lisanin ng masama ang kaniyang lakad, At ng liko ang kaniyang mga pagiisip; At manumbalik siya sa PANGINOON, At kaaawaan Niya siya, At sa aming Dios, Sapagka’t Siya’y magpapatawad ng sagana.” Sinasabi ng Diyos sa atin na talikdan ang ating sariling mga

kaisipan at manumbalik kay Yahweh. Aking mga kapwa mananampalataya, inyo bang nababatid kung gaano ang kasamaan ng ating mga kaisipan sa harap ng Diyos? Ang ating mga kaisipan ay kasamaan mismo.

Tunay nga, kinuha ng Panginoon maging lahat nitong maling mga kaisipan, nguni’t labis na marami pa ring mga dalubhasang pilosopo at mga dalubhasa sa agham ang hindi naniniwala sa Diyos. Sila yaong ang mga puso ay naging matigas dahil sa kanilang mga kaisipan. Sinasabi nila, “Nasaan ang Diyos? Paano magiging Diyos si Jesus, at paanong ang Diyos ay Diyos ng Salita? Paano Niya ginawa ang buong kalawakan at sangkatauhan? Ang lahat ay naganap sa pamamagitan ng ebolusyon.” Kaya maraming tao dito sa lupa ang nag-akala tulad nito.

Gayon pa man, sinasabi ng Diyos sa masasama na talikdan ang kanilang mga kaisipan at manumbalik kay Yahweh. Sinasabi ng Diyos na upang ang mga makasalanan ay mapatawad sa kanilang mga kasalanan, dapat muna nilang talikdan ang kanilang masasamang kaisipan at manalig sa katuwiran ng Diyos. Dapat nating mabatid kung gaano ang kasamaan ng ating mga kaisipan. At dapat nating mabatid na sa harap ng Diyos, ang pagyayabang ng di-paniniwala sa Salita ng Diyos ay isang malaking kasalanan.

Ang Biblia ay ang Salita ng Kaligtasan, Hindi Aklat ng Agham 35

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

Gayon pa man, kinuha ng Panginoon lahat ng kasalanan ng sangkatauhan sa pamamagitan ng bautismo, mula sa mga kasalanang nagawa sanhi ng ating mga kahinaan hanggang sa mga kahinaan ng ating mga kaisipan at mga asal. Iyan kung bakit tayo’y makababalik sa Diyos na si Yahweh sa pamamagitan ng pananampalataya. Sinasabi ng Diyos, “Lisanin ng masama ang kaniyang lakad at manumbalik sa Akin.” Ang atin bang mga kaisipan ay may kapintasan o walang kapintasan sa harap ng Diyos? Ang inyo bang mga kaisipan ay matuwid o hindi moral? Kailangan nating mabatid lahat ng kaisipang taglay natin na kung wala ang Salita, maliban sa ating pananampalataya sa Salitang sinambit ng Diyos at ang mga kaisipang nagbunga mula sa pananampalatayang ito, ay masasama. Ang mga kaisipang likha ng tao ay likas na kamalian. Sa pagitan ng ating sariling mga kaisipan at ang Salita ng Diyos, alin ang wasto? Tunay na ang Salita ng Diyos ang wasto.

Si Friedrich Nietzsche (1844-1900), ay isang pilosopong Aleman, nagsabi na ang Diyos ay patay. Inakala niya, “Dahil ang Diyos ay patay kaya ang kasamaan ay labis na makapangyarihan dito sa lupa bagaman sila’y nakagagawa ng labis na kasamaan! Iyan kung bakit ang Diyos ay patay!” Habang si Nietzsche ay naglalakbay sa dagat, lumubog ang barko at nailigtas sa isang bangka. Nguni’t ang mga alon ay naglalakihan at siya’y halos nalunod, at sinasabing siya sa huli ay nanalangin sa Diyos, na nagmamakaawa, “O Diyos, iligtas ako!” Si Nietzsche, nagsabing ang Diyos ay patay, ay humingi ng saklolo sa Diyos upang siya ay iligtas.

Kaya siya’y niligtas ng Diyos, at muling naituntong ang kanyang paa sa lupain. Makalipas ang ilang araw, nang si Nietzsche ay nagtuturo, muli niyang sinabi, “Walang Diyos. Ang Diyos ay patay.” Sa kanyang pagtuturo, may ilang mga pasahero na nakasama ni Nietzsche sa lumubog na barko, at

36 Ang Biblia ay ang Salita ng Kaligtasan, Hindi Aklat ng Agham

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

narinig nila ang kanyang sinabi, “Ang ginoong si Nietzsche ay isang nakapagtatakang tao. Nang siya’y nasa karagatan, sinabi niyang ang Diyos ay buhay, nguni’t ngayong siya’y nasa lupa, sinasabi niyang patay ang Diyos. Kaya ang kanyang mga panukala ay huwad.”

Ganito kung paano mag-isip lahat ng tao. Kapag sila’y nahaharap sa lubhang mahigpit na pangangailangan, hinahanap nila ang Diyos, nguni’t kapag sila’y nasa maayos na kalagayan, sinasabi nilang patay ang Diyos. Bakit nila nagagawa ito? Dahil ang gayong mga tao ay ayaw sumuko sa Diyos. Walang iba kundi itong kasalanang di-pananalig sa Diyos, at ang gayong tao ay ang pinakamalubhang makasalanan na lumalayo sa Diyos.

Ang Salita ng Katotohanan ng Diyos ay Naiiba sa mga Kaisipang ng Sangkatauhan

Kung nais ninyo na ang inyong mga kaluluwa ay maligtas

sa kasalanan, kung gayon talikdan ang inyong sariling mga kaisipan. At isipin ukol sa bautismo at sa Krus ni Jesu-Cristo, na Siyang naparito sa pamamagitan ng Salita ng Diyos. Ang ating mga maling kaisipan ang gumawa sa atin na tanggihan ang Salita ni Jesus. Sinasabi ng Panginoon, “Magsiparito sa Akin, kayong lahat na nangapapagal at nangabibigatang lubha, at kayo’y Aking papagpapahingahin” (Mateo 11:28).

Kinuha ng Panginoon lahat ng ating kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo. Samakatuwid, upang ang mga makasalanan ay makilala ang Diyos, dapat nilang talikdan ang kanilang sariling mga kaisipan at manumbalik kay Jesu-Cristo. Sinasabi ng Biblia na ang Diyos sa gayon ay “mahahabag sa” kanila. Sanhi ng Kanyang kahabagan sa mga makasalanan, inilipat ni Jesus lahat ng kanilang pagsalangsang

Ang Biblia ay ang Salita ng Kaligtasan, Hindi Aklat ng Agham 37

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

sa Kanyang sariling katawan sa pamamagitan ng bautismo ni Juan higit 2,000 taong lumipas.

Nasusulat: “Sapagka’t ang Aking mga pagiisip ay hindi ninyo mga pagiisip, O ang inyo mang mga lakad ay Aking mga lakad,’ sabi ng PANGINOON. Sapagka’t kung paanon ang langit ay lalong mataas kay sa lupa, Gayon ang Aking mga lakad ay lalong mataas kay sa iyong mga lakad, At ang Aking mga pagiisip kay sa inyong mga pagiisip” (Isaias 55:8-9).

Ang matuwid na kaisipan at ating mga kaisipan ay likas na magkaiba. Ang mga ito ay ganap na may pagkakaiba ang antas. Sa ating sariling mga kaisipan tayong mga tao ay nagrereklamo, “Bakit nilikha ako ng Diyos, upang dumanas ng paghihirap tulad nito dito sa lupa? Hindi ko maunawaan bakit Niya ako ginawa tulad nito, bakit Niya ako isinilang tulad nito.” At yaong sinisisi ang Diyos ay sinisisi rin ang kanilang mga magulang. Iniisip nila, “Hindi ko maunawaan bakit ang aking mga magulang ay hindi ako iniwanan ng anumang mana, bakit nila ako isinilang gayong sila’y labis na dukha, at bakit nila hinayaan akong mabuhay tulad nito, nagdurusang lubos at kinamumuhian ng marami.” Hindi lamang nila ito sinasabi sa kanilang mga kaisipan, nguni’t ito ay tahasan nilang sinasabi sa kanilang mga magulang.

Gayon pa man, sinasabi ng ating Panginoon na hinayaan Niya ang pagdurusa upang sila’y Kanyang maligtas lahat ng makasalanang lumayo sa Diyos sa kasalanan at dinamtan sila ng Kanyang luwalhati, upang pahintulutan Niya sila na hanapin ang Diyos. Ang sangkatauhan ay hindi hahanapin ang Diyos kung walang paghihirap dito sa lupa at lahat ng bagay ay maayos. At kung ang tao ay walang mga kakulangan at mga kahinaan, sa gayon hindi sila magiging mga anak ng Diyos sa pamamagitan ng pananalig kay Jesus. Iyan kung bakit pinahintulot ng Diyos sa sangkatauhan ang maghirap dito sa lupa, nguni’t panumandali

38 Ang Biblia ay ang Salita ng Kaligtasan, Hindi Aklat ng Agham

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

lamang. Dahil ang mga kaisipan ng sangkatauhan at ang mga kaisipan ng Diyos ay ganap na magkaiba.

Sasabihin ng tao, “Ang Diyos marahil ay nilikha tayo dahil sa kalungkutan, bilang Kanyang mga laruan upang aliwin ang Kanyang sarili.” Maraming tao ang nag-iisip nito. Iyan kung bakit ang ibang mga tao ay sinusumpa ang Diyos at dinuduro Siya. Subali’t, ang mga kaisipan ng Diyos ay naiiba sa ating mga kaisipan.

Nilikha ng Diyos ang mga tao upang tayo ay gawin Niyang bayan at Kanyang mga anak, upang tayo’y mabuhay na maligaya sa paraiso ng daigdig at sa Kaharian ng Langit. Nilikha ng Diyos ang sangkatauhan upang malasap nila ang walang hanggan, walang katapusang buhay tulad ng Diyos. Sa pamamagitan ng gayong layunin tayo’y nilikha ng Diyos, at upang matupad lahat ng hangaring ito, binautismuhan si Jesus, namatay sa Krus, at muling nabuhay, sa gayon ay matutupad lahat ng ito. Walang iba kundi ito ang katalagahan ng Diyos.

Nilikha ng Diyos ang sangkatauhan upang maghatid ng tunay na kaligayahan at mga pagpapala sa ating mga tao. Subali’t, hindi ito kung paano tayo mag-isip sa ating mga kaisipang likha ng tao, at sa halip kadalasan ay ating sinisisi ang Diyos, nagsasabi ng mga salitang paglapastangan, “Kung ginawa ng Diyos ang sangkatauhan, hindi Niya dapat ginawa ang kasamaan o ang diablo.”

Ginawa ba ng Diyos ang diablo? Hindi. Si satanas na diablo ay isang orihinal na anghel. Ang anghel na ito ay nagkasala dahil tinanggka niyang itaas ang kanyang sarili higit na mataas kaysa sa Diyos. Iyan kung bakit ang anghel ay naging satanas. At inyong dapat mabatid din sa katotohanang upang tulutan tayo na maligtas sa kasalanan sa pamamagitan ng pananalig sa Kanyang katuwiran ang Diyos ay hinayaan ang bayan ng Israel na huwag Siyang tanggapin.

Ang Biblia ay ang Salita ng Kaligtasan, Hindi Aklat ng Agham 39

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

Upang maipaliwanag ang kalooban ng Diyos ng lalong madali, hayaang ibigay ko ang kaugnayan sa pagitan ng limang-taong-gulang na bata at sa kanyang mga magulang. Kapag ang mga nakatatanda ay magsasagawa ng gawain, maingat nilang inihahanda lahat ng kailangan bago sila tunay na magsisimula. Nguni’t ang isang bata ay hindi nauunawaan ito, gaano man ang pagsisikap na ipaliwanag ito sa kanya.

Ating ipalagay dito na tayo’y gagawa ng isang sopas. Kapag tayo ay gagawa ng sopas, atin munang binubuhos ang harina sa isang mangkok. Ang bata sa ating halimbawa, ay limang-taong-gulang lamang, nakita ito at magtatanong, “Bakit ninyo binubuhos ang harina?” Pagkatapos ay ating ibubuhos ang tubig sa mangkok. At muling magtatanong ang bata, “Bakit mo inilalagay ang tubig diyan?” Hindi niya nauunawaan bakit binuhos ang tubig, yamang ito ay walang saysay sa kanya. Atin ngayong sisimulang mamasain ang harinang may tubig. Magtatanong ang bata, “Bakit ninyo minamasa?” Pagkatapos ay ating pagugulungin ang harina sa pamamagitan ng isang roller. At ang bata ay muling magtatanong, “Bakit ninyo pinagugulungan?”

Sa isang bata, ang lahat ng bagay ay nais niyang malaman at kailangan ang pagtatanong. Kapag ating hiniwa ang pinanipis na harina, muling magtatanong ang bata, “Bakit ninyo hinihiwa?”; kapag ating pinakuluan ang tubig, itatanong niya, “Bakit ninyo pinakukulo ang tubig?”; at kapag ating iniligay ang sopas sa kumukulong tubig, siya’y muling magtatanong, “Bakit mo inilagay ang sopas doon? Bakit mo pakukuluan ito?”

Wala sa mga katanungan ng bata ang masasagot sa huli, nguni’t kapag ating hinayaang tikman ng bata ang sopas, sa gayon ay kanyang malalaman, “Ito pala ang sopas.” Samantala, lahat ng hakbang sa paggawa ng sopas ay wala sa kanya. Hangad lamang niya ang ibubunga nito, sa sopas na kanyang

40 Ang Biblia ay ang Salita ng Kaligtasan, Hindi Aklat ng Agham

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

tinikman, at ang kanyang nauunawaan ay, “Ito pala ang sopas. Wow! Sobrang sarap!”

Tulad nito, ang bata ay hindi nauunawaan lahat ng hakbang na ginagawa ng kanyang mga magulang sa paggawa ng sopas. Gayon din, gaano man sabihin sa atin ang layunin sa paglikha ng Diyos sa atin, at kung gaano man ipaliwanag sa atin itong hangarin at ang proseso ng paggawa ng Diyos sa atin bilang Kanyang mga anak upang mabuhay na maligaya, labis na mahirap pa rin para sa atin na maunawaan lahat ng ito, dahil tayo ay tulad lamang ng batang ito.

Dapat Nating Kilalanin ang Walang-kamaliang Salita ng Diyos

Ang pagsagawa nito ay ang pagkilala sa kabutihan ng

Diyos. Nilikha ng Diyos ang bawa’t isa upang pagpalain siya. Sa ibang pananalita, ito ay upang pagpalain tayo kaya tayo’y nilikha ng Diyos na isilang dito sa lupa. Sinasabi ng Diyos na Kanyang ginawa ang Kanyang ubasan at nagtanim ng pinakamainam na ubas, at inaasahan Niya na ito’y magbubunga ng mabubuting mga ubas (Isaias 5:2). Kung ang Diyos ay may tiyak na layuning gawin ang pinakamahusay na ubas, at Kanyang isinagawa ito, kung gayon dapat nating tanggapin lahat ng hakbangin.

Nguni’t sa kabila nito, ang mga tao ay hindi pa rin naniniwala sa Diyos. Sanhi nitong di-paniniwala sila’y itatapon sa isang basurahan. Ang taong hindi kumikilala sa Diyos bilang Diyos, bilang kabayaran sa kasalanan, nararapat lamang para sa kanya na itapon sa walang katapusang hukay ng apoy upang magdusa magpakailanman. Tanging ang mga makasalanan lamang ang itatapon sa impiyerno.

Ang Biblia ay ang Salita ng Kaligtasan, Hindi Aklat ng Agham 41

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

Marahil ang ibang tao ay magtatanong, “Hindi dapat ginawa ng Diyos ang impiyerno. Bakit Niya ginawa ito?” Aking kapwa mga mananampalataya, hindi wasto sa isang nilalang na hindi kilalanin ang kanyang Manlilikha. Inilarawan ito ng Biblia sa pamamagitan ng paghahalintulad sa isang gumagawa ng palayok. Kung tayo ay gagawa ng isang sisidlan, at kung sa anumang dahilan tayo ay hindi nasisiyahan dito, atin itong babasagin at itatapon, mayroon bang kamalian dito? Wala, bilang kanyang manlilikha, wala tayong ginagawang mali. Kung ating tinatanggap ito, mauunawaan natin na ating magagawa lamang, bilang pawang mga nilalang sa harap ng Diyos na ating Manlilikha, ay manalig lamang sa Kanya at tanggapin ang binigay Niya sa atin, at wala ng anumang paninisi sa Diyos.

Tayo ba ang Manlilikha? Hindi, tayo ay mga nilalang lamang. Anuman ang ginagawa sa mga nilalang, ito ang karapatan ng Manlilikha. Nang tayo ay likhain ng Diyos sa isang mabuting layunin para sa isang mabuting hangarin, ang hindi natin pagsuko dito ay isang kamalian at kasamaan. Walang iba kundi ang kasamaang ito ay mula sa diablo. Ito ay paghamon sa Diyos. Ang Diyos ay nabubuhay alinsunod sa Salita ng Katotohanan, at kailangan nating mabatid na ang ating di-pananalig sa Diyos, at hindi pananalig sa Kanyang Salitang sinabi, ay isang kasalanan. At dapat nating mabatid na ang Espiritu ng Diyos ay lumilibot sa ibabaw ng mga tubig. Ang Diyos ay kumikilos alinsunod sa Kanyang sariling Salita. Kapag ating kinikilala itong Salita, nananalig dito at sinusunod, sa gayon ating tiyak na masusumpungan ang Diyos.

Ang Salita ng Diyos ay Kumikilos sa Puso ng Tao Kung tayo’y mananalig at hahanapin lamang ang

42 Ang Biblia ay ang Salita ng Kaligtasan, Hindi Aklat ng Agham

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

kakaibang mga karanasan o mga likas na kapahayagan, sa halip ang pananalig sa Salita ng Diyos, kung gayon hindi natin masusumpungan ang Diyos. Nauunawaan ba ninyo ito? Nasusulat, “Ang Espiritu ng Dios ay sumasa ibabaw ng tubig.” Hindi sinulat ng Biblia na ang Espiritu ng Diyos ay lumilibot sa ibabaw ng mga tubig dahil lamang Siya’y naiinip. Ang Diyos ba ay walang kakayahang lumibot sa daigdig? Bakit hindi makapaglalakad ang Diyos sa daigdig? Sa katunayan, si Jesus ay naparito sa lupa at lumakad sa ibabaw nito. Ibig sabihin ng talatang ito na ang Banal na Espiritu ay hindi maaaring manahan sa puso ng mga makasalanan.

Ang natatanging mensahe na sinalita ng Diyos sa atin dito na ang mga makasalanan ay dapat manumbalik sa Salita upang masumpungan ang Diyos. Kaya yaon lamang nanumbalik sa Salita ang makakasumpong sa Diyos at isisilang na muli. Iyan kung bakit malinaw na tinutukoy ng Biblia ang dalawang punto: “Upang kayo ay maligtas sa inyong kasalanan, una, dapat ninyong mabatid na kayo ay mga tumpok ng kasalanan, at pangalawa, dapat kayong isilang na muli sa pamamagitan ng ebanghelyo ng Salita ng tubig at ng Espiritu.” Sa ibang salita, ang isang tao ay maisisilang na muli sa pamamagitan ng Salita ng Diyos at sa Banal na Espiritu na magtatatak sa kanya sa pamamagitan ng selyo ng Diyos.

Dapat nating malaman kung ano ang kasalanan sa harap ng Diyos, at kung sino ang Diyos. Dapat nating mabatid na ang puso ng mga lumayo sa Diyos ay nangalito at nasa kawalan, at ang kadiliman ay sumasaibabaw sa kalaliman. Ang di-pananalig sa Salita ng Diyos, ay isang kasalanan. Upang tayo’y makapanumbalik sa Diyos, dapat tayong magbalik sa Salita, at sa gayon lamang natin masusumpungan ang Diyos. Ang Salita ay Diyos, at ang Diyos ay kumikilos sa pamamagitan ng Kanyang Salita. Sa kabatirang ito, tayong lahat ay dapat

Ang Biblia ay ang Salita ng Kaligtasan, Hindi Aklat ng Agham 43

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

manumbalik sa Salita. Tayong mga matuwid ay dapat ding talikdan ang ating

sariling mga kaisipan. Maging tayong mga matuwid, upang pagpapalain, dapat nating iwaksi ang ating sariling mga kaisipan. Kapag ating nalalaman ang Salita ng Diyos tayo’y maaaring manalig sa Kanya. At kapag ating kinikilala ang Salita, tayo’y maaaring manalig sa Diyos, manunumbalik sa Kanya, at tanggapin lahat ng Kanyang pagpapala. Katangi-tangi, yaong katatanggap pa lamang ng kapatawaran sa kasalanan, at yaong nananatili pa ring may alinlangan at nasa kalituhan, ay dapat manumbalik sa Salita ng Diyos. At sila’y dapat makinig sa Salita at pagnilayang mabuti kung ano ang tunay na sinasabi ng Salita.

Gayon din ang pagpapayo ang nararapat sa mga makasalanan. Kung ang mga makasalanan ay hindi manumbalik sa Salitang ito, at kung kanilang hindi nalalaman ang Salita ng Diyos at manumbalik sa paraan nito, paano pa natin masusumpungan ang Diyos, at paano nila makakamit ang kapatawaran sa kanilang mga kasalanan mula kay Jesus? Sa mga makasalanang ding ito, kapag sila’y manumbalik lamang sa Salita ay kanilang masusumpungan si Jesus, masusumpungan ang Diyos, masusumpungan ang kanilang Manlilikha, at maliligtas sa kanilang mga kasalanan.

Iyan kung bakit sinasabi na ang Salita ng mga Kasulatan ay ang Panukat, ibig sabihin ay “ang panukat na tungkod ng kaligtasan, ang pamantayan na magtutulot sa atin na makilala ang Diyos, at ang pamantayan sa lahat ng paghahatol.” Ang Biblia ay hindi bagay na sinulat ng tao. Ang Diyos mismo ang sumulat nitong Biblia, at maging sa sandaling ito, patuloy na binabago ang di-mabilang na mga buhay. Kapag ating binabasa ang Biblia, ating malalamang tunay na mayroong Diyos at masusumpungan Siya. At kapag tayo ay nananalig sa Salita,

44 Ang Biblia ay ang Salita ng Kaligtasan, Hindi Aklat ng Agham

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

itong Salita ay papasok sa ating mga puso at kikilos sa ating mga buhay.

Ang Salita ay papasok sa ating mga isipan upang kumilos sa ating mga buhay, at wawasakin ang ating mga maling kaisipan. At ang Salita ang magtutulot sa atin na kamtan ang kapatawaran sa ating mga kasalanan at sundin ang kalooban ng Diyos. Yamang ang Salita ay buhay at makapangyarihan, ito’y kumikilos sa puso ng mga mananampalataya na may kapangyarihan.

“Nang pasimula ay nilikha ng Dios ang langit at ang lupa.” Paano tayo makikita ng Diyos, gayong tayo’y nahulog sa kasalanan? Mula sa ngayong talata sa Kasulatan, atin ngayong nakita ang katugunan sa tanong na ito, kung paano lumapit ang Diyos sa atin at kumikilos sa ating mga buhay. Sa pamamagitan ng Kanyang Salita tayo’y hinahanap ng Diyos at kumikilos dito sa lupa. Inyo ba ngayong nababatid ito?

Binibigay ko lahat ng aking pasasalamat sa ating Panginoon. Tayo ay tunay na nahulog sa kalituhan at kawalan, nguni’t ang ating Panginoon ay naghahanap sa atin at nakita tayo sa pamamagitan ng Salita. Yaong mga bata pa sa pananampalataya at yaong ngayon lamang narinig ang Salita at nakamtan ang kapatawaran sa kanilang mga kasalanan, ay kailangang makinig na mabuti sa Salita ng madalas.

Pinapayo ko sa inyo na huwag lumiban sa mga oras ng pagsamba at mga pagtitipon, nguni’t maging kabahagi sa lahat. Iyan ay dahil ang “pananampalataya’y nanggagaling sa pakikinig, at ang pakikinig ay sa pamamagitan ng salita ni Cristo” (Roma 10:17). Sa ating pakikinig ng tunay na ebanghelyo ng Salita ng tubig at ng Espiritu ay ating makikilala ang Diyos at lahat ng ating katanungan ay mabibigyang katugunan.

Ang Salita ng Diyos ay hindi isang aklat ng agham, bagkus ito ay ang Salita ng kaligtasan.

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

Ikaw ba ay Naging Ilaw sa Ebanghelyo ng

Katotohanan?

< Genesis 1:2-3 > “At ang lupa ay walang anyo at walang laman; at ang

kadiliman ay sumasa ibabaw ng kalaliman; at ang Espiritu ng Dios ay sumasa ibabaw ng tubig. At sinabi ng Dios Magkaroon ng liwanag; at nagkaroon ng liwanag.”

Sa paglikha sa kalawakan at sa lahat ng nilalang, inihayag

ng Diyos ang Kanyang dakila at nakamamanghang layon sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Ang kabanata 1 ng Aklat ng Genesis ay pinakikita sa atin ang nakamamanghang layuning inihanda ng Diyos para sa sangkatauhan. Sa ibang salita, ang paglikha sa mga langit at sa lupa at sa lahat ng nilalang, ang paglikha ng sangkatauhan sa wangis ng anyo ng Diyos, ang pagkahulog ng sangkatauhan dahil sa paglinlang ni satanas, ang kaligtasan sa pamamagitan ni Jesu-Cristo, ang ating pagiging mga anak ng Diyos sa Kanyang katalagahan, at ang mga pagpapala ng walang hanggang biyaya ng Diyos—lahat ng ito ay pinakita sa unang kabanata ng Genesis.

Iyan kung bakit nasusulat, “Nang pasimula ay nilikha ng Dios ang mga langit at ang lupa,” at ito’y sinundan ng, “At ang lupa ay walang anyo at walang laman; at ang kadiliman ay sumasa ibabaw ng kalaliman; at ang Espiritu ng Dios ay sumasa ibabaw ng tubig” (Genesis 1:2). Nang sinabi rito, “Ang

46 Ikaw ba ay Naging Ilaw sa Ebanghelyo ng Katotohanan?

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

lupa ay walang anyo at walang laman; at ang kadiliman ay sumasa ibabaw ng kalaliman,” ito’y sinasaad ng kalagayan ng sangkatauhan at lahat ng nilikha ng Diyos na nangahulog sa kalituhan dahil sa panlilinlang ni satanas, ang nilalang na espiritwal na bumagsak. Sa ibang salita, inilalarawan ang pagkakasala ng sangkatauhan.

Una sa lahat, dapat nating maabot ang wastong kaunawaan sa kalooban ng Diyos na lumikha sa kalawakan at sa lahat ng bagay nito. Kung hindi natin batid ang kalooban ng Diyos, o, higit na malubha nito, magiging mali ang pagkaunawa dito, kung gayon tayo ay nasa malaking panganib. Lahat ng bagay sa ilalim ng mga langit ay may layunin. Nang tayo’y likhain ng Diyos, Siya’y kailangang magpasiya na ampunin tayo bilang Kanyang mga anak kay Jesu-Cristo. Kahit pa bago ang pagtatag ng daigdig, sa ibang salita, nasa isip na ng Diyos ang layuning gawin tayong Kanyang mga anak at samakatuwid itataas tayo bilang mga banal na nilalang.

Iyan kung bakit ang Diyos ay nilikha tayo ayon sa Kanyang layon, hinayaan tayong harapin ang paghihirap habang nabubuhay dito sa lupa, ginawa tayong hanapin Siya sa pamamagitan ng gayong mga paghihirap, pinahintulot tayo na hanapin ang ebanghelyo ng Katotohanan na mag-aalis sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ni Jesu-Cristo, at kung magkagayon, inampon tayo ng Diyos bilang Kanyang mga anak at binigay sa atin ang Kanyang magandang Kaharian. Tulad nito, pinakita ng Diyos sa atin na walang nakasalalay sa ating sariling kalooban, nguni’t lahat ng bagay ay nagmula lamang sa Kanyang kalooban. Samakatuwid, habang tayo’y nabubuhay dito sa lupa, dama at nagninilay sa mga bagay na ito, mararanasan ng ating mga sarili na ang ating hangarin ay hindi tuparin ayon sa ating sariling kalooban, bagkus ay ayon sa kung paano orihinal na itinalaga ng Diyos; ang ating gagawin lamang

Ikaw ba ay Naging Ilaw sa Ebanghelyo ng Katotohanan? 47

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

ay pumasok sa kaharian ng Diyos sa pamamagitan ng pananalig at pagtanggap sa Kanyang Salita at pagkatapos ay sundin Siya sa pananampalataya. Iyan kung bakit sinabi ni Jesus, “Ako ang Daan” (Juan 14:6).

Sa ating pagbabasa ng Biblia ay ating ganap na nauunawaan ang layunin ng Diyos. Ang Diyos ay may layunin para sa sangkatauhan, at pinakita rin Niya sa atin ang Kanyang layunin sa pamamagitan ng paghahayag ng Salita ayon sa kung paano Niya nilayon ito. Samakatuwid, sa Salita ng Diyos ay ating matutuklasan ang kalooban ng Diyos, at sa pamamagitan ng pananalig sa Salitang ito at pagsunod nito ay ating masusumpungan ang Diyos. Kaya nang tayo’y manalig sa Diyos, ito ay alinsunod sa Kanyang Salitang pinangako na ating dapat malaman at manalig sa Diyos.

Kung inyong iisipin lahat ng inyong sarili ng walang walang anumang paghihintay sa Salita ng mga pangako ng Diyos, mag-isang magpasiya ng inyong mga sarili at subukang hanapin ang Diyos, kaya mula niyaon, kayo ay mahuhulog sa kalituhan. Upang masumpungan ang Diyos, ang isang tao ay dapat manalig sa Kanyang Salitang pinangako at sundin ito; sa gayon lamang natin makikilala ang Diyos. Iyan kung bakit binigay ng Diyos sa atin ang Biblia.

Kung wala ang Biblia, ang Salita ng Diyos, imposible para sa atin na masumpungan ang Diyos. Ang Biblia ay ang Salita ng Diyos. At ang Salita ng isang tipan, na siyang tinupad ng Diyos at patuloy na tutuparin. Nasusulat sa Biblia na ang Diyos ay ang Diyos ng Salita, na naglayon sa pamamagitan ng Salita, tinupad ang layuning ito para sa atin sa pamamagitan ng Salita, at naparito sa atin at natagpuan tayo sa pamamagitan ng Salita.

Ang Salita ay Diyos (Juan 1:1). Ang Diyos ay ang Salita, at nang ipinahayag Niya ang Kanyang sarili sa sangkatauhan, ginawa Niya ito sa pamamagitan ng Salita ng pangako. Dapat

48 Ikaw ba ay Naging Ilaw sa Ebanghelyo ng Katotohanan?

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

nating malinaw na mabatid na inihayag na ng Diyos ang Kanyang sarili sa pamamagitan ng Kanyang Salita, at Siya ang Diyos ng pangako na nakipagtagpo sa atin sa pamamagitan nitong Salita.

Hindi natin dapat basahin ang Biblia animo’y ating binabasa ang isang nobela o isang aklat ng kasaysayan. Sa halip, dapat nating mabatid at manalig na itong Salita ay ang Salita ng pangakong sinambit ng Diyos. Sa Kanyang Salita ay inihayag ng Diyos ang Kanyang sarili sa atin. Kaya sa tuwing kayo at ako’y magbabasa ng Biblia, tayong lahat ay dapat munang mabatid na ito ang Salitang pinangako ng Diyos sa atin.

Ang Biblia Ay ang Ilaw ng Kaligtasan sa Sangkatauhan

Nasusulat, “At ang lupa ay walang anyo at walang laman;

at ang kadiliman ay sumasa ibabaw ng kalaliman; at ang Espiritu ng Dios ay sumasa ibabaw ng tubig. At sinabi ng Dios Magkaroon ng liwanag; at nagkaroon ng liwanag. At nakita ng Dios ang liwanag na mabuti, at inihiwalay ng Dios ang liwanag sa kadiliman. At tinawag ng Dios ang liwanag na Araw, at tinawag niya ang kadiliman na Gabi. At nagkahapon at nagkaumaga ang unang araw.” (Genesis 1:2-5).

Sa talatang ito tinawag ng Diyos ang liwanag na araw at ang kadiliman, sa gayon itinakda ang makapangyarihang kalooban ng Diyos upang palayasin ang kasalanan mula sa mga kaluluwa na bihag nito. Sinasabi na ang magpapalayas nitong kasalanan, lahat nitong kalituhan, kawalan, at kadiliman, ay ang ilaw.

Sino, kung gayon, itong ilaw? Walang iba kundi si Jesu-Cristo, ang Tagapagligtas. Sino, kung gayon, ang walang

Ikaw ba ay Naging Ilaw sa Ebanghelyo ng Katotohanan? 49

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

anyo at walang laman, yaong taglay ang kadiliman sa ibabaw ng kalaliman? Ang mga ito’y tumutukoy walang iba kundi sa ating mga sarili. Ito ay naglalarawan sa ating mga tao, tayo bagaman nilikha ng Diyos, ay nalinlang ng masamang si satanas at nahulog sa kalituhan. Mula sa pasimula, ang Diyos ay pinangangako ang sumusunod: “Kapag kayo ay nahulog sa kalituhan, ililigtas Ko kayo sa pamamagitan ng ilaw. At yaong tumanggap sa ilaw ay magiging ilaw, nguni’t yaong hindi tumanggap sa ilaw ay magiging kadiliman.”

Kapag tayo ay may bagay na lilikhain, tayo ay may tiyak na layunin sa paglikha nito. Walang bagay na nalikha kung walang ang layunin. Nang nilikha ng Diyos ang mga langit at ang lupa at nilikha ang sangkatauhan sa pasimula, ang Kanyang layon ay upang tayo ay gawing Kanyang mga anak, at upang luwalhatiin tayo sa kalagayang ito bilang Kanyang sariling mga anak, upang tayo ay hindi manatili na pawang mga nilalang lamang.

Ito ang sinasabi ng Biblia: Sa pasimula, nilikha ng Diyos ang mga langit at ang lupa, at nang nilikha Niya tayo na Kanyang mga nilalang, hindi Niya tayo ginawa bilang mga robot, bagkus ay binigyan Niya tayo ng sariling kapasiyahan. Sinasabi ng Diyos sa atin, “Bawa’t isa sa inyo ay maaaring tanggapin o tanggihan ang Aking biyaya at Aking mga pagpapala. Ginawa Ko kayo bilang mga nilalang na may kalayaang pumili.”

Sinasaad sa Juan 3:20-21, “Sapagka’t ang bawa’t isa na gumagawa ng masama ay napopoot sa ilaw, at hindi lumalapit sa ilaw, upang huwag masaway ang kaniyang mga gawa. Datapuwa’t ang gumagawa ng katotohanan ay lumalapit sa ilaw, upang mahayag na ang kaniyang mga gawa ay ginawa sa Dios.”

Tayong mga isinilang na muli ay malinaw na makikilala ang liwanag sa kadiliman. Subali’t, ang taong nalilito na nasa

50 Ikaw ba ay Naging Ilaw sa Ebanghelyo ng Katotohanan?

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

ilalim pa rin ng kasalanan ay hindi nakikilala ang liwanag sa kadiliman. Sila, sa halip, sa kalahatan ay galit sa liwanag at iniibig ang kasamaan. Gayon pa man, ang karapatang pumili kung alin sa dalawang ito ang ating tatanggapin ay ganap na nakasalalay sa atin. Kung hindi binigay ng Diyos sa atin itong karapatang pagpili—ito ay, kung hindi Niya binigay sa atin ang kalayaan—kung gayon hindi natin masasabi na ang Diyos ay makatarungan.

Sa kabilang dako, kung iniwan ng Diyos ang lahat mag-isa upang itapon sa impiyerno, sa gayon hindi natin masasabi na ang Diyos ay banal at makatarungan. Sinasabi ng Diyos, “Ako ang Makapangyarihan, nguni’t binigay Ko sa inyo ang kalayaan. Kaya kung inyong tunay na iniibig ang kabutihan, kung gayon sundin ang kabutihang ito at tanggapin lahat ng Aking mga pagpapala, at mabuhay sa Akin. Nguni’t kung inyong iniibig ang kadiliman, kung gayon malayang isagawa ito.”

Samakatuwid, yaong lumapit sa ilaw ng Diyos ay pinili ang Diyos, kinilala Siya at nanalig sa Kanya, at sa pagpiling ito, makakamtan nilang lahat ang mga pagpapala ng kaligtasan mula sa Diyos at mabubuhay magpakailanman. Yaong nabigo sa pagsagawa nito, sa kabilang dako, ay nararapat na itapon sa impiyerno at magdusa at mangalit ang kanilang ngipin sa paghihirap, dahil kanilang pinili ang kanilang sariling kasamaan. Ito ang matuwid na Katotohanan ng Diyos, at ito ang pinapahayag ng kapangyarihan ng Diyos. Pinahahayag na ang Diyos ay ganap. Tayo ay hindi pinilit ng Diyos sa anumang bagay, nguni’t pinakilala Niya ang Kanyang sarili sa pamamagitan ng Kanyang tipan, at ginawa tayo na purihin Siya ng tapat.

Sa pagbibigay sa atin ng Kanyang biyaya at Katotohanan, pinabatid ng Diyos sa atin na maghahari sa lahat ng nilalang at paglilingkuran sa pamamagitan nila. Yaong pumili sa harap ng

Ikaw ba ay Naging Ilaw sa Ebanghelyo ng Katotohanan? 51

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

Diyos kung ano ang wasto—ang liwanag, ito ay—ang pinagpapala ng Diyos. Nguni’t yaong pumili ng kasamaan, hahatulan ng Diyos ang kanilang mag kasalanan alinsunod sa Kanyang katarungan. Ito kung sino ang ating Diyos tulad sa pinahayag ng Biblia.

Ang Diyos ay ang Diyos ng isang tipan. Walang makapagsasabi na ang Diyos ay hindi tapat at hindi makatarungan. Binigay ng Diyos sa sangkatauhan ang karapatang pagpili. Sinasabi ng Biblia na ang sinumang nais ang sumpa sa halip ang mga pagpapala, ito ay itanalaga sa sinumang nagnanais na makamtan ito. Salungat nito, sa kanila na ibig ang liwanag at tinanggap sa kanilang mga buhay ang liwanag na ito, ang Salita ng Diyos, ibibigay ng Diyos lahat ng pagpapala na Kanyang pinangako. Pinahintulot ng Diyos na sinumang nais pagpalain Niya, Siya na lumikha sa mga langit at sa lupa, na piliin ang Kanyang kabutihan at kamtan ang mga pagpapala ng kaligtasan at buhay na walang hanggan.

Ang Diyos, na Siyang lumikha ng mga langit at ng lupa, ay nangungusap sa atin. Ang Diyos ay ganap. Siya lamang ang matuwid, ganap, at makapangyarihan sa lahat ng nilalang. Siya ang Manlilikha. Siya ang Makapangyarihang Diyos. Walang sinumang makatututol nito.

Sa pamamagitan ng Salita, nakita natin na ang Diyos ng tipan na pinangako sa atin sa pamamagitan ng Salita at tinupad itong Salitang pangako sa atin. Nilikha ng Diyos ang mga langit at ang lupa sa pasimula. Sa katunayan ay nilikha ng Diyos lahat ng bagay, ang kadiliman maging ang liwanag. Tinatanggap ba ninyo ito? Ang karapatang pagpili ay binigay sa lahat ng tao, at ayon sa kanilang pagpili ang biyaya ng Diyos ay pinagkaloob sa kanila.

Sa Kaharian ng Diyos, wala ang gayong salitang tulad ng “hindi,” kundi ay “oo” lamang. Sa ibang salita, naroon lamang

52 Ikaw ba ay Naging Ilaw sa Ebanghelyo ng Katotohanan?

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

ang di-nagbabagong Katotohanan. Na mayroon lang “oo” nangangahulugang walang negatibo.

Nasusulat, “At ang lupa ay walang anyo at walang laman; at ang kadiliman ay sumasa ibabaw ng kalaliman; at ang Espiritu ng Dios ay sumasa ibabaw ng tubig. At sinabi ng Dios Magkaroon ng liwanag; at nagkaroon ng liwanag.” (Genesis 1:2-3). Nang sabihin ng Biblia na “Nilikha ng Diyos ang mga langit at ang lupa,” at sinundan ng pagsabing, “Ang lupa ay walang anyo, at walang laman,” nagsasaad na maging sa pasimula ng daigdig, ang layon ng Diyos ay binatay sa panunukso ni satanas.

Sa mga kabanatang 1 at 2 ng Aklat ng Genesis ay inilarawan ang layunin ng Diyos, pagkatapos sa kabanatang 3 at ang sumusunod, ito ay ukol sa katuparan ng layuning ito. Marahil masasabi natin na ang Diyos ay tinutupad ang Kanyang buong layunin sa bawa’t yugto. Ang mga arkitekto dito sa lupa ay binabago ng ilang ulit ang kanilang mga plano sa pagpapatayo lamang ng higit ng isang gusali. Subali’t, ang Diyos ay hindi nagbabago ng Kanyang layunin nang Kanyang ginawa ang disenyo nito. Isinagawa Niya lahat ng bagay alinsunod kung paano Niya nilayon ito. Ang Diyos ay hindi basta na lamang iniiwan ang Kanyang mga nilalang upang maging pawang mga nilalang lamang, nguni’t nilayon Niya na sila ay isilang na muli sa pamamagitan ng muling paglikha sa kanila. Ang nagpalaya sa sangkatauhan sa kasalanan ay ang liwanag. Ang Salita ng Diyos ay ang pinagmulan ng pagkakatakas ng mga tao sa kasalanan.

Kung ang mga tao ay walang anyo at nasa kawalan, at walang kadiliman sa ibabaw ng kalaliman—ito ay, kung ang sangkatauhan ay hindi nalinlang ni satanas—sa gayon ang mga tao ay hindi makakamit ang biyaya na magpapalaya sa kanila sa kasalanan at magiging mga anak ng Diyos. Sa pamamagitan ng

Ikaw ba ay Naging Ilaw sa Ebanghelyo ng Katotohanan? 53

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu lahat tayo ay hinayaang damtan ang biyaya ng kaligtasang binigay ni Jesu-Cristo sa atin at naging mga anak ng Diyos. Ang ating luwalhati ay inihanda na sa pamamagitan ng katalagahan ng Diyos sa Kanyang layunin.

Si Adan at si Eba, ang iisang ninuno ng sangkatauhan, ay nalinlang ni satanas. Subali’t, maging ito ay kasama sa pagtatalaga ng Diyos. Ang mga uod ay nabubuhay ng maraming taon sa ilalim ng lupa sa isang yugto, nguni’t di-maglaon sila’y aakyat sa isang puno at magbabago ng anyo sa pamamagitan ng metamorphosis upang iladlad ang kanilang mga pakpak at magiging mga kuliglig. Upang maging mga kuliglig, lahat sila ay dapat mabuhay bilang mga uod sa ilalim ng madilim na lupa. Tulad nito, tayong mga tao ay tinukso ni satanas at nahulog sa pagkasasala na itinalaga rin ng maluwalhating layon ng Diyos. Sa ibang salita, pinahintulot tayo ng Diyos na matukso ni satanas dahil kung tayo lamang ay naging mga makasalanan tayo’y magbabago bilang mga anak ng Diyos sa pamamagitan ng pananalig kay Jesu-Cristo.

Ang mga tao ay walang anyo at nasa kawalan, at kadiliman ay nasa ibabaw ng kalaliman, ay isang kalagayang nagbunga sa paglayo sa liwanag ng Diyos. Kapag ang isang tao ay lumayo sa Diyos, ang Manlilikhang gumawa sa kanya, at mula sa Kanyang Salita ng tipan, ang kanyang puso ay dadalawin ng kalituhan at kawalan. Yamang ang unang taong si Adan ay nahulog sa kalituhan dahil sa paglayo sa Salita ng Diyos, sa mga inapo ngayon ni Adan, yaong nabigong makilala si Jesu-Cristo sa pamamagitan ng Salita ng tipan ay nahulog lahat sa kalituhan. Bakit sila nangahulog sa kalituhan? Dahil hindi nila nalalaman ang binigay ng Diyos na ebanghelyo ng Salita ng tubig at ng Espiritu. Ito kung bakit hindi nila nakikilala ang Diyos, na nakikipagtagpo sa atin sa pamamagitan ng ebanghelyo ng Salita

54 Ikaw ba ay Naging Ilaw sa Ebanghelyo ng Katotohanan?

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

ng tubig at ng Espiritu. Sa pangyayaring ito, kung gayon, ano ang dapat gawin ng tao upang matakasan ang kanilang kalituhan? Kung sila’y manunumbalik sa Salita ng Katotohanan ng Diyos, sila’y tiyak na masusumpungan ang Diyos.

Dagdag nito, ang lahat ay nahulog sa kawalan dahil sa kanilang mga kasalanan. Kaya ang mga tao ay walang kasiyahan. Tayong mga tao ay nasa kawalan malibang ating makilala ang Diyos ng Katotohanan. Ang mga tao ay hindi ganap nang sila’y unang likhain. Pinahintulot ng Diyos itong hindi pagiging ganap una upang tayo’y gawing ganap ng Kanyang layunin. Yamang ang ganap na Diyos ang lumikha sa atin, malibang Siya’y nasa atin, tayo’y mananatiling hindi ganap, hindi taglay ang tunay na kasiyahan, at mahuhulog sa kawalan. Samakatuwid, dahil ang Diyos ay likas na nilikha tayong mga tao sa Kanyang anyo nang tayo’y Kanyang likhain, upang masumpungan ang tunay na kasiyahan, ang lahat ay dapat isilang na muli ng walang kabiguan. Sa ibang salita, sa puso ng mga tao ay dapat naroon ang ebanghelyo ng Katotohanan ng tubig at ng Espiritung binigay ni Jesu-Cristo, at kung taglay lamang natin ang Banal na Espiritu tayo ay magiging ganap. Ang isang tao ay tunay na masisiyahan lamang kapag kanyang nakilala si Jesu-Cristo.

Lahat tayo ay nalinlang ng masamang paraan ni satanas, at sanhi nito, tayong lahat ay nahulog sa kalituhan, sa kawalan, at kasalanan. Sinabi ng Diyos na Kanyang ililigtas ang gayong tao tulad natin sa pamamagitan ng Kanyang Anak na si Jesu-Cristo. Mula sa anong pangako tayo’y Kanyang iniligtas? Pinangako Niya na tayo’y ililigtas mula sa kalituhan, kawalan at kasalanan. Pinangako Niya na ililigtas tayo sa ating mga kasalanan, mula sa ating malalim na kawalan, at mula sa ating matinding di-kasiyahan. Itong pangako ng kaligtasan ay itinalaga na kay Jesu-Cristo.

Ikaw ba ay Naging Ilaw sa Ebanghelyo ng Katotohanan? 55

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

Si Jesu-Cristong Manlilikha ay Ang Tagapagligtas ng mga Nananalig sa Ebanghelyo ng Tubig at ng Espiritu

Ang Panginoon ng kalawakan ay si Jesu-Cristo. Yamang

nasusulat sa Biblia, “Sinabi ng Diyos, ‘Magkaroon ng liwanag’; at nagkaroon ng liwanag,” ang liwanag dito ay walang iba kundi si Jesu-Cristo na nagligtas sa inyo at sa akin sa mga kasalanan. Sino ang lumikha ng kalawakan at lahat ng bagay nito sa pamamagitan ng Salita? Si Jesu-Cristo. Itong si Jesu-Cristo ang lumikha sa lahat ng bagay na nakikita ng ating mga mata, mula sa mga langit at sa lupa, mula sa mga kabundukan hanggang karagatan, at mula sa mga bulaklak sa lahat ng anyo ng buhay.

“Nang pasimula ay nilikha ng Dios ang mga langit at ang lupa. (Genesis 1:1). Siya na lumikha dito sa lupa at itong mga langit ay si Jesu-Cristo, at ang ating dapat buong mabatid na ang Diyos ay inalis ang ating mga kasalanan sa pamamagitan ng pagsugo sa atin ng Kanyang Anak. Ano pa ang sinasabi ng Biblia ukol kay Jesu-Cristo? Sinasabi na si Jesu-Cristo ay ang Anak ng Diyos Ama. Tulad sa nasusulat, “Aking sasaysayin ang tungkol sa pasiya: Sinabi ng PANGINOON sa akin, ‘Ikaw ay aking Anak; Sa araw na ito ay ipinanganak kita’” (Mga Awit 2:7), sinasabi ng Biblia na si Jesus ay ang bugtong na Anak ng Ama. Subali’t, sinasabi rin ng Biblia na ang Anak ng Diyos Ama ay Siya ring tunay na Diyos bilang Ama (1 Juan 5:20).

Iyan kung bakit si Apostol Juan, nang makita si Jesu-Cristo ng kanyang sariling mga mata at hinawakan Siya ng kanyang sariling mga kamay, at nabuhay kasama Niya ng tatlong taon, inihayag, “Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios.” (Juan 1:1). Sa ibang salita, si Jesus ay ang tunay na Diyos na lumikha sa kalawakan. Tinayo ng Diyos Ama ang Kaharian ng Langit sa pamamagitan ng

56 Ikaw ba ay Naging Ilaw sa Ebanghelyo ng Katotohanan?

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

Kanyang Anak, at si Jesu-Cristo ang lumikha sa mga langit at sa lupa na ating nakikita ngayon. Lahat tayo ay dapat makilala itong si Jesu-Cristo ng wasto, na Siya mismo ang Diyos.

Ano pa ang sinabi ng Diyos? Sinabi Niya na Kanyang ililigtas tayo sa lahat ng ating kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang Anak na walang kasalanan. Ang Diyos ay ang Diyos ng Katotohanan. Nang ginawa ng Anak ng Diyos Ama itong lupa, sinabi ng Diyos na ito’y mabuti sa paningin na ang daigdig na nagliliwanag sa pamamagitan ng Ilaw. At sinasabi ng Biblia, “Nagkaroon ng tunay na ilaw, sa makatuwid baga’y ang ilaw na lumiliwanag sa bawat tao, na pumaparito sa sanglibutan” (Juan 1:9).

Itong layon ng Diyos ay inihayag lahat ng Diyos ng Trinidad, ito ay, sa pamamagitan ng Diyos Ama, ng Anak, at ng Banal na Espiritu. Sinasabi ng Biblia, At ang lupa ay walang anyo at walang laman; at ang kadiliman ay sumasa ibabaw ng kalaliman; at ang Espiritu ng Dios ay sumasa ibabaw ng tubig.” Sino itong Espiritu na lumilibot sa ibabaw ng mga tubig? Ang Espiritu rito ay ang Banal na Espiritu. Ang Anak ng Ama ay Siyang lumikha nitong kalawakan, at ang Diyos Ama ay pinangako na sa pamamagitan ng Kanyang Anak ay Kanyang ililigtas lahat ng mga tao na nahulog sa kalituhan at kawalan.

At hinangad ng Diyos na ipagkaloob sa atin ang Espiritu na gagawa sa atin bilang mga anak ng Diyos, nguni’t itong Espiritu ay hindi makapapasok sa ating mga puso hanggang may kasalanan sa atin. Iyan kung bakit ang Diyos Ama ay nagtalaga ng isang tipan sa atin na Kanyang mga nilalang at pinangako sa atin na isusugo ang Kanyang Anak dito sa lupa. Ang “Espiritu ng Diyos” dito ay tumutukoy sa Banal na Espiritu, at itong Banal na Espiritu ay papasok sa mga mananalig at susunod sa pinangakong Salita ng Diyos at mananahan sa kanila. Ito ang siyang layon ng Diyos. Ang Diyos ng Trinidad ay nahayag lahat

Ikaw ba ay Naging Ilaw sa Ebanghelyo ng Katotohanan? 57

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

dito. Taglay ng Diyos ang Kanyang buong layunin para sa atin bago ang paglikha ng daigdig, at Kanyang unti-unting natutupad ito. Kailangan nating mabatid na ito kung bakit sinabi ng Diyos na mabuti na makita nang gawin Niya ang kaharian ng daigdig at ang kaharian ng mga langit.

Sinabi ng Diyos nang ang Kanyang Anak ay likhain ang liwanag sa unang araw na Kanyang nilikha itong kalawakan, ito ay mabuti sa paningin. Sa ibang salita, ang Diyos ay nalugod na gawin ang Kanyang mga nilalang bilang Kanyang sariling mga anak, gayon din mga anak tulad ni Jesu-Cristo. Iyan kung bakit si Apostol Pablo, nababatid ang nakamamanghang layunin ng Diyos, ay nagpuri, “Oh kalaliman ng mga kayamanan ng karunungan at ng kaalaman ng Dios! oh di matingkalang mga hatol Niya, at hindi malirip na Kaniyang mga daan!” (Roma 11:33)

Nasusulat din, “Sapagka’t Kaniya, at sa pamamagitan Niya, at sa Kaniya, ang lahat ng mga bagay. Sumakaniya nawa ang kaluwalhatian magpakailanman. Siya nawa.” (Roma 11:36). Paano kung gayon sumuway sa Manlilikha ang isang pawang nilalang? Ang pagsuway ay kasalanan. Sinambit ng Diyos ang Salita ng pangako sa atin. At Siya ang Diyos na naghiwalay sa Kanyang bayan mula sa mga mamamayan ng diablo sa pamamagitan ng Kanyang Salita. Kung inyong tinanggap ang Salitang sinambit ng Diyos sa inyong mga puso, sa gayon kayo rin, ay magiging mamamayan ng Diyos. Lumapit sa liwanag ng Katotohanan. Kayo sa gayon ay magiging liwanag din.

Sinabi ng Diyos, “Magkaroon Ng Liwanag” Sinasabi ng Biblia nang nilikha ng Diyos ang sangkatauhan

at ang kalawakan, ang daigdig ay walang anyo at walang laman,

58 Ikaw ba ay Naging Ilaw sa Ebanghelyo ng Katotohanan?

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

at ang kadiliman ay nasa ibabaw ng kalaliman. Ito kung paano inilarawan ng Biblia ang kalagayan ng mga nahulog sa kasalanan. Sinasabi rin ng Biblia nang ang daigdig—ito ay, ang puso ng tao—ay walang anyo, walang laman, at nasa ilalim ng kasalanan, ang Espiritu ng Diyos ay lumilibot sa ibabaw ng mga tubig. Sa ibang pananalita, ang Diyos, na Siyang lumikha sa kalawakan at nagligtas sa sangkatauhan ay kumikilos sa puso ng mga makasalanan.

Ang Diyos ay nangungusap at may pakikipagtipan sa mga lumalapit sa Kanya sa pamamagitan ng Kanyang Salita, nagtitiwala sa Salita. Tayo’y kakatigan ng Diyos kapag tayo ay nanalig sa Kanyang Salita. Subali’t, kung tayo’y hindi mananalig sa Salita ng Diyos, sa gayon ang ating sariling mga kaisipan ay ihahatid tayo sa kapahamakan sa huli.

Bakit si Judas, ang nagkanulo at pinagbili si Jesu-Cristo, ay binigti ang sarili? Marahil ay nalutas niya ang kanyang kasalanan sa pamamagitan ng pagtitiwala sa Salita ng Diyos, nguni’t nasusulat sa Biblia na sa halip na magtiwala sa Salita, siya’y nagsisi sa kanyang sarili at nagbigti sa sarili. Yaong ang puso ay hindi taglay ang pananampalataya sa Salita ng Diyos ay nagwakas na mag-isang hinahatulan ang kanilang mga kasalanan, at samakatuwid sila’y hindi makaiiwas sa kamatayan magpakailanman. Si Judas na mag-isang nagsisi ay nangangahulugan lamang na siya’y naudyukan ng kanyang budhi, nababatid na siya’y nakagawa ng isang malaking pagkakamali sa pagkakanulo at pagbibili sa kanyang sariling guro tungo sa tiyak na kamatayan dahil lamang sa isang dakot na mga barya.

Ang ginawa ni Judas ay tunay na masama, nguni’t ang kanyang lalong higit na espiritwal na pagkakamali ay ang katunayang hindi siya nanalig kay Jesu-Cristo bilang Anak ng Diyos. Dapat nating pagnilayan kung ano ang ginawa ni

Ikaw ba ay Naging Ilaw sa Ebanghelyo ng Katotohanan? 59

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

Jesu-Cristo nang Siya’y naparito sa lupa batay sa Salita ng kapwa Bago at Lumang Tipan, at mula rito dapat nating mabatid at manalig na Siya ay Diyos at ang Anak ng Diyos. Subali’t, si Judas ay hindi nanalig sa pagka-Diyos ni Jesu-Cristo, at sa halip na magsisi, “Pinagkanulo ko ang tunay na Anak ng Diyos. At hindi ko tinanggap Siya bilang aking Tagapagligtas,” siya ay naudyukan lamang ng kanyang sariling budhi, nagsisisi lamang sa hangganan na siya’y nagkanulo ng isang tao na kanyang guro, at nagwakas sa pagpapatiwakal sa sarili.

Tayo’y makatatayo lamang sa harapan ng Diyos kung ating nalalaman ang ating mga pagkakamali batay sa Salita ng Diyos at magsisisi mula sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu; kung, salungat nito, ating hahatulan ang ating mga sarili alinsunod lamang sa ating sariling pamantayan, sa gayon hindi lamang maglalaho ang ating buhay, bagkus tayo’y makapapasok din sa walang katapusang apoy ng impiyerno.

Kapag tayo ay gumawa ng bagay na mali, kadalasan iniisip nating mag-isa, “Kaya ako nagkamali,” nguni’t ang ating sariling pamantayan ng mabuti at masama ay labis na marami ang kahulugan. Batay sa ating palagay, ang ating mga asal ay maaaring hatulan ang halaga nito na may pagkakaiba. Kadalasan, ang tila mabubuti sa mga mata ng laman ay nahahayag ang tunay na kasamaan mula sa espiritwal na pananaw. Kaya si Judas nang magsisi sa Diyos, siya’y nagsisi lamang sa kanyang budhi, hindi sa pamamagitan ng pananalig sa Salita ng Diyos. Malinaw na si Jesu-Cristo ang Siyang Diyos at ang Tagapagligtas nating sangkatauhan. Ang katotohanang si Judas ay hindi nanalig sa Tagapagligtas ay ang kanyang dakilang pagkakamali. Yamang si Judas ay hindi nanalig kay Jesu-Cristo bilang Diyos, siya’y nahantong sa pagkakanulo sa Kanya, at ito ang kanyang pagkakamali, nguni’t hindi nababatid ito ni Judas.

60 Ikaw ba ay Naging Ilaw sa Ebanghelyo ng Katotohanan?

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

Sa ibang salita, si Judas ay hindi umamin sa kanyang kamalian batay sa Salita ng Diyos. Sa halip, inamin lamang niya ang kanyang kamalian ng kanyang budhi, at dahil lamang inaakala niya na siya’y tiyak na patungo sa impiyerno, siya’y nagwakas sa pagpapatiwakal ng kanyang sarili. Iyan kung bakit si Jesu-Cristo ay nalumbay kay Judas, sinasabing higit na makabubuti para sa kanya kung siya’y hindi na isinilang pa (Marcos 14:21).

Lahat tayo ay dapat mabatid na sa pamamagitan ng Kanyang Salita ang Diyos ay nangungusap sa atin at kumikilos sa ating mga buhay. At dapat nating mabatid lahat na sa pamamagitan nitong Salita ng Katotohanan, tinanglawan ng Diyos ang ilaw ng kaligtasan sa atin, tayo na nasa kalituhan, kawalan, at sa kalaliman ng kasalanan. Sa pagningning ng Diyos sa atin sa pamamagitan ng Kanyang ilaw, sa pamamagitan nitong liwanag ng Katotohanan tayo sa huli ay mababatid kung paano ang ating mga puso ay narating ang kawalan at kalituhan, at kung paano tayo naroon sa kalaliman ng kasalanan. Iyan ay dahil ang Diyos ay tinanglawan ang ilaw ng kaligtasan sa ating lahat. Kung hindi tinangalawan ng Diyos itong ilaw, imposible para sa atin na mabatid ang anumang bagay, hindi nalalaman na tayo ay nalilito, hindi nauunawaang tayo ay nasa kawalan at nasa kadiliman.

Sa mga taong tulad natin, tinanglawan ng Diyos ang ilaw ng kaligtasan, at hiniwalay Niya ang ilaw sa kadiliman. Dapat nating malaman ukol sa ilaw na ito. Lubos na kailangan para sa atin na kamtan ang kapatawaran sa ating mga kasalanan at sundin ang ilaw. Kapag tayo ay may bagay na ginagawa, batay kung paano natin tinitignan sa pananaw ng Salita ng Diyos o batay sa ating sariling karnal na kaisipan, gayon ding bagay ang kakaibang makikita. Kahit sa ating pagtingin sa iisang bagay, ang nakikita natin sa pamamagitan ng Salita ng Diyos, ang ilaw,

Ikaw ba ay Naging Ilaw sa Ebanghelyo ng Katotohanan? 61

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

at sa pamamagitan lamang ng ating mga mata ng laman ay ganap na kakaiba.

Kaya sukdulang mahalaga na sundin ang ilaw. Ang ating mga puso at mga kaisipan ay dapat pahalagahan itong ilaw at ibigin ito, at tayo’y dapat palagiang mabuhay alinsunod nitong ilaw at makita lahat ng bagay mula sa pananaw nito. Ito ay lubos na kailangan, at tayong lahat ay dapat mabuhay alinsunod sa ilaw sa ganitong paraan.

Sa Ebanghelyo ni Juan, sinabi ni Jesus, “Ako ang ilaw ng sanglibutan: ang sumusunod sa Akin ay hindi lalakad sa kadiliman, kundi magkakaroon ng ilaw ng kabuhayan” (Juan 8:12). Walang anumang kadiliman sa Diyos, at naroon lamang ang liwanag. Sa pamamagitan ng pagtanggap sa binigay ng Diyos na ilaw ng kaligtasan, tayo ay naging mga taong matuwid. Tayo man ay ligtas o hindi, at tayo man ay nanatili bilang mga makasalanan o naging matuwid, lahat ng ito ay batay kung ating taglay itong ilaw ng Katotohanan o hindi.

Kaya ang ating kaligtasan ay hinahangad sa atin na taglayin itong ilaw, nguni’t anong mangyayari pagkatapos? Paano tayo mamumuhay matapos ang kaligtasan? Dapat tayong sumunod sa ilaw ng Katotohanan. Kapag inyong pinalalawig ang ebanghelyo, inyo lamang tinatanglawan ang iba sa pamamagitan ng binigay ng Diyos na ilaw ng Katotohanan, tulad sa nasusulat, “At sinabi ng Dios, ‘Magkaroon ng liwanag’; at nagkaroon ng liwanag.” Kayo ay sumusunod sa ilaw at nagniningning ng liwanag. Hindi tayo ang manlilikha nitong ilaw, nguni’t ang ating gagawin lamang ay tanggapin itong ilaw sa ating mga puso at magliwanag sa iba. Dahil ang pangangaral nitong ebanghelyo ay ang pagtanglaw sa ilaw. Ang ating maipangaral ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay ang pagpapalawig ng ilaw. Ang mga kaluluwa sa gayon maririnig ang Salita ng ilaw na pinangaral natin at ito ang maagpapabago.

62 Ikaw ba ay Naging Ilaw sa Ebanghelyo ng Katotohanan?

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

Kung hindi natin tinanglawan ang ilaw sa mga naroon pa rin sa kadiliman, sa gayon lahat ng bagay ay magiging walang saysay, gaano man kabuti ang ating pagtuturo sa kanila at gaano man natin bungkalin ang mga parang sa kanilang mga puso. Lahat ng ating pagsisikap ay magiging walang kabuluhan. Ang pagliwanag ng tunay na ilaw ay ang ating dapat gawing lahat bilang mga saksi at mga hinirang ni Jesu-Cristo. Ang ating mga buhay ay magiging higit na maningning kung babaguhin lamang ang ating mga kaisipan, sasabihing, “Ang ating mga buhay pananampalataya ay yaong sumusunod sa ilaw. Sumusunod tayo sa ilaw, ang ilaw ng Diyos. Ang pagpapatotoo ay ang pagtanglaw ng ilaw. Tinatanglaw ko ang ilaw. Maraming bagay dito sa lupa, nguni’t sa Diyos, ay walang kadiliman, tanging ilaw lamang.”

Taglay natin itong liwanag sa atin. Naroon ang kapwa ilaw at kadiliman dito sa lupa, nguni’t ang ilaw ang ating sinusunod. Tulad ng sinabi ng Diyos, “Magkaroon ng liwanag,” binigay Niya sa atin ang ilaw ng Katotohanan. Kapag ating pinangangaral ang ebanghelyo, ating tinatanglaw itong ilaw, at sa ating araw-araw na pamumuhay, tayo rin ay sumusunod sa ilaw.

Sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu na pinagkaloob ng Diyos sa atin—ito ay, sa pamamagitan ng Katotohanan ng Diyos—tayo ay nangaligtas, at tayo’y naging ilaw. Ngayon, naniniwala tayong tayo ay ilaw, ating pinangangaral ang ilaw, at tayo’y nabubuhay sa pagsunod nitong ilaw. Nais nating mabuhay sa uri ng buhay na namumuhay alinsunod sa ilaw, at nagpapalawig nitong ilaw, hindi ang mga bagay ng laman dito sa lupa. Dahil sa layuning ito tayo’y tinawag ng Diyos. Ang hindi natin dapat kaligtaan sa ating mga buhay ay ang pagsunod nitong ilaw. Nguni’t hindi ito nangangahulugan na tayo ay tayo ay nabubuhay sa karnal na

Ikaw ba ay Naging Ilaw sa Ebanghelyo ng Katotohanan? 63

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

pagiging ganap. Ang ilaw ay si Jesu-Cristo. Si Jesu-Cristo ang tanging ilaw,

at Kanyang tinanglawan sa ating mga puso ang ilaw na ito. At ating tinanggap itong ilaw. Kaya tayo ay naging araw. Na tayo ay naging ilaw ay hindi nangangahulugang tayo’y ganap na mabubuhay sa laman. Sa halip, ito ay nangangahulugan na ating nakamit ang kapatawaran sa kasalanan sa katalagahan ng biyaya ng Diyos. Lahat tayo ay dapat malamang mabuti kung ano ang ilaw.

Sa ating patuloy sa buhay, kadalasan ay agad nating nakakaligtaan ukol sa ebanghelyo ng ilaw. Ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay ang ilaw, nguni’t tayo’y nagwawakas na nalilimot ito. Kapag ating nalamang tayo ay may bagay na nawala, agad nating nalilimot ang taong nakakita nito at binalik sa atin. Tulad nito, ang ating mga kaisipan ay magwawakas na nalilimot ang ilaw. Ito ay isang malubhang suliranin.

Taglay natin ang ilaw. Itong ilaw ay si Jesu-Cristo. Itong ilaw ay siya ring ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Kapag may ilaw, ang pangunahing likas na ugali ng tao ay sundan ang ilaw. Nais nilang maglingkod sa ilaw. Mabuti para sa ating mga puso ang magkaroon ng ilaw, at mabuti para sa ating mga isipan upang alalahanin na ang Diyos ay ilaw. Ang pangangaral ng ebanghelyo ay ang pagpapalawig ng ilaw. Hindi kapag tayo ay mag-isang may ginawa, bagkus kapag tayo ay nangaral ng ebanghelyong tinanggap mula sa Panginoon, ay ating napapalawig ang ilaw. Marahil ay nagagawa natin ang maraming iba’t-ibang bagay, nguni’t lahat ng ito ay ginagawa sa pagpapalawig ng ilaw. Ang pagsunod sa ilaw kaya tayo nabubuhay sa pananampalataya, at sa ilaw na ito ating nagagawa ang lahat ng bagay at ipinamumuhay lahat ng ating buhay.

Sa Unang Liham ni Juan, ang Diyos ay madalas nangungusap ukol sa ilaw. Nasusulat, “Ang nagsasabing siya’y

64 Ikaw ba ay Naging Ilaw sa Ebanghelyo ng Katotohanan?

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

nasa liwanag at napopoot sa kaniyang kapatid, ay nasa kadiliman pa hanggang ngayon. Ang umiibig sa kaniyang kapatid ay nananahan sa liwanag, at sa kaniya’y walang anomang kadahilanang ikatitisod. Nguni’t ang napopoot sa kaniyang kapatid ay nasa kadiliman, at lumalakad sa kadiliman, at hindi niya nalalaman kung saan siya naparoroon, sapagka’t ang kaniyang mga mata ay binulag ng kadiliman.” (1 Juan 2:9-11).

Tayo ay nabubuhay sa biyaya ng Diyos. Ang pangangaral at pagsagawa sa gawain ng Diyos ay tunay na pamumuhay sa pagpapalawig ng ilaw. Sa halip na isipin na itong buhay ay labis na masalimuot, inyong dapat malinaw at wastong malaman, na ang pananalig kay Jesu-Cristo at pangangaral ng Kanyang ebanghelyo ng Katotohanan ng kaligtasan ay ang buhay na nagpapalawig ng ilaw. Ang inyo lamang gagawin ay tandaan na ang pananalig at pangangaral ukol kay Jesu-Cristo bilang ilaw ay siyang tungkol sa lahat ng ilaw ng buhay.

Malibang inyong tatandaan, hindi ninyo halos malalaman kung ano ang inyong ikinabubuhay. Ang dahilan bakit sinasabi ko ito ay dahil yaong napatawad sa kanilang mga kasalanan kamakailan lamang ay labis na maraming bagay ang naroon sa kanilang isipan. Nang sinabihan sila na maging lingkod ng Diyos at magsigawa, sila’y nagulimihanan sa lahat ng uri ng pag-alinlangan. Bakit ito ang nangyari? Dahil kanilang kinaligtaan ukol sa Salita ng Diyos. Maging sa katunayang tayo ay naligtas sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay isang bagay na nakamtan, at kung kaya ito ay posible para sa atin na makaligtaan ukol sa kahalagahan nito.

Iyan kung bakit dapat nating palagiang pagtibayin ang katunayang tayo ay naging ilaw. Kailangan nating muling pagbulayan ang Salita, pagnilayan na, “Ang Diyos ay ang liwanag. Inutos ng Diyos na magkaroon ng liwanag. Tulad ng

Ikaw ba ay Naging Ilaw sa Ebanghelyo ng Katotohanan? 65

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

sinabi ng Diyos, nagkaroon ng liwanag. At hiniwalay ng Diyos ang liwanag sa kadiliman. Tinawag Niyang araw ang liwanag, at ang kadiliman ay gabi. Tinanglawan ng Diyos ang liwanag sa lupa na walang anyo, walang laman, at sa kalaliman ng kadiliman. Sa pagtanglaw ng Diyos sa Kanyang liwanag dito sa lupa, ako ay isinilang na muli, at nalaman ko ang aking kalituhan, aking kawalan, at ang kalaliman ng aking karimlan.”

Ang isa mang kaluluwa ay naging matuwid o nanatiling makasalanan ay bunga sa itinalaga ng ilaw ng Diyos. Nang ang Diyos ay tinanglawan sa atin ang ilaw ng kaligtasan—ito ay, ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu—yaong tumanggap sa ilaw ng kaligtasang ito ay naging mga taong matuwid, at yaong hindi tumanggap sa ilaw na ito sa kanilang mga puso ay nanatili bilang mga makasalanan. Sa pagsikat ng araw sa umaga, ang ilaw niya’y magliliwanag sa buong daigdig. Walang makatatakas at makapagkukubli sa kainitan nito (Mga Awit 19:6).

Sa ibang salita, walang lugar na labis ang kalayuan mula sa tunay na ilaw upang tanggapin ito. Ang lahat ng bagay ay magliliwanag, at lahat ng bagay ay magbabalik ang liwanag nito at magniningning din.

Tulad ng buwan na binabalik ang ningning ng liwanag mula sa araw, tayo na naging banal dahil sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay tumitingin din sa ilaw at araw-araw na binabalikan ang liwanag nito. Yamang sinabi ni Jesu-Cristo, “Ako ang ilaw ng sanlibutan,” hindi masasabi ng ating mga sarili na tayo ang ilaw ng sanlibutan. Walang bagay sa ating laman upang ibigin o ipagmalaki ito, at tayo ay tunay na walang saysay. Tulad ng sinasabi ng Biblia, “Sapagka’t ang kaisipan ng laman ay kamatayan; datapuwa’t ang kaisipan ng Espiritu ay buhay at kapayapaan” (Roma 8:6), sa ating araw-araw na buhay, ang ilaw at ang kadiliman ay nananatili pa rin.

Kapag tayo na nagkamit ng kapatawaran sa ating mga

66 Ikaw ba ay Naging Ilaw sa Ebanghelyo ng Katotohanan?

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

kasalanan ay nalalamang taglay natin ang ilaw, at kapag tayo ay mag-uukol sa ilaw na ito at magpapatuloy sa pagsunod sa ilaw na ito, tayo ay mamumuhay sa palagiang matuwid na buhay. Kagalakan ang isipin ukol dito, na ating taglay ang tunay na ilaw. Sa tuwing ang ating mga puso ay nadidiliman, at sa tuwing tayo ay nasa kalituhan at hindi alam kung anong gagawin, maaari tayong magpasiya kung ano ang nararapat sa tamang panahon kung tayo’y titingin lamang sa ilaw. Sa pamamagitan ng ilaw ating malalaman kung ano ang ating gagawin at kung paano tayo mamumuhay. Dahil tayo ay tao lamang, kadalasan tayo ay nahuhulog sa kalituhan, kadalasan tayo ay nasa kawalan, at ang kadiliman ay kadalasan nasa ibabaw ng kalaliman. Gayon pa man, patuloy pa rin nating masusundan ang ilaw sa mga panahong tulad nito, dahil taglay natin ang ilaw.

Ako ay labis na nagpapasalamat na ating taglay ang ilaw, na itong ilaw ay nasa ating mga puso, at itong ilaw ay nasa buong kalawakan. Ako ay tunay na nalulugod sa katunayang may Diyos na nagbigay sa atin ng ilaw. Anuman ang mga kaganapan ang ating nahaharap, at anuman ang mga kakulangan na mahayag sa atin, dahil tayo ay may ilaw, tayo ay makasusunod pa rin sa kanya. Ang mga salita ay hindi maipapahayag kung gaano ang aking pasasalamat dahil dito. Kung wala ang ilaw na ito, tanging kalungkutan ang naghihintay sa atin.

May isang malaking pagkakaiba sa pagitan ng taong nasa ilaw at yaong hindi. Yaong taglay ang ilaw marahil ay magdidilim panumandali, nguni’t dahil taglay nila ang ilaw, muli nilang mahahawakan ang rudder, sundin ang patnubay ng ilaw, itakda ang patutunguhan para sa kanilang mga buhay, at magpatuloy sa pagsunod sa ilaw.

Salungat nito, likas na imposible para sa mga hindi nagtataglay ng ilaw, yaong hindi tumanggap sa ilaw, ang

Ikaw ba ay Naging Ilaw sa Ebanghelyo ng Katotohanan? 67

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

mamuhay sa liwanag anuman ang kanilang paghahangad nito. Ito ay may malaking pagkakaiba. Sa bagay ng laman, may maliit na pagkakaiba sa pagitan ng mga tumanggap sa liwanag at yaong hindi. Sa karnal na pananaw, ni ang kanilang mga kaisipan ay labis na may pagkakaiba sa isa’t-isa. Anumang pagkakaiba sa pagitan ng dalawa ay kasing-nipis lamang ng papel, at tunay na walang malaking pagkakaiba ang kailangang sabihin. Kapag ang isang taong hindi isinilang na muli ay magtutungo sa palikuran, pumupunta rin ako sa palikuran, at kapag siya’y kakain, kumakain din ako.

Ang tanging pagkakaiba ay kung kanyang tinanggap si Jesu-Cristo sa pananampalataya o hindi; maliban nito, wala ng pagkakaiba. Marahil ito ay tila isang maliit na pagkakaiba, nguni’t ito sa katunayan ay may malaking kaibahan. Dahil nasa atin si Jesu-Cristo, tayo’y nabubuhay sa Kanyang biyaya, at dahil tayo’y nananalig kay Jesu-Cristo, tunay na magagawa natin ang gawain ng Diyos sa lahat ng oras.

Yaong mga isinilang sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu marahil ay ganap na hindi sapat, nguni’t sila ay maaari pa ring tumingin sa ilaw at palagiang sundin ito; salungat nito, yaong hindi tinanggap ang ilaw ay hindi makapamumuhay sa kabutihan, anuman ang kanilang pagnanais na gawin ito. Madalas kong nakikita ang pangyayaring ito sa aking paligid. Maging ang mga tinatawag na lingkod ng Diyos sa katunayan ay hindi taglay ang ilaw, kaya sila ay walang kakayahang magturo ng anumang bagay. Marami sa kanila ay hindi man lamang makapagturo sa kongregasyon pagdating ng rapture, ito man ay nakaraan, pagkatapos o sa kalagitnaan ng malaking kapighatian, dahil sila sa kanilang mga sarili ay hindi nalalaman ito.

Kung kanilang kilala na si Jesu-Cristo ay ang ilaw at tinanggap ang ilaw na ito, bakit sila nasa kadiliman pa rin? Bakit

68 Ikaw ba ay Naging Ilaw sa Ebanghelyo ng Katotohanan?

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

sila madilim pa rin? Kapag naroon ang ebanghelyo at ang ilaw, paanong hindi nila malalaman ito? Malinaw na sinabi ng Panginoon na Siya’y magbabalik sa pagtunog ng trumpeta sa huli, nguni’t kailan ang pagtunog ng huling trumpeta? Ito ba ay bago ang dakilang kapighatian? Hindi! Kung gayon ito ba ay pagkatapos ng dakilang kapighatian? Hindi! Ang alinman ay hindi wasto, dahil sinabi ng Panginoon na ang rapture ay magaganap matapos magsimula ang dakilang kapighatian nguni’t bago ito magwakas, bago ang pagbuhos ng poot ng pitong mangkok, at maraming mga hinirang ang mamamatay bilang martir sa panahong yaon. Ang atin lamang gagawin ay ang manalig alinsunod nito. Ang isang tao ba na taglay ang ilaw ay mabibigong makikilala ito?

Sa mga araw na ito, tila ang mga iglesia sa Korea ay nagpapaligsahan sa isa’t-isa sa pagpapatayo ng higit na malaking gusali ng iglesia. Lima sa sampung pinakamalaking mga iglesia sa daigdig ay sinasabing nakatayo sa Korea. Ang ibang mga pastor sa mga iglesiang ito ay humihingi ng donasyon sa kanilang kongregasyon sa pamamagitan ng pagkuha ng mga pautang at pagsangla ng kanilang mga bahay. Ang ganito bang gawain ay nararapat sa uri ng buhay na pinangungunahan ng mga tumanggap sa ilaw? Tiyak ako na sila yaong hindi tumanggap ng tunay na liwanag.

Yaong tumanggap sa ilaw ay nabubuhay sa biyaya. Sa pagliligtas ng Diyos sa atin, sa Kanyang biyaya ay ating pinangangaral ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung binigay ng Diyos, at alinsunod kung gaano tayo pinalakas ng Diyos kaya ating nagagawa ang lahat ng bagay. Iyan ang kapahayagan ni Apostol Pablo, “Lahat ng mga bagay ay aking magagawa doon sa nagpapalakas sa akin” (Filipos 4:13).

Sinasabi ng ibang tao na sila’y mag-isang nag-aaral ng Biblia sa kanilang mga tahanan upang maglingkod bilang isang

Ikaw ba ay Naging Ilaw sa Ebanghelyo ng Katotohanan? 69

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

pastor pagkatapos. Nguni’t ang paglilingkod bilang isang pastor, ang isang tao ay dapat munang matutunan ang ukol sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at panaligan ito. Dapat muna niyang tanggapin ang liwanag. At kapag siya ay naging ilaw ay maaari niyang tanglawan ang ilaw sa iba na nananatili sa kadiliman.

Sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, tayo ay nakapanahan sa biyaya ng Diyos. Dahil ating tinanggap ang handog na kaligtasan sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ng Diyos tayo ay nagniningning sa ilaw na tinanglaw ng Diyos sa atin. Sa Panginoon, aking napagnilayan kung anong uri ng biyaya ang binigay ng Diyos sa atin. Pinagkatiwala ng Diyos sa atin ang Kanyang gawain, at ating ginagawa ito sa pamamagitan ng pananampalataya, sa mga hangganan ng kalakasang binigay Niya sa atin. Yamang tayo ay sumusunod sa Panginoon sa pamamagitan ng pananalig nito, tayo ay laging mapayapa.

Kung sinuman ang hindi tumanggap sa kanyang kaligtasan, kung gayon hindi natin maaaring ipagpilitan ito sa kanya. Tayo ba ay Diyos? Hindi; nananalig lamang tayo na ang Diyos ay ang ilaw at sinusunod ang ilaw na ito. Sa tuwing ang ating mga puso ay malapit ng mahulog sa mga kahinaan at kadiliman, kailangan tayong tumingin sa ilaw muli at sundin ang ilaw na ito yamang tayo ay tinatanglawan nito.

Kapag kayo ay lumalabas at magpapatotoo, huwag gawin itong labis na mahirap unawain. Ang ating pinalalawig lamang ay ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Hindi natin pinalalawig ang ating sariling kahusayan sa pagsasalita, ating sariling kalooban, at ating sariling karunungan. Hindi natin ipinagmamalaki ang anumang bagay, nguni’t ating pinalalawig lamang ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu na ginampanan ni Jesu-Cristo. At tayo ay nabubuhay alinsunod sa ilaw. Mabuti

70 Ikaw ba ay Naging Ilaw sa Ebanghelyo ng Katotohanan?

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

man ang ating ginagawa o hindi, ay hindi mahalaga, nguni’t ang mahalaga ay ang mabuhay para sa Panginoon at sumunod sa Kanya.

Tinanggap na natin ang ilaw, at tayo ay naging yaong magpapalawig nitong ilaw. Dapat ay mayroong paniniwala sa ating mga puso. Ang pananampalatayang ito ang magtutulot sa atin na palagiang palawigin ang ebanghelyo, isagawa ang gawain ng katuwiran, tumingin sa ilaw, at mamuhay alinsunod sa ilaw. Tayo sa gayon ay mabubuhay na matuwid sa lahat ng oras at hindi matatalisod.

Higit sa lahat, nagpapasalamat ako sa Diyos sa pagbibigay sa atin ng ilaw ng kaligtasan. Kahit pa wala sa atin ang mga bagay kundi ang ilaw ng kaligtasan lamang, maaari pa rin tayong mamuhay para sa Panginoon. Dahil walang bagay na mabuti sa atin, kailangan natin ang ilaw, at ang atin lamang gagawin ay manalig sa ilaw ng kaligtasang ito at mamuhay sa biyayang ito, palawigin ang tunay na ebanghelyo sa bawa’t isa. Sa ating pananalig sa ilaw ng kaligtasan, ngayon ay naging posible para sa atin ang palagiang mamuhay sa ilaw ng buhay sa harap ng Diyos.

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

Mula sa Kapangyarihan ng Kadiliman tungo sa Kaharian ng Anak

< Genesis 1:2-5 > “At ang lupa ay walang anyo at walang laman, at ang

kadiliman ay sumasa ibabaw ng kalaliman. At ang Espiritu ng Dios ay sumasa ibabaw ng tubig. At sinabi ng Dios, ‘Magkaroon ng liwanag’; at nagkaroon ng liwanag. At nakita ng Dios ang liwanag ay mabuti, at inihiwalay ng Dios ang liwanag sa kadiliman. At tinawag ng Dios ang liwanag na Araw, at tinawag Niya ang kadiliman na Gabi. At nagkahapon at nagkaumaga ang unang araw.”

Kapag Kayo ay Mananalig sa Ebanghelyo ng Katotohanan ng Tubig at ng Espiritu, ang Inyong Kalituhan sa Isipan Ay Maglalaho

Kung kayo at ako ay nakagawa kahit ang pinakamaliit sa

lahat ng kasalanan, dapat tayong hatulan sa kasalanang ito at mamatay sa harap ng Diyos. Iyan ang Kautusan ng Diyos. Subali’t, upang maiwasan ang paghahatol na ito sa atin, sinugo ng Diyos ang Kanyang bugtong na Anak na si Jesu-Cristo dito sa lupa, at pinabautismuhan Siya kay Juan Bautista. Kaya, sa pamamagitan ng paglilipat sa lahat ng kasalanan ng sangkatauhan sa Kanyang Anak, at sa pamamagitan ng pagpapako Niya sa Krus, hinayaan ng Diyos ang Kanyang Anak

72 Mula sa Kapangyarihan ng Kadiliman tungo sa Kaharian ng Anak

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

na mamatay para sa lahat. At ang Diyos ay binuhay Siyang muli mula sa kamatayan. Lahat ng ito ay isinagawa upang ang lahat ay maligtas sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.

Sinabi ni Jesus, “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay” (Juan 14:6). Sa pangyayaring ito, kung gayon ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu na sinambit ng Panginoon ay tunay.

Palagay ba ninyo na tuwing kayo at ako ay magkakasala sa Diyos, ang kasalanang ito ay mapapatawad kung ating ikukumpisal lamang? Saan nakatala sa Biblia na tayo’y mahuhugasan sa ating mga kasalanan sa tuwing tayo’y maghahandog ng mga panalanging pagkukumpisal?

Maraming tao ay tinuturo ang 1 Juan 1:9 bilang batayan sa doktrina ng pagsisisi. Yamang sinasabi ng 1 Juan 1:9, “Kung ipinapahayag natin ang ating mga kasalanan, ay tapat at banal Siya na tayo’y patatawarin sa ating mga kasalanan, at tayo’y lilinisin sa lahat ng kalikuan,” halos lahat ng Kristiyano ay naniniwala na sila’y nahugasan sa kanilang mga kasalanan tuwing kanilang ipapahayag ang mga ito. Ang gayong pagpapakahulugan, gayon pa man, ay isang malaking kamalian.

Ang tunay na kahulugan ng talatang ito na bagaman tayo ay patuloy sa pagkakasala sa kasalukuyan, inalis na ng Panginoon lahat ng kasalanan nitong sanlibutan sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Bakit nalalaman lamang nila ang unang sugnay ng 1 Juan 1:9, at hindi pansin ang nalalabing mga sugnay na sumusunod sa gayon ding talata? Ano ang ibig sabihin nang sinabi rito na ang Diyos ay “tapat at banal”? Nang sinabi rito na ang Diyos ay “tapat at banal,” ibig sabihin na higit sa 2,000 taon, sa pamamagitan ng bautismo ni Juan Bautista, si Jesu-Cristo ay kinuha na lahat ng ating kasalanan sa nakalipas, sa hinaharap, at sa kasalukuyan, at tapat at banal na hinugasan

Mula sa Kapangyarihan ng Kadiliman tungo sa Kaharian ng Anak 73

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

lahat ng ito, dahil nalalaman Niya na kayo at ako ay magkakasala. Iyan kung bakit sinasabi ng Biblia na kung ating ipapahayag ang ating mga kasalanan, ang Diyos ay tapat at banal na patatawarin tayo. Sa ibang salita, habang tayo ay nagkakasala at ipinapahayag ang ating mga kasalanan sa kasalukuyan, kinuha na ng Panginoon ang lahat ng bagay sa nakalipas, yamang kinuha Niya lahat ng ating kasalanan at inalis lahat ng ito matagal ng panahon.

Samakatuwid, sa ating pagpapatuloy sa buhay dito sa lupa bilang isang taong isinilang na muli sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, sa tuwing tayo ay magkakasala, dapat tayong gumawa ng wastong kapahayagan tulad ng sumusunod, inilalagay ang ating pananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu: “Ama, nagawa ko ang kasalanang ito. Wala akong magagawa kundi ang magkasala. Nguni’t ako’y nananalig na Inyong inalis maging ang kasalanang ito sa pamamagitan ng bautismo ni Juan Bautista. Lahat ng aking kasalanang nagawa ngayon, itong mga kasalanan ay matagal na ring naglaho nang Kayo ay bautismuhan at pinako sa Krus. Inyong nilinis at inalis lahat ng aking kasalanan ng sanlibutan, hindi lamang ang aking mga nakaraang kasalanan, bagkus maging ang aking kasalukuyan at hinaharap na mga kasalanan, lahat ay sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Maihahandog ko lamang sa Inyo ang aking pasasalamat, dahil Inyong ganap na niligtas ako yamang aking tinanggap ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, gayong ako ay dapat itapon sa impiyerno. Panginoon, nawa ay ingatan po itong puso ng taong matuwid, upang ako ay mamuhay bilang isang lingkod ng katuwiran, at akayin ako upang ako ay hindi na muling mahulog sa kasamaan.”

74 Mula sa Kapangyarihan ng Kadiliman tungo sa Kaharian ng Anak

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

Upang Tayo Ay Mapalaya sa lahat ng Ating Kasalanan at Kalituhan, Dapat Nating Malaman ang Katotohanan ng Ebanghelyo ng Tubig at ng Espritu at Sampalatayan Ito

Para sa atin, si Jesu-Cristo ay ang tunay na ilaw ng

kaligtasan. Si Jesu-Cristo ay ang tapat na Tagapagligtas sa atin, at tunay Niyang inalis lahat ng ating kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang tubig at dugo. Kailan Niya inalis ang ating mga kasalanan? Inalis Niya ang mga ito noon pa. Ang ilan sa inyo, sa tuwing kayo ngayon ay magkakasala, marahil ay nasasabi pa rin, “Ako ay nagsisisi, Panginoon; nawa ay patawarin itong aking kasalanan.” Nguni’t kayo ay gumagawa ng gayong kapahayagan dahil lamang hindi ninyo nakamtan ang ganap na kapatawaran sa inyong mga kasalanan. Habang kayo ay nanangis sa Diyos sa ganitong kapahayagan ng budhi, sa katunayan inalis na ng Panginoon lahat ng inyong kasalanan na minsan sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.

Kung ang Panginoon ay patatawarin ang ating mga kasalanan sa araw-araw na kasalukuyang panahon, sa ating pangungumpisal, kung gayon ang Panginoon ay hindi pa rin makauupo sa kanang kamay ng Diyos. Kailangan Niya ang araw-araw na pagbautismo at araw-araw na pagpapako sa Krus sa kamatayan, kahit habang tayo ay nagsasalita ngayon. Kung naniniwala pa rin kayo na ang inyong mga kasalanan ay araw-araw na napapatawad, kung gayon ang inyong pananampalataya ay nabalahaw pa rin sa espiritwal na kalituhan.

Si Jesu-Cristo ay naparito sa lupa bilang ilaw ng kaligtasan upang iligtas tayo sa putik ng kasalanan, at Siya’y tunay na naging ating Tagapagligtas sa pamamagitan ng pagparito sa atin sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Iyan kung bakit si Jesu-Cristo ay binautismuhan ni Jesu-Cristo, pinasan ang mga

Mula sa Kapangyarihan ng Kadiliman tungo sa Kaharian ng Anak 75

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

kasalanan ng sanlibutan sa Krus, at napako. At Siya’y namatay sa Krus, sinabing, “Naganap na,” at muling nabuhay na muli sa kamatayan. Tulad ng sinasabi sa Hebreo 10:18, “At kung saan may kapatawaran ng mga ito ay wala nang paghahandog na patungkol pa sa kasalanan,” sa pamamagitan ng paghahandog ng Kanyang sariling katawan bilang walang hanggang handog, minsanang iniligtas Niya tayo, upang wala ng anumang paghahandog para sa kasalanan. Samakatuwid, hinihiling ko sa inyong lahat na manalig nitong ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, at upang mapalaya sa lahat ng inyong kalituhan. Sa pamamagitan ng kaalaman at pananalig sa ebanghelyo ng Katotohanan ng tubig at ng Espiritu ay ating makakamit ang kapatawaran sa ating mga kasalanan, magiging taong matuwid, at isisilang na muli. Pinapayo ko sa inyong lahat na mapalaya ngayon sa kalituhan, at upang maligtas din ang di-mabilang na mga tao sa kalituhan.

Ang Lumang Tipan ay Pinapahayag Din na ang Sangkatauhan ay isang Kumpol ng Kasalanan

Sa Isaias 59:1-8, ang Diyos ay nangungusap ukol sa

kasalanan ng sangkatauhan, sinasabi na ang lahat ay nagkakasala sa pamamagitan ng kanyang mga kamay, mga paa, mga labi at katawan, at patuloy din sa paghahangad na magkasala. Tulad sa nasusulat:

“Narito, ang kamay ng PANGINOON ay hindi umiksi, Na di makapagligtas; Ni hindi man mahina Ang Kaniyang pakinig, Na hindi makarinig. Kundi pinapaghiwalay ng inyong mga kasamaan kayo at

76 Mula sa Kapangyarihan ng Kadiliman tungo sa Kaharian ng Anak

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

ang Dios; At ang inyong mga kasalanan ay siyang nagpagkubli ng

Kaniyang mukha sa inyo, Upang Siya’y huwag makinig. Sapagkat ang inyong mga kamay ay madumhan ng dugo, At inyong mga daliri ng kasamaan; Ang inyong mga labi, Ay nangagsalita ng mga kasinungalingan, Ang inyong dila ay nagsasalita ng kasamaan. Walang dumadaing ng katuwiran, At walang nanananggalan ng katotohanan: Sila’y nagsisitiwala sa walang kabuluhan, At nangagsasalita ng kasinungalingan; Sila’y nangaglilihi ng kalikuan, At nanganganak ng kasamaan. Sila’y pumipisa ng mga itlog ng ahas at gumagawa ng

bahay gagamba; Ang kumakain ng kanilang itlog ay namamatay; At ang napipisa ay nilalabasan ng ulupong. Ang kanilang mga bahay gagamba ay hindi magiging

kasuutan, O magsusuot man sila ng kanilang mga gawa; Ang kanilang mga gawa ay gawa ng kasamaan, At ang kilos ng karahasan ay nasa kanilang mga kamay. Tinatakbo ng kanilang mga paa ang kasamaan, At sila’y nangagmamadaling magbubo ng walang salang

dugo; Ang kanilang mga pagiisip ay mga pagiisip ng kasamaan; Kawasakan at kagibaan ay nasa kanilang mga landas. Ang daan ng kapayapaan ay hindi nila nalalaman; At walang kahatulan sa kanilang mga lakad; Sila’y nagsigawa para sa kanila ng mga likong landas;

Mula sa Kapangyarihan ng Kadiliman tungo sa Kaharian ng Anak 77

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

Sinumang lumalakad doon ay hindi nakakaalam ng kapayapaan.”

Nakasaad sa Isaias 59:1-2, “Narito, ang kamay ng PANGINOON ay hindi umiksi,Na di makapagligtas;Ni hindi man mahina Ang Kaniyang pakinig, Na hindi makarinig. Kundi pinapaghiwalay ng inyong mga kasamaan kayo at ang Dios;At ang inyong mga kasalanan ay siyang nagpagkubli ng Kaniyang mukha sa inyo, Upang Siya’y huwag makinig.”

Sinasabi rito na ang tanging dahilan bakit ang tao ay hindi maaaring makipagniig sa Diyos ay dahil sa kanilang mga kasalanan. Dahil sa ating mga kasalanan ang ating mga panalangin ay hindi umaabot sa Diyos, at ang Diyos ay hindi tayo mapagpala o hayaan pumasok sa walang hanggang Kaharian ng Langit. Sa ibang salita, dahil ang ating mga kasalanan ang humahadlang sa atin sa Diyos, hindi tayo matutulungan ng Diyos kahit pa nais Niyang tulungan tayo.

Nais ng Diyos na tugunan ang mga panalangin ng mga nagdurusa at naaapi dito sa lupa at tulungan sila, nguni’t dahil ang tao ay makasalanan, hindi Niya matutulungan sila. Kung may kasalanan pa rin sa inyong mga puso, kung gayon gaano man taimtim ang inyong panalangin, hindi maririnig ng Diyos ang inyong mga dasal. Iyan kung bakit sinasabi ng Diyos sa atin na kamtan ang kapatawaran sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng pananalig kay Jesu-Cristo, Siya na naparito sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.

Atin ngayong tignan mula sa Salita kung anong uri ng kasalanan ang inyong nagagawa sa inyong buong buhay. Nang sabihin dito sa Isaias 59:3, “Sapagkat ang inyong mga kamay ay madumhan ng dugo, At inyong mga daliri ng kasamaan,” ibig sabihin tayo ay nagkakasala sa pamamagitan ng ating mga kamay. At nang sabihing, “Sapagkat ang inyong mga kamay ay madumhan ng dugo, At inyong mga daliri ng kasamaan;Ang

78 Mula sa Kapangyarihan ng Kadiliman tungo sa Kaharian ng Anak

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

inyong mga labi, Ay nangagsalita ng mga kasinungalingan, Ang inyong dila ay nagsasalita ng kasamaan. Walang dumadaing ng katuwiran, At walang nanananggalan ng katotohanan,” (Isaias 59:3-4), ibig sabihin ating nagagawa lahat ng uri ng kasalanan sa pamamagitan ng ating mga bibig.

Sa Isaias 59:4-5 ay patuloy na sinasabi, “Sila’y nagsisitiwala sa walang kabuluhan, At nangagsasalita ng kasinungalingan; Sila’y nangaglilihi ng kalikuan, At nanganganak ng kasamaan. Sila’y pumipisa ng mga itlog ng ahas at gumagawa ng bahay gagamba.” Pinakikita ng talatang ito kung paano tayo nakagagawa ng pagsamba sa diyus-diyosan, pagyukod sa mga poon na gawa sa bato at kahoy sa ganap na walang kabuluhan. Pinakikita rin kung gaano ang kahinaan ng ating mga puso, may hangaring pagpatay kahit sa pinakamaliit na pahiwatig ng anumang pinsala, sugat, o paghamak, na siyang tiyak na uri ng puso na nagpipisa ng mga itlog ng ahas.

Ang tao ba ay likas na mabuti o masama? Di-mabilang na mga pilosopo at mga pantas sa dako ng Silangan at Kanluran ang nagpalawak ng kanilang sariling mga pagtatalo, ang ilan ay nagsasabi na ang tao ay likas na mabuti, habang ang ilan ay naninindigan na ang tao ay masama.

Subali’t, si Jesus, ang Panginoon ng Katotohanan, ay inilarawan ang makasalanang puso ng mga tao tulad sa sumusunod sa Marcos 7:21-23: “Sapagkat mula sa loob, mula sa puso ng mga tao, lumalabas ang masasamang pagiisip, ang mga pakikiapid, ang mga pagnanakaw, ang mga pagpatay sa kapuwa-tao, ang mga pangangalunya, ang mga kasakiman, ang mga kasamaan, ang pagdaraya, ang kalibugan, ang matang masama, ang kapusungan, ang kapalaluan, ang kamangmangan. Ang lahat ng masasamang bagay na ito ay sa loob nagsisipanggaling at nangakakahawa sa tao.” Ang Salita ng mga Kasulatan ay ang katotohanan.

Mula sa Kapangyarihan ng Kadiliman tungo sa Kaharian ng Anak 79

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

Ang lahat ay isinilang na may kasalanan, at ang lahat ay nabubuhay ng kanyang buong buhay sa pagkakasala. Wala ng ibang nilalang dito sa lupa na kasing-sama ng sangkatauhan. Kamakailan, isang pelikula na may pamagat na Maruta ang pinalabas sa Korea. Ang pelikulang ito ay ukol sa kuwento ng kalupitan ng mga Hapon sa Tsina noong Ikalawang Digmaang Pangdaigdig, nang ang mga hukbo ng Hapon ay nagsagawa ng maraming bilang ng pag-aaral sa mga buhay na katawan para sa kemikal at armas biolohika. Sa pelikulang ito, ang militar ng Hapon ay nagsagawa ng iba’t-ibang pag-aaral sa mga mamamayan ng Tsina at Korea, sinusuri kung gaano tatagal ang buhay ng tao sa ilalim ng iba’t-ibang temperatura ng lamig, inilalagay ang mga tao sa isang makina upang makita kung gaano ang katagal para sa kanila na alisin ang mga tubig sa katawan hanggang mamatay, at may ineksyon tinuturok sa kanila sa pamamagitan ng bakterya ng bubonic plague upang suriin kung gaano katagal ang para sa kanila upang mamatay. Tulad nito, ang puso ng tao ay masama na hindi mailalarawan. Makikita natin kung gaano ang kalupitan ng mga tao sa ilalim ng tiyak na mga pagkakataon, labis ang kasamaan kung saan nagagawa nilang gawin ang kanilang kapwa na isang kasangkapan sa pag-aaral. Lahat ng ito ay katibayan sa katotohanang ang lahat ay may masamang puso na ganap na pagkamakasarili.

Ang paligsahan at alitan ay ang dalawang anyo na ating malimit na nasasaksihan sa ating lipunan. Maraming mga taong malupit, matapos gamitin ang iba para sa kanilang sariling pakinabang, hindi umuurong sa pagpatay sa iba kapag nabuo na ang plano. Ang sukdulang makasariling puso na ilalagay ang sariling kapakanan higit sa lahat, at handang ihandog ang iba dahil dito, ay isang bunga sa katapusan sa kasamaan ng puso ng tao.

80 Mula sa Kapangyarihan ng Kadiliman tungo sa Kaharian ng Anak

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

Ilang mga kasalanan ang nagagawa ng tao? Tayo’y nakagagawa ng di-mabilang na mga kasalanan sa ating mga kamay, mga bibig, at mga asal. Ito ang katotohanan sa atin kung saan tayo’y hindi makatatakas, yamang tayo ay isinilang sa kasalanan. Sa pelikulang Schindler’s List, sinabi ni Schindler, “Sa tuwing may pagkakataon, ang kasamaan na nasa puso ng tao ay mabubuhos.” Tulad nito, dahil ang tao ay isinilang dito sa lupa na may gayong likas na kasamaan, lahat sila’y nakagagawa ng kasalanan hanggang ang mga pagkakataon ay maging hinog na mabubuhos ang kanilang mga kasamaan.

Gayon pa man, ang ilang tao ay sinusubukang ikubli lahat ng kasalanang kanilang nagawa ng kanilang buong buhay sa pamamagitan ng pagiging relihiyoso. Sinusubukan nilang ikubli panumandali ang kanilang nabunyag na mga kasalanan sa pamamagitan ng gayong mga bagay tulad ng paghahandog, boluntaryong gawain, pagdisiplina sa sarili, mga panalangin, at mga pagsisikap sa paghahatid ng ebanghelyo. Sa Korea din, maraming mga tao ang naghandog ng kanilang buong buhay sa paghahandog, kung saan sila’y tinatawag na buhay na mga hinirang. Marahil sila’y nakapagpapagaling ng may-sakit, naibabahagi ang kanilang mga materyal na ari-arian sa iba, pagkalinga, at sa pamamagitan ng lahat ng ito ay nakapagdudulot ng mga pakinabang sa karnal na mga buhay ng walang saysay, nguni’t hindi nila mapapalaya ang mga taong ito sa kasalanan at gawin silang matuwid. Ito ay dahil ang Diyos ay hindi tumitingin sa panlabas na anyo, bagkus Siya’y tumitingin sa kanyang puso. Sa ibang salita, kapag ang Diyos ay tumitingin sa kalagitnaan ng puso ng mga tao, nakikita Niya na sila’y puno ng mga nakalalasong kasalanan at nagsasagawa ng kasamaan. Hindi kailangan ng Diyos ang mikroskopyo upang makita ito, dahil Siya ang lumikha sa atin, kaya nalalaman Niya lahat ukol sa atin.

Mula sa Kapangyarihan ng Kadiliman tungo sa Kaharian ng Anak 81

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

Aking mga kapwa mananampalataya, batid ba ninyo kung gaano ang katigasan ng puso ng bawa’t isa? Likas sa tao na hamakin yaong mahihina. Kapag ating titignan yaong kinikilala ng lahat dahil sa kanilang mabubuting gawa, o kung ating titignan ang pagsulong, lubos na demokratikong mga bansa, ating makikita na ang kanilang mga pag-uugali sa katunayan ay higit na marahas. Noong mga unang panahon, ang mga may dakilang kapangyarihan kadalasan ay sinasakop at ninanakawan ang mahihina at maliliit na mga bansa nang walang-alinlangan.

Tulad halimbawa, nang ang Inglatera ay pinamamahalaan ang Hong Kong sa kanyang nasasakupan, hindi ba nito pinahina ang Tsina sa pamamagitan ng opium? Ang lahat ay gumawa ng sukdulang walang habag para sa kanyang sariling pakinabang. Ito ang tunay na larawan ng lahat ng tao.

Ang mga tao ay labis na marahas kung saan sila’y handang sakupin ang ibang bansa at agawin ang lupain bilang kanila, kahit pa nangangailang patayin ang ibang tao. Ito kung sino ang likas na mga tao. Ang sangkatauhan ay isang masamang nilalang. Iyan kung bakit inilarawan ng Biblia ang mga tao bilang “lahi ng mga manggagawa na kasamaan” (Isaias 1:4), tinawag na mga makasalanan. Sinasabi rin sa Isaias 59:7, “Tinatakbo ng kanilang mga paa ang kasamaan, At sila’y nangagmamadaling magbubo ng walang salang dugo; Ang kanilang mga pagiisip ay mga pagiisip ng kasamaan; Kawasakan at kagibaan ay nasa kanilang mga landas,” at malinaw na tinutukoy ang likas na kasamaan ng sangkatauhan. Ang lahat ay tulad nitong kaisipan at ugali.

Tulad ng sinabi ni Jesu-Cristo, ang nagmumula “sa loob, mula sa puso ng tao,” ay tanging “masasamang kaisipan, pangangalunya, pakikiapid, pagpatay, pagnanakaw, paninibugho, kasamaan, panlilinlang, kahalayan, masasamang mata, pag-alipusta, kapalaluan, at kahangalan.” Aking kapwa

82 Mula sa Kapangyarihan ng Kadiliman tungo sa Kaharian ng Anak

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

mga mananampalataya, bilangin ng inyong mga kamay ang mga kasalanang ito, at itanong sa inyong mga sarili kung ang gayong mga bagay ay tunay na nasa inyong mga puso o wala. Kung kayo ay tapat sa Diyos, sa gayon ay inyong aaminin na ang inyong puso ay nagtatago ng lahat nitong mga kasamaan.

Nguni’t sa kabila nito, bagaman lahat ng tao ay may gayong mga kasalanan sa kanilang mga puso, hindi nila nalalaman ang kanilang sariling mga kasalanan. Sa mga taong ito, sinabi ng Diyos, “Ang kadiliman ay sumasa ibabaw ng kalaliman.” Sa ibang salita, bagaman mayroong lahat ng uri ng kasalanan sa kanilang mga puso, hindi nalalaman ng tao kung sino talaga sila. At di-mabilang na mga tao ang nalinlang sa pag-aakala na sila’y hindi labis na masasama. Upang ating makamtan ang kapatawaran sa ating mga kasalanan, dapat muna nating makilala ang ating tunay na mga sarili, nguni’t ang suliranin ay hindi natin nalalaman ito. Kung ang isang tao ay walang pagkilala sa sarili, na siya’y patungo sa impiyerno dahil siya’y labis na masama, kung gayon hindi niya maiiwasan kundi ang maging relihiyosong mapagkunwari lamang. Maraming mga Pariseo ang nabigong kamtan ang biyaya ng kaligtasan dahil hindi nila nababatid ang kanilang tunay na mga sarili at tumatangging tanggapin ito.

Iyan kung bakit ang Diyos ay tumanglaw sa ating mga puso sa pamamagitan ng ilaw ng Katotohanan. Sa ibang salita, ating makikilala ang pangangailangang tanggapin ang kapatawaran sa ating mga kasalanan kung ituturo lamang ng Diyos sa atin kung anong uri ng kasalanan mayroon tayo, at anong uri ng kasalanan ang ating nagagawa. Sa dahilang ito kaya sinulat ng Diyos ang ukol sa mga kasalanan ng sangkatauhan sa Biblia. Sa katunayan, habang ang Biblia ay ang aklat ng kaligtasan na magtutulot sa atin na maligtas sa kasalanan sa pamamagitan ng pananalig nitong Salita, ito ay, sa kabilang dako, ay salamin din na

Mula sa Kapangyarihan ng Kadiliman tungo sa Kaharian ng Anak 83

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

magtutulot sa atin na makita ang ating mga sarili. Itong Salita ng mga Kasulatan, sinabi ni Jesu-Cristo na

mula sa kalooban, mula sa puso ng tao, ay lumalabas ang masamang mga kaisipan una sa lahat. May mga masasamang kaisipan sa ating mga puso, sa madaling salita. Mayroon ba kayong masasamang kaisipan o wala? Tiyak na mayroon. Kayo ba ay mayroong masamang mga hangarin o wala? Tiyak na mayroon. Mayroon ba kayong makasariling hangarin na magnakaw o wala? Tiyak na mayroon. Mayroon ba kayong hangaring pumatay o wala? Tiyak na mayroon. Mayroon ba kayong hangaring mangalunya o wala? Tiyak na mayroon. Hindi ba makasarili ang inyong mga puso? Makasarili ang aming puso. Kayo ba ay may masasamang mata, lapastangan, palalo, at hangal ang inyong mga puso? Oo. Lahat ng itong mga hangarin ay nananatili sa inyong mga puso at sa aking puso, sa puso ng lahat na nabubuhay dito sa lupa, mga lalake at mga babae, bata at matatanda, at mayayaman at mahihirap man.

Gayon pa man, hindi ang lahat ay nalalaman na mayroong gayong mga kasalanan sa kanyang puso. Bago tumanglaw ang kaligtasan ng Diyos sa mga tao sa pamamagitan ng ilaw ng Katotohanan, walang paraan para sa kanila na mabatid ang tunay na katauhan ng kanilang mga sarili. Bago natin makilala ang Salita ng mga Kasulatan, inaakala nating tayo ay may maliit na kapintasan. Sinasabi nating, “Hindi ako nakagawa ng anumang malaking kasalanan. Hindi ako nagnakaw ng anumang bagay mula kanino. Hindi ako talagang nakagawa ng anumang malaking pagsalangsang, at ako ay nabuhay na may kabutihan.”

Gayon pa man, sinasabi ng Diyos sa atin, “Kayo ay mga mamamatay-tao, mga magnanakaw, mga mangangalunya, yaong gumawa ng gayong mga kasalanan tulad ng paninibugho, kasamaan, kahalayan, pagseselos, pag-aaway, kapalaluan, at kahangalan.” At sasabihin ng mga tao, “Kailan ako nakapatay?

84 Mula sa Kapangyarihan ng Kadiliman tungo sa Kaharian ng Anak

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

Sino ang aking pinatay? Kailan man ay hindi ako pumamatay ng tao. At paano ako labis na mahalay? Yaong mga nagtutungo sa mga bahay aliwan ang mahahalay, hindi ako. Hindi pa ako nakapunta sa gayong lugar, at paano Ninyo masasabi na ako ay isang mahalay? Paano Ninyo magagawang saktan ako tulad niyaon?”

Ang tao ay hindi lamang nabigong malaman ang kanilang mga tunay na kasalanan, nguni’t sila ay ganap na nalinlang sa kanilang tunay na masamang katauhan. Hindi nila nalalaman kung saan sila nagmula at saan sila patungo; ano ang kanilang ikinabubuhay at kung saan sila patungo; at ano ang huling hangganan sa mga nagkamit ng kapatawaran sa kasalanan, at para sa mga makasalanang hindi nakamtan ang biyaya ng Diyos.

Sa kaalaman sa Diyos na Siyang naparito sa pamamagitan ng ebanghelyo ng pag-ibig ng tubig at sa espiritu ay kanyang mababatid na mabuti ang kanyang mga kasalanan sa huli. Sinasabi ng Biblia na ang takot kay Yahweh ay ang saligan ng karunungan. Sa ibang salita, ang taong tunay na may takot sa Diyos ay makikilala ang kanyang sarili, nalalaman kung saan siya patutungo, nakikilala ang kanyang mga kasalanan, at nauunawaan lahat ng layon ng Diyos para sa buong kalawakan. Ito sa katunayan ay akma sa inyo at sa akin din. Bagaman sinabi ng Diyos sa atin na tayong lahat ay may masasamang kaisipan, tayo’y nalinlang na isiping, “Anong masamang kaisipan mayroon ako? Kailan man hindi ako nagkaroon ng masamang mga kaisipan!”

Wala tayong magagawa kundi aminin ang ating kasamaan dahil ito ang sinasabi ng Salita ng Diyos. Dahil ang Salita ng Diyos ay tunay kaya kailangan nating aminin sa ating mga sarili bilang mga masamang nilalang sa harap ng Salita. Kung ang isang tao ay hindi tinatanggap ang katotohanan ng Biblia, hindi niya aaminin na siya’y may gayong mga masasamang bagay

Mula sa Kapangyarihan ng Kadiliman tungo sa Kaharian ng Anak 85

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

tulad ng tinutukoy sa Marcos 7:21-23. Para sa masusing halimbawa, kung inyong makilala ang

mga kriminal na hinatulan ng kamatayan o nabilanggo habangbuhay, sila marahil ay aamin na sila’y nakagawa lamang ng isang maliit na pagkakamali sa anumang pagkakataon, at sila ay hindi tunay na may-sala. Kaya karamihan sa mga kriminal ay tumututol ng kanilang pagiging inosente, inaangkin na sila’y nabilanggo dahil sa ganap na kasawiang-palad.

Tulad nito, ang mga tao ay sukdulang mangmang sa kanilang sariling mga kasalanan. Bago natin kamtan ang kapatawaran sa ating mga kasalanan, kayo at ako ay ganap na nalinlang sa katunayang tayo ay masamang binhi. Tulad ng aking sarili, ako ay nakagawa ng maraming hangal na mga bagay sa nakaraan, nguni’t hindi ko nababatid na may isang hangal kaisipan sa akin. Sa ibang salita, sa kalaliman ng aking puso mayroong gayong mga kasalanan, nguni’t sa aking panlabas na katauhan ay hindi nakikita ang mga ito. Paminsan-minsan, ako ay nakagagawa ng ilang di-makatwirang kapasiyahan at nakagagawa ng kahangalan, nguni’t pagkatapos ay aking sisisihin ang mga pagkakataon, pinahihirapan ang aking sarili at mananangis sa aking nagawa.

At pagkatapos sa aking puso ay sisikapin kong aliwin ang aking sarili. Nakagawa ako ng gayong mga masamang gawain sa tuwing ang aking likas na kasamaan ay sumisibol. Nguni’t sa kabila nito, bagaman ako ay may kaugaliang tulad nito, at bagaman ako ay nambugbog ng isang tao na halos ikamatay niya, hindi ko naisip sa aking sarili bilang isang mamamatay-tao. Inisip ko, “Kailan ko nasaksak ang sinuman sa kamatayan?” Kaya yamang wala pa akong napapatay na tao, palagi kong pinangangatwiran ang aking sarili, at kinikilala ko ang aking sarili bilang isang desenteng tao.

Bago ko malaman ang Salita ng mga Kasulatan, inakala ko

86 Mula sa Kapangyarihan ng Kadiliman tungo sa Kaharian ng Anak

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

sa aking sarili na ako ay isang taong marangal, isang taong malayo sa “kasalanan.” Ako, rin, ay ganap na mangmang sa aking sarili. Marahil kayo rin ay tulad ko. Nang ako ay bata pa, akala ko lahat ng mga kabataang babae ay mga anghel. At sa tuwing nakakakita ako ng mga madre o mga nurse na may puting baro, akala ko rin silang lahat ay mga anghel. Gayon pa man, nang ako ay magbinata, ako ay nagkaroon ng mahalay na kaisipan sa tuwing nakakakita ako ng magagandang mga babae, nag-aapoy na may imoral na mga pagnanais. Kaya ako ay nalungkot, tiwala na ang isang taong marumi tulad ko ay dapat maglaho sa ibabaw ng daigdig. Nang ako ay tumanda ng kaunti, sa huli ay nabatid ko na lahat ng tao ay mga mapagkunwari, at ang lahat ay halos magkakatulad. Ang lahat, sa madaling salita, ay ganap na mangmang sa kanyang sarili, inaaksaya ang kanyang buhay sa walang kabuluhan.

Dahil nakita ng Diyos ang ating hangarin ng ating puso na magnakaw kaya sinabi Niya sa atin, “Kayo ay mga magnanakaw,” kahit pa bago tayo tunay na magnanakaw ng anumang bagay. Sinasabi Niya, “Kayo ay mga mamamatay-tao, kayo ay mapagmalaki, at kayo ay nababaliw.” Sa katunayan, mayroon ba na hindi nagnanasa ng aria-arian ng ibang tao? Wala. Ang paksa dito ay hindi kung ang isang tao ay tunay na nagnanakaw ng bagay o hindi, kundi sa katunayang dahil ang lahat ay likas na may pusong makasalanan, isasagawa niya ang kanyang mga hangarin sa tuwing looban ng mga pagkakataon.

Kapag tayo ay nagtamin ng mga bulaklak, hindi natin tinatanim ang mga ito agad sa lupa, nguni’t atin munang itatanim ang mga binhi, didiligan ang mga ito, at hayaang sumibol ang mga ito at mamukadkad. Gayon din, dahil tayo ay may mga binhi ng kasalanan sa ating mga puso kaya tayo tayo nakagagawa ng masasamang mga gawain. Sa ibang pananalita, sa ating mga puso ay naroon ang labingdalawang mga binhi ng

Mula sa Kapangyarihan ng Kadiliman tungo sa Kaharian ng Anak 87

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

kasalanan, kaya ang isang binhi ay sisibol ngayon at ang iba naman ay bukas. Sa pahintulot ng mga pagkakataon, itong labingdalawang mga binhi ay patuloy na sisibol, lalago, at mamumukadkad sa ating mga puso. Sa madaling salita ating isinasagawa ang mga ito. Na ang kadiliman ay nasa ibabaw ng kalaliman ay nangangahulugan na may mga kasalanang nakakubli sa kalaliman ng puso ng mga tao kung saan sila ay walang nalalaman ukol sa kanilang mga sarili.

Ang kadiliman ay nagsasaad ng kasalanan. Ibig sabihin na may mga kasalanan sa puso ng mga tao. Iyan ang sinasabi ng Diyos. Maari ba ninyong aminin ito, aking kapwa mga mananampalataya? Marahil ay tayo ay hindi nakagawa ng gayong mga kasalanan sa atin, nguni’t sinasabi pa rin ng Diyos sa atin na taglay natin itong mga kasalanan. Tinatanggap ba ninyo itong katotohanan? Ang katotohanan na ang lahat ay tulad nito. Halimbawa, inaakala ba ninyo na si Mother Theresesa, ay isang tao na kinilala bilang isang bantog na hinirang sa kanyang panahon, ay hindi tulad nito? Bagaman hinangad niya na tulungan ang iba, ang kanya bang puso ay ganap na malaya sa anumang kasamaan, mamamatay-tao, mangangalunya, at mga hangaring paninibugho? Kung siya’y tunay na malaya sa kayong mga masamang hangarin, kung gayon si Jesu-Cristo marahil ay sinungaling, o si Mother Theresa ay hindi isang “tao.” Gayon pa man, yamang si Mother Theresa ay tao, at yamang ang Salita ni Jesu-Cristo ay ang tiyak na Katotohanan na hindi taglay ang isang tuldok o isang titik na kamalian, siya’y hindi maaaring maging lubos na ganap.

Ilang dami ng walang-awang pagpatay ang naganap sa kasaysayan ng Kristiyanismo, kung saan di-mabilang na mga tao ang namatay dahil lamang sa pagsalungat na itinakdang relihiyosong kaugalian ng isang araw? Ang mga Krisityano ay pumatay ng maraming tao sa panahon ng Medieval. Bakit

88 Mula sa Kapangyarihan ng Kadiliman tungo sa Kaharian ng Anak

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

nangyari ito? Dahil silay ay may mga hangaring pagpatay sa kanilang mga puso kaya sila’y pumapatay ng maraming tao ng walang pakundangan dahil sa pagtutol sa kanilang kapamahalaan ng relihiyon.

Sa katunayan, ang kapamahalaan ng lahat ng relihiyon ay marurumi. Ang legalismong buhay ng bawa’t relihiyoso, hindi yaong hinirang na hindi isinilang na muli, ay tulad ng malansa at nabubulok na isda. Tulad nito, maging sa Kristiyanismo, kung ang isang tao ay hindi isinilang na muli sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, kung gayon malinaw na sasabihin ng Diyos, kahit pa ang taong ito ay ipakita ang kanyang tunay na debosyon sa iba, “Ikaw ay isang kumpol ng kasalanan at isang makasalanan. Kaya malibang ikaw ay manalig kay Jesu-Cristo, tanggapin ang ilaw, at tanggapin ang kapatawaran sa iyong mga kasalanan, ikaw ay itatapon sa impiyerno. Ikaw man ay isang pastor, isang matanda sa iglesia, o isang diyakono, malibang ikaw ay isilang na muli sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ikaw ay itatapon sa impiyerno.”

Ang isang tao ay dapat sumuko sa Salita ng Diyos. Nguni’t sa kabila nito, yaong mga mangmang sa ebanghelyo ng Katotohanan ng tubig at ng Espiritu ay lumalakad sa maling daan. Sa madaling salita, sila’y nagtatangka na mahugasan sa kanilang mga kasalanan at marating ang Langit sa pamamagitan ng kanilang sariling mga relihiyosong buhay, sa pagsisikap na maabot ang kahigtan sa pamamagitan ng kanilang sariling mga gawa at pagdisiplina sa kanilang mga katawan. Subali’t, sa mga hindi nakikilala ang kanilang makasalanang mga sarili, sinasabi ng Panginoon, “Ang daan ng kapayapaan ay hindi nila nalalaman; At walang kahatulan sa kanilang mga lakad; Sila’y nagsigawa para sa kanila ng mga likong landas; Sinumang lumalakad doon ay hindi nakakaalam ng kapayapaan” (Isaias 59:8).

Mula sa Kapangyarihan ng Kadiliman tungo sa Kaharian ng Anak 89

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

Malinaw na sinasabi sa Biblia, “May daan na tila matuwid sa tao, nguni’t ang dulo niyaon ay mga daan ng kamatayan” (Mga Kawikaan 16:25). Maraming tao ang naniniwala, “Kung ako’y mamumuhay na may kabaitan, kung gayon ako’y makapapasok sa Langit,” at kaya sila’y namuhay sa kanilang relihiyosong mga buhay alinsunod sa kanilang sariling mga walang saysay na kaisipan. Gayon pa man, sinasabi ng Diyos na ang gayong tao ay mapapahamak ang lahat ng walang pagtangi. Gaano man tiwala ang mga taong ito sa kanilang sariling mga kaisipan, naniniwala na silang lahat ay papasok sa Langit isang araw kung sila’y magiging mabuti sa iba at magiging masipag sa kanilang mga gawain, ang kanilang katapusan ay tanging ang kanilang pagwasak. Nguni’t inaakala nila ang tulad nito dahil hindi nila nalalaman ang daan ng kapayapaan. Ang kanilang mga maling bunga mula sa kanilang kamangmangan nitong binigay na pagpapala ng Diyos na magtutulot sa kanila na isilang na muli sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.

Yamang ang mga Legalista ay Hindi Nalalaman ang Daan ng Kapayapaan, Inaakay Nila ang mga Tao sa Kalituhan

Maraming Kristiano ngayon ang may mga larawan ni

Jesu-Cristo at ang Krus ang inilalagay sa kanilang mga silid, at inaakala nilang silang lahat ay makapapasok sa Langit kung sila’y mananalig lamang kay Jesu-Cristo anuman ang tingin nilang nararapat. Subali’t, ang gayong tao ay naniniwala kay Jesu-Cristo ng walang kaalaman sa daan ng kapayapaan. Upang makarating sa Langit, ang sinumang ang puso ay may kasalanan sa Diyos ay dapat munang kamtan ang kapatawaran sa

90 Mula sa Kapangyarihan ng Kadiliman tungo sa Kaharian ng Anak

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

kasalanan ng walang kabiguan. Nang sinabi ng Panginoon, “Ang lupa ay walang anyo,

walang laman; at ang kadiliman ay sumasa ibabaw ng kalaliman,” sinasabi Niya na ang tao ay hindi nakikilala ang kanilang sariling mga kasalanan, bagaman ang mga ito ay labis na marami. Subali’t, sa pamamagitan ng talata sa Marcos 7:21 at ang sumusunod, ating mababatid na tayo ay may labingdalawang mga kasalanan sa ating mga puso, at tayong lahat ay bihag nitong mga kasalanan sa ugali at patuloy sa paggawa ng mga ito ng ating buong buhay.

Bawa’t isa sa atin ay walang magagawa kundi ang magkasala sa ating laman. Tayo’y tunay na walang mapipilian sa bagay na ito. Gaano man ang kabutihan ng isang tao, ang taong ito ay magkakasala pa rin, dahil tunay na may kasalanan sa kanyang puso.

Tayong lahat ay nagkasala sa Diyos. Kahit pa kayo’y hindi nagkasala sa pamamagitan ng inyong mga kilos, o ayon sa inyong sariling pamantayan, kayo pa rin ay patuloy na magkakasala sa inyong mga puso. Hindi ko sinasabi rito na kayo ay nakagawa ng kasalanan sa pamamagitan ng tiyak na asal o gawa, nguni’t ang aking sinasabi na likas, kayo at ako ay taglay ang gayong mga kasalanang tinatago sa ating mga puso, at sa tamang pagkakataon, ating nagagawa lahat ng ito sa ating mga isipan, mga salita, at mga asal. Sa pamamagitan ng nakasulat na Salita ng Diyos, atin ngayong nabatid kung paano tayong lahat ay dakilang mga makasalanan. Nang sabihin ng Biblia, “Ang kadiliman ay sumasa ibabaw ng kalaliman,” ito’y nagsasaad na mula sa araw na tayo’y isinilang hanggang sa araw na tayo’y mamatay, tayo’y nakagawa at patuloy na makakagawa ng gayong mga kasalanan hanggang tayo ay tumayo sa harapan ng Diyos. Aking mga kapwa mananampalataya, tinatanggap ba ninyo itong Salita sa inyong mga puso?

Mula sa Kapangyarihan ng Kadiliman tungo sa Kaharian ng Anak 91

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

Atin ngayong tignan ang Juan 8:1-11. “Datapuwa’t si Jesus ay napasa bundok ng mga Olivo. At

pagka umaga ay nagbalik Siya sa templo, at ang buong bayan ay lumapit sa Kaniya; at Siya’y naupo, at sila’y tinuruan. At dinala sa Kaniya ng mga eskriba at ng mga Pariseo ang isang babaing nahuli sa pangangalunya, at nang mailagay siya sa gitna. Ay sinabi nila sa Kaniya, ‘Guro, nahuli ang babaing tio sa kasalukuyan ng pangangalunya. Sa kautusan nga ay ipinagutos sa amin ni Moises na batuhin ang mga ganyan; ano nga ang Iyong sabi tungkol sa kaniya?’ At ito’y kanilang sinabi, na Siya’y sinusubok, upang sa Kaniya’y may maisumbong sila. Datapuwa’t yumuko si Jesus, at sumulat ng Kaniyang daliri sa lupa. Datapuwat nang sila’y nangapatuloy ng pagtatanong sa Kaniya, ay umunat Siya, at sa kanila’y sinabi, ‘Ang walang kasalanan sa inyo, ay siyang unang bumato sa kaniya.’ At sila, nang ito’y kanilang marinig, ay nagsialis na isa-isa, na nagpasimula sa katandatandaan hanggang sa kahulihulihan; at iniwang magisa si Jesus at ang babae, sa kinaroroonan nito, sa gitna. At umunat si Jesus at sa kaniya’y sinabi, ‘Babae, saan sila nangaroroon? Wala bagang taong humatol sa iyo?’ At sinabi niya, ‘Wala sinoman, Panginoon.’ At sinabi ni Jesus, ‘Ako man ay hindi rin hahatol sa iyo, humayo ka ng iyong lakad, mula ngayo’y huwag ka nang magkasala.’”

Dito sa Juan 8:11, sinabi ni Jesus sa babae na nangangalunya, “Ako man ay hindi rin hahatol sa iyo, humayo ka ng iyong lakad, mula ngayo’y huwag ka nang magkasala.” Ang babaeng ito ay nahuli sa akto ng pangangalunya sa isang lalaki. Ang pagsalangsang na ito ay nilabag ang Sampung Utos, at hinihiling ng Kautusan sa gayong isang tao na kailangang batuhin sa kamatayan kung may mga saksi lamang. Pagkatapos, paano masasabi ng Panginoon sa babae, nahuli sa akto ng kanyang kasalanan, “Ako man ay hindi rin hahatol sa iyo”?

92 Mula sa Kapangyarihan ng Kadiliman tungo sa Kaharian ng Anak

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

Ang babaeng ito ay nahuli ng mga Pariseo at mga eskriba. Ang mga eskriba ay mga pinuno sa hukuman. Sa madaling salita, sila’y mga pinuno sa pamahalaan. Ang mga Pariseo, sa kabilang dako, ay mga pinuno ng relihiyon sa panahong yaon, at sila’y mga guro ng Kautusan. Yamang ang babae ay nilabag ang Kautusang pinapaniwalaan nitong dalawang pangkat ng mga tao, walang paraan para sa kanya na matakasan ang paghahatol kundi ang kamatayan. Nang mahuli ang babae sa gawang pangangalunya, kinaladkad nila siya na parang aso at inilagay sa paanan ni Jesu-Cristo. Sa panahong yaon, ang mga eskriba at mga Pariseo ay sinusubukang galitin si Jesu-Cristo, Siya na isang tinik sa kanilang mga mata, upang kanila Siyang papatayin kasama ang babae.

Pinilit nila si Jesu-Cristo, sinasabing, inutos sa amin ng Kautusan ni Moises na batuhin sa kamatayan ang babaeng nahuli sa pangangalunya, nguni’t ano ang Iyong gagawin sa babaeng ito?” Sinusubukan nila si Jesu-Cristo sa pamamagitan ng Kautusan, yamang patuloy Niyang pinapaliwanag ang ukol sa pag-ibig. Sa panahong yaon, si Jesu-Cristo ay nagsimula munang magsulat sa lupa sa pamamagitan ng Kanyang daliri, at pagkatapos ay sinabi sa kanila, “Ang walang kasalanan sa inyo, ay siyang unang bumato sa kaniya.”

Ngayon, ang babae ay isang tao na hindi maiwasan kundi ang hatulan alinsunod sa Kautusan sa panahong yaon. Subali’t, sinulat ng Biblia na nang si Jesu-Cristo ay sinabi sa kanila na yaong walang kasalanan ang dapat bumato sa kanya, nang marinig ito, ang mga tao, “yamang naudyok ng kanilang mga budhi, ay isa-isang umalis, mula sa pinakamatanda hanggang sa huli.” Kaya, ang maraming tao na humatol sa babae ay umalis sa isang pagsalita ni Jesu-Cristo. Ang lahat ay tulad nito sa harap ng Diyos.

Mula sa Kapangyarihan ng Kadiliman tungo sa Kaharian ng Anak 93

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

Ngayon ang Katuwiran ng Diyos Maliban sa Kautusan Ay Nahayag

Aking kapwa mga mananampalataya, sino dito sa lupa ang

makatutupad sa Kautusan ng buong ganap? Ang Kautusan ay tumutukoy sa kabuuan ng 613 mga kautusan na binigay ng Diyos sa bayan ng Israel, itinakda kung ano ang kanilang dapat at hindi dapat gawin. Sa malawak na pananalita, ang Kautusan ay may sampung pangunahing mga utos, maging ang ibang mga utos ay dapat tupdin sa araw-araw na buhay. Ang ating malinaw na dapat mabatid dito, gayon pa man, na walang sinuman dito sa lupa ang makasusunod sa lahat ng Kautusan ng Diyos. Alinsunod sa mga panuntunan ng Kautusan ng Diyos, si Jesu-Cristo ay kailangang patayin ang babaeng mangangalunya at ang kanyang mga tagaakusa, nguni’t kung titignan sa pananaw ng kautusan ng pag-ibig, kailangan Niyang iligtas ang babae. Tunay nga, si Jesu-Cristo ay nangusap bilang ang tunay na Tagapagligtas na Siya, at sa pamamagitan ng Kanyang Salita ay iniligtas ang babae at pinaalis ang kanyang mga tagaakusa. Nang marinig nila ang sinabi ni Jesu-Cristo, “Ang walang kasalanan sa inyo, ay siyang unang bumato sa kaniya,” lahat sila ay naantig sa kanilang budhi, mula sa matanda hanggang sa bata, at lahat sila ay lumayo mula doon.

Kapag tayo ay haharap sa Kautusan ng Diyos, sino sa atin ang tunay na makatatayo na ang ating mga ulo ay nakataas na walang anumang kahihiyan? Nalalamang lubos ng Diyos na tayo ay walang kakayahang tupdin lahat ng Kautusan. Iyan ang dahilan bakit ginawa Niya ang Kanyang Kautusan at binigay sa atin, upang tayo ay Kanyang maligtas. Sinabi ni Jesu-Cristo sa babae, “Ako man ay hindi rin hahatol sa iyo.” Sa pamamagitan nito, ibig Niyang sabihin, “Ako man ay hindi masasabing ikaw ay may kasalanan.” Sinabi Niya, “Ako rin ay hindi humahatol sa

94 Mula sa Kapangyarihan ng Kadiliman tungo sa Kaharian ng Anak

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

iyo. Tumindig ka, babae; humayo ka at huwag na muling magkasala.”

Paano nasabi ito ng ating Panginoon? Sa katunayang ang babae ay malinaw na nahuli sa aktong pangangalunya, at siya ay tunay na nagkasala, nangangahulugan ba na ang kanyang kasalanan ay walang-pasubaling tinakpan dahil sa pag-ibig? Tulad ng ating nalalaman, ang Diyos ay Diyos ng katarungan. Paano, kung gayon, masasabi ni Jesu-Cristo ang gayon?

Iyan ay dahil si Jesu-Cristo ay tinanggap na lahat ng kasalanan ng sangkatauhan na minsanan, kasama ang kasalanan ng babae, sa pamamagitan ng Kanyang bautismong tinanggap sa Ilog ng Jordan mula kay Juan Bautista, ang kinatawan ng sangkatauhan. Dahil ang ating Panginoon, sa pamamagitan ng bautismo ni Juan Bautista sa Ilog ng Jordan, kinuha hindi lamang ang kasalanan ng babaeng ito, bagkus lahat ng ating kasalanan at lahat ng kasalanang ginawa ng mga tao sa nakaraan at gagawin sa hinaharap, masasabi Niya sa babae na siya’y walang kasalanan. Sa madaling salita, dahil si Jesu-Cristo ay kinuha na ang mga kasalanan ng sanlibutan sa pamamagitan ng bautismo ay maaaring sabihin ng Panginoon sa babae na hindi Niya siya “hinahatulan.”

Tiyak na paano, kung gayon, kinuha ni Jesu-Cristo ang kasalanan ng babaeng ito? Upang bigyang kasagutan, ating tignan sa Mateo 3:13-17.

“Nang magkagayo’y naparoon si Jesus mula sa Galilea at lumapit kay Juan sa Ilog ng Jordan, upang siya’y bautismuhan Niya. Datapuwa’t ibig Siyang sansalain ni Juan, na nagsasabi, “Kinakailangan ko na ako’y Iyong bautismuhan, at Ikaw ang naparirito sa akin?’ Nguni’t pagsagot ni Jesus ay sinabi sa kaniya, ‘Payagan mo ngayon, sapagka’t ganyan ang nararapat sa atin, ang pagganap ng buong katuwiran.’ Nang magkagayo’y pinayagan niya Siya. At nang mabautismuhan si Jesus,

Mula sa Kapangyarihan ng Kadiliman tungo sa Kaharian ng Anak 95

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

pagdaka’y umahon sa tubig at narito, nangabuksan sa Kaniya ang mga langit, at nakita niya ang Espiritu ng Dios, na bumababang tulad sa isang kalapati, at lumalapag sa Kaniya. At narito, ang isang tinig mula sa mga langit, na nagsasabi, ‘Ito ang sinisinta Kong Anak, na Siya Kong lubos na kinalulugdan.”

Dito, ating makikita si Jesu-Cristo na binautismuhan ng isang lalaking may pangalan na Juan Bautista. Nguni’t sa umpisa, si Juan Bautista ay tumangging bautismuhan si Jesu-Cristo. Sinasabi niya, “Hindi! Paano ko maaaring bautismuhan Ka, na Anak ng Diyos, gayong ako ang Iyong dapat bautismuhan?”

Gayon pa man, ating nakitang inutusan ni Jesu-Cristo si Juan Bautista, sinabing, “Payagan mo ngayon, sapagka’t ganyan ang nararapat sa atin, ang pagganap ng buong katuwiran.” Sa pamamagitan nito, sinasabi ni Jesu-Cristo na upang maglaho ang mga kasalanan ng lahat, nararapat para sa Kanya na bautismuhan. Kaya si Jesu-Cristo ay binautismuhan ni Juan Bautista. Binautismuhan ni Juan Bautista si Jesu-Cristo, inilagay ang kanyang mga kamay sa Kanyang ulo, inilubog Siya sa tubig, at pagkatapos ay inahon Siya mula sa tubig. At nang si Jesu-Cristo ay tinanggap ang bautismong ito, ang mga pintuan ng Langit ay nangabukas, at sinabi ng Diyos Ama, “Ito ang sinisinta Kong Anak, na Siya Kong lubos na kinalulugdan.”

Ang kahulugan ng pariralang “buong katuwiran” ay ang pagkuha ni Jesu-Cristo sa lahat ng kasalanan ng sanlibutan, upang maaari Niyang gawin ang lahat ng maging walang kasalanan at dalhin sa Langit. Ano, kung gayon, ang kailangang gawin ni Jesu-Cristo upang tuparin itong matuwid na gawain upang tayo ay maging walang kasalanan? Kailangan Siyang bautismuhan ni Juan Bautista. Ang bautismong tinanggap ni Jesu-Cristo kay Juan Bautista ay nangangahulugan ng “paghuhugas, paglilibing, paglilipat, o pagsalin.” Dahil kinuha

96 Mula sa Kapangyarihan ng Kadiliman tungo sa Kaharian ng Anak

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

ni Jesu-Cristo lahat ng kasalanan nitong sanlibutan na minsanan sa pamamagitan ng bautismo na Kanyang tinanggap mula kay Juan Bautista, maaari Niyang dalhin ang mga ito sa Krus, ipako sa Krus sa kamatayan, at muling mabubuhay.

Si Jesu-Cristo ay ang Anak ng Diyos. Siya ang Manlilikha na gumawa ng buong kalawakan at lahat ng bagay nito. Siya ang Tagapagligtas na nagligtas sa inyo at sa akin mula sa ating mga kasalanan. Itong si Jesu-Cristo ay nakilala ang isang babae na nahuli sa akto ng pangangalunya. Subali’t, kinuha na ni Jesu-Cristo ang kasalanan ng babaeng ito tulad nito, dahil Kanyang nalalaman na siya’y magkakasala habang nabubuhay dito sa lupa, na siya’y magkakasala ng pangangalunya. Ang Walang Hanggang Paghahandog ni Jesus ay Inihayag sa Levitico

Sa kabanata 16 ng Levitico ay sinasaad ang regulasyon ng

“Araw ng Pagtutubos” nang si Aaron ay tinulungan ang bayan ng Israel upang mapatawad mula sa kanilang taunang mga kasalanan.

Nasusulat sa Levitico 16:21-22, “At ipapatong ni Aaron ang kaniyang dalawang kamay sa ulo ng kambing na buhay, at isasaysay sa ibabaw niyaon ang lahat ng mga kasalanan ng mga anak ni Israel, at lahat ng kanilang mga pagsalangsang, lahat nga ng kanilang mga kasalanan; at ilalagay niya sa ulo ng kambing, at ipadadala sa ilang sa pamamagitan ng kamay na isang taong handa. At dadalhin ng kambing ang lahat ng mga kasalanan nila, sa lupaing hindi tinatahanan; at pawawalan niya ang kambing sa ilang.”

Si Aaron ang Mataas na Saserdote ay binanggit dito sa talata. Sa lahat ng mga saserdote na nag-aalay ng mga handog sa

Mula sa Kapangyarihan ng Kadiliman tungo sa Kaharian ng Anak 97

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

Diyos sa Tabernakulo alang-alang sa bayan ng Israel, siya ang pinakamataas na saserdote. Sa ikasampung araw ng ikapitong buwan, itong kinatawang saserdote ay magdadala ng dalawang kambing para sa bayan ng Israel, pagsasapalaran, kukunin ang kambing na unang pinili sa Tabernakulo, at ililipat lahat ng kasalanan ng mga Israelita sa pamamagitan ng pagpapatong ng kanyang mga kamay sa ulo nito.

Pagkatapos, ililista niya lahat ng kasalanan ng mga Israelita, sasabihing, “O Diyos! Ang bayang Israel ay nakagawa ng bawa’t kasalanan. Sila’y pumatay, nangalunya, nagnakaw, sumamba sa mga idolo, nagsinungaling, nag-imbot, at lumapastangan.” At nang kanyang alisin ang kanyang mga kamay sa kambing sa kanyang panalangin, ang mga kasalanang ito ay inilipat sa kambing. Ang pagpapatong ng mga kamay ay ngangangahulugan, sa espiritwal na pananalita, “upang ilipat.” At ito rin ay may kahulugang “paglilibing.”

Gigilitin ni Aaron ang leeg ng kambing, kukunan ng dugo, at iwiwisik itong dugo, sa gayo’y isinasagawa ang rituwal na maglilinis sa luklukan ng awa, ng Tabernakulo,at sa dambana ng sunugan ng handog. Yamang isinagawa ni Aaron ang gayong pag-aalay sa Tabernakulo, ang Tahanan ng Diyos, nahugasan ng Diyos ang mga kasalanan ng Kanyang bayan, nakita ang hinandog na hayop, ang paglilipat sa mga kasalanan sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay sa hayop, at ang dugo ng paghahatol. Sa maikling salita, ito ang matuwid na paraang pagliligtas ng Diyos.

Natupad ni Jesus ang Buong Katuwiran ng Diyos Ang Diyos ay hindi basta na lamang hahayaan ang mga

kasalanan ninuman. Tulad ng sinasabi ng Biblia, “Ang

98 Mula sa Kapangyarihan ng Kadiliman tungo sa Kaharian ng Anak

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

kabayaran ng kasalanan ay kamatayan” (Roma 6:23), ang kasalanan ay dapat mahatulan sa kamatayan ng walang kabiguan. Ito ang katarungan ng Diyos. Gayon pa man, ang Diyos ay Diyos din ng pag-ibig, at upang magtagpo ang dalawang kundisyon ng Kanyang pag-ibig at Kanyang katarungan, pinalipat Niya sa bayan ng Israel lahat ng kanilang kasalanan sa isang walang dungis na handog na hayop, tulad ng isang kambing o isang tupa, sa pamamagitan ng pagpapatong ng kanilang mga kamay sa ulo nito. Nang ang bayan ng Israel ay pinatay itong hayop sa halip na sila, inilagay ang dugo nito sa mga sungay ng dambana ng sunugan ng handog, at iwiwisik ito sa luklukan ng awa, ang pagtutubos ay matuwid na naganap nang makita ng Diyos ang dugo nitong hayop—ito ay, nararapat sa matuwid na kautusan ng kaligtasan ng Diyos—at ito kung bakit pinagkaloob ng Diyos ang kapatawaran ng kasalanan sa kanila. Dahil iniibig ng Diyos ang sangkatauhan kaya binigay Niya ang makatarungang paraan ng paghahandog ng kaligtasan.

At kinuha ni Aaron ang isa pang nalalabing kambing sa harapan ng kanyang bayan at pinatong ang kanyang mga kamay sa ulo nito. Tulad ng sinasabi sa Levitico 16:21, “At ipapatong ni Aaron ang kaniyang dalawang kamay sa ulo ng kambing na buhay, at isasaysay sa ibabaw niyaon ang lahat ng mga kasalanan ng mga anak ni Israel, at lahat ng kanilang mga pagsalangsang, lahat nga ng kanilang mga kasalanan,” inilagay ni Aaron ang kanyang mga kamay sa ulo ng kambing at inihayag lahat ng kasalanang nagawa ng bayan ng Israel ng isang taon. At pagkatapos alisin ang kanyang mga kamay, ipagkakatiwala ni Aaron ang buhay na kambing sa isang tao, pagkatapos ay dadalhin sa malayong lugar, sa ilang ng Palestino at pakakawalan doon. At itong kambing, dala lahat ng kasalanan ng bayan ng Israel, maglalakbay sa ilang na walang tubig at walang damo, at sa katapusan ay mamamatay sa kauhawan sa

Mula sa Kapangyarihan ng Kadiliman tungo sa Kaharian ng Anak 99

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

ilalim ng nakapapasong araw. Ito ang paghahandog na ginagawa sa “Araw ng Pagtutubos,”

na mag-aalis sa isang taong halaga ng mga kasalanan ng bayan ng Israel. Sa pamamagitan nitong inalay na hayop at paghahandog, nilayon ng Diyos na iligtas ang buong sangkatauhan mula sa lahat ng kasalanan sa hinaharap, siya na kawangis ng anyo ng Diyos. Iyan kung bakit pinasulat Niya ang talatang ito.

Ang bayan ng Israel ay inaalay ang gayong ding handog bawa’t taon alinsunod sa Salita. Nang pumanaw ang Mataas na Saserdote, ang kanyang anak ang papalit kapag siya’y umabot na sa 30 taong gulang, at itong handog ay paulit-ulit na inaalay. Subali’t, ang gayong handog ay anino lamang ng mabuting bagay na darating. Sa katunayang ang bayan ng Israel ay kailangang paulit-ulit na mag-aalay ng gayon ding handog bawa’t taon ay katibayan ng katotohanang sa pamamagitan ng gayong paghahandog, hindi nila nakakamit ang buong kapatawaran sa kanilang mga kasalanan na minsanan (Hebreo 10:1-4).

Iyan kung bakit inihula ng Diyos 700 taong nakaraan na ang Kanyang bugtong na Anak na si Jesu-Cristo ay ipaglilihi sa katawan ng isang birhen at magkakatawang-tao. At tunay nga na ayon sa inihulang pangakong ito, sinugo ng Diyos si Jesu-Cristo at si Juan Bautista dito sa lupa at hinayaan silang tuparin lahat ng katuwiran. Ngayon, tulad sa inihayag sa Lumang Tipan, “isang handog para sa mga kasalanan magpakailanman,” ang Anak ng Diyos mismo ay isinilang dito sa lupa at nagkatawang-tao.

Tulad nito, si Jesus ay naparito bilang Siyang magliligtas sa Kanyang bayan mula sa kanilang mga kasalanan, at nang Siya’y naging 30, tinanggap Niya lahat ng kasalanan sa pamamagitan ng bautismo ni Juan Bautista, ang kinatawan ng sangkatauhan. Ito ay “upang tuparin ang buong katuwiran” (Mateo 3:15) kaya

100 Mula sa Kapangyarihan ng Kadiliman tungo sa Kaharian ng Anak

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

si Jesus ay binautismuhan ni Juan Bautista. Ako ang siyang dapat mamatay, mahatulan ng Diyos at itapon sa impiyerno, nguni’t dahil ako’y iniibig ng Diyos, sinugo Niya ang Kanyang Anak dito sa lupa; inilipat lahat ng aking kasalanan sa Kanya sa pamamagitan ni Juan Bautista, ang kinatawan ng sangkatauhan, sa pamamagitan ng pagpapatong ng kanyang mga kamay, ang bautismo; hinatulan ang Kanyang Anak sa pamamagitan ng pagpapako sa Kanya; at sa gayon iniligtas kayo at ako.

Kaya ang ating Panginoon sa gayon ay tinupad ang buong katuwiran ng Diyos, ito ay, sa paraang pagtanggap ng pagpapatong ng mga kamay. Upang gawin ang lahat na walang kasalanan kaya si Jesu-Cristo ay binautismuhan at pinako sa Krus. Ang salitang bautismo ay nangangahulugan din “upang hugasan, upang ilipat, upang ilibing,” at sinasabi sa atin na ang Diyos ay niligtas tayo mula sa mga kasalanan ng sanlibutan sa paraang ito, sa pamamagitan nitong pinakanararapat na paraan. Kaya alinsunod sa kung ano ang pinangako ng Diyos sa ating sangkatauhan dito sa Lumang Tipan, at ayon sa patakarang tinakda ng Diyos ang kasalanan ay malilipat sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay, tinanggap ng Panginoon lahat ng ating kasalanan sa pamamagitan ng bautismo.

Samakatuwid, sa pamamagitan ng pananalig nitong katotohanan tayo’y napatawad sa ating mga kasalanan. Sa pagparito sa lupa ni Jesu-Cristo ang Cordero ng Diyos, sa Kanyang pagtanggap sa lahat ng ating kasalanan, lahat ng kasalanan ng sanlibutan sa nakaraan, sa kasalukuyan at hinaharap, at sa Kanyang pagpapako sa Krus sa kamatayan, sa pamamagitan ng lahat ng bagay na ito tayo’y Kanyang niligtas. At ngayon, sinumang mananalig sa ebanghelyo ng Salita ng tubig at ng Espiritu, mga lalaki o mga babae, mga alipin o mga malaya, mga Judio o mga Gentil man, ay maaaring kamtan ang kapatawaran sa kasalanan ng walang pagtatangi.

Mula sa Kapangyarihan ng Kadiliman tungo sa Kaharian ng Anak 101

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

Aking kapwa mga mananampalataya, dahil isinagawa ng Panginoon itong gawain dito sa lupa na Kanyang sinabi sa babaeng mangangalunya na nahuli sa akto, “Babae, Ako man ay hindi hahatol sa iyo.” Sa madaling salita, sinasabi Niya, “Kahit Ako ay hindi masasabi na ikaw ay may kasalanan, ni Aking hahatulan ka. Dahil tinanggap Ko lahat ng iyong kasalanan sa pamamagitan ng Aking bautismo, Ako ay dapat mamatay alang-alang sa iyo, Ako ang dapat ilagay sa kahihiyan sa halip na kayo, at Aking dapat tiisin lahat ng parusa alang-alang sa iyo. Dapat Akong magdusa tulad nito dahil ang iyong mga kasalanang nagawa dito sa lupa lahat ay inilipat na sa Akin at Ako ngayon ang may taglay ng mga ito.”

Iyan kung bakit sinabi ng Panginoon sa Juan 8:12, “Ako ang ilaw ng sanglibutan, ang sumusunod sa Akin ay hindi lalakad sa kadiliman, kundi magkakaroon ng ilaw ng kabuhayan.” Yaong mananalig at susunod sa ebanghelyo ng Salita ng tubig at ng Espiritu ay magiging ilaw ng buhay. Nakasulat sa Genesis 1:2, “Ang lupa ay walang anyo at walang laman, at ang kadiliman ay sumasa ibabaw ng kalaliman.” Ibig sabihin ay mayroong kasalanan sa kalaliman sa atin. Gayon pa man, binigay ng Panginoon sa atin ang kaligtasan sa pamamagitan ng bautismo, nagbubo ng Kanyang dugo sa Krus, at sa gayon ay tiniis lahat ng paghahatol ng kasalanan at biyaran lahat ng ito.

Aking kapwa mga mananampalataya, dahil sa maraming mga kasamaan ng kadiliman, hindi natin nakikilala ang ating sariling mga kasalanan, tayong lahat ay patungo sa kamatayan, wala tayong magagawa kundi ang itapon sa impiyerno, at kahit ating nalalaman ang ating mga kasalanan, tayo ay walang kakayahang lutasin itong mga kasalanan. Subali’t, salamat kay Jesu-Cristo, ang gayong tao tulad natin ngayon ay naging ilaw, nagbago mula sa kadiliman. Ang isang taong hindi maiwasan

102 Mula sa Kapangyarihan ng Kadiliman tungo sa Kaharian ng Anak

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

ang kamatayan dahil sa kanyang mga kasalanan ngayon ay naging isang taong matuwid. Ito ay imposible sa pamamagitan ng ating sariling mga pagsisikap, gaano man ang ating pagtangka, nguni’t sa pamamagitan ng pananalig sa ating Panginoon, tayo ay maaaring maging taong matuwid. Tayong lahat ay tunay na mga makasalanan, nguni’t ang Panginoon ay naparito sa lupa at niligtas kayo at ako. Samakatuwid, sinabi rin ni Jesu-Cristo sa babaeng mangangalunya sa Juan 8, “Ako man ay hindi rin hahatol sa iyo, humayo ka ng iyong lakad, mula ngayo’y huwag ka nang magkasala.” At sinabi rin Niya, “Ang sumusunod sa Akin ay hindi lalakad sa kadiliman, kundi magkakaroon ng ilaw ng kabuhayan.” Aking kapwa mga mananampalataya, ang mga makasalanan ngayon ay naging matuwid, at ang mga hinatulan ngayon ay nakamtan ang walang hanggang buhay.

Nais ba ninyong manalig kay Jesu-Cristo? Nananalig ba kayo kay Jesu-Cristo bilang inyong Tagapagligtas? Dahil kinuha ni Jesu-Cristo ang ating mga kasalanan at iniligtas tayong lahat kaya sinabi ng Panginoon, “Magparito sa Akin, kayong lahat na nangapapagal at nangabibigatang lubha, at kayo’y Aking papagpapahingahin” (Mateo 11:28).

Maliban kay Jesu-Cristo, mayroon pa bang ibang diyos dito sa lupa na pinangako ang kaligtasan sa mga mananalig sa kanya? Si Buddha ay iniwan ang lahat sa kanyang sariling kaparaanan. Gayon din si Confucius at si Mencius, pinupuri lamang tayo na mamuhay sa kabutihan at sa maayos na pag-uugali. Saan ninyo maaaring makita ang isang tao na may labis na kahabagan para sa inyo at sa akin, tayong lahat na patungo sa impiyerno, na kanyang hinandog ang ang kanyang sariling buhay para sa atin? Subali’t, si Jesu-Cristo ay nilisan ang Kanyang trono sa Langit para sa inyo at sa akin, naparito sa lupa, tinanggap lahat ng ating kasalanan sa pamamagitan ng bautismo, at binayaran ang ating

Mula sa Kapangyarihan ng Kadiliman tungo sa Kaharian ng Anak 103

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang sariling buhay. Wala ng iba kundi si Jesu-Cristo lamang ang nagligtas sa atin. Kaya itong si Jesu-Cristo ay ang ating Tagapagligtas. Iyan kung bakit sinabi ng Panginoon kung ano ang Kanyang sinabi sa babaeng mangangalunya.

Tanggapin Natin ang Pananampalataya na Magtutulot sa Atin na Kamtan ang Kapatawaran sa Ating mga Kasalanan mula sa Diyos

Nasusulat sa Roma 8:1-2, “Ngayon nga’y wala nang anomang hatol sa mga na kay Cristo Jesus, sapagkat ang kautusan ng Espiritu ng buhay na na kay Cristo Jesus ay pinalaya ako sa kautusan ng kasalanan at kamatayan.”

Dito, sinasabi ni Apostol Pablo na yamang kinuha ni Jesu-Cristo lahat ng kasalanan ng sanlibutan sa pamamagitan ng bautismo at kamatayan sa Krus, ginawa tayo ng Panginoon na walang kasalanan. Aking kapwa mga mananampalataya, hindi ba tayong lahat ay nagkakasala dito sa lupa? Oo. Subali’t, sa Juan 1:29, nang makita ni Juan Bautista ang Panginoon isang araw matapos ang Kanyang bautismo, hinayag ni Juan Bautista na Siya “ang Cordero ng Dios na mag-aalis sa kasalanan ng sanglibutan.” Ibig sabihin na si Jesu-Cristo ay pinasan lahat ng kasalanang ating nagawa, ating ginagawa ngayon, at ating gagawin. Tinanggap Niya lahat ng ito nang Siya’y bautismuhan, kinuha ang mga ito sa Krus, at nahatulan na dahil sa mga ito.

Iyan kung bakit pinahayag ni Apostol Pablo na wala ng kahatulan sa mga taong na kay Jesu-Cristo. Sa ibang salita, yaong tunay na nananalig sa bautismo ni Jesu-Cristo at sa Kanyang dugo sa Krus, yaong tunay na nananalig kay Jesu-Cristo bilang kanilang Tagapagligtas, ay hindi nagtataglay

104 Mula sa Kapangyarihan ng Kadiliman tungo sa Kaharian ng Anak

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

ng kasalanan. Ibig sabihin nito na imposible para sa kanila na maging mga makasalanan. Dahil sa mga kasalanan ating nagawa, hindi natin maiiwasan kundi ang maging mga makasalanan at itatapon sa impiyerno, nguni’t kung kayo ay nananalig kay Jesu-Cristo bilang inyong Tagapagligtas, Siya na nag-alis sa lahat ng kasalanan ng sanlibutan sa pamamagitan ng pagparito sa lupa, sa bautismo, at kamatayan sa Krus, kung kayo ay tunay na nananalig ng inyong buong puso, sa gayon sinasabi ng Biblia na wala na ang anumang paghahatol sa inyo. Itong talata ay isang pinagpalang kapahayagan, pinapahayag, “Hindi ninyo maaaring sabihin na kayo ay may kasalanan.”

Nguni’t sa kabila nito, aking kapwa mga mananampalataya, maraming tao ang nagsasabi na sila’y makasalanan kahit pa sila’y nananalig kay Jesu-Cristo. Sa panalangin alang-alang sa kongregasyon, maraming Kristiyano ang nagsasabi, “Salamat sa Inyo, aming banal na Ama. Kami ay nakagawa ng maraming mga kasalanan sa nakalipas na linggo. Hugasan ang aming mga kasalanan.” At paano magwawakas ang kanilang panalangin? Sasabihin nila, “Itong di-nararapat na makasalanan ay nananalangin sa pangalan ng Panginoong Jesu-Cristo.”

Paano mananalangin ang isang makasalanan sa Diyos? Kung ang makasalanan ay lalapit sa Diyos, siya’y agad na mamamatay. Nasusulat sa Biblia na ang Diyos ay hindi naririnig ang mga panalangin ng makasalanan. Ang mga makasalanan ay hahatulan ng Diyos. Nang si Jesu-Cristo ay naparito sa lupa upang alisin ang ating mga kasalanan, at nang pasanin Niya at alisin lahat ng kasalanan ng sanlibutan sa pamamagitan ng bautismo at paghahatol sa Krus, paano magkakaroon ng anumang kasalanan dito sa lupa ang nalalabi? Gaano man ang ating kakulangan, si Jesu-Cristo ay buong sapat na inalis ang ating mga kasalanan, at buong sagana, kaya anong kasalanan ang maaaring mayroon kayo?

Mula sa Kapangyarihan ng Kadiliman tungo sa Kaharian ng Anak 105

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

Halimbawa, ating sabihin dito na ikaw ay may pagkakautang na tinatakbuhan sa tindahan. Kung ang iyong ama ay binayaran na ang iyong pagkakautang na milyon-milyon at bilyong halaga na higit kaysa sa iyong inutang, kung gayon gaano man ang laki ng halaga na iyong tinatakasan, ikaw pa rin ay wala ng pagkakautang na anumang salapi. Walang iba kundi ito ang kaligtasan.

“Ngayon nga’y wala nang anomang hatol sa mga na kay Cristo Jesus” (Roma 8:1). Sa mga nananalig na wasto kay Jesu-Cristo, tiyak na walang makasalanan. Ang lahat ay matuwid. Bakit? Dahil “sapagkat ang kautusan ng Espiritu ng buhay na na kay Cristo Jesus ay pinalaya ako sa kautusan ng kasalanan at kamatayan” (Roma 8:2). Ayon sa Kautusan, wala tayong mapagpipilian kundi ang itapon sa impiyerno, nguni’t paano ang kautusan ng Espiritu ng buhay, itong kautusan ng pag-ibig na nagliligtas sa atin? Upang iligtas ang mga makasalanan, ang Panginoon ay naparito sa lupa, tinanggap ang ating mga kasalanan, ang mga kasalanan ng sanlibutan, sa pamamagitan ng bautismo, pinako sa Krus at namatay alang-alang sa atin, nabuhay na muli upang tayo’y buhaying muli, at sa gayon ay naging ating tunay na Tagapagligtas.

“Ang kautusan ng Espiritu ng buhay na na kay Cristo Jesus ay pinalaya ako sa kautusan ng kasalanan at kamatayan” (Roma 8:2). Ang Diyos, na si Jesu-Cristo, ay pinalaya kayo at ako, na Kanyang mga mananampalataya, ay pinalaya sa kautusan ng kasalanan at kamatayan. Ang mamamayan ng Korea ay nasa ilalim ng pamamahala ng Hapon noong Pangalawang Digmaang Pandaigdig, nguni’t pagdating ng araw ng pagliligtas noong Agosto 15, 1945, ang Korea ay wala na sa pangangasiwa ng Hapon. Tulad nito, tayo ay hindi na mga makasalanan. Kung kayo ay tunay na nananalig kay Jesu-Cristo bilang inyong Tagapagligtas, kung gayon kayo ay hindi mga

106 Mula sa Kapangyarihan ng Kadiliman tungo sa Kaharian ng Anak

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

makasalanan. Kung may mga inilalarawan ang kanilang mga sarili bilang mga makasalanan bagaman sila’y nananalig kay Jesu-Cristo, dahil sila ay nalinlang ng mga sinungaling at naniniwala sa huwad na ebanghelyo.

Nasasaad sa Romans 8:3 “Sapagkat ang hindi magawa ng kautusan na mahina sa pamamagitan ng laman, sa pagsusugo ng Dios sa Kaniyang sariling Anak na naganyong lamang salarin at dahil sa kasalanan, ay hinatulan ng Dios sa laman ng kasalanan” (Roma 8:3). Ang ating laman ay labis na mahina upang ating masunod ang Kautusan. Maaari ba nating tupdin ang Kautusan? Inuutos sa atin ng Kautusan na huwag magkaroon ng ibang diyos, huwag pumatay, huwag mangalunya, huwag magnakaw, at huwag kang magbibintang sa iyong kapwa, nguni’t kayo ay tiwala na kayo ay hindi papatay? Tiwala ba kayo na kayo’y hindi magnanakaw? Tiwala ba kayo na kayo’y hindi magbibintang? Sa pinakamaliit na kawalan, kayo ay magsisinungaling at gagawa ng kasinungalingan.

May kakayahan ba kayo na kayo’y hindi mangangalunya? Sinabi ni Jesu-Cristo, “Narinig ninyong sinabi, ‘Huwag kang mangalunya.’ Datapuwat sinasabi Ko sa inyo, na ang bawa’t tumingin sa isang babae na taglay ang masamang hangad ay nagkakasala, na ng pangangalunya sa kaniyang puso” (Mateo 5:27-28). Sa pangyayaring ito, inyo bang tunay na masusunod ang panuntuan ng Kautusan sa inuutos sa inyo na huwag mangangalunya? Inyo bang masusunod lahat ng Kautusan? Hindi. Ating nilalabag ang bawa’t Kautusan. Paano natin nalalabag ito?

Sa pagsasantabi sa Kautusan, maari ba nating sundin maging ang mga panuntunan ng lipunan? Atin bang masusunod lahat ng batas trapiko? Kapag tayo ay labis na abala, paano tayo makatatawid sa tawiran o gumamit ng tulay? Tatawid tayo sa hindi tawiran kapag walang nakatingin sa atin. Ang sinuman sa

Mula sa Kapangyarihan ng Kadiliman tungo sa Kaharian ng Anak 107

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

gayon ang lumalabag sa kautusan kahit minsan lamang ay isang taong nabigo na tupdin ang mga kautusan at mga patakaran ng lipunan.

Aking kapwa mga mananampalataya, kapag ang mga tao ay walang kakayahang tupdin ang kanilang sariling kautusan na likha ng tao dito sa lupa, paano nila masusunod ang Kautusan ng Diyos? Kung ating nilalabag kahit isang kautusan lamang ng Diyos, kung gayon ating nilabag ang lahat, at ang Diyos ay gagawaing walang-saysay lahat ng ating pagsisikap. Tulad ng sinasabi ng Biblia, “Sapagkat ang sinomang gumaganap ng buong kautusan, at gayon ma’y natitisod sa isa, ay nagiging makasalanan sa lahat. Sapagkat ang nagsabi, ‘Huwag kang mangalunya,’ ay nagsabi, ‘Huwag kang pumatay.’ Ngayon, kung ikaw ay hindi nangangalunya, nguni’t pumapatay ka, ay nagiging suwail ka sa kautusan” (Santiago 2:10-11). Kaya wala ni isa sa atin ang ganap na makasusunod sa Kautusan ng Diyos. Samakatuwid, lahat tayo ay patungo sa impiyerno.

Aking kapwa mga mananampalataya, yamang ang ating laman ay mahina, imposible para sa atin na tupdin ang Kautusan. Bagaman ang ating mga puso ay hangad na tupdin ang Kautusan, ang ating laman ay labis na mahina upang isagawa ito. Kung gayon ano ang ginawa ng Diyos? Sinabi Niya sa Roma 8:3-4, “Sapagkat ang hindi magawa ng kautusan, na mahina sa pamamagitan ng laman, sa pagsusugo ng Dios sa Kaniyang Sariling Anak na naganyong lamang salarin at dahil sa kasalanan, ay hinatulan ng Dios sa laman ng kasalanan. Upang ang kahilingan ng kautusan ay matupad sa atin, na hindi nangasilakad ayon sa laman, kundi ayon sa Espiritu.”

Ang ating laman ay labis na mahina para sa atin na sundin ang Kautusan, nguni’t tinupad ng Diyos itong pangangailangan ng Kautusan. Alinsunod sa Kautusan, ang sinumang may kasalanan ay kailangang mamatay, nguni’t sa pagdating ng

108 Mula sa Kapangyarihan ng Kadiliman tungo sa Kaharian ng Anak

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

Anak ng Diyos dito sa lupa, tinanggap lahat ng ating kasalanan sa pamamagitan ng bautismo, at hinatulan at namatay alang-alang sa atin, natupad Niya ang pangangailangang hinihingi ng Kautusan. Tinupad Niya lahat ng kailangan ng Kautusan at nabuo ang kaligtasan.

Natupad ni Jesu-Cristo ang Kautusan. Sa pamamagitan ng pagtupad sa hinihingi ng Kautusan inihahayag na kamatayan ang mga kabayaran ng kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at pagbubo ng dugo, si Jesu-Cristo ay niligtas yaong nananalig sa Kanya bilang kanilang Tagapagligtas. Nang sabihin dito na ang Diyos Ama ay sinugo “sa Kaniyang Sariling Anak na naganyong lamang salarin at dahil sa kasalanan, ay hinatulan ng Dios sa laman ng kasalanan,” ibig sabihin upang iligtas tayong mga patungo sa impiyerno, inilipat ng Diyos ang ating mga kasalanan kay Jesu-Cristo at inilagay ang mga ito sa Kanyang katawan. Inyo bang nauunawaan? Walang iba kundi ito ang hiwaga ng bautismo ni Jesu-Cristo.

Nasusulat, “Upang ang kahilingan ng kautusan ay matupad sa atin, na hindi nangagsilakad ayon sa laman, kundi ayon sa Espiritu. Sapagka’t ang mga ayon sa laman ay nangagsisitalima sa mga bagay ng laman, datapuwa’t ang mga ayon sa Espiritu ay sa mga bagay ng Espiritu. Sapagka’t ang kaisipan ng laman ay kamatayan, datapuwa’t ang kaisipan ng Espiritu ay buhay at kapayapaan” (Roma 8:4-6).

Aking kapwa mga mananampalataya, sa karnal na mga bagay, paano natin masasabi na tayo’y walang kasalanan, gayong sa katunayan tayo’y patuloy sa kasalanan sa araw-araw dito sa lupa? Bagaman tayo’y nananalig kay Jesu-Cristo, paano natin masasabi na tayo’y walang kasalanan? Subali’t, yaong nabubuhay alinsunod sa Espiritu ay tumutukoy sa mga nananalig na ang Diyos ay ganap na niligtas tayo sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.

Mula sa Kapangyarihan ng Kadiliman tungo sa Kaharian ng Anak 109

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

Kung tayo’y nananalig sa Salita ng Diyos ng ating mga puso, kung tayo’y tunay na nananalig sa nakasulat na Salita, paano natin masasabi na tayo’y may kasalanan? Walang duda na si Jesu-Cristo ay inalis lahat ng ating kasalanan; malinaw an nakatala sa Biblia na Kanyang ginawa ito; at sinulat ng Diyos ang mga Kasulatan bilang katibayan nito sa gayong makapal na aklat, napanatili ang Biblia ng ilang libong taon na hindi nagbabago, at binigay sa atin kung ano ito noon pa. Sa lahat ng ito, paano natin masasabi, kung tayo’y tunay na nananalig sa Salita, na tayo’y may kasalanan pa rin? Ang paksa rito ay ito: Mananalig ba tayo sa ating sariling mga kaisipan, o tayo’y mananalig sa Espiritu, ito ay, sa Salita ng Diyos? Dapat nating ipasiya kung tayo’y mananalig alinsunod sa nasusulat na Salita ng Diyos, o ayon sa ating sariling mga kaisipan at mga damdamin.

Sa mga mananalig ng kanilang sariling mga damdamin, sa halip na manalig sa nasusulat na Salita ng Diyos, lahat ng kanilang pananampalataya ay walang saysay. Dapat tayong manalig sa Diyos ayon sa Kanyang Salita. Dapat nating malaman at manalig kay Jesu-Cristo bilang ating Tagapagligtas ayon sa nasusulat na Salita. Ang ating Panginoon ay ang Diyos ng tipan na Siyang nangako sa atin at tinupad ang Kanyang mga pangako. Ang ating Panginoon ay ang Diyos na tumutupad sa lahat Niyang pangako alinsunod sa Kanyang Salita. Upang igiit, sa Lumang Tipan, inilipat ng Diyos ang mga kasalanan ng bayan ng Israel sa kanilang handog na hayop sa pamamagitan ng Mataas na Saserdote habang inilagay niya ang kanyang mga kamay sa ulo nito, pinahiwa nila ang leeg ng hayop, kinuha ang dugo at inilagay sa mga sungay ng dambana ng sunugan ng handog, at sa pagsagawa nito tinulot Niya yaong nananalig nitong pag-aalay ng pagtutubos upang maligtas.

Sa Lumang Tipan, sa kabilang dako, naparito sa lupa ang

110 Mula sa Kapangyarihan ng Kadiliman tungo sa Kaharian ng Anak

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

Panginoon higit 2,000 taong lumipas tulad ng pinangako ng Diyos sa Lumang Tipan, binautismuhan ni Juan Bautista, ang kinatawan ng sangkatauhan, bilang paraan ng pagpapatong ng mga kamay, tinanggap lahat ng kasalanan ng sangkatauhan, pinasan ang mga ito sa Krus, namatay alang-alang sa atin, nabuhay na muli, at sa gayon niligtas tayong lahat. Sa pamamagitan nitong nasusulat na Salita kayo at ako ay nababatid kung paano tayo niligtas ng Panginoon, at sa pamamagitan ng pananalig nito tayo’y nangaligtas. Yaong nananalig nga ay “datapuwa’t ang mga ayon sa Espiritu.” Kapag tayo lamang ay nakikilala ang ebanghelyo ng Katotohanan ng tubig at ng Espiritu tayo’y maaaring manalig ng ating mga puso, at kapag tayo ay nananalig lamang ating maipapahayag ng ating mga labi na tayo ay nananalig.

Ating tignan ang Levitico 17:15-16. “At yaong lahat na kumain ng namamatay sa sarili o nilapa ng mga ganid, maging sa mga tubo sa lupain o sa mga taga ibang bayan, ay maglalaba ng kaniyang mga damit, at maliligo sa tubig, at magiging karumaldumal hanggang sa hapon, kung magkagayon ay magiging malinis. Datapuwa’t kung di niya labhan, ni paliguan ang kaniyang laman, ay tataglayin nga niya ang kaniyang kasamaan.” Sa Lumang Tipan, ang bayan ng Israel ay nakakamit ang kapatawaran sa kanilang mga kasalanan sa Araw ng Pagtutubos kapag kanilang nakita at naniwala sa ginagawa ng Mataas na Saserdote—ito ay, ang Mataas na Saserdote ay itutulot ang mga Israelita na mahugasan sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng pagpapatong ng kanyang mga kamay sa hinahandog at ililipat ang kanilang mga kasalanan sa kanya, sa gayon iaalay ang handog alang-alang sa kanila. Subali’t, ang sinumang Israelita ang humawak sa bagay na marumi, tulad ng labi ng patay, kung gayon kailangan niyang hugasan ang kanyang mga damit at paliguan ng tubig ang

Mula sa Kapangyarihan ng Kadiliman tungo sa Kaharian ng Anak 111

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

kanyang katawan. Sinabi ng Biblia na kung hindi niya hinugasan o pinaliguan ng tubig ang kanyang katawan, siya’y nagkakasala. Itong “tubig” ay sukdulang mahalaga. Kahit matapos makamit ng isang tao ang kapatawaran sa kanyang mga kasalanan, kailangan pa ring patuloy na panatilihin ang kanyang pananampalataya sa bautismo ni Jesu-Cristo.

Ang Layuning Paghuhugas ng Tubig Isa sa layunin ng tubig ay ang paglilinis sa marumi. At

tubig din ay nagbibigay buhay sa sangkatauhan. Bagaman naniniwala tayo sa pagpapatawad sa ating mga kasalanan, hindi ba tayo muling nagkakasala dito sa lupa? Oo. Subali’t, maging itong mga kasalanan ay kasama sa mga kasalanan ng sanlibutan. Inalis din ng Panginoon ang mga ito. Gayon pa man, sa tuwing tayo’y nagkakasala, nasasaktan at nagdurusa ang ating budhi. Ano, kung gayon, ang ating dapat gawin sa mga kasalanang ito? Dapat ba tayong muling manalig kay Jesu-Cristo? Hindi, ang ating dapat gawin sa halip ay pagtibaying muli ang ating mga puso na ang mga kasalanang ito ay inilipat din kay Jesu-Cristo nang Siya’y bautismuhan, at manalig ang ating mga puso na kinuha ng Panginoon lahat ng ating kasalanan tulad nito dahil nalalaman Niya na tayo’y muling magkakasala. Sa madaling salita, kailangan natin muling pagnilayan ang ebanghelyo ng kaligtasan sa ating mga isipan. Sa gayon tayo’y mapapalaya sa lahat ng kasalanang ating nagagawa sanhi ng ating mga kahinaan. Sa gayon tayo’y ganap na mahuhugasan. At sa gayon tayo’y buong maliligtas at magiging ganap na matuwid.

Sinabi ni Apostol Pablo na sa pamamagitan ng kautusan ng Espiritu ng buhay—ito ay, sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu—si Cristo Jesus ay niligtas tayong mga

112 Mula sa Kapangyarihan ng Kadiliman tungo sa Kaharian ng Anak

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

nananaghoy sa ilalim ng kautusan ng kasalanan at kamatayan, at ginawa tayong manahan sa Kanya. Malinaw na sinasaad ni Apostol Juan sa 1 Juan 5:3-8 na si Jesus ay ganap na pinalaya tayo sa kasalanan sa pagparito sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Patuloy niyang sinabi na “ang tubig, ang dugo, at ang Espiritu” ay nagpapatotoo sa katunayang si Jesu-Cristo ay ganap na niligtas tayo sa kasalanan. Ano ang pinapatotoo ng Banal na Espiritu? Pinatotoo Niya na si Jesu-Cristo ay Diyos. Sumasaksi sa katotohanang si Jesu-Cristo ang Diyos na lumikha nitong kalawakan, at upang mailigtas tayong mga tao sa ating mga kasalanan, Siya’y isinilang dito sa lupa sa pamamagitan ng katawan ng birhen sa anyo ng tao. Ano ang pinapatotoo ng tubig at ng dugo? Pinapatotoo ng mga ito na ang ating Panginoon, ang Diyos ng kaligtasan, ay naparito sa ganitong paraan tulad ng isang tao, kinuha lahat ng kasalanan ng sanlibutan, lahat ng kasalanan ng sangkatauhan, at lahat ng ating kasalanan sa pamamagitan ng bautismo sa gulang na 30, dinala ang mga kasalanang ito sa Krus at namatay doon.

Samakatuwid, ang sinumang nagsasabi na siya’y nananalig lamang sa dugo ni Jesu-Cristo sa Krus ay taglay ang ganap na pananampalatayang walang kabuluhan, gaano man ang haba ng kanyang paniniwala kay Jesu-Cristo. Yaong nanalig sa paraang ito ay inilarawan din ang kanilang mga sarili bilang mga makasalanan, yamang sila’y magwawakas na muling magkakasala bukas. Nguni’t bakit sila nag-iisip tulad nito? Ito ay dahil hindi nila nalalaman na si Jesu-Cristo ay tinanggap lahat ng kanilang kasalanan nang Siya’y bautismuhan, at ito kung bakit sila’y patuloy sa buhay bilang mga makasalanan sa lahat ng oras bagaman sila’y naniniwala kay Jesu-Cristo. Ang kanilang budhi ay hindi sila pinahihintulutang sabihin na sila’y walang kasalanan.

Nguni’t para sa inyo at sa akin, nang si Juan Bautista ay

Mula sa Kapangyarihan ng Kadiliman tungo sa Kaharian ng Anak 113

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

bautismuhan, lahat ng ating kasalanan ay inilipat sa Kanya. Sa ating buong buhay, wala tayong magagawa kundi ang magkasala, na ang karimlan ay nasa ibabaw ng kalaliman, at ang ating mga puso ay tunay na marumi na hindi mailarawan, nguni’t kinuha ni Jesu-Cristo lahat ng ating kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo, nagtungo sa Krus, pinako at hinatulan, nagbubo ng Kanyang dugo sa kamatayan, at nabuhay na muli, at sa gayon ganap na niligtas sa lahat ng ating kasalanan. Ang Panginoon ay buhay hanggang ngayon, at Siya ang Diyos na nagkakaloob ng kaligtasang walang-bayad sa sinumang mananalig nitong Salita ng kaligtasan. Ano ang inyong kalagayan kung gayon? Naniniwala rin ba kayo? Kung kayo ay naniniwala ng inyong mga puso, ang Diyos na Banal na Espiritu ay makikilala ang inyong mga puso at tatatakan kayo bilang mga ligtas.

Si Jesu-Cristo ay ang Diyos na naghatid ng kaligtasan sa atin. Sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu tayo ay naging mga anak ng Diyos. Kayo ba ay may kasalanan o wala? Wala na kayong anumang kasalanan. Iyan ay dahil lahat ng inyong kasalanan ay inilipat sa Panginoon. Nangangahulugan ba kung gayon na tayo ay malayang gumawa ng kasalanan? Hindi! Nakagagawa tayo ng kasalanan kapag hindi natin nagagawa ang wasto; hindi sa bagay na ginagawa lamang dahil may nagsabi sa atin na gawin ito, hindi isang bagay na ating maiiwasan lamang dahil may pumupuri sa atin na huwag gawin. Lahat ng tao ay gapos sa pagkakasala hanggang sa araw na sila’y mamatay, dahil lahat sila ay hindi sapat. Sa pagliligtas sa atin mula sa mga kasalanang ito kaya ang Panginoon ay naparito sa lupa, at tunay na ganap tayong naligtas. Ang ating gagawin lamang ay sumampalataya rito. Sa pamamagitan ng puso ang isang tao ay nananalig sa katuwiran, at sa pamamagitan ng bibig ang paghahayag ay naisasagawa sa

114 Mula sa Kapangyarihan ng Kadiliman tungo sa Kaharian ng Anak

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

kaligtasan. Atin muling tignan ang Genesis 1:2-5. “At ang lupa ay

walang anyo at walang laman, at ang kadiliman ay sumasa ibabaw ng kalaliman. At ang Espiritu ng Dios ay sumasa ibabaw ng tubig. At sinabi ng Dios, ‘Magkaroon ng liwanag’; at nagkaroon ng liwanag. At nakita ng Dios ang liwanag ay mabuti, at inihiwalay ng Dios ang liwanag sa kadiliman. At tinawag ng Dios ang liwanag na Araw, at tinawag Niya ang kadiliman na Gabi. At nagkahapon at nagkaumaga ang unang araw.”

Inutos ng Diyos na magkaroon ng liwanag sa isang madilim na sanlibutan na puno ng karimlan. Ito’y nagsasaad na ang Anak ng Diyos ay sinugo dito sa lupa. At ito’y nagsasaad na pinakuha ng Diyos sa Kanyang Anak lahat ng ating kasalanan sa pamamagitan ng bautismo, at hayaang mamatay sa Krus ang Kanyang Anak, iniligtas tayo ng Diyos sa lahat ng ating kasalanan.

Ano ang ginawa ng Diyos sa unang araw? Siya’y nagliwanag sa puso ng mga tao, kung saan ang mga ito ay walang anyo at walang laman, at ang kadiliman ay nasa ibabaw ng kalaliman, at sa pangyayaring ito ginawa Niya lahat ng kadiliman at kawalan na maglaho at nagdala ng tunay na kasiyahan, tunay na kaayusan, tunay na liwanag, at tunay na buhay. Si Jesu-Cristo ang ilaw ng kaligtasan para dito sa lupa. Si Jesu-Cristo ang Tagapagligtas ng mga makasalanan. Si Jesu-Cristo ang Panginoon ng buhay sa atin. Sa lahat ng mananalig nitong ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, sa lahat ng mananalig na si Jesu-Cristo ay ang Tagapagligtas at nagligtas sa atin sa pamamagitan ng Kanyang tubig at dugo, si Jesu-Cristo ay naging ilaw ng kaligtasan. Aking kapwa mga mananampalataya, ang tanging tunay na ilaw dito sa lupa ay ang Panginoong Jesu-Cristo. Ang ilaw na ito na nakita ng Diyos at sinabing ito ay

Mula sa Kapangyarihan ng Kadiliman tungo sa Kaharian ng Anak 115

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

mabuti. Sinasabi ng Biblia na ang Diyos ay hiniwalay ang liwanag

sa kadiliman. Hiniwalay Niya ang dalawa at tinawag na araw ang liwanag, at ang kadiliman ay tinawag na gabi. May dalawang uri ng tao dito sa lupa: Ang mga anak ng liwanag at ang mga anak ng kadiliman (1 Tesalonica 5:5). Ang mga anak ng liwanag ay yaong nagpapahayag ng kanilang pananampalataya, sinasabing, “Bago ko nakilala si Jesu-Cristo, ako ay tunay na kumpol ng kasalanan, kung saan ang kadiliman ay nasa ibabaw ng kalaliman, at aking puso ay nasa kalituhan. Ako ay nasa kawalan. Ako’y walang kasiyahan. Wala akong mapipilian kundi ang itapon sa impiyerno. Subali’t, Inyong tinuro itong Salita sa akin sa pamamagitan ng Inyong mga lingkod at ng Inyong Iglesia. Ganap Ninyong iniligtas ako. Ako’y nananalig sa Inyo, Panginoon!” Sa mga nananalig tulad nito at tinanggap Siya bilang kanilang tunay na Tagapagligtas, tinawag sila ng Diyos na mga anak ng liwanag at binigay sa kanila ang karapatang maging Kanyang mga anak.

“Kayo ay dating mga anak ng diablo, nguni’t kayo ay hindi na mga anak ng kadiliman, bagkus kayo ay mga anak ng liwanag. Kayo ay Aking mga anak.” Ito ang sinasaad nang hiwalayin ng Diyos ang liwanag sa kadiliman. Iyan kung bakit pinahayag ni Apostol Pablo na yaong isinilang na muli sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, “Sapagka’t noong panahon kayo’y kadiliman, datapuwa’t ngayon kayo’y kaliwanagan sa Panginoon” (Efeso 5:8).

Lahat ng nanalig nitong Salita ng tubig at ng Espiritu, sa pinagpalang Salita ng kaligtasan, ay mga anak ng Diyos at Kanyang bayan. Subali’t, yaong hindi nanalig ayon sa Salitang ito ay mga anak ng kadiliman, ng gabi, at ng diablo. Bagaman mayroong di-mabilang na mga tao dito sa lupa, sila man ay naniniwala o hindi, ang iba ay naging bayan ng Diyos habang

116 Mula sa Kapangyarihan ng Kadiliman tungo sa Kaharian ng Anak

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

ang iba naman ay naging bayan ng diablo, at ang iba ay patungo sa Langit habang ang iba naman ay sa impiyerno. Tulad nito, itinalaga ng Diyos ang kautusan ng pananampalataya. Ginawa Niyang ipaabot ang kaligtasan sa pamamagitan lamang ng pananampalataya. Sa pananalig ng puso ang tao ay naging matuwid. Sa pananampalataya tayo ay naging tunay na bayan ng Diyos.

Malinaw na hiniwalay ng Diyos ang liwanag sa kadiliman, hiniwalay yaong Kanyang bayan sa mga hindi. At pinigil Niya ang mga makasalanan na tumayo sa kongregasyon ng mga matuwid (Mga Awit 1:5). Ang sinumang maging pastor matapos mag-aral na mabuti sa isang kurso pagkatapos ng kolehiyo sa isang kilalang teolohiyang seminaryo nguni’t hindi nalalaman ang Katotohanan at samakatuwid ay may kasalanan pa rin sa kanyang puso, kung gayon hindi siya maaaring mangaral nitong Salita ng Katotohanan. Masasabi lamang niya sa inyo, “Tayo ay mamuhay na may kabutihan.” Kung aakayin ng bulag ang isa pang bulag, sila’y kapwa mahuhulog sa bangin at mamamatay (Mateo 15:14).

Kung ang nananatili pa ring makasalanan ay magturo sa inyo, kayo rin ay hindi mapapalay sa kasalanan. Kung kayo ay may kasalanan, kayong lahat ay itatapon sa impiyerno, kahit pa kayo naniniwala kay Jesu-Cristo. Bakit ang mga Krisitiyano at hindi mga Kristiyano ay kapwa patungo sa impiyerno kung gayon? Dahil ang mga iglesia ngayon ay naging mga kalakalan. Labis na maraming mga pastor ang umaasal tulad ng mga naglalako sa bahay-bahay. Sa mga kaluluwa na tinipon upang pumasok sa Langit, inaangkin nitong mga sinungaling na sila’y humihiling para sa kanilang mga pagpapala, nguni’t sa katunayan ay sinasamantala lamang nila dahil sa salapi.

Sino dito sa lupa ang hindi nais maging mabuti? Nguni’t dahil ang mga tao ay hindi maiwasan kundi ang mamuhay sa

Mula sa Kapangyarihan ng Kadiliman tungo sa Kaharian ng Anak 117

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

pagkakasala, sila’y itinalaga na matungo sa impiyerno dahil sa kanilang mga kasalanan. Sila’y nabubuhay sa walang pag-asa. Iyan kung bakit dapat nating ipangaral itong ebanghelyo ng kaligtasan sa gayong mga tao, ipahayag na si Jesu-Cristo ay niligtas tayo sa pamamagitan ng kanyang tubig at dugo. Ito ang ang tunay na pagtawag na binigay sa Iglesia ng Diyos. Tayo yaong nananalig kay Jesu-Cristo bilang ating Tagapagligtas.

Ano Ang Biblikal na Pagsisisi? Sinasabi sa Mga Gawa 3:19, “Kaya nga mangagsisi kayo,

at mangagbalik-loob, upang mangapawi ang inyong mga kasalanan, upang kung magkagayon ay magsidating ang mga panahon ng kaginhawahang mula sa harapan ng Panginoon.” Ibig sabihin ng talatang ito, “Sinuman ang wastong magsisisi at mananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, gagawin siyang walang kasalanan ng Panginoon.” Sa ibang salita, sinasabi na ating tanggapin ang kaligtasan sa pananampalataya, dahil inalis ng Panginoon ang ating mga kasalanan.

Kapag ating tinanggap ang ating likas na mga kahinaan, sasabihing, “Tayo’y tao lamang; hindi natin maiwasan kundi ang magkasala sa Diyos hanggang sa araw na tayo’y mamatay,” at kapag tayo ay mananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung binigay ng Panginoon at manumbalik sa Diyos—walang iba kundi ito ang tunay na pagsisisi. Kung tayo ay lalapit sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ang ebanghelyo kung saan inalis ng Panginoon lahat ng ating kasalanan, at kung ating tatanggapin ang kapatawaran sa ating mga kasalanan sa pananampalataya, sa gayon ibibigay ng Panginoon sa atin ang mga panahon ng kaginhawahaan. Ang tunay na pagsisisi na gagawin sa harap ng Diyos ay ang pagtalikod sa masamang

118 Mula sa Kapangyarihan ng Kadiliman tungo sa Kaharian ng Anak

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

paraan at sabihing, “Panginoon, ang Inyong sinasabi ay wasto.” Subali’t, ano ang namamayaning kaunawaan para sa

karamihang tao kapag kanilang ginawa ang tunay na pagsisisi sa Diyos? Sa halip na magsisi, panunumbali, at pagtanggap sa kapatawaran ng kanilang mga kasalanan na minsan, karamihan sa mga tao ay kinikilala ang pangungumpisal na kahalintulad ng pagsisisi. Kaya sila’y nangungumpisal sa tuwing sila’y nagkakasala muli, sasabihing, “Panginoon, ako ay nagkasala. Patawarin ako.”

Ito ay walang kabuluhan! Tulad ng ating nakita sa Marcos 7:21-23, sinabi ng Diyos na ang lumalabas sa puso ng mga tao ay labingdalawang mga kasalanan, tulad ng masamang mga isipan, pagpatay, pangangalunya, pagnanakaw, paninibugho, awayan, pakikiapid, at iba pa. Samakatuwid, ang tunay na pagsisisi ay ang pagkilala sa ating mga sarili, sasabihing, “Ako ay isang tao na walang magawa kundi ang magkasala hanggang sa araw na ako’y pumanaw, hanggang saan tumagal ang aking laman. At ako ay tunay na nagkakasala hanggang sa pinakahuli. Kaya ako ay patungo sa impiyerno”; talikdan ang maling mga paniniwala; at manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ang ebanghelyo kung saan minsanang inalis ng Panginoon ang bawa’t kasalanan na nagawa ng ating buong buhay. Ang tunay na pagsisisi na sinasabi ng Biblia ay ang pagtalikod sa mga maling paniniwala tungo sa pananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, upang manumbalik sa Diyos.

Gayon pa man, halos lahat ng mga Kristiyano ay hindi nananahan sa Katotohanan, nguni’t malayo nito, sila sa katunayan ay nangamamatay sa kalituhan. Ang kanilang madalas na kaunawaan sa pagsisisi na kapag sila’y nagkasala, inaakala nila na kanilang kailangang makilala ang kanilang kasalanan, at lutasin ng kanilang mga sarili, “Ako’y nagkamali. Hindi na ako muling magkakasala.” Ito ang kanilang akala ukol

Mula sa Kapangyarihan ng Kadiliman tungo sa Kaharian ng Anak 119

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

lahat sa pagsisisi. Dahil tinuro sa kanila ang tulad nito ng kanilang mga pastor na walang kaalaman sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Nang sabihin ng mga pastor, “Hugasan ang inyong personal na mga kasalanang inyong nagawa sa araw-araw sa pamamagitan ng araw-araw na pangungumpisal,” ito ay tila mabuti sa pandinig sa ating mga tainga.

Gayon pa man, ano ang sinasabi ng Biblia? Sinasabi, “Maliban sa pagkabuhos ng dugo ay walang kapatawaran” (Hebreo 9:22). Nasasaad din, “Ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan” (Roma 6:23). Tatlong taon bago mamatay sa Krus ang Panginoon, Siya’y binautismuhan ni Juan Bautista, at sa pamamagitan ng pagpapako, inalis Niya lahat ng kasalanan ng sanlibutang ito.

Kung inyong personal na tinatanggap ito, ipalagay na kayo ay mabubuhay ng 70 taon, ibig sabihin ang ating Panginoon, sa pamamagitan ng Kanyang bautismo, kinuha ang bawa’t kasalanang inyong nagawa at gagawin sa inyong katandaan, mula sa mga kasalanang nagawa sa laman hanggang sa mga kasalanan ng puso, mula sa mga kasalanang nagawa ng inyong mga isipan hanggang sa mga kasalanang inyong nagawa sanhi ng inyong mga kahinaan, at mula sa mga nalalamang kasalanan na inyong nagawa hanggang sa mga hindi nalalamang kasalanan. Dinala ng Panginoon lahat ng kasalanang ito ng sanlibutan sa Krus, nagbubo ng Kanyang dugo at hinatulan dahil sa mga ito alang-alang sa inyo, nabuhay na muli, at sa gayon ay naging Tagapagligtas lahat ng mananalig. Inuutos ng Panginoon sa ating lahat na manalig sa Katotohanang ito na naparito sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.

120 Mula sa Kapangyarihan ng Kadiliman tungo sa Kaharian ng Anak

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

Ang Palagay na ang Isang Tao ay Maaaring Maging Banal sa pamamagitan ng Pangungumpisal sa Araw-araw Ay isang Walang Batayang Pag-angkin

Sinabi ng Panginoon, “Inyong makikilala ang katotohanan,

at ang katotohana’y magpapalaya sa inyo” (Juan 8:32). Sinabi ng ating Panginoon na manalig sa Katotohanan. Pinasan ni Jesu-Cristo ang mga kasalanan nitong sanlibutan sa pamamagitan ng bautismo na Kanyang tinanggap mula kay Juan Bautista, kamatayan sa Krus, nabuhay na muli, at umakyat sa Kaharian ng Langit. Kung kayo’y nananalig kay Jesu-Cristo bilang inyong Tagapagligtas, sa gayon kayo ay maliligtas sa lahat ng inyong kasalanan at kapahamakan. Yamang pinasan ng Panginoon lahat ng kasalanan nitong sanlibutan at kinuha lahat ng ito sa pamamagitan ng Kanyang bautismo, kung tayo’y mananalig nitong Katotohanan, kung gayon tayong lahat ay makatatayo sa liwanag.

Subali’t, ang ilang tao ay nagpasimula ng masamang doktrina ukol sa kanilang kalituhan, inaangkin, “Ang ating orihinal na kasalanan ay napatawad, nguni’t ang ating personal na mga kasalanan ay naging banal sa pamamagitan ng araw-araw na pangungumpisal.” Kaya ang ilang mga pastor ay binibigyang kahulugan at tinuturo ang pagsisisi batay sa moral ng tao, hindi ayon sa sinasabi ng Biblia, at yamang ito ay tila mabuti sa pandinig ng mga hindi isinilang na muli, ang sinumang nagsasabi nito ay isang lingkod ng diablo.

Sa maikling salita, ang palagay na ating dapat maabot ang pagbabanal ay ganap na walang kabuluhan. Gayong likas sa atin ang maging mahina, higit na may paninindigan, at higit ang katigasan ng ulo sa ating pagtanda, paano tayo magiging banal? Ang mga pastor na hindi naniniwala sa ebanghelyo ng tubig at

Mula sa Kapangyarihan ng Kadiliman tungo sa Kaharian ng Anak 121

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

ng Espiritu ay nagsisinungaling sa kanilang kongregasyon, hindi tinuturo ang ebanghelyo ng Katotohanan ng tubig at ng Espiritu. At hinihikayat ang kanilang kongregasyon na isabuhay ang pananampalataya sa pamamagitan ng gawa, at hinihiling sa kanilang mga tagasunod na paglingkuran sila. malayo sa pagpapalaya sa kanilang kongregasyon, hanap nila ang gapusin sila sa pamamagitan ng paggawa sa Kautusan.

Ang ating dapat maunawaan ay ang Katotohanan na si Jesu-Cristo, ang Siyang Diyos, ay naparito sa lupa sa katawan ng tao, at hinugasan lahat ng ating kasalanan ng sangkatauhan sa pamamagitan ng bautismo at nagbubo ng Kanyang dugo sa Krus. Sa bautismong ito ni Jesu-Cristo, at sa Kanyang pagbubo ng dugo at kamatayan sa Krus, ang naghugas sa ating mga kasalanan at sa paghahatol ng kasalanan na naghihintay sa atin. Dahil si Jesu-Cristo ay niligtas tayo sa ating mga kasalanan at ang paghahatol para sa atin tayo ay maliligtas sa pamamagitan ng paglalagay ng ating pananampalataya sa Katotohanang ito. At sa pamamagitan ng mga tumanggap nitong Katotohanan bilang ang liwanag ng kaligtasan, ginawang posible ng Diyos para sa ibang mga kaluluwa na makamit ang kanilang tunay na kaligtasan at ipangaral sa buong sanlibutan.

Na tayong lahat ngayon ay maaaring maging mga anak ng Diyos, na ang lahat ngayon ay naging anak ng Diyos, dahil ang Diyos ay tinupad ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu para sa atin. Tulad ng paglikha ng Diyos sa kalawakan, ang daigdig na ating nakikita ng ating mga mata, at ang mga langit at lupa, ang Diyos mismo ay natupad din ang kaligtasang binigay sa mga makasalanan sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Anong kagandahan ng balitang ito? Paano natin sapat na mapapasalamatan ang Diyos, kung saan tayo ay magiging liwanag ng sanlibutan? Kapag ating tunay na naiisip ukol sa kung paano tayo isinilang dito sa lupa nguni’t maaaring maging

122 Mula sa Kapangyarihan ng Kadiliman tungo sa Kaharian ng Anak

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

mamamayan ng Langit, labis na kahanga-hanga at labis na pasasalamat.

Ang ating kaligtasan sa kasalanan ay hindi kusang sumibol, bagkus ito ay naging posible dahil ang Diyos ay ginawa tayo na isilang na muli at ginawang Kanyang sariling bayan. Itong Katotohanan ng kaligtasan, ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ay isang dakila at kahanga-hangang katotohanan. Walang bagay dito sa lupa ang higit na kahanga-hanga kaysa itong ebanghelyo.

Paano kayo maaaring maging mamamayan ng Langit? Nilayon ng Diyos ang kinabukasan ng sangkatauhan at ginawa silang Kanyang bayan. Tayo ay namamangha lamang at nagpapasalamat dahil dito. Kung ang mga tao ay may layuning likhain ang kalawakan, paano nila maisasagawa ito? Imposible para sa ating mga tao na makamtan ito, nguni’t sa sandaling nilikha ng Diyos ang kalawakan, kahit bago pa isilang dito sa lupa ang tao, ginawa Niya lahat ng bagay para sa layuning pagpapasilang na muli sa kasalanan ang sangkatauhan.

Anong kahanga-hanga ang layuning ito? Tulad ng aking sarili, mapapasalamatan ko lamang ang Panginoon sa pagpapahintulot sa akin na palawigin itong ebanghelyo at makapaglingkod sa Kanya. Tunay na walang bago dito sa lupa, at ang mabuhay para sa ibang bagay kaysa sa ebanghelyong ito ay pagpapagal lamang. Subali’t, kapag ating naiisip ang ukol sa kung ano ang tunay na mabuti dito sa lupa, sa katunayang nilikha tayo ng Diyos bilang Kanyang bayan. Ito ang pinakasariwang balita kaya tayo’y masayang marinig sa araw-araw, na nagpapala sa atin sa tuwing ating naiisip ukol dito, at ang nananatiling ganap kahit pa ating naiisip ito sa araw-araw.

Mula sa Kapangyarihan ng Kadiliman tungo sa Kaharian ng Anak 123

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

Ano Ang Pinakamahalagang Kaloob ang Binigay ng Diyos sa Atin?

Walang ibang balita na higit kaysa sa ebanghelyo ng tubig

at ng Espiritung binigay ng Diyos sa atin. Kaninang hapon lamang, ako ay nagbahagi ng ebanghelyo sa ating mga kapatiran. Ano ang higit na balita mayroon para sa mga makasalanan kundi ang pagpapalawig ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa kanila? Anong higit na dakila at makahihigit na kaloob para sa mga makasalanan kundi itong kaloob, na ang Diyos ay niligtas sila sa kasalanan? Ang pagbibigay ba ng isang kahong fruit juice sa mga pasyente ng hospital ay maihahambing sa ebanghelyo ng Salita ng tubig at ng Espiritu na ating pinangangaral? Mayroon bang nakahihigit kaysa sa katunayang niligtas tayo ng Diyos mula sa mga kasalanan ng sanlibutan? Wala ng iba dito sa lupa na makahihigit para sa ating sangkatauhan kaysa sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.

Nilikha tayo ng Diyos at ang mga langit at ang lupa mula sa pasimula. Ginawa ng Diyos na tayo’y isilang na muli dito sa lupa upang tayo’y gawing Kanyang sariling mamamayan ng Langit, at binigay ni Jesu-Cristo sa atin ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ginawa tayong manalig at isilang na muli, at tunay na ginawa tayong bayan ng Diyos. Anong nakahihigit na pagpapala mayroon sa sanlibutan kaysa rito? Sa tuwing ating naiisip ukol sa Katotohanang ito, ito’y nananariwa at kagalakan.

Walang higit na mapalad o higit na kasiyahan kaysa sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Kapag ating naiisip ukol sa kaligtasan ng sangkatauhan at sa biyaya ng Diyos, tunay na walang anumang bagay na ating magagawa, nguni’t ang atin lamang gagawin ay magpasalamat at luwalhatiin ang Diyos. Ang ating gagawing lahat ay lasapin lamang ang pinagpalang biyaya na binigay ng Diyos sa atin sa pamamagitan ng pananalig

124 Mula sa Kapangyarihan ng Kadiliman tungo sa Kaharian ng Anak

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ang kaligtasang binigay ng Diyos ay labis na pinagpala,

labis na kahanga-hanga, labis na dakila, at labis na kahanga-hanga. Kaya wala na tayong magagawa pa kundi ang pasalamatan lamang ang Diyos sa pamamagitan ng pananalig sa Katotohanang ito, luwalhatiin at purihin Siya, dahil ang Katotohanang ito ay hindi maikakaila o maaring hamunin. Higit na panahong lumilipas mula sa ating kaligtasan, higit nating nababatid kung gaano ang halaga nitong binigay ng Diyos na ebanghelyo. Sa higit na ating pangangaral ng ebanghelyo, higit nating mararanasan kung gaano kahanga-hanga at mahalaga itong kaligtasan. Tayo’y nananalig na walang nakahigit na pagpapala mula sa Diyos kaysa rito. Sa katunayang ang tao ay napalaya sa kalituhan, kawalan, at kadiliman ay naging posible sa pamamagitan ng pagtanglaw ng ebanghelyo ng kaligtasang binigay ng Diyos sa atin.

Ang Kawalan ng Puso na Hindi Mapupuspos sa pamamagitan ng mga Bagay ng Sanlibutang Ito

Kung hindi sa liwanag ng kaligtasan, hindi natin

matatakasan ang ating mga kasalanan. Paano ang mga makasalanan, yaong ang mga isipan ay ganap sa pagkakalito, maaalis ang gapos sa pagkabuhol sa kanilang mga kasalanan? Paano makababalik ang makasalanang sangkatauhan sa pamamagitan ng sarili? Ito ay imposible. Paano ang tao, mga isinilang bilang mga kasalanan mula sa sandaling isilang dito sa lupa, ay maisisilang na muli sa pamamagitan ng kanilang mga sarili bilang mga matuwid? Ang gawaing ito ay imposible sa tao. Tanging sa pananalig sa tunay na liwanag ng kaligtasang binigay ng Panginoon sa atin ito ay ginawang posible.

Mula sa Kapangyarihan ng Kadiliman tungo sa Kaharian ng Anak 125

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

Ang mga tao ay likas na labis sa kasiyahan, paano sila masisiyahan sa pamamagitan ng kanilang sariling mga pagsisikap? Saan masusumpungan ng mga makasalanan ang kasiyahan? Ang kayamanan ba ay magpapasiya sa kanila? Walang halaga ng yaman ang makapagpapasiya. Kayo ba ay tunay na magiging masaya kung kayo ay mayaman? Ang inyo bang mga puso ay mapupuspos sa lahat ng salaping yaon? Hindi pa ako naging mayamang tao, nguni’t kung ako nga, ito’y hindi magpupuspos sa aking pusong walang laman. Walang salapi ang makapupuno ng aking pusong ganap na nasa kawalan. Walang anumang magiging kasiyahan.

Paano mapupuspos ang ating mga puso sa pamamagitan ng kasiyahan? Ito ay imposible. Sa pamamagitan ng ano tayo’y mapupuspos? Anong makapupuspos sa atin upang madama ang kasiyahan? Sa salapi? O sa sekswal at kaaliwan? Computer games? Nakasisiyang mga gawain? Soccer?

Itong soccer ay tunay na isang magandang laro. Ang kasiyahan sa pagkapanalo ng laro ay isang malaking kasiyahan. Kapag ang aming mga manggagawa ay nagsama-sama, madalas kami ay naglalaro. Ito ay isang masayang pakiramdam na mag-dribble palibot sa inyong mga katunggali at magshoot upang magkapuntos, at makita ang bola na lumilipad sa net bagaman ang inyong mga katunggali ay sinikap ang lahat upang pigilan kayo. Itong kasiyahan ng pagkapanalo ng larong soccer ay nakasisiya. Isa sa pinakamalaking kasiyahang nadarama ng tao ay ang kasiyahan sa pagkapanalo sa palakasang pisikal. Ang panonood lamang ng isang laro ay nakasisiyang lubos para sa atin, at kung ang aming pangkat ay magkapuntos, lahat kami ay natutuwa at nababaliw sa kaligayahan. Ang ibang mga fan ng baseball ay labis na iniibig ang kanilang paglalaro kung saan sila’y gumugugol kalahati ng kanilang buhay sa palaruan.

Gayon pa man, maging lahat nito ay hindi tunay na

126 Mula sa Kapangyarihan ng Kadiliman tungo sa Kaharian ng Anak

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

makapupuspos sa mga puso ng tao na walang laman. Kung ang isang tao ay mapapaligaya ang babaeng kanyang iniibig, siya ba’y masisiyahan? Hindi, walng tunay na kasiyahan dito. Kung inaakala niya, “Gagawin ko lahat ng bagay na nais ng aking babaeng sinisinta, kahit pa kuhanin ang aking buhay,” at kung siya’y tunay na gawin ang lahat para sa kanya, siya ba kung gayon ay masisiyahan? Kung kanyang ibubuhos ang kanyang buong buhay sa kanyang katipan, siya ba’y tunay na masisiyahan, ang kawalan ba ng kanyang puso ay maglalaho, at siya ba’y mapupuspos sa kaligayahan para sa kanyang nalalabing buhay? Hindi, gaano man niya pinapahalagahan siya, hindi siya mabubuhay ng palagiang masaya. Ang tao ay patuloy na humihiling ng higit na kasiyahan.

Sa kasaysayan ng Israel, si Haring Solomon ay nabuhay sa pinakamarangyang buhay. Siya ay mayrong di-mabilang na mga reyna at mga kasintahan, at ang kanyang tirahan at yaman ay kahanga-hanga. Subali’t, walang bagay dito sa lupa ang makapupuno ng kanyang pusong walang laman. Iyan ang kanyang panaghoy sa Ecleciastes, “Walang kabuluhan ng mga walang kabuluhan, lahat ay walang kabuluhan. Lahat ay walang kabuluhan, at nauuwi sa wala.” Sa madaling salita, kahit pa ang isang tao ay kagalang-galang at ginagalang ng lahat, wala pa rin ang kasiyahan. Iyan kung bakit inilarawan ng Diyos ang gayong puso bilang “mga sirang balon na hindi malalamnan ng tubig” (Jeremias 2:13).

Bakit ang ibang tao ay gumagamit ng bawal na gamot? Sila’y nalululong sa droga dahil hindi nila mapuspos ang kanilang mga pusong walang laman. Gaano man nila taglay lahat ng bagay na kailangang kamtan dito sa lupa, sila pa rin ay hindi masisiyahan. Ang kanilang mga puso ay walang laman. Walang laman ang kanilang mga puso. Ang mga tao ay hindi maaaring punan ang kanilang mga pusong walang laman sa

Mula sa Kapangyarihan ng Kadiliman tungo sa Kaharian ng Anak 127

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

pamamagitan ng anumang bagay nitong sanlibutan. Walang iba ang makapagpapasiya maliban yaong tumanggap ng Katotohanang binigay ng Diyos sa atin, na tayo’y ginawa Niyang isilang na muli, tayo’y ginawa Niyang Kanyang bayan, at ginawa Niya tayong maging matuwid. Maliban ang isang tao ay isilang na muli at tanggapin si Jesu-Cristo sa kanyang puso, hindi niya mapupunan ang kawalan ng kanyang puso.

Ang pusong walang laman ay masisiyahan lamang kung ito ay puspos kay Jesu-Cristo na pinagkaloob ng Diyos. Pinalayas ng Diyos ang ating mga kasalanan kaya ang ating mga puso ay ginawang walang anyo at walang laman, at hinayaan ang kadiliman sa ibabaw ng kalaliman, at alang-alang sa kanila’y binigay Niya sa atin ang handog na Katotohanan upang masaganang puspusin ang ating mga puso. Niligtas Niya tayo sa pamamagitan ng pagkakaloob nitong handog sa atin sa kasaganaan. Ang isinilang na muli ay may kasiyahan at tunay na kaligayahan sa kanilang mga puso. Tanging ang kasiyahan ng kaluluwa ay ang tunay na kasiyahan ng puso. Salungat nito, gayon pa man, walang anumang kasiyahan sa puso ng mga hindi isinilang na muli.

Ang Nasisiyahang Pananampalataya ng mga Isinilang na Muli sa pamamagitan ng Pananalig sa Ebanghelyo ng Tubig at ng Espiritu

Ating makikita ang tunay na kasiyahan lamang kung tayo

ay isinilang na muli sa pamamagitan ng pananalig sa Katotohanan ng tubig at ng Espiritung binigay ni Jesu-Cristo, ang tunay na liwanag. Dapat tayong manalig sa kaligtasang ito, na si Jesu-Cristo ay pinasilang tayong muli sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Kung wala itong si Jesu-Cristo, hindi natin

128 Mula sa Kapangyarihan ng Kadiliman tungo sa Kaharian ng Anak

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

malulutas lahat ng suliranin ng mga kasalanan ng ating mga kaluluwa, ang kawalan ng ating mga puso, at ang ating mga isipang nalilito. Si Jesu-Cristo ang Siyang makalulutas sa lahat nitong mga bagay. Walang iba ang makapagpapaligaya sa atin maliban si Jesu-Cristo. Si Jesu-Cristo ang Siyang nagbibigay sa atin ng tunay na kasiyahan.

Maaari nating gawin ito at iyan, at maaari rin tayong maging mayaman, nguni’t wala pa rin ang kasiyahan. Ang tunay na kasiyahan ay hindi masusumpungan kahit saan. Kung tayo’y naglilingkod sa Panginoon tayo sa wakas ay masisiyahan, sa ating pagsasagawa ng gawain ng Diyos naroon ang kasiyahan, at kapag tayo ay nananalig kay Jesu-Cristo at isinilang na muli tayo ay masisiyahan. Sa maikling salita, kapag tayo ay nabubuhay kasama Niya naroon ang kasiyahan.

Sinabi ng Diyos, “Ang kadiliman ay sumasa ibabaw ng kalaliman,” nagsasaad na may kasalanan sa kalaliman ng puso ng tao. Nalalaman ba ng tao ang lahat nilang kasalanan? Hindi, hindi nila nababatid ang kanilang mga kasalanan. Bagaman sila’y isinilang na may kasalanan, sila’y nalinlang sa kanilang sariling mga kasalanan. Kayo ba kung gayon? Kailan ninyo nabatid ang inyong mga kasalanan? Batid ba ninyo kung sino talaga kayo nang inyong marinig ang ebanghelyo? Bago kayo manalig kay Jesu-Cristo, marahil kinikilala ninyo ang inyong mga sarili na nakagawa ng ilang mga kasalanan. Nang sabihin ng Biblia na ang kadiliman ay nasa ibabaw ng kalaliman, ibig sabihin nito na may isang tao na may malinaw na kaunawaan sa kanyang mga kasalanan.

Subali’t, kahit pa ang isang tao ay hindi nakikilala si Jesu-Cristo, kapag siya ay pauulit sa paggawa ng mga kasalanan nitong sanlibutan, siya sa gayon ay makikilala ang kanyang sarili, nalalamang, “O, ito ako kung gayon.” Gayon pa man, di-magtatagal maaabot niya itong kabatiran sa sarili kapag

Mula sa Kapangyarihan ng Kadiliman tungo sa Kaharian ng Anak 129

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

siya’y bumalik sa kanyang kalituhan, inaakala, “Hindi, tunay akong maaaring mamuhay na may kabutihan. Dahil sa ginawa ng ibang tao sa akin kaya ko nagawa iyon.” Dahil ang mga kaisipan at puso ng tao ay likas na nalito kaya naiisip nila ang tulad nito. Maliban ang isang tao ay matagpuan si Jesu-Cristo, hindi niya tunay na mababatid na may kasalanan sa kanya. Malibang siya’y isilang na muli, hindi niya tiyak na malalaman ito. Malibang matagpuan niya ang tunay na ilaw, walang paraan upang kanyang malaman.

Ang kadiliman ay nasa ibabaw ng kalaliman ay ang kahulugan na ang tao ay hindi nalalaman kung anong uri ng makasalanan sila. Hindi nila nababatid na sila sa kanilang mga sarili ay mga makasalanan at sila’y patungo sa impiyerno. Ang mga tao ay walang kakayahang malaman ang kanilang sariling mga kasalanan. Hindi nila malalaman hanggang ang liwanag ng Katotohanan ay tumanglaw. Inaakala ng lahat na siya’y mabuti. Inaakala ng tao na sila sa katunayan ay katumbas ng mga anghel. Bago ko makamtan ang kapatawaran sa kasalanan, ako, rin, ay kinikilala ang aking sarili na mabuti.

Nang ako ay bata, kilala sa aming kapitbahay bilang isang mabuting bata. Ang aming mga kapitbahay kadalasan ay nagsasabi kung paano ako labis na magalang at palakaibigan, hindi napapasama sa kaguluhan at palaging mabuti ang asal. Isang magalang na pagbati lamang sa nakatatanda ay nagiging mahabang daan upang magkaroon ng kasiya-siyang mga puntos. Kung ang isang bata ay magalang na bumabati sa matanda, tatanggap siyia ng 90 puntos; kung pupulutin niya ang basura, buhatin ang dala-dala para sa kanila, at tumulung sa kapitbahay, sa gayon siya’y isang ganap na bata, na may 100 puntos. Dati ako ay isang gayong bata. Hindi ko narinig kanino man na sabihing ako ay isang batang masama.

Subali’t, sa aking paglaki, ako ay nakagawa ng labis na

130 Mula sa Kapangyarihan ng Kadiliman tungo sa Kaharian ng Anak

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

maraming masasamang bagay na hindi ko maalala ang lahat. Kadalasan ay aking inaaway ang ibang mga bata, at kalimitan ako ay napapasama sa away sa paaralan. Kung hindi ako ang nakikipag-away, titiyakin ko na ang ibang mga bata ang nakikipag-away. Ginagawa ko ito dahil lamang ako ay naiinip. Yamang sinimulan ko ang away, napagtitipon ko ang mga tao upang manood. Aking sasabihin sa aking mga kaibigan, “Bawa’t isa sa inyo ay dapat magdala ng bagay na mangunguya. May magandang palabas na ginaganap ngayon. Kailangan kayong magpunta. Sina ganito at ganito ang mag-aaway sa isa’t-isa.” Lahat ng aking mga kaibigan pagkatapos ay magtitipon-tipon, isasantabi ang lahat, ang takdang aralin at ang lahat.

Sa anumang pagkakataon, maraming masamang bagay ang aking nagawa, kasama ang pagsisimula ng away tulad nito. Kapag aking naiisip ito ngayon, ako ay palaging may nagagawang maraming masasamang asal na mga bagay. Gayon pa man, bagaman walang bagay sa akin na kapuri-puri, lahat ng aking kapitbahay ay pinupuri ako bilang isang taong mabuti. Palagi akong may mataas na tiwala sa sarili, naiisip, “Mayroon bang isang tao na kasing-buti ko?” Tunay na inaakala ko na ako ang pinakamabuting tao.

Inakala ko, “Totoo, minsan ako’y napapaaway sa aking mga kaibigan, eh ano? Ito ay karaniwan lamang sa bawa’t kabataan. Ito ang ginagawa ng mga bata. Paano ito naging kasalanan? Ang pagdurugo ng mga ilong at mga noo ay bahagi ng paglaki.” Bagaman walang iba kundi ito ay pagpatay, paninibugho, pagnanakaw, kahangalan, at masamang mga isip ang binubuo ng kasalanan, inakala ko na lahat ng ito ay ayos lamang. Yamang hindi ko nalalaman ang Kautusan, hindi ko nalalaman ang kasalanan, ni nababatid ito.

Sa madaling salita, bago makamit ng isang tao ang liwanag

Mula sa Kapangyarihan ng Kadiliman tungo sa Kaharian ng Anak 131

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

ng Katotohanan, siya’y walang kakayahang makilala ang kasalanan. Paano malalaman ng tao ang kasalanan kung gayon?

May isang kilalang mongha ng Buddismo sa pangalang Sungcheol sa Korea. Pinahayag ng monhang ito na kanyang nabatid na siya’y isang makasalanan lamang nang siya’y nasa bingit ng kamatayan. Upang magising ang espiritwal, inilayo niya ang kanyang sarili sa sanlibutan at dinisiplinahan ang kanyang isipan ng sampung taon, ni hindi nahimlay kahit minsan nguni’t laging nakaupo at patuloy na nakatitig sa dingding. Ang resulta lahat nitong pagsisikap ay ang kabatiran na siya’y nalinlang ng di-mabilang ng mga tao.

Nang ang mga tao sa labas ay nakita kung paano ang hiniwalay ng mongha ang kanyang sarili mula sa sanlibutan sa isang maliit na templo at namuhay tulad nito ng sampung taon, silang lahat ay humanga at nagsabing, “Wow! Siya’y buhay na Buddha! Walang iba ang tulad niya sa sanlibutang ito. Siya’y buhay na Buddha sa panahong ito.” Narinig ni Sungcheol ito ng sampung mahabang taon. Subali’t, inamin mismo ng mongha, “Ako ay hindi buhay na Buddha. Labis na maraming babae ang aking pinagnasaan, at ako ay nakagawa ng lahat ng uri ng maruming gawa sa aking mga isipan. Hamang tila ako ay hindi nahiga, sa katunayan ako talagang nahiga, at yamang tila ako ay hindi kumain, sa katunayan ako’y kumain.” Siya ay ganito sa kanyang puso. Malapit na sa kanyang kamatayan, siya’y nag-iwan ng isang tula sa kanyang huling mga salita, na nagsasabing, “Ako ay mahuhulog sa walang katapusang hukay ng impiyerno, dahil nilinlang ko ang labis na maraming tao ng aking buong buhay.” Subali’t, nang marinig ito ng kanyang mga tagasunod, pinuri siya ng lalong higit, sinabing, “Isa siyang dakilang mongha! Siya’y mapagpakumbaba na kanyang binaba ang kanyang sarili tulad nito.”

Nasusulat, “Ang kadiliman ay sumasa ibabaw sa

132 Mula sa Kapangyarihan ng Kadiliman tungo sa Kaharian ng Anak

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

kalaliman. At ang Espiritu ng Dios ay sumasa ibabaw ng tubig” (Genesis 1:2). Walang nakakaalam na ang kanyang mga kasalanan bago niya marinig ang Salita na nagsasabing, “Sinabi ng Diyos, ‘Magkaroon ng liwanag’; at nagkaroon ng liwanag. At nakita ng Dios ang liwanag na mabuti.” Sa madaling salita, sa pamamagitan ng kaalaman kay Jesu-Cristo, sa pakikinig ng Salita ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, at sa pamamagitan ng liwanag na binigay ng Diyos ay ating wastong nalaman ang ating tunay na mga sarili, at nabatid na taglay natin ang dakilang mga kasalanan sa ating mga puso, at tayo ay mga labis na mga makasalanan na patungo sa impiyerno sa harap ng Diyos. Iyan kung paano tayo magiging liwanag at bayan ng Diyos. Katotohanan, ito ang biyaya ng Diyos. Anong higit na handog mayroon kaysa rito?

Anong makahihigit na pangyayari kaysa sa pangyayaring ito? Anong higit na mahalaga kaysa sa pangyayaring ito nang ang Diyos ay ginawa ang mga tao bilang Kanyang sariling bayan at Kanyang sariling mga anak? Sinugo ng Diyos ang Kanyang sariling Anak dito sa lupa sa katawan ng tao, at pinatanggap sa Kanya ang bautismo, pinatubos lahat ng ating kasalanan, hinugasan lahat ng ito, pinasan ang mga kasalanan ng sanlibutan at dinala ang mga ito sa Krus, at tiniis ang paghahatol ng ating mga kasalanan alang-alang sa atin. Wala ng makahihigit na paglikha kaysa itong paglikha na ginawa tayong mga matuwid.

Binibigay ko lahat ng aking pasasalamat sa Diyos dahil sa pagbibigay sa atin ng gayon dakilang handog.

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

Unang Araw: Nang Pasimula ay Nilikha ng

Diyos ang Langit at ang Lupa

< Genesis 1:1-5 >

“Nang pasimula ay nilikha ng Dios ang langit at ang lupa. At ang lupa ay walang anyo at walang laman; at ang kadiliman ay sumasa ibabaw ng kalaliman; at ang Espiritu ng Dios ay sumasa ibabaw ng tubig. At sinabi ng Dios, ‘Magkaroon ng liwanag,’ at nagkaroon ng liwanag. At nakita ng Dios ang liwanag na mabuti, at inihiwalay ng Dios ang liwanag sa kadiliman. At tinawag ng Dios ang liwanag ng Araw, at tinawag Niya ang kadiliman na Gabi. At nagkahapon at nagkaumaga ang unang araw.”

Sa Aklat ng Genesis, ay naglalaman ng layunin sa

paglikha ng Diyos sa atin. Kapag ang mga arkitekto ay magdidisenyo ng gusali o magpipinta ang mga pintor, kanila munang lilikhain ang kabuuan nito sa kanilang mga isipan bago simulan ang tunay na paggawa ng kanilang proyekto. Tulad nito, ang ating Diyos din ay nasa isip na Niya ang kaligtasan nating sangkatauhan bago Niya likhain ang mga langit at ang lupa, at nilikha Niya si Adan at si Eba sa pamamagitan ng layuning ito na nasa isip. At kailangang ipaliwanag ng Diyos sa atin ang kapamahalaan na Langit, na

134 Unang Araw: Nang Pasimula ay Nilikha ng Diyos ang Langit at ang Lupa

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

hindi nakikita ng ating mga mata ng laman, sa pamamagitan ng paghahalintulad sa kapamahalaan ng lupa na ating makikita at mauunawaang lahat.

Kahit pa bago ang pasimula ng lupa, nais ng Diyos ang ganap na pagliligtas sa sangkatauhan sa pamamagitan ng pagbibigay ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa puso ng bawa’t isa. Kaya bagaman lahat ng tao ay nilikha mula sa alikabok, dapat nilang matutunan at makilala ang ebanghelyo ng Katotohanan ng tubig at ng Espiritu upang maging kapaki-pakinabang sa kanilang sariling mga kaluluwa. Kung ang mga tao ay patuloy na mabubuhay na hindi nalalaman ang kapamahalaan ng Langit, maglalaho sa kanila hindi laman ang lupa, bagkus maging lahat ng bagay na nabibilang sa Langit.

Gayon pa man, ang Kristiyanismo ngayon, imposibleng makita ang aralin na magtutulot sa atin na maunawaan ang espiritwal na kapamahalaan ng Langit, na siyang pinahayag sa atin ng Aklat ng Genesis. Iyan ay dahil ang mga pinuno ng Kristiyanismo ay di-maiwasang takasan ang kadiliman, dahil hindi nila nalalaman ni nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Samakatuwid, upang matiyak ng mga Kristiyano na ang kanilang mga kaluluwa ay mananagana alinsunod sa layuning paglikha ng Diyos, lahat sila ay dapat munang magkaroon ng wastong kaalaman sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung binigay ng Diyos sa atin. Yamang walang ibang paraan para sa kanila na maging bayan ng Diyos hanggang ngayon, ito lahat ang higit na dahilan upang kamtan ang tunay na pananampalataya na magtutulot sa kanila na kamtan ang espiritwal na mga pagpapala ng Langit.

Maging sa sandaling ito, ang Diyos ay tinatayo ang Kanyang Kaharian sa puso ng mga tao sa pamamagitan ng espiritwal na ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ang lahat ngayon ay dapat makita ang espiritual na kapamahalaan ng

Unang Araw: Nang Pasimula ay Nilikha ng Diyos ang 135 Langit at ang Lupa

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

Langit sa pamamagitan ng mga mata ng pananampalataya, nananalig sa Salita ng Diyos. Ito ay posible lamang kung ang tao ay naligtas sa kasalanan sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya sa ebanghelyo ng Katotohanan ng tubig at ng Espiritu. Tulad niyaon, upang kanilang maabot ang espiritwal na kaharain ng Langit, dapat nating ipangaral ang ebanghelyo ng Salita ng tubig at ang Espiritu sa bawa’t isa.

Ang layunin kung saan nilikha ng Diyos itong buong kalawakan at lahat ng bagay nito ay upang ibigay sa atin ang handog ng Kanyang Kaharian. Dagdag nito, pinasiya ng Diyos sa Kanyang katalagahan upang ibigay sa atin itong Kaharian sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Kanyang ebanghelyo. Sa ibang salita, hinatid ng Diyos ang kaligtasan sa ating mga kaluluwa, upang tayo’y makapasok sa Kaharian ng Langit sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ang ating Panginoon ay higit na may kakayahang iligtas ang bawa’t mananampalataya mula sa kanyang mga kasalanan na minsanan, dahil Siya’y naparito sa lupa, kinuha lahat ng kasalanan nitong sanlibutan sa pamamagitan ng bautismo na Kanyang tinanggap mula kay Juan Bautista, nagbubo ng Kanyang dugo habang pasan itong mga kasalanan ng sanlibutan, at nabuhay na muli mula sa kamatayan.

Ngayon, tinulot ng Diyos sa ating mga espiritu na abutin ang kapamahalaan ng Langit sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. At sa lahat ng tao, binigay ng Diyos ang hangarin na hanapin ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ito ay, Kanyang “inilagay ang walang hanggan sa kanilang mga puso” (Eclesiastes 3:11).

Sa buong kasaysayan ng paglikha sa langit at sa lupa, hinangad ng Diyos na likhain din ang Kanyang Kaharian sa ating mga puso. Nang sabihin sa ngayong talata sa Kasulatan na “ang lupa ay walang anyo,” ito ay tumutukoy sa kalagayan

136 Unang Araw: Nang Pasimula ay Nilikha ng Diyos ang Langit at ang Lupa

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

ng puso ng tao, na nabihag ang lahat dahil sa kasalanan. At sinabi rin ng Diyos, “Magkaroon ng liwanag.” Sinasaad ng talatang ito na bagaman ang lahat ay isinilang na may di-mabilang na mga kasalanan sa kanyang puso mula sa sandaling siya’y isilang dito sa lupa, siya ngayon ay maaari ng isilang na muli. Sa pamamagitan ng pagtanglaw ng liwanag ng tunay na Katotohanan ng kaligtasan sa bawa’t isa na may kasalanan, hinangad ng Diyos na iwasto ang ating mga puso na nalito sa kasalanan.

Bago natin malaman ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, tayong lahat ay may kasalanan sa ating mga puso, at samakatuwid tayo’y walang kakayahang mabatid ng ating mga sarili kung ano ang labis na nagpalito sa ating mga puso. Sa ibang salita, ang lahat ay nabubuhay na hindi nababatid na siya ay inilayo sa Diyos dahil sa kanyang mga kasalanan. Kaya ang mga tao ay hindi malaman kung ano ang tunay na kabutihan, ni kung ano ang kanilang kasamaan, lalo na ang tunay na kaligtasan. Maging ngayon, yaong hindi isinilang na muli ay nasa lusak pa rin sa kanilang kalituhan, lalong higit naging mali ang unawa nila sa pinakadakilang kasamaan bilang dakilang kabutihan. Iyan kung bakit sinabi ng Diyos, “Ang lupa ay walang anyo,” pinapahayag Niya na sa puso ng bawa’t isa ay tulad sa isang napulupot na pihitan ng pintuan.

Ang lahat ay isinilang na taglay lahat ng kasalanan na minana sa kaniyang mga magulang sa laman, mula sa sandaling siya’y isilang dito sa lupa (Mga Awit 51:5…. “Narito, ako’y inanyunan sa kasamaan, at sa kasalanan ay ipinaglihi ako ng aking ina.”; Marcos 7:21....“Sapagka’t mula sa loob, mula sa puso ng mga tao, lumalabas ang masasamang pagiisip, ang mga pakikiapid, ang mga pagnanakaw, ang mga pagpatay sa kapuwa-tao,”). Sinasabi ng Biblia na ang lahat ay walang magagawa kundi ang magkasala sa lahat ng oras, dahil

Unang Araw: Nang Pasimula ay Nilikha ng Diyos ang 137 Langit at ang Lupa

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

siya ay likas na isinilang na may kasalanan (Roma 7:17-20). Subali’t, yamang ang lahat ay isinilang na may kasalanan dahil sa isang taong si Adan, ang lahat ngayon ay naging matuwid na tao sa ebanghelyo ng Katotohanan ng tubig at ng Espiritu.

Ito ang mga Bagay Na ang Lahat ay Nagkaroon ng Maling Kaunawaan

Sinasabi ng Salita ng Diyos na likas, ang lahat ay isang

kumpol ng kasalanan, dahil ang lahat ay minana ang kasalanan mula sa kanyang mga ninuno. Sa ibang salita, sinasabi ng Diyos na ang isang tao ay hindi maiwasan kundi ang magkasala ng kanyang buong buhay, dahil ang lahat ay isinilang na materyal ng kasalanan mula sa sandaling siya’y isinilang.

Dahil marami, gayon man, ang kanilang unawa sa gayong mga paksa ng kasalanan ay labis ang kamalian. Inaakala nila na ang kanilang mga puso ay mabuti at likas na marangal, at sila’y hindi nalalamang sila’y nagkakasala dahil lamang sa kanilang mga pagkakataon—sa ilalim ng ganap na pagkakataon, sila’y hindi nagkakasala. Ang ating dapat mabatid, gayon pa man, na ang tao ay nagkakasala hindi dahil sa kanilang di-mapalad na mga pagkakataon, nguni’t dahil silang lahat ay likas na isinilang na may kasalanan. Dapat nating mabatid na ang mga inapo ni Adan at ni Eba ay minana ang bawa’t kasalanan mula sa kanilang mga ninuno mula sa araw na sila’y isinilang dito sa lupa, at ito kung bakit sila’y patuloy sa pagkakasala ng kanilang mga buhay. Sa pamamagitan lamang ng Salita ng Diyos ay ating wastong mababatid ang ating mga kasalanan at mauunawaan ang kanilang pangunahing kalikasan.

Sinabi ng Diyos na ang lahat ay “mga lahi ng mga

138 Unang Araw: Nang Pasimula ay Nilikha ng Diyos ang Langit at ang Lupa

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

manggagawa ng kasamaan” (Isaias 1:4). Ang siyang binhi ng sangkatauhan ay maihahambing sa isang masamang puno. Bawa’t puno ay namumunga ayon sa uri nito. Kung ang mga binhi ng mansanas ay itinanim at ang puno ay lumaki mula rito, kung gayon itong puno ay tiyak na mamumunga ng mga mansanas. Hindi ito maiiwasan ng puno ng masanas, dahil lamang hindi nito ibig na mamunga ng mga mansanas. Dahil lamang ito ay isang bagay na para sa mansanas na mamunga ng mga mansanas, ito ay isang bagay lamang para sa lahat na magkasala habang nabubuhay dito sa lupa, dahil ang lahat ng tao ay isinilang na taglay lahat ng materyal ng kasalanan mula sa sandaling siya’y isilang dito sa lupa.

Sinabi ng Diyos na dahil ang lahat ay isinilang na may kasalanan mula sa kanyang pagsilang lahat ng tao ay patuloy sa pagkakasala, at dapat tayong manalig sa Katotohanang ito at aminin sa ating mga puso. Kung kayo ay isinilang bilang isang binhi ng kasalanan, tulad ng espiritwal na halamang matinik, kung gayon kayo ay gapos sa patuloy na pagkakasala. Yamang lantad sa sarili na ang isang matinik na halaman ay mamumunga ng matitinik na halaman, kaya labis na halata para sa mga makasalanan na magkasala sa kanilang mga buhay. Tulad ng sinabi ni Jesus, “Ang masamang punong kahoy ay nagbubunga ng masama” (Mateo 7:17).

Ang ating kailangang mabatid dito ay ang katibayan sa sarili ng katotohanan na ang tao, isinilang bilang mga makasalanan, ay maaaring mamunga lamang ng masasamang bunga. Yamang ang lahat ay minana ang isang makasalanang puso mula sa kanyang mga magulang nang siya’y isilang, ang lahat ay gapos ng kasalanan sa lahat ng oras, gaano man ang kanyang pagsisikap na iwasan ito. Ito kung bakit tayo’y dapat manalig ng ating mga puso sa ebanghelyo ng Katotohanan ng tubig at ng Espiritu. Ang katotohanan ay sa gayon lamang

Unang Araw: Nang Pasimula ay Nilikha ng Diyos ang 139 Langit at ang Lupa

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

posible para sa atin na mahugasan sa lahat ng ating kasalanan sa pamamagitan ng pananampalataya at magiging bayan ng Diyos. Kaya ang lahat ay kailangan ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.

Inyo bang nabatid ang inyong pangunahing anyo? Bagaman maraming tao ang nagtatanong sa kanilang mga sarili, “Sino ako? Saan ako nagmula, at saan ako patungo?” wala ni isa rito sa lupa ang makasusumpong ng kasiyahan sa mga kasagutan sa gayong mga tanong ayon sa kanyang sarili. Ang mga kasagutan sa gayong mga tanong ay makikita lamang sa pamamagitan ng pananalig sa Salita ng Diyos, nguni’t dahil ang tao ay nagsisikap na hanapin ang kasagutan sa kanilang sariling katanyagan ng maling kaalaman, ang nagawa lamang nito ay maging malubha ang kalituhan sa kanilang mga isipan. Kaya di-mabilang na mga pilosopo ang nagwakas na tinatakpan ang kanilang kalituhan sa pamamagitan ng malabong palagay ng “agnotismo.”

Kayo ba ay espiritwal na nangaliligaw, paikot-ikot dahil sa mga kasalanang inyong nagawa? Kung ito ang pangyayari, sa gayon kayo rin ay nabigong maunawaan ang inyong sariling espiritwal na anyo, at kung gayon kayo ay walang kakayahang kamtan ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ang Katotohanan ng paghuhugas sa kasalanan. Sinasabi ni Jesus sa lahat, “Lumaki sa Akin, kayong napapagal at nangabibigatang lubha, bibigyan Ko kayo ng kapahingahan.” Nguni’t gayon man, halos ang isipan ng lahat ay nasa kalituhan pa rin sa pasimula, walang kakayahang makilala kung ano ang wasto at kung ano ang mabuti, at mamuhay sa kalagitnaan ng kalituhan. Samakatuwid, dapat muna tayong mahugasan sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa harap ng Diyos. Upang magkagayon, sa ating mga sarili ay dapat mabatid sa nasusulat na Salita na tayong lahat ay

140 Unang Araw: Nang Pasimula ay Nilikha ng Diyos ang Langit at ang Lupa

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

isinilang na may kasalanan. Sa gayon lamang tayo’y maaaring manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ang Katotohanan ng kaligtasan, at mahugasan ang ating mga puso sa ating mga kasalanan.

Upang mahugasan ang ating mga kasalanan, tinuro ng Diyos sa lahat ang Kanyang dalawang kautusan. Isa sa dalawang kautusang ito, binigay ng Diyos sa atin ang Salita ng Kautusan na magtutulot sa atin na mabatid ang ating mga kasalanan, at ang isa pang kautusan, binigay ng Diyos sa atin ang kautusan ng Espiritu na magpapalaya sa lahat mula sa lahat niyang kasalanan. Una, sa pagbibigay sa atin ng Kautusan, nais ng Diyos na ituro sa atin kung ano ang ating mga kasalanan, at kung gaano kalubha ang paghahatol Niya sa mga kasalanang ito.

Tulad ng ating nalalaman, may 613 na utos ang Diyos sa Kautusan, at ang Sampung Utos ay hawak ang kalagahan nito. Nitong Sampung Utos, ang unang apat na utos ay binabanggit ang mga tungkulin na ating dapat tupdin sa kaugnayan sa Diyos. Sa ibang pananalita, sa pamamagitan nitong unang apat na utos, sinasabi ng Diyos sa atin, “Nilikha Ko kayo at lahat ng bagay dito sa lupa, at samakatuwid hindi ninyo dapat sambahin ang anumang narito sa lupa o paglingkuran ito.” Ang nalalabing anim na utos mula sa ikalima hanggang ikasampu ay mga panuntunan na dapat tupdin ng tao sa kaugnayang sa isa’t-isa. Tulad nito, binigay ng Diyos sa atin ang Sampung Utos, nguni’t wala ni isa ang makasusunod nitong Kautusan ng buong ganap.

Aaminin man natin o hindi, tayo ay nilikha ng Diyos. At tayo’y iniibig ng Diyos. Ang Diyos ay ating Panginoon at ating Hari. Kaya nararapat lamang para sa Diyos na sabihin sa atin, “Huwag kayong magkakaroon ng ibang mga diyos sa harapan Ko.” Yamang ang Diyos ang Siyang lumikha sa atin, dapat lamang na tayo’y sumunod sa Kanya. Kung hindi tayo mananalig ayon sa Salita at hindi susunod, kung gayon ito’y

Unang Araw: Nang Pasimula ay Nilikha ng Diyos ang 141 Langit at ang Lupa

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

binubuo ng kasalanan sa Diyos. Sa kasawiang-palad, gayon pa man, tayo’y bigo na wastong malaman na ang Diyos ay ang Manlilikha na gumawa ng langit at ng lupa. Bagaman inutos ng Diyos sa sangkatauhan na Siya lamang ang paglingkuran, sumunod at sumampalataya lamang sa Kanya, ang mga tao ay bigong isagawa ito, ang pananalig at paglilingkod sa iba kaysa sa Diyos.

Samakatuwid, sa mga taong isinilang na may kasalanan, kailangan ang mga kautusan ng Diyos na magtutulot sa kanila na makilala ang kanilang mga kasalanan. At sa pamamagitan ng Salita ng mga utos ng Diyos, ating mababatid kung gaano ang mga kasalanang ating nagawa sa harap ng Diyos sa ating mga buhay. Sa mga nakakakilala ng kanilang kasamaan, nais ng Diyos na hugasan sila sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, gawin silang Kanyang bayan, at itayo ang Kanyang Kaharian sa kanila. Itinalaga ng Diyos ang Kanyang Kautusan para sa lahat upang palayain ang sangkatauhan sa lahat niyang kasalanan, pagpalain, at gawin Kanyang sariling bayan. Sukdulang kailangan para sa ating lahat na mabatid ito at manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.

Kung hindi natin nalalaman ang Kautusan ng Diyos, sa kabilang dako, kung gayon tayo ay magpakailanman walang kakayahang kilalanin ang ating mga kasalanan. Bakit? Dahil kung wala ang Kautusan ng Diyos, ang ating mga kasalanan ay hindi maitataguyod. Kung wala ang Kautusan ng Diyos, na siyang tiyak na pamantayan ng kabutihan at kasamaan, ni hindi magkakaroong ng ating mga pagsalangsang (Roma 4:15, 7:8).

Inaakala nating tayo ay matalino sa ating sariling paraan. At taglay natin ang sariling paraang pagpapahala ayon sa isa’t-isa. Mayroon tayong kaugalian na isipin, “Ito ang mabuti, iyan ang masama; ito ang wasto, iyan ang mali,” nguni’t ang atin lamang sarili at para lamang sa ating sariling kaginhawaan. Kaya tayo’y

142 Unang Araw: Nang Pasimula ay Nilikha ng Diyos ang Langit at ang Lupa

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

nagwakas na sabihin na ang mapapakinabangan ay mabuti, at ang magpapahamak sa atin ay masama. Gayon pa man, ang gayong paghahatol ay ating sariling likha at pagiging makasarili.

Tayong mga tao ay walang kakayahang itaguyod ang anumang kautusan ng ating sarili, dahil tayo ay pawang mga nilalang lamang na dapat sundin ang Kautusang itinakda ng Diyos. Binigay ng Diyos ang Kanyang Kautusan sa ating lahat. Itong Kautusan ng Diyos ay inuutos sa atin, “Huwag kayong magkakaroon ng ibang mga diyos sa harapan Ko.” Iyan kung bakit ang ating mga puso ay dapat kilalanin at sumunod sa Kautusan ng Diyos.

Kung ating kinikilala ang Kautusan ng Diyos, kung gayon ang paghahangad sa mga ari-arian ng iba ay binubuo ng isang kasalanan. Hindi ka ba naghangad kung ano ang taglay ng iba, at hindi mo hinangad na ariin ang inaari ng iba? Tayong lahat ay may kakayahang hangarin ang gayong mga bagay tulad ng asawa ng ating kapitbahay, kayamanan o sasakyan. Dagdag nito, hindi lamang natin hinangad ang mga bagay na ito sa ating mga puso, bagkus tayo ay may kakayahan ding ilagay ang ating paghahangad sa gawa upang mapasa-atin lahat ng bagay ng ating mga pita ng laman. Malinaw na pinakita ng Diyos na ang gayong mga kaisipan at mga gawa ay mga kasalanan. At sinabi rin ng Diyos sa atin na ang pagbigay ng maling patotoo laban sa ating kapwa ay isang kasalanan. Sinabi rin Niya na ang pagnanakaw ay kasalanan din. Sinabi Niya na ang pangangalunya ay isang kasalanan, tulad din ng pagpatay. Sinabi Niya na ang kabiguang galangin ang ating mga magulang ay binubuo rin ng kasalanan. At sinabi Niya na ang pagsamba sa anumang bagay maliban ang Diyos ay isang kasalanan na magwawasak sa atin.

Kung tatanggapin natin ang Kautusan ng Diyos sa ating mga puso at suriin ang ating mga gawa batay sa Kautusang ito,

Unang Araw: Nang Pasimula ay Nilikha ng Diyos ang 143 Langit at ang Lupa

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

lahat tayo ay mababatid na tayo’y tunay na nakagawa ng maraming kasalanan sa Diyos. Mula sa sandaling tayo’y isilang, tayo’y isinilang na bilang mga kasalanan, yamang minana lahat ng kasalanan na naroon sa puso ng ating mga magulang, mula sa pagpatay hanggang pangangalunya at pagnanakaw. Yamang taglay nating lahat ang puso ng pagpatay, pangangalunya, at pagnanakaw, ang Diyos ay higit na nararapat sabihin sa atin, “Kayo ay makasalanan.” Subali’t, bagaman ang tao ay isinilang lahat na taglay ang gayong mga kasalanan sa kanilang mga puso mula sa pasimula, hindi nila nababatid ito ng kanilang mga sarili.

Bagaman tayong mga tao ay may hangaring pumatay sa ating mga puso, nakikita ng Diyos na hindi natin nababatid ito. Kaya sa pagbibigay sa atin ng Kanyang Kautusan na nag-uutos sa atin na huwag pumatay, pinahintulot ng Diyos sa atin na mabatid na tayo’y mga mamamatay-tao. Sa ibang salita, upang ituro sa atin na tayo’y mga “kumpol ng kasalanan” kaya binigay ng Diyos sa atin ang Kautusan. Ang lahat ay makasalanan sa Diyos. Gaano man ang taas o kababaan ng katayuan sa lipunan ng isang tao, ang lahat ay makasalanan sa harap ng Diyos. Malinaw na pinakita ng Biblia na tayong lahat ay mga makasalanan.

Ang unang lalaki at babaeng nilikha ng Diyos ay si Adan at si Eba. Nguni’t sila’y kapwa nagkasala sa Kanya. Nalinlang sa panunukso ng diablo, pinagkanulo nila ang Diyos. Bunga nito, lahat ng taong isinilang bilang mga inapo ni Adan at Eba ay isinilang na taglay ang katulad na makasalanang hangarin at katauhan na taglay ng kanilang mga ninuno sa harap ng Diyos. Iyan kung bakit ang lahat ay naging isang makasalanan sa harap ng Diyos.

Nang sinabi ng Diyos sa ngayong talata sa Kasulatan, “Ang lupa ay walang anyo,” tinutukoy Niya na ang ating mga

144 Unang Araw: Nang Pasimula ay Nilikha ng Diyos ang Langit at ang Lupa

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

sarili ay hindi nababatid na tayo’y mga makasalanan. Dahil ang mga tao ay hindi nakikilala ang kanilang mga sarili, sinabi ng Diyos, “Kayo ay mga makasalanan na may mga pagsalangsang.” Samakatuwid, dapat muna nating matutunan ukol sa Kautusan ng Diyos, at sa pamamagitan nitong Kautusan ay mababatid na tayo’y dakilang mga makasalanan sa harap ng Diyos. Ito kung paano ang lahat ay mababatid kung paano ang kanilang mga puso ay nasa kalituhan, at, sa isa pang hakbang, maliligtas sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ang Katotohanan ng kaligtasan. Lahat tayo ay dapat wastong malaman na “ang mga tao ay nagkakasala dahil sila’y isinilang na may kasalanan sa pasimula,” at ang ating mga kaisipan ay dapat malinaw na maunawaan na kailangan nating kamtan ang kapatawaran sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.

Naniniwala ba kayo na kayo ay mga makasalanan sa harap ng Diyos? Karamihan sa mga tao, ay hindi nababatid ang kanilang likas na kasamaan, ni nalalaman ang Kautusan na tinuturo sa kanila ukol sa tiyak na kabutihan ng Diyos. Sila sa gayon ay nahulog sa malaking kalituhan, ganap na nalinlang sa katunayang sila’y dakilang mga makasalanan. Gayon pa man, sinulat ng Diyos lahat ng kasalanang nagawa ng tao sa kanilang budhi at sa Aklat ng mga Gawa sa harap ng trono ng Diyos, at Siya’y naghihintay sa paghahatol na darating. Kayo man ay nagkasala sa harap ng tao o sa Diyos, palihim man o lantaran, kung kayo ay nakagawa ng anumang kasalanan na bumabagabag sa inyong budhi, sa gayon sinulat ng Diyos lahat ng ito sa inyong budhi, nasusulat, “Nagawa ninyo ang mga kasalanang ito” (Jeremias 17:1). Ating nakikilala o hindi ang Kautusan ng Diyos, isusulat pa rin ng Diyos lahat ng ating kasalanan sa ating mga puso. Dagdag nito, kung ating

Unang Araw: Nang Pasimula ay Nilikha ng Diyos ang 145 Langit at ang Lupa

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

kalilimutan ang mga pagsalangsang, walang paraan upang ating matakasan ang paghahatol sa mga kasalanang ito, dahil lahat ng ating kasalanan ay nasusulat din sa Aklat ng mga Gawa. Iyan kung bakit yaong may kasalanan ay hindi masasabi na may malinis na budhi, “Ako ay walang kasalanan,” nguni’t, salungat nito, mahahatulan lamang ang kanilang mga sarili, ihahayag, “Ako ay isang makasalanan.”

Yamang malinaw na sinulat ng Diyos lahat ng kasalanan na nagawa ng tao sa kanyang puso, walang makatatanggi na siya’y isang makasalanan. Halimbawa, ating ipalagay dito na tayo’y di-sinasadyang nagnakaw. At ating nakaligtaan lubos ang pangyayaring ito. Nguni’t ang Diyos ay nangungusap sa ating budhi, “Ikaw ay nagnakaw,” at isusulat din Niya ito sa ating mga puso. Ito ay hindi lamang sa pagnanakaw, kundi maging sa lahat. Kung tayo ay may hangaring pumatay o isagawa ang gayong hangarin, kung gayon ang kasalanan man ay nasaksihan ng iba, isusulat pa rin ng Diyos ito sa ating mga puso at ipapadama ang pagsisisi sa ating budhi. Kaya kahit pa wala sa atin ang nakakaalam ukol sa ating mga pagsalangsang, dahil ang mga kasalanang ito ay nasusulat sa ating budhi, wala tayong mapipilian kundi ihayag sa Diyos at aminin, “Ako ay nakagawa ng mga kasalanang ito.”

Ang atin lamang gagawin ay aminin ang ating kasamaan sa Diyos at kilalanin ang kahigpitan ng Kanyang Kautusan. Kailangan lamang natin ihayag, “Ako ay makasalanan sa harap ng Diyos.” Bakit hinihingi ito ng Diyos sa atin? Bakit nais ng Diyos na marinig sa atin na aminin sa Kanya na tayo’y mga makasalanan? Ito ay upang alisin ang ating mga kasalanan kaya nais ng Diyos na unang marinig sa atin ang pahayag na, “Ako ay makasalanan.” Ito ay tulad ng isang tao na may mataas na katungkulan nagkakaloob ng handog na awa sa kanyang mga nasasakupan. Ang isang handog ay higit na

146 Unang Araw: Nang Pasimula ay Nilikha ng Diyos ang Langit at ang Lupa

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

mahalaga kung ito ay kailangang-kailangan ng tumatanggap; kung ang mga tumatanggap ay binigyang ng bagay na hindi niya kailangan, sa gayon siya’y hindi magpapasalamat sa handog na ito. Nais ipagkaloob ng Diyos ang Kanyang biyaya ng kaligtasan sa mga lais na may pangangailangan.

Subali’t, bago natin tunay na malalaman ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, hindi natin wastong mababatid sa pamamagitan ng Salita ng Diyos kung anong uri ng kasalanan ang ating nagawa. Ako, rin, ay dating tulad nito. Bago ako manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at makilala si Jesus, hindi ko lubos nalalaman ang aking mga kasalanan. Tayo ay mayroong likas na kaugalian na ipagtanggol ang ating mga kasalanan at ang ating makasalanang mga sarili. At tayo ay may malakas na pagkiling na ikubli ang ating mga kasalanan.

Gayon pa man, tuwing ating sinusubukang ikubli ang ating mga kasalanan sa Diyos, ang ating mga puso ay magdudusa. Salungat nito, kapag ating aminin sa Diyos na tayo ay may gayong mga kasalanan, at kapag ating tinanggap ang ating mga makasalanang isipan, ang ating mga puso sa huli ay mapupukaw. Tulad nito, yaong tapat na kinikilala ang kanilang tunay na mga sarili sa Diyos na maaabot ang tunay na kaligtasan sa pamamagitan ng gawain ni Jesu-Cristo na nag-alis sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.

Ang Buong Sangkatauhan ay Dapat Makilala ang Katotohanan na Naghugas sa Kanilang mga Kasalanan sa pamamagitan ng Ebanghelyo ng Tubig at ng Espiritu

Bawa’t isa sa atin ay dapat malaman kung paano inalis ng

Unang Araw: Nang Pasimula ay Nilikha ng Diyos ang 147 Langit at ang Lupa

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

Diyos ang mga kasalanan ng sangkatauhan. Tayong lahat ay dapat manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Tayong lahat ay dapat mabatid na kinuha ng Panginoon ang ating mga kasalanan sa pamamagitan ng bautismo, at Kanyang pinasan lahat ng paghahatol nitong mga kasalanan alang-alang sa atin sa pamamagitan ng pagpapako sa Krus. Kung ating marinig ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at panaligan ito ng ating mga puso, lahat ng ating kasalanan ay mahuhugasan at tayo’y maliligtas.

Ang ating mga buhay hindi lamang magwawakas dito sa lupa. Nais ng Diyos na alisin lahat ng kasalanang inyong nagawa habang narito sa lupa, gagawin kayong walang kasalanan, dadalhin kayo sa Kaharian ng Langit, at mabubuhay magpakailanman. Kaya nilayon Niya alinsunod nito kahit bago pa ang paglikha ng sanlibutan, at sa pagdating ng panahon, sinugo Niya ang Kanyang bugtong na Anak na si Jesu-Cristo at tinupad lahat ng bagay ayon sa layuning ito. Gayon pa man, sa bahagi natin, kung tayo ay mananalig lamang at tatanggapin na inalis ng Diyos ang ating mga kasalanan tayo ay maaaring maligtas. Iyan kung bakit lahat tayo ay dapat manalig kay Jesu-Cristo bilang ating Tagapagligtas. Sa gayon, dahil tayong lahat ay malinaw na isinilang na may kasalanan sa harap ng Diyos, at dahil tayong lahat ay isinilang na makasalanan na gapos sa pagkakasala hanggang sa araw na tayo’y mamatay, kapag atin lamang tinanggap ito at inilagay ang ating pananampalataya kay Jesu-Cristo ay ating makakamtan ang biyaya at pag-ibig ng Diyos.

148 Unang Araw: Nang Pasimula ay Nilikha ng Diyos ang Langit at ang Lupa

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

“Nang Pasimula Nilikha ng Dios ang Lagit at ang Lupa”

Kahit bago ang paglikha sa sanlibutan, nilayon ng Diyos

na likhain ang mga tao at gawin sila na isilang na muli kay Jesu-Cristo. Sa unang araw ng Kanyang paglikha, ginawa ng Diyos ang dalawang mga bagay: Una, nilikha Niya ang kapamahalaan ng langit at ang lupa; at pangalawa, nilikha Niya ang liwanag. Nilikha ng Diyos ang sangkatauhan, nguni’t hindi lamang Niya ginawa ito, nguni’t binigay din Niya ang liwanag ng kaligtasan, nilikha ang buong kalawakan para sa layuning gawin tayong mga mananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at Kanyang sariling mga anak.

Ang ating mga paniniwala at pananampalataya ay dapat magsimula sa kaalaman ng kasagutan sa sumusunod na tanong: “Ano ang layon ng paglikha ng Diyos sa sangkatauhan?” Sa gayon lamang natin malalaman kung anong uri ng pananampalataya ang nais ng Diyos sa atin, at sa gayon lamang natin makikilala ang Diyos sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Nang likhain ng Diyos itong buong kalawakan at lahat ng bagay nito, paano isinagawa ang Kanyang layunin? Ang layon ng paglilikha ay upang tayo ay isilang na muli sa kasalanan at gawin tayo na sariling bayan ng Diyos. Itong gawain ng Diyos upang tayo’y maging Kanyang bayan ay ang tinupad ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Ang unang layon sa paglikha ng Diyos sa buong kalawakan at sangkatauhan ay upang gawin ang mga tao na isilang dito sa lupa, magliwanag sila sa pamamagitan ng ilaw ng kaligtasan, at sa gayon gawin silang bayan ng Diyos at gawin silang ganap.

Nasusulat, “At sinabi ng Dios, ‘Magkaroon ng liwanag,’ at nagkaroon ng liwanag. At nakita ng Dios ang liwanag na

Unang Araw: Nang Pasimula ay Nilikha ng Diyos ang 149 Langit at ang Lupa

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

mabuti, at inihiwalay ng Dios ang liwanag sa kadiliman. At tinawag ng Dios ang liwanag ng Araw, at tinawag Niya ang kadiliman na Gabi. At nagkahapon at nagkaumaga ang unang araw” (Genesis 1:3-5).

Ang unang bagay na nais ng Diyos na gawin sa atin ay nasusulat dito sa Genesis 1:1-5. Tulad ng manggagawa ng bahay para sa isang layunin, gayon din ang Diyos sa paglikha Niya sa buong kalawakan at lahat ng bagay nito ayon sa Kanyang sariling layunin. Ano ang layuning ito? Ito ay upang sangkatauhan ay gawing Kanyang sariling bayan, at Kanyang naisakatuparan ito.

Iyan kung bakit kayo at ako ay dapat tanggapin ang ilaw ng kaligtasan sa ating mga puso habang tayo ay nabubuhay dito sa lupa, bago tayo lumapit sa Diyos. Kailangan para sa atin na tiyak na malaman bakit nilikha ng Diyos ang sangkatauhan at paano Niya nilayon ang ating kaligtasan kay Jesu-Cristo, at tayong lahat ay dapat manalig at tanggapin ito. Bakit tayo ginawa ng Diyos? Ano ang layunin sa paglikha ng Diyos sa atin? Kailangan nating maunawaan kung ano ang kahulugan nang sabihin ng Diyos, “Magkaroon ng liwanag; at nagkaroon ng liwanag. At nakita ng Diyos ang liwanag na mabuti.” Ito ay upang ang Diyos ay gawing matuwid ang mga makasalanan sa pamamagitan ng ilaw ng Katotohanan.

Nakasaad sa Genesis 1:1, “Nang pasimula nilikha ng Dios ang langit at ang lupa.” Itong talata ay hindi lamang pinaliliwanag na ginawa ng Diyos ang buong kalawakan at lahat ng bagay na nakikita ng ating mga mata, bagkus ito ay nagsasaad din na ginawa ng Diyos ang espiritwal na kapamahalaan ng Langit para sa atin. Lahat ng nilalang na isinilang dito sa kalawakan ay dapat malaman ang layon ng Diyos. Tulad ng lahat ng bagay sa kalawakan ay nilikha ng Diyos, kaya lahat ng makasalanan ay muling nilikha ng Diyos

150 Unang Araw: Nang Pasimula ay Nilikha ng Diyos ang Langit at ang Lupa

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

at ginawang mga matuwid sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.

Maging ngayon, ang ating Diyos ay kumikilos upang akayin ang mga makasalanan upang maging matuwid sa pamamagitan ng ebanghelyo ng Salita ng tubig at ng Espiritu. Kaya yamang nilikha ng Diyos ang daigdig ng mga nilalang, ang natatanging layunin sa lahat ng Kanyang paglikha ay upang gawin tayong Kanyang mga anak. Sa madaling salita, ginawa ng Diyos ang kapamahalaan ng mga nilalang upang ibigay sa atin ang pagpapala ng pagiging Kanyang bayan. Ang kaooban ng Diyos ay upang gawin kayo at ako na Kanyang bayan.

Kapag ating binabasa ang sinasabi ng Biblia, “Nang pasimula ay nilikha ng Diyos ang langit at ang lupa,” dapat nating mabatid bakit nilikha ng Diyos ang kalawakan at ang lahat ng bagay nito. Nilikha ng Diyos itong kalawakan at lahat ng bagay nito para sa layuning paglikha sa sangkatauhan, at upang gawin ang mga tao na Kanyang bayan sa pamamagitan ng paghuhugas sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ni Jesu-Cristo, ang ilaw, at babaguhin sila upang maging mga anak ng liwanag. Ito ang ating dapat mabatid at panaligan. Sinulat ng Diyos ang Biblia para sa layuning pagliligtas sa atin, para sa ating kaligtasan.

Nilikha ng Diyos ang kalawakan at lahat ng bagay nito, at sinasabi sa atin ng Katotohanang ito na ginawa Niya sila upang ilipat tayo mula sa dako ng mga makasalanan tungo sa dako ng mga matuwid. Kaya habang tayo ngayon ay naging taong matuwid dahil sa pananalig at pagtanggap sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, malibang kayo at ako ay maabot ang yugtong ito, lahat tayo ay mga makasalanan. Ang Salita ng Diyos na nagturo sa atin ng Katotohanang ito ay labis na kahanga-hanga.

Unang Araw: Nang Pasimula ay Nilikha ng Diyos ang 151 Langit at ang Lupa

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

Kapag ating sinusuri ang ating mga sarili, makikita natin kung gaano walang saysay tayong lahat, hindi hihigit sa isang dakot ng alikabok. Nguni’t maging sa gayong mga taong walang saysay tulad natin, nilikha ng Diyos itong kahanga-hangang kaharian ng langit at lupa upang gawin tayo na Kanyang mga anak. Kapag ating naiisip ito, tayo’y pinaalalahanan ni Pablo, na nagsabing, “Oh, kalaliman ng mga kayamanan ng karunungan at ng kaalaman ng Dios! Oh di matingkalang mga hatol Niya, at hindi malirip na Kaniyang mga daan!” (Roma 11:33), at, “Sapagka’t Kaniya at sa pamamagitan Niya, at sa Kaniya, ang lahat ng mga bagay, Sumasakaniya nawa ang kaluwalhatian magpakailanman Siya nawa” (Roma 11:36).

Habang pinangangaral ni Apostol Pablo ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu dito sa lupa at nagpagal para sa gawain ng Diyos, natuklasan niya ang kadakilaan ng kalooban ng Diyos para sa atin, at siya kadalasan ay namamangha nito. Tunay nga, anong mga tao sa paglikha ng Diyos sa kapamahalaan ng langit upang gawing matuwid ang mga makasalanan at gawin silang Kanyang bayan? Nang ang anghel ng liwanag, si Lucifer, ay hinamon ang Diyos, hindi siya pinatawad ng Diyos bagkus ay tinapos sa Hades. Nguni’t para sa mga tao, ang Diyos ay ginawa ang isang layon upang pahintulutan sila na maging Kanyang mga anak sa pamamagitan ng pananalig sa Salita ng Katotohanan, ang kaloob na kaligtasan ng Diyos, at tinupad lahat nito ni Jesu-Cristo.

Sinabi ng Diyos sa atin, “Sapagka’t gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay Niya ang Kaniyang bugtong na Anak” (Juan 3:16). Kaya nang sinabi ng Diyos na magkaroon ng liwanag, nagkaroon ng liwanag, at tinanglawan ng Diyos itong ilaw dito sa lupa; yaong sumunod sa liwanag na ito, ang Diyos sa pamamagitan ng Kanyang

152 Unang Araw: Nang Pasimula ay Nilikha ng Diyos ang Langit at ang Lupa

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

biyaya ay tinulot sila na maging Kanyang bayan, at yaong tumanggi sa liwanag ng Diyos, hahatulan Niya sila ayon sa Kanyang katarungan. Ang Diyos ay ginawa ang gayong kahanga-hangang gawain para sa atin sa pamamagitan ng Kanyang katalagahan kaya hindi natin maunawaan ang Kanyang kalooban malibang ating malaman ito sa pamamagitan ng ilaw ng Katotohanan.

Yamang aking nakamtan ang kapatawaran sa aking mga kasalanan mula sa Panginoon, at sa aking patuloy sa buhay, wala na akong magagawa kundi pasalamatan na lamang ang Diyos, dahil ang Kanyang layon para sa atin ay labis na marangal, dakila, at kahanga-hanga. Yamang wala tayong maipagmamalaki sa harap ng Diyos, ang atin lamang gagawin ay pasalamatan Siya sa pamamagitan ng ating pananampalataya. Naniniwala rin ba kayo rito? Dahil taglay natin ang Banal na Espiritu sa atin kaya tayo maaaring manalig sa layon ng Diyos sa pamamagitan ng ating mga puso. Nilayon ng Diyos ang ating kaligtasan sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, at sa layuning ito tayo ay nilikha Niya.

Tumanglaw ang ilaw ng kaligtasan ng Diyos sa atin. Itong Diyos, na nagliwanag sa atin sa pamamagitan ng ilaw ng kaligtasan, nawa ay magkaroon ng mga kayamanan sa inyong mga puso at sa akin, nitong mga pilak na sisidlan natin. Dahil taglay natin ang ebanghelyo ng Salita ng tubig at ng Espiritu sa ating mga puso kaya tayo’y nagkaroon ng kakayahang manalig sa lahat ng Salita ng Diyos at magsigawa kaisa Niya. Maraming bahagi sa Biblia na hindi natin nauunawaan kung tayo’y mag-iisip sa karnal na mga bagay. Subali’t, dahil naroon ang Banal na Espiritu sa ating mga puso, ating mauunawaan at mananalig sa gawain ng Diyos.

Kailangan nating tunay na maunawaan ang sinasabi ng Diyos sa atin sa pamamagitan nitong Salita ng mga Kasulatan.

Unang Araw: Nang Pasimula ay Nilikha ng Diyos ang 153 Langit at ang Lupa

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

Upang tayo ay manalig sa Katotohanan ng Diyos at maging Kanyang bayan, dapat nating mabatid kung anong uri ng layon ng Diyos para sa atin at kung anong uri ng gawain ang Kanyang tinupad. Maraming mga Kristiyano ngayon ang nag-aaral ng Biblia, nguni’t mayroong higit na pag-aaral at pagsusuri sa Salita ng Diyos kaysa sa pag-aaral ukol sa Biblia sa kaalaman at pagsasaulo ng mga talata. Ang layuning sa pag-aaral ng Biblia, ang Salita ng Diyos, ay upang malaman kung ano ang layon ng Diyos para sa atin.

Sinasabi ng Biblia na ginawa tayong ilaw ng Diyos, at dapat nating tanggapin ang tunay na ilaw ng kaligtasan. Tinatawag ng Diyos yaong hindi tumanggap sa ebanghelyo ng Katotohanan ng tubig at ng Espiritu bilang mga anak ni satanas. Dapat nating mabatid lahat na ang Diyos ay may kahanga-hangang layon ng kaligtasan para sa atin, at tinupad Niya lahat ng ito. Sa ating patuloy sa buhay na walang pananampalataya, kapag atin lamang nababatid kung anong mga pagpapala ang binigay ng Diyos sa atin, at kapag tayo’y mananalig lamang sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, tayo ay tunay na mananalig sa Kanyang kalooban.

Anong Magpapalaya sa Atin mula sa Magulong Kalituhan ng Ating mga Puso?

Ating tignan sa Genesis 1:2. Nasusulat, “At ang lupa ay

walang anyo at walang laman; at ang kadiliman ay sumasa ibabaw ng kalaliman; at ang Espiritu ng Dios ay sumasa ibabaw ng tubig.”

Sa Biblia, ang lupa ay tumutukoy sa puso ng tao. Na ang lupa ay walang anyo ay nangangahulugan na ang puso ng tao ay nasa kalituhan at kawalan. Sa ibang salita, ang tao ngayon

154 Unang Araw: Nang Pasimula ay Nilikha ng Diyos ang Langit at ang Lupa

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

ay nabubuhay sa kalituhan at taglay ang kawalan, dahil hindi pa nila nakikilala ang Salita ng Katotohanan ng kaligtasan. Upang iwaksi ang gayong kalituhan ng sangkatauhan, dapat tayong magkaroon ng wastong kaalaman “sa kasalanan, at sa katuwiran, at sa paghatol” (Juan 16:8). Sa ibang pananalita, nang inyong marinig at manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu kayo ay nagkamit ng kapatawaran sa inyong mga kasalanan at magiging tunay na malaya sa inyong kalituhan ng mga puso. Sa kasawiang-palad, gayon pa man, labis na maraming tao ang hindi pa rin nalalaman ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, at kaya ang kanilang mga isipan at mga puso ay naglilibot pa rin dahil sa pagkaligaw sa kalituhan.

Yaong hindi pa rin nakamtan ang ilaw ay nagdurusa dahil sila’y walang kakayahang takasan ang kanilang nalilitong mga isipan. Subali’t, kapag ang ilaw ng Katotohanan ng kaligtasan ay dumating sa kanilang mga puso, ang kanilang kalituhan ay maglalaho rin kaagad.

Sinabi ng Diyos sa atin, “‘Magkaroon ng liwanag,’ at nagkaroon ng liwanag. At nakita ng Dios ang liwanag na mabuti.” Nang ang ilaw ng Diyos ay nagliwanag sa madilim na sanlibutan, ang kadiliman ay agad na naglaho. Tulad nito, nakita ng Diyos ang Kanyang ginawa para sa atin, at ito ay mabuti. Ang ating kaalaman sa Diyos ay nag-umpisa mula sa kaalaman ng ebanghelyo ng Katotohanan ng tubig at ng Espiritu na dumating sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Nang magliwanag ang Kanyang ilaw ng kaligtasan sa atin, wala ng kadiliman ang maaaring magtatagal pa.

Samakatuwid, tayo na naging ilaw ng Katotohanan ay dapat palawigin itong ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa lahat dito sa lupa. Kapag ating pinangangaral ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa mga tao dito sa lupa, ang kalituhan ay maglalaho mula sa puso ng lahat. Walang alinlangan na ang

Unang Araw: Nang Pasimula ay Nilikha ng Diyos ang 155 Langit at ang Lupa

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu na ating pinapanaligan at pinangangaral natin ay maghahatid sa di-mabilang ng mga tao kay Jesu-Cristo. Kapag sila’y mananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ng kanilang mga puso, ang kawalan sa kanilang mga puso ay maglalaho rin at ang kanilang mga kasalanan ay maaalis din. Kung inyong tatanggapin itong ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa inyong mga puso, ang inyong mga kasalanan ay maglalaho.

Ang Biblia ay nangungusap ukol sa ilaw ng Katotohanan ng kaligtasan. Ang saligan ng kaligtasang ito ay ang ebanghelyo ng Salita ng tubig at ng Espiritu. Habang ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay ang saligan ng Katotohanan ng kaligtasan, itong ebanghelyo sa katunayan ay siya ring ilaw ng kaligtasan, at lahat ng nasa atin ay pinagsama dito sa ebanghelyo. Masusumpungan dito sa ebanghelyo ay ang ating mga buhay bilang mga matuwid, ang ating tunay na pananampalataya, at ang ating pag-asa sa bawa’t pagpapala na pinangako ng Diyos sa atin.

Ang Diyos ay kumikilos bilang ilaw ng Katotohanan ng kaligtasan sa mga isipan ng tao, sa kanilang kalituhan, sa kanilang kawalan, at sa mga isipan ng makasalanan. Sinasabi ng Biblia, “Ang Espiritu ng Dios na sumasa ibabaw ng tubig” (Genesis 1:2). Ang Diyos ay kumikilos ayon sa Kanyang nasusulat na Salita.

Tayo, rin, ay dapat maglingkod sa ebanghelyo at mamuhay sa ating pananampalataya, manalig ayon sa Salita ng Diyos. Kapag tayo ay mananalig sa nasusulat na Salita, at sa pamamagitan nitong pananampalatayang pinangangaral sa lahat, “Ito ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu,” ang Banal na Espiritu ay kikilos sa pamamagitan nitong Salita at bagong mga mananampalataya ang lalapit sa pag-ibig ng Diyos. “Ang Espiritu ng Dios na sumasa ibabaw ng tubig” (Genesis 1:2). Ang

156 Unang Araw: Nang Pasimula ay Nilikha ng Diyos ang Langit at ang Lupa

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

Diyos ay kikilos sa pamamagitan ng Kanyang Katotohanan ayon sa Kanyang Salita. Ang Espiritu ng Diyos ay kumikilos sa puso ng mga nasa kalituhan, kawalan, at makasalanan sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, at Kanyang hinuhugasan lahat ng kasalanan ng bawa’t isa.

Malinaw na sinasabi ng Diyos sa atin, “Ang Espiritu ng Dios na sumasa ibabaw ng tubig” (Genesis 1:2). Ang “Espiritu” dito ay tumutukoy sa Banal na Espiritu. Nakikita ang talatang ito, tayo ay tiwala na ang Espiritu ng Diyos ay tinulot ang mga tao na kamtan ang kaligtasan sa pamamagitan ng pagkilos sa ebanghelyo ng Salita ng tubig at ng Espiritu. Sa inyo na nananalig ngayon sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ang Banal na Espiritu ay nasa inyong mga puso rin.

Dama ba ninyo kung paano ang Banal na Espiritu ay kumikilos sa inyong mga puso sa pamamagitan ng Salita ng Diyos? Ang Banal na Espiritu ay kumikilos sa pamamagitan ng nasusulat na Salita ng Diyos, ayon sa ating pananampalataya. Kapag ating narinig ang Salita ng Diyos at manalig at tanggapin ito, ang Banal na Espiritu sa ating mga puso ay magpapatotoo sa atin. Siya’y nangungusap sa ating mga puso, “Oo, iyan ang wasto. Manalig at tanggaping. Sundin sa pamamagitan ng pagtiwala sa Diyos.”

Ang Espiritu ng Diyos ay lumilibot sa ibabaw ng mga tubig. Ano, kung gayon, ang kahulugan dito ng “mga tubig”? Sa Biblia at lalo na sa talatang ito, ang tubig ay tumutukoy sa Salita ng Diyos. Higit na makitid nito, gayon pa man, itong tubig ay tumutukoy sa bautismo na tinanggap ni Jesu-Cristo mula kay Juan Bautista. Sinasabi sa 1 Pedro 3:21, “Na ayon sa tunay na kahawig ngayo’y nagligtas, sa makatuwid baga’y ang bautismo.” Ang Diyos ay kumikilos alinsunod sa Kanyang Salita, kasama ang ebanghelyo ng Salita ng tubig at ng Espiritu.

Dapat nating mabatid lahat nang ating malaman ang mga

Unang Araw: Nang Pasimula ay Nilikha ng Diyos ang 157 Langit at ang Lupa

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

gawain ng Banal na Espiritu ayon sa Salitang ito, manalig at tanggapin ito, at malinaw na sundin ang Salita ng Diyos, ang Diyos sa gayon ay kikilos sa pagsuporta sa ating pananampalataya. Dapat tayong magkaroon ng pananampalataya sa Salita ng Diyos.

Sinabi ng Biblia, “Sinabi ng Diyos, ‘Magkaroon ng liwanag’ at nagkaroon ng liwanag”

Sinasabi sa Genesis 1:3-4, “At sinabi ng Dios,

‘Magkaroon ng liwanag’; at nagkaroon ng liwanag. At nakita ng Dios ang liwanag na mabuti.” Ang Diyos ay dumating dito sa madilim na daigdig bilang ilaw. Ibig sabihin na ang Panginoon ay inalis ang ating mga kasalanan at ngayon ay nananahan sa ating mga puso. Sa ibang salita, sa pamamagitan nitong ilaw ng Katotohanan, inalis ng Diyos lahat ng ating kasalanan, ginawa tayo na Kanyang bayan, hininga ang Kanyang Espiritu sa ating mga puso, at sa pamamagitan nito ginawa tayong kabilang kay Jesu-Cristo. Na tayo ngayon ay naging bayan ng Diyos ay ang pinakadakilang himala sa lahat ng himala.

Bago ibigay ni Jesu-Cristo ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa sanlibutang ito, ito ay ganap na nasa kadiliman. Tulad sa nasusulat, “At ang lupa ay walang anyo at walang laman; at ang kadiliman ay sumasa ibabaw ng kalaliman; at ang Espiritu ng Dios ay sumasa ibabaw ng tubig” (Genesis 1:2). Itong sanlibutan ay labis na madilim kaya tanging kalituhan lamang, kawalan, at kadiliman, nguni’t nang inutos ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang Salita, “Magkaroon ng liwanag,” ang liwanag ay sumibol dito sa lupa. Malinaw na pinakita ng Biblia na magkakaroon lamang ng liwanag dito sa

158 Unang Araw: Nang Pasimula ay Nilikha ng Diyos ang Langit at ang Lupa

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

lupa dahil ito ang inutos ng Diyos. Tulad nito, ang ating Panginoon ay tunay na naparito sa

lupa at ginawa tayo na bayan ng Diyos sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Sa ibang pananalita, dahil ang Diyos ay sinambit ang Kanyang Salita kaya ang lahat ng bagay ay natupad ayon sa Salitang ito, at tayo sa gayon ay naligtas sa mga kasalanan ng sanlibutan at naging bayan ng Diyos. Na tayo ay naging bayan ng Diyos ay naisakatuparan alinsunod sa Salitang sinabi ng Diyos sa atin.

Dahil hindi natin nalalaman ang Diyos sa ating mga puso at makasalanan, ang ating gagawin lamang ay hintayin ang araw na tayo ay itapon sa impiyerno, sa ating walang hanggang kamatayan. Tayong lahat ay malayo sa Diyos, dahil tayong lahat ay likas na makasalanan. Dahil sa kasalanan ni Adan at Eba, tayo’y isinilang sa ilalim ng sumpa, at walang silip ng liwanag na kahit ano pa sa ating mga puso, kahit sa iba pa kundi ang buong kawalan at kasalanan. Sa likas na pananalita, walang liwanag sa buhay ng ating mga puso. Sa madaling salita, wala roon ang ebanghelyo ng Katotohanan. Ang ating mga puso ay walang ibang naroon kundi kadiliman, kawalan, at kalituhang pumulupot sa lahat, nguni’t nang sinabi ng Diyos, “Magkaroon ng liwanag,” at nagkaroon ng liwanag sa ating mga puso. Sinasabi ng Biblia na ang liwanag ay dumating sa utos ng Diyos na magkaroon ng liwanag.

Ang paglikha ng Panginoon sa langit at sa lupa ay tumutukoy walang iba kundi sa pagsilang na muli sa ating mga kaluluwa. Sa pamamagitan ng kalikasan, walang makikita sa ating mga kaluluwa kundi ang kawalan, kadiliman, at kalituhan, nguni’t ang Diyos ay nangusap sa atin. Sinabi ng Diyos sa atin na si Jesu-Cristo ay naparito sa lupa at nagliwanag sa atin sa pamamagitan ng ilaw ng kaligtasan. Sinasabi ng Panginoon na Siya’y dumating sa sangkatauhan na taglay lamang ang

Unang Araw: Nang Pasimula ay Nilikha ng Diyos ang 159 Langit at ang Lupa

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

kalituhan at kawalan, at Siya’y pumasok sa mga tumanggap sa ilaw na ito. Aking kapwa mga mananampalataya, paano tayo naging bayan ng Diyos? Kung titignan sa pamamagitan ng Salita ng Diyos, ito marahil ay katotohanang may katibayan sa sarili, nguni’t kung titignan ang ating mga sarili, na tayo ngayon ay makatatawag sa Diyos bilang ating Ama, at tayo ngayon ay magiging Kanyang mamamayan, hindi ito naging posible maliban sa pinagpala ng Diyos na ebanghelyo ng gawain ng tubig at ng Espiritu. Ito ay ganap na imposible, nguni’t ito ay naging posible dahil ang Panginoon ay hinahanap tayo sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.

Dahil ang Diyos ay kumilos sa ating mga puso sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu kaya tayo naging matuwid, at dahil niligtas tayo ng Diyos sa pamamagitan nitong ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu tayo ay naging Kanyang bayan. Sa katunayan, makakamit natin ang ating kaligtasan sa pamamagitan ng pagtanggap sa pananampalataya lahat ng bagay na tinupad na ng Diyos. Kapag kayo at ako ay itatanong sa ating mga sarili, “Paano tayo naging mga anak ng liwanag? Paano tayo naging mga anak ng Diyos?” at tunay na pagnilayan ang mga katanungang ito, tayo’y mamamangha lamang sa biyaya ng Diyos. Sa pamamagitan ng Kanyang Salita, ginawa tayo ng Diyos na maging mga anak ng liwanag.

Nang likhain ng Diyos ang langit at ang lupa, ang buong kalawakan at lahat ng bagay nito, inutos ng Diyos na magkaroon ng liwanag, at sumibol ang liwanag sa madilim na daigdig. Ito kung paano naglaho ang kadiliman sa daigdig. Pagkatapos, ang daigdig ay naging masigla sa pamamagitan ng lahat ng uri ng buhay: Lahat ng hayop, mga ibon sa alapaap, at isda sa dagat ay nalikha. Tulad nito, yamang ang lahat ng

160 Unang Araw: Nang Pasimula ay Nilikha ng Diyos ang Langit at ang Lupa

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

bagay sa kalawakan ay sumibol sa pamamagitan ng liwanag na lumitaw sa pamamagitan ng utos ng Diyos, ginawa tayo ng Diyos na Kanyang mga anak sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.

Lahat ng mga puno at damo dito sa lupa, lahat ng ibon sa alapaap, lahat ng isda sa karagatan, at lahat ng tao dito sa lupa ay tinanggap ang bagong buhay sa pamamagitan ng liwanag at nagsilitaw sa pamamagitan ng liwanag. Sino ang Diyos na nag-utos na magkaroon ng liwanag? Walang iba kundi si Jesu-Cristo, ang Tagapagligtas na nagligtas sa atin sa kasalanan.

Si Jesus ay Ating Diyos at Tagapagligtas na Lumikha sa Langit at sa Lupa

Sa pamamagitan ng Aklat ng Genesis, ating makikilala si

Jesu-Cristo. Siya ang Diyos na Manlilikha. Ang Siyang Diyos na nag-utos na magkaroon ng liwanag dito sa lupa ay ang ating Tagapagligtas na si Jesus. Ito ang ating Mesias. Si Jesus ay walang iba kundi ang Diyos mismo na nagsalita para sa paglikha ng kalawakan at lahat ng bagay nito. Sa ibang salita, ang Diyos, na Siyang lumikha sa langit at sa lupa sa pamamagitan ng Kanyang Salita, ginawa itong kalawakan at lahat ng bagay nito. Iyan kung bakit ating masasabi na si Jesus ay ang Verbo, ang Diyos ng Salita.

Kapag ating titignan ang Ebanghelyo ni Juan, nasusulat, “Nang pasimula Siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios. Ito rin nang pasimula’y sumasa Dios. Ang lahat ng mga bagay ay ginawa sa pamamagitan Niya, at alin man sa lahat ng ginawa ay hindi ginawa kung wala Siya” (Juan 1:1-3).

Unang Araw: Nang Pasimula ay Nilikha ng Diyos ang 161 Langit at ang Lupa

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

Ang Diyos ng Salita na lumikha sa langit at sa lupa ay naging tao, naparito sa lupa, at iniligtas tayo sa kasalanan. Ang Diyos na ito na lumikha sa liwanag sa kalawakan ay naparito sa lupa upang alisin ang kasalanan sa puso ng mga tao. Tayong lahat ay minana ang kasalanan bilang mga inapo ng unang taong nagkasala na si Adan, at sanhi nitong mana, hindi natin maiiwasan ang kamatayan dahil sa pagkabihag ng kasalanan, kalituhan, at kawalan. Nguni’t naparito ang Panginoon sa atin, naging liwanag sa ating mga puso, at niligtas ang ating mga buhay. Sa maikling salita, niligtas tayo ng Diyos mula sa mga kasalanan ng sanlibutan.

Tayong lahat ay kailangang maranasan ang tunay na kaligtasan sa pananampalataya, nalalaman at nananalig na sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa atin na kamtan ang kapatawaran sa ating mga kasalanan, ginawa tayo ng Diyos na ilaw sa sanlibutan. Sa katunayan, sa atin na nagkamit ng kapatawaran sa kasalanan ay ang tunay na ilaw ng sanlibutan. Sinasabi ng Biblia na sa utos ng Diyos na magkaroon ng liwanag, nagkaroon ng liwanag. Ito’y nagbabadya na tayo ay niligtas ng Diyos sa kasalanan sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ito kung paano tayo naging matuwid.

Maraming mga mangangaral ang nangangaral, “Aking kapwa mga mananampalataya, dapat tayong maging liwanag ng sanlibutan sa pamamagitan ng banal na buhay,” nguni’t hindi sa pamamagitan ng ating sariling pagsisikap tayo ay naging matuwid o naging liwanag. Sa halip, nang tayo ay manalig sa Salita ng Diyos tulad ng Kanyang sinabi, na ang lahat ng bagay ay natupad ayon sa Salitang ito. Yamang tayo ay niligtas ng Diyos sa pamamagitan ng tubig at ng dugo, tayo ay naging liwanag. Yamang mayroong malawak at maulap na mga araw sa ating buhay, dapat nating maunawaang lahat ang katunayang tayo ay ilaw, na tayo nga ay naging ilaw na.

162 Unang Araw: Nang Pasimula ay Nilikha ng Diyos ang Langit at ang Lupa

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

Ang mga Tao ay ang Hindi Nabuong mga Gawain ng Diyos

“Sinabi ng Dios, ‘Magkaroon ng liwanag’; at nagkaroon ng liwanag” (Genesis 1:3). Tulad nito, ang lahat ng bagay ay nangyari ayon sa kung paano nagsalita ang Diyos.

Tayo, na naging ilaw dahil sa pananalig sa ilaw ng Katotohanan, ay nabubuhay dito sa lupa bilang ilaw nito. Hindi tayo pabagu-bago sa pagitan ng liwanag at kadiliman, ang pagiging ilaw dito sa lupa isang araw at pagkatapos ay kadiliman sumunod na araw. Gaano man ang ating kakulangan at kahinaan, tayo pa rin ay ilaw. Ito ay isang himala. Ang ating Diyos ay gayon na lamang sa muling paglikha sa atin, tayo na hindi ganap at may hangganan, at ginawa tayong ganap bilang Kanyang huling gawain.

Nang likhain ng Diyos ang langit at ang lupa, itong buong kalawakan at lahat ng bagay nito ay hindi rin ganap. Itong daigdig ay puno ng kadiliman, kalituhan, at kawalan, at ito ay walang buhay. Ang buong kalawakan ay nasa malaking kaguluhan. Lahat ng bagay ay walang anyo, mula sa lupa hanggang sa langit at sa mga bituin.

Subali’t, tulad ng utos ng Diyos na magkaroon ng liwanag, nagkaroon nga ng liwanag, at sa paraang ito hinatid ng Diyos ang kaayusan sa lahat ng bagay at ginawa ang mga ito na maayos. Ang Diyos ang gumawa sa lahat ng bituin na umiikot sa palibot ng kalawakan na walang banggaan, at ang Diyos din ang gumawa sa ilang mga bituin na magsalpukan sa isa’t-isa, sa gayon sumasabog ang ilang mga bituin at nabubuo naman ang iba. Sa ganito, ginawa ng Diyos na posible para sa kalikasan na panatilihin ang sarili, itinatakda ang kaayusan upang lahat ng bagay ay kumilos tulad ng dati kahit pa ilang bilyong taon ang lumipas. Yamang ang ating Panginoon ay

Unang Araw: Nang Pasimula ay Nilikha ng Diyos ang 163 Langit at ang Lupa

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

gumawa ng di-ganap na daigdig at pagkatapos ay ginawa itong ganap, gayon din ang ang ginawa Niya upang tayo ay maging ganap.

Nang ginawa ng Diyos tayong mga tao, hindi Niya ginawa tayo bilang nabuong mga gawain mula sa pasimula. Ginawa Niya tayo na hindi ganap mula sa alikabok. Ginawa Niya tayo bilang yaong matutukso ni satanas. Sa katunayan, pinahintulot Niya tayo na tuksuhin ni satanas, at matapos niyaon ang Panginoon ay dumating at ginawa tayong ganap. Sa pagliwanag ng ilaw sa walang anyong kapamahalaan ng buong kalawakan. Pinalayas ng Diyos lahat ng kalituhan nito at isinaayos sa buong kaayusan. Gayon din, ang Panginoon, na Siyang ilaw, ay naparito sa ating mga puso na nahulog sa kasalanan at nalito sa pamamagitan ng kalaliman ng kadiliman, at ginawa tayong liwanag.

“At nagkahapon at nagkaumaga ang unang araw” (Genesis 1:5). Hindi tayo ginawa ng Diyos na ganap mula sa pasimula. Ito ang katalagahan ng Diyos na magtutulot sa atin na isilang na muli. Nang likhain ng Diyos itong buong kalawakan at ginawa tayo, sa lahat ng bagay na ito Siya ay may isang layunin, at ang layuning ito ay upang ang Diyos ay mamuhay kasama ninyo at ako sa Kaharian ng Langit magpakailanman, at upang lasapin ang luwalhati kasama natin. Aking kapwa mga mananampalataya, inyo bang nababatid ngayon ang dahilan bakit nilikha ng Diyos itong kalawakan at tayong mga tao? Nauunawaan na ba ninyo ngayon na ang Diyos ay ginawa kayo at ako upang ating malalasap ang luwalhati kasama Niya at mabuhay magpakailanman? Ito ang tiyak na dahilan bakit ginawa tayo ng Diyos na isilang dito sa lupa na hindi ganap, tinawag tayo at niligtas tayo sa pagdating ng oras, at tinulot tayo na mabuhay magpakailanman bilang Kanyang sariling mga anak.

164 Unang Araw: Nang Pasimula ay Nilikha ng Diyos ang Langit at ang Lupa

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

Itong Diyos ay ginawa tayong matuwid. Iyan ang muling paglikha ng Diyos. Iyan ang pinakadakilang himala sa lahat ng gawain ng Diyos na isinakatuparan sa ating mga tao dito sa lupa. Sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, kayo ay nahugasan sa inyong mga kasalanan at naging mga anak ng Diyos. Ang mga makasalanan ay naging matuwid. Ito ang pinakadakilang himala. Tulad sa nasusulat, “Sinabi ng Dios, ‘Magkaroon ng liwanag’; at nagkaroon ng liwanag” (Genesis 1:3). Dahil tayo ay niligtas ng Diyos sa lahat ng ating kasalanan kaya tayo naging matuwid.

Tayo ngayon ay nabubuhay dito sa lupa bilang mga matuwid. Kayo marahil ay minsang nakikita ang inyong mga sarili ang kakulangan at kahinaan, nguni’t kayo pa rin ay taong matuwid. Hindi ba ito pinakadakilang himala, na tayo na dating mga kumpol ng kasalanan ngayon ay nabubuhay bilang mga sariling mga anak ng Diyos?

“Nakita ng Dios ang liwanag na mabuti” (Genesis 1:4). Ang Diyos ay labis na maligayang makita tayo na ginawang matuwid at binago bilang ilaw kaya ang Kanyang kaligayahan ay hindi mailarawan. Ito kung bakit may pagdiriwang sa Kaharian ng Langit kapag ang isang makasalanan ay mabatid ang kanyang mga kasalanan, mananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung pinagkaloob ni Jesu-Cristo, at sa gayon nangaligtas at naging nabuong gawain ng Diyos (Lucas 15:7-10).

Ang suliranin, gayon man, na sa ating pagpapatuloy sa ating mga buhay, kadalasan tayo ay hindi nalalaman ang katunayang sa ating mga sarili ay naging ilaw. Yamang tayo ay ginawang ilaw, sinasabi ng Diyos na Siya’y malugod na nakita tayo. Habang ang Diyos ay labis na maligaya, sa katunayan tayo ng ating mga sarili kadalasan ay bigong pahalagahan ang katunayang tayo ay naging ilaw.

Unang Araw: Nang Pasimula ay Nilikha ng Diyos ang 165 Langit at ang Lupa

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

Yaong, sa kabila ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ay hindi pa rin nababatid na sila sa kanilang mga sarili ay ilaw dito sa lupa ay kailangan muling isipin ang Salita. Yaong nag-aakala, “May bagay na nawawala sa akin upang maging ilaw,” kahit pa sila’y naligtas sa kanilang mga kasalanan, kailangang pagtibayin muli ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Aking kapwa mga mananampalataya, sa ating pagpapatuloy sa buhay, dapat nating mabatid kung paano naging posible para sa atin na maging ilaw, paano tayo naging ilaw, at manalig sa katotohanang ito. Kailangan nating pagnilayan sa ating mga sarili upang makita kung tayo ay tunay na nananalig na tayo’y mga manggagawa ng Diyos o hindi, at kailangan nating muling pasalamatan ang Diyos sa pagsagawa sa atin bilang ilaw. Sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, tayo ay naging natupad na mga gawain ng Diyos. Tayo ay tunay na ilaw dito sa lupa, at ating binibigay ang pasasalamat sa ating Panginoon sa pagtutulot sa atin na mabuhay dito sa lupa na walang kasalanan.

Hiniwalay ng Diyos ang Liwanag sa Kadiliman Aking kapwa mga mananampalataya, sa ating pagbabasa

ng Genesis 1:3 na nagsasabing, “Sinabi ng Dios, ‘Magkaroon ng liwanag’; at nagkaroon ng liwanag,” dapat tayong magkaroon ng paniniwala na tayo’y naging ilaw. At tulad ng patuloy na sinasabi ng Biblia, “Tinawag ng Dios ang liwanag ng Araw, at tinawag Niya ang kadiliman na Gabi” (Genesis 1:5), dapat nating maunawaan na ang Diyos ay hiniwalay ang liwanag sa kadiliman.

Malinaw na hiniwalay ng Diyos ang dalawa. Yaong

166 Unang Araw: Nang Pasimula ay Nilikha ng Diyos ang Langit at ang Lupa

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

tumanggap sa kapatawaran ng kanilang mga kasalanan ay liwanag, habang yaong hindi tumanggap nito ay kadiliman. Sa harap ng Diyos, yaong tumanggap sa kapatawaran ng kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng ebanghelyo ng Salita ng tubig at ng Espiritu ay liwanag. Sila ay mga anak ng Diyos, sa madaling salita. Subali’t, yaong hindi tinanggap ang ebanghelyo ng tubig at ng dugo ni Jesu-Cristo ay kadiliman. Ang mga anak ng kadiliman ay ang mga anak ng diablo.

Mayroong dalawang uri ng tao dito sa lupa. Bagaman ang lahat ay isinilang dito sa lupa na may kakulangan, may mga naging ilaw sa pamamagitan ng pananalig sa ilaw na tinanglawan ng Diyos, at mayroon yaong nanatili pa rin bilang kadiliman sa kanilang pagtanggi na manalig. Itong ilaw ay walang iba kundi ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ang lahat ay hinati sa dalawang uri ng tao, isang makasalanan o isang taong matuwid.

Yaong tumanggap nitong kaligtasan na dala mismo ni Jesu-Cristo sa atin—ito ay, yaong tumanggap sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung binigay ni Jesu-Cristo—ay naging mga anak ng Diyos. At bilang mga anak ng Diyos, sila’y nabubuhay na nagniningning dito sa lupa. Sa pagdating ng panahon, ang Diyos Ama ay dadalhin sila sa Kanyang walang hanggang Kaharian.

Gayon pa man, yaong hindi tumanggap nitong ebanghelyo ng Katotohanan ng tubig at ng Espiritu sa kanilang mga puso ay nanatili bilang mga anak ng kadiliman. Sila’y naging mga anak ng diablo. Ang gabi ay ang kadiliman sa ibabaw ng kalaliman. Nais ba ninyo ang gabi? Itong gabi ay sukdulang mapanganib. Isipin ang madilim na gabi, kung saan ganap na walang liwanag. Ang kapamahalaan ng gabi ay isang daigdig na buong kaguluhan, walang kaayusan, mapanganib, nakatatakot, at nakabubulag.

Unang Araw: Nang Pasimula ay Nilikha ng Diyos ang 167 Langit at ang Lupa

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

“Sinabi ng Dios, ‘Magkaroon ng liwanag’; at nagkaroon ng liwanag” (Genesis 1:3). Tinawag ng Diyos na araw ang liwanag, at ang kadiliman ay gabi. Kailangan tayong manalig na ang Diyos ay hinati ang dalawa. Tulad sa nasusulat, “Sapagka’t noong panahong kayo’y kadiliman, datapuwa’t ngayon kayo’y kaliwanagan sa Panginoon. Magsilakad kayong gaya ng mga anak ng kaliwanagan” (Efeso 5:8), hinati ng Diyos lahat ng tao na maging Kanyang mga anak at ang mga anak ng diablo. Ang lahat ay tila magkatulad sa panlabas na anyo, nguni’t ang ilang tao ay mga anak ng Diyos habang ang iba ay hindi. Kaya sa isang uri ng tao, sinabi ng Diyos, “Kayo ay Aking mga anak at Aking bayan,” nguni’t sa iba, sasabihin Niya, “Kayo ay hindi Ko mga anak.”

Sa huling araw, ang tadhana nitong dalawang uri ng tao ay tinatakan. Yaong hindi isinilang na muli sa tubig at sa Espiritu ay tapat na mapaparusahan bilang mga anak ng kadiliman. Sinabi ng Diyos sa Aklat ng Apocalipsis na Kanyang itatapon ang mga anak ng kadiliman sa lawa ng apoy at asupre, kasama ang mga bulaang propeta. Ang mga bulaang propeta at ang kanilang mga tagasunod lahat ay itatapon sa apoy ng impiyerno. Salungat nito, gayon man, ang mga anak na naging liwanag ay makapapasok sa Kaharian ng Diyos. Yaong naging liwanag sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay makapapasok sa kapamahalaan ng liwanag. Pahihintulutan sila ng Diyos na pumasok at mabuhay sa walang hanggang kapamahalaan ng liwanag, ang Kaharian ng Diyos.

“At nagkahapon at nagkaumaga ang Unang Araw” Sinasabi sa Genesis 1:5, “At nagkahapon at nagkaumaga

168 Unang Araw: Nang Pasimula ay Nilikha ng Diyos ang Langit at ang Lupa

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

ang Unang Araw.” Ang isang araw sa daigdig ng mga tao ay magsisimula sa umaga at magwawakas sa gabi. Ang mga bagay ng sanlibutan ay panandalian lamang, magliliwanag panumandali upang magbalik muli sa kadiliman. Ang kasaysayan ng sangkatauhan ay tulad din nito. Ang kasaysayan ay magliliwanag nguni’t panumandali lamang, upang magbalik lamang sa labis na kadiliman. Subali’t, ang pamamahala ng Diyos ay kakaiba. Ang kapamahalaan ng Diyos ay magsisimula sa hindi pagiging ganap sa umpisa, nguni’t unti-unting mabubuo sa kaganapan. Ang kapamahalaan ng Diyos ay palagiang tulad nito.

Ang pintuan ng kapisanan ng Tabernakulo ay makikita sa direksyon ng pagsikat ng araw, sa silangan. Saan naroon ang Kaban kung gayon? Ito ay sa kanluran. Ang kapamahalaan ng Diyos ay magsisimula sa hindi pagiging ganap at magwawakas sa pagiging ganap. Ito kung paano kumikilos ang Diyos. Iyan kung bakit sinasabi ng Diyos sa mga tao na sila’y dapat isilang na muli. Sinasabi ng Diyos, “Maliban na ang tao’y ipanganak ng tubig at ng Espiritu, ay hindi siya makapapasok sa kaharian ng Dios” (Juan 3:5). Bagaman ang pasimula ay hindi ganap, tinupad ng Diyos sa buong kaganapan.

Ang ating buhay pananampalataya ay tulad din nito. Kahit pa matapos kamtan ang kapatawaran sa ating mga kasalanan, tayo pa rin ay hindi ganap sa simula. Sa ibang salita, bagaman tayo ay ligtas, hindi natin tunay na nalalamang lubos, ating nadarama na tila walang anumang pagbabago, at hindi natin tiyak kung ano ang wasto. Kaya kapag tayo ay naligtas, ating tunay na pahahalagahan ang ating hindi pagiging ganap ng lalong higit na kabuuan. Iyan ay dahil ang ating mga buhay ay dapat magbago, at dapat tayong mabuhay sa pananampalataya. Dati, kadalasan tayo ay nabubuhay lamang para sa ating laman at sa pamamagitan lamang ng ating sariling karnal na

Unang Araw: Nang Pasimula ay Nilikha ng Diyos ang 169 Langit at ang Lupa

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

kalakasan, nguni’t ngayon, kung tayo’y nagtitiwala lamang sa kalakasan ng ating laman, tayo’y masusumpa, at kung kaya dapat tayong umasa sa Diyos, magtiwala sa Kanya, at mabuhay sa pamamagitan ng pananampalataya. Ito kung bakit ating makikita ang ating mga kakulangan ng lalong higit, at tayo ay maguguluhan at magdurusa kapag ating nakita ang ating mga sarili. Tulad nito, ang ating simula ay hindi ganap.

Gayon pa man, kapag tayo ay pumasok sa kapamahalaang sinabi ng Diyos at mamuhay dito, kung tayo’y mabubuhay sa pananampalataya, tayo’y magiging ganap, bagaman tayo ay tila hindi ganap sa simula. Ang mga gawain ng Diyos ay palagiang tulad nito. Bagaman ang ating mga mata sa laman at tila hindi ganap, kapag tayo ay mananalig sa Salita ng Diyos, sundin ito, at pumasok dito, ating mararanasan ng ating mga sarili na ang buhay pananampalataya ay tunay na ganap at buo. Nalalaman natin na ito kung paano ang Diyos ay palagiang kumikilos.

Kung ating ibubuod kung ano ang ginawa ng Diyos sa unang araw, kayo at ako ay naging matuwid—ito ay, tayo ay naging ilaw. Tayo ay ginawa ng Diyos na ilaw, at ginawa Niya tayo na mabuhay bilang ilaw. Pinapayo ko muli sa inyong lahat na pagtibayin itong pananampalataya, na tayo ay ginawang ilaw ng Diyos.

Kayo ba, na nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ay naniniwala na kayo ay ilaw? Malinaw na hinati ng Diyos ang liwanag sa kadiliman sa unang araw. Kaya sinumang hindi pa rin isinilang na muli sa kanyang mga kasalanan, ay kadiliman. Gaano man ang pagdisiplina sa kanyang sarili, gaano man magliwanag ang kanyang mga mata sa karunungan, gaano man siya tiwala sa kanyang sarili, ang kadiliman ay kadiliman pa rin. Ang kanyang puso ay walang-alinlangang nasa kalituhan.

Subali’t, ang isinilang na muli ngayon ay ang ilaw ng

170 Unang Araw: Nang Pasimula ay Nilikha ng Diyos ang Langit at ang Lupa

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

sanlibutan. Dahil tayo ay naging mga anak ng liwanag sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa pamamagitan ng pananampalataya, ating malalaman lahat ng bagay. Iyan ay dahil ang Banal na Espiritu sa atin ay nangungusap sa atin, tinuturuan tayo, at tayo’y ginagabayan. Ang mga mananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay laging ganap, dahil ang Banal na Espiritu ay nananahan sa kanila.

Sa ating patuloy sa ating buhay, dapat nating tandaan muli na tayo ang ilaw ng sanlibutang ito. Na kayo at ako ay naging liwanag ay ang pinakadakilang himala sa lahat. Maaari ba ang sinuman na maging liwanag sa pamamagitan ng kanyang sariling mga gawa? Hindi, ito ay imposible sa pamamagitan ng kanyang sariling mga gawa.

Ang tanging bagay na magtutulot sa atin na maging liwanag ay sa Salita ng Diyos. Si Jesu-Cristo na Salita ay naparito sa atin at sinabi, “At sinabi ng Dios, ‘Magkaroon ng liwanag’; at nagkaroon ng liwanag” (Genesis 1:3). Walang ibang mga salita ang kailangan kundi ang Salitang ito. Kapag kayo ay magtungo sa madilim na silid at buksan ang ilaw, maglalaho ang kadiliman sa sandaling buksan ang ilaw at ang silid ay mapupuno ng liwanag. Tulad nito, dahil kinuha ni Jesu-Cristo lahat ng ating kasalanan at malinis na inalis ang mga ito sa pamamagitan ng Kanyang bautismo nang Siya’y naparito sa lupa, kung tayo’y mananalig sa ilaw ng Katotohanang ito, ang ating mga puso ay agad na magiging walang kasalanan at magiging malinis na ilawan.

Ang Diyos ay tunay na makapangyarihan. Binigay ng Diyos ang liwanag sa madilim na sanlibutang ito, sa sanibutang ito na puno ng kalituhan, kawalan, at kadiliman. Tulad ng inutos ng Diyos, “Magkaroon ng liwanag,” doon ay sumibol ang liwanag at naglaho ang kadiliman.

Unang Araw: Nang Pasimula ay Nilikha ng Diyos ang 171 Langit at ang Lupa

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

Ang kaligtasang ating tinanggap salamat sa pagparito ni Jesu-Cristo ay tulad nito. Nang Siya’y magsalita, ang ganap na liwanag ay dumating dito sa lupa. Sa pamamagitan ng Salita ng Diyos, minsanang naglaho ang kadiliman at naroon lamang ay ang liwanag. Yamang ang Diyos na nagligtas sa atin ay makapangyarihan, lahat ng ating kasalanan ay naglaho na minsan sa pamamagitan ng ebanghelyo ng Salita ng tubig at ng Espiritu, ang Salita ng Katotohanang sinabi ng Diyos.

Sa pamamagitan din ng Salita ng Katotohanang pinangako ng Panginoon na ililigtas tayo sa kasalanan at tinupad ito. Itong Salita ng tipan, na tayo’y Kanyang ililigtas, at pinagkaloob nang sumpain Niya si satanas. Tulad ng Kanyang sinabi, “Sapagka’t ginawa mo ito, ay sumpain ka ng higit sa lahat ng hayop, at ng higit sa bawa’t gain sa parang; ang iyong tiyan ang ilalakad mo, at alabok ang iyong kakanin sa lahat ng mga araw ng iyong buhay; At papagaalitin Ko ikaw at ang babae, at ang iyong binhi at ang kaniyang Binhi; ito ang dudurog ng iyong ulo, at Ikaw ang dudurog ng Kaniyang sakong” (Genesis 3:14-15).

Yamang pinangakuan ang sangkatauhan, sa pagdating ng panahon, ang Diyos ay isinilang kay Maria sa katawan ng tao bilang Binhi ng babae, kinuha lahat ng kasalanan ng sanlibutan sa pinaka-nararapat na paraan sa pamamagitan ng pagtanggap sa bautismo ng tubig, at hinatulan at nagbubo ng Kanyang dugo sa Krus. Si Jesus na Diyos na Siyang naging tao ay binigay ang mga pangangailangan ng Kautusan sa pamamagitan ng pagpasan sa lahat ng ating kasalanan at paghahatol sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at sa dugo, at sa pamamagitan ng pagbayad ng halaga ng kamatayan, ginawa Niya tayo, na dating mga alipin ng diablo at ginapos niya, na sariling bayan ng Diyos—ito ay, ginawa Niya tayong matuwid. Ginawa tayo ni Cristo na maging bayan ng Diyos at

172 Unang Araw: Nang Pasimula ay Nilikha ng Diyos ang Langit at ang Lupa

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

pinakilala sa atin ang Diyos Ama. Gaano ganap ang kaligtasang ito? Walang hindi ganap sa

mga gawa ng Diyos. Ganap na tinupad Niya lahat ng bagay. Tinulot tayo ng Diyos na maging mga anak ng liwanag, upang hindi na tayo mangailangan pa upang maging Kanyang sariling bayan. Gaano tunay na kahanga-hanga ang kaligtasan ng Diyos? Anong dakilang pagpapala ito na tayo ngayon ay naging mga anak ng liwanag, na tayo ay mga ilaw? Ang ating kaligtasan sa kasalanan ay nagmula hindi sa ginto at pilak na naglalaho, bagkus sa pamamagitan ng walang hanggang Salita ng Diyos (1 Pedro 1:23).

Na ang Salita ay ginawa tayong matuwid ay nangangahulugan na tayo ay ginawang matuwid ng Diyos. Sa pamamagitan ng pananalig sa Salita ng Diyos tayo ay naging Kanyang bayan. Sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay ating nakamtan ang ganap na pagpapala. Binibigay ko lahat ng aking pasasalamat sa Diyos.

Sa oras na ito, atin muling binibigay ang ating pasasalamat sa Diyos sa paggawa sa atin bilang ilaw, dahil sa katunayan tayo ngayon ay ilaw, na tayo ngayon ay naging ilaw ng Diyos. Hindi basta na lamang inutos ng Diyos na magkaroon ng liwanag dito lamang sa pisikal na kalawakan. Sa halip, upang paalisin ang kadiliman sa ating mga puso, ang Diyos mismo ay pumasok sa ating mga puso bilang ilaw ng Katotohanan at ginawa tayong matuwid. Sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, lahat tayo ay muling magpasalamat sa Diyos.

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

Ang Tubig na nasa Itaas ng Kalawakan at ang Tubig sa

Ilalim ng Kalawakan

< Genesis 1:6-8 > “At sinabi ng Dios, ‘Magkaroon ng isang kalawakan sa

gitna ng tubig, at mahiwalay ang tubig sa kapuwa tubig. At ginawa ng Dios ang kalawakan, at inihiwalay ang tubig na nasa ilalim ng kalawakan, sa tubig na nasa itaas ng kalawakan, at nagkagayon. At tinawag ng Dios ang kalawakan na Langit. At nagkahapon at nagkaumaga ang ilawang araw.”

Sa unang araw ng Kanyang paglikha, ginawa ng Diyos

ang gawaing pagliligtas sa mga kaluluwa. Sa ibang salita, sa unang araw ang Diyos ay ginawang matuwid ang mga makasalanan, at malinaw din Niyang hiniwalay ang matuwid sa mga makasalanan. At sa pangalawang araw ng paglikha sa langit at sa lupa, hinati ng Diyos ang tubig sa ibabaw ng kalawakan sa tubig sa ilalim. Sa ibang pananalita, nangangahulugan na ang Diyos ay hinati ang Kanyang Salita sa mga salita ni satanas.

Ang Tubig sa itaas ng Kalawakan at ang Tubig sa ilalim ng Kalawakan

Sa Biblia, ang espiritwal na kahulugan ng “tubig” ay

174 Ang Tubig na nasa Itaas ng Kalawakan at ang Tubig sa Ilalim ng Kalawakan

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

tumutukoy sa “Salita ng Diyos,” at ito’y tumutukoy din sa “bautismo” na tinanggap ni Jesu-Cristo kay Juan Bautista, kung saan tinanggap Niya ang mga kasalanan ng sangkatauhan. Dito sa lupa, may mga nagpapalawig ng Salita ng Diyos, at mayroon ding nagpapalawig ng mga salita ni satanas. Iyan kung bakit hinati ng Diyos lahat ng tubig dito sa lupa sa tubig sa itaas ng kalawakan at sa tubig sa ilalim nito. Sa pamamagitan ng mga bagay na ito na ginawa ng Diyos sa pangalawang araw ng paglikha, sinasabi Niya, “Sa sanlibutang ito naroon yaong nabubuhay sa pamamagitan ng pagkain ng Aking Salita sa pananampalataya, at ang iba ay nabubuhay sa pamamagitan ng pagkain sa mga salita ni satanas at pinalalawig ito.” Tulad niyaon, kailangan para sa atin na malaman kung paano makikilala kung ang mga taong umaangkin na pinangangaral ang Salita ng Diyos ay tunay na mga lingkod ng Diyos o mga lingkod ni satanas.

Bawa’t mabuting kaloob at bawa’t ganap na kaloob ay mula sa itaas, na bumababa mula sa Ama ng mga ilaw (Santiago 1:17). Salungat nito, ang bawa’t uri ng kasamaan ay nagmumula sa puso ng tao. Samakatuwid, kapag ang ilaw ng Salita ng Diyos ay nagliwanag, ang tunay na mga kulay ng kasamaan ay malalantad. Ang tubig sa itaas ng kalawakan—ito ay, ang mga salita ng lupa—tumutukoy sa mga pagtuturo na nagmula sa puso ng tao. Iyan kung bakit ang tubig sa itaas ng kalawakan ay mahihiwalay mula sa tubig sa ilalim nito.

Ang tubig dito sa lupa ay likas na kakaiba sa tubig sa itaas ng kalawakan. Sa ibang salita, sinasabi ng Diyos na ang bawa’t salitang nagmumula sa puso ng tao ay ang tubig sa ilalim ng kalawakan, habang ang Salita ng Katotohanan na Kanyang sinambit sa atin ay ang tubig sa itaas ng kalawakan.

May mga huwad na propeta dito sa lupa, nguni’t gayon din, mayroon ding mga lingkod ng Diyos, ang tunay na mga

Ang Tubig na nasa Itaas ng Kalawakan at ang Tubig sa Ilalim ng Kalawakan 175

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

propeta. Ang mga huwad na propeta ay yaong nagsasabi anuman ang magmula sa kanilang sariling mga puso, na hindi tinitignan ang Salita ng Diyos. Sa panahon din ng Lumang Tipan, ang mga huwad na propeta ay nagsihula alinsunod sa anumang magmula sa kanilang mga isipan. Kaya sa espiritwal na pananalita, ang kanilang mga katuruan ay ang mga salita ng sanlibutan, ito ay, ang mga salita ni satanas.

Gayon pa man, posible pa rin para sa mga salita ni satanas ang kumikilos sa puso ng mga tao. Kaya kung ating titignan yaong ginamit ng diablo, makikita nating sinasabi sa mga makasalanan na kamtan ang Banal na Espiritu kahit wala ang Salita ng Diyos, o pagsasalita ng ibang wika, kung saan ang mga ito ay walang kabuluhan kundi mga basura lamang na nagmumula sa kanilang sariling mga kaisipan. Kapag tayo ay nakikinig na mabuti sa kanilang sinasabi, madali nating malalaman na ito ay isang tinig lamang ng laman na lumalabas sa kanilang sariling mga kaisipan at damdamin. Kaya ito ay ganap na marumi. Labis ang karumihan kung saan hindi tayo halos patuloy na pakikinggan.

Kapag tayo’y nakikinig sa anong sinasabi sa isang revival na pagpupulong sa isang panalanginan, tayong mga isinilang na muli ay malalaman sa ilang sandali kung ang mangangaral na may Biblia ay nangungusap ng Salita ng Diyos ngayon, o nagsasabi lamang anuman ang nasa kanyang sariling isipan. Marami ang gayong mga mangangaral ang nagsasalita ng ganap na walang kaugnayan sa Biblia. Halimbawa, habang nagsasalita sa kongregasyon na tanggapin ang Banal na Espiritu, mayroon silang gagawin sa mikropono upang magkaroon ng ilang uri ng pagpapatunog, at isisigaw, “Tanggapin ang apoy!” Ginagamit ang banda ng boses, pinupukaw nila ang damdamin ng mga tao ay inilalagay sila sa hipnotismo. Ang mga tao ba ay tunay na makakamtan ang

176 Ang Tubig na nasa Itaas ng Kalawakan at ang Tubig sa Ilalim ng Kalawakan

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

Banal na Espiritu sa paraang ito? Sinasabi ng Diyos sa Biblia, “Sa ikapagpapatawad ng

inyong mga kasalanan at tatanggapin ninyo ang kaloob ng Espiritu Santo” (Mga Gawa 2:38). Gayon pa man, kapag tayo ay nakikinig sa mga salita ng mga lingkod ni satanas, inaangkin nila na ang tao ay makakamtan ang kapatawaran sa kanyang mga kasalanan na hiwalay sa pagtanggap sa Banal na Espiritu. Sinasabi nila, “Lahat kayong nananalig kay Jesu-Cristo ay mga hinirang. Nguni’t, mula ngayon, kailangan ninyong kamtan ang Banal na Espiritu ng hiwalay upang maging ganap.”

Nguni’t ang isang tao ba ay dapat kamtan muli ang Banal na Espiritu matapos isilang na muli? Walang iba kundi mga salita ng mga sinungaling ang pagsabi nito. Ang kanilang mga katuruan ay hindi ang Salita na nasa itaas ng kalawakan, nguni’t ang mga ito ay mga salita na nasa ilalim ng kalawakan—ito ay, ang mga salita na sumibol mula sa lupa. Sa ibang pananalita, sinasabi nila ang hindi sinabi ng Diyos, lahat ng ng ito ay gawa-gawa lamang nila.

Ang mga salita ni satanas ay palaging tulad niyaon. Kapag sinasabi ng mga tao ang anumang bagay na naiiba sa Biblia, lahat ng ito ay mga salita ni satanas. Ito ang likas na mga salita ni satanas: Malinaw na ang sinasabi ni satanas hindi ang Salita ng Diyos. Walang iba kundi ito ang tunay na likas ng mga salita ni satanas. Ito ay ukol sa pagkukunwari sa pangangaral ng Salita ng Diyos, upang linlangin lamang ang tao sa huli.

Yaong nangangaral ng Salita ng Diyos ay dapat mangaral nito batay sa nasusulat na Salita ng mga Kasulatan. Ang mga lingkod ng Diyos ay yaong nangangaral kung ano ang sinasabi ng Biblia. Salungat nito, ang mga lingkod ni satanas ay sinasabi na anumang nagmumula sa kanilang sariling mga puso na hindi kinikilala ang Biblia, sa gayon inaakay ang

Ang Tubig na nasa Itaas ng Kalawakan at ang Tubig sa Ilalim ng Kalawakan 177

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

di-mabilang na mga tao sa kapahamakan. Ang mga salita ni satanas ay kumikilos sa pamamagitan ng mga hindi isinilang na muli. At ang mga salita ni satanas ay maaaring kumilos sa pamamagitan ng mga taong ang pananampalataya ay bubot pa rin, bagaman sila’y naniniwala sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.

Paano, kung gayon, ang mga salita ni satanas bababa sa mga tao? Una, aking nabanggit na ang mga salita ni satanas ay kumikilos sa mga hindi isinilang na muli. Yaong hindi isinilang na muli ang higit na nararapat na gamitin ni satanas. Kaya si satanas ay pinupukaw ang debosyon sa kanila, binabago ang kanilang mga puso, at pinagagawan sila ng mabuti, animo sila’y tunay na nagpapagal para sa Katotohanan, gayon sa katunayan sila’y nagpapalawig lamang ng kasinungalingan. Pinapaniwalaan ni satanas ang mga tao sa mga kasinungalingan ng mga huwad na guro bilang ang katotohanan. Sa pamamagitan ng mga taong ito na hindi isinilang na muli si satanas ay kumikilos. Siya’y kumikilos sa pamamagitan nila upang sa halip na sundin ang Katotohanan, kanilang susundin ang hindi katotohanan.

Iyan kung bakit ang taong nabubuhay sa buhay pananampalataya sa ilalim ng isang pastor na hindi isinilang na muli, siya’y magwawakas na isang lingkod ni satanas. Kung ang pastor na ito ay hindi naniniwala sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, at samakatuwid ay hindi pa isinilang na muli, kung gayon gaano man ang kanyang pananalig na maigi ang kanyang ginagawa sa kanyang sariling paraan, sa huli lahat ng kanyang ministeryo ay walang iba kundi gawain ni satanas. Tulad niyaon, ang pastor muna ay dapat isilang na muli sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.

178 Ang Tubig na nasa Itaas ng Kalawakan at ang Tubig sa Ilalim ng Kalawakan

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

Ang Gawain ni Satanas Ay Inihayag Hindi bilang Pananampalataya sa Katotohanan, Bagkus bilang ang Debosyon ng Tao

Sa katunayan, maraming mga pastor dito sa lupa ang

nagsisigawa ng gawain ni satanas na hindi man lamang nalalaman. Sila’y nagsisigawa ng labis na maraming mga maling gawain bilang mga lingkod ni satanas. Bagaman ang kanilang gawain kay satanas ay maaaring magpagaling ng mga karamdaman at magpalayas ng mga demonyo, sila’y namumunga ng mga makasalanan, dahil ang kanilang mga tagasunod ay taglay pa rin ang kasalanan sa kanilang mga puso. Ang kanilang susunod na gawa kay satanas ay ang pagbabago sa kanilang mga kongregasyon na maging legalismong mga mananampalataya, binabago sila na magsikap na mabuti sa pagsunod sa Kautusan.

Bago nakilala ni Apostol Pablo ang Panginoon sa daan ng Damascus, siya’y sukdulang may debosyon sa Kautusan. Bilang Fariseo sa mga Pariseo, siya’y sukdulang banal. Ang Kanyang debosyon ay umabot hanggang sa pag-uusig at pagpatay sa mga Kristiyanong hinirang. Bago isilang na muli si Apostol Pablo, nang siya’y bata pa, kanya pang binantayan ang mga dami ng mga taong bumabato sa lingkod ng Diyos na si Esteban sa kamatayan. Siya yaong nagsabi, “Babantayan ko ang inyong mga damit; sige at batuhin siya hanggang ibig ninyo!” Sa panahon ding ito, ang gayong debosyon ay masusumpungan sa mga iglesia at sa mga tahanan kung saan kumikilos si satanas. Ang Diyos ay pinagagawa sa Kanyang mga lingkod na tahimik na isagawa ang Kanyang gawain. Salungat nito, ang diablo ay isinasagawa ang kanyang gawain sa lahat ng uri ng pag-iingay sa pamamagitan ng kanyang mga lingkod, sa pamamagitan ng paghikayat sa kanilang pita para sa

Ang Tubig na nasa Itaas ng Kalawakan at ang Tubig sa Ilalim ng Kalawakan 179

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

kaluwalhatian. Pinasisigasin ang mga tao ay katangian ng gawain ni

satanas. Kung ating titignan ang mga taong ginagamit ni satanas, makikita natin kung paano sila nagpapagal sa pamamagitan ng kanilang sariling pagkasigasig. Mula sa pagdalo sa umagang panalanging pagpupulong ng 40 araw hanggang sa pangangampanya na basahin ang buong Biblia sa isang linggo, labis na maraming natatanging mga kailangan sa kanilang gawain na ito ay patuloy na kahirapan sa kanila na sundin ang mga ito. Ang kanilang mga buhay pananampalataya ay isang pagpapatuloy ng isang paalalang parirala matapos ang isa, sa pagsisikap na gumawa ng bagay ng kanilang sarili. Nguni’t ang atin lamang gagawin ay manalangin sa Diyos sa paglalagay ng ating pananampalataya sa Kanyang katuwiran, ang ating mga puso ay ganap na umaasa sa Kanya at nagtitiwala sa Kanya. Dapat ba tayong mag-ayuno ng 40 araw upang malugod ang Diyos? Hindi!

Gayon pa man, dahil sila yaong mga tao na nananalig sa Katotohanan at sinusunod ito, at dahil sila sa gayon ay hindi nagtitiwala sa Salita ng Diyos, kadalasan ang hanap nila ay ang bagay na espesyal. Inaakala nila na kung sila ay tunay na karnal na masigasig, ang Diyos magkagayon man ay pagpapalain sila. Sinisikap nilang maging labis na masigasig na tayong mga mananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay hindi makasusunod sa sigasig ng gayong mga tao na hindi isinilang na muli.

Bago ko makilala ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, at bago ako manalig rito, ako, rin, ay naging masigasig na hindi mailarawan. Dati ay tinitipon ko ang mga kabataan upang linisin ang iglesia sa loob at sa labas, inaakay sila sa mga lansangan upang magpatotoo, at pagkatapos ay titipunin silang muli sa gabi para sa ensayo sa choir. Ganito ang aking sigasig

180 Ang Tubig na nasa Itaas ng Kalawakan at ang Tubig sa Ilalim ng Kalawakan

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

bago ako isilang na muli. Yaong hindi pa isinilang na muli sa harap ng Diyos ay labis na masigasig na kailangan sa kanila na kilalanin ang kanilang maling debosyon dito.

Dahil lamang ang isang Kristiyano ay may matibay na paniniwala, hindi nangangahulugan na siya ay sumusunod sa kalooban ng Diyos. Sa madaling salita, kapag tayo ay nabubuhay sa pananampalataya, dapat muna nating kamtan ang wastong kaalaman kung ano ang ebanghelyo ng Katotohanan ng tubig at ng Espiritu, at ano ang buhay na nakalulugod sa Diyos. Upang tayo’y magtiwala sa Salita ng Diyos, hanapin ang kanyang payo, at ang paglapit sa Diyos ay ang pagtupad sa kalooban ng Diyos. Ang pagsunod sa Katotohanan ay ang pagtiwala sa katuwiran ng Diyos; hindi bagay na makakamit sa pamamagitan ng debosyon ng sangkatauhan.

Sinasabi ng Genesis 1:2, “Ang Espiritu ng Dios ay sumasa ibabaw ng tubig.” Ibig sabihin na ang Espiritu ng Diyos ay kumikilos sa pamamagitan ng Salita ng Diyos. Ang lahat ng gagawin natin ay unawain kung ano ang sinasabi ng Salita ng Diyos at sundin ito. Ang Diyos ay kumikilos sa ating mga buhay kapag ating hanap ang Kanyang payo, nagtitiwala sa Kanya, at sinusunod Siya, nguni’t sa kabila nito, ang debosyon sa sangkatauhan ay tulad ng pagtakbo sa takbuhin na wala ang linya ng hangganan. Walang katapusan dito, gaano man ang haba ng isang tao sa pagpapatuloy sa kanyang debosyon. Ito ay nagbubunga ng isang patuloy na paghihikayat na pilitin pa ng kaunti at kaunting hirap pa, nguni’t lahat ng bunga nito ay isang walang katapusang pagdurusa upang maging taimtim na mananampalataya.

Ang layon ng debosyon ng sangkatauhan ay upang bigyang kasiyahan lamang ang sariling pita ng laman. Ang isang tao ay mahuhulog sa isang bisikleta malibang padyakin niya ang pedal na tuloy-tuloy; tulad lamang nito, gayon din ang

Ang Tubig na nasa Itaas ng Kalawakan at ang Tubig sa Ilalim ng Kalawakan 181

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

kabanalan ng sangkatauhan ay nangangailangan ng walang humpay na pagtakbo. Itong pagkasigasig ay nakapapagod at nakapapagal na pinahihirapan ang mga tao. Nguni’t si satanas ay hinihikayat pa rin sila na maging masigasig, at sa huli ay hahatakin sila sa impiyerno. Iyan ay dahil labis na maraming tao ang sumusunod sa mga salita ni satanas ng higit na pagkasigasig kaysa sa Salita ng Diyos.

Ang sigasig ng isang tao ay hindi magpapalaya sa kanya, nguni’t ito ay upang mapagod ang isang tao. Sinabi ng Diyos sa atin, “Inyong makikilala ang katotohanan at ang katotohana’y magpapalaya sa inyo.” Salungat nito, sinasabi ni satanas sa mga tao, “Kailangan ninyo lamang ang ilang kaunting kaunawaan sa Salita ng Diyos; ang inyong tunay na kailangan ay ang kabanalan.” Ang lohika ni satanas na kung tayo ay ganap na banal sa Diyos, ang Diyos din ay maaantig, tulad ng pagiging “taimtim ay napapakilos ang Langit.” Sanhi nito, inaakala ng tao, “Bagaman ako ay makasalanan, kung ako’y taimtim na mananalangin sa Diyos, hindi ako papansinin ng Diyos.” Itong kaisipan ay buong kamalian.

Ano ang tunay na makakamit dahil lamang tayo ay masigasig na nanalangin sa Diyos? Hindi natin dapat lamang na igiit ang ating sariling debosyon. Ito ay gawain ni satanas. Sa halip na mamuhay sa ating sariling pagkasigasig, dapat nating mabatid ang kalooban ng Diyos at mamuhay ayon sa kaloobang ito ng Diyos.

Subali’t, ang mga lingkod ni satanas ay sinisikap na hikayatin tayo na maging masigasig para sa gawain ng sanlibutan. Kasunod sa kapakinabangan sa atin sa debosyon, susubukan nila tayong gawing ganap na mangmang, aakayin tayo sa impiyerno bilang mga walang nalalaman. Iyan kung bakit sinabi ng Diyos sa 2 Timoteo 3:6-7, “Sapagka’t sa mga ito ang nanganggagapang sa mga bahay, at binibihag ang

182 Ang Tubig na nasa Itaas ng Kalawakan at ang Tubig sa Ilalim ng Kalawakan

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

babaing haling na lipos ng mga kasalanan, hinihila ng mga ibat-ibang pita, Na laging nagsisipagaral, at kailan pa man ay hindi nakararating sa pagkaalam ng katotohanan.”

Sa ibang salita, sinisikap ni satanas na patirin ang mga tao sa kamangmangan. Sinisikap niyang lituhin sila. Sinabi ng Diyos na si satanas ay naghahatid ng kamangmangan sa mga tao upang sila’y manatiling ganap na nalinlang, patuloy na pinaaaral sa kanila nguni’t hindi nila mauunawaan ang Katotohanan. Ginagawa ni satanas na sila’y mahulog sa kamangmangan at katigasan ng ulo, at itong kamangmangan at katigasan ng ulo ang pipigil sa kanila na marating ang kaalaman ng Katotohanan. Paraan ni satanas na gawing mangmang ang mga tao.

Maraming mga Kristiyano ay labis na masigasig din pagdating sa pagpapatotoo, nangangaral sa iba na manalig kay Jesu-Cristo. Ang mga lingkod ni satanas ay halos masipag sa kanilang pagsisikap na magpilit, dahil ang kanilang kasipagan ay malaki, dapat nilang akitin yaong tila mahihina. Sa ibang salita, inaangkin ni satanas na ang tao ay kailangang maging masagana kung sila’y nananalig kay Jesu-Cristo, mapagaling sa kanilang mga karamdaman, o magtagumpay sa kanilang mga kalakalan, at sa pamamagitan ng gayong mga pag-angkin, pinupukaw ni satanas ang kanilang mga hangarin at hinikayat sila ayon sa kanyang paraan. Ito ay walang iba kundi bunga ng kamangmangan. Iyan kung bakit sinasabi ng Salita ng Diyos na ang masigasig na mangmang ay hindi maabot ang Katotohanan. Sinasabi na bagaman yaong kaaway ng katuwiran ng Diyos ay palaging nag-aaral, hindi nila mararating ang kaalaman ng Katotohanan. Sa ibang pananalita, ang mangmang na hindi isinilang na muli ay hindi mararating ang Katotohanan, gaano man ang kanilang natutunan sa mga lingkod ni satanas. Maari silang araw-araw na magturo, nguni’t ang kanilang mga

Ang Tubig na nasa Itaas ng Kalawakan at ang Tubig sa Ilalim ng Kalawakan 183

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

tagasunod ay nananatili pa ring mga makasalanan kahit matapos ang kanilang pagtuturo, tulad ng kanilang pagiging mga makasalanan nang sila’y unang simulang turuan.

Sinabi ng Panginoon sa Juan 8:32, “Inyong makikilala ang katotohanan at ang katotohana’y magpapalaya sa inyo.” Kaya sinasabi ng Diyos sa tin na alamin ang Katotohanan. Tulad nito, habang sinasabi ng Panginoon sa atin na alamin ang Katotohanan, salungat nito, sinasabi ni satanas sa atin na maging masigasig.

Ano ang katuwiran ng Diyos? Ito ang Katotohanan. Ano ang tunay na Katotohanan? Ang tunay na Katotohanan ay ang ebanghelyo ng Katotohanan ng tubig at ng Espiritu na magliligtas sa buhay ng mga tao. Tulad niyaon, ang taong nalalaman ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, makakamit niya ang walang hanggang buhay. Si satanas, salungat nito, ay pinipigilan ang mga tao na marating ang buhay na walang hanggan sa paggawa sa kanila na mahulog sa kamangmangan. Sinisikap niyang ikulong sila bilang mga makasalanan hanggang sa pinakahuli, upang sila’y maparusahan magpakailanman. Iyan kung bakit ang mga lingkod ni satanas ay patuloy sa pagpapalaganap ng mga salita ng mangmang, upang pigilin ang mga tao na maabot ang kaalaman sa katuwiran ng Diyos.

Ang pananampalataya ni satanas ay ito: “Na may anyo ng kabanalan, datapuwa’t tinanggihan ang kapangyarihan nito” (2 Timoteo 3:5). Ang kapangyarihan ng kabanalan ay tumutukoy sa ebanghelyo ng kapangyarihan kung saan ang tao ay naging matuwid sa pamamagitan ng pananalig sa katuwiran ng Diyos. Kaya, si satanas ay pinipigilan ang mga tao na huwag manalig sa katuwiran ng Diyos bagkus ay sa kanilang sariling katuwiran, buong pagpapanggap na nananalig sa katuwiran ng Diyos. Yamang ang mga tao ni satanas marahil

184 Ang Tubig na nasa Itaas ng Kalawakan at ang Tubig sa Ilalim ng Kalawakan

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

ay gumagaya animo sila’y nananalig sa katuwiran ng Diyos, hindi nila makakamit ang tunay na kapangyarihan ng kabanalan sa pananampalataya. Sinisikap ng diablo na pigilan tayong malaman ang Katotohanang inalis ng Diyos lahat ng ating kasalanan. Sinisikap niyang pigilan tayo na malaman na tayo ngayon ay naging ganap na walang kasalanan. Ang buong ginagawa ni satanas ay ipasuot lamang sa mga tao ang panlabas na anyo ng kabanalan, na parang sila’y nananalig kay Jesu-Cristo. Iyan ang ginagawa ni satanas, pinaniniwala sa mga tao na parang kay Jesu-Cristo ay walang malinaw na layunin at pinipigilan sila na makamtan ang kapatawaran sa kanilang mga kasalanan.

Sa madaling salita, hinihikayat ni satanas ang mga tao na maging masigasig, ginagawang imposible sa kanila na maabot ang Katotohanan, at sa pamamagitan nito, inaakay niya ang di-mabilang na mga Kristiyano sa kamangmangan upang mamatay sa kanilang sariling mga kahinaan sa huli. Ito ang gawain ni satanas, tinitiyak na ang tao ay mananatili pa rin ang kanilang mga kasalanan sa kanilang mga puso bagaman sila’y nananalig kay Jesu-Cristo. Ang lubos na nakalulungkot sa gayong mga katuruan ni satanas ay labis na namamayani sa Kristiyanismo ngayon.

Dapat Nating Ihiwalay ang Katotohanan sa Kamalian alinsunod sa Salita ng Diyos

Ang ginawa ng Diyos sa pangalawanag araw ng paglikha

ay ang paghati sa kalawakan ayon sa Kanyang Salita. Inutos ng Diyos ang tubig sa itaas ng kalawakan na mahati mula sa tubig sa ilalim ng kalawakan; anuman ang sabihin ng Diyos ay natutupad alinsunod nito. Dito sa gayon, ating isipin kung ano

Ang Tubig na nasa Itaas ng Kalawakan at ang Tubig sa Ilalim ng Kalawakan 185

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

“paghihiwalayin” ayon sa Salita ng Diyos. Hiniwalay ng Diyos ang Kanyang Salita sa mga salita ni

satanas. Sa anong katangian ang paghiwalay ng Diyos ng Katotohanan sa kamalian? Tulad ng sinabi ng Diyos sa Genesis 1:2, “Ang Espiritu ng Dios ay sumasa ibabaw ng tubig,” Siya ay palaging kumikilos sa pamamagitan ng Kanyang Salita. Samakatuwid, maaari Niyang ihiwalay ang mga isinilang na muli sa mga hindi isinilang na muli sa pamamagitan ng Kanyang Salita.

Kapag tayo’y nagninilay ng ilang katuruan sa Salita ng Diyos, at nakita nating ito ay hindi wasto ayon sa Salita, sa gayon ating masasabi na ito ay mga salita ni satanas. Sa ibang salita, dahil ang Salita ng katuwiran ng Diyos ang ating naririnig, pinapanaligan, at iniingatan sa ating mga puso, kapag tayo’y nagninilay sa sinasabi ng tao sa atin sa ibabaw ng Salitang bigay ng Diyos, kung hindi wasto, kung gayon mahahatulan natin na ito ay mga salita ni satanas. Sa kabilang dako, kung ito ay wasto tulad ng sinasabi sa Salita ng Diyos, kung gayon ang Salita ng Katotohanan ang hinahayag ng katuwiran ng Diyos.

Sa ibang pananalita, anumang katuruan ang marinig ng matuwid, maaari nilang ihiwalay ang Salita sa itaas ng kalawakan at ang salita sa ilalim nito. Ang mga katuruan na nagmumula sa mga labi ng mga mangangaral ay sa Salita ng Diyos o mga salita ni satanas. Kung itong mga katuruan ay hindi umaayon sa Salita ng katuwiran ng Diyos, kung gayon huwag nating pansinin ang gayong mga katuruan, gaano man ang kaayusan at kahusayan ng mga ito, at gaano man tanyag at makapangyarihan ang nagtuturo ng mga ito. Ang mga salitang hindi naglalaman ng katuwiran ng Diyos ay dapat kilalanin bilang mga salita ni satanas, hindi Salita ng Diyos, at dapat tayong lumayo sa mga ito, kahit pa ang mga ito ay

186 Ang Tubig na nasa Itaas ng Kalawakan at ang Tubig sa Ilalim ng Kalawakan

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

pinangangaral bilang Salita ng Diyos ng isang ginagalang na denominasyon.

Kapag ating hiniwalay ang tiyak na katuruan sa Salita mula sa itaas ng kalawakan at ang salita sa ilalim nito, ang pamantayan nito ay ang Salita ng katuwiran ng Diyos. Kapag ang mga tao dito sa lupa ay naririnig ang isang taong nagsasalita, hindi sila nakikinig batay sa panukat ng Salita ng Diyos, bagkus hinahatulan siya batay sa kanyang katauhan, tulad ng kanyang kapangyarihan, kayamanan, katanyagan, o edukasyon. Subali’t, batay sa pamantayang ito, hindi posibleng ihiwalay ang Salita sa itaas ng kalawakan mula sa salita sa ilalim nito—ito ay, ang Salita ng Diyos at ang mga salita ni satanas. Kapag narinig natin ang mga salita ng isang tao, kung ating bubuksan ang Biblia, na siyang Salita ng Diyos, at makinig batay sa Salitang ito, tiyak na malalaman natin kung alin ang mga salita ni satanas at ang Salita ng Diyos.

Tulad niyaon, dapat nating iwaksi ang pamantayan ng sanlibutan, at gawing batayan ang Salita ng Diyos—ito ay, ang Biblia—ating maihihiwalay ang Salita sa itaas ng kalawakan at ang salita sa ilalim nito. Kayo, rin, ay kailangang palayin ang inyong mga sarili sa kalituhan sa pamamagitan ng Salita ng katotohanan.

Ang Mga Maling Doktrina na Ginawa ni Satanas Inaangkin ng ibang tao na ang tao ay ganap na naligtas

lamang kung maaabot niya ang kabanalan matapos manalig kay Jesu-Cristo. Sa Kristiyanismo, ang gayong pag-angkin ay kilala bilang Doktrina ng Unti-unting Pagbabanal. Sa katunayan, kasama ang Doktrina ng Pagwawalang-sala, ang katuruang ito ay ang nakagisnang mga katuruan na tinaguyod

Ang Tubig na nasa Itaas ng Kalawakan at ang Tubig sa Ilalim ng Kalawakan 187

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

ng tinatawag na pangunahing Kristiyanismo. Subali’t, ang katuruang ito ay hindi nagmula sa biblikal na Salita ng Katotohanan.

Ang mga pinipilit ng gayong doktrina na walang batayan ay ang sumusunod. Una sa lahat, sila, rin, ay ginagamit ang Salita: “At nalalaman natin na ang lahat ng mga bagay ay nagkakalakip na gumagawa sa ikabubuti ng mga nagsisiibig sa Dios, sa makatuwid baga’y niyaong mga tinawag alinsunod sa Kaniyang nasa. Sapagka’t yaong mga nang una pa’y Kaniyang nakilala, ay itinalaga naman Niya na maging katulad ng larawan ng Kaniyang Anak, upang Siya ang maging panganay sa maraming magkakapatid. At yaong mga itinalaga Niya, ay Kaniyang tinawag naman; at ang mga tinawag ay inaring-ganap naman Niya; at ang mga inaring-ganap ay niluwalhati din naman Niya” (Roma 8:28-30). Batay sa salaysay na ito, binuo ng mga tao at sinasambit ang Doktrina ng Pagbabanal bilang ang “pitong hakbang sa hustong espiritwal na buhay.” Tinutukoy ang talatang 29 sa nabasang talata—“Sapagka’t yaong mga nang una pa’y Kaniyang nakilala, ay itinalaga naman Niya na maging katulad ng larawan ng Kaniyang Anak, upang Siya ang maging panganay sa maraming magkakapatid”—iginigiit nila na sa pagtanda ng mga Kristiyano, sila’y nagiging banal sa laman habang sila’y unti-unting nagiging tulad ni Jesu-Cristo.

Subali’t, hindi ito ang kahulugan ng talata. Kapag sinasabi ng Biblia na ginawa tayo ng Diyos na kawangis ng anyo ng Kanyang Anak, hindi nangangahulugan na tayo’y dapat maging kawangis ng panlabas na anyo ng Panginoon. Itinalaga tayo ng Diyos noon pa at tinawag tayo upang ibigay ang ebanghelyo ng Salita ng tubig at ng Espiritu sa ating mga puso at upang tayo ay manalig nito, upang tayo ay maging kawangis ng anyo ng Anak ng Diyos sa pananampalataya.

188 Ang Tubig na nasa Itaas ng Kalawakan at ang Tubig sa Ilalim ng Kalawakan

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

Sa oras na ito, ang Banal na Espiritu ay nananahan sa puso ng lahat na tumanggap ng kapatawaran sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Sa puso ng mga matuwid nananahan ang Banal na Espiritu. Samakatuwid, ang mga puso na tinatahanan ng Banal na Espiritu ang nagiging kawangis ng anyo ng Anak ng Diyos. Itinalaga tayo ng Diyos tulad nito at tinawag tayo kay Jesu-Cristo, upang ating makamtan ang kapatawaran sa ating mga kasalanan na minsanan.

Tulad niyaon, yaong napatawad sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, at yaong nananahan ang Banal na Espiritu, ay mga anak ng Diyos, at yaong hindi nananahan ang Banal na Espiritu ay hindi mga anak ng Diyos. Nguni’t sa kabila nito, maraming tao ang nagkaroon ng maling pakahulugan sa talatang Roma 9:28-30, at bunga nito, sila’y naniwala at nagtatalu-talo na ang isang tao ay dapat maging banal matapos manalig kay Jesu-Cristo upang maging ganap ang kaligtasan. Ang doktrina ng pagbabanal ay umaakay sa mga tao sa pamamagitan ng pagtuon sa kanilang karnal na mga katangian, inaangkin na tayo ay dapat maging kasing-baba at maamo tulad ni Jesu-Cristo. Sa paggamit sa talata mula sa Roma, yaong hindi isinilang na muli ay pinalalawak ang pitong mga hakbang ng pagiging banal.

Sinabi ng Roma 8:30, “At yaong mga itinalaga Niya, ay Kaniyang tinawag naman; at ang mga tinawag ay inaring-ganap naman Niya; at ang mga inaring-ganap ay niluwalhati din naman Niya.” Batay sa talatang ito, ang ibang tao ay pinipilit din ang doktrina ng pagtatalaga. Gayon pa man, ang tunay na kahulugan ng talatang ito ay ganap na naiiba sa doktrina ng pagtatalaga, kundi isang pag-angking likha ng tao. Na ang Diyos ay tinatawag yaong Kanyang itinalaga ay

Ang Tubig na nasa Itaas ng Kalawakan at ang Tubig sa Ilalim ng Kalawakan 189

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

nangangahulugan na ang Diyos ay pinili ang buong populasyon ng sangkatauhan kay Jesu-Cristo. Nang si Adan ay nagkasala, dinamtan siya ng Diyos sa pamamagitan ng balat ng handog na hayop; gayon din, pinasiya ng Diyos na itulot tayo na buong mapatawad sa lahat ng ating kasalanan sa pamamagitan ni Jesu-Cristo, ang inapo ng babae at ating handog na hain. Samakatuwid, ang pariralang, “yaong mga itinalaga Niya” ay tumutukoy kay Jesu-Cristo at sa mga makasalanan, ang mga inapo ni Adan—ito ay, lahat ng lalapit upang kamtan ang kapatawaran sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng pananalig kay Jesu-Cristo.

Tulad niyaon, nang sabihin ng Biblia rito, “At yaong mga itinalaga Niya, ay Kaniyang tinawag naman; at ang mga tinawag ay inaring-ganap naman Niya; at ang mga inaring-ganap ay niluwalhati din naman Niya,” ibig sabihin ang ating Diyos ay itinalaga lahat ng makasalanan nitong sanlibutan upang tawagin kay Jesu-Cristo at kamtan ang kapatawaran sa kanilang mga kasalanan kay Jesu-Cristo. At tinatawag ng Diyos yaong nagkamit ng kapatawaran sa kanilang mga kasalanan bilang mga matuwid, at ginawa Niya silang Kanyang sariling mga anak na dinamtan ng lahat ng luwalhati ni Jesu-Cristo. Lahat ng ito ay nakapaloob sa layon ng Diyos upang ang mga makasalanan ay gawing Kanyang mga anak. Ito ang kautusan ng Diyos.

Kapag sinabi ng Biblia, “At yaong mga itinalaga Niya, ay Kaniyang tinawag naman; at ang mga tinawag ay inaring-ganap naman Niya,” ibig sabihin tayo ay tinawag ng Diyos at ganap na inalis ang ating mga kasalanan sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Ginawa Niya tayong ganap na matuwid. At kung sino ang Kanyang tinawag, Siya rin ang nagpabanal. Nauunawaan ba ninyo ito? Lahat ng ito ay naganap nang sabay-sabay at minsanan.

190 Ang Tubig na nasa Itaas ng Kalawakan at ang Tubig sa Ilalim ng Kalawakan

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

Mula sa pananaw ng Diyos, ito ay nangangailangan ng masusing layon at mahabang pagpapatupad, nguni’t kung gagamitin sa ating mga sarili ang ginawa ni Jesu-Cristo para sa atin, ating agad na nakamtan lahat ng pagpapala: Tinawag tayo ng Diyos na mga makasalanan. At sa pagtawag ng Diyos sa atin, inalis ni Jesu-Cristo lahat ng ating kasalanan. Nang ating makamtan ang kapatawaran sa ating mga kasalanan, tayo ay naging matuwid, at nang tayo ay maging matuwid, tayo’y naging mga anak ng Diyos. Ganito kung paano tayo naging maluwalhati. Tayo ay naging maluwalhati ay nangangahulugan na sa pagbibigay ng Diyos sa Banal na Espiritu, ang Kanyang anyo, sa ating mga puso, ang mga makasalanan ngayon ay naging mga anak ng Diyos. Ang maging mga anak ng Diyos ay ang tunay na luwalhati ng pagiging sa Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Cristo.

Lahat ng ito ay isang iglap na naganap. Yamang ito ay nangyari ng minsanan, ang pag-angkin na ang kaligtasan ay narating sa pamamagitan ng pitong hakbang ng pagbabanal ay pagsambit ng mga salita ni satanas. Ang mga nagtataguyod ng doktrinang ito ay pinipilit na ang taong nananalig kay Jesu-Cristo at masipag na lumalakad sa daan patungo sa kabanalan habang narito sa lupa, siya ay biglaang magbabago at magiging banal tulad ng Diyos sa kanyang pagpanaw. Ang haka-hakang ito ay walang iba kundi sariling mga isipan at mga salita ni satanas. Ang mga salita ni satanas ay naghahatid walang iba kundi ng kalituhan at ginagawang mangmang ang mga tao.

Tinawag tayo ng Diyos na may iisang layunin kay Jesu-Cristo, at yaong tumugon sa pagtawag ng Diyos, ginawa Niya silang matuwid na minsanan at agad silang ginawang banal sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Niluwalhati tayo ng Diyos, upang tayo ay maaaring maging

Ang Tubig na nasa Itaas ng Kalawakan at ang Tubig sa Ilalim ng Kalawakan 191

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

Kanyang mga anak dahil sa pananalig sa Kanyang katuwiran. Walang iba kundi ito ang gawaing pagliligtas at pagpapabanal na tinupad ng Diyos na minsanan. Samakatuwid, hindi sa pamamagitan ng kanilang sariling mga pagsisikap ang tao ay naging banal.

Aking kapwa mga mananampalataya, matapos kamtan ang kapatawaran sa kasalanan, ang tao ba’y tunay na nagiging higit na banal kung kanilang sisikapin? Hindi, hindi sila nagiging higit na banal. Yamang ang ating mga puso ay ginawang banal na dahil sa katuwiran ng Diyos, ang ating laman ay mananatiling walang kakayahan hanggang tayo’y pumanaw. Iyan kung bakit sinabi ni Apostol Pedro na dahil lamang ating nakamtan ang pagtitibay ng kaligtasan sa pamamagitan ng pananalig kay Jesu-Cristo, hindi nangangahulugan na ang karumihan ng ating laman ay naglaho, bagkus ay ating sinuot ang katuwiran ng Diyos sa pananampalataya at sinusunod ang Kanyang kalooban mula ngayon (1 Pedro 3:21).

Samakatuwid, sa pamamagitan lamang ng ating pananampalataya sa katuwiran ng Diyos tayo’y makapapasok sa Kaharian ng Langit. Yamang tayo ay tiwala sa Diyos at sinunod Siya, dahil taglay natin ang Banal na Espiritu sa ating mga puso kaya tayo patuloy sa ating mga buhay. Sa pamamagitan lamang ng pagsunod sa Katotohanan ng Salita ng Diyos na nananahan ang Banal na Espiritu sa ating mga puso tayo ay nagbago. At masusunod lamang natin ang Katotohanan sa pamamagitan ng pananalig sa kaligtasang tinupad ng Diyos. Hindi natin maaaring baguhin ang ating mga sarili sa pamamagitan ng ating araling mga pagsisikap.

Dahil kay Jesu-Cristo, na Siyang Diyos, ay pinabanal at niluwalhatin na tayo kaya ito ay nangyari sa atin, habang tayo ay nagtitiwala sa ating pananampalataya upang manalig sa

192 Ang Tubig na nasa Itaas ng Kalawakan at ang Tubig sa Ilalim ng Kalawakan

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

lahat ng ito. Tulad niyaon, yaong hindi mga anak ng Diyos, mga hindi isinilang na muli, ay hiniwalay sa ating mga isinilang na muli, at samakatuwid tayo ngayon ay nabubuhay na kakaiba sa kanila. Yaong hindi pa isinilang na muli ay nangungusap ng pitong hakbang sa kabanalan at sinasabi na darating ang araw sila’y magiging tulad ni Jesu-Cristo. Kaya sila ay nagsisikap na mabuti at nagtitiis. Sila’y makapagtitiis anumang ibigin nila, nguni’t sa katunayang ang tao ay hindi magiging banal sa pamamagitan ng pananalig kay Jesu-Cristo at pagkatapos ay dadalisayan ng mahabang, mahabang panahong darating. Yamang may hangganan sa pagtitiyaga ng sangkatauhan, malayo sa pagiging banal, sila di-maglaon ay mauubusan ng pagtitiis at sasabog, magiging lalong matigas ang ulo at makasarili sa huli. Ang palagay na ang isang tao ay naging banal sa laman ay walang iba kundi sariling maling kaisipan ng tao.

Samakatuwid, kapag ating pagninilayan ang doktrina ng unti-unting pagbabanal batay sa Salita ng Katotohanan, ito ay tiyak na mahahayag bilang katuruan ni satanas. Sa haba ng pananalig ng tao kay Jesu-Cristo nang hindi isinisilang na muli, higit kanyang pagiging matigas ang ulo at pagkukunwari. Ang gayong tao ay tila matuwid sa panlabas, nguni’t ang kanilang mga puso ay nagiging ganap na marumi. Bagaman ang kanilang budhi, yamang nabigong isilang na muli, ay palagiang patungo sa kasalanan, kailangan pa rin silang magkunwari. Gaano ang kahigtan ng kasamaan nito? Sila ay tulad ng isang libingan, ginawang maputi sa pamamagitan ng pagkukunwari upang maging maganda sa panlabas, nguni’t sa loob, kadiliman ang nasa ibabaw ng kalaliman, at sila’y nalulunod sa kasalanan at nangabubulok. Sa pangyayaring ito, ang kanilang mga gawa ay nakaliligaw at nanlilinlang ng maraming tao ay ang higit na marumi at higit na kasamaan. Iyan kung bakit pinagsabihan ni

Ang Tubig na nasa Itaas ng Kalawakan at ang Tubig sa Ilalim ng Kalawakan 193

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

Jesu-Cristo ang gayong mga tao tinatawag silang mga mapuputing libingan.

Lahat ng Sinasabi ni Satanas ay Kasinungalingan, at sa Higit na Ating Pagsunod sa Gayong mga Salita, higit Nating Mababatid Na Tayo’y Nalinlang

Sila na nagsasabi na naniniwala kay Jesu-Cristo bilang

kanilang Tagapagligtas na may maling pananampalataya ay taglay lamang ang anyo ng kabanalan; sila’y walang kapangyarihan ng pananampalataya, kaya pinagsabihan sila sa Biblia dahil “may anyo ng kabanalan datapuwa’t tinanggihan ang kapangyarihan nito” (2 Timoteo 3:5). Ang mga makasalanan ay walang kakayahang maging tunay na banal. Ang mayroon lamang sila ay panlabas na anyo ng buhay pananampalataya. Sila’y lumuluhod tuwing sumasamba, at pinagsasama-sama ang kanilang mga kamay tuwing sila’y mananalangin. Sila’y mabubuti sa gayong mga bagay. Sinasambit nila ang kabanalan sa pamamagitan ng kanilang mga labis bawa’t oras, nguni’t ang kanilang mga puso ay tunay na puno ng makasarili at gahaman, inaakay ng lahat ng uri ng pita ng laman. Yamang nakita ito, sinabi ng Panginoon sa kanila, “May anyo ng kabanalan datapuwa’t tinanggihan ang kapangyarihan nito.”

Sa mga hindi isinilang na muli, ang kanilang mga puso ay hindi sumusunod sa Diyos, bagkus ay sa sanlibutan. Sinisikap nilang sila’y purihin ng sanlibutan at dagdagan ang kanilang makamundong pag-aari, at sanhi nito, ang kanilang mga puso ay ganap na naging marumi. Sa madaling salita, ang kanilang huling mga araw ay higit ang karumihan kaysa nang sila’y

194 Ang Tubig na nasa Itaas ng Kalawakan at ang Tubig sa Ilalim ng Kalawakan

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

unang manalig kay Jesu-Cristo. Malinaw na pinakita ng Panginoon na lahat ng nagsasabi na naniniwala sa Diyos nguni’t hindi pa isinilang na muli, ang kanilang katapusan ay higit ang karumihan kaysa sa kanilang simula. At sinasabi ng Panginoon na ang kanilang katapusan ay lalong higit na kahabag-habag. Kaya ang mga salita ni satanas ay malinaw na malalaman kung pagninilayan sa Salita.

Yaong taglay pa rin ang kasalanan sa kanilang mga puso kahit pa sila’y naniniwala kay Jesu-Cristo sa katunayan ay nanalig sa mga salita ni satanas. Kapag ang isang Kristiyano ay hindi na taimtim na sumusunod sa Salita ng Diyos, kahit pa sinasabi niyang siya’y nananalig kay Jesu-Cristo, ito ay dahil hanggang sa oras na ito siya’y naniniwala sa mga salita ni satanas. Kung ang tao ay tunay na nananalig sa Salita ni Jesu-Cristo, sa gayon imposible para sa kanya na sundin si Jesu-Cristo. Sinusunod natin ang Panginoon, nalalaman na ang Kanyang Salita ay hindi nagbabago. Tunay nga, mahirap pa rin para sa atin, nguni’t wala tayong magagawa kundi ang sumunod, at kapag tayo nga ay sumusunod sa Salita ng Panginoon, ang ating mga puso ay napapalakas at nalulugod.

Salungat nito, ang taong sumusunod sa mga salita ni satanas, sa higit niyang pagsunod, higit siyang malilito at higit na magiging marumi ang kanyang budhi. Inaangkin ng gayong tao na sumusunod sa Panginoon sa pamamagitan ng kanilang mga salita, nguni’t nagtalaga sila ng kanilang sariling mga doktrina ng lalong higit na kasipagan, ito ay walang iba kundi mga salita ni satanas, habang tumitibay ang kanilang mga doktrina, ang puso ng kanilang mga tagasunod ay nagiging higit na marumi. Gayon pa man, sila’y nagkukunwari pa ring mabuhay sa kabaitan sa mga gawa. At nililinlang maging ang kanilang mga sarili, inaangking na hanggang ang kanilang mga gawa ay mabubuti, sila’y hindi marurumi, bagaman naroon

Ang Tubig na nasa Itaas ng Kalawakan at ang Tubig sa Ilalim ng Kalawakan 195

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

lahat ng uri ng karumihan sa kanilang mga puso.

Ang Katuwiran ng Diyos ay Nahayag sa pamamagitan ng mga Mananampalataya sa Ebanghelyo ng Tubig at ng Espiritu

Salungat nito, nang ang puso ng mga tunay na isinilang na

muling mga Kristiyano ay naligaw, ang Banal na Espiritu ay pinupukaw ang kanilang mga puso noon pa. May mga panahon nang ang ating mga puso bilang mga isinilang na muli ay naliligaw, at kung hindi nanumbalik ang ating mga puso, ang Banal na Espiritu sa atin ay hindi masisiyahan. Kaya ang ating mga puso ay balisa. Ang ating mga puso ay nagkaroon ng negatibong reaksyon. Di-maglaon, ang ating mga puso ay muling magdurusa. Dahil ang ating mga puso ay nagdurusa kaya tayo ay hindi madaling nakagagawa ng mga masasamang gawa. Kapag ang isinilang na muli ay malagay sa daan, sila’y magpapatuloy lamang sa daang ito kung ang kanilang mga puso ay payapa. Sa ibang salita, tiyak na dahil ang Banal na Espiritu sa atin ay inuudyok ang ating mga puso, hindi tayo maaaring magpatuloy sa isang maling daan, dahil ang ating mga puso ay nadarama ang di-kasiyahan at kalungkutan. Ito ang mangyayari sa mga isinilang na muli.

Salungat nito, yaong hindi nagkamit sa kapatawaran sa kanilang mga kasalanan, at yaong ang mga puso ay hindi nananahan ang Banal na Espiritu, patuloy na sinusunod ang mga salita ni satanas. Iyan ay dahil yaong buong puso na nagtitiwala sa mga salita ni satanas ay dapat kumilos ayon sa kung paano ang kanilang mga puso ay inaakay ng kasakiman, at tulad niyaon, ang Salita ng Diyos ay hindi mapipigilan sila. Yamang ang mga Kristiyanong hindi isinilang na muli ngayon

196 Ang Tubig na nasa Itaas ng Kalawakan at ang Tubig sa Ilalim ng Kalawakan

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

ay iniinom ang tubig sa ilalim ng kalawakan, na siyang mga salita ni satanas, sa katunayan, sila ay hindi naiiba sa mga tao sa sanlibutan na hindi naniniwala kay Jesu-Cristo. Iyan kung bakit ito ay imposible na malaman kung sino ang mga Kristiyano ngayon at di-Kristiyano.

Yaong mga nananalig sa mga salita ni satanas ay nabubuhay ayon sa pita ng sanlibutan. Yaong sumunod sa mga salita ni satanas ay walang pagkakaiba sa mga tao sa sanlibutan. Yamang tayong nananalig kay Jesu-Cristo na hindi isinilang na muli ay naniniwala sa mga salita ni satanas, sila’y walang espiritwal na bunga. Sila sa kanilang mga sarili ay nanatiling bilang mga makasalanan, at wala sa kanila ang nagkamit ng kapatawaran sa kasalanan sa pamamagitan nila. Ang mga tao kung saan pinangaral nila ang ebanghelyo ay nanatili pa rin bilang mga makasalanan. Iyan kung bakit yaong tunay na naniniwala sa mga salita ng sangkatauhan at sinusunod ang mga salita ni satanas, kahit pa sinasabi nilang sila’y naniniwala kay Jesu-Cristo, walang bunga ang makalulugod sa Diyos. Sa pamamagitan ng Salita, ang gayong mga tao ay walang kabiguang dapat mabatid na sila’y sumusunod sa mga salita ni satanas sa lahat ng oras.

Kung kayo ay tunay na nananalig na ang Biblia ay ang Salita ng Diyos, kung gayon kayo, rin, ay kailangang suriin ang inyong pananampalataya sa Salita ng Diyos. Kayo ba ay sumusunod sa Salita ng Diyos? Ang sinumang hindi sinusunod ang Biblia ay sinusunod ngayon si satanas. Ang kanyang guro ay nalinlang ni satanas, maging ang kanyang sarili ay nalinlang din. Sa Salita ng Diyos, hindi niya maikukubli ang katotohanang ito.

Kung ang isang tao ngayon ay nababatid na siya’y sumunod sa mga salita ni satanas, kung gayon ang taong ito ay maaari na ngayong mapalaya mula rito. Kung ang isang tao ay

Ang Tubig na nasa Itaas ng Kalawakan at ang Tubig sa Ilalim ng Kalawakan 197

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

nababatid na siya’y hindi sumusunod sa Katotohanan, kung gayon dapat niyang iwan ang huwad na pagtitipon na nagpapalawig sa mga katuruan ni satanas. Ang gayong tao, kapag sila ay hindi na dumadalo sa huwad na iglesia, ay maaaring magbalik sa katuwiran ng Diyos sa tamang panahon.

Ang isang tao ay dapat malaman ang Salita ng Diyos ng walang kabiguan at sundin ito sa pamamagitan ng malinaw na kaunawaan. Yaong nanatiling linlang sa katunayang sila’y nabubusog sa mga salita ni satanas at patuloy na dumadalo sa iglesia na hindi isinilang na muli, kapahamakan lamang ang naghihintay sa kanila. Malinaw na hinati ng Diyos ang tubig sa itaas ng kalawakan mula sa tubig sa ilalim nito. Tulad niyaon, kung ang mga taong iyon ay patuloy na sinusunod ang mga salita ni satanas at iniinom lamang ang tubig sa ilalim ng kalawakan, sila tiyak na ihihiwalay ng Diyos. Samakatuwid, kapag sila’y hindi nanumbalik sa Diyos, at sa halip ay patuloy sa pag-inom ng tubig na nasa ilalim ng kalawakan hanggang sa huli, upang sa katapusan ay mawasak, ito ay hindi kamalian ng Diyos.

Kung ipapalagay ito, kung ang isang Kristiyano ay walang bunga ng Banal na Espiritu na ipapakita sa kabila ng paniniwala sa Diyos ng mahabang panahon, kung gayon kailangan niyang mabatid na siya’y naniwala sa mga salita ni satanas, at hinahangad at hanap ang Salita ng Diyos. Katatagpuin siya ng Diyos kung kanyang hinahanap Siya. Subali’t, ang iglesia ni satanas na hindi isinilang na muli ay patuloy na pinagkakaloob sa kanya ang mataas na tungkulin sa iglesia, ginagapos na mabuti upang siya’y hindi na mapunta kung saan. Sa ibang mga iglesia, ang mga pastor ay ginagawad ang pagiging diyakono at ang pagiging matanda sa mga hindi lamang nabigong isilang na muli, kundi sa mga hindi tapat na dumadalo sa iglesia. Kaya kanilang labis na ginagawad itong

198 Ang Tubig na nasa Itaas ng Kalawakan at ang Tubig sa Ilalim ng Kalawakan

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

mga katungkulan sa iglesia tulad nito at hinihirang ang pagiging mga diyakono at pagiging matanda sa iglesia sa kanilang kongregasyon, lahat ng ito ay upang tangkaing bigyang kasiyahan ang kanilang mga puso sa pamamagitan ng parangal, yamang walang pagbabago, kahit kasayahan, o anumang kasiyahan sa kanilang kongregasyon sa kabila ng kanilang patnubay. Kapag ang mga pastor na walang kakayahang wastong mamuno sa mga hinirang ay makikita ang kanilang di-nalulugod na kongregasyon, kanilang ipagkakaloob sa kanilang mga tagasunod ang mga parangal, dahil hindi nila magawang bigyang espiritwal na kasiyahan sila. Kaya, ang taong nagnanais na igawad sa inyo ang katungkulan sa iglesia bagaman ang iyong pananampalataya ay hindi pa wastong naitaguyod, dapat ninyong malaman na siya’y isang huwad na pastol.

Kapag ang Iglesia ng mga isinilang na muli ay nagtatalaga ng mga katungkulan, ginagawa niya ito batay sa kung ang mga hinirang ay may pananampalataya sa katuwiran ng Diyos at sa kaloob ng paglilingkod, hindi sa anumang pamantayan. Ang Iglesia ng mga isinilang na muli ay hindi binibigay ang katungkulang ng iglesia sa sinuman dahil lamang siya’y dumadalo sa iglesia ng mahabang panahon, o upang siya’y bigyang lugod. Sa halip, pinagkakatiwala ng Iglesia ng Diyos sa taong ito ang katungkulan sa iglesia kung ang taong ito ay nananalig lamang sa katuwiran ng Diyos, at kung siya ay may kakayahang maglingkod sa Kanya.

Subali’t, yaong hindi isinilang na muli ay pinamamahalaan ng mga salita ni satanas, at samakatuwid sinisikap nilang bigyang kasiyahan ang mga tao sa pag-alok sa kanila ng mga katungkulan sa iglesia. Kaya, kung ang ibang mga pastor ay nais na ilagay kayo sa isang katungkulan sa kanyang iglesia at bigyan kayo ng parangal, bagaman may

Ang Tubig na nasa Itaas ng Kalawakan at ang Tubig sa Ilalim ng Kalawakan 199

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

kasalanan sa inyong mga puso ngayon, at samakatuwid kayo ay walang kapangyarihan at wala kayong magagawa, kung gayon dapat ninyong malaman na kayo’y nililinlang ni satanas. Dapat ninyong malinaw na malaman na ang pastor na ito ay hindi lingkod ng Diyos, at dapat kayong lumayo sa gayong mga tao. Sa gayon lamang kayo maliligtas. Walang iba kundi ito ang paghihiwalay sa tubig na nasa itaas sa tubig na nasa ilalim nito. Ito ay maliwanag na dapat malaman.

Ano Ang Ginawa ng Diyos sa Pangalawang Araw ng Kanyang Paglikha?

Sa pangalawang araw, hiniwalay ng Diyos ang tubig na

nasa itaas ng kalawakan sa tubig na nasa ilalim nito. Alinsunod nito, tayo, rin, ay dapat malaman ang mga salita ni satanas sa Salita ng Diyos. Paano natin mahihiwalay ang mga ito? Maihihiwalay natin ang tubig na nasa itaas ng kalawakan sa tubig na nasa ilalim nito batay sa Salita ng Diyos.

Kailangan nating malinaw na malaman kung tayo ngayon ay umiinom ng tubig na nasa itaas ng kalawakan at ang ating mga buhay ay nasa pamamahala ng diablo. Kung kayo ay hindi pa rin naging matuwid kahit pa kayo’y taimtim na naniniwala kay Jesu-Cristo, kung gayon ibig sabihin lamang na kayo ay nabubuhay na umiinom sa tubig na nasa ilalim ng kalawakan, ito ay, ang tubig ng sanlibutan. Inyong dapat mabatid na yong naging matuwid na walang kasalanan sa pamamagitan ng pananalig kay Jesus, at nabubuhay ayon sa Salita, ay yaong nabubuhay na umiinom sa tubig na nasa kalawakan. Ang dalawa ay dapat na maiwalay na mabuti.

Ang taong nananatili pa rin bilang makasalanan kahit matapos manalig kay Jesu-Cristo ng kalahating siglo, kung

200 Ang Tubig na nasa Itaas ng Kalawakan at ang Tubig sa Ilalim ng Kalawakan

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

gayon ibig sabihin lamang na siya’y naniniwala sa mga salita ni satanas ng buong panahon. Salungat nito, yaong wastong nalalaman ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, at yaong nakamtan ang buong kapatawaran sa kanilang mga kasalanan dahil sa pagtanggap sa ilaw ng Salita, ay sila yaong inaakay ng Diyos. Ang gayong mga tao ay mga anak ng Diyos na patungo sa daan ng Kaharian ng Langit. Malinaw na dapat malaman ng mga Kristiyano kung sila’y mga makasalanan o matuwid, kung sila ay patungo sa impiyerno o sa Langit, at kung sila’y mga anak ng Diyos o mga anak ng diablo. Kung susuriin ang ating mga sarili batay sa Salita, kung tayo ay mga matuwid na walang kasalanan, kung gayon tayo’y makapapasok sa Langit bilang mga anak ng Diyos, nguni’t kung tayo’y may kasalanan, sa gayon tayo’y itatapon sa impiyerno bilang mga lingkod ni satanas. Tulad nito, hiniwalay tayo ng Diyos. Malinaw na ginawa ito ng Diyos. Ang Diyos ay hindi nabigo sa pagsagawa nito. Nguni’t kahit pa ng Diyos ay malinaw na nakikilala tayo at pinaaalam Niya sa atin, ang ilan sa atin ay nililinlang pa rin ang ating sariling budhi.

Ang taong tumitingin sa kanyang budhi, malinaw na siya’y isang makasalanan o taong matuwid. Atin mang narinig ang ebanghelyo at isinilang na muli o hindi, tayo man ay mga hinirang o pawang mga relihiyoso lamang, kung ang ating mga puso ay may kasalanan o wala, at kung tayo’y malinaw na taglay ang mga bunga ng Banal na Espiritu o hindi—lahat tayo ay mga makasalanan o mga taong matuwid. Dapat nating malinaw na pagpasiyahan kung ating nililinlang ang ating sariling mga puso o hindi, at dapat nating makilala ang ating mga sarili kung tayo’y kabilang sa Iglesia ng Diyos o sa diablo at sa sanlibutan. Ang sinumang makarinig ng Salita ng Diyos ay malinaw na nakikilala ang kanyang sarili, at kung gayon yaong nililinlang pa rin ang kanilang mga sarili sa

Ang Tubig na nasa Itaas ng Kalawakan at ang Tubig sa Ilalim ng Kalawakan 201

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

pamamagitan ng mga salita ni satanas, nananatili sa tubig na nasa ilalim ng kalawakan, at iniinom itong tubig na inilaan upang wasakin ng Diyos.

Ang Makasalanan ay Dapat Ipahayag sa Kanyang sarili bilang isang Malubhang Makasalanan sa harap ng Katotohanan

Dapat nating mabatid na malinaw na hiniwalay ng Diyos

ang liwanag sa kadiliman, at ang tubig sa itaas ng kalawakan mula sa tubig sa ilalim nito. Batid ba ninyo na bagaman hiniwalay nga ng Diyos, ang tao ay patuloy na napapahamak dahil sa panlilinlang sa kanilang sariling budhi? Ang mga tao ay hindi masisisi ang Diyos sa pagtapon sa kanila sa impiyerno. Iyan ay dahil kung ang kanilang budhi ay tapat na kikilanin ang kasalanan sa kanilang mga puso, at tunay nilang hahanapin ang Diyos at taimtim na sasaliksikin ang Katotohanan, sa gayon ang Diyos ay tunay na itutulot ang gayong tao na masumpungan ang Katotohanan.

Ang liwanag ngayon ay narito sa lupa. Malinaw na taglay natin ang Salita ng Katotohanan. Ang sinumang may wastong pag-aaral nitong Salita, nakikita ito, makikinig dito, at tiwala sa kanyang katapatan, ang lahat ay maisisilang na muli. Kahit pa ang tubig sa ilalim ng kalawakan ay mababago upang maging tubig na nasa itaas ng kalawakan. Tulad ng tubig sa dagat ay umaahon sa bilang hangin at muling bababa bilang tubig, ang tubig sa ilalim ay maaari ring umakyat sa tubig sa itaas. Bagaman ito ay posible, ang tao ay nililinlang pa rin ang kanilang mga sarili, at iyan kung bakit sila’y patungo sa impiyerno at nagdurusa. Ang isang tao ay dapat ibalik ang kanyang sarili sa Diyos at hanapin ang liwanag. Walang iba

202 Ang Tubig na nasa Itaas ng Kalawakan at ang Tubig sa Ilalim ng Kalawakan

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

kundi ito ang kapahayagan. Ang Panginoon ay tiyak na katatagpuin yoang lumalapit

sa Diyos, sinasabing, “O Diyos, ako’y isang makasalanan na umiinom ng tubig na nasa ilalim ng kalawakan. Panginoon, iligtas ako.” Yaong taglay pa rin ang kasalanan sa kanilang mga puso ay dapat lumapit sa mga lingkod ng Diyos, sa Kanyang isinilang na muling Iglesia, makinig sa Salita at tanggapin ang kapatawaran sa kanilang mga kasalanan.

Ang Diyos ay malinaw na hiniwalay ang Katotohanan sa kamalian ng puso ng mga tao. Ang mga makasalanang uminom ng tubig na nasa ilalim ng kalawakan ay hindi dapat kaligtaan ito, dapat silang lumapit sa mga pagtitipon ng mga isinilang na muli ng walang kabiguan, at sila’y walang kabiguang dapat magbago. Bagaman ginawa ng Diyos itong paghiwalay, ang taong nililinlang pa rin ang kanyang sariling budhi sa pamamagitan ng mga katuruan ni satanas na nagsasabing, “Kung kayo’y mananalig kay Jesu-Cristo, kikilalanin kayo ng Diyos bilang matuwid kahit may kasalanan pa rin sa inyo,” at sanhi nito ay itatapon sa impiyerno, sa gayon inyong kailangang mabatid na ang kabuuang ito ay kanyang sariling kamalian.

Kailangan nating maunawaan kung ano ang kahulugan nang sabihin sa Biblia na hiniwalay ng Diyos ang tubig sa itaas ng kalawakan sa tubig sa ilalim nito sa pangalawang araw. Hiniwalay ng Diyos lahat ng katuruan mula sa Kanyang Salita at yaong mga salita ni satanas, at ngayon, batay kung kaninong mga salita tayo naniniwala, ang ating mga pagpapala at mga sumpay ay malalaman. Ang iniinom ng isang tao ay malalaman ang kanyang kaligayahan at kalungkutan.

Ang Tubig na nasa Itaas ng Kalawakan at ang Tubig sa Ilalim ng Kalawakan 203

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

Piliin sa Inyong mga Sarili Hiniwalay ng Diyos ang tubig na nasa itaas ng kalawakan

sa tubig na nasa ilalim nito. Tunay nga, ating maiinom ang tubig na nasa itaas ng kalawakan, o ang tubig sa ilalim nito. Ang karapatang pagpili kung aling tubig ang iinumin ay nasa atin. Ito ay batay sa pagpili ng isang tao. Yaong ibig ang tubig sa ilalim ng kalawakan ay iinumin ang tubig na ito, at sanhi nito, sila’y mapapahamak at mawawasak. Salungat nito, sila na nagnanais na inumin ang tubig na nasa itaas ng kalawakan ay iinumin ang tubig na ito at isisilang na muli, sa gayon makakamit ang walang hanggang buhay. Lahat ng bagay ay tiyak na mahahayag ayon sa pagpili ng isang tao.

Ang pagtungo ng isang tao sa Langit o sa impiyerno ay nakasalalay din sa kanyang pagpili. Inihanda na ni Jesu-Cristo ang Langit, ginawa rin Niya ang impiyerno. Ginawa ni Jesu-Cristo lahat ng bagay upang ang lahat ay magiging matuwid. Ang nalalabi na lamang ay ang pagpili ng isang tao: Ang sinumang nais na manatiling makasalanan, kung gayon siya’y maniniwala sa mga salita ni satanas at mananatiling makasalanan, nguni’t kung nais niyang maging matuwid, kung gayon siya’y mananalig sa Salita ng Diyos at magiging matuwid. Sa madaling salita, ang Langit at ang lupa ay batay sa paghatol ng isang tao at pagpili. Sa kanyang sariling pagpili ng langit at impiyerno nakasalalay.

Inihanda na ng Diyos lahat ng bagay. Ang tanging isyu na nalalabi ay ang katanungang ano ang ating pipiliin. Kung nais nating makarating sa Langit, kung gayon ang atin lamang gagawin ay piliin ang Salita ng Diyos, inumin ang tubig na nasa itaas ng kalawakan, at sumunod sa mga lingkod ni Jesu-Cristo; kung, sa kabilang dako, nais natin ang mapunta sa impiyerno, kung gayon piliin lamang natin ang mga salita ni

204 Ang Tubig na nasa Itaas ng Kalawakan at ang Tubig sa Ilalim ng Kalawakan

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

satanas, inumin ang tubig na nasa ilalim ng kalawakan, at sundin ang mga lingkod ni satanas at magtiwala sa kanilang mga salita. Walang kabiguan, lahat ng bagay ay matutupad sa harapan ng Diyos ayon sa kung paano tayo nananalig.

Nakaupo sa trono ng paghahatol sa huling araw, sasabihin ng Diyos sa mga makasalanan, “Sinabi Ko sa inyo sa pasimula na Aking paghihiwalayin ang tubig na nasa itaas ng kalawakan mula sa tubig sa ilalim nito. Nguni’t sa pagsunod sa mga salita ni satanas, mag-isan ninyong pinili ang maniwala sa mga kasinungalingan at ang matungo sa impiyerno, at kung gayon ito ang mangyayari. Nararapat lamang na ayon sa inyong pananampalataya, maparoon kayo kung saan naninirahan si satanas.” Pagkatapos yaong patungo sa impiyerno ay wala ng masasabi. Sila ay may mga dila, nguni’t hindi sila makapagsabi kahit isang salita.

Malinaw na binigay ng Diyos sa atin ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ng walang bayad, ang Salita na magtutulot sa atin na isilang na muli, ang Katotohanan, kaligtasan, buhay na walang hanggan, at lahat ng ibang mga pagpapala ng langit. Pagkatapos ibigay sa atin itong mga bagay, binigay ng Diyos sa atin ang ang pagpili na tanggapin ang Kanyang mga pagpapala o Kanyang mga sumpa. Hiniwalay ng Diyos ang Kanyang tunay na Salita sa mga huwad na mga katuruan. Tulad ng paghiwalay ng Diyos sa araw mula sa gabi sa daigdig na ito, kaya hiniwalay ng Diyos lahat ng tubig nito upang maging tubig na nasa itaas na kalawakan at ang tubig sa ilalim nito. Sa pamamagitan ng paghihiwalay nito lahat ng tao na papasok sa kaharian ng walang hanggang buhay matapos mabuhay dito sa lupa, ginawa ng Diyos na tiyakin ang kanilang sariling tadhana.

Hiniwalay ng Diyos ang araw sa gabi ng walang dahilan. Ginawa Niya ito dahil nais Niyang ipakita sa atin ang

Ang Tubig na nasa Itaas ng Kalawakan at ang Tubig sa Ilalim ng Kalawakan 205

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

maliwanag na kapamahalaan ng liwanag at ang kapamahalaan ng buong kadiliman. Sa ibang salita, malinaw na hiniwalay ng Diyos ang kapamahalaan ng mga makasalanan. Ginawa Niya ang paghiwalay nito upang yaong nais matungo sa impiyerno ay kailangan lamang maniwala sa kadiliman, at yaong nais makarating sa Langit ay kailangan lamang manalig sa liwanag. Kung ano ang hiniwalay ng Diyos, walang taong makapagbabago. Gaano man ang kakayahan ng tao, hindi magagawang baguhin ang araw na maging gabi, at ang gabi ay magiging araw. Gayon din, walang makapagbabago sa ginawa ng Diyos.

Ang taong may tapat na budhi ay buong nananalig sa hiniwalay ng Diyos. Sa pamamagitan ng pagtingin sa liwanag at tinatanggap ito, sa pamamagitan ng pagtanggap sa tubig na nasa itaas ng kalawakan, ang Salita ng Diyos na nanaog mula sa itaas, na ating nakamit ang walang hanggang buhay.

Ang tubig sa lupa—ito ay, ang mga katuruan ni satanas—pinupuri tayo upang magsikap para sa mga mabubuting gawa ng tao. Itong tubig na nasa ilalim ng kalawakan ay tinuturo sa atin na maging matuwid at maligtas sa pamamagitan ng ating sariling karnal na mga pagsisikap. Walang iba kundi ito ay mga salita ni satanas. Ang sinumang nagtuturo sa inyo na ang isang tao ay magiging matuwid at maliligtas sa pamamagitan ng kanyang sariling mga pagsisikap, sa pamumuhay na banal at pagiging banal, alalahanin na ito ay ang mga salita ni satanas. Sinasabi ng Salita ng Diyos na tayo ay naging matuwid dahil sa ating mga pusong nananalig sa lahat ng tinupad ng Diyos, at pagtanggap sa Kanyang Salita sa ating mga puso. Ang maging matuwid ay walang kinalaman sa ating sariling mga gawa, bagkus ito ay makakamit lamang sa pamamagitan ng pananalig sa Salita ng Diyos na nanaog mula sa itaas. Sa pananalig sa Salita na nasa itaas ng kalawakan, ang

206 Ang Tubig na nasa Itaas ng Kalawakan at ang Tubig sa Ilalim ng Kalawakan

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

Salita ng Katotohanan ng Diyos, sa Kanyang ganap na Salita na hindi kailangang tustusin ng anumang gawa ng tao, na ating makakamit ang ating kapatawaran sa mga kasalanan, magiging matuwid, at kamtan ang walang hanggang buhay.

Aking kapwa mga mananampalataya, ang Salita ng Diyos ay nagmula sa itaas, tiyak na magkakaroon ng bunga dito sa lupa, at muling aakyat sa itaas. Kung kayo ay nananalig sa Salita ng Diyos, ang kasiyahan ay darating sa inyo, nguni’t kung inyong inumin ang tubig na nasa ilalim ng kalawakan, kayo ay susumpain. Hindi nais ng Diyos na kayo ay magdusa at sumpain. Iyan kung bakit binigay ng Diyos sa atin ang Kanyang Salita, sa gayon mahihiwalay ang tubig na nasa itaas ng kalawakan sa tubig na nasa ilalim nito. Ang taong nalasap ang tubig na nasa itaas ng kalawakan ay hindi muling maiinom ang tubig na nasa ilalim ng kalawakan.

Yaong nakainom lamang ng tubig na nasa ilalim ng kalawakan hanggang sa araw na ito ay kailangang magbalik ngayon sa Salita ng Diyos. Yaong nakalasap lamang ng tubig na nasa ilalim ng kalawakan ay dapat hanapin ang tubig na nasa itaas ng kalawakan, at dapat silang manumbalik ngayon sa Salita ng katuwiran ng Diyos, sa tunay na pananampalataya.

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

Hiniwalay ng Diyos ang mga Tubig sa

Pangalawang Araw

< Genesis 1:6-8 > “At sinabi ng Dios, ‘Magkaroon ng isang kalawakan sa

gitna ng tubig, at mahiwalay ang tubig sa kapuwa tubig. At ginawa ng Dios ang kalawakan, at inihiwalay ang tubig na nasa ilalim ng kalawakan, sa tubig na nasa itaas ng kalawakan, at nagkagayon. At tinawag ng Dios ang kalawakan na Langit. At nagkahapon at nagkaumaga ang ilawang araw.”

Nang inutos ng Diyos na magkaroon ng kalawakan sa

gitna ng mga tubig upang ihiwalay ang tubig sa tubig, ito ay isinagawa ayon sa Kanyang Salita. Tinawag ng Diyos ang Langit itong kalawakan. Sa ngayong talata sa Kasulatan, pinaliwanag ng Diyos kung paano sa pangalawang araw ng paglikha Kanyang hiniwalay ang tubig na nasa ilalim ng kalawakan mula sa tubig na nasa itaas nito. Sa una, may isang malaking bahagi ng tubig na bumabalot sa daigdig, nguni’t ang Diyos ay gumawa ng kalawakan at hiniwalay ang tubig na nasa itaas ng kalawakan mula sa tubig na nasa lupa. Ngayon, nais kong ipaliwanag kung ano ang kahulugan ng talatang ito sa Kasulatan, at ibahagi sa inyo ang mga pagpapala ng Diyos.

Kung ating titignan ang paglikha ng Diyos sa langit at sa lupa, ating matutuklasan na Siya’y nagpatuloy sa paghiwalay

208 Hiniwalay ng Diyos ang mga Tubig sa Pangalawang Araw

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

sa pangalawang araw tulad ng Kanyang ginawa sa unang araw. Ang espiritwal na mensahe ng gawain ng Diyos sa pangalawang araw ay ang sumusunod: Sukdulang mahalaga na makilala ang Salita ng Diyos sa mga salita ni satanas. Sa ibang salita, sinasabi ng Diyos sa atin na tayo’y dapat magkaroon ng pananampalataya na espiritwal na makapaghihiwalay sa tubig na nasa Langit mula sa tubig na nasa lupa.

Nang likhain ng Diyos ang langit at ang lupa, hiniwalay Niya ang tubig na nasa itaas ng kalawakan mula sa tubig na nasa ilalim nito. Ginawa Niya ito upang sabihin sa atin na kung tayo ay magkakaroon ng tunay na pananampalataya, una tayo ay dapat uminom ng tubig na nasa itaas ng kalawakan. Kailangan nating mabatid ang espiritwal na kahulugan sa likod ng dahilan bakit ang Diyos sa gayon ay pinaghiwalay ang tubig. Sa gayon lamang tayo mananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung binigay ni Jesu-Cristo sa atin, at sa gayon lamang nating maisasagawa ang gawain ng Diyos sa pananampalataya. Sa ibang pananalita, sinasabi sa ating ng ngayong talata sa Kasulatan na maliban ating makilala ang mahiwalay ang Salita ng Diyos sa mga salita ni satanas, magpakailanman tayo ay mananatiling walang kakayahang pumasok sa kapamahalaan ng Diyos.

Ang Katotohanan ay Dapat Ihiwalay sa Kamalian Kung hindi natin maihiwalay ang katotohanan sa

kamalian, hindi lamang natin hindi magagawa ang gawain ng Diyos, nguni’t ang higit na malubha, tayo ay magwawakas na kaaway ng Diyos. Iyan kung bakit sinasabi ng Diyos sa atin ang paksang ito. Subali’t, sa ngayong Kristiyanismo, ang tinatawag na mga legalismo at mga evangelical ay nananatili

Hiniwalay ng Diyos ang mga Tubig sa Pangalawang Araw 209

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

pa ring walang kakayahang ihiwalay ang katotohanan sa kamalian, maling paniniwala ng kanilang sarili lamang, mga doktrinang likha ng tao. Kailangan nilang mabatid na ito ang pinakapangunahing dahilan bakit hindi sila makapapasok sa kapamahalaan ng Diyos sa kabila ng pananalig sa Diyos, dahil sila’y nananalig sa tubig na nasa itaas—ito ay, sa doktrinang likha ng tao.

Ang mga sinungaling sa komunidad ng mga Kristiyano ngayon ay umaasa at nagtitiwala sa mga doktrinang likha ng tao ng higit kaysa kung ano ang tunay na sinasabi ng Diyos sa Salita ng mga Kasulatan. Kailangan nating mabatid na maging ngayon, isang malaking panganib ang ginagawa ng maraming mga pinuno ng Kristiyano ang nagkukunwaring ginagawa ang gawain ng Diyos, dahil sila sa katunayan ay binabahagi ang kanilang sariling karnal na mga aralin na hinaluan ng Salita ng Diyos.

Dapat nating ihiwalay ang espiritwal na Salita ng Diyos sa mga araling nagmumula sa laman ng tao, at sa gayon lamang natin wastong magagawa ang gawain ng Diyos. Para sa mga lingkod ng Diyos, ang mga kahinaan o mga kakulangan ng kanilang laman ay hindi suliranin. Salungat nito, ang higit na suliranin para sa mga lingkod ng Diyos ay kapag kanilang tinatangkang gawin ang gawain ng Diyos na hindi muna hiniwalay ang espiritwal na Salita sa mga karnal na salita. Kung ang isang tao ay ginagawa ang gawain ng Diyos na hindi maingat na tinatanggap at kinikilala ang mga salita ng sangkatauhan mula sa Salitang sinabi ng Diyos, kung gayon siya sa huli ay magwawakas na inihahatid ang espiritwal na kapahamakan sa mga kaluluwa na hindi kailangang mapahamak, maliban ang pagwasak sa kanyang sariling kaluluwa.

Tayo na naging mga manggagawa ng Diyos ay dapat

210 Hiniwalay ng Diyos ang mga Tubig sa Pangalawang Araw

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

ipangaral ang Salita na sinasabi ng Diyos sa atin na may malinaw na kaunawaan. Bakit? Dahil ito ang kalooban ng Diyos. Ang tubig na nasa itaas ng kalawakan at ang tubig na nasa ilalim nito ay likas na magkaiba. Kaya ang mga manggagawa ng Diyos ay dapat malaman ang ebanghelyo ng Katotohanan ng tubig at ng Espiritu, ihiwalay ang mga huwad na ebanghelyo sa tunay na ebanghelyo, at ipangaral lamang ang ebanghelyo ng Katotohanan. Ngayon, ating tiyak na malalaman kung ano ang sinasabi ng Salita ng Diyos sa pamamagitan ng ebanghelyo ng Salita ng tubig at ng Espiritu. Ang mga manggagawa ng Diyos ay samakatuwid dapat wastong malaman ang hiwaga ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, panaligan ito, at ipangaral sa lahat sa pamamagitan ng paglalagay ng kanilang pananampalataya sa ebanghelyong ito. Sa gayon lamang malalaman ng bawa’t makasalanan ang Katotohanan ng pagtutubos ng Diyos, at sa pamamagitan nito, ang Diyos ay maluluwalhati.

Kung ating nalalaman at pinangangaral ang hiwagang nakakubli sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, di-mabilang na mga tao ang magkakamit ng walang hanggang buhay, dahil sila’y maliligtas. Ang lahat na nakababatid at nananalig sa tubig na nasa itaas ng kalawakan na ating pinangangaral—ito ay, ang ebanghelyo ng Katotohanan ng tubig at ng Espiritu—ay tiyak na maliligtas sa kasalanan at kalituhan. Upang ito ay matupad, ang mga lingkod ng Diyos ay dapat ipangaral ang Salita ng Espiritu, inihiwalay ito mula sa mga salita ng laman. Hindi ba Niya sinabi sa ating lahat na Kanyang minsanang niligtas lahat ng tao ng sanlibutang ito mula sa lahat nilang kasalanan sa pamamagitan ng ebanghelyo ng Salita ng tubig at ng Espiritu? Sinabi ng Diyos sa atin na sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng Salita ng tubig at ng Espiritu, ang Katotohanan na nagligtas sa atin sa kasalanan, na tayo ay

Hiniwalay ng Diyos ang mga Tubig sa Pangalawang Araw 211

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

naging Kanyang mga anak. Samakatuwid, dapat nating malinaw na malaman ang ebanghelyo ng Salita ng tubig at ng Espiritu, at dapat nating ipangaral ito sa bawa’t isa sa pananampalataya. Dapat nating ihiwalay ang tunay na ebanghelyo sa mga huwad ng ebanghelyo, at ilagay ang ating pananampalataya sa tunay na ebanghelyo, dapat nating ipangaral ito sa lahat ng naghahangad sa Katotohanan ng Diyos.

Inaangkin ng iba na kung sila’y maniniwala lamang kay Jesu-Cristo, sila’y walang-pasubaling maliligtas sa kanilang mga kasalanan kahit hindi nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, nguni’t ito ay kamalian. Yaong hindi nalalaman ang ebanghelyo ng Katotohanan ng tubig at ng Espiritu ay sinasabi, “Ang isang tao kahit walang kaunawaan ay maliligtas sa kasalanan sa pamamagitan lamang ng kay Jesu-Cristo.” Ito ay isang kasinungalingan. Sa katunayan, hindi ito ang pangyayari. Yamang ang diablo ay hindi pansin ang taong nananalig kay Jesu-Cristo, sinisikap pa rin niyang akayin sila sa kapahamakan sa pamamagitan ng pagpigil sa kanila na kamtan ang ganap na kapatawaran sa kasalanan. Ito ang isa sa kanyang pinakamapanlinlang na mga paraan.

Matalino si satanas upang gamitin maging ang tinatawag na “Iglesia ng Diyos” upang ilagay ang mga tao sa daan ng kapahamakan sa tiyak na paraan, sa pamamagitan ng pagpilit ng legalismong pananampalataya mula sa kanila at ginagapos sila sa kasalanan. Ang pinakamahalagang layunin ng diablo ay ang palawigin ang mga huwad na ebanghelyo sa Kristiyanismo, upang maging ang mga Kristiyano ay hindi makilala ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, at, sa huli, lahat sila’y mawawasak dahil sa kanilang mga kasalanan. Yamang ang kabayaran sa kasalanan ay kamatayan, ang gawain ng diablo ay ang gawain ng kamatayan din. Ang diablo ay may kahusayan

212 Hiniwalay ng Diyos ang mga Tubig sa Pangalawang Araw

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

ng pagligaw sa di-mabilang na mga tao na mapalayo sa Katotohanan ng Diyos, upang ang marinig lamang nila ay ang mga salita ng huwad na ebanghelyo na magbibigay kasiyahan sa mga pita ng kanilang laman. Ito nakasalalay ang sukdulang layunin ng diablo. Sa kaalaman sa ebanghelyo ng Katotohanan ng tubig at ng Espiritung binigay ng Panginoon sa atin, at sa pananalig nito, tayong lahat ay dapat matakasan ang masamang panlilinlang ng kasinungalingan ng diablo at upang maligtas.

Tulad niyaon, dapat nating mabatid na ang mga lingkod ng diablo ay pinapakain ang kaluluwa ng mga tao sa pamamagitan ng mga salita ni satanas na hinaluan ng Salita ng Diyos, sa gayon inaakay sila sa kamatayan. Ano ang kinalabasan nito, sa paghahalo ng mga katuruan ng diablo at ang Salita ng Diyos? Ang kinatawan nito ay walang iba kundi ang mga huwad na ebanghelyo. Tulad nito, yamang ang mga lingkod ni satanas ay patuloy pa rin sa pangangaral ng mga huwad na ebanghelyo, pinangununahan nila upang wasakin ang mga kaluluwa na hindi kailangang mamatay. Ito ang gawain ni satanas at ginagawa ng mga sinungaling. Si satanas ay isang dalubhasa sa panlilinlang ng mga tao. Subali’t, ang Diyos ay ginawang posible na maligtas yaong nakarinig ng ebanghelyo na may pagkilala, hiniwalay ang tunay na ebanghelyo sa mga huwad na ebanghelyo. Tulad niyaon, ang mga lingkod ng Diyos ay dapat ihandog lahat ng kanilang mga pagsisikap na ihiwalay ang Salita ng Diyos sa mga salita ng diablo. Sa ating pagpapagal para sa gawain ng Diyos, kailangan nating lahat na mabatid bakit hiniwalay ng Diyos ang tubig na nasa itaas ng kalawakan at ang tubig na nasa ilalim nito sa paraang ito sa pangalawang araw ng paglikha.

Hiniwalay ng Diyos ang mga Tubig sa Pangalawang Araw 213

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

Dapat Nating Itayo ang Matibay na Saligan ng Kaligtasan para sa Ating Buhay Pananampalataya

Yaong nagdulot ng sukdulang kaguluhan sa gawain ng

Diyos ay yaong nagsagawa nito ng buong pagpapagal nguni’t walang pag-iingat, hindi nalalaman kung paano makikilala ang Salita ng Diyos sa mga salita ng tao. Ito, rin, ay malinaw na dapat maunawaan. Kailangan nating mabatid na kapag yaong tinatawag ang kanilang mga sarili na mga manggagawa ng Diyos na nangangaral ng Salita ng Diyos sa pamamagitan ng mga salita ng tao, ito ay nagiging pinakamalaking hadlang sa gawaing pagliligtas ng Diyos sa mga kaluluwa. Sa tinatawag na mga lingkod ng Diyos upang ipangaral ang Salita ng Diyos na hinaluan ng mga salita ni satanas ay ang pinakamalaking kamalian sa kanilang ministeryo.

Tulad halimbawa, kapag tinutukoy nila ang talatang Juan 13 kung saan hinugasan ni Pedro ang mga paa ni Jesus, pinapakahulugan nila ito at tinuturo, “Tulad sa sinabi ng Panginoon kay Pedro na yaong napaliguan na ay walang kailangang hugasan ang kanilang mga paa, kung gayon kailangan ba nating araw-araw na hugasan ang ating mga kasalanan sa pamamagitan ng ating pangungumpisal.” Sa talatang ito, maraming mga huwad na ministro ang maaaring manlinlang sa mga walang muwang na mga mananampalataya sa pamamagitan ng kanilang pagpipilit ng pangungumpisal. Tunay nga, kung hindi natin nakamtan ang kapatawaran sa ating mga kasalanan at isinilang na muli sa ebanghelyo ng Salita ng tubig at ng Espiritu, tayo ay malilinlang din ng mga kasinungalingang namamayani sa panahong ito at walang mapipilian kundi ang mabihag sa dako ng kapahamakan.

Yaong walang espiritwal na pagkilala ay nagkaroon ng maling kaunawaan nito at nagsisituro ng kamalian na ang tao

214 Hiniwalay ng Diyos ang mga Tubig sa Pangalawang Araw

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

ay dapat mahugasan sa kanilang mga kasalanan sa araw-araw. Subali’t, ang mga lingkod ng Diyos na nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay hindi pinakahulugan itong talata tulad niyaong sa mga huwad na mangangaral. Tinuturo nila nang si Jesu-Cristo ay binautismuhan ni Juan Bautista sa Ilog ng Jordan, minsanan Niyang pinasan lahat ng kasalanan ng sanlibutang ito, nagtungo sa Krus, pinako at nagbubo ng Kanyang dugo, at sa gayon niligtas tayo na minsanan sa lahat ng kasalanan.

Si Jesu-Cristo ay ang Tagapagligtas na naghugas sa lahat ng kasalanan nitong sanlibutan na minsanan sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Sinasabi ng Biblia na itong ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay ang Katotohanan. Sa pagparito dito sa lupa at nagkatawang tao, ganap na minsanang tinubos ni Jesu-Cristo lahat ng ating kasalanan, mula sa pasimula hanggang sa huli, sa pamamagitan ng ebanghelyo ng Katotohanan ng tubig at ng Espiritu. Nang si Jesu-Cristo ay naparito sa lupa, Siya’y minsang binautismuhan ni Juan Bautista; habang pasan lahat ng kasalanan nitong sanlibutan, Siya’y hinatulan dahil sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng pagpapako at pagbubo ng Kanyang dugo sa kamatayan; at pagkabuhay na muli, Siya’y naging Tagapagligtas ng lahat na mananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu magpakailanman.

Nang hugasan ni Jesus ang mga paa ng Kanyang mga alagad sa Juan 13, Siya’y nangungusap ukol sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ang kaligtasan ng Katotohanan, na Kanyang hinugasan na lahat ng kasalanan ng mga alagad, maging yaong magagawa sa hinaharap. Nguni’t sa kabila nito, di-mabilang na mga tao ang hindi nababatid ang Katotohanan ng kaligtasan, dahil hindi nila nasumpungan ang tunay na ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ng Diyos.

Hiniwalay ng Diyos ang mga Tubig sa Pangalawang Araw 215

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

Yaong kumakain lamang sa Salita ng Diyos na nasa itaas ng kalawakan ay tinanggihan ang pag-inom sa tubig na nasa ilalim nito. Subali’t, yaon lang uminom sa tubig na nasa ilalim ng kalawakan ay hindi nais uminom ng dalisay na tubig na nasa itaas. Sinabi ni Jesu-Cristo, “Walang taong nakainom ng alak na laon, ay iibig sa alak nabago; sapagka’t sasabihin niya, ‘Mabuti ang laon’” (Lucas 5:39). Sa tunay na daigdig, ang lumang alak ay higit na mabuti. Ang sinumang nakatikim sa lumang alak ay tiyak na bihirang naisin na uminom ng bagong alak na kaiimbak pa lamang.

Subali’t, sa espiritwal na pamamahala, ganap na ito ang kabaligtaran. Kung ating titignan ang kasaysayan ng sangkatauhan, ating makikita na gaano man ang haba nito, ang pilosopo at relihiyosong mga katuruan na nagmula sa sariling mga kaisipan ng tao ay ganap na salungat sa Salita ng Diyos. Gaano man ang luma o kalakihan ng mga pilosopiya at mga ideya ng sanlibutang ito, ang mga ito ay magagaspang, mga basurang katuruan, hindi maihahambing sa tunay na Katotohanan ng kaligtasang magpapalaya sa mga tao mula sa kasalanan, ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, na siyang Salita ng Diyos, ay ang tunay na Salita ng buhay na magpapalaya sa mga tao mula sa kasalanan. Samakatuwid, yaong matatalino ay yaong nananalig sa binigay ng Diyos na ebanghelyo ng Salita ng tubig at ng Espiritu laban sa mga nakagawiang mga katuruan ng mga relihiyon sa sanlibutan.

Gaano man ang taimtim ng pag-iisip ng tao at pananalig kay Jesu-Cristo bilang kanilang Tagapagligtas, malibang magkaroon sila ng kaugnayan sa pagitan ng bautismong tinanggap ng Panginoon kay Juan Bautista at sa dugo na Kanyang binuhos sa Krus, at inilagay ang kanilang pananampalataya sa dalawa, sila’y tiyak na malilinlang sa

216 Hiniwalay ng Diyos ang mga Tubig sa Pangalawang Araw

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

pamamagitan ng mga kasinungalingan at kapahamakan. Kung ito ay mangyayari sa atin, kung gayon tayo ay maliligaw rin mula sa mga pagpapala ng Diyos sa walang hanggang buhay. Ito ay tunay na sumpa para sa mga tao na subukang isagawa ang gawain ng Diyos kahit pa ng kanilang mga sarili ay hindi nalalaman ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, at samakatuwid ay hindi nangaligtas. Sila sa katunayan ay winawasak ang gawain ng Diyos, malayo sa paninilbi nito. Sa ibang salita, sa mga Kristiyano ngayon na nagsasabing naniniwala kay Jesu-Cristo bilang kanilang Tagapagligtas, ang sinumang hindi taglay ang pananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, kung gayon hindi niya isinasagawa ang gawain ng Diyos bagkus ay gawain ni satanas. Ang gayong mga pastor ay hindi isinasagawa ang gawain ng Diyos, nguni’t sa halip, sila’y masipag na naglilingkod upang punan lamang ang kanilang mga pita ng laman. Dapat ninyong mabatid na hindi ang maraming mga sinungaling dito sa sanlibutan ang nagsasagawa ng gawain ng Diyos, nguni’t yaong nananalig ngayon sa ebanghelyo ng Katotohanan ng tubig at ng Espiritu ang tunay na nagsasagawa ng gawain ng Diyos.

Marami sa mga Kristiyano ngayon ang walang kakayahang makilala ang ebanghelyo ng Salita ng tubig at ng Espiritu mula sa mga salita ni satanas na pingangaral ng mga sinungaling, sa gayon ay nalilinlang ni satanas at inaakay sa kapahamakan. Kaya dapat silang makinig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, na siyang Salita ng Diyos. Nguni’t anong uri ng mga sermon ang hinahanap ng di-mabilang na mga Kristiyano ngayon dito sa lupa? Hinahanap ba nila ang mga lingkod ng Diyos na nangangaral ng tubig na nasa itaas ng kalawakan, o sila’y naghahanap ng mga lingkod na nangangaral ng tubig na nasa ilalim nito?

Labis na maraming mga Kristiyano ngayon ay hinahanap

Hiniwalay ng Diyos ang mga Tubig sa Pangalawang Araw 217

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

yaong nangangaral ng pinaghalong tubig na nasa itaas ng kalawakan na may tubig na nasa ilalim nito. Kung kanilang nakamit ang kapatawaran sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, marahil ay hinanap nila ang mga lingkod ng Diyos na nangangaral ng Salita na nasa itaas ng kalawakan. Sa ngayon, di-mabilang na mga tao ang hindi nahugasan sa kanilang mga kasalanan, yamang sila’y nanatiling mangmang sa ebanghelyo ng Katotohanan ng tubig at ng Espiritu, ay sinisikap pa rin na mamuhay sa pananampalataya sa harap ng Diyos. Subali’t, yaong hindi pa napalaya sa kanilang mga kasalanan ay nalinlang ng mga sinungaling, at ang kanilang ipinamumuhay ay karnal na relihiyosong buhay lamang.

Maging sa araw na ito, maraming mga pastor na tinatawag ang kanilang mga sarili bilang mga lingkod ng Diyos na nalinlang ni satanas tulad nito, at bunga nito, sila’y may hangarin lamang sa walang kabuluhan at hangal na ministeryo. Nguni’t may isang malinaw na pagkakaiba sa pananampalataya sa pagitan ng gayong pananampalataya ng mga tao at yaong nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.

Sa puso ng mga nananalig sa huwad na ebanghelyo, hindi sa ebanghelyo ng tubig at kay Cristo Espiritu, makikita natin na walang Banal na Espiritu na nananahan sa kanila. Bagaman sila’y naniniwala kay Jesus bilang kanilang Tagapagligtas sa kasalukuyan, ang Banal na Espiritu ay hindi mananaog sa kanila, dahil ang ebanghelyo ng Katotohanan ng tubig at ng Espiritu ay wala sa kanila. Ang dahilan dito ay dahil sila’y nananahan pa rin sa kadiliman, hindi nalalaman na ang ebanghelyo ng Salita ng tubig at ng Espiritu ay ang tunay na Katotohanan ng kapatawaran sa kasalanan.

Sa madaling salita, dahil sila’y taglay pa rin ang kasalanan sa kanilang mga puso. Salungat nito, sa puso ng mga isinilang

218 Hiniwalay ng Diyos ang mga Tubig sa Pangalawang Araw

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

na muli na napatawad sa lahat nilang kasalanan dahil sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, naroon ang Banal na Espiritu. Kaya salamat sa Banal na Espiritu sa kanilang mga puso, makikilala nila ang mga salita ng tao sa Salita ng Diyos. Tulad niyaon, wastong maipapangaral nila ang Salita ng Diyos, at sa kanilang pananalig sa Salita ng Katotohanan, wastong maitataguyod din nila ang Kanyang Kaharian. Ang matuwid ay makikilala ang mga salita ni satanas sa Salita ng Diyos, at sa pamamagitan nito tunay na pananampalataya, maaari nilang ipangaral ang tunay na ebanghelyo ng kaligtasan.

Yaong tinatakpan ang luwalhati ng Diyos hanggang sa araw na ito ay yaong hindi nalalaman ang ebanghelyo ng Katotohanan ng tubig at ng Espiritu. Sila’y walang kaugnayan sa Diyos. Sila’y malaon ng lumayo sa Diyos. Nakalulungkot na labis maraming ang gayong mga pastor sa ating paligid. Bagaman inaangkin ng mga taong ito na ginagawa ang gawain ng Diyos ayon sa kanilang kusang-loob, sila sa katunayan ay ginagawa ang gawain ni satanas, hindi sa Diyos. Malayo sa paggawa ng gawain ng Diyos, sila sa katunayan ay lapastangan, nguni’t ang higit na malubhang suliranin sila sa kanilang mga sarili ay hindi nababatid ito.

Isang katangian ng mga sinungaling ay ang katunayang sila ay walang kaalaman sa Katotohanan, nguni’t gayon pa man ay laging abala. Ngayon, dapat muna silang manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ang ebanghelyo ng Diyos. Ngayon, dapat silang makinig sa ebanghelyo ng Salita ng tubig at ng Espiritu na dumadaloy mula sa Iglesia ng Diyos. Ngayon, ang gawain ng Diyos ay dapat ipagkatiwala sa mga nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. At ngayon, dapat din kayong magsilbi sa ebanghelyo ng Katotohanan kasama ang mga mananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.

Hiniwalay ng Diyos ang mga Tubig sa Pangalawang Araw 219

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

Kung inyong sinasabi na inyong ginagawa ngayon ang gawain ng Diyos, nguni’t hindi ninyo nalalaman ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ang ebanghelyo ng Katotohanan, kung gayon inyong lalong higit na hanapin ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, dahil kayo ay espiritwal na bulag.

Yamang mahalaga ang maglagay ng matibay na pundasyon sa pagtatayo ng isang bahay, upang ating maisagawa ang gawain ng Diyos, dapat muna tayong wastong magtayo ng pundasyon ng pananampalataya, sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ang isang tao ay makahahayo bilang manggagawa ng Diyos na makapagliligtas lamang ng mga tao kapag ang kanyang sarili ay naligtas sa kanyang mga kasalanan na minsanan. Kung ang mga tao ay itapon lahat ng uri ng raket sa pagsisikap na maging mga manggagawa ng Diyos ayon sa kanilang sarili na hindi muna naligtas ang kanilang mga sarili, kaya sa huli, ang kanilang pananampalataya ay guguho na lamang at walang magagawa. Upang ikaw ay maging tao na may pananampalataya sa Diyos, dapat mo munang kamtan ang kapatawaran sa iyong mga kasalanan sa pamamagitan ng ebanghelyo ng Katotohanan ng tubig at ng Espiritu, maligtas sa lahat mong kasalanan, at itayo ang iyong bahay ng pananampalataya sa pundasyon ng tunay na pananampalataya, ng tunay na kaligtasan. Sa pamamagitan ng Salita ng Diyos, dapat munang ilatag ang pundasyon ng kaligtasan, ang tunay na kapatawaran sa kasalanan, pagkatapos ay lumayag sa daan ng pananampalataya. Ang gayong tao ay matalino sa harap ng Diyos. Tayong lahat ay kailangang matagpuan ang tunay na tahanan ng kaligtasan sa pamamagitan ng ebanghelyo ng Katotohanan ng tubig at ng Espiritu, at pagkatapos ay makibahagi sa pagtayo ng Kaharian ng Diyos.

Ngayon, dapat tayong manalig kay Jesu-Cristo bilang

220 Hiniwalay ng Diyos ang mga Tubig sa Pangalawang Araw

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

ating Tagapagligtas, na Siyang naparito sa lupa sa pamamagitan ng ebanghelyo ng Katotohanan ng tubig at ng Espiritu, at dapat tayong mamuhay kasama ang Panginoon. Sa gayon lamang natin maipapangaral ang ebanghelyo ng Panginoon at mamuhay kasama Niya hangggang sa huli. Kahit pa ito’y sandali lamang kailangan nating matibay na ilatag ang pundasyon ng kaligtasan sa pamamagitan ng Salita ng Katotohanan, at sa pundasyong ito ay itatayo ang tahanan ng pananampalataya na kasingtibay ng bato. Sa mata ng mga tao, tila ito ay magtatagal sa paglalatag ng pundasyon sa kaligtasan ng isang tao at pagkatapos ay magsisimula sa buhay pananampalataya, nguni’t sa mata ng pananampalataya, makikita natin na ito ay higit na katalinuhan. Dapat nating itayo ang ating tahanan ng pananampalataya sa pamamagitan ng ebanghelyo ng Katotohanan ng tubig at ng Espiritu. Ngayong tayo ay nananalig sa ebanghelyo ng Katotohanan ng tubig at ng Espiritu, lahat tayo ay makakamtan ang tunay na kaligtasan. At ngayong ating naitayo ang ating tahanan ng pananampalataya, ang ating tunay na kaligtasan, tayo ay maaaring mamuhay sa kapayapaan ng Panginoon, na walang anumang kinatatakutan.

Ang dahilan bakit tayong mga mananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ay dapat mabuhay dito sa lupa upang tulutan ang lahat na maligtas sa kasalanan at maging anak ng Diyos. Upang magkagayon, dapat muna nating matibay na ilatag ang pundasyon ng pananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, at sa gayon ay magagawa ang gawain ng Diyos. Sa gayon lamang tayo makatatakas sa paghahatol ng kasalanan kahit kailan man magbalik dito sa lupa si Jesu-Cristo. Subali’t, yaong nagsimula sa kanilang buhay pananampalataya na walang pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay tulad ng mga nagtayo ng kanyang

Hiniwalay ng Diyos ang mga Tubig sa Pangalawang Araw 221

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

tahanan sa buhangin. Sinabi ng Diyos na sa araw ng Kanyang paghuhukom, ang taong nagtayo ng kanyang tahanan sa buhangin ay hindi matatakasan ang paghahatol ng Diyos, at ang pagbaguho nito ay matindi. Tulad niyaon, tayong lahat ay dapat itayo ang tahanan ng tunay na kapatawaran sa kasalanan sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng Katotohanan ng tubig at ng Espiritu.

Sa pangalawang araw ng paglikha, ang Panginoon ay ginawa ang kalawakan at hinati ang tubig na nasa itaas ng kalawakan sa tubig na nasa ilalim nito. Tinawag ng Diyos ang puwang sa pagitan ng mga langit at ang lupa bilang kalawakan. Ang tubig na bumabalot sa daigdig, ginawa ng Diyos na ang ibang tubig ay umahon sa kalawakan, at ginawa Niya ang nalalabing tubig na nasa lupa na magsama-sama sa isang dako. Ang tubig na nasa itaas nitong kalawakan ay ang dako kung saan ating dapat ilatag ang pundasyon ng ating kaligtasan at pananampalataya, at mamuhay sa pananampalataya. Ano ang tubig na nasa itaas ng kalawakan ang tinutukoy ng Panginoon? Tinutukoy ang dalisay na Salita ng Diyos. Sa lahat ng Salita ng Diyos, ang ebanghelyo ng Salita ng tubig at ng Espiritu, higit sa ano pa man, ay ang tubig na nasa itaas ng kalawakan.

Sa pamamagitan ng bautismong Kanyang tinanggap mula kay Juan Bautista at sa mahalagang dugo na Kanyang binuhos sa Krus, niligtas tayo ng Panginoon mula sa mga kasalanan ng sanlibutan at ginawa tayong mga anak ng Diyos. At ang Panginoon ay pinagkatiwala rin ang gawain ng Diyos sa atin, tayo na naging bayan ng Diyos dahil sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at isinilang na muli sa kasalanan. Tulad nito, binigay ng Diyos sa atin ang Kanyang Kaharian, Kanyang mga pagpapala, at maging Kanyang pag-ibig. Pinagpapala ng Diyos yaong napalaya sa kanilang mga kasalanan at naging matuwid dahil sa pag-inom ng tubig

222 Hiniwalay ng Diyos ang mga Tubig sa Pangalawang Araw

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

na nasa itaas ng kalawakan. Ang pagpapalang ito, gayon pa man, ay malayo sa mga taong hindi uminom ng tubig na nasa itaas ng kalawakan. Salungat nito, ang kabaligtaran nito ay magaganap sa kanila.

Ngayon, dapat tayong manalig na tayo’y niligtas ng Diyos sa mga kasalanan nitong sanlibutan sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, at dapat nating ipangaral ito. Niligtas tayo ni Jesu-Cristo sa lahat ng kasalanan ng sanlibutan sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Kapag ating inilatag ang pundasyon ng pananampalataya na magliligtas sa atin sa lahat ng ating kasalanan, dapat nating itayo ito sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, at dapat din nating ipangaral itong Katotohanan sa iba, inaakay sila na manalig kay Jesu-Cristo na naparito sa tubig at sa Espiritu, at upang purihin ang ilaw ng Katotohanan ng Diyos.

Sa kabilang dako, yaong hindi inilagay ang pundasyon ng kanilang pananampalataya sa tubig na nasa itaas ng kalawakan ay magiging mga anak ng kapahamakan. Walang maliligtas sa lahat nilang mga kasalanan malibang inumin niya ang tubig na nasa itaas ng kalawakan, gaano man ang kanyang karunungan at kaalaman. Inaangkin ng iba na sila’y naligtas sa kasalanan sa pamamagitan lamang ng pananalig sa dugo ni Jesu-Cristo sa Krus, nguni’t ang kanilang budhi ay higit na nalalaman na hindi ito ang pangyayari. Dahil ang gayong tao ay naniniwala kay Jesu-Cristo na hindi hinihiwalay ang tubig na nasa itaas ng kalawakan sa tubig na nasa ilalim nito, walang kabuluhan ang kanilang pananalig kay Jesu-Cristo. Sa ilang mga Kristiyanong pagtitipon, ang mga tao ay nagsasalita animo sila’y nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Nguni’t kapag aming detalyeng susuriin ang kanilang mga katuruan, makikita natin na sila sa katunayan ay nangangaral sa tao sa pamamagitan ng paghahalo ng tubig na nasa itaas ng kalawakan at ng tubig na

Hiniwalay ng Diyos ang mga Tubig sa Pangalawang Araw 223

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

nasa ilalam nito. Ang gayong tao ay hindi mga mananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Sila ay mga kaaway ng Diyos.

Mayroon pa ring mga lingkod ng Diyos dito sa lupa, inililigtas ang mga tao sa kasalanan sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Subali’t, mayroon ding di-mabilang na mga sinungaling sa sanlibutan, nagsasama-sama sa mga pagtitipon ni satanas at inaakala sa kanilang mga sarili na ginagawa ang gawain ng Diyos. Malinaw kong sasabihin sa inyo: Yaong hindi nagkamit ng ebanghelyo ng Salita ng tubig at ng Espiritu ay mga sinungaling. Yaong naniniwala lamang sa dugo sa Krus bilang kanilang kaligtasan at nangangaral nito lahat ay mga sinungaling na nililinlang ang lahat, ang kanilang mga sarili at ang iba. Halos lahat ng tao sa buong daigdig ay naniniwala lamang sa dugo sa Krus at sinasabi na ito ang kaligtasan, nguni’t ang gayong mga tao ay hindi tunay na naligtas, sila ay walang anumang pasiya ng kanilang sariling kaligtasan, dahil hindi nila taglay ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa kanilang mga puso. Sinasabi ng Biblia na ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu lamang ay ang tiyak na ebanghelyo ng Katotohanan. Wala ng iba dito sa lupa ang maaaring maging Katotohanan ng kaligtasan kundi ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung binigay ng Panginoon.

Alam ko ang isang bagay o dalawa ukol sa pangunahing teolohiya na laganap sa buong sanlibutan. Subali’t, kapag ang isang tao ay sinasaliksik ang teolohiya, hindi niya masusumpungan ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu rito. Lahat ay tubig na nasa ilalim ng kalawakan. Lahat ng teolohiya ay ang palagay na “ang tao ay maliligtas sa pamamagitan lamang ng paniniwala sa dugo ni Jesu-Cristo sa Krus,” at sa saligang ito ng bawa’t denominasyon ay magkakaiba ang

224 Hiniwalay ng Diyos ang mga Tubig sa Pangalawang Araw

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

paninindiga. Subali’t, sa lahat ng teolohiya, hindi ko matagpuan na may magsabing, “Ako ngayon ay naging walang kasalanan, dahil ako ay tunay at ganap na nahugasan sa aking mga kasalanan sa pamamagitan ng dugo sa Krus.”

Kung mayroong isang dakot na magsasabi nito, sasabihin lamang nila ito batay sa doktrina. Subali’t, sila gayon pa man ay mga relihiyoso na kailangang kamtan ang patuloy na kapatawaran sa kanilang mga kasalanan, hindi tunay na mga Kristiyano na nababatid at nananalig sa ebanghelyo ng Katotohanan ng tubig at ng Espiritu.

Ang maraming mga Kristiyano dito sa lupa ay may pagkakaiba lamang sa isat-isa sa kanilang mga piniling denominasyon; lahat sila ay walang kaugnayan sa ebanghelyo ng Katotohanan ng tubig at ng Espiritu. Maging sa sandaling ito, di-mabilang na mga tao ang may palagay na ang kanilang mga kasalanan ay naglaho sa pamamagitan lamang ng kanilang pananalig sa dugo sa Krus, nguni’t hindi ito ang pangyayari. Dahil sa gayon ding mga tao, kapag sila’y nanalig lamang sa ebanghelyo ng Katotohanan ng tubig at ng Espiritu lahat ng kanilang kasalanan ay minsanang maglalaho; kung hindi, ang kanilang mga kasalanan ay hindi maglalaho.

Malinaw na sinasabi ng Salita sa Biblia na tayong lahat ay dapat kamtan ang kapatawaran sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng ebanghelyo ng Katotohanan ng tubig at ng Espiritu. Iyan kung bakit ako ay nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, at kung bakit aking pinapatotoo sa inyo ang tubig na nasa itaas ng kalawakan. Kapag inyong narinig itong ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ng inyong mga tainga at kilalanin ng inyong mga puso itong ebanghelyo ng kapatawaran sa kasalanan, ang tunay na kaligtasan ay mahahatid sa inyong mga kaluluwa. Kung kayo ngayon ay mananalig na kayo ay naligtas sa inyong mga kasalanan sa

Hiniwalay ng Diyos ang mga Tubig sa Pangalawang Araw 225

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

pamamagitan lamang ng dugo sa Krus, kailangan ninyong ihinto ang panlilinlang sa inyong sariling budhi, lumapit sa Diyos, at manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.

Wala ng ibang dako kundi sa Iglesia ng Diyos lamang pinangangaral ngayon ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa daigdig na ito. Wala ng ibang pagtitipon dito sa lupa kundi sa Iglesia ng Diyos lamang may pagtitipon ng mga isinilang na muli sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Yamang ang mga lingkod ng Diyos ngayon dito sa lupa ay maliwanag na pinangangaral ngayon ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at tinutulot ang mga tao na kamtan ang kapatawaran sa kanilang mga kasalanan, hindi ninyo dapat ipagpaliban ang pagkakataong ito na manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Kung kayo’y naniniwala lamang sa dugo ni Jesu-Cristo sa Krus, kung gayon yamang kayo ay maaaring maging mga relihiyoso ng sanlibutan tinatawag bilang mga Kristiyano sa pangalan, hindi kayo tunay na magiging mga Kristiyano. Kung inyong tatanggihan ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, hindi ninyo matatakasan ang inyong mga kasalanan sa walang hanggan. Wala ng ibang paraan upang takasan ang kasalanan na minsanan bagkus ay manalig sa ebanghelyo ng Katotohanan ng tubig at ng Espiritu. Pinapayo ko sa inyong lahat na alamin ito sa pamamagitan ng pananampalataya. Dahil hindi sinasabi ng Diyos sa makasalanan, “Ikaw ay matuwid, at Aking bayan,” ni isusulat ang kanilang mga pangalan sa Aklat ng Buhay.

Isang katangian na karaniwan sa lahat ng erehe sa Kritiyanismo ay ang kanilang pangangaral sa pinaghalong tubig na nasa itaas ng kalawakan at ang tubig na nasa ilalim nito. Salungat nito, ang ebanghelyo ng Katotohanan ng tubig at ng Espiritu ay pinapahayag na ang lahat ng kasalanan nitong sanlibutan ay inilipat sa ulo ni Jesu-Cristo na minsanan nang

226 Hiniwalay ng Diyos ang mga Tubig sa Pangalawang Araw

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

Siya’y bautismuhan ni Juan Bautista. Lahat ng ating kasalanan ay inilipat sa katawan ni Jesu-Cristo sa pamamagitan ng bautismo ni Juan Bautista na Kanyang tinanggap, nguni’t sa kabila nito, hindi pinapansin ng mga tao ang Katotohanan at sinisikap na maligtas sa kasalanan sa pamamagitan ng paniniwala lamang sa dugo sa Krus, at iyan kung bakit sila’y tunay na hindi naligtas. Ang kanilang pananalig kay Jesu-Cristo ay walang kabuluhan.

Dahil tayo ay nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu kaya tayo ay binautismuhan sa pangalan ng Ama, ng Anak, at ng Banal na Espiritu matapos tayo’y maligtas. Tayong mga mananampalataya ay binautismuhan sa tubig bilang tanda ng ating pananampalataya, nananalig na sa pamamagitan ng bautismo ni Juan Bautista at pagbubo ng Kanyang dugo, hinugasan ni Jesu-Cristo lahat ng ating kasalanan na minsanan at tiniis lahat ng paghahatol sa kasalanan. Ito ay isang tanda ng ating pananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu kaya tayo’y binautismuhan tulad ng pagbautismo kay Jesu-Cristo. Ating pinapahayag ang ating pananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa pamamagitan ng rituwal na ito. Tayo ay binautismuhan sa pangalan ni Jesu-Cristo bilang tanda ng ating pananampalataya, pinapahiwatig nito kung paano tayo nananalig.

Yaong nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay hindi maaaring makibagay sa mga hindi nananalig nito. Sinasabi ng Biblia, “Huwag kayong makipamatok ng kabilan sa mga di nagsisisampalataya; sapagka’t anong pakikisama mayroon ang katuwiran at kalikuan? O anong pakikisama mayroon ang kaliwanagan sa kadiliman? At anong pakikipagkasundo mayroon si Cristo kay Belial? O anong bahagi mayroon ang sumasampalataya sa di-sumasampalataya?” (2 Corinto 6:14-15)

Hiniwalay ng Diyos ang mga Tubig sa Pangalawang Araw 227

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

Ang Iglesia ng Diyos ay pagtitipon ng mga hinirang na nagkamit ng kapatawaran sa kanilang mga kasalanan at naging banal dahil sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu (1 Corinto 1:2). Kaya yaong hindi nanalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay hindi maaaring maging bahagi sa Iglesia ng Diyos.

Ang pundasyon ng pananampalataya ng mga hinirang ay hindi dapat mawasak. Kung ang ating pananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, na bumubuo sa pundasyon ng pananampalataya ng ating mga puso, ay mawawasak, kung gayon hindi maaaring manahan si Jesu-Cristo sa ating mga puso. Si Jesu-Cristo ay naging Tagapagligtas na Siyang agad na nagbigay sa atin ng kaligtasan ng kapatawaran sa kasalanan. Sa pagparito sa atin sa pamamagitan ng tubig at ng dugo, minsanang inalis ng Panginoon lahat ng ating kasalanan. Iyan kung bakit tayo ay nabubuhay sa pananampalataya, nakaupo sa pundasyon ng pananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ang Katotohanan ng kapatawaran sa kasalanan, na si Jesu-Cristo ay nananahan sa ating mga puso. Subali’t, kung ang ating pananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, na siyang pundasyon ng kaligtasan, ay gumuho, kung gayon tayo ay walang puwang na ilagay ang ating mga katawan at mga puso. Ang puso ng mga matuwid ay walang lugar upang manahan kundi sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, at kung wala ang ebanghelyong ito, sila’y magwawakas na naliligaw.

Upang si Jesu-Cristo ay upang maging inyong tunay na Tagapagligtas, dapat ninyong matibay na itayo ang inyong tahanan ng pananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ang Salita ng Diyos. Kung kayo’y mabigo, ang inyong buhay sa pananampalataya kung gayon ay tiyak na magiging kabiguan. Kung inyong inilatag ang pundasyon ng inyong

228 Hiniwalay ng Diyos ang mga Tubig sa Pangalawang Araw

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

pananampalataya sa inyong sariling pangungumpisal, ang pananampalatayang ito ay palaging maalog. Ang inyo bang pananampalataya ay naging ganap nang kayo ay namuhay sa pananampalataya na nagtitiwala lamang sa dugo sa Krus at sa inyong pangungumpisal? Hindi, ang gayong pananampalataya ay patuloy na maaalog. Iyan kung bakit tayo’y dapat manalig sa tubig na nasa itaas ng kalawakan—ito ay, ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu—bilang Katotohanan ng kapatawaran sa ating mga kasalanan.

Yaong nakarinig ng mga salita ng tao na hindi nakikilala ang mga ito sa Salita ng Diyos ay mapapalayo sa Diyos. Kaya ating tunay na paghiwalayin ang Katotohanan sa kamalian, at panaligan ang katotohanan. Yaong nananalig na hindi hiniwalay ang Salita ng Diyos sa mga salita ng tao ay mapapahamak. Samakatuwid, dapat nating tiyak na paghiwalayin ang Katotohanan ng kaligtasan sa kamalian, malinaw na makilala ito, at manalig lamang sa Katotohanan.

Aking kapwa mga mananampalataya, maaari bang mahugasan ang ating mga kasalanan kung wala ang bautismong tinanggap ni Jesu-Cristo kay Juan Bautista? Hindi, ang mga kasalanan ng sanlibutang ito ay hindi mahuhugasan kung wala ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung binigay ni Jesu-Cristo sa atin. Paano tayo maniniwala na ang mga kasalanan dito sa lupa ay nahugasan kahit wala ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu? Sa pagkuha ni Jesu-Cristo sa lahat ng kasalanan ng sanlibutan sa pamamagitan ng bautismo ni Juan Bautista, dumanak ang Kanyang dugo bilang sanhi nito, at sa gayon tinupad ang katuwiran ng Diyos, yaong ang kanilang puso ay nananalig sa Katotohanang ito ay nahugasan sa lahat nilang kasalanan na minsan. Bagaman tayo’y araw-araw na nagkakasala pa rin, dahil tayo’y nananalig sa ebanghelyo ng Katotohanan ng tubig at ng Espiritu, hindi sa ating sariling mga

Hiniwalay ng Diyos ang mga Tubig sa Pangalawang Araw 229

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

pangungumpisal, ang ating mga kasalanan ay ganap na nahugasan. Paano pa mahuhugasan ang mga kasalanan ng sanlibutan sa inyong puso? Makikita sa pamamagitan ng ating pananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ang ating mga kasalanan ay minsanang nahugasan, at kung gayon sa katunayang ang ating mga kasalanan ay nahugasan sa nakaraang panahon.

Dahil ating taglay ang pananampalataya sa bautismo ni Jesu-Cristo kaya lahat ng di-mabilang na mga kasalanan sa ating mga puso ay minsanang nahugasan sa pamamagitan ng pananampalataya. Si Jesu-Cristo ay binautismuhan ni Juan Bautista (Mateo 3:13-17). Ang salitang “bautismo” una ay nangangahulugang “upang hugasan.” Lahat ng ating kasalanan ay nahugasan sa pamamagitan ng bautismong tinanggap ni Jesu-Cristo. Ang ibig sabihin din ng salitang bautismo ay “upang ilibing,” kaya dahil si Jesu-Cristo ay binautismuhan ni Juan Bautista, maaari Siyang mamatay minsan sa Krus, sinabing, “Naganap na.” Samakatuwid, sinumang mananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay namatay kasama ni Jesu-Cristo at espiritwal na nabuhay muli kasama Niya sa pamamagitan ng pananampalataya.

Sa Lumang Tipan, nang ipatong ang mga kamay ni Aaron ang Mataas na Saserdote sa handog na hayop, lahat ng kasalanan ng bayang Israel para sa buong taon ay inilipat sa handog na cordero. Tulad nito, nang si Jesu-Cristo ay bautismuhan ni Juan Bautista, lahat ng kasalanan ng sangkatauhan ay inilipat kay Jesu-Cristo na minsan. Kung wala ang bautismong tinanggap ni Jesu-Cristo kay Juan Bautista, hindi tayo mapapatawad sa mga kasalanan ng sanlibutan.

Tulad nito, sa kabanata 1 ng Aklat ng Genesis, pinatotoo ng Diyos tungkol sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, na siyang tubig na nasa itaas ng kalawakan. Kailangan nating

230 Hiniwalay ng Diyos ang mga Tubig sa Pangalawang Araw

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

malinaw na ihiwalay ang tubig na nasa itaas ng kalawakan mula sa tubig na nasa ilalim nito, at kailangan tayong manalig lamang sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ang tubig na nasa itaas ng kalawakan.

Sinabi ni Jesus sa Mateo 7:21-23, “Hindi ang bawa’t nagsasabi sa Akin, ‘Panginoon, Panginoon,’ ay papasok sa kaharian ng langit, kundi ang gumaganap ng kalooban ng Aking ama sa langit. Marami ang mangagsasabi sa Akin sa araw na yaon, ‘Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa Iyong pangalan, at sa pangalan Mo’y nangagpalayas kami ng mga demonyo, at sa pangalan Mo’y nagsigawa kami ng maraming gawang makapangyarihan?’ At kung magkagayo’y ipahahayag Ko sa kanila, ‘Kailan ma’y hindi Ko kayo nangakilala, magsilayo kayo sa Akin, kayong manggagawa ng katampalasanan!” Sa huling araw, di-mabilang na mga tao yaong, sa kabila ng taimtim na pananalig kay Jesu-Cristo, ay dapat itapon sa impiyerno.

Kamakailan, ako ay nagpasimula ng iglesia sa isang lungsod na daungan tinatawag na Changwon na makikita sa timog baybayin ng Korea at naglilingkod dito. Umupa ako ng isang lugar sa ikatlong palapag ng isang malaking gusali na makikita sa pook ng kalakalan at nagsimula ako ng ministeryo. Dahil baguhan ako sa lungsod, hindi ko nalalaman na may ibang iglesia ang gumagamit ng katulad na pangalan tulad ng iglesia na aking tinayo.

Isang araw, isang pastor at kanyang may-bahay ang dumalaw sa akin sa kalaliman ng gabi. Nang itanong ko sa kanila, “Ano po ang sadya ninyo dito?” sinabi ng pastor, “Paumanhin, nguni’t ako ang pastor sa ganitong iglesia, at ako ay naparito dala ang ilang mga salita ng pagpapayo, bilang isang bagong iglesia na sumulpot na katulad ang pangalan ng aking iglesia.” Pinaliwanag ng pastor sa akin na siya’y matagal

Hiniwalay ng Diyos ang mga Tubig sa Pangalawang Araw 231

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

ng naglilingkod sa pangalang ito, at isa pang iglesia ang gumagamit ng pangalang ito ay magdudulot ng malaking kalituhan, tulad ng koreo na pinadadala sa maling tirahan. Kaya hiniling niya sa akin na palitan ko ang pangalan ng aking iglesia.

Kaya tinanong ko naman sa kanya, tinuturo na ang tirahan at ang denominasyon ay magkaiba. Sinabi ko sa kanya, “Nakikita ko kung paano ang ibang tao ay maaring malito kung ang denominasyon ay magkatulad, nguni’t yamang ang tirahan at ang denominasyon ay magkaiba, hindi pa sapat na malinaw, na walang kalituhan dito? Tignan ang aming karatula. Hindi ba ang ating tirahan at denominasyon ay naiiba sa inyo?” Nguni’t ang pastor na ito ay nagsimulang ipakita ang kanyang pagkasutil at pagpipilit, “Gayon pa man, kailangan mo pa ring palitan ang pangalan ng iyong iglesia.”

Matapos ang pakikipag-usap sa mag-asawang ito ng ilang oras sa iglesia, inanyayahan ko sila sa aking tanggapan. Naghain ng tsaa, at sinabi ko sa kanila, “Magbibigay ako ng ilang kaisipan sa paksang ito. Babaguhin ko ang pangalan kung ipapasiya ko na ito’y makabubuti, nguni’t sa kaganapang ito, hihilingin ko sa inyo ang pambayad. Kung ang pangalan ng aking iglesia ay magbago, ang karatula ay kailangang palitan at bagong mga babasahing maliliit ang kailangang ipalathala. Ito ay gugugol ng maraming gawain at malaking halaga upang ipaalam sa iba ang pagbabago. Maaari mo bang bayaran lahat ng ito? Nguni’t ito ay bagay na aking kailangang pasiyahan pagkatapos ng ilang pagsasaalang-alang. Gayon pa man, ikaw ba ay may kasalanan, reverend?”

Tila nagulat sa aking biglang pagtatanong, sumagot ang pastor, “Ako’y walang kasalanan.”

Muli akong nagtanong sa kanya, “Paano ka naging walang kasalanan?”

232 Hiniwalay ng Diyos ang mga Tubig sa Pangalawang Araw

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

“Wala akong kasalanan dahil ako’y nananalig sa dugo I Jesu-Cristo.”

“Hindi ka na ba muling nagkakasala kung gayon? Ikaw ba ay walang kasalanan pa rin, kahit ikaw ay muling nagkakasala?”

“Wala pa rin akong kasalanan.” “Kapag ikaw ay nagkakasala, kung gayon, hindi ka ba

nangungumpisal?” “Ginagawa ko.” “Kasasabi mo lang na ikaw ay walang kasalanan, nguni’t

ikaw ay nangungumpisal sa tuwing ikaw ay nagkakasala? Paano ka nananalangin kapag ika’y nagsisisi? Hinihingi mo ba sa Diyos na hugasan ang iyong mga kasalanan, o nagpapasalamat ka lamang sa Kanya dahil sa paghuhugas ng mga ito?”

“Hinihiling ko na hugasan Niya ang mga ito.” “Hindi ba ito kung gayong katibayan ng katotohanan na

may kasalanan sa iyong puso? Naparito ka sa aking iglesia upang talakayin ang suliranin ng pangalan nito, nguni’t hindi ka dapat magbalik na walang laman ang iyong kamay tulad nito.”

Mula niyaon, detalye kong naipaliwanag sa kanila ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, at bagaman tumagal ang oras, ang pastor at ang kanyang may-bahay ay nakilala ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Kaya nagpasiya sila na wakasan ang kanilang dating mga ministeryo at maglingkod sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, at hiniling nila sa akin na gabayan sila. Sa kasawiang-palad, gayon man, narinig ko na ang pastor di-naglaon ay sumapi sa pagtitipon ng mga nananalig lamang sa dugo sa Krus, at sanhi nito, ang wastong pundasyon ng pananampalataya lahat ay nawasak. Bagaman sa Salita ng Diyos aking hiniwalay ang tubig na nasa itaas ng kalawakan mula sa tubig na nasa ilalim nito para sa pastor na

Hiniwalay ng Diyos ang mga Tubig sa Pangalawang Araw 233

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

ito, si satanas ay hinaluan ng huwad na ebanghelyo ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung tinanggap ng pastor, at buong nalunod sa kanyang pananampalataya.

Hindi kinakatigan ng Diyos ang anumang ebanghelyo. Dapat nating maunawaan kung ano ang kahulugan nang sabihin ng Biblia na hiniwalay ng Diyos ang tubig na nasa itaas ng kalawakan sa tubig na nasa ilalim nito, at dapat tayong sumunod sa pamamagitan ng pananampalataya. Dapat nating mabatid ngayon na kung ating sasabihin na anumang ebanghelyo ay wasto, kung gayon sa espiritwal na pananalita, tayo’y ganap na malulubog sa huli. Ang kahinaan ng ating pananampalataya ang suliranin, hindi ang Salita ng Diyos; ang Salita ng Katotohanan ng Diyos ay ganap at di-nagbabago. Ang Salita ng Diyos ay totoo at ganap. Sa pangyayaring ito, ang mga tao ay hindi mapatunayan na ang Salita ng Diyos ay may pagsasalungatan, dahil lamang sila ay mahihina. Sa halip, dapat lamang silang manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.

Sinabi ng Panginoon, “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay.” Ang Salita ng Diyos ay ang Katotohanan. Ang sinabi ng Panginoon ay ang Katotohanan. Ito ang buhay. Ang natatanging katangian na karaniwan sa lahat ng sinungaling ay ang hindi pa nila naipangaral ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, nguni’t ang hangad lamang nila ay manghikayat ng higit na mga tao sa kanilang kawan. Upang magkagayon, pinangangaral lamang nila ang makakasiya sa karnal na kaisipan ng tao. Tinuturo nila na kung ang kanilang mga tagasunod ay maniniwala lamang kay Jesu-Cristo at tapat sa iglesia, sila’y pagpapalain at mananagana at mamumuhay na malusog at mahabang buhay dito sa lupa.

Subali’t, hindi natin dapat ipangaral sa mga tao ang tubig na nasa itaas ng kalawakan na hinaluan ng tubig na nasa ilalim nito. Kung gagawin natin ito, hindi posible para sa kanila ang

234 Hiniwalay ng Diyos ang mga Tubig sa Pangalawang Araw

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

isilang na muli, mapapatawad sa kanilang mga kasalanan. Ang mga sinungaling ay inaangkin sa kanilang mga sarili ang pagiging bayan ng Diyos bilang isang bagay lamang ng doktrina, gayong sa katunayan ang kanilang mga kasalanan ay nananatili pa ring sa kanilang mga puso.

Yaong nagkamit ngayon sa Banal na Espiritu sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay makikilala maging ang malawak na kalaliman ng Diyos sa pamamagitan ng tulong ng Banal na Espiritu, at kaya malinaw nilang makikita nila ang puso ng mga tao na nahayag sa pamamagitan ng Salita ng Katotohanan. Kapag ating susuriin ang puso ng tao sa pamamagitan ng tunay na Salita ng tubig at ng Espiritu, malalaman din natin kung may kasalanan sa kanilang mga puso o wala. Yamang binigay ng Diyos ang pananampalataya, ang karunungan, at espiritwal na pagkilala sa mga nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, madali nating malalaman kung ang isang tao ay isang makasalanan o isang matuwid sa pamamagitan lamang ng pagtingin sa kanyang mga mata at sa maikling pakikipag-usap sa kanya. Ang gagawin lamang natin upang makilala kung ang isang tao ay ligtas o hindi ay ang hilingin lamang sa kanya na ipaliwanag kung paano siya naligtas, at makinig sa kanyang paliwanag.

Tulad niyaon, malalaman natin ang espiritual na kalagayan ng tao sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng Katotohanan ng tubig at ng Espiritu. Salungat nito, gayon pa man, yaong hindi hiniwalay ang tubig na nasa itaas ng kalawakan sa tubig na nasa ilalim nito ay walang kakayahang makilala kung ano ang tunay sa kamalian.

Iyan kung bakit labis na mahalagang maunawaan ang tubig na ito na nasa itaas ng kalawakan, panaligan ito, at ipangaral sa iba. Ang tubig na nasa itaas ng kalawakan ay dapat malinaw na mahiwalay bilang ang tubig na nasa itaas ng

Hiniwalay ng Diyos ang mga Tubig sa Pangalawang Araw 235

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

kalawakan, ang tubig na nasa ilalim ng kalawakan ay dapat ihiwalay bilang ang tubig na nasa ilalim ng kalawakan, at dapat nilang ipangaral alinsunod nito. Dapat nating ipangaral ang ebanghelyo na may pagkilala, hinihiwalay ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa ibang mga ebanghelyo. Kailangan nating ihiwalay ang mga salita ng diablo sa Salita ng Diyos, pinangangaral lamang ang Salita ng Diyos. Hindi natin dapat haluan ang katotohanan ng mga kasinungalingan. Sinasabi ng Diyos, “Huwag kayong maghahasik sa inyong bukid ng dalawang magkaibang binhi” (Levitico 19:19). Tulad ng inutos ng Diyos sa atin na huwag kayong maghahasik sa inyong bukid ng dalawang magkaibang binhi, dapat nating malinaw na ipangaral ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu na ating pinapanaligan. Dapat nating ipangaral lamang ang nasusulat na Salita ng Diyos.

Itatanong ng ibang tao, “Nangangahulugan ba kung gayon na ang paghuhugas sa ating mga kasalanan ay makakamit lamang sa pamamagitan ng bautismo?” Ang mga kasalanan ng nahugasan sa pamamagitan ng bautismo ni Jesu-Cristo at sa Kanyang dugo sa Krus. Gayon pa man, sa pamamagitan ng bautismo na tinanggap ni Jesu-Cristo na ang ilang mga tao ay naputol lahat ng kanilang mga kasalanan mula sa kanilang mga puso at inilipat kay Jesu-Cristo, at sa pamamagitan ng Kanyang dugo sa Krus ang mga kasalanang ito ay hinatulan. Ang Diyos ba kung gayon, ay nagsasabi rin sa Lumang Tipan? Sa Lumang Tipan, nangungusap ang Diyos sa gayon ding Katotohanan. Lahat ng Salita sa Lumang Tipan ay anino ng Salita sa Bagong Tipan. Ang anino sa bautismong tinanggap ni Jesu-Cristo sa panahon ng Bagong Tipan ay ang pagtutuli sa panahon ng Lumang Tipan. Sa panahon ng Lumang Tipan, yaong hindi tinuli ay hindi karapat-dapat na kanin ang cordero ng Paskua (Exodo 12:48). Ang sinumang nais na kanin ang cordero ng

236 Hiniwalay ng Diyos ang mga Tubig sa Pangalawang Araw

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

Paskua ay kailangang patuli, kahit pa siya’y isang Israelita. Yaong hindi pisikal na tinuli ay hindi nararapat na makibahagi sa Paskua.

Ang patakarang ito ay katulad din sa Bagong Tipan. Hindi tayo makapapasok sa piging sa Langit malibang tayo’y isilang na muli. At tayo ay isinilang na muli sa lahat ng ating kasalanan kung tayo’y mananalig lamang sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Sinabi ng Panginoon na sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu tayo ay isinilang na muli sa ating mga kasalanan at makapapasok sa Kaharian ng Diyos.

Iyan kung bakit ang lahat ay dapat manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, mahugasan sa kanilang mga kasalanan, at maisilang na muli. Dapat tayong manalig sa ebanghelyo, na ang Panginoon ay niligtas tayo mula sa mga kasalanan ng sanlibutan sa pamamagitan ng Kanyang tubig at dugo. Ang ebanghelyo ng Salita ng tubig at ng Espiritu ay malinaw na ang Salita na nasa itaas ng kalawakan. Nguni’t sa kabila nito, ang mga Kristiyano ngayon ay walang hangaring malaman ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ni ang manalig nito. Dahil ang Kristiyanismo hanggang ngayon ay tumanggi sa pananalig ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung binigay ng Panginoon na naging wasak. Tulad niyaon, bawa’t Kristiyano ay dapat magsisi at manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.

Bakit ang Kristiyanismo sa buong sanlibutan ay naging labis na walang saysay? Dahil ito ay nabigo sa pananalig at pangangaral ng tubig na nasa itaas ng kalawakan. Sa ibang salita, dahil ang tao ay nananalig sa tubig na nasa ilalim ng kalawakan, at dahil sila’y nangangaral ng magkahalong ilang Salita ng Diyos, na halos lahat ng kaluluwa ay naging labis ang karumihan. Di-mabilang na mga tao ang nagsasabi na naniniwala kay Jesu-Cristo at tiyak na ang paniniwala na sila’y walang kasalanan, kahit pa sila’y may kasalanan pa rin. Sanhi

Hiniwalay ng Diyos ang mga Tubig sa Pangalawang Araw 237

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

nito, ang sanlibutang ito ay puno ng labis na maraming Kristiyano na nagkukunwaring tapat na mga mananampalataya, kahit na ang kanilang pananampalataya ay isang legalismong pananampalataya.

Sa unang araw, niligtas ng Diyos ang mga makasalanan sa pamamagitan ng liwanag ng buhay. Sa pangalawang araw, hiniwalay ng Diyos yaong naligtas sa kasalanan—ito ay, hiniwalay Niya ang tubig na nasa itaas sa kalawakan mula sa tubig na nasa ilalim nito. Nang likhain ng Diyos ang mga langit at ang lupa, ang buong daigdig ay nababalutan ng tubig, nguni’t itinaas ng Diyos ang ilang bahagi ng tubig sa Langit. Kaya nagkaroon ng puwang tinatawag na kalawakan sa pagitan ng mga tubig.

Huwag ibaba ang halaga ng ginawa ng Diyos. Ang Kanyang Salita ay ang Katotohanan. Gaano nakamamangha kung ang isang tao ay uminom ng tubig na nasa itaas ng kalawakan? Kung ang lahat ay uminom ng tubig na ito, ang lahat ay magiging matuwid. Dagdag nito, ang mga Kristiyano ngayon ay tunay na magiging ang Kaharian ni Cristo. Kung tayong mga matuwid ay patuloy na mabubuhay dito sa lupa, ang sanlibutan ay magbabago. Tayo bang mga matuwid ay isinasagawa ang kasamaan? Hindi, natin isinasagawa ang kasamaan. Walang taong matuwid ang nagsasagawa ng kasamaan.

Salungat nito, gaano ang kasamaan ang isinasagawa ng mga Kristiyano na hindi isinilang na muli habang nabubuhay dito sa lupa? Labis na isinasagawa nila ang kasamaan kung saan maging ang mga hindi Kristiyano ay nasusuka at napapagod sa kanila. Bakit ganito? Dahil sila ay nabigo sa pag-inom ng tubig na nasa itaas ng kalawakan sa pamamagitan ng pananampalataya. Dahil sila ay nalinlang ng mga sinungaling at uminom ng tubig na may halo.

238 Hiniwalay ng Diyos ang mga Tubig sa Pangalawang Araw

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

Malinaw na pinakita ng Biblia na yaong nangangaral ng tubig na nasa ilalim ng kalawakan ay hinaluan ng tubig na nasa itaas nito ay hindi mga lingkod ng Diyos. Ang sinumang uminom ng tubig na nasa itaas ng kalawakan na may halong tubig na nasa ilalim nito ay magwawakas sa kamatayan. Sa pamamagitan lamang ng tubig na nasa itaas ng kalawakan kung saan niligtas tayo ng Diyos sa mga kasalanan ng sanlibutan. At pinakakain Niya tayo sa pamamagitan ng pagpapadala ng ulan mula sa itaas. Ang taong tunay na hangad na kamtan ang buhay na walang hanggan, dapat niyang inumin ang tubig na nasa itaas ng kalawakan. Kung siya sa halip ay uminom ng tubig na nasa lupa, siya ay magwawakas sa espiritwal na kapahamakan.

Niligtas tayo ng Diyos mula sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, at sa biyaya ng kaligtasang ito tayo ay nabubuhay ngayon. Binigay ng Diyos sa atin ang walang hanggang buhay, pinagkaloob Niya sa atin ang espiritwal na mga pagpapala na kabilang sa Langit, ginawa Niya tayong Kanyang mga manggagawa, at pinagkatiwala Niya sa atin “na pinakipagkasundo tayo” (2 Corinto 5:18), upang tayo ay higit na magkaroon ng kakayahang gawin ang Kanyang gawain.

Binibigay ko lahat ng aking pasasalamat sa Diyos ng paulit-ulit. Walang kabiguan, tayong lahat ay dapat ipangaral lamang ang tubig na nasa itaas ng kalawakan, at dapat din nating malinaw na hatulan ang tubig na nasa ilalim ng kalawakan bilang mga salita ng diablo. Tayong lahat ay dapat mabuhay na nagpapasalamat sa Diyos, nagtitiwala lamang sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Yamang ang ating Panginoon ay ang Diyos na naparito sa atin sa pamamagitan ng tubig at ng Espiritu at niligtas tayo, ang sinumang mananalig sa Kanya ay nakamtan na ang handog na kaligtasan. Tulad niyaon, dapat nating palaging pahalagahan itong Salita sa ating mga

Hiniwalay ng Diyos ang mga Tubig sa Pangalawang Araw 239

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

puso, at dapat tayong mabuhay sa tunay na kalooban ng Panginoon. Ngayon, tayong lahat ay wastong mamuhay sa paglalagay ng ating pananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.

Sa daigdig na ito na nababalutan ng tubig, hiniwalay ng Diyos ang tubig sa dalawang magkahiwalay na katangian. Kaya ang tubig na nasa itaas ng kalawakan ay naiiba sa tubig na nasa ilalim nito. Ito’y nagsasaad na sa mga salitang pinangaral ng tao, naroon ang Salita ng Diyos, nguni’t naroon din ang mga salita ni satanas. Sa ibang salita, ang Diyos ay nangungusap sa atin sa pamamagitan ng tunay na Salita ng tubig at ng Espiritu, habang si satanas ay nagsisinungaling lamang. Tiyak na kailangan para sa atin na malaman kung paano makikilala ang Salita ng Diyos at yaong hindi mula sa mga salitang pinangaral ng tao.

“Mahiwalay ang tubig sa tubig.” Sa Biblia, ang tubig ay tumutukoy sa Salita ng Diyos. Ang Espiritwal na Salita ng Diyos ay nagmumula sa itaas. Ang Salita ng Diyos ay nagmumula sa nasusulat na Salita ng mga Kasulatan. Salungat nito, ang tubig sa lupa ay dumadaloy sa karnal na puso ng mga tao. Ang pangunahing pinagmulan ng mga salita ng tao ay nakasalalay sa pita ng laman na dumadaloy sa puso ng tao. Sinasabi ng Biblia na ang mga salitang nagmula sa puso ng mga tao ay mga salita ni satanas, habang ang Salitang nagmula sa mga labi ng Diyos ay ang tubig sa Langit. Samakatuwid, sa lupang ito, naroon ang kapwa mga salita ng huwad na mga propeta at ang mga salita ng tunay na mga propeta. Ito ang tunay na sinasaad sa paghihiwalay ng Diyos sa tubig na nasa itaas ng kalawakan mula sa tubig na nasa ilalim nito.

Sa panahon din ng Lumang Tipan, ang mga huwad na propeta ay nagsisihula ng mga kasinungalingan mula sa kanilang sariling mga puso (Ezekiel 13:2). Ang mga salita ni

240 Hiniwalay ng Diyos ang mga Tubig sa Pangalawang Araw

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

satanas ay maaaring kumilos sa puso ng mga tao sa kasamaan at mga kasinungalingan. Kapag ating nakikita yaong ginagamit ni satanas bilang kanyang mga instrumento, makikita natin kung paano sila magsinungaling ayon sa kanilang pita ng laman sa kanilang puso. Kinikilala nila ang Banal na Espiritu na parang isang bagay, kaya sila’y nakapagsisinungaling, pinipilit sa kanilang mga tagasunod na kamtan ang apoy ng Banal na Espiritu, o naghahayag ng gayong nakatatakot na walang saysay sa kanilang mga puso. Kung tayo’y makikinig na mabuti sa kanilang sinasabi, lahat ng ito ay tungkol ay yaong nagmula sa kanilang sariling mga puso. Labis na mali at marumi na halos ayaw na nating pakinggan. Kapag tayo ay magtutungo sa panalanginan at dumalo sa revival na pagpupulong, marahil ang mangangaral ay binuksan ang Biblia, kadalasan hindi natin masabi kung ang kanyang sinasabi ay ukol sa Biblia o yoang sa kanyang puso. Ang gayong mangangaral ay nagbibigay sermon na walang kaugnayang sa Biblia.

Pinakikilos lahat ng uri ng instrumento, mula sa malaking choir hanggang sa rock band at malalaking mga speaker, una ay pupunan nila ang mga kaluluwa na hindi pa isinilang na muli sa pamamagitan ng kanilang sariling damdamin. Pagkatapos niyaon, sasabihin nila sa kongregasyon na tanggapin ang Banal na Espiritu, at gamit ang isang mikropono ay gagayahin ang tunog ng hangin, isisigaw nila, “Tanggapin ang apoy!” Ito, gayon man, ay walang saysay kundi inilalagay nila ang mga tao sa paraang inaantig ang kanilang damdamin. Salungat nito, sinabi ng Diyos sa Biblia na ang tao ay makakamit ang Banal na Espiritu bilang isang handog kapag nakamtan niya ang kapatawaran sa kanyang mga kasalanan. Bagaman sinasabi ng Biblia na ang handog na Banal na Espiritu ay makakamit kapag ang isang tao ay napatawad sa

Hiniwalay ng Diyos ang mga Tubig sa Pangalawang Araw 241

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

kanyang mga kasalanan (Mga Gawa 2:38), sa halip na mangaral, sila’y walang kaalamang sinasabi na ang Banal na Espiritu ay walang-pasubaling makakamtan. Ito kung bakit sila ay nagkakamaling lubos. Maraming tao ang naniniwala na maaari nila kamtan ang Banal na Espiritu sa pamamagitan ng paghiling lamang, kahit hindi pa napatawad sa kasalanan. Ito, gayon pa man, ay isang tiyak na maling paniniwala. Dapat ninyong makamtan ang handog na Banal na Espiritu sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at kamtan ang kapatawaran sa inyong mga kasalanan.

Palaging nagsisinungaling ang mga huwad na propeta upang bigyang kasiyahan lamang ang kanilang sariling mga pita ng puso. Ang gayong mga salita na sumibol sa lupa ay kanilang mga katuruan. Sa ibang salita, itong mga sinungaling ay binubuo ng kanilang sariling Salita ng Diyos, pinaparangal sa Diyos ang hindi Niya sinabi. Yamang sila’y nagsasabi na wala sa Biblia, silang lahat ay mga sinungaling. Ang magsabi ng mga salita ni satanas ay ang paglikha ng bagay na hindi sinabi ng Diyos at pinagaganda upang maging Kanyang Salita. Ito ang mga salita ni satanas. At yaong nagpapalawig ng mga ito ay mga lingkod ni satanas.

Dapat nating basahin ang Salita ng Diyos na nasusulat sa mga Kasulatan, at ipangaral itong Salita sa pananampalataya. Dapat tayong manalig sa Katotohanang nasusulat sa Salita ng Diyos, at palawigin ito sa pamamagitan ng pananampalatayang ito. Salungat nito, kapag ang taong hindi isinilang na muli ay magsalita mula sa kanyang sariling puso, siya’y nagsasabi ng mga salita ni satanas. Kanino kumikilos ang mga salita ni satanas? Ang mga ito ay kumikilos sa mga hindi napatawad sa kanilang mga kasalanan. At si satanas ay maaari ring kumilos sa mga mahihina, kahit pa sila’y isinilang na muli sa kasalanan. Sa ibang salita, ang mga salita ni satanas ay maaaring kumilos

242 Hiniwalay ng Diyos ang mga Tubig sa Pangalawang Araw

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

sa mga tao sa pamamagitan ng mga bata pa sa espiritwal. Tulad ng nasambit, kumikilos din si satanas sa mga hindi isinilang na muli, at ang mga taong ito sa katunayan ang pinakamahusay na mga instrumento para gamitin ni satanas.

Kaya inaakay ni satanas yaong hindi isinilang na muli upang maging deboto, pinagkaloob sa kanila ang kaloob na panlilinlang, at sa pamamagitan nito, maraming tao ang matutungo sa kalituhan. Kapag si satanas ay magbubuyo ng ilang paghihirap sa puso, maari siyang kumilos sa pamamagitan ng mga hindi isinilang na muli. Yaong hindi isinilang na muli, si satanas ay maaaring kumilos upang tiyakin na ang mga tao ay makasusunod sa maluwang na daan. Kung ating titignan ang mga mananampalataya na nasa pangangasiwa ng mga pastor na hindi isinilang na muli, makikita natin kung paano sila puspos ng mga salita ni satanas. Lahat ng bagay na ginagawa ng mga iglesia na pinangungunahan nila ay ang gawain ni satanas. Samakatuwid, ang mga pastor ang unang dapat isilang na muli.

Ang Katotohanan ay Dapat Malinaw na Mahiwalay sa Kamalian

Ang Diyos ay patuloy ding hiniwalay sa pangalawang

araw ng paglikha. Paano Niya hiniwalay? Hiniwalay Niya ang Kanyang Salita mula sa mga salita ni satanas, at hiniwalay Niya ang mga bunga sa mga bunga ni satanas. Kung may isang tao na hindi pa rin tunay na naging matuwid kahit siya’y nananalig kay Jesu-Cristo, kung gayon kailangan niyang malinaw na mabatid na siya yaong umiinom pa rin ng tubig na nasa lupa at nasa ilalim ng control ng diablo. Ang taong nananatili pa ring makasalanan kahit siya’y naniniwala kay

Hiniwalay ng Diyos ang mga Tubig sa Pangalawang Araw 243

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

Jesu-Cristo ng 50 taon, kung gayon ito ay dahil siya’y nananalig sa mga salita ng diablo. Salungat nito, yaong naging matuwid dahil sa pananalig kay Jesu-Cristo at napatawad sa kanilang mga kasalanan sa kanilang puso, at yaong patuloy na namumuhay ayon sa Salita matapos manalig kay Jesu-Cristo, ay yaong umiinom ng tubig na nasa itaas ng kalawakan.

Itong dalawang uri ng tao ay dapat malinaw na mahiwalay sa isa’t-isa. Dapat malinaw na makilala kung ang isang tao ay makasalanan o isang taong matuwid, kung siya’y patungo sa impiyerno o sa Langit, at kung siya’y anak ng Diyos o ng diablo. Ang matuwid ay papasok sa Kaharian ng Langit, nguni’t ang mga makasalanan ay itatapon sa impiyerno.

Hinihiwalay ng Diyos lahat ng tao sa dalawang magkaibang pangkat. Maliwanag Niyang naisagawa ito. Nguni’t kahit malinaw na ginawa ito ng Diyos, maraming tao pa rin ang nalinlang sa kanilang sariling budhi. Kapag ang isang tao ay titignan ang kanyang budhi, walang alinlangang isa siya sa dalawa. Dapat malinaw na makilala kung ang isang tao ay isinilang na muli sa pamamagitan ng pakikinig ng Salita ng Diyos, kung siya’y isang hinirang o isang relihiyoso lamang, kung may kasalanan sa kanyang puso o wala, kung taglay niya ang mga bunga ng Banal na Espiritu o hindi, at kung siya’y nabibilang sa Iglesia ng Diyos o sa pagtitipon ni satanas.

Upang Tayo’y Maligtas sa Ating mga Kasalanan, Dapat Muna Nating Wastong Ihayag ang ating mga Sarili

Lahat tayo ay dapat mabatid na ang Diyos ay malinaw na

hiniwalay ang Katotohanan sa kamalian. Kailangan nating mabatid na dahil ang tao ay nilinlang ang kanilang sariling

244 Hiniwalay ng Diyos ang mga Tubig sa Pangalawang Araw

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

budhi kaya sila’y napapahamak, bagaman hiniwalay ng Diyos ang Katotohanan. Ginawa ng Diyos na imposible para sa tao na sisihin Siya dahil sa pagpapadala sa kanila sa impiyerno. Iyan ay dahil kung ang tao ay tunay na hinahanap ang Diyos at tapat sa Kanyang Salita, sa gayon ang Diyos ay tiyak na lalapitan lahat ng gayong tao sa pamamagitan ng Kanyang Salita ng Katotohanan. Kung ang isang tao ay tapat na titignan ang kanyang puso sa pamamagitan ng Salita ng Diyos, malinaw niyang malalaman kung saang pangkat siya nabibilang. Kaya yaong ang hangarin ay mga kahibangan na nanlinlang sa kanilang mga sarili, at yaong mawawasak sanhi nito, ay walang maidadahilan.

Naroon ngayon ang ilaw dito sa sanlibutan. Naroon ngayon ang ebanghelyo ng Katotohanan ng tubig at ng Espiritu dito sa sanlibutan. Taglay natin ang ebanghelyo ng Katotohanan ng tubig at ng Espritu. Kung inyong wastong natutunan itong Salita, nakita ito, narinig, at pinaniwalaan ito ng buong pananalig, kung gayon kayo, rin, ay mapapalaya sa lahat ninyong kasalanan. Iyan ang katotohanan. Maging ang tubig na nasa ilalim ng kalawakan ay maaaring magbago at maging tubig na nasa itaas nito. Tulad ng singaw mula sa tubig na umaakyat at muling bababa bilang ulan, ang tubig na nasa ilalim ay maaari ring magbago at maging tubig na nasa itaas.

Nguni’t sa kabila nito, sa kabila ng katotohanang ang isang tao ay maaaring magbago tulad nito, ang tao ay nililinlang pa rin ang kanilang mga sarili, at iyan kung bakit sila’y patuloy na nananahan sa kadiliman at patungo sa paghahatol dahil sa kanilang mga kasalanan. Bawa’t makasalanan ay dapat isuko ang kanyang sarili sa Diyos bilang isang makasalanan, manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, at hanapin ang liwanag. Walang iba kundi ito ang wastong kapahayagan ng gagawin.

Hiniwalay ng Diyos ang mga Tubig sa Pangalawang Araw 245

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

Sinasabi sa 1 Juan 1:9, “Kung ipinahahayag natin ang ating kasalanan, at tapat at banal Siya na tayo’y patatawarin sa ating mga kasalanan, at tayo’y lilinisin sa lahat ng kalikuan.” Kayo, rin, at dapat manalig sa Salitang ito: ipahayag, “Panginoon, ako ay may kasalanan sa aking puso. Ako ay isang makasalanan na umiinom ng tubig na nasa ilalim ng kalawakan. Iligtas po ako, Panginoon”; lumapit sa mga lingkod ng Diyos at sa Kanyang Iglesia; pakinggan ang Salita; at tanggapin ang kapatawaran sa inyong mga kasalanan.

Ang Diyos ay nagpatuloy sa paghiwalay sa pangalawang araw. Hiniwalay Niya ang tubig na nasa itaas ng kalawakan sa tubig na nasa ilalim nito, hiniwalay ang Kanyang Salita sa mga salita ni satanas. Hindi natin dapat kaligtaan ang katunayang hiniwalay ng Diyos ang tunay na pananampalataya sa huwad na pananampalataya. Malinaw na hiniwalay ng Diyos ang Katotohanan sa kamalian ng puso ng mga tao. Ang mga makasalanang uminom ng tubig na nasa ilalim ng kalawakan ay dapat tunay na magtungo sa pagtitipon ng mga hinirang na isinilang na muli at magbago. Yamang malinaw na hiniwalay ng Diyos at binuksan ang daan ng buhay, kung ang tao ay patuloy pa rin sa panlilinlang sa kanilang sariling budhi at matatapon sa impiyerno, dapat nating mabatid na ito ay buong kanilang sariling kamalian. Batay sa kung anong uri ng salita ang ating pinapaniwalaan at sinusunod, ang ating mga pagpapala at mga sumpa, ang ating kaligayahan at kalungkutan lahat ay napagpasiya.

Ang Kaligtasan ng isang Tao mula sa Kasalanan ay Batay sa Kanyang Sariling Pagpili

Ang isang tao ay manalig alinman sa tubig na nasa itaas

246 Hiniwalay ng Diyos ang mga Tubig sa Pangalawang Araw

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

ng kalawakan na hiniwalay ng Diyos, o ang tubig na nasa ilalim nito. Batay sa kanya ang kapasiyahan. Yaong naaakit sa tubig na nasa ilalim ng kalawakan at sinusunod ito ay iinumin ang tubig nito at, sanhi nito, ay mabubulok at papanaw. Ang tadhana ng isang tao ay mahahayag ayon sa kanyang sariling pagpili.

Tayo ba’y matutungo sa Langit, o matatapon sa impiyerno? Inihanda na ni Jesu-Cristo kapwa ang Langit at ang impiyerno. Tinupad din Niya ang masaganang kaligtasan, upang ang lahat ay maging matuwid. Kung ang isang tao ay ibig niya ang manatiling makasalanan, kung gayon siya’y maniniwala sa mga salita na walang kakayahang mag-alis sa kanyang mga kasalanan—ito ay, ang tubig na nasa itaas ng kalawakan—nguni’t kung nais niyang maging matuwid, siya’y mananalig sa Salita ng Diyos at iinumin ang tubig na nasa itaas ng kalawakan. Ang Langit at ang lupa ay nakasalalay sa kanyang sariling paniniwala at pagpili. Ginawa na ng Diyos lahat ng bagay. Depende kung alin sa mga ito ang ating pipiliin, tayo ay papapasukin sa Langit o itatapon sa impiyerno. Lahat ng bagay ay tunay na matutupad sa harap ng Diyos alinsunod sa kung paano siya naniniwala.

Aking kapwa mga mananampalataya, nababatid ba ninyo ngayon ang dahilan bakit malinaw na hiniwalay ng Diyos ang Katotohanan sa kamaliang tulad nito? Sa trono ng huling paghuhukom, ang Diyos ay mahigpit na sinabi ang sumusunod: “Malinaw Kong hiniwalay ang tubig na nasa itaas ng kalawakan sa tubig na nasa ilalim, at Aking malinaw na sinabi sa inyo kung ano ang tunay at kung ano ang mali. Bagaman malinaw Kong sinabi ito sa inyo, pinili pa rin ninyo ang mali at ang mga salita ng diablo kaysa sa Akin, at sa gayon nararapat lamang sa inyo ang matungo kung saan naninirahan ngayon ang diablo. Bakit? Dahil kayo ay hindi Aking bayan.”

Hiniwalay ng Diyos ang mga Tubig sa Pangalawang Araw 247

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

Samakatuwid, yaong itatapon sa impiyerno ay wala ng masasabi sa Diyos. Ang kanilang mga labi ay tangan ang mga salita, nguni’t wala silang salita na mabibigkas. Malinaw na binigay ng Diyos sa atin ang ebanghelyo, ang Katotohanan, kaligtasan, buhay na walang hanggan, at mga pagpapala. At yaong naghahanap sa Diyos at tinanggap ang Kanyang Salita sa pananampalataya, pinahintulot ng Diyos sa kanila na kamtan lahat ng pagpapalang ito. Gayon man, yaong hindi uminom ng tubig na nasa itaas ng kalawakan sa huli ay mahaharap sa lahat ng sumpa, dahil sila’y walang kakayahang kamtan ang kapatawaran sa kanilang mga kasalanan. Hiniwalay ng Diyos ang Kanyang mga pagpapala sa Kanyang mga sumpa. Hiniwalay ng Diyos ang Kanyang tunay na Salita sa mga huwad na salita. Hiniwalay nga ng Diyos ang mga ito, tulad ng Kanyang paglikha sa liwanag at hiniwalay ang araw sa gabi.

Ang tadhana ng bawa’t isa ay malalaman ayon sa kung aling bahagi ng Diyos ang kanyang pipiliin habang nabubuhay dito sa lupa. Hindi lamang Niya hiniwalay ang araw sa gabi ng walang dahilan. Maliwanag pag dumating ang araw, nguni’t labis ang kadiliman pagdating ng gabi. Naroon ang kapwa kadiliman at maliwanag na kapamahalaan. Sa ibang salita, tunay na naroon ang kapwa kapamahalaan ng matuwid at ang kapamahalaan ng mga makasalanan.

Dahil malinaw na ginawa ng Diyos ang paghihiwalay, kung ang sinumang nais magtungo sa Langit, ang kanyang gagawin lamang ay malinaw na pananalig sa ilaw, at kung ang nais niya ay matungo sa impiyerno, kung gayon kailangan lamang siyang maniwala sa kadiliman. Gaano man ang galing at kapangyarihan niya, hindi niya mababago at gawing gabi ang umaga at ang gabi upang maging umaga. Gayon din, ang tao ay hindi maaaring muling guluhin ang hiniwalay ng Diyos, at walang makapagbabago sa nagawa ng Diyos.

248 Hiniwalay ng Diyos ang mga Tubig sa Pangalawang Araw

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

Kung ang budhi ng isang tao ay matuwid, wala siyang magagawa kundi ang buong pananalig sa nahiwalay ng Diyos. Kung ang isang tao ay titignan ang ilaw at tatanggapin ito, tatanggapin niya ang Salita ng Diyos na nagmula sa itaas at makakamtan ang walang hanggang buhay. Ang tubig na nasa ilalim ng kalawakan—ito ay, ang mga salita ng sanlibutan—ay itinataas ang mga gawa ng sangkatauhan. Dapat ninyong malinaw na alalahanin na walang ng iba kundi ang mga salita ni satanas na sabihing ang isang tao ay naging matuwid sa pamamagitan ng kanyang sariling karnal na debosyon at pagsisikap, ang pamumuhay na banal na buhay—sa ibang salita, sa pagsunod sa Kautusan at pagiging banal. Upang maging matuwid sa pamamagitan ng kabatiran ng ating mga puso kung paanong ang Salita ng Diyos ay inalis ang ating mga kasalanan, sa pananalig nito at sa hustong pagtanggap bilang ito, ay walang kaugnayan sa mga gawa ng tao. Ang Salita ng Katotohanan ng Diyos na nanaog mula sa itaas, ang tubig na nasa itaas ng kalawakan, ay ang kaligtasang natupad ng Diyos lahat ng Kanyang sarili. Ang ebanghelyo ng Katotohanan ay hindi hinihiling na ang ating mga gawa ay kailangang punan para sa ating kaligtasan.

Ang Salita ng Diyos ay nanaog mula sa itaas, walang-kabiguang nagkaroon ng mga bunga, at muling umakyat sa itaas. Kung kayo’y nananalig sa Salita ng Diyos, ang tubig na nasa itaas ng kalawakan, kung gayon inyong masusumpungan ang inyong kaligayahan, nguni’t kung kayo’y mananalig sa tubig na nasa ilalim ng kalawakan, kayo ay susumpain. At kayo ay dadaan sa matinding mga paghihirap upang susumpain lamang. Ang mga paghihirap ng mga bihag ng legalismong buhay pananampalataya ay malayo sa karaniwan. Ito ay nakalulungkot na makita sila, na nagdurusang lubos sa pag-inom sa tubig na nasa ilalim ng

Hiniwalay ng Diyos ang mga Tubig sa Pangalawang Araw 249

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

kalawakan. Yaong minsang uminom ng tubig na nasa itaas ng

kalawakan, ay hindi na maiinom ang tubig sa ilalim nito. Yaong uminom lamang sa tubig na nasa ilalim ng kalawakan ay hindi maiinom ang tubig na nasa itaas nito. Iyan kung bakit dapat silang manumbalik ngayon.

Ang mga lingkod ng Diyos kung Saan ang Diyos ay Lubos na Nalulugod

Sa pangalawalng araw, hinati sa dalawa ng Diyos ang

tubig na bumabalot sa daigdig, itinaas ang kalahati sa itaas ng kalawakan at iniwan ang isang kalahati sa lupa. At magkahiwalay na pinangalanan ng Diyos ang mga ito: Ang tubig na nasa itaas ng kalawakan at ang tubig na nasa lupa. Bakit pinasulat ng Diyos itong Salita? Pinasulat ba Niya ito upang ating malaman ang payak na katotohanan? Hindi, sinulat ito ng Diyos upang sabihin sa atin na nabubuhay ang Salita ng Diyos at ang mga salita ni satanas.

Iyan ang ginawa ng Diyos sa pangalawang araw. Nakita natin ang Salita na nagsasabing hiniwalay ng Diyos ang liwanag sa kadiliman sa unang araw, at hiniwalay din Niya ang tubig ng Langit mula sa tubig na nasa sanlibutan sa pangalawang araw. Ang Diyos ay nalugod sa paghihiwalay ng tubig ng Langit sa tubig na nasa lupa, at ang liwanag sa kadiliman. Ano, kung gayon, ang tubig ng Langit, at ano ang tubig sa lupa?

Sa sanlibutang ito, may dalawang uri ng tao na nangangaral ng Salita ng Diyos. Isang uri ng tao ay yaong tunay na nagpapalawig ng mga salita ni satanas, at ang isang uri ay yaong nangangaral ng tunay na Salita ng Diyos. Ang

250 Hiniwalay ng Diyos ang mga Tubig sa Pangalawang Araw

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

huling pangkat ay nalalaman ang nasusulat na Salita ng Diyos, pinapanaligan ito at pinangangaral, nguni’t ang naunang pangkat ay ipinapakahulugan nila ang nasusulat na Salita ng Diyos batay sa kanilang sariling mga kaisipang likha ng tao, pinangangaral lamang kung ano ang nakalulugod kay satanas at sa mga tao. Ang gayong tao ay pinapakahulugan ang Biblia animo ito ay isang aklat ng paggabay sa ugali ng sangkatauhan, at nangangaral lamang sila na kapag ang isang tao ay nanalig kay Jesu-Cristo, sa gayon siya’y kailangang maging mabuti. Subali’t, hindi nila nalalaman ang tunay na mensahe ng Salita ng Diyos. Iyan kung bakit sila ay walang kakayahang ipangaral ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.

Sa maikling salita, yaong hindi nangangaral ng ebanghelyo ng tubig at ng dugo ay sila yaong nangangaral ng mga salita ni satanas ngayon. Sila yaong nagpapalawig ng Salita ng Diyos ukol sa asal at moral ng mga tao. Sila ay hindi mga lingkod ng Diyos. Sila ay walang iba kundi mga lingkod ni satanas. Sila ay walang iba kundi mga “mangangalakal,” na ang hanapbuhay ay ang ipangaral ang Salita ni Jesu-Cristo, tulad ng paghahanap buhay ng iba upang mabuhay. Kung ang isang tao ay nabubuhay sa pananampalataya sa pamamahala ng gayong tao, malayo sa paglago sa kanyang espiritwal na pananampalataya, siya’y magwawakas sa kamatayan.

Kapag ating ininom ang tubig dito sa sanlibutan, ang ibang tubig ay may pakinabang sa atin, habang ang ibang uri ng tubig ay makasasama lamang na inumin. Gayon din, kung anong uri ng mga salita ang ating pinakikinggan ay sukdulang mahalaga sa bawa’t ating mga kaluluwa. Maari kayong pagpalain sa kapwa katawan at kaluluwa kung kayo’y makikinig lamang sa Salitang pinangangaral ng mga nagpapalawig ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Kung ang isang mangangaral ay binubuksan ang Salita ng Diyos, at sa

Hiniwalay ng Diyos ang mga Tubig sa Pangalawang Araw 251

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

halip na ipangaral ito upang igiit lamang ang asal ng tao at araling moral, kung gayon yamang ang gayong mga sermon ay mainam sa pandinig, imposible sa mga ito ang magkaroon ng espiritwal na pagbabago. Salungat nito, yaong nakikinig sa gayong mga katuruan ay makikita ang kanilang mga kaluluwa na mahaharap sa espiritwal na kamatayan. Itong mga uri ng salita ay gagawin lamang ang puso ng mga Kristiyano na mahulog sa lalong higit na pagdurusa. Ang tunay na Salita ng tubig at ng Espiritu, salungat nito, ay naghahatid ng kapayapaan at kapahingahan sa ating mga nakikinig nito. Samakatuwid, kapag tayo’y nakikinig sa Salita ng Diyos, hindi ang karunungan ng mangangaral, ang anyo, o tinig ang mahalaga, bagkus ang tunay na mahalaga ay kung ang mangangaral na ito ay tunay na mananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at wastong pinalalawig ito.

Ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay kailangang-kailangan. Sa Mateo 7:15, sinabi ni Jesus, “Mangagingat kayo sa mga bulaang propeta, na nagsisilapit sa inyo na may damit tupa, datapuwa’t sa loob ay mga lobong maninila.” Paano, kung gayon, ating makikilala ang mga huwad na propeta? Sinabi ni Jesu-Cristo na ating makikilala sa pamamagitan ng pagtingin sa kanilang espiritwal na mga bunga.

Maaari bang mamunga ng saging ang puno ng mansanas? Ang puno ng mansanas na hindi malusog na maaari lamang magkaroon ng kaunting bunga, nguni’t ito’y mamumunga pa rin ng mansanas sa buong kapanahunan. Nguni’t kailangan nating mabatid na ang isang halamang matinik ay hindi maaaring mamunga ng mansanas, malusog man ito. Sa ibang salita, kung ang isang taong nangangaral ng Salita, at yaong nakikinig sa kanyang mga salita ay isinilang na muli, kung gayon siya’y isang lingkod ng Diyos. Subali’t, kung ang tao ay

252 Hiniwalay ng Diyos ang mga Tubig sa Pangalawang Araw

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

hindi mahuhugasan sa kanilang mga kasalanan kahit matapos nilang marinig ang mga salitang pinangaral ng taong ito, kung gayon malinaw na ang nangangaral ng Salita ng Diyos ay walang iba kundi isang huwad na propeta. Kung ang kongregasyon ay hindi makakamit ang kapatawaran sa kanilang mga kasalanan kahit pa patuloy nilang naririnig ang mga salitang pinangangaral ng kanilang mangangaral ng isang araw, dalawang araw, o maging isang taon, kung gayon ang problema ay nasa mangangaral. Sa ibang salita, ang mga huwad na propeta sa kanilang mga sarili ay hindi nalalaman kung paano isilang na muli sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ni sila’y nananalig dito, at kung kaya ang tinuturo lamang nila sa mga tao sa pamamagitan ng kanilang mga salita na kamtan ang kapatawaran sa kanilang mga kasalanan.

Hindi natin masasabi na ang isang tao ay isang huwad na propeta o hindi sa pamamagitan lamang ng pagtingin sa kanyang panlabas na anyo. Kapag ating naiisip ang mga huwad na propeta, inaakala natin na ang kanilang anyo ay magbibigay ng magaspang, malupit, at hindi kanais-nais na anyo, bagkus ito sa katunayan ay malayo sa pangyayari. Ang mga sinungaling ay inahahayag ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng lalong higit na kababaang-loob, tulad ng maamong tupa. Tinutukoy sila, sinabi ng Biblia, “At hindi katakataka! Sapagka’t si satanas man ay nagpapakunwaring anghel ng kaliwanagan” (2 Corinto 11:14).

Iyan kung bakit labis na maraming tao ang nalinlang nila. Ang mangangaral na nagbibigay sermon na hindi isinilang na muli ay isang huwad na propeta. Ganito ang mga huwad na propetang tinutukoy ng Biblia. Ang panlabas na anyo na nakikita ng ating mga mata ay ganap na walang kaugnayan sa Katotohanan. Kaya kahit pa ang ilang tao ay personal na nananakit sa atin, tayo ay maayos pa rin, hanggang tayo’y

Hiniwalay ng Diyos ang mga Tubig sa Pangalawang Araw 253

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

nananalig sa nasusulat na Salita ni Jesu-Cristo. Inaakay ng mga huwad na propeta ang di-mabilang na tao

sa kapahamakan. Sila’y patungo sa impiyerno sa pamamagitan lamang na kanilang mga sarili, nguni’t dala nila ang marami pa sa kanila. Dahil ito ang kanilang tungkulin bilang mga sinungaling. Ang mga huwad na propeta ay labis na bihasa sa kanilang tungkulin sa panlilinlang ng mga tao, at kung kaya para sa kanilang ikinabubuhay para sa kanilang nalalabing mga buhay, sila ay walang dapat ipangamba. Ang kanilang kongregasyon, walang muwang at ganap na walang kaalaman ng ibang bagay, ginagalang sila bilang mga pastor, binibigyan sila ng mga kaloob at pinaglilingkuran sila. Kaya ang mga sinungaling ay nabubuhay sa marangyang mga mansyon, nakasakay sa magagarang mga sasakyan, at namumuhay na marangya, lahat ng salapi na hinandog ng kongregasyon. Iyan kung bakit dapat mag-ingat sa mga huwad na propeta.

Subali’t, sa halip na punahin lamang sila, ang ating gagawin lamang ay huwag magtungo sa kanilang mga pagtitipon. Yaong nakamtan ang kapatawaran sa kanilang mga kasalanan ay hindi dapat isagawa ang gawain ng Diyos kasama ang mga huwad na propeta. Kapag ang mga hinirang na matuwid ay sumasamba sa Diyos, sila’y dapat magtitipon-tipon lamang kasama ang kanilang kapwa mga hinirang na isinilang din muli sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Sinasabi ng Biblia na kung mayroong dalawa o tatlong nagtitipon sa pangalan ng ating Panginoon, Siya’y naroon kasama nila. Itong dalawa o tatlong tao ay tumutukoy sa mga matuwid na nagkamit ng kapatawaran sa kanilang mga kasalanan. Ang mga matuwid ay kailangang magtipon-tipon lamang kasama ang kanilang kapwa taong matuwid, makinig sa Salita at pag-aralan ito na magkasama, at purihin ang Diyos at sundin Siya sa pananampalataya; silang lahat ay kailangan, kung gayon,

254 Hiniwalay ng Diyos ang mga Tubig sa Pangalawang Araw

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

maging maayos. Kahit pa dalawa lamang o tatlong tao na isinilang na muli, kung ang taong unang isinilang na muli ay pinangangaral ang Salita at ang lahat ay nananalig sa Salitang ito at kaisa sa kalooban ng Panginoon, silang lahat kung gayon ay pagpapalain ng Diyos. Sa halip na punahin ang iba, alamin natin kung ano ang tunay na sinasabi ng Salita ng Biblia, at mamuhay sa ating pananampalataya. Ito lahat ang ating dapat isagawa.

Sa pagbabalik ng ating Panginoon sa hinaharap, ang mga huwad na propeta at maraming mga mananampalataya na sumusunod sa kanila ay haharap sa Panginoon at sasabihing, “Panginoon, Panginoon, nagpalayas ako ng mga demonyo sa Inyong pangalan, ako’y nagbigay hula sa Inyong pangalan, at nakagawa ako ng maraming himala sa Inyong pangalan.” Sasabihin nila na nang sila’y naririto sa lupa, sila’y nagpatayo ng malalaking mga iglesia at inakay ang maraming tao kay Jesu-Cristo. Sa sandaling yaon, gayon man, sasabihin ng ating Panginoon sa kanila, “Hindi Ko kayo nakikilala.” Isisigaw ng Panginoon sa kanila, “Kayong mapagkunwaring matatalino at mga magnanakaw!” At Kanyang iuutos, “Itapon sila sa kadiliman!” Gaano ang katarungan ng paghahatol ng ating Panginoon? Hindi na kailangan ang labis na masusing pangangatwiran sa tiyak na mga puntos. Ipapadala na lamang Niya sa impiyerno yaong mga patungo sa impiyerno, at ipapadala sa Langit yaong nagkamit ng kapatawaran sa kanilang mga kasalanan dahil sa pananalig sa bautismo ni Jesu-Cristo at sa Kanyang dugo sa Krus. Si Jesu-Cristo, ang Siyang tapat na humahatol, ay ang Pinakamataas na Hukom sa Langit.

Sa unang araw ng Kanyang paglikha sa langit at sa lupa, ang Panginoon ay nangusap kung paano ang mga tao ay makakamit ang kapatawaran sa kanilang mga kasalanan sa

Hiniwalay ng Diyos ang mga Tubig sa Pangalawang Araw 255

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, at sa pangalawang araw, sinabi Niya sa mga tumanggap ng kapatawaran sa kanilang mga kasalanan na mag-ingat sa mga salita ni satanas. Sinabi Niya sa mga matuwid na huwag inumin ang tubig na inaalok ni satanas, bagkus sa halip ay kamtan ang espiritwal na pananampalataya sa pamamagitan ng pagkain sa Salita ng Katotoahanan ng Diyos.

Aking kapwa mga mananampalataya, kapag ating binibigyang kahulugan ang Salita ng Diyos, dapat nating ipakahulugan ito at panaligan ayon sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. At yaong nangangaral ng Salita ng Diyos ay dapat ipangaral ang ebanghelyo ng Katotohanan ng tubig at ng Espiritu. Yaong nakarinig ng Salita, sa kabilang dako, ay dapat kanin at mamuhay sa Salita na nagmumula sa mga lingkod ng Diyos. Sa ngayong talata sa Kasulatan, ang espiritwal na kahulugan ng tubig na nasa ilalim ng kalawakan—ito ay, ang tubig na nasa lupa—ay ang mga salita ng mga huwad na propeta. Iyan kung bakit sinasabi ng Biblia sa atin na huwag makinig sa kanila o kumain sa kanila. Maging yaong nakarinig ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at nagkamit ng kapatawaran sa kanilang mga kasalanan, labis na maraming tao na ang kanilang espiritwal na pananampalataya ay labis na mura pa kung saan sila’y walang kakayahang makilala ang mga katuruan ng mga huwad na propeta, tanggapin sila, at sanhi nito, magwawakas sa espiritwal na kamatayan.

Kapag ating naririnig ang Salita ng Diyos, may mga tiyak na bagay kung saan tayo’y dapat espiritwal na maging maingat. Una, kailangan nating suriin upang makita kung yaong nangangaral ng Salita ng Diyos sa atin ay nalalaman ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ang Salita ng Diyos, nananalig at pinangangaral ito.

Ang mga lingkod ng Diyos ay dapat yaong isinilang na

256 Hiniwalay ng Diyos ang mga Tubig sa Pangalawang Araw

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

muli sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ganito nga upang ang lahat ay magkaroon ng pananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Tayong lahat ay magtiwala sa mga lingkod ng Diyos at sundin sila hanggang sila’y tunay na nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Dapat nating tanggapin ang payo ng mga sumusunod sa kalooban ng Diyos. Sa madaling salita, ang kanilang sinasabi ay Salita ng Diyos. Iyan ay dahil ang Diyos ay nangungusap sa Kanyang mga hinirang sa pamamagitan ng Kanyang mga lingkod.

Isa pang bagay na ating dapat mabatid dito na posible maging para sa mga lingkod ng Diyos na magkaroon ng mga kakulangan at kahinaan sa laman. Kung ang mga lingkod ng Diyos ay naniniwala at nangangaral ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, kung gayon kailangan nating kilalanin at tanggapin ang kanilang karnal na mga sarili. Tulad halimbawa, kung ang isang lingkod ng Diyos ay pangit, huwag nating isipin, “Ang lingkod ng Diyos ay dapat magandang lalaki; bakit siya pangit kung gayon?” Malayo nito, sa halip tayo ay magpasalamat sa Diyos para sa kanya, sabihing, “Ang Diyos ay nagtalaga ng isang tao tulad niya at ginagamit siya bilang Kanyang lingkod.”

Sa madaling salita, hindi natin dapat husgahan ang mga lingkod ng Diyos na nangangaral ng banal na ebanghelyo batay sa kanilang panlabas na anyo. Ni ating dapat gawan ng isyu sanhi ng gayong palaisipang mga paksa tulad ng kanilang natapos na edukasyon o edad. Ang dapat maging malinaw ay kung ang kanilang mga puso ay pinapahalagahan ang Salita ng Diyos o hindi, nalalaman ang Kanyang kalooban, at sinusunod ito sa pamamagitan ng pananampalataya.

Higit sa lahat, ang mga lingkod ng Diyos ay dapat magkaroon ng pananampalataya sa Salita ng Diyos. Ang ating dapat pahalagahan at igalang ay ang pananampalataya ng mga

Hiniwalay ng Diyos ang mga Tubig sa Pangalawang Araw 257

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

lingkod ng Diyos. Dapat nating makita at tularan kung gaano nila pinahahalagahan ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, gaano ang pasasalamat nila sa Diyos, gaano ang dami ng kanilang inihandog para sa ebanghelyo, paano sila patuloy sa labis na pagpapagal sa pagpapalawig ng ebanghelyo, kung gaano nila iniibig ang mga kaluluwa, at kung paano nila hinandog ang kanilang mga puso para sa kanilang kaligtasan. Dapat nating igalang ang mga unang naging mga lingkod ng Diyos, at dapat nating sundin sila sa pananampalataya. Sa gayon lamang tayo iibigin ng Diyos.

Ang Diyos ay kumikilos sa gitna ng espiritwal na kaayusan. Iyan ay dahil ang Diyos ay hindi Diyos ng kalituhan, bagkus Siya ang Diyos ng kaayusan. Kayo ba ngayon ay may pananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu? Maari ba ninyong tiwalang sasabihin na kayo ay isinilang na muli sa pamamagitan ng Salita ng Katotohanan, sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu? Kung gayon, kayo nga ngayon ay tunay na isinilang na muli dahil sa pananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Kapag may magtanong sa inyo kung kayo ay may kasalanan, malinaw ninyong maisasagot sa kanya, yamang kayo ngayon ay nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Maaari ninyong ipatotoo ngayon na kayo ay napatawad sa lahat ninyong kasalanan at isinilang na muli sa pamamagitan ng ebanghelyo ng Salita ng tubig at ng Espiritu. Kung ito kayo, sa gayon kayo ay bayan ng Diyos at ginagamit ng Diyos bilang Kanyang mga insrumento.

Ngayon, may isang bagay na inyong dapat malaman. Kapag ang mga lingkod ng Diyos ay pinangangaral ang ebanghelyo ng Salita ng tubig at ng Espiritu, dapat ninyong suriin ang inyong mga sarili upang malaman kung kayo’y tunay na isinilang na muli sa pananampalataya. Sa araw na ito,

258 Hiniwalay ng Diyos ang mga Tubig sa Pangalawang Araw

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

di-mabilang ng mga tao ang nagdaan sa inyo, tinuturo sa inyo ang ibang bagay kaysa ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Nguni’t kapag ang mga lingkod ng Diyos ay nangangaral ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ang Salita ng Diyos, kayong lahat sa gayon ay dapat pagnilayang mabuti sa inyong mga sarili at suriin kung kayo ay nagkamit ng kapatawaran sa inyong mga kasalanan sa pamamagitan. Tayong lahat ay dapat malinaw na malaman ang ebanghelyo ng Katotohanan ng tubig at ng Espiritu. At dapat nating panaligan ito.

Mula ngayon, kayo ay dapat mamuhay sa pananampalataya na tinatanggap ang mga salita, at payo ng mga lingkod ng Diyos na nangangaral ng buhay na Salita sa inyo. Ang inyong buhay pananampalataya ay dapat isapamuhay sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. At dapat din kayong magkaroon ng pananampalataya sa mga lingkod ng Diyos.

Sa ibang mga paraan, ito ay tila hinihiling ko sa inyo na ako ay kilalanin ninyo. Nguni’t sukdulang hindi ito ang hangarin ko sa pagsabi nito. Lahat ng aking nagawa ay ipangaral lamang sa inyo ang ebanghelyo ng Salita ng tubig at ng Espiritu na natupad ayon sa kalooban ng Diyos. Kung kaya habang may kasalanan sa inyong mga puso noon, ngayon, yamang inyong narinig ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, inyong nabatid, “Kinuha ni Jesu-Cristo ang aking mga kasalanan tulad nito, sa pamamagitan ng bautismo ni Juan Bautista.”

Kayo ngayon ay nanalig na ang inyong mga kasalanan ay inalis ng nasusulat na ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ng Diyos. Ngayon, ito ay batay sa kapasiyahan kung paano kayo umasal ng inyong mga sarili, hindi ninyo malulugod ang Diyos o mapalulungkot Siya. Tulad lamang ng liwanag at kadiliman na hiniwalay, tulad ng tubig ng Langit at ang tubig sa lupa ay

Hiniwalay ng Diyos ang mga Tubig sa Pangalawang Araw 259

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

malinaw na hiniwalay, kaya ang inyong pananampalataya ay dapat mahiwalay sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ang inyong pananampalataya ay mahiwalay mula sa bagong pananampalataya na inyong taglay ngayon. Inyo ngayong dapat hatulan ang inyong mga sarili, “Ako ba ay isang makasalanan pa rin hanggang ngayon, o ako ay naging taong matuwid sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu?” Kung kayo ay tunay na taong matuwid o mga makasalanan sa harap ng Diyos ay napagpasiyahan batay sa kung kayo ay nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu o hindi.

Kayo ba’y nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu? Kung oo, kayo ba kung gayon ay taong matuwid o mga makasalanan? Kayo ay taong matuwid. Niligtas tayo ng Panginoon sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Kaya, kayo ay naligtas sa pamamagitan ng pananalig sa Katotohanang ito.

Kung ito ang pangyayari, sa gayon may isa pang nalalabing bagay na kailangan ninyong gawin, at ito ay ang baguhin ang inyong isipan na kayo’y mamumuhay bilang mga lingkod ng Diyos o mga lingkod ni satanas, hiniwalay ang dalawa sa inyong mga puso. Ang pangangaral ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa iba ay ang paraang mamuhay bilang isang lingkod ng Diyos. Kayo, rin, ay dapat mamuhay tulad nito. Ito ay itinalaga sa pamamagitan ng Salita na inyong pinapanaligan.

Sa pamamagitan ng pananalig ng ating mga puso sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay ating nakamit ang kapatawaran sa ating mga kasalanan. At upang tayo ay magpatuloy sa ating buhay pananampalataya pagkatapos, at mapaglingkuran din ang Panginoon, sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu kaya ang

260 Hiniwalay ng Diyos ang mga Tubig sa Pangalawang Araw

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

dalawang ito ay naging posible. Ang pundasyon ng ating pananampalataya ay walang iba kundi ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Upang hindi na muling uminom sa tubig na nasa ilalim ng kalawakan, nararapat lamang sa mga nagkamit ng kapatawaran sa kanilang mga kasalanan na magsama-sama at sambahin kasama ang kapwa mga hinirang. Ang ating pananampalataya ay kailangang lakipan ng gawa.

Sa madaling salita, kapag tayo ay nanalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, dapat tayong makinig sa Salita mula sa Langit, hindi sa nangangaral ng mga salita ng lupa. Kung, matapos manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, kayo ay muling nagpasailalim ng inyong mga sarili sa mga hindi isinilang na muli, nakinig sa mga salitang pinangaral nila, at walang saysay na sumamba, sa gayon kayo ay muling mahuhulog at magbabalik bilang mga lingkod ng diablo.

Dapat tayong magkaroon ng pananampalataya sa sinasabi ng Diyos sa pangalawang araw ng paglilikha. Dapat tayong manalig sa ginawa ng Diyos sa pangalawang araw at sundin ito. Dahil ang ginawa ng Panginoon sa unang araw—ito ay, ang pagliligtas sa atin sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu—ay natupad na sa atin, at kung gayon dapat tayo ngayong mamuhay na nagtitiwala sa dalisay na Salita ng Diyos. Kung kayo ay nananalig sa ginawa ng Diyos sa pangalawang araw at sundin ito, sa gayon Siya’y masaganang pagpapalain Niya. Kayo ay pinagpala ng Diyos o hindi ay bunga ng inyong pagsunod sa kalooban ng Diyos o hindi. Kapag tayo lamang ay sumunod sa Salita na sinabi ng Panginoon sa pangalawang araw tayo’y wastong mamumuhay sa pananampalataya.

Alam ko na kayo ay marurunong. Yamang narinig ang Salita ng Katotohanan, kayo marahil ay balisa kung paano kayo mamumuhay sa pananampalataya. Mayroon ngayong bagay na gawin ang mga mananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng

Hiniwalay ng Diyos ang mga Tubig sa Pangalawang Araw 261

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

Espiritu. Nang ating makamit ang kapatawaran sa ating mga kasalanan, dapat nating sundin ang mga lingkod ng Diyos. Bago kayo isinilang na muli, kayo’y nakikinig sa mga sinungaling na nangangaral ng tubig sa lupa. Nguni’t hindi ito ang nais ninyo. Dahil hindi ninyo nalalaman ang Katotohanan. Bago kayo isilang na muli, wala kayong mapipilian kundi ang makinig sa mga salita ng mga hindi isinilang na muli.

Subali’t, ngayon kayo ay nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, dapat ninyong piliin ang katuwiran ng Diyos. “Aling mga salita ang ating dapat piliin?” “Sino ang mga tunay na lingkod ng Diyos na nangangaral ng Kanyang Salita?” Ang gayong mga tanong ay buong sa inyong kapasiyahan at kasagutan. Ito ang inyong dapat gawin. Walang iba makagagawa nito para sa inyo. Totoo na ang mga tunay na lingkod ng Diyos ay maaaring magpayo sa inyo. Nguni’t tayong lahat ay dapat ibigin ang mamuhay ayon sa kalooban ng Diyos. Kung ito ang kalooban ng Diyos, sa gayon tayo ay walang magagawa. Wala tayong dapat gawin ng ating sarili. Sa ibang salita, hindi natin magagawa anuman ang ibigin natin. Ngayong nalalaman natin ang kalooban ng Diyos, tungkulin nating sundin ang kaloobang ito.

Ngayon, kailangang ninyong baguhin ang inyong buhay pananampalataya. Kailangan kayong mamuhay sa pananampalataya na nasa ibang palapag mula sa inyong pinamumuhay. Mayroong buhay pananampalataya na nakahihigit kaysa sa inyong pinamumuhay. Ang mamuhay sa gayong buhay pananampalataya, dapat kayong pangunahan. Bakit? Dahil ito ang paraan upang kayo ay pagpalain ng Diyos. Aking kapwa mga mananampalataya, nais ba ninyong pangunahan kayo?

Dapat ay may mga lingkod ng Diyos na nangangaral ng Kanyang Salita sa inyo. Umaasa rin ako at nagnanais na ang

262 Hiniwalay ng Diyos ang mga Tubig sa Pangalawang Araw

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

gayong mga manggagawa na nangangaral ng Salita ng Diyos ay magmumula sa inyo. Ang pagiging manggagawa ng Diyos ay hindi bagay na mangyayari na lamang biglaan sa pamamagitan ng kagustuhan ng isang tao. Upang maging ministro ng Salita, kailangan kayong patuloy na makinig at aralin mula sa mga salita ng mga naunang maging mga lingkod ninyo, na nangangaral ng ebanghelyo ng Salita ng tubig at ng Espiritu sa inyo. Aking pinangangaral ang Salita ng Diyos sa inyo, nguni’t mayroon ba kayong hindi naunawaan? Ating wastong narinig ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.

Marami sa atin ang nakarinig nitong Salita sa unang pagkakataon, nguni’t nagustuhan ba ninyo ito? Ito ay mahirap maunawaan? Mayroong di-mabilang na mga hiwagang nakakubli sa Biblia, hindi lamang ang ebanghelyo ng Katotohanan na nagtulot sa atin na kamtan ang kapatawaran sa kasalanan, kundi mga hiwaga ukol sa Iglesia ng Diyos, ang Kanyang mga lingkod, at ang espiritwal na wastong buhay pananampalataya. Subali’t, hanggang sa araw na ito marami sa inyo ang kumakain lamang ng damo, hindi ng espiritwal na pagkain ng Salita.

Ang aking layon ay ang kasipagang pagsamahin at ilathala ang aking mga sermon sa pagpapaliwanag ng Salita ng Diyos at ipagkaloob ito sa inyo. Patuloy kong ipagkakaloob sa inyo ang tubig na nasa itaas ng kalawakan. Lahat ba ng ngayong Salita ay narinig bilang buhay na Salita ng Diyos? Kung gayon, dahil kayo’y nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. At dahil ako’y nananalig sa buhay na ebanghelyo ng Salita ng tubig at ng Espiritu, naipangaral ako ito ng husto. Sa Panginoon na nagbigay sa atin ng tubig na nasa itaas ng kalawakan, ating binibigay lahat ng ating pasasalamat.

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

Upang Matupad ang Kalooban ng Diyos

< Genesis 1:9-13 > “At sinabi ng Dios, ‘Mapisan ang tubig na nasa silong

ng langit sa isang dako, at lumitaw ang katuyuan,’ at nagkagayon. At tinawag ng Dios ang katuyuan na Lupa, at ang kapisanan ng tubig ay tinawag Niyang mga Dagat; at nakita ng Dios na mabuti. At sinabi ng Dios, ‘Sibulan ang lupa ng damo, pananim na nagkakabinhi, at punong kahoy na namumunga ayon sa kaniyang pagkakahoy, na taglay ang kaniyang binhi sa ibabaw ng lupa, at nagkagayon.’ At ang lupa ay sinibulan ng damo, pananim na nagkakabinhi, ayon sa kaniyang pagkapananim, at ng punong kahoy na namumunga, na taglay ang kaniyang binhi, ayon sa kaniyang pagkakahoy, at nakita ng Dios na mabuti. At nagkahapon at at nagkaumaga ang ikatlong araw.”

Ngayon, nais kong ibahagi sa inyo kung ano ang ginawa

ng Panginoon sa ikatlong araw ng paglikha. Sa pangalawang araw, pinaghiwalay ng Diyos ang tubig na nasa itaas ng kalawakan sa tubig na nasa ilalim nito, nguni’t kahit pagkatapos nito, ang ibabaw ng lupa ay nababalutan pa rin ng tubig. Nang dumating ang ikatlong araw, sinabi ng Diyos, “Mapisan ang tubig na nasa silong ng langit sa isang dako, at lumitaw ang katuyuan,” at nagkagayon. Sinabi rin Niya, “Sibulan ang lupa ng damo, pananim na nagkakabinhi, at punong kahoy na namumunga ayon sa kaniyang pagkakahoy,

264 Upang Matupad ang Kalooban ng Diyos

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

na taglay ang kaniyang binhi sa ibabaw ng lupa,” at ito, rin, ay naganap sa utos ng Diyos.

Sa ikatlong araw din, kumilos ang Diyos sa pamamagitan ng Kanyang Salita, at ang Biblia ay sinambit ng dalawang ulit na nang makita ay naisakatuparan, “nakita ng Dios na mabuti.” Ang Diyos ay nalugod nang makita ang paglitaw ng tuyong lupa, at Siya’y muling nalugod nang makita ang lupa na sumisibol ang mga halaman at ang mga puno na namumunga.

Nang ang ibabaw ng lupa ay nababalutan ng tubig, ang lupa ay natatakpan pa. Kung wala ang tuyong lupain, ang daigdig ay maganda sa paningin gaano man ang karumihan nito, yamang ito ay natatakpan ng tubig. Nguni’t, ginawa ng Diyos ang tuyong lupa na nababalutan ng tubig na lumitaw, at tinawag na “daigdig.” Nang lumitaw ang daigdig na nababalutan ng tubig, sinabi ng Diyos na ito ay mabuti. Bakit, kung gayon, ang Diyos ay nalugod na makita ang paglitaw ng tuyong lupa?

Sinabi rin ng Diyos, “Sibulan ang lupa ng damo, pananim na nagkakabinhi, at punong kahoy na namumunga ayon sa kaniyang pagkakahoy.” Ang lupa dito ay siyang daigdig ay tumutukoy sa puso ng tao, sa makasalanang likas ng sangkatauhan. Ang puso ng tao ay sukdulang mapanlinlang at wasak. Ito ay marumi at masama na hindi mailalarawan. Subali’t, sa lahat nitong di-mabilang na mga tao, hindi marami ang nakakaalam na ang kanilang tuyong lupa (ang puso) ay likas na masama.

Sa anong uri ng tao, kung gayon, ang mga bunga ng katuwiran na isinilang sa kasaganaan? Sinabi ng Biblia na ang mga bunga ng katuwiran ay isinilang ng mga nakakaalam na ang kanilang pangunahing likas ay kasamaan.

Itong panuntunan ay salungat sa makamundong panuntunan. Sa sanlibutan, sinasabi na ang puso ng tao ay

Upang Matupad ang Kalooban ng Diyos 265

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

dapat maging mabuti at malinis upang kamtan ang mga pagpapala ng Langit at magkaroon ng maraming bunga. Maraming tao ang nakakaunawa nito, pinapaniwalaan, at isinasagawa ito. Subali’t, sinasabi ng Salita ng Katotohanan na upang magkaroon ng maraming bunga ng Katotohanan, dapat nating alamin na ang ating puso ay puno ng kasamaan.

Sinabi ng ating Panginoon, “Sapagka’t mula sa loob, mula sa puso ng mga tao, lumalabas ang masasamang pagiisip, ang mga pakikiapid, ang mga pagnanakaw, ang mga pagpatay sa kapuwa-tao, ang mga pangangalunya, ang mga kasakiman, at mga kasamaan, ang pagdaraya, ang kalibugan, ang matang masama, ang kapusungan, ang kapalaluan, at kamangmangan. Ang lahat ng masasamang bagay na ito ay sa loob nagsisipanggaling, at nangakakahawa sa tao” (Marcos 7:21-23).Yaong nakakaalam ng kanilang makasalanang likas na mga sarili tulad nito, sinabi ng Biblia, ang naliligtas.

Ang sinasaad ng talatang ito idinidiin ang pangangailangan upang wastong malaman ano ang naroon sa pangunahing puso ng tao. Ang isang tao marahil ay nakamtan ang kapatawaran sa kanyang mga kasalanan, nguni’t siya marahil ay namumunga ng mabuting mga bunga o hindi, batay sa kung inaamin niya na ang kasamaang katangiang nakatala sa Marcos 7:21-23 ay naroon sa kanyang puso, o kung inaamin niya na isa lamang o dalawa at pinagkakaila ang iba—sa ibang salita, kung siya’y buong nananalig sa Salita na naghahayag ng ating likas na katauhan.

Sa pamamagitan ng Kanyang gawaing natupad sa ikatlong araw ng paglikha, malinaw na pinakikita ng Diyos na ang ebanghelyo ay nagkakaroon ng masaganang mga bunga sa pamamagitan ng mga taong nalalaman na ang kanilang likas na mga sarili ay marumi at may amoy. Ang karnal na kaisipan ng sangkatauhan ay palaging masama. “Ako ay mayroong karnal

266 Upang Matupad ang Kalooban ng Diyos

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

na likas sa pagpapatay ng tao, ako ay mangangalunya, at ako ay mahalay. Ito kung sino ako sa kalikasan”—sa pamamagitan ng gayong mga taong tapat kumikilala ng kanilang mga sarili ang Diyos ay nagkakaroon ng mga espiritwal na bunga.

Tulad ng inilalarawan ng ngayong talata sa Kasulatan, nang sabihin ng Diyos, “at lumitaw ang katuyuan,” at nagkagayon. Bakit, kung gayon, inutos ng Diyos sa tuyong lupa na lumitaw? Ang daigdig ay nababalutan ng tubig, at gaano man ang karumihan ng tubig na ito na nasa ilalim ng kalawakan, ang tubig ay tubig pa rin; at nang ang lahat ng dumi ay lumubog sa ilalim, ito ay malinaw tignan sa paningin. Subali’t, sa pagpapalitaw sa tuyong lupa, nais ng Diyos sa sangkatauhan na mabatid ang kanilang likas na mga sarili. Ang sinasaad nito ay ang ating malaman kung gaano ang karumihan at mabaho tayong mga nilalang at maliligtas sa pamamagitan ng pananalig kay Jesu-Cristo, at sa pamamagitan ng gayong mga tao ang mga bunga ng pananampalataya ay isinisilang.

Saan higit na mabuting lumalaki ang mga punongkayo? Higit na mabuting lumalaki ang mga ito sa isang bukid na puno ng dumi. Ang punongkahoy dito ay tumutukoy sa isang taong nagkamit ng kapatawaran sa kanyang mga kasalanan. Kanino isinisilang ang mga bunga ng ebanghelyo? Sinabi ng Diyos na ang espiritwal na mga bunga ay isinisilang sa pamamagitan ng mga tunay na nakakakilala sa kanilang mga sarili bilang sila, yaong tinatanggap ang Salita ng Diyos bilang ito, at yaong inaamin ng kanilang mga sarili sa Diyos ayon sa Kanyang Salita, sinasabing, “Sa aking laman ay taglay ang mga pita ng laman, ako ay magnanakaw, isang mangangalunya, isang mahalay, isang tao na ang mga kaisipan ay masama, palalo at hangal.” Ito ay ganap na salungat sa mga katuruan ng sanlibutan.

Sinasabi ni Jesu-Cristo, “Alamin ninyo kung gaano ang

Upang Matupad ang Kalooban ng Diyos 267

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

karumihan ng inyong mga puso.” Sinasabi Niya, “Sa inyong mga puso, ay naroon ang masasamang mga kaisipan, pagpatay sa tao, pangangalunya, pagnanakaw, pag-iimbot, kahalayan, kahangalan, kapalaluan, at iba pa.” Sa pamamagitan ng mga, sa kabila nito, hindi kumikilala sa Salita ng Panginoon at hindi nailantad ang kanilang ganap na makasalanang mga sarili, imposible ang magpalaki ng punongkahoy, ni magkaroon ng anumang bunga. Dahil ang gayong tao na hindi buong hinayag ang kanilang mga sarili, kahit pa matapos silang mapatawad sa kanilang mga kasalanan, hindi mamumunga tulad ng iba na hindi maliligtas sa pamamagitan nila—salungat nito, tanging ang kanilang pagkukunwari ang malalantad.

Sa espiritwal na pananalita, hindi mabuting bagay para sa inyo na marinig ang iba sa pasabi ng iyong kabaitan o kabutihan. Ang inyong likas na mga sarili ay ang mga isinulat sa itaas, kaya ang inyong kabaitan ay panlabas na pagkukunwari lamang. Sinasabi ng Diyos sa atin, “Kayo ay mga taong masasama, kayo ay mangangalunya, mapag-imbot, at mga magnanakaw, kayo ay marurumi at mabaho, walang iba kundi tambakan ng basura at imburnal”; ngunit sa kabila nito, kung titignan ang ating mga sarili, hindi ito ang ating nakikita. Maari nating aminin ang isa o dalawang pagkakamali, nais pa rin nating ipilit na ating taglay ang malinis na tubig. Maging ang imburnal ay tila malinis tignan, kung ito ay walang agos, yamang ang dumi ay lulubos sa ilalim at ang ibabaw nito ay tila malinaw. Nguni’t nangangahulugan ba nito na ang tubig sa ibabaw na tila malinaw ay tunay na malinis? Ito ay tila malinaw sa mata, at ito pa rin ay maruming tubig na puno ng lahat ng uri ng mikrobyo. Gayon din ang pagkukunwari ng tao tulad nito.

268 Upang Matupad ang Kalooban ng Diyos

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

Higit na Masama Kaysa Anumang Bagay Ay ang Puso ng Tao

Ay Diyos ay nangungusap ng Katotohanan, na nagsasaad

ng buong kabaligtaran sa mga kaisipan ng sangkatauhan. Ang kahulugan ng “at lumitaw ang katuyuan,” na ang tunay na sarili ng isang tao ay nabunyag. Sinasabi ng Diyos na Kanyang aanihin ang mga bunga ng ebanghelyo sa pamamagitan ng mga, dahil sa pananalig sa Salita ng Diyos, nakabatid at tapat umamin ng kanilang tunay na mga sarili, sinasabing, “Sa aking laman ay mayroong hangaring pagpatay, isang puso ng pangangalunya, pagnanakaw, pakikiapid, kapalaluan, kahangalan, at pagbibigay ng maling saksi.” Kailangan nating kilalanin kung ano ang inihayag ng Diyos ukol sa kalikasan ng tao: “Ang puso ay magdaraya ng higit kay sa lahat ng bagay, at totoong masama” (Jeremias 17:9). Muli, ito ay ganap na salungat sa mga katuruan ng sanlibutan.

Aking kapwa mga mananampalataya, maaari kayong magmalaki sa ebanghelyo at maitatas si Jesu-Cristo kung inyo lamang nakikilala ang kasamaan ng inyong mga sarili. Kung wala kayong maipagmamalaki, inyong maipapangaral lamang si Jesu-Cristo at magmalaki lamang kay Jesu-Cristo. Bukod sa ginawa ni Jesu-Cristo, lahat ng bagay ay marumi at mabaho, at yaong wastong nalalaman ito ay maaaring magpatotoo kahit kailan at kahit saan, “Niligtas ni Jesu-Cristo maging yoang tulad ko sa paraang ito. Kayo rin, ay ang uri ng tao na inihayag sa Marcos 7, at dapat din kayong maligtas.”

Aking kapwa mga mananampalataya, naniniwala ba kayo na kayo ay tunay na masasamang tao tulad ng sinabi ng Diyos? Naniniwala ba kayo na bawa’t tao ay tulad nito? Ginawa ng Diyos ang gayong tao tulad natin na magkaroon ng bunga ng Banal na Espiritu. Sino, kung gayon, yaong hindi kinikilala ang

Upang Matupad ang Kalooban ng Diyos 269

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

kanilang kasamaan? Sila yaong, itinatago lahat ng uri ng karumihan sa kanilang mga puso, nagkukunwaring mabait, nagtutungo sa iglesia sa araw ng Panginoon ang Biblia ay dala sa kanilang tagiliran at pakunwaring nakangiti, sumasamba sa huwad na kabanalan sa loob ng iglesia, at nagkukunwaring nabubuhay sa kabanalan. Sila ay mga relihiyoso ng sanlibutan, yaong hanap ang mga bunga ng pagkukunwari.

Aking kapwa mga mananampalataya, ang mga tao ba ay walang kakayahang mamuhay na banal at malinis buhay? Hindi! Sinabi ng Diyos sa atin, “Kayo ay mga nabubulok na mga nilalang.” Kapag ang tao ay iniibig at naglilingkod sa sanlibutan ng higit sa Diyos, paano sila mamumuhay sa kabanalan? Nguni’t maraming mga relihiyoso ang nagtuturo na posible ang mamuhay tulad nito, kung kaya sila ay tulad ng pinaputing mga libingan. Ganito kung paano pinagsabihan ni Jesu-Cristo ang mga Pariseo. Ang mga relihiyosong Kristiyano ay banal lamang kapag sila’y patungo sa iglesia, nguni’t pagbalik sa bahay, lahat ng kanilang kasamaan ay ganap na nabubunyag. Ang nalalantad kapag ang mga tao ay nakagagawa ng pagsalangsang ay ang kanilang likas na mga sarili, nguni’t itong mga relihiyoso ay ganap na nalilinlang nito.

Ang Diyos ay Kumikilos Lamang sa pamamagitan ng mga Tumatanggap sa Kanyang Salita

Sa panahon ni Noe, “nakita ng PANGINOON na mabigat

ang kasamaan ng tao sa lupa, at ang buong haka ng mga pagiisip ng kaniyang mga puso ay pawang masama lamang na parati” (Genesis 6:5); at kung kaya nilipol ng Diyos ang mga tao sa panahong yaon sa pamamagitan ng Kanyang paghatol,

270 Upang Matupad ang Kalooban ng Diyos

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

nguni’t si Noe ay nasumpungan ang biyaya ng Diyos. Kaya sinulat ng Biblia, “Datapuwa’t si Noe ay nakasumpong ng biyaya sa mga ng PANGINOON. Ito ang mga lahi ni Noe. Si Noe ay lalaking matuwid at sakdal noong kapanahunan niya. Si Noe ay lumalakad na kasama ng Dios” (Genesis 6:8-9).

Pinagkaloob ng Diyos ang Kanyang biyaya kay Noe at niligtas siya. Sa mga masasamang tao na ang kanilang mga isipan ay masasama, inutos ng Diyos sa kanila na magkaroon ng mga halaman na mamumunga ng binhi at ang mga punongkahoy na namumunga ayon sa kanilang uri. Ang Diyos ay hindi kumikilos sa tubig, ito ay, sa sanlibutang ito. Siya’y kumikilos sa lumitaw na tuyong lupa. Ang paglikha ng Diyos sa sanlibutan na namumunga ay nangangahulugang dinadala ng Diyos ang kapatawaran sa kasalanan na ang likas na mga sarili—ang tuyong lupa, sa ibang salita—ay lumantad, at ang mga taong ito ang Kanyang hinahayaang gumawa ng mabuting gawain na maglilingkod ng ebanghelyo.

Sa ating mga Kristiyano, labis na maraming tao ang may kabanalan sa laman. Ang isang taong may karnal na kabanalan ay hindi inihahayag si Jesu-Cristo, nguni’t ang inahayag lamang niya ay ang kanyang sariling kabutihan at kalinisan. Ang Diyos ay hindi nalulugod sa pamamagitan nito bagkus kinasusuklaman ito. Tayong lahat ay dapat mabatid na ang kabutihan ng sangkatauhan ay salungat sa Diyos.

Sinasabi ng ibang tao na kapag ako ay maamo, ako ay tunay na maaamo, nguni’t kapag ako ay sobrang bagsik. Nguni’t anong kabaitan mayroon ako at ako’y nagkukunwaring mabait? Aking kapwa mga mananampalataya, maging sa mga naligtas sa kasalanan, sa pamamagitan ng mga umamin sa kanilang kasamaan—ito ay, yaong hustong may pananalig Salita ng Diyos—ang luwalhati ng Diyos ay nahahayag. Salungat nito, yaong hindi nananalig sa Salita ng Diyos ay

Upang Matupad ang Kalooban ng Diyos 271

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

hindi magkakaroon ng anumang mabuting bunga. Ang katuwiran ng Diyos ay nahahayag sa pamamagitan ng mga kumikilala na ang kanilang mga sarili ay ang pinakamarumi at pinakamabahong mga nilalang. Alam nating tayo ay maruming mga nilalang hindi dahil tayo’y nagkakasala sa ating mga gawa, bagkus dahil kapag tayo ay tinanglawan ng Salita, aaminin nating, “Totoo ang lahat! Ako ay isang marumi at masamang nilalang,” at nananalig sa gayon ang ating mga puso. Ang gayong tao, yamang naglaho ang kanilang sariling katuwiran, ay maipapangaral lamang ang katuwiran ni Jesu-Cristo, at mula niyaon sila’y naging mga instrumento ng katuwiran.

Pinapayo ko sa inyong lahat, mula sa mga mag-aaral ng aming misyong paaralan hanggang sa aming mga ministro, mga mangangaral ng ebanghelyo, at mga kapatid sa buong sanlibutan, na huwag umasa sa inyong mga sarili o sa ibang kapwa mga mananampalataya. Bagaman walang sinumang ang makaaasa sa kanyang laman, marami sa atin ang nag-aakalang isipin, “Ako ay kakaiba sa lahat.”

Nguni’t lahat ng tao ay magkakatulad. Sinabi ng Diyos, “Ang mga tao ay kumpol ng kasalanan, lahi ng mga manggagawa ng kasamaan, higit na masama kaysa kanino man.” Nguni’t maging sa pamamagitan ng gayong mga tao, ang mga bunga ay maisisilang, at ito ang tunay na tipan sa kapangyarihan ng Diyos. Hindi ba ito nakamamangha? Ito ang payak ng Katotohanan, na upang tayo ay magkaroon ng bunga, dapat muna nating kilalanin kung sino tayo. Yamang naibunyag na tayo ng Diyos sa lahat ng ating kahubaran at nagliliwanag sa atin ang Salita, sinasabi sa atin, “Kayo ay puno ng mga kasamaan,” tayong lahat ay dapat manalig at ganap na kilalanin ito ayon sa nakasaad.

Kinikilala ba ninyo ang katotohanang ito? Dapat nating palagiang kilalanin ng ating mga sarili tulad niyaon.

272 Upang Matupad ang Kalooban ng Diyos

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

Katotohanan, lahat ng maaring pigain sa sangkatauhan ay walang iba kundi ang karumihan. Maaari tayong mag-isip na mabuti sa anumang ibig natin, nguni’t ang ating karnal na mga isipan, walang ibang lumalabas kundi mga masasamang kaisipan, mga pagnanakaw na hangarin, kaisipang pagpatay ng tao, at pangangalunya. Ito ang tunay na larawan ng sangkatauhan na inilarawan ng Diyos. Nguni’t sa kabila nito, maraming tao ang tiyak na walang hangaring kilalanin ang gayong mga kasalanan, hanggang sila’y hindi nagawa ang mga ito sa pamamagitan ng kanilang mga gawa. Bagaman ang Siyang lumikha sa atin ay sinasabi sa atin na ito kung sino tayo, dahil batid Niya lahat ukol sa atin, ayaw nating kilalanin ito.

Kaya, sinisikap nating mabuti na pagtakpan ang ating kahihiyan sa pamamagitan ng mga dahon ng igos. Nguni’t gaano ang itatagal ng damit na gawa sa dahon ng igos. Gaano ang bisa nito upang takpan ang ating mga sarili sa pamamagitan ng ating mga gawaing pagkukunwari? Labis na tao para sa ating kahihiyan na mahayag bago matapos ang isang araw, o maging kalahating araw.

Sinabi ng Diyos na hindi hihigit sa dalawang ulit na mabuting makita ang tuyong lupa at ang daigdig ay nagkaroon ng binhi. Sa pamamagitan ng mga tunay na nakakakilala sa kanilang tunay na mga sarili na ang Diyos ay inaani ang mga bunga ng katuwiran na pinangangaral ni Jesu-Cristo, ang mga bunga na maganda sa paninging ng Diyos.

Dapat Nating Kilalanin ang Salita ng Diyos sa Ating mga Puso

Inyo ba ngayong kinikilala na ang inyong mga puso ay

mapanlinlang at labis na masama sa lahat ng bagay? Nagkataon,

Upang Matupad ang Kalooban ng Diyos 273

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

gayon man, may mga taong sinadyang inihayag ang kanilang kasamaan sa gawa, dahil lamang ang Diyos ay nalugod na makita ang paglitaw ng tuyong lupa. Yamang nakamtan ang kapatawaran sa kanilang mga kasalanan, ang ilang tao ay sadyang inihayag ang kanilang kasamaan, yamang sila’y nagkamaling unawain ang talatang ito. Hindi natin dapat gawin ito. Hindi sinasabi ng talatang ito na ating ipakita ang ating makasalanang mga sarili sa pamamagitan ng ating asal, bagkus ay kilalanin sa ating mga sarili sa harap ng Salita. Ito ay nilayon upang sabihin sa atin na ating dapat tanggapin ang Salita ng Diyos, kilalanin at tanggapin ng ating mga puso sa harap muna ng Diyos na tayo ay mga makasalanang nilalang, at hanapin ang Kanyang biyaya at kamtan ang katuwiran. Ang mga taong ito ang matalino.

Ang unang di-karaniwang lumitaw sa mga nagkamit ng kapatawaran sa kanilang mga kasalanan na ang kanilang kasamaan ay nahayag na higit kaysa sa kanilang kabutihan. Narinig ko maging ang mag-asawa na bihirang mag-away bago isilang na muli ay nahantong sa higit na madalas na pag-aaway matapos kamtan ang kapatawaran sa kasalanan. Kaya yamang natamo ang kapatawaran sa kasalanan, inaakala nila, “Bakit ako tulad nito? Marahil dahil ba hindi ko nakamtan ang kapatawaran sa aking mga kasalanan? Bakit ito ang nangyari sa akin?”

Nguni’t, huwag mag-aalala sa inyong kaligtasan kung kayo ay tunay na nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ito ang Diyos na nagbubunyag ng tuyong lupa sa inyong araw-araw na buhay, dahil inyong hindi ganap na kinilala ang Kanyang Salita sa inyong likas na katauhan. Kapag ating kinilala ang Salita, ang mga bunga ng katuwiran ay masisilang. Kapag hindi natin kinilala ang Salita sa ating mga puso, ang Diyos ay makikibaka sa atin at tatalunin tayo, at

274 Upang Matupad ang Kalooban ng Diyos

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

kung kaya nilalantag Niya tayo sa lahat ng ating pagbabago. Iyan kung bakit yaong kamakailan lamang isinilang na muli ay nananaghoy sa kanilang kasamaan.

Sa pangyayaring ito, aking kapwa mga mananampalataya, kailangan nating agad na kilalanin ang Salita ng Diyos at panaligan ito, lalo na ukol sa ating likas na katauhan. Sa gayon tayo’y tunay na mamumuhay sa liwanag ng Salita ng Diyos, magmalaki sa ebanghelyo, at mamuhay kasama ang ebanghelyo at ang Diyos.

Dapat nating mabatid ang tunay na anyo ng sangkatauan. Nguni’t ang ibang tao ay hindi nalalaman ang tunay na anyo ng sangkatauhan, at kahit pa kanilang narinig ang ebanghelyo, sinisikap pa rin nilang mamuhay sa kabaitan, at kapag napatunayang ito ay imposible, sila ay mahahantong na isinusuko ang kanilang pananampalataya sa katuwiran ng Diyos. Walang buhay pananampalataya ang maaaring mabuhay tulad nito. Sa pamamagitan ng Salita, dapat muna nating mabatid kung sino ang tunay na tayo.

Nauunawaan ba ninyo ito? Inyo ba ngayong kinikilala ang inyong tunay na mga sarili, tulad sa inihayag ng Salita? Sa ating patuloy sa buhay pananampalataya, pinapayo ko sa inyong lahat na kilalanin ang inyong mga sarili. Para sa akin, ang aking sarili ay kung ano ang inihayag ng Salita ng Diyos. Dahil tayo ay walang maipagmamalaki, at dahil walang tao na mayroong anumang kabutihan, kaya kinuha ni Jesu-Cristo ang mga kasalanan ng tao tulad ko, lahat ng kasalanan ng sinuman dito sa lupa. Dahil si Jesu-Cristo ay pinangaral at ako ay nanalig sa Salita ng Diyos kaya ako naging taong matuwid. Ang Banal na Espiritu na nasa akin ay nagpapatotoo na ang tanging Salita ng Diyos lamang ang totoo. Ito kung paano ako naging isang instrumento ng katuwiran na nagpapalawig sa katuwiran ng Diyos. Kung hindi ko taglay ang Salita ni

Upang Matupad ang Kalooban ng Diyos 275

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

Jesu-Cristo, ako ay walang magagawa kundi ang mabuhay bilang tao na nabubulok sa kalooban at naglalabas ng mabahong amoy.

Gayon pa man, yaong sumasalungat sa Diyos ay hindi sinusubukang ilantad ang kanilang karumihan kung maaari, at kanilang tinatangka na takpan ang mga ito, kahit pa sila’y nagiging mapagkunwari. Sa ibang salita, ang lahat ay nais ikubli ang kanilang mga karumihan at mga kakulangan sa Diyos. Subali’t, kapag ating nais na kilalanin at ilantad ang kasamaan sa ating mga puso, ang buong layunin ay upang mabatid at malaman ang kaloob na tunay na kapatawaran sa ating mga kasalanan. Iyan kung bakit ang ating kasamaan ay dapat mabunyag ng lalong higit, upang ating makamit ang tunay na kapatawaran sa ating mga kasalanan.

Sa katunayan, ang taglay na kasamaan ng lahat ay isang bagay na maging ang sarili ay hindi nababatid mag-isa. Subali’t, yaong ang kasamaan ay hindi nabunyag sa Diyos ay hindi maaaring kamtan ang kapatawaran sa kasalanan na pinagkakaloob ng Panginoon sa atin bilang Kanyang handog.

Sa kabanata 8 ni Juan, may isang salaysay ng isang babae na nahuli sa aktong pangangalunya, at ang mga kasalanan ay pinatawad ni Jesu-Cristo. Sa babaeng ito at sa maraming tao na nagsasakdal sa kanya, sino ang pinagpala upang kamtan ang kapatawaran sa kasalanan? Sa mga pumulot ng mga bato at handang ipukol sa babae, sinabi ni Jesu-Cristo, “Siya na walang kasalanan sa inyo, hayaang siya ang unang bumato sa kanya.” Samakatuwid, sinasabi ni Jesu-Cristo sa kanila, “Kayo, rin, lahat ay makasalanan, tulad ng babaeng ito.”

Subali’t, dahil ang mga tao ay hindi matanggap na sila’y mga makasalanan sa harap ng Salita ng Panginoon, nagsialis sila, at ang babae lamang ang nagkamit ng kapatawaran sa kanyang mga kasalanan. Nangangahulugan na yaong ang

276 Upang Matupad ang Kalooban ng Diyos

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

kasamaan ay hindi nabunyag sa harap ng Diyos ay hindi pagpapalain upang kamtan ang kapatawaran sa kasalanan na Kanyang hinahandog. Ang lahat ay dapat hatakin ang kanilang kasamaan at tumindig na hubad sa harap ng presensya ng Diyos. Nang unang makilala ni Pedro ang Panginoon, siya rin, ay nagpahayag, “Lumayo Ka sa akin; sapagka’t ako’y taong makasalanan, Oh Panginoon”” (Lucas 5:8).

Nguni’t lubos na maraming tao ang labis na na nalinlang sa kanilang tunay na katauhan. Ang kinatawan sa gayong mga tao ay ang mga Pariseo na tinalakay sa Biblia, silang nabigo na makilala ang kanilang kasamaan, at ninais na ikubli ito sa tuwing may nagbabanta na ibunyag kahit kaunti. Sa harap ng Diyos, ang kanilang mga puso ay walang pananampalataya sa Kanyang katuwiran, at kung kaya sila’y nagyayabang sa kanilang sariling katuwiran.

Sinasabi ng Biblia na ang gayong tao ay nagsisikap na mabuti upang takpan ang katuwiran ng Diyos na binubuo ng Katotohanan ng kaligtasan, yamang hanap nila ang ihayag ang kanilang sariling katuwiran (Roma 10:3). Inaangkin nila na sila’y kakaiba sa lahat. Lumalapit sa Diyos taglay ang kanilang sariling katuwiran, sila ay tiyak na nabigong manalig sa katuwiran ng Diyos at nahantong sa pagsalungat nito. Sa madaling salita, ang gayong tao ay labis na taglay ang kanilang sariling katuwiran na sila sa katunayan ay nahantong sa pagdurusa ng malaking kawalan, yamang sila’y walang kakayahang manangan sa katuwiran ng Diyos, nabigo sa kanilang buhay pananampalataya, at hindi maliligtas.

Maging ngayon, ang mga relihiyoso ng sanlibutan ay nagyayabang ng kanilang sariling katuwiran at itinataas ang kanilang mga sarili, sa halip na itaas ang katuwiran ng Diyos. Tunay na hindi kaaya-ayang tignan ang gayong mga tao na lumalapit sa Diyos at hanap na ihayag lamang ang kanilang

Upang Matupad ang Kalooban ng Diyos 277

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

sariling katuwiran, ganap na mangmang sa kanilang tunay na mga sarili.

Subali’t, sinasabi ng Diyos sa gayong mga tao kung gaano ang karumihan at kabauhan nila. Tulad niyaon, lahat tayo ay dapat lumapit sa Diyos, napagpakumbaba ang ating mga ulo at mga puso, at tanggapin ang Kanyang katuwiran at manalig na may pasasalamat. Sa pangunahing salita, yaong natatakot sa Diyos ay nagpapakumbaba ang kanilang mga puso, itinataas ang Kanyang katuwiran, at sumasampalataya. Yaong nakikilala ang kanilang tunay na mga sarili at may mapagpakumbabang pananampalataya sa harap ng Diyos ay magkakamit ng malaking mga pagpapala, dahil sila’y nagagalak sa pamamagitan ng pananalig sa katuwiran ng Diyos. Ang mga Pariseo ngayon, ang mga relihiyoso sa panahong ito, ay dapat ding tignan ang kanilang sariling mga puso at kilalanin ang kanilang sariling kasamaan. Kapag kanilang kinilala, “O Diyos, ako ay labis na masama. Mahabag po sa akin,” ang Panginoon kung gayon ay katatagpuin sila sa pamamagitan ng Salita ng Katotohanan.

Marami sa inyo marahil ay lumaking tadtad ng maraming mga papuri, sinasabi ng mga tao, “Ikaw ay isang batang mabait! Ikaw ay may magandang asal at labis na maganda.” Kaya sa araw na ito, ikaw marahil ay nag-isip na ito kung sino ka. Ang gayong tao ay hindi nakikilala ang kanilang mga sarili kahit pa sila’y nakaharap sa Diyos, kung kaya sa huli, sila sa katapusan ay hindi makakamit ang tunay na pananampalataya. Dahil kailangan silang magkunwaring malinis bagaman taglay nila lahat ng uri ng karumihan sa loob nila, sila’y magwawakas na magiging mga relihiyoso, bihasa sa paghuhugas ng kanilang mga sarili sa pagkukunwari sa paglipas ng mga araw.

Subali’t, ang ating dapat mabatid ay ang katunayang na sa pamamagitan ng kalikasan, tayo ay hindi lubos na mabuti at

278 Upang Matupad ang Kalooban ng Diyos

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

matuwid upang papurihan sa gayong paraan. Pinahayag ng Diyos na walang bagay na mabuti o wasto sa atin (Roma 3:10-12).

Isang kapatiran sa aking iglesia kamakailan ay sinabi sa akin ang sumusunod na kwento. Upang pumasok sa kolehiyo, itong kapatid ay iniwan ang kanyang bahay at nanirahan sa lungsod kung nasaan ang aking iglesia. Sa tuwing siya’y uuwi sa bahay upang magpahinga, lagi niyang naririnig sa kanyang mga magulang ang pagsabing, “Narito na ang aming anak! Saan sa daigdig kamit makakakita ng mabuting anak kaysa sa iyo?”

Nguni’t habang siya’y gumugugol ng ilang panahon malayo sa tahanan at nakita ang kanyang sarili, nabatid niya na hindi gayon ang kanyang kabaitan o kabutihan, nguni’t sa katunayan siya’y marumi na hindi mailalarawan. Kaya pinag-isipan niya ito, at kanyang nabatid na kailangan siyang maging maingat na huwag magmasamang-asal habang nasa kanyang bayan yamang maraming mga kamag-anak ang nakatira sa malapit, at ito ang paliwanag kung bakit siya ay tila maayos ang pag-uugali sa kanyang mga magulang. Nguni’t habang siya’y malayo sa isang lungsod kung saan walang nakakakilala sa kanya, lahat ng kanyang tunay na sarili ay tunay na nahayag kung sino siya. Kaya itong kapatid ay pinahayag na hindi niya maiwasan kundi ang kilalanin ang kanyang likas na kasamaan sa sarili, tulad ng inilirawan sa kabanata 7 ng Macros.

Kapag tayo ay nasa ilalim ng mga huwarang pangyayari, inisip nating lahat na tayo ay mabubuti, nguni’t kapag ang ating mga pangyayari ay nagbago—tulad halimbawa, tayo ay magtungo sa bagong lungsod—at tayo ay mag-isa kung saan walang sinumang makikialam, kung gayon ang ating tunay na mga sarili ay mahahayag, at ating mababatid kung gaano ang

Upang Matupad ang Kalooban ng Diyos 279

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

kasamaan at karumihan natin. Subali’t, ang kahanga-hanga na kapag ang Diyos ay

inilantad ang kasamaan ng isang tao, Siya’y magsisimulang kikilos sa kanyang puso. Kapag ang isang magsasaka ay magtatanim ng mga binhi sa parang, hindi niya basta na lamang itatanim ang mga ito ng walang anumang paghahanda. Kanya munang bubukanglin ang bukid, aalisin ang mga bato, lalagyan ng maliliit na hukay ang bukid, at maghahasik ng mga binhi.

Ang Diyos ay kumikilos din tulad nito. Sa ibang salita, kapag ang kasamaan ng ating mga puso ay nahayag ang Diyos ay magsisimulang kumilos. Kaya ating dapat mabatid na kapag ang tubig na bumabalot sa lupa ay naalis, maruruming basura ang malalantad doon. Lahat ng uri ng basura ay maglalabasan, mula sa mga gulong na tinapon hanggang sa mga plastik bag, mga pang-alis ng alikabok, mga sapatos, punit na paying, at mga basahan. Makikita rin natin ang mga basyo ng alak, mga lata ng beer, bote ng whiskey, at maging kasangkapan ng bahay na kinakalawang.

Unang huhubaran ng Diyos ang puso ng tao at ilalantad ang kanyang kasamaan, at mula doon sisimulan Niyang gagawin ang Kanyang gawaing pagliligtas sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Dapat nating maunawaan ngayon kung ano ang kahulugan nang sabihin ng Diyos, “At lumitaw ang katuyuan,” at kung Siya’y malugod na makita ito.

Hindi tayo maaaring purihin ng Diyos dahil sa ating kabutihan. Nguni’t sa kabila nito, maging sa araw na ito, di-mabilang na mga tao ang nag-aakala pa rin sa kanilang mga sarili ng kabaitan. Hindi nalalaman ang kanilang tunay na mga sarili, inaakala nilang sila’y malilinis. Inaakala nila na sila gayon pa man ay nakahihigit kaysa ibang tao. Sila ay tulad lamang ng mga tao na nagsakdal sa babaeng nasa akto ng

280 Upang Matupad ang Kalooban ng Diyos

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

pangangalunya, at inaakala ang kanilang mga sarili na nakahihigit kaysa sa babaeng ito. Ang mga relihiyoso ay huminto sa pag-inom at paninigarilyo, kaya kinikilala nila ang taong umiinom at naninigarilyo bilang isang makasalanan.

Nguni’t, kayo ba kung gayon? Inaakala ba ninyong kayo’y nakahihigit kaysa sa taong nagpupunta sa isang lugar na may naghuhubad? Hindi, wala kayong bagay na ihihigit. Kung kayo ay nakahihigit, ito ay dahil lamang kayo ngayon ay nananahan sa Iglesia ng Diyos, at kayo’y nananalig sa Salita ng Diyos at sumusunod nito ng inyong mga buhay; kung hindi kayo isinilang na muli, at namumuhay lamang na relihiyoso dito sa lupa, kung gayon kayo ay katulad ng sinumang hindi mananampalataya. Iyan kung bakit unang nilantad ng Diyos ang tuyong lupa, ang daigdig, at pagkatapos ay kumilos sa pagpapalitaw ng lupaing ito.

Sa lahat ng gawaing ginagawa ng Diyos sa atin, ang unang bagay na Kanyang ginawa ay wasakin ang ating kaisipan na tangan ang ating mga sarili bilang mabubuti at mababait. Hinubaran Niya tayo sa ating mga isipang nalilito at maling kaunawaan. Sa pangyayaring ang likas na anyo ng tao ay marumi at masama, paano magiging posible na mamuhay na matuwid na buhay pananampalataya na hindi nababatid ito?

Nang ako ay namumuhay sa pananampalataya bago isilang na muli, ako, rin, ay pinupuri ng marami sa aking kongregasyon dahil sa aking kabutihan at kinikilala bilang isang natatanging mananampalataya. Kaya ako mismo ay likas na nag-isip sa paraang ito. Subali’t, ako ay patuloy na nagdurusa pa rin ng aking mga lihim na kasalanan. Kamakailan lamang, matapos ako ay isilang na muli sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, at pagkatapos ng aking huwad na paglalarawan sa aking sarili na nagkubli sa aking puso at napag-isip, na ako sa katapusan ay namuhay sa

Upang Matupad ang Kalooban ng Diyos 281

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

wastong pananampalataya. Nang ang tubig ay agad na nawala sa lupa, mula niyaon

ang inyong kasamaan ay nabunyag. Lahat ng pagkukunwaring hinikayat at hinahanap ng mga relihiyoso ng sanlibutan ay nabunyag din. Kaya kapag ating tinatapon ang ating huwad na katuwiran at ang ating huwad na kabutihan, mula niyaon, ang Diyos ay kikilos sa ating mga buhay sa pamamagitan ng Kanyang Salita at hahayaan tayong magkaroon ng mga bunga ng kaligtasan. Kung tunay nating ibig ang magkaroon ng mga bunga sa pamamagitan ng katuwiran ng Diyos, kung gayon dapat muna tayong umasa sa Salita ng Panginoon, sa halip na umasa sa ating mga sarili, dahil ang ating tunay na mga sarili ay marumi at mabaho. Sa ibang salita, sa halip na ipangaral ang ating sariling katuwiran, kapag ating pinangangaral ang katuwiran ni Jesu-Cristo at mamuhay sa pamamagitan ng pananalig sa katuwiran ng Diyos, ang mga bunga ng kaligtasan sa gayon ay maisisilang sa ating mga puso.

Aking kapwa mga mananampalataya, sa ating paghahambing ng ating sariling katuwiran sa katuwiran ng Diyos, dapat nating mabatid na tayo ay higit na masama at marumi. At dahil walang bagay na wasto sa ating mga sarili, dahil tayo ay puno ng lahat ng uri ng karumihan, tunay na kailangang magkaroon nitong ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu na nagbibigay sa atin ng ganap na katuwiran ng Diyos. Dapat nating pahalagahan at manalig sa katuwiran ng Diyos. Kayo ba ay nahihikayat? Kung tayo ay likas na malinis, kung gayon hindi na kailangan pa si Jesu-Cristo upang tulungan tayo sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.

Higit na ating nababatid ang ating tunay na mga sarili na masama at marumi, higit nating hindi matutulungan kundi ang magmalaki ukol sa katuwiran ni Jesu-Cristo sa harap ng Diyos. Iyan kung bakit inutos ng Diyos na hayaang lumitaw ang

282 Upang Matupad ang Kalooban ng Diyos

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

tuyong lupa. Dapat lumitaw ang tuyong lupa. Marami sa inyo hindi pa rin lumitaw ang inyong tuyong lupa. Ang tuyong lupa ay dapat ganap na lumitaw. Hindi nangangahulugan na kayo’y dapat sadyaing gumawa ng maraming masamang asal. Sa halip, ibig sabihin ay inyong iwaksi ang inyong isipan na tangan ang inyong mga sarili bilang mabubuti, at sa halip ay maniwala sa mga matuwid na gawa ng Diyos na Kanyang inihayag sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.

Lahat ng maling kaalaman na nasa ating laman at ating mga kaisipan ay dapat maglaho, maging ang ating pagkukunwaring anyo ng kabutihan ay dapat ding maglaho. Sa gayon lamang ang Salita ng Diyos ay kikilos sa ating mga puso. Ang tao ay dapat sundin si Jesus sa pananampalataya, nguni’t maraming tao ang nabigong isagawa ito. Kung kayo’y titingin sa paligid, marahil ay makikita ninyo ang ilang tao na madaling mag-isip sa karunungan ng sanlibutan. Tinutukoy ko yaong mandaraya ng sanlibutan. Kataka-taka, ang gayong tao ay hindi maaaring maging alagad na susunod kay Jesu-Cristo. Iyan ay dahil sa halip na magtiwala sa Diyos, sila’y higit na umaasa sa kanilang sariling mga layon at kaparaanan.

Ang gayong tao ay dapat iwaksi ang kanilang kapusungan. Kayo marahil ay may mga tao rin sa inyong paligid ang mababait. Maging ang mga taong ito ay magiging mga alagad ni Jesu-Cristo. Walang taong makasusunod kay Jesu-Cristo sa pamamagitan ng kanyang sariling kabutihan. Bakit? Dahil inaakala nilang sila’y higit na mabuti kaysa kay Jesu-Cristo. Kapag inaakala nilang sila’y nakahihigit kay Jesu-Cristo, paano nila masusunod Siya? Dahil ang gayong mga tao rin, ay maaaring maging mga alagad lamang ni Jesu-Cristo kung iwawaksi nila ang kanilang sariling kabutihan at karangalan. Yaon lamang tinalikdan lahat ng kanilang bagay ang makatutugon, “Oo, Kayo ay tama, Panginoon. Ang Salita

Upang Matupad ang Kalooban ng Diyos 283

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

lamang Ninyo ang tunay,” at magiging mga alagad na sumusunod kay Jesu-Cristo. Dahil lahat ng mga nagkaroon ng kasaganahan ng damdamin ng tao, kapalaluan at mga damdamin ng tao, ang kanilang kapalaluan at mga pabigat ay dapat maalis sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya kay Jesu-Cristo.

Iyan kung bakit sinabi ng Panginoon, “Ang sinomang tao ay ibig sumunod sa Akin, ay tumanggi sa kaniyang sarili, at pasanin ang kaniyang krus, at sumunod sa Akin” (Marcos 8:34). Marahil ngayon ay inyong iniisip, “Paano ako mamumuhay tulad niyan? Ito ay labis na magiging kalungkutan.” Huwag mag-alala, gayon man. Salamat sa ating Diyos, bagong kagalakan ang darating sa inyong mga buhay. Gayon pa man, hindi ba ang mga panauhiin sa kasalang pigin sa Canaan ay natikman ang masarap na alak na binigay ng Panginoon sa kanila nang maubusan ng alak na inihanda ng punong abala?

Dapat ninyong iwaksi ang lahat ng bagay na tao. Ito ay tila labis na malamin, hindi ba? Nguni’t hindi. Salungat nito, ang espiritwal ay dalisay na kagalakan ay pupunan ang inyong mga buhay. Kayo’y tunay na magsisiawit ng espiritwal na mga papuri, at kayo ay tunay na mananalangin sa pananampalataya; ang Salita ay buong lakas na kikilos sa inyong mga puso; at sa pamamagitan ng ebanghelyong pinangaral namin, maraming tao ang magsisimulang mamumuhay sa kanilang buhay pananampalataya kung saan sila’y tunay na naligtas. Kaya dahil sa lahat ng ito, ang ating mga puso mapupuspos ng kagalakan sa Panginoon at sa Banal na Espiritu. Kapag yaong nagmalaki sa kanilang sariling kabutihan at pagkatao ay sinabihang iwaksi ang gayong mga bagay, silang lahat ay nabalisa at hindi alam kung anong gagawin, yamang sila’y umasang lubos sa kanila hanggang sa araw na ito. Subali’t,

284 Upang Matupad ang Kalooban ng Diyos

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

kapag kanilang buong lakas na inalis ang mga bagay na ito, mararanasan ng kanilang mga sarili ang bagong kagalakan at bagong kasiyahan nagmumula sa Diyos. Hindi na sila mapupuspos ng kanilang sariling damdamin, bagkus sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos.

Aking kapwa mga mananampalataya, dapat anting itapon ang ating lumang mga bagay. Sinabi ng Diyos kay Abraham, “Umalis ka sa iyong lupain, at sa iyong mga kamaganak, at sa bahay ng iyong ama, na ikaw ay pasa lupaing ituturo ko sa iyo” (Genesis 12:1). Gayon din, nais ng Diyos na ating itapon ang ating lumang mga bagay.

Ating muling balikan ang ngayong talata sa Kasulatan, ating tignan kung ano ang sinasabi ng Diyos sa atin sa ikatlong araw: “At sinabi ng Dios, ‘Mapisan ang tubig na nasa silong ng langit sa isang dako, at lumitaw ang katuyuan,’ at nagkagayon. At tinawag ng Dios ang katuyuan na Lupa, at ang kapisanan ng tubig ay tinawag Niyang mga Dagat; at nakita ng Dios na mabuti” (Genesis 1:9-10).

Ang Ministeryo ng Paghihiwalay ng Diyos

Sa ikatlong araw din, ang Diyos ay patuloy sa paghiwalay. Sa araw na ito, pinaghiwalay Niya ang tuyong lupa mula sa tubig, tulad ng Kanyang pagpapalitaw sa lupa sa pamamagitan ng pagtitipon sa lahat ng tubig sa na nasa ilalim ng langit sa isang dako. Pinaghiwalay Niya ang tuyong lupa mula sa tubig. Sa madaling salita, nais ng Diyos ang ilang bagay sa ating mga isipan at mga puso na mahiwalay.

Bago dumating ang ikatlong araw, ang buong daigdig ay ganap na nababalutan ng tubig. Ang lupa at ang tubig ay naghalo. Ito’y nagsasaad na ang puso ng mga taong hindi pa rin

Upang Matupad ang Kalooban ng Diyos 285

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

taglay ang naitatag na kaayusang espiritwal, sa kabila na pagiging isinilang na muli, ang hangaring maglingkod sa Diyos at ang hangaring paglingkuran ang kanilang mga sarili lahat ay naghalo-halo. Kaya kung ang isang tao ay namumuhay sa pananampalataya sa kalagayang ito, siya’y mahahantong sa pabagu-bago paparito at paparoon, kung minsan ay nabubuhay para sa kanyang sarili, kung minsan para sa Diyos; at maraming tao ang nabubuhay ng kanilang buong buhay tulad nito.

Subali’t, sa puso ng gayong mga tao, pinaghihiwalay ng Diyos ang tuyong lupa mula sa tubig, ang daigdig mula sa mga dagat. “Ang buhay ba ninyo ay para sa Akin, o ito’y para sa inyong sarili at sa sanlibutan?” Nais ng Diyos na ating maliwanag na sagutin ang katanungang ito. Sa ibang salita, nais Niyang paghiwalayin ang ating dalawang magkahalong hangaring. At hindi ibig ng Diyos sa atin na ibigin ang ating sariling laman at ibigin ang sanlibutan.

Maging yaong sa atin na nagkamit ng kapatawaran sa kasalanan, maraming mga tao ang namumuhay tulad nito, ang kanilang layunin sa buhay lahat ay naghalo sa kanilang mga puso. Kaya, maraming tao, bagaman sila’y napatawad sa kanilang mga kasalanan, nagkukunwaring nabubuhay para sa Diyos bagaman sila’y nabubuhay upang lumigaya sa sanlibutang ito, sinisikap na bigyang kasiyahan ang kapwa mga panig.

Ang ibang mga manggagawa na buong nabubuhay sa paglilingkod sa ebanghelyo ang nag-ayos ng mga gamit at nagbalik sa sanlibutan. Isang karaniwang bagay na kanilang sinabi nang sila’y lumisan sa amin ay ito: “Ako, rin ay nais mamuhay na malaya.” Nguni’t, wala bang kalayaan kung tayo ay naglilingkod sa ebanghelyo? Malayo sa katotohanan, mayroong lalong higit na malaking kalayaan. Sa kanilang mga

286 Upang Matupad ang Kalooban ng Diyos

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

puso, ang kanilang pag-ibig sa sarili ay hinaluan ng kanilang pag-ibig sa Diyos, at nang ito’y kumontrol sa kanila, sila’y nahantong sa pag-abot sa espiritwal na kamatayan.

Maging sa mga isinilang na muli, maraming tao ang nabubuhay na pabalik-balik sa pagitan ng espirito at ng laman, nguni’t inaaliw ang kanilang mga sarili sa pagsasabing sila’y nabubuhay pa rin para sa Diyos. Hindi sinasang-ayunan ng Diyos ang gayong mga tao, at malinaw na nais Niyang ihiwalay kung ano ang espiritwal mula sa ano ang karnal sa atin, tulad ng daigdig na hiniwalay mula sa mga dagat. Ang Diyos ay nais gumawa ng isang malinaw na pagkahati sa ating nalilitong mga puso at mga kaisipan. Malinaw na hiniwalay ng Diyos ang laman bilang laman, ang espiritu bilang espiritu, ang gawain ng Diyos bilang gawain ng Diyos, at ang gawain ng tao bilang gawain ng tao.

Ang ating Diyos ay nais na gumawa ng isang malinaw na pagkahati sa gayong mga bagay, at ginawa Niya ito sa ikatlong araw. Kayo ngayon ay binubusog sa pamamagitan ng Salita sa paaralang misyon. Bakit tayo dumadalo sa paaralang ito? Ano ang pagkakaiba sa pagitan ng mga nagsasanay sa ating paaralang misyon at yaong hindi? Ang layunin ng pagsasanay sa paaralang misyon ay upang paghiwalay ang espiritu mula sa laman ng inyong mga puso. Ito sa gayon ay upang gawin kayo na mabuhay na buo para sa Diyos. Sa kanila kung saan ang gawain ng Diyos ay hindi natupad sa bagay na ito ay yaong pabalik-balik tulad nito, nabubuhay para sa Diyos at sa kanilang mga sarili. Sila yaong kung saan ang paggawa sa ikatlong araw ay matutupad pa lamang.

Yamang kayo ngayon ay nagsasanay na mamuhay kasama ko, dapat ninyong mabatid na ang pag-aaral at pag-unawa sa Salita para sa katalinuhan lamang ay hindi ang hangganan ng lahat. Una sa lahat, dapat kayong maglagay ng isang karatula

Upang Matupad ang Kalooban ng Diyos 287

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

sa inyong mga puso, “Para saan ako nabubuhay?” Kailangan kayong pumasok sa klase at sa ibang araling pagsasanay ng aming paaralang misyon na may itinalagang puso, sasabihing, “Ako ay nabubuhay para sa Diyos. Walang bayad kong ihahandog ang aking katawan, panahon, o anumang bagay kung ito’y makatutulong sa pagpapalawig ng ebanghelyo ng Diyos.”

Nais ng Diyos na baguhin ang ating mga isipan upang mabuhay lamang para sa Diyos at sa Kanyang ebanghelyo. Kaya, tinatanong Niya sa atin na liwanagin kung para saan tayo nabubuhay sa puntong ito. Itong gawaing paghihiwalay ay dapat malinaw na magmula sa atin. Dapat nating makilala kung ano ang espiritwal mula sa mga bagay ng laman sa atin. Ang gayong gawain ay dapat magmula sa puso ng mga isinilang na muli ng walang kabiguan.

Kapag itong gawain ay naisagawa maaari lamang magsimula ang gawaing pagkakaroon ng mga bunga. Kung walang gayong gawain, walang bunga ay maisisilang. Kung ang isang tao na ang isang paa nasa sanlibutan at ang isa ay sa Diyos, at nabubuhay sa pananampalataya tulad nito na nakaupo sa bakod, kung gayon ang Diyos ay hindi kikilos sa gayong puso ng mga tao. Kapag ating nakamtan ang kapatawaran sa ating mga kasalanan, dapat nating pasiyahan kung tayo ay mabubuhay para sa Diyos o para sa ating mga sarili, para sa sanlibutan at para sa Diyos—dapat nating piliin yaong isa o ang iba pa sa kanila. Yamang ang pagpili ay dapat malinaw na maisagawa, ang matuwid ay hindi maaaring mabuhay para sa sanlibutan.

288 Upang Matupad ang Kalooban ng Diyos

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

Alisin ang Karumihan sa Inyong Pananampalataya sa Biyaya ng Diyos

Sinabi ng Biblia, “Ang mga dating bagay ay nagsilipas na,

narito, sila’y pawang naging mga bago” (2 Corinto 5:17). Mula ngayon, tayo na naging bago ay dapat mabuhay para sa Diyos, kung ano ang matuwid. Ang mabuhay para lamang sa Diyos ay espiritwal, habang sinisikap na tuparin lamang ang karnal na mga hangarin ay sa laman. At kailangan tayong manalig sa Salita ng Diyos na nagsasabing, “Sapagka’t ang mga ayon sa laman ay nangagsitalima sa mga bagay ng laman, datapuwa’t ang mga ayon sa Espiritu ay sa mga bagay ng Espiritu. Sapagka’t ang kaisipan ng laman ay kamatayan, datapuwa’t ang kaisipan ng Espiritu ay buhay at kapayapaan. Sapagka’t ang kaisipan ng laman ay pakikipagalit laban sa Dios; sapagka’t hindi napasasaklaw sa kautusan ng Dios, ni hindi nga maaari” (Roma 8:5-7).

Ito ay bagay na dapat tiyak na itakda sa ating mga puso at mga isipan. Maging ang mga bagay na inyong kinagagalak sa nakaraan, kung ang mga ito ay para sa inyo, kung gayon dapat ninyong buong tapang na putulin ang mga ito para sa Diyos at para sa ebanghelyo, at kung sila’y tunay na hindi nakalulugod sa Diyos, sa gayon dapat ninyong buong tapang at malinaw na putulin din ang mga ito sa inyong mga puso.

Yamang ang mga karumihan ay dapat alisin mula sa pilak upang kamtan ang dalisay na pilak, kaya dapat nating alisin sa ating mga puso ang nalalabing karnal na mga karumihan na nakahalo sa kanila. Dapat ninyong malinaw na makilala at mahiwalay kung ano ang tunay na wasto sa inyong mga puso, at dapat baguhin ang inyong mga isipan, magpasiya, “Panginoon, ako’y tunay na mamumuhay para sa Inyo. Para sa kapakanan ng ebanghelyo at para sa Inyo, aking ihahandog ang

Upang Matupad ang Kalooban ng Diyos 289

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

aking buong buhay. Inihahandog ko ang aking buhay para lamang sa Inyo. Hindi ko ihahandog ang aking sarili para sa sanlibutan at para sa walang kabuluhan.”

Aking kapwa mga mananampalataya, higit na posible para sa atin ang mubuhay sa ating nalalabing mga buhay na nalalasap ang sanlibutan. Nguni’t ang Diyos ba ay malulugod kung tayo’y mamumuhay tulad nito, o Siya’y malulugod kung tayo’y mabubuhay ng buo para lamang sa Kanya? Para saan tayo dapat mabuhay upang malugod ang Diyos? Sa ibang salita, ano ang nakabubuti sa paningin ng Diyos? Sa mata ng Diyos, ang wastong buhay ay ang mabuhay para sa Kanya, para sa ebanghelyo, at para sa lahat ng naliligaw na mga kaluluwa upang kamtan ang kapatawaran sa kanilang mga kasalanan, ginagalang Siya at sinusunod Siya. Sa bawa’t isa rin sa inyo, ang Diyos ay nagsimulang kumilos sa ikatlong araw. Anong uri ng gawain ang Kanyang sinimulang gawin sa ikatlong araw? Sinabi Niya, “Ang lupa na lumubog sa tubig ay lumitaw.” Pagkatapos, ang tuyong lupa ay lumitaw, at malinaw na hiniwalay ito ng Diyos mula sa tubig. Hiniwalay Niya ang pag-ibig para sa sanlibutan mula sa pag-ibig para sa Diyos, at kung ano ang espiritwal mula sa karnal.

Kailangan nating isagawa ang maraming iba’t-ibang mga bagay sa pagpapalawig ng ebanghelyo. Kung kailangan ito ng ebanghelyo, kung gayon hindi mahalaga kung anong mangyayari sa amin. Kami ay handang gawin ang anumang bagay kung ito’y makalulugod sa Diyos. Kami ay handang bayaran ang anumang halaga. Kung tayo ay tunay na pinapahalagahan itong ebanghelyo at ang Diyos, kung gayon dapat nating bayaran ang anuman halaga na kinakailangan. Sa harap ng Diyos, sa madaling salita, dapat tayong maging handa na isuko ang anumang bagay, gaano man ang halaga nito.

Aking kapwa mga mananampalataya, hindi kayo

290 Upang Matupad ang Kalooban ng Diyos

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

dumadalo sa paaralang misyong ito ng walang dahilan. Marahil ang iba sa inyo ay nag-enrol dito ng walang malinaw na layon. Subali’t, aking kapwa mga mananampalataya, ang Diyos ay kumikilos sa inyong mga puso ng walang kabiguan. Hinihiwalay Niya kung ano ang espiritwal mula sa inyong karnal na mga hangarin, pinapagawa sa inyo na italaga ang espiritwal na layunin ng inyong mga buhay. Sa panahon ng pagsasanay sa paaralang misyon, dapat ang espiritu at ang laman ay tunay na mahiwalay na malinaw sa inyong mga puso, at ang gawaing pag-aalis sa lahat ng makamundong mga hangarin ay dapat makamtan. Kaya ang ating buong kailangan ay manalangin ng taimtim upang ito ay maisakatuparan.

Dapat Tayong Matakot sa Diyos sa Ating mga Buhay

Tayong mga isinilang na muli marahil ay nalalaman ang

buong Biblia, nguni’t dapat tayong mabuhay sa nalalabing ating buong buhay para sa Diyos at para sa ebanghelyo. Isa sa mga himno na ating inaawit ay may sumusunod na titik: “Sa paghahandog lahat ng ating katawan at lahat ng ating yaman, ating palawigin ang ebanghelyong ito.” Kung ating tunay na pinapahalagahan ang Diyos at ang ebanghelyo, kung gayon nararapat lamang na ihandog hindi lamang ang ating mga katawan, kundi ang ating kayamanan din. Para sa ebanghelyong ito, para sa Kanya, at para sa pagpapalawak ng Kaharian ng Diyos, dapat nating ihandog ang lahat ng ating buhay. Malibang italaga ang ating buong isipan tulad nito, hindi tayo makapaglilingkod sa Panginoon, ni lilitaw ang gawaing malinaw na maghihiwalay sa lupa mula sa tubig.

Kailangan ba nating tunay na mabuhay para sa sanlibutan

Upang Matupad ang Kalooban ng Diyos 291

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

at para sa ating mga sarili, o tayo’y mabuhay para sa Diyos? Wasto ba o kamalian ang mabuhay para sa Diyos? Alin ang wasto? Ang mabuhay para sa Diyos, o ang mabuhay na nilalasap ang sanlibutan? Para sa isinilang na muli, ang mabuhay na buo para sa Diyos ay siyang wasto.

Kahit sa paghabol ng leon sa isang kuneho, hindi niya mahuhuli ang kanyang hinahabol malibang gamitin niya ang lahat niyang enerhiya. Kahit kapag ating minamartilyo ang isang pako sa dingding, hindi magiging wasto malibang ating ituong mabuti sa pagmamartilyo. Tulad nito, kahit pa ang isang maliit na gawain ay nangangailangan sa atin ng buong pagpansin at pagsisikap upang makamtan ito, at sa pagsasagawa ng gawain ng Diyos, ito ay lalong higit upang ating tunay na maihandog lahat ng ating puso, pagsisikap, kapasiyahan at pag-uukol upang ang gawaing ito ay maisakatuparan. Kung sinabi ng Salita ng Diyos na ito ay wasto, kung gayon dapat tayong matakot sa Salita at sundin ito.

Aking kapwa mga mananampalataya, hindi sinabi ng Diyos sa atin na mabuhay sa anumang ibig natin nang ating kamtan ang kapatawaran sa ating mga kasalanan, yamang tayo ngayon ay naging walang kasalanan. Salungat nito, sinasabi ng Diyos sa atin na mula sa sandaling ito, dapat tayong tunay na magpatuloy tungo sa layunin (Filipos 3:14). Atin bang isinantabi ang Kautusan ng Diyos? Hindi. Sa pamamagitan nitong Kautusan tinuro ng Diyos sa atin ukol sa ating mga kasalanan, at inakay Niya tayo kay Cristo upang kamtan ang kapatawaran sa ating mga kasalanan. Sinasabi ng Biblia na tayo ngayon ay tinanggap ang kapatawaran sa ating mga kasalanan, wasto para sa atin na matakot sa Salita ng Diyos, at ayon sa kung paano tayo inaakay ng Salita, ibigin ang Diyos at mamuhay ng buong buhay. Hindi natin dapat tanggapin ang Salita ng Diyos sa pamamagitan lamang ng ating mga ulo

292 Upang Matupad ang Kalooban ng Diyos

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

bilang bagay na pagsasanay sa katalinuhan. Ang Salita ng Diyos ay dapat panaligan ng puso. At sa ating mga pusong taimtim kailangan nating magpasiyang mabuhay para sa Diyos at para sa Kanyang ebanghelyo.

Wasto para sa Ating Lahat na Mabuhay Ngayon para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo

Lahat tayo ay dapat italaga ang ating mga isipan,

sasabihing, “Mula nayon ako ay mabubuhay para sa katuwiran ng Diyos.” Itong puso ay tunay na kailangang-kailangan. Aking kapwa mga mananampalataya, sa ating pagpapatuloy sa buhay na kasing-iksi ng panaginip sa hatinggabi, para saan tayo mabubuhay upang maging wasto? Wasto ang mabuhay para sa ebanghelyo at para sa Diyos. Tunay na wasto ang mabuhay para sa Panginoon, para sa ibang mga kaluluwa na kamtan ang kapatawaran sa kanilang mga kasalanan. Ang matuwid ay hindi basta na lamang mabubuhay sa anumang ibig nila. Ang wastong buhay na ipamumuhay ay ang mabuhay para sa Diyos.

Bagaman tayo ay may kakulangan, wasto para sa atin ang mabuhay para sa ebanghelyo habang naririto sa lupa. Wasto para sa atin ang mabuhay para sa pagpapalawak ng Kanyang Kaharian, at para sa di-mabilang na mga kaluluwang na mapapahamak. Habang tayo’y nananahan sa ating laman, tayo ay maaaring mahantong sa maraming mga bagay na walang saysay, nguni’t nararapat para sa ating mga matuwid na ialay lahat ng ating mga kamay, mga paa, mga labi, at mga ulo para sa mga kaluluwang makasalanan, para sa pagpapalawak ng Kaharian ng Diyos, at maglingkod sa Kanya; at nararapat din para sa lahat ng ating ari-arian na gamitin para sa Panginoon. Yaong nabubuhay sa gayong buhay ay yaong, tulad ni Daniel,

Upang Matupad ang Kalooban ng Diyos 293

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

ay itinalaga ang kanilang mga isipan sa paglilingkod sa Diyos. Kayo ay mga manggagawa ng Diyos. Ang bayan ng Diyos

ay dapat malinaw na mabuhay lamang para sa Diyos, anuman ang mga pangyayari o mga kalagayan kanilang hinaharap. Maraming tao ang nag-aakala na ang pagbibigay ikapu ay kalabisan. Bagaman binibigay lamang nila ay ang ikapu ng kanilang kita, sila pa rin ay hindi bukal sa puso ang pagbibigay, iniisip na ito ay kalabisan.

Para sa lingkod ng Diyos, hindi lamang ang ikapu, kundi ang kabuuan. Nararapat para sa Kanyang mga lingkod na ihandog ang lahat ng bagay. Sa ibang salita, ang buhay na para sa Panginoon ay ang kanilang mga buhay, ang kalooban ng Panginoon ay walang iba kundi kanilang kalooban, ang Kanyang layunin ay walang iba kundi kanilang layunin. Ito kung sino ang bayan ng Diyos. Dahil lamang tayo ay nagbibigay ng ikapu, naglilingkod ng kaunti sa iglesia, at kabahagi sa oras ng pagsamba, ito ay hindi binubuo ng buhay pananampalataya, nguni’t dapat nating ialay ang ating buong mga buhay sa ebanghelyo, at anuman ang ating gagawin, dapat nating gawin para sa ebanghelyo. Ito kung ano ang buhay pananampalataya; hindi ang sabihing, “Ito ang oras para sa akin, itong oras ay para sa aking gawain, itong oras ay para sa aking pamilya, at ang nalalabi ay para sa Panginoon.” Ang buhay pamilya, buhay sa gawain, buhay sa paaralan, lahat ng ito ay buhay para sa Panginoon.

Marahil ay sasabihin ninyo, “Paano ako kung gayon ang aking ikabubuhay? Kung ako ay magsisilbi para lamang sa Panginoon, sino ang mag-aalaga sa aking pamilya?” Huwag mag-alala, aking kapwa mga mananampalataya. Kung tayo’y naglilingkod sa Panginoon lamang, Kukunin Niya ang buong tungkulin para sa atin at mag-aalaga sa atin.

Sinabi ng ating Panginoon, “Sinoma’y hindi

294 Upang Matupad ang Kalooban ng Diyos

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

nakapaglilingkod sa dalawang panginoon; sapagka’t kapopootan niya ang isa, at iibigin ang ikalawa, o kaya’y magtatapat siya sa isa, at pawawalang halaga ang ikalawa. Hindi kayo makapaglilingkod sa Dios at sa mga kayamanan” (Mateo 6:24), at patuloy Niyang sinabi, “Kaya huwag kayong mangabalisa, na mangagsabi, ‘Ano ang aming kakanin?’ o ‘Ano ang aming iinumin?’ o ‘Ano ang aming daramtin?’ Sapagka’t ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pinaghahanap ng mga Gentil. Yamang talastas ng inyong Ama sa kalangitan na kinakailangan ninyo ang lahat ng mga bagay na ito. Datapuwa’t hanapin muna ninyo ang Kaniyang kaharian, at ang Kaniyang katuwiran, at ang lahat ng mga bagay na ito ay pawang idaragdag sa inyo” (Mateo 6:31-33). Tayo’y nananalig sa Salita, at huwag mabalisa sa lahat ng ating pangangailangan, dahil tayo ay higit na mahalaga kaysa sa mga ibon sa himpapawid.

Ito ang isinakatuparan ng Diyos sa ikatlong araw. Ang lupa at ang mga dagat ay dapat paghiwalayin. Ang espiritu at ang laman ay dapat malinaw na mahiwalay sa ating mga puso. Kung mayroon pa ring karnal na nakakabit na mga pabigat at pagala-gala sa ating mga puso, ang gawaing paghihiwalay sa mga ito ay dapat maganap. Bilang mga nagsasanay sa paaralang misyon kayo ay dapat maging malinaw sa paksang ito. Ang inyong mga puso ay hindi dapat hangarin ang sanlibutang ito, ni hanapin lamang ang kasiyahan ng inyong sariling laman. Kailangan kayong magkaroon ng likas na mamuhay kasama ang Panginoon, ang magdusa kasama Niya at ang maging masaya kasama Niya. Nauunawaan ba ninyo ito ngayon?

Upang Matupad ang Kalooban ng Diyos 295

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

Tayo Ay mga Kawal sa Kaharian ng Langit Ang ating mga puso ay dapat wastong maitalaga sa Diyos.

Kahit pa ang isang hukbo ay may ilang daang libong kawal, kung ang hukbong ito ay tunay na nakikibaka para sa kanyang bansa at sa kanyang hari, kung gayon lahat nitong di-mabilang na mga kawal ay ganap na walang kabuluhan. Sasayangin lamang nila ang mga armas at uubusin ang kayamanan ng bansa.

Salungat nito, kahit pa ang isang hukbo ay may 300 kawal lamang, kung lahat nitong mga kawal ay puno ng katapatan sa kanilang bansa at sa kanilang hari, kung gayon itong 300 kawal ay binubuo ng isang natatanging puwersa. Kahit pa sila ay makidigma sa isang hukbo na may ilang daang libong kawal, itong 300 malalakas na kawal ay mananaig. Anong uri ng hukbo tayo dapat maging kung gayon? Sa harap ng Diyos, dapat tayong maging tulad ng natatanging puwersa, nabubuhay para lamang sa ebanghelyo at sa Kanya.

Upang mailarawan, hayaang sabihin ko sa inyo ang maikling kwento rito. Noong mahabahang panahon, mayroong dalawang bansa. Ang isa ay bansa ng mga hindi matatalino, at ang isa naman ay bansa ng mga tuso. Sa bansa ng mga ang lahat ay mahihinang mag-isip, mula sa kanyang hari hanggang sa kanyang mga mamamayan. Sa bansa ng mga tuso, salungat nito, ang hari ay labis na matalino, maging ang kanyang mamamayan ay napakatuso.

Isang araw, ang dalawang bansa ay nagdigmaan sa isa’t-isa. Nang ang hari sa bansang tuso ay nag-utos, “Lusob!” ang kanyang mga kawal ay hindi lumusob, sinabing, “Kamahalan, huwag muna tayong lumusob ngayon. Higit na makabubuti kung maghintay ng kaunti pa at pagkatapos ay lumusob ng pasulong.” Ang hari ng bansang mapurol ay inutos

296 Upang Matupad ang Kalooban ng Diyos

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

din, “Lusob!” Nang marinig ang utos na ito, ang kanyang mga kawal ay pinaulan ang lugar ng digmaan, hindi alintana kung sila’y mamamatay o hindi. Ang bansa ng mga mapurol ang isip ay nagwagi sa digmaang ito. Paano sila nanalo? Nagwagi sila dahil ang mga kawal nito ay ginawa ang utos ng hari, hindi pinipilit ang kanilang sariling paraan.

Sa madaling salita, bagaman ang mga kawal ay walang kakayahan, ibinigay nila ang kanilang mga buhay para sa kanilang hari at sa kanilang bansa. Ang bansa ng mga tuso ay madali sanang nalupig ang bansa ng mapupurol at nagwagi sa digmaan, yamang ang lahat ay labis na matalino, nguni’t malayo nito, ang hari niya’y hinuli at ang kawal ay nangamatay. Bagaman ang mga kawal ng bansang mapurol ay walang karunungan, itinalaga nila ang kanilang isipan para sa hari. Ang hari ay maaaring magtagumpay sa digmaan sa pamamagitan nitong ganap na pag-aalay ng mga kawal.

Tayo ay mga kawal sa espiritwal na digmaan. Sa pakikidigmang ito, kung ating malinaw na itinalaga ang ating mga puso, sasabihing, “Panginoon, ako’y mabubuhay para sa Inyo lamang,” sa gayon tayo’y magwawagi sa digmaan. Salungat nito, yaong hindi itinalaga ang kanilang mga isipan sa Panginoon ay malulupig sa bawa’t pakikibaka sa digmaan, kahit pa sila makikidigma sa isang daang mga digmaan. Ano ang mangyayari sa ating mga puso kung gayon? Ang ating mga puso ay dapat malinaw na itinalagang mabuhay para sa Diyos.

Ano ang ating pinunta sa paaralang misyon? Tayo ba ay nagtungo upang maging mabuting mangangaral? Tayo ba ay nagtungo upang matutunan ang mga lihim upang maging matagumpay na mga ministro? Hindi tayo nagtungo sa paaralang misyon dahil dito. Hindi tayo nagtungo sa paaralang misyong ito upang kamtan ang ilang natatanging handog—ito ay, ang gayong mga bagay tulad pagsasalita ng ibang mga wika

Upang Matupad ang Kalooban ng Diyos 297

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

o ang kaloob ng paghuhula. Para sa ano, kung gayon, tayo nagtungo sa paaralang misyon? Hindi ba tayo nagtungo upang mabuhay para sa Panginoon? Katotohanan, tayo’y nagtungo dahil nais nating mabuhay para sa Panginoon. Kapag ating itinalaga ang ating mga puso na mabuhay para sa Diyos, tutulutan Niya tayo at ibibigay sa atin lahat ng ating kailangan.

Hindi upang maging tulad ni Cain, isang bihasa sa karnal na mga bagay, kaya tayo nagpunta dito sa paaralang misyon. Para sa ano, kung gayon, tayo mabubuhay ngayon? Bagaman tayo ay walang kabuluhan tulad ni Abel, dapat tayong mabuhay sa uri ng buhay na nabubuhay para sa Diyos, itinatalaga ang ating mga puso, sinusunod Siya kapag Siya’y nangungusap, at nakikiisa ang ating mga puso sa Kanya na may tugong “oo.” Ang ating mga puso ay dapat italaga sa Diyos, at ang ating mga puso ay dapat nasa Kanyang panig. Kailangan ng Diyos yaong ang mga puso ay nasa Kanyang panig. Ang mabuhay para sa Kanya kaya tayo nagtungo sa paaralang misyon. Iyan kung bakit tayo ngayon ay nagsasanay dito.

Aking kapwa mga mananampalataya, ngayong narinig ninyo ang Salita, paano ninyo iniisip ang iyong layunin sa pagparito sa paaralang misyon? Hindi ba ito nagbago kahit kaunti? Inyong nakamtan ang kapatawaran sa inyong mga kasalanan at nagtungo sa paraalang misyon para sa Diyos, upang palawigin ang ebanghelyo sa mga kaluluwa, at upang maglingkod sa gawaing pagpapalawak ng Kaharian ng Diyos. Para sa layuning ito kayo ngayon ay nag-aaral ng Salita, nananalangin, at nagsasanay sa ibat-ibang mga bagay.

Tulad niyaon, yaong naparito sa paaralang misyon ay hindi dapat magkaroon ng labis na marami ng kanilang sariling mga kaisipan. Dito sa paaralang misyon kung saan ang ating sariling mga kaisipan ay naglalaho. Yaong labis na nag-iisip sa kanilang sarili, o naghahanap ng ilang personal at

298 Upang Matupad ang Kalooban ng Diyos

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

kanya-kanyang mga bagay, ay hindi nararapat bilang mga kawal ng Diyos. Bagaman tayo ay walang kakayanan sa ating laman, sa ating pagsali sa mga hanay ng kawal, kapag ang ating Panginoon, na Siyang naging ating tunay na Hari, ay mag-utos sa atin, “Lusob!” dapat tayong maging handa na lumusob nang walang pagtatanong, at buong pusong sumunod sa anumang inuutos ng Panginoon sa atin.

Ang ating Diyos ay tinawag tayong lahat upang gawing tayo na Kanyang mga mangagawa.

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

Upang Pumasok sa Gawain ng Diyos

< Genesis 1:9-13 > “At sinabi ng Dios, ‘Mapisan ang tubig na nasa silong

ng langit sa isang dako, at lumitaw ang katuyuan,’ at nagkagayon. At tinawag ng Dios ang katuyuan na Lupa, at ang kapisanan ng tubig ay tinawag Niyang mga Dagat; at nakita ng Dios na mabuti. At sinabi ng Dios, ‘Sibulan ang lupa ng damo, pananim na nagkakabinhi, at punong kahoy na namumunga ayon sa kaniyang pagkakahoy, na taglay ang kaniyang binhi sa ibabaw ng lupa,’ at nagkagayon. At ang lupa ay sinibulan ng damo, pananim na nagkakabinhi, ayon sa kaniyang pagkapananim, at ng punong kahoy na namumunga, na taglay ang kaniyang binhi, ayon sa kaniyang pagkakahoy, at nakita ng Dios na mabuti. At nagkahapon at nagkaumaga ang ikatlong araw.”

Sa pasimula, nilikha ng Diyos lahat ng langit at ang

kalawakan, at pagkatapos ay nilikha ang sangkatauhan. Kanyang pinasilang na muli ang mga tao sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Pagkatapos sa ikatlong araw, sinabi ng Diyos, “Sibulan ang lupa ng damo, pananim na nagkakabinhi, at punong kahoy na namumunga ayon sa kaniyang pagkakahoy, na taglay ang kaniyang binhi sa ibabaw ng lupa,” (Genesis 1:11); at ito ay nagkagayon, nakita ng Diyos na ito ay mabuti.

Sa mga gawaing ito na ginawa ng Diyos sa ikatlong araw,

300 Upang Pumasok sa Gawain ng Diyos

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

ano ang lupa na tinutukoy? Ito ay tumutukoy sa ating mga puso. Samakatuwid, ibig sabihin ng talatang ito ay sa paghahasik ng Salita ng Diyos sa puso ng mga tao, pinamulaklak ng Diyos ang Kanyang Salita, namukadkad, at namunga sa ating mga puso. Sinasabi sa atin ang katotohanang ang Diyos ang nangungusap at kumikilos sa ating mga puso.

Upang tayo ay mamuhay sa buhay pananampalataya ay ang pagtanggap sa Katotohanan ng Diyos sa ating mga puso at magkakaroon ng bunga ng Banal na Espiritu sa pamamagitan ng pananampalataya. Subali’t, ang pinakamalaking hadlang sa Salita ng Katotohanan na namumukadkad at nagbubunga sa ating mga puso ay ang ating mga kaisipan ng laman na likha ng tao. Ang mga kaisipan ng tao ay tunay na walang saysay para sa kaligtasan ng isang kaluluwa mula sa kasalanan at magkaroon ng bunga ng Banal na Espiritu. Iyan kung bakit sinabi ng Diyos sa mga tubig na nasa ilalim ng langit na magtipon sa isang dako. Sa pamamagitan ng ngayong talata sa Kasulatan, tinuturo ng Panginoon sa atin kung magkaroon ng bunga ng Banal na Espiritu.

Hinayaan ng Diyos ang Kanyang Salita ng Katotohanan ng Magkaroon ng mga Bunga sa Ating mga Puso

Sa ikatlong araw ng paglikha, pinalitaw ng Diyos ang

tuyong lupa mula sa mga tubig, at sa lupang lumantad na ito, hinayaan Niya lahat ng mga halaman na anihin ang mga binhi at nagkaroon ng lahat ng punongkahoy. Ano ang kahulugan nang sinabi ng Diyos, “Lumitaw ang katuyuan”? Tulad ng aking dating nasabi, sa Biblia, ang tuyong lupa ay tumutukoy sa puso ng mga tao. Bakit sinabi ng Diyos dito, “Lumitaw ang

Upang Pumasok sa Gawain ng Diyos 301

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

katuyuan”? Ito ay dahil ang tao ay kailangang malaman kung anong

mga kasalanan ang naroon sa kanilang mga puso upang ang kapangyarihan ng Salita ng Diyos ay kumikilos sa kanilang mga puso. Inutos ng Diyos sa tuyong lupa na lumitaw dahil nais Niya na alisin ang mga kasalanan ng tao at gawin ang mga ito na minsanang maglaho.

Kung ang puso ng mga tao ay likas na mabuti, wala ng anumang kailangan para sa kaligtasan. Nguni’t, dahil ang tao ay likas na masama sa kanilang mga puso, silang lahat ay kailangang maligtas sa gayong mga kasalanan. Sa ibang salita, sinasabi ng Diyos dito na ang mga kasalanan ng sangkatauhan ay dapat likas na mabunyag. Mula sa pagsilang, lahat ng tao ay isinilang bilang mga makasalanan, at wala silang magagawa kundi ang magkasala hanggang sa araw na sila’y pumanaw. Samakatuwid, ang mga tao ay maaaring makita kung gaano ang kanilang pagiging makasalanan, at kung gaano ang kanilang kagaspangan at kasamaan.

Anong Uri ng Likas na mga Kasalanan ang Naroon sa Puso ng Sangkatauhan?

Sa puso ng tao, mayroong 12 uri ng mga kasalanan:

masasamang pagiisip, mga pangangalunya, mga pagnanakaw, pagpatay sa kapwa-tao, mga pakikiapid, mga pag-iimbot, mga kasamaan, panlilinlang, kahalayan, matang masama, paglapastangan, kapalaluan at kamangmangan. Lahat nitong kasalanang, na nananahan sa puso ng mga tao, ang gumawa sa kanila na gumawa ng mga pagsalangsang at naging mga makasalanan sa harap ng Diyos. Ibig sabihin na dahil sa gayong mga kasalanan, ang tao ay walang mapipili kundi ang

302 Upang Pumasok sa Gawain ng Diyos

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

patuloy sa pagkakasala hanggang sa kanilang buong buhay. Ibig sabihin din na ang lahat ay walang mapipili kundi tanggapin ang paghahatol ng Diyos at pagwasak. Tulad niyaon, ang mga kasalanan ng tao ang sumisira sa kanila. Tulad ng sinabi ni Jesus, “Ang lumalabas sa tao, yaon ang nakahahawa sa tao. Sapagkat mula sa loob, mula sa puso ng mga tao, lumalabas ang masasamang pagiisip, ang mga pakikiapid, ang mga pagnanakaw, ang mga pagpatay sa kapuwa-tao, ang mga pangangalunya, ang mga kasakiman, ang mga kasamaan, ang pagdaraya, ang kalibugan, ang matang masama, ang kapusungan, ang kapalaluan, ang kamangmangan. Ang lahat ng masasamang bagay na ito ay sa loob nagsisipanggaling at nangakakahawa sa tao” (Marcos 7:20-23).

Samakatuwid, ang mga tao ay dapat malaman kung anong uri ng kasamaan ang likas na nananahan sa kanilang mga puso, at tanggapin ang ebanghelyo ng Katotohanan ng tubig at ng Espiritu, na siyang Katotohanan ng kaligtasang binigay ni Jesu-Cristo sa kanila, sa kanilang sariling mga puso. Dapat nating tanggapin ang katotohanan na ang makasalanang likas tulad sa isa-isang sinabi sa Ebanghelyo ni Marcos kabanata 7 ay nasa ating laman, kahit matapos kamtan ang kapatawaran sa ating mga kasalanan. Nang ating kilalanin ang ating likas na kasamaan tayo’y makasusunod, sa pamamagitan ng pananampalataya, sa Salita ng Katotohanan, na binigay ng Panginoon sa atin. Tayong lahat ay dapat tanggapin ng ating mga puso ang Salita ng Panginoon, at dapat din nating kilalanin ang katunayang walang bagay na matuwid sa atin, at ang Diyos lamang ang mabuti. Upang ating makamtan ang kaligtasan sa lahat ng kasalanan, dapat nating malaman ang ating sariling kasamaan at tanggapin ang ebanghelyo ng kapatawaran sa kasalanan na pinagkaloob ni Jesu-Cristo sa atin. Malibang maisakatuparan itong dalawang mga kundisyon,

Upang Pumasok sa Gawain ng Diyos 303

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

wala ni isa ang magkakamit ng kapatawaran sa kanyang mga kasalanan.

Si Jesu-Cristo ay naparito sa lupa upang iligtas kung hindi yaong likas na patungong impiyerno dahil sa kanilang mga kasalanan. Tulad ng sinabi ni Jesu-Cristo, “Hindi Ako pumarito upang tawagin ang mga matuwid, kundi ang mga makasalanan sa pagsisisi,” (Lucas 5:32), nais ni Jesu-Cristo na iligtas lahat ng makasalanang nabubuhay dito sa lupa na buong tumanggap sa katotohanang sila sa kanilang mga sarili ay mga makasalanan.

Sinasabi ng Biblia na kung ang tao ay hindi hinayag na ang kanilang mga sarili ay mga makasalanan, hindi sila magkakaroon ng bunga ng kaligtasan sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung binigay ng Panginoon. Pinahintulot ng Diyos yaon lamang ganap na tumanggap sa kanilang mga sarili bilang mga makasalanan upang kamtan ang tunay na kapatawaran sa kasalanan. Upang makamit ang biyaya ng kaligtasan ng Diyos, ang isang tao ay dapat tanggapin ang katunayang siya’y isang makasalanan, nguni’t ito ay hindi ginagawa sa pamamagitan lamang ng pagsabing, “Ako ay isang makasalanan,” ng walang anumang mga pamantayan. Sa halip, ito ay ginagawa sa pamamagitan ng pagkilala sa Salita ng Diyos. Batay sa kung tayo ay tinatanggap ang Salita ng Diyos o hindi, tayo ay mananatili bilang mga makasalanan o magiging matuwid.

Lahat ng tao, tulad ng sinabi ng Panginoon sa Marcos 7:21-23, ay dapat kilalanin na sa kanilang mga sarili ay isang buong kumpol ng kasalanan, at kailangan nilang kamtan ang kaligtasan sa lahat ng kasalanan sa pamamagitan ng pananalig sa Panginoon. Mula sa pagsilang, ang puso ng sangkatauhan ay likas na may pagkiling na gumawa ng gayong mga kasalanan tulad ng pagpatay sa kapwa, mga pakikiapid, pagnanakaw,

304 Upang Pumasok sa Gawain ng Diyos

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

kahalayan, kapalaluan, kamangmangan, pagbibigay ng maling saksi, at iba pa. Samakatuwid, tayong lahat ay dapat manalig at sundin ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu na tinupad sa katuwiran ng Diyos.

Nang sabihin ng Biblia na ang tuyong lupa ay lumitaw, ito ay sinasaad na ang sariling kasamaan ng tao ay nahayag. Ibig sabihin nililigtas ng Diyos ang taong tahasang inaamin ang kanyang sariling kasamaan sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, at sa pamamagitan ng taong yaon, Siya’y higit na magkakaroon ng maraming bunga ng kaligtasan.

Subali’t, yaong hindi kinilala ang kanilang kasamaan sa halip ay inangkin ang kanilang sariling kabutihan, ang kaligtasang binigay ng Diyos ay walang bisa sa kanila, dahil ang hanap ng taong gayon ay kanilang sariling katuwiran sa halip ng katuwiran ng Diyos. Sa harap ng Diyos, mali sa isang tao na marinig sa pagsabi ng iba, “Ikaw ay mabuti. Ikaw ay mabait.” Kung ikaw ay kinikilala sa labis na kabaitan at kabutihan, nawa ay iyong mabatid na ikaw, sa pamamagitan ng iyong sariling kabutihan, marahil ay naging yaong sumasalungat sa katuwiran ng Diyos. Ang kabutihan ng tao ay pagkukunwari, kinikilala lamang ng mga tao. Tulad ng sinabi dati, ang likas na anyo ng tao ay yaong iniisip ang masama at nakagagawa ng pagpatay sa kapwa, at ito ay puspos ng gayong mga kasalanan tulad ng mga pakikiapid, pagnanakaw, mga pangangalunya, kahalayan, ang kapusungan, kapalaluan, kamangmangan, atbpa. Samakatuwid, ang mga tao ay tulad ng mga lalagyan ng basurahan. Kung hindi, bakit sinabi ng Diyos, “Ang puso ay magdaraya ng higit kay sa lahat ng bagay, at totoong masama; sinong makakaalam?” (Jeremias 17:9)?

Ang suliranin na ang tao ay hindi wastong nalalaman kung ano sila sa kanilang mga sarili. Ang mga tao ay nililinlang maging ang kanilang mga sarili. Dahil ang tao ay

Upang Pumasok sa Gawain ng Diyos 305

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

nagkakaharap sa isa’t-isa sa ilalim ng maskara ng pagkukunwari, nakikita nila ang isa’t-isa ng kanilang mga huwad na anyo. Sa gayon sila’y patuloy sa pagkubli ng kanilang mga sarili hanggang sa pinakahuli, hindi tinatanggap ang kanilang likas na tunay na kasamaan. Maraming tao ang hindi tinatanggap ang kanilang makasalanang mga sarili hanggang sa pinakahuli sa pamamagitan ng panlilinlang sa Diyos, maging sa kanilang mga sarili. Sila yaong hindi tinatanggap sa pamamagitan ng pananampalataya ang ebanghelyo ng Katotohanan na ang Anak ng Diyos ay iniligtas sila sa lahat ng kasalanan sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Sa gayon, ang pinakamasama ay yaong nagtatangka na ikubli ang kanilang kasamaan sa pamamagitan ng pangkukunwari. Ang mga taong ito ay naging pinakamalaking kaaway ng Diyos sa sanlibutang ito at sumasalungat sa Kanya ng lubos.

Wala ni isa ang likas na mabuti. Iyan kung bakit sinabi sa Biblia, “Walang matuwid, wala, wala kahit isa; Walang nakatatalastas, walang humahanap sa Dios; Silang lahat ay nagsilihis, magkakasamang nawalan ng kasaysayan; walang gumagawa ng mabuti, wala, wala kahit isa,” (Roma 3:10-12).

Sinasabi ng Diyos sa lahat ng tao, “Kayo ay taong mahahalay.” Sa palagay ba ninyo ang tao ay maaaring mamuhay na banal sa pamamagitan lamang ng kanilang mga sarili? Iyan ay isang malaking kamalian. Gayon pa man, ang sanlibutan ay tinuturo sa mga tao na sila’y maaaring maging mabuti, at ang bunga nitong huwad na katuruan, ang tao ay naging mga mapagkunwari na lamang, kumikilos animo sila’y mababait.

Ang mga manlilinlang sa ngayong Kristiyanismo ay nagkalat ng mga abo ng pagkukunwari sa mga miyembro sa iglesia. Dahil ang mga mapagkunwari ay araw-araw na patuloy

306 Upang Pumasok sa Gawain ng Diyos

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

na nabubuhay sa pagkukunwaring kabaitan, hindi nila nalalaman na sila’y mga masasamang tao sa harap ng Diyos. Bakit hindi nila nalalamang sila’y masasamang tao? Dahil hindi nila nakikilala ang kanilang likas na mga sarili. Likas na lahat ng tao ay isinilang bilang mga makasalanan mula sa kanilang pagsilang. Subali’t, si satanas na diablo ay paulit-ulit na nagkalat ng mga abo ng pagkukunwari sa lahat ng ating kaisipan at sa mga puso, upang hindi natin nalaman ang ating tunay na buhay, upang hadlangan ang sangkatauhan na kamtan ang kapatawaran sa kasalanan mula sa Diyos.

Sa Genesis 6:5, ay sinasabi, “At nakita ng Panginoon na mabigat ang kasamaan ng tao sa lupa, at ang buong haka ng mga pagiisip ng kaniyang puso ay pawang masama lamang na parati.” Sanhi nito, binaba ng Diyos ang Kanyang paghahatol dito sa lupa. Sa panahong yaon, walong miyembro lamang sa pamilya ni Noe ang naligtas, at lahat ng masasama ay nahatulan. Si Noe, yamang nasumpungan ang biyaya ng kaligtasan mula sa Diyos, ay naligtas sa paghahatol ng tubig.

Anong Uri ng Tao ang Hindi Ibig ng Diyos? Ang tao na ayaw ng Diyos sa lahat ay yaong nanginginig

sa pagkukunwarai sa Diyos. Yaong hindi tinatanggap ang katotohanang sila’y masasamang mga makasalanan ay mga mapagkunwari lahat. Ang mga mapagkunwari ay yaong hindi nakikinig sa kanilang sariling budhi, na nagsasabi sa kanila na sila’y patungo sa impiyerno dahil sa kanilang mga kasalanan, at hindi pansin ang bautismo ng kapatawaran sa kasalanan at sa ebanghelyo ng kaligtasan ng dugong binigay ni Jesu-Cristo. Ang mga mapagkunwari ay yaong nagkukunwari ng pagiging taong matuwid sa kabila ng katunayang sila’y mga dakilang

Upang Pumasok sa Gawain ng Diyos 307

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

mga makasalanan, at nagsasabing nakamtan ang kapatawaran sa kanilang mga kasalanan sa kabila ng katunayang hindi pa nila tunay na nakamit ito. Yaong kumikilos ng pagkukunwari sa Diyos ay yaong naniniwala sa Diyos na hindi nakikilala ang Katotohanan ng pagiging isinilang na muli sa tubig at sa Espiritu, at sila yaong inilubog ang kanilang mga sarili sa mga gawaing pagkukunwari upang ikubli ang kanilang mga kasamaan.

Ayaw ng Diyos sa lahat ang pagkukunwari ng mga tao—ito ay, ang kanilang huwad na kabutihan—dahil ang kanilang pagkukunwari ay laban sa tunay na kabutihan ng Diyos. Nguni’t, ang ibang tao ay pinupuna tayo dahil sa pagluwalhati lamang sa katuwiran ng Diyos at sinasakdal ang kabutihan ng mga tao. Sinasabi nila na tayo ay lubos na nagkamali. Ito marahil ay kamalian mula sa kanilang pananaw, nguni’t kung ating titignan ang pananaw ng Diyos, ito ang tiyak na kabaligtaran.

Ang tao ay likas na masama, nguni’t sinisikap pa rin nilang isagawa ang mga kabutihan upang ikubli ang kanilang tunay na mga sarili. Subali’t, ang tangkang ikubli ang kanilang mga kasamaan sa pamamagitan ng isang maliit na kabutihan ay tulad ng pagkubli sa langit sa pamamagitan ng palad ng kamay. Ang mga tao sa kanilang mga sarili ay marurumi at walang moral, at kung gayon paano natin masasabi na ang tao ay mabubuti? Anong kabutihan mayroon sa mga tao? Salungat nito, ang mga tao ay kailangang ipahayag ang kanilang kasamaan at tanggapin ang ganap na kapatawaran sa kanilang mga kasalanan na kasing-puti ng niyebe sa pamamagitan ng pananalig sa Salita ng Biblia, na siyagn Salita ng Diyos. At pagkatapos, matapos maging matuwid dahil sa pagkamit ng kapatawaran sa kanilang mga kasalanan, kailangan nilang ipagpatuloy ang tunay na kabutihan ng Diyos, hindi ang

308 Upang Pumasok sa Gawain ng Diyos

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

pagkukunwari ng mga tao. Kailangan nilang talikdan lahat ng kanilang pagkukunwari at mga kasamaan, at kung gayong dapat nilang sundin ang tunay na kabutihan ng Diyos.

Paano natin malalamang tayo’y taong marurumi at magagaspang? Hindi sa pamamagitan ng katunayang tayo ay nakagawa ng gayong mga kasalanan sa ating sariling mga asal, bagkus sa halip, nabatid nga natin sa pamamagitan ng katunayan na kapag ating pinagnilayan ang ating mga sarili sa Salita ng Diyos, walang tayong magagawa kundi aminin na lahat ng gayong mga kasamaan ay tunay na masusumpungan sa ating mga puso. Ito ang paraan upang maging isang makasalanan sa harap ng Salita—ito ay, upang kilalanin ang ating mga sarili bilang mga makasalanan. Upang kamtan ang kaligtasan sa biyaya ng Diyos, dapat muna tayong maging mga makasalanan sa harap ng Salita. Bagaman tayong lahat ay taong masasama, sa pagtanggap ng ebanghelyo ng kaligtasan ng kapatawaran sa kasalanan, tayo ay naligtas sa lahat ng ating kasalanan at ngayo’y nabubuhay bilang taong matuwid. Dagdag nito, lahat nga ng nagkamit ng kanilang kaligtasan ay iwawaksi ang kanilang pagkukunwari mula niyaon at nabubuhay sa pamamagitan ng pananalig lamang sa katuwiran ni Jesu-Cristo.

Ang Diyos ay hindi inilalagay ang Kanyang mga pag-asa sa pagkukunwari ng sangkatauhan. Dahil ang lahat ay likas na mapagkunwari, ang Diyos ay hindi maaaring ilagay ang Kanyang mga pag-asa sa mga tao. Dahil ang pagkukunwari rin ay isang bagay na pinagpapatuloy ng mga relihiyon ng sanlibutan, inilalagay ng Diyos ang Kanyang pag-asa sa mga nananalig sa Kanyang Salita, sa halip na ilagay ang mga ito sa relihiyon. Ang pagkukunwari ay hindi lamang naghahatid ng pagbagsak ng isang tao, bagkus ito ay itinutulak ang lahat sa masamang mga paraan. Dagdag nito, ang pagkukunwari ay

Upang Pumasok sa Gawain ng Diyos 309

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

isang balakid na humahadlang sa mga pagpapala ng Diyos, maging isang daan na maghahatid ng sumpa sa mga tao. Samakatuwid, kahit na sino, ang lahat ay dapat alisin ang maskara ng pagkukunwari sa harap ng Diyos at sa tao, at magbalik sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Yamang ang pagkukunwari ay bagay na sumisira sa sariling katawan ng isang tao, ang mga tao ay kailangang sundin ang Katotohanan.

Ano, kung gayon, ang binigay ng Diyos na Katotohanan ng kaligtasan? Ito ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung binigay ni Jesu-Cristo. Tayong lahat ay maaaring isilang na muli ngayon, dahil si Jesu-Cristo ay niligtas tayo sa lahat ng ating kasalanan at mga pagsalangsang nang tanggapin ang bautismo ni Juan Bautista at pagkatapos ay kamatayan sa Krus.

Dagdag nito, dahil sa Katotohanan, ito ay naging malinaw na walang kabutihan sa mga tao. Kahit sino ka man, huwag linlangin ang inyong mga sarili. At huwag din magpapalinlang sa pagkukunwari ninuman. Walang sinuman ang dapat kumilala sa kanyang sarili na mataas.

Bago nagsimulang manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, inyo bang tinanggap ang katotohanang kayo ay masama sa harap ng Panginoon? Buong puso nating dapat tanggapin ang katotohanan na tayo mismo ay masasamang tao. Tunay nga, kasamaan lamang ang maaaring lumabas sa mga tao, gaano man ang pagsisikap ng isang tao. Ang katunayan na tanging mga kaisipang pagnanakaw, pagpatay sa kapwa, pangangalunya, kahalayan, pandaraya, pag-aawayan, kahangalan at balakid ang lumalabas sa puso ng tao. Ang gayong masamang mga anyo ang tinutukoy ng Diyos bilang likas na masamang anyo ng mga tao.

Nguni’t sa kabila nito, maraming tao dito sa lupa ang patuloy na nabubuhay na hindi tinatanggap ang kanilang likas na kasamaan. Hanggang ang kanilang masamang gawa ay

310 Upang Pumasok sa Gawain ng Diyos

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

hindi nabunyag, hindi nila matatanggap ang katotohanan na sila sa kanilang mga sarili ay masasama at patungo sa impiyerno. Ito ang dahilan bakit labis na maraming tao ang hindi tumanggap sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Nguni’t dahil ang Diyos, na Siyang lumikha sa atin, nalalaman na tayo ay likas na mga taong masama, patuloy Niyang sinasabi, “Kayo ay masasamang nilalang.” Bagaman itinalaga ng Diyos ang Kautusan upang ating mabatid ang ating kasamaan, marami ang patuloy pa rin na hindi kinikilala ang kanilang mga kasamaan. Sa halip, tinatangka nilang ikubli ang kanilang mga karumihan sa pamamagitan ng mga dahon ng igos, ito ay, sa pamamagitan ng kanilang sariling relihiyosong mga buhay. Ito ang pinakamasamang anyo ng mga tao.

Subali’t, walang sinumang makapagtatago ng kanyang nakakahiyang mga kasalanan sa pamamagitan ng anumang uri ng relihiyon dito sa lupa. Ang sinumang nagnanais na linisin ang kanyang mga kasalanan ay dapat manalig na si Jesu-Cristo ay naparito sa lupa para sa kanya, tinanggap ang bautismo para sa kanya, namatay alang-alang sa kanya sa Krus, at nabuhay na muli para sa kanya. Tanging sa pananalig tulad nito maglalaho ang mga kasalanan ng isang tao. Nawa kayo rin ay makakamit ang kaligtasan mula sa inyong mga kasalanan sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung binigay ni Jesu-Cristo. Nais ng Panginoon sa mga tao na itapon ang kanilang mga kasamaan at maging yaong gumagawa ng matuwid na mga gawain sa pamamagitan ng paghahanap ng Kanyang Katotohanan. Aking kapwa mga mananampalataya, upang masunod ang katuwiran ng Diyos, ang isang tao ay kailangang manalig lamang sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at sundin si Jesu-Cristo.

Sinabi sa ngayong talata sa Kasulatan na nang Diyos ay tumingin sa tuyong lupa at sa lupa ay sumibol ang mga

Upang Pumasok sa Gawain ng Diyos 311

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

punongkahoy na namumunga at ang mga halaman na naghahasik ng mga binhi, nakita Niya na “ito ay mabuti.” Binigay ng Diyos ang kaligtasan ng kapatawaran sa kasalanan sa lahat ng kumikilala sa kanilang masasamang anyo, at ginawa Niya sila na magkaroon ng bunga ng katuwiran sa pamamagitan ng pangangaral kay Jesu-Cristo, ang bunga na sa paningin ay labis na maganda sa paningin ng Diyos.

Nananalig ba Kayo sa Kaligtasan ni Jesu-Cristo na Siyang Naparito sa pamamagitan ng Tubig at ng Dugo?

Ang mga isinilang na muli ay tinanggap sa kanilang mga

puso at nanalig sa Katotohanan ng bautismo na tinanggap ni Jesu-Cristo sa Ilog ng Jordan. Ang dahilang si Jesu-Cristo ay isinilang dito sa lupa ay upang iligtas tayo sa ating mga kasalanan, at yamang kinuha ni Jesu-Cristo ang ating mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo, Siya’y pinako sa kamatayan upang pasanin ang paghahatol sa ating mga kasalanan. Pagkatapos ng Kanyang kamatayan, si Jesu-Cristo ay nabuhay na muli sa ikatlong araw upang tayo, na Kanyang mga mananampalataya, ay buhaying muli, at Siya ngayon ay nakaupo sa kanang kamay ng Diyos Ama.

Mahal kong kapwa mga mananampalataya, nananalig ba kayo na si Jesu-Cristo ay Diyos, at sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu na Kanyang binigay sa atin? Itong pananampalataya ay siyang pananampalataya na magtutulot sa inyong mga kaluluwa na kamtan ang kapatawaran sa inyong mga kasalanan. Kung wala kayo ng gayong pananampalataya, kayo’y patuloy lamang na mabubuhay tulad ng isang taong umaalingasaw sa mabahong amoy, dahil kayo ay mabubulok sa

312 Upang Pumasok sa Gawain ng Diyos

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

pamamagitan ng pagkukunwari. Ngayon, gayon man, tayo’y makapapasok sa Langit at mabubuhay magpakailanman sa pamamagitan ng pananalig sa katuwiran ng Panginoon na Siyang naparito sa atin sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.

Pinapayo ko sa inyong lahat ngayon na kilalanin ang inyong mga kasamaan at maligtas sa lahat ninyong kasalanan sa pamamagitan ng pananalig sa Salita ng Katotohanan. Sa mga naging matuwid na dahil sa pananalig sa ebanghelyo, hinihiling ko sa inyo na igugol lahat ng inyong nalalabing mga buhay bilang mga lingkod ng katuwiran sa pagtanggap at pananalig sa Salitang Katotohanan ng Diyos. Ang tunay na kaligtasan ng Diyos ay nagmumula sa mga taong tinalikdan ang kanilang pagkukunwari at kinikilala ang kanilang kasamaan. Sa mga kumikilala sa kanilang tunay na mga sarili, binigay ng Diyos ang pagpapala ng pagkamit ng kapatawaran sa kanilang mga kasalanan at ang Banal na Espiritu.

Ang Diyos ay hindi kikilos sa ating karnal na mga kaisipan, nguni’t sa halip, Siya’y kumikilos sa ating mga kaisipan sa pamamagitan ng Salita ng Katotohanan. Naghasik ang Diyos ng mga binhi ng Kanyang Salita sa puso ng mga tao, at pinasibol ang mga ito, namukadkad, at nagkaroon ng mga bunga sa puso.

Sinabi ng Panginoon sa Juan 1:12, “Datapuwa’t ang lahat ng sa Kaniya’y nagsitanggap, ay pinagkalooban Niya sila ng karapatang maging mga anak ng Dios, sa makatuwid baga’y ang mga nagsisisampalataya sa Kaniyang pangalan.” Sinasabi ng Panginoon sa atin, “Ako ang pintuan ng Langit. Niligtas Ko kayo sa pamamagitan ng bughaw, kulay-ube at pulang kayo ng tabing ng pintuan ng Tabernakulo.” Ginawa tayo ng Diyos na Kanyang bayan at Kanyang mga anak, at sinabi Niya, “Ako ay naging personal na inyong Ama at Pastol.” Kapag atin lamang

Upang Pumasok sa Gawain ng Diyos 313

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

tinanggap sa ating mga puso ang Salita ng Katotohanang sinabi ng Diyos sa atin, maaaring mamukadkad ang bulaklak ng kaligtasan sa ating mga puso at magkaroon ng bunga ng Banal na Espiritu.

Ang tunay na buhay pananampalataya ay posible lamang kapag tayo ay nananalig sa Salita ng Diyos sa ating mga puso. Sa pamamagitan ng pananalig sa Salita ng Diyos sa ating mga puso tayo ay magkakaroon ng bunga ng kaligtasan, at kapag tayo ay nanalig sa Salitang ito tayo ay makapupuri sa Diyos mula sa kahibuturan ng ating mga puso, paglingkuran Siya, at kamtan lahat ng mga pagpapala ng Langit. Dapat nating tandaan kung ano ang sinabi ng Diyos dito sa ngayong talata sa Kasulatan: “Sibulang ang lupa ng damo, pananim na nagkakabinhi, at punong kahoy na namumunga ayon sa kaniyang pagkakahoy, na taglay ang kaniyang binhi sa ibabaw ng lupa,” (Genesis 1:11). Pinapayo ko sa inyong lahat na alalahanin na ang lupa dito ay tumutukoy sa inyong mga puso at sa akin, at sa ating mga puso ang Diyos ay kumikilos sa pamamagitan ng Kanyang Salita.

Kung ang Salita ni Jesu-Cristo ay wala sa ating mga puso, ang ating mga puso ay walang bagay na maidudulot. Sa gayong mga puso, walang bagay ang mapapakinabang. Ang gayong mga puso ay magiging walang saysay lamang. Sila’y magiging pusong walang laman lamang. Ang mga kaisipang likha ng tao ay naroon sa laman, nguni’t ang puso ay ay naroon na hiwalay sa espiritu. Ang pusong wala ang Salita ni Jesu-Cristo ay walang laman, at walang anuman dito. Kapag ang ating mga puso ay nananalig sa Salitang sinasabi sa atin ng Diyos ang halamang naghahasik ng binhi at ang puno na namumunga ay magsisimulang lumago sa ating mga puso.

Ating nakamtan ang kaligtasan at naging mga anak ng Diyos sa pamamagitan ng pananalig sa Kanyang Salita sa ating

314 Upang Pumasok sa Gawain ng Diyos

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

mga puso, at atin ding nakamtan ang walang hanggang buhay sa pamamagitan ng pananalig sa Salita ng Diyos, na Siyang nasa itaas sa tunay na Langit. Ating nakamtan lahat ng pagpapala ng Diyos sa ating mga puso. Ito ba ang tunay na nangyari para sa inyo at sa akin din? Kung tayo’y umaasa sa ating mga kaisipan, maraming di-karaniwang mga katanungan ang madalas na naiisip. Subali’t, dapat nating alisin lahat ng gayong mga kaisipan ng laman, at magtiwala lamang sa Salita ng Katotohanan ng Diyos. Saan isinagawa ng Diyos ang Kanyang gawain? Siya’y kumilos sa ating mga puso sa pamamagitan ng Salita. Sa inyong mga puso at sa akin, sinasabi ng Diyos, “Niligtas Ko ikaw sa pamamagitan ng tubig, ng dugo, at ng Banal na Espiritu, at sa gayon, ginawa kita na Aking anak. Ikaw ay Aking anak. Ikaw ay aking supling. Ikaw ay matuwid.”

Ang Salita ng Diyos Ay ang Binhi ng Ebanghelyo na Umaakay sa Atin sa Kaligtasan

Ang Diyos ay nangungusap sa ating mga puso. Sinabi

Niya, “Ako ang iyong Diyos.” Saan bumaba ang Salita ng Diyos? Ito ay bumaba sa mga nananalig sa ebanghelyo ng Salita ng tubig at ng Espiritu ng Diyos. Dito, ang tubig sa itaas ng langit ay nahulog sa daigdig, pinahamog ang daigdig, at hinayaang sumibol ang buhay sa lupang yaon. Ang Salita ng Diyos, ito ay, ang tubig na nasa itaas ng langit, ay ang binhi ng buhay. Sinasabi na ang binhi ng buhay ng Diyos ay naroon sa Kanyang Salita, hindi sa lupa. Lahat ng binhi ay nahulog sa lupa, at sa pamamagitan ng paghukay sa lupa at pag-usbong ng buhay sa loob ng lupa, ito’y tutubo bilang damo, mga halaman, o mga punong kahoy. Ang mga binhing ito ay tutubo upang

Upang Pumasok sa Gawain ng Diyos 315

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

maging mga repolyo, mga punongkahoy na mansanas, o mga punongkahoy na peras at mamumunga.

Sa ibang salita, ang lupa ay walang magagawa sa sarili. Dahil ang Diyos ay kumikilos sa lupa sa pamamagitan ng tubig ang Kanyang gawain ay matutupad. Iba’t-ibang damo, mga halamang naghahasik ng bunga, at mga punongkahoy na namumunga ang umusbong sa lupa tiyak na dahil ang Salita ng Diyos ay nahulog sa lupa at ang lupa ay tinanggap ang Salita bilang binhi ng buhay. Kapag tayo ay nananalig sa Diyos, paano tayo mananalig? Ang pananalig sa Salita ng Diyos ay ang pananalig sa Diyos. Ano ang sinasabi ng Diyos sa atin?

Sinabi ng Diyos na Kanyang inalis ang ating mga kasalanan sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, at binigay Niya sa atin ang banal na mga pagpapala ng Langit. Sinabi ng Diyos na ginawa Niya tayo bilang Kanyang mga anak sa pamamagitan ng kayong piniling lino at sa bughaw, kulay-ube, at pulang kayo sa pintuan ng Tabernakulo. At kung magkagayon, tayo ngayon ay mga anak ng Diyos na nananalig sa ebanghelyo ng Katotohanan ng tubig at ng Espiritu.

Kung gayon, ano ang kaugnayan natin sa Diyos? Matatawag natin ang Diyos na Ama. At matatawag din natin Siya na ating Panginoon, dahil ang Diyos ay ang Panginoon at ang Tagapagligtas. Sa pamamagitan ng ating pananampalataya sa Salita ng Katotohanan, na Siyang sinabi ng Diyos sa ating mga puso, kaya tayo ngayon ay namumuhay sa tunay na buhay pananampalataya. Hindi tayo makapamumuhay na wastong buhay pananampalataya sa pamamagitan ng pagsunod sa ating sariling mga kaisipan. Ang tunay na buhay pananampalataya ay posible lamang kung ang ating mga puso ay nananalig sa Salita ng Diyos. Ang pagpuri sa Diyos ay isa ring bagay na ating ginagawa sa ating mga puso. Dapat nating malaman ang

316 Upang Pumasok sa Gawain ng Diyos

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

katotohanan na sa inyong mga puso at sa akin ang Diyos ay kumikilos. Hinihiling ko sa inyong lahat ang manalig na ang Diyos ay kumilos sa inyong mga puso sa pamamagitan ng ebanghelyo ng Salita ng tubig at ng Espiritu.

Ang Ebanghelyo ng Diyos Na Nagmula sa Itaas ng Langit

Sa Israel, may isang natatanging lambak tinatawag na Dead Sea. Walang anumang bagay ang nabubuhay sa dakong yaon. Ang Ilog ng Jordan na nagsisimula sa Lawa ng Galilee ay dumadaloy dito, at lahat ng tubig mula sa mga lambak ng Israel ay dito umaagos. Ang ibabaw ng Dead Sea pa lang ay umaabot 400 metero ang lalim. Dahil walang ibang dako na higit na mababa kaysa sa Dead Sea, lahat ng tubig na umaagos sa lawa ay hindi maaaring maalis ang tubig kahit saan man, at sa bilis ng pagtuyo ng tubig sanhi ng mainit na klima ng rehiyon, ang alat ng Dead Sea ng tubig ay labis na mataas. Kaya walang isda sa Dead Sea, at walang anumang buhay doon. Sa baybayin ng Dead Sea, halos kakaunti ang damo o mga puno ang maaaring tumubo.

Ang daigdig ng kaisipan ng tao ay tulad ng Dead Sea. Ang Salita ng Diyos ay hindi kumikilos sa loob ng kaisipan ng tao. Kung ang Salita ng Diyos ay mahulog sa tubig ng dagat, ang gawain ng Diyos ay hindi magaganap. Kung ang Salita ng Diyos ay mahulog sa dagat ng ating mga kaisipan ng laman, walang buhay ang maaring umusbong at lumaki. Sa dahilang ito, kailangan tayong mamuhay sa pananampalataya sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Yamang taglay ang pananampalataya sa Panginoon ay mababatid din sa pamamagitan ng pananalig sa Salita ng Diyos.

Upang Pumasok sa Gawain ng Diyos 317

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

Dapat tayong manalig sa Salita ng Diyos ng ating mga puso. Ang mga tao ay nagdagdag ng pamagat sa Hebreo

kabanata 11 tinatawag bilang kabanata ng pananampalataya. Kung ating titignan ang Hebreo 11:24-31, dito ay nakatala, “Sa pananampalataya na si Moises, ay tumangging siya’y tawaging anak ng anak na babae ni Faraon, na pinili pa ang siya’y tampalasanin na kasama ng bayan ng Dios, kay sa magtamo ng nagsisikupas na kaligayahan sa pagkakasala, na inaring malaking kayamanan ang kadustaan ni Cristo, kay sa mga kayamanan ng Egipto; sapagka’t ang kaniyang tinititigan ay ang gantimpalang kabayaran. Sa pananampalataya’y iniwan niya ang Egipto, na hindi natakot sa poot ng hari; sapagka’t nagtitiyagang tulad sa nakakita niyaong di-nakikita. Sa pananampalataya’y tinatag iya ang Paskua, at ang pagwiwisik ng dugo, upang ang manglilipol sa mga panganay ay huwag silang lipulin. Sa pananampalataya’y nagsipagdaan sila sa gitna ng Dagat na Mapula na gaya ng sa lupang tuyo; na nang subuking gawin ito ng mga taga Egipto ay pawang nangalunod. Sa pananampalataya’y nangalgpak ang mga kuta ng Jerico, pagkatapos na makubkob na pitong araw. Sa pananampalataya’y hindi napahamak na kasama ng mga manunuway, ang patutot na si Rahab, na tumanggap na payapa sa mga tiktik.”

Maliban si Moises at Rahab na binanggit sa talata sa itaas, maraming tao na may pananampalataya ang binanggit din sa Hebreo kabanata 11. Anong uri ng pananampalataya ang kanilang pananampalataya? Ito ay yaong nananalig ng kanilang mga puso sa Salitang hinahatid sa kanila ng mga lingkod ng Diyos. Dahil si Moises at si Rahab ay nanalig sa Salita ng Diyos, sila’y nabuhay, nalasap ang dakilang gawain ng Diyos, at nakamtan ang kanilang kaligtasan. Atin ding nakamtan ang ating tunay na kaligtasan sa pamamagitan ng pananalig ng

318 Upang Pumasok sa Gawain ng Diyos

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

ating mga puso sa Salita ng Diyos. Ngayon, dapat tayong patuloy sa ating buhay pananampalataya na nagtitiwala sa Salita ng Diyos ng ating buong puso.

Dapat nating sundin si Jesu-Cristo sa pamamagitan ng ating pananampalataya sa Salita ng Diyos. Gaano man tayo magtiwala sa ating mga kaisipan ng ating mga sarili, walang mapapakinabangan. Ang kaisipan ay isang kaisipan lamang. Wala ng anumang higit pa nito. Tayo ay maaaring mamukadkad ang bulaklak ng pananampalataya sa pamamagitan lamang ng pananalig sa tubig na nasa itaas ng langit, ito ay, ang Salita ng Diyos. Ito ang tunay na buhay pananampalataya.

Noon, ang mga nauna sa pananampalataya na nabuhay sa pananampalataya ay namuhay ayon sa Salita ng Diyos, nananalig sa Salitang ito sa itaas ng langit, sa Salita ng tipan ng Diyos. Si Jose ay tiwala na ang bayan ng Israel ay papasok sa lupain ng Canaan sa hinaharap dahil siya’y nananalig sa pangako ng Diyos na pinasa sa kanya ng mga ninuno sa pananampalataya. Iyan kung bakit, sa kanyang pagkaratay sa higaan, siya’y nagsabi nitong mga huling salita, “Kahit pa ako ay pumanaw, papapasukin kayo ng Diyos sa lupain ng Canaan sa hinaharap. Sa pagdating ng panahon at inyong lisanin ang lupain ng Ehipto, tiyaking hukayin ang aking mga buto at dalhin ninyo sa lupang pinangako.” Nagsalita si Jose ng kanyang huling mga salita tulad nito dahil siya’y nananalig sa Salitang sinabi ng Diyos kay Abraham—na ang Diyos ay ililigtas ang bayan ng Israel matapos ang 400 taong pagkaalipin at muling aakayin sila na pumasok sa lupain ng Canaan. Alinsunod nito, ang bayan ng Israel, nang lisanin nila ang lupain ng Ehipto, hinukay at kinuha ang mga buto ni Jose sa lupain ng Canaan kung saan siya’y inilibing nila. Ito ang tungkol sa pananampalataya. Saan isinagawa ng Diyos ang

Upang Pumasok sa Gawain ng Diyos 319

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

Kanyang gawain? Isinagawa Niya ito sa lupa. Ibig sabihin ang Diyos ay kumikilos sa ating mga puso.

Ano ang nasa ating mga puso? Ang katunayang naroon ay ang pananampalataya. Ano ang tunay na anyo ng pananampalataya? Ito ay ang pagkakaroon ng pananampalataya sa Salita sa itaas ng langit, ito ay, ang Salita ng Diyos. Iyan ang tiyak kung ano ang pananampalataya. Ang pananalig ng ating buong puso sa Salita ng Diyos na Siyang nasa Langit, ang Salita na bumababa sa ating mga puso, ang Salita ng Diyos na pinagkaloob sa atin—ito ang pananampalataya. Dapat nating malaman kung ano ang tunay na pananampalataya.

Kung ating sasabihin na may isang tunay na mahalagang kayamanan sa ating mga puso, kung gayon ito ang ating buong pusong pananampalataya sa Salita ng Diyos. Ang pusong may pananampalataya ay siyang mahalaga, at ang pusong walang pananampalataya ay pawang puno ng mga kaisipan ng laman. Anumang kaisipan na nagmumula sa laman ng sangkatauhan ay isang kaisipan lamang; hindi bagay na nagmumula sa Salita ng Katotohanan. Ang dagat o ang lupa ay walang buhay dito. Tanging ang tubig sa itaas ng langit—ito ay, ang Salita ng Katotohanan at ang binhi ng buhay—ang bumababa at nagpapabukadkad ng mga magagandang bulaklak dito sa lupa, uusbong na mga halaman, at magkakaroon ng mga bunga ang mga puno. Sa katunayang lahat nitong magagandang mga halaman, mga bulaklak, at mga bunga ay nagkakaroon sa pamamagitan ng Salita ng Diyos na Siyang nasa langit.

Ang lupa ay walang gawain kundi ang tanggapin ang anumang bagay na binibigay. Ang lupa ay walang ibang ginagawa kundi tanggapin ang binhi kapag ito ay nahulog. Ang punto na nais kong sabihin sa inyo na hindi ang wastong pananampalataya na tanggapin sa inyong mga puso kung ano ang ating nilikha sa ating sariling mga kaisipan at katwiran at

320 Upang Pumasok sa Gawain ng Diyos

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

panaligan ang mga ito. Ang pananampalatayang itinayo sa ibabaw ng mga kaisipan ng tao ay hinahampas ng paparito at paparoon tulad ng mga alon sa isang dalampasigan, at ito ay lumilikha ng mga bula ng alinlangan. Ito ay palaging nanginginig dahil itong pananampalataya ay likha ng kaisipan ng mga tao na kung minsan ay tila makatwiran, nguni’t hindi lubos na makatwiran sa ibang pagkakataon. Ang ating mga kaisipang likha ng tao bilang mga tao ay palaging tulad nito, humahampas ng paparito at paparoon. Hindi ba gayon? Hindi ba ang mga kaisipan ng laman ay tulad nito? Nguni’t, kung ating makikilala ang anumang bagay sa pamamagitan ng Salita ng Diyos, ang lahat ay magiging malinaw.

Ang tunay na pananampalataya ay walang kaugnayan sa mga kaisipang nagmumula sa laman ng sangkatauhan. Ang Diyos ay hindi isinagawa ang gawain ng buhay sa mga kaisipan ng tao. Kapag ang Salita ng Katotohanan ng Diyos ay mahulog sa lupa, ang binhi ng Katotohanan ng buhay ay mamumulaklak at mamumunga. Ano ang may taglay ng lahat ng kapangyarihan upang gawin ang tubig sa dagat at ang lupa na mamulaklak at mamumunga ang tubig? Ito ang Salita ng Katotohanan ng Diyos.

Nawa kayong lahat ngayon ay mabatid na ang Salita ng Diyos ay namulaklak at kumilos sa lupa. Hindi ng ating karnal na mga kaisipan kaya ang gawain ng buhay ng Diyos ay nahayag, nguni’t sa halip, ito’y nahahayag sa pusong nananalig lamang sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ang Diyos ay kakatigan lamang ang ating pananampalataya kapag tayo ay mananalig sa Kanyang Salita ng ating buong taimtim na puso. Nguni’t sa kabila nito, hindi maraming tao ang nananalig ng kanilang mga puso sa Salita ng Diyos. Ang Salita ng Diyos ay ang Katotohanan, at ito ay may kapangyarihan. Sinasabing, “Sapagka’t ang mga sandata ng aming pakikilaban ay hindi

Upang Pumasok sa Gawain ng Diyos 321

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

ukol sa laman, kundi sa harapan ng Dios ay may kapangyarihang gumiba ng mga kuta,” (2 Corinto 10:4). Ang pananampalataya sa Diyos ay magiging makapangyarihang sandata na gigiba sa kuta ni satanas, at yaong taglay ang gayong pananampalataya ay magkakamit ng nag-uumapaw ng mga pagpapala ng Diyos.

Ang wastong pananampalataya ay hindi maaaring lumago sa pamamagitan ng mga maling paniniwala, na naipon sa ating pagtatangka na maunawaan at tanggapin ang Salita ng Diyos sa pamamagitan ng ating sariling karnal na mga kaisipan. Ang gayong pananampalataya ay palagiang nauusad tulad ng isang alon, naniniwala sa isang sandali, at pagkatapos ay magiging walang pananampalataya makalipas ang ilang minuto. Ang ating pananampalataya ay dapat hindi maging pawang relihiyosong pananampalataya. Ang isang tao ay hindi maaaring mamukadkad ang bulaklak ng tunay na pananampalataya sa pagtitiwala sa kanyang sariling mga kaisipan. Nais kong mabatid ninyong lahat na ang Diyos ay hindi kumikilos sa ating mga kaisipan sa laman ng sangkatauhan. Saan, kung gayon, isinasagawa ng Diyos ang Kanyang gawain? Siya’y kumikilos sa ibabaw ng pananampalataya ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, na siyang Salita ng Diyos. Ang gawa ng Diyos ay tunay na magaganap lamang kapag tayo ay nananalig ng ating mga puso sa Diyos. Sa katunayan, kapag tayo lamang ay nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ang Salita ng Diyos, binigay ng Diyos sa atin ang kaligtasan, gawin tayo bilang Kanyang mga anak, tugunan ang ating mga panalangin, palalakasin tayo, at itutulot tayo na magkaroon ng maraming espiritwal na mga bunga.

Ang Diyos ay kumilos sa inyong mga puso sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Maging

322 Upang Pumasok sa Gawain ng Diyos

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

ngayon, Siya’y patuloy na kumikilos sa inyong mga puso at sa akin sa pamamagitan nitong ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Aking kapwa mga mananampalataya, kayo ba’y nananalig sa Diyos sa pamamagitan ng mga kaisipan ng inyong laman, o kayo’y nananalig sa Diyos ng inyong mga puso, sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu? Naroon ba ang pananampalataya sa Salita ng Katotohanan sa inyo? Habang nananalig sa Diyos, ang isang tao ay dapat itaboy ang mga kaisipan ng tao. Ating itaboy ang paggamit ng mga kaisipan sa ating araw-araw na buhay, at tayo’y manalig sa Diyos sa pamamagitan ng paglalagay ng ating pananampalataya sa Kanyang Salita.

Dahil ang Diyos ay kumikilos sa ating mga puso kaya tayo ay nananalig sa Kanya ng ating buong puso, pinupuri Siya ng ating mga puso, sinusunod Siya ng ating mga puso, nananalangin sa Kanya ng buong pagtitiwala ng ating mga puso, at nagpapagal bilang Kanyang mga manggagawa ng ating mga puso. Dahil ako’y nananalig na ang Diyos ay aking Ama, ako ay makapaghahandog ng aking panalangin ng pananampalataya na may bawa’t pagtitiwala at sasabihing, “Ama, nawa ay ipagkaloob ito sa akin.”

Ang Salita ng Diyos ay Kumikilos sa Atin Ng Kanyang buong sarili, sinabi ng Diyos, “Sibulan ang

lupa ng damo, pananim na nagkakabinhi, at punong kahoy na namumunga ayon sa kaniyang pagkakahoy, na taglay ang kaniyang binhi,” (Genesis 1:11). Tulad nitong Salita ng Katotohanan na ang Diyos ay nangusap ng Kanyang buong sarili sa lupa—sa ibang salita, tulad ng binhing nahulog—tinanggap ng lupa ang binhi at ang bunga nahahasik.

Upang Pumasok sa Gawain ng Diyos 323

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

Walang anumang bagay na ginawa ang lupa. Ang lupa ay hindi kumilos na animo’y mangmang sa sarili, ni inihandog ang sarili upang gumawa ng tubig. Ang ginawa lamang ay tanggapin ang binhi na nahulog mula sa itaas at umusbong ang binhi ng Katotohanan at ang bulaklak sa pamamagitan ng pag-ipon ng mga bitamina sa palibot ng lupain. Kung ating kinikilala rin, ang lupa ay ang mga bagay na nilikha ng Diyos. Walang anumang bagay tayong ginawa ng ating mga sarili.

Samakatuwid, kung ang isang tao ay namumuhay sa pananampalataya ayon sa kung ano ang inakala niyang mabuti, kung gayon lahat ng ito ay walang saysay. Kung siya’y namuhay sa pananampalataya na iniisip, “Hahatulan pa rin ba ako upang maging panuntunan ng iba kung ako ay mamumuhay sa pananampalataya tulad nito? Ano ang higit na madaling paraan sa pamamahala ng aking iglesia? Anong dapat gagawain sa Salita ng Diyos upang ito ay maging angkop sa mga panuntunan ng sangkatauhan?” kung gayon ang buhay pananampalataya ay walang pakinabang. Ang mga tao tulad nito ay hindi namuhay sa pananampalataya, nguni’t sa halip, sila’y bihasang pangasiwaan ang kanilang pamumuhay. Upang maayos na sabihin, sila ay naging bihasang lubos sa pagsasaliksik. Ang gayong mga tao ay ipinagpapatuloy ang pilosopiya na angkop sa kanila. Kung ang isang tao ay namuhay sa kanyang buhay pananampalataya na sinusunod ang mabuti ayon sa kanyang sariling mga kaisipan, sa halip na manalig sa Salita ng Diyos ng kanyang puso, sa gayon ito ay nangangahulugan lamang na hindi siya tunay na namuhay sa pananampalataya, bagkus ay sa relihiyosong buhay lamang.

Ang Diyos ay kumilos sa ating mga puso. Sa pagkilos sa inyong mga puso at sa akin, tayo ay ginawa ng Diyos bilang Kanyang mga anak. Ito ba ay totoo o hindi? Ito ay totoo! Ngayon, tayo ay naging mga anak ng Diyos. Tayo ba ay naging

324 Upang Pumasok sa Gawain ng Diyos

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

mga anak ng Diyos sa pamamagitan ng ating sariling mga kaisipan? Hindi. Kung tayo ay nagtiwala sa ating mga kaisipan upang maligtas, hindi tayo magiging walang kasalanan, dahil ito marahil ay magiging tulad ng paghawak sa hangin.

Paano, kung gayon, tayo naging mga anak ng Diyos? Tayo ay naging Kanyang mga anak sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng Salita ng Diyos na nag-alis sa lahat ng ating kasalanan. Sa ating mga kaisipan, kapag tayo ay nagkasala, hindi tayo buong nakatitiyak kung ito ay naglaho o hindi. Tayo ay pabalik-balik sa ating karnal na mga isipan, nguni’t ang ating mga puso ay malinaw na nagpapatotoo sa atin, “Walang kasalanan.” Lahat ng taong may pananampalataya, sila man ay si Moises, si Josue, o si Rahab na patotot, ay nalutas lahat ng kanilang suliranin sa pananampalataya.

Tayo ay maaaring mamuhay na may wastong buhay pananampalataya sa pamamagitan ng pananalig sa Salita ng Diyos ng ating mga puso. Kung tayo’y nananalig sa Salita ng Diyos ng ating mga puso, ang binhi ng buhay na nasa loob ng Salita ay papasok sa atin at kikilos sa atin. At ito ay uusbong ng binhi ng buhay. Ito ay bagay na hindi na magagawa ng ating sarili, at bagaman walang gayong kagandahan sa ating mga puso, ang Diyos ay maghahatid pa rin ng magagandang mga binhi upang umusbong, mga bulaklak na mamumukadkad, at mga mamumunga. Sa ibang salita, nais ng Diyos na ating isagawa ang magagandang mga bagay. Sino ang kumikilos sa pamamagitan ng ano? Ang Diyos ay kikilos sa pamamagitan ng Salita ng Katotohanan. Ang binhi ng Katotohanan sa gayon ay papasok sa atin, at itong binhi ay isasagawa ang magagandang mga gawain sa loob natin.

Ang Katotohanan ay ipapagawa sa atin ang pagpapalawig ng ebanghelyo sa ibang mga kaluluwa, isagawa ang paglilingkod sa Diyos, isasagawa ang gawaing pagsunod sa

Upang Pumasok sa Gawain ng Diyos 325

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

Panginoon sa pananampalataya, at isagawa ang gawaing pakikibaka laban sa diablo at mananagumpay. Ang Katotohanan ang magtutulot sa atin na isagawa ang mga bagay na ito. Tayo mag-isa ay hindi maisasagawa ang gayong mga bagay. Gaano man ang ating kasipagan sa pagsisikap, hindi natin maisasagawa ang mga ito. Sa ibang salita, hindi tayo makapamumuhay sa pananampalataya batay sa ating sariling mga kaisipan. Hindi ninyo makakamit ang ebanghelyo ng kaligtasan kung ang inyong mga puso ay itinalaga tulad ng sumusunod: “Pag-iisipan ko ito at kung hindi ko mauunawan ito, ako’y maniniwala. Nguni’t, kung hindi ko maunawaan ito sa kabila ng pagtingin sa Salita at pakikinig nito ng paulit-ulit, sa gayon ako ay hindi maniniwala. Ibig kong sabihin ako ay maniniwala lamang sa bahagi na aking mauunawaan.” Kung kayo ay nahantong sa gayong kaisipan, sa gayon dapat ninyong itapon ito kaagad.

Ang Panginoon ay bagay na payak. Ang gagawin lamang ng isang tao ay pagnilayan ang Salita ng Diyos sa kanyang puso at manalig lamang sa Salita. Ang Katotohanan ay payak din. Ang Katotohanan ay ang Katotohanan. Hindi ito kinikilala na hindi katotohanan dahil lamang ating inakala ito, ni ang katunayan ay sasang-ayunan ng ating sariling mga kaisipan. Ang Katotohanan ay hindi ginawang totoo dahil lamang tinanggap natin ito, o hindi naging mali dahil lamang ating tinanggihan ito. Ang Katotohanan ay ang Katotohanan. Ito ay bagay na hindi nagbabago.

Ang mga Kaisipan ng Tao: Mga Balakid sa Buhay Pananampalataya

Sa pamamagitan ng gawa ng paglikha, inihayag ng Diyos

326 Upang Pumasok sa Gawain ng Diyos

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

ang gawain na Kanyang nais isagawa sa ating mga tao. Sa unang araw, ang Diyos ay nangusap ng gawaing pagliligtas. Sa pangalawang araw, nangusap Siya ng gawaing paghihiwalay. Sa ikatlong araw, nangusap Siya kung paano ang isang tao ay magiging isang tao ay may pananampalataya. Gayon pa man, maraming tao na ang pananampalataya ay hindi naabot ang ikatlong araw. Upang maging mga lingkod ng Diyos, kailangan nilang tanggapin itong gawain ng Diyos na ginawa sa ikatlong araw ng Kanyang paglikha. Sa ikaapat na araw, nilikha ng Diyos ang mga bituin at ang alapaap. Pagkatapos, sa ikalimang araw, ang gawaing paglipad sa kasiyahan ng isang tao at ang paglangoy sa ilalim ng tubig sa pamamagitan ng pananampalataya, ang pamamahala sa lahat ng bagay sa pananampalataya, at nagagalak sa lahat ng bagay sa kanyang lubos na kabuuan ay naisakatuparan.

Ano ang pinakamalaking balakid sa gawain sa ikatlong araw na nabatid sa ating mga puso? Ito ay ang ating mga kaisipan sa laman. Hindi ng anumang uri ng kaisipan. Ito ang mga kaisipan ng laman. Maraming tao ang nabubuhay sa pananampalataya sa pamamagitan ng kanilang sariling mga kaisipan ng laman. Yamang ito ang pangyayari, ang buhay pananampalataya ng isang tao ay nasa kagustuhan at pagtawag ng mga kaisipan, at huwag nawang magkagayon ayon sa mga kaisipang ng isang tao, kung gayon ito ang pangyayari na ang buhay pananampalataya ay magiging nakalulungkot. Gaano man ang pag-uukol ng isang tao sa pag-iisip ng kanyang sarili, “Tila ito ay wasto. Kaya, tayo’y manalig. Ako’y nananalig,” kung ang pananampalatayang ito ay hindi batay sa Salita ng Diyos, kung gayon, kapag dumating ang mga paghihirap, lahat ng bagay ay maglalaho ng minsanan. Ang Kanyang pananampalataya ay mamamatay.

Tulad halimbawa, kapag ang bagyo ay dumating sa isang

Upang Pumasok sa Gawain ng Diyos 327

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

dalampasigan, ito ay mananalanta sa tabi ng dagat. Ito ay tulad ng isang malakas na alon na buong mananalanta, ilulubog sa tubig ang mga bahay sa tabi ng dalampasigan at wawasakin ang nasa tabing-dagat at ang malaking batong pader na walang bakas. Ang mga kaisipan ng laman ang lalamon sa pananampalataya. Sa lalong higit na pag-iisip ng kanyang sariling laman, ang kanyang pananampalataya ay maglalaho. Sa kapanahunan, ang kanyang pananampalataya ay buong maglalaho ng walang isang bakas. Kapag ang isang tao ay lalong higit na nahahatak sa kanyang sariling mga karnal na kaisipan, maglalaho maging yaong mga bagay na kanyang pinaniwalan sa unang pagkakataon, at, di-maglaon, anumang maliit na pananampalataya na maaaring maiwan ay ganap na maglalaho.

Mayroong dalawang uri ng tao: ang taong nananalig sa Salita ng kanilang mga puso at ang taong nabubuhay sa pananampalataya ayon sa inaakala nilang mabuti. Sa mga nabubuhay sa pananampalataya ng kanilang sariling mga kaisipan, hindi pa rin nila nalalaman kung saan kumilos ang Diyos sa ikatlong araw. Aking kapwa mga mananampalataya, dapat tayong manalig ng ating mga puso sa Salita ng Diyos. Dapat nating pagnilayan ng ating mga puso, at manalig nito sa ating mga puso. Sa pamamagitan ng ating mga puso tayo ay dapat manalig. At sa pamamagitan ng ating mga puso tayo ay dapat sumunod. Sa gayon lamang mahahayag ang gawain ng Diyos.

Sa mga tumanggap sa Salita ng Diyos sa baitang ng kanilang sariling mga kaisipan at hindi nananalig ng kanilang mga puso, nang sila’y makinig sa Salita, sila’y may pagkiling sa pakikinig animo sila’y nakikinig sa aralin ng kasaysayan, inaakala sa kanilang mga sarili, “Hindi iyan ang pangunahing paksa ng talatang iyan… hmm, siya’y nangungusap ukol sa

328 Upang Pumasok sa Gawain ng Diyos

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

pananampalataya sa araw na ito. Palagay ko ang talata ay maaaring ipakahulugan tulad niyan.”

Ako ngayon ay nagbibigay aralin tungkol sa kasaysayan ngayon. “Ang panahon ni Moises ay ilang taon sa B.C., at ang kultura sa panahong iyon ay ito at iyon. Sa kulturang yaon, si Moises ay naging pinuno ng bayang Israel sa gayon mga paraan. Ito ay mabuti. Lahat tayo ay maging tulad ni Moises.” Sa halip, ang aking sinasabi sa inyo na lahat ng pananampalataya ng bayan ng Diyos, ito man ay pananampalatayang taglay ni Moises, ang pananampalataya ni Rahab, o ang pananampalataya ni Josue, ay batay sa pananalig ng kanilang mga puso sa Salita ni Yahweh. Sinasabi ng Diyos na ito ang daigdig ng pananampalataya.

Nang inyong marinig ang sermong ito, kung inyong susubukang tanggapin ito matapos maunawaan ito, kung gayon ang inyong gagawin lamang ay ang pagtuklas. Sapat ba ang inyong nalalaman upang tanggapin ang Salita ng Biblia matapos lamang maunawaan ito? Huli na kung inyong susubukang maunawaan ito, pag-aralan ng inyong mga sarili, at pagkatapos ay tanggapin ng inyong sariling mga kaisipan. Inyo lamang mauunawaan kung ano ang sinasabi ngayon matapos ang 10 taon, hindi, marahil ay matapos ang 20 taon. Marahil ito ay aabot ng 20 taon upang inyong masabi, “Ito kung bakit si Pastor Chang ay sinabi ito noon.” Marahil, kung kayo ay patuloy na mamumuhay sa pananampalataya ng inyong mga sariling kaisipan, kung gayon ang katuparan nito marahil ay hindi magaganap matapos ang 20 taong lumipas. Marahil kayo ay namatay na bago kayo magising sa gayong kaunawaan. Ang inyong mga kaisipan ay inyong kaaway.

Sa ating pagpapatuloy sa ating buhay pananampalataya, yamang ito ay katanggap-tanggap para sa atin na pag-isipan ang ukol sa Salita ng Diyos sa pamamagitan ng

Upang Pumasok sa Gawain ng Diyos 329

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

pananampalataya ng ating puso, kung ating hahatulan ang Salita ng Diyos, pakanin ang ating pananampalataya, at planuhin ang ating kinabukasan sa lahat ng ating sariling karnal na mga kaisipan, sa gayon ang ating mga kaisipan ay magiging ating sariling kaaway. Dapat tayong mamuhay sa pananampalataya sa pamamagitan ng ating sariling mga kaisipan. Dapat tayong manalig sa kung ano ang sinabi ng Diyos sa atin, na ang buhay pananampalataya na pinangunguhan ng sariling mga kaisipan ng isang tao, kung saan sinisikap niyang unawain ang Salita at paunang planuhin ang lahat sa pamamagitan ng kanyang sariling mga kaisipan, ay hindi buhay pananampalataya.

Saan Kumikilos ang Diyos? Sa ikatlong araw, inutos ng Diyos sa lupa na sibulan ng

pananim na nagkakabinhi at ang punong kahoy na namumunga ayon sa kaniyang uri. Hindi ito sinabi ng Diyos sa dagat. Para sa atin, ang unang araw ng paglikha ng Diyos ay nagdaan. Ang pangalawang araw ay lumipas din. Ang tubig na nasa itaas ng kalawakan ay nahati mula sa tubig sa lupang ito. Inyo bang nalalaman ngayon kung ano ang Salita ng Diyos at ano ang mga salita ng diablo?

Ngayon, tayo ay nahaharap sa ikatlong araw. Sa paglipas ng pangalawang araw, ang ikatlong araw ay tiyak na darating. Tunay nga, ang ikatlong araw ay dumating na. Sa ikatlong araw, dalawang di-karaniwan ang nangyari. Tinipon ng Diyos sa isang dako ang mga tubig na bumabalot sa lupa, at tinawa sila na mga dagat. At tinawag Niya ang lumitaw na tuyong lupa bilang daigdig. Ibig sabihin ganap na pinaghiwalay ng Diyos ang mga dagat sa daigdig. Sa pagitan ng dalawang

330 Upang Pumasok sa Gawain ng Diyos

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

pinaghiwalay, saan isinagawa ng Diyos ang Kanyang gawain? Siya’y gumawa sa lupa. Ito ay sa lupa kaya sinabi ng Diyos, “Sibulan ang lupa ng damo, pananim na nagkakabinhi, at punong kahoy na namumunga ayon sa kaniyang pagkakahoy, na taglay ang kaniyang binhi,” (Genesis 1:11). Naghasik ang Diyos ng binhi sa lupa, at sa pamamagitan ng lupa, Siya’y nagdala ng mga bunga. Inihayag Niya ang Kanyang kaluwalhatian sa pagsagawa niyaon. Iyan kung bakit sinabi ng Diyos na ito ay mabuti.

Kung gayon paano kumilos ang Diyos sa atin? Siya’y kumilos sa ating mga puso. isinagawa Niya ang Kanyang gawain sa mga puso na mga nananalig. Ating nakamtan ang ating kaligtasan sa pananampalataya. Tayo ay naging mga anak ng Diyos sa pananampalataya. Tayo ay naligtas sa paghahatol sa pananampalataya. Sa pamamagitan ng pananampalataya, ating tinatawag ang Diyos bilang ating sariling Ama. Sa pamamagitan ng pananampalataya, tayo’y patuloy na nabubuhay sa pananampalataya. Sa pamamagitan ng pananampalataya, tayo’y sumusunod sa Salita ng Diyos. Ang lahat ng bagay ay nangyari sa pamamagitan ng pananampalataya.

Subali’t, dapat nating malaman na mayroon pa ring ilang mga kapatiran, at maging mga lingkod ng Diyos, ang hindi pa pumasa sa ikatlong araw. Hinuhusgahan nila ang Salita sa pamamagitan ng kanilang mga kaisipan, hanggang ngayon. Ang Salita ng Diyos ay ang pinagmumulan ng pananampalataya at ng Katotohanan, hindi pinagmumulan ng ating paghahatol at pagsusuri. Gaano man natin suriin ang Salita ng Diyos sa pamamagitan ng ating sariling mga kaisipan, walang kapintasan ang masusumpungan. Tulad niyaon, dapat nating isuko itong walang saysay na pagtangka ng ating sariling pang-unawa at simulang manalig ng ating mga puso.

Upang Pumasok sa Gawain ng Diyos 331

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

Dapat tayong manalig sa lahat ng Salita na pinangako ng Diyos sa atin at natupad, at sa lahat ng nalalabing mga pangako na walang-alinlangang Kanyang tutuparin sa atin.

Paano kayo nabubuhay sa pananampalataya hanggang ngayon? Kapag kayo ay nakikinig sa Salita ng Diyos o nagbabasa ng Biblia, kayo ba marahil ay humihinto dahil hindi ninyo halos maunawaan ito, hindi nananalig o tinatanggap ito, hanggang inyong maunawaan sa huli?

Kapag tayo ay nasa isang tanggapan, makikita natin ang mga lalagyanan na may markang ‘napagpasiyahan,’ ‘wala pang kapasiyahan,’ at ‘pinagpaliban,’ na naroon sa ibabaw ng mesa ng isang taong may mataas na katungkulan. Ano ang naroon sa lalagyan ng ‘napagpasiyahan?’ Tangan nito ang mga papeles kung saan ang huling kapasiyahan ay naisagawa na. Ano naman ang laman ng ‘walang kapasiyahan?’ Ito’y naglalaman ng mga papeles kung saan walang pang kapasiyahan ang naganap. Ang mga bagay sa ‘pinagpaliban’ ay mga paksang sinuri na kailangang suportahan, nguni’t hindi pa nagagawa ang huling kapasiyahan.

Maaari rin nating ilarawan ang pananampalataya ng isang tao bilang napagpasiyahan na, wala pang kapasiyahan, at pinagpaliban. Sa mga iba’t-ibang uri ng pananampalatayang ito, yaong kinamumuhiang lubos ng Diyos ay ang pinagpalibang pananampalataya. Ang pinagpalibang pananampalataya ay ang pananampalatayang hindi mainit o malamig, nguni’t ito ay maligamgam lamang at hindi buong puso. Bagaman ang Salita ay totoo, ang isang tao ay isusuko ito ngayon dahil ito ay hindi sang-ayon sa kanyang mga kaisipan, upang siya’y sasampalataya sa huli kapag ito ay angkop na sa kanyang mga kaisipan. Kung ang isang tao ay isusuko ang kanyang buhay pananampalataya ng walang katiyakan, hindi ba ito tila kahangalan at buong maling katuwiran sa pananaw ng Diyos?

332 Upang Pumasok sa Gawain ng Diyos

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

Marahil ay sasabihin ng Diyos, “Ikaw ba ay matalino upang sabihing hahatulan mo ang Aking Salita ng iyong sarili, at mananalig kung iyong mauunawaan, nguni’t hindi mananalig kung hindi mangyayari? Paano Ko ikaw niligtas kung gayon? Inyo bang nakamtan ang kaligtasan dahil inyong naunawaan? Sinisikap ninyong ganap na mabuhay sa pamamagitan ng inyong sariling mga kaisipan, bagaman inyong nakamtan ang kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya. Sinisikap ninyong mamuhay sa pananampalataya sa pamamagitan lamang ng inyong sariling pang-unawa.”

Itong tinatawag na pananampalataya ay hindi inaakala ang pang-unawa. Ang pananampalataya ay sangkap ng mga bagay na inaasam at ang katunayan ng mga bagay na hindi nakikita. Sinasabi ng Biblia na ang mga matatanda sa pananampalataya sa nakaraan ay nalalaman na ang Diyos ay nilikha itong buong daigdig hindi dahil kanilang nauunawaan ang bawa’t bagay sa paglikha ng Diyos, bagkus dahil sila ay nananalig sa Salita ng Diyos (Hebreo 11:1-3).

Aking kapwa mga mananampalataya, naroon ba tayo nang ang Diyos ay ginawang itong daigdig sa pamamagitan ng Kanyang Salita? Nakita ba natin ito? Nasaksihan ba natin ang paglikha ng Diyos sa mga dagat? Nakita ba natin nang ang Diyos ay likhain ang daigdig, ang sangkatauhan, at ang ating mga lolo at lola? Hindi, tayo ay walang nakita sa mga ito. Nguni’t paano natin nalaman na nilikha ng Diyos ang buong kalawakan at lahat ng bagay nito? Sinasabi ko na ating nalalaman ito sa pamamagitan ng pananampalataya.

Sa pasimula, nilikha ng Diyos ang buong kalawakan. Nalalaman natin itong katotohanan sa pamamagitan ng pananalig sa Salita ng Diyos, na nagsasabing nilikha ng Diyos ang langit at ang lupa. Sa katunayang ating nakamtan ang kaligtasan ay bagay na nagmumula rin sa pananampalataya. Sa

Upang Pumasok sa Gawain ng Diyos 333

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

katunayang ang Diyos ay naging ating Pastol ay bagay na ating nalalaman din sa pamamagitan ng pananampalataya. Ang lahat ng bagay ay sa pananampalataya. Ang pagpunta sa Langit ay isang bagay din na naisakatuparan sa pananampalataya.

Ang Ipinagpalibang Pananampalataya Ay isang Nakatatakot na Kaaway

Sa ating pananampalataya, ang ipinagpalibang

pananampalataya ay ang pinaka-nakatatakot na kaaway. Ang walang kapasiyahang pananampalataya sa katunayan ay may iilang mga suliranin. Dahil ito ay pananampalatayang tangan ng mga hindi pa nakilala ang Salita, ang gagawin lamang ng isang tao ay sabihin sa kanila ang Salita ng Katotohanan at pagkatapos ay gabayan sila. Subali’t, pagdating sa ipinagpaliban, walang nakakaalam kung kailan nila gagawin ang huling kapasiyahan na pinigilan. Maaari nating pigilan ang mga bagay sa sanlibutan, nguni’t hindi kailangan para sa atin na harapin ang kawalan sa pamamagitan ng pagtanggap sa ipinagpalibang pananampalataya sanhi ng katigasan ng ulo. Tunay nga, higit na mabuti at higit na matalino para sa atin upang gawang pinagpalang ilaw sa pamamagitan ng pananalig sa Salita ng Diyos. Ito ay magiging tunay na kahangalan kung ang isang tao ay tatanggapin ang Salita ng Diyos bilang isang bagay lamang ng kaalaman at hayaang nakabaon sa ilalim ng kanyang madilim na mga kaisipan. Narito ang isang masarap na pagkaing inihanda upang inyong kainin, nguni’t kung inyong tatanawin lamang ito at hindi kakainin sa kabila ng gutom, kung gayon lahat ng pagkaing yaon ay magiging isang tinapay lamang sa alapaap. Ang ipinagpalibang buhay pananampalataya ay tulad lamang nito.

334 Upang Pumasok sa Gawain ng Diyos

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

Ang pinakamalaking katitisurang bato para sa isinilang na muli ay ang katunayang nais nila para sa Diyos na kumilos sa kanilang mga kaisipan, hindi naniniwala sa katotohanan na sa ating mga puso ang Diyos ay kumikilos, tulad ng Kanyang paggawa sa lupa sa ikatlong araw ng paglikha. Ito ay kamalian. Naitakda na nang ang Diyos ay gumawa, Siya’y gumagawa sa lupa, sa ating mga puso. Itinalaga rin Niya ang Kanyang patakaran sa paggawa, sinabing, “Patuloy akong gagawa magpakailanman sa inyong mga puso, maging sa hihaharap.”

Subali’t, maraming tao pa rin ang umaasa ng ibang kahangalan. Sila na nagsisikap na mamuhay sa pananampalataya ayon sa kanilang sariling mga kaisipan ay nasa kalituhan, inaakalang, “Itong dagat ay tubig din, kaya ang Diyos ay gagawa rin sa dagat. Ah, ang aking ulo ay tila ay hinarangan. Mahirap unawaing lubos.” Tulad ng mga alon sa patuloy na paghampas sa baybaying dagat, kapag sila’y humarap sa Salita, sila’y daliang paunang susubuking unawain ito sa pamamagitan ng kanilang sarili. Ang Salita ng Diyos ay isang bagay na kailangang panaligan.

Kapag kami ay naglalaro ng soccer, malinaw sa aming lahat kung ano ang aming dapat gawin. Kapag alam na namin kung saang pangkat kami kabilang, alam namin kung kanino na dapat ipasa ang bola sa mga manlalaro sa aming panig at ipasok ang bola sa kabilang goal. Kapag aming sinipa ang bola, hindi kami nagninilay kung ano ang gagawin, iniisip, “Kaninong pangkat ko ipapasa ang bola?” Yamang malinaw kong nalalaman kung saang panig ako naglalaro, makapaglalaro ako ng mabuti. Subali’t, kung hindi nalalaman maging ang pangunahing patakaran, ito ay, kung hindi ako tiyak kung ako ay kasama ng pangkat na ito o sa kabilang pangkat, kung gayon ako ay gumagawa ng puntos laban sa aking sariling pangkat.

Upang Pumasok sa Gawain ng Diyos 335

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

Ang Salita ng Diyos ay bagay na ang isang tao ay kailangang simpleng panaligan tulad ng isang bata. Kung ating ipagpapaliban ang paglalagay ng ating pananampalataya sa Salita ng Diyos, kung gayon itong Salita ng Diyos ay hindi magiging atin, nguni’t kung ating tatanggapin ito sa pananampalataya, kung gayon ang lahat ng Salita ng Diyos ay magiging atin. Nguni’t sa kabila nito, marami sa inyo ay hindi nababatid kung paano ang dami ng mawawala dahil sa inyong pagpapaliban, inaantala ang inyong huling pagpapasiya na ilagay ang buong pananampalataya sa Salita ng Diyos. Noon, aking kapwa mga mananampalataya, ako rin ay tulad ninyo, walang nais na gawin ang biglang paglipat sa pananampalataya upang ganap na magtiwala sa Salita ng Diyos.

Ang tao ay sinisikap na unawain ang Salita ng Diyos sa pamamagitan ng kanilang sariling mga kaisipan, ng paulit-ulit. Kung titignan si Jesu-Cristo sa paghuhugas ng mga paa ni Pedro sa Juan kabanata 13, marahil ay iisipin, “Ang mga tao ay nagsusuot ng mga sandalyas sa panahong yaon, at kung kaya ang kanilang mga paa ay nadudumihan ng alikabok at kailangan nila ang araw-araw na paghuhugas. Wari ko ito kung bakit ang gayong kaganapan ay nangyari.” Oo, itong pangyayari ay ganap hindi malayo sa 100%, nguni’t hindi ito kung bakit si Jesu-Cristo ay hinugasan ang mga paa ni Pedro. Dahil ang mga taong ito ay maraming iniisip habang nakikinig sa Salita, patuloy silang nakikinig nakahalukipkip ang kanilang mga bisig, tila sinasabing, “Maari ko bang pagtiwalaan itong lingkod ng Diyos? Ano ang kanyang sinasabi ngayon? Makikinig ako ngayon, nguni’t minsang lamang.”

Kailangan tayong makinig ng ating mga puso sa Salita, ating nalaman na ang lingkod ng Diyos ay pinangangaral ang Salita ng Diyos, hindi ng kanyang sariling mga salita. Para sa maraming tao, gayon man, walang naitalaga sa kanilang mga

336 Upang Pumasok sa Gawain ng Diyos

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

puso sa pananampalataya dahil sila’y nakikinig ng hindi nakikilala kung ang kanilang pinakikinggan ay tunay na Salita ng Diyos o sariling mga salita ng iba. Kung ang mga taong ito ay nakikinig sa aking mga sermon, marahil sasabihin nila, “Tungkol lamang sa soccer ang sinasalita! Hindi ba ang lahat ay tungkol sa sarili?”

Katotohanan, ang kwento ng soccer na sinabi sa oras na ito ay mula rin sa Salita ng Diyos. Hindi ba? Nguni’t yaong nabubuhay sa pananampalataya batay sa kanilang sariling mga kaisipan ay ibig ang pagpili kapag sila’y nakikinig ng Salita. Sa kanilang sarili, pinapasiya nila na ang iba ay sa Salita ng Diyos, at ang iba ay hindi. Ito ay dahil pinipili nila ang Salita tulad nito kung kaya marami sa kanila ang pinipigil ito, tumatangging manalig sa Salita sa kabuuan. At sa pagliban sa kanilang kapasiyahan, ang pananampalataya ay hindi nagkakaroon ng ugat at lalago sa kanila. Ang ibang tao ay agad na lumalago ang pananampalataya sa araw-araw, nguni’t yaong taglay ang maraming mga kaisipan ukol sa kanilang paglago ay hindi nakikita ang anumang paglago. At, maging yaon, ang kanilang pananampalataya ay lalago ng kaunti matapos ang malaking pagdurusa animo’y sinisikap na alisin ang lugaw sa isang mangkok.

Ang Salita ng Diyos ay kumikilos sa puso ng mga tao. Dapat tayong manalig sa Katotohanang ito. Ang Salita ng Diyos ay hindi kumikilos sa ating mga kaisipan. Kung ating sasabihin sa Diyos, “O Diyos, sa tingin ko ito ang paraan. Ano sa palagay ninyo, Diyos?” pagkatapos Siya’y tutugon, “Ganun ba? Kalimutan mo Ako kung gayon! Yamang alam mo ang lahat, gawin mo anumang ibig mo. Ikaw ay mag-isa na lamang mula ngayon.”

Nais ng Diyos na makibahagi sa atin sa pamamagitan ng ating mga puso, at ibig Niyang ibahagi ang pag-ibig sa ating

Upang Pumasok sa Gawain ng Diyos 337

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

mga puso. Nais Niyang mamukadkad ang bulaklak. Nais ng Diyos na pumasok sa daigdig, magtanim ng mga bulaklak, mga halaman, at mga punong kahoy sa tuyong lupa, at ipakita sa atin ang Kanyang mahiwagang mga paraan.

Sa katunayan nais ng Diyos na mag-ugat ang tunay na ebanghelyo sa ating mga puso, at mamukadkad ang mga bulaklak ng ebanghelyo at magkaroon ng mga espiritual na bunga sa pamamagitan natin. Dapat ninyong malaman ito. Nauunawaan ba ninyo? Dapat ninyong talikdan ang inyong nakaraang mga buhay pananampalataya na pinamuhay lamang sa inyong mga sariling kaisipan. Kahit pa kayo mag-isip ng ilang daang mga araw, wala itong maibubunga. Ito ay walang iba kundi magiging pag-aksaya ng oras at enerhiya.

Ang Taong may Pananampalataya na Nananalig sa Salita ng Diyos

Dapat tayong magpatuloy sa ating buhay pananampalataya na may pusong nananalig. Tignan lahat nitong mga taong Hebreo na nabuhay sa pananampalataya. Isa sa kanila, si Rahab na patotot, ay nakarinig ng usap-usap, “Sa bayan ng Israel, na naglakbay patawid ng Pulang Dagat, naroon ang Diyos, tinatawag na Yahweh. Dahil ang Diyos ay nasa kanila, sila’y niligtas mula sa ilang libong mga hukbo ng Ehipto, at itong Diyos na si Yahweh ay nilipol ang buong hukbo ng Ehipto sa pamamagitan ng paglunod sa kanilang lahat sa dagat. Isang dakilang Diyos ang kasama ng bayang Israel.”

Bagaman ang patotot ay isang dayuhan, siya’y nananalig sa puso, sinabing, “Kung ang gayong Diyos ay nabubuhay, sa gayon ako ay mananalig. Ako ay nananalig sa Diyos na

338 Upang Pumasok sa Gawain ng Diyos

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

nagligtas sa bayang Israel bilang aking Diyos.” Di-maglaon, pagdating ng panahon, ang mga manininiktik ng bayang Israel ay dumating sa lungsod ng Jericho sa lupain ng Canaan kung saan naninirahan si Rahab.

Sinasabi sa ng mga Mananalaysay na ang mga pader ng lungsod ng Jericho ay malalapad at matitibay na ang dalawang 8-toneladang truck ay maaaring magbalik-balik sa ibabaw. Dahil ang mga pader ay itinayo sa dalawang palapag, sa loob at sa labas, sinasabing ito ay napakalawak. Kaya ang mga pader ay hindi maaaring mawawasak. Sa panahong iyon, nang ang lungsod ay nilusob, ang mga hukbong mananakop ay gumamit ng mga pangtulak na bagay upang wasakin ang mga pintuan ng lungsod at pinaulanan ang lungsod, nguni’t dahil maging ang mga pintuan ng Jericho ay labis ang kalakihan at ang mga pader ay labis ang pagiging ganap at walang mahinang mga bahagi, paniniwala ng karamihan na ang lungsod ng Jericho ay hindi maibabagsak, at walang hukbo ang maaaring pasukin ito. Sa ibabaw ng mga pader, isang patotot sa pangalang Rahab ang namamala sa isang lugar ng inuman. Si Rahab ay nagtayo ng isang inuman sa ibabaw ng mga pader, at ang kanyang pamilya ay nabubuhay sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga alak.

Subali’t, itong si Rahab na patotot, narinig ang ukol kay Yahweh, ang Diyos ng bayang Israel, nanalig ang kanyang puso sa Diyos, sinabing, “Kung ito ang Diyos, ako rin ay mananalig sa Diyos,” at sa pagdating ng mga maniniktik, tinago niya sila sa gayong pananampalataya. Itong mga maniniktik ay nagtungo sa kanyang inuman, upang maniktin, sila’y lihim na nakikinig sa mga usapan ng mga taong lasing. Nguni’t ang patotot na si Rahab ay nalalamang sila’y mga Israelita. Subali’t, isa pang tao sa inuman ni Rahab ay nalaman din na may mga dayuhang pumasok sa lungsod, at siya’y umalis upang ipaalam sa hari. Samantala, ang patotot na si

Upang Pumasok sa Gawain ng Diyos 339

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

Rahab ay itinago ang mga maniniktik. Sa kanyang pagtago sa kanila, tinanong niya, “Kayo ba ay

mamamayan ng Israel?” “Oo, kami nga.” “Narinig ko ang balita ukol sa inyong Diyos, na si

Yahweh. Narinig ko na itong Diyos ay ang Diyos na nagligtas sa isang bayan sa Pulang Dagat. Totoo ba?”

“Totoo.” “Kung iyan ay totoo, at kung ibig ng Diyos na kunin ang

lungsod na ito, kung gayon babagsak ang lungsod na ito. Kung gayon, isa lamang ang aking hiling. Itatago ko kayo, nguni’t kapag inyo na ang lungsod na ito, nais ko na inyong iligtas ako at ang aking pamilya.” Ang mga maniniktik sa gayon ay gumawa ng kasunduan sa kanya na kanilang ililigtas ang kanyang pamilya.

Tinago sila ni Rahab sa ilalim ng mga dayami na kanyang inilagay sa bubungan at sinabi sa kanila, ng buong detalye, kung paano maingat na makatatakas. Ang patotot na si Rahab ay pinalaya ang mga maniniktik sa pananalig sa Diyos, na si Yahweh. At, nang lusubin ng bayang Israel ang lungsod, si Rahab na patotot, ayon sa kasunduan, nagtali ng isang pulang lubid sa labas ng bintana. Ang Biblia ay nagtala ng katotohanan na ang buong buhay ng pamilya ni Rahab ay niligtas ayon sa kautusang itinakda ni Josue, “Huwag papatayin kahit isang tao sa loob ng tahanan na may pulang lubid.”

Anong uri ng gawain ang ginawa ni Rahab? Ito ay bagay na ginawa sa kanyang sariling mga kaisipan? Hindi. Ito ay ginawa sa pananampalataya. Bagaman ang mga kaisipan ni Rahab ay hinahampas ng alon, walang katiyakan kung ano ang kanyang gagawin, siya pa rin ay may pananampalataya. Kung walang pananampalataya sa kanyang puso nananalig na ang tunay na Diyos ay ang Diyos na si Yahweh na nagligtas sa

340 Upang Pumasok sa Gawain ng Diyos

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

bayan ng Israel mula sa Pulang Dagat—ito ay, kung siya’y hindi nanalig sa Diyos ng kanyang puso—kung gayon hindi niya maisasagawa ang gayong mga gawa.

Ang pananampalataya kung saan nailigtas si Rahab ay siya ring pananampalataya na magtutulot sa lahat na makamtan ang kaniyang kaligtasan sa pamamagitan ng pananalig sa dugo (ang pulang kayo) ni Jesu-Cristo, na Siyang binautismuhan sa Ilog ng Jordan upang kunin ang ating mga kasalanan. Para sa atin, ito ay sa pamamagitan din ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay ating makakamtan ang ating kaligtasan.

Maging kay Moises, ito ay sa pamamagitan ng pananampalataya na kanyang naihatid ang bayan ng Israel mula sa Ehipto, at sa pamamagitan nitong pananampalataya siya ay naging mamamayan ng Diyos. Tinalikdan ni Moises ang kanyang mga karapatan bilang hari animo ang mga ito ay walang halaga. Siya’y naniniwala, “Hindi ako prinsipe ng isang bansa. Sa halip, ako ay bahagi ng bayan ng Diyos, at isang anak ng Hari ng mga hari. Hindi ako prinsipe nitong daigdig. Sa halip, ako ay prinsipe ng Kaharian ng Diyos.” Dahil taglay niya ang gayong pananampalataya, naiwaksi niya ang kapangyarihan at ang luwalhati ng isang prinsipe.

Aking kapwa mga mananampalataya, dahil itong si Moises ay nanalig ang kanyang puso sa Salita ng Diyos, at dahil siya’y nanalig sa Salita ng Diyos na sinabi ng kanyang mga ninuno, maari niyang ibahagi ang kagalakan at kalungkutan sa bayan ng Israel at mamuhay kasama sila. Lahat ng ito ay dahil siya’y nanalig ng kanyang puso. Saan sa mga taong may pananampalataya isinagawa ng Diyos ang Kanyang gawain? Ito ay sa kanilang mga puso ang Diyos ay isinagawa ang Kanyang gawain.

Saan, kung gayon, ang Diyos ay kumilos sa ating mga hinirang? Siya’y kumilos sa lupa. Siya’y kumilos sa inyong

Upang Pumasok sa Gawain ng Diyos 341

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

mga puso at sa akin. Ang Diyos ay kumilos na sa inyong mga puso at sa akin. Subali’t, animo’y nagsisikap na hanapin ang isang dako na may maling tirahan ng bahay, maraming pangyayari tayo ay nagtatangkang gawin ang gawain ng Diyos sa dagat. Maging ngayon, ang ibang tao ay nagsisikap na unawain ang Salita sa pamamagitan ng kanilang mga kaisipan, nguni’t ang Diyos ay isinagawa na ang Kanyang gawain sa kanilang mga puso.

Dapat nating itapon ang ating sariling mga kaisipan at sa pamamagitan ng pananalig ng ating mga puso sa nasusulat na Salita ng Diyos, dapat nating tanggapin ang kaligtasan at mamuhay sa pananampalataya. Ito ang siyang buhay pananampalataya. Aking kapwa mga mananampalataya, naniniwala ba kayo rito? Kapag tayo ay umaawit ng mga papuri, dapat nating umawit na may pananalig ang ating mga puso sa Diyos, at kapag tayo ay namumuhay sa pananampalataya, dapat tayong mamuhay na may pananalig ng ating mga puso sa Salita ng Diyos. Ito ang ukol sa pananampalataya.

Umaasa ako at dumadalangin na kayong lahat ay mamuhay sa pananampalataya na may pananalig ng inyong mga puso sa Salita ng Diyos, at sa gayon ay makakamit lahat ng mga pagpapalang ipinagkaloob sa inyo ng Diyos.

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

Tayo ay Maliligtas sa Lahat ng Ating Kasalanan

kung Atin Lamang Nakikilala Lahat ng

Ating Kasamaan

< Genesis 1:9-13 > “At sinabi ng Dios, ‘Mapisan ang tubig na nasa silong

ng langit sa isang dako, at lumitaw ang katuyuan,’ at nagkagayon. At tinawag ng Dios ang katuyuan na Lupa, at ang kapisanan ng tubig ay tinawag Niyang mga Dagat; at nakita ng Dios na mabuti. At sinabi ng Dios, ‘Sibulan ang lupa ng damo, pananim na nagkakabinhi, at punong kahoy na namumunga ayon sa kaniyang pagkakahoy, na taglay ang kaniyang binhi sa ibabaw ng lupa,’ at nagkagayon. At ang lupa ay sinibulan ng damo, pananim na nagkakabinhi, ayon sa kaniyang pagkapananim, at ng punong kahoy na namumunga, na taglay ang kaniyang binhi, ayon sa kaniyang pagkakahoy, at nakita ng Dios na mabuti. At nagkahapon at at nagkaumaga ang ikatlong araw.”

Ang mensahe mula sa ngayong talata sa Kasulatan na ang

lahat ay kailangang malaman ang kanyang kahinaan at magkaroon ng bunga ng kaligtasan.

Ang lahat ay isinilang na may mula sa sandaling siya’y

343 Tayo ay Maliligtas sa Lahat ng Ating Kasalanan kung Atin Lamang Nakikilala Lahat ng Ating Kasamaan

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

isilang dito sa lupa, at samakatuwid lahat ng tao ay hindi maiwasan kundi ang makagawa ng di-mabilang na mga pagsalangsang sa kanilang buong buhay. Ang Diyos samakatuwid ay nais sa atin na mabatid at malaman ang ating sariling kahinaan, at upang maunawaan ang ebanghelyo ng Katotohanan ng tubig at ng Espiritung binigay Niya sa atin. Ngayon, upang ating maabot ang pananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung binigay ni Jesu-Cristo, dapat natin munang mabatid ang ating sariling kahinaan.

Ang katunayang karamihan sa mga taong patuloy sa kanilang mga buhay ay buong nalilinlang sa kanilang sariling kahinaan. Dahil sa ating sariling kahinaan ating iniwan ang Diyos. Hindi natin nakikilala ang ating sariling mga sarili, dahil tayo ay labis sa sariling katuwiran. Kung nais nating maligtas sa lahat ng ating kasalanan, kailangan muna nating makita ang ating sariling kahinaan, at dapat din nating malaman ang katuwiran ng Diyos at panaligan ito.

Sa ibang salita, upang ang mga tao ay mahugasan sa kanilang mga kasamaan at mga kasalanan, dapat silang tumingin sa ebanghelyo ng Katotohanan ng tubig at ng Espiritu at panaligan ito. Ang lahat ay dapat maunawaan ang kanyang masamang sarili at kasamaan, yumukod sa harap ng Diyos, hingin ang Kanyang tulong, at manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung pinagkaloob sa atin ng Panginoon. Sa gayon lamang tayo maaaring maligtas. Upang magkagayon, dapat muna nating makilala ang kasamaan sa ating mga sarili. Ang Salita ng Diyos ay ang Salita ng Katotohanang magliligtas sa atin sa kasalanan. Sila yaong kumikilala sa Katotohanan ng Diyos kaya hinahatid ng Panginoon ang kaligtasan at tinutulot silang magkaroon ng maraming mga bunga ng pananampalataya.

Dapat nating malaman ang Katotohanang sinabi ng ating

344 Tayo ay Maliligtas sa Lahat ng Ating Kasalanan kung Atin Lamang Nakikilala Lahat ng Ating Kasamaan

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

Panginoon sa ikatlong araw ng paglikha. Ang Biblia ay dalawang ulit na sinasabi na sa pangalawang araw na ito ng paglikha ng Diyos, “Nakita ng Dios na mabuti” (Genesis 1:10, 12). Una, sinabi ng Diyos na Siya’y malugod na makita ang paglitaw ng tuyong lupa, at sa ikalawa, sinabi Niyang mabuti na makita ang halaman na nagkakabinhi, at punong kahoy na namumunga ayon sa kaniyang pagkakahoy

Sa Biblia, ang lupa ay tumutukoy sa puso ng tao. Sa pagtitipon ng Diyos sa isang dako ang tubig na bumabalot sa lupa, nakita Niya ang paglitaw ng tuyong lupa, at sinabi Niyang Siya’y nalulugod dito. Ito’y nagsasaad na ang Salita ng Diyos ang nagtulot sa atin na makita ang maraming mga pagkukunwari na bumabalot sa ating mga puso.

Bakit ang Diyos ay Malugod na Makita ang Paglitaw ng Tuyong Lupa?

Dahil ang isang tao ay maliligtas lamang kung ang

kanyang pangunahing katauhan, na masama, ay mahayag. Ang mga relihiyong likha ng tao ay walang iba kundi mga pamamaraan ng pagkukunwari. Sa ibang salita, bilang mga tao na nababalutan ng kanilang likas na kasamaan sa pamamagitan ng pantakip ng pagkukunwari tinatawag na relihiyon, sila sa kanilang mga sarili ay hindi nababatid na silang lahat ay masasamang tao. Kaya, ang tao ay hindi nakikita ang kanilang tunay na mga sarili na puno ng kasalanan, at nahulog sa malaking panlilinlang, kinikilala ang kanilang mga sarili na mabubuti.

Iyan kung bakit di-tulad ng mga tao, na nagsisikap na iwasan ang kanilang mga kasalanan na mahayag, nais ng Diyos na ang kanilang mga kasalanan ay mabunyag. Ang mga

345 Tayo ay Maliligtas sa Lahat ng Ating Kasalanan kung Atin Lamang Nakikilala Lahat ng Ating Kasamaan

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

kasalanan ng sangkatauhan ay hindi maikukubli sa Diyos. Nais ng Diyos na ibunyag ang mga kasalanan ng tao at pagalingin sila. Sa mga nabunyag na mga kasalanan ng sangkatauhan ang Diyos ay nagbibigay ng kapatawaran sa kasalanan sa bawa’t makasalanan, at iyan kung bakit ang Diyos ay nalulugod na makita ang ating mga kasalanang ganap na nabunyag.

Ang mga tao ay pangkalahatang nais ang ibang tao na makita sila bilang mabuti at mababait. Kaya sila’y nagkukunwaring mabuti palagi, at nalilinlang ng kanilang sariling pagkukunwari, karamihan sa kanila ay tiwala na sila’y tunay na mabubuti. Subali’t, sa katunayang maraming mga kasamaan ang nakakubli sa kanilang mga puso, at silang lahat ay kailangang malaman ito.

Kanino, kung gayon, natupad ang binigay ng Diyos na kaligtasan? Walang-alinlangan na ang kaligtasan ay dumarating sa mga nakikilala ang kanilang mga sarili bilang ganap na makasalanan, at nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung binigay ng Panginoon. Sa ibang salita, yaon lamang tumanggap na sila’y tunay na patungong impiyerno kung sila’y magpapatuloy sa kanilang paraan sila’y maaaring kamtan ang kapatawaran sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Kayo ba kung gayon? Hindi ba ang iba sa inyo ay inaakala na ang inyong mga puso ay mabubuti? Ang tao bang yaon ay maliligtas sa kanilang mga kasalanan? O sa kabatiran lamang sa kasamaan ng puso ng isang tao at humihiling sa Panginoon ng Kanyang biyaya siya’y maliligtas sa kanyang mga kasalanan? Hindi yaong nauuna, kundi yaong huli ang maaaring maligtas sa kasalanan. Sa kasawiang-palad, gayon man, hindi maraming tao ang nakakaalam at kumikilala sa likas na kasamaan ng kanilang mga puso.

Sinabi ng Diyos, “Ang puso ay magdaraya ng higit kay sa

346 Tayo ay Maliligtas sa Lahat ng Ating Kasalanan kung Atin Lamang Nakikilala Lahat ng Ating Kasamaan

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

lahat na bagay, at totoong masama; sinong makaalam?” (Jeremias 17:9). Sinabi rin Niya sa Marcos 7:21-23, “Sapagkat mula sa loob, mula sa puso ng mga tao, lumalabas ang masasamang pagiisip, ang mga pakikiapid, ang mga pagnanakaw, ang mga pagpatay sa kapuwa-tao, ang mga pangangalunya, ang mga kasakiman, ang mga kasamaan, ang pagdaraya, ang kalibugan, ang matang masama, ang kapusungan, ang kapalaluan, ang kamangmangan. Ang lahat ng masasamang bagay na ito ay sa loob nagsisipanggaling at nangakakahawa sa tao.”

Ang karnal na mga kaisipan ng sangkatauhan ay maaaring maging masama lamang. Sa kalikasan, ang mga tao ay mga mamamatay-tao, mga mangangalunya, at maruming mga nilalang. Silang lahat ay likas na isinilang bilang masasamang mga nilalang. Yaong nakikilala ang kanilang mga sarili na naging gayong mga makasalanan ang Diyos ay ginagawad ang Kanyang biyaya ng kaligtasan. Ito ay tiyak na sa pamamagitan ng gayong mga tao ang Diyos ay nagkakaroon ng mga bunga ng kapatawaran sa kasalanan, at ang mga bunga rin ng ebanghelismo. Sa ibang salita, sinasabi ng Diyos na Kanyang ibibigay lamang ang Kanyang pagpapala ng kaligtasan sa mga nakakabatid at naniniwala na sila’y tunay na masamang mga makasalanan na nagtatago ng mga kasalanan sa kanilang mga puso at nag-uumapaw nitong mga kasalanan ng kanilang buong buhay.

Ito ay ganap na salungat sa mga katuruan ng sanlibutan. Mula sa ating mga magulang at sa pamamagitan ng paraang edukasyon, tinuro sa atin na kilalanin ang ating mga sarili bilang mabubuti. May isang kilalang teoriya tinatawag na “Labeling Theory” na laganap sa larangan ng pambatang edukasyon. Iginigiit nitong teoriya na kung ang isang bata ay kinilala bilang “isang sinungaling” ng kanyang mga magulang

347 Tayo ay Maliligtas sa Lahat ng Ating Kasalanan kung Atin Lamang Nakikilala Lahat ng Ating Kasamaan

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

o mga guro, ang bata ay magiging isang sinungaling, at kung ang isang bata ay kinilala bilang “isang mabuting bata,” kung gayon siya ay lalaki bilang isang taong may mabuting katauhan. Nguni’t, pinaliliwanag lamang ng teoriyang ito ang di-karaniwang pagkukunwari sa mga asal ng tao, at hindi matalakay ang pangunahing kalikasan ng mga tao.

Ang relihiyon ay hindi naiiba, lahat ng relihiyon ay nagpasimuno ng kabutihan ng sangkatauhan at sa kanyang katuwiran. Ang pinakamasamang tao dito sa lupa ay yaong nagtatago ng kanilang kasamaan sa pamamagitan ng huwad na mga kabutihan (pagkukunwari). Yaong naniniwala sa Kristiyanismo bilang isang relihiyon lamang ay gayon ding mga tao. Dahil hindi nila nalalaman ang kanilang likas na mga sarili, hindi nila tinatanggap ang ebanghelyo ng Diyos na makapagliligtas sa kanila sa lahat ng kanilang kasalanan—tunay nga, malayo sa pagtanggap nitong tunay na ebanghelyo, sila sa katunayan ay pinangangaral ang mga huwad na ebanghelyo na iginigiit lamang ang sariling matuwid na mga ugali ng sangkatauhan.

Tulad niyaon, ang pinakamalubhang mga kaaway ng Diyos dito sa lupa, yaong sumasalungat sa Kanya sa lahat, ay walang iba kundi itong mga Kristiyano na hindi isinilang na muli. Pinipilit nila, “Nguni’t gayon pa rin, hindi ba ang sangkatauhan kahit papaano ay may isa o dalawang kabutihan?” Ang Kautusang Salita ng Katotohanan, gayon pa man, hinahayag na ang sangkatauhan ay tiyak na walang kabutihan (Roma 3:10-12). Samakatuwid dapat natin munang kilalanin ang ating tunay na mga sarili, nababatid kung paano ang ating mga puso ay puno ng gayong maraming mga karnal na kaisipan.

Sinulat ng Biblia nang ang ikatlong araw ng paglikha sa langit at sa lupa ay nagsimula, itong lupa ay nababalutan ng

348 Tayo ay Maliligtas sa Lahat ng Ating Kasalanan kung Atin Lamang Nakikilala Lahat ng Ating Kasamaan

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

tubig. Itong tubig ay tumutukoy sa tubig na nasa ilalim ng kalawakan. Kung minsan, maging ang tubig na nasa ilalim ng kalawakan ay tila mukhang malinaw. Subali’t, ang lupa sa ilalim nito, kinukubli ng tubig, sa katunayan ay napakarumi. Kapag lumantad lamang ang karumihan sa ilalim maaaring linisin ng Diyos itong lupa, at iyan kung bakit sinabi Niya sa ikatlong araw, “Hayaang lumitaw ang tuyong lupa.” Ito’y nagsasaad na yamang ang likas ng katauhan ng sangkatauhan ay likas na masama, nais ng Diyos na ating makilala at amin ang ating mga pagsalangsang.

Si Jesu-Cristo ay lumapit sa lahat ng makasalanan at iniligtas sila sa bawa’t kasalanan. Sinabi ng ating Panginoon, “Hindi Ako pumarito upang tawagin ang mga matuwid, kundi ang mga makasalanan sa pagsisisi” (Lucas 5:32). Sinabi ng Diyos na masasamang isip, mga pangangalunya, mga pakikiapid, mga pagpatay sa kapwa, mga pagnanakaw, mga pag-iimbot, kahalayan, kamangmangan, kapalaluan, at iba pa, lahat ay minana ng sangkatauhan, kaya tayong lahat ng tao ay may gayong maruruming mga puso. Ang Diyos ay mamumunga ng anumang bunga sa pamamagitan ng taong hindi buong nahayag ang kanyang kasamaan sa harap ng Salita ng Diyos. Nguni’t kung ang isang tao ay nalalaman na siya’y walang kabutihan na kahit ano sa kanyang sarili, at walang iba kundi siya ay isang makasalanang nilalang, kung gayon maaari niyang makilala si Jesu-Cristo at maisilang na muli.

Kanino Dumating ang binigay ng Diyos na Kaligtasan?

Ang kaligtasan ng binigay ng Diyos na kapatawaran sa

kasalanan ay dumarating lamang sa mga nananalig sa

349 Tayo ay Maliligtas sa Lahat ng Ating Kasalanan kung Atin Lamang Nakikilala Lahat ng Ating Kasamaan

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Sa pamamagitan ng pananalig sa ginawa ni Jesu-Cristo para sa mga makasalanan tulad natin tayo ay maliligtas sa pamamagitan ng biyaya (Efeso 2:8).

Sinulat ng Biblia na yamang “nakita ng PANGINOON na mabigat ang kasamaan ng tao sa lupa, at ang buong haka ng mga pagiisip ng kaniyang puso ay pawang masama lamang na parati” (Genesis 6:5), Siya’y nagpasiyang hatulan itong sanlibutan. At ang hatol ng Diyos ay tunay na dumating dito sa lupa, kung saan lahat ng makasalanan ay nawasak, maliban sa walong pamilya ni Noe ang naligtas.

Si Noe ay naligtas dahil nasumpungan niya ang biyaya ng Diyos, tulad sa nasusulat, “Datapuwa’t si Noe ay nakasumpong ng biyaya sa mga mata ng PANGINOON. Ito ang mga lahi ni Noe. Si Noe ay lalaking matuwid” (Genesis 6:8-9). Ang salitang “biyaya” ay katulad ng handog. Si Noe, rin, ay isang makasalanan, dahil siya’y kasinghina at walang kakayanan ng sinuman, nguni’t siya’y hindi kasama sa paghahatol at naligtas. Paano ito naging posible? Ito ay naging posible dahil si Noe at ang kanyang pamilya at nasumpungan ang biyaya ng kapatawaran sa kasalanan mula sa Diyos, at naging matuwid. Sa ibang salita, sa pananalig sa biyaya ng kaligtasan ng Diyos si Noe ay naging isang taong matuwid.

Niligtas ng Diyos si Noe sa pamamagitan ng pagsusuot sa kanya ng Kanyang biyaya. Tulad lamang ni Noe, binigay din ng Diyos sa atin ang gayon ding biyaya. Bagaman ang ating mga kaisipan at mga ugali ay kapwa masama, pinagpala tayo ng Diyos upang maging Kanyang sariling bayan. Matapos gawin itong lupa na ilantad at tuyo, pinagpala ng Diyos ito upang sibulan ng pananim na nagkakabinhi at punongkahoy na namumunga ayon sa kanyang uri. Sa paglitaw ng tuyong lupa ang daigdig ay nagsimulang magkaroon ng bunga sa harap ng

350 Tayo ay Maliligtas sa Lahat ng Ating Kasalanan kung Atin Lamang Nakikilala Lahat ng Ating Kasamaan

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

Diyos. Sa ibang salita, ang mga tao ay isinilang na muli mula sa

kanilang mga kasalanan sa pamamagitan muna ng pagtanggap na sila’y mga makasalanang patungo sa impiyerno, at pangalawa, sa pananalig kay Jesu-Cristo, na Siyang naparito sa Katotohanan ng tubig at ng Espiritu at niligtas ang mga makasalanan sa kasalanan. Kung ating nakikilala ang ating makasalanang kalagayan, at alisin ang maskara ng pagkukunwari na tumatakip sa ating mga puso, tayo, rin, ay makakamtan ang kapatawaran sa ating mga kasalanan at magkakaroon ng bawa’t mabuting bunga, lahat ay sa pamamagitan ng pagtanggap sa Salita ng Diyos at pananalig nito.

Kinamumuhian ng Diyos ang mga Mapagkunwari Yaong nagkukunwari na mabait sa Diyos ay hindi

nalalaman ang Katotohanan ng pagiging isinilang na muli sa tubig at sa Espiritu. Ang mga relihiyoso na nagtatago ng kanilang mga kasalanan sa likod ng kanilang likas na mabubuting mga ngiti ay karaniwang mga mapagkunwari. Bakit sila patuloy sa labis na pagkukunwari? Dahil nais nilang ikubli ang katunayang sila sa kanilang mga sarili ay mga makasalanan na patungo sa impiyerno. Hindi nakikinig sa Salita ng Diyos o hindi pansin ang tinig ng kanilang sariling budhi, sila’y nagkukunwari ng pagiging taong matuwid, kahit pa sila’y mga makasalanan. Yamang hindi nila tinatanggap ang katunayan sila’y itatapon sa impiyerno dahil sa kanilang mga kasalanan, ni sila’y may anumang hangaring kamtan ang kapatawaran sa kanilang mga kasalanan. Iyan kung bakit kanilang hindi pansin ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.

351 Tayo ay Maliligtas sa Lahat ng Ating Kasalanan kung Atin Lamang Nakikilala Lahat ng Ating Kasamaan

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

Labis na maraming tao dito sa lupa ang nalinlang sa paniniwala na sila’y tunay na mabubuting tao. Yaong nasa ilalim nitong paglilinlang sa palagay nila sa kanilang mga sarili bilang mabubuti sa harap ng Diyos—ito ay, yaong hindi kumikilala sa Diyos na sila’y mga makasalanan—lahat ay mapagkunwari. Yaong nagmamayabang ng kanilang pagkukunwari at hanap ang pananampalatayang batay sa mga gawa ay mga mapagkunwari na hindi sinusunod ang Katotohanan ng pagiging isinilang na muli, ang tunay na nagbibigay kaluguran sa Panginoon, bagkus sa kanilang sariling mga kabutihan lamang. Kinamumuhian ng Diyos ang pagkukunwari ng sangkatauhan—ito ay, Siya’y namumuhi sa mga huwad na kabutihan.

Kanya inyong dapat mabatid dito na ang huwad na kabutihan ng sangkatauhan ay isang mortal na kasalanan na sumasalungat sa tunay na kabutihan ng Diyos at inaakay ang isang tao sa impiyerno. Ang sangkatauhang sinisikap na ikubli ang kanilang buong kasamaan sa pamamagitan ng kanilang pagkukunwari ay tulad ng pagtatakip sa kanilang mga mata upang walang kasamaang makikita. Kapag inyong binaligtad ang bote ng toyo, ang nabubuhos ay toyo. Ang malinaw na tubig ay hindi nabubuhos sa isang bote na puno ng toyo. Gayon din, kapag ang sangkatauhan ay marumi, paanong lalabas dito ang anumang kabutihan?

Samakatuwid, ang sangkatauhan ay dapat munang ipahayag ang kanilang kasamaan sa Diyos, manalig sa Biblia, na siyang Salita ng Diyos, at sa gayon magiging ganap na mapapatawad sa lahat nilang kasalanan kasingputi ng niyebe. At kapag kanilang nakamtan ang kapatawaran sa kanilang mga kasalanan at naging matuwid, hindi na nila masusunod ang pagkukunwari ng sangkatauhan, nguni’t dapat nilang sundin lamang ang Salita ng Diyos sa pananampalataya. Maaari nating

352 Tayo ay Maliligtas sa Lahat ng Ating Kasalanan kung Atin Lamang Nakikilala Lahat ng Ating Kasamaan

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

iwaksi ang bawa’t pagkukunwari ng sangkatauhan at masusunod lamang ang ebanghelyo ng tunay na Katotohanan na nagsuot sa atin ng katuwiran ng Diyos kapag atin lamang tinanggap na tayo’y gapos ng kasalanan hangang sa araw na tayo’y pumanaw.

Aking kapwa mga mananampalataya, maging yaong naligtas sa lahat nilang kasalanan sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay dapat makilala na hanggang ang kanilang laman ay nauukol, sila pa rin ay masasama at marurumi. Yaong kumilala sa kanilang masasamang mga sarili sa pamamagitan ng pananalig sa Salita ng Katotohanan ng Diyos inihahayag ng Diyos ang Kanyang kaluwalhatian at namumunga ng katuwiran. Salungat nito, ang mga makasalanang hindi nananalig sa Salita ng Diyos ay hindi nagkakaroon ng anumang matuwid na bunga ng tunay na kabutihan ng Diyos. Kung saan tayo ay napipilitang kilalanin ang ating mga sarili bilang magaspang, marumi, at imoral na mga nilalang ay hindi dahil tayo ay tunay na nakagawa ng lahat na mga pagsalangsang sa pamamagitan ng ating mga ugali. Sa halip, dahil tayo ay nananalig sa Salita ng Diyos na kapag tayo ay nagnilay sa ating mga sarili sa Salitang ito, tayo ay mapipilitang kilalanin ang ating mga sarili bilang masasamang mga tao.

Ang katuwiran ng Diyos ay nanangan sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Lahat tayo ay likas na masasamang tao, nguni’t dahil ating tinanggap ang ebanghelyo ng kaligtasan, ang ebanghelyo ng kapatawaran sa kasalanan, tayo’y naligtas at ngayo’y nabubuhay bilang taong matuwid. Iyan kung paano ang ligtas ay tinalikdan ang kanilang pagkukunwari at pinangangaral ang katuwiran ni Jesu-Cristo, dahil itong katuwiran lamang ni Jesu-Cristo ngayon ay naninirahan sa kanila. Yamang nakamtan ang kapatawaran sa ating mga

353 Tayo ay Maliligtas sa Lahat ng Ating Kasalanan kung Atin Lamang Nakikilala Lahat ng Ating Kasamaan

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

kasalanan, nang ating kilalanin na tayo ay masasama pa rin na simula niyaon, tayo ay naging mga instrumento ng katuwiran ginagamit para sa mga matuwid na gawain ng Diyos.

Ang Diyos ay hindi umaasa sa pagkukunwari ng sangkatauhan. Ang pagkukunwari ay walang iba kundi isang huwad. Kaya walang inaasahan ang maaaring maganap. Ang relihiyon, din, ay isang kumpol ng pagkukunwari, at kung kaya ang Diyos ay walang inaasahan dito.

Ang pagkukunwari ay magbubunga sa kapahamakan sa sarili. Ang pagkukunwari ay isang kasalanan. Ito ay balakid na humahadlang sa mga pagpapala ng Diyos. Ito ay isang sumpa. Ang pangkukunwari ay ang daan tungo sa sumpa ng Diyos. Ang sinumang nais kamtan ang mga pagpapala ng Diyos, dapat niyang alisin ang pagkukunwari. Ang pagkukunwari ay dapat talikdan, dahil ito ang sumisira sa sariling kaluluwa ng isang tao. Ang tunay na kabutihan ay ang pananalig sa Diyos at pagkilala sa sarili.

Ang Diyos ay hindi inilagay ang Kanyang tiwala sa mga nagkukunwari. Inilagay Niya ang kanyang mga pag-asa sa mga nananalig sa Kanyang Salita. Ang Iglesia din ng Diyos ay hindi umaasa sa pagkukunwari ng sangkatauhan. Hindi tayo umaasa sa ibang mga tao, kahit sino man sila. Iyan ay dahil ang laman ng sangkatauhan ay puno ng pagkukunwari. Yamang ang laman ng bawa’t isa ay magkatulad, isang ilusyon ang mag-isip, “Hindi ako tulad ng taong iyan; ako ay naiiba sa kanino man.” Bawa’t tao ay iisang kumpol ng kasalanan, nguni’t inihayag ng Panginoon ang katuwiran ng Diyos sa atin sa pagiging Tagapagligtas ng mga makasalanan. Ganap Niyang inihayag na sa harap ng Salita ng Diyos, walang sinumang nagtataglay ng katuwiran.

Huwag linlangin ang inyong mga sarili. Huwag palilinlang sa inyogg sariling pagkukunwari. Walang sinumang

354 Tayo ay Maliligtas sa Lahat ng Ating Kasalanan kung Atin Lamang Nakikilala Lahat ng Ating Kasamaan

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

makapagbibigay ng mataas na marka sa kanyang sarili. Sinabi mismo ng Diyos na ang sangkatauhan ay isang lahi ng mga manggagawa ng kasamaan, at ang puso ng tao ay higit na masama kaysa anumang bagay.

Subali’t, ang kapangyarihan ng Diyos ay labis na kamangha-mangha na maging sa gayong taong masasama, Siya’y nagkakaroon pa rin ng bunga ng Kanyang katuwiran. Ang nagligtas sa atin mula sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng Katotohanan ay ang kabutihan ng Diyos at Kanyang katuwiran. Ito ang kapangyarihan ng Diyos. Hindi ba ito nakamamangha? Ang ebanghelyo ng kaligtasan ay ang tanging Katotohanang taglay ng Diyos. Upang tayo ay magkaroon ng bunga ng Katotohanan, dapat nating mabatid na tayo ay ganap na mga makasalanan at ganap na mga mapagkunwari, at dapat tayong manalig alinsunod nito.

Inyo Bang Inaamin Lahat ng Kasalanang Nabunyag sa Inyo?

Maging sa mga isinilang na muli sa pamamagitan ng

pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ang unang di-karaniwang nabunyag na kasamaan ng kanilang laman ay lalong higit na nabubunyag. Sa ibang salita, ang kasamaan ng kanilang mga sarili ay higit na nabunyag ng lalong higit.

Gayon din ang nangyari sa akin. Halos hindi ako nagkaroon ng anumang alitan sa aking asawa noon, nguni’t nang ako ay nagkamit ng kapatawaran sa aking mga kasalanan, sa katunayan ako ay naging higit na madaling mapaaway sa aking asawa, at ang aking mga salita ay lalong naging magaspang, animo’y nalimutan ko lahat ng aking wastong edukasyon. Kaya matapos kamtan ang kapatawaran sa aking

355 Tayo ay Maliligtas sa Lahat ng Ating Kasalanan kung Atin Lamang Nakikilala Lahat ng Ating Kasamaan

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

mga kasalanan, kung minsan ako ay nagtataka sa aking sarili, “Bakit ako tulad nito? Nangangahulugan ba marahil ako ay hindi napatawad sa lahat kong kasalanan? Paano ko nagawa ito?”

Ang Salita ng Katotohanan ng Diyos ay malinaw na pinakikita nang walang alinlangan tayo ay tunay na taong masasama na nababalutan ng pagkukunwari, nguni’t dahil sa ating mga puso ay hindi natin kinikilala ang Salita ng Diyos, pinalitaw Niya ang tuyong lupa sa ating mga buhay. Kung hindi natin kinikilala ang nasusulat na Salita ng Diyos—ito ay, ang tunay na Katotohanan ng kabutihan—sa gayon ang Salita ng Diyos ay dapat labanan at magtagumpay sa atin, at kung kaya binunyag ng Diyos lahat ng kasamaan ng sangkatauhan sa ating mga kaganapan. Iyan kung bakit maging ang isinilang na muli ay nagdurusa sa kanilang mga kasamaan.

Nguni’t kapag kanilang kinilala ang gayong kasamaan sa mga sarili at nagtiwala sa Salita ng Katotohanan ng Diyos, sila ay magkakaroon ng bunga ng kapatawaran sa kasalanan. Sa ating sarili, hindi natin nalalaman na may gayong mga kasamaan sa atin, nguni’t binunyag ng Panginoon ang ating kasamaan upang hindi natin makita at makilala itong mga kasamaan. Yamang naisagawa ito, ang Panginoon sa gayon ay niligtas tayo sa pamamagitan ng Salita ng tubig at ng Espiritu. Samakatuwid, kapag higit na nabubunyag ang ating mga kasamaan, higit nating pasasalamatan ang Panginoon.

Tulad niyaon, ang lahat ay dapat kilalanin ang Salita ng Katotohanan ng Diyos, sa gayon sinusuko ang kanilang mga sarili sa Diyos bilang mga lahi ng mga mangggawa ng kasamaan na puno ng pagkukunwari, at maisisilang na muli sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung binigay ni Jesu-Cristo. Kung tunay na nais ninyong magmalaki sa ebanghelyo at mabuhay sa kalagitnaan ng ilaw

356 Tayo ay Maliligtas sa Lahat ng Ating Kasalanan kung Atin Lamang Nakikilala Lahat ng Ating Kasamaan

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

sa pamamagitan ng ebanghelyong ito at ng Diyos, sa gayon dapat kayong buong manalig sa Kanyang Salita ng Katotohanan.

Yaong ang mga buhay ay nalinlang ng kanilang sariling pagkukunwari ay hindi nalalaman ang Katotohanan na tinuturo ng Salita ng Diyos, at kung kaya ang kanilang mga buhay ay lalong higit na naging mapagkunwari. Yamang nalaman ng kanilang mga sarili na walang kakayahang sa tunay na mamuhay sa kabutihan gaano man ang pagsisikap nila, sila’y nahahantong sa pagsuko ng kanilang mga buhay pananampalataya. Nalinlang ng kanilang pagkukunwari, sa ibang salita, sila’y walang kakayahang mamuhay sa pananampalataya hanggang sa wakas. Sa pamamagitan ng Salita ng Katotohanan, dapat nilang mabatid kung anong uri ng tao sila, at dapat nilang talikdan ang kanilang pagkukunwari. Ang mga tao ay maliligtas lamang kung kanilang nalalaman ang kanilang kasamaan, at mabubunyag ang kanilang mga kasamaan.

Kayo ba kung gayon? Inaamin ba ninyo ang inyong kasamaan? Kinikilala ba ninyo na ang sangkatauhan ay ganap na masama, ng 100%? Tulad ng aking sarili, buong puso kong inaamin na ako ay tunay na isang ganap na makasalanan, tulad ng pinakita sa Salita ng Diyos. At ako ay naniniwala niyaon. Dahil ako ay walang maipagmamalaki, at dahil walang tao ang mayroong anumang kabutihan, na si Jesu-Cristo ay naparito sa lupa, binautismuhan, at nagbubo ng Kanyang dugo, lahat ay upang kuhanin ang mga kasalanan ng masamang sangkatauhan, bawa’t isang kasalanan ng sanlibutan. Lahat tayo ay naligtas sa pamamagitan ng pananalig kay Jesu-Cristo na ating Tagapagligtas, ito ay, sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.

Ang Banal na Espiritu ay nagpapatotoo na tanging ang

357 Tayo ay Maliligtas sa Lahat ng Ating Kasalanan kung Atin Lamang Nakikilala Lahat ng Ating Kasamaan

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

Salita ng Diyos ang tunay na mabuting Katotohanan. At sa pananalig sa Katotohanang ito, ang sangkatauhan ngayon ay napatawad sa kanyang mga kasalanan at naging instrumento ng katuwiran. Kung hindi sa Diyos, at kung hindi sa Salita ng Katotohanan ni Jesu-Cristo ang tunay na may kabutihan, ang sangkatauhan ay hindi mabubuhay sa isang hindi matitiis na masamang ibubunga, ganap na kasamaan ng pagkukunwari nito. Ngayon, ang lahat dito sa sanlibutan ay dapat manalig sa Salita ng kaligtasan, na si Jesu-Cristo ay niligtas tayo sa pamamagitan ng bautismo na Kanyang tinanggap, ang dugo na Kanyang binubo sa Krus, at ang Banal na Espiritu, at maabot ang kanyang kaligtasan.

Pinapayo ko sa inyong lahat na aminin ang inyong mga kasamaan, magtiwala sa Salita ng Katotohanan ng Diyos, at manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, upang kayo ay maligtas sa lahat ninyong kasalanang pagkukunwari at mamumuhay bilang taong matuwid. At kapag kayo ay naging matuwid, hinihiling ko sa inyo na mamuhay ng inyong nalalabing mga buhay bilang mga instrumento ng katuwiran ng Diyos, kinikilala ang Kanyang Salita ng Katotohanan at nananalig sa Kanyang katuwiran.

Ang tunay na kaligtasang binigay ng Diyos ay dumarating sa mga umaamin sa kanilang pagkukunwari at itinapon ito, at sa gayong mga tao na umamin sa kanilang tunay na mga sarili kung kaya hinatid ng Diyos itong kaligtasan. Binibigay ko lahat ng aking pasasalamat sa ating Diyos. Amen!

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

Ano ang Dapat Gawin ng mga Lingkod ng Diyos na Nananalig sa Ebanghelyo ng Tubig at ng Espiritu

< Genesis 1:14-19 > “At sinabi ng Dios, ‘Magkaroon ng mga tanglaw sa

kalawakan ng langit upang maghiwalay ng araw sa gabi, at maging pinakatanda at pinakabahagi ng panahon, ng mga araw at ng mga taon; at maging pinakatanglaw sa kalawakan ng langit, upang tumanglaw sa ibabaw ng lupa, at nagkagayon. At nilikha ng Dios ang dalawang malaking tanglaw; ang malaking tanglaw ay upang magpuno sa araw, at ang maliit na tanglaw ay upang magpuno sa gabi, nilikha rin Niya ang mga bituin. At mga inilagay ng Dios sa kalawakan ng langit, upang tumanglaw sa ibabaw ng lupa. At upang magpuno sa araw at sa gabi, at upang maghiwalay ng liwanag sa kadiliman, at nakita ng Dios na mabuti. At nagkahapon at nagkaumaga ang ikaapat na araw.”

Ang Pagkilala at Paghihiwalay sa mga Kaluluwa ng Tao Ang Simula ng Gawain ng Diyos

Ano ang ginawa ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang

mga lingkod sa ikaapat na araw ng paglikha sa langit at sa lupa?

Ano ang Dapat Gawin ng mga Lingkod ng Diyos na Nananalig 359 sa Ebanghelyo ng Tubig at ng Espiritu

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

Hiniwalay Niya ang Kanyang bayan mula sa iba. Sinugo ng Diyos Ama si Jesu-Cristo dito sa lupa upang iligtas ang lahat sa kasalanan. Itinalaga ang Diyos ang Kanyang mga lingkod upang gamitin sila bilang Kanyang mga instrumento upang alisin ang mga kasalanan ng tao. Ito ay upang iligtas ang mga kaluluwa kaya binigay ng Diyos ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at nagtalaga ng Kanyang mga lingkod na mangangaral nitong ebanghelyo. Sa pangyayaring ito, pinapalakas ng Diyos ang Kanyang mga lingkod at hinuhubog sila ng wasto, at pagkatapos ay gagamitin sila.

Ang mga lingkod ng Diyos ay dapat maglingkod sa pagtawag na magbibigay obligasyon sa kanila na makilala ang mga anak ng liwanag sa mga anak ng kadiliman dito sa lupa, at upang ipangaral ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa kanila. Kapag ang mga lingkod ng Diyos ay nagpapagala para sa Kanyang gawain, dapat nilang suriin at kilalanin kung ang mga tao ay nagkamit ng kapatawaran sa kasalanan.

Kung ang pagtawag sa mga mangangaral ng ebanghelyo dito sa lupa ay upang ipangaral ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, sa gayon dapat nilang malaman kung paano tutuparin ang gawaing ito. Samakatuwid, ang ministeryo ng ebanghelista ay dapat munang simulan ang pagkilala kung ang mga kaluluwa sa kanyang mga mata ay ligtas sa kasalanan o hindi. Kung siya’y walang kakayahang kilalanin ang mga kaluluwa, kung gayon lahat ng kanyang pagpapagal ay magiging walang saysay, at kung kaya dapat muna niyang malaman kung ang isang kaluluwa ay naligtas, at pagkatapos ay ipangaral ang ebanghelyo ng Salita ng tubig at ng Espiritu sa mga makasalanan. Matapos nito, siya sa gayon ay pakanin ang mga kaluluwang ito at palaguin sa kanilang pananampalataya. Ang ebanghelista ay taglay din ang katungkulang ipangaral ang Salita ng Katotohanan ng Diyos nang unti-unti sa mga

360 Ano ang Dapat Gawin ng mga Lingkod ng Diyos na Nananalig sa Ebanghelyo ng Tubig at ng Espiritu

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Yaon lamang nakarinig ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu mula sa mga wastong ebanghelista maaaring palawigin itong ebanghelyo sa ibang mga kaluluwa.

Ang unang bagay na gagawin ng isang ebanghelista kapag siya’y may nakilalang tao ay kilalanin at hayaang malaman nila kung sila’y bayan ng Diyos o hindi. Bagaman marami sa sanlibutang ito ang tumatawag sa sarili bilang mga ebanghelista, iilan ang tunay na nakakakilala sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ito kung bakit ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay dapat munang ipangaral sa mga Kristiyano na nagsasabing sila’y nananalig kay Jesus.

Nakikita natin na ang ibang mga mangangaral ay walang kakayahang kilalanin kung ang isang kaluluwa ay ligtas o hindi, dahil hindi nila nalalaman ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Bawa’t mangangaral samakatuwid ay dapat munang malaman ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ng kanyang sarili. At siya sa kanyang sarili ay dapat maging mananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Walang ebanghelyo ang maaaring maging dalawa ang kahulugan pagdating sa pagkilala sa ligtas at sa hindi ligtas.

Ang espiritwal na bulag ay hindi makikilala kung ang isang tao ay ligtas o hindi. Ang tunay na saksi, sa ibang salita, ay kailangang nakikilala kung ang isang kaluluwa ay nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu o hindi. Kapag ang lingkod ng Diyos ay nabigong palawigin ang ebanghelyo, ito ay dahil sa kanilang walang kakayahang kilalanin ang mga kaluluwa ng tao kaya sila’y bigo sa ministeryong ito. Ang tunay na saksi ng ebanghelyo ay dapat munang suriin kung ang tao ay nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, at pagkatapos ay maghasik ng mga binhi ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Nguni’t sa kabila nito, labis na maraming saksi

Ano ang Dapat Gawin ng mga Lingkod ng Diyos na Nananalig 361 sa Ebanghelyo ng Tubig at ng Espiritu

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

ang nangangaral ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ng hindi muna wastong sinusuri ang kalagayan ng kaluluwa, at ito ang paliwanag sa labis na maraming kabiguan.

Tulad niyaon, ang unang bggay na dapat gawing ng isang ebanghelista ay ang espiritwal na pagkilala kung ang isang kaluluwa ay isang matuwid na kaluluwa o isang makasalanan. At kung itong kaluluwa ay hindi nalalaman na siya’y isang makasalanan, kung gayon ang ebanghelista ay dapat turuan siya na siya’y mahahatulan ng Diyos dahil sa kanyang mga kasalanan. Ang mga saksi na matuwid sa harap ng Diyos ay dapat malaman kung paano makikilala kung ang mga kaluluwa ng tao ay kabilang sa liwanag o sa kadiliman, at pagkatapos ay ipatotoo ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Kung misan, kapag tayo ay nagpapatotoo, inaangkin ng ibang tao na sila’y walang kasalanan bagaman hindi nila nababatid ang dahilan bakit binautismuhan si Jesus.

Ang kinatawan ng gayong mga tao ay yaong inilarawan ang kanilang mga sarili bilang tinatawag na mga Evangelical. Ang mga taong ito na walang nalalaman ay inaangking sila’y walang kasalanan, bagaman hindi nila wastong nalalaman ang hiwaga ng bautismong tinanggap ni Jesus kay Juan—ito ay, ang ebanghelyo ng Katotohanan ng tubig at ng Espiritu. Aking kapwa mga mananampalataya, bagaman inaangkin nila, gayong walang kaalaman sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, “Ako ay walang kasalanan simula nang ako ay nanalig kay Jesus,” hindi nangangahulugan na sila’y tunay na walang kasalanan sa kanilang mga puso. Kapag ang taong walang kaalaman ay pinapanindigan na sila’y walang kasalanan hanggang sila’y nananalig kay Jesu-Cristo bilang kanilang Tagapagligtas, bagaman hindi nila nalalaman ang ebanghelyo ng Katotohanan ng tubig at ng Espiritu, nililinlang lamang nila ang kanilang mga sarili. Ang isang tao ay maaaring magsabi na

362 Ano ang Dapat Gawin ng mga Lingkod ng Diyos na Nananalig sa Ebanghelyo ng Tubig at ng Espiritu

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

siya’y naniniwala kay Jesus bilang kanyang Tagapagligtas, nguni’t kung may kasalanan sa kanyang puso, sa gayon siya’y makasalanan pa rin, at kung kaya sa gayong kalagayan, ang pagsabi na walang kasalanan ay paglinlang sa Diyos at sa tao. Hindi ba ito ang nangyayari?

Ang bawa’t Kristiyano ba ay nakikilala ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu? Hindi, bawa’t Kristiyano ay hindi nakikilala itong ebanghelyo. Labis na maraming Kristiyano pa rin ang hindi nalalaman ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Kung ito ang pangyayari, kung gayon dapat muna nating suriin sa espiritwal na pananalita, ang gayong mga Kristiyano ay mga makasalanan pa rin. Ang tinatawag na Evangelical ay ganitong uri rin ng tao. Iyan kung bakit ang mga Evangelical ay dapat ding espiritwal na magising.

Ang saksi na nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa harap ng Diyos ay nalalaman kung paano mamuhay sa pananampalataya. Kung ang mangangaral ay hindi wastong pinapangunahan ang kongregasyon sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, sa gayon ang kanyang buong ministeryo ay mabibigo. Sa pamamagitan ng mga saksi na nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ang Diyos ay hinihiwalay ang liwanag sa kadiliman. Ito ay dahil tayong mga ministro ay nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu kung kaya tayo ay wastong nakapaglilingkod. Ang uri ng ministeryo na matuwid sa harap ng Diyos ay yaong hinihiwalay ang matuwid sa mga makasalanan, at pinangangaral ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ang Katotohanan ng kaligtasan.

Kailangan ninyong maunawaan ngayon na ang mga mananampalataya lamang sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ang makatutupad sa kanilang ministeryo bilang tunay na mga saksi. Iyan ay dahil yaong naging matuwid sa harap ng

Ano ang Dapat Gawin ng mga Lingkod ng Diyos na Nananalig 363 sa Ebanghelyo ng Tubig at ng Espiritu

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

Diyos ay yaong nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa harap Niya, at dahil ang mga makasalanan ay yaong hindi nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Sa huli, ang isang mangangaral ay hindi dapat isawalang-bahala ang paghihiwalay sa mga matuwid mula sa mga makasalanan at ipangaral ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.

Tulad nito, kapag ang isang mangangaral ay may makikilala, ang unang hakbang ng kanyang ministeryo ay ang wastong pagkilala kung ang isang tao ay malinaw na isinilang na muli o hindi sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Kung tayo ay magtutungo sa isang dako ng digmaan at makipagdigma, paano tayo makikibaka sa digmaang ito kung hindi natin nakikilala kung ang isang tao sa ating harapan ay ating sariling kawal o kaaway? Upang magkaroon ng kakayanang umatake sa pamamagitan ng Salita ng Katotohanan at iligtas siya, dapat muna nating malinaw na malaman na ang taong ito sa ating harapan ay isang espiritwal na kaaway na hindi pa rin nakakamit ang kapatawaran ng kanyang mga kasalanan?

Ang isang mangangaral ay kailangang malaman ang Katotohanan ng kaligtasan kapag siya’y nakikibaka ng kanyang espiritwal na digmaan. Kapag siya sa gayon ay napalaya ang isang makasalanan at niligtas siya mula sa bitag ng kasalanan, sa gayon lamang na siya ay isang tunay na lingkod ng Diyos. Sa madaling salita, ang tunay na saksi ng Diyos ay dapat maghatid ng tunay na kaligtasan sa mga makasalanan sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.

Pinakita ng Diyos sa atin ang Kanyang layunin sa pamamagitan ng Salita ng Kanyang paglikha. Natatangi ang Kanyang ginawa sa paghihiwalay ng ibang mga bagay sa pasimula ng Kanyang paglikha. Hiniwalay Niya ang langit sa

364 Ano ang Dapat Gawin ng mga Lingkod ng Diyos na Nananalig sa Ebanghelyo ng Tubig at ng Espiritu

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

lupa; ang liwanag sa kadiliman; ang tubig na nasa itaas ng kalawakan mula sa tubig sa lupa; at ang tuyong lupa sa karagatan. Muli, sa ikaapat na araw ng Kanyang paglikha, inilagay ng Diyos ang dalawang liwanag sa kalawakan at hiniwalay ang araw sa gabi.

Kaya kapag ang isang mangangaral ay nagbabahagi sa mga kaluluwa, kalooban ng Diyos para sa kanya na makilala kung ang mga kaluluwang ito ay ligtas o hindi. Kapag ang isang ebanghelista ay hiniwalay ang mga kaluluwa, hindi niya dapat ihiwalay batay sa kanyang sariling karnal na pamantayan, bagkus batay sa ebanghelyo ng Katotohanan ng tubig at ng Espiritung binigay ni Jesu-Cristo.

Isang pagpapala sa atin na ihiwalay ang isinilang na muli sa mga hindi isinilang na muli batay sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ang Katotohanan ng kaligtasang binigay ng Diyos. Ang Iglesia ng Diyos ay dapat tuparin ang gawaing ito ng wastong paghihiwalay ng mga ligtas sa mga hindi ligtas. Ang gawain ng Diyos ay kailangang magsimula sa pamamagitan nitong gawaing paghihiwalay. Ang Kaharian ng Diyos ay maitatayo lamang kung ang mga mangangaral na nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay may kakayahang gawin ang espiritwal na pagkilala na maghihiwalay ng liwanag sa kadiliman. Ang gayong mga mangangaral ay matutupad ang ministeryo ng Diyos bilang mga manggagawa ni Jesu-Cristo. Tulad niyaon, kapag ang mangangaral ay walang kakayahang hiwalayin ang liwanag sa kadiliman, hindi siya wastong makapaglilingkod.

Sa mga nagkamit ng kapatawaran sa kanilang mga kasalanan, maraming tao ang labis na may pusong mababait. Sinasabi nila, “Gayong labis na maraming tao ang nananalig kay Jesus bilang kanilang Tagapagligtas, paano ko masasabi na sila’y hindi isinilang na muli?” Natatangi nito, ang ebanghelyo

Ano ang Dapat Gawin ng mga Lingkod ng Diyos na Nananalig 365 sa Ebanghelyo ng Tubig at ng Espiritu

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

na pinapanaligan ng mga Evangelical ay halos katulad ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, nguni’t sukdulang ito ay hindi ang ganap na ebanghelyo, kung kaya sila’y atubiling tawagin ang kanilang mga sarili na matuwid, dahil may kasalanan pa rin sa kanilang mga kasalanan. Sa madaling salita, ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu na ating pinapanaligan ay biblikal na may pagkakaiba sa kanilang pananampalataya.

Malinaw na imposible sa mga saksi na nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu upang maunawaan at hayaan ang mga hindi isinilang na muli, kahit pa sikapin nilang isagawa ito. Sa huli, ang matuwid ay mahihiwalay sa mga makasalanan. Gaano man ang pagsisikap ng mga tunay na saksi upang maabot ang pang-unawa at makisama sa mga nagsisipaglingkod sa mga kilalang misyonaryong organisasyon sa sanlibutan, yamang ang mga taong ito ay hindi nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, hindi sila sasang-ayunan. Dahil hindi nila kinikilala ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, di-maglaon sila ay mahihiwalay sa atin.

Sa huli, ang liwanag at ang kadiliman ay hindi maaaring magsama. Kapag inyong binuksan ang ilaw sa tahanan, ang kadiliman ay maglalaho ng walang kabiguan, at kapag inyong pinatay ang ilaw, ang kadiliman ay tiyak na magbabalik. Imposible sa kapwa liwanag at kadiliman ang magsama sa isang silid. Kapag ang ilaw ay binuksan sa tahanan, ang kadiliman ay maglalaho agad. Kaya kahit pa tayo, mga mananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ay subuking magsigawa kasama ang mga Evangelical ngayon panumandali sa anumang dahilan, wala tayong magagawa kundi ipahayag ang ating paghiwalay mula sa kanila sa katapusan.

366 Ano ang Dapat Gawin ng mga Lingkod ng Diyos na Nananalig sa Ebanghelyo ng Tubig at ng Espiritu

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

Ang Ibang Tao ay Sasabihin din, “Nakamtan Ko ang Kapatawaran sa Aking mga Kasalanan, Nakakamtan Ko Ngayon, at Makakamtan Ko Ito sa Hinaharap”

Kamakailan, aking nakilala ang isang misyonero sa isang

pandaigdigang misyong organisasyon at nakipagniig sa kanya, nguni’t ang ebanghelyo na kanyang pinapaniwalaan ay ganap na kakaiba sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu na aking pinapaniwalaan.

Sinabi ko sa kanya na ang kapatawaran sa kasalanan ay agad na nakamtan sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Nguni’t sinabi niya na hindi ito ang pangyayari. Sinabi nitong misyonero, “Nakamtan ko ang kapatawaran sa aking mga kasalanan, nakakamtan ko ngayon, at makakamtan ko ito sa hinaharap din.” Karamihan sa mga Kristiyano ay ganito ang kaunawaan at pinapanaligan. Subali’t, kung atin lamang pag-iisipang maigi, makikita natin ang pagsasalungatan. Ang gayong pananampalataya ay bunga ng ngayong Kristiyanong doktrina ng unti-unting pagbabanal. Sa mga araw na ito, ang mga pinunong Kristiyano sa buong sanlibutan ay naniniwala sa ganitong paraan, at kung gayon ano ang pinangangaral ng mga pinuno?

Ako mismo ay may nakilalang maraming mga Evangelical na nagsasabing sila’y walang kasalanan. Nguni’t sinabi nila na ang ating mga kasalanan ay hindi inilipat kay Jesus sa pamamagitan ng bautismong Kanyang tinanggap kay Juan Bautista. Kaya sinabi ko sa kanila, “Kung gayon ipakita mo sa akin ang katibayan na ito ay mali, na ang mga kasalanan ng sanlibutan ay hindi inilipat kay Jesus sa pamamagitan ng bautismo ni Juan. Papatunayan ko sa iyo sa pamamagitan ng Salita ng Diyos na ang ating mga kasalanan ay tunay na inilipat

Ano ang Dapat Gawin ng mga Lingkod ng Diyos na Nananalig 367 sa Ebanghelyo ng Tubig at ng Espiritu

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

kay Jesus sa pamamagitan ng Kanyang bautismo.” Silang lahat ay umalis na walang anumang salita. Sa huli, malibang yaong tumawid ang mga landas sa atin ay pasailalim ang kanilang mga sarili sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, silang lahat ay mahihiwalay sa atin nang walang pagtatangi.

Kaya ang mga Evangelical ay naniniwala lamang sa kanilang mga sarii na walang kasalanan, at hindi sila nananalig sa Katotohanan ng bautismo ni Jesus mula kay Juan. Maliwanag, kung gayon, sila’y mga makasalanan sa harap ng Diyos. Panumandali sinikap kong maging maamo at mabait sa kanila, nguni’t nakita ko kung paano nila tanggihan ang manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu hanggang sa huli, at hindi lamang ito, bagkus sila’y tumayo laban sa atin. Ayaw nila sa atin dahil ating tinatanglawan ang ilaw ng Katotohanan na nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.

Aking kapwa mga mananampalataya, dapat ninyong maunawaan na ang pagpapatong ng mga kamay sa ulo ng handog na hayop sa Lumang Tipan ay katulad ng bautismong tinanggap ni Jesus sa panahon ng Lumang Tipan, at dapat kayong manalig nito. Sa maikling salita, dapat ninyong maunawaan ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at manalig ng inyong mga puso. Hindi lamang sa pamamagitan ng dugo ni Jesus kayo ay nagkamit ng kapatawaran sa inyong mga kasalanan. Ang kapatawaran sa inyong mga kasalanan ay nakamtan sa pamamagitan ng bautismo ni Jesus at sa Kanyang dugo sa Krus, sa pamamagitan nitong dalawang espiritwal na katotohanan.

Sa panahon din ng Lumang Tipan, naroon ang pagtutuli at ang dugo na cordero ng Paskua (Exodo 12:3-7, 43-49).

Gayon din, sa Bagong Tipan, naroon ang bautismo ni Jesu-Cristo at ang Kanyang dugo sa Krus. Sinasabi sa 1 Juan 5:6-8 na si Jesus ay hindi naparito sa pamamagitan lamang ng

368 Ano ang Dapat Gawin ng mga Lingkod ng Diyos na Nananalig sa Ebanghelyo ng Tubig at ng Espiritu

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

tubig, kundi sa pamamagitan ng tubig, ng dugo, at ng Espiritu. Pinatotoo ng Banal na Espiritu na si Jesus ay Diyos, at ang tubig at ang dugo ay pinapatotoo ang bautismo ni Jesus at ang Kanyang Krus. Pinapatotoo ng Biblia na sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay nakamtan ang ating kaligtasan. Sa pagparito ni Jesu-Cristo sa lupa sa katawan ng tao, kinuha Niya ang ating mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo tulad ng Kanyang pangako sa Kanyang Salita. Sa Bagong Tipan, ang paghuhugas ng kasalanan ay nagpapatotoo ng bautismong tinanggap ni Jesus. Ang mahalagang dugo na binubo ni Jesus ay nagsasabi sa atin na si Jesu-Cristo ay pinasan ang paghahatol ng kasalanan nang Siya’y naparito sa lupa sa katawan ng laman.

Ang bautismo ni Jesus ay pinangako sa paraang paghahandog sa Lumang Tipan. Itong bautismong tinanggap ni Jesus ay hindi biglaan, nagkataong pangyayari, bagkus ito ay pagtupad ayon sa pangako ng Diyos na nahayag mula sa mga araw ng Lumang Tipan. Walang sinumang makapagbibigay ng anumang katibayan na magpapakita na ang bautismong tinanggap ni Jesu-Cristo kay Juan Bautista ay hindi ang katibayan ng kaligtasan. Kaya ito ay isang bagay lamang para sa atin na mahiwalay mula sa kanila. Dahil ang ating pananampalataya ay naiiba sa kanila kaya tayo ay nakikilala sa kanila. Sa ibang salita, tayo ay hiniwalay mula sa kanila dahil tayo ngayon ay naging ilaw, tulad ng pagbibigay ng Diyos sa atin ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.

Paano nagkakaroon ng gabi dito sa daigdig? Dumarating ang gabi kapag ang araw ay naroon sa kabilang panig ng daigdig, hindi ba? Sa pagdating ng araw, ito rin ay dahil sa araw. Sa gayon paano nalalaman ang araw at ang gabi? Ito ay dahil sa liwanag ng araw. Aking kapwa mga mananampalataya, bagaman tayo ay nananalig kay Jesus, hindi sa pamamagitan ng

Ano ang Dapat Gawin ng mga Lingkod ng Diyos na Nananalig 369 sa Ebanghelyo ng Tubig at ng Espiritu

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

ating sariling kalooban kung kaya ating hanap ang mahiwalay sa mga hindi isinilang na muli, bagkus si Jesu-Cristo ang naghiwalay sa atin sa kanila. Halatang napakahirap na tiisin kapag ang mabuting pakikipag-ugnayan ng tao ay mawasak dahil sa Katotohanan. Subali’t, sa Salita ng Diyos, ang dapat mahiwalay ay dapat malinaw na paghiwalayin.

Kapag ang mga bata ay naglalaro ng piko, gumagawa sila ng mga linya sa lupa. Pagkatapos ng sandaling paglalaro, ang mga guhi ay tila magiging malabo. Pagkatapos ang mga bata ay muling guguhitan upang maging malinaw muli. Paulit-ulit nilang ginagawa ito sa buong paglalaro, ginagawa ang pagguhit sa tuwing lalabo ang mga ito.

Gayon din, matapos tayong manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, dapat din nating guhitan ang linya ng paghihiwalay ng paulit-ulit. Kahit pagkatapos kamtan ang kapatawaran sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, kailangan pa rin nating iguhit ang linya ng paghihiwalay bawa’t oras. Kung hindi tayo ay mahahantong sa buong kalituhan. Sa iilang mga tao, ito ay aabot ng maraming taon upang maiguhit lamang ang linya ng kaligtasan nagbibigay katiyakang nakamtan nila ang kapatawaran sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.

Kayo ba? Matapos kamtan ang kapatawaran sa inyong mga kasalanan, ilang taon ang umabot upang maiguhit ang linya kahit minsan lamang? Yaong nakagawa ng malinaw na pagguhit nitong linya ng kaligtasan ang tunay na nagsagawa ng gawain ng Diyos. Sa pamamagitan ng mga taong ito ang nakapagsagawa ng gawaing ito na magtutulot sa pagpapalawig ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.

370 Ano ang Dapat Gawin ng mga Lingkod ng Diyos na Nananalig sa Ebanghelyo ng Tubig at ng Espiritu

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

Dapat Nating Guhitan ang Linya ng Kaligtasan sa Bawa’t Oras sa pamamagitan ng Pananalig sa Ebanghelyo ng Tubig at ng Espiritu

Nang si Jesu-Cristo ay nanahan sa atin at ating

tinanglawan ang Kanyang ilaw, ang araw ay nahiwalay sa gabi sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Sa ibang salita, yaong sa kanilang mga puso ay tinanggap sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay makikilala bilang matuwid sa mga tumangging tanggapin ito, sila na nananatili bilang mga makasalanan. Ang Diyos at ang Kanyang mga lingkod ang gumawa nitong paghihiwalay. Iyan kung bakit tayo, mga lingkod ng Diyos, ay dapat malinaw na maisagawa ang paghihiwalay. Nauunawaan na ba ninyo ito ngayon? Hindi tayo maaaring gumawa ng ugaling kawang-gawa ng pagpapabaya, animo tayo’y may pusong mabubuti sa kapitbahay, na walang paglingap sa pananalig ng isang tao. Dapat nating iguhit ang linya ng hangganan sa pagitan ng ligtas at hindi ligtas, anuman ang sabihin ng ibang tao sa atin. Itong hangganan ng kaligtasan ay hindi dapat magagalaw. Sinabi ng Diyos, “Huwag mong baguhin ang dating muhon ng lupa, na inilagay ng iyong mga magulang” (Kawikaan 22:28), nguni’t kapag ating titignan ang kasaysayan ng Kristiyanismo, ang muon ng lupa ay inalis na at ang hangganan ay naglaho.

Nguni’t ano ang ating katibayan sa hangganan ng kaligtasan? Ito ay makikilala kung ang isang tao ay nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu o hindi. Subali’t, mula sa pag-akda ng Kautusan sa Milan sa taong 313 AD, ang pagkontrol sa kalakalan at sekular na Kristiyanismo ay nagtakda ng kautusan, “Sinumang pumasok sa iglesia upang manalig kay Jesus ay dapat bautismuhan,” at inalis ang muon ng lupa na itinalaga ng Diyos para sa mga ama ng

Ano ang Dapat Gawin ng mga Lingkod ng Diyos na Nananalig 371 sa Ebanghelyo ng Tubig at ng Espiritu

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

pananampalataya. Dahil dito, ang kasaysayan ng Kristiyanismo mula niyaon ay nalihis sa direksyon na walang kaugnayan sa kalooban ng Diyos at Katotohanan, at ang ngayong Kristiyanismo ay nagwakas bilang kaaway ng Diyos sa Kanyang pangalan.

Kung ang mga tao sa gayong panahon ay malinaw na nagtakda ng hangganan ng kaligtasan sa pamamagitan ng ebanghelyo ng Katotohanan at iningatan ito, ang lahat ng mga Kristiyano ngayon ay masusumpungan sa loob ng ganap na Katotohanan. Gaano nakamamangha ito kung gayon? Subali’t, si Empero Constantine ay ginamit ang Kristiyanismo upang agawin ang kapangyarihan at pagtibayin ang kanyang paghahari, at kanyang inalis ang naghihiwalay na kapangyarihan ng iglesia at ginawang tanggapin ang sinuman ano man ang kanyang paniniwala.

Aking kapwa mga mananampalataya, kung hindi natin ginawa ang paghihiwalay, tayo ay magwawakas na magiging masama. Sa unti-unting paghina ng Katotohanan, sa huli, wala ng magagawa upang pigilan ang pagkasira nito. Iyan kung bakit dapat nating iguhit ang malinaw na linya sa inyong mga puso, at dapat ninyo ring iguhit itong linya para din sa iba. Yamang nakamtan ang kapatawaran sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, tayong mga lingkod ng Diyos ay iginuhit itong linya ng kaligtasan sa araw-araw.

Sa aking pag-aayos ng aking nakaraang mga sermon upang gawing isang aklat, nakita ko na walang sermon na hindi tinalakay ang bautismo ni Jesu-Cristo at ang Kanyang dugo. Isang elemento na karaniwan sa lahat ng aking sermon ay ang pagtalakay buong pagtalakay sa bautismo at dugo ni Jesu-Cristo. Nguni’t sa kabila nito, bagaman aking paulit-ulit na iginuhit ang linya ng kaligtasan sa pamamagitan ng

372 Ano ang Dapat Gawin ng mga Lingkod ng Diyos na Nananalig sa Ebanghelyo ng Tubig at ng Espiritu

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

bautismo ni Jesu-Cristo, ang ibang tao ay hindi pa rin iginuhit ang linya ng kaligtasan, at kung kaya paminsan-minsan, may mga umaalis sa Iglesia ng Diyos. Bagaman nagawa kong guhitan ang linya ng kaligtasan ng maraming ulit sa Iglesia ng Diyos, ang ibang tao ay hindi pa rin nanalig ng kanilang mga puso sa bautismo ni Jesu-Cristo.

Ang gayong mga tao, sa kanilang sariling mga kaisipan, ay hindi nananalig na ang bautismong tinanggap ni Jesu-Cristo kay Juan Bautista ay ang kailangang sangkap sa kanilang kaligtasan, sa kabila ng katunayang ang kanilang mga pinuno ay malinaw na iginuhit ang linya ng kaligtasan sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, at sa kabila ng katunayan na itong linya ay iginuhit na batay sa Salita ng Diyos. Sinasabi ng mga taong ito, “Paano ang gayong isang maliit na misyong organisasyon magiging wasto sa lahat ng bagay? Kahit pa ang mga iglesia na may mahabang kasaysayan ay hindi itinuturo ang gayong doktrina. At labis na maraming dakilang mga Kristiyano sa mga pangunahing iglesia; paano mangyayaring lahat ng taong ito ay hindi ligtas?” Hindi lamang ito, bagkus nakita ko silang tunay na sumasalungat sa ebanghelyo. Hindi nila nakikilala kung ano ang tunay na Katotohanan. Ito ay dahil sila’y hindi nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu kaya hindi nila nakikilala ang espiritu sa laman.

Matapos marinig ang ebanghelyo ng Katotohanan, maraming tao ang nagsasabi, “Hindi ako naniniwala na ang tao ay maliligtas lamang kung siya’y mananalig sa tubig at sa dugo. Naniniwala ako na ang isang tao ay maliligtas kahi siya’y naniniwala lang sa dugo ni Jesus.” Ito ay dahil maraming denominasyon ng Kristiyano ang nagkaroon ng maling unawa at maling paniniwala hanggang sa panahong ito na ang kaligtasan ay makakamtan sa pamamagitan lamang ng dugo sa

Ano ang Dapat Gawin ng mga Lingkod ng Diyos na Nananalig 373 sa Ebanghelyo ng Tubig at ng Espiritu

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

Krus. Iyan kung bakit dapat nating panatilihin ang linya ng kaligtasang iginuhit ng Diyos sa ating mga puso sa pamamagitan ng Kanyang mga lingkod, at sa tuwing ito’y magsisimulang lumabo, dapat nating muling iguhit ang linya ng paulit-ulit.

Subali’t, sa tuwing ang inyong laman ay labis ang kahinaan o ang inyong mga puso ay maligaw sa anumang pagkakataon, at kayo’y magkakasala bunga nito, dapat ninyong mabatid na ang inyong mga kasalanan ay inilipat kay Jesu-Cristo, ilalagay ang inyong pananampalataya sa bautisong tinanggap Niya. Kailan inilipat lahat nitong kasalanan kay Jesu-Cristo? Hindi ba inilipat ang mga ito nang si Jesus ay bautismuhan ni Juan Bautista sa Ilog ng Jordan? Kung hindi sa bautismong tinanggap ni Jesus mula kay Jesu-Cristo, ang mga kasalanan nitong sanlibutan ay hindi maaalis ang mga ito. Sa pamamagitan nitong bautismong tinanggap ni Jesu-Cristo mula kay Juan Bautista lahat ng ating kasalanan ay naglaho at ang buong katuwiran ng Diyos ay natupad. Kung wala ang bautismo ni Jesu-Cristo, wala ng ibang paraan para kay Jesu-Cristo na kuhanin ang mga kasalanan ng sanlibutan, gaano man taimtim Niyang ibig gawin ito. Dapat nating malinaw na iguhit ang linya ng kaligtasan sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.

Aking kapwa mga mananampalataya, ang ibig sabihin ng pangalang ‘Cristo’ ay “ang Siyang pinahiran” (Juan 1:14, Daniel 9:25). Sa Lumang Tipan, ang mga hari, mga saserdote, at mga propeta ang pinapahiran. Si Jesu-Cristo ay ating Tagapagligtas, ang Mataas na Saserdote na nag-alis sa lahat ng ating kasalanan, at ang Propeta na nagtuturo sa atin ng tunay na Katotohanan. Upang pag-alis kahit isa lamang sa tatlong ito ay pagsuway sa Diyos.

Kapag tayo’y nangangaral, “Si Jesu-Cristo ay ating

374 Ano ang Dapat Gawin ng mga Lingkod ng Diyos na Nananalig sa Ebanghelyo ng Tubig at ng Espiritu

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

Tagapagligtas. Niligtas Niya tayo sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at dugo,” sasabihin ng ibang tao, “Iyan lamang ang mga pangunahin sa pananampalataya, walang labis na karanasan. Sa halip ng gayong pangunahing kaalaman, turuan kami ng ibang bagay na higit na espiritwal.”

Subali’t, ang gayong tao ay dapat mabatid na sila sa katunayan ay kaaway ng Diyos at binababa ang Iglesia, ang Katawan ni Jesu-Cristo. Tunay nga, mahalagang makilala ang Diyos ng lalong malalim. Subali’t, ito ay posible lamang kapag tayo ay lumalago sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Sa pamamagitan lamang ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ating matutupad ang tungkulin bilang mga propeta at higit na matututo ukol sa Katotohanan ng Diyos. Dahil tayo ay natagpuan ang Diyos sa pamamagitan nitong ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, at dahil ang Diyos ngayon ay naging ating Diyos, sa pamamagitan nitong ebanghelyo, tuturuan din Niya tayo ukol sa mga bagay na darating.

Ano ang Ating Dapat Unang Gawin upang Magwagi sa Ating Espiritwal na Pakikibaka?

Sa ngayong talata sa Kasulatan, sinabi ng Diyos,

“Magkaroon ng mga tanglaw sa kalawakan ng langit upang maghiwalay ng araw sa gabi, at maging pinakatanda at pinakabahagi ng panahon, ng mga araw at ng mga taon.” Sa ibang pananalita, sinasabi ng Diyos na Kanyang malinaw na hiniwalay ang matuwid sa mga makasalanan sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Ang puntong ito ay kailangang-kailangan.

Ating ipalagay dito na ang digmaan ay naganap. Kapag ang pangkat ng mga kaaway ay malayo pa, ating babarilin sila sa pamamagitan ng ating mga armas, nguni’t kapag sila ay

Ano ang Dapat Gawin ng mga Lingkod ng Diyos na Nananalig 375 sa Ebanghelyo ng Tubig at ng Espiritu

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

sobrang malapit upang gamitin ang ating armas, tayo ay makikipaglabanan sa pamamagitan ng kamay at bisig. Ilalagay natin ang bayoneta at lulusob sa mga kaaway, sasaksakin sila sa pamamagitan ng bayoneta at ihahampas ang armas, nakatuon sa iisang layunin upang magwagi sa digmaan anuman ang mangyari.

Nguni’t paano kung ang mga kaaway ay nakasuot ng mga uniporme tulad ng sa atin? Paano natin makikilala sila mula sa ating sariling pangkat? Paano natin masasaksak ang sinumang, gayong hindi tayo tiyak kung siya’y isang kaaway o ating sariling kawal? Hindi natin magagawa ito. Iyan kung bakit ang ating mga uniporme ay dapat maging malinaw na makikilala mula sa ating mga kaaway. Sa lugar ng digmaan, ang mga kawal ay tumitingin sa uniporme, at kung ito ay naiiba, sa gayon kanilang iindayog ang bayoneta, ng walang pagtatanong. Hindi na kailangang abalahin pa ang pagtingin sa katungkulan, at basta na lamang sasaksakin kung naiiba ang uniporme. Sa oras na ito, kung ang ating sariling kawal ay nakasuot ng uniporme ng kaaway, kung gayon tayo’y mahahantong na masasaksak ang ating sariling kawal. Sa ibang salita, ang ating espiritwal na digmaan ay dapat isagawa sa ilalim ng malinaw na kalagayan kung saan hiniwalay ng Diyos ang tao sa ligtas at hindi ligtas.

Ang Salita ni Jesu-Cristo ay ang tanging Katotohanan. Ang Kanyang Salita ay ang ilaw at ang Katotohanan para sa sanlibutang ito. Ang mga kaisipan ng tao o mga salita ay hindi Katotohanan. Ano ang sinasabi ng Katotohanan sa atin? Sinabi na magkaroon ng liwanag sa kalawakan upang ihiwalay ang araw sa gabi. Inutusan ang araw na mahiwalay sa gabi; nararapat lamang sa mga nagkamit ng kapatawaran sa kanilang mga kasalanan na mahiwalay sa mga hindi. Yamang may mga araw at gabi dito sa lupa, inutos ng Diyos sa atin na malinaw na

376 Ano ang Dapat Gawin ng mga Lingkod ng Diyos na Nananalig sa Ebanghelyo ng Tubig at ng Espiritu

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

paghiwalayin lahat ng taong ito sa mga nagkamit ng kapatawaran sa kanilang mga kasalanan ay yaong hindi. Kung tayo’y tunay na mga alagad ni Jesu-Cristo, sa ibang salita, inuutos ng Diyos sa atin na isagawa ang gawaing ito ng Diyos na naghihiwalay. Nauunawaan ba ninyo ito ngayon?

Isa pang bagay na ating dapat mabatid na si Jesu-Cristo ay ang Panginoon ng kasaysayan, ang kasaysayan nitong sanlibutan ay magwawakas sa pamamagitan Niya. Sinabi ng Diyos, “Magkaroon ng mga tanglaw sa kalawakan ng langit upang maghiwalay ng araw sa gabi, at maging pinakatanda at pinakabahagi ng panahon, ng mga araw at ng mga taon.” Gaano man ang layo ang pag-unlad nitong sanlibutan sa siyensiya at gaano man hinahamon ng tao ang Diyos, itong sanlibutan ay malinaw na mararating ang katapusan nito sa pamamagitan ni Jesus na lumikha ng langit at ng lupa. Ito ang Katotohanang sinabi ng Diyos.

Sa pamamagitan nino ang mga pasimula at ang katapusan ng lahat ng bagay, mga tanda at mga panahon, mga araw at mga taon, at lahat ng bagay dito sa lupa ay natupad? Sa pamamagitan ni Jesu-Cristo kaya ang lahat ng bagay ay nagsimula, nahahayag, at magwawakas. Kapag si Jesu-Cristo ay nagbalik dito sa lupa bilang bumabalik na Panginoon, itong sanlibutan ay magwawakas.

Nang ang Panginoon ay unang naparito sa lupa, inalis Niya lahat ng ating kasalanan at umakyat sa Langit pagkatapos. Nguni’t Siya’y muling magbabalik sa nalalapit na bukas. Sa Kanyang pagbabalik, ito ay tanda ng katapusan ng unang daigdig at ang simula ng ikalawang daigdig. Nauunawaan ba ninyo ito? Sa oras na yaon, ang Milenyong Paghahari ay maitatatag. Sino ang mamamahala sa pasimula at sa katapusan ng buong kasaysayan? Sino ang may karapatang maghari sa lahat ng ito? Si Jesu-Cristo ay mayroon nitong karapatan? Iyan

Ano ang Dapat Gawin ng mga Lingkod ng Diyos na Nananalig 377 sa Ebanghelyo ng Tubig at ng Espiritu

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

ang malinaw na sinasabi ng Salita ng Diyos. Itong sanlibutan ay magbabago, nguni’t ang Salita ni

Jesu-Cristo ay hindi nagbabago. Walang Salita na sinabi si Jesu-Cristo sa atin na maglalaho, nguni’t lahat ng ito ay matutupad. Sinabi ng Diyos, “Hanggang sa mangawala ang langit at ang lupa, ang isang tuldok o isang kudlit, sa anomang paraan ay hindi mawawala sa kautusan, hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay” (Mateo 5:18). Sa ibang pananalita, tinutupad ng Diyos ang lahat ng bagay sa pamamagitan ng Kanyang Salitang sinabi. Naisasakatuparan Niya bawa’t tuldok o isang kudlit.

Aking kapwa mga mananampalataya, ang lahat ay dapat manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu bago siya manumbalik sa alikabok. Yamang tayong lahat ay ginawa sa isang dakot ng alikabok, kaya tayong lahat ay magbabalik sa alikabok. Iyan ay dahil nang tayo ay ginawa ng Diyos, ginawa Niya tayo sa pamamagitan ng isang dakot na alikabok at sa Kanyang Salita. Ang magpakailanmang di-nagbabagong Katotohanan ay hindi maglalaho. Gaano man ang layo ng pag-unlad ng siyensiya, gaano man ang ingat natin sa ating pagkain, at ano mang magagawang bagong gamot ng siyensiya, kapag tayo ay namatay, tayo pa rin ay isang dakot ng alikabok.

Hindi natin mababago ang ginawa ng Diyos, mula sa pasimula hanggang sa katapusan. Dapat tayong manalig sa katunayang ang Panginoon ay iniligtas tayo sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. At ang Kanyang mga saksi ay dapat malaman kung ano ang kanilang dapat gawin sa daigdig na ito, at dapat nilang tuparin ang gawaing ito sa pananampalataya. Amen!

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

Tayo ay Ginawa ng Diyos na Maging Makabuluhang

mga Sisidlan

< Genesis 1:16-19 > “At nilikha ng Dios ang dalawang malaking tanglaw;

ng malaking tanglaw ay upang magpuno sa araw, at ang maliit na tanglaw ay upang magpuno sa gabi, nilikha rin Niya ang mga bituin. At mga inilagay ng Dios sa kalawakan ng langit, upang tumanglaw sa ibabaw ng lupa. At upang magpuno sa araw at sa gabi, at upang maghiwalay ng liwanag sa kadiliman, at nakita ng Dios na mabuti. At nagkahapon at nagkaumaga ang ikaapat na araw.”

Nilikha ng Diyos ang mga bituin at inilagay ang mga ito

sa langit upang magbigay liwanag dito sa lupa. Ngayon, nais kong sabihin sa inyo ang ukol sa tungkulin ng mga bituing gawa ng Diyos. Na ginawa ng Diyos ang mga bituin nangangahulugan na ang Diyos ay ginawa ang Kanyang mga manggagawa dito sa lupa.

Sa Lumang Tipan, ang bayan ng Israel ay nagdala ng ginto at hinandog sa Diyos upang magtayo ng Tabernakulo, at ang ibang mga ginto ay ginawang kandelabra, ang ibang ay naging gintong mga sisidlan at mga kutsara. Tulad ng bayan ng Diyos na gumawa ng mga kasangkapang gagamitin sa Tabernakulo sa pamamagitan ng ginto, binigay ng Diyos ang tunay na pananampalataya sa inyo at sa akin na ngayo’y

Tayo ay Ginawa ng Diyos na Maging Makabuluhang mga Sisidlan 379

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, at Kanyang dinalisay ang ating mga puso, upang tayo ay walang ng kakailanganin pa upang gamiting bilang Kanyang mga lingkod. Yamang tayo ngayon ay nagsanay sa pamamagitan ng Salita ng Diyos, tayo ay hinuhubog upang maging mamamayan ng pananampalataya, upang maging mga manggagawa ng Diyos.

Nais ng Diyos na hubugin ang Kanyang mga anak upang maging mga manggagawa na makabuluhang magagamit para sa Kanyang Kaharian. Kaya ating nakikita kung paano pinahintulot ng Diyos ang iba’t-ibang mga pangyayari upang maganap sa Kanyang bayan. Sa pamamagitan nitong ibat-ibang mga pangyayari, kayo at ako ay dinadalisay ng Diyos hanggang tayo ay mahubog bilang mga instrumento na karapat-dapat para sa Kanyang paggamit.

Kapag ang iskalptura ay gumagawa ng isang istatwa, uukitin niya ito sa pamamagitan ng kutsilyo o tatapyasin ito sa pamamagitan ng isang paet. Kung minsan gagamitan niya ng pandikit upang pagsamahin ang mga piraso, minsan ay paghihiwalin niya ang mga ito, sa pamamagitan lahat nitong proseso ay huhubugin niya upang maging anyo na ibig niyang gawin. Gayon din, hinububog din ng Diyos ang mga hinirang sa ganitong paraan. Upang mahubog sila bilang Kanyang mga kasangkapang gagamitin, ang Diyos ay sasanayin sila sa pamamagitan ng mga kailangang kurso. Sa mga walang kakayahang ikaila ang kanilang mga sarili, tinulot sila ng Diyos na isagawa ito sa pamamagitan ng paglalagay sa kanila sa isang kalagayan kung saan maaari nilang talikdan ang kanilang mga sarili, at Kanyang lalong babaguhin sila upang Kanyang magagamit. Sa pagbigay ng Diyos sa atin ng Kanyang Salita, pinakita Niya sa atin kung paano masusunod ang Kanyang Salita sa pamamagitan ng pananampalataya. Pinagsasanay tayo ng Diyos, upang maging karapat-dapat bawa’t isa sa atin.

380 Tayo ay Ginawa ng Diyos na Maging Makabuluhang mga Sisidlan

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

Bawa’t isa sa atin ay dapat isuko ang ating sariling mga kaisipan sa harap ng Diyos at manalig sa Kanyang Salita. Dahil taglay natin ang ating sariling mga kaisipan kung kaya nais nating panatilihin ang ating lumang mga bagay, nguni’t nais ng Diyos na tayo ay mabago sa ating karnal na mga kaisipan. Iyan kung bakit pinahintulot tayo ng Diyos na makilala ang ating mga sarili sa ibat-ibang mga pangyayari at harapin ang ibat-ibang mga katayuan, sa gayon winawasak ang ating mga maling kaisipan at pinakikita sa atin kung paano mananalig at susunod sa Salita ng Diyos. Hindi nais ng Diyos na gamitin ang inyong lumang mga sarili, bagkus nais Niya na hubugin tayo upang maging mga sisidlan na Kanyang ibig at gagamitin ang inyong nagbagong mga sarili.

Sa ibang pananalita, ang ating mga kaisipan ay naiiba sa mga kaisipan ng Diyos. Ang lahat lamang na naroroon sa ating karnal na mga kaisipan ay ukol sa mga bagay na ating nararanasan. Sinisikap nating lumapit sa Diyos sa pamamagitan ng ating sariling karnal na mga kaisipan. Tinatangka ninyong ingatan ang inyong mga sarili, sa halip na lumapit sa Diyos sa pamamagitan ng inyong mga tunay na sarili upang magbago sa pananampalataya. Subali’t, hindi ito ang ibig ng Diyos sa atin.

Sinabi ng Diyos, “Mapisan ang tubig na nasa silong ng langit sa isang dako, at lumitaw ang katuyuan.” Naghasik ang Diyos ng mga binhi nitong lumitaw na lupain, at nais Niya itong mga binhi na umusbong, lumago at tunay na magkaroon ng mga bunga ng Banal na Espiritu na Kanyang ninanais. Hangad ng Diyos lahat ng ating likas na kasamaan na maging ganap na mabunyag bilang ito, at nais Niyang makita natin ang ating masasamang mga sarili, manalig sa biyaya ng Kanyang pinagkaloob sa gayong masasamang tao, at mamuhay sa buhay ng katuwiran.

Tulad nito, nais ng Diyos na baguhin tayo sa pamamagitan

Tayo ay Ginawa ng Diyos na Maging Makabuluhang mga Sisidlan 381

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

ng Kanyang Salita. Sa ngayong talata sa Kasulatan, ang paggawa ng Diyos sa mga bituin ay nangangahulugan na nais Niyang gawin tayo, ang mga mananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, na maging Kanyang mga lingkod at gamitin tayo bilang Kanyang mga instrumento. Iyan kung bakit anuman ang mga pangyayari na inyong makita ng inyong mga sarili, dapat kayong makinig na mabuti sa sinasabi ng Diyos, at sundin Siya sa pananampalataya. Iyan kung bakit ang Diyos ay hinuhubog tayo upang maging Kanyang mga lingkod sa lahat ng pangyayari. Sinasabi ng Panginoon, “Kilalanin mo Siya sa lahat ng iyong mga lakad, at Kaniyang ituturo ang iyong mga landas” (Mga Kawikaan 3:6).

Inihayag ng Diyos ang Kanyang Kalooban sa pamamagitan ng Kanyang Salita

Anuman ang uri ng pangyayari kung saan kayo’y inaakay

ng Diyos, sa huli, ito ay proseso kung saan tayo’y ginagawa ng Diyos ayon sa Kanyang kalooban, ginagawa tayo upang maging Kanyang makabuluhang mga sisidlan. Samakatuwid, ang mainam na bagay upang inyo at aking magagawa ay sundin ang Salita ng Diyos sa pananampalataya sa lalong madaling panahon. Likas na kayo at ako ay may pagkiling na hindi nagugustuhan kapag ang ating laman ay nawasak at naging bago sa pamamagitan ng pananampalataya. Subali’t, kapag ang Diyos ay humihiling ng pagtitiis mula sa atin at inaasahan tayong magkaila ng ating mga sarili, dapat nating sundin alinsunod sa pananampalataya. Upang magkagayon, nais ng Diyos na punan ang ating mga pagkukulang sa pamamagitan ng Salita, wasakin ang katuwiran ng ating laman, at hubugin tayo upang maging yaong magsasagawa ng

382 Tayo ay Ginawa ng Diyos na Maging Makabuluhang mga Sisidlan

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

Kanyang gawain sa pananampalataya. Sa katapusan nito, dapat nating madaliang ihayag, “O Diyos, ganito kung saan ang aking kahinaan at kakulangan,” at manalig sa Salita ng Diyos na nagkaloob ng Kanyang biyaya sa gayong tao, naging mamamayan ng pananampalataya. Dapat tayong matibay na tumindig sa ating pananampalataya sa Salita ng Diyos.

Ang Diyos ay patuloy na hinuhubog tayo ng walang patid hanggang ang Kanyang kalooban ay matupad. Kung mayroong karnal na mga karumihan sa ating mga puso, inaalis Niya ang mga ito, at winawasak Niya ang ating sariling mga katuwiran ng tao. Kapag winasak ng Diyos ang ating katuwiran, maiisip natin, “Kung gayon ang aking buhay ay nagwakas na ngayon.” Subali’t, sa pagwasak ng katuwiran ng laman, binigay ng Diyos sa atin ang isang pananampalataya na may kapangyarihan, upang tayo ay mamumuhay na nagtitiwala lamang sa katuwiran ng Diyos. Ito ang makapangyarihang pananampalataya na batay sa Salita ng Diyos.

Labis na mahirap para sa atin na sikaping mamuhay sa pananampalataya sa pamamagitan ng ating sariling katuwiran. Kapag ang katuwiran ng ating laman ay nawasak, gayon man, ating mararanasan sa ating mga sarili na sa katuwiran ng Diyos tayo ay nabubuhay. Sa huli, tayo ay ginawa ayon sa hangarin ng Diyos at ginamit Niya bilang Kanyang mga instrumento. Ito ay pagpapala para sa atin na maging hubog ng Diyos. Ginawang imposible ng Diyos para sa ating lahat na mamuhay na walang pananampalataya sa katuwiran ng Diyos: Sa mga nagkukunwari na pagiging marangal tulad ng babasaging sisidlan, wawasakin ng Diyos ang kanilang karangalan, at yaong ang sariling katigasan ng ulo at kasing-tigas ng bato, palalambutin sila ng Diyos upang maglaho ang katigasan ng ulo. Aalisin din ng Diyos ang tubig dito sa lupa mula sa mga nagtataglay pa rin ng mga pabigat ng sanlibutang ito bagaman

Tayo ay Ginawa ng Diyos na Maging Makabuluhang mga Sisidlan 383

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

sila’y nananalig sa Salita ng Diyos. Kung minsan ang Diyos ay nagsusugo ng taong hindi

makatiis ang init sa Afrika bilang isang misyonero. Ating dapat magagawa ang gawain ng Diyos saan man at sa tuwing ating nakilala ang ating mga sarili, sa dakong malamig o sa dakong mainit. Inihayag ni Apostol Pablo, “Marunong akong magpakababa, at marunong naman akong magpakasagana. Sa bawa’t bagay at sa lahat ng bagay ay natutuhan ko ang lihim maging sa kabusugan, at maging sa kagutuman, at maging sa kasaganaan at maging sa kasalatan” (Filipos 4:12). Mula rito, makikita natin kung gaano ang katapatan ni Pablo sa pagsasanay ng Diyos upang maging Kanyang lingkod.

Ang ating lahat na kailangang tandaan anumang pangyayari ang ating mahaharap, dapat tayong manalig sa Salita ng Diyos at sundin ito. Kung nais nating mamuhay sa espiritwal na wastong buhay sa pananampalataya sa Diyos, sa gayon dapat nating tanggapin ang Salita ng Diyos sa ating mga puso. Kung hindi natin tinanggap ang Salita ng Diyos sa ating mga puso at sa halip ay nagtangkang mamuhay sa pamamagitan ng ibang uri ng ating sariling karnal na karunungan o katuwiran, ang Diyos ay tiyak na wawasakin tayo. Nais ng Diyos sa ating mga puso na huwag taglayin ang ating sarili, bagkus ang Kanyang Salita lamang ang tatanggapin ng mga ito. Nais Niya sa atin ang maging mabait na manggagawa na malilingkod sa Kanya kung saan ang ating mga puso ay puspos ng Kanyang Salita lamang. Iyan kung bakit maging ngayon, ang Diyos ay hinuhubog tayo na maging tulad ng Kanyang sarili. Kaya walang kailangan para sa atin ang matakot ukol sa pagwasak sa katuwiran ng ating laman.

Ang ating katuwiran ng laman ay dapat mawasak ng Diyos, upang tayo ay makagagawa ayon sa kasiyahan ng Diyos. Huwag nating igiit ang ating karnal na katigasan ng ulo sa

384 Tayo ay Ginawa ng Diyos na Maging Makabuluhang mga Sisidlan

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

harap ng Diyos. Sa halip, tayo’y dapat manalig sa Salita ng Diyos, puspusin ang ating mga puso ng Kanyang Katotohanan, at mabago upang maging katiwalang mga manggagawa na nangangaral ng Kanyang ebanghelyo sa buong sanlibutan. Upang makamit ito, dapat nating tanggapin ang Salita ng Diyos sa ating mga puso sa pananampalataya. Ang ating mga puso ay di-magbabago malibang ating tatanggapin ang Salita ng Diyos. Ang espiritwal na pagbabago ay posible lamang sa atin kapag ating tatanggapin ang Salita ng Diyos sa ating mga puso, at kapag tayo ay mananangan lamang sa Salita ng Diyos. Kapag tayo lamang ay naging mamamayan ng pananampalataya tayo ay gagamitin ng Diyos at ipagkatiwala sa atin ang Kanyang gawain.

Habang ako’y namumuhay sa pananampalataya sa araw na ito, at sinusunod ang Panginoon sa lahat ng oras, ako, rin, ay namanghang makita kung ano ang ginawa ng Diyos sa akin ng ilang ulit. Lubos kong nalalaman kung gaano lubos akong nakikilala ng Diyos, at gaano karapatdapat Niya ako pinagsanay. Batid ng Diyos ang aking buong puso, at sa pamamagitan nitong buong kaunawaan ako’y Kanyang inaakay. Ako rin ay nagkaroon ng maraming mga karanasan kung saan ako ay pinagsabihan ng Diyos at tinukoy ang aking mga kabiguan sa tuwing ang aking puso ay naliligaw.

Aking kapwa mga mananampalataya, ang Diyos ay hinuhubog kayo upang maging Kanyang mga lingkod. Kapag ang Diyos ay nais gawin kayo bilang Kanyang bayan at mga lingkod, maaari bang magkaroon ng anumang pagtanggi? Tunay ba kayong maaaring magkaroon ng tampo laban sa Kanya dahil nito? Hindi! Sa aming mga mag-aaral sa paaralang misyon, mayroon ding mag-asawa. Bagaman sila ang mag-asawa ay iisa ang puso at iisa ang katawan, magkahiwalay na hinuhubog ng Diyos ang lalaki at babae.

Tayo ay Ginawa ng Diyos na Maging Makabuluhang mga Sisidlan 385

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

Kailangan ninyong mabatid na kayo ay nagtungo dito sa paaralang misyon upang maging bago sa Diyos. Sa katunayan, ang mga manggagawa ng Diyos ay nagpapagal na mabuti para sa Kanyang gawain. Kami ay kumikilos sa lahat ng oras, araw at gabi. Naiisip din namin ang gawain bukas, at mayroon kaming buong layuning sa paglilingkod sa kalooban ng Diyos sa aming mga isipan kapag aming detalyeng pinaplano at nagsisigawa. Sa pangyayaring ito, ilang dami ng manggagawa ang kailangan? Naparito kami upang maging mga sisidlan na gagamitin ayon sa kalooban ng Panginoon. Iyan kung bakit nais naming magamit para sa gawain ng Panginoon, at sa pagtatayo ng Kanyang Kaharian.

Habang kayo ay ginagawa bilang Kanyang mga lingkod, dapat muna kayong manalig at manangan sa Salita nananalig na ang inyong lumang sarili ay pumanaw na. Upang tayo ay gawin ng Diyos bilang Kanyang mga manggagawa, dapat tayong magkaroon ng pananampalataya sa Kanyang Salita higit sa lahat. Dapat tayong manangan sa Salita ng Diyos, ilagay ang ating pananampalataya rito, at magkaroon ng hangarin upang maging uri ng mga manggagawa na karapat-dapat na gamitin ng Diyos. Kapag tayo lamang ay handang isuko ang ating mga sarili upang maging mamamayan ng pananampalataya ng Diyos maaaring ang ating Panginoon at tayo ay masisiyahan. Sa paghubog ng Panginoon sa atin para Kanyang magagamit, tayo ay kailangang hubuging mabuti, kung hindi ito ay higit na magtatagal, at ang Panginoon ay hindi lubos na masisiyahan. Yamang tayo ay huhubugin ayon sa kalooban ng Panginoon, kailangan tayong sumunod.

Kapag ang isang artisano ay minamartilyo ang isang bato ng ginto upang gawing isang kutsara, kung ang bato ay umiyak, “Aray! Masakit!” at tumatalsik sa tuwing minamartilyo ito, kung gayon ang artisano ay tiyak na hindi masisiyahan. Kung

386 Tayo ay Ginawa ng Diyos na Maging Makabuluhang mga Sisidlan

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

ang bato ay tumanggi upang hubugin at tumatalsik sa tuwing minamartilyo ito sa isang naisip na hugis, sa gayon wala siyang magagawa kundi hampasin pa ito ng lalong higit hanggang ito ay mabugbog. Itong ginto ay kailangang hubugin ng artisano, paano ito tatalsik na lamang dahil ito’y nasasaktan? Kung ang bato ng ginto ay hindi angkop para gamitin ng panginoon nito, kung gayon ang buhay niya’y tapos na.

Kaya, kapag tayo ay hinuhubog ng ating Panginoon, kahit pa mayroong sakit, kailangan nating tiisin ito at sundin ang Panginoon, nagninilay sa Kanyang kalooban ng lalong higit na mabuti. Kapag tayo ay nagninilay sa harap ng Panginoon, “Bakit ako ngayong nagdurusa tulad nito, labis na balisa at pagdurusa?” ating mababatid kung ano ang pagsasanay ng Panginoon, at sa gayon ating matitiis lahat ng paghihirap. Ang mga kapatiran na ngayo’y nagsasanay sa paaralang misyon ay naiiba sa mga karaniwang mga mananampalataya.

Ang mga pinuno sa iglesia ay mga karaniwang-taong pinayagan sa pinakamaliit ng bagay na nagawa. Nguni’t dahil itong mga karaniwang tao ay hindi pa mga manggagawa ng Diyos na kanilang pinupuri maging ang maliit na mga bagay na kanilang ginawa. Subali’t, kayo, na ngayo’y sinasanay bilang mga manggagawa ng Diyos, hindi kailangang umasa upang papurihan. Mayroon bang anumang kabutihan, kung hindi dahil sa atin upang maging mga manggagawa ng Diyos? Walang anumang mabuti. Ang mga hinirang ay pawang mga hinirang dito sa lupa, hindi ang mga bituin sa langit. Ang mga bituin ay nagliliwanag mula sa itaas ng araw at gabi.

Tulad ng paglikha ng Diyos sa mga bituin sa langit, ngayon nalalaman natin na tayo ay dapat gawing bago ng Diyos upang maging Kanyang mga manggagawa. Ngayon, kayo at ako ay ginawa na maging mga bituin sa langit. Tinuturuan ng Diyos yaong walang pananampalataya sa

Tayo ay Ginawa ng Diyos na Maging Makabuluhang mga Sisidlan 387

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

Kanyang Salita na magkaroon nitong pananampalataya. Kaya ang Diyos ay ginagawang mababa upang maging marangal, at ang marangal upang maging mababa. Ito ang ginagawa ng ating Diyos. Dahil ang marangal at ang mababa ay kapwa mahirap gamitin kung sila’y mananatiling sila. Iyan kung bakit hinuhubog sila ng Diyos ayon sa kung paano Niya gagamitin sila. Yamang mahirap para sa mabababa na ipangaral ang ebanghelyo sa mararangal bilang sila, dapat silang maging marangal, at yamang ang marangal ay labis na mapagmataas sa Diyos na malayang gamitin sila, pinangangaral Niya sa kanila ang ebanghelyo upang sila’y maging mababa.

Sa pamamagitan ng Kanyang Salita ng kapangyarihan, hinuhubog ng Diyos kayo at ako. Hindi man natin batid lahat ng ito, nguni’t tayong lahat ay hinuhubog ng Diyos. Subali’t, kung inyong babalikan at makita kung gaano ang inyong pagbabago simula ng pagtanggap sa kapatawaran sa inyong mga kasalanan, inyong kikilalanin na ang Diyos ay tunay na binago tayo sa maraming paraan.

Ang Diyos ay patuloy na hinuhubog tayo upang maging Kanyang mga manggagawa. Kayo ba’y nalulungkot dito, nagrereklamo sa Diyos, “Hindi ko maunawaan bakit ang Diyos ay ginagawa akong tulad nito na labag sa aking nais. Hindi Niya ako lubos na nakikilala”? Nguni’t ang gayong mga kaisipan ay inyong sariling karnal na mga kaisipan.

Ang Diyos ay hindi yaong hindi nakakakilala sa atin. Salungat nito, Siya ang Diyos na nakakaalam sa lahat; nalalaman Niya lahat ng bagay ukol sa atin. Sinasabi ng Biblia na Kanyang binibilang maging ang mga buhok sa ating mga ulo (Mateo 10:30). Ang gayong Diyos na nakababatid ng lahat ay dinadalisay tayo upang hubuging maging Kanyang mga manggagawa.

Kayo ba ngayon ay nahaharap sa mahirap na mga

388 Tayo ay Ginawa ng Diyos na Maging Makabuluhang mga Sisidlan

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

pagkakataon at pagdurusa? Kung gayon, maniwala na ito ay buong bahagi ng proseso kung saan ang Diyos ay ginagawa kayo na maging Kanyang mga manggagawa ayon sa Kanyang kalooban. Ito ay dahil ang Panginoon sa huli ay gagawin kayo bilang Kanyang mga lingkod sa huli na Siya ngayon ay patuloy kayong dinadalisay. Ang mga sisidlang maayos na ginawa ng Panginoon ay mahalagang gagamitin habang tayo ay sinasanay ng Diyos sa iba’t-ibang mga bagay. Tinuturuan tayo na magtagumpay sa karukhaan, at tinuturuan tayo na magtagumpay maging sa kayamanan. Kung hindi natin alam kung paano magtagumpay sa kayamanan, ang ating pananampalataya ay maglalaho kapag tayo ay naging mayaman, at kung gayon dapat nating malaman kung paano magtagumpay maging sa maraming salapi. Tayo ay dapat maging uri ng tao na hindi lumalabas sa sanlibutan kahit pa ating makamtan ang materyal na kasaganaan ng mga pagpapala mula sa gawain ng Panginoon. Salungat nito, yaong hindi nagpapabaya sa kanilang katigasan ng ulo di-maglaon ay igigiit ang kanilang paninindigan ay magiging mahabang pagtitiis.

Ang lahat ay iniisip na siya lamang ang labis na naghihirap habang naglilingkod sa Panginoon, nguni’t sa katunayan, ang lahat ay nahaharap din sa mga pagdurusa. Kayo at ako rin ay dumadaan sa mahirap na mga pagsubok habang isinasagawa ang gawain ng Diyos. Sa maikling sulyap, marahil ay isipin natin na ang ibang tao ay mapalad lamang sa paglilingkod sa Panginoon sa labis na masayang pakiramdam, nguni’t kapag ating titignang mabuti, silang lahat ay naghihirap sa kanilang sariling paraan. Ang aming mga ministro ay matahimik, nguni’t kapag atin silang titignan sa liwanag na ito, makikita nating sila rin ay naghihirap sa ilang mga isyu at dumadaan sa malalaking pagdurusa. Sa pamamagitan ng lahat nito, hinuhubog ng Diyos itong mga lingkod para sa isang tiyak

Tayo ay Ginawa ng Diyos na Maging Makabuluhang mga Sisidlan 389

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

na hangganan. Kayo ngayon ay nagsasanay sa paaralang misyon, nguni’t

sa inyo na taglay ang labis na inyong sariling mga bagay ay mahirap maging mga manggagawa ng Diyos. Habang dumadalo sa paaralang misyong ito, kayo ay dapat buong-puso na manalig sa Salita ng Diyos na pinangangaral ng Kanyang mga lingkod at tanggapin ng inyong mga puso, at sa gayon lamang ninyo matitiis lahat ng inyong mga paghihirap at wastong magsasanay. Na ating mababata lahat ng bagay at maisasagawa ang gawain ng Diyos lahat ay dahil sa ating pananampalataya sa Salita.

Huwag nating subukang isagawa ang gawain ng Diyos na hindi muna tinatanggap ang Kanyang mga Salita sa ating mga puso, sa pamamagitan ng kalakasan o kapangyarihan ng ating sariling laman, o sa pamamagitan ng kaalaman o mga karanasang taglay natin bago tayo isilang na muli. Kung ating susubukang sundin ang Diyos sa pamamagitan ng ating sariling karnal na mga kaisipan o kalakasan, sa gayon hindi tayo makasusunod sa Kanyang hanggang sa huli. Kapag tayo lamang ay palagiang sumunod sa Panginoon sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos ay ating maisasagawa ang Kanyang gawain hanggang sa huli.

Kung minsan, ang mga lingkod ng Diyos ay sinasadyang pinapahirapan kayo sa ilang mga paksa. Noon, minsan ay aking hiniling sa kongregasyon na magtayo ng mga pader at maglagay ng isang heating system para sa kapilya na halos 230 ㎡ (2,500 square feet) sa sukat. Nalalaman kong lubos na ang mga kapatiran sa aking iglesia ay hindi bihasa ukol dito, nguni’t pinatawag ko pa rin silang lahat at hiniling sa kanila na gawin ito. Nang aking hiniling sa kanila na bumili ng semento sa alanganing mga oras, nguni’t sila’y nagtaka kung saan mabibili ito sa kalaliman ng gabi. Akin sa gayong sinabi sa

390 Tayo ay Ginawa ng Diyos na Maging Makabuluhang mga Sisidlan

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

kanila na gawin ang anumang kinakailangang upang makuha ito, kahit pa kailangan nilang kalampagin ang pinto ng isang hardware na tindahan.

Habang nakatingin ako sa puso ng mga hinirang ito, makikita ko na sila’y patuloy na nagpagal lamang na hindi binubunyag ang kanilang karnal na mga kaisipan. Nais kong maguho ang kanilang mga kaisipan. Minsan ay hiniling ko sa mga hinirang na alisin ang heating system na kanilang inilagay, at palitan ng bago. Kaya matapos ang oras ng Lingguhang pagsamba, tinipon ko silang lahat at sinabi sa kanila na muling alisin ang sahig ng kapilya. Kinahapunan, matapos ang umagang pagsamba, isa pang konstruksyon ang sinumulan. Ang ilan sa kanila ay lumapit sa akin upang sabihin ang kanilang pagtutol, sinabing, “Bakit mo nais alisin ito? Maayos namang tinapos ito. Sana ay sinabi ninyo sa amin kung ano ang inyong nais gawin mula sa simula. Paano ninyo magagawa ito, matapos nating paghirapang mabuti ito?”

Gaano man kataas o kababa ang katungkulan ng isang tao sa sanlibutan, sa harap ng Diyos, ang kanyang mga kaisipan ay dapat mawasak upang siya’y gamiting bilang manggagawa. Sa aking pagsasanay sa kongregasyon ng isang taon tulad nito, mula noon, silang lahat ay sumusunod sa akin sa sandaling ako’y magsalita. Silang lahat ay wastong nagsanay. Mula noon, anuman ang aking hilingin sa kanila na gawin, sila’y sumusunod ng walang anumang reklamo. Matapos ito, sa aking bahagi, ako rin ay naging lalong makatwiran sa aking mga kahilingan.

Ang aming mga ministro ay nagtitipon-tipon upang maglaro ng soccer paminsan-minsan. Habang ang isang manlalaro ay sinisi-sipa ang bola, kung minsan ito ay kaunting lumalampas sa linya . Ang kabilang pangkat ay ipipilit na ang bola ay nasa labas, nguni’t ang kabilang pangkat ay ipipilit na

Tayo ay Ginawa ng Diyos na Maging Makabuluhang mga Sisidlan 391

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

hindi. Ito ay magiging labis na maingay at ang laro ay mahihinto panumandali. Tulad nito, kung ang isang tao ay hindi gumuho ang kanyang puso at hindi ikakaila ang kanyang sarili, sa gayon ang Diyos ay hindi maipagkakatiwala ang Kanyang gawain sa kanya. Kung mayroong “sarili” sa harap ng Diyos, sa gayon hindi natin maisasagawa ang Kanyang gawain.

Ang mga hinirang ba sa ating iglesia ay may “sarili” sa kanila? Wala. Pinagsasanay ng Diyos lahat ng karaniwan at maging mga manggagawa. Habang inaakay sila ng Diyos, ang sinuman sa kanila ang sumuway sa Kanyang kalooban, sa gayon higit na pagsasanayin siya ng Diyos. Tayo’y hinuhubog ng Diyos tulad nito, sa pamamagitan ng pagdaan natin sa iba’t-ibang mga karanasan sa iglesia. Kapag ating natupad ang pinagkatiwala sa atin sa pananampalataya, ang Diyos ay ipagkakatiwala sa atin ang lalong higit na gawain.

Hindi nais ng Diyos na italaga ang isang gawain lamang ng Kanyang gawain sa isang tao. Kapag ating ginagawang mabuti ang gawain ng Diyos sa pananampalataya, ipagkakatiwala Niya sa atin ang higit na gawain. Kung ako ay walang kakayahang tuparin ang pinagkatiwala sa akin, sa gayon itatalaga ng Diyos ang iba at ipapagawa sa akin ang ibang gawain. Wala sa atin ang makalulugod sa Panginoon sa pamamagitan ng lakas at kapangyarihan ng ating sariling laman. Sa pamamagitan lamang ng espiritwal na kapangyarihang binigay ng Diyos, at sa pamamagitan ng kapangyarihan ng ating pananampalataya sa Kanyang Salita, tayo’y makapaglilingkod sa Kanya. Ito ang pananampalataya ng Katotohanan.

Sa kalahatan, kapag ang mag-asawa ay dumadaan sa espiritwal na kahirapan, ang babaeng asawa ay magbubunganga sa kanyang asawang lalaki, at ang lalaki ay mayayamot sa kanyang may-bahay. Sisisihin ng lalaki ang

392 Tayo ay Ginawa ng Diyos na Maging Makabuluhang mga Sisidlan

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

kanyang may-bahay dahil sa kanyang mga kahirapan, at ang may-bahay ay sisisihin ang lalaki dahil sa kanyang mga kabalisahan. Ito kung paano ang karamihan sa mga mag-asawa ay nag-iisip. Kaya ang may-bahay ay mag-iisip, “Tiyak ako na lahat ng ito ay dahil sa aking asawa kaya ako ay labis na balisa, at walang paggalang sa akin,” at ang lalaki ay iisiping, “Ito ako lahat ay dahil sa aking may-bahay.” Maliwanag, karamihan sa mga tao ay nag-iisip tulad nito sa pasimula.

Subali’t, minsang lumipas, kanilang nabatid na anumang kalagayan ang kanilang kinakaharap, hindi dahil sa kanilang asawang lalaki o sa babae, bagkus lahat dahil sa kanilang mga sarili. Nguni’t, sa pasimula, ang tao ay tiyak na sasabihin sa kanilang asawa na pinakamalapit sa kanila. Hindi ka rin ba tulad nito? Sa halip na sisihin ang inyong asawa at magreklamo, “Ako ay dumaan sa paghihirap na ito lahat dahil sa iyo,” pinapayo ko sa inyo na kayo’y manalig na lahat nitong bagay ay tunay na bahagi ng proseso kung saan tayo ay hinuhubog ng Diyos.

Yamang tayo’y hinuhubog bilang Kanyang mga manggagawa, gagamitin tayo ng Diyos bilang nararapat na instrumento sa wastong lugar. Kapag kayo ay tapat sa isang tungkulin, gagamitin kayo ng Diyos sa isa pang layunin; sa paraang ito, nais ng Diyos na inyong magawa lahat ng bagay. Nais ng Diyos na kayo’y mamahala sa buong Hardin ng Eden. Ano ang inyong mararamdaman kung kayo ay sinugo sa isang dako na hindi ninyo ibig? “Bakit ako sinugo ng Diyos sa dakong ito? Bakit ako dapat magtungo dito, gayong may taong higit na mababa ang katalinuhan kaysa sa akin dito?” Hindi ba ninyo sasabihin ito sa inyong sariling paraan, at iisiping ang Diyos ay hindi makatwiran?

Nguni’t ang Diyos ay palagiang kumikilos sa nararapat na paraan. Kayo ay sinugo sa inyong kinalalagyan ngayon dahil

Tayo ay Ginawa ng Diyos na Maging Makabuluhang mga Sisidlan 393

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

ito ang ibig ninyo. Dahil lamang hindi halos angkop sa inyong sariling mga kaisipan o bigong makita ang inyong sariling mga inaasahan, hindi nangangahulugan na ang mga pangyayari at mga kalagayan ay masasama. Pinapayo ko sa inyong lahat mabatid na ang Diyos ay pinahintulot ang gayong mga pangyayari upang gamitin kayo bilang Kanyang mga manggagawa. Makikita natin kung paano sinanay ng Diyos ang karaniwang tao tulad nito.

Ang Diyos ang gumawa ng mga bituin. Ginawa ng Diyos ang Kanyang mga lingkod na maging mamamayan ng pananampalataya. Sa layuning ito ginawa ng Diyos ang mga bituin sa langit. Yaong walang pananampalataya sa mga bagay na materyal, hinihikayat sila ng Diyos na lutasin ang kanilang mga suliraning pananalapi sa pamamagitan ng paglalagay ng kanilang pananampalataya sa Kanya. Gayon din, yaong walang pananampalataya sa pagtatanim sa iglesia o sa pangangaral ng ebanghelyo sa ibang mga kaluluwa, pinatupad ng Diyos sa kanila itong gawain sa pananampalataya, na umaasa sa Kanya at nagtitiwala sa Kanya. Ang lahat ay tulad nito. Pinagsasanay tayo ng Diyos upang tayo’y mananalangin sa pananampalataya para sa lahat ng suliranin at malulutas ang mga ito. Tayo’y hinuhubog ng Diyos upang maging Kanyang mamamayan sa pananampalataya, maging Kanyang makabuluhang mga instrumento, at maging Kanyang pinagpalang mga lingkod. Hindi natin mapagsasanay ang ating mga sarili upang maging mga lingkod ng Diyos ng ating sarili. Ang Diyos ang humuhubog sa atin. Maging sa sandaling ito, tayong lahat ay Kanyang hinuhubog. At Kanyang ginagamit tayo bilang Kanyang mga instrumento. Ang Diyos ay binabago kayo upang maging Kanyang mga manggagawa.

Naniniwala ako na ang Diyos ay hinuhubog ang aming mga ministro, maging ang aming mga kapatiran upang maging

394 Tayo ay Ginawa ng Diyos na Maging Makabuluhang mga Sisidlan

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

Kanyang mga manggagawa. Kapag tayo ay labis na mahina, bubuksan Niya ang daan para sa atin upang masumpungan ang kapahingahan, at kapag tayo ay labis na malakas, tayo’y Kanyang winawasak. Ang Diyos ay kumikilos tulad nito sa Kanyang kapangyarihan. Hindi natin marahil nababatid sa lahat ng oras, nguni’t atin ngayong nalalaman na tayo’y ginawa ng Diyos. Kapag tayo ay dumaan sa prosesong ito, mababatid nating tayo’y hinubog ng Diyos. At atin ding pahahalagahan kung gaano madali ang kumilos ngayon, kapag tayo ay hinubog ng Diyos. Kung tayo ay may maliit na pananampalataya sa Diyos, tinutugon Niya ang ating kawalan ng pananampalataya at pinakikita sa atin kung paano magkaroon ng pananampalataya.

Kapag tayo lamang ay wastong nagsanay sa ating paninirahan sa paaralang misyon tayo’y magiging sanay sa bagong kalagayang makapaglingkod sa Panginoon sa hinaharap. Kung may mga ministro na hindi nagsanay sa pananampalataya, sila’y muling sasanayin ng Diyos. Iyan ay dahil, ako, rin, at dating tulad nito minsan, at maging sa sandaling ito, ako ay patuloy na nagsasanay pa rin. Kung ang mga paghihirap ay dumating pa rin sa inyo, pinapayo ko na kayo’y manalig na dahil inyong kailangan ang gayong pagsasanay kung kaya ang mga bagay na ito ay pinahihintulot. Bagaman mahirap gawin ang gawain ng Diyos, lahat tayo ay dapat dumaan sa prosesong ito. Marahil tayo ay naghihikahos, nguni’t dapat pa rin nating tanggapin ang Salita ng Diyos at tupdin ang ating gawain sa pananampalataya. Iyan kung bakit tayo ngayon ay nagsasanay sa paaralang misyon.

Kami, rin, ay nagkaroon ng matinding paghihirap nang aming unang buksan itong paaralan ng misyon noong 1991. Kailangan pa kaming manalangin para sa araw-araw na pagkain. Kapag ang iglesia ay may ilang mga kaloob, kami ay

Tayo ay Ginawa ng Diyos na Maging Makabuluhang mga Sisidlan 395

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

makakain sa araw na iyon, at kapag walang kaloob, wala kaming makakain. Yamang ito ay oras ng kahirapan, kapag ang isang tao sa kongregasyon ay anyayahan kami sa hapunan, ako kasama ang mga nagsasanay ay kakain ng marami sa araw na iyon. Kakainin namin ang marami, dahil kapag hindi namin binusog ang aming mga sarili ngayon, kami ay magsisisi bukas kapag muling ginutom. Nguni’t ngayon, kami ay nagkaroon ng disiplina maging sa aming mga nakaugalian sa pagkain upang kami ay hindi susuko sa katakawan.

Nang aming simulan ang bagong iglesia ng Diyos, ito ang pinakamahusay na panahon upang magsanay sa espiritwal. Ang pananampalataya ay higit na kailangan kapag aming sisikaping tapat na isasagawa kung ano ang pinagkatiwala sa amin ng Iglesia ng Diyos. Nalalaman ninyong lahat kung gaano ang hamon sa pananalapi sa isang bagong iglesia, tama ba? Ang paglalagay lamang ng bintana sa nursery ay nangangailangan ng paraang pananalapi, at ang aming magagawa lamang ay manalangin sa Diyos para sa tulong. Kaya aming ilalagay ang bintana na pira-piraso, kapag kami ay mayroon ng sapat na salapi upang bayaran ito. Ang mga salita ay hindi maipapahayag lahat ng mga paghihirap na aming naranasan habang naglilingkod sa Panginoon.

Nang ako ay naninilbi sa aming iglesia sa simula, ako ay naharap sa matinding mga paghihirap. Subali’t, sa pamamagitan ng gayong mga kahirapan, ginawa ako ng Diyos bilang Kanyang manggagawa. Pinakita Niya sa akin kung paano maglingkod sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, at isagawa ang gawain nitong ebanghelyo. Sinong nakakaalam na aming maisasagawa ang gawain ng Diyos tulad nito?

Simula ng ako’y magsimulang maglingkod bilang isang liingkod ng Panginoon, ako ay nakapangaral nitong ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Subali’t, ang mga ministro na

396 Tayo ay Ginawa ng Diyos na Maging Makabuluhang mga Sisidlan

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

gumagawa kasama ko sa panahong yaon ay may ibang paniniwala na hindi tulad ng sa akin. Sa aking pangangaral ng ebanghelyo sa mga kaluluwa at narinig ang aking sinabi, dati ay sinasabi nila, “Ha? Siya’y kakaiba sa akin, hindi ba?” Di-mabilang na mga pastor dito sa lupa ay hindi nalalaman ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at hindi pinapanaligan ito. Ang kanilang ministeryo, sa madaling salita, ay walang kaugnayan sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ng Diyos.

Subali’t, ako ay labis na may pag-uukol upang tipunin ang mga kaluluwa at nangangaral ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Kapag ako ay may pagtatalo sa aking asawa at nayamot, kukunin ko ang aking Biblia at lalabas upang mangaral ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.

Imposible para sa mag-asawa na hindi magkaroon ng di-pagkakaunawaan. Likas lamang sa kanila na magtatalu-talo sa panahon ng kahirapan. Ganito rin para sa akin. Kapag ako ay mayroong di-pagkakaunawaan sa aking may-bahay, dati ako ay nagtutungo sa isang hospital, at nangangaral ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa mga may-sakit. Sa tuwing ang isang kaluluwa ay nakakamit ang kapatawaran sa kanyang mga kasalanan matapos pakinggan ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ako ay nagiging labis na masaya. Kaya matapos mangaral ng ebanghelyo, ako’y babalik sa bahay puspos ng Espiritu. At aking kakausapin ang aking may-bahay tungkol sa nangyari. Habang binabahagi ko ang mga pagpapala ng Diyos sa aking may-bahay tulad nito, kami ay kapwa malulugod, at sa gayon ay aming nalilimutan lahat ng aming alitan at magkakasundo ilang sandali. Kami sa gayon ay mananalangin para sa kaluluwa.

Hindi dahil sa hindi ko nababatid kung gaano ang kahirapan sa paglilingkod ng ebanghelyo. Sa halip, dahil itong ebanghelyo ay labis na mahalaga, at dahil ito ang gawain ng

Tayo ay Ginawa ng Diyos na Maging Makabuluhang mga Sisidlan 397

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

buhay na magliligtas sa mga kaluluwa, kaya aking isinasagawa ang gawaing ito, yamang tinanggap ang Salita ng Diyos bilang pagsunod. Bagaman ito ay mahirap, kami’y nagpapagal na may kagalakan, sa huli ay inaamin ang aming sariling mga kakulangan. Kahit pa ito ay labis na mahirap, dahil kami’y naniniwala na ang gawain ng Panginoon ay labis na mahalaga kaya amin pa ring ginagawa ito.

Ang mga lingkod ng Diyos marahil ay tila mukhang malamig ang puso sa mata ng tao. Ang taong nakakakilala sa akin dati ay kalimitang sinasabi na ako’y nagbago dahil dati ako ay labis na mahabagin. Hindi ko magawang talikuran ang pulubi at ang nangangailangan, at sinisikap na kalingain sila hanggang makakaya ko. Dati ganito ang aking buhay, sinisikap na kalingain ang lahat. Nguni’t ngayon, hindi ko na magawa ito. Bakit? Dahil nalaman ko na ang pagliligtas sa mga kaluluwa ng tao ay ang higit na mahalaga kaysa sa pagtulong sa kanila sa materyal na mga bagay. Dahil itong gawaing pagliligtas sa sinumang mga kaluluwa ay labis na mahalaga, ako ay handang gawin ang anumang bagay kung ito ay may pakinabang sa pangangaral ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.

Tayo ay tinawag ng Diyos bilang Kanyang mga manggagawa. Nagpapasalamat ako Kanya sa pagtawag sa akin bilang Kanyang mga manggagawa. Habang nangangaral kami ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, kung minsan kami’y naghihikahos sa mga kagipitan at mga paghihirap, nguni’t ito pa rin ay pagpapala para sa amin na mabuhay bilang mga manggagawa ng Diyos.

Kung kayo ay naghihikahos habang sinusunod ang Panginoon, pinapayo ko sa inyo na tanggapin ang Salita ng Diyos ng lalong higit. Sa panahon ng paghihirap, itong binigay ng Diyos na Salita ang magtutulot sa atin na magtagumpay sa ating mga paghihirap. Kapag ating tinanggap ang Salita ng

398 Tayo ay Ginawa ng Diyos na Maging Makabuluhang mga Sisidlan

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

Diyos sa ating mga puso, sisibol ang pananampalataya. Tutulutan tayo ng Diyos na magtagumpay sa ating mga paghihirap. Para sa atin, ang Salita ng Diyos ay ang ating buhay. Tayo’y mabubuhay kapag taglay natin ang Salita ng Diyos, nguni’t tayo’y mamamatay kung wala ito.

Hallelujah! Ang Diyos ay naging ating kalakasan at ating Pastol. Tayo ay hinubog ng Diyos upang maging Kanyang mga manggagawa.

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

Ang Matuwid ay Mabubuhay Lamang sa

pamamagitan ng Pananampalataya

< Genesis 1:20-23 > “At sinabi ng Dios, ‘Bukalan ng sagana ang tubig ng

mga gumagalaw na kinapal na may buhay, at magsilipad ang mga ibon sa itaas ng lupa sa luwal na kalawakan ng himpapawid.’ At nilikha ng Dios ang malalaking hayop sa dagat, at ang bawa’t may buhay na kinapal na gumagalaw, na ibinukal na sagana sa tubig, ayon sa kanikaniyang uri at ang lahat na may pakpak na ibon, ayon sa kanikaniyang uri; at nakita ng Dios na mabuti. At mga binasbasan ng Dios, na sinabi, ‘Kayo’y magpalaanakin, at magpakarami, at inyong punuin ang tubig sa mga dagat, at magpakarami ang mga ibon sa lupa.’ At nagkahapon at nagkaumaga ang ikalimang araw.”

Sa pamamagitan ng gawang paglikha na ginawa ng Diyos

sa ikalimang araw, sinasabi Niya sa atin kung paano ang matuwid ay mabubuhay sa kanilang pananampalataya sa Diyos at sa Kanyang Salita.

Bakit sinabi ng Diyos, “Bukalan ng sagana ang tubig ng mga gumagalaw na kinapal na may buhay, at magsilipad ang mga ibon sa itaas ng lupa sa luwal na kalawakan ng

400 Ang Matuwid ay Mabubuhay Lamang sa pamamagitan ng Pananampalataya

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

himpapawid”? Ito ba ay tungkol lamang sa isda at mga ibon? Sa ating pagninilay sa talatang ito, kailangan muna nating tandaan kung kanino binigay ang Biblia. Atin sa gayong mababatid na ang talatang ito ay sinalita sa mga nagkamit ng kapatawaran sa kasalanan upang mabuhay sa pananampalataya.

Sa ngayong talata sa Kasulatan, pinalipad ng Diyos ang mga ibon sa alapaap; sa pamamagitan nito; ibig sabihin ng Diyos, “Ang matuwid ay mabubuhay lamang sa pamamagitan ng pananampalataya.” Tayong mga matuwid kung gayon ay dapat suriin ang ating mga sarili upang makita kung tayo ay tunay na nabubuhay sa pananampalataya o hindi.

Sinabi ng Diyos, “Ang ganap ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya” (Roma 1:17). Ano ang pananampalataya? Pananampalataya ba para sa atin na sabihin lamang, “Ako’y nananalig”? Palaging may kahirapan sa ating mga buhay. Subali’t, gaano man ang dami ng mga paghihirap na atin mahaharap, malibang tayong mga mananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay manangan sa Salita ng Diyos ng ating mga puso at mamuhay sa pananampalataya, maging ang ating pangunahing pananampalataya na nagtulot sa atin na kamtan ang kapatawaran sa ating mga kasalanan ay maglalaho, at tayo’y mahahantong na lumalayo sa Iglesia ng Diyos. Madalas kong masaksihan ang pangayayaring ito. Sa kabilang dako, kung nalalaman natin kung ano ang mabubuhay sa pananampalataya sa Salita ng Diyos, ito’y lubos na makakatulong, at tayo’y pagpapalain. Ang matuwid ay dapat mabuhay sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya sa katuwiran ng Diyos. At sila’y dapat mabuhay sa kanilang pananampalataya sa Diyos at sa Kanyang Salita.

Kayo at ako ay nabubuhay sa pananampalataya na nagtitiwala sa Panginoon, nguni’t kailangan nating mabatid kung anong uri ng pananampalataya ang wastong

Ang Matuwid ay Mabubuhay Lamang sa pamamagitan 401 ng Pananampalataya

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

pananampalataya. Bakit kailangan sa atin ang mabuhay sa pananampalataya?

Karamihan sa inyo, kahit matapos kamtan ang kapatawaran sa inyong mga kasalanan, ay hindi tunay na namuhay sa pamamagitan ng paglalagay ng inyong buong pananampalataya sa Diyos. Kayong lahat ay nabuhay sa pamamagitan ng lakas ng inyong sariling laman, at hindi ninyo maaaring sabihin na kayo’y nabuhay na nananalig sa Diyos. Bago tayo isilang na muli, tayo’y nabuhay na nagtitiwala sa salapi o sa kapangyarihan, o kung hindi sa kalakasan ng ating sariling laman.

Subali’t, nang tayo’y isilang na muli, sinabi ng Diyos sa atin na tayo’y dapat mabuhay na nagtitiwala sa Kanya, at dapat nating sundin Siya na nananalig sa Kanyang Salita. Yamang wasto lamang para sa ating lahat na mabuhay sa pamamagitan ng paglalagay ng ating pananampalataya sa Diyos at sa Kanyang katuwiran, ito kung paano tayo dapat mabuhay. At yamang ito ay sinulat sa Biblia, inaakala nating ito ay wasto. Nguni’t, yamang ang Salita ay wasto, sa oras ding yaon ay ating nalaman kung gaano ang hirap na mabuhay tulad nito. Subali’t, kapag tayo ay tunay na naharap sa suliranin, makikita natin ang ating mga sarili na hindi natin maisasagawa.

Halimbawa, ating tignan ang suliranin sa ating pangunahing mga pangangailangan sa pananamit, pagkain, at tirahan. Bago tayo isilang na muli sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, tayo ay nagpunla ng bulto ng 24 oras sa isang araw upang magkaroon ng salapi. Nang tayo ay isilang na muli, gayon man, tayo ay dumalo sa pagtitipon sa Iglesia ng Diyos at narinig ang Salita, sinasabi sa atin na tayo’y dapat mabuhay sa pananampalataya, magsilbi sa ebanghelyo, magbigay ng mga kaloob, mabuhay para sa Panginoon, at maging kaisa rin sa Iglesia. Lahat ng ito ay

402 Ang Matuwid ay Mabubuhay Lamang sa pamamagitan ng Pananampalataya

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

wasto. Ang Diyos ngayon ay hinihiling sa atin ang buhay na buong naiiba sa luma.

Dati, tayo’y nabubuhay sa pamamagitan ng ating sariling lakas, tulad ng isang ostrich, nguni’t ngayon yamang tayo ay sinabihang mabuhay sa pananampalataya, nakita nating ito’y nakalulungkot dahil kakaunti ang ating pananampalataya. Ang isang ostrich ay may kakayahang tumakbo ng 80 km sa isang oras sa kanyang dalawang paa, umaalikabok ng kakaunti. Walang anumang pagtulong ng kanyang mga pakpak, ito ay higit na may kakayahang matakasan ang humahabol sa kanya at magiging pagkain kahit ang kanyang dalawang mga paa lamang. Ganito tayo nabubuhay dati, nguni’t ngayon, hindi na posible ang mabuhay tulad nito na umaasa lamang sa ating lakas. Dati, taglay natin ang lakas ng laman, nguni’t nang tayo ay dumating sa Iglesia ng Diyos sa pananampalataya, nabatid natin na ang ating lakas ng laman ay ganap na walang kakayanan. Sa madaling salita, wala sa atin ang mabubuhay sa pamamagitan lamang ng kalakasan ng ating laman. Bakit? Dahil hindi natin magagawa lahat ng hinihiling ng Diyos sa pamamagitan ng ating kakayahan at kalakasan lamang. Iyan kung bakit tayo’y dapat mabuhay sa paglalagay ng ating pananampalataya sa katuwiran ng Diyos at sa Kanyang Salita, at dahil dito, dapat nating baguhin ang ating lumang pamumuhay.

Sinabi ng Biblia, “Ang ganap ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya.” Mayroon lamang daan para sa matuwid na mabuhay, at ito ay ang mabuhay sa kanilang pananampalataya sa katuwiran ng Diyos at sa Kanyang Salita. Iyan kung bakit dapat nating iwaksi ang ating karnal na mga kaisipan. Ngayon, kung gayon, ating pagnilayan kung paano tayo dapat mabuhay sa pananampalataya.

Sa ngayong talata sa Kasulatan, sinabi ng Diyos,

Ang Matuwid ay Mabubuhay Lamang sa pamamagitan 403 ng Pananampalataya

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

“Magsilipad ang mga ibon sa itaas ng lupa sa luwal na kalawakan ng himpapawid,” at itong talata ay nagsasaad na ang matuwid ay tunay na dapat mabuhay sa pananampalataya. Ito ang kahulugan nang sabihing ang matuwid ay mabubuhay sa pagtitiwala sa Diyos: Sila’y nananalangin sa Panginoon at hinihiling sa Kanya ang kanilang mga pangangailangan, at sila ay nananalig din na anuman ang kanilang hingin sa Panginoon, ang Panginoon ay tutugunan sila. Maaari tayong mabuhay sa pananampalataya kapag tayo ay nananalig na ang Panginoon ay ating Pastol, na Siya’y ating Diyos, na Siya’y ating Tagapagligtas, at Siya’y ating Panginoon. Sa ibang salita, ibig sabihin na tayong lahat ay dapat mabuhay sa pamamagitan ng paniniwala na ang Panginoon ay kikilos sa ating mga buhay habang tayo’y nananalangin sa Kanya. Ang paglalagay ng ating pananampalataya sa Diyos ay ang panalangin sa buhay na Panginoon para sa saklolo sa tuwing tayo’y nahaharap sa anumang kahirapan ng ating mga buhay at matugunan Niya ang ating mga panalangin.

Kung tayo’y naghihikahos, kung gayon dapat tayong manalangin sa Diyos at hingin ang Kanyang tulong. At dapat tayong magkaroon ng paniniwala na ang Panginoon ay tutugunan ang ating kahilingang pagtulong. Itong pananampalataya, na ang Panginoon ay ibibigay sa atin ang karunungan at biyaya, lutasin ang ating mga suliranin, at tugunan ang ating mga panalangin sa iba’t-ibang mga anyo kapag tayo ay nananalangin, ay kailangan. Iyan kung paano tayo mabubuhay sa pamamagitan ng pagtitiwala sa katuwiran ng Panginoon, at, upang maging tiyak, tutulungan Niya sa pamamagitan ng panalangin sa Kanya. Ito ang kahulugan ng mabuhay sa pamamagitan ng pananampalataya sa Panginoon.

Hindi tayo nananalig sa Diyos animo tayo’y nananalig sa ilang mga tagapagtaguyod ng mga relihiyon ng sanlibutan,

404 Ang Matuwid ay Mabubuhay Lamang sa pamamagitan ng Pananampalataya

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

bagkus tayo’y yumuyukod sa harap ng Panginoon na nabubuhay ngayon at magpakailanman, at yaong nagligtas sa inyo at sa akin sa ating mga kasalanan, at tayo’y nananalangin sa Kanya na humihiling ng Kanyang tulong. Sa gayon ating matatagpo ang Diyos sa mga panalanging ito at pagpapalain Niya sa ating mga buhay. Kapag tayo ay nananalangin sa Panginoon, tayo ay nakikipisan sa Panginoon sa pamamagitan ng ating pananampalataya, at maaari tayong mabuhay sa pananampalataya. Kailangan nating malaman Niya ang ating mga paghihirap, hingin ang Kanyang saklolo, alalahanin ang Kanyang Salita, at manalig na ang Panginoon ay tutulungan tayo at lulutasin ang ating mga suliranin ng walang kabiguan. Sa pamamagitan nitong pananampalataya tayo ay dapat mabuhay. Ito ay dapat isagawa sa ating tunay na mga buhay pananampalataya. Yaong nabubuhay sa kanilang pananampalataya sa katuwiran ng Diyos ay nananalangin sa Panginoon at nakikipagtipan sa Kanya, at samakatuwid sila’y maaaring mabuhay sa pamamagitan ng kapangyarihan at biyayang pinagkakaloob Niya sa kanila. Ito kung paano sila nabubuhay, taglay ang pakikipagtipan sa Panginoon at tinutugunan sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya, umaasa sa Kanya at nagtitiwala sa Kanya. Walang iba kundi ito ang mabuhay na nagtitiwala sa Diyos.

Di-mabilang na mga tao dito sa lupa ang nagsasabing sila’y nabubuhay sa pamamagitan ng pagtitiwala sa Diyos, nguni’t sa katunayan ito ay hindi totoo. Kapag ang mga lingkod ng Diyos ay nahaharap sa mga pagsubok, hinihiling muna nila sa Panginoon ang saklolo sa pamamagitan ng kanilang mga panalangin. Hindi ba si Apostol Pablo ay palaging nananalangin sa Panginoon? Ang pananampalataya ni Apostol Pablo ay kasama ang paniniwala na ang Diyos ay tunay na tutuparin ang Kanyang pangako. Kaya sa atin din,

Ang Matuwid ay Mabubuhay Lamang sa pamamagitan 405 ng Pananampalataya

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

nagpayo siya, “Magsipanalangin kayo sa Espiritu ng lahat ng panalangin sa buong panahon” (Efeso 6:18).

Kung tayo’y hihingi ng tulong sa Panginoon sa tuwing tayo ay naghihikahos, bawa’t oras na tutugunan ng Panginoon ang ating mga panalangin sa iba’t-ibang mga anyo. Dapat tayong mabuhay sa pananampalataya, nananalig na ang Diyos ay ipagtatanggol tayo at tutulungan kapag ating pinangangaral ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa sanlibutang ito.

Hanggang sa araw na ito, tayo’y nabuhay na may pananalig sa Diyos at sa Kanyang katuwiran. Si Apostol Pablo, rin, nabuhay sa pamamagitan ng pananampalatayang ito sa Diyos at sa Kanyang katuwiran. Ang taong may pananampalataya sa Biblia lahat ay nabuhay sa pamamagitan nitong pananampalataya sa Diyos. Ang mga nauuna sa pananampalataya na yaong umaakay sa inyo ngayon ay nabuhay din sa pananampalataya hanggang ngayon.

Ang inyong mga ninuno sa pananampalataya ay hindi ligtas sa paghihirap, nguni’t, sila, rin, ay patuloy na nahaharap sa mga pagsubok mula sa sandaling sila’y manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Dapat nilang ipagtanggol at labanan ang kaaway, sila’y ininsulto, sila’y inusig, sila’y isinailalim sa lahat ng uri ng paghamak, at naglaho ang bawa’t materyal na pag-aari nila.

Ako rin mismo ay naglaho ang marami dahil sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, nguni’t ako ay nagkamit ng lalong higit. Matapos kong makilala ang Panginoon, lubha akong inusig, mula sa labas at maging sa aking sariling pamilya. Ako ay walang materyal na mga pag-aari. Ako ba sa gayon ay malusog? Hindi. Ako ay palaging may karamdaman. Kung minsan ang aking mga buto ay nag-aapoy, at ang aking malapot na dugo ay kalimitang pinatitigas ang aking katawan. Ako ay nalalapit sa kamatayan sa maraming pagkakataon.

406 Ang Matuwid ay Mabubuhay Lamang sa pamamagitan ng Pananampalataya

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

Kapag sinusubok nating mabuhay sa pamamagitan ng paglalagay ng ating pananampalataya sa Panginoon, nahaharap tayo sa maraming mga balakid, nguni’t bawa’t oras, tayo’y mananalangin sa Panginoon at natutugunan ang ating mga panalangin, at ito kung paano tayo nabubuhay hanggang sa araw na ito. Iyan kung bakit ang matuwid ay dapat mabuhay lamang sa pamamagitan ng pananampalataya.

Sa ikalimang araw, sinabi ng Diyos, “Bukalan ng sagana ang tubig ng mga gumagalaw na kinapal na may buhay, at magsilipad ang mga ibon sa itaas ng lupa sa luwal na kalawakan ng himpapawid.”

Paano tayo makalilipad sa kalawakan ng pananampalataya? Nang tayo’y isilang na muli, paano tayo mabubuhay sa buhay ng matuwid? Kapag tayo’y nabubuhay dito sa lupa na ang ating laman ay naroon pa rin, paano tayo mabubuhay bilang mga matuwid? Ito ay naging posible lamang kapag tayo ay mabubuhay sa ating pananampalataya sa katuwiran ng Panginoon. At ang matuwid ay dapat mabuhay na nananalig sa Salita ng Diyos, tulad ng kanilang kailangang gawin.

Paano tayo magpapatuloy sa ating mga buhay gayong lahat tayo ay nahaharap sa labis ng maraming mga pagsubok, at yamang tayo’y nahaharap sa pisikal na kamatayan? Ito ay naging posible dahil tayo’y nabuhay sa pamamagitan ng pananalig lamang sa katuwiran ng Panginoon. Patuloy na nananalangin sa Panginoon, tayo’y nabuhay sa ating pananampalataya, nananalig na ang Panginoon ay tutugunan ang ating mga panalangin, at Siya’y naging ating Pastol, ating Ama, at ating Tagapagligtas. Ito ang tunay na pananampalataya.

Ang ating mga buhay ay nahaharap sa suliranin sa bawa’t pagbaling at pag-ikot. Maging ngayon, tayo’y hindi malaya sa paghihirap. Subali’t, nalalaman nating tayo’y patuloy na

Ang Matuwid ay Mabubuhay Lamang sa pamamagitan 407 ng Pananampalataya

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

mabubuhay sa pamamagitan ng paglalagay ng ating pananampalataya sa katuwiran ng Panginoon, kahit pa tayo ay maharap sa higit na malaking mga paghihirap. Tayo ay gayon malibang tayo ay mabuhay na nagtitiwala sa katuwiran ng Panginoon, wala tayong mapipilian kundi ang mamatay sa katawan at sa espiritu.

Ang taong may pananampalataya na nauna sa atin, mula kay Juan Bautista hanggang kay Pedro, Juan, Pablo, Marcos, at Mateo, lahat ay nabuhay sa pananampalataya. Sila’y nabuhay sa pamamagitan ng pananampalataya, umaasa sa Makapangyarihang Diyos. Hindi sila nagtiwala sa kanilang sariling kalakasan ng laman o sa kanilang materyal na mga ari-arian. Tayo, rin, ay nabuhay na nagtitiwala sa kapangyarihan ng Panginoon hanggang sa araw na ito. Sa Biblia, sa ikaapat na araw ng paglikha ang Diyos ay nangusap kung paano Niya ginawa ang Kanyang mga lingkod, at sa ikalimang araw, Siya’y nangusap kung paano ang mga lingkod na ito ay dapat mabuhay sa pamamagitan ng paglalagay ng kanilang pananampalataya sa Panginoon.

Kapag kayo ay nahaharap sa paghihirap, paano natin malulutas ito? Susubukan ba ninyong lutasin ito sa pamamagitan ng mga paraang likha ng tao? Kahit pa ito’y nangangailangan ng ilang mga kundisyon, at salapi; sa gayon ano ang inyong tunay na magagawa kapag hindi ninyo taglay ang anumang bagay?

Dapat kayong mabuhay lamang na may pagtitiwala sa Diyos, umaasa sa Kanyang katuwiran, hinihiling ang Kanyang tulong at nananalig sa Kanya. Dapat nating matutunan ang mabuhay na umaasa sa Diyos, nagtitiwala sa Kanyang katuwiran, at hinihiling ang Kanyang tulong. Kahit pa sa mga maliliit na bagay, dapat nating hilingin ang tulong ng Diyos, sasabihing, “O Diyos, nawa’y tulungan ako rito.” Dapat nating

408 Ang Matuwid ay Mabubuhay Lamang sa pamamagitan ng Pananampalataya

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

hilingin sa Panginoon sa pananampalataya, at mabuhay na may paniniwala na Kanyang ibibigay sa atin ang ating hiniling sa Kanya. Dapat nating dalhin ang ating mga suliranin sa Panginoon at hingin sa Kanya, O Diyos, nawa ay lutasin itong suliranin at tulungan ako. Hinihiling ko sa Inyo na lutasin ito. Hinihiling ko sa Inyo na tulungan ako. Naniniwala ako na Inyong tutugunan ako.” Maaari tayong mabuhay sa pamamagitan ng paghiling sa Panginoon ng Kanyang tulong at magtiwala sa Kanya.

Kung ating hiniling sa Panginoon sa pananampalataya, at kung ang ating panalangin ay kararapat-dapat, tutugunan tayo ng Panginoon. Ang Diyos ay kikilos sa ating mga buhay at sa ating mga pangyayari sa pamamagitan ng Kanyang kapangyarihan. Sa pamamagitan ng tulong ng Panginoon tayo’y mabubuhay. Inyong dapat matutunan ang mabuhay na nagtitiwala sa Panginoon. Karamihan sa mga tao ay nagsisikap na mabuhay sa loob ng mga hangganan ng kanilang kakayahan at materyal na mga pag-aari. Subali’t, ang mga matuwid na isinilang na muli, sila man ay karaniwang tao o mga ministro, ay maaaring magtagumpay sa lahat ng pagsubok kung sila’y buong aasa sa Panginoon at mabubuhay sa pananampalataya. Anuman ang suliranin, kapag ang mga ito ay dinala sa Panginoon, manalig sa Kanya, at hihingin ang Kanyang tulong, Siya’y tunay na tutugon. Walang iba kundi ito ang pananampalataya. Inyong dapat matutunan ngayon ang mabuhay sa pananampalataya, at kayo’y dapat tunay na mabuhay sa pananampalataya.

Dinalisay ng Diyos ang Aking Pananampalataya May isang pagkakataon nang ako ay naharap sa matinding

Ang Matuwid ay Mabubuhay Lamang sa pamamagitan 409 ng Pananampalataya

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

paghihirap nguni’t nabuhay sa pamamagitan ng pagtitiwala sa Panginoon. Sa oras na yaon, sa aking tabi wala ang mga ministro na ngayong gumagawa sa akin, maging ang mga kapatiran sa pananampalataya, maging ang mga materyal na ari-arian. Sa oras na yaon nang ako ay nagtungo sa isang lungsod na daungan tinatawag na Sokcho, ang tanging bagay na aking pinapanaligan na ang Diyos ay aking Diyos, na ako ay Kanyang lingkod, at ang Diyos samakatuwid ay dinirinig ako sa tuwing ako’y nananalangin. Ito ang pananampalataya kung saan ako ay nabubuhay.

Sa tiwala sa Diyos, ako’y nananalangin sa Kanya. Sa mata ng aking laman, ito ay mukhang malamig na walang pag-asa, nguni’t ako ay may pananampalataya, naniniwala, “Kung wala ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, itong lungsod ay isang ilang, nguni’t ang Diyos ay tiyak na gagawin ako na ipangaral ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu dito, at sa pamamagitan nito ililigtas Niya ang maraming tao sa kasalanan at itatayo ang Kanyang Iglesia.” Alam ko kung ano ang hahanapin ng Diyos upang matupad sa pamamagitan ko. Nguni’t taglay ko ang kawalan. Wala akong nakikilala, at hindi ko taglay ang lahat ng bagay.

Una sa lahat, kailangan kong makita ang isang lugar na tatawaging kong tahanan para sa aking pamilya kasama ang aking may-bahay, aking anak na lalaki, at sarili ko. Naghanap ako ng mauupahang lugar, at nakita ko sa isang listahan na may isang silid tulugan at isang maliit na kusina, makikita sa isang dukhang kapitbahay. Ang upa ay halos $30 isang buwan. Nguni’t hindi ko taglay itong salapi. At ako ay walang anumang impok sa bangko.

Kaya ako’y nanalangin sa Diyos. Sa pagtulong ng Diyos sa akin sa bagay na ito, naupahan ko ang lugar at nanirahan doon. Nang kami ay naglipat, kailangan namin ngayon ang

410 Ang Matuwid ay Mabubuhay Lamang sa pamamagitan ng Pananampalataya

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

kasangkapan at mga gamit sa bahay. Sa aking kalungkutan, ako ay nagsimulang maglakad palibot sa lungsod at nanalangin sa Diyos upang bigyan ako ng hanapbuhay. “O Diyos, hindi ba ako Inyong lingkod? Naniniwala akong ako nga. Niligtas Mo ako sa aking mga kasalanan sa pamamagitan ng Katotohanan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, at ako’y naglilingkod hanggang sa araw na ito, nguni’t ako ngayo’y nahaharap sa isang malaking mahirap na kalagayan.”

Una, pinagtibayan ko ang pananampalataya kung ako ay lingkod ng Diyos o hindi. Minsan ako ay tiwala sa aking puso na ako ay tunay na lingkod ng Diyos, buong tapang kong tinanong sa Diyos, “O Diyos, kung ako ay Iyong lingkod, sa gayon dapat Ninyo akong tulungan. Kung ako ay hindi Inyong lingkod. Maaari Ninyo iwanan na lamang ako. Nguni’t ako ay Inyong lingkod. Ngayon nais kong gawin ang Inyong gawain, nguni’t kailangan ko muna ang pangunahing mga pangangailangan ng aking pamilya. Ano ang aking dapat gawin, Panginoon?”

Wala akong bagay na magagawa sa pamamagitan aking katawan. Nanatili ako sa palengke upang magtrabaho, nguni’t hindi ko magawa ito. Isang araw lamang na paghahanapbuhay ay magkakahalaga ng higit sa gamot kaysa sa sweldong kikitain ko. Upang magkaroon ng trabaho, ang isang tao ay kailangang may ilang uri ng kakayahan na kinakailangan sa isang lipunan, nguni’t ako ay walang gayong mga kakayahan.

Dahil ako ay nanirahan sa isang prayer retreat center nitong buong panahon, hindi ako kailangang mabalisa sa pangunahing mga pangangailangan sa pananamit, pagkain, at tirahan, at dahil ako ay walang karanasan sa paghahanapbuhay, walang bagay akong magagawa kapag ako ay iniwang nag-iisa sa sanlibutang ito. Kaya ako’y nagsimulang manalangin, “O Diyos, ano ang aking gagawin? Nawa’y ingatan ako,

Ang Matuwid ay Mabubuhay Lamang sa pamamagitan 411 ng Pananampalataya

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

Panginoon, at tulungan ako na mahanap ang mga paraan upang buhayin ang aking may-bahay at aking anak. Ito ay isang malubhang suliranin. Ako ay Inyong lingkod, nguni’t ano itong nangyayari sa akin? Hindi dahil ayaw kong ipangaral ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu kaya ako naghihirap tulad nito. Tiyak na hindi, ako ay nahulog sa isang malaking pagsubok. O Diyos, nais kong ipangaral ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Nawa’y tulungan ako.” Kailangan akong manalangin tulad nito.

Naglalakad sa mga lansangan ng lungsod hindi alam kung saan patungo, nanalangin ako at inisip kong mabuti, “Ano ang talagang gagawin ko upang magkaroon ng ikabubuhay?” Sa sandaling iyon, isang barberya ang sumagi sa isip ko. Noon, nang ako ay nag-aaral pa sa elementarya, ang aking bayaw ay dating nagpapatakbo ng barberya. Kaya pag-uwi ko matapos sa paaralan, kadalasan tumutulong ako sa mga gawain sa barberya, hugasan ang buhok ng nagpapagupit, at kumikita ng kaunti mula rito. Nguni’t hindi dahil sa ako ay may kakayahang gumupit ng buhok. Kaya, ako ay walang anumang kakayahan. Gayon man, nagpasiya akong maghanap ng trabaho sa isang barberya.

Sa tapat ng isang pasilyo ng kasalan sa isang lungsod, may isang maliit na barberya. Ngayon, dala ko lamang kundi ang aking pananampalataya sa Diyos. Walang ibang paraan o direksyon na kailangang gawin. Nang ako ay pumasok sa barberya, nakita ko ang may-ari na mag-isang nagtatrabaho.

Kaya tinanong ko sa kanya, “Kailangan ba ninyo ng makakatulong?” Nang sinabi niyang kailangan niya, sinabi ko sa kanya na nais kong mamasukan sa kanya. Tinanong ako ng may-ari kung gaano na ang karanasan ko sa trabahong ito, at dalian kong sinabi, “May karanasan ako ng 20 taon.” Sinabi ko ito sa pananampalataya.

412 Ang Matuwid ay Mabubuhay Lamang sa pamamagitan ng Pananampalataya

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

At siya’y nagtanong, “Taga saan ka?” Sinabi ko, “Taga Busan.” Ang Busan ay ang pangalawa sa

pinakamalaking lungsod sa Korea. At muli siyang nagtanong, “Saan ka sa Busan namasukan?”

at ako’y sumagot, “Dati akong namamasukan sa gitnang bahagi ng lungsod.” Gayon pa man ako ay mula sa Busan, at kung kaya sinabi ko na ako’y dating namamasukan sa pinakagitnang bahagi ng lungsod ng 20 taon. Nang marinig ito, hiniling ng may-ari na ako’y masimula kinabukasan.

Kaya, sumunod na araw, pumasok ako sa barberya upang mamasukan. Nguni’t ang may-ari ay hindi nagpakita kinaumagahan. Nang buksan ko ang barberya at nilinis ang lugar, pumasok sa loob ang unang kostumer. Tangan ang isang pares na gunting sa unang pagkakataon, ang aking kamay ay nanginginig. Magagawa kong gayahin ang paggupit, yamang napapanood ko ang aking bayaw habang naggugupit noon, nguni’t ang aking kamay ay patuloy sa panginginig yamang hindi talaga ako marunong nito. Kung ako ay susuko, marahil ako ay paaalisin, kaya ako’y nagsimulang gupitin ang buhok, higit naman ang panalangin ng aking puso, “Panginoon, bigyan ako ng lakas.”

Ang gunting ay tila may sariling isip, tinatanggkang gupitin ang tainga ng kostumer sa halip ang kanyang buhok. Nguni’t, kahit pa ako’y nanginginig, natapos ko ang paggupit sa buhok ng kostumer. Hinahitan ko rin siya, nguni’t gayon man lalo akong nanginginig. Ako’y patuloy sa panalangin dahil kung hindi ako ay mapapaalis. “Panginoon, wala na akong lakas maging sa panalangin. Nawa’y ingatan ako, Panginoon, at nawa’y tulungan ako na isagawa ang aking ginagawa ngayon.”

Inalalagay ang aking pananampalataya sa Panginoon, hinahitan ko ang kostumer. Nagdugo ang kanyang mukha.

Ang Matuwid ay Mabubuhay Lamang sa pamamagitan 413 ng Pananampalataya

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

Inilagay ko ang isang pirasong tissue sa kanyang dumudugong sugat bawa’t oras, nguni’t ang kostumer ay nananatiling di-gumagalaw at tahimik. Ang may-ari rin ay nagkunwaring hindi nakita ito, at walang imik. Nagtanong ang kostumer kung magkano, at tinanggap ko ang bayad. Sa pamamagitan ng gayong maliit na kakayahan, malinaw na hindi ko maipagpapatuloy ang gawaing ito.

Nguni’t mayroon akong matibay na paglutas sa aking sarili, iniisip, “Lahat ng aking gagawin ngayon ay manalig sa Diyos. Ito lamang ang aking magagawa, at ngayon ito ay kalagayang do-or-die.” At ako’y muling nananalangin, “Panginoon, nawa ay huwag akong hayaang palayasin sa lugar na ito.” Subali’t, makalipas ang dalawang oras, nagbalik ang kostumer mula sa bahay niya at nais niyang gupitan muli, sinasabing ang kanyang may-bahay ay nagreklamo sa pangit na gupit. Kaya sa pagkakataong ito ang may-ari mismo ang gumupit na sa kanya. Ang nakapagtataka, gayon man, ang may-ari ay hindi man nagsalita sa akin, at hinayaan niya akong magpatuloy sa kanyang barberya.

Ang kinikita ko sa panahong yaon sa 8 oras na trabaho ay hindi gaano sapat. Nguni’t di-nagtagal, tinaas ang aking sahod. Kumikita ako ng $50 bawa’t araw, mula rito, $20 ay para sa pangangailangan ng aking pamilya, at aking binibigay ang nalalabi sa aking may-bahay upang mag-impok. Sa panahong yaon, ako’y nananalangin upang magtayo ng Iglesia ng Diyos at ihahanda ang mga pangangailangang pananalapi. Yamang walang sinumang makapagbibigay ng anumang donasyon sa akin sa panahong yaon, sinikap kong mag-impok upang makahanap ng lugar ng pagsamba, upang aking maipangaral ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.

Sa tuwing ako’y may oras, naghahanap ako ng taong mananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Kahit pa ako

414 Ang Matuwid ay Mabubuhay Lamang sa pamamagitan ng Pananampalataya

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

ay may hanapbuhay sa barberya, sa tuwing ako ay may nalalabing panahon, lumalabas ako at naglalagay ng mga karatula na nagsasabing, “Kung nais ninyong marinig ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, tawagan ako sa numerong ito.”

Paminsan-minsan, may mga taong tumatawag sa telephono matapos basahin ang mga karatula. Minsan, tinawag ako ng isang lalaking dumalo sa seminaryo at sinabi sa akin na hindi niya nalalaman ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, at kung kaya kami’y nagkita at pinangaral ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa kanya. Bunga nito, siya’y nagkamit ng kapatawaran sa kanyang mga kasalanan. Ilang bilang ng mga tao sa katunayan ang nagkamit ng kapatawaran sa kanilang mga kasalanan sa kagalakan. Nguni’t walang lugar, kahit isang silid, kung saan maidadaos ang aming mga pagtitipon. Ang mga tao ay nalulungkot na marinig dahil walang lugar ng pagsamba. Bagaman narinig nila ang ebanghelyo, nakita nila kung gaano nakalulungkot ang aking kalagayan, nangangaral ng ebanghelyo na walang anumang wastong lugar ng pagsamba, kaya sila’y nilisan ako.

Kaya ako’y nanalangin, “Panginoon, nawa ay padalhan ako ng mga kapwa-manggagawa kung saan ako ay makapaglilingkod ng ebanghelyo.” Ayon sa kung paano ako nanalangin sa Diyos, ako ay nakapangaral ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa ilang misyon ng organisasyon, at nang kanyang mga miyembro ay narinig ang ebanghelyo, iniwan nila ang kanilang dating, maling pananampalataya, at nasumpungan nila ang Iglesia ng Diyos kasama ko.

Sa panahong yaon, sa aking pagsisimulang maglingkod sa Iglesia ng Diyos na pinangangaral ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, binuksan ko ang paaralang misyon upang pakanin ang mga manggagawa ng Diyos upang palawigin ang

Ang Matuwid ay Mabubuhay Lamang sa pamamagitan 415 ng Pananampalataya

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa buong daigdig. Ang ilang mga babaeng may-asawa ay pumasok sa klase upang makinig ng aralin, at halos sampung mga kabataan ang nagparehistro sa paaralang misyon bilang unang mga mag-aaral. Ganito kung paano ako nakapagsimula sa paaralang misyon.

“O Diyos, ako ay mangangaral ng ebanghelyo sa sanlibutan. At aking ihahasik ang Iyong Iglesia sa bawa’t rehiyon ng Korea. Nawa’y tulungan ako, Panginoon. Nananalig ako na ako’y ihahanda Mo upang itaas ang Iyong Iglesia, at ako’y nananalig na Iyong tutulutan ako na ipangaral ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.” Nananalig ako sa Panginoon, at ako’y nanalangin sa pamamagitan ng pananampalatayang ito. At ako’y nanalangin para sa aking mga kakulangan. Ginawa ko ang lahat sa pamamagitan ng pagtitiwala sa Diyos. Ginawa ko ang lahat sa pamamagitan ng pananampalataya ay nangangahulugang sa tuwing ako’y nahaharap sa paghihirap, ako ay yumuyukod sa Panginoon at taimtim na nananalangin para sa Kanyang saklolo bawa’t oras, at anuman ang aking ginawa, ako ay nagtiwala na ang Panginoon ay walang kabiguang tunay na tutulungan ako.

At sa aking pananalig, pinahintulot ako ng Diyos na makamtan lahat ng bagay na ito.

Pinakain ko rin ang mga manggagawa ng Diyos sa pamamagitan nitong pananampalataya sa Panginoon. Bagaman ang aking mga kapatiran sa pananampalataya ay nakamit ang kapatawaran sa kanilang mga kasalanan, sa kanilang mga puso ay nananatili pa rin ang maraming mga bagay sa sanlibutan. Ang kanilang mga puso, sa madaling salita, ay madaling magbabalik sa karnal na mga kaisipan sa anumang oras. Dahil ang gayong mga puso ay hindi maaaring magbago sa pamamagitan lamang ng pagtuturo ng aking sariling mga salita, kailangan kong alisin ang kasamaan ng kanilang mga puso sa

416 Ang Matuwid ay Mabubuhay Lamang sa pamamagitan ng Pananampalataya

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

pamamagitan ng aking pananampalataya sa Panginoon. At aking silang akayin sa Panginoon.

Sa tuwing ako’y nagpapatotoo ng Salita ng Diyos, ako rin ay nagpapatotoo sa pamamagitan ng pananampalataya. Dahil taglay nila ang labis na maraming katanungan ukol sa Salita ng Diyos at sa aking sarili, kailangan kong ituro sa kanila ang maraming mga bagay patungkol sa Salita sa pamamagitan ng pananampalataya. Nang ako ay nagpatotoo ng Salita ng Diyos, ang di-paniniwala ng kanilang mga puso ay isa-isang naglaho. Kaya sa pamamagitan ng paaralang misyon, inani ko ang mga manggagawa ng Panginoon at nilingap sila bilang mga mangangaral. Ang Iglesia ng Diyos, din, ay itinatag paraang ito.

Ang pananampalataya sa Panginoon ay ang pananalig sa sumusunod: “Ang Diyos ay aking Diyos, ang Panginoon ay aking Tagapagligtas na nag-alis sa lahat ng aking kasalanan na minsanan, at Siya ang aking Pastol na tumutulong sa akin. Kung ako ay mabubuhay ayon sa kalooban ng Panginoon at susunod sa Kanya sa pamamagitan ng pananampalataya, kung gayon anuman ang mga pagkakataong maharap ko, kahit pa ako ay nasa bingit ng kamatayan, tiyak na tutulungan ako ng Panginoon, dahil Siya ang aking Pastol at aking Tagapagligtas. Nananalig ako na ibibigay ng Panginoon sa akin anuman ang aking hingin sa Kanya, at sa pamamagitan nitong pananampalataya ako ay naging lingkod ng Diyos. Maging ngayon, sa pamamagitan nitong pananampalataya sa Panginoon ako ay kumikilos.” Kung minsan, kahit pa ang aking mga kapwa-manggagawa ay nahihirapan sa aking mga kilos, nguni’t ito sa katunayan ay sa aking pananampalataya sa Panginoon kaya aking ginagawa ang gawain ng Panginoon.

Ako ay nabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya maging sa ilalim ng mahirap na mga pagkakataon. Ako’y

Ang Matuwid ay Mabubuhay Lamang sa pamamagitan 417 ng Pananampalataya

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

kumikilos na nagtitiwala sa Diyos. Ako ay nililigtas ng Diyos at itinataas ako kapag ako’y nananalig sa Kanya. Kung kayo ay nahaharap sa anumang mga pagsubok, kayo, rin, ay dapat hingin sa Panginoon upang lutasin ang mga ito. Kung inyong hingin at tunay na mananalig na ang Panginoon ay tutugon sa inyo, sa gayon Kanyang tunay na tutugunan ang inyong panalangin. Kapag kayo ay naglilingkod sa Panginoon sa paraang ito, inyong malulutas lahat ng suliranin na inyong mahaharap bawa’t isa. Ito ay sa pamamagitan ng inyong pananampalataya sa Panginoon na inyong mapagtatagumpayan ang di-mabilang na mga paghihirap.

May mga pagsubok ba at mga pag-uusig sa harapan ng inyong mga mata? Tunay na mayroon; wala ni isa ang malaya sa suliranin. Paano, kung gayon, inyong malulutas ang mga ito? Inyong malulutas ang mga ito sa pamamagitan ng paglalagay ng inyong pananampalataya sa Panginoon. Dapat ninyong malutas ang mga ito sa pananampalataya, sa pamamagitan ng panalangin sa Panginoon at sa Kanyang saklolo. Ito ang kabuuan ng pananampalataya. Naniniwala ako na kung kayo ay mananalangin sa inyong mga pagsubok, magtiwala sa Diyos, umasa sa Kanya, at mabuhay sa pananampalataya, at sa gayon lulutasin ng Diyos ang lahat ninyong mga paghihirap. Ito ang tunay na pananampalataya. Ito ay hindi isang haka-haka.

Isang pinuno sa isang grupo ng misyon ang pagtuloy na nagsasabing siya’y nabubuhay sa pamamagitan lamang ng pananampalataya. Sinasabi niya, “Sa aking pitaka mayroon lamang akong $10 para sa panahon ng pangangailangan. Bagaman ako ay binabayaran lamang ng $300 isang buwan upang tustusan ang aking mga pangangailangan sa pamilya, dahil ako ay nananalangin sa pamamagitan ng pananampalataya, ako ay tinutustusan ng Diyos, at kung kaya ako ay walang anumang mga pangangailangan.” Nguni’t siya

418 Ang Matuwid ay Mabubuhay Lamang sa pamamagitan ng Pananampalataya

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

sa katunayan ay nililinlang ang kanyang kongregasyon. Buong nalalaman ko, siya sa katunayan ay may mga credit card. At anumang ginugugol niya sa mga card, lahat ng ito ay binabayad ng kanyang organisasyon. Kaya nang sabihin ng pastor na ito na gumugugol lamang siya ng $300 para sa kanyang mga bayarin, itinataas lamang niya ang kanyang sariling katuwiran sa Diyos.

Salungat nito, ang aking mga bayarin ay halos $1,000 isang buwan. Paano makakaraos sa pamamagitan lamang ng $300 isang buwan? Ang maging punong abala sa ilang mga panauhin ng 2-3 araw lamang sa aking bahay ay nagkakahalaga na ng higit $300. Pananampalataya ba ang hindi gumugol ng salapi? Kung ito ay para sa Panginoon, at kung ito ay kinakailangan, kung gayon gugugulin ko lahat ng salapi na kailangang gugulin. Nguni’t ako ay nananalangin kapag ako ay walang pera. Kahit pa kailanganin nito ang milyong mga dolyar, nguni’t kung ito ay para sa Panginoon, kung gayon milyong dolyar ang gugugulin.

Ang mabuhay sa harap ng Panginoon ay ang mabuhay sa pamamagitan ng paglalagay ng pananampalataya sa Kanya. Sinuman ang matuwid ay dapat mabuhay sa pananampalataya. Lahat ng ito ay dahil sa kawalan ng pananampalataya kaya ang matuwid ay natitisod, at ito ay dahil sa kawalan ng pananampalataya kaya sila’y nabubuhay sa kalungkutan. Nguni’t kung sila ay nabubuhay sa pananampalataya, sa gayon maaari silang magtagumpay sa lahat nilang mga kahinaan, at kanilang matutupad lahat ng bagay. Ang kumita ng salapi ay dapat ding isagawa na may pagtitiwala sa Panginoon. Sa pamamagitan ng paglilingkod sa Panginoon ating nakakamit ang mga salapi. Wala rito ang kahihiyan, yamang hindi para sa aming mga sarili kaya kami ay tumatanggap ng mga salapi, bagkus ay para sa Panginoon. Iyan kung bakit kami kung

Ang Matuwid ay Mabubuhay Lamang sa pamamagitan 419 ng Pananampalataya

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

minsan ay hinihingi sa Panginoon ang lalong higit na salapi. Habang ang Panginoon ay papalapit sa Jerusalem, kung

saan Siya’y ipapako, narating Niya ang Bethphage sa Bundok ng Olibo, at sinugo Niya ang dalawang alagad, sinabing, “Magsiparoon kayo sa nayong nasa tapat ninyo, at pagdaka’y masusumpungan ninyo ang isang nakatali na babaing asno, na may kasamang isang batang asno, kalagin ninyo, at dalhin ninyo sa Akin” (Mateo 21:2).

Ano ang sasabihin ng may-ari, kung ang ilang dayuhan ay kunin ang kanyang asno? Hindi ba niya sasabihing, “Bakit mo kinukuha ang aking asno?” at akalain siyang isang magnanakaw? Ang Panginoon, gayon man, sinabi sa mga alagad na kung ang may-ari ay itanong ito sa kanila, sila’y sasagot, “Kailangan ng Panginoon ang mga ito.” Kaya ang mga alagad ay hindi nabalisa sa pagdala ng asno. Tulad sa inihula sa Salita, ang Panginoon ay pumasok sa Jerusalem sakay ng isang asno (Zecarias 9:9).

Dapat tayong magkaroon ng pananampalataya, na anuman ang kalooban ng Panginoon ay dapat tuparin lahat ng walang kabiguan. Upang ating maisagawa ang gawain at makamit ang ating wastong pamumuhay sa Panginoon, at upang maabot ang hamon ng pagpapalawig ng ebanghelyo ng Diyos—upang mabuhay tulad nito ay ang pamumuhay sa pananampalataya. Tulad sa nasusulat, “Ang ganap ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya” (Roma 1:17). Sa pamamagitan ng pananampalataya tayo ay nabubuhay.

Mayroong labis na hindi paniniwala ukol sa Panginoon sa inyong mga kaisipan. Sinisikap ni satanas na maghasik ng maling paniniwala sa atin at pinipigilan tayo na mabuhay sa pamamagitan ng pananampalataya. Sa panahong tulad nito, dapat nating talunin ang diablo sa pamamagitan ng pananampalataya, sinasabing, “Sa pangalan ng Panginoong

420 Ang Matuwid ay Mabubuhay Lamang sa pamamagitan ng Pananampalataya

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

Jesu-Cristo inuutos ko sa iyo, lumayo ka sa akin satanas!” Kamakailan, ako ay naglakbay sa isang lungsod upang

magtayo ng bagong iglesia. Nagtungo ako roon kasama ang maraming mga kapwa ministro upang humanap ng isang lugar ng pagsamba. Habang nananatili sa isang motel magdamag, dalian akong bumaba sanhi ng malubhang sakit sa aking tiyan. Kaya ako ay nagtaka, “Panginoon, hindi ako kumain ng anumang masamang hapunan, bakit ang aking tiyan ay labis na masakit?” Sa oras na iyon, inakala kong si satanas ay tinatangkang ibaba ang aking kalooban, dahil ako dapat ay lalagda ng renta sa may-ari ng lupa kinabukasan, at ito ay isang unang mahalagang hakbang tungo sa pangangaral ng ebanghelyo sa rehiyong iyon.

Ang diablo ay hindi makakapasok sa atin, nguni’t magagawa pa rin niyang pilitin tayo mula sa labas. Kaya, ako’y sumigaw sa aking isip, “Diablo! Inuutos ko sayo sa pangalan ni Jesu-Cristo, lumayo ka satanas!” Tulad nito, inutos ko kay satanas na lumayas, at ako’y nanalangin sa Diyos. Ang hapdi sa aking tiyan ay sobrang sakit at umabot sa aking ulo, nguni’t kung ako ay tatawag ng ambulansya nitong kalaliman ng gabi, ito ay magdudulot ng labis na abala para sa amin, yamang kailangan naming lagdaan ang renta kasama ang may-ari ng lupa kinabukasan. Kaya ako ay nanalangin sa Diyos ng buong gabi. At aking tinalo si satanas sa pamamagitan ng pananampalataya. Sa pagsikat ng araw, lahat ng aking sakit ay naglaho. Bumangon ako kinaumagahan, nag-almusal, nakipagkita sa may-ari, at nilagdaan ang renta.

Bunga ng pagsunod sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ako ay nahiwalay sa aking sariling mga magulang at mga kapatid. Hindi lamang ito, nguni’t habang naglilingkod sa Panginoon, nawala maging ang aking anak na lalaki. Sa oras na iyon, ako ay dumalo ng pagtitipon sa isang iglesia, at

Ang Matuwid ay Mabubuhay Lamang sa pamamagitan 421 ng Pananampalataya

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

pinagkatiwala ang aking maliit na anak sa isang kapwa-manggagawa upang bantayan. Nalimutan niyang isara lahat ng bintana, at ang aking pangalawang anak na lalaki ay nahulog sa nakabukas na bintana sa kanyang kamatayan mula sa ikaapat na palapag. Bawa’t bintana ngayon sa bawa’t iglesia na nabibilang sa aming misyon ay may net. Kung pinakabit ko ito dahil sa malungkot na alaalang ito, at dahil ang pag-iingat din ay dapat munang mailagay. Hindi ko sinisi ang kapwa-manggagawa na nagbabantay sa aking mga anak. Binigay ko ang sa pulis ang salaysay na sinulat nagsasabing, “Hindi ako tumututol o hanap ang anumang pananagutan kanino man sa aksidenteng ito,” at aking inalis ang anumang mga masamang ibinunga nito. Ang aking may-bahay at ako ay sinaboy ang abo ng labi ng aming anak sa isang ilog.

Bago ang pagpanaw ng aking anak, lagi kong tangan siya ng aking mga kamay at tinuturo sa kanya ang ebanghelyo, yamang hindi ko alam kung kailan siya kukunin ng Panginoon. Nasabi ko sa kanya ng maraming ulit, “Anak ko, nalalaman mong mahal kita, hindi ba? Minamahal ka rin ng Diyos sa paraang ito. Ang iyong mga kamalian ay mga kasalanan. Nguni’t si Jesu-Cristo ay naparito sa lupa, pinasan lahat ng kasalanang ito at kinuha lahat sa pamamagitan ng bautismo ni Juan Bautista sa Ilog ng Jordan, at inalis itong mga kasalanan sa pamamagitan ng pagpapako sa Krus.

Sinabi ko sa kanya ang tungkol sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ng maraming ulit. Marahil nagtataka ang ibang mga tao kung paano mauunawaan ng maliit na paslit lahat ng ito, nguni’t ako ay naniniwala na ang bata ay nauunawaan ang puso ng kanyang magulang. Kapag ang mga magulang ay nagtuturo ng ebanghelyo sa kanilang mga anak na may pananampalataya, ang mga anak ay tatanggapin din ito. Naituro ko ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa aking anak. Nguni’t ang

422 Ang Matuwid ay Mabubuhay Lamang sa pamamagitan ng Pananampalataya

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

aking anak ay nagtungo sa Diyos. “Paalam, anak ko.” Sinaboy ko ang abo ng kanyang labi sa isang ilog.

Kinagabihan, ako’y nangaral pa rin ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Mayroon doon na nagkamit ng kapatawaran sa kanilang mga kasalanan sa pagdalo ng pagtitipon sa araw na iyon. Nawala ang aking anak, nguni’t ang Panginoon ay binigay sa akin ang isa pang espiritual na anak sa araw na iyon.

Sinabi ko sa aking may-bahay, “Kung ang ating mga anak ay lalaki at mananagana, hindi ba natin ilalagay ang ating pag-asa sa kanila? Palagay ko unang kinuha ng Diyos ang aking anak, upang hindi ko ilalagay ang aking pag-asa sa anumang bagay dito sa lupa. Kaya minamahal ko, tanggapin ninyo ang nawala tulad ko, at huwag na tayong manangis. Wala bang tiyak na layon ang Diyos sa atin sa pagkuha sa ating anak? Tayo ay bibigyan ng Diyos ng ginhawa sa kapanahunan. Lahat ng ito ay nangyari habang ako ay malayo sa pangangaral ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu; ito ay bagay na nangyari sa pahintulot ng Diyos.” Bumangon akong muli sa aking paa na inilagay ang aking pananampalataya sa Diyos.

Yamang, ako, rin, ay tao lamang, kung ang aking mga anak na lalaki ay mananagana sa sanlibutang ito, marahil ako ay aasa rin sa kanila. Subali’t, napagtagumpayan ko lahat ng bagay sa pamamagitan ng aking pananampalataya sa Panginoon. Anuman ang aking ginawa, ginawa ko lahat ng ito sa pamamagitan ng pananampalataya. Kayo, rin, ay dapat malutas ang lahat ng bagay sa pananampalataya, anuman ang mga pagsubok na inyong haharapin, at anuman ang makalulugod sa Diyos. Kung wala ang pananampalataya sa Panginoon, hindi tayo tunay na makapagpapatuloy. Hindi natin maisasagawa ang gawain ng Diyos.

Nang may nakilala akong grupo ng mga

Ang Matuwid ay Mabubuhay Lamang sa pamamagitan 423 ng Pananampalataya

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

mananampalataya, na naging miyembro sa pagtataguyod ng aming misyong organisasyon, inanyayahan nila ako sa unang pagkakataon bilang tagapagsalita sa isang retreat, nguni’t ang oras na inilaan sa akin ay 11 ng gabi. Ito ay kalaliman ng gabi, nguni’t hindi ko inalintana, at kung kaya ako ay nangaral ng Salita kahit sa lalim ng gabi. Tulad ng dati, sa oras na ito nangangaral ako sa pamamagitan ng pananampalataya din. Wala akong magawa kundi ang manalangin sa Diyos para sa Kanyang saklolo. Bago mangaral, ako ay nagtungo sa aking tolda at nanalangin sa Diyos, “O Diyos, kung walang kaluluwa mula sa pagtitipong ito na magkakamit ng kapatawaran sa kasalanan sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, kung gayon ang ebanghelyo ay mabibigo sa pangangaral sa pagtitipong ito. Kaya Diyos, itong retreat ay napakahalaga. Ito mang pagtitipon ay magagamit Ninyo o hindi ito ay buong nakasalalay sa pangyayaring ito. Ang mga kaluluwa ay dapat mangaligtas.”

Itong oras ng pag-aaral at panalangin, ang oras sa hapon ay inilaan sa pakikipagtipan ng grupo. Ang iba’y nagsipaligo sa pool, habang ang iba ay nangisda. Ito ang isang opisyal na bahagi ng retreat. Kaya, habang ako ay nangangaral ng ebanghelyo sa kalaliman ng gabi, ang mga tagapakinig ay sobrang pagod mula sa programa ng buong araw at marami ang inaantok na, nagiging mahirap na ipangaral ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu na wasto.

Ang daan na nauuna sa akin ay malayo at marami ang nais kong talakayin, nguni’t yamang ako ay wala sa katungkulan upang pangunahan ang pagtitipon, hindi ko maaaring pangunahan sila kahit pa ibig ko, at kung kaya ako ay mag-isang umaakyat sa isang bundok tuwing hapon. Matapos ang panalangin, ako ay nagbalik sa kampo at nakita ang mga isdang nahuli nila na inihain sa hapunan. Ang masasabi ko

424 Ang Matuwid ay Mabubuhay Lamang sa pamamagitan ng Pananampalataya

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

lamang ay, “Salamat sa lahat ninyong pagsisikap. Tara ng kumain.”

Gayon pa man, nang matapos ang retreat, habang hinihintay ko ang pagdating ng bus at nakikipag-usap sa ilang mga mananampalataya. Pagkatapos ako ay nilapitan ng ilang mga kabataang lalaki. Inihanda ng Diyos ang oras para sa akin. Sa oras na iyon, aking muling naipangaral ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa kanila: “Ano ang kasalanan ng sangkatauhan? Ito ay tulad ng alon. Ito ay patuloy na dumarating habang kumikilos ang alon. Ang tao ay patuloy sa pagkakasala hanggang sa araw na sila’y pumanaw. Patuloy ang paghampas ng alon sa bawa’t oras, anuman ang pagtangka nilang pigilan ito. Ito ang likas na kasalanan. Tinanggap ni Jesu-Cristo lahat ng kasalanang ito sa pamamagitan ng bautismo.”

Sa oras na iyon na ang aming kapatid na si Wonki Choi, na isa ngayong pastor, tinanggap ang ebanghelyo. At maraming mga kabataang lalaki at mga babae ang nagkamit din ng kapatawaran sa kanilang mga kasalanan. Iyan kung paano nagsimula ang gawain ng ebanghelyo.

Nang ako ay nangaral kay Missionary Yonghwa Lee, na pinuno ng kongregasyong iyon, naisagawa ko rin sa pamamagitan ng pananampalataya. Sa oras na iyon, dinalaw ko siya sa kanyang tirahan, at matapos bumati ako ay naupo sa sofa. Sinabi niya sa akin, “Hayaan mong isang bagay ang itanong ko sa iyo.”

Sinabi ko, “Ano iyon?” Sinabi niya, “Bakit ang Diyos ay namuhi kay Esau habang

iniibig Niya si Jacob? Hindi ko maunawaan ito.” Kaya sinabi ko sa kanya, “Kunin mo ang iyong Biblia,” at buksan sa kanatang 9 sa Aklat ng Roma, nagsimula akong masalita.

“Sinasabi rito, ‘Ang layon ng Diyos ayon sa pagpili ay

Ang Matuwid ay Mabubuhay Lamang sa pamamagitan 425 ng Pananampalataya

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

mananatili, hindi sa mga gawa kundi sa Kanya na tumatawag.’ Sino ang tinawag ng Diyos? Tinawag niya ang taong tulad ni Jacob. Tinatawag Niya yaong mabababa, duwag, at hindi ginagalang, yaong, bagaman sila’y naniniwala sa Diyos, ay walang anumang maipagmamalaki. Ang mga ito ang tinatawag at nililigtas ng Diyos. Iniibig ng Diyos si Jacob at namumuhi kay Esau dahil ang taong tulad ni Esau ay labis na malakas para sa kanyang sariling kabutihan, dahil ang mga ito ay salungat sa Diyos sa halip na umaasa sa Kanya.”

Si Missionary Lee sa gayon ay sinabi sa akin, “Nag-aral ako ng mabuti at pinag-aralan ang marami hanggang sa oras na ito, nguni’t ikaw ang unang malinaw na nagtalakay ng paksaing ito. Anong mga aklat ang binasa mo?”

Habang ako tumitingin ng palibot sa kanyang silid-aralan, nakita kong marami siyang mga aklat, ngunit sinabi ko sa kanya, “Dalhin mo lahat ng mga aklat na ito sa isang tambakan. Napag-aralan ko lahat ng ito sampung taon na ang nakalipas. Nguni’t walang katotohanan sa mga ito, bagkus ay pawang lebadura na sumisira sa kaluluwa. Kung ikaw ay labis na nakakabit sa mga ito at hindi maitapon ang mga ito, kung gayon itago mo sa ngayon, nguni’t kapag nabatid mo na ang mga ito ay walang saysay, itapon mo ang mga ito.”

Ang kalagayan sa Iglesia sa panahong yaon ay gayon na lamang kung saan kailangan naming hirangin ang Missionary Lee bilang isang pastor. Sa gayon lamang maitatatag ang iglesia. Nguni’t maaari ba naming hirangin ang isang taong hindi isinilang na muli bilang lingkod ng Diyos? Kaya kami ay nanalangin, “O Diyos, sa aking pangangaral nitong ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa kanya, gayon man siya’y dapat manalig sa ebanghelyong ito. Sa gayon maiiwasan kong magkasala sa Inyo. Sa gayon lamang wastong matutupad ang Iyong gawain.”

426 Ang Matuwid ay Mabubuhay Lamang sa pamamagitan ng Pananampalataya

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

Ang panalanging tulad nito sa Diyos, naipangaral ko ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa pamamagitan ng pananampalataya. Si Missionary Lee ay hindi naging ganap sa pamamagitan ng ebanghelyo sa araw na iyon, nguni’t, nagpasiya pa rin ako na maghintay, at kung kaya ako ay nagpatuloy sa unti-unting pagpapaliwanag. Tulad nito, nangaral ako ng ebanghelyo kay Missionary Lee. Labis na marami ang kanyang mga tanong na kailangan kong alisin ang pagkabuhol at detalyeng ipaliwanag sa kanya ang Salita ng Diyos na may pananampalataya. Kaya sa katapusan, si Rev. Lee ay naligtas, at hinirang bilang isang lingkod ng Diyos, naglingkod ng ebanghelyo kasama namin na may pananampalataya, at naunang nagtungo sa Panginoon.

Kailangan din ang pananampalataya upang kayo ay magtiwala sa mga nauunang mga lingkod at sundin sila. Walang mga bagay sa buhay ng mga matuwid na hindi kinakailangan ang pananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ang pagsunod tulad ng iniatang ng mga nauuna sa pananampalataya ay nangangailangan din ng pananampalataya, at ang pagsunod sa kanila ay nangangailangan din ng pananampalataya—katotohanan, ang lahat ng bagay ay nangangailangan ng pananampalataya. Kapag ang mga nauuna sa pananampalataya ay hiniling na inyo gawin ang ilang bagay, hindi ba ninyo masusunod ang kanilang mga salita kung kayo ay walang pananampalataya sa kaayusang itinalaga ng Diyos?

Dapat tayong mabuhay sa paglalagay ng ating pananampalataya sa Salita ng Diyos at sa ating Panginoon. “Kalooban ng Diyos upang ang ebanghelyo ay ipangaral sa buong sanlibutan. Dapat nating ipangaral samakatuwid ang ebanghelyo, at ang ebanghelyo ay tunay na mapapalawig ng walang kabiguan.” Kapag tayo nga ay mananalig, ang gayong mga gawa ng pananampalataya ay sadyang magmumula sa atin.

Ang Matuwid ay Mabubuhay Lamang sa pamamagitan 427 ng Pananampalataya

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

Kahit pa hindi natin nauunawaan kung ano ang hinihiling sa atin na gawin ng mga nauuna sa pananampalataya, kung tayo’y may pananampalataya, sa gayon ating pag-iisahin ang ating mga puso sa kanila at sundin sa pamamagitan ng isang “oo.” Ang pananampalataya ay nagtulot para sa atin na isagawa ang anumang magiging pakinabang sa ebanghelyo, kahit pa ito ay hindi angkop sa ating mga pamantayan at susugat sa ating sarili.

Nalalamang lubos ng mga Kristiyano na kailangan nilang ipangaral ang ebanghelyo sa sanlibutan, nguni’t hindi nila maihatid ang kanilang mga sarili na isagawa ito. Sa pamamagitan ng karaniwang paraan ng pag-ebanghelyo, lahat ay walang saysay anuman ang kanilang pagsisikap. Kung ang isang misyonero ay magtungo sa ibang bansa, aralin ang kanilang lokal na kultura, magtatayo ng iglesia, magsisimula ng kawang-gawa tulad ng isang hospital o isang paaralan, at maisagawang magdala ng maraming tao sa kongregasyon, sa gayon ang misyonerong ito ay nakamtan ang isang kahanga-hangang tagumpay. Ang misyonerong mga gawa ni William Carey, na siyang nagtungo sa India at doon ay nangaral ng ebanghelyo, at si Hudson Taylor, na siyang nagtungo at nangaral ng ebanghelyo sa Tsina, ay nanatili bilang bago at malaking pagbabago ng mahalagang pangyayari sa kasaysayan ng misyong pang-Kristiyano.

Nguni’t paano ang sa atin? Ating pinangangaral ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa buong sanlibutan sa pamamagitan ng aming mga babasahin. Kung si Jesus ay hahabaan pa ng kaunti ang pagbabalik, tayo ay mabibilang sa kasaysayan tulad ng mga nakagawa ng ministeryo sa mahalagang yugto ng pagbabago sa pangangaral ng tunay na ebanghelyo. Bagaman ang mga tao ay maliit ang pagpansin sa atin, kanilang mababatid na tayo’y mga taong may malaking

428 Ang Matuwid ay Mabubuhay Lamang sa pamamagitan ng Pananampalataya

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

pananampalataya. Sa pamamagitan ng pananampalataya kung kaya tayo ay nabubuhay ngayon. Tayo’y nakapaglingkod sa Panginoon sa pamamagitan ng pananampalataya hanggang sa araw na ito, at tayo’y patuloy sa paggawa sa mga araw na darating. Sinabi ng Biblia, “Ang pananampalataya ay siyang kapanatagan sa mga bagay na hinihintay, ang katunayan ng mga bagay na hindi nakikita” (Hebreo 11:1).

Ang gawain ng Diyos ay maisasagawa lamang sa pamamagitan ng pananampalataya. Ang diablo ay nagapi sa pamamagitan din ng pananampalataya, ang ating mga kaaway ay natalo rin sa pamamagitan ng pananampalataya, at lahat ng bagay ay maisasagawa sa pamamagitan ng pananampalataya. Ang mabuhay ay sa pamamagitan din ng pananampalataya. Dapat tayong mabuhay sa pamamagitan ng pananalig sa Panginoon. Dapat tayong magkaisa kasama ang Panginoon sa pamamagitan ng pananampalataya, at dapat tayong sumunod sa Kanya sa pamamagitan ng pananampalataya. Maaari kayong mabuhay sa pamamagitan ng pananampalataya kung kayo lamang ay walang kapangyarihan. Hindi kayo makaaasa sa inyong pananampalataya hanggang taglay ninyo ang inyong sariling lakas.

Ang mga ostrich ay may malalaking mga pakpak. Kung sila’y lilipad sa pamamagitan nitong mga pakpak, sila’y higit na makalilipad na mabilis kaysa sa isang agila. Sila rin ay malalakas. Kahit pa ang isang tao ay nakaupo sa kanilang likuran, sila’y makakatakbo tulad ng isang kabayo. Ganito kung gaano ang laki at lakas ng mga ostrich. May kakayahan silang tumakbo ng 80 km. (50 milya) kada oras. Nguni’t yamang ang kanilang mga paa ay labis na matibay, hindi na nila kailangan pang lumipad. Dahil hindi nila kailangang lumipad.

Subali’t, maging ang isang ostrich ay gagamitin ang

Ang Matuwid ay Mabubuhay Lamang sa pamamagitan 429 ng Pananampalataya

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

kanyang mga pakpak kapag naputol ang kanyang mga paa. Hinahabol ng isang leon, iwawagwag niya ang kanyang mga pakpak sa pagsisikap na takasan ang kamatayan at mailipad ang kanyang katawan. “Wow, hindi ko batid na taglay ko ang magandang mga pakpak.” Matatalo lamang ng ostrich ang isang agila kung ito’y lilipad. Upang mapalipad ang isang ostrich, dapat nating putulin ang paa nito. Putulin habang ito’y natutulog. Pagkatapos, ito’y makalilipad sa isang buwan, kung pakakainin natin ito at aalagaan ang mga sugat panumandali. Ang manok, din, ay makalilipad kapag putol ang mga paa nito. Ang mga sisiw ay mapapalipad sa ilang sandali. Kung ang mga paa nito ay puputulin matapos isilang at pagagalingin ang kanilang mga sugat, sila’y lilipad, yamang sila’y hindi na makapaglakad.

Alam ba ninyo kung bakit hindi ninyo magawang mabuhay na nagtitiwala sa Panginoon? Hindi kayo makapamuhay sa pananampalataya dahil sa inyong sariling lakas ay labis na matatag. Dahil mayroon kayong ibang maaaring asahan. Para sa akin, wala na akong ibang maaaring asahan. Ako ay pinaalis sa aking tahanan, ng aking mga kaibigan, at ng aking dating denominasyon.

Kung ang inyong katauhan ay hindi mapatatalsik, kung mabilis kayong mag-isip, o kung kayo ay matibay na sapat sa inyong sarili, kayo ay mahahantong na umaasa sa mga bagay na ito. Nguni’t kapag inyong nabatid na lahat ng ito ay walang kabuluhan, kayo ay magtitiwala lamang sa Salita ng Panginoon at mabubuhay sa pananampalataya. Ang matuwid ay mabubuhay lamang sa pamamagitan ng pananalig. Hindi kapag ang lahat ng bagay ay nagiging mabuti para sa atin kaya tayo nabubuhay sa pananampalataya, bagkus kapag ang mga bagay ay naging mahirap kaya tayo nabubuhay sa pananampalataya. Sa gayon tayo lalapit upang manalangin sa Diyos.

430 Ang Matuwid ay Mabubuhay Lamang sa pamamagitan ng Pananampalataya

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

Dapat kayong manalig na ang Diyos ay pinahintulot ang inyong mahirap na mga pangyayari upang ibigay sa inyo ang pananampalataya, at dapat kayong manalangin sa Diyos at sundin Siya, nananalig na Siya’y tutugon sa lahat ninyong mga panalangin. Wala akong maaaring asahan sa aking sarili. Magaspang ang aking bibig at maikli ang pasensya; hindi ako lubos na edukado at mahina; taglay ko lahat ng uri ng suliranin sa kalusugan; at ako ay maliit at payat. Sino ang magkakagusto sa gayong taong tulad ko? Ano ang mayroon ako upang aasahan? Hindi ko taglay ang anuman upang asahan.

Umaasa pa rin ba kayo sa ibang bagay na mayroon kayo? Dapat ninyong mabatid na ang mga bagay ng laman ay walang kabuluhan. Dapat ninyong mabatid na ang mga nakamit ng tao ay walang saysay sa harap ng Diyos. Kung tayo ay may sapat na tinapay ngayon, hindi tayo mananalangin para sa araw-araw na tinapay. Nguni’t kung walang tinapay, tayo ay mananalangin para dito. Kapag ating nabatid ang ating mga kakulangan tayo’y lumalapit upang manalangin sa Diyos at hingin sa Kanya ang ating mga pangangailangan. Kapag ating nabatid kung gaano ang halaga ng gawain ng Diyos tayo’y mananalangin. Ito ang pananampalataya.

Aking kapwa mga mananampalataya, kapag inyong nabatid kung gaano ang halaga ng paglilingkod sa Panginoon, lahat kayo ay mamumuhay sa pamamagitan ng pananampalataya.

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

Italaga ang Inyong mga Puso sa Diyos

< Genesis 1:20-23 > “At sinabi ng Dios, ‘Bukalan ng sagana ang tubig ng

mga gumagalaw na kinapal na may buhay, at magsilipad ang mga ibon sa itaas ng lupa sa luwal na kalawakan ng himpapawid.’ At nilikha ng Dios ang malalaking hayop sa dagat, at ang bawa’t may buhay na kinapal na gumagalaw, na ibinukal na sagana sa tubig, ayon sa kanikaniyang uri at ang lahat na may pakpak na ibon, ayon sa kanikaniyang uri; at nakita ng Dios na mabuti. At mga binasbasan ng Dios, na sinabi, ‘Kayo’y magpalaanakin, at magpakarami, at inyong punuin ang tubig sa mga dagat, at magpakarami ang mga ibon sa lupa.’ At nagkahapon at nagkaumaga ang ikalimang araw.”

Inutos ng Diyos na magkaroon ng mga ibong lumilipad sa

kalawakan ng langit at isda na managana sa tubig, at ang mga ibon at isda ay magpalaanakin at magparami. Ito’y nagsasaad na ang matuwid ay kailangang mabuhay sa pananampalataya upang sumagana ang espiritwal na mga bunga. Alinsunod nito, ang matuwid ay kailangang likas na manalig sa Diyos at sa Kanyang Salita, sa Kanyang Iglesia, at sa katunayang ang Diyos ay inaakay sila sa Kanyang Iglesia. Kailangan silang magkaroon ng pananampalataya sa pangako upang sila’y magtagumpay sa katawan at sa espiritu kapag kanilang nabatid at nanalig na ang pangangaral ng ebanghelyo ng tubig at ng

432 Italaga ang Inyong mga Puso sa Diyos

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

Espiritu ay ang kalooban ng Diyos. Sa ibang pananalita, ang matuwid ay dapat italaga ang

kanilang mga puso sa Diyos. Dapat nating italaga ang ating mga isipan sa Diyos upang mamuhay ayon sa Kanyang kalooban bilang pagsunod, at dapat tayong mamuhay sa pamamagitan ng paglalagay ng ating pananampalataya sa Diyos. Inutos ng Diyos sa isda na magparami sa tubig. Sinabi ng Diyos sa atin na italaga ang ating mga isipan upang mabuhay sa pamamagitan ng pananampalataya, at ang dahilan bakit sinabi Niya ito ay dahil ito ay ayon sa kalooban ng Diyos na ating dapat ipamuhay.

Dapat Nating Makuhang Tanggapin ng Diyos ang Ating mga Puso

Sa Lumang Tipan, kabanata 11 ng Aklat sa Levitico ay

sinasaad ang mga uri ng mga ibon at mga isda na makakain at hindi makakain. Sa mga ito, ang mga matataas na ibon na may payat na mga binti at mahabang leeg na ating karaniwang nakikita ay inilarawan bilang di-malinis na mga ibon na hindi makakain. Ang mga ito ay kadalasang nakatayo sa mababaw na tubig, naghihintay sa pagdaan ng isda. Nakatayo silang di-halos gumagalaw animo sila’y mga estatwa. Nguni’t paglangoy ng isda, susunggaban sila ng mga ibong ito. Sinasabi ng Biblia na ang gayong mga ibon ay maruruming mga ibon. Sa espiritwal na pananalita, ang mga ibong ito ay tulad ng mga lingkod ni satanas.

Habang ang Salita ng Diyos ay pinaghihiwalay ang mga ibon at isda sa dalawang uri, isang nakakain at ang di-kinakain, hindi natin mapakahulugan ito ng literal sa karnal na mga bagay at iugnay sa ating mga buhay. Kailangan nating

Italaga ang Inyong mga Puso sa Diyos 433

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

malamang lubos na ito ay upang ituro sa atin ang ilang espiritwal na mga katotohanan sa paghiwalay ng Diyos sa mga ibong malilinis at yaong hindi malinis.

Hinati rin ng Diyos ang isda sa malinis at yaong hindi malinis, at sa mga ito, pinahintulot Niya yaong mga may kaliskis at mga palikpik upang makakain. Yaong walang kasalanan at mga palikpik, sa kabilang dako, ay pinagbabawal. Pagdating sa ating buhay pananampalataya, ito’y nagsasaad na ating talikdan ang buhay na walang pananampalataya at mabuhay lamang sa pamamagitan ng pagtitiwala sa Diyos. Nalalaman natin na kung ating titignan ang isda na walang kasalanan na nasa tubig, makikita natin na ang gayong mga isda ay mga carpa at mga palos. Ang isdang walang kaliskis at mga palikpik ay tumutukoy sa mga Kristiyanong nabubuhay na walang pananampalataya.

Sa mga araw na ito maraming mga ilog ang labis na marumi na isagawa ito, nguni’t dati, nang ang mga ilog ay malinis, kadalasan ako ay nagpupunta doon kasama ang mga mag-aaral ng paaralang misyon upang magpiknik. Nang kami ay naglilingkod sa isang bagong iglesia sa isang maliit na lungsod, nang walang gaanong makakain, kadalasan kami ay nagpupunta sa ilog dala ang isang lambat upang humuli ng isda. Kami’y nagtungo sa ilog at hinagis ang lambat patawid ng baybaying ilog upang manghuli ng isda, nguni’t nahuhuli ang gayong mga isda tulad ng mga carpa, hito, at mga palos. Ang hito at mga palos kadalasan ay kumakain ng maliliit na isda, at kung kaya sila’y madalas sa mga bahagi kung saan marami ang maliliit na isda.

Sinabi ng Diyos na ating kanin ang isda na may kaliskis at pinagbabawal sa atin ang kumain ng isdang walang kaliskis at mga palikpik. Ang isdang walang kaliskis ay hindi nabubuhay sa malakas na agos ng tubig. Salungat nito, ang isdang may

434 Italaga ang Inyong mga Puso sa Diyos

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

kaliskis at palikpik ay lumalangoy kahit saan, kahit pa may malalakas na agos. Ang isdang may kaliskis ay makalalangoy pasulong sa agos.

Nalalaman natin, ang mga salmon ay may kakayahang mahanap ang kanilang pinagmulan. Sila’y lalangoy laban sa agos ng tubig upang magbalik sa lugar ng kanilang pagsilang at mangingitlog doon, inilalagay ang kanilang buhay sa panganib at dumadaan sa paghihirap laban sa lahat ng uri ng mga balakid. Kapag sila lamang ay nakabalik sa lugar na sila’y isinilang na sila’y mangingitlog. Na ang isdang may kaliskis ay maaaring humayo at mabuhay kung saan man niya ibig.

Ang isdang walang kaliskis, sa kabilang dako, ay hindi makakalangoy laban sa agos. Ang gayong isda ay may makitid na bintahan ng hamon upang makalipat sa isang higit na malinaw na lugar. Hindi man lamang nila nais na gumalaw palibot. Sila’y nabubuhay ng kanilang buong buhay sa lugar ng kanilang pagsilang, mangingitlog at mamamatay sa isang dako.

Upang magkaroon ng espiritwal na paghalintulad, tayong mga matuwid ay tulad ng isdang may kaliskis. Subali’t, upang tayo ay mabuhay para sa Panginoon, ang unang bagay na ating dapat gawin ay italaga ang ating mga puso sa Diyos. Ang ating pananampalataya ay ito: Tayo’y nananalig na ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay ang tanging Katotohanan; tayo ay naligtas sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu; tayo’y bayan ng Diyos; tayo’y nabubuhay para sa ebanghelyo mula ngayon; at samakatuwid, ang Iglesia ng Diyos ay atin. Ang Iglesia ng Diyos ngayon ay ating tahanan. Nang si Jacob ay nakatulog sa ilang nakahimlay ang kanyang ulo sa bato bilang unan, nakita niya ang mga anghel ng Diyos na umaakyat at bumababa sa isang hagdanan, at sinabi niyang, “Ito ang tahanan ng Diyos.” Gayon din, ating ipapahayag din na ang Iglesia ng Diyos ngayon ay ating tahanan.

Italaga ang Inyong mga Puso sa Diyos 435

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

Yamang tayo ay naligtas sa ating mga kasalanan, tayo ngayon ay lumalapit sa Iglesia ng Diyos at tayo ngayon ay naninirahan dito. Subali’t, ang ilan sa atin ay hindi pa napalaya ang kanilang mga puso, habang ang iba sa atin ay nagawa na. Sa mga Kristiyanong isinilang na muli, yaong itinalaga ang kanilang mga isipan sa Diyos ay nabibilang ngayon sa Diyos, at lahat tayo ay tiyak na gayong mga taong nananalig na tayo’y kabilang kay Jesus at iniingatan ang pananampalatayang ito.

Ang gayong tao ay pinapahayag ang kanilang pananampalataya sa pagsabing, “Tayong lahat ay bayan ng Diyos. Ito lahat ang aking bayan. Ang mga tao sa Iglesia ay aking sariling mamamayan. Ang ating paggawa dito sa Iglesia ng Diyos ay paglilingkod sa Panginoon.” Tulad niyaon, ang ating mga puso ay dapat italaga tulad nito.

Ang matuwid, sa madaling salita, ay hindi maaaring paparoon at paparito tulad ng paniki sa mga alamat ni Aesop, sinasabing siya’y isang daga tuwing umaga at isang ibon sa gabi. Ang paniki ay hindi tatanggapin ng mga ibon o ng mga hayop. Kaya ito ay naninirahan sa madilim na yungib. Habang ang lahat ng ibon ay namumuhay sa pagkakasundo, ang paniki ay mag-isang naninirahan sa pugad.

Yaong hindi itinalaga ang kanilang mga puso sa Diyos ay hindi lamang kinamumuhian ng Diyos, nguni’t sila rin ay maaaring kinamumuhian ng tao sa sanlibutan. Ang ating mga puso ay dapat sumunod at pasailalim sa kalooban ng Diyos. Ang ating mga puso ay dapat naisin ang mabuhay para sa katuwiran ng Diyos. Dapat nating italaga ang ating mga puso, sa kapasiyahang, “Bilang lingkod ng Diyos, hindi na ako mabubuhay para sa sanlibutang ito bagkus para lamang sa katuwiran ng Diyos.” Sa ibang salita, ang ating mga puso ay dapat munang hangarin ang manalig sa katuwiran ng Diyos, sundin ito, at sumunod.

436 Italaga ang Inyong mga Puso sa Diyos

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

Si Apostol Pablo ay taglay ang gayong itinakdang puso. Kaya hinayag niya, “Ako’y napako sa krus na kasama si Cristo; at hindi na ako ang nabubuhay, kundi si Cristo ang nabubuhay sa akin; at ang buhay na ikinabubuhay ko ngayon sa laman ay ikinabubuhay ko sa pananampalataya, ang pananampalataya na ito’y sa Anak ng Dios, na sa akin ay umiibig, at ibinigay ang Kanyang sarili dahil sa akin” (Galacia 2:20).

Samakatuwid, upang tayo ay marangal na makapaglilingkod kay Cristo sa pamamagitan ng ating mga buhay, dapat nating italaga ang ating mga puso upang mabuhay para sa Kanya. Hindi pinagpapala ng Diyos yaong ang mga puso ay walang hangarin para sa katuwiran ng Diyos. Ang Diyos ay kumikilos lamang sa mga puso na nananalig sa Kanyang katuwiran at itinalaga ito. Ang Diyos ay kasama ng mga taong may pananampalataya na nananalig sa Kanyang Salita. Siya’y nalulugod sa mga nagtalaga ng kanilang mga puso sa Diyos. At sa gayong mga tao ang tinutulungan ng Diyos. Hinihikayat ng Diyos ang gayong puso ng tao at binubuksan ang kanilang espiritwal na mga mata, at sa pangyayaring ito ginawa Niyang posible para sa kanila na ibahagi ang Kanyang gawain.

Salungat nito, hindi pinagpapala ang Diyos yaong hindi itinalaga ang kanilang mga puso. Ang gayong mga taong hindi nagtalaga ng kanilang mga isipan sa Diyos ay patuloy na nagtataka kung sila’y isasagawa ang gawain ng Diyos o hindi.

Tayo’y maaaring mabuhay para lamang sa katuwiran ng Diyos kung taglay natin ang paniniwala na ang paglilingkod sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay ang wastong buhay na kailangang ipamuhay ng mga matuwid. Upang ating maitalaga ang ating mga isipan sa pagpapalawig ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ang ating mga puso ay dapat tiyakin ang mabuhay para lamang sa katuwiran ng Diyos. Hindi tayo dapat

Italaga ang Inyong mga Puso sa Diyos 437

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

nagdadalawang-isip, sa madaling salita, iniisip, “Ipapangaral ko ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa sanlibutang ito sa ngayon, nguni’t kung may mangyaring mali, ako ay lalabas sa sanlibutan.” Yaong ang mga puso ay hindi itinalaga sa Diyos ay huwag umasa na magkakamit ng anumang bagay mula sa Kanya. Ang Biblia ay sinabi nga ito sa Santiago: “Nguni’t himingi siyang may pananampalataya, na walang anomang pagaalinlangan sapagka’t yaong nagaalinlangan ay katulad ng isang alon ng dagat na itinutulak ng hangin at ipinapadpad sa magkabikabila. Sapagka’t huwag isipin ng taong yaon na siya’y tatanggap ng anomang bagay sa Panginoon; ang taong may dalawang akala, ay walang tiyaga sa lahat ng kaniyang mga paglakad” (Santiago 1:6-8).

Dapat nating italaga ang ating mga puso upang mabuhay kasama ang Panginoon sa lahat ng oras, itinakdang mabuhay kasama ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu anuman ang mangyari. Sa gayon ay ating maitatalaga ang ating mga puso upang masunod ang kalooban ng Diyos na ang Diyos ay kumikilos sa ating mga buhay. Kung ang ating mga puso ay hindi itinalaga sa Diyos, sa gayon tayo nga ay mapapabilang sa sanlibutan balang araw, at pagkatapos sa Iglesia ng Diyos sumunod na araw. Sa madaling salita, kapag ang isipan ng tao ay hindi itinalaga, siya’y pabagu-bago, na itinutulak ng hangin at ipinapadpad sa magkabikabila.

Nang ang Aleman ay nahati at naging Silangang Aleman at Kanlurang Aleman, mga maniniktik ay pinadala sa bawa’t isa sa kanila, at itong ibang mga maniniktik ay doble-maniniktik. Itong mga maniniktik ay inaabot ang kaalaman sa panig ng isa tungo sa iba, at ang kaalaman ng ng isa sa nauuna. Kaya naging mabuti ang kanilang nagawa habang ito ay tumatagal, yamang sila’y nababayaran ng doble. Nguni’t di-naglaon ang Aleman ay nagsanib. Ang higit na

438 Italaga ang Inyong mga Puso sa Diyos

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

kinamumuhian sa nag-isang Aleman ay itong mga maniniktik na ito. Sila yaong nagkanulo sa kanilang sariling bayan para lamang sa kanilang sariling hangarin ngayon ay pinaghahanap, lilitisin, at parurusahan. Salungat nito, ang mga maniniktik na nagsitrabaho para sa isang bayan lamang, ito man ay sa Silangang Alema o Kanlurang Aleman, lahat sila’y pinatawad sa kanilang mga paniniktik. Kapatawaran ay pinagkaloob dahil itong mga maniniktik ay ginawa ang kanilang dapat gawin sa ilalim ng di-maiiwasang mga pangyayari ng nahating Aleman, para sa kapakanan ng pamahalaang pinaglilingkuran nila. Subali’t, ang mga doble-maniniktik ay kailangan litisin. Itong mga doble-maniniktik ay kinamumuhian ng mga tao sa Silangan at Kanlurang Aleman. Maging ngayon, matapos ang higit na isang dekad mula ng magkaisa, ang mga doble-maniniktik ay pinaghahanap pa rin at uusigin.

Kung ito ay mangyayari maging sa sekular na daigdig, gaano ang higit na pangangailangan para sa atin na italaga ang ating mga puso? Paano kayo at ako, mga nagsisilbi sa Kaharian ng Diyos, pabagu-bago, itinatalaga ang ating mga puso sa sanlibutang ito ng isang araw at sa Kaharian ng Diyos sumunod na araw? Kung gagawin natin ito, tayo’y tiyak na kamumuhian at tatanggihan ng kapwa panig. Sa ating buhay, dapat nating italaga ang ating mga puso sa Kaharian ng Diyos at sa Kanyang ebanghelyo. Itinalaga ang ating mga puso sa matuwid na daan ay bagay na magaganap sa bawa’t isa sa atin. Hindi gawain ng Diyos. Hindi tayo pinipilit ng Diyos na gawin ito laban sa ating kalooban. Ang matuwid ay nahaharap din sa mga pagdurusa kung minsan, nguni’t ang iba sa kanila ay hindi kailangang magdusa dahil sa kanilang kabiguang sundin ang kalooban ng Diyos.

Aking kapwa mga mananampalataya, italaga ang inyong mga puso sa Diyos. Ang inyong mga puso ay dapat italaga sa

Italaga ang Inyong mga Puso sa Diyos 439

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

Diyos. Bagaman tayo ngayon ay nasa Iglesia ng Diyos, sa atin na hindi pa itinatalaga ang kanilang mga puso kahit minsan ay hindi maaaring wastong mabubuhay sa Diyos. Ang gayong tao ay nagdadala ng labis na ligalig sa Diyos. Kapag gumagawa kasama nila, halos walang anumang espiritwal na gawain ang magaganap. Sila’y lalayo kapag mahirap na ang sumunod sa Panginoon, at susunod lamang sila kapag ang gawain ng Diyos ay bumuti na. Ito bang uri ng puso ay matuwid na puso sa Diyos? Kapag ating itinalaga ang ating mga isipan sa Diyos, dapat tayong magpatuloy sa pag-aararo sa lahat ng hadlang sa pananampalataya. Yamang tayo ay mamamayan na ng Diyos at kawal na sa Kanyang Kaharian, dapat tayong magtiwala sa Diyos, tanggapin ang mga suliranin ng Kanyang Iglesia bilang atin sariling mga suliranin, hingin ang tulong ng Diyos, at isagawa ang Kanyang gawain ng buong ating lakas. Subali’t, sa mga hindi pa itinalaga ang kanilang mga isipan, sa tuwing sila ay may suliranin habang isinasagawa ang gawain ng Diyos, ang kanilang mga puso ay malilihis sa panig ng mga tao sa sanlibutang ito.

Kung tayo ngayon ay nais mabuhay sa Iglesia ng Diyos bilang Kanyang espiritwal na mga kawal, at magtungo sa paaralang misyon para sa layuning ito, sa gayon dapat nating italaga ang ating mga isipan sa Diyos. Kung inyo ng naitalaga ang inyong mga isipan bago pumarito, kung gayon ito’y higit na makabubuti; subali’t, kung hindi pa rin ninyo naitalaga ang inyong mga kaisipan bago pumarito, kung gayon huwag itong aalisin ang italaga ang inyong mga puso agad.

Nalalaman ng Diyos ang lahat kung tayo ay nagtalaga ng ating mga puso sa Kanya o hindi. Yaong hindi itinalaga ang kanilang mga puso sa Diyos ay hindi nalalaman kahit sila’y tinutulungan ng Diyos. Ni sila’y may pananampalataya sa Diyos. Ang espiritwal na digmaan sa ating pakikibaka ay

440 Italaga ang Inyong mga Puso sa Diyos

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

magtatagumpay lamang kung ang ating panig ay malinaw na nakikilala mula sa ating kaaway. Ang kaaway ay dapat malupig at putulin sa pamamagitan ng tabak. Kung inaakala ng ating mga kaisipan na maaari tayong maging mga tao tulad nito at ang taong yaon, paano natin maisasagawa ang espiritwal na pakikibaka? Dapat nating italaga ang ating mga puso tulad ng sumusunod: “Ako ay kabilang sa bayan ng Diyos, ako ay kabilang kay Cristo, at ako ay Kanyang kawal. Ako ay nabubuhay para sa Kaharian ng Diyos at sa Kanyang bayan.” Atin ngayong italaga ang ating mga puso.

Tayo ay mga Kawal ng Panginoon na Kanyang Tinawag

Sa Katimugang Korea, ang hukbo ay binubuo ng mga

batang lalaki na sa hanay ng serbisyo. Gayon din, tayo ay nasa hanay din ng Diyos bilang mga espiritwal na kawal ng Kanyang Kaharian. Sa mga nabubuhay bilang mga kawal, nararapat lamang na sundin Yaong tumawag sa kanila, ito ay, ang ating Panginoon, at tapat na ipagtatanggol at palalawakin ang Kanyang Kaharian (2 Timoteo 2:4). Wala ng lugar para sa di-katiyakan dito; malibang tayo ay sukdulang nakatitiyak ukol dito, tayo’y mahaharap sa espiritwal na kamatayan.

Kapag tayo ay nasa espiritwal na pakikidigma, paano tayo mabubuhay kung ang ating mga kaaway ay magsitakbo palayo sa digmaan at magtago? Ililigtas ba tayo ng kaaway? Isa lamang ang mapipilian: tayo ay sumuko sa kaaway, o talunin natin sila sa pamamagitan ng pananampalataya at magtagumpay sa kanila. Upang tayo ay hindi sumuko sa kanila, dapat nating lupigin sila. Sa pamamagitan ng espiritwal na kapangyarihan ng ating pananampalataya, dapat nating tiyakin

Italaga ang Inyong mga Puso sa Diyos 441

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

ang ating espiritwal na pagtagumpay. Upang maisagawa ito, ang ating mga puso ay dapat malinaw na maitalaga.

Para sa akin, aking naitalaga ang aking puso sa Diyos na di-nagbabago. Itinalaga ko ang aking isipan sa Diyos noon pa, kahit bago ako magsanay tulad ninyo. Nang makilala ko ang Panginoon sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, itinalaga ko ang aking puso sa Diyos at nagpasiyang mabuhay sa nalalabi kong buhay para sa Kanyang gawain.

Yaong nagkamit ng kapatawaran sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay mahalaga sa Diyos, nguni’t hindi ito ang nakikita ng Diyos sa mga hindi isinilang na muli. Kapag ang mga mananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay natisod, sinabi ng Diyos, “Ito ay walang malaking halaga. Lahat ng tao ay tulad niyaon,” nguni’t Siya’y walang pagpaparaya sa mga hindi Kanyang bayan.

Dapat tayong magkaroon ng malinaw na pagkilala sa pananampalataya. Ang bayan ng Israel ay kinikilala ang mga taong hindi kabilang sa kanila bilang mga Gentil, bahagyang mabuti kaysa sa mga halimaw. Alam ba ninyo ang dahilan nito? Dahil inaakala ng mga Israelita na sila’y bayang pinili ng Diyos. Maging ngayon, sila’y nakikibaka sa mga Palestino. Kapwa nagmula sa lahi ng iisang ninuno sa laman, ito ay, si Abraham. Si Abraham ay unang isinilang si Ismael mula kay Hagar, at sa huli ay si Isaac ayon sa pangako ng Diyos. Ang isang anak ay isinilang mula sa pangako ng Salita ng Diyos, at ang isa ay isinilang mula sa kaugnayan ni Abraham sa isang aliping babae.

Tulad nito, malinaw na hiniwalay ng Diyos yaong naging espiritwal na Kanyang bayan sa mga hindi. Itinalaga ng Diyos yaong nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu bilang Kanyang espiritwal na bayan, at Kanyang isinantabi yaong

442 Italaga ang Inyong mga Puso sa Diyos

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

hindi nananalig sa ebanghelyong ito bilang hindi Kanyang bayan. Kung hindi pa rin natin nakikilala ang bayan ng Diyos sa mga hindi, at kung hindi pa rin natin naitalaga ang ating mga isipan sa Kaharian ng Diyos, kung gayon paano ang gayong mga tao ay makikibaka sa espiritwal na digmaan? Paano ninyo matutupad ang ministeryo ng pagpapalawig ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu? Mapapalaya natin ang iba mula sa kasalanan kung atin lamang tiyak na nalalaman kung saan tayo nabibilang. Kung hindi, paano natin makakamtan ito?

Aking kapwa mga mananampalataya, kung hindi pa rin ninyo naitalaga ang inyong mga puso sa anumang pagkakataon, pinapayo ko sa inyong lahat na italaga ang inyong mga isipan sa Diyos kahit sa sandaling ito. Wastong italaga ang inyong mga puso, magpasiyang mabuhay sa pagtatayo ng Kaharian ng Diyos. Ang Diyos sa gayon ay pagpapalain kayo at malulugod na magsigawa kasama kayo. Kapag kayo ay nagpasiyang mabuhay para sa Panginoon ang Diyos ay malulugod at pagpapalain kayo. Ang Diyos ay hindi kumikilos sa mga hindi pa nagtalaga ng kanilang mga kaisipan. Inyo bang maisasagawa ang gawain ng Diyos, malibang ang Diyos ay kumikilos sa atin? Hindi.

Dapat nating baguhin ang ating mga kaisipan. Dapat tayong mabuhay para sa Kaharian ng Diyos, na siyang ating sariling Kaharian. Sa halip na isipin lamang ang ating mga sarili, dapat tayong mabuhay para sa Kahariang ito at sa mga taong ito na ating kinabibilangan. Aking kapwa mga mananampalataya, naitalaga na ba ninyo ang inyong mga kaisipan? Kung gayon, kayo ay nasa kalagitnaan na ng pagsasanay. Ang inyong gagawin lamang para sa inyong nalalabing pagsasanay ay sundin at pag-aralan sa pamamagitan ng pananampalataya, at makiisa sa Iglesia. Kapag ang isipan ay naitalaga, ang laman ay tiyak na susundin ito.

Italaga ang Inyong mga Puso sa Diyos 443

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

Una sa lahat, ang inyong mga puso ay dapat italagang mabuhay sa pananampalataya. Ito kung bakit hiniwalay ng Diyos ang nakakaing mga ibon sa mga hindi makakaing mga ibon, at ang makakaing isda sa hindi makakaing isda. Ang isdang may kaliskis at mga palikpik ay nababagay na lumangoy salungat sa agos. Sa ibang salita, yaong itinalaga ang kanilang mga puso na mamuhay sa uri ng buhay na hangad ng Panginoon sa kanila mamuhay. Sila’y nagpapatuloy na pasalungat sa agos ng mga panahon ng sanlibutan. Hindi nila ginagawa ang kanilang ibig, bagkus anuman ang kanilang ginagwa, ginagawa nila para sa Panginoon. Sila’y nabubuhay sa pananampalataya, kahit pa ito ay maliit. Kung ang puso ng isang tao ay hindi naitalaga, hindi niya maisasagawa ang gawain ng Diyos, nguni’t ang isang taong nagtalaga na kanyang kaisipan ay maaaring matupad ang gawain ng pananampalataya bilang kawal ng Diyos. Ito ang sinisikap na sabihin ng Diyos sa atin sa pamamagitan ng Kanyang gawaing paglikha sa ikalimang araw.

Naniniwala ba kayong nilikha ng Diyos itong kalawakan? Naniniwala ba kayong ginawa ng Diyos lahat ng anyo ng nabubuhay, ang bawa’t isa ayon sa uri nito? Oo nilikha Niya. Tunay na nilikha ng Diyos ang mga ibon ayon sa bawa’t uri nito, tulad ng paglikha Niya sa isda ayon sa uri nito. Ang teoriya ng ebolusyon ang nagbulag sa mga mata ng tao, at bunga nito, marami sa kanila ay hindi nakikilala kung ano ang natupad ng Diyos ayon sa Katotohanan; subali’t, yaong ang mga mata ay nangakabukas ay malinaw na nakikilala na ang Diyos ang lumikha sa kalawakang ito at lahat ng bagay nito. Ginawa Niya ang mga ito ayon sa uri ng bawa’t isa.

Aking kapwa mga mananampalataya, naniniwala ba kayo na ang pagtitipong ito na nagpapalawig ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay ang Iglesia ng Diyos? Naniniwala ba kayo na

444 Italaga ang Inyong mga Puso sa Diyos

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

ito ang Kaharian ng Diyos? Walang iba kundi kayong mga manggagawa ng Diyos, at kayo na inilagay sa hanay bilang Kanyang hukbo. Bawa’t isa sa atin ay dapat italaga ang ating mga puso. Ang ating mga buhay ay nagbago batay sa kung paano natin itinalaga ang ating mga puso sa Diyos. Ang ating ginagawa ay tila iyon din sa panglabas na anyo, nguni’t ang gawaing naisagawa ng mga nagtalaga ng kanilang mga puso sa paglilingkod sa Panginoon ay kakaiba.

Yaong nagtalaga ng kanilang mga kaisipan ay nagsisigawa para sa Diyos. Salungat nito, yaong hindi itinalaga ang kanilang mga kaisipan ay nabubuhay para sa kanilang mga sarili. Sa ating pagsagawa ng gawain ng Diyos, kadalasan ay ating nakikilala ang maraming tao na tila isinasagawa ang gawain ng Diyos sa panglabas, nguni’t sa katunayan ay nagsisigawa para sa kanilang mga sarili.

Ang Panginoon ay nangusap ukol sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa Biblia, at hinahangad Niya na itong ebanghelyo ay mapalawig. Subali’t, nakita nating maraming mga tao ang hindi tunay na may hangarin sa ebanghelyo ng Diyos, nguni’t naitalaga ang kanilang mga puso sa paghahanap lamang ng kanilang sariling luwalhati. Ang gayong mga tao ay wala pa ring kakayahang kamtan ang kapatawaran sa kanilang mga kasalanan, dahil hindi nila itinalaga ang kanilang mga puso sa ebanghelyo ng Katotohanan. Sa ibang salita, sila’y walang puso para sa Diyos. Isang pinuno sa evangelical mission ay minsang nagyabang sa akin sinasabi na ang mga mag-aaral sa kanyang paaralan ay tinuruan ng apat na taon. Kaya tinanong ko sa kanya, “Ano ang iyong tinuro sa buong apat na taong ito?” at sumagot siya na lahat ng bagay ay tinuro, mula sa magandang asal ng pakikipag-usap maging hanggang sa wastong asal sa hapag-kainan. Ang gayong tao ay isang huwad na guro.

Italaga ang Inyong mga Puso sa Diyos 445

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

Ang mga pastor ay dapat maglingkod ayon sa kalooban ng Diyos. Maraming tao ang hindi nalalaman ang anumang bagay, kahit isang talata sa Salita ng Diyos, kahit pa sila magtapos sa seminaryong teolohika. Ano, kung gayon, ang kanilang natutunan sa seminaryo? Natutunan nila ukol sa pagdalubhasa sa larangan ng teohohiya, ito ay, natutunan nila ang ukol sa paksa ng ibat-ibang mga teolohika.

Kung ihahambing sa gayong mga seminaryo, ang mga mag-aaral sa aming paaaralan ay pinag-aaralan ang bawa’t talata ng malaking Katotohanan ng Salita. Ang iba ay nag-aral ng teolohika para sa kanyang sarili, nagtayo ng iglesia para sa kanyang sarili, tinatanggap ang mga kaloob para sa kanyang sarili, at naglilingkod para sa kanyang sarili, lahat ng ito ay dahil ang gayong tao ay hindi itinalaga ang kanilang mga puso sa Diyos. Tulad niyaon, malibang italaga ang inyong mga puso sa Diyos, hindi ninyo maiiwasan kundi ang matulad sa mga huwad propeta, nabubuhay lamang para sa inyong mga sarili sa katapusan.

“Ako ay nananahan at naninirahan dito sa Iglesia ng Diyos. Dito ako ay nangangaral ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, at samakatuwid kung ang ang bayan ng Diyos ay pumanaw, kung gayon ako, rin, ay papanaw, at kung ang bayan ng Diyos ay managana, sa gayon ako rin ay mananagana. Iniipon lahat ng aking lakas ng pananampalataya, mangangaral ako ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa aking buong buhay, hanggang sa araw ng pagbabalik ng Panginoon.”

Ito kung paano ang aking puso ay itinalaga sa Diyos. “Yaong nagtipon dito ay aking bayan. Narito ang aking kaharian. Ang Kaharian ng Panginoon ay aking kaharian. Ang pagpalawak sa Kaharian ng Panginoon ay pagpalawak sa aking kaharian.” Ang aking lugar at tungkulin sa gayon ay malinaw na pinakilala.

446 Italaga ang Inyong mga Puso sa Diyos

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

Si Moises ay naglingkod sa Kaharian ng Diyos, nguni’t si Jesu-Cristo ay naparito sa lupa at kumilos bilang Panginoon. Ang Panginoon ay naparito bilang Panginoon na magliligtas sa Kanyang bayan. Bagaman si Moises ay pinangaral ang kalooban ng Diyos, nang si Jesu-Cristo ay naparito sa lupa, Siya’y binautismuhan ni Juan Bautista para sa ating lahat at kinuha lahat ng kasalanan ng Kanyang bayan, namatay para sa kanila, nabuhay na muli, at sa gayon iniligtas sila. Kailangan tayong mabuhay sa Kaharian ng Diyos na may malinaw na kaalaman sa ating mga sarili bilang mga may-ari nito. Ito ang mabuhay na may kaibahan sa mga buhay ng mga hindi nagtalaga ng kanilang mga puso sa Diyos.

Kapag ang aking kapwa mga ministro ay magsasabi sa akin ng mga personal na bagay kung paano sila nahihirapan, tinatanong ko sa kanila, “Oo, tayong lahat ay nahihirapan, nguni’t anong ating magagawa kung lahat ng ating paghihirap ay para sa Panginoon? Yamang hindi tayo nahihirapan para sa ating mga sarili, bagkus para sa Kaharian ng Panginoon, hindi ba lahat ng ito ay makabuluhan? Kaya bagaman kayo ay dumadaan sa panahon ng kahirapan, kayo ay kailangan pa ring may dedikasyon sa gawain ng Diyos. Ang buong mahalaga ay ang gawain ng Diyos; ano pa ang ating aasahan? Sinasabi ninyong kayo ay may labis na kakulangan, at labis mahirap ang sumunod sa Panginoon. Nguni’t kung tayo ay gayong taong mabubuti na tinatanggap ng buong sanlibutan, gagamitin pa ba tayo ni Jesu-Cristo bilang Kanyang mga instrumento?”

Aking kapwa mga mananampalataya, nanaisin ba ni Jesu-Cristo na gamitin si Confucius o si Socrates, o nanaisin Niyang gamitin ako? Pakiusap, pag-isipan ito ng mabuti, ayon sa kung paano mananalig ang inyong mga puso. Kung kayo si Jesu-Cristo, sino ang inyong gagamitin, si Confucius o ako? Gagamitin ninyo ang isang taong nananalig at nagtalaga ng

Italaga ang Inyong mga Puso sa Diyos 447

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

kanyang puso ayon sa kung paano ninyo inutos sa kanya. Nanaisin ninyo ang taong sumusunod lamang sa inyong kalooban bilang kanyang panginoon, hindi alintana kung paano masusugatan ang kanyang sarili.

Kung si Jesu-Cristo ay may ilang bagay na sasabihin kay Confucius o kay Socrates, marahil sasabihin nila, “Panginoon, hindi Mo dapat sinasabi iyan,” yamang taglay nila ang kanilang sariling paunang mga haka-haka na naitatag na. Sa ibang salita, dahil ang isang tao ay hindi naitalaga ang kanyang puso kaya siya’y pabagu-bago, nakatayo minsan sa tabi ng mga tao, at kung minsan kay Jesu-Cristo. Ang guro ukol sa mga moral at mga pag-uugali ay hindi magagamit bilang isang manggagawa sa Kaharian ni Jesus.

Yaong nararapat para kay Jesu-Cristo na gagamitin bilang Kanyang mga instrumento ay yaong mga mananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu na nagtalaga ng kanilang mga puso sa Diyos. Yaon lamang nagtalaga ng kanilang mga puso na hindi pabagu-bago sa Diyos ang nararapat upang gamitin Niya. At kung ang isang tao ay magtangkang tumayo sa harap ni Jesu-Cristo bilang kapantay Niya, siya’y hindi gagamitin ng Diyos bilang Kanyang manggagawa. Ginagamit ng Diyos yaong nagbababa ng kanilang mga sarili sa harapan Niya at unang hinahanap ang gawain ng Panginoon. Ang ating Panginoon ay ginagamit yaong Kanyang malayang magagamit sa gawain.

Kung si Jesus ay naririto, anong Kanyang sasabihin sa mga sumasalungat sa ebanghelyo? Hindi ba Niya sasabihing, “Kayong walang saysay na mga tao, kayong mga lahi ng ulupong, sinusumpa Ko kayong lahat”? Kung gayon, dapat din tayong maging kaaway ng mga kaaway ng Diyos, habang pinakikita ang habag sa mga kaawa-awang nararapat sa ating habag. Ang pagiging Kanyang mga lingkod ay

448 Italaga ang Inyong mga Puso sa Diyos

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

nangangahulugang ang ating mga puso ay naging kaisa ng puso ng Diyos. Dapat nating italaga ang ating mga puso.

Tinutukoy si David, sinabi ng Diyos, “Siya ang taong malapit sa Aking puso.” Nilipol ni David ang hukbo ng Palestino sa utos ng Panginoon. Salungat nito, si Saul ay hindi ganap na sumunod sa utos ng Diyos, dahil hindi niya nilipol ang ilang mga Palestino, at maging ang ilang mga alagang hayop na ihahandog niya sa Diyos bilang handog na susunugin, lahat ay batay sa kanyang sariling mga kaisipan. Nguni’t si David ay ganap na sumunod sa Salita ng Diyos. Nang sinabi ng Diyos na patayin lahat ng kaaway sa digmaan, pinatay ni David lahat sila. Nilipol niya ang lahat. Anuman ang inutos kay David na papatayin, pinapatay niyang lahat ito, maging ang mga hayop.

Si David ang humalili kay Saul at naging hari ng Israel. Nguni’t ang dalawang ito ay labis na magkaiba sa espiritwal. Si Saul ay kahanga-hangang ginoo sa panlabas na anyo, ginagalang ng bayan ng Israel dahil sa kanyang pisikal na katangian, nguni’t di-tulad ni David, ang kanyang puso ay hindi itinalaga na parangalan ang Diyos at alagaan ang mga tao sa Kanyang Kaharian sa espiritwal. Si Solomon, anak na lalaki ni David, ay hindi rin itinalaga ang kanyang puso, at kung kaya siya’y nagkaroon ng maraming prinsesa mula sa karatig na mga kaharian bilang kanyang mga kalaguyo. Kapag ang mga hari ng mga bansang Gentil ay pinakikilala ang kanilang mga anak na babae kay Solomon, sinasabing, “Kamahalan, ito ang aking anak,” sasabihin ni Haring Solomon, “Ang iyong anak ay labis na maganda,” at kinuha siya bilang kanyang kalaguyo. Ginawa niya ito dahil ang kanyang puso ay hindi itinalaga sa Diyos.

Ang mga babae dito sa lupa, ito ay, ang mga babaeng hindi isinilang na muli, ay tulad ng mga ulupong. Sinisira nila

Italaga ang Inyong mga Puso sa Diyos 449

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

ang matutuwid. Marahil ay nabasa ninyo sa Mga Hukom kung paano bumagsak si Samsom kay Delilah. Iyan kung bakit ang Biblia ay tinatawag ang gayong mga babae bilang mga “patotot.” Kaya nang si Solomon ay may pinakilalang mga Gentil na prinsesa sa kanya, dapat ay sinabi niya, “Bakit ninyo dinala sa akin gang babaeng ito? Sila’y hindi magaganda. Tila tulad sila ng maruming mga patotot, sumisira sa aking pagkagusto. Paalisin sila.” Kung ito ang kanyang sinabi, ang ibang mga hari sa palibot niya ay hindi na dinala ang kanilang mga anak sa kanya. Pinagbawal ng Diyos kay Solomon na makipag-asawa sa mga babaeng Gentil, nguni’t sa kabila nito, dahil ang puso ni Solomon ay hindi naitalaga, pinakasalan niya ang sinumang nais niyang pakasalan ayon sa pita ng kanyang laman, at bunga nito, siya’y nahantong sa espiritwal na kapahamakan.

Kaya sinusulat sa Biblia,“At siya’y nagkaroon ng pitong daang asawa, na mga prinsesa, at tatlong daang babae; at iniligaw ng kaniyang mga asawa ang kaniyang puso” (1 Mga Hari 11:3). At bunga nito, si Solomon di-naglaon ay nagpahayag, “Walang kabuluan ng mga walang kabuluhan, lahat ay walang kabuluhan” (Ecclesiastes 1:2). Siya’y namatay matapos ang mamuhay sa gayong buhay na may panghihinayang, at sa ilalim ng kanyang kapamahalaan, ang kaharian ng Diyos ay nahati sa dalawa at nagsimulang bumagsak.

Anuman ang ating gagawin, dapat nating italaga ang ating mga kaisipan sa Diyos. Nababatid ba ninyo ang pangangailangang ito? Ang ating mga puso ay dapat kabilang sa Diyos. Ang ating mga puso ay dapat manalig na ang Diyos ay ating Diyos, ang Kanyang Iglesia ay ating iglesia, at ang Kanyang bayan ay ating bayan. Pinapayo ko sa inyong lahat na italaga sa gayon ang inyong mga puso.

450 Italaga ang Inyong mga Puso sa Diyos

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

Lahat ng ating pagpapahalaga at mga pamantayan ng paghahatol na ating taglay ay dapat magbago. Dapat tayong “nangagbihis ng bagong pagkatao, na nagbabago sa kaalaman ayon sa larawan, niyaong lumalang sa kaniya” (Colosas 3:10). Maging sa bahay, sinasabi ko sa aking anak, “Bagaman ikaw ang aking anak sa laman, sa Iglesia, ikaw ay katulad ng ibang mga tao sa harap ng Diyos. Ang tanging pagkakaiba sa kanila na ikaw ay aking anak sa laman; maliban dito, ano ang labis na kaibahan sa espiritwal? Wala ng ibang pagkakaiba. Tayo’y maging maliwanag nito.” At pinakikisamahan ko siya tulad sa ibang mga hinirang, sa espiritwal na pananalita. Kaya sa una, ito ay hindi naging madali para sa aking anak, nguni’t di-naglaon siya’y sumang-ayon, yamang siya rin ay taglay ang Banal na Espiritu sa kanyang puso.

Nakita ko ang isang organisasyon na pinangungunahan ng isang angkan, kung saan ang miyembro ng pamilya ang pinuno at ang mga kamag-anakan ang naroon sa pangunahing mga katungkulan. Kaya ang pinuno ay patuloy sa masusing pagmamatyag at pagkontrol sa mga ministrong nabibilang sa kanyang organisasyon. Ang gayong tao ay hindi nararapat sa Kaharian ng Diyos, nguni’t kanilang pinipilit na muling itayo ang lungsod ng Jericho para sa kanilang sariling luwalhati. Sa mga taong ito, nagbabala ang Diyos, “Sumpain ang lalake sa harap ng PANGINOON, na magbangon at magtayo nitong bayan ng Jerico; kaniyang inilagay ang tatagang-baon niyaon sa kamatayan ng kaniyang panganay, at kaniyang itatayo ang mga pintuang-bayan niyaon sa kamatayan ng kaniyang bunso” (Josue 6:26).

Hindi natin ginagawa ito. Tunay na walang mga pagtangi sa aking anak sa aking iglesia. Inaasahan kong siya’y naglilingkod sa Panginoon bilang isang mamamayan ng Diyos,

Italaga ang Inyong mga Puso sa Diyos 451

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

katulad ng lahat. Sa gayon lamang siya’y lalago sa pananampalataya at makatatayo sa kanyang pananampalataya. Habang iniingatan ko ang aking anak pagdating sa kanyang mga karnal na kahinaan, kung ano ang dapat na maitatag sa espiritwal ay malinaw na naitalaga. Lahat ng ito ay ang lakas na nagmumula sa pagtatalaga na aking puso. Dapat nating italaga ang ating mga puso, nananalig kay Jesu-Cristo at sa Salita, nakikibaka sa pamamagitan ng pananampalataya, at itinatayo ang Kaharian ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya.

Aking kapwa mga mananampalataya, pinapayo ko sa inyong lahat na italaga ang inyong mga kaisipan sa Diyos. Kapag ating itinalaga ang ating mga puso sa bawa’t oras, tayo ay mamumuhay sa pananampalataya, tulad ng mga ibong lumilipad sa langit, at tulad ng isdang may kaliskis, ating maisasagawa ang gawain ng Diyos sa kasiyahan ng ating puso.

Kapag ating naitalaga ang ating mga puso, ating malulupig ang kaaway at magtatagumpay sa pamamagitan ng pananampalataya. Sa pamamagitan ng pananalig sa Diyos, ating maisasagawa ang gawaing pagliligtas ng mga kaluluwa mula sa kasamaan ng makasalanan.

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

Ang Buhay ng mga Taong may Pananampalataya na ang Kanilang mga Puso ay

Nananalig sa Salita ng Diyos

< Genesis 1:20-23 > “At sinabi ng Dios, ‘Bukalan ng sagana ang tubig ng

mga gumagalaw na kinapal na may buhay, at magsilipad ang mga ibon sa itaas ng lupa sa luwal na kalawakan ng himpapawid.’ At nilikha ng Dios ang malalaking hayop sa dagat, at ang bawa’t may buhay na kinapal na gumagalaw, na ibinukal na sagana sa tubig, ayon sa kanikaniyang uri at ang lahat na may pakpak na ibon, ayon sa kanikaniyang uri; at nakita ng Dios na mabuti. At mga binasbasan ng Dios, na sinabi, ‘Kayo’y magpalaanakin, at magpakarami, at inyong punuin ang tubig sa mga dagat, at magpakarami ang mga ibon sa lupa.’ At nagkahapon at nagkaumaga ang ikalimang araw.”

Sa ngayong talata sa Kasulatan, sinabi ng Diyos,

“Bukalan ng sagana ang tubig ng ga gumagalaw na kinapal na may buhay.” Tulad ng tubig na sagana sa isda, maging ngayon, di-mabilang na taong matuwid na nananalig sa Salita ng Diyos ay tapat na isinasagawa ang Kanyang gawain. Kahit sa

Ang Buhay ng mga Taong may Pananampalataya na ang 453 Kanilang mga Puso ay Nananalig sa Salita ng Diyos

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

sandaling ito, ang Salita ng Diyos ay buhay at kumikilos sa mga matuwid na nabubuhay sa pananampalataya. Taimtim akong umaasa na ang mga matuwid ay patuloy sa pangangaral ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa mga makasalanan, hanggang ang Salita ng Diyos ay nananatili dito sa lupa.

Ang Salita ng Diyos ang nagpapakain sa ating mga kaluluwa upang lumago at managana sa pananampalataya. Ang Salita ng Diyos ay patuloy sa pag-aalaga sa mga mananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Itong sanlibutan ay sumasagana sa higit na maraming mga mananampalataya sa ebanghelyo ng Salita ng tubig at ng Espiritu. Kasabay nito, gayon man, si satanas ay nagsisikap na guluhin tayo. Nguni’t dapat tayong matatag na tumayo sa ating pananampalataya. Sa kabila ng paghadlang ni satanas, hindi natin maaaring ihinto ang pagpapalawig ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.

Subali’t, si satanas ay matagal ng kumikilos sa sanlibutang ito hanggang sa kasalukuyan. Ginagamit niya lahat ng uri ng paraan upang hadlangan ang paglaganap ng Salita ng Diyos. Sa Hardin ng Eden, sinubukan niyang wasakin ang Salita ng Diyos sa pamamagitan ng mapanlinlang na ulupong. Maging ngayon, si satanas ay patuloy sa paghadlang sa mga mamamayan ng Diyos, sinisikap na pigilan silang maglingkod kay Yahweh. Sa kanyang pagsisikap na ilagay ang lahat sa pagsamba sa diyus-diyosan, inaakay ang lahat sa pagsamba nito.

Maging sa panahon ng Bagong Tipan, walang humpay na sinisikap ng diablo na wasakin ang Salita ng Diyos. Subali’t, anuman ang pagsisikap niyang sirain ang Salita ng Katotohanan ng Diyos, mapapanatili pa rin ng Diyos ang Kanyang Salita at titiyaking ito ay maisasasalin. Paminsan-minsan, ang Diyos ay nagkakaloob ng mabuting

454 Ang Buhay ng mga Taong may Pananampalataya na ang Kanilang mga Puso ay Nananalig sa Salita ng Diyos

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

salin ng Biblia tulad ng King James Version, sa gayon pinahihintulutan ang mga tao na kamtan ang pagpapatawad sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang Salita.

Kaya itong Biblia na ating binabasa ngayon ay nanatiling buo, tulad ng sinabi ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang mga propeta noon. Bawa’t isa dito sa lupa taglay ngayon ang nasusulat na Salita ng Diyos na wala ng kailangan pa upang tulutan siyang maligtas at kamtan ang walang hanggang buhay. Sa ibang salita, ang Salita ng Diyos na magpapatanggap sa atin ng kapatawaran sa ating mga kasalanan ay ang nasusulat sa Biblia na hinahawakan ng ating mga kamay.

Sa kabilang dako, gayon man, si satanas ay patuloy din sa pagkilos. Dapat ninyong mabatid kung paano ang mga maling salin ng Biblia ang laganap na sumira sa kalooban ng Diyos. Ang ngayong mga maling salin ng Biblia ang nagpapababa sa kapangyarihan ng Salita ng Diyos.

Ang pangunahing talata ngayon sa Kasulatan ay nagsasabi sa atin na ang bawa’t makasalanan dito sa lupa ay maliligtas sa kasalanan, at ang ligtas na mga kaluluwa ay mananagana rin. Kung ito kung paano nangusap ang Diyos sa atin, sa gayon ito ay tiyak na matutupad tulad ng Kanyang sinabi. Subali’t, si satanas ay sinisikap pa ring dumihan ang Salita ng Diyos hanggang ngayon, kung kaya maging ang mga Kristiyano ay mahahadlangang pumasok sa Langit. Kailangan nating mabatid na sa panahon ng Unang Iglesia at maging ngayon, si satanas ay naglagay ng maraming mga balakid.

Subali’t, gaano man ang pagsisikap ng diablo na hadlangan tayo, kapag ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay magwagi dito sa lupa, ang mga hadlang ni satanas ay hindi na mamamayani. Tulad ng paglikha ng Diyos sa isda na manirahan sa tubig, ang mga hinirang na nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay patuloy na lalago sa

Ang Buhay ng mga Taong may Pananampalataya na ang 455 Kanilang mga Puso ay Nananalig sa Salita ng Diyos

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

kanilang pananampalataya, nagtitiwala sa Salita ng Diyos.

Samakatuwid, ang Ating Pananampalataya ay Dapat Muling Magsimula Batay sa Salita ng Diyos

Ang Salita ng Diyos ang nagliligtas sa lahat ng kaluluwa

mula sa mga kasalanan ng sanlibutang ito at ginagawa silang masagana. Ang pagtitiwala sa Salita ng Diyos, atin ngayong maipapangaral ito sa lalong maraming mga kaluluwa. Sa gayon, sa pamamagitan natin maraming maraming mga kaluluwa ang maliligtas mula sa mga kasalanan ng sanlibutan at magbabago. Nakita natin kung paano ang tubig ay dumami ng isda dahil sa Salita ng Diyos. Maraming tao sa Iglesia ng Diyos ngayon ang inaalagaan bilang mga manggagawa na mangangaral ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya sa nasusulat na Salita ng Diyos. Ito ay dahil ang Diyos ay nangusap sa atin sa pamamagitan ng Kanyang Salita kaya tayo nabubuhay bilang taong matuwid ngayon. Pinapayo ko sa inyong lahat na mabatid ito at panaligan.

Ang Salita ng Diyos ay ang Salita ng Katotohanang magtutulot sa mga makasalanan na maligtas sa kanilang mga kasalanan. Kung magkagayon, at kung tayo ay tunay na isinilang na muli sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu upang maligtas sa lahat ng ating kasalanan, kung gayon anong buhay pananampalataya tayo ay dapat mamumuhay? Tunay nga, kailangan tayong mamuhay sa pananampalataya na nagpapalawig ng ebanghelyo sa buong sanlibutan. Sa kapamahalaan ng Langit tayo’y dapat mabubuhay, sa pamamagitan ng ating pananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Sa paglalagay ng ating pananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, dapat tayong maging isang pamilya ng Diyos, at dapat din tayong mabuhay sa pamamagitan ng pananampalatayang ito.

456 Ang Buhay ng mga Taong may Pananampalataya na ang Kanilang mga Puso ay Nananalig sa Salita ng Diyos

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

Sinabi ng Diyos sa atin na mabuhay tulad ng mga ibong lumilipad sa alapaap. Ang matuwid ay kailangang mabatid na sa kanilang karnal na mga kaisipan at mga damdamin ang humahadlang sa kanilang daan ng pananampalataya, pinipigil sila na magpatuloy at tuparin ang kalooban ng Diyos sa pamamagitan ng paglalagay ng kanilang pananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Iyan kung bakit sinasabi ng Diyos na ang tanging bagay na Kanyang nais sa atin ay ang manalig sa Kanyang Salita, at ang lumipad patawid sa daigdig ng pananampalataya at mamuhay dito.

Sa mga isinilang na muli sa lahat nilang kasalanan sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng Katotohanan ng tubig at ng Espiritu, hinihiling ngayon ng Diyos sa atin na sila’y mabuhay sa pamamagitan ng paglalagay ng kanilang pananampalataya sa Kanyang Salita. Kung tayo’y tunay na naging bayan ng Diyos sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, sa gayon nais ngayon ng Diyos sa atin na mabuhay sa pamamagitan ng pagtitiwala sa Kanyang Salita. Sinasabi ng Diyos sa atin na huwag umasa sa anumang narito sa lupa, nguni’t sa halip, umasa sa Kanyang Salita at mabuhay sa pamamagitan ng pananampalatayang ito na ating inilagay sa Salita.

Sa madaling salita, kung tayo tunay na mga mananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, kung gayon sinasabi ng Diyos sa atin, “Mabuhay sa pamamagitan ng inyong pananampalataya sa Akin at sa Aking katuwiran.” Kung tayo’y bayan ng Diyos na naligtas mula sa mga kasalanan ng sanlibutan, kung gayon kailangan tayong lumipad sa mga pakpak ng pananampalataya, nagtitiwala sa Salita ng Diyos. Dapat tayong mabuhay sa pananampalataya, nananalig na kung ang Diyos ay nalulugod, itutulot Niya lahat ng bagay at tutuparin lahat ng ito. Patuloy na sinasabi ng Diyos sa atin na

Ang Buhay ng mga Taong may Pananampalataya na ang 457 Kanilang mga Puso ay Nananalig sa Salita ng Diyos

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

mamuhay ng isang buhay na itinalaga sa Kanya. Sa atin, may dalawang magkaibang daigdig. Una, ang

daigdig na nakikita ng ating mga mata ng laman ay itong kasalukuyang sanlibutan. Subali’t, may isang daigdig ang Diyos na hindi nakikita ng ating sariling mga mata ng laman, at dapat nating tandaan na itong daigdig ay walang hanggan at labis na mahalaga kaysa sa kasalukuyang daigdig.

Sinabi ng Diyos, “Magsilipad ang mga ibon sa itaas ng lupa sa luwal na kalawakan ng himpapawid.” Ang biblikal na kahulugan ng kalawakan dito ay ang puwang sa Langit. Ang Salita ng Diyos ay nangungusap ukol sa Kanyang daigdig. Ibig sabihin hindi sa makalupang daigdig ang matuwid ay nabubuhay, bagkus sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya sa Panginoon, sila ay upang lumipad patawid sa daigdig ng Langit. Sa madaling salita, sinabi ng Diyos kapag tayo ay nabubuhay sa daigdig ng pananampalataya, kung saan tayo ay nagtitiwala sa Salita ng Diyos, na ang lahat Niyang kalooban ay malayang matutupad.

Sinabi ng Diyos na kung tayo ay mabubuhay dito sa daigdig ng pananampalataya na nananalig sa Kanya, kung gayon ililigtas Niya ang lalong higit na mga kaluluwa kaysa ating inaasahan at hinahangad. Sa pamamagitan ng pananalig sa Salita ng Diyos tayo ay kailangang mabuhay. Ang Diyos ay pinahintulot tayo, na nananalig sa Kanyang Salita, na mabuhay magpakailanman.

Hindi sinabi ng Diyos sa atin na mabuhay na nagtitiwala sa ating sariling lakas at laman. Sa halip, sinabi Niya sa mga mananampalataya ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu na mabuhay sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya sa Salita ng Diyos, at sa gayon ay makapapasok sa Kaharian ng Panginoon. Sa Salita ng katuwiran ng Diyos, tayo’y malayang mabubuhay sa pamamagitan ng paglalagay ng ating

458 Ang Buhay ng mga Taong may Pananampalataya na ang Kanilang mga Puso ay Nananalig sa Salita ng Diyos

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

pananampalataya sa Salitang ito. Subali’t, higit na mga bagay sa sanlibutan ang pumasok na

sa ating mga puso kaysa ang Salita ng Diyos, at kung kaya hindi madali ang espiritwal na mabuhay sa pamamagitan ng wastong pananampalataya. Dahil taglay natin ang labis na maraming espiritwal na mga hangarin, nakita nating tila mahirap mabuhay sa pamamagitan ng pagtitiwala sa buong Salita ng Diyos. Kapag tayo ay magtataka, “Kailangan ba akong mabuhay sa paraang ito o sa gayong paraan?” nakita nating sa halip na pagnilayan ang katanungang ito sa loob ng mga hangganan ng katuwiran ng Diyos, kadalasan dinedesenyo natin ang ating mga buhay sa pamamagitan ng ating sariling karnal na mga hangarin ng kaisipan.

Sinasabi ng Diyos sa atin na huwag disenyohin ang ating mga buhay sa pamamagitan ng mga bagay ng sanlibutan. Higit nito, sinabi Niya sa atin na mabuhay sa pamamagitan ng ating pananampalataya sa Kanya, tulad ng mga ibong lumilipad sa ibabaw ng daigdig patawid sa kalawakan ng langit. Dahil ang matuwid ay kailangang mabuhay sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya sa Salita ng Diyos, sa halip ng mga bagay nitong sanlibutan. Sa isang hangganan, tayong mga matuwid ay taglay din ang mga makalupang pangangailangan, nguni’t ang buhay na wala ang Panginoon ay walang kabuluhan. Sa ibang salita, bagaman ang daigdig ng Langit ay hindi nakikita ng ating mga mata ng laman, ito ay higit na mahalaga kaysa anumang makalupang mga ari-arian.

Iyan kung bakit sinabi ng Diyos sa atin na ang makalupang kapamahalaan na nakikita ng ating mga mata ng laman ang naroroon lamang. Kailangan nating maunawaan dito ang dahilan kung bakit ang Diyos ay pinakita sa atin, tayong matuwid, ang Kanyang espiritwal na kapamahalaang di-nakikita ng mga mata ng laman. Sa pamamagitan nito,

Ang Buhay ng mga Taong may Pananampalataya na ang 459 Kanilang mga Puso ay Nananalig sa Salita ng Diyos

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

sinasabi ng Diyos sa atin na manirahan sa espiritwal na daigdig na Kanyang inihanda para sa atin, sa pamamagitan ng paglalagay ng ating pananampalataya sa Diyos.

Sinasabi ng Diyos sa atin na huwag lamang mabuhay kung ano ang nakikita ng mga mata ng ating laman, nguni’t ang mabuhay sa pamamagitan ng ating pananampalataya sa Kanyang nasusulat na Salita. Naniniwala ako na kung mayroon tayong anumang itatanong, naisin, o hangarin mula sa Diyos, tunay Niyang tutuparin lahat ng ating pangangailangan. Kailangan nating hayaan lahat ng hangarin ng ating puso at mga kaisipan na malaman ng Diyos, na Siyang nakababatid sa lahat ng kaunawaan, at magtiwala na tayo’y tutugunan Niya.

Tayo, na naging matuwid, ay dapat mabuhay sa pamamagitan ng ating pananampalataya sa Salita ng Diyos. Sinasabi ng Diyos sa atin na talikdan ang ating makitid na mga kaisipan at karnal na mga buhay, sinisikap na hikayatin ang ating mga sarili, “Okey lamang na gumugol ng kaunting mayroon ako sa paglilingkod sa Panginoon, at pagkatapos ay gugugulin ang nalalabi lahat para sa aking sarili.” Sinasabi ng Diyos sa atin na mabuhay para sa Kanyang katuwiran sa pamamagitan ng bagong pananampalatayang magtutulot sa atin na manahan sa Kanyang katuwiran.

Tinutulot Tayo ng Ating Panginoon na Mabuhay sa Panginoon

Sinabi ng Diyos sa atin, “Huwag magulumihanan ang

inyong puso; magsisampalataya kayo sa Dios, magsisampalataya kayo sa Akin” (Juan 14:1). Sa ibang salita, naririnig ng Diyos ang ating mga panalangin, magkakaloob para sa ating mga pangangailangan sa Kanyang kapanahuan, at

460 Ang Buhay ng mga Taong may Pananampalataya na ang Kanilang mga Puso ay Nananalig sa Salita ng Diyos

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

tinutulungan tayo na isagawa ang Kanyang mabuting gawa. Tinutupad ng Diyos ang Kanyang kalooban sa pamamagitan ninyo, sa pamamagitan ng pagtugon sa nilayon ng inyong mga kaisipan, at kung ano ang hinihiling ninyo sa Diyos sa loob ng mga hangganan ng Kanyang Salita. Kapag tayo ay nabubuhay ayon sa Salita ng Diyos Kanyang tinutupad lahat ng ating mga pangangailangan.

Naniniwala ako na ang taong ding ito, ang Diyos ay patuloy na ililigtas ang di-mabilang na mga kaluluwa mula sa kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang Iglesia. Aking kapwa mga mananampalataya, dapat muna tayong magtayo ng mga iglesia at palawigin ang ebanghelyo sa ating bansa, at akayin din ang di-mabilang na mga kaluluwa sa ibang mga bansa sa kaligtasan sa pamamagitan din ng pagtataguyod ng mga iglesia ng Diyos sa buong malawak na sanlibutan. Ang pagtaguyod ng Iglesia ng Diyos sa buong daigdig at pagpapalawig ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay naging posible lamang sa pamamagitan ng paglalagay ng ating pananampalataya sa katuwiran ng Diyos.

Kapag tayo ay nanalig sa katuwiran ng Diyos, nakikita ang ating pananampalataya, tayo ay aalagaan ng Diyos bilang Kanyang mga lingkod, pagpapalain ang ating pagpapagal, at gagawa kasama natin. Ang Diyos ang tumatawag sa Kanyang mga manggagawa, palalaguin sila, at pinakakain sila. At ang Diyos ay itinaguyod sila bilang Kanyang mga lingkod, at niligtas ng Diyos ang di-mabilang na mga kaluluwa sa pamamagitan nitong mga lingkod ng Diyos. Nais ng Diyos na gamitin tayong mga miyembro sa Kanyang Iglesia, bilang mga manggagawa ng Kanyang Kaharian.

Kung tinatanggka nating mabuhay lamang sa mga bagay ng daigdig, ating maaabot ang hangganan sa huli. Samakatuwid, tayo ay makapamumuhay sa espiritwal na buhay sa

Ang Buhay ng mga Taong may Pananampalataya na ang 461 Kanilang mga Puso ay Nananalig sa Salita ng Diyos

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

pamamagitan lamang ng pananalig sa Diyos. Sinasabi ng Diyos sa atin na lumipad patawid sa alapaap. Ang pananampalataya na makalulugod sa Diyos ay yaong inilagay sa Diyos at sa Kanyang Salita. Kaya aking pinapayo sa inyong lahat na lumipad sa pamamagitan ng inyong pananampalataya. Aking pinapayo sa inyo na lumipad sa alapaap at makita ng inyong mga sarili sa pamamagitan ng inyong sariling karanasan kung paano kumikilos ang Diyos dito sa sanlibutan.

Yaong hindi pa rin nagkamit ng kapatawaran sa kanilang mga kasalanan ay hindi malalaman ang daigdig ng pananampalataya na inilagay sa katuwiran ng Diyos. Paanong ang mga makasalanan ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya? Hindi sila nabubuhay sa daigdig ng pananampalataya, kung saan sila’y nananalig sa katuwiran ng Diyos, bagkus sila’y nabubuhay sa daigdig ng pita ng kanilang laman. Ang matuwid ay dapat magtiwala sa katuwiran ng Diyos, dapat nilang malaman at manalig kung ano ang tunay na makalulugod sa Diyos, at sila’y dapat mabuhay alinsunod nito.

Ang pagkakaroon ng paniniwala na ang Diyos ay tutuparin lahat ng Kanyang kalooban ay ang pagkakaroon ng tunay na pananampalataya. Nguni’t, kayo ba? Tunay ba kayong naniniwala na ang Diyos ay aakayin kayo sa pamamagitan ng Kanyang kabaitan? Kung tayo ay nabubuhay sa daigdig ng pananampalataya, tayo’y tunay na mabubuhay na puno ng lakas at makakamit ang gayong dakilang makalangit na mga pagpapala.

Taimtim akong umaasa na kayo, rin, lahat ngayon ay mabubuhay sa pananampalataya na iniligay sa katuwiran ng Diyos. Kailangan ninyong mabatid kung gaano magagalak ang Diyos kapag kayo ay nananalig sa Kanyang katuwiran. Tinutukoy ang mga matuwid, nasusulat sa Biblia,

“Ang PANGINOON mong Dios ay nasa gitna mo,

462 Ang Buhay ng mga Taong may Pananampalataya na ang Kanilang mga Puso ay Nananalig sa Salita ng Diyos

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

Na Makapangyarihan na magliligtas; Siya’y magagalak dahil sa iyo na may kagalakan; Siya’y magpapahinga sa Kaniyang pagibig, Siya’y magagalak sa iyo na may pagawit” (Zefanias

3:17). Ang Diyos ay magagalak kung tayo ay mabubuhay sa

pamamagitan ng ating pananampalataya sa Kanyang katuwiran. Samakatuwid, sa halip na sabihing ating maiinom at makakain ang mga bagay ng sanlibutan, at mabubuhay at mamamatay sa walang kabuluhang tulad nito, kailangan nating italaga ating ating mga puso sa Diyos. Sinabi ng Diyos, “Ang ganap ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya.” Aking pinapayo sa inyong lahat na ipangaral ang katuwiran ng Diyos hanggang sa araw na kayo’y tawaging pauwi ng Diyos.

Si Abraham Lincold ay inalis ang pag-aalipin sa Estados Unido, at sa kaganapang ito, siya’y naging isa sa sukdulang hinahangaang tao sa kasaysayan ng Amerika. Ang mga matuwid ay yaong nabubuhay para sa katuwiran ng Diyos na magtutulot sa mga makasalanan na mapalaya dahil sa lahat nilang kasalanan. Ito ang tunay na sukdulang hinahangaang buhay dito sa sanlibutan. Kung ang taong nananalig sa Diyos dito sa lupa ay tunay na nabubuhay sa pananampalataya para sa Diyos at para sa kanilang kapwa—ito ay, kung inalay nila ang kanilang mga buhay upang papanumbalikin ang maraming tao kay Jesu-Cristo—sa gayon sila’y magnininging tulad ng araw magpakailanman at maluluwalhati, kapwa dito sa lupa at sa bagong langit at lupa na darating. Sinabi ng Diyos, “At silang pantas ay sisilang na parang ningning ng langit; at silang mangagbabalik ng marami sa katuwiran ay parang mga bituin magpakailanman” (Daniel 12:3); “Kung magkagayo’y mangagliliwanag ang mga matuwid na katulad ng araw sa kaharian ng kanilang Ama. Ang may mga pakinig, ay makinig!”

Ang Buhay ng mga Taong may Pananampalataya na ang 463 Kanilang mga Puso ay Nananalig sa Salita ng Diyos

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

(Mateo 13:43) Aking pinapayo sa inyong lahat na mabuhay sa gayong

isang buhay. Walang iba kundi ito ang tunay na buhay pananampalataya. Maging dito sa lupa, ang pangalan ng mga gumawa ng kung ano ang wasto ang magniningning. Gayon din, yaong nabuhay ayon sa pananampalataya sa Katotohanan ng Kaharian ng Panginoon, sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, at sa Katotohanan, ang magniningning magpakailanman sa Langit. Sa mga isinilang na muli na nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, sinabi ng Diyos sa kanila na mabuhay sa pamamagitan ng pananampalataya nang walang kabiguan.

Sa ikalimang araw ng paglikha, sinabi ng Diyos sa atin na mabuhay sa pamamagitan ng pananampalataya. Sa pagdating ng ikaanim na araw, gagawin ngayon ng Diyos ang tao, at Siya ay magpapahinga sa ikapitong araw. Nakikiusap ako sa inyong lahat na mabatid na sa Kanyang layon para sa atin dito, inuutos ng Diyos sa ating lahat na mabuhay sa pamamagitan ng pananampalataya. Dapat ninyong malaman na ang pananampalataya sa Diyos ay buong nakapaloob sa Kanyang layon ng paglikha sa langit at sa lupa. At inyong kailangang maunawaan din na itong pananampalataya ang hangad ng Diyos mula sa inyo. Hinihiling ko sa bawa’t isa sa inyo na alamin ang layon ng Diyos para sa inyo ay ang mabuhay sa pamamagitan ng pananampalataya.

Ating tignan ang Genesis 1:21 dito: “At nilikha ng Dios ang malalaking hayop sa dagat, at ang bawa’t may buhay na kinapal na gumagalaw, na ibinukal na sagana sa tubig, ayon sa kanikaniyang uri at ang lahat na may pakpak na ibon, ayon sa kanikaniyang uri; at nakita ng Dios na mabuti.”

Ang Diyos ay ang Manlilikha. Siya ang Manlilikha. Ano ang ginawa ng Diyos kung gayon? Ginawa ng Diyos ang

464 Ang Buhay ng mga Taong may Pananampalataya na ang Kanilang mga Puso ay Nananalig sa Salita ng Diyos

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

malaking isda at ang mga buhay na nilalang, at Kanya ring nilikha ang bawa’t ibon ayon sa uri nito, ibig sabihin ginawa Niya ang taong may pananampalataya sa Kanyang katalagahan. Ang Diyos ay Siyang lumikha ng pananampalataya sa atin. Binibigay Niya sa atin ang pananampalataya, pinasisibol Niya ang pananampalataya sa atin, at hangad Niya para sa atin na sumunod sa Kanya sa pananampalataya.

Kung kayo’y nananahan sa Iglesia ng Diyos, ibibigay sa inyo ng Diyos ang lalong higit na pananampalataya sa Kanyang katuwiran. Una, ibubunyag Niya ang walang kabuluhan ng inyong sariling pagsisikap. Ang isinilang na muli ay makalalapit sa daigdig ng pananampalataya at matututunang mabuhay sa pamamagitan lamang ng pananampalataya kung ang kanilang pagsisikap na sumunod sa Panginoon sa pamamagitan ng kanilang makalupang mga pag-aari ay ganap na maglaho. At ang kanilang panukat ng pananampalataya sa gayon ay higit na madaragdagan, habang sila’y patuloy na buong magtitiwala sa Panginoon. Sa ibang salita, ang taong dating minsang ginamit ang kanyang pananampalataya ay maaaring magpatuloy na gamitin ang lalong higit na pananampalataya, at kung kaya ang kanyang pananampalataya ay unti-unting lalago habang nararating niya ang higit na pananampalataya.

Yaong minsang nabuhay sa Panginoon sa pamamagitan ng pananampalataya, ang kanilang pananampalataya marahil ay kasing-liit ng buto ng mustasa sa una, nguni’t di-maglaon, lalago itong pananampalataya at ang kanilang mga puso ay magiging espiritwal din. Kung kaya huwag kayong mabalisa sa hindi pagkakaroon ng sapat na pananampalataya sa Diyos. Palalaguin ng Diyos itong pananampalataya sa inyo at sa akin, at Kanyang aalagaan ang ating pananampalataya upang lumago.

Ang Buhay ng mga Taong may Pananampalataya na ang 465 Kanilang mga Puso ay Nananalig sa Salita ng Diyos

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

Maging ngayon, ang Diyos ay patuloy na kumikilos sa atin. Kailangan ninyong tandaan na yamang nilikha ng Diyos ang mga bituin, hinuhubog Niya tayo upang maging taong may pananampalataya. Hinuhubog Niya kayo at ako upang maging taong may pananampalataya. Sa mga umaasa lamang ngayon sa kanilang laman, winawasak ng Diyos ang kanilang karnal na mga elemento. Ginagawa ng Diyos na maging imposible para sa atin ang mabuhay na hindi nananalig sa Kanya. Ito ang siyang kalooban ng Diyos.

Kapag tayo ay naharap sa tiyak na mga kahirapan, kung susubukan nating lutasin ang mga ito sa pamamagitan ng ilang uri ng paraan ng tao, tayo’y mahahantong na mahaharap sa lalong higit na mga paghihirap. Sa panahong tulad nito, kung tayo ay nananalig sa Diyos, umaasa sa Kanya at sumusunod sa Kanya, sa gayon lulutasin ng Diyos lahat ng ating suliranin at, kung magkagayon, tuturuan tayo ukol sa tunay na pananampalataya. Nais ng Diyos na lumago ang ating pananampalataya. Walang iba kundi ang Diyos mismo ang gumagawa ng lahat ng bagay sa Kanyang Iglesia. Iyan kung bakit ang ating Diyos ay inaalagaan tayo, tulad ng isang magulang na nag-aalaga sa isang bata.

Narating natin ngayon ang daigdig ng pananampalataya, kung saan tayo’y nananalig sa katuwiran ng Diyos. Kung kayo ay nananalig sa katuwiran ng Diyos at nabubuhay sa pananampalataya, sa gayon kayo ngayo ay huhubugin yamang yaong iba ay espiritwal na pinagpala; Subali’t, kung kayo ay mabubuhay sa inyong mga buhay na hindi nananalig sa Diyos, sa gayon kayo ay magdurusa lamang dito sa lupa. Hindi pa huli; maging ngayon, kailangan kayong mabuhay sa pamamagitan ng paglalagay ng inyong pananampalataya sa katuwiran ng Diyos.

Ang ating pananampalataya ay kasing-liit man ng isang

466 Ang Buhay ng mga Taong may Pananampalataya na ang Kanilang mga Puso ay Nananalig sa Salita ng Diyos

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

buto ng mustasa, nguni’t kapag itong pananampalataya sa katuwiran ng Diyos ay lalong lumalago, itutulot tayo na lumipad sa buong daigdig ng langit, makikita ang buong kagandahan ng daigdig ng Langit, lalasapin lahat ng makalangit na mga bagay magpakailanman, at mabubuhay na may galak at kasiyahan. Ito ay nasa daigdig ng pananampalataya kung saan tayo ay ginawang malayang makibahagi sa ministeryo ng Diyos, malayang malalasap ang Kanyang mga pagpapala, at makikita ang Kanyang buong kaluwalhatian. Ito ang isa sa pinagpalang katalagahan ng Diyos na pinagkaloob sa atin.

Sa ikalimang araw, nais ng Diyos sa atin ang mabuhay sa pamamagitan ng pananampalataya. Sinasabi ng Diyos sa atin na magkaroon ng pananampalataya sa Kanya, at sinasabi Niya sa atin na kapag ating taglay ang pananampalatayang ito lalago ang ating pananampalataya. Kung kayo’y nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ng Diyos, inyong tunay na makakamit ang kapatawaran sa inyong mga kasalanan. Nguni’t kung kayo ay hindi mananalig, sa gayon ang kapatawaran sa inyong mga kasalanan ay walang hanggang hindi ninyo maaabot.

Kayo ba ay nananalangin sa Diyos upang malutas ang inyong mga suliranin at mga alalahanin, espiritwal o hindi? Naniniwala ako na kung kayo’y mananalig sa Diyos, Kanyang tunay na lulutasin lahat ng suliraning ito. Sa kabilang dako, gayon man, kung kayo ay hindi mananalig sa Diyos at aasa sa Kanya, at sa halip umaasa sa mga kaisipang likha ng tao, mga paraan, sa gayon ang mga kamay ng biyaya ng Diyos ay lalayo sa inyo. Sasabihin Niya, “Subukin lahat ng nais ninyo, yamang inaakala ninyong magagawa ninyo ito mag-isa.” Sa pagtiwala sa Diyos, dapat nating ilagay lahat ng ating inaasahan sa Kanya, at makita ng ating mga sarili kung paano binabago ng Diyos

Ang Buhay ng mga Taong may Pananampalataya na ang 467 Kanilang mga Puso ay Nananalig sa Salita ng Diyos

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

ang ating mga pangyayari at kung paano Siya kikilos sa ating mga buhay.

Dapat Tayong Umasa sa Diyos Sinabi ng Diyos na yaong umaasa sa kanilang sariling

lakas sa halip na sa Diyos ay masasama lahat. Ang “higante” (Genesis 6:4) sa Biblia ay ang gayong mga tao. Ang mga ito ay tumutukoy sa mga lalaking may naglalakihang lakas, o mga higante. Binabagsak ng Diyos yaong tulad ng Nephilim, tulad ni Goliat. Nguni’t ang Diyos ay inaalagaan yaong umaasa sa Kanya tulad ni David bilang Kanyang mga lingkod at mga manggagawa sa pamamagitan nila.

Anuman ang luwalhati ang taglay ninuman, ang Diyos ay may kapangyarihan gawing maglaho ito tulad ng hamog sa umaga. Magagawa Niyang ibagsak lahat ng bagay sa sanlibutan ng magdamagan. Subali’t, sa mga umaasa sa Diyos, pinahihintulot Niya sa kanila ang matibay na tumindig sa daigdig ng Langit magpakailanman, at pinakikita Niya sa kanila kung paano magniningning ang Kanyang ilaw sa walang hanggan.

Kayo ba ay umaasa sa mga bagay ng laman? O kayo ay umaasa sa Diyos ng Katotohanan? Pinapayo ko sa inyong lahat na umasa sa Diyos. Pinapayo ko sa inyo na umasa sa Diyos sa tuwing kayo’y nahaharap sa anumang mga suliranin. Nais kong tayong lahat na hingin ang sa Panginoon ng tulong , magtiwala sa Kanya, hintayin Siya, at alamin ang Kanyang kalooban. Dapat nating sundin ang Panginoon, ilagay lahat ng ating inaasahan sa Kanyang gawain, at hanapin ang Panginoon. Naniniwala ako na ang Diyos na gagawin niyang masagana ang gayong tao at pagpapalain ang kanilang daan. At hindi ko

468 Ang Buhay ng mga Taong may Pananampalataya na ang Kanilang mga Puso ay Nananalig sa Salita ng Diyos

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

nais kahit sinuman sa inyo na umasa sa mga bagay ng sanlibutan. Ang mga bagay ng sanlibutan ang magwawasak sa atin. Inililigaw tayo, at, dagdag nito, sila’y agad na mapapahamak. Kaya aking pinapayo sa inyong lahat na umasa sa Diyos na Siyang walang hanggan.

Di-mabilang na mga tao ang nabubuhay dito sa lupa, nguni’t sa lahat ng mga taong ito, sa mga puso ng mga umaasa sa katuwiran ng Diyos ang walang hanggang liwanag ay tumatanglaw ito. Subali’t, sa mga hindi nagtitiwala sa katuwiran ng Diyos, hindi sila masusumpungan sa Kanyang Kaharian. Gaano man ang kabutihan nila, kinilala ng Diyos ang mabubuting mga gawa ng mga taong hindi nagtitiwala sa Kanyang katuwiran bilang walang kabuluhan lahat.

Maraming mga makapangyarihan ang nagsulputan at bumagsak sa kasaysayan ng Kanluran, mula sa Empero ng Roma hanggang sa Banal na Empero ng Roma, ang Kaharian ng Espana, ang Empero ng Britanya, at ang Estados Unidos ng Amerika. Ng mahabang panahon, ang Britanya ay naging makapangyarihan na may maraming mga nasasakupan kung saan ito ay kinilalang “ang empero kung saan ang araw ay hindi lumulubog.” Ang paglitaw at pagbagsak ng mga makapangyarihan sa kasaysayan ng Kanluran ay ang kaganapan din ng paglitaw at pagbagsak ng kanilang Kristiyanong pananampalataya. Sa ibang pananalita, habang ang isang bansa ay nagtitiwala at natatakot sa Diyos, ito ay lalong naging masagana, nguni’t kapag ito’y nagtiwala sa kapangyarihang ng kanyang bayan, o sa kapangyarihan nito, at sa lakas ng hukbo ng kanyang mga barkong pangdigma, ang luwalhati nito ay hindi na magtatagal magpakailanman.

Salungat nito, sa mga bansang tunay na nagtitiwala sa Diyos, at sa mga taong nagtitiwala sa Diyos, ang biyaya ng Diyos ay hindi maglalaho. Ang matuwid ay lalong higit na

Ang Buhay ng mga Taong may Pananampalataya na ang 469 Kanilang mga Puso ay Nananalig sa Salita ng Diyos

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

magliliwanag sa ilaw ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya, tulad sa nasusulat,

“Nguni’t ang landas ng matuwid ay parang maliyab na liwanag,

Na sumisilang ng higit at higt na sakdal ng araw” (Mga Kawikaan 4:18).

Kalooban ng Diyos para sa mga matuwid na ihayag ang Kanyang ilaw ng Katotohanan. Samakatuwid, matapos isilang na muli sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, kapag tayo ay naroon sa krus na daan upang magpasiya kung tayo ay magpapatuloy na mabuhay sa pamamagitan ng ating pananampalataya sa Panginoon o magtitiwala kung ano ang nasa sanlibutan, dapat nating malinaw na piliin ang daan ng pananampalataya na nananalig sa katuwiran ng Diyos.

Maging ang taong may pananampalataya na nananalig sa katuwiran ng Diyos ay maaaring maligaw habang nabubuhay dito sa lupa. Minsan, si David ay sinubukang bilangin ang mga Israelita, Subali’t, hindi nais ng Diyos sa kanya ang magbilang. Ang Diyos ay namumuhi sa pagtiwala sa laman sa lahat. Yamang ang Diyos ay namumuhi sa taong nagtitiwala sa kanyang sariling lakas—ito ay, kapag ang kanyang puso ay nagtitiwala sa mga bagay ng sanlibutan—nasusulat sa Biblia na ang Diyos ay pinarusahan si David, at di-mabilang na mga mga taong Israelita ang nangamatay sanhi nito. Kaya, nang ang taong may pananampalataya ay nagtangkang magtiwala sa mga bagay ng sanlibutan, hahadlangan sila ng Diyos at pipigilan sila na magsimula sa ganitong maling paraan.

Aking kapwa mga mananampalataya, dapat nating taglayin sa ating mga puso ang Panginoon, sundin Siya, at mabuhay na isinasagawa ang makalulugod sa Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya. Kapag ating nakilala ang Katotohanan ng Diyos, dapat tayong magtiwala sa Panginoon

470 Ang Buhay ng mga Taong may Pananampalataya na ang Kanilang mga Puso ay Nananalig sa Salita ng Diyos

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

ngayon, at tayo’y magtiwala sa Kanya bukas—tunay nga, dapat tayong patuloy na magtiwala sa Panginoon lamang ng ating nalalabing buhay. Tayo sa gayon ay huwag manghina bagkus ay palaging magtiwala sa Panginoon hangang sa araw na ating maabot ang walang hanggang daigdig.

Kung kayo ay may pananampalataya lamang sa katuwiran ng Diyos, ang Diyos ay tiyak na pagpapalain kayo. Dahil tayo ay nananalig sa katuwiran ng Diyos, magkakamit tayo ng bawa’t espiritwal ng pagapapala ng Diyos. Tutuparin ng Diyos lahat ng bagay sa kapanahunan. Sa tamang panahon, kayo ay itataas Niya.

Magkaroon ng pananampalataya. Manalig sa Diyos. Manalig sa katuwiran ng Diyos. Magtiwala sa patnubay ng Iglesia ng Diyos. manalig sa mga gawain ng katuwiran ng Diyos na ang Diyos mismo ay nahahayag sa Kanyang Iglesia. Kung ang pananampalataya sa Panginoon ay naroon sa inyong mga puso, sa puso ng lahat nating kapatiran, ang Diyos sa gayon ay itataas kayo sa lalong higit na marangal na katayuan. At ako ay nananalig na ang Diyos ay gagamitin kayo bilang Kanyang mga instrumento upang matupad ang Kanyang layunin.

Samakatuwid, kailangan nating palagiang gamitin ang ating pananampalataya, nagtitiwala sa Panginoon. Sa halip na magtiwala sa Panginoon kahit kaunti sa panahon ng paghihirap, nagtitiwala lamang uli sa sanlibutan kapag ang paghihirap ay naglaho, dapat kayong magtiwala sa Panginoon anumang mangyari, ang inyong mga puso ay palagiang italaga lamang sa Diyos. Huwag nating hayaang maligaw ang ating mga puso sa sanlibutan. Higit sa lahat, dapat nating ingatan ang ating mga puso. Tunay nating dapat ipagtanggol ang ating pananampalataya. Sa ating pagpapatuloy sa ating mga buhay, dapat nating sundin ang kalooban ng Panginoon, manalig sa

Ang Buhay ng mga Taong may Pananampalataya na ang 471 Kanilang mga Puso ay Nananalig sa Salita ng Diyos

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

Kanya, at ingatan ang ating mga puso. Nais makita ng Diyos kung mayroon dito sa lupa ang

naghahanap sa Kanya. Kapag nakita ng Diyos ang taong nananalig sa Kanya at ang Panginoon ay nananahan sa kanya, ang Diyos ay kikilos sa pamamagitan ng taong ito. At pagpapalain ng Diyos ang gayong tao na nagtitiwala sa Kanya, tulad ng sinasabi ng Biblia, “At mga binasbasan ng Dios, na sinabi, ‘Kayo’y magpalaanakin, at magpakarami, at inyong punuin ang tubig sa mga dagat, at magpakarami ang mga ibon sa lupa.’”

Sino ang pinagpapala ng Diyos dito sa lupa? Yaong nananalig sa katuwiran ng Diyos, na namumuhay ayon sa mga panuntunan ng Diyos, sa Kanyang Salita. Sa ibang salita, ang taong may pananampalataya ang pinagpapala ng Diyos. Pinagpapala ng Diyos yaong tunay na nananalig sa Kanya. Hindi Niya pinagpapala yaong masigasig lamang sa kanilang panglabas na anyo.

Ang Diyos ay nakikialam sa ating mga buhay bilang yaong nananalig sa Kanyang katuwiran, inaalagaan Niya tayo, Siya’y nakikinig sa atin, at Siya’y kumikilos sa ating mga buhay. Naniniwala ba kayo rito? Naniniwala ba kayo sa pag-ibig na ito, kung saan kayo at ako ay pinagpala ng Diyos? Naniniwala ba kayo na kayo at ako ay hindi mabubuhay kundi sa pamamagitan ng ating pananampalataya sa Diyos? Naniniwala ba kayo na kung kayo’y nananalig sa Diyos, Siya’y magagalak na pagpapalain tayo? Oo, nawa kayo’y manalig sa lahat ng bagay na ito.

Pinagpapala ng Diyos yaong isinilang na muli sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, at yaong, mula niyaon, ay nabubuhay sa pagtitiwala sa katuwiran ng Diyos. Kapag tayo ay nagtiwala sa katuwiran ng Diyos at sundin ito, ang Diyos ay pupunana tayo ng di-malirip

472 Ang Buhay ng mga Taong may Pananampalataya na ang Kanilang mga Puso ay Nananalig sa Salita ng Diyos

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

na mahahalagang mga pagpapala. Kung tayo ay sumunod sa kaloobang ng Diyos, pagpapalain Niya tayo ng libo-libo at milyon-milyon. Dahil hangad ng Diyos na pagpalain tayong lahat mula sa pasimula ng paglikha sa langit at sa lupa.

Samakatuwid, tayo ay magkaroon ng isang puso sa Panginoon na itinalaga sa pagpapalawak ng Kaharian ng Diyos dito sa lupa, at maglinkod sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa pamamagitan ng pananampalataya. Walang iba kundi ito ang madaling daan upang kamtan ang dakilang mga pagpapala ng Diyos. Bagaman ang ating simula ay tila mababa at maraming tao ay tila hindi nasisiyahan sa atin, kung ang ating mga puso ay may pananampalataya sa Diyos, kung gayon ito ay higit na sapat. Sa pamamagitan natin, ang Diyos sa gayon ay kahanga-hangang tutuparin lahat ng Kanyang nais na gawin. Amen!

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

Ang Dahilan Bakit Tayo ay Ginawa ng Diyos sa

Wangis ng Kanyang Anyo

< Genesis 1:24-31 > “At nilikha ng Dios ang malalaking hayop sa dagat, at

ang bawa’t may buhay na kinapal na gumagalaw, na ibinukal na sagana ng tubig, ayon sa kanikaniyang uri at ang lahat na may pakpak na ibon, ayon sa kanikaniyang uri: at nakita ng Dios na mabuti. At mga binasbasan ng Dios, na sinabi, ‘Kayo’y magpalaanakin, at magpakarami, at inyong punuin ang tubig sa mga dagat, at magpakarami ang mga ibon sa lupa.’ At nagkahapon at nagkaumaga ang ikalimang araw. At sinabi ng Dios, ‘Bukalan ang lupa ng mga may buhay na kinapal, ayon sa kanikaniyang uri ng hayop at ng mga kinapal na umuusad, at ng mga ganid sa lupa, ayon sa kanikaniyang uri:’ at nagkagayon. At nilikha ng Dios ang ganid sa lupa ayon sa kaniyang uri, at ang hayop ayon sa kaniyang uri, at ang bawa’t umuusad sa ibabaw ng lupa ayon sa kanikaniyang uri: at nakita ng Dios na mabuti. At sinabi ng Dios, ‘Lalangin Natin ang tao sa Ating larawan, ayon sa Ating wangis: at magkaroon sila ng kapangyarihan sa mga isda sa dagat, at sa mga ibon sa himpapawid, at sa mga hayop, at sa buong lupa, at sa bawa’t umuusad, na nagsisiusad sa ibabaw ng lupa.’ At nilalang ng Dios ang tao ayon sa Kaniyang sariling larawan, ayon sa larawan ng Dios siya nilalang; nilalang Niya sila na lalake at babae. At sila’y binasbasan ng Dios, at sa kanila’y

474 Ang Dahilan Bakit Tayo ay Ginawa ng Diyos sa Wangis ng Kanyang Anyo

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

sinabi ng Dios, ‘Kayo’y magpalaanakin, at magpakarami, at kalatan ninyo ang lupa, at inyong supilin; at magkaroon kayo ng kapangyarihan sa mga isda sa dagat, at sa mga ibon sa himpapawid, at sa bawa’t hayop na gumagalaw sa ibabaw ng lupa.’ At sinabi ng Dios, ‘Narito, ibinigay Ko sa inyo ang bawa’t pananim na nagkakabinhi, na nasa ibabaw ng balat ng lupa, at ang bawa’t punong kahoy na may bunga ng punong kahoy na nagkakabinhi; sa inyo’y magiging pagkain: At sa bawa’t hayop sa lupa, at sa bawa’t ibon sa himpapawid; at sa bawa’t nagsisiusad sa ibabaw ng lupa na may buhay ay ibinigay Ko ang lahat na pananim na sariwa na pinakapagkain; at nagkagayon.’ At nakita ng Dios ang lahat ng kaniyang nilikha, at, narito, napakabuti. At nagkahapon at nagkaumaga ang ikaanim na araw.”

Matapos ang paglikha sa lahat ng bagay dito sa lupa, ang

pinakahuling bagay na nilikha ng Diyos ay ang sangkatauhan. Sinabi ng Biblia nang ang Diyos ay likhain ang sangkatauhan, siya’y nilikha Niya ayon sa Kanyang anyo at sa Kanyang wangis. Mula sa ngayong talata sa Kasulatan sa Genesis, ating matutuklasan ang Diyos ng Trinidad.

Ang Diyos na ating pinapanaligan ay ang Diyos Ama, ang Anak, at ang Banal na Espiritu. Nang likhain ng Diyos ang langit at ang lupa, itong tatlong Persona ng Diyos—ang Ama, at Anak, at ang Banal na Espiritu—nilikha ang sangkatauhan ayon sa anyo ng Diyos. Mula sa sinabi ng Diyos dito, “Lalangin Natin ang tao sa Ating larawan, ayon sa Ating wangis,” ating matutuklasan ang Diyos ng Trinidad. Nilikha ng Diyos ang sangkatauhan ayon sa Kanyang anyo. At ang Siyang lumikha nitong sanlibutan at sangkatauhan ay ang Diyos ng Trinidad: ang Diyos Ama, si Jesu-Cristo na Kanyang Anak, at

Ang Dahilan Bakit Tayo ay Ginawa ng Diyos sa 475 Wangis ng Kanyang Anyo

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

ang Banal na Espiritu. Itong Diyos ang lumikha ng langit at lupa, lahat ng bagay sa pagitan ng mga ito, at maging ang sangkatauhan.

Sa ikaanim na araw, ang huling araw ng Kanyang paglikha, nilikha ng Diyos ang sangkatauhan ayon sa Kanyang anyo sa pamamagitan ng gawa ng Ama, ang Anak, at ang Banal na Espiritu. Sinabi ng Diyos, “Lalangin Natin ang tao sa Ating larawan,” at ginawa Niya siya alinsunod nito.

Ano, kung gayon, ang tao? Sino ang mga tao? Sila yaong ayon sa wangis ng anyo ng Diyos. Nangangahulugan ba nang ang Diyos ay likhain ang sangkatauhan ayon sa Kanyang anyo, nais Niyang likhain tayo bilang Kanyang mga anak mula sa pasimula? Oo. Kailangan nating mabatid at wastong maunawaan ang layon ng Diyos sa paglikha ng sangkatauhan ayon sa Kanyang anyo. Mula sa pasimula, nilikha ng Diyos ang tao sa wangis ng Kanyang anyo, upang malasap ang Kanyang kapangyarihan at luwalhati.

Dapat nating mabatid na ang layunin kung saan nilikha ng Diyos ang lalaki at babae ay upang itayo ang Kanyang Iglesia. Sa paglikha ng Diyos sa babae mula sa tadyang ng lalaki ay paunang sinasabi sa katunayang ang Diyos Ama ay tutuparin ang Kanyang kalooban sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Pinapahayag nito ang layunin ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang Iglesia, at ang Siyang lumikha at tumupad sa gayong layunin ay ang Diyos ng Trinidad.

Nilikha ng Diyos ang lahat sa wangis ng Kanyang anyo, at ito ang layon ng Diyos sa pagtupad sa Kanyang layunin. Bago pa ang paglikha sa sanlibutan, ang Diyos Ama ay nilayon na kay Jesu-Cristo na Kanyang Anak na gawin tayo bilang Kanyang mga anak. Upang matupad ang layuning ito ng Diyos Ama, ang Kanyang Anak na si Jesu-Cristo ay naparito sa lupa, binautismuhan ni Juan Bautista, pinasan ang mga kasalanan ng

476 Ang Dahilan Bakit Tayo ay Ginawa ng Diyos sa Wangis ng Kanyang Anyo

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

sanlibutan, namatay sa Krus, nabuhay na muli, at sa gayon ay tinupad ang kalooban ng Ama. Ang Banal na Espiritu, sa kabilang dako, binigyang kasiguruhan ang kaligtasang tinupad ng Diyos Ama at ni Jesu-Cristo. Natupad ni Jesu-Cristo ang kalooban ng Diyos Ama bilang pagsunod.

Paano Natupad ang Kalooban ng Diyos Ama? Ang Ama, ang Anak, at ang Banal na Espiritu ay iisang

Diyos sa atin. Pinapahayag ng Diyos na ang Diyos Ama ay pinili tayo at itinalaga tayo kay Jesu-Cristo kahit bago pa itinatag ang sanlibutan, at tinupad Niya ang Kanyang layong kalooban kay Jesu-Cristo (Efeso 1:3-5). Sa ibang salita, ang Diyos Ama ay itinalaga ang Kanyang kalooban sa atin kay Jesu-Cristo at tinupad ito. Ang buong kahulugan nito na kay Jesu-Cristo na Kanyang Anak, nilikha tayo ng Diyos Ama bilang Kanyang mga anak sa wangis ng Kanyang anyo. Sa ibang pananalita, tinupad ng Diyos sa payo ng Ama, ng Kanyang Anak na si Jesu-Cristo, at ng Banal na Espiritu. Tulad nito, ang Ama, ang Anak, at ang Banal na Espiritu ay maluwalhating nilayon na likhain tayo at tinupad ito.

Nilayon ng Diyos Ama na tayo’y likhain bilang Kanyang mga anak, at ang Kanyang Anak na si Jesu-Cristo, bilang pagsunod sa kalooban ng Kanyang Ama, ay binautismuhan ni Jesu-Cristo, namatay sa Krus, at nabuhay na muli. Sa pamamagitan ng bautismo at pagkuha ng mga kasalanan ng sanlibutan, maging sa pamamagitan ng kamatayan sa Krus habang pasan ang ating mga kasalanan, at sa pamamagitan ng pagkabuhay na muli, si Jesu-Cristo ng Kanyang sarili ay inalis ang mga kasalanan ng sanlibutan, sa gayon natupad ang kalooban ng Diyos. Nais ng Diyos Ama na likhain tayo bilang

Ang Dahilan Bakit Tayo ay Ginawa ng Diyos sa 477 Wangis ng Kanyang Anyo

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

Kanyang mga anak. Kaya, sa lahat ng mananalig sa Kanyang Anak, binigay Niya ang karapatang maging Kanyang mga anak.

Paano, kung gayon, naibalik tayo ng Diyos upang maging Kanyang mga anak, ginawa sa wangis ng Kanyang anyo? Naisagawa Niya ito na minsanan sa pamamagitan ng ebanghelyo ng Katotohanan ng tubig at ng Espiritu. Nang likhain ng Diyos ang langit at ang lupa, nilikha Niya ang lalaki at babae at natupad ang Kanyang kalooban. Natupad Niya ang Kanyang kalooban sa pamamagitan ng pagliligtas sa atin at paglikha sa atin bilang Kanyang mga anak sa pamamagitan ng Kanyang anak na si Jesu-Cristo. Iyan kung bakit nilikha Niya ang sangkatauhan ayon sa Kanyang anyo.

Nilikha ng Diyos ang tao, lalaki at babae, ayon sa Kanyang anyo at sinabi Niya, “Kaya’t iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ang kaniyang ina, at makikipisan sa kaniyang asawa, at sila’y magiging isang laman” (Genesis 2:24). Ito ang Kanyang kalooban, at nais Niya sa ating mga tao na maging kaisa Niya sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Iyan kung bakit nang likhain ng Diyos ang langit at ang lupa at nilikha ang sangkatauhan, nilikha Niya ang lalaki at ang babae. Nang sila’y nilikha ng Diyos, taglay Niya ang mga ligtas, ang mga taong matuwid sa Kanyang isipan, nilalayong iligtas sila sa pamamagitan ni Jesu-Cristo.

Salamat sa Kanyang kalooban, yaong nananalig kay Jesu-Cristo bilang kanilang Tagapagligtas ay makakamtan ang kanilang layuning mabuhay sa pamamagitan lamang ng pananampalataya. Tayo ay muling isinilang bilang mga anak ng Diyos sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu na pinagkaloob ni Jesu-Cristo sa atin. Sa ibang salita, ang mga makasalanan sa sanlibutang ito ay maaaring maging

478 Ang Dahilan Bakit Tayo ay Ginawa ng Diyos sa Wangis ng Kanyang Anyo

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

mga anak ng Diyos kung sila’y mananalig lamang sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung binigay ni Jesu-Cristo sa atin, at sa gayon ay makakamtan ang kapatawaran sa kanilang mga kasalanan. Ito ay mula sa Diyos ating nakamtan ang karapatang maging Kanyang mga anak.

Minsang tayo ay maging mga anak ng Diyos sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ibibigay ng Diyos sa atin ang lahat ng bagay na kabilang sa Langit. Ang Panginoon mismo ay naging Panginoon nating lahat. Kaya tayo ay walang alinlangan kahit ano pa man na tayo ay naging yaong nakiayon sa wangis ng anyo ng Diyos.

Tayo ba ay nakiayon sa anyo ng Diyos? Ito ay sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu na ang layunin ng Diyos ay natupad sa paglikha sa sangkatauhan sa Kanyang anyo mula sa pasimula. Mula sa pasimula, nilayon ng Diyos na likhain tayong mga tao bilang Kanyang mga anak, at ang layuning ito ng Diyos Ama ay buong natupad kay Jesu-Cristo.

Kung ang Diyos ay hindi tayo ginawa bilang Kanyang mga anak na wala si Jesu-Cristo, kung gayon lahat ng ibang nilalang ay nagsipagrebelde. Tunay nga, hindi nangangahulugan nito na ang Diyos ay tila natakot sa rebelyon ng Kanyang sariling mga nilalang, bagkus ito’y nangangahulugan na hindi nais ng Diyos na maging isang di-makatuwirang Diyos. Tulad ng pangalan ng Diyos na hindi dapat pinsalain, ang Diyos ay may isang matuwid na layunin para sa ating kaligtasan kay Jesu-Cristo mula sa pasimula. Sa ilaw na ito, ang pagpapala ng Diyos ay masusumpungan kay Jesu-Cristo kaya tayo ay isinilang muna dito sa lupa bilang mga nilalang.

Tayo ay nilikha ng Diyos bilang Kanyang mga anak, na

Ang Dahilan Bakit Tayo ay Ginawa ng Diyos sa 479 Wangis ng Kanyang Anyo

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

nasa katulad na baitang ng Kanyang Anak na si Jesu-Cristo. Paano tayo inilagay ng Diyos Ama sa katulad na baitang ni Jesu-Cristo, bilang Kanyang mga kapatid? Ang Diyos Ama ay natupad ang daan upang tayo ay maging Kanyang mga anak sa loob ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu na tinupad ni Jesus. Samakatuwid, dapat tayong magkaroon ng wastong kaalaman ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, na siyang nagliliwanag sa pag-ibig ng Diyos.

Una sa lahat, dapat nating mabatid kung ano ang layon ng Diyos. Nilayon ng Diyos Ama ang ating kaligtasan kay Jesu-Cristo bago ang pagtatag ng sanlibutan, at minsanan Niyang tinupad ito sa pamamagitan ng ebanghelyo ng Katotohanan ng tubig at ng Espiritu. Ito ang malinaw na patotoo sa Efeso 1:4-5. “Ayon sa pagkapili Niya sa atin sa Kaniya bago itinatag ang sanglibutan, upang tayo’y maging mga banal at mga walang dungis sa harapan Niya sa pagibig. Na tayo’y itinalaga Niya nang una pa sa pagkukupkop na tulad sa mga anak sa pamamagitan ni Jesu-Cristo sa ganang Kaniya, ayon sa minagaling ng Kaniyang kalooban.” Ito ay nasa layunin ng Diyos na ang ating kaligtasan ay natupad. Ito ang layunin ng Diyos na nahayag sa Efeso kabanata isa. Ito kung paano tayo ay buong nakiayon sa anyo ng Diyos kay Jesu-Cristo. Sa ibang salita, nilikha ng Diyos Ama ang sangkatauhan dito sa sanlibutan upang tayo ay magsiayon sa wangis ng Kanyang anyo.

Sa kalahatan, ang tinatawag na mga tagapagtaguyod ng mga makamundong relihiyon ay sinusubukang pabanalin ang kanilang mga sarili. Makikita nating ang di-mabilang na mga tao ang nagsisikap ng kanilang sarili na maabot ang kabanalan, ang lahat ay walang kabuluhan. Para sa lahat, gayon man, kapag ang isang tao ay nakilala lamang si Jesu-Cristo sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay

480 Ang Dahilan Bakit Tayo ay Ginawa ng Diyos sa Wangis ng Kanyang Anyo

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

kanyang makakamtan ang biyaya ng pagpapatawad sa kanyang mga kasalanan at magiging isang mamamayan ng Diyos. Ito ang buong layunin kung saan nilikha ng Diyos ang mga tao upang isilang dito sa lupa, at sa Katotohanang natupad sa kabuuan nito sa lahat ng mananalig sa Diyos at susunod sa Kanyang Salita.

Na tayo ay isinilang dito sa lupa, at nakilala si Jesu-Cristo na Siyang naparito sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ay isang malaking pagpapala na wala ng iba pang ating hihilingin. Ibig sabihin na ang layunin kung saan tayo ay isinilang dito sa lupa ngayon ay natupad, na ang kalooban ng Diyos ay natupad din. Iyan kung paano ating tapat na malalasap ang tunay na kapahingahan sa layunin ng Diyos at matuklasan ang tunay na kahulugan ng ating pagsilang. Ito ay sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay ating nalaman ang layunin kung saan tayo ay isinilang dito sa lupa at ang kahulugan ng ating buhay.

Nang ang Diyos ay Unang Nilikha ang Sangkatauhan, Bakit Niya Nilikha ang Lalaki at ang Babae?

Unang nilikha ng Diyos si Adan. At siya ay pinatulog

Niya, kinuha ang kanyang isang tadyang, at nilikha ang babae mula sa kanyang tadyang. Sa gayon ay nilikha ng Diyos ang sangkatauhan, lalaki at babae. Sa anong layunin nilikha Niya sila? Ito ay upang pagpalain sila kay Jesu-Cristo. Nais ng Diyos Ama na gawin tayo, ang mga mananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, bilang Kanyang sariling mga anak, lahat ay sa pamamagitan ni Jesu-Cristo na naroon sa Ama. Yamang pinagkaloob ng Diyos Ama ang Kanyang

Ang Dahilan Bakit Tayo ay Ginawa ng Diyos sa 481 Wangis ng Kanyang Anyo

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

bugtong na Anak dahil sa Kanyang mga iniibig, si Jesu-Cristo na Anak ng Diyos ay naparito sa lupa, binautismuhan ni Juan Bautista, at dahil dito pinasan Niya ang mga kasalanan nitong sanlibutan. Habang pasan ni Jesu-Cristo ang mga kasalanan ng sanlibutan, kailangan Siyang magbubo ng Kanyang dugo at mamatay sa Krus, at sa pagkabuhay na muli, Kanyang natupad ang kalooban ng Ama. Sa ibang salita, sa pamamagitan ng Kanyang Anak tayo ay nilikha ng Diyos Ama bilang Kanyang mga anak.

Sa ibang pananalita, nilikha tayo ng Diyos Ama dahil sa Lalaking ito, ang Kanyang Anak. Sa tadyang na Kanyang kinuha kay Adan, nilikha ng Diyos ang babae—ito ay, nilikha Niya tayo kay Jesu-Cristo. At ang Lalaki (Jesu-Cristo) ay iniibig ang babae (tayo) ng lubusan. Kaya, nang si Adan ay pinakilala si Eba, sinabi niya,

“Ito nga’y buto ng aking mga buto At laman ng aking laman; Siya’y tatawaging Babae, Sapagka’t sa Lalake siya kinuha” (Genesis 2:23). Nang tayo ay nanalig kay Jesu-Cristo bilang ating

Tagapagligtas, at nang ating kamtan ang kapatawaran sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, tayo ay maisisilang na muli bilang mga anak ng Diyos. Nang si Jesu-Cristo ay bautismuhan ni Juan Bautista, sinabi ng Diyos Ama, “Ito ang sinisinta Kong Anak, na Siya Kong lubos na kinalulugdan” (Mateo 3:17). Sa ibang salita, iniibig ng Diyos Ama si Jesu-Cristo kaysa sa ibang mga nilalang dito sa daigdig.

Dahil kay Jesu-Cristo na naparito sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu tayo ay naging mga anak ng Diyos. Sino ang nagsugo kay Jesu-Cristo dito sa lupa? Ang Diyos Ama ay sinugo sa atin ang Kanyang bugtong na Anak, at

482 Ang Dahilan Bakit Tayo ay Ginawa ng Diyos sa Wangis ng Kanyang Anyo

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

niligtas tayo sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Lubos ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan kaya hinandog Niya ang Kanyang bugtong na Anak, nangangahulugan na Siya’y nagpasiya na iligtas tayong mga mananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Upang tayo’y maligtas sa ating mga kasalanan, sinugo ng Diyos Ama ang Kanyang pinakamamahal na Anak, ang Kanyang bugtong na Anak, bilang isang nilalang.

Upang tulutan tayong makiayon sa wangis ng Kanyang anyo, sinugo ng Diyos ang Kanyang Anak dito sa lupa, at sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu na tinupad ng Kanyang Anak, hinugasan ng Diyos lahat ng kasalanan ng sanlibutan. At nagpasiya Siya na iligtas lahat ng mananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ito ang kaligtasan ng sangkatauhan na tinupad ng Diyos Ama sa Kanyang Anak na si Jesu-Cristo, at ito ang hiwaga ng kaligtasang Kanyang inihayag sa pamamagitan ng Kanyang Iglesia.

Yaong Hindi pa Rin Nagkamit ng Kapatawaran sa Kanilang mga Kasalanan ay Hindi Muunawaan ang Layunin ng Diyos

Nalalaman ng Diyos ang lahat sa atin, at sa pagsugo ng

Kanyang Anak dito sa lupa, tinupad Niya ang gawaing pagliligtas sa atin mula sa mga kasalanan ng sanlibutan. Sa ibang salita, batid na ng Diyos Ama kung ano gagawin ni satanas pagkatapos, at kung kaya tayo ay nilikha Niya ayon sa Kanyang layunin. Bago ang pagtatag sa sanlibutan, pinili tayo ng Diyos Ama kay Jesu-Cristo, at Kanya ng dinidisenyo ang ating kaligtasan bago pa man tayo isilang dito sa lupa, kahit bago ang paglikha sa kalawakan. At ang Diyos ay buong

Ang Dahilan Bakit Tayo ay Ginawa ng Diyos sa 483 Wangis ng Kanyang Anyo

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

natupad ang Kanyang naisip na layunin ng kaligtasan kay Jesu-Cristo. Sa ibang salita, natupad Niya ang layuning ito at naisagawa ang ating kaligtasan na minsan sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.

Nilikha ng Diyos ang sangkatauhan, ang lalaki at babae, ayon sa Kanyang anyo. Ito ay nangangahulugang ibig ng Diyos na ihayag ang Kanyang kalooban sa pamamagitan ng Lalaki (Jesus) at sa babae (tayo) na Kanyang inilagay dito sa lupa. Ang Diyos Ama ay may layon upang gawing posible para sa lahat ng makasalanan dito sa lupa na maging Kanyang mga anak sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Kaya kung atin lamang nalalaman ang kalooban ng Diyos sa atin sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay ating mauunawaan ang Banal na Trinidad.

Sinabi ng Diyos, “Lalangin Natin ang tao sa Ating larawan, ayon sa Ating wangis.” Pagkatapos, nilikha Niya ang lalaki at babae, at pinagkatiwala sa kanila lahat ng nilalang upang mamahala sa lahat ng bagay.

Tunay bang ginawa tayo ng Diyos ayon sa Kanyang anyo? Ang anyo ba ng Diyos ay tulad ng anyo ng tao? Nakita ni Apostol Juan ang anyo ni Jesu-Cristo, at kanyang inilirawan Siya na may “mga matang gaya ng ningas ng apoy, at ang Kaniyang mga paa ay gaya ng tansong binuli” (Apocalipsis 2:18). Ang pariralang, “anyo ng Diyos” ay hindi nangangahulugan ng mukha o ang kaanyuan ng Diyos, dahil ang Diyos ay Espiritu. Sa halip, itong parirala ay tumutukoy sa Kanyang banal na mga katangian, nagsasaad na ang Diyos ay ginawa ang Kanyang mga tao upang maging bahagi ng Kanyang banal na anyo (2 Pedro 1:4).

Ang bayan ng Diyos ay yaong sangkatauhan na nagkamit ng kapatawaran sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ngayon, sila’y naging

484 Ang Dahilan Bakit Tayo ay Ginawa ng Diyos sa Wangis ng Kanyang Anyo

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

bahagi ng banal na anyo. Ano ang anyo ng Diyos? Una sa lahat, Siya’y pag-ibig.

Ang ating Diyos ay Diyos na mahabagin na nagkakaloob sa atin ng Kanyang masaganang pag-ibig. Ang Diyos ay may habag para sa mga kaluluwa ng mga makasalanan, at Siya may awa sa mahihina. At ang puso ng mga matuwid ay nakiayon din sa any ng Diyos. Yaong nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, na nagkamit ng kapatawaran sa kanilang mga kasalanan, ay nagtataglay din ng mga katangian ng Diyos.

Ang Diyos ay walang kasamaan. Isang bagay kung saan ang Diyos ay naiiba sa sangkatauhan, ito ang Kanyang walang kakahayang magsinungaling. Ang Diyos ay makatarungan. At sa puso ng mga isinilang na muli, naroon ang katarungan ng Diyos. Ang Diyos ay ganap. Siya ay walang anumang kapintasan. At Kanyang ginawang ganap tayong mga isinilang na muli kay Cristo. Sa pamamagitan ng pananampalataya ang tao ay naging ganap tula ng Diyos. Iyan kung bakit sinabi ng Diyos kay Abraham, “Lumakad ka sa harapan Ko, at magpakasakdal ka” (Genesis 17:1). Ang mga matuwid ay may mga pusong walang kapintasan.

Nilayon ng Diyos Ama lahat ng bagay na ito, at nais Niyang matupad ang Kanyang layon sa pamamagitan ng Kanyang Anak. Kaya, sa pamamagitan ni Jesu-Cristo, niligtas tayo ng Diyos sa ating mga kasalanan, sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Yamang natupad lahat ng ating kaligtasan, si Jesus ay umakyat sa kanang kamay ng trono ng Diyos, at Siya’y babalik bilang Panginoon sa Kanyang pangalawang pagbabalik. Nilayon ng Diyos Ama ang ating kaligtasan, at si Jesu-Cristo ay niligtas tayo mula sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang tubig at dugo. Kapag ating tinanggap ang Katotohanan ng kaligtasang ito sa ating mga puso, ang Diyos na Banal na Espiritu ay tatanggapin ang

Ang Dahilan Bakit Tayo ay Ginawa ng Diyos sa 485 Wangis ng Kanyang Anyo

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

ating pananampalataya at tatatakan tayo, sasabihing, “Tama ka. Ako ang iyong Diyos. Kayo ay Aking mga anak.” Kaya, naroon ang Diyos ng Trinidad—ang Ama, ang Anak, at ang Banal na Espiritu—at lahat nitong tatlong Persona ng Diyos ay iisang Diyos sa atin, na Kanyang nilikha ayon sa wangis ng Kanyang anyo.

Ang doktrina ng Trinidad ay ang pinakamahalagang paksa ng teolohiya. Nguni’t, ang mga makasalanan na ang puso ay hindi nahugasan sa kanilang mga kasalanan ay hindi nauunawaan ang paksa ng Banal na Trinidad. Hindi natin mauunawaan itong espiritwal na paksa malibang ang Banal na Espiritu ay ibibigay sa atin ang kaunawaan nito. Kung wala ang Banal na Espiritu sa ating mga puso, hindi natin makikilala maging si Jesu-Cristo bilang ating Tagapagligtas. Kung hindi sa Banal na Espiritu, hindi natin taglay si Jesu-Cristo bilang ating Tagapagligtas sa ating mga puso, at hindi natin matatawag ang Diyos Ama na “Aba, Ama.” Samakatuwid, kung tayo’y walang pananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, hindi natin maaabot ang wastong unawa sa Banal na Espiritu.

Tunay nga, sa inyong mga salita marahil ay palaging masasabi ninyo na si Jesu-Cristo ay inyong Tagapagligtas. Nguni’t kung wala ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, wala kayong kakayahang gawin ang tunay na kapahayagan ng inyong pananampalataya, na si Jesu-Cristo ay inyong Tagapagligtas. Sa ibang salita, sa pamamagitan ng Salita ng mga Kasulatan na sinasabi ng Diyos sa atin ukol sa layunin ng Ama at ang kaligtasan ni Jesu-Cristo na nagligtas sa atin. Tinatakan tayo ng Diyos sa pamamagitan ng Banal na Espiritu upang pagtibayin na tayo ay ginawa Niyang matuwid.

Yamang niligtas tayo at ginawa tayong matuwid sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, sinabi ng

486 Ang Dahilan Bakit Tayo ay Ginawa ng Diyos sa Wangis ng Kanyang Anyo

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

Diyos, “Kayo ay walang kasalanan. Kayo ay Aking mga anak. Kayo ay mga anak ng Diyos.” Kaya, sa pagliligtas sa atin mula sa mga kasalanan ng sanlibutan, tinulot tayo ng Diyos na malaman itong layunin ng Diyos na Trinidad. Sinabi ng Diyos na Kanyang nilayon ang ating kaligtasan sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, na Kanyang tinupad ang ating kaligtasan upang maging ganap sa pamamagitan ni Jesu-Cristo, at Kanyang tinatakan lahat ng nananalig nito sa pamamagitan ng Banal na Espiritu. Sinabi ng Diyos na hindi Niya iiwan tayo, yaong naligtas kay Jesu-Cristo sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.

Sinabi ni Apostol Pablo, “Sapagka’t ako’y naniniwalang lubos, na kahit ang kamatayan man, kahit ang buhay, kahit ang mga anghel, kahit ang mga pamunuan, kahit ang mga bagay na kasalukuyan, kahit ang mga bagay na darating, kahit ang mga kapangyarihan, kahit ang kataasan, kahit ang kababaan, kahit ang alin mang ibang nilalang, ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pagibig ng Dios, na nasa kay Cristo Jesus na Panginoon natin” (Roma 8:38-39). Tayo ay niligtas ng Diyos at ganap na ginawa tayong Kanyang mga anak. Walang iba kundi ito ang kalooban ng Diyos na Kanyang natupad sa pamamagitan ng pagliligtas sa atin sa kasalanan. Sa ibang salita, sa pamamagitan ng ganap na Salita ng Katotohanan ng Diyos kaya ang ating kaligtasan ay naganap at tayo ay naging mga anak ng Diyos.

Itong Katotohanan ng kaligtasan ay hindi natutunan mula sa tao. Ito ay hindi mula sa tao, o sa pamamagitan ng tao. Ang isang tao ay makakamit lamang ang kaligtasan sa pamamagitan ng ebanghelyo ng Salita ng tubig at ng Espiritu ni Jesu-Cristo. Sinasabi ng Biblia na sa pamamagitan ng katalagahan ng Diyos Ama, sa pamamagitan ng paghandog ni Jesu-Cristo, at sa pamamagitan ng kasiya ng Banal na Espiritu tayo ay naging

Ang Dahilan Bakit Tayo ay Ginawa ng Diyos sa 487 Wangis ng Kanyang Anyo

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

mga anak ng Diyos. Kung ang Diyos ay hindi nilayon ang ating kaligtasan kay

Jesu-Cristo, kung gayon si Jesu-Cristo ay hindi naparito sa lupa. Hindi Siya babautismuhan ni Juan Bautista para sa atin, ni wala ng pangangailangan para sa Kanya na mapako at magbubo ng Kanyang dugo sa kamatayan habang pasan ang mga kasalanan ng sanlibutan, lalo na ang muling pagkabuhay. At, tunay nga, hindi na kailangan pang umakyat sa kanang kamay ng trono ng Diyos, o ang anumang pangangailangang magbalik. Si Jesu-Cristo, ang Anak ng Diyos Ama, malinaw na naparito sa lupa upang iligtas tayo sa mga kasalanan ng sanlibutan, at sa pagliligtas sa atin mula sa mga kasalanan ng sanlibutan sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, tunay nga na Kanyang ginawa tayong bayan ng Diyos.

Bagaman si Jesu-Cristo ay niligtas tayo mula sa mga kasalanan nitong sanlibutan at hinihiling sa atin na manalig dito, kung tayo ng ating mga sarili ay hindi nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, kung gayon ang Banal na Espiritu ay hindi tayo tatatakan ng huling pagsang-ayon. Samaktuwid, malibang ang ating pananampalataya ay naging ganap sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ang lahat ay walang saysay. Sa ating pangangaral ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa iba, kapag sila’y nanalig, ang Banal na Espiritu ay tatatakan ang kanilang mga puso agad. Kaya sila, rin, ay nagpapatunay bilang mga anak ng Diyos. Sa ibang salita, ang Banal na Espiritu at ang Salita ng Diyos ay aaprubahan yaong nagkamit ng kapatawaran sa kanilang mga kasalanan, sasabihing, “Tama ka! Ikaw ay walang kasalanan!”

Lahat ng ating ginawa ay tanggapin lamang ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ang Banal na Espiritu ngayon ay nananahan sa ating mga puso. Ang ating kaligtasan ay nakamtan sa Diyos ng Trinidad. Ang Ama, ang Anak, at ang

488 Ang Dahilan Bakit Tayo ay Ginawa ng Diyos sa Wangis ng Kanyang Anyo

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

Banal na Espiritu ay iisang Diyos, at itong Diyos ay iisa, iisang Diyos sa atin.

Dapat nating tanggapin sa ating mga puso na si Jesu-Cristo ay niligtas tayo sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ayon sa layuning dinisenyo ng Diyos Ama para sa atin. Tayo sa gayon ay magiging mga anak ng Diyos. Ating nalalaman at nananalig na yamang ang Diyos ay Trinidad, ang Ama ni Jesu-Cristo ay ating Ama, at Siya rin ang ating Pastol. Kapag tayo ay nananalig na ang Diyos Ama ay nilayong isusugo si Jesu-Cristo dito sa lupa sa laman ng tao, at si Jesu-Cristo ay iniligtas tayo mula sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang tubig at ng dugo, tayo sa gayon ay magiging mga anak ng Diyos.

Tayong mga mananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ngayon ay nangungusap ukol sa Diyos ng Trinidad ng labis na madali at mananalig nito ng walang anumang suliranin. Sa katunayan, para sa mga matuwid, ang Katotohanan ukol sa Diyos ay hindi mahirap. “Iniibig tayo ng Diyos . Kaya sinugo Niya ang Kanyang Anak, sanhi ng Kanyang pag-ibig sa atin. Niligtas tayo ng Diyos sa kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang pinakamamahal, bugtong na Anak. Kaya sa pamamagitan ng pananalig sa tubig at dugo nitong si Jesu-Cristo, tayo ay naligtas. Hindi lamang tayo naligtas sa kasalanan, bagkus tayo rin ay naging mga anak ng Diyos.”

Ang panuntunan sa ating kaligtasan ay tulad ng kasalan. Yamang ang isang lalaki at babae ay nagmamahalan dito sa lupa ay isang sanggol ang isinilang, ginawa tayo ng Diyos Ama na Kanyang mga anak sa pamamagitan ng Kanyang Anak. Iyan kung bakit ang pagsasabi sa kasalan, sinabi ni Apostol Pablo, “‘Dahil dito’y iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ina, at makikisama sa kaniyang asawa, at ang dalawa ay magiging

Ang Dahilan Bakit Tayo ay Ginawa ng Diyos sa 489 Wangis ng Kanyang Anyo

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

isang laman.’ Ang hiwagang ito ay dakila, datapuwa’t sinasalita ko ang tungkol kay Cristo at tungkol sa iglesia” (Efeso 5:31-32). Ang ating kaligtasan ay tulad ng kasalan; dahil ang isang lalaki at isang babae na ikakasal ay tulad ng Diyos na ikakasal sa atin. Yamang ang Diyos ay ginawa tayong Kanyang mga anak, Siya at tayo ay naging iisang katawan.

Sa mga makasalanan, gayon man, walang paraan upang maipaliwanag ang Diyos ng Trinidad. Hindi natin mauunawaan ang Banal na Trinidad malibang ating nakamtan ang kapatawaran sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Kahit pa ang isang tao ay nakamtan ang kapatawaran sa kanyang mga kasalanan, kung ang paksa ng Banal na Espiritu ay pinaliwanag sa labis na masalimuot, ito ay magdudulot lamang ng sakit ng ulo. Ang isang tao ay mauunawaan ito kapag ito lamang ay pinaliwanag sa simpleng mga paraan; kung hindi, kapag ito ay tinalakay na labis na masalimuot, ito ay mahirap mauunawaan.

Ang puso ng tao kung minsan ay nagiging walang habag. Kahit pa ang isinilang na muli ay tila malupit paminsan-minsan, nguni’t sa katunayan sila’y maaamo. Ang matuwid ay walang hangaring saktan ang sinuman. Dahil ang isinilang na muli ay naging bagong nilalang sa wangis ng Diyos, ayon sa Kanyang ano (2 Corinto 5:17). Tayo na nagkamit ng kapatawaran sa lahat ng ating kasalanan ay taglay ang puso ng Diyos.

Sa ikaanim na araw ng paglikha, nitong huling araw, nilikha ng Diyos ang sangkatauhan, at nilikha Niya tayo ayon sa Kanyang anyo. Sa loob ng anim na araw nilikha ng Diyos ang kalawakan at lahat ng bagay nito, at sa ikapitong araw Siya ay nagpahinga. Sa pagpahinga ng Diyos sa ikapitong araw ay nagsasaad na Kanyang nabuo ang ating kaligtasan na minsan. Ang bilang na pito ay nagsasaad ng pagiging ng Diyos, nagsasaad na ang Diyos ay nilayon ang ating kaligtasan at

490 Ang Dahilan Bakit Tayo ay Ginawa ng Diyos sa Wangis ng Kanyang Anyo

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

isinagawa ang Kanyang disenyo ng kaligtasan na kasingtatag ng semento. Sa paraang ito, nilikha ng Diyos ang sangkatauhan ayon sa Kanyang anyo. Tayo ang siyang nilikha ng Diyos Ama, ng Anak, at ng Banal na Espiritu sa pagkakaisa.

Yaong hindi nananalig kay Jesu-Cristo sa katunayan ay hindi nananalig sa Diyos ng Trinidad. Hindi sila naniniwala na si Jesu-Cristo ay ang Anak ng Diyos, na Siya mismo ay Diyos. Hindi rin nila nauunawaan itong espiritwal na bagay. Sanhi nito, pinipilit nilang malaman kung saan ang biblikal na saligan para sa Banal na Espiritu.

Nguni’t ang kahalagahan ng Diyos na Trinidad ay makikita dito, sa Genesis 1:26. “At sinabi ng Dios, ‘Lalangin Natin ang tao sa Ating larawan, ayon sa Ating wangis.’” Sinabi ba rito ni Yahweh, ang Diyos Ama, “Lalalangin Ko ang tao ng Aking sarili ayon sa Aking wangis at Aking anyo”? Hindi, sinabi Niya, “Lalangin Natin ang tao sa Ating larawan.” Itong mga salitang ng maramihan dito ay nagpapakita na ang Diyos ay Trinidad.

Upang maulit, sinabi ng Diyos, “Lalangin Natin ang tao sa Ating larawan.” Ito ay tumutukoy sa Diyos ng Trinidad, ito ay, sa Ama, ang Anak, at ang Banal na Espiritu. Kaya yaong nananalig kay Jesu-Cristo bilang kanilang Tagapagligtas ay nagsasabi na si Jesu-Cristo ay kanilang Panginoon. Sinasabi nila na ang Panginoon ay ang Diyos na lumikha sa kanila at nagligtas sa kanila mula sa kasalanan. Paano naman ang Banal na Espiritu kung gayon? Tinatawag din nila Siya bilang Banal na Diyos. Yamang ang Banal na Espiritu ay nananahan sa atin palagi, iniingatan Niya tayo at inaakay. Kaya, sinasabi ng Biblia na kung wala ang Espiritu ni Jesu-Cristo, tayo ay hindi Kanya.

Iyan kung bakit sinasabi natin na ang Ama, ang Anak, at ang Banal na Espiritu ay iisang Diyos sa atin. Itong tatlong

Ang Dahilan Bakit Tayo ay Ginawa ng Diyos sa 491 Wangis ng Kanyang Anyo

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

Persona ng Diyos ay ganap na nagligtas sa atin. Hindi nabuo ni Jesu-Cristo ang ating kaligtasan sa pamamagitan laman ng Kanyang sarili, bagkus iniligtas Niya tayo ayon sa kalooban ng Ama. Nang si Jesus ay narito sa lupa, Siya’y namuhay ayon sa kalooban ng Ama. Sinabi Niya, “Datapuwa’t ang lahat ng sa Kaniya’y nagsitanggap, ay pinagkalooban Niya sila ng karapatang maging mga anak ng Dios, sa makatuwid baga’y ang mga nagsisisampalataya sa Kaniyang pangalan.”

Iyan kung paano ang Diyos ay nilikha tayo bilang Kanyang mga anak. Nilayon ng Diyos na alisin ang ating mga kasalanan at gawin tayong Kanyang mga anak sa pamamagitan ng Kanyang Anak na si Jesu-Cristo, at upang matupad ang layuning ito, si Jesu-Cristo ay naparito sa lupa, binautismuhan, namatay sa Krus, nabuhay na muli sa ikatlong araw, at sa gayon ay buong inalis lahat ng ating kasalanan. Ngayon, yaong nananalig kay Jesu-Cristo bilang kanilang Tagapagligtas, sasang-ayunan sila ng Diyos, sasabihing, “Kayo ay Aking mga anak. Lahat ng ibang nilalang ay mga nilalang lamang, nguni’t kayo, kayo ay Aking sariling mga anak.”

Sa katunayan nais ng Diyos na tanggapin ang lahat bilang Kanyang anak (1 Timoteo 2:4). Nguni’t dahil maraming tao ang nakikinig sa mga salita ng Diablo, at hindi tinatanggap ang kaligtasan ng Diyos at tumatangging manalig na ang Diyos ay iniligtas sila sa pamamagitan ng Kanyang Anak upang ganap na maging walang kasalanan, hindi lang sila walang kakayahang maging mga anak ng Diyos, bagkus sila sa katunayan ay naging mga anak ng diablo.

Sa ngayon, inyong mauunawaan ang Diyos ng Trinidad. Tunay nga, ang ating kaligtasan sa kasalanan ay hindi aksidenteng natupad. Ang ating kaligtasan ay buong nilayon at natupad sa pamamagitan ng Diyos ng Trinidad, at kung gayon ang ating gagawin lamang ay manalig sa Katotohanang ito.

492 Ang Dahilan Bakit Tayo ay Ginawa ng Diyos sa Wangis ng Kanyang Anyo

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

Dahil ang Banal na Espiritu ay binibigyang kasiguruhan ang ating kaligtasan, sasabihing, “Kayo ay Aking mga anak,” tatawagin natin Siyang ating Katuwang, Siyang tumutulong sa atin.

Kapag ang isang tao ay bumagsak sa pananalapi, sinuman ang taong tumanggap ng kanyang pananagutan sa mga utang ay dapat bayaran lahat ito, Subali’t, sa ating kalagayan, walang iba kundi ang Banal na Espiritu ang nagbibigay katiyakan ng ating kaligtasan. Anumang uri ng mga kakulangan mayroon tayo, at gaano man ang pag-akusa ni satanas sa atin na may kasalanan, ang Banal na Espiritu ang nagbibigay katiyakan sa ating kaligtasan, sasabihing, “Ako ang inyong kasiguruhan. Kayo ang tiyak na mga anak ng Diyos. Kayo ay walang kasalanan.” Nilayon ng Diyos para sa atin na maging matuwid, at Kanyang tinupad ito sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ito ang gawaing ginawa ng Diyos sa ikaanim na araw ng paglikha.

Sinabi ng Diyos sa atin, “Kayo’y magpalaanakin at magpakarami, at kalatan ninyo ang lupa, at inyong supilin; at magkaroon kayo ng kapangyarihan sa mga isda sa dagat, at sa mga ibon sa himpapawid, at sa bawa’t hayop na gumagalaw sa ibabaw ng lupa.” Paano magiging mananagana at magparami? Maari lamang tayong magparami kung ating pakakasalan si Jesu-Cristo.

Sinabi ng Diyos sa atin, “Kalatan ninyo ang lupa.” Ang mga tao ba ngayon ay pinunan ang sanlibutan? Oo, ipalagay na ang daigdigang populasyon ngayon ay humigit na 6 bilyon, hindi ba halata na ang sanlibutan ngayon ay puno ng mga tao? Ang Salita ba ng Diyos ay hindi natupad? Hindi, ito ay natupad ayon sa Salita ng Diyos.

Sinabi rin ng Diyos, “Magkaroon kayo ng kapamhalaan sa bawa’t nilalang.” Hindi ba ang mga tao ay may kapamahalaan

Ang Dahilan Bakit Tayo ay Ginawa ng Diyos sa 493 Wangis ng Kanyang Anyo

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

sa lahat ng nilalang? Gaano man ang laki ng hayop, ito pa rin ay nasa kapamahalaan ng sangkatauhan. Walang hayop ang maaaring magtagumpay sa sangkatauhan. Ang isang hayop ay panumandaling magwagi sa mga tao sa pamamagitan ng kanyang marahas na lakas, nguni’t walang hayop ang maaaring ganap na magtagumpay sa sangkatauhan, na siyang matalino at nalalaman kung paano gumamit ng mga kasangkapan. Walang hayop ang higit na matalino kaysa sa tao. Iyan kung bakit sinabi ng Diyos na ginawa Niya tayo ayon sa Kanyang anyo.

Lahat ng narito sa lupa ay isang anino sa Langit. Yamang nilikha tayo, sinabi ng Diyos sa atin na mamahala sa Kanyang nilalang. Tayo ay papamahalaan Niya sa Kaharian ng Langit, upang malasap itong kahanga-hanga, marilag, at walang hanging daigdig, labis na kahanga-hanga na hindi mailalarawan. Sa pamamagitan ni Jesu-Cristo, ang Kanyang bugtong na Anak, nilikha ng Diyos ang mga tao ayon sa Kanyang anyo at ginawa silang Kanyang sariling mga anak, at Kanyang pupunan ang Kaharian ng Langit sa pamamagitan nitong mga anak upang lasapin ang lahat ng bagay. Ito ang layunin ng Diyos. Sa Kanyang walang hanggan, walang katapusang layunin. Iyan kung bakit sinabi ni Jesu-Cristo, “Ako ay paroroon upang ipaghanda Ko kayo ng dakong kalalagyan, at kung Ako’y pumaroon at kayo’y maipaghanda ng kalalagyan, ay muling paririto Ako” (Juan 14:1-3). Sinabi nga Niya ito sa pangakong maninirahan sa atin.

Ito ay upang tulutan tayong lasapin ang pagpapala ng walang hanggang buhay sa Kaharian ng Langit kaya nilikha tayo ng Diyos upang isilang at ililigtas. Kaya, ang pananalig kay Jesu-Cristo ay ang pagtanggap sa maraming mga pagpapala.

Sino ang makapagliligtas sa atin, ihahandog ang Kanyang sarili upang tayo ay maligtas, nilisan ang trono ng luwalhati at

494 Ang Dahilan Bakit Tayo ay Ginawa ng Diyos sa Wangis ng Kanyang Anyo

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

iniligtas tayo sa pamamagitan ng Kanyang tubig at dugo, at binigay sa atin ang gayon ding luwalhati at kapangyarihan bilang Kanyang sarili? Anong diyos o nilalang ang makagagawa nito? Ang Diyos lamang ang gumawa nito dahil tayo’y iniibig Niya. Iyan kung bakit tayo ay labis na maligaya nang makamtan ang kapatawaran sa ating mga kasalanan. Walang kasi-saya yaong nagkamit ng kapatawaran sa kanilang mga kasalanan. Yamang inilaan lahat ng makalangit na mga kayamanan para sa atin, ang Diyos ngayon ay naghihintay sa atin. Ito ay upang ibigay sa atin lahat ng kayamanan ng Langit, ang buong Kaharian, kaya tayo ay isinilang ng Diyos dito sa lupa. At sa pamamagitan ni Jesu-Cristo, ginawa Niya tayo maging Kanyang mga anak.

Ang manalig kay Jesu-Cristo ay ang pagiging pinagpala. Habang tayo ay nabubuhay dito sa lupa, mayroong iba’t-ibang mga kapanahunan para sa atin, tag-sibol at tag-init, taglagas at taglamig. Subali’t, pinagpala tayo ng Diyos sa lahat ng bagay ng ating mga buhay. Nakamtan na natin ang makalangit ng mga pagpapala. Binigay ng Diyos sa atin lahat ng espiritwal na mga pagpapala ng Langit na hindi mailalarawan. Kayong lahat ay nakamtan ang mga ito. Lahat ng ngayong nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay nakamit na ang kahanga-hangang mga pagpapala.

Sa Kaharian ng Diyos, walang pagkakaiba ang kasarinlan. Tayong mga anak ng Diyos, kapwa lalaki at babae, ay maghahari magpakailanman. Tayo ay mananatiling mga anak ng Diyos sa walang hanggan. Tayo ay mamumuno maging sa mga anghel. Sasabihin sa atin ng mga anghel, “Halikayo, panginoon,” at ating sasabihin sa kanila, “Ilipad mo ako at tayo ay maglakbay.” Ating nakamtan ang gayong mga pagpapala.

Dagdag nito, tayo ay tinawag ng Diyos bilang Kanyang mga saksi. Tayo ang mga patotoo ng ebanghelyong tinawag ng

Ang Dahilan Bakit Tayo ay Ginawa ng Diyos sa 495 Wangis ng Kanyang Anyo

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

Diyos upang kamtan ang walang hanggang mga pagpapala, at isagawa ang mahalagang gawain ng Diyos dito sa lupa.

Tayo’y nananalig sa katuwiran ng Diyos at binibigay natin ang pasasalamat sa Kanya. Nang tayo ay nilikha ng Diyos, ginawa Niya tayo para sa layuning gawing Kanyang sariling mga anak. Tayo ay ginawa ng Diyos pawang mga karaniwang mga nilalang at nagwakas lamang doon, pagkatapos tayo ay naging walang kabuluhan. Ang Diyos ay may dakilang layunin para sa atin, ginawa Niya ang dakilang mga bagay, Kanyang pinagkatiwala sa atin ang lahat ng bagay, at binigay Niya sa atin ang kapangyarihan at karapatang mamahal sa lahat ng bagay. Binigay Niya sa atin lahat ng ito sa pamamagitan ni Jesu-Cristo, at sa pamamagitan ng Iglesia. Binigay ng Diyos sa atin itong mga pagpapala sa pamamagitan ng Iglesia ay nangangahulugan na sa pamamagitan ni Jesus at ang mga lingkod ng Diyos na nananalig kay Jesu-Cristo ang Diyos ay pinagkakaloob ang bawa’t espiritwal na pagpapala ng Langit sa Kanyang mga mananampalataya.

Si Apostol Pablo ay inilirawan sa atin, “Waring hindi mga kilala, gayon ma’y mga kilalang mabuti; tulad sa nangaghihingalo, at narito, kami ay nangabubuhay; gaya ng mga pinarurusahan, at hindi pinapatay; tulad sa nangalulungkot, gayon ma’y laging nangagagalak; tulad sa mga dukha, gayon ma’y nangagpapayaman sa marami; gaya ng walang anomang pagaari, gayon ma’y mayroon ng lahat ng mga bagay” (2 Corinto 6:9-10).

Tayo ay gayong mga tao. Tayo ay tila hindi taglay ang anuman, nguni’t tayo ay kahanga-hanga. Huwag kayong malulungkot kahit pa ang mga bagay ng sanlibutan ay pahihirapan kayo. Kayong lahat ay nabubuhay sa higit na makabuluhan. Walang iba dito sa daigdig ang nagkamit ng kapatawaran sa kasalanan kundi tayo lamang. Itong

496 Ang Dahilan Bakit Tayo ay Ginawa ng Diyos sa Wangis ng Kanyang Anyo

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

kahanga-hangang pagpapala ay dumating sa atin hindi dahil sa ating sariling kabutihan, bagkus lahat ay dahil kay Jesu-Cristo.

Dahil tayo ay nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, at dahil ating pinalalawig itong ebanghelyo, tayo yaong naligtas, tayo yaong iniibig ng Diyos, at tayo yaong Kanyang mahahalagang mga lingkod. Walang iba kundi tayo ng ating mga sarili ang pinahahalagahan ng Diyos.

Binibigay ko lahat ng aking pasasalamat sa Diyos ng Trinidad na nagligtas sa atin mula sa ating mga kasalanan.

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

Tayo ay Nilikha sa Anyo ng Diyos

< Genesis 1:24-31 > “At nilikha ng Dios ang malalaking hayop sa dagat, at

ang bawa't may buhay na kinapal na gumagalaw, na ibinukal na sagana ng tubig, ayon sa kanikaniyang uri at ang lahat na may pakpak na ibon, ayon sa kanikaniyang uri: at nakita ng Dios na mabuti. At mga binasbasan ng Dios, na sinabi, ‘Kayo’y magpalaanakin, at magpakarami, at inyong punuin ang tubig sa mga dagat, at magpakarami ang mga ibon sa lupa.’ At nagkahapon at nagkaumaga ang ikalimang araw. At sinabi ng Dios, ‘Bukalan ang lupa ng mga may buhay na kinapal, ayon sa kanikaniyang uri ng hayop at ng mga kinapal na umuusad, at ng mga ganid sa lupa, ayon sa kanikaniyang uri:’ at nagkagayon. At nilikha ng Dios ang ganid sa lupa ayon sa kaniyang uri, at ang hayop ayon sa kaniyang uri, at ang bawa’t umuusad sa ibabaw ng lupa ayon sa kanikaniyang uri: at nakita ng Dios na mabuti. At sinabi ng Dios, ‘Lalangin Natin ang tao sa Ating larawan, ayon sa Ating wangis: at magkaroon sila ng kapangyarihan sa mga isda sa dagat, at sa mga ibon sa himpapawid, at sa mga hayop, at sa buong lupa, at sa bawa’t umuusad, na nagsisiusad sa ibabaw ng lupa.’ At nilalang ng Dios ang tao ayon sa Kaniyang sariling larawan, ayon sa larawan ng Dios siya nilalang; nilalang Niya sila na lalake at babae. At sila’y binasbasan ng Dios, at sa kanila’y sinabi ng Dios, ‘Kayo’y magpalaanakin, at magpakarami, at kalatan ninyo ang lupa, at inyong supilin; at magkaroon

498 Tayo ay Nilikha sa Anyo ng Diyos

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

kayo ng kapangyarihan sa mga isda sa dagat, at sa mga ibon sa himpapawid, at sa bawa’t hayop na gumagalaw sa ibabaw ng lupa.’ At sinabi ng Dios, ‘Narito, ibinigay Ko sa inyo ang bawa’t pananim na nagkakabinhi, na nasa ibabaw ng balat ng lupa, at ang bawa’t punong kahoy na may bunga ng punong kahoy na nagkakabinhi; sa inyo’y magiging pagkain: At sa bawa’t hayop sa lupa, at sa bawa’t ibon sa himpapawid; at sa bawa’t nagsisiusad sa ibabaw ng lupa na may buhay ay ibinigay Ko ang lahat na pananim na sariwa na pinakapagkain; at nagkagayon.’ At nakita ng Dios ang lahat ng kaniyang nilikha, at, narito, napakabuti. At nagkahapon at nagkaumaga ang ikaanim na araw.”

Ang ngayong talata sa Kasulatan ay inilarawan ang

ikaanim na araw ng paglikha sa langit at sa lupa. Ang unang kabanata ng Aklat na Genesis ay binibigay ang isang malawak na disenyo ng layunin ng Diyos na magtutulot sa atin na makita ang layunin sa kabuuan. At paunang sinasabi nito ang pagbuo ng Diyos sa disenyong ito.

Ang ating Diyos ay nilikha ang sangkatauhan para sa Kanyang kaluwalhatian, upang tayo ay makapagpuri sa Kanyang kaluwalhatian. Tulad ng sinasabi sa Genesis 2:1, “At nayari ang langit at ang lupa, at ang lahat na natatanaw sa mga iyon,” sa Kanyang paggawa sa ikaanim na araw, nabuo ng Diyos ang lahat ng bagay na Kanyang dapat gawin.

Sa ikaanim na araw, tulad ng sinabi ng Diyos, “Bukalan ang lupa ng mga may buhay na kinapal, ayon sa kanikaniyang uri ng hayop at ng mga kinapal na umuusad, at ng mga ganid sa lupa, ayon sa kanikaniyang uri,” ito ay naisagawa tulad ng Kanyang inutos. Sa paglikha ng Diyos sa mga hayop sa lupa, nakita Niyang ito ay mabuti. Matapos likhain lahat ng baka, at

Tayo ay Nilikha sa Anyo ng Diyos 499

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

hayop sa lupa, ayon sa kanikaniyang uri, sinabi ng Diyos, “Lalangin Natin ang tao sa Ating larawan, ayon sa Ating wangis.”

Ang Sangkatauhan Ay Nilikha sa Anyo ng Diyos Ano ang anyo ng Diyos? Sa huling araw ng paglikha,

sinabi ng Diyos, “Lalangin Natin ang tao sa Ating larawan, ayon sa Ating wangis.” Ito’y nagsasaad kung paano tayo nilikha ng Diyos upang maging Kanyang mga anak.

Hanggang sa ikaapat na araw ng paglikha sa langit at sa lupa, nilikha ng Diyos ang araw, ang buwan, ang mga bituin sa langit, mga nilalang sa tubig tulad ng isda, at mga ibon sa himpapawid. At sa ikaanim na araw ng paglikha nilikha ng Diyos lahat ng hayop na naninirahan sa lupa, mula sa mga baka at gumagapang na mga bagay hanggang sa mga hayop sa lupa. Matapos nito, ang ating Diyos ngayon ay nais na itulot sa Kanyang mga anak na mabuhay sa Hardin ng Eden.

Nang sinabi ng Diyos, “Lalangin Natin ang tao sa Ating larawan, ayon sa Ating wangis,” tunay Niyang nais na likhain ang sangkatauhan sa Kanyang anyo at wangis. Itong anyo ng Diyos ay tumutukoy sa mga anak ng Diyos na ganap na walang kasalanan sa harapan Niya. Kaya, sa ibang pananalita, nais ng Diyos na lumikha ng banal na tao dito sa lupa—ito ay, ang mga matuwid.

Aking kapwa mga mananampalataya, para sa anong layunin nilikha ng Diyos ang mga tao? Inihanda muna ng Diyos ang ating Tagapagligtas para sa atin, pagkatapos sa huling araw nais Niyang likhain tayo bilang Kanyang mga anak, at tayo nga ay Kanyang nilikha. Sinabi ng Diyos, “At nilalang ng Dios ang tao ayon sa Kaniyang sariling larawan,

500 Tayo ay Nilikha sa Anyo ng Diyos

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

ayon sa larawan ng Dios siya nilalang.” Upang tayo ay maging ayon sa anyo ng Diyos sa pamamagitan ng kaligtasan ni Jesu-Cristo ay ang pinakalayunin kung saan tayo ay ginawa ng Diyos. Kaya tayo ang mga artison ng Diyos na ginawa sa Kanyang wangis.

Ang obra-maestra sa lahat ng nilalang ng Diyos ay walang iba kundi ang sangkatauhan, nilikha sa anyo ng Diyos. Nilikha ng Diyos ang sangkatauhan, yaong hindi hihigit kaysa pawang mga nilalang, bilang Kanyang sariling mga anak sa wangis ng Kanyang banal na mga katangian ay ang katalagahan ng Diyos. Una ay ginawa ng Diyos ang buong kalawakan at pagkatapos nilikha Niya si Adan sa pinakahuling araw ng paglikha. Nitong huling araw nilikha ng Diyos ang obra-maestra sa lahat ng obra-maestra, at ito ay walang iba kundi ang sangkatauhan, na siyang ginawang matuwid ng Diyos at walang kasalanan ayon sa Kanyang anyo at Kanyang wangis, at ginawang maging mga anak ng Diyos upang maging bahagi ng Kanyang banal na mga katangian, lahat sa pamamagitan ng pagtutubos ni Jesu-Cristo. Ito ang Katotohanan.

Nang sinabi ng Biblia, “At nayari ang langit at ang lupa, at ang lahat na natatanaw sa mga iyon,” ito ay nagsasaad sa katunayang nilikha tayo ng Diyos sa huling araw. Sa ikaanim na araw ng paglikha ng langit at ang lupa, nilikha ng Diyos ang sangkatauhan, nguni’t ginawa Niya ito matapos likhain lamang ang lahat ng bagay. Dagdag nito, hindi lamang nilikha ng Diyos ang sangkatauhan tulad ng lahat ng nilalang, bagkus ginawa Niya ito ayon sa Kanyang anyo, ayon sa “Ating wangis.”

Ano, kung gayon, ang kahulugan nang likhain ng Diyos ang mga tao sa Kanyang anyo? Ibig sabihin na yamang ang Diyos ay walang kasalanan, nilikha Niya ang sangkatauhan na walang kasalanan; yamang ang Diyos ay matuwid, nilikha

Tayo ay Nilikha sa Anyo ng Diyos 501

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

Niya ang sangkatauhan na matuwid; at yamang ang Diyos ay Hari, ginawa Niya ang mga tao bilang Kanyang mga anak na walang kasalanan at matuwid, upang sila ay ang humalili sa kapangyarihan ng Kanyang pagiging Hari.

Tayo Ang Obra-Maestra ng Paglikha ng Diyos Ating nakamtan ang kapatawaran sa ating mga kasalanan

sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ang ebanghelyo ng katuwiran ng Diyos. Ating nakamit ang kapatawaran sa ating mga kasalanan ay ang tunay na larawan sa paglikha sa atin ng Diyos, ginawa ayon sa Kanyang anyo at wangis. Nilikha ng Diyos ang sangkatauhan sa wangis ng Kanyang anyo sa huling araw ng paglikha, sa ikaanim na araw.

Kung ating maingat na kikilalanin ang ating mga sarili, dapat nating mabatid na tayo ang obra-maestra sa lahat ng obra-maestra ng Diyos. Nilikha ng Diyos ang buong kalawakan, at lahat ng nilalang dito sa lupa, pinili Niya kayo at ako, mga isinilang na muli, at ginawa tayong Kanyang sariling mga anak, upang tayo ay mamahala sa kalawakan. Yamang isinilang na muli sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, tayo ngayon ay nilikha bilang mga anak ng Diyos sa pamamagitan mismo ng Diyos.

Sukdulang hindi totoo na tayo ay aksidenteng lumitaw sa daigdig sa pamamagitan ng pagbabago ng pisikal na anyo, tulad ng inaangkin ng teoriya ng ebolusyon, walang iba kundi mga haka-hakang likha ng tao. Sa katunayang tayo ay nabubuhay na may pagkakasundo sa ibang mga nilalang, at tayo ay isinilang bilang mga anak ng Diyos na nagmana ng karapatang mamahala sa kanila, ay hindi mailalarawan bilang

502 Tayo ay Nilikha sa Anyo ng Diyos

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

nagkataon lamang. Ito ay bagay na naganap ayon sa layong itinalaga ng Diyos sa pasimula. Nilikha tayo ng Diyos, at ayon sa Kanyang anyo, nilikha Niya tayong walang kasalanan at banal.

Hindi sa pamamagitan ng ating sariling pagsisikap at pagbabago tayo ay naging mga anak ng Diyos, nguni’t ayon sa kung paano nilayon na ng Diyos sa Kanyang bugtong na Anak, na si Jesu-Cristo, tayo ay naging mga matuwid na isinilang na muli, maghahari at mamamahala sa lahat ng bagay sa sanlibutan. Ito ang ginagawa ng Diyos, hindi natin. Ang Diyos mismo ay nilikha tayo sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Walang iba kundi ito ang kahulugan sa katunayang tayo ay nilikha ng Diyos ayon sa Kanyang anyo.

Nais ng Diyos na likhain tayo bilang Kanyang mga anak, at ayon sa kaloobang ito nilikha Niya tayo sa huling araw. Sa anong uri ng layunin ang hinangad ng Diyos habang nililikha tayong mga tao? Hindi nilikha ng Diyos ang kalawakan at lahat ng bagay nito ng walang anumang layunin. Ang lahat ng bagay sa kalawakan ay nilikha ng Diyos upang ibigay sa Kanyang mga anak. Nilikha ng Diyos ang mga tao ayon sa Kanyang sariling anyo upang tanggapin sila bilang Kanyang mga anak. Ito ang layunin kung saan nilikha ng Diyos ang sangkatauhan. Bagaman ang mga tao ay pawang mga nilalang lamang, ang Diyos ay ginawa silang walang kasalanan, at sa gayon sila ay naging Kanyang sariling mga anak na may tunay na may pinakamataas na kapangyarihan. Kaya, sa pangyayaring ito, tayon mga isinilang na muli ay maaaring ilarawan bilang sukdulang obra-maestra sa lahat ng nilalang ng Diyos.

Ang tao ba ay maaaring lumikha ng tao? Hindi. Bilang mga nilalang, tayo ay kabilang sa paglikha ng Diyos, nguni’t dahil tayo sa katunayan ay mga anak ng Diyos, tayo ay hindi lamang naroon sa kalawakan, bagkus tayo ay nakatayo sa

Tayo ay Nilikha sa Anyo ng Diyos 503

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

ibabaw nito. Kaya ating kailangang mabatid kung ano ang kahanga-hanga at dakilang biyaya ito na sa lahat ng Kanyang nilalang, pinili tayo ng Diyos gawin bilang Kanyang mga anak.

Paano tayo nilikha? Sinabi ng Diyos, “Lalangin Natin ang tao sa Ating larawan, ayon sa Ating wangis,” at ang Diyos ay nalugod sa paglikha sa sangkatauhan. Ang Diyos ang lumikha sa atin.

Sa anong uri ng mga nilalang tayo ay nilikha ng Diyos? Ginawa Niya tayo bilang Kanyang mga anak. Yamang sinasabi ng Diyos na Kanyang nilikha ang mga tao na maging Kanyang sariling mga anak, ito ba kung gayon ay nangangahulugan na kayo rin ay mga anak ng Diyos? Oo! Kayo ay hindi lamang karaniwang tao, bagkus kayo ay mga anak ng Diyos. Ang mga tao ay kadalasang sinasabi na ang sangkatauhan ay ang “panginoon sa lahat ng nilalang,” nguni’t sa katunayan, tayo ay mga anak ng Diyos na naging kabahagi sa Kanyang banal na mga katangian.

“Maaari bang mangahas ang pawang mga nilalang na ilagay sa gayon ding kalagayan bilang ang Manlilikha?” Ang ilan ay maaaring magtanong katulad nito. Hindi, ito ay hindi nangangahulugan na tayo, pawang mga nilalang lamang, ay kailangang labis na magmalaki at walang dangal na ating pag-imbutan ang katungkulan ng Diyos. Sa halip, tayo ay naging mga anak ng Diyos dahil tayo ay nilikha na ng Diyos kaya sa paglikha sa sangkatauhan ayon sa Kanyang anyo mula sa pasimula, at dahil tayo ay nananalig dito. Ito ay naging posible lahat dahil ang Makapangyarihang Diyos ay nilikha na tayo bilang Kanyang mga anak bilang bahagi ng pundasyon ng sanlibutan sa pamamagitan ni Jesu-Cristo, at dahil binigay Niya sa atin ang gayon ding karapatan at luwalhati bilang Kanya sa mga nalalaman ito at nananalig nito. Ginawa tayo ng Diyos ayon sa Kanyang anyo.

504 Tayo ay Nilikha sa Anyo ng Diyos

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

Tayo Ay Maging Kapurihan ng Kanyang Kaluwalhatian

Ang gawa ng Diyos ay tunay na kahanga-hanga. Kung

ating batid sa katunayang tayo ay nilikha ng Diyos ayon sa Kanyang anyo, atin ding mababatid kung bakit si satanas ay sinisikap na hamunin ang Diyos dito sa lupa at takpan ang Kanyang kaluwalhatian. At atin ding mauunawaan ang dahilan bakit dapat nating araw-araw na ibigay ang mga pasasalamat sa Diyos at buong-pusong purihin Siya.

Ang layon kung saan nilikha tayo ng Diyos ay pinaliwanag sa Efeso 1:12: “Upang tayo’y maging kapurihan ng Kaniyang kaluwalhatian.” Dito ay nakasalalay ang siyang layunin sa paglikha ng Diyos sa atin—“upang tayo… ay maging kapurihan ng Kaniyang kaluwalhatian.”

Ano, kung gayon, ang kahulugan na tayo ay nilikha ng Diyos upang tayo “ay maging kapurihan ng Kanyang kaluwalhatian”? Ibig sabihin ang Diyos ay itutulot tayo, na hindi hihigit kundi mga nilalang, upang isuot ang anyo ng Anak ng Diyos. Ito ay walang iba kundi kaluwalhatian ng Diyos. Sa ibang salita, tayo ay dinamtan ng Diyos ng Kanyang sariling kaluwalhatian. Dahil tayo ay dinamtan ng Diyos ng Kanyang kaluwalhatian kaya ating pinupuri Siya, upang muling ibalik itong kaluwalhatian sa Diyos. Ito ay upang pasalamatan ang Diyos dahil sa biyaya na nagtulot sa atin na isuot ang Kanyang kaluwalhatian kaya tayo nagpupuri sa Diyos.

Ang layunin sa Kanyang paglikha ay “Upang tayo’y maging kapurihan ng Kaniyang kaluwalhatian, tayong nagsiasa nang una kay Cristo.” Sa ikaanim na araw ng paglikha ng Diyos sa langit at sa lupa, ginawa Niya tayo ayon sa Kanyang anyo at wangis. Yamang ang Diyos ay binago tayo,

Tayo ay Nilikha sa Anyo ng Diyos 505

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

pawang mga nilalang, na maging Kanyang sariling mga anak, ito ay nangangahulugan na ang Diyos ay dinamtan tayo sa walang katapusang luwalhati. Walang iba kundi kayo at ako at isinuot itong kaluwalhatian ng Diyos. Kayo at ako, nalalamang tayo ay nilikha ng Diyos ayon sa Kanyang anyo tulad lamang ng Kanyang sarili, para sa Kanyang luwalhati at sa pamamagitan ng Kanyang pag-ibig at biyaya, na nagsuot ng kaluwalhatian ng Diyos at para sa Kanyang kapurihan.

Tayo ay nilikha ng Diyos sa pamamagitan ng pagbibigay ng Kanyang sarili. Iyan kung paano ating sinuot ang kaluwalhatian ng biyayang ito, at tayo ay naging hindi bababa kaysa sa sariling mga anak ng Diyos na nakikibahagi sa Kanyang banal na mga katangian (2 Pedro 1:4) hindi na pawang mga nilalang lamang. Dahil ang Diyos sa gayon ay dinamtan tayo ng Kanyang dakilang kariktan at luwalhati na sinasabi sa Efeso 1:12 na tayo ay “maging kapurihan ng Kaniyang kaluwalhatian.” Kailangan nating mabatid kung gaano luwalhati at dakilang kariktan tayo naging, ngayon ating nakamtan ang kapatawaran sa ating mga kasalanan mula sa Diyos.

Sinasabi sa ng isang mang-aawit, “Taong nasa karangalan, at hindi nakakunawa, ay gaya ng mga hayop na namamatay” (Awit 49:20). Bakit ito ang pangyayari? Hindi upang mabuhay sa walang kabuluhan kaya tayo sinugo ng Diyos upang isilang mula sa sinapupunan ng ating mga ina at nagpatuloy sa ating mga buhay dito sa lupa.

Nguni’t sa kabila nito, ang tao ay hindi nakikilala ang kanilang orihinal na mga sarili, patuloy na nagluluksa tungkol sa kung gaano ang pagiging aba ng kanilang mga buhay. Sila’y mapait na nagrereklamo, nananaghoy, “Ang aking buhay ay malubha kaysa sa isang hayop! Bakit ako isinilang dito sa lupa?” Subali’t, ang ating Diyos ay tiyak na hindi tayo nilikha

506 Tayo ay Nilikha sa Anyo ng Diyos

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

upang tayo ay mabuhay tulad nito, isinilang sa walang kabuluhan upang magbalik lamang sa isang dakot na alikabok ng walang anumang layunin.

Sa pamamagitan ng pagsusuot sa atin ng Kanyang luwalhati, ginawa tayo ng Diyos na Kanyang sariling mga anak. Ginawa tayo ng Diyos sa Kanyang sariling anyo at dinamtan tayo sa Kanyang kaluwalhatian, upang ating purihin ang luwalhati ng Diyos Ama magpakailanman. Ito kung bakit nilikha tayo ng Diyos. Nilikha tayo ng Diyos at tinulot tayo na maisilang dito sa lupa upang ating dapat purihin ang Diyos dahil sa Kanyang Kapangyarihan at luwalhati sa buong kalawakan na Kanyang nilikha.

Anong kahanga-hanga ito! Wala tayong nalalaman, at tayo ay pawang mga nilalang lamang, walang magagawa at walang lakas. Nguni’t ngayong tayo ay nasa Panginoon, paano tayo nagbago? Ating sinuot ang luwalhati ng Panginoon, tayo ngayon ay nabubuhay sa Kanya, at tayo ay ginawa upang maging kapurihan ng kaluwalhatian ng Diyos. Tinawag tayo ng Diyos upang luwalhatiin Siya. Sa mga di-mabilang na mga nilalang na nilikha ng Diyos, ang Diyos ay labis na nagagalak na makita tayong mga isinilang na muli, at ating mapasasalamatan lamang ang Diyos dahil sa Kanyang biyaya at pupurihin Siya.

Ang ating luwalhati ay gayon kahit ang mga anghel ay hangad ito. Maging ang mga anghel ay hangad ang biyaya ng Diyos na pinagkaloob sa atin, nagtataka, “Paano naging mga anak ng Diyos ang mga tao? Paano sila nakiayon sa anyo ng Diyos?” Una, ang Diyos ay ginawa tayong mababa ng kaunti sa mga anghel, nguni’t ang Kanyang layon ay likhain tayong muli ayon sa Kanyang anyo at wangis.

Kapag tayo ay nagsisimula ng pagsamba, tayo ay palaging umaawit ng mga himnong nagpupuri sa Diyos. Ang ating

Tayo ay Nilikha sa Anyo ng Diyos 507

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

papuri ay naiiba sa rituwal na pagpupuri ng mga relihiyoso sa sanlibutan. Sa pamamagitan ng ating mga labi ating pinupuir ang Diyos dahil sa pagdadamit sa atin ng luwalhati, at sa pagkakaloob sa atin ng Kanyang pag-ibig at biyaya sa pamamagitan ng Kanyang maluwalhating liwanag. Upang papurihan ang Diyos, na ating kaluwalhatian, at papurihan Siya sa pagdadamit sa atin nitong kaluwalhatian Niya, ating ibubuka ang ating mga labi at itaas Siya dahil sa lahat ng bagay na Kanyang ginawa. Ito ang tungkol sa pagpupuri. Ito ang wastong pagpupuri na ating binibigay sa Kanya. Ang ating mga puso na buong nagpupuri sa Diyos. Sa pamamagitan ng ating mga puso, nagsasama-sama sa iisang puso, na ating pinupuri ang Diyos dahil sa Kanyang ginawa para sa atin.

Samakatuwid, kapag tayo ay nagpupuri, huwag tayong basta na lamang umaawit na walang pag-iingat. Dapat nating tandaan kung anong uri ng luwalhati ang pinagkaloob ng Diyos sa atin. Dapat nating tandaan na ang Diyos ay ginawa tayong Kanyang mga anak, dinamtan ng luwalhati at dakilang kariktan, at pinagkaloob para sa atin ang manahan sa walang hanggang buhay. Kapag tayo ay nagpupuri, ito ay dapat sa pag-alaala ng kaluwalhatiang dinamtan ng Diyos sa atin.

Tayo ay Tinubos ng Diyos sa Lahat ng Ating Kasalanan

Ang ginawa ng Diyos sa ikaanim na araw ay labis na

kahanga-hanga! Matapos ang paglikha sa langit at sa lupa at lahat ng bagay nitong daigdig, ang Diyos ay gumawa ng ilang bagay na kahanga-hangang tunay, at wala tayong magagawa kundi ang purihin Siya dahil sa gawaing ito.

Anong kahanga-hangang gawaing ginawa ng Diyos para

508 Tayo ay Nilikha sa Anyo ng Diyos

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

sa Kanyang bayan sa ikalimang araw? Aking kapwa mga mananampalataya, sa ikalimang araw, sinabi ng Diyos sa atin kung paano tayo maaaring mamuhay sa pananampalataya, at sinabi Niya sa atin na ginawa Niya itong posible upang ang ating pananampalataya ay lumago at upang tayo ay mamuhay sa pananampalataya. Ang ginawa ng Diyos sa ikalimang araw ay labis na kahanga-hanga! Binigay ng Diyos sa atin ang dakilang pananampalataya, tulad ng mga pakpak, upang tayo ay mabuhay sa pamamagitan ng pananampalataya matapos isilang na muli. Tayo ay ginawang matuwid ng Diyos upang mamayapag sa ibabaw ng daigdig ng sanlibutang ito at lumipad sa kalawakan ng langit.

Walang ibang paraan upang yaong hindi isinilang na muli ay mabuhay sa pananampalataya. Hindi sila maaaring mabuhay kapag minsang iwan nila itong daigdig. Salungat nito, para sa ating mga isinilang na muli, bagaman tayo ay nabubuhay dito sa daigdig, ang ating makalupang mga buhay ay hindi ating tunay na mga buhay, bagkus tayo ay nabubuhay sa makalangit na mga buhay at maisasagawa ang mga makalangit na gawain sa pamamagitan ng pananampalataya. Sa ibang salita, tayong mga matuwid na isinilang na muli ay hindi nabubuhay sa makalupang buhay, bagkus ay sa makalangit na buhay.

Nangangahulugan na yaong isinilang na muli ngayon ay hindi na dapat nabubuhay para sa mga bagay ng daigdig na mapapahamak, bagkus ay nabubuhay sa espiritwal na buhay sa pamamagitan ng pananampalataya na may walang hanggang buhay na nakikita. Ang Diyos ay ginawa tayong mga tao na may pananampalataya, upang sa pamamagitan ng pagtitiwala sa Diyos, tayo’y malayang malalasap ang kapamahalaan ng Kanyang Anak at maisagawa ang Kanyang matuwid na gawain.

Sinasabi sa Efeso 1:14, “Na siyang patotoo sa ating mana,

Tayo ay Nilikha sa Anyo ng Diyos 509

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

hanggang sa ikatutubos ng sariling pagaari ng Dios, sa ikapupuri ng Kaniyang kaluwalhatian.” Ang Diyos ay tinubos ang Kanyang biniling ari-arian! Aking kapwa mga mananampalataya, sa pamamagitan ni Jesu-Cristo, tayo ay nakamtan ng Diyos bilang Kanyang mga anak. Nilikha tayo ng Diyos Ama ayon sa kanyang anyo. Sa pagtutubos sa atin, kinuha tayo ng Diyos bilang Kanyang sariling mga anak.

Sa ibang salita, nang tayo ay minsang iniligtas ng Diyos, Siya’y nagsimulang ganap na maghari sa atin. Hindi natin maaaring tumakas sa Kanyang mga kamay ng pagtutubos. Hindi tayo makakalayo sa kaluwalhatian ng Diyos. Inaakay ng Diyos ang mga isinilang na muli, ang Kanyang bayan, at buong naghahari sa kanila, sa gayon hindi na tayo muling makukuha ng diablo sa Kanya.

Sa Efeso 1:5-6 ay inilalarawan ang layon ng Diyos sa paglikha sa atin. Nasusulat, “Na tayo’y itinalaga Niya nang una pa sa pagkukupkop na tulad sa mga anak sa pamamagitan ni Jesu-Cristo sa ganang Kaniya, ayon sa minagaling ng Kaniyang kalooban, sa ikapupuri ng kaluwalhatian ng Kaniyang biyaya, na sa atin ay ipinagkaloob na masagana sa Minamahal.” Ang dahilan bakit tayo ay nilikha ng Diyos bilang Kanyang mga anak ay upang tayo, “ayon sa minagaling ng Kaniyang kalooban, sa ikapupuri ng kaluwalhatian ng Kaniyang biyaya, na sa atin ay ipinagkaloob na masagana sa Minamahal.”

Tayo ay nilikha ng Diyos bilang Kanyang mga anak. Sa pamamagitan ng Kanyang biyaya ang Diyos ay tinubos tayo mula sa ating mga kasalanan. Sa pamamagitan ni Jesu-Cristo ang Diyos ay hinugasan lahat ng ating kasalanan kasingputi ng niyebe. Upang wala ng anumang pag-aalay para sa kasalanan, wala ng dahilan upang kamtan muli ang kapatawaran sa kasalanan, buo at ganap tayong niligtas ng Diyos. Nasusulat,

510 Tayo ay Nilikha sa Anyo ng Diyos

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

“At kung saan may kapatawaran ng mga ito ay wala nang paghahandog na patungkol sa kasalanan” (Hebreo 10:18). Na si Jesu-Cristo ay niligtas tayo sa pamamagitan ng Kanyang biyaya ay nangangahulugang si Jesu-Cristo ay ginawa tayong Kanyang mga anak.

“Sa ikapupuri ng kaluwalhatian ng Kaniyang biyaya.” Pinupuri natin ang ating Diyos dahil sa pagiging Diyos ng pag-ibig at habag. Siya ay Diyos ng biyaya na tayo ay pinagkalooban ng lubos ng Kanyang masaganang biyaya, labis na iniibig tayo ng ganap, dinamtang lubos tayo ng Kanyang biyaya, at pinagkaloob ang Kanyang sariling kaluwalhatian sa atin nang walang kapintasan—at ating pinupuri Siya sa lahat ng ito. Sa pamamagitan ng pagtulot sa atin na purihin ang Diyos—ang Kanyang biyaya, Kanyang kaluwalhatian, at Kanyang pag-ibig—na tayo ay niligtas ng Diyos, upang ating maitaas Siya. Kung gayon kapag ating itinataas ang ating mga tinigi upang papurihan ang luwalhati ng Diyos, ang Diyos ay labis na nalulugod sa paglikha sa atin at pagliligtas sa atin.

Sa inyo at sa akin na maghahayag ng luwalhati ng Diyos dito sa lupa. Ang mga isinilang na muli ang maghahayag ng luwalhati ng Diyos. Ang ating Diyos ay nilikha ang sangkatauhan sa huling araw ng paglikha, ginawa ang isang tao at isang babae, at pinagpala sila ng ating Diyos. Binigay sa kanila ang kapamahalaan sa lahat ng nilalang, sinabi sa kanila, “Mamahala sa lahat ng bagay sa daigdig.” Nang tayo ay nilikha ng Diyos, hindi Niya tayo nilikha na pawang karaniwang mga nilalang lamang tulad ng ibang bagay. Sa likas na pananalita, ang Diyos ay nilikha ang mga tao bilang Kanyang banal na mga anak sa wangis ng Kanyang sariling anyo, sa gayon dinamtan sila sa Kanyang kaluwalhatian. Nakalulungkot, gayon man, di-mabilang na mga tao ang nananatili pa ring walang nalalaman ukol dito, walang kabuluhang nabubuhay

Tayo ay Nilikha sa Anyo ng Diyos 511

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

dito sa lupa upang mapahamak lamang sa labis na pagka-aba.

Ano Ang Espiritwal na Buhay?

Aking kapwa mga mananampalataya, kayo ba ay nabuhay

sa espiritwal na buhay? Kapag tayo ay nabubuhay sa espiritwal na buhay, ating mababtid kung paano tayo niluwalhati ng Diyos. Ito ay matapos isilang na muli tayo ay nagsimulang mamuhay sa espiritwal na buhay. Ano, kung gayon, itong espiritwal na buhay? Ito ay upang mabuhay sa pamamagitan ng pananampalataya para sa Diyos, para sa ebanghelyo ng Katotohanan, naghahari sa mga bagay ng sanlibutan. Kapag kayo at ako, tayong mga isinilang na muli, ay may paniniwala na ang “Diyos ay ginawa tayong mamuhay para sa Kanyang matuwid na gawain,” mula niyaon ang ating mga puso ay magiging matatag, at mula niyaon ipagkakatiwala ng Diyos sa atin ang Kanyang gawain upang ating maisagawa ang gawain ng katuwiran at matupad ang espiritwal na mga ministeryo. Sa ibang salita, pinagkatiwala ng Diyos sa atin ang espiritwal, matuwid na mga ministeryo. Habang ating isinasagawa ang gawain ng Panginoon at nabubuhay para sa Panginoon, sa pamamagitan nito ang luwalhati ng biyaya ng Diyos ay nahahayag, at ang Diyos mismo ay maluluwalhati natin.

Ang ating Diyos ay naluluwalhati kapag naririnig Niya ang ating pagpupuri. At ang Diyos ay naluluwalhati rin sa pamamagitan ng pagpapalawig nitong ebanghelyo na ating ginagawa, sa pamamagitan ng ating buhay, at sa pamamagitan ng lahat ng bagay na ating ginagawa. Ito ay sa pamamagitan ng ating pananampalataya na ang luwalhati ng Diyos at kapangyarihan ay makikita, at ang Kanyang kabanalan ay naipapahayag.

512 Tayo ay Nilikha sa Anyo ng Diyos

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

Si satanas ay ang anghel na bumagsak kung saan ang kanyang kapalaluan ay hinatid siya sa kanyang pagbagsak. Hinahamon ang Diyos, sinabi ng diablo, “Ako’y sasampa sa itaas ng mga kaitaasan ng mga alapaap; ako’y magiging gaya ng Kataastaasan” (Isaias 14:14). Subali’t, pinalayas ng Diyos itong anghel mula sa Kanyang Kaharian, itinapon ang ibang mga anghel na sumunod din sa kanya, at pagkatapos ay nilikha ang sangkatauhan sa wangis ng Kanyang anyo. Iyan kung bakit maging ang mga anghel, nakikita ang mga tao na ginawa ayon sa anyo ng Diyos, ay naninibugho sa kanila. Dahil ang Diyos ay niluwalhati ang mga tao upang maging Kanyang sariling mga anak. Bagaman nais ng mga anghel na sila rin ay mailagay sa gayong luwalhati, ang Diyos ay ginawa silang sapat bilang Kanyang mga lingkod, habang ginawa Niya ang sangkatauhan bilang Kanyang mga anak. Iyan kung bakit sinabi ng Biblia, “Tayo rin naman sa Kaniya ay ginawang mana, na itinalaga na Niya tayo nang una pa ayon sa pasiya niyaong gumagawa ng lahat ng mga bagay ayon sa pasiya ng Kaniyang kalooban” (Efeso 1:11).

Nilikha tayo ng Diyos ayon sa Kanyang hangarin. Nilikha Niya tayo ayon sa Kanyang kalooban. Kaya walang nilalang ang maaaring tumutol sa Diyos. Kinuha ng Diyos ang isang tadyang sa Lalaki, at nilikha ang Babae mula rito. Nilikha tayo ng Diyos upang isilang na muli sa pamamagitan ng pagbibigay ng isang bahagi ng Kanyang katawan sa atin. Na hindi umaasa ng anumang kapalit, nilikha ng Diyos ang mga tao ayon sa Kanyang anyo, malayang binibigay ang isang bahagi ng Kanyang katawan at maging ang paghinga ng Kanyang buhay sa kanila, at kinuha sila ng Diyos bilang Kanyang mga anak. Maging ang mga magulang sa laman ay nagbibigay ng isang bahagi ng kanilang mga sarili sa kanilang mga anak nang ipaglihi sila; gayon din, pinagkaloob ng Diyos ang Kanyang

Tayo ay Nilikha sa Anyo ng Diyos 513

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

kaluwalhatian sa mga tao at binigyan sila ng buhay, upang sila ay maaring mamuhay sa espiritwal na buhay ng Diyos magpakailanman. Sa ibang salita, sa pamamagitan ng pagbibigay ng Kanyang buhay sa sangkatauhan at sa gayon pinababanal ito, nilikha tayo ng Diyos upang maging banal tulad ng Kanyang sarili. Walang iba kundi ito ang siyang kaluwalhatian ng Diyos.

“At nayari ang langit at ang lupa, at ang lahat na natatanaw sa mga iyon” (Genesis 2:1). Anong mga kahanga-hangang mga bagay ang sinasabi ng Diyos sa atin sa Genesis! Sa pamamagitan ng paglikha sa inyo at sa akin upang isilang na muli, natupad ng Diyos ang lahat ng bagay na kailangan Niyang gawin.

Iyan kung bakit ang Diyos ay nagpahinga matapos ang paglikha sa sangkatauhan na maisilang na muli. At nilikha Niya ang mga isinilang na muli upang mabuhay magpakailanman sa Hardin ng Eden. Dagdag nito, tinulot din ng Diyos sa Kanyang mga anak na mamahala sa lahat ng bagay sa buong lawak ng sanlibutan. Samakatuwid, kayo at ako ang maghahari sa lahat ng kapamahalaan ng Diyos bilang Kanyang mga anak.

Aking kapwa mga mananampalataya, ang ating bang mga buhay ay may ibang naghahari? Wala, kahit pa tayo nabubuhay dito sa lupa, hindi naghahari sa atin ang sanlibutan. Kayo ba kung gayon ay halos umaayon sa sanlibutang ito? Hindi, tayo ay hindi gayong mga tao. Batid ba ninyo kung sino tayo? Kung wala ang Diyos, wala ng ibang maaaring maghari sa atin. Sa inyong trabaho, kayo marahil ay nararamdaman ninyong kayo ay pinipilitan ng inyong amo, tama ba? Nguni’t ang inyo bang amo ay nauutusan din maging ang inyong mga puso? Hindi! Walang iba kundi ang Diyos ang may kapamahalaan sa ating mga puso.

514 Tayo ay Nilikha sa Anyo ng Diyos

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

Tayo ay bayan ng Diyos na pinaghaharian ninumang tao. Ang ating hari ay ang Diyos mismo. Tayo ay Kanyang mga anak, at bilang Kanyang mga anak, tayo ay nabubuhay upang maghari sa sanlibutang ito.

Pinupuri Natin ang Kaluwalhatian ng Diyos Aking kapwa mga mananampalataya, ginawa ng Diyos na

posible para sa atin ang espiritwal na mabuhay. Tinulot tayo ng Diyos na mabuhay sa pamamagitan ng pananampalataya, pinagkaloob Niya sa atin ang masaganang mga biyaya ng Kanyang katuwiran, inalagaan Niya ang ating pananampalataya upang lumago, at pinagpala Niya tayong lahat. Mula sa unang araw, ang ating Diyos ay pinaghiwalay ang liwanag sa kadiliman, ang Kanyang bayan sa iba, at yaong nasa Kanyang panig sa mga hindi.

Minsang tayo ay isinilang na muli, at minsang ating mabatid kung bakit tayo ay iniibig ng Diyos at bakit niligtas Niya tayo sa pamamagitan ni Jesu-Cristo sa lahat ng Kanyang nilalalang, tayo ngayon ay nasa panig ng Diyos. Yaong nasa panig ng Diyos sa pamamagitan ng pagtanggap ng Kanyang Salita at kaluwalhatian ay lumapit upang isuot ang luwalhati ng Diyos. Iyan ang katarungan ng Diyos. Subali’t, habang ang ilang tao ay naging mga anak ng Diyos sa pamamagitan ng pananalig kay Jesu-Cristo, tinatanggihan pa rin ng iba ang kahanga-hangang luwalhati ni Jesu-Cristo at ang Kanyang biyaya. Ang gayong mga tao ay nasa panig ni satanas, at tulad niyaon, ang Diyos ay hindi madadamtan sila ng Kanyang kaluwalhatian.

Ang kaluwalhatian ng Diyos ay pinuspos sa kasaganaan ang buong kalawakan, itong kalawakan, at tayo. Tayo ay

Tayo ay Nilikha sa Anyo ng Diyos 515

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.bjnewlife.org

ginawang matuwid ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang katarungan. Ginawa tayo ng Diyos ayon sa Kanyang anyo at wangis ay ang pinakadakilang kaluwalhatian sa lahat na pinagkaloob ng Diyos kay Jesu-Cristo.

Subali’t, di-mabilang na mga tao ang naniniwala pa rin sa mga salita ng prinsipe ng kapangyarihan, si satanas na diablo, at nalilinlang ng kanyang mga salita, hindi nila maisuot ang luwalhati ng Diyos. Makikita natin ang di-mabilang na mga tao ang nabubuhay sa sumpa dito sa lupa, sumasalungat sa Diyos.

Atin ngayong ulitin ang mensahe ng Diyos at ibigay ang ating panghuling salita. Paano naging posible na tayo ngayon ay may kakayahang mabuhay sa harap ng Diyos bilang mga panginoon nitong sanlibutan at sa Kaharian ng Langit? Paano natin isinuot ang biyaya ng Diyos na atin ngayong naipahayag ang Kaharian ng Diyos at ang luwalhati ng ating Panginoon sa kalayuan at lawak? Lahat lamang na ating magagawa ay ibigay ang ating mga pasasalamat sa Diyos sa pagtulot sa atin na mabuhay sa gayong maraming mga pagpapala, sa pagluwalhati sa atin na maging sariling mga anak ng Diyos, at sa paglikha sa atin na mamuhay sa espiritwal na mga buhay.

Kayo at ako ay mga hari sa Kaharian ng Langit. Pinagkaloob ng Diyos sa atin ang gayong biyaya. Dinamtan tayo ng Diyos na Kanyang walang hanggang pag-ibig. Pinagkaloob ng Diyos sa atin ang isang karangalang maging Kanyang sariling mga anak. Sa paglikha sa atin upang maging Kanyang mga anak sa pamamagitan ng Kanyang biyaya, iginawad ng Diyos sa atin ang maging kabahagi sa Kanyang mga banal na katangian, at nilikha Niya tayo na maging mga banal na nilalang tulad ng Kanyang sarili. Tayo’y dapat magpuri sa Diyos magpakailanman dahil dito, pasalamatan Siya, palawigin ang Kanyang katuwiran, at mamuhay sa ating espiritwal na mga buhay dahil sa katuwirang ito.

516 Tayo ay Nilikha sa Anyo ng Diyos

Walang-bayad na paghiling ng aklat www.nlmission.com

Ang Diyos ay hindi inilagay ang mga matuwid dito sa lupa upang mabuhay lamang sa walang saysay. Ito ay upang tulutan tayo na papurihin ang Kanyang kaluwalhatian sa pagliligtas ng Diyos sa atin. Niligtas tayo ni Jesu-Cristo, ginawa tayo ng Diyos na maging Kanyang mga anak, at bagaman tayo ay nabubuhay kasama ang ibang mga nilalang, sinasabi ng Diyos sa atin na tayo ay hindi lamang mga nilalang, bagkus ay Kanyang mga anak at mga hari sa Kaharian ng Langit.

Na tayo ngayon ay mga hari, na ang pag-ibig ng Diyos ay walang katapusan, at pinagkaloob ng Diyos sa atin itong biyaya—ating dapat ipatotoo sa lahat ng kahanga-hangang ito, pinupuri ang Diyos dahil sa Kanyang biyaya, Kanyang pag-ibig, at Kanyang mga pagpapala. Sa ating Diyos na naglagay ng kasuotan ng Kanyang biyaya, binibigay ko lahat ng kaluwalhatian! Dahil tayo ay ginawang mga anak ng Diyos, binibigay ko lahat ng aking pasasalamat sa Kanya at niluluwalhati Siya!

Tayo ngayon ay malalasap lahat ng bagay na pinagkaloob sa atin ng Diyos sa ating mga buhay. Bilang mga anak ng Diyos, ating malalasap kung ano ang binigay ng Ama sa atin; bilang Kanyang bayan, ating ipapatotoo ang Panginoon bilang ating Hari; bilang Kanyang mga lingkod, ating paglilingkuran ang Panginoon na Siyang ating Panginoon; at bilang mga hari sa Kanyang Kaharian, tayo’y maghahari sa lahat ng mga bagay—ito kung paano tayo mamumuhay sa ating nalalabing mga buhay. Tayo’y mamumuhay sa ating araw-araw na mga buhay na ang ating mga puso ay puspos ng mga pagpapala, at kapag tayo ay pumasok sa Kaharian ng ating Panginoon, tayo’y maninirahan kasama Niya magpakailanman, nalalasap ang Kanyang buong kahanga-hangang dakilang kariktan, kaluwalhatian, mga pagpapala, at biyaya.

DOWNLOAD Rev. Paul C. Jong’s free Christian ebooks and audiobooks on your smartphone, tablet or PC at our website. You can read and listen to them anywhere, even when you don't have an internet connection.

www.bjnewlife.org

Homepage

AudioBooks

eBooks

Maaari mong i-download ang Mga Aklat na Kristiyano ni Rev. Paul C. Jong sa Computer, Tablet o Smartphone.

Rev. PAUL C. JONG

Ang may-akda ay pinangangaral ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa mga kaluluwang naliligaw sa mundo ng halos dalawang dekada ngayon.

Bilang tagapagtatag ng The New Life Mission, na siyang kasalukuyang nagpapaunlad sa maraming mga alagad ni Jesus sa The New Life Mission School.

Sa pagtatag ng mga misyonerong iglesia sa buong mundo, napapalawig niya ang ebanghelyo sa pamamagitan ng kanyang mga sinulat na babasahin.

Ang kanyang mga aklat ay kasalukuyang naisalin at binabasa sa higit na 96 mga wika sa buong mundo.

Kung ang isang tao ay hindi ganap na nauunawaan ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu na binubuo ng katuwiran ng Diyos, o hindi nananalig sa ebanghelyong ito kahit narinig niya ito, sa gayon ang kanyang puso ay hindi maiiwasang matutungo sa kawalan. Ang puso ng sangkatauhan ay maaaring mapupuno lamang sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu na naglalaman ng pag-ibig ng Diyos, na nangangahulugan na ang pusong walang ebanghelyo ay hindi maiiwasan.

Yamang ang buong sangkatauhan ay isang lahi ng mga manggagawa ng kasamaan na isinilang sa kasalanan at nakagagawa ng mga pagsalangsang ng kanilang buong buhay, sila patuloy sa pagkatakot at kawalan ng pag-asa bago ang matuwid na paghuhukom ng Diyos. Tulad niyaon, sa pamamagitan ng pananalig kay Jesu-Cristo na Siyang tumupad sa buong katuwiran ng Diyos, ang lahat ay dapat maligtas sa kanyang mga kasalanan at puspusin lahat ng kakulangan sa kanyang puso.

Ako ay tiwala na itong mga serye sa Genesis, na magtutulot sa inyo na mabatid ang layunin ng Diyos para sa inyo, ay pagpapalain at luluwalhatiin kayo. Sa inyo na nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ang espiritual na mga pagpapala ng Diyos ay ipinagkaloob na. Hallelujah!

- Paul C. Jong -

Kung ang isang tao ay hindi ganap na nauunawaan ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu na binubuo ng katuwiran ng Diyos, o hindi nananalig sa ebanghelyong ito kahit narinig niya ito, sa gayon ang kanyang puso ay hindi maiiwasang matutungo sa kawalan. Ang puso ng sangkatauhan ay maaaring mapupuno lamang sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu na naglalaman ng pag-ibig ng Diyos, na nangangahulugan na ang pusong walang ebanghelyo ay hindi maiiwasan.

Yamang ang buong sangkatauhan ay isang lahi ng mga manggagawa ng kasamaan na isinilang sa kasalanan at nakagagawa ng mga pagsalangsang ng kanilang buong buhay, sila patuloy sa pagkatakot at kawalan ng pag-asa bago ang matuwid na paghuhukom ng Diyos. Tulad niyaon, sa pamamagitan ng pananalig kay Jesu-Cristo na Siyang tumupad sa buong katuwiran ng Diyos, ang lahat ay dapat maligtas sa kanyang mga kasalanan at puspusin lahat ng kakulangan sa kanyang puso.

Ako ay tiwala na itong mga serye sa Genesis, na magtutulot sa inyo na mabatid ang layunin ng Diyos para sa inyo, ay pagpapalain at luluwalhatiin kayo. Sa inyo na nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ang espiritual na mga pagpapala ng Diyos ay ipinagkaloob na. Hallelujah!

- Paul C. Jong -

Kung ang isang tao ay hindi ganap na nauunawaan ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu na binubuo ng katuwiran ng Diyos, o hindi nananalig sa ebanghelyong ito kahit narinig niya ito, sa gayon ang kanyang puso ay hindi maiiwasang matutungo sa kawalan. Ang puso ng sangkatauhan ay maaaring mapupuno lamang sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu na naglalaman ng pag-ibig ng Diyos, na nangangahulugan na ang pusong walang ebanghelyo ay hindi maiiwasan.

Yamang ang buong sangkatauhan ay isang lahi ng mga manggagawa ng kasamaan na isinilang sa kasalanan at nakagagawa ng mga pagsalangsang ng kanilang buong buhay, sila patuloy sa pagkatakot at kawalan ng pag-asa bago ang matuwid na paghuhukom ng Diyos. Tulad niyaon, sa pamamagitan ng pananalig kay Jesu-Cristo na Siyang tumupad sa buong katuwiran ng Diyos, ang lahat ay dapat maligtas sa kanyang mga kasalanan at puspusin lahat ng kakulangan sa kanyang puso.

Ako ay tiwala na itong mga serye sa Genesis, na magtutulot sa inyo na mabatid ang layunin ng Diyos para sa inyo, ay pagpapalain at luluwalhatiin kayo. Sa inyo na nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ang espiritual na mga pagpapala ng Diyos ay ipinagkaloob na. Hallelujah!

- Paul C. Jong -

Kung ang isang tao ay hindi ganap na nauunawaan ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu na binubuo ng katuwiran ng Diyos, o hindi nananalig sa ebanghelyong ito kahit narinig niya ito, sa gayon ang kanyang puso ay hindi maiiwasang matutungo sa kawalan. Ang puso ng sangkatauhan ay maaaring mapupuno lamang sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu na naglalaman ng pag-ibig ng Diyos, na nangangahulugan na ang pusong walang ebanghelyo ay hindi maiiwasan.

Yamang ang buong sangkatauhan ay isang lahi ng mga manggagawa ng kasamaan na isinilang sa kasalanan at nakagagawa ng mga pagsalangsang ng kanilang buong buhay, sila patuloy sa pagkatakot at kawalan ng pag-asa bago ang matuwid na paghuhukom ng Diyos. Tulad niyaon, sa pamamagitan ng pananalig kay Jesu-Cristo na Siyang tumupad sa buong katuwiran ng Diyos, ang lahat ay dapat maligtas sa kanyang mga kasalanan at puspusin lahat ng kakulangan sa kanyang puso.

Ako ay tiwala na itong mga serye sa Genesis, na magtutulot sa inyo na mabatid ang layunin ng Diyos para sa inyo, ay pagpapalain at luluwalhatiin kayo. Sa inyo na nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ang espiritual na mga pagpapala ng Diyos ay ipinagkaloob na. Hallelujah!

- Paul C. Jong -

Kung ang isang tao ay hindi ganap na nauunawaan ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu na binubuo ng katuwiran ng Diyos, o hindi nananalig sa ebanghelyong ito kahit narinig niya ito, sa gayon ang kanyang puso ay hindi maiiwasang matutungo sa kawalan. Ang puso ng sangkatauhan ay maaaring mapupuno lamang sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu na naglalaman ng pag-ibig ng Diyos, na nangangahulugan na ang pusong walang ebanghelyo ay hindi maiiwasan.

Yamang ang buong sangkatauhan ay isang lahi ng mga manggagawa ng kasamaan na isinilang sa kasalanan at nakagagawa ng mga pagsalangsang ng kanilang buong buhay, sila patuloy sa pagkatakot at kawalan ng pag-asa bago ang matuwid na paghuhukom ng Diyos. Tulad niyaon, sa pamamagitan ng pananalig kay Jesu-Cristo na Siyang tumupad sa buong katuwiran ng Diyos, ang lahat ay dapat maligtas sa kanyang mga kasalanan at puspusin lahat ng kakulangan sa kanyang puso.

Ako ay tiwala na itong mga serye sa Genesis, na magtutulot sa inyo na mabatid ang layunin ng Diyos para sa inyo, ay pagpapalain at luluwalhatiin kayo. Sa inyo na nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ang espiritual na mga pagpapala ng Diyos ay ipinagkaloob na. Hallelujah!

- Paul C. Jong -

May Mga Pagkakataon Kapag ang Ating mga Puso ay Dama ang

Kawalan

May Mga Pagkakataon Kapag ang Ating mga Puso ay Dama ang

Kawalan

May Mga Pagkakataon Kapag ang Ating mga Puso ay Dama ang

Kawalan

May Mga Pagkakataon Kapag ang Ating mga Puso ay Dama ang

Kawalan

May Mga Pagkakataon Kapag ang Ating mga Puso ay Dama ang

Kawalan

Maaari mong i-download ang Mga Aklat na Kristiyano ni Rev. Paul C. Jong sa Computer, Tablet o Smartphone.