32
Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 5: Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig 8

Araling Panlipunan · 2020. 11. 7. · Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 5: Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig Unang Edisyon,

  • Upload
    others

  • View
    150

  • Download
    12

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Araling Panlipunan · 2020. 11. 7. · Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 5: Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig Unang Edisyon,

Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 5:

Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig

8

Page 2: Araling Panlipunan · 2020. 11. 7. · Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 5: Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig Unang Edisyon,

Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 5: Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V Ronelo Al K. Firmo, PhD, CESO V Librada M. Rubio, PhD Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando

Telefax: (045) 598-8580 to 89

E-mail Address: [email protected]

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Glenda P. Del Rosario

Tagasuri ng Nilalaman: Rowel S. Padernal / Angelica M. Burayag, PhD

Mary Jane P. Soriano / Ma. Leonora B. Cruz

Tagasuri ng Wika: Nenita J. Barro / Ma. Leonora B. Cruz

Babylyn M. Demetion / Erfe Donna A. Aspiras

Edelwiza L. Cadag

Tagasuri ng Pagguhit/Paglapat: Jonathan Paranada / Ryan Corpuz Pastor

Tagaguhit: Joey-Rey D. Magracia

Tagalapat: Phoebe Marie B. Santarromana

Tagapamahala: Nicolas T. Capulong, EdD, CESO V

Librada M. Rubio, PhD

Angelica M. Burayag, PhD

Ma. Editha R. Caparas, PhD

Nestor P. Nuesca, EdD

Marie Ann C. Ligsay, PhD

Dominador M. Cabrera, PhD

Edward C. Jimenez, PhD

Ma. Leonora B. Cruz

Page 3: Araling Panlipunan · 2020. 11. 7. · Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 5: Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig Unang Edisyon,

8

Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 5:

Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig

Page 4: Araling Panlipunan · 2020. 11. 7. · Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 5: Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig Unang Edisyon,

ii

Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 8 ng Alternative

Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga

edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang

gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang

itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,

panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa

mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,

bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang

mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga

pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang

kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang

mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan

at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang

sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at

gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa

modyul.

Mga Tala para sa Guro

Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong

o estratehiyang magagamit sa paggabay sa

mag-aaral.

Page 5: Araling Panlipunan · 2020. 11. 7. · Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 5: Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig Unang Edisyon,

iii

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 8 ng Alternative Delivery Mode

(ADM) Modyul ukol sa Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.

Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at

magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na

ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga

kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay

nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin

nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.

Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga

dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung

ano na ang kaalaman mo sa aralin ng

modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng

tamang sagot (100%), maaari mong laktawan

ang bahaging ito ng modyul.

Balikan

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral

upang matulungan kang maiugnay ang

kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay

ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad

ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na

suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling

pagtalakay sa aralin. Layunin nitong

matulungan kang maunawaan ang bagong

konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin

Binubuo ito ng mga gawaing para sa

malayang pagsasanay upang mapagtibay ang

iyong pang-unawa at mga kasanayan sa

paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot

mo sa pagsasanay gamit ang susi sa

pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Page 6: Araling Panlipunan · 2020. 11. 7. · Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 5: Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig Unang Edisyon,

iv

Isaisip

Naglalaman ito ng mga katanungan o

pupunan ang patlang ng pangungusap o

talata upang maproseso kung anong

natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong

sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman

o kasanayan sa tunay na sitwasyon o

realidad ng buhay.

Tayahin

Ito ay gawain na naglalayong matasa o

masukat ang antas ng pagkatuto sa

pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang

Gawain

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong

panibagong gawain upang pagyamanin ang

iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang

aralin.

Susi sa Pagwawasto

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat

ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang

marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel

sa pagsagot sa mga pagsasanay.

2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing

napapaloob sa modyul.

3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at

sa pagwawasto ng mga kasagutan.

5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang

sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,

huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka

rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino

man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa

iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng

makahulugang pagkatuto at makakukuha ka ng malalim na pang-unawa sa

kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa

paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Page 7: Araling Panlipunan · 2020. 11. 7. · Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 5: Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig Unang Edisyon,

1

Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa upang makatulong na higit mong maunawaan

ang aralin tungkol sa mga sinaunang kabihasnan sa Daigdig. Pagtutuonan nang

pansin sa ating pag-aaral sa modyul na ito ang mga mahahalagang bagay o datos

na naglalarawan sa mga sinaunang kabihasnang umunlad sa mga lambak-ilog at

kung paano sila nakapagtatag ng mauunlad na pamayanan at nakapagtaguyod ng

kabihasnan.

Ang modyul na ito ay nahahati sa mga sumusunod na paksang talakayan:

Talakayan 1 – Kabihasnang Mesopotamia

Talakayan 2 – Kabihasnang Indus

Talakayan 3 – Kabihasnang Tsino

Talakayan 4 – Kabihasnang Egyptian

Pagkatapos na mapag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang

a. nakapag-iisa-isa ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig na sumibol sa

mga lambak-ilog;

b. nakapagsusuri ng mga sinaunang kabihasnan ng Egypt, Mesopotamia,

India at China batay sa politika, ekonomiya, kultura, relihiyon, paniniwala

at lipunan; at

c. nakapagpahahalaga sa pagsisikap ng mga sinaunang tao na

makapagtatag ng mauunlad na pamayanan.

Page 8: Araling Panlipunan · 2020. 11. 7. · Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 5: Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig Unang Edisyon,

2

Subukin

Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng wastong sagot at isulat ito sa

iyong sagutang papel.

1. Ano ang tumutukoy sa maunlad na pamayanan at may mataas na antas ng

kulturang kinakitaan ng organisadong pamahalaan, kabuhayan, relihiyon,

mataas na antas ng teknolohiya, at may sistema ng pagsulat?

A. imperyo C. kalinangan

B. kabihasnan D. lungsod

2. Ano ang tanyag na gusali sa Babylonia na ipinagawa ni Nebuchadnezzar para

sa kaniyang asawa at napabilang sa Seven Wonders of the Ancient World?

A. Taj Mahal C. Pyramid

B. Ziggurat D. Hanging Gardens

3. Aling pahayag ang may wastong impormasyon batay sa lipunang Egyptian

noong sinaunang panahon?

A. May pagkakapantay-pantay sa lipunang Egyptian.

B. Ang mga alipin at mangangalakal ay may pantay na karapatan.

C. Mas mataas ang posisyon ng paring Egyptian kaysa sa mandirigma.

D. Ang pharaoh, maharlika at magsasaka ang nasa mataas na antas.

4. Ano ang unang imperyo sa daigdig na itinatag ni Sargon I?

A. Sumer C. Akkad

B. Babylonia D. Chaldea

5. Ano ang isa sa mga pinakaunang naisulat na batas sa kasaysayan na

naglalaman ng 282 Batas ng Babylonia?

A. Kodigo ni Hammurabi C. Kodigo ni Naram Sin

B. Kodigo ni Sargon D. Kodigo ni Cyrus the Great

6. Alin sa sumusunod ang imperyong itinatag ng mga Persian?

A. Imperyong Achaemenid C. Imperyong Chaldean

B. Imperyong Akkadian D. Imperyong Assyrian

7. Sino ang mga katutubo ng India na sinasabing bumuo ng Kabihasnang

Indus?

A. Aryan C. Dravidian

B. Sumerian D. Akkadian

8. Ano ang tawag sa nabuong sistema ng pagsulat ng mga Sumerian?

A. cuneiform C. hieroglyphics

B. pictogram D. calligraphy

9. Sino sa mga sumusunod ang kinilalang pinakamahusay na pinuno ng

Imperyong Maurya?

A. Asoka C. Akbar

B. Chandragupta I D. Babur

Page 9: Araling Panlipunan · 2020. 11. 7. · Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 5: Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig Unang Edisyon,

3

10. Ano ang tawag sa nabuong sistema ng pagsulat ng mga Tsino?

A. cuneiform C. hieroglyphics

B. pictogram D. calligraphy

11. Ano ang tawag sa mga tortoise shell at cattle bone na ginagamit upang

mabatid ang mensahe o saloobin ng mga diyos ng mga Tsino?

A. oracle bones C. sacrificial bones

B. plate D. clay tablet

12. Ano ang tawag sa nabuong sistema ng pagsulat ng mga Egyptian?

A. Cuneiform C. Hieroglyphics

B. Pictogram D. Calligraphy

13. Ano ang taguri sa pinuno ng sinaunang Egypt?

A. emperador C. hari

B. paraon D. mananakop

14. Alin sa sumusunod ang sinaunang paniniwala ng mga pinunong Tsino na

may pahintulot ang langit na pamunuan ang China?

A. Divine Origin C. Mandate of Heaven

B. Devaraja D. Caliph

15. Alin sa sumusunod ang nangangahulugang panahon ng kapayapaan na

naranasan sa Dinastiyang Yuan?

A. Pax Mongolica C. Sphere of influence

B. Mandate of Heaven D. Nobility Rule

Page 10: Araling Panlipunan · 2020. 11. 7. · Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 5: Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig Unang Edisyon,

4

Aralin

1 Sinaunang Kabihasnan sa

Daigdig

Ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig ay sumibol sa mga lambak-ilog ng

Mesopotamia, Indus, Tsino at Egypt. Ang kabihasnan ay tumutukoy sa maunlad na

pamayanan at may mataas na antas ng kulturang kinakitaan ng organisadong

pamahalaan, kabuhayan, relihiyon, mataas na antas ng teknolohiya, at may sistema

ng pagsulat. Nalinang ng mga sinaunang tao ang mga kasanayan sa iba’t ibang

larangang nagpaunlad sa kanilang pamumuhay. Sa modyul na ito, pagtutuonan mo

ng pag-aaral ang mga mahahalagang pangyayari sa mga sinaunang kabihasnan sa

daigdig. Susuriin din ang mga aspektong humubog sa pamumuhay ng mga

nanirahan sa mga kabihasnang ito.

Balikan

Sa nakaraang aralin, natalakay ang impluwensya ng heograpiya sa pag-unlad

ng mga sinaunang kabihasnan. Subukan mong sagutin ang mga sumusunod na

katanungan batay sa iyong natutuhan sa nakaraang aralin.

• Sa iyong pagkaunawa, paano nagkatulad ang katangiang heograpikal ng mga

sumibol na sinaunang kabihasnan sa daigdig?

• Paano nakatulong ang katangiang heograpikal na ito sa pamumuhay ng mga

sinaunang tao?

Mga Tala para sa Guro

Mahalagang balikan ang datos tungkol sa pagkakatulad ng

heograpikal na kalagayan ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig.

Nagsimula sa malawak na lupaing tinatawag na lambak-ilog ang

pagsibol at pag-unlad ng mga sinaunang kabihasnan. Ang regular na

pag-apaw ng ilog ay nag-iiwan ng banlik (silt) na nagdudulot ng pagtaba

ng lupain sa bahagi ng rehiyong ito na mainam para sa pagtatanim.

Ang pag-unlad ng pagsasaka ay nagbigay-daan sa pakikipag-ugnayan

sa mga karatig lugar at pakikipagkalakalan.

Page 11: Araling Panlipunan · 2020. 11. 7. · Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 5: Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig Unang Edisyon,

5

Tuklasin

Simulan ang iyong pagkatuto sa pamamagitan ng isang gawaing nakikita sa

ibaba. Masagot mo kaya? Pagkatapos ay basahin mo ang teksto ng aralin at unawain

mo ang mga kataga at salitang iyong pinag-isipan sa bahaging ito.

Nasa loob ng mga kahon ang magulong ayos ng mga titik. Ayusin mo ito upang

mabuo ang salitang tinutukoy sa bawat bilang. Isulat ang iyong sagot sa sagutang

papel.

1. Ito ang itinuturing na kauna-unahang

kabihasnan sa daigdig.

2. Sa lambak na ito sumibol ang kambal na

lungsod ng Harappa at Mehenjo-Daro.

3. Ito ang itinuturing na pinakamatandang

kabihasnang nananatili sa buong daigdig

hanggang sa kasalukuyan.

4. Ito ay tinawag na “The Gift of the Nile”

dahil kung wala ang ilog na ito, ang buong

lupain nito ay magiging isang disyerto.

5. Sa rehiyong ito sumibol ang mga

sinaunang kabihasnan sa daigdig.

O S A T O P M E I A M

D N U S I

T N O I S

P Y G T E

I O L G - K B A M L A

Page 12: Araling Panlipunan · 2020. 11. 7. · Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 5: Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig Unang Edisyon,

6

Maglalakbay tayo sa nakaraan, tatahakin natin ang landas ng mga sinaunang

tao na nakapagtatag ng mauunlad na pamayanan at nakapagtaguyod sa mga

sinaunang kabihasnan ng Mesopotamia, Indus, Tsino at Egypt.

Ang Kabihasnang Mesopotamia sa Kanlurang Asya

Ang Mesopotamia ang itinuturing na lunduyan ng kabihasnan sapagkat ito

ang pinag-usbungan ng mga kauna-unahang lungsod sa daigdig. Sa kasalukuyan,

ito ay matatagpuan sa Iraq at bahagi ng Syria at Turkey.

Sumerian (3500 – 2340 B.C.E.)

• Itinuturing ang Sumer na pinakaunang sibilisasyon sa Mesopotamia.

• Nakapagtatag ng malayang lungsod-estado o city-estate na pinamunuan ng isang

paring-hari, isang pari na nagsisilbing hari rin ng mga Sumerian.

• Nabuo ang 12 lungsod-estado tulad ng Eridu, Kish, Lagash, Uruk, Ur, Nippur at

iba pa na bawat isa ay may sariling pamahalaan na pinamunuan ng isang hari.

• Naniniwala sa maraming diyos at diyosa na anthropomorphic o may katangian at

pag-uugaling tao. Bunga ng paniniwalang ito, nagtayo sila ng templo na magiging

tahanan ng kanilang diyos, ang Ziggurat.

• Sa pamamagitan ng kanilang sistema ng pagsulat na tinatawag na cuneiform

(hugis-sinsel) naitala ang mga kaganapan sa lipunan.

• Ang mga Sumerian ay mga magsasaka na nagtayo ng mga kanal at dike,

gumamit ng araro sa pagsasaka, at gulong sa paglipat ng kanilang mga pananim

sa ibang lugar. Nag-alaga sila ng mga baka, tupa, kambing at baboy.

• Dahil sa madalas na tunggalian ng mga lungsod-estado tungkol sa lupa at tubig,

hindi nakabuo ng matatag na pamahalaan ang mga Sumerian.

Akkadian (2340 – 2100 B.C.E.)

• Itinatag ni Haring Sargon I ang Imperyo ng Akkad, ang itinuturing na kauna-

unahang imperyo sa daigdig.

• Si Sargon I ay nagmula sa hilagang bahagi ng Mesopotamia sa lungsod-estado

ng Akkad o Agade.

• Ang imperyong pinasimulan ni Sargon I at ipinagpatuloy ng kanyang mga anak

ay tumagal lamang nang halos 150 taon.

• Isa sa pinakahuling mahusay na pinuno ng mga Akkadian ay si Naram-Sin (2254

BCE – 2218 BCE).

• Noong 2100 BCE, panandaliang nabawi ng Ur sa ilalim ng pamumuno ni Ur-

Nammu ang kapangyarihan at pinamunuan ang Sumer at Akkad.

• Bumagsak ang Dinastiyang Ur sa pagsalakay ng mga Amorite at Hurrian sa

Mesopotamia.

Suriin

Page 13: Araling Panlipunan · 2020. 11. 7. · Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 5: Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig Unang Edisyon,

7

Babylonian (1792 – 1595 B.C.E.)

• Ang lungsod ng Babylon ay nagsimulang lumakas na humantong sa pagsakop

ng Mesopotamia.

• Itinatag ni Haring Hammurabi ang Imperyong Babylonia at ginawang kabisera

ng imperyo ang Babylon.

• Code of Hammurabi o Kodigo ni Hammurabi, ay ang katipunan ng 282 batas sa

Babylonia na ipinatipon ni Hammurabi upang maging batayan ng imperyo

• Nang mamatay si Hammurabi ay nagkawatak-watak ang kaharian ng Babylon.

• Noong 1595 B.C.E., sinalakay ng mga Hittite mula sa Anatolia ang Babylon.

• Ang mga Hittite ay napatanyag sa pagmimina ng iron ore at paggawa ng mga

kagamitang bakal.

Assyrian (1813 – 605 B.C.E.)

• Noong 1120 B.C.E., si Tiglath-Pileser I (1114 B.C.E.–1076 B.C.E.), ang

kinikilalang pinakamahusay na hari ng Assyria, ay nagawang supilin ang mga

Hittite at naabot ang baybayin ng Mediterranean at itinatag ang Imperyong

Assyrian.

• Naging makapangyarihan ang Assyria sa panahon ni Tiglath-Pileser III (745

B.C.E.–728 B.C.E.). Isang henyo sa larangan ng militar, sinakop niya ang

Armenia, Syria, Egypt at iba pang bansa.

• Si Ashurbanipal (668 B.C.E.-627 B.C.E.) ay isa sa mga haring kinakitaan ng

maayos na pamamahala at nakilala siya bilang tagapagtatag ng unang aklatan

sa daigdig.

• Pinabagsak ng mga Chaldean ang Assyria sa isang pag-aalsa.

Chaldean (612 B.C.E. – 539 B.C.E.)

• Si Nabopolassar (612 B.C.E.-605 B.C.E.) ang nagtatag ng bagong imperyo ng

Babybonia matapos pangunahan ang isang pag-aalsa laban sa Assyria.

• Tuluyang naigupo ni Nebuchadnezzar II (605 B.C.E.-562 B.C.E.), anak ni

Nabopolassar ang natitirang hukbo ng Assyria noong 609 B.C.E. Sa ilalim ng

kanyang pamumuno, natamo ng Babylonia ang rurok ng kadakilaan.

• Ipinagawa niya ang Hanging Garden of Babylon para sa kanyang asawa na si

Amitis, kinilala ito ng mga Greek bilang isa sa Seven Wonders of the Ancient

World.

• Noong 539 B.C.E., nilusob ni Cyrus the Great ng Persia ang Babylon.

Persian (539 B.C.E. – 330 B.C.E.)

• Nagtatag ng isang malawak na imperyo na tinawag na Imperyong Achaemenid.

• Sa pamumuno ni Cyrus the Great (559 B.C.E.-530 B.C.E) napasailalim sa

imperyo ang mga Medes at Chaldean sa Mesopotamia at ang Asia Minor (Turkey)

• Sa panahon ni Darius the Great (521 B.C.E.-486 B.C.E.) umabot ang sakop ng

imperyo hanggang India. Hinati ang imperyo sa mga lalawigan o satrapy at

pinamahalaan ng gobernador o satrap.

• Nagpagawa ng isang Royal Road na tinatayang may habang 1,677 milya mula sa

Sardis hanggang Susa kung saan naglakbay ang mga mangangalakal, opisyal at

mensahero ng imperyo.

• Nagsulong ang mga Persiano ng relihiyong Zoroastrianism na ipinangaral ni

Zarathustra o Zoroaster.

Page 14: Araling Panlipunan · 2020. 11. 7. · Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 5: Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig Unang Edisyon,

8

Ang Kabihasnang Indus sa Timog Asya

Sa Rehiyong Timog Asya nagsimula ang Kabihasnang Indus na nakasentro sa

mga lambak ng Ilog Indus. Sa bahaging ito umunlad ang kambal na lungsod ng

Kabihasnang Indus: ang Harappa at Mohenjo-Daro.

Harappa

Ito ay natagpuan sa kasalukuyang

Punjab na bahagi ng Pakistan. May

350 milya ang layo nito mula sa

Mohenjo-Daro pahilaga.

Mohenjo-Daro

Ito ay nasa katimugang bahagi

ng daluyan ng Indus River.

• Tinatayang umusbong ang mga lungsod noong 2700 B.C.E. – 1500 B.C.E.

• Ang mga Dravidian ang mga unang nanirahan sa India at nagtatag ng mga

lungsod ng Mohenjo-Daro at Harappa.

• Planado at malalapad ang kalsada sa lungsod. Ang mga gusali ay hugis-parisukat at ang mga kabahayan ay may malalawak na espasyo.

• Ang pagkakaroon ng mga palikuran ng mga kabahayan ay itinuturing na

kauna-unahang paggamit sa kasaysayan ng sistemang alkantarilya o

sewerage system.

• Pagsasaka ang pangunahing hanapbuhay ng mga tao.

• May mga nahukay na relikyang nagpapatunay na nakipagkalakalan ang sinaunang India sa Mesopotamia tulad ng mga inukit na batong seal na

ginamit sa pagtatak ng mga kalakal.

• Ang pagtatapos ng Kabihasnang Indus ay may iba’t ibang paliwanag, ang isa dito ay dahil sa paglusob ng mga pangkat nomadiko-pastoral mula sa Gitnang

Asya, kabilang ang mga Aryan.

Ang Panahong Vedic

(1500 – 500 B.C.E.)

• Dinala ng mga Aryan sa rehiyong ito ang wikang

tinatawag na Indo-European, nabibilang dito ang wikang

klasikal ng panitikang

Indian, ang Sanskrit.

• Ang salitang “Arya” ay nangangahulugang marangal

sa wikang Sanskrit.

• May 4 na sagradong aklat ang mga Aryan na tinatawag

na Vedas: ang Rig Veda, Sama Veda, Yajur Veda, at

Atharva Veda. Ang Vedas ay

tinipong himnong pandigma, mga sagradong ritwal, mga

sawikain at mga salaysay.

Makikita sa Vedas kung paano namuhay

ang mga Aryan sa Panahong Vedic.Nabuo ang Sistemang Caste sa India na hango sa

salitang casta na nangangahulugang “angkan.” Ito ang pag-uuri ng tao sa

lipunan.

Brahmin kaparian

Kshatriya

mandirigma

Sudra Magsasakang walang sariling

lupa, Dravidian, inapo ng Aryan na nakapag-asawa ng hindi Aryan

Pariah (untouchable)

Naglilinis ng kalsada, nagsusunog ng mga patay, at nagbibitay sa mga kriminal

SISTEMANG CASTE

Vaisya

Mangangalakal, artisan, magsasakang may lupa

Page 15: Araling Panlipunan · 2020. 11. 7. · Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 5: Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig Unang Edisyon,

9

Ang Kabihasnang Tsino sa Silangang Asya

Ang Kabihasnan sa China ay umusbong sa tabing-ilog, malapit sa Yellow

River o Huang Ho. Tinawag ang ilog na ito na “River of Sorrow” dahil sa pinsalang

hatid nito tuwing umaapaw at nagdadala ng nakapipinsalang baha. Dahil sa

kanilang paniniwala na sila lamang ang mga sibilisadong tao sa gitna ng mga tribu

ng mga barbaro, tinawag nila ang kanilang lupain bilang Zhongguo na

nangangahulugang Middle Kingdom o Gitnang Kaharian. Naniwala din ang mga

Tsino sa Mandate of Heaven o Basbas ng Kalangitan na ang emperador ay

namumuno sa kapahintulutan ng langit. Kapag siya ay naging masama at mapang-

abuso, ay babawiin ng kalangitan ang basbas sa anyo ng lindol, bagyo, tagtuyot,

peste o digmaan.

Iisa-isahin mo sa sumusunod na buod ang pinagdaanang panahon at

kabihasnan ng China.

Mga Imperyong Naitatag sa India

Imperyong Gupta Imperyong Maurya Imperyong Mogul

•Noong 322 B.C.E.,

nakontrol ni

Chandragupta Maurya

ang dating kaharian ng

Magadha at naitatag

ang Imperyong Maurya

na ang kabisera ay

nanatili sa Pataliputra.

• Tagapayo ni

Chandragupta Maurya

si Kautilya, ang may

akda ng Arthashastra.

Naglalaman ito ng mga

kaisipan hinggil sa

pangangasiwa at

estratehiyang politikal.

•Ang imperyo ay

pinamunuan ni

Ashoka o Asoka, ang

kinikilalang

pinakamahusay na

pinuno ng Maurya at

isa sa mahuhusay na

pinuno sa kasaysayan

ng daigdig.

• Itinatag ni

Chandragupta I

(circa 319-335 CE)

•Sa panahon ni

Chandragupta II

(circa 376-415 CE)

nakontrol muli ang

Hilagang India at ang

kabisera ng imperyo

ay Pataliputra.

• Itinuturing itong

panahong klasikal ng

India.

•Si Kalidasa, ang

kinikilalang

pinakamahusay na

manunulat at makata

ng India, ay nabuhay

sa panahong ito.

•Naging maunlad ang

mga larangan ng

panitikan, sining,

agham, Astronomiya,

Matematika, at

Siruhiya (surgery)

• Itinatag ang Mogul

nang masakop ni

Babur ang Hilagang

India at Delhi noong

1526.

•Narating ng imperyo

ang tugatog ng

kapangyarihan sa

ilalim ni Akbar na

namuno sa kabuoan

ng Hilagang India

mula 1556–1605.

• Ipinatupad ang

kalayaan sa

pananampalataya at

makatarungang

pangangasiwa.

• Ilan pang magagaling

na pinuno ang

humalili kay Akbar:

Shah Jahan-

nagpatayo ng Taj

Mahal

Aurangzeb - nagbawal

ng sugal, alak, suttee,

at prostitusyon

Page 16: Araling Panlipunan · 2020. 11. 7. · Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 5: Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig Unang Edisyon,

10

Xia (2000 – 1570 B.C.E.)

• Ang dinastiyang itinatag ni

Emperor Yu sa may lambak ng

Huang Ho at itinuturing na

pinakauna sa kasaysayan ng

Tsina.

• Nag-ugat ito sa Longshan, isang

kulturang Neolitikong laganap sa

lambak ng Huang Ho na may

mataas na antas ng paggawa ng

palayok.

• Wala pang mga ebidensyang

nahukay ang mga arkeologo na

nagpapatunay sa dinastiyang ito.

Shang (1570-1045 B.C.E.)

•Sinasabing ito ang pinakamaunlad na kabihasnang gumamit ng

bronse sa panahong ito.

•Ang mga naiwang kasulatan nito ang pinakamatanda at pinaka-

kumpleto sa mga panulat na Tsino

na nakasulat sa mga oracle bones o mga tortoise shell at cattle bone.

•Malimit ang isinasagawang

pagsasakripisyo ng mga tao partikular sa tuwing may

namamatay na pinuno.

•Calligraphy ang uri ng pagsulat na naitatag ng Shang.

• Pinatalsik ang Shang noong 1045 B.C.E.

Zhou o Chou (1045 – 221 B.C.E.)

• Ito ang itinuturing na pinaka-

mahaba at pinakadakilang dinastiya sa Tsina.

•Umusbong ang mga pilosopiyang

humubog sa kamalayang Tsino: ✓ Confucianism – Layuning

magkaroon ng isang tahimik at

organisadong lipunan sa pamamagitan ng pagpapabuti

sa sarili at pagpapahalaga sa ugnayan ng mga tao at lipunan

✓ Taoism – Hangad ang balanse sa kalikasan at daigdig at

pakikiayon ng tao sa kalikasan

✓ Legalism – Ipinanganak ang tao na masama at makasarili

subalit maaaring mapasunod sa pamamagitan ng mahigpit

na batas at marahas na kaparusahan

• Pagpapatupad ng sistemang civil service para sa pagpili ng

mahuhusay na kawani ng

pamahalaan.

Q’in o Ch’in (221 – 206 B.C.E.)

•Nagawang pag-isahin ni Ying

Zheng ang nagdidigmaang estado

at isinailalim sa kanyang kapangyarihan ang iba’t ibang

rehiyon sa China. Inihayag niya ang kanyang sarili bilang “Unang

Emperador” ng China at kinilala bilang Shi Huangdi o Shih Huang

Ti (221-210 B.C.E.)

•Ang hinahangaang Great Wall of China ay itinayo upang magsilbing tanggulan laban sa mga tribong

nomadiko. May habang 2,400 kilometro o 1500 milya.

•Ang salitang China ay hango sa

pangalan ng dinastiyang ito.

Page 17: Araling Panlipunan · 2020. 11. 7. · Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 5: Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig Unang Edisyon,

11

Han (202 B.C.E. – 200 C.E.)

• Ito ang kauna-unahang

dinastiyang yumakap sa

Confucianism.

• Sinimulang linangin ang

edukasyon. Nagkaroon ng

historyador at mga manunulat

ang China.

• Naimbento ang papel noong 105

C.E. at dulot nito nalathala ang

Lexicon o diksyunaryo

• Ang pagsulat ng kasaysayan ng

China ang isang napakalaking

ambag ng Dinastiyang Han.

Sui (589 – 618 C.E.)

•Nagkaroon lamang ng dalawang

emperador ang Sui ngunit nagawa nitong muling pag-isahin ang

watak-watak na teritoryo ng China.

• Pinalakas ang depensa sa hilaga laban sa mga Turko sa

pamamagitan ng pagpapaayos ng

Great Wall. • Pagpapagawa ng Grand Canal na

nag-uugnay sa mga ilog ng Huang

Ho at Yangtze

Tang (618 – 907 C.E.)

• Itinatag ni Li Yuan, dating opisyal

ng Sui na nag-alsa dahil sa pang-

aabuso.

• Itinuturing na isa sa dakilang dinastiya ng China sapagkat

nagkaroon muli ng kasaganaan ang lupain at mabilis na

pagbabago sa larangan ng sining at teknolohiya.

• Ibinalik ang sistemang civil service examination na mahalaga

sa pagpili ng kawani ng pamahalaan.

• Buddhism ang naging

dominanteng relihiyon na tinangkilik ng mga dugong

bughaw at karaniwang tao.

Song (960 – 1127 C.E.)

• Itinayo ng isang hukbong imperial ang dinastiyang ito.

•Nagkaroon ng sapat na suplay ng

pagkain dahil na rin sa pag-unlad ng teknolohiyang agrikultural.

•Nalikha ang isang paraan ng

paglilimbag

•Subalit nabigo ang dinastiyang Song sa aspetong pulitikal at

militar nang ang hilagang bahagi

ng China ay sinakop ng mga barbaro at napilitan ang Song na

iwanan ang kabisera nito noong

ika-12 siglo.

Page 18: Araling Panlipunan · 2020. 11. 7. · Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 5: Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig Unang Edisyon,

12

Yuan (1279 – 1368 C.E.)

• Itinatag ito ni Kublai Khan, isang

Mongol. Sa unang pagkakataon

para sa mga Tsino, ang kabuoang

China ay pinamunuan ng mga

dayuhang barbaro.

•Ang mga Mongol ay kaiba sa mga

Tsino sa aspektong kultural,

tradisyon, at wika. Pinanatili nila

ang kanilang pagkakakilanlan at

namuhay nang hiwalay sa China

na hindi nila pinagkatiwalaan.

• Dumaan ang dinastiya sa

tinatawag na Pax Mongolica o

Panahon ng Kapayapaan, maayos

na sistema ng komunikasyon, at

mabuting kalakalan sa malawak

na teritoryong sakop mula sa

Timog-Silangang Asya hanggang

Silangang Europe.

Ming (1368 – 1644 C.E.)

• Ang malaking bahagi ng Great Wall ay itinayo sa ilalim ng

dinastiyang ito. Naitayo rin ang Forbidden City sa Peking na

naging tahanan ng emperador.

•Ang sining ay napagyaman, partikular ang paggawa ng

porselana.

•Maraming aklat ang nailimbag sa

pamamagitan ng pamamaraang movable type.

• Lumaki rin ang populasyon ng

China na umabot sa 100 milyon.

•Nakilala sa pagkakaroon ng isang matatag at sentralisadong

pamamahala.

•Ang mga kaguluhan at pag-aalsa sa China ay nagpabagsak sa

dinastiya noong 1644.

Qing o Ch’ing (1644 – 1911)

• Itinatag ito ng mga Manchu.

Matapos magapi ang Dinastiyang

Ming ng mga semi-nomadic mula sa Hilagang Manchuria at itinuring

ng mga Tsino na barbarong dayuhan.

•Ang pagkatalo ng China sa mga

Digmaang Opium laban sa England ay nagdulot ng pagbibigay ng mga

konsesyon sa mga dayuhan,

kabilang ang pagkakaloob ng lupain tulad ng Hongkong sa mga

British. Pinagkalooban din sila ng karapatang pakinabangan at

pamunuan ang ilang teritoryo sa China bilang sphere of influence o

mga rehiyon kung saan nangi-ngibabaw ang kapakanang pang-

ekonomiya ng nanalong bansa

•Noong 1911, nagwakas ang

sistema ng dinastiya sa China nang maganap ang Rebolusyon ng

1911 na nagbigay-daan sa

pagkatatag ng Republika ng China.

Page 19: Araling Panlipunan · 2020. 11. 7. · Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 5: Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig Unang Edisyon,

13

Ang Kabihasnang Egyptian

Ang sinaunang kabihasnan ng Egypt ay umusbong sa lambak ng Nile River

na nasa hilagang bahagi ng Africa. Ang sinaunang kasaysayan ng Egypt ay

kadalasang hinahati sa mga panahong batay sa dinastiya ng naghaharing pharaoh.

Ang pharaoh ang tumatayong pinuno at hari (God-King o Divine King) ng sinaunang

Egypt at itinuturing na nagmula sa angkan ng mga Diyos kaya ang kanyang

pamumuno ay tinatawag na Divine Monarchy. Sa pangkalahatan, maituturing na

kontrolado ng isang pharaoh ang lahat ng aspekto ng pamumuhay ng mga

sinaunang Egyptian.

Ang mga iskolar na nag-aaral sa kasaysayan ng Egypt ay tinatawag na mga

Egyptologist. Batay sa ilang tala, narito ang kronolohiya ng kasaysayan ng Egypt:

Kaharian Pinuno Mga Nagawa

Pre-dynastic Period

o Bago ang

Panahon ng mga

Dinastiya (bago

ang 3100 B.C.E.)

Nomarch – ang

mga pinuno ng

mga nome o

malalayang

pamayanan ng

sinaunang estado

➢ Hieroglyphics – sistema ng

pagsulat na nalinang ng mga

eskribano,

nangangahulugang

“sagradong ukit” o hieratic sa

wikang Greek.

Early Dynastic

Period o Panahon

ng mga Unang

Dinastiya

Menes

➢ Siya ang pinuno ng Upper

Egypt na sumakop sa Lower

Egypt at nagbigay-daan

upang mapag-isa ang lupain

sa mahabang panahon.

Memphis ang kabisera sa

panahon niya.

Old Kingdom o

Matandang

Kaharian

• Kinilala bilang

“Panahon ng

Pyramid”

• Ang pyramid ay

nagsisilbing

monumento ng

kapangyarihan

ng mga pharaoh

at huling

hantungan sa

kanilang

pagpanaw.

Khufu o Cheops

➢ Great Pyramid of Giza –

pinakamalaki, pinakamataas

at pinakamarangal na

piramideng ipinatayo ni Khufu

noong 2600 B.C.E. Kabilang ito

sa tinaguriang Seven Wonders

of the Ancient World.

Unis

• Sa piramide niya natagpuan ang Pyramid Texts o ang

kalipunan ng Hieroglyphics na naglalarawan ng mga tradisyon

ng paglilibing sa paraon at ang kanyang kahahantungan sa

kabilang buhay.

Pepi II

(Kahuli-hulihang

pharaoh ng

Ikaanim na

Dinastiya)

➢ Pinaniniwalaang namuno sa

loob ng 94 taon, ang

pinakamatagal na naghari sa

lahat ng hari sa kasaysayan ng

daigdig.

Page 20: Araling Panlipunan · 2020. 11. 7. · Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 5: Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig Unang Edisyon,

14

First Intermediate

Period o Unang

Intermedyang

Panahon

Akhtoy

➢ Pinuno mula sa Heracleopolis

(Lower Egypt)

Inyotef o Antef ➢ Pinuno mula sa Thebes (Upper

Egypt)

Middle Kingdom o

Gitnang Kaharian

Amenemhet II

➢ Ang pinakamahusay na

pinuno ng panahong ito na

namayani sa loob ng 45 taon.

Hyksos

(nangangahulugang

“mga prinsipe mula

sa dayuhang lupain”)

➢ Sila ay namayani sa Egypt

pagsapit ng ika-13 Dinastiya

➢ Chariot – natutuhan ng mga

Egyptian mula sa mga

Hyksos

Second

Intermediate Period

o Ikalawang

Intermedyang

Panahon

➢ Great Hyksos – ito ang tawag

sa Ika-16 Dinastiya na

namayani sa Avaris.

➢ Ika-17 Dinastiya, napatalsik

ang mga Hyksos mula sa

Egypt

New Kingdom o

Bagong Kaharian

• Tinaguriang

Empire Age

• Itinuturing na

pinakadakilang

panahon ng

Kabihasnang

Egypt

Ahmose

➢ Nagtatag ng kauna-unahang

magaling na hukbong

pandigma

Thutmose II ➢ Idinagdag sa imperyo ang

Nubia, Syria, at Palestina

Reyna Hatshepsut

➢ Kinilala bilang isa sa

mahuhusay na babaing pinuno

sa kasaysayan.

Thutmose III ➢ Nagpatayo ng magagarang

templo at obelisk

Amenophis IV o

Akhenaton

➢ Nagpasimula ng monoteismo

o pagsamba sa isang mataas na

diyos

Tutankhamen ➢ Ibinalik ang polyteismo

Rameses II

➢ Ipinagtanggol ang imperyo

laban sa Hittites;

Pinaniniwalaang sa panahon

niya naganap ang Exodos ng

mga Jew mula sa Egypt

Third Intermediate

Period o Ikatlong

Intermedyang

Panahon

Smendes ng Lower

Egypt

➢ Pinasimulan niya ang Ika-21

Dinastiya na tinawag din bilang

Tanites

Shoshenq I

➢ Isang heneral na naging

unang pinuno ng Ika-22

Dinastiya

Late Period o

Huling Panahon Psammetichus

➢ Pinagbuklod ang Middle at

Lower Egypt na nagpasimula ng

Ika-26 na Dinastiya

Page 21: Araling Panlipunan · 2020. 11. 7. · Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 5: Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig Unang Edisyon,

15

Cambyses II

➢ Pinuno ng mga Persian na

naging unang hari ng Ika-27

Dinastiya

Alexander the

Great

➢ Sinakop ang Egypt noong 332

BCE at ginawang bahagi ng

kanyang Imperyong Hellenistic.

Ptolemy

➢ Itinalaga niya ang kanyang

sarili bilang hari ng Egypt noong

305 BCE at pinasimulan ang

dinastiyang Ptolemaic

Cleopatra VII ➢ Ang kahuli-hulihang reyna ng

dinastiyang Ptolemaic

Pagyamanin

Gawain 1: Paghambingin Natin

Gamit ang Venn Diagram, paghambingin ang dalawang paniniwala na nagbigay-daan

sa pamumuno ng emperador ng China at ng mga Pharaoh ng Egypt. Isulat ang iyong

sagot sa sagutang papel.

Mandate of Heaven Divine Monarchy

Page 22: Araling Panlipunan · 2020. 11. 7. · Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 5: Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig Unang Edisyon,

16

Gawain 2: Sino Ako?

Kilalanin ang mga sumusunod na tauhan na may malaking papel na ginampanan

sa sumibol na mga sinaunang kabihasnan. Piliin ang iyong sagot mula sa kahon at

isulat ito sa sagutang papel.

1. Itinatag niya ang kauna-unahang imperyo sa daigdig.

2. Itinuring ang kanyang sarili bilang “Unang Emperador” ng China.

3. Siya ang nagpagawa ng Great Pyramid na pinakamalaki sa buong mundo.

4. Itinatag niya ang Dinastiyang Yuan, unang dayuhang dinastiya sa China.

5. Siya ang nagpagawa ng Hanging Gardens of Babylon, ang isa sa

pinakanakahahangang tanawin sa sinaunang panahon.

6. Kinikilalang pinakamahusay na pinuno ng Maurya at isa sa mahuhusay na

pinuno sa kasaysayan ng daigdig.

7. Kinilalang isa sa mahusay na babaeng pinuno ng sinaunang Egypt.

8. Ipinagawa niya ang Code of Hammurabi na nagsisilbing pamantayan ng kabihasnang Babylonia.

9. Pinaniniwalaang siya ang pinakamatagal na naghari sa lahat ng hari sa

kasaysayan.

10. Ipinatayo niya ang Taj Mahal na itinuturing na isa sa pinakamagandang

halimbawa ng arkitekturang Indian.

Hammurabi Shi Huangdi Reyna Hatshepsut

Sargon I Kublai Khan Pepi II Khufu

Asoka Shah Jahan Nebuchadnezzar II

Page 23: Araling Panlipunan · 2020. 11. 7. · Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 5: Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig Unang Edisyon,

17

Gawain 3: Pilosopiya Nila, Pahahalagahan Ko!

Batay sa iyong sariling pagkaunawa, ipaliwanag ang kahulugan ng mga sumusunod

na katuruan na mayroong kaugnayan sa ating pakikipagkapwa-tao. Isulat ang iyong

sagot sa sagutang papel.

“Kapag nakakita ka ng mabuting tao, tularan mo siya; kapag masamang tao, suriin mo ang iyong puso.”

- Confucious

“Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin sa iyo

ng ibang tao.”

- Confucious

“Ang buhay ng tao ay puno ng pagdurusa na nagmumula sa

masidhing paghahangad sa kasiyahan at mga materyal

na bagay at magwawakas

lamang ang pagdurusa sa pamamagitan ng pagwawaksi

sa labis na paghahangad.”

- Buddha

“Ang taong nasusupil ang iba

ay matapang, subalit ang taong

nasusupil ang sarili ay higit na

matapang.”

- Lao Tzu

Page 24: Araling Panlipunan · 2020. 11. 7. · Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 5: Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig Unang Edisyon,

18

Gawain 4: Dahon ng Kasaysayan

Ang paper scroll ng mga Egyptian ay mula sa halamang papyrus. Tukuyin ang mga

konseptong inilalarawan sa bawat papyrus scroll. Isulat ang iyong sagot sa sagutang

papel.

Gawain 5: Daloy ng Kasaysayan

Pumili ng isang sinaunang kabihasnan. Ipakita sa pamamagitan ng flowchart ang

pag-unlad at pagbagsak ng kabihasnang napili. Isulat ang flowchart at ang iyong

sagot sa sagutang papel.

1. Sistema ng pagsulat ng mga Sumerian.

2. Kambal na lungsod na umunlad sa lambak-ilog

ng Indus.

3. Estruktura sa China na nagsisilbing proteksyon

laban sa mga mananakop.

4. Pagpapangkat-pangkat ng tao sa lipunang

Hindu

5. Tahanan o templo ng mga diyos ng mga

Sumerian.

6. Sagradong aklat ng mga Aryan.

7. Estrukturang libingan ng pinuno ng sinaunang

Egypt.

8. Paniniwala ng mga Tsino na may pahintulot ang

langit sa pamumuno ng emperador

9. Sinaunang Sistema ng pagsulat ng mga

Egyptian

10. Tawag sa China na nangangahulugang

Gitnang Kaharian

Page 25: Araling Panlipunan · 2020. 11. 7. · Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 5: Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig Unang Edisyon,

19

Gawain 6: TAMA o MALI

Tukuyin kung Tama o Mali ang ipinapahayag ng bawat pangungusap. Isulat sa

sagutang papel ang TAMA kung wasto ang pangungusap. Kung mali, isulat ang

salitang naging dahilan kung bakit naging mali ang pahayag at isulat muli ang buong

pangungusap gamit ang salitang magwawasto sa pahayag.

1. Hindi nakabuo ng isang matatag na pamahalaan ang mga Sumerian dahil

sa madalas na tunggalian ng mga lungsod-estado tungkol sa lupa at tubig.

2. Si Hammurabi ang nagtatag ng kauna-unahang imperyo sa daigdig.

3. Ang sentro ng Imperyong Achaeminid ay ang Babylonia.

4. Ang mga eskribano ng mga Egyptian ay nakalinang ng sariling sistema ng

pagsulat na tinatawag na hieroglyphics.

5. Ang civil service examination system mula sa kabihasnang Tsino ay

mahalaga sa pagpili ng opisyal ng pamahalaan noon at sa kasalukuyan

6. Ang mga Dravidian ang nagtatag ng kabihasnang Mesopotamia.

7. Ayon sa paniniwalang Tsino, kapag naging mapang-abuso ang emperador

magkakaroon ng tagtuyot, lindol, bagyo o digmaan sa kanyang

pamumuno.

8. Sa Dinastiyang Qing naipatayo ang Forbidden City sa Peking na naging

tahanan ng emperador.

9. Ang Vedas ay ang sagradong aklat para sa mga Hindu; binubuo ng mga

himnong pandigma, ritwal at mga salaysay.

10. Ang Bagong Kaharian ng Egypt ay kinilalang “Panahon ng Pyramid”.

Page 26: Araling Panlipunan · 2020. 11. 7. · Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 5: Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig Unang Edisyon,

20

Isaisip

Ibuod ang mga mahahalagang pangyayari sa mga sinaunang kabihasnan. Isulat ang

tamang impormasyon upang mabuo ang diwa ng mga pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Isagawa

Sagutin ang katanungan batay sa iyong sariling pagkaunawa sa aralin. Isulat ang

iyong sagot sa sagutang papel.

Ano-anong aral ang natutuhan mo sa pag-usbong,

pananatili at pagbagsak ng mga kabihasnan sa daigdig?

Ipaliwanag ang sagot.

Ang mga sinaunang kabihasnang sumibol sa kontinente ng Asya at

Africa ay ang kabihasnang Mesopotamia, Indus, Tsino at __________.

Karamihan sa mga kabihasnan ay sumibol sa bahaging

_________________ ng rehiyon kung saan nakatulong nang malaki sa

pagsasaka na nagbunsod ng pag-unlad ng mga nabuong pamayanan.

Ang ilan sa mga pinakakinilalang pinuno sa kasaysayan ng mga

kabihasnan ay sina _____________________________.

Sa kabuuan, masasabi na naging matagumpay ang mga sinaunang

kabihasnan sa daigdig sapagkat nakapag-iwan ang mga ito ng mga pamana

na hanggang sa kasalukuyan ay napakikinabangan.

Page 27: Araling Panlipunan · 2020. 11. 7. · Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 5: Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig Unang Edisyon,

21

Tayahin

Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng wastong sagot at isulat ito sa

iyong sagutang papel.

1. Sino sa mga sumusunod ang itinuturing na dakilang guro ng China?

A. Confucius C. Shih Huang Ti

B. Tai Tsung D. Ming Huang

2. Ano ang dala ng baha na nagsisilbing pataba sa mga pananim ng mga

sinaunang tao?

A. dumi ng hayop C. banlik

B. lupa D. puno

3. Ano ang sistema ng panulat na nabuo ng mga Sumerian?

A. hieroglyphics C. pictograph

B. calligraphy D. cuneiform

4. Alin sa sumusunod ang nagtataglay ng 232 batas at parusa sa mga lumalabag?

A. Kodigo ni Asoka C. Kasunduan sa Paris

B. Kodigo ni Hammurabi D. Kasunduan sa Malolos

5. Alin sa sumusunod ang hango sa salitang casta na nangangahulugang angkan.

A. Caste C. Veda

B. Sudra D. Vaisya

6. Ano ang uri ng pagsulat ng mga Tsino na ginagamitan ng mga pictogram?

A. cuneiform C. hieroglyphics

B. pictogram D. calligraphy

7. Ano ang ibinibigay na eksamin sa mga naglilingkod sa pamahalaan na

nagsimula sa dinastiyang China?

A. Arthashastra C. ahimsa

B. Vedic D. Civil Service Examination System

8. Ano ang nagsisilbing libingan ng hari sa Ehipto?

A. Hanging Garden C. Ziggurat

B. Forbidden City D. Pyramid

9. Sino ang nagpatayo ng unang aklatan gamit ang mga tabletang luwad?

A. Shih Huang Ti C. Ashurbanipal

B. Nebuchadnezzar D. Khufu

10. Anong bahagi ng rehiyon sumibol ang karamihan sa mga sinaunang

sibilisasyon sa daigdig?

A. lambak-ilog C. kabundukan

B. tabing-dagat D. kapatagan

11. Alin sa mga ito ang hindi kabilang sa pangkat?

A. Egypt – Nile C. China – Yangtze-Huang Ho

B. Mesopotamia – Yucatan Peninsula D. India – Indus

Page 28: Araling Panlipunan · 2020. 11. 7. · Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 5: Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig Unang Edisyon,

22

12. Ano ang tawag sa pagsamba sa iisang diyos na ipinakilala ni Akhenaton?

A. monoteismo C. politeismo

B. Hyksos D. Hiroglipiko

13. Alin sa sumusunod ang grupo ng taong pinaniniwalaang unang nanirahan sa

India at nagtatag ng Mohenjo-Daro at Harappa?

A. Dravidian C. Aryan

B. Pariah D. Hittite

14. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa sistemang caste ng mga Hindu?

A. Brahmin C. Vaisya

B. Pariah D. Sudra

15. Alin sa mga sumusunod ang itinuturing na Empire Age at pinakadakila sa

kasaysayan ng Egypt?

A. Matandang Kaharian C. Bagong Kaharian

B. Gitnang Kaharian D. Huling Panahon

Page 29: Araling Panlipunan · 2020. 11. 7. · Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 5: Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig Unang Edisyon,

23

Karagdagang Gawain

Sagutin upang mas higit na mapagtibay ang natutuhan sa aralin. Isulat ang iyong

sagot sa sagutang papel.

➢ Kung bibigyan ka ng pagkakataong bumalik sa sinaunang

kasaysayan, aling kabihasnan ang pipiliin mo? Bakit?

➢ Pumili ng 3 pinuno ng sinaunang kabihasnan na sa iyong

pagkaunawa ay naging mabuti ang paraan ng pamamahala. Ilahad

ang kanilang mga katangian na sa iyong palagay ay maaaring

taglayin ng ating mga kasalukuyang pinuno.

Unang Pinuno: ______________

Ikalawang Pinuno: ___________

Ikatlong Pinuno: _____________

Page 30: Araling Panlipunan · 2020. 11. 7. · Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 5: Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig Unang Edisyon,

24

Susi sa Pagwawasto

SUBUKIN

1.B 9. A

2.D 10. D

3.C 11. A

4.C 12. C 5.A 13. B

6.A 14. C

7.C 15. A

8.A

Gawain 1

Pagkakapareho: Paniniwala na nagbibigay basbas sa

pamumuno ng emperador

Pagkakaiba: Mandate of

Heaven – Basbas ng

Kalangitan na ibinibigay sa pinuno ng China

Divine Monarchy – God-King

ang turing sa hari o nagmula

sa angkan ng mga diyos

Gawain 2

1.Sargon I

2.Shih Huangdi

3.Khufu

4.Kublai Khan 5.Nebuchadnezzar II

6.Asoka

7.Reyna Hatshepsut

8.Hammurabi

9.Pepi II

10.Shah Jahan

Gawain 3

Batay sa sariling

pagkaunawa ng mga mag-

aaral ang kasagutan

Gawain 4

1.Cuneiform

2.Mohenjo-Daro at

Harappa

3.Ang sentro ng Imperyong

Achaeminid ay ang Persia.

4.TAMA

5.TAMA

6.Ang mga Dravidian ang

nagtatag ng kabihasnang

Indus. 7.TAMA

8.Sa Dinastiyang Ming

naipatayo ang Forbidden

City sa Peking na naging

tahanan ng emperador.

9.TAMA 10. Ang Lumang Kaharian

ng Egypt ay kinilalang

“Panahon ng Pyramid”

ISAISIP

-Egypt -Lambak-ilog

-Sargon I

Hammurabi

Tiglath-Pileser I

Nebuchadnezzar II

Chandragupta Babur

Asoka

Shih Huangdi

Kublai Khan

Pepi II

Khufu Amenemhet II

Rameses II

Reyna Hatshepsut

at iba pa.

ISAGAWA

Batay sa sariling pagkaunawa ng mag-aaral

ang kasagutan

TAYAHIN

1.A 11. B

2.C 12. A 3.D 13. A

4.B 14. B

5.A 15. C

6.D

7.D

8.D 9.C

10.A

KARAGDAGANG GAWAIN

Batay sa sariling pagkaunawa ng mag-aaral

ang kasagutan

3. Great Wall

4. Caste System

5. Ziggurat

6. Vedas

7. Pyramid 8. Mandate of Heaven

9. Heiroglyphics

10. Zhongguo

Gawain5

Batay sa mapipiling kabihasnan ng mag-aaral

ang kasagutan

Gawain 6

1.TAMA 2.Si Sargon I ang nagtatag

ng kauna-unahang

imperyo sa daigdig.

Page 31: Araling Panlipunan · 2020. 11. 7. · Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 5: Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig Unang Edisyon,

25

Sanggunian

Blando Rosemarie C. et al. 2014. Kasaysayan ng Daigdig. Araling Panlipunan –

Modyul ng Mag-aaral. Department of Education-Instructional Materials

Council Secretariat. DEPED Complex Meralco Avenue, Pasig City: Vibal

Group, Inc.

K to 12 Araling Panlipunan Gabay Pangkurikulum Baitang 1-10. DepEd Learning

Portal. Mayo 2016. https://lrmds.deped.gov.ph/

K to 12 Curriculum Most Essential Learning Competencies in Araling Panlipunan.

Deped Learning Portal. https://lrmds.deped.gov.ph/detail/18275

Kasaysayan ng Daigdig Araling Panlipunan. Manwal ng Guro. Department

of Education-Instructional Materials Council Secretariat. Deped Complex

Meralco Avenue, Pasig City. Vibal Group, Inc. 2014.

Project EASE Araling Panlipunan III. “Modyul 3 Ang Mga Unang Kabihasnan”

http://www.lrmds.depedldn.com/DOWNLOAD/MODYUL_03 UNANG_KABIHASNAN.PDF

Vivar, Teofista L. et.al. 2000. Kasaysayan ng Daigdig Batayang Aklat Para sa

Ikatlong Taon. Kagawaran ng Edukasyon-Instructional Materials Council

Secretariat. DEPED Complex Meralco Avenue, Pasig City: SD Publications,

Inc.

Page 32: Araling Panlipunan · 2020. 11. 7. · Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 5: Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig Unang Edisyon,

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education Region III – Learning Resources

Management Section (DepEd Region III-LRMS)

Office Address: Diosdado Macapagal Government Center

Maimpis, City of San Fernando (P)