Ano Nga Ba Ang Kabalikat

Embed Size (px)

Citation preview

  • 8/17/2019 Ano Nga Ba Ang Kabalikat

    1/2

    Page 1 of 2 

    ANO NGA BA ANG KABALIKAT?

    Ang Kabalikat Civicom ay grupo ng mga aktibong nagraradyo na handang tumulong

    sa mamamayan tungo sa kaunlaran lalong-lalo na sa panahon ng sakuna o kung

    may pambansang kalamidad. Ang Kabalikat Civicom at Kabalikat Radiocom ay

    orihinal na itinatag ni Ginoong Gil Romantico de la Torre nagsimula pa nuong taong

    1990 at kasalukuyan na mayroon ng mahigit 900 sangay sa buong Pilipinas. Ito ang

    pinakamalaki at nangunguna na responsible at aktibong Communicators sa bansa.

    Sa kasalukuyan, ang Kabalikat ay mayroon ng mga aktibong grupo sa bansangKingdom of Saudi Arabia [Kabalikat 2K Series]; Republic of China (Taiwan)

    [Kabalikat 3K]; Singapore [Kabalikat 4K]; United Arab Emirates [Kabalikat 5K];

    Hongkong [Kabalikat 6K]; United Kingdom [Kabalikat 7K]; USA-Canada [Kabalikat

    8K], Australia [Kabalikat 9K]; France [Kabalikat 10K]; State of Qatar [Kabalikat 11K],

    Netherland [Kabalikat 12K] at Japan [Kabalikat 14 K].

    Kamakailan, kasama ang mga kasapi ng Kabalikat sa Shariff Aguak na sina Benjie

    Balabadan 983-77 ng PNP sa search and retrieval operation ng mga SAF Fallen 44

    sa Mamasapano Tragedy. Nagkaroon ang Kabalikat ng opisyal na ugnayan sa

    Department of Interior and Local Government- PNP Nationwide sa pamamagitan ng

    isang Memorandum of Cooperation. Naging opisyal na communicator ang Kabalikat

    sa APEC SUMMIT na ginananap sa Clark at Boracay, at maging sa Pagdalaw ng

    Mahal na Papa sa Leyte at crowd control sa Maynila nuong January 2015 at kauna-

    unahang sumugod sa pagtulong sa mga nasalanta ng Bagyong Yolanda sa

    Tacloban sa pangunguna ng Kabalikat Northern Samar Chairman Engineer Franz

    Tañala ng DPWH- Catarman pati na ang Kabalikat 265 Catbalogan at ang mga

    Composite Rescue Groups ng Local Government Unit ng Samar.

    Ang Kabalikat ay itinatag upang itaas ang antas ng pagraradyo sa mataas nakahalagahan, upang mailapit ang dakilang paglilingkod sa kapuwa. Ang Kabalikat

    Civicom ay aktibo sa mga search and rescue operations katulad ng paglilikas sa

    mga mamamayang naging biktima ng pagguho ng bundok ng basura sa Lupang

    Pangako sa Payatas, Litex, Quezon City, sa pagputok ng Bulkang Mayon,

    pagresponde sa mga eroplanong bumagsak sa Samal Island sa Davao at Cagayan

    de Oro.

    Tanging ang Kabalikat ang unang nakapag-ulat sa lugar ng binagsakan ng

    eroplanong Asian Spirit sa pagitan ng Nueva Viscaya at Quirino. Pagsagip sa mga

    binaha sa Compostela Valley, Davao at sa Asia South Korean Ferry na lumubog sakaragatan ng Cebu at Iloilo nuong Disyembre 1999, pagsagip sa mga binagyo at

  • 8/17/2019 Ano Nga Ba Ang Kabalikat

    2/2

    Page 2 of 2 

    lumubog sa Pacific Ocean sa paligid ng Prieto Diaz, Sorsogon at Iloilo at sa Infanta,

    Quezon. Sa malagim na landslide sa Cherry Hill Subdivision sa Antipolo City, naroon

    ang Kabalikat at aktibong naglilikas ng mga nasalanta.

    Ang kabalikat ang tanging radio group na nag-expose ng malaking shabu laboratory

    sa Calayan Island sa Batanes at unang nag-ulat sa DZRH Radio. Agad na

    rumesponde sa malagim na sakuna sa Pagoda fluvial Procession sa Bocaue River

    sa Bulacan at sa biglang pagbaha sa Cabanatuan City. Nagligtas sa pangunguna ni

    SPO-4 Manuel Ruiz 92-64 ng Calauag Quezon- PNP ang pagkakidnap kay Cory

    Quirino, apo ng namayapang dating pangulo ng Pilipinas, Elpidio Quirino. Sumaklolo

    sa mga biktima ng Bagyong Katring sa Mt. Halcon sa Mindoro; La Nina sa Davao;

    Butuan at Luzon, lalong-lalo na sa mga nasalanta ng bagyong Rosing sa Calauag,

    Quezon. Ang Kabalikat ay hinirang na Official Communication Group sa pagdalaw

    ng Santo Papa nuong World Youth Day 1995, Apec Summit taong 1996,

    Independence Day Centennial Celebration taong 1998, World Habitat Congresstaong 2000, PNP Centennial Celebration taong 2001 at 23rd South East Asian

    Games taong 2005.

    - Kabalikat Founder & Nat’l President Sir Gil de la Torre KB10-01