56
Copyright © 2018 Quipper Limited 1 ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 1 Heograpiyang Pisikal ng Daigdig TALAAN NG NILALAMAN Introduksyon 3 Aralin 1: Mga Teorya tungkol sa Pinagmulan ng Daigdig 4 Layunin Natin 4 Subukan Natin 5 Alamin Natin 6 Pag-aralan Natin 6 Suriin Natin 10 Sagutin Natin 11 Pag-isipan Natin 11 Gawin Natin 11 Aralin 2: Mga Pangunahing Katangian ng Daigdig 13 Layunin Natin 13 Subukan Natin 14 Alamin Natin 15 Pag-aralan Natin 15 Suriin Natin 21 Sagutin Natin 22 Pag-isipan Natin 22 Gawin Natin 22 Aralin 3: Mga Rehiyon at Klima sa Daigdig 24 Layunin Natin 24 Subukan Natin 25 Alamin Natin 26 Pag-aralan Natin 26 Suriin Natin 35 Sagutin Natin 36 Pag-isipan Natin 36 Gawin Natin 37

ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 1 Heograpiyang …

  • Upload
    others

  • View
    59

  • Download
    4

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 1 Heograpiyang …

Copyright © 2018 Quipper Limited 1

ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 1

Heograpiyang Pisikal ng Daigdig TALAAN NG NILALAMAN

Introduksyon 3 Aralin 1: Mga Teorya tungkol sa Pinagmulan ng Daigdig 4 Layunin Natin 4

Subukan Natin 5 Alamin Natin 6 Pag-aralan Natin 6 Suriin Natin 10 Sagutin Natin 11

Pag-isipan Natin 11 Gawin Natin 11

Aralin 2: Mga Pangunahing Katangian ng Daigdig 13 Layunin Natin 13

Subukan Natin 14 Alamin Natin 15 Pag-aralan Natin 15 Suriin Natin 21 Sagutin Natin 22

Pag-isipan Natin 22 Gawin Natin 22

Aralin 3: Mga Rehiyon at Klima sa Daigdig 24 Layunin Natin 24

Subukan Natin 25 Alamin Natin 26 Pag-aralan Natin 26 Suriin Natin 35 Sagutin Natin 36

Pag-isipan Natin 36 Gawin Natin 37

Page 2: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 1 Heograpiyang …

Copyright © 2018 Quipper Limited 2

Aralin 4: Mga Likas na Yaman ng Daigdig 38 Layunin Natin 38

Subukan Natin 39 Alamin Natin 40 Pag-aralan Natin 40 Suriin Natin 45 Sagutin Natin 46

Pag-isipan Natin 46 Gawin Natin 46

Karagdagang Kaalaman 47 Pagyamanin Natin 48 Paglalagom 50 Dapat Tandaan 51 Dagdag Sanggunian 51 Gabay sa Pagwawasto 52 Sanggunian 55

Page 3: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 1 Heograpiyang …

Copyright © 2018 Quipper Limited 3

BAITANG 8 | ARALING PANLIPUNAN

YUNIT 1

Heograpiyang Pisikal ng Daigdig

Ang pisikal na katangian ng daigdig ay mahalaga sa pag-aaral ng kasaysayan. Makikita natin sa susunod na mga aralin na ang heograpiya ng isang lugar ay maaaring magkaroon ng epekto sa pamamaraan ng pamumuhay ng mga taong naninirahan dito. Sa yunit na ito, tatalakayin natin ang mga teorya tungkol sa pinagmulan ng daigdig, ang mga pangunahing katangian ng daigdig, mga rehiyon at klima sa daigdig, at mga likas na yaman na matatagpuan dito.

Ang Daigdaig Mula sa Kalawakan

PindutinangHomebuttonparabumaliksaTalaanngNilalaman

Page 4: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 1 Heograpiyang …

Copyright © 2018 Quipper Limited 4

Aralin 1

Mga Teorya tunkol sa Pinagmulan ng Daigdig

Sa matagal na panahon, inakala ng mga Europeo na ang araw, kasama ng ibang planeta sa kalawakan, ay umiikot sa mundo. Subalit, noong 1543, iminungkahi ni Nicolaus Copernicus, isang astronomo, ang mundo ay umiikot sa araw at hindi ang araw ang umiikot sa mundo, kagaya ng mga naunang paniniwala. Bunga nito, nagalit ang Simbahang Katoliko sa pahayag. Kanilang ipinagbawal ang aklat ni Copernicus dahil para sa kanila, ito ay pagtatagsil sa turo ng relihiyon. Gayunpaman, sa huli ay napatunayang tama ang teorya ni Copernicus. Sa kasalukuyan, alam na natin na ang daigdig ay umiikot sa araw.

Kahit na alam mo na ang mundo ay umiikot sa araw, alam mo rin ba kung paano ito nabuo? Ano ang iba’t ibang teorya at paliwanag ang naibigay ng mga astronomo, siyentipiko, at relihiyon tungkol sa pagkabuo ng mundo? Ating sasagutin ang mga tanong na iyan sa araling ito.

Layunin Natin

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang natatalakay ang mga teorya tungkol sa pinagmulan ng mundo.

Ang Daigdaig Mula sa Kalawakan

Page 5: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 1 Heograpiyang …

Copyright © 2018 Quipper Limited 5

Tukuyin kung sino ang sumusunod na tao sa pamamagitan ng paglalagay ng pangalan sa kanilang larawan.

Subukan Natin

1. 2.

3. 4.

Page 6: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 1 Heograpiyang …

Copyright © 2018 Quipper Limited 6

Ang kasaysayan ng daigdig ay nagsisimula sa pagkabuo nito. May dalawang uri ng teorya na nagpapaliwanag sa pinagmulan ng daigdig. Ang mga ito ay ang mga teoryang makarelihiyon at mga teoryang siyentipiko. Teoryang Makarelihiyon Ang mga pangunahing relihiyon ay may kani-kaniyang kwento ukol sa pinagmulan ng daigdig. Isa sa mga pagkakatulad ng mga kwento na ito ay ang pagpapaliwanag ng pinagmulan ng daigdig bilang likha ng isa o ilang makapangyarihang diyos. Ang mga kwentong ito ay naaayon sa teoryang Creationism. Ayon sa isang kwento ng relihiyong Hindu, ang daigdig ay nagmula sa mga bahagi ng katawan ng isang tao na tinatawag na purusha na inialay ng mga diyos. Ayon naman sa paniniwala ng mga sinaunang Hapon, ang mundo ay nagmula sa ilang mga henerasyon ng mga diyos na bumuo ng iba’t ibang bahagi ng mundo. Ang isa sa pinakakilalang teoryang makarelihiyon tungkol sa pinagmulan ng daigdig ay nagmula sa relihiyong Kristiyano. Naniniwala ang iba’t ibang grupo ng Kristiyano na ang pinagmulan ng daigdig ay naipaliliwanag sa unang aklat ng Bibliya, ang Genesis. Ayon sa aklat na ito, ang daigdig ay ginawa ng Diyos at nabuo sa loob ng anim na araw. Sa mga araw na ito nagawa ang araw at gabi, mga bituin, mga halaman, mga hayop, pati na ang mga tao.

Pag-aralan Natin

Alamin Natin Tandaan at gawing gabay ang kahulugan ng sumusunod na mga salita: • teorya – isang paliwanag na batay

sa pananaliksik at agham • scientific method – masusing

siyentipikong proseso upang matukoy ang katotohanan tungkol sa mga ebidensiyang nakalap.

• nebula – ulap ng alikabok at gaas sa kalawakan

• grabidad – puwersa mula sa isang mas mabigat na bagay na humahatak sa mga mas maliit na bagay sa paligid nito; tayo ay nakadikit sa lupa dahil tayo ay hinahatak ng grabidad ng mundo paibaba

• konde – isang titulo na ibinibigay sa mga maharlika sa Gran Britanya

• planetisimal – mga bato na nabuo mula sa pagbabangga ng mga bagay sa kalawakan

Page 7: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 1 Heograpiyang …

Copyright © 2018 Quipper Limited 7

Mga Teoryang Siyentipiko Katulad ng mga teoryang makarelihiyon, marami ring teoryang siyentipiko ang nagpaliliwanag ng pinagmulan ng daigdig. Ang mga teoryang siyentipiko ay umusbong mula sa pag-aaral gamit ang konsepto ng agham at ng scientific method. Sa pamamagitan ng pananaliksik o pagsusuri ng teorya gamit ang mga ebidensiya ay nabuo ang mga teoryang ito. Ang ilan sa mga teoryang siyentipiko ay ang sumusunod: Teoryang Nebular, Teorya ng Dynamic Encounter, Teorya ng Condensation, Teoryang Planetesimal, at Teorya ng Collision. Teoryang Nebular Ayon sa teoryang nebular, ang sistemang solar (solar system), kasama na ang ating daigdig, ay nabuo mula sa nagsama-samang gaas at alikabok na naging isang nebula. Ang mga nagkumpol-kumpol na gaas at alikabok ay magkakaiba ng laki at sukat. Ang mga ito ay hinatak ng lakas ng grabidad at naging patag. Pagkatapos maging patag ay umikot ito nang mabilis hanggang sa nabuo ang araw, mga planeta, at mga buwan sa ating sistemang solar.

Ito ay iminungkahi ni Pierre-Simon Laplace noong 1786 batay sa mga ideya nina René Descartes, Immanuel Kant, at William Herschel, mga tanyag na pilosopo at astronomo. Bagama’t ito ay nakabatay sa mga prinisipyo ng agham, hindi ito tumugma sa mga ebidensiya kaya ito ay hindi na ginagamit ng mga siyentipiko. Isang nebula na nakuhanan ng litrato

gamit ang Hubble Telescope

Pierre-Simon Laplace

Page 8: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 1 Heograpiyang …

Copyright © 2018 Quipper Limited 8

Teorya ng Dynamic Encounter Ang teorya ng dynamic encounter ay isinulong ni Georges-Louis Leclerc, Konde ng Buffon, noong ika-18 na siglo. Siya ay mas kilala bilang tagapagsimula ng ideya ng ebolusyon ng mga tao galing sa mas simpleng uri ng hayop, isandaang taon bago pa man naisulat ito ni Charles Drawin. Ayon sa kaniyang teorya, ang sistemang solar ay nabuo mula sa pagbangga ng isang kometa sa araw. Ang mga planeta ay nabuo mula sa mga bahagi ng kometa na tumalsik dahil sa naganap na banggaan. Noong una, ang daigdig ay nag-aalab na bato lamang. Nang lumamig ito, ang tunaw na bato ang bumuo ng kalupaan. Ang mga ulap na nabuo ay nagdulot ng ulan na siyang naging karagatan. Ayon kay Georges-Louis Leclerc, ang prosesong ito ay tumagal nang mahigit 70,000 taon. Teorya ng Condensation

Ayon sa teoryang ito, nagmula ang sistemang solar mula sa isang lumiliit na nebula dahil sa epekto ng gravity. Habang ito ay lumiliit, pabilis nang pabilis itong umiikot. Dahil sa bilis ng ikot nito, ang nebula ay unti-unting naging patag. Habang ito ay umiikot at pumapatag, ang gitna ng nebula ay uminit, at paglipas ng panahon, ang gitnang nebula na ito ang siyang bumuo ng araw. Sa palibot ng araw, kumalat din ang hydrogen gas at nuclei kung saan dumikit ang materyal sa kalawakan. Sa paglipas ng panahon, lumaki ang mga ito dulot ng pagdidikit-dikit at banggaan sa pagitan ng mga materyal. Nagmula ang mga planeta sa prosesong ito. Ang siyentipikong nagsulong ng teoryang ito ay si Robert Jastrow.

Georges-Louis Leclerc

Sinasabi ng Teorya ng Condensation na ang araw ay nagmula sa isang

mainit at mabigat na nebula

Page 9: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 1 Heograpiyang …

Copyright © 2018 Quipper Limited 9

Teoryang Planetesimal Ang pagsulong ng teoryang ito ay pinamunuan ng dalawang Amerikanong siyentipiko: sina Thomas Chamberlin at Forest Moulton. Ayon sa teorya nila, ang sistemang solar ay nabuo mula sa materyal na tumalsik mula sa pagdaan ng isang bituin malapit sa araw. Pagkalipas ng panahon, ang mga tumalsik na materyal ay lumamig at bumuo ng mga planetesimal na naipon at naging planeta. Ang mga mas maliit na planetesimal na umikot sa paligid ng mga planeta ay naging mga buwan. Teorya ng Collision Ang teoryang ito ay may pagkakatulad sa teorya ng dynamic encounter. Sa halip na banggaan sa pagitan ng kometa at ng araw, ayon sa teoryang ito, ang mga planeta ay nabuo mula sa mga banggaan ng mga bituin. Ang isa sa mga teoryang naaayon sa teorya ng collision ay ang teorya ng solar disruption kung saan ang isang malaking bituin at ang araw ay nagbangga upang mabuo ang sistemang solar. Sa kasalukuyan ay marami pang mga teorya ang iminungkahi at pinag-aaralan ng mga siyentipiko. Ang mga natalakay ay ilang lamang sa pinakauna at pinakakilalang mga teorya ukol dito.

Makikita sa unang dalawang larawan sa itaas ang mga debris o planetisimal na umiikot sa isang bituin

Page 10: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 1 Heograpiyang …

Copyright © 2018 Quipper Limited 10

Kilalanin ang teorya ng pagkabuo ng mundo na tinutukoy sa sumusunod na pangungusap. Piliin ang wastong teorya mula sa loob ng kahon.

1. Ayon sa teoryang ito ang sistemang solar ay nabuo mula sa nagkumpo-kumpol na gaas at alikabok.

2. Ang sistemang solar ay nabuo mula sa pagbangga ng isang kometa sa araw.

3. Ang mga planeta ay nabuo mula sa mga banggaan ng mga bituin.

4. Nabuo ang mga planeta mula sa mga bahagi ng kometa na tumalsik dahil sa banggaan na naganap sa pagitan ng kometa at araw.

5. Ayon sa teoryang ito, ang gitna ng nebula ay naging araw.

6. Lumaki ang mga alikabok at naging planeta dulot ng dulot ng pagdidikit-dikit at banggaan sa pagitan ng mga materyal.

7. Nabuo ang mga planeta mula sa mga tumalsik na materyal pagkatapos dumaan ng isang bituin malapit sa araw.

8. Ang mga nagkumpol-kumpol na gaas at alikabok ay hinatak ng lakas ng grabidad at naging patag.

9. Ang mga tumalsik na materyal ay bumuo ng mga planetisimal at naging planeta.

10. Ang teoryang ito ay may pagkakatulad sa teorya ng dynamic encounter.

Suriin Natin

Nebular Condensation Planetisimal Dynamic Encounter Collision

Page 11: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 1 Heograpiyang …

Copyright © 2018 Quipper Limited 11

Sagutin ang sumusunod na tanong:

1. Ano ang dalawang uri ng teorya na nagpaliliwanag ng pinagmulan ng daigdig? 2. Ano ang mga halimbawa ng teoryang siyentipiko? 3. Magbigay ng ilang mga siyentipiko na nagsulong ng teoryang nebular.

Sa iyong palagay, alin sa mga teorya tungkol sa pinagmulan ng daigdig ang pinaka-kapani-paniwala? Bakit?

Pumili ng isa mula sa mga teoryang tinalakay. Gumawa ng isang tula o malikhaing kuwento tungkol dito. Isulat ang tula sa isang illustration board at maglagay ng kalakip na guhit o pinta bilang disenyo o pagpapakita ng mga naganap sa inyong tula o kuwento. Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:

Pamantayan

[25%] Mas Mababa

kaysa Inaasahan

[50%] Kailangan pa

ng Pagsasanay

[75%] Magaling

[100%] Napakahusay

Marka

Paglalahad ng impormasyon

Karamihan sa mga impormasyong inilahad ay hindi tama

Karamihan sa mga impormasyong inilahad ay tama

Halos lahat ng impormasyong inilahad ay tama

Tama ang mga impormasyong inilahad

Sagutin Natin

Pag-isipan Natin

Gawin Natin

Page 12: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 1 Heograpiyang …

Copyright © 2018 Quipper Limited 12

Kasanayan/ Husay

Walang kahusayan sa pagguhit o paglikha ng likhang sining

Nagpapakita ng pagnanais na mapaghusay ang kanyang paggawa ng likhang sining

May angking husay sa paggawa; kailangan pa ng kaunting pagsasanay

Nagpapakita ng husay at galing sa paggawa; may sapat na kaalaman o pagsasanay

Panahon ng Paggawa

Nakapagpasa ng kanyang likhang sining sa loob ng dalawang linggo matapos ang itinakdang petsa ng pagpapasa

Nakapagpasa ng kanyang likhang sining sa loob ng isang linggo matapos ang itinakdang petsa ng pagpapasa

Nakapagpasa ng kanyang likhang sining sa itinakdang petsa ng pagpapasa

Nakapagpasa ng kanyang likhang sining bago pa ang itinakdang petsa ng pagpapasa

KABUUAN

Page 13: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 1 Heograpiyang …

Copyright © 2018 Quipper Limited 13

Aralin 2

Mga Pangunahing Katangian ng Daigdig

Ang daigdaig ay isang napakagandang planeta. Nakabibighaning pagmasdan ito mula sa kalawakan. Makikita mula sa larawan ang asul ng mga dagat, ang kayumangging kulay ng lupa, at puti ng mga ulap. Ito ay puno ng buhay at likas na yaman. Sa ngayon, ito rin ang natatangi nating tahanan. Sa aralin na ito, talakayin natin ang mga pangunahing katangian ng daigdig.

Layunin Natin Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang naiisa-isa ang mga pangunahing katangian ng mundo.

Page 14: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 1 Heograpiyang …

Copyright © 2018 Quipper Limited 14

Guhitan ng masayang mukha (J) ang kahon kung tama ang pagtukoy sa bahagi o sphere ng mundo at malungkot na mukha naman kung mali (L).

Subukan Natin

Atmosphere Logosphere

Aquasphere Biosphere

Page 15: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 1 Heograpiyang …

Copyright © 2018 Quipper Limited 15

Ang daigdig ay ang ikatlong planeta mula sa araw at ang ikalima sa pinakamalaking planeta sa ating sistemang solar. Ayon sa mga siyentipiko, ang daigdig ay mahigit-kumulang 4.5 bilyong taon na. Ang daigdig ay bukod tangi sa lahat ng mga planeta sa ating sistemang solar dahil ito lamang ang napatunayang kayang magpanatili ng buhay. Kung kaya naman, ito ang planetang nagisilbing tahanan ng sangkatauhan.

Sukat at Hugis ng Daigdig Ang daigdig ay ang pinakamalaki sa mga planetang terrestrial o mga planetang gawa sa bato. Ang circumference nito sa bahaging ekwador ay mahigit 40,000 kilometro. Ang daigdig ay hugis oblate-spheroid. Hindi ito perpektong bilog dahil ang pag-ikot ng daigdig sa kaniyang axis ay nagdudulot na lumapad ito sa bahaging ekwador. Mas malapad ang diameter ng daigdig sa bahaging ekwador na may sukat na 12,756 km kaysa sa diameter ng daigdig mula sa hilagang polo hanggang sa timog polo (12,714km).

Pag-aralan Natin

Alamin Natin Tandaan at gawing gabay ang kahulugan ng sumusunod na mga salita:

• circumference – guhit na nagsusukat ng paikot sa isang bilog

• axis – isang patayong kathang-isip na guhit na tumatagos sa gitna ng globo

• patong – layer

Pagpapakita ng laki ng daigdig gamit ang Hilaga at Timog Polo

Page 16: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 1 Heograpiyang …

Copyright © 2018 Quipper Limited 16

Ang haba ng isang taon sa daigdig ay mahigit 365 araw. Ang haba ng taon ay batay sa tagal ng pag-ikot nito sa araw. Ang haba ng isang araw ay 24 oras at batay naman ito sa tagal ng pag-ikot ng mundo sa kanyang axis. Ang mundo ay nakatagilid sa kanyang axis nang 23.5 digri. Dahil sa pagiging tagilid nito, nakatatanggap ng magkaibang dami ng sikat ng araw ang iba’t ibang bahagi ng mundo depende sa kung nasaan ito sa kaniyang pag-ikot sa araw.

Mga Bahagi ng Daigdig Ang daigdig ay binubuo ng apat na bahagi o sphere. Ang mga bahaging ito ay ang sumusunod: lithosphere, hydrosphere, biosphere, at atmosphere. Lithosphere Ang lithosphere ay ang kalupaan ng daigdig na binubuo ng tatlong pangunahing patong: ang crust, mantle, at core.

Ang naapektuhan ng tagilid na posisyon ng daigdaig ang dami ng araw na natatanggap ng isang lugar kaya ito ay nakaaapekto rin sa klima.

(kuha ni Przemyslaw "Blueshade" Idzkiewicz [CC BY-SA 4.0] mula sa Wikimedia Commons)

Page 17: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 1 Heograpiyang …

Copyright © 2018 Quipper Limited 17

Ang crust ng daigdig ay ang nagsisilbing balat nito. Hindi patag ang bahagi na ito dahil binubuo ito ng iba't ibang anyong lupa. Kasama rin sa crust ang lupang natatagpuan sa ilalim ng dagat. Ang crust ay gawa sa mga pirasong tinatawag na tectonic plates. Ang mga plates na ito ay lumulutang sa mantle sa ilalim ng crust. May labinlimang pangunahing tectonic plates na bumubuo sa lithosphere: ang North American, Caribbean, South American, Scotia, Antarctic, Eurasian, Arabian, African, Indian, Philippine, Australian, Pacific, Juan de Fuca, Cocos, at Nazca.

Ang mantle ay ang bahagi na matatagpuan sa pagitan ng crust at ng core. Ito ang pinakamalaki at pinakamakapal na layer ng daigdig. Ang kapal ng mantle ay umaabot ng 2,900 kilometro. Ito ay gawa sa mainit na bato na mas mabigat kaysa sa kalupaan sa crust.

Ang core ay matatagpuan naman sa pinakaloob ng daigdig. Ito ay gawa sa napaka-init na mga metal, katulad ng nickel at iron.

Mga Bahagi ng Daigdig

Komposisyon ng Lithosphere ng Daigdaig

Page 18: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 1 Heograpiyang …

Copyright © 2018 Quipper Limited 18

Hydrosphere Ang hydrosphere ay binubuo ng lahat ng tubig sa daigdig. Ang hydrosphere o ang katubigan ng daigdig ay bumubuo ng 71 porsiyento ng ibabaw ng daigdig. Bagama't maraming tubig sa daigdig, maliit lamang na bahagi nito ang maaaring gamitin ng tao dahil karamihan ng tubig sa daigdig ay tubig-alat. Kabilang sa hydrosphere ang iba't ibang anyong tubig tulad ng dagat, ilog, lawa, batis, talon, karagatan, at sapa.

Magkakaiba ang temperatura sa iba’t ibang bahagi ng hydrosphere. Sa hilaga at timog na bahagi ng daigdig, ang mababang temperatura ay nagdudulot sa pagyelo ng tubig, habang sa gitna ng daigdig kung nasaan ang Pilipinas, ang mga anyong tubig ay mas mainit.

Atmosphere Napapaloob sa atmosphere ang lahat ng gaas sa daigdig. Ito ay binubuo ng iba’t ibang gaas katulad ng nitrogen, oxygen, argon, at carbon dioxide. Malaking bahagi ng atmosphere ay binubuo ng nitrogen. Ang atmosphere ay binubuo ng limang patong: troposphere, stratosphere, mesosphere, at thermosphere. Ang troposhere ang pinakamababang patong ng atmosphere.

Isang hydrosphere ang Ilog ng Loboc sa Bohol

Page 19: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 1 Heograpiyang …

Copyright © 2018 Quipper Limited 19

Ang atmosphere ang nagdudulot ng pangmatagalang klima at panandaliang kondisyon ng panahon. Nagbibigay-proteksyon din ang atmosphere laban sa mga meteoroid at nakakasamang radiation mula sa araw.

Biosphere Ang biosphere ay pumapaloob sa lahat ng mga organismong buhay sa daigdig. Kaibilang sa biosphere ang mga tao, hayop, halaman, at mga micro-organism.

Sa loob ng biosphere, ang mga bagay na may buhay ay bumubuo ng mga komunidad ayon sa kanilang kapaligiran. May ilang uri lamang ng mga hayop at halaman na kayang mabuhay sa ilang uri ng kapaligiran. Ang mga komunidad ng mga halaman, hayop, at iba pang bagay na may buhay ay tinatawag na biome.

Mga bahagi ng atmosphere ng mundo (gawa ni High Fin Sperm Whale [CC BY-SA 3.0] mula sa Wikimedia Commons)

Page 20: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 1 Heograpiyang …

Copyright © 2018 Quipper Limited 20

Halimbawa, sa biome ng disyerto, mayroon ilang uri ng halaman at hayop, kagaya ng mga camel at cactus, ang kayang mabuhay rito. Dahil dito, maaring maituring ang camel at cactus na bahagi ng disyertong biome. Ang Kalupaan ng Daigdig Ang surface area ng kalupaan ng daigdig ay may sukat na 148,300,000 km2 na bumubuo ng 1/3 ng ibabaw ng daigdig. Kabilang sa kalupaan ng daigdig ang iba’t ibang anyong lupa, katulad ng bundok, bulkan, burol, talampas, lambak, kapatagan, baybayin, pulo, at tangway. Ang pinakamalawak na rehiyon ng kalupaan ay tinatawag na kontinente. May pitong kontinente sa daigdig: Asya, Aprika, Hilagang Amerika, Timog Amerika, Antartika, Europa, at Australia. Ang Katubigan ng Daigdig Ang katubigan ng daigdig ay may surface area na 361,800,000 km2 na bumubuo sa mahigit 2/3 ng ibabaw ng mundo. Ang ilan sa mga anyong tubig na kabilang dito ay ang dagat, ilog, look, golpo, lawa, bukal, kipot, talon, at batis. Ang pinakamalaking anyong tubig ay ang karagatan. May limang pangunahing karagatan sa daigdig—Pasipiko, Arktiko, Atlantiko, Antartiko, at Indian. Ang Karagatang Pasipiko ang pinakamalaking karagatan, at ang Karagatang Arktiko ang pinakamaliit.

Isa ang mga cactus sa mga halaman na kayang mabuhay sa isang disyertong biome.

Page 21: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 1 Heograpiyang …

Copyright © 2018 Quipper Limited 21

A. Isulat sa patlang ang sagot sa sumusunod na tanong.

1. Ano ang circumference ng daigdig?

2. Ano ang hugis ng daigdaig?

3. Ilang digri ang tagilid ng axis sa mundo?

4. Ano ang tawag sa komunidad ng mga halaman at hayop na nabuhuhay sa isang kapaligiran?

5. Ilang bahagi ng daigdig ang binubuo ng katubigan?

B. Pagtambalin ang mga pangungusap sa Hanay A sa sphere o bahagi ng mundo sa Hanay B.

Hanay A Hanay B

1. Ito ay nabibigay proteksyon laban sa mga a. lithosphere Meteroid at nakasasamang radiation mula sa araw.

2. Ito ay binubuo ng lahat ng tubig sa planetang b. hydrosphere daigdig.

3. Nakapaloob dito ang lahat ng mga organismong c. atmosphere buhay sa daigdig.

4. Binubuo ito ng tatlong pangunahing patong. d. biosphere

5. Tayo ay napapabilang sa bahaging ito ng mundo.

Suriin Natin

Page 22: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 1 Heograpiyang …

Copyright © 2018 Quipper Limited 22

Sagutin ang sumusunod na tanong:

1. Ano ang hugis ng daigdig? 2. Ano ang limang bahagi ng daigdig? 3. Ano ang pinakamalaking anyong tubig na matatagpuan sa daigdig?

Sa iyong palagay, ano ang kaugnayan ng mga bahagi ng daigdig sa buhay ng tao?

Bumuo ng pangkat na may limang kasapi. Bawat kasapi ay kailangang pumili ng sphere o bahagi ng mundo at kumuha ng litratong nagpapakita nito. Kailangang magkakaiba ang sphere at litratro ng bawat kasapi. Tiyaking orihinal ang litrato at ang mga mag-aaral mismo ang kumuha nito. Siguraduhin din na ang mga mag-aaral ay nasa isang ligtas na lugar habang kumukuha ng litrato. Pagkatapos kumuha ng litrato ay iprint ito sa isang A4 na photo paper at ipaskil sa isang makapal na cardboad. Lagyan ang mga litrato ng malikhaing pamagat. Magkakaroon ng isang eksibit sa susunod na pagkikita kung saan iikot ang buong klase at titingnan ang mga litratong ito. Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:

Pamantayan

[25%] Mas Mababa

kaysa Inaasahan

[50%] Kailangan pa

ng Pagsasanay

[75%] Magaling

[100%] Napakahusay

Marka

Paglalahad ng impormasyon

Karamihan sa mga impormasyong

Karamihan sa mga impormasyong

Halos lahat ng impormasyong inilahad ay tama

Tama ang mga impormasyong inilahad

Sagutin Natin

Pag-isipan Natin

Gawin Natin

Page 23: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 1 Heograpiyang …

Copyright © 2018 Quipper Limited 23

inilahad ay hindi tama

inilahad ay tama

Kasanayan/ Husay

Walang kahusayan sa pagguhit o paglikha ng likhang sining

Nagpapakita ng pagnanais na mapaghusay ang kanyang paggawa ng likhang sining

May angking husay sa paggawa; kailangan pa ng kaunting pagsasanay

Nagpapakita ng husay at galing sa paggawa; may sapat na kaalaman o pagsasanay

Panahon ng Paggawa

Nakapagpasa ng kanyang likhang sining sa loob ng dalawang linggo matapos ang itinakdang petsa ng pagpapasa

Nakapagpasa ng kanyang likhang sining sa loob ng isang linggo matapos ang itinakdang petsa ng pagpapasa

Nakapagpasa ng kanyang likhang sining sa itinakdang petsa ng pagpapasa

Nakapagpasa ng kanyang likhang sining bago pa ang itinakdang petsa ng pagpapasa

KABUUAN

Page 24: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 1 Heograpiyang …

Copyright © 2018 Quipper Limited 24

Aralin 3

Mga Rehiyon at Klima sa Daigdig

Iba’t ibang rehiyon sa mundo

Sa anong rehiyon kaya ng daigdig naroroon ang mga nasa litrato? Makikita rito na malaking impluwensiya sa pamumuhay ng mga tao ang rehiyon kung saan sila nakatira. Isang mahalagang bahagi rin ang klima. Maaaring nakabatay sa klima ang uri ng panahanan, pananamit, hanapbuhay, o pagkain na mayroon ang isang tao. Dahil dito, mahalaga na ating matutuhan kung saang rehiyon sa daigdig tayo nakatira at ano-anong uri ng klima ang ating nararanasan. Makatutulong din sa atin na pag-aralan ang klima na nararanasan ng mga tao sa iba pang bahagi ng daigdig upang maintindihan natin ang uri ng pamumuhay na mayroon sila.

Layunin Natin

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang natatalakay ang mga rehiyon ng mundo at klimang nararanasan dito.

Page 25: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 1 Heograpiyang …

Copyright © 2018 Quipper Limited 25

Kilalanin kung anong rehiyon ng mundo ang tinutukoy sa mga patlang sa mapa. Piliin ang mga pangalan ng rehiyon mula sa kahon.

Subukan Natin

Asia India

Timog Amerika Australia

Aprika Europa

Antartika Hilagang Amerika

Page 26: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 1 Heograpiyang …

Copyright © 2018 Quipper Limited 26

Ang daigdig ay binubuo ng iba’t ibang rehiyon o kontinente. Ang bawat kontinente ay maysari-sariling pisikal at kultural na katangian nanagbubukod dito sa iba pang kontinente. Angisa sa mga pisikal na katangian na nag-uuri sabawat kontinente ay ang klima. Atin pangtalakayin ito.

Mga Rehiyon ng Daigdig Ang kontinente ay ang pinakamalaking uri ng anyong lupa. May mga kontinente na magkakadikit, at mayroon ding pinalilibutan ng tubig.

Ayon kay Alfred Wegener, isang Aleman na siyentipiko, ang kalupaan ng daigdig ay isang malaking kontinente lamang noong unang panahon. Ang malaking kontinenteng ito o supercontinent ay tinatatawag na pangaea. Dahil sa paggalaw ng mga tectonic plates, naghiwa-hiwalay ang mga ito at saka nabuo ang pitong kontinente sa kasalukuyang panahon. Ang tawag sa teoryang ito na isinulong ni Wegener ay continental drift theory.

Ang pitong kontinente ay ang sumusunod: Asya, Aprika, Hilagang Amerika, Timog Amerika, Antartika, Europa, at Australia. Asya

Pag-aralan Natin

Alamin Natin

Tandaan at gawing gabay ang kahulugan ng sumusunod na salita: • karatig – katabi• meteorologist – taong nag-aaral

at nagsasaliksik tungkol saklima at panahon

Mga kontinente sa mundo

Page 27: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 1 Heograpiyang …

Copyright © 2018 Quipper Limited 27

Ang Asya ay ang pinakamalaking kontinente sa daigdig. Ito ay napalilibutan ng Karagatang Pasipiko sa silangan, Karagatang Indian sa timog, Karagatang Artiko sa hilaga, at Europa sa dakong kanluran. Sa katunayan, magkarugtong ang ilang bahagi Europa at Asya. Dahil dito, mayroong ilang siyentipiko na nagsasabi na dapat tawagin na lamang itong kontinente ng Eurasia.

Ang Asya rin ang kontinenteng may pinakamalaking populasyon sa daigdig. Mahigit-kumulang 4.5 bilyon ang kasalukuyang populasyon ng Asya. Ang dalawang bansang may pinakamalaking populasyon sa mundo ay matatagpuan sa Asya—ang Tsina at India. Magkakaiba ang wika, relihiyon, at paniniwala ng populasyon sa Asya. Nabibilang ang Pilipinas sa mga bansa sa Asya na may sariling wika at paniniwala. Sa Asya matatagpuan ang ilan sa mga hiwaga ng ating daigdig. Matatagpuan sa Asya ang Bundok Everest, ang

pinakamataas na punto sa buong mundo. Matatagpuan sa rehiyon ang pinakamababang punto sa buong mundo, ang Dead Sea. Makikita rin sa Asya ang ilang mga natatanging gawa ng tao. Ang Great Wall sa Tsina, ang Angkor Wat sa Cambodia, ang Taj Mahal sa India, at ang Borobodur sa Indonesia ay ilan lamang sa mga halimbawa ng mga likhang ito.

Mapa ng Asya

Taj Mahal sa India

Page 28: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 1 Heograpiyang …

Copyright © 2018 Quipper Limited 28

Aprika Ang Aprika ang pangalawa sa pinakamalaking kontinente sa mundo, sa laki ng kalupaan at populasyon. Mahigit isang bilyon ang mga taong naninirahan dito. Ang Aprika ay napapalibutan ng Mediterranean Sea sa hilaga, ng Red Sea at Karagatang Indian sa silangan, at ng Karagatang Atlantiko sa kanluran.

Ang hilagang bahagi ng Aprika ay binubuo ng disyerto. Matatagpuan dito ang pinakamalaking mainit na desyerto sa daigdig, ang Sahara. Samantala, ang ibang bahagi ng kontinente ay binubuo ng savanna at mga tropikal na gubat, kung saan matatagpuan ang mga hayop katulad ng mga leon, elepante, kalabaw, usa, kamelyo, at mga giraffe. Matatagpuan din ang pinakamahabang ilog sa buong mundo sa Aprika, ang Ilog Nile.

Ang Aprika ay mayaman sa likas na yaman. May malaking suplay ng ginto, kopra, diyamante, at langis dito. Sinasabi ng nga siyentipiko na malaki ang potensiyal nito sa pag-unlad. Ngunit sa kabila ng yamang tao at likas na yaman na matatagpuan sa Aprika, may kakulangan sa pag-unlad ang rehiyong ito. Ang pagkalat ng mga sakit, korapsyon, at ang madalas na pag-aaway ay ilan sa mga nakaaapekto sa pag-unlad ng rehiyong ito.

Isa ang zebra sa mga hayop na karaniwang mahahanap sa kontinente ng Aprika.

Ang sphinx, isa sa mga nakabibighaning istruktura na naiwang ng mga sinaunang Ehipto.

Page 29: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 1 Heograpiyang …

Copyright © 2018 Quipper Limited 29

Hilagang Amerika Ang Hilagang Amerika ay ang pangatlong pinakamalaking kontinente. Ito ay matatagpuan sa dakong hilagang-kanluran ng daigdig. Napaliligiran ito ng Karagatang Arktiko sa hilaga, ng Karagatang Atlantiko sa silangan, at ng Karagatang Pasipiko sa kanluran. Matatagpuan ang lahat ng klase ng klima sa Hilagang Amerika, tulad ng polar o malamig na klima sa hilaga, disyerto sa timog ng Estados Unidos, at tropikal na klima sa sa mga bansa sa dako na malapit sa Timog Amerika. Ang Hilagang Amerika ay may populasyon na mahigit 579 milyon sa kasulukuyan. Marami sa mga naninirahan dito ay gumagamit ng wikang Ingles, Espanyol, at Pranses. Ang siyudad na may pinakamalaking populasyon ay ang Lungsod ng Mexico. Timog Amerika Ang Timog Amerika ay pinalilibutan ng Hilagang Amerika sa itaas, ng Karagatang Pasipiko sa kanluran, at ng Karagatang Atlantiko sa silangan. Maraming uri ng hayop at halaman ang matatagpuan sa mga gubat ng Timog Amerika. Mahigit 40,000 uri ng halaman, 3,000 uri ng isda, 2,000 uri ng ibon, mamal, at reptilya ang natala sa Timog Amerika. Marami dito ay matatagpuan sa mga gubat ng Amazon.

Mapa ng Hilagang Amerika

Bahagi ng Ilog Amazon

Page 30: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 1 Heograpiyang …

Copyright © 2018 Quipper Limited 30

Bukod sa mga uri ng hayop, ang isa sa mga pinakamalaki at mahabang ilog sa mundo ay matatagpuan din dito—ang Ilog Amazon. Karamihan sa populasyon ng Timog Amerika ay gumagamit ng wikang Espanyol at Portuges dahil sa kasaysayan nito bilang kolonya ng Espanya at Portugal. Europa Ang Europa ay ang karatig na kontinente ng Asya. Nahihiwalay ang dalawang kontinente ng Bulubunduking Ural, Caspian Sea, at ng Bulubunduking Caucasus. Pinalilibutan ito ng Karagatang Arktiko sa hilaga, ng Karagatang Atlantiko sa kanluran, at ng Dagat Mediterranean sa timog. Ang malaking bahagi ng Europa ay may temperate na klima. Ang kanlurang bahagi ng Europa ay madalas nakararanas ng pag-ulan, samantalang ang silangang bahagi nito ay hindi gaanong nakakaranas ng ulan. Sumusunod ang Europa sa Asya at Aprika sa laki ng populasyon. Ito ay may populasyon na mahigit 730 milyon. Ang Europa ay kilala sa kaniyang kultura at arkitektura. Ang ilan sa mga gawang tao na kilala sa buong daigdig ay ang Colosseum, ang Torre ng Pisa, ang Parthenon sa Gresya, ang Eiffel Tower, at mga kastilyo sa iba't ibang bahagi ng Europa.

Isang maliit na bayan malapit sa dalampasigan ng Dagat Mediterranean.

Ang Parthenon sa Lungsod ng Athens sa Gresya ay dating templo ng diyosa na si Athena.

Page 31: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 1 Heograpiyang …

Copyright © 2018 Quipper Limited 31

Australia Ang Australia ang pinakamaliit na kontinente sa daigdig. Pinaniniwalaan na ang Australia ay dating bahagi ng Antartika bago ito gumalaw pahilaga. Sa kasalukuyan, ito ay napaliligiran ng Karagatang Indian at ng Karagatang Pasipiko. Ang malaking bahagi ng Australia ay nasa loob ng kontinente na tinatawag na outback. Ito ay malayo sa mga mataong lugar. Ang outback ay kadalasang tuyot at nagtataglay ng kaunting anyong tubig. Ang hilagang bahagi ng Australia ay naaapektuhan ng Karagatang Indian na nagdadala ng pag-ulan. Maraming bukod-tanging mammal ang matatagpuan sa Australia, katulad ng kangaroo, koala, echidna, platypus, at wombat. Bago nasakop ang Australia ng mga Briton, mga 250 na iba't ibang grupo ng katutubo ang nanirahan sa Australia. Sa kasulukuyan, may mahigit 24 milyon na tao na ang nakatira sa Australia, at mga 2.4 porsiyento nito ay mga katutubo. Antartika Ang Antartika ang pinakamalamig na lugar sa buong daigdig. Ito rin ang may pinakamalaking disyerto sa daigdig. Ang Antartika ay nakararanas din ng napakalakas na hangin. Dahil sa klima ng Antartika, walang permanenteng populasyon ang kontinente. Ang mga naninirahan lamang dito ay ang mga siyentipiko mula sa iba't ibang bansa. Kahit na malamig ang klima ng Antartika, maraming uri ng hayop ang matatagpuan dito, katulad ng isda, penguin, seal, sea lion, at mga balyena.

Isang bahagi ng outback sa Australia.

Isang ang penguin sa Antartika (kuha ni Christopher Michel [CC BY 2.0] mula

sa Wikimedia Commons)

Page 32: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 1 Heograpiyang …

Copyright © 2018 Quipper Limited 32

Klima ng Daigdig Ang klima ay pangmatagalang kondisyon ng panahon sa isang lugar. Ang panahon naman ay ang pabago-bagong kondisyon ng atmosphere sa loob ng maikling panahon. Ang iba't ibang bahagi ng daigdig ay nakararanas ng magkakaibang klima. Ang pinakaginagamit na sistema ng pag-uuri ng klima ay ginawa ni Wladimir Koppen, isang heograpo at meteorologist. Ayon kay Koppen, ang uri ng halaman na matatagpuan sa isang lugar ay batay sa klima nito. Sa sistema ni Koppen, may limang uri ng klima: tropikal, tuyo, katamtaman, kontinental, at polar.

Mapa ng klima ng Daigdig

Page 33: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 1 Heograpiyang …

Copyright © 2018 Quipper Limited 33

Tropikal (Tropical Climate) Ang mga tropikal na klima ay nakikita sa kahabaan ng bahaging ekwador. Mainit at madalas nakararanas ng ulan ang bahaging ito. Ang temperatura ay sumasaklaw ng mula 18oC hanggang 23oC at maaaring umabot ng mahigit 30oC hanggang 33oC. May tatlong uri ng tropikal na klima: tropical wet o rainforest, tropical monsoon, tropical wet and dry o tropical savanna. Ilang halimbawa ng mga bansa na may tropikal na klima ay Pilipinas at Ecuador. Tuyo (Dry) Hindi gaanong umuulan sa mga lugar na may tuyong klima. May dalawang uri ng tuyong klima: arid at semi-arid. Sa mga lugar na may arid na klima, nakararanas ng mahigit sampu hanggang 30 sentimetro ng ulan kada taon. Ang pinakamainit na mga lugar sa mundo ay matatagpuan sa mga arid na bahagi, at umaabot sa mahigit 58oC ang temperature sa mga lugar na ito. Marami sa mga ito ay mga disyerto. Sa mga lugar na mayroong semi-arid na klima, nakakatanggap ng ulan na maaaring magsuporta ng pagtubo ng damo o ilang maliliit na halaman. Halimbawa ng mga bansang may tuyo na klima ay Afghanistan at Azerbaijan.

Bulubundukin sa Afghanistan

Mangingisda sa Pilipinas

Page 34: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 1 Heograpiyang …

Copyright © 2018 Quipper Limited 34

Katamtaman (Mild or Temperate Marine) Ang mga rehiyong may klimang katamtaman ay hindi nakakaranas ng napakainit at napakalamig na temperatura. Katamtaman din ang nararanasan nilang presipitasyon. Mayroong tatlong uri ng katamtamang klima: Mediterranean, humid subtropical, at marine. Ang temperatura sa mga bahaging ito ay maaaring sumaklaw mula -3oC hanggang 18oC sa mga malalamig na buwanat mula 10oC pataas sa maiinit na buwan. Halimbawa sa mga bansang may ganitong uri ng klima ay Italya. Kontinental (Temperate Continental) Ang mga lugar na may kontinental na klima ay nagsisilbing transisyon sa pagitan ng katamtaman na klima at polar na klima. Ang karaniwang temperatura sa mga lugar na ito ay 10oC at pataas sa mga maiinit na buwan, at -3oC pababa sa mga malalamig na buwan. Mas malamig din ang tagginaw (winter) dito sa mga bahagi na ito kumpara sa mga lugar na may katamtamang klima. Mayroong tatlong uri ng kontinental na klima: warm summer, cool summer, at sub-arctic. Ang lahat ng mga klimang ito ay nahahanap lamang sa hilagang bahagi ng mundo, na napapaloob sa mga kontinente. Halimbawa sa mga bansang mayroon kontinental na klima ay Ukraine. Polar Ang polar na klima ay matatagpuan sa loob ng Kabilugang Arktiko sa hilagang bahagi ng mundo at sa Kabilugang Antartiko sa timog na bahagi ng mundo. Ang polar na klima ay ang pinakamalamig sa lahat, at kabilang dito ang ice cap at tundra. Ang karaniwang temperatura ng polar na klima ay 10oC pababa. Halimbawa ng bansa na may polar na klima ay ilang bahagi ng timog Kyrgysztan at Russia.

Tundra sa Russia

Page 35: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 1 Heograpiyang …

Copyright © 2018 Quipper Limited 35

A. Isulat sa patlang ang tatlong uri ng tropikal na klima.

1. _______________________________________________________________________

2. _______________________________________________________________________

3. _______________________________________________________________________

Isulat sa ilalim ang tatlong uri ng kontinental na klima.

1. _______________________________________________________________________

2. _______________________________________________________________________

3. _______________________________________________________________________

B. Piliin ang titik ng wastong sagot sa sumusunod na tanong.

1. Anong kontinente o rehiyon ang mayroon pinakamayaman na wika, relihiyon, at paniniwala? a. Europa b. Timog Amerika c. Asya d. Aprika

2. Saan kontinente matatagpuan ang gubat na Amazon na sagana sa iba-ibang uri ng

halaman at hayop? a. Timog Amerika b. Aprika c. Hilagang Amerika d. Asya

Suriin Natin

Page 36: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 1 Heograpiyang …

Copyright © 2018 Quipper Limited 36

3. Anong klima ang nagsisilbing transisyon sa pagitan ng katamtaman na klima at polar

na klima? a. Tropikal b. Katamtaman c. Tuyo d. Kontinental

4. Sa anong bahagi ng mundo mahahanap ang pinakamainit na lugar?

a. Tuyo b. Polar c. Tropikal d. Kontinental

Sagutin ang sumusunod na tanong:

1. Sa aling kontinente matatagpuan ang Pilipinas? 2. Ilan ang uri ng klima ayon sa sistema ni Wladimir Koppen? 3. Alin ang pinakamainit at pinakamalamig na klima ayon sa sistema ng pag-uuri ni

Wladimir Koppen?

Bakit mahalaga na malaman ang tungkol sa pisikal at kultural na katangian ng mga kontinente sa daigdig?

Sagutin Natin

Pag-isipan Natin

Page 37: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 1 Heograpiyang …

Copyright © 2018 Quipper Limited 37

Pumili ng isang tanyag at kamangha-manghang estruktura o gusali mula sa mga rehiyon at kontinenteng natalakay. Gumawa ng isang maliit na modelo ng gusali o esstruktura gamit lamang ang mga popsicle sticks. Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:

Pamantayan [25%]

Mas Mababa kaysa Inaasahan

[50%] Kailangan pa

ng Pagsasanay

[75%] Magaling

[100%] Napakahusay Marka

Pagiging orihinal ng gawa at disenyo

Magkakaparehos ang gawa sa karamihan ng nasa klase

Magkaparehos ang gawa sa iilan sa klase

Walang kaparehos na gawa sa klase

Walang kaparehos; nagpakita ng katangi-tanging pagkamalikhain

Kasanayan/ Husay

Walang kahusayan sa pagguhit o paglikha ng likhang sining

Nagpapakita ng pagnanais na mapaghusay ang kanyang paggawa ng likhang sining

May angking husay sa paggawa; kailangan pa ng kaunting pagsasanay

Nagpapakita ng husay at galing sa paggawa; may sapat na kaalaman o pagsasanay

Panahon ng Paggawa

Nakapagpasa ng kanyang likhang sining sa loob ng dalawang linggo matapos ang itinakdang petsa ng pagpapasa

Nakapagpasa ng kanyang likhang sining sa loob ng isang linggo matapos ang itinakdang petsa ng pagpapasa

Nakapagpasa ng kanyang likhang sining sa itinakdang petsa ng pagpapasa

Nakapagpasa ng kanyang likhang sining bago pa ang itinakdang petsa ng pagpapasa

KABUUAN

Gawin Natin

Page 38: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 1 Heograpiyang …

Copyright © 2018 Quipper Limited 38

Aralin 4

Mga Likas na Yaman ng Daigdig

Mga likas na yaman sa daigdig Saanmang bahagi ng mundo at ano mang uri ng klima ay hindi mapagkakaila ang kagandahan ng daigdig. Mula sa nakabibighaning puti ng niyebe hanggang sa malagong berde ng tropikal na gubat, makikita ang yaman ng ating daigdig. Tunay ngang biyaya ang maging bahagi ng buhay sa daigdig na ito. Sa araling ito atin pang kilalanin at tatalakayin ang mga likas na yaman ng daigdig.

Layunin Natin Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang naiisa-isa ang mga likas na yaman ng mundo.

Page 39: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 1 Heograpiyang …

Copyright © 2018 Quipper Limited 39

Kumpletuhin ang crossword puzzle na nasa ibaba.

1. Mababang anyong lupa na nasa pagitan o pinalilibutan ng matataas na anyong lupa2. Mga anyong lupa na may katamtamang taas na mas maliit sa mga bundok3. Mataas na anyong lupa na may tuktok (peak) at madalas na may tangkad na 300

metro4. Ang pagkakaiba nito sa mga bundok ay ang patag nitong ibabaw.5. Malawak at patag na anyong lupa na walang pagbabago sa taas ng elebasyon

3.

1.

4.

2.

5.

Subukan Natin

Page 40: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 1 Heograpiyang …

Copyright © 2018 Quipper Limited 40

Ang daigdig ay sadyang maraming kaaya-ayang tanawin at yaman na nilalaman. Marami sa mga ito ay likas na matatagpuan sa daigdig, katulad ng mga anyong lupa, anyong tubig, at mga likas na yaman.

Mga Anyong Lupa Maraming uri ng anyong lupa ang matatagpuan sa daigdig. Ang iba sa kanila ay matataas; ang iba ay mababa; at ang ilan naman ay napapaligiran ng tubig.

Matataas na Anyong Lupa Ang bundok ay isang mataas na anyong lupa na may tuktok (peak) at madalas na may tangkad na 300 m pataas. Ang grupo ng mga bundok ay tinatawag na bulubundukin. Ang burol ay mga anyong lupa na may katamtamang taas na mas maliit sa mga bundok. Ang isa sa mga pagkakaiba ng mga burol sa bundok ay ang tuktok nito. Ang tuktok ng burol ay madalas na bilugan at hindi kasing tulis ng tuktok ng bundok. Ang talampas ay matataas ring anyong lupa. Ang pagkakaiba nito sa mga bundok ay ang patag nitong ibabaw. Ang ulan, erosyon, at mga gawain ng tao ang mag-aring magdulot ng pagkapatag ng isang talampas.

bundok burol talampas

Pag-aralan Natin Alamin Natin

Tandaan at gawing gabay ang kahulugan ng sumusunod na salita: • elebasyon – taas• nakausli – nakalabas• tubig tabang – tubig na hindi

maalat • estado – kalagayan• pilak – silver sa Ingles• tanso – copper sa Ingles

Page 41: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 1 Heograpiyang …

Copyright © 2018 Quipper Limited 41

Mabababang Anyong Lupa Dalawa sa mga uri ng mabababang anyong lupa ay ang lambak at kapatagan. Ang lambak ay mababang anyong lupa na nasa pagitan o pinalilibutan ng mga matataas na anyong lupa, tulad ng mga bundok o burol. Ang mga makikitid na lambak ay tinatawag na kanyon (canyon). Ang kapatagan ay malawak at patag na anyong lupa na walang pagbabago sa taas ng elebasyon.

lambak kapatagan

Mga Anyong Lupang Malapit sa Tubig Marami ang uri ng anyong lupa na malapit sa tubig. Ang baybayin ay anyong lupa na malapit sa karagatan. Ang tangway naman ay anyong lupa na nakausli at pinapaligiran ng tubig. Ang tawag sa mga maliit na tangway ay tangos. Ang pulo ay lupa na pinalilibutan ng tubig. Ang grupo ng mga pulo ay tinatawag na kapuluan.

baybayin tangway pulo

dagat

Page 42: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 1 Heograpiyang …

Copyright © 2018 Quipper Limited 42

Mga Anyong Tubig Katulad ng mga anyong lupa, marami ring uri ng mga anyong tubig na matatagpuan sa daigdig. Ang dagat ay malawak na anyong tubig na binubuo ng tubig alat. Katulad ng dagat, ang karagatan ay gawa rin sa tubig alat, ngunit ito ay mas malawak at mas malalim kaysa sa dagat.

May ilang anyong tubig na bahagi din ng dagat. Ang look ay isang bahagi ng dagat na pinalilibutan ng lupa na madalas na ginagamit na puwerto o daungan ng mga banka at barko. Katulad ng look, ang golpo ay bahagi rin ng dagat na pinalilibutan ng lupa, ngunit mas malawak at mas malaki ang golpo. Ang kipot naman ay makitid na anyong tubig na nagkakabit sa dalawang mas malaking anyong tubig.

look golpo kipot

Mayroon ding mga anyong tubig na binubuo ng tubig tabang. Ang ilog ay isang uri ng anyong tubig na dumadaloy. Madalas nanggagaling sa matataas na lugar ang tubig nito. Ang talon ay anyong tubig na dumadaloy din at nahuhulog mula sa mataas na lugar. Madalas itong nabubuo kapag ang ilog ay nahuhulog sa gilid ng matataas na anyong lupa. Ang lawa naman ay anyong tubig na hindi dumadaloy at pinalilibutan ng lupa. Mayroon ding uri ng lawa na binubuo ng tubig alat. Tinatawag itong salt lake.

ilog talon lawa

Page 43: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 1 Heograpiyang …

Copyright © 2018 Quipper Limited 43

Mga Likas na Yaman Ang mga likas na yaman ay mga natural na materyal na nakukuha ng mga tao mula sa daigdig. Ginagamit ng mga tao ang mga yamang ito upang makagawa o makabuo ng ibang bagay. Maraming paraan kung paano natin mauuri ang mga likas na yaman. Maaaring suriin ang mga likas na yaman ayon sa pinanggalingan, ayon sa kanilang kakayahan na magamit muli o renewability, at ayon sa estado ng paggamit.

Likas na Yaman Ayon sa Pinanggalingan Dalawa ang uri ng likas na yaman ayon sa pinanggalingan: biotic at abiotic. Ang biotic na likas na yaman ay mula sa mga buhay na materyal, katulad ng mga halaman at hayop. Kabilang dito ang mga yamang katulad ng mga troso, pananim, at karne mula sa mga hayop.

Ang abiotic na likas na yaman ay nagmula naman sa mga hindi buhay na materyal, katulad ng lupa, tubig, hangin, at iba pa. Kabilang dito ang mga mineral katulad ng ginto, pilak, at tanso.

Likas na Yaman Ayon sa Kakayahan na Mapalitan (Renewability) Dalawa rin ang uri ng likas na yaman ayon sa renewability: ang renewable at non-renewable. Ang renewable na likas na yaman ay maaaring mapalitan at maaaring gamitin muli.

Ang halimbawa ng renewable na likas na yaman ay ang sikat ng araw at ang hangin. Ngunit may ilang mga renewable na likas na yaman na hindi mabilis mapalitan. Kapag mas mabilis ang gamit sa mga ito kaysa sa pagpalit dito, maaari ring maubos ang mga ito.

Kabilang ang ginto sa mga abiotic na likas na yaman na matatagpuan sa daigdaig.

Isang halimbawa ng paggamit ng renewable na likas na yaman

(kuha ni Obra19 [CC BY-SA 3.0] mula sa Wikimedia Commons)

Page 44: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 1 Heograpiyang …

Copyright © 2018 Quipper Limited 44

Ang non-renewable na likas na yaman ay mabagal mabuo at hindi napapalitan o hindi madaling mapalitan. Ang mga halimbawa ng mga ito ay mga mineral. Likas na Yaman Ayon Estado ng Paggamit Hindi lahat ng mga likas na yaman ay madaling nagagamit ng mga tao. Ang ilan ay nangangailangan pang iproseso o gamitan ng teknolohiya. Ang mga klase ng likas na yaman ayon sa estado ng paggamit ay ang sumusunod:

• Potential resources: Mga likas na yaman na mahahanap sa isang rehiyon na maaaring gamitin sa hinaharap.

• Actual resources: Mga likas na yaman na natiyak na ang dami at panggagalingan, at ginagamit na sa kasalukuyan.

• Reserve resources: Mga bahagi ng aktwal na likas na yaman na maaari pang paunlarin sa hinaharap.

• Stock resources: Mga bahagi ng aktwal na likas na yaman na natiyak na ang dami at panggagalingan, pero hindi pa magamit dahil sa kakulangan ng teknolohiya.

Mayaman ang sa natural na gaas na maaaring pagkukunan ng petrolyo at kuryente ang karagatan sa kanluran ng Pilipinas

Isa ang coal o karbon sa mga non-renewable na likas na yaman.

Page 45: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 1 Heograpiyang …

Copyright © 2018 Quipper Limited 45

Isulat sa patlang kung TAMA o MALI ang sumusunod na pangungusap. _______________ 1. Dalawa sa uri ng mabababang anyong lupa ay ang lambak at kapatagan. _______________ 2. Ang makikikitid na lawa ay tinatawag na kanyon. _______________ 3. Tangway ang tawag sa nakausling lupa na napaliligiran ng tubig.

_______________ 4. Ang kipot ay makitid na anyong tubig na nagkakabit sa dalawang mas

malaking anyong tubig. _______________ 5. Ang mga puno sa gubat ay renewable na likas na yaman. _______________ 6. Ang Chocolate Hills sa Bohol ay maaaring maturing na bulubundukin

dahil ito ay grupo ng mga maliliit na bundok. _______________ 7. Maaaring gamitin nang mabilisan ang lahat ng renewable na likas na

yaman. _______________ 8. Ang coal na mula sa labi ng mga hayop at halaman ilang libong taon na

ang lumipas ay isang biotic na likas na yaman. _______________ 9. Maaaring maging maalat ang tubig sa lawa. _______________ 10. Ang non-renewable na likas na yaman ay mabagal mabuo at hindi

napapalitan o hindi madaling mapalitan.

Suriin Natin

Page 46: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 1 Heograpiyang …

Copyright © 2018 Quipper Limited 46

Sagutin ang sumusunod na tanong:

1. Ano-anong uri ng anyong lupa ang mataas? 2. Ano-anong uri ng anyong tubig ang bahagi ng dagat? 3. Ano ang mga uri ng likas na yaman ayon sa pinanggalingan?

Sa iyong palagay, bakit mahalaga sa buhay ng tao na malaman ang mga uri ng anyong lupa, anyong tubig, at mga likas na yaman?

Maghanap ng isang likas na yaman na malapit sa iyong puso at nanganganib na mawala. Magbasa at magsaliksik tungkol dito. Gumawa ng isang advocacy poster na nagpapakita kung bakit kailangang ingatan at pangalagaan ang likas na yamang ito. Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:

Pamantayan

[25%] Mas Mababa

kaysa Inaasahan

[50%] Kailangan pa

ng Pagsasanay

[75%] Magaling

[100%] Napakahusay

Marka

Paglalahad ng impormasyon

Karamihan sa mga impormasyong inilahad ay hindi tama

Karamihan sa mga impormasyong inilahad ay tama

Halos lahat ng impormasyong inilahad ay tama

Tama ang mga impormasyong inilahad

Pagiging orihinal ng gawa at disenyo

Magkakaparehos ang gawa sa karamihan ng nasa klase

Magkaparehos ang gawa sa iilan sa klase

Walang kaparehos na gawa sa klase

Walang kaparehos; nagpakita ng katangi-tanging pagkamalikhain

Sagutin Natin

Pag-isipan Natin

Gawin Natin

Page 47: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 1 Heograpiyang …

Copyright © 2018 Quipper Limited 47

Alam mo ba na ang tinatawag na Dead Sea sa Kanlurang Asya ay hindi isang dagat? Ang Dead Sea ay isang lawa. Karaniwan nating iniisip na ang lawa ay gawa sa tubig tabang (freshwater). Isang patunay ang Dead Sea na hindi ito too. Sa katunayan, sa sobrang alat ng tubig sa Dead Sea ay kayang lumitaw ng mga tao doon kahit hindi sila lumangoy o gumamit ng salbabida. Dahil sa sobrang alat, bacteria lamang ang kayang mabuhay dito. Ang Dead Sea rin ang pinakamababang punto sa ibabaw ng lupa. Mahahanap ito sa gitna ng mga bansang Israel at Jordan.

Kasanayan/ Husay

Walang kahusayan sa pagguhit o paglikha ng likhang sining

Nagpapakita ng pagnanais na mapaghusay ang kanyang paggawa ng likhang sining

May angking husay sa paggawa; kailangan pa ng kaunting pagsasanay

Panahon ng Paggawa

Nakapagpasa ng kanyang likhang sining sa loob ng dalawang linggo matapos ang itinakdang petsa ng pagpapasa

Nakapagpasa ng kanyang likhang sining sa loob ng isang linggo matapos ang itinakdang petsa ng pagpapasa

Nakapagpasa ng kanyang likhang sining sa itinakdang petsa ng pagpapasa

Nakapagpasa ng kanyang likhang sining bago pa ang itinakdang petsa ng pagpapasa

KABUUAN

Karagdagang Kaalaman

Lalaking nagbabasa ng diyaryo habang nakalutang sa Dead Sea

(kuha ni Pete [CC BY-SA 3.0] mula sa Wikimedia Commons.)

Page 48: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 1 Heograpiyang …

Copyright © 2018 Quipper Limited 48

Gumawa ng isang maikling audio-visual presentation na nagpapakita ng ganda o yaman ng daigdig pati na ang dahilan kung bakit kailangang pangalagaan ito. Maging maparaan at malikhain sa paggawa ng AVP. Piliin ang mga lugar na ligtas at malapit sa inyo para sa paggawa nito. Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:

Pamantayan

[25%] Mas Mababa

kaysa Inaasahan

[50%] Kailangan pa

ng Pagsasanay

[75%] Magaling

[100%] Napakahusay

Marka

Pag-unawa sa Paksa/ Gawain

Karamihan sa mga impormasyong inilahad ay hindi tama Ang pagtatanghalay hindi tumutugma sa paksa o gawain

Karamihan sa mga impormasyong inilahad ay tama Nagpapakita ng pag unawa sa paksa o gawain

Halos lahat ng imporma yong inilahad ay tama Nagpapakita ng tamang pag-unawa sa paksa o gawain

Tama ang mga impormasyong inilahad Nagpapakita ng ganap na pag-unawa sa paksa o gawain

Kooperasyon ng mga kasapi ng Pangkat

Hindi nagtutulungan ang mga kasapi para sa kanilang gagawing pagtatanghal Isang tao lamang ang gumagawa para sa pagtatanghal

Ang mga kasapi ay may kani-kaniyang ideya at hindi magkasundo sa dapat nilang gawin Ilang kasapi lamang ang nagaambag para sa pagtatanghal

Ang mga kasapi ay tumatanggap ng ideya nang hindi nagbibigay ng negatibong komento at sinusubukang magkasundo sa dapat gawin

Ang mga kasapi ay tumatanggap ng ideya ng isa’t isa at nagkakasundo as dapat gawin Lahat ng kasapi ay may ambag sa pagbuo ng presentasyon

Pagyamanin Natin

Page 49: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 1 Heograpiyang …

Copyright © 2018 Quipper Limited 49

Karamihan sa mga kasapi ay nagbibigay ng ambag sa pagbuo ng presentasyon

Presentasyon/ Pagtatanghal

Nagpuputol-putol ang pagtatanghal Hindi halos nakikinig o nanonood ang mga manonood

Maraming pagkakataon na bumubulong at hindi naririnig

Hindi gumagamit ng angkop na galaw o kilos; o hindi masyadong gumagalaw

Nagpapakita ng pagkahiya o hindi tiyak ang gagawin

Sinusubukang makuha ang interes ng mga manonood

Hindi masyadong marinig sa ilang pagkakataon

Gumagamit ng angkop na galaw at kilos sa ilang pagkakataon

Nagpapakita ng kumpiyansa

Nakukuha ang interes ng mga manonood

Nagsasalita sa paraang naririnig ng mga manonood

Gumagamit ng angkop na galaw at kilos sa maraming pagkakataon

Nagpapakita ng kumpiyansa

Nakakaaliw at nakukuha ang interes ng mga manonood

Nagsasalita nang malakas at malinaw

Gumagamit ng angkop na galaw at kilos

KABUUAN

Page 50: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 1 Heograpiyang …

Copyright © 2018 Quipper Limited 50

Paglalagom

Heograpiyang Pisikal ng Daigdig

Teoryang Tungkol sa Pinagmulan ng

Daigdig

Teoryang Makarelihiyon

Teoryang Siyentipiko

Pangunahing Katangian ng

Daigdig

Hugis at Sukat

Mga Bahagi

Mga Rehiyonng Daigdig

Asya

Aprika

Hilagang Amerika

Timog Amerika

Europa

Australia

Antartika

Mga Klima ng Daigdig

Tropikal

Tuyo

Katamtaman

Kontinental

Polar

Likas na Yamanng Daigdig

Anyong Lupa

Anyong Tubig

Likas na Yaman

Page 51: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 1 Heograpiyang …

Copyright © 2018 Quipper Limited 51

Ang sumusunod na link ay maaaring tingnan para sa karagdagang impormasyon o mas malalim na pagtalakay

• The Formation of the Solar System in 4K ng The Daily Conversation(https://www.youtube.com/watch?v=x1QTc5YeO6w)

• 25 Incredibly Beautiful World Heritage Sites ng list 25(https://www.youtube.com/watch?v=_HUWY-yLUCg)

DAPAT TANDAAN

• Ang dalawang uri ng teorya na nagpapaliwanag sa pinagmulan ngdaigdig ay ang mga teoryang makarelihiyon o creationism at mgateoryang siyentipiko.

• Ang daigdig ay hugis oblate-spheroid. Ang sukat nito sa bahagingekwador ay mahigit 40,000 kilometro.

• Ang daigdig ay binubuo ng apat na bahagi o sphere: lithosphere,hydrosphere, biosphere, at atmosphere.

• Ang kalupaan ng daigdig ay bumubuo ng 1/3 ng ibabaw ng daigdig.Ang katubigan ay bumubuo ng mahigit 2/3 ng ibabaw ng mundo.

• Ang pitong kontinente ay ang sumusunod: Asya, Aprika, HilagangAmerika, Timog Amerika, Antartika, Europa, at Australia.

• Ayon sa sistema ni Vladimir Koppen, mayroong limang uri ng klima:tropikal, tuyo, katamtaman, kontinental, at polar.

• Maraming uri ng anyong lupa ang matatagpuan sa daigdig. Ang ibasa kanila ay matataas; ang iba ay mababa; at ang ilan naman aynapapaligiran ng tubig.

• Maaaring suriin ang mga likas na yaman ayon sa pinanggalingan,ayon sa kanilang kakayahan na magamit muli o renewability, at ayonsa estado ng paggamit.

Dagdag Sanggunian

Page 52: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 1 Heograpiyang …

Copyright © 2018 Quipper Limited 52

• Expanding Earth and Pangaea Theory ng CoolScienceVideos(https://www.youtube.com/watch?v=3HDb9Ijynfo)

• Plate Tectonics ng BrainPop(https://www.youtube.com/watch?v=RA2-Vc4PIOY)

Aralin 1: Mga Teorya tungkol sa Pinagmulan ng Daigdig

Subukan Natin 1. Pierre-Simon Laplace2. Georges-Louis Leclerc

3. Thomas Chamberlin4. René Descartes

Suriin Natin 1. Nebular 6. Condensation2. Dynamic Encounter 7. Planetisimal3. Collision 8. Nebular4. Dynamic Encounter 9. Planetisimal5. Condensation 10. Collision

Aralin 2: Mga Pangunahing Katangian ng Daigdig

Subukan Natin 1. J2. L

3. L4. J

Suriin natin A.

1. 40,000 km2. oblate-spheroid3. 23.5 digri4. biome5. hydrosphere

Gabay sa Pagwawasto

Page 53: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 1 Heograpiyang …

Copyright © 2018 Quipper Limited 53

B. 1. c2. b3. d4. a5. d

Aralin 3: Mga Rehiyon at Klima sa Daigdig

Subukan Natin: 1. Hilagang Amerika2. Timog Amerika3. Europa4. Aprika5. Asya6. Australia7. Antartika

Suriin Natin A. a. tropical wet or rainforestb. tropical monsoonc. tropical wet and dry or tropical savannad. warm summere. cool summerf. sub-arctic

B. 1. c2. a3. d4. a

Page 54: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 1 Heograpiyang …

Copyright © 2018 Quipper Limited 54

Aralin 4: Mga Likas na Yaman ng Daigdig

Subukan Natin:

Suriin Natin 1. Tama2. Mali3. Tama4. Tama5. Tama6. Mali7. Mali8. Mali9. Tama10. Tama

Page 55: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 1 Heograpiyang …

Copyright © 2018 Quipper Limited 55

"Ang Mga Kontinente. Araling Panlipunan 8." Deped K to 12. Nakuha mula sa http://depedkto12.blogspot.com/2015/08/ang-mga-kontinente-araling-panlipunan-8.html

"Antarctic Animals." Australian Government: Australian Antarctic Division. Nakuha mula sa http://www.antarctica.gov.au/about-antarctica/wildlife/animals

"Area of the Earth's Land Surface." Hypertextbook.com. Nakuha mula sa http://hypertextbook.com/facts/2001/DanielChen.shtml

"Climate Regions." South Skidsap School District. Nakuha mula sa https://www.skitsap.wednet.edu/cms/lib/WA01000495/Centricity/Domain/914/Prentice%20Hall%20Weather%20and%20Climate%20Chapter%204%20Section%202%2012%2022%202010.pdf

"Climate." National Geographic. Nakuha mula sa https://www.nationalgeographic.org/ encyclopedia/climate/

"Earth." National Geographic. Nakuha mula sa http://www.nationalgeographic.com/ science/space/solar-system/earth/

"Earth: Overview: Our Home Planet." National Aeronautics Space Administration. Nakuha mula sa https://solarsystem.nasa.gov/planets/earth

"Earth's Layers Lesson 1." Oregon State University. Nakuha mula sa http://volcano. oregonstate.edu/book/export/html/1082

"Earth's Spheres." Center for Education Technology. Nakuha mula sa http://www.cotf.edu/ete/ess/essspheres.html

"Formation of the Solar System." Highline College. Nakuha mula sa https://people.highline. edu/iglozman/classes/astronotes/solsys_form.htm.

"Hinduism: Beliefs About Creation and Evolution." British Broadcasting Corporation. Nakuha mula sa http://www.bbc.co.uk/schools/gcsebitesize/rs/environment/ hinduismbeliefsrev1.shtml

"Landform: Definition and Types." Study.com. Nakuha mula sa http://study.com/academy/ lesson/landform-definition-types-quiz.html

"Landforms." Government of Prince Edward Island, Canada. Nakuha mula sa http://www.edu.pe.ca/southernkings/landforms.htm

"Layers of Earth's Atmosphere." University Corporation for Atmospheric Research Center for Science Education. Nakuha mula sa http://climate.ncsu.edu/edu/k12/.AtmComposition

Sanggunian

Page 56: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 1 Heograpiyang …

Copyright © 2018 Quipper Limited 56

"Mapping Africa's Natural Resources." Aljazeera.com. Nakuha mula sa http://www.aljazeera.com/indepth/interactive/2016/10/mapping-africa-natural-resources-161020075811145.html

"Old Earth, Ancient Life: Georges-Louis Leclerc, Comte de Buffon." Berkeley University of California. Nakuha mula sa http://evolution.berkeley.edu/evolibrary/article/history_06

"The 5 Oceans of the World - Maps and Details." World Atlas. Nakuha mula sa https://www.nationalgeographic.org/encyclopedia/mantle/

"The Origin of Japan and her People." University of Georgia. Nakuha mula sa http://www.gly.uga.edu/railsback/CS/CSJapan.html

"The Seven Continents." Western Oregon University. Nakuha mula sa http://www.wou.edu/ ~kathomas06/myweb/homepage.htm

"Types of Natural Resources." Boundless.com. Nakuha mula sa https://www.boundless.com/economics/textbooks/boundless-economics-textbook/natural-resource-economics-36/introduction-to-natural-resource-economics-136/types-of-natural-resources-536-12633/

"Types of Water Bodies." Mocomi.com. Nakuha mula sa http://mocomi.com/types-of-waterbodies/

"What are Natural Resources? Definition and Types." Study.com. Nakuha mula sa http://study.com/academy/lesson/what-are-natural-resources-definition-lesson-quiz.html

The Editors of Encyclopedia Britannica. “Heliocentric System.” Britannica.com. Nakuha mula sa https://www.britannica.com/science/heliocentric-system

Fennell, Jeff. "The Solar Nebular Hypothesis." Study.com. Nakuha mula sa http://study.com/academy/lesson/solar-nebular-hypothesis-definition-lesson-quiz.html

Pletcher, Kenneth. “Dead Sea.” Britannica.com. Nakuha mula sa https://www.britannica. com/place/Dead-Sea

Owen, Toblas. "Solar System." Encyclopaedia Britannica. Nakuha mula sa https://www.britannica.com/topic/solar-system#ref842465

Wolf, Jessica. “The Truth About Galileo and His Conflict with the Catholic Church” UCLA Newsroom. Nakuha mula sa http://newsroom.ucla.edu/releases/the-truth-about-galileo-and-his-conflict-with-the-catholic-church

Woolfson, Michael. The Origin and Evolution of the Solar System. Boca Raton, Florida: CRC Press, 2000.