23
“Ang Anay Nga Nag-Bakya” 1 Ang Anay Nga Nag-Bakya Mga Tauhan EMETERIO: tatay (38); lasenggo; dating sundalo sa Ikalawang Digmaang Pandaigdigan JOSELYN: nanay (34); buntis kaya mainit ang ulo; madakdak MAY-MAY: nakababatang babaeng anak (11); masipag; nagmana sa nanay ERIC-ERIC: nakatatandang lalaking anak (13); gala; nagmana sa tatay Mga tauhan ng programa sa radyo MARIANO: lalaki; asawa ni Sabina SABINA: babae; ang anay nga nag-bakya Sa sala ng isang bahay sa magubat na bahagi ng Davao. UNANG EKSENA Madilim ang entablado. BOSES NG LALAKI Emeterio, paspasi na! Naa na ang mga Hapon! Putukan ng mga baril. Ingay ng mga batang umiiyak at ng mga babae’t lalaking nagsisigawan. Mga aninong nagsisitakbuhan. BOSES NG LALAKI Emeterio! Huy! Dagan dayon! Tatakbo papasok si EMETERIO, nakadamit-pansundalo. Dala-dala nito ang baril niya. Mukhang natataranta at nalilito. Lingon nang lingon sa pinanggalingan na parang may humahabol sa kanya. Madadapa-dapa. Maririnig ang boses ng isang babae. BABAE Dodong…? Dodong, tabangi ko…! EMETERIO Kinsa na? BABAE Tabangi ko! Tabang! Titingin si EMETERIO sa paligid. Madadatnan ang isang babaeng buntis, nakahandusay sa sahig at naghihingalo. BABAE Dong, tabangi ko, intawon! Manganak na ko! Tabangi ko, palihog lang! EMETERIO (susubukang lumapit) Nang… Isang napakalakas na pagsabog ang maririnig. BOSES NG LALAKI Emeterio! Hawa na dira! EMETERIO Kadali sa!

Ang Anay Nga Nag-Bakya

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Dulang may isang yugto. Bisaya at Filipino.

Citation preview

Page 1: Ang Anay Nga Nag-Bakya

“Ang Anay Nga Nag-Bakya”

1

Ang Anay Nga Nag-Bakya

Mga Tauhan

EMETERIO: tatay (38); lasenggo; dating sundalo sa Ikalawang Digmaang Pandaigdigan

JOSELYN: nanay (34); buntis kaya mainit ang ulo; madakdak

MAY-MAY: nakababatang babaeng anak (11); masipag; nagmana sa nanay

ERIC-ERIC: nakatatandang lalaking anak (13); gala; nagmana sa tatay

Mga tauhan ng programa sa radyo

MARIANO: lalaki; asawa ni Sabina

SABINA: babae; ang anay nga nag-bakya

Sa sala ng isang bahay sa magubat na bahagi ng Davao.

UNANG EKSENA

Madilim ang entablado.

BOSES NG LALAKI Emeterio, paspasi na! Naa na ang mga Hapon!

Putukan ng mga baril. Ingay ng mga batang umiiyak at ng mga babae’t lalaking nagsisigawan.

Mga aninong nagsisitakbuhan.

BOSES NG LALAKI Emeterio! Huy! Dagan dayon!

Tatakbo papasok si EMETERIO, nakadamit-pansundalo. Dala-dala nito ang baril niya.

Mukhang natataranta at nalilito. Lingon nang lingon sa pinanggalingan na parang may

humahabol sa kanya. Madadapa-dapa.

Maririnig ang boses ng isang babae.

BABAE Dodong…? Dodong, tabangi ko…!

EMETERIO Kinsa na?

BABAE Tabangi ko! Tabang!

Titingin si EMETERIO sa paligid. Madadatnan ang isang babaeng buntis, nakahandusay sa

sahig at naghihingalo.

BABAE Dong, tabangi ko, intawon! Manganak na ko! Tabangi ko, palihog lang!

EMETERIO (susubukang lumapit) Nang…

Isang napakalakas na pagsabog ang maririnig.

BOSES NG LALAKI Emeterio! Hawa na dira!

EMETERIO Kadali sa!

Page 2: Ang Anay Nga Nag-Bakya

2

BOSES NG LALAKI Emeterio! Galabay na sila ug bomba! Bomba, Emeterio! Hawa na

dira, paspasi!

Sisigaw nang napakalakas ang babae. Pulang-pula na ito. Mukhang nagtitiis ng sakit at

nagdudusa nang sobra-sobra. Kumakapa-kapa si EMETERIO sa kung saan-saa, hindi alam

kung anong pwedeng gawin. Natataranta at takot na takot na ito. Padalas nang padalas, at

palapit nang palapit ang pagsabog.

BABAE Tabangi ko! Palihog! Palihog lang gyud!

Isa pang napakalakas na sigaw mula sa babae. Tuluyan nang hindi makakibo si EMETERIO.

Palakas nang palakas ang sigaw ng babae. Paulit-ulit na hihingi ng tulong.

Kung saan-saan titingin si EMETERIO. Bibilis ang paghinga nito. Maririnig ang tunog ng isang

nahuhulog na granada. Titingin sa taas si EMETERIO. Titingnan muli ang naghihingalong

babae.

BOSES NG LALAKI Emeterio!

Lalong bibilis ang paghinga ni EMETERIO. Tatayo ito at tatakbo paalis. Biglang didilim ang

entablado. Isang napakalakas na pagsabog. Huling maririnig ang napakalakas na sigaw ng

babae.

Tatahimik ang lahat.

Bahagyang liliwanag. Nakatayo si EMETERIO sa kalagitnaan ng entablado. Hinahabol pa rin

nito ang hininga. Nangangatal pa rin. Bubuksan ang mga mata. Tingin sa paligid. Mag-isa na

lamang siya. Dahan-dahang tatanggalin ang helmet, jaket, at baril. Bubuksan ang napsak at

maglalabas ng isang botelya ng tuba. Iinumin. Halatang kakalma. Hihina ang paghinga.

Papahirin ang pawis sa noo.

Didilim ang entablado.

IKALAWANG EKSENA

RADYO …incumbent Vice-President Diosdado Macapagal emerged victorious in the

recent Philippine elections, having won 55 % of the vote. The newly elected

president of the Philippines is said to have had 3,554,840 ballots in his favor, in

comparison to then-incumbent President Carlos P. Garcia’s 2,902,966…

Liliwanag. Bahagyang hihina ang radyo.

Simpleng sala. Maliit; hindi magara. Isang kawayang sopa sa gitna, isang kawayang mesa sa

harap ng sopa, at isang malawak na bintana sa likod ng sopa. Sa kaliwang bahagi ng entablado,

isang pintuan. Sa kanang bahagi, dalawang pintuan. Isang maliit na radyo sa may bandang

paanan ng mesa.

Gabi.

Nasa entablado si JOSELYN. Hinihinaan niya ang radyo, at hawak-hawak niya ang isang walis.

Nakadaster ito. Buntis. Papahirin ang pawis sa noo. Mukhang naiinitan at napapagod.

Page 3: Ang Anay Nga Nag-Bakya

3

Panandaliang pag-unat. Hihimasin ang tiyan nito nang ilang sandali, bago ito babalik sa

pagwalis.

Maririnig ang boses ni MAY-MAY mula sa labas ng entablado.

MAY-MAY Ma? Lagay ko na sa lababo yung mga pinggan?

JOSELYN O, ‘nak. Salamat.

Katahimikan. Patuloy sa pagwalis si JOSELYN. Tunog ng mga pinggan.

MAY-MAY Ma? Hugasan ko?

JOSELYN Ay na, ‘nak. Mamaya na.

MAY-MAY Ikaw na?

JOSELYN Ako na.

Katahimikan. Patuloy sa pagwalis si JOSELYN.

MAY-MAY Ma?

JOSELYN ‘Nak?

MAY-MAY ‘Yung kanin?

JOSELYN Tabunan mo ng ibang plato.

Patlang.

MAY-MAY Ma?

JOSELYN Ano pa man, ‘nak?

MAY-MAY ‘Yung ulam?

JOSELYN Ibilin na lagi na tanan, ‘nak. Ako na bahala diyan.

MAY-MAY Sige.

Patlang.

MAY-MAY Sori po.

JOSELYN Sige lang, ‘nak. Pakuha diay sa daspan.

MAY-MAY Sa?

JOSELYN Daspan, ‘nak.

Patlang. Kakaunting ingay. Lalabas si MAY-MAY mula sa unang pintuan sa kanang bahagi ng

entablado na may dala-dalang dustpan.

Page 4: Ang Anay Nga Nag-Bakya

4

MAY-MAY Ako na niyan, Ma.

JOSELYN Ay, May-May, mag-aral ka na. Ako na ani.

Kukunin ni MAY-MAY ang walis galing kay JOSELYN.

MAY-MAY Sige lang Ma, uy. Lagi na lang kayo naga-linis dito. Pahinga na kayo. Ako na

muna bahala.

Mag-aatubili si JOSELYN, ngunit papayag naman ito.

JOSELYN Na, sige, ‘nak.

Uupo si JOSELYN sa sopa. Magpapahinga doon. Magwawalis ang anak.

Patakbong papasok si ERIC-ERIC mula sa pangalawang kanang pintuan na may dala-dalang

bag. Tatakbo papunta sa kaliwang pintuan.

ERIC-ERIC Babay, Ma! Babay, May-May!

JOSELYN O! Eric-Eric. Saan ka na naman papunta, ha?

Mapapatigil si ERIC-ERIC. Titigil rin sa pagwawalis si MAY-MAY.

ERIC-ERIC Ay, ano…

Tatayo si JOSELYN.

JOSELYN Nag-aral ka na ba?

Ilalabas ni MAY-MAY ang dila nito kay ERIC-ERIC. Gagawin din ni ERIC-ERIC bago muling

kakausapin ang ina.

ERIC-ERIC May oras pa man mamaya, Ma.

JOSELYN Ay, sus, Eric-Eric. Diri lang ka. Ay na paggawas.

ERIC-ERC Ma! Mamaya na lang lagi! Patulong pa ako sa inyo ni Papa.

MAY-MAY Nge, sipsip uy!

ERIC-ERIC May-May! Ikaw diay? Sipsip man sad ka!

JOSELYN Saan ka pala magpunta, ha?

ERIC-ERIC Mag-ano… Manghuli ng… ano… ng sawa…

JOSELYN Aba! ‘Yan na naman? Sawa na naman? Na, sawa ka na lang ng sawa, ha? ‘Yan na

lang lagi!

MAY-MAY Bitaw!

JOSELYN Tsk! May-May!

Page 5: Ang Anay Nga Nag-Bakya

5

ERIC-ERIC Ay, pero, Ma… Hindi man siya para sa wala lang. Marami gud nagabili ng mga

sawa ‘pag wala na ‘yung lason ba! Sila Lang-Lang man lagi be… Suki ko ‘yun

doon; ganahan sila magluto ng sawa doon sa kanila. Marami gud ako makuha,

Ma—

JOSELYN (hindi patatapusin ang anak) Eric-Eric, alam ko man ba… Pero hindi mo kasi

‘yan kailangan gawin ngayon.

Yuyuko si ERIC-ERIC. Tatango-tango si MAY-MAY habang nagsasalita ang inay.

JOSELYN Si papa mo… ‘Yan. Trabaho niya ‘yan, ha? Hindi mo ‘yan trabaho. Ang

kailangan mo gawin, mag-aral. Bahala na si papa mo tumulong sa pamilya. Ha?

ERIC-ERIC Ay, Ma…

JOSELYN Enrico Manuel Subang De Las Alas, mag-aral ka.

ERIC-ERIC Naaa, karon lang, Ma! Last na ni, pramis! Mag-aral na ako bukas, tapos sa

Biyernes din.

Hindi iimik si JOSELYN. Magtitinginan ang mag-ina.

ERIC-ERIC Pramis. Pramis jud.

Tuloy ang titigan. Mahabang katahimikan. Titingnan ni MAY-MAY ang ina, tapos ang kuya,

tapos ang ina na naman.

Unang susuko si JOSELYN.

JOSELYN Pramis, ha?

ERIC-ERIC (tatalon) YES!

MAY-MAY Nge!

JOSELYN Basta, ‘wag ka masyado magpagabi.

ERIC-ERIC Yeheeey! Salamat, Ma! Lab yu po!

Hahalikan ni ERIC-ERIC ang pisngi ni JOSELYN. Didilaan naman si MAY-MAY. Gagayahin

naman ni MAY-MAY.

Palundag-lundag na lalabas si ERIC-ERIC sa kaliwang pintuan. Mauupo muli si JOSELYN.

Patuloy sa pagwalis si MAY-MAY.

MAY-MAY Bakit ginapayagan mo pa rin ‘yan si kuya, Ma?

JOSELYN Ay, na… Ganyan talaga pag mahal mo ang tao.

MAY-MAY Ha?

Page 6: Ang Anay Nga Nag-Bakya

6

JOSELYN Kung gusto nila, e, ‘di sige. Minsan, ganyan lang talaga. Basta, bantayan mo lang

na hindi sumobra ba.

MAY-MAY Aw. Kaya ba ginapabayaan niyo lang mag-inom si Papa?

Isasantabi ni MAY-MAY ang walis at daspan.

JOSELYN Ay, ‘nak, iba na mang kwento ‘yun. Ayaw ko naman na naga-inom ‘yang si Papa

mo. Hindi man siya tama.

MAY-MAY (tatabihan si JOSELYN) Pero ginagawa pa man rin lagi niya.

JOSELYN May mga bagay na hindi talaga natin alam kung paano ayusin...

MAY-MAY Bitaw…

Patlang.

MAY-MAY Pero hindi ko pa rin gud masyado maintindihan bakit ganu’n si papa. Ano man

pala nangyari sa kanya dati? Hindi man ‘yan siya ganito ka pala-inom ba…

JOSELYN May mga nangyari sa kanya nung giyera na hindi na niya makalimutan.

MAY-MAY Pero matagal na man ‘yun, ‘di ba? Bakit ngayon lang…

JOSELYN Matagal na bitaw… Dati, nung bago pa lang kami nagkakilala, kakagaling pa lang

niya noon sa giyera. Talagang mahirap siya pakisamahan ba… Maraming naga-

bagot sa kaniya. Pero nawala lang man lahat pagkatapos ng isang buwan. Kaya

nagulat ako nang bumalik…

MAY-MAY Bumalik lang bigla?

JOSELYN Oo. Nung pinanganak kita. Nandoon kasi siya, kasama ko.

MAY-MAY Bakit sa akin lang? ‘Yung kay Eric-Eric pala?

JOSELYN Wala kasi siya noon, ‘nak. Hindi niya nasaksihan ba… (magbubuntong-hininga)

Hindi ko lagi alam… Minsan, parang ayaw rin niya sabihin sa akin, pero nakikita

ko. Makita ko sa galaw niya, sa mga sinasabi niya… (dahan-dahang hihimasin

ang buhok ng anak) Pag gabi, minsan, magising na lang siya bigla…

MAY-MAY Tapos…?

JOSELYN Tapos iiyak.

Patlang.

JOSELYN Hindi ko na alam kung anong problema, hindi ko alam kung anong tawag… Hindi

ko na siya napatingin kay…

MAY-MAY Kay naubos na lahat ng pera niya sa kakapagamot para sa akin noon.

Page 7: Ang Anay Nga Nag-Bakya

7

Tahimik si MAY-MAY. Taimtim na tinitingnan ang mga kamay.

JOSELYN Hindi mo ‘yan kasalanan, ‘nak.

MAY-MAY Alam ko man. Naisip ko lang ba… Ano kaya ‘yung mga nangyari kay Papa

no’n…

JOSELYN Sa kanya na ‘yan, ‘nak.

MAY-MAY Kawawa man pala siya, no…?

JOSELYN Mahirap na ngayon, ‘nak. Madali ang maawa, pero mahirap ang tumulong.

Tatango si MAY-MAY. Tahimik ang mag-ina.

Biglang tatakbong papasok si EMETERIO na may dala-dalang gutay-gutay na napsak mula sa

kaliwang pintuan. Magugulantang ang mga babae. Titigil si EMETERIO, hihingal-hingal.

JOSELYN O? Emeterio?

Tuturo si EMETERIO sa pintuan. Hingal pa rin nang hingal.

EMETERIO Time sa… Time sa… Palingkuri sa ‘ko…

Tutulungan ni MAY-MAY na umupo si EMETERIO.

JOSELYN Na… Lasing na naman lagi…

EMETERIO Ah, wala uy…

JOSELYN Pusta na naman kayo, no? Saan kayo ngayon? Kina Caloy? Kina Mang Hilo?

EMETERIO Wala lagi, wala lagi! Ay pataka, Mang!

MAY-MAY Ano pala nangyari sa ‘yo, Pa?

EMETERIO Ay, ‘sus, hindi talaga kayo maniwala ba!

JOSELYN Hindi talaga.

EMETERIO May nakita ako doon sa—doon sa ano!

JOSELYN Sa ano, Pa?

EMETERIO Sa may tulay, doon ba… Didto gud!

MAY-MAY Ano pala, Pa?

EMETERIO Ano gani ‘yang, ano… Ano tawag diyan… Ya tigidig!

MAY-MAY Kabayo, Pa?

EMETERIO O, kana, kana! Ay, dili, dili. Mali diay. Hindi kabayo, iba pala…

Page 8: Ang Anay Nga Nag-Bakya

8

MAY-MAY Ano, Pa?

EMETERIO ‘Yang kabayo ang ulo lang?

MAY-MAY Aw, tikbalang!

JOSELYN Na. Ayan na naman.

EMETERIO Ay, Mang! Sus! Kung kakita lang ka! Na! Takot ka rin ba!

JOSELYN Ganun ba?

EMETERIO Suuus, na! Nagalakad ako nun… Tapos… wala lang gud… Tahimik lang ba…

Tapos ‘yun… May nakita ako sa gitna banda ng tulay. Malaki masyado,

matangkad! Halimaw ba!

MAY-MAY Nakita mo, Pa?

EMETERIO Hindi nang maayos. Takot lagi ako uy. Dagan lagi ko. Hindi ko na ginamit ‘yung

tulay, bahala na.

MAY-MAY Sus! Kalingaw sana nun kung gi-kausap mo, Pa!

JOSELYN Ayyy, tama na, tama na… ‘Wag ka na, May-May, mag-aral ka na. Doon ka sa

kwarto mo.

MAY-MAY Ay, Ma!

JOSELYN Sige na, May-May.

EMETERIO Mang! Dito muna ‘yung bata…

JOSELYN Bakit? Para magkwento-kwentuhan kayo? Ay, na… May-May, adto na didto,

‘kaw.

MAY-MAY Ma…

JOSELYN Mag-aral ka na. (sabay tingin kay EMETERIO) Wala kang mapulot diyan sa

kakikinig mo ng mga kwento ng tatay mo. ‘Yan na lang lagi inatupag niyan, hindi

‘yung paghahanap ng trabaho. (lalapitan si EMETERIO) Alam mo, Emeterio?

Ang anak mo ba, si Eric-Eric, nagahuli na naman ng ahas para ibenta. Ikaw, ano

natulong mo, ha?

Patlang.

EMETERIO Ha?

JOSELYN Susmaryosep, Emeterio, ay na. Walay pulos kung lasing ka lang naman pala…

EMETERIO Ayyy, Joselyn, walang mga bagay na walay pulos… Lahat, may pulos! Parang

‘yung… ano… (mag-iisip nang ilang sandali; matatawa) …‘yung mahaba na

walis na binili ko, nung isang linggo lang…

Page 9: Ang Anay Nga Nag-Bakya

9

JOSELYN Na. ‘Yun! ‘Yun ang pinakawalang kwenta sa lahat! Nag-gastos ka lang ng pera,

hindi mo man lang naisip na mas kailangan natin ‘yung pera para sa ibang bagay!

EMETERIO Hindi uy! Maayo ‘to nga walis! Ginagamit ko ‘yun siya kada gabi, lalo na

ngayon…

MAY-MAY Naga-linis kayo sa gabi, Pang?

JOSELYN Hah! Atik lagi…

EMETERIO Hindi, kay… may mga bisita tayo pag gabi…

JOSELYN Na, naa nasad na siya.

EMETERIO (kay May-May) May kwento ako sa ‘yo.

MAY-MAY Ano ‘to, Pa?

EMETERIO Alala mo ‘yung ‘di ka pa napanganak, tapos nasa loob ka pa ng tiyan ng mama

mo…?

Patlang.

MAY-MAY Hindi, Pa.

JOSELYN (iiling habang nakatingin sa langit) Ay, tabangi.

EMETERIO Basta, ‘yang… ano… Buntis si Mama mo nu’n sa’yo. Tapos ba… Kada gabi-i…

Lagi na lang pag-gabi, sa atop nato…

May ituturo si EMETERIO sa bubong. Bahagyang didilim ng kaunti ang entablado.

EMETERIO May marinig ako… Lagi…

Hihimasin ni JOSELYN ang sariling noo.

EMETERIO Pag matulog na kami, ako, si Mama mo, si kuya mo… Da. Makagising lagi ako

ba. Kay… kanang… May tunog lagi ba… Makarinig ako na may nagakalmot sa

bubong… Parang ganito, o…

Mangangalmot ito sa kawayang mesa. Uulit-ulitin.

EMETERIO Ana.

Tatango ang bata.

EMETERIO Tapos… ‘yang, kuwan… Nagalakas siya, kada gabi… Nagalakas…

Tunog ng nangangalmot na manggagaling sa kung saan. Magugulat si EMETERIO. Mapapa-

upo nang tuwid. Titigil ang tunog.

MAY-MAY Pa? Bakit, Pa?

Page 10: Ang Anay Nga Nag-Bakya

10

EMETERIO Ay… Wala, wala.(mag-aatubili) Hindi mo narinig ‘yung…?

MAY-MAY ‘Yung…?

EMETERIO Wala… Wala diay…

Magpapatuloy ito sa pagkwento. Mukha nang natatakot si MAY-MAY.

EMETERIO Basta… Malapit ka na yata ipanganak no’n ba… ‘Yang, pagpalapit nang palapit

na… Mas nagalakas ‘yung tunog… Tapos…

Bahagya uling didilim ang entablado.

EMETERIO Tapos… Nung isang linggo na lang siguro bago ka pinanganak ba…

Tatango-tango ang bata. Nakatalikod naman si JOSELYN. Hindi nito tinitingnan ang dalawa.

Nakayuko ito.

EMETERIO May marinig ako na ibang tunog, kasama nung pagkalmot…

Mukhang nanginginig ang katawan ni JOSELYN. Hindi makikita ang mukha nito.

MAY-MAY Ano, Pang?

Mangingiwi at mababaluktot ang katawan ni JOSELYN. Tunog ng butong pumipiyok at nababali.

Tunong ng pangangalmot.

Bubuksan ni EMETERIO ang bibig nito para magsalita, ngunit mauunahan siya ng ibang boses.

BOSES Wak! Wak! Wak!

Mapapaupo uli nang tuwid si EMETERIO.

EMETERIO Ano ‘yun?

MAY-MAY Ha? Unsa, Pang? Ano pala?

Titingin si EMETERIO sa kung saan-saan.

EMETERIO Narinig mo ‘yun?

Titigil si JOSELYN.

MAY-MAY ‘Yung… ‘yung ano, Pa?

Lilingon si JOSELYN. Liliwanag.

JOSELYN Hoy, Pang. Nananakot ka, ha?

EMETERIO H-ha? Dili uy… Dili… Asan… Asa na gani ko?

MAY-MAY Doon sa tunog pa. Ginawa mo ‘yung tunog, bago lang.

Page 11: Ang Anay Nga Nag-Bakya

11

EMETERIO Aw! O! Tama diay, tama. Basta, ano… Sabi ko pa lagi sa sarili ko… Tama lagi

ako! Tama jud! Wak-Wak lagi ‘yun ba!

JOSELYN Hay, na lang… Wala’y Wak-Wak diri, Pang.

EMETERIO Ay, na! Gikausap ko rin sina Mang Hilo, kay buntis rin ‘yung anak niya no’n. Si

Baleri. Naa jud lagi. May Wak-Wak din doon.

JOSELYN Unya? Naniwala ka rin?

EMETERIO Ay, siyempre! Bakit man hindi?

MAY-MAY Bakit pala ‘yun, Pa? Bakit may Wak-Wak?

EMETERIO Ganito kasi ‘yan, nak. ‘Yang mga Wak-Wak, may paborito ‘yan silang ano…

‘yang… kainin ba…

JOSELYN ‘Sus, Ginuo, Emeterio! ‘Wag ka magsabi ng ganyan sa anak mo, uy!

EMETERIO Sssst! Sandali lang.

MAY-MAY Ano pala paborito nila, Pa?

EMETERIO Ay, ano pa man pala?

Lalapitan si MAY-MAY at magbubulong nang malakas.

EMETERIO Beybi.

Tatabunan ni MAY-MAY ang bibig nito. Bahagyang didilim ang entablado.

EMETERIO O. ‘Yang beybi… Paborito nila masyado ‘yan. Lalung-lalo na pag… ano… hindi

pa gani napanganak. ‘Yan ang gusto nila. ‘Yang nasa loob pa ng tiyan ng babae

ba…

JOSELYN Emeterio, uy… Tama na ‘yan.

EMETERIO Gusto ka sana nila kunin ba… Nung nasa loob ka pa ng tiyan ni Mama mo… Buti

na lang… ano… kuwan… Magising ako lagi sa gabi… Tapos ginakuha ko ‘yung

walis, tapos ginatamaan ko ‘yung bubong natin galing dito.

MAY-MAY Ano pala mangyari niyan?

EMETERIO Mag-alis sila.

Patlang.

Kitang-kita sa mukha ni MAY-MAY ang pagkamangha nito.

EMETERIO Hindi pa ako tapos.

MAY-MAY Ano pa, Pang?

Page 12: Ang Anay Nga Nag-Bakya

12

EMETERIO Ilang araw bago ito… Naka-ano… nakarinig ulit ako.

MAY-MAY Ng?

EMETERIO Ng pagkamot ba.

Babalik uli ang tunog ng pangangalmot. Kitang-kita sa mukha ni EMETERIO na naririnig niya

ito, ngunit ayaw lamang niyang pansinin.

JOSELYN Ay, sus Ginoo, Emeterio! Pati ba naman ‘yung beybi natin, idamay dito?

Yuyuko na lang bigla ang ulo ni MAY-MAY. Dahan-dahan itong lilinga-linga. Tunog ng butong

pumuputok at pumipiyok. Hindi ito mapapansin ni JOSELYN, at mukhang si EMETERIO lamang

ang nakakakita nito.

Mag-aatubili muli si EMETERIO sa pagsasalita. Kakausapin si JOSELYN ngunit kay MAY-MAY

nakatingin.

EMETERIO Hi-hindi man ako nagadamay, Ma… Sabi ko lang, nakarinig lang uli ako…

Lalakas ang tunog ng pangangalmot. Biglang dadaklutin ni MAY-MAY ang kamay ng tatay nito.

Magugulat si EMETERIO.

Titingala muli si MAY-MAY na parang wala namang nangyari sa kanya.

MAY-MAY Tapos ginapaalis mo rin sila, Pa? Gamit ng walis natin?

EMETERIO A…

Hindi agad makapagsalita si EMETERIO.

EMETERIO A-ay, o… kay kung hindi… Kay kung hindi, na… Wala na talaga ‘yan si beybi

ba.

JOSELYN PANG!

Hahawakan ni JOSELYN ang tiyan. Tahimik lang si MAY-MAY.

EMETERIO Ayyy, Joselyn… ‘Wag ka mahadlok… Ginapaalis ko sila lagi, pag tulog na

kayo… Lalo na ikaw… Kay diyan ‘yan sila nagadating… Pag tulog ka na.

Habang nagsasalita si EMETERIO, dahan-dahang manggagaling sa itaas ang isang

napakahabang dila malapit kay JOSELYN na taimtim pa ring hinahawakan ang tiyan.

EMETERIO Pwede na nila ipalabas ‘yang dila nila na mahaba masyado… Mulusot sa mga

buslot sa bubong. Pasok sa, kuwan, sa tiyan—

JOSELYN PANG!!

Iaakyat muli ang dila. Liliwanag.

Tatawa ng kaunti si EMETERIO.

Page 13: Ang Anay Nga Nag-Bakya

13

JOSELYN Ayaw pagsige katawa dira. Hindi siya nakakatawa, ha.

Titigil si EMETERIO sa pagtawa, ngunit nakangiti pa rin ito.

EMETERIO Hindi bitaw.

JOSELYN O. Nakangiti ka pa rin?

EMETERIO O. Kay parang naniwala ka na man rin gud.

Lalaki ang mga mata ni JOSELYN. Papaluin nito si EMETERIO.

EMETERIO Agay!

JOSELYN Hindi ako naniwala uy! Bakit man ako maniwala? Gawa-gawa mo lang ‘yan lahat,

Diyos ko…

EMETERIO Ikaw kasi… Hay blad masyado. Init ulo ba. ‘Wag ka kasi ganyan, Mang… Kay…

JOSELYN Naaa, Emeterio, alam mo kung ano ang pampawala ng hay blad sa akin?

EMETERIO Ano man, Ma? Be daw, be. Hanapan kita.

JOSELYN Sige, hanapan mo sarili mo ng trabaho. Gawas didto, pangita.

EMETERIO Mang, ‘wag masyado magalit…

JOSELYN Pang, gikapoy na man gud ‘ko.

Patlang.

JOSELYN Pangatlo na natin ‘to na anak ba. Hindi pa nakapagtapos ‘yung iba, wala akong

trabaho, wala ka ring trabaho. Si Eric-Eric, na… gabaligya ug sawa didto kina

Lang-Lang. Hindi niya man kailangan ‘yun gawin, Pang ba. Si May-May, o.

Araw-araw naga-aral para masuportahan ang pamilya balang araw. Kami lahat ba,

nagsusumikap. Ikaw, Pang? Hindi ko na gud alam kung anong gawin sa ‘yo.

Hindi ko alam kung paano kita tulungan. Para sa akin, pagtulong na ‘yung hindi

ka na iwan, pero hindi ko na alam, Pang. Sana naman tulungan mo rin sarili

mo.Sana naman magsumikap ka rin. Sana naman hindi lang kami palagi.

Intindihan mo?

Patlang.

JOSELYN O. Ano man? May sagot ka? Kay kapoy magpaabot kung wala ka naman palang

sabihin. Gusto ko na magpahinga; sumasakit na tiyan ko.

EMETERIO Ma…

JOSELYN O, Pang?

Patlang.

Page 14: Ang Anay Nga Nag-Bakya

14

EMETERIO Kailangan ko sumuka.

Didilim.

IKATLONG EKSENA

(Lahat ng mga nakapaloob sa saklong ay para sa radyo.

Dagundong ng kulog. Mahinang musika.)

RADYO—“MARIANO” HA! (humihingal)

Nakaupo sa sahig si MAY-MAY, taimtim na nakikinig ng programa sa radyo, samantalang naka-

upo naman sa sopa si EMETERIO. Gising ito. Nakatunganga, ngunit mukha namang nakikinig.

RADYO—“MARIANO” Damgo… damgo, dili tinuod… (patuloy sa paghabol ng hininga)

Damgo lang diay…

(Tunog ng taong nangangapa sa higaan.)

RADYO—“MARIANO” Sabina, naa pa ka diha…? Sabina… Sabina…? Sabina…!

(Tunog ng taong tumatayo mula sa higaan. Maririnig bigla ang pagsinghot ng isang baboy,

kasabay ang malalakas na pagputak ng mga manok.)

RADYO—“MARIANO” Na! Naa nasad! Ang anay! (tumatakbo; hinahabol muli ang

hininga) Kinahanglan adtuon dayon nako! Ginuo, unta wala nay

makuha nga manok!

(Maririnig ang pag”tak-tak” ng bakya.)

RADYO—“MARIANO” Samtang gatuwog mi ni Sabina, ginakawat sa baboy ang iyahang

bakya. Ngano kaha? Unsay pasabot ani? (tunog ng pagkuha ng

armas) Pusilon ta man ni ba…

(Maririnig ang pagbaba ng hagdan. Patuloy ang pagsinghot ng baboy, ang pagtak-tak ng bakya,

at ang pagputak ng mga manok. Bibilis ang paghinga ni MARIANO.)

RADYO—“MARIANO” Ikaw, babuya ka, asa na ka, ha?

(Tahimik ang lahat.)

RADYO—“MARIANO” Ha…? Asa na… Asa na ‘to? Naa ‘to diri, bag-o lang… Wala na

sad… Gi-unsa man niya?… Ani na lang jud ni. Pirme mosibat.

Unya naa’y usa ka manok nga mawala, kada gabi-i. Apan ngano

man gyud nga gamitun ang bakya sa akong asawa nga si Sabina…?

MAY-MAY (pabulong) Mmmm, ngano kaha…

Dahan-dahang bubuksan ni EMETERIO ang dala-dalang napsak. Titingnan-tingnan ang anak.

Hindi naman ito mapapansin ni MAY-MAY. Maglalabas si EMETERIO ng isang maliit na bote

ng tuba mula sa napsak. Patagong iinom.

Page 15: Ang Anay Nga Nag-Bakya

15

Didilim ang ilaw.

Habang nagpapatuloy ang programa: Magpapakita si JOSELYN at ERIC-ERIC mula sa bintana.

Nakatatakot ang mga mukha nila. Marahang gagapang paloob mula sa bintana. Tunog ng mga

pumipiyok at nababaling buto. Manginginig si EMETERIO.

RADYO—“MARIANO” Karon… Asa na si Sabina aron maingnan nako? Sabina? Sabina!

RADYO—“SABINA” Mariano? Naa ra ko diri!

RADYO—“MARIANO” Asa man ka dapit?

RADYO—“SABINA” Nag-banyo ra ko, Mariano. Ngano?

RADYO—“MARIANO” Nibalik nasad siya, Sabina. Nibalik nasad ang anay… Ang anay

nga nag-bakya!

Bigla na lang uupo nang matuwid si EMETERIO. Aalis sina JOSELYN at ERIC-ERIC.

Liliwanag.

EMETERIO May-May?

RADYO—“SABINA” (pagsingap) Tinuod ka?

Magugulat ang anak. Hihinaan ang radyo.

MAY-MAY O? Pa. Gising ka na pala.

EMETERIO Saan, ahh, mama mo…?

MAY-MAY Naa didto, sa pikas. (Tuturo sa isa sa mga pintuang nasa kanang bahagi ng

entablado) Nagapahinga. Samok ka daw kasi masyado.

EMETERIO Aw.

Mapapansin ni MAY-MAY ang maliit na bote.

MAY-MAY Ano ‘yan, Pa?

Agad-agarang itatago ni EMETERIO ang botelya.

EMETERIO Ano ang ano?

MAY-MAY ‘Yang hawak mo, Pa.

EMETERIO Ha. Wala uy.

MAY-MAY Pa! Tuba ‘yan, no! Akin na ‘yan, Pa!

EMETERIO Ayaw! Sshh! Marinig ni mama mo!

MAY-MAY Pa, uy! ‘Wag ganyan ba!

Page 16: Ang Anay Nga Nag-Bakya

16

Lalapitan ni MAY-MAY si EMETERIO at susubukan nitong agawin ang bag. Hindi naman

nagpapa-agaw si EMETERIO.

EMETERIO ‘Nak, ayaw na…!

MAY-MAY Ambi na, Pa!

Mag-aagawan ang dalawa.

Tatakbong papasok at hihingal-hingal si ERIC-ERIC. May dala-dalang bakpak. Ilalagay ang

mga kamay sa mga tuhod at hihinga nang malalim ng ilang beses.

Titigil sa pag-aagawan ang dalawa.

EMETERIO Aaay, nandiyan ka na pala…

MAY-MAY SUS!

Mabibitawan nito ang bag ng tatay. Agad-agarang dadaklutin ito ni EMETERIO at itatago.

Tatayo si MAY-MAY.

MAY-MAY Naka-uwi ka na jud!

ERIC-ERIC Paghilom diha, May-May, uy! Sino ka, si Mama?

MAY-MAY Ka-sama mo lagi!

Hindi papansinin ni ERIC-ERIC ang nakababatang kapatid. Pupuntahan agad ang tatay at

tatabihan.

ERIC-ERIC Pa! Dili jud matabang ba!

EMETERIO Bakit man, ‘nak, ah?

ERIC-ERIC Karami ko nakita ba!

EMETERIO Na ano, ha?

Bubuksan ni ERIC-ERIC ang bag. Bubunutin mula dito ang isang malaking lata. Bubuksan ito at

maglalabas ng isang maliit na ahas.

Titili si MAY-MAY.

MAY-MAY Yii! Eric-Eric, uy! Kaluod!

Mandidiri si MAY-MAY. Tatawa si ERIC-ERIC.

ERIC-ERIC Gusto mo tingnan?

MAY-MAY Ayoko! Bahala ka uy. Makinig na lang ako dito.

Babalikan ni MAY-MAY ang radyo. Lalakasan nang kaunti, nang siya lang ang makaririnig nito

nang maayos.

Page 17: Ang Anay Nga Nag-Bakya

17

ERIC-ERIC Ha! Ahas lang gani! Ito talaga si May-May uy.

Ayaw itong pansinin ni MAY-MAY. Nakatutok lamang ito sa radyo.

Magkikibit-balikat si ERIC-ERIC at tatabihan muli ang itay.

ERIC-ERIC O, Pa. Tingnan mo. Marami masyado ‘yan ba.

EMETERIO Ahh… Mao ba…

Kukunin muli nito ang botelya mula sa napsak. Maglalagok ng tuba. Masyadong nahuhumaling

si ERIC-ERIC sa kanyang lata ng mga ahas. Mukhang wala rin itong pakialam na umiinom ang

ama.

EMETERIO Asan mo pala sila gikuha, ha…?

ERIC-ERIC Ay, kung saan-saan lagi ba! Marami doon, malapit sa may sapa… ‘Yung banda sa

may tulay. Marami pa doon sa gubat-gubat sa baba banda ng bahay. Karami nila,

Pang, ba.

EMETERIO Mabuti na lang hindi ako napaakan ba… Doon baya ako nagalakad-lakad

kanina…

ERIC-ERIC Ay, baka nadaanan ko na ‘yun doon. Kalayo gud ng naabutan ko, Pang, ba!

MAY-MAY Huy uy! Kaingay niyo! Nagapahinga baya si Mama!

ERIC-ERIC A! Kay marinig man kami ni Mama dito, no?

MAY-MAY Hindi ko rin marinig ‘yung radyo.

ERIC-ERIC E, ‘di, lakasan mo!

MAY-MAY Eric-Eric uy! Hinaan niyo na lang gud mag-usap!

ERIC-ERIC Sus, May-May, kasamok! Ano man pala ‘yang ginapakinggan mo?

MAY-MAY ‘Yung… ano… Pagkagat ng Dilim.

ERIC-ERIC Ha? Kato? SUS! Ka-korni uy!

MAY-MAY Hindi gud ‘yan korni! Makatakot gud!

Manonood at iinom lang si EMETERIO ng tuba, tila naaaliw sa bangayan ng mga anak.

ERIC-ERIC Kana? Makatakot ‘yan? Wala ra na intawon! (tatawa)

MAY-MAY Oo gud! Ngayon, kay ‘yung storya kay ‘yung baboy na nagapunta sa ilalim ng

mga bahay ba…

ERIC-ERIC Unya? Mag-unsa man siya didto? Magkain?

MAY-MAY O! Gina-kain niya ‘yung mga ano… ‘yung mga manok.

Page 18: Ang Anay Nga Nag-Bakya

18

ERIC-ERIC (gagawa ng “oink oink” o kung ano pa mang tunog ng baboy at tatawa) Korni,

May-May! Hindi ‘yan makatakot! ‘Yung mga kwento ni Papa, ‘yun ‘yung mga

makatakot!

Bahagyang tatango si EMETERIO na pawang aprubado nito ang sinabi ng anak.

MAY-MAY Ay, o! ‘Yung mga kwento man talaga ni Papa. Pero gusto ko man din ito!

Makatakot man rin siya!

ERIC-ERIC Talawan ka man uy!

MAY-MAY Ha? Hindi uy!

ERIC-ERIC Waaa! Talawan si May-May! Haaa! Madali matakot! Haaa!

MAY-MAY Huy! Saba uy! Kainis ka lagi masyado!

Patuloy sa panonood at pag-inom si EMETERIO.

MAY-MAY Pa, o!

Magkukunwaring hindi umiinom si EMETERIO, at itatago muli nito ang botelya.

EMETERIO Sige lang, bayaan mo na. Ganyan talaga pag magkapatid…

MAY-MAY Ay uy! Pagalitan mo gud siya, Pang! Hindi man ako talawan!

Biglaang ilalapit ni ERIC-ERIC ang lata kay MAY-MAY.

ERIC-ERIC Takot ka nito? Takot ka, ha? Hadlok ka?

Titili si MAY-MAY.

MAY-MAY Kuya ba!

Iiyak ito.

Saglit na pagkataranta galing kay EMETERIO. Hindi alam kung anong gagawin. Iiling si ERIC-

ERIC.

EMETERIO (patawa; tawang nerbiyoso at asiwa) Ahh… May-May? ‘Nak… ‘Wag ka mag-

iyak masyado… Biro-biro lang ‘yan ni kuya mo kasi…

ERIC-ERIC Tss. (nang-uuyam) Tapos mag-iyak pala? May-May, uy. Sige hilak.

EMETERIO Eric-Eric, ‘wag ganyan.

ERIC-ERIC May-May, uy; ‘wag ka mag-iyak! Maingay ka masyado!

Lalakas ang pag-iyak ni MAY-MAY.

ERIC-ERIC Na, isumbong mo ako kay Mama, no?

Page 19: Ang Anay Nga Nag-Bakya

19

Papaluin ni MAY-MAY si ERIC-ERIC. Mahuhulog ni ERIC-ERIC ang lata.

ERIC-ERIC Ay, pisti!

EMETERIO Eric-Eric, bibig mo!

Sisigaw si MAY-MAY. Wala nang makikinig kay EMETERIO. Tatakbo si MAY-MAY at

tutungtong ito sa sopa. Sisigaw-sigaw.

ERIC-ERIC Na! ‘Yung mga sawa!

Tutungtong na rin si EMETERIO sa sopa.

Maririnig ang boses ni JOSELYN mula sa labas ng entablado.

JOSELYN Ay, pastilan! Ano na nangyayari diyan?! Bakit marami nagasigaw, ha?!

ERIC-ERIC (habang naghahanap) May-May man gud ba!

MAY-MAY O! Kasalanan ko ba diay?

ERIC-ERIC (naghahanap at nanghuhuli sa ilalim ng mesa) Alangan! Gi-palo mo gud ako!

MAY-MAY Gi-bitwan mo ‘yung lata! Tanga ka!

ERIC-ERIC Saba May-May, uy!

Muli, boses ni JOSELYN galing sa labas.

JOSELYN Hoy! Naunsa mo!?

EMETERIO Sandali lang, Ma! ‘Wag ka muna magbangon; nagahuli pa kami ng sawa!

JOSELYN Unsa?!

EMETERIO Pahinga ka lang, Ma!

Ilalabas nito ang botelya at patuloy sa paglagok ng tuba. Tunog ng mga ahas, lumalakas nang

lumalakas.

Tatayo na lang bigla si ERIC-ERIC na dala-dala ang lata.

ERIC-ERIC ‘Yan! Nakuha ko na lahat! Nandito na sa loob.

MAY-MAY Eric-Eric, uy, itapon mo na kasi ‘yan! Makalagot!

ERIC-ERIC Ayaw ko pala! Pinaghirapan ko gud ‘to sila. Pifteen ni sila tanan!

MAY-MAY Wala akong pakialam kahit ilan pa ‘yan sila—itapon mo na kasi ‘yan! Sus uy…

Bababa si MAY-MAY at babalik sa tabi ng radyo.

Mauupo si EMETERIO. Patuloy sa pag-inom.

Page 20: Ang Anay Nga Nag-Bakya

20

Maririnig ang ingay ng mga ahas. Mahalagang lumalakas ito habang tumatagal ang bangayan

ng magkakapatid.

ERIC-ERIC Tapos? Kung ayaw ko?

MAY-MAY Isumbong kita kay Mama!

ERIC-ERIC Alam na man ni Mama na ginagawa ko ito!

MAY-MAY Magalit pa rin siya, kay tanga ka man!

ERIC-ERIC Tanga na naman? Ikaw gud ‘yung nagpalo sa akin!

MAY-MAY Ikaw pa rin ‘yung may sawa! Itapon mo na lagi!

ERIC-ERIC Ayaw ko!

MAY-MAY Kuya uy!

Bigla na lang maririnig ang isang sigaw mula si labas ng entablado – sigaw ito ni JOSELYN.

Kasabay nito ang pagtigil ng mga tunog ng ahas.

Magtitinginan ang pamilya. Tatakbo papasok ang mga anak. Maiiwan si EMETERIO, nalilito,

nakatayo lang sa pwesto.

Patlang.

Magsisimulang maglakad si EMETERIO mula sa isang dako ng entablado, patungo sa kabila.

Dala-dala pa rin nito ang botelya. Tahimik na pagkataranta.

Patakbong papasok mula sa pangalawang pintuan sa kanang bahagi ng entablado sina ERIC-

ERIC at MAY-MAY.

MAY-MAY Manganak na si Mama, Pa!

ERIC-ERIC Pa, ano gawin?! Ano gawin?!

Agad-agarang itatago ni EMETERIO ang botelya. Maririnig ang mga daing ni JOSELYN sa

kwarto.

Biglang titigil si EMETERIO sa kalagitnaan ng entablado, mukhang takot at nakatingin sa

kawalan.

Maririnig ang mga putukan ng baril at mga kung anu-anong pagsabog, kasama ang malalakas

na daing ng isang babaeng nagdadalang-tao.

Iiling si EMETERIO.

EMETERIO U-unsa… si… si-si Mang Hilo… Marunong ‘yan siya magpa… ano… Marunong

‘yan…

Tatango-tango ang mga anak.

Page 21: Ang Anay Nga Nag-Bakya

21

EMETERIO ‘Yan, si Mang Hilo… Tawagin si Mang Hilo—

Sabay-sabay na pupunta sa bintaan ang dalawang bata at sisigaw.

ERIC-ERIC at MAY-MAY Mang Hilo! Mang Hilo!

EMETERIO Hindi kayo marinig niyan!

ERIC-ERIC Takbuhin ko na lang, Pa!

EMETERIO Ah-

MAY-MAY Ako, Pa?

ERIC-ERIC Sama ka na rin! Malayo pa ‘yun!

EMETERIO Ah—

ERIC-ERIC Dali, dali!

Ihahagis ni ERIC-ERIC ang lata ng mga ahas sa labas ng bintana at tatakbo palabas ng bahay.

Susundan ito ni MAY-MAY.

Maiiwan si EMETERIO, na pawang walang masabi. Hindi na nito alam kung ano ang susunod

na gagawin. Tatayo na lamang, hawak-hawak ang bag. Mapapatingin siya sa radyo.

Maririnig muli ang boses ni JOSELYN mula sa kwarto. Sumisigaw at umuungol sa sakit.

JOSELYN Emeterio? Emeterio, nandyan ka pa…?

Patlang.

Tunog ng giyera. Mga pagsabog at putukan ng baril.

EMETERIO A-ah? … O…

JOSELYN Ha? Emeterio? Hindi ako makatayo, samahan mo ako—Agay! Astang sakita…

Emeterio! Kasakit masyado, tabangi ko! Palihog!

Nakatingin pa rin si EMETERIO sa radyo. Kukunin ito at mauupo sa sopa. Patuloy ang mga

tunog ng giyera.

JOSELYN Agaaay! Emeterio! Adto diri! Samahan mo ako, Emeterio! Sakit jud! Tabangi ko,

palihog! (humihingal; hinahabol ang hininga)

Ilalabas ni EMETERIO ang botelya. Iinom. Lalakasan ang radyo. Hihina ang mga tunog ng

giyera. Ang programang tumutugtog ay ang programang pinapakinggan ni MAY-MAY kani-

kanina lamang.

RADYO—“MARIANO” Sabina? Sabina…? Asa na ka, Sabina?!

RADYO—“SABINA” Mariano! Di ari ko, Mariano! Sa gawas, Mariano!

Page 22: Ang Anay Nga Nag-Bakya

22

RADYO—“MARIANO” Sabina! Ayaw kabalaka, paadto na ko! (hinahabol ang hininga;

tumatakbo) Patyun man nako nang babuya na ba!

(Sabay-sabay na pagsinghot ng baboy, pagputak ng mga manok, at pag”tak-tak” ng bakya.)

RADYO—“SABINA” Mariano! (sigaw)

JOSELYN (sigaw) Emeterio!

Patuloy sa pag-inom si EMETERIO.

RADYO—“MARIANO” Sabina! (tunog ng taong bumababa ng kawayang hagdan) Sabina!

(Maririnig ang pagsinghot ng baboy.)

Padilim nang padilim ang entablado. Tunog ng mga ahas. Tunog ng pangangalmot. Tunog ng

mga Wak-Wak. Tunog ng mga butong pumipiyok. Tunog ng mahinang hiyaw ng kabayo. Lahat

magkasabay, palakas nang palakas. Isang mahabang dila mula sa itaas. Dalawang batang

anino sa bintana, dahan-dahang gagapang paloob.

RADYO—“MARIANO” Sa..Sabina? Asa… Ginuo! Unta wala nakaon sa anay ang akoang

Sabina! Wala unta, Ginuo ko! Wala unta! (paghanda ng baril)

Pusilon tika, ikaw nga anay ka! Pusilon taka!

(Pagputok ng baril.)

Isang napakalakas na sigaw galing kay JOSELYN.

Titigil ang mga maghalong tunog. Biglang liliwanag. Aalis ang dalawang anino; iaakyat ang

dila.

RADYO—“MARIANO” H-ha…? Nganong… asa na ang baboy? Atong napusil nako ang

baboy, nawala man siya… Unya karon… Karon, Ginuo ko, karon!

Nagkadugo ang akoang Sabina sa salog, sa kung asa nako gipusil

ang baboy kaganina lang… Sabina! Napusil nako si Sabina! Siya

ang… siya ang anay…! (pagbagsak ng armas sa lupa; yapak ng

taong tumatakbo)

Tatayo si EMETERIO.

RADYO—“SABINA” Mar… iano…

RADYO—“MARIANO” Sabina… Ikaw diay…? Ikaw ang anay? Mao diay… mao diay

gabakya ang baboy kada gabii.. Mao diay mawala ka sa panahon

nga mubalik napud ang anay aron kaunon ang mga manok. Ikaw

ra diay ‘to… Sabina, ngano…?

Titingin sa kwartong kinalolooban ni JOSELYN. Mag-aatubili ng ilang segundo.

RADYO—“MARIANO” Ah! Dili na na mahinungdanon!

Page 23: Ang Anay Nga Nag-Bakya

23

Iiling si EMETERIO at tatakbo papunta sa loob.

RADYO—“MARIANO” Napusil tika, Sabina…

RADYO—“SABINA” Pasagdi na ‘ko, Mariano. Mao ni ang maayo. Mao ni ang

kinahanglan mahitabo.

Bahagyang didilim ang entablado. Ang mga boses na lang nina EMETERIO at JOSELYN ang

maririnig—mala radio-drama.

EMETERIO Joselyn? Joselyn, nandito na ako!

JOSELYN Emeterio--? Agay, kasakit! Ay… Tabangi ko, Ginuo…

EMETERIO Dahan-dahan lang… Nandito na ako.

JOSELYN Agay! Asa ang mga bata?

EMETERIO Si…Si Mang Hilo, gipangita nila. Pabalik na ‘yun ngayon… Nandito lang ako…

JOSELYN Maayo… Ah! Sakit na jud!

RADYO—“SABINA” Mao ni ang kinahanglan mahitabo, Mariano.

RADYO—“MARIANO” Ayaw kabalaka, Sabina. Naa ra ko diri.

EMETERIO Samahan kita, Mang. ‘Wag ka mag-alala. Naa ra ko diri. Naa na jud ko diri.

Musika.

WAKAS.