13
Copyright © 2018 Quipper Limited 1 ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 4 Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig TALAAN NG NILALAMAN Aralin 5: Kabihasnang Ehipto 57 57 58 59 59 66 67 67 Layunin Natin Subukan Natin Alamin Natin Pag-aralan Natin Suriin Natin Sagutin Natin Pag-isipan Natin Gawin Natin 67

ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 4 Mga Sinaunang

  • Upload
    others

  • View
    50

  • Download
    1

Embed Size (px)

Citation preview

Copyright © 2018 Quipper Limited 1

ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 4

Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig TALAAN NG NILALAMAN

Aralin 5: Kabihasnang Ehipto 57 57 58 59 59 66 67 67

Layunin Natin Subukan Natin Alamin Natin Pag-aralan Natin Suriin Natin Sagutin Natin Pag-isipan Natin Gawin Natin 67

Copyright © 2018 Quipper Limited 57

Aralin 5

Kabihasnang Ehipto

Mga Pyramid ng Giza sa Ehipto

Ang sinaunang Ehipto ay isang matandang kabihasnan sa hilagang-silangang ng Aprika. Nagsimula ang kabihasnang ito sa mababang bahagi ng Ilog Nile kung saan matatagpuan ang kasalukuyang Ehipto. Tinatayang nag-umpisa ang kabihasnang ito noong 3150 BCE. Ang kasaysayan ng sinaunang Ehipto ay hinubog ng matatatag na kaharian. Narating ng Ehipto ang kaniyang kasikatan sa panahon ng tinatawag na Bagong Kaharian. Ano pa ang mahahalagang pangyayaring nakapaloob sa kabihasnang Ehipto? Ano ang naging kalagayang pulitikal, ekonomikal, at kultural ng kabihasnang ito?

Layunin Natin Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang nasusuri ang kabihasnang Ehipto batay sa pulitika, ekonomiya, kultura, relihiyon, paniniwala, at lipunan nito.

Copyright © 2018 Quipper Limited 58

Kilalanin o tukuyin ang sumusunod na mga larawan.

1.

___________________________________

2.

____________________________________

3.

____________________________________

4.

____________________________________

5.

____________________________________

Subukan Natin

Copyright © 2018 Quipper Limited 59

Ang kabihasnang Ehipto ay umusbong nang halos kasabay ng kabihasnang Mesopotamia. Katulad ng ibang naunang sibilisasyon, nagsimula ang kabihasnang Ehipto sa rebolusyong neolitiko. Heograpiya ng Ehipto Ang Ilog Nile ay ang sentro ng pag-usbong at pag-unlad ng kabihasnang Ehipto. Taon-taon ay umaapaw ang ilog at nag-iiwan ng mga mineral na nagpapataba ng lupa. Alam ng mga Ehipsyo (o Ehipsyano) kung kailan mangyayari ang pag-apaw, hindi katulad ng Ilog Tigris at Ilog Euphrates ng Mesopotamia, kaya naman nakita nila ito bilang isang biyaya. Ang mga pamayanan ay umusbong sa palibot ng ilog, at ang dalawang pinakamahalagang bahagi nito ay ang Upper Egypt na matatagpuan sa lambak ng Nile at ang Lower Egypt na natatagpuan sa delta ng Nile. Bukod sa pagiging mainam sa agrikultura, nagsilbi rin bilang paraan ng paglalakbay ang Ilog Nile. Ang Ehipto ay nabiyayaan din ng mga likas na panangga sa pagsalakay ng mga kalaban. Pinalilibutan ito ng mga disyerto at ng Dagat Mediterranean sa dakong hilaga.

Pag-aralan Natin

Alamin Natin Tandaan at gawing gabay ang kahulugan ng sumusunod na mga salita: • delta – pampang • midyum – paraan, gamit • aristokrata – mataas na uri ng

tao sa lipunan

Ilog Nile

Copyright © 2018 Quipper Limited 60

Kasaysayan, Pamumuhay, at Ambag ng Kabihasnang Ehipto Ayon kay Manetho, isang Ehipsyong pari, ang kasaysayan ng kabihasnang Ehipto ay nahati sa dinastiya ng 31 hari. Ginamit ng mga historyador ang listahan ni Manetho at hinati nila ang kasaysayan ng Ehipto sa tatlong pangunahing kaharian—ang Lumang Kaharian, Gitnang Kaharian, at Bagong Kaharian, na mayroong malakas at matatag na pamamahala, mahusay na bureaukrasya, at laganap na sining at agham. Sa pagitan ng mga pangunahing kahariang ito ay mga "panahong intermediya o panggitna,” kung kailan mahina ang pamamahala, nagkaroon ng pag-aaway para sa pamumuno, mga pagsalakay, at pagbawas sa paglikha ng mga monumentong estruktura at mga gawang sining.

UNANG DINASTIYA (c. 2925 BCE - c.2575 BCE) Ang unang hari sa nakasulat na kasaysayan ng Ehipto ay si Haring Menes. Siya ang pinaniniwalaang gumawa ng sistema ng irigasyon at ang nagtatag sa kabisera sa Memphis.

Ambag ng Unang Dinastiya Noong Unang Dinastiya, bahagyang kumalat ang pagsusulat, dahil ginamit ito sa administrasyon at mga talaan. Sa kalagitnaan ng dinastiya, naimbento ang papyrus bilang midyum ng pagsulat.

LUMANG KAHARIAN (2575 BCE-2125 BCE) AT GITNANG KAHARIAN (2010 BCE- 1630 BCE) Ang Lumang Kaharian (2686 BCE-2181 BCE) ay binubuo ng ikaapat hanggang ikawalong dinastiya ng mga hari ng Ehipto. Ito ay itinuturing bilang isang panahon ng kasaganaan at karangyaan at tinagurian ding "Panahon ng Pyramid," dahil sa pagtatayo ng pinakamalalaking pyramid. Nagsimula ang pagbagsak ng Lumang Kaharian dahil sa malaki nitong gastusin sa mga monumental na estruktura. Bukod pa rito, nagsimula ring lumakas ang mga aristokrata na nag-agawan para sa trono na nagdulot ng kawalan ng pagkakaisa sa kaharian noong Unang Panahong Panggitna.

Noong Unang Panahong Panggitna, nawala ang sentral na awtoridad na kinakailangan upang panatilihin ang sistema ng irigasyon. Nagkaroon din ng mga digmaang sibil.

Amenemhet I

Copyright © 2018 Quipper Limited 61

Nagsimula muli ang pagtatag ng sentralisasyon nang ang mga paraon ng Gitnang Kaharian ay umakyat sa kapangyarihan noong mga 2010 BCE. Si Amenemhet I ay kilala bilang tagawakas ng pagkakagulo ayon sa mga nakasulat na mga tala tungkol sa kaniya. Siya ay dating vizier o tagapayo na umakyat sa kapangyarihan at naging paraon. Ang pagbabalik ng politikal na katiwasayan ay nagdulot sa muling pagkabuhay ng buhay-kultural at ng ekonomikal. Pinalawak din ng mga paraon ng kahariang ito ang teritoryo na umabot sa lupain ng Nubia (kasalukuyang Sudan) na mayaman sa ginto. Noong 1800 BCE, nagsimula na namang humina ang sentralisadong awtoridad at nagbigay daan ito sa Pangalawang Panahong Panggitna. Sa Pangalawang Panahong Panggitna, bumalik ang kapangyarihan ng mga aristokrata, nakalaya ang Nubia, at sinakop ang Ehipto ng mga Hyksos. Ang mga Hyksos ay nanatili sa Ehipto nang mahigit 100 taon. Pulitika, Ekonomiya, at Pamumuhay noong Lumang Kaharian at Gitnang Kaharian Ang estrukturang panlipunan ng Ehipto noong panahong iyon ay pinangungunahan ng paraon. Pag-aralan ang grapikong pantulong: Ang posisyon ng paraon o hari ay isang institusyon na nagmula sa mga diyos. Ang paraon ay itinuturing bilang diyos na namamagitan sa tao at ibang diyos. Noong simula, ang administrasyon ay nasa ilalim ang pamilya ng paraon, ngunit noong ikaapat na dinastiya, mayroon nang bureaukrasya na namamahala sa iba't ibang aspeto ng pamumuhay sa kaharian. Ang kaharian ay

Grapikong Pantulong na Nagpapakita ng Uri ng mga Tao sa Sinaunang Lipunan ng Ehipto

Copyright © 2018 Quipper Limited 62

hinahati sa mga probinsya o nomes na pinamumunuan ng gobernador. Noong Lumang Kaharian, ang tinitingala ang paraon bilang haring diyos na mahirap abutin at lapitan, ngunit noong Gitnang Kaharian, ito ay nag-iba at ang paraon ay naging tinitingnan bilang pastol na nagbibigay ng mga pangangailangan sa pamamagitan ng mga estruktura at serbisyo para sa ikabubuti ng kaniyang mga pinamumunuan.Ang relihiyon ay mahalaga sa pamumuhay ng mga Ehipsyo. Marami silang diyos na kumakatawan sa mga bagay na nasa langit at sa kalikasan. Naniniwala rin sila sa kabilang buhay. Ambag ng Lumang Kaharian at Gitnang Kaharian Naging kilala ang Lumang Kaharian para sa mga monumental na pyramid na itinayo sa panahong iyon. Ang Great Pyramid ni Khufu at Step Pyramid ni Djoser ang pinakakilala sa mga ito. Ang mga pyramid ay ipinatatayo bilang libingan ng paraon at ng kaniyang pamilya. Ang mummification ay isa rin sa mahahalagang ritwal na isinasagawa noon. Naniniwala ang mga Ehipsyo na ang tao ay may dalawang katawan—ang pisikal at espiritwal. Kapag maayos ang pagka-mummify sa katawan ng namatay, naniniwala sila na maaaring balikan ng espiritwal na kat awan ang pisikal na katawan nito.

Great Pyramid ni Khufu

Step Pyramid ni Djoser

Copyright © 2018 Quipper Limited 63

Ang kanilang sistema ng panulat na tinatawag na hieroglyphics ay lumaganap din noong panahong iyon. Binubuo ang hierogylphics ng mga symbol at hindi ito isang alpabeto. Marami ring mga gawa o likhang sining na nalikha noong panahon na iyon bilang bahagi ng mga ritwal, katulad ng pagpinta sa mga pader at mga eskultura. BAGONG KAHARIAN (1539-1069 BCE) AT ANG PAGBAGSAK NG KABIHASNANG EHIPTO Si Ahmose I ang tumalo at nagpaalis sa mga Hyksos mula sa Ehipto. Matapos niyang gawin ito, pinagkaisa niya ang Ehipto at itinatag niya ang ika-18 dinastiya, ang simula ng Bagong Kaharian. Sa ilalim ng pamumuno niya, sinimulan niya ang aktibong pananakop na sinundan ng ibang paraon sa Bagong Kaharian. Noong panahon ng Bagong Kaharian, ang Ehipto ang naging pinakamalakas sa buong Gitnang Silangan. Pinalawak ni Thutmose I ang mga hangganan ng teritoryo sa timog sa pamamagitan ng pagsakop muli sa Nubia. Pinalawak naman ni Thutmose III ang teritoryo sa Canaan at Phoenicia. Pinalakas pa at pinayaman ni Amenhotep ang kaharian sa pamamagitan ng pagbabalik ng yaman mula sa mga nasakop na lugar. Noong panahon naman ni Amenhotep III, nagkaroon ng malawakang pagpapatayo ng bagong mga gusali at

Mga Hieroglyphs at Mural na Nagpapakita ng Pagtimbang ng Puso ng Isang Namatay

Amenhotep IV o Akhenaten (CC BY-SA 1.0 mula sa Wikimedia Commons)

Copyright © 2018 Quipper Limited 64

templo, ngunit ang sumunod na si Amenhotep IV ang nagdulot ng paghina ng kaharian dahil sa kaniyang pagsubok na palitan ang mga diyos ng Ehipto. Dating naniniwala ang mga sinaunang Ehipsiyo sa maraming diyos. Ngunit noong naging paraon si Amenhotep IV, pinalitan niya ito sa iisang diyos na si Aten at binago ang kanyang pangalan sa Akhenaten. Sa ilalim ni Ramses II, panandaliang bumalik ang lakas ng Ehipto. Pagkatapos ng kaniyang pagkamatay, sa loob ng 1,000 taon, napasailalim ang Ehipto sa mga Libyan, Nubian, Assyrian, Persian, at ng Macedonian sa ilalim ni Alexander the Great. Matapos ang pamumuno ng huling paraon ng Ehipto, napasailalim sa Roma ang Ehipto. Pulitika, Ekonomiya, at Pamumuhay sa Bagong Kaharian Ang pamahalaan ng Bagong Kaharian ay pinamumunuan ng mga paraon na nagpakita ng lakas sa pamamagitan ng pagsakop at pagpapalawak ng teritoryo ng Ehipto. Naging mahalaga noon ang mga natutunan nila sa mga Hyksos—ang paggamit ng tansong pula para sa mga armas at kasangkapan at ang paggamit ng chariot. Ang mga babae noong panahong iyon ay maaaring magkaron ng sariling pag-aari, kahit sila ay ipakasal. Maaari ding magtayo ng negosyo ang mga babae. Ang mga aristokratang babae ay maaari ding magkaroon ng mataas na posisyon sa gobyerno. Ang pinakakilala sa kababaihang aristokrata ay si Hatshepsut na isa sa mga naging unang babaeng paraon. Nanatiling masagana ang Ehipto noong panahong iyon, at kinaya nitong pakainin ang buong populasyon. Dahil din sa kasaganaang ito, ang matataas na uring panlipunan ay namuhay nang marangya.

Hatshepsut

Copyright © 2018 Quipper Limited 65

Ambag ng Bagong Kaharian Bukod sa pagpapalawak ng teritoryo at pagpapalakas ng kaharian, maraming monumental na estruktura at gusali ang ipinagawa noong panahon ng Bagong Kaharian. Ang ilan dito ay ang malaking estatwa ni Ramses II, ang kambal na templo ng Abu Simbel, at ang Lambak ng mga Hari, kung saan ipinatayo ang mga libingan ng mga hari at ibang makapangyarihang aristokrata.

Templo ng Abu Simbel

Pinta sa Pader ng Isang Libingan sa Lambak ng mga Hari (CC BY-SA 3.0 mula sa Wikimedia Commons)

Copyright © 2018 Quipper Limited 66

Ipaliwanag sa isang maikling pangungusap ang sumusunod ayon sa sariling pagkaunawa. Tiyaking nakaugnay ang paliwanag sa aralin.

1. ilog

_____________________________________________________________________________________.

2. hari

_____________________________________________________________________________________.

3. pyramid

_____________________________________________________________________________________.

4. paraon

_____________________________________________________________________________________.

5. mummification

_____________________________________________________________________________________.

6. hieroglyphics

______________________________________________________________________________________.

7. Luma at Gitnang Kaharian

______________________________________________________________________________________.

8. Bagong Kaharian

______________________________________________________________________________________.

9. Luma, Gitna, at Bagong Kaharian

______________________________________________________________________________________.

10. Pagbagsak ng Kabihasnang Ehipto

______________________________________________________________________________________.

Suriin Natin

Copyright © 2018 Quipper Limited 67

Sagutin ang sumusunod na mga tanong:

1. Bakit mahalaga ang Ilog Nile sa Ehipto? 2. Paano mo ilalarawan ang panahong panggitna? 3. Gaano kataas at kahalaga ang isang paraon ng Ehipto?

Ano ang ipinahihiwatig ng pagpapatayo ng malalaki at magagarang pyramid na nagsilbing libingan ng mga paraon sa Ehipto?

Magsaliksik ng dalawang halimbawa ng estrukturang itinayo ng kabihasnang Ehipto, maliban sa mga pyramid. Kalakip ng mga larawan ay ang deskripsyon ng mga estruktura. Ilista rin ang kahalagahan sa kasaysayan ng dalawang estrukturang ito.

Sagutin Natin

Pag-isipan Natin

Gawin Natin

Copyright © 2018 Quipper Limited 68

Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:

Pamantayan [25%]

Mas Mababa kaysa Inaasahan

[50%] Kailangan pa ng

Pagsasanay

[75%] Magaling

[100%] Napakahusay

Marka

Nilalaman Wala o mali ang mga larawan; mali ang pagkakalatag deskripsyon ng dalawang larawan; malabo ang pagpapahayag ng kahalagahan nito sa kasaysayan

Kumpleto at tama ang isang larawan; tama ang pagkakalatag deskripsyon ng isang larawan; medyo malabo ang pagpapahayag ng kahalagahan nito sa kasaysayan

Kumpleto at tama ang dalawang larawan; mahusay ang pagkakalatag deskripsyon; malinaw na naipahayag ang kahalagahan nito sa kasaysayan

Kumpleto at tama ang dalawang larawan; napakahusay ng pagkakalatag ng deskripsyon; napakalinaw na naipahayag ang kahalagahan nito sa kasaysayan

Kaayusan at Kalinisan

Walang kaayusan at napakadumi ng output; napakaraming nakitang bura, dumi o pagkakamali

Kailangang matutong maging maayos at malinis sa paggawa; maraming nakitang bura, dumi, o pagkakamali

Maayos at malinis ang output; may ilang nakitang bura, dumi, o pagkakamali

Napakaayos at napakalinis ng ipinasang output; walang nakitang bura, dumi, o pagkakamali

Panahon ng Paggawa

Nakapagpasa ng output sa loob ng ilang minuto/ oras/araw/linggo matapos ang itinakdang panahon ng pagpapasa dahil ipinaalala ng guro

Nakapagpasa ng output sa loob ng ilang minuto/oras/ araw/ linggo matapos ang itinakdang panahon ng pagpapasa

Nakapagpasa ng output sa itinakdang minuto/oras/ araw/linggo ng pagpapasa

Nakapagpasa ng output bago pa ang itinakdang minuto/oras/ araw/linggo ng pagpapasa

KABUUAN