25
Copyright © 2018 Quipper Limited 1 ARALING PANLIPUNAN BAITANG 5, YUNIT 3 Katangian ng Pilipinas Bilang Isang Arkipelago TALAAN NG NILALAMAN 3 Introduksyon Aralin 1: Ang Pilipinas bilang Isang Arkipelago 4 Layunin Natin 4 Subukan Natin 5 Alamin Natin 6 Pag-aralan Natin 6 Suriin Natin 9 Sagutin Natin 10 Pag-isipin Natin 10 Gawin Natin 10 Aralin 2: Hangganan at Territoryo ng Pilipinas bilang Isang Arkipelago 14 Layunin Natin 14 Subukan Natin 16 Alamin Natin 17 Pag-aralan Natin 17 Suriin Natin 20 Sagutin Natin 21 Pag-isipin Natin 21 Gawin Natin 21

ARALING PANLIPUNAN BAITANG 5, YUNIT 3 Katangian ng

  • Upload
    others

  • View
    34

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Copyright © 2018 Quipper Limited

1

ARALING PANLIPUNAN

BAITANG 5, YUNIT 3

Katangian ng Pilipinas Bilang Isang

Arkipelago TALAAN NG NILALAMAN

3 Introduksyon

Aralin 1: Ang Pilipinas bilang Isang Arkipelago 4

Layunin Natin 4

Subukan Natin 5Alamin Natin 6Pag-aralan Natin 6Suriin Natin 9Sagutin Natin 10Pag-isipin Natin 10Gawin Natin 10

Aralin 2: Hangganan at Territoryo ng Pilipinas bilang Isang Arkipelago 14

Layunin Natin 14

Subukan Natin 16

Alamin Natin 17

Pag-aralan Natin 17

Suriin Natin 20

Sagutin Natin 21

Pag-isipin Natin 21

Gawin Natin 21

Copyright © 2018 Quipper Limited

2

Karagdagang Kaalaman 23

Pagyamanin Natin 24

Paglalagom 22Dapat Tandaan 22Dagdag Sanggunian 22Gabay sa Pagwawasto 23Sanggunian 25

Copyright © 2018 Quipper Limited

3

BAITANG 5 | ARALING PANLIPUNAN

YUNIT 3

Katangian ng Pilipinas Bilang Isang

Arkipelago

Mapa ng Pilipinas

Kinilala ang Pilipinas ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) bilang

isang archipelagic state noong ika-10 ng Disyembre, 1982. Ang designasiyong archipelagic

state ay ibinibigay lamang sa mga malayang bansa na binubuo ng mga grupo ng isla na

tinuturing na iisa. Ang mga isla ng isang bansang arkipelago ay pinagkokonekta ng iba’t

ibang anyong tubig na itinuturing na sakop ng soberanya at panloob na katubigan ng

bansa.

Sa yunit na ito, ating sisyasatin ang iba’t ibang katangian ng Pilipinas bilang isang

arkipelago at ang mga hangganan ng teritoryo nito. Atin ding pag-aaralan ang mga

benepisyo at hamong kinahaharap ng bansa dahil sa pagiging arkipelago nito.

Copyright © 2018 Quipper Limited

4

Aralin 1

Ang Pilipinas bilang Isang Arkipelago

Ang Pilipinas bilang isang arkipelago

ay nahahati sa tatlong pangunahing

grupo ng isla—ang Luzon, Visayas, at

Mindanao. Ang lugar na tinatawag

na Luzon ay binubuo ng pitong

grupo ng mga isla; ang Visayas ay

binubuo naman ng siyam na grupo

ng mga isla, at ang Mindanao ay

binubuo ng anim na mas maliliit na

grupo ng isla.

Ayon sa National Mapping and

Resource Information Authority

(NAMRIA), may mga bagong pulo na

natuklasang sakop ng Pilipinas na

ngayon pa lang nailagay sa mapa ng

bansa. Dahil dito, ang Pilipinas ay

kasalukuyang binubuo na ng 7,641

na pulo—mas marami ng higit sa

500 pulo kaysa sa alam nating bilang

na 7,107 na pulo. Ayon sa tala ng

ating pamahalaan, nasa 1,000 pulo

lamang sa bansa ang pinaninirahan

ng mga Pilipino.

Layunin Natin

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang natatalakay ang mga

katangian ng Pilipinas bilang isang bansang arkipelago.

Pisikal na Mapa ng Pilipinas

Gawa ni Eugene Alvin Villar para sa Wikipedia Pilipinas

Copyright © 2018 Quipper Limited

5

Simula Agosto 2017, mayroon nang 17 rehiyon sa Pilipinas.

Ano-ano ang pangalan ng mga rehiyong ito? Ano-anong probinsya ang kanilang

nasasakupan? Sa pamamagitan ng blankong mapa sa ibaba, tukuyin kung nasaan

ang bawat rehiyon.

1. ________________________________

2. ________________________________

3. ________________________________

4. ________________________________

5. ________________________________

6. ________________________________

7. ________________________________

8. ________________________________

9. ________________________________

10. ________________________________

11. ________________________________

12. ________________________________

13. ________________________________

14. ________________________________

15. ________________________________

16. ________________________________

17. ________________________________

Subukan Natin

Copyright © 2018 Quipper Limited

6

Dahil napalilibutan ng katubigan, sagana ang

Pilipinas sa iba’t ibang likas na yaman. Ito ang

pangunahing dahilan kung bakit ito

binansagang “Perlas ng Silangan.”

Lokasyon ng Kapuluan ng Pilipinas Ang kapuluan ng Pilipinas ay isa sa mga bansa

sa Timog-Silangang Asya, sa bandang

silangang bahagi ng rehiyon. Ang Pilipinas ang

daan papasok sa rehiyon dahil ito ang unang

bansang makikita kung ikaw ay tutungo sa

Timog-Silangang Asya sa pamamagitan ng

pagtawid sa Karagatang Pasipiko. Bukod sa

Pilipinas, may iba pang islang bansa o

arkipelago sa rehiyong ito. Ang Malaysia at

Indonesia ay mga bansa na binubuo rin ng

mga pulo.

Ang Pilipinas sa Timog-Silangang Asya

Pag-aralan Natin Alamin Natin

Tandaan at gawing gabay ang

kahulugan ng sumusunod na

salita:

• kapuluan – binubuo ng

maraming pulo o isla

• tutungo - pupunta

• coral reef area – lugar kung saan

mayroong koral na nabubuhay

• integridad – pagiging buo, sa

Ingles, integrity

• soberanya – kapangyarihan ng

isang bansa, sa Ingles,

sovereignty

Copyright © 2018 Quipper Limited

7

Mga Pulo ng Pilipinas Mayroong tatlong pangunahing pangkat ng

mga pulo sa Pilipinas—Luzon, Visayas, at

Mindanao. Sa mga ito, ang Luzon ang

pinakamalaki, na sinundan ng Mindanao, at

pagkatapos ay Visayas. Tinatayang nasa

mahigit 340,000 kilometro kwardrado ang

kabuuang sukat ng Pilipinas. Siyamnapu’t

limang porsiyento ng kabuuang kalupaan ng

bansa ay binubuo lamang ng 11 pulo.

Ang grupo ng mga isla sa Luzon ay

kinabibilangan ng Luzon, Batanes, Mindoro,

Palawan, Marinduque, Romblon, Masbate,

Polilio, at Catanduanes. Ang Visayas naman

ay binubuo ng mga isla ng Panay, Guimaras,

Negros, Cebu, Bohol, Siquijor, Leyte, Samar,

at Biliran. Samantala, ang Mindanao ay

binubuo ng mga grupo ng isla ng Mindanao,

Dinagat, Samal, Camiguin, Siargao, at Sulu na

binubuo naman ng mga isla ng Sulu, Tawi-Tawi at Basilan.

Ang sampung pinakamalalaking pulo ng Pilipinas ay nasa sumusunod na tsart.

Pulo Sukat (kilometro kuwadrado)

Luzon 109,965

Mindanao 97,530

Negros 13,084

Samar 12,849

Palawan 12,189

Panay 12,011

Mindoro 10,572

Leyte 7,368

Cebu 4,468

Bohol 3,821

Copyright © 2018 Quipper Limited

8

Baybayin ng Pilipinas Ang baybayin ng Pilipinas ay itinuturing na isa

sa pinakamahahabang baybayin sa buong

mundo. Tinatayang may kabuuang haba ito

na 36,289 kilometro palibot ng Pilipinas.

Ito ay may habang 2,000 kilometro mula sa

hilaga hanggang sa timog ng bansa.

Umaabot sa 2.2 milyon kilometro kuwadrado

ang kabuuang sukat ng katubigan na

nasasakupan ng kapuluan ng Pilipinas.

Ang mga coral reef ng bansa ay pangatlo

naman sa pinakamalalaking coral reef area

sa buong mundo. Ayon sa United Nations

Environment Programme World Conservation

Monitoring Centre (UNEP-WCMC), umaabot sa

27,000 kilometro kuwadrado ang kabuuang

sukat ng coral reef area sa Pilipinas.

Kahalagahan ng Pagkilala sa

Pilipinas Bilang Isang Archipelagic State Makikita sa mapa ng Pilipinas na ang buong bansa ay putol-putol dahil sa mga anyong

tubig na pumapagitan sa mga pulo. Kung hindi idineklarang bansang arkipelago ang

Pilipinas, ang mga anyong tubig tulad ng Dagat Sibuyan at Kipot ng Mindanao ay ituturing

na internasyunal na katubigan o high seas. Ibig sabihin, maari itong sakupin ng ibang

bansa. Ang pagkamkam ng iba pang bansa ang ating mga katubigan ay makaaapekto sa

integridad ng soberanya at teritoryo ng bansa. Dahil sa pagiging archipelagic state,

nagkaroon ng karapatan ang Pilipinas sa mga malalayong isla na matatagpuan 370

kilometro mula sa mga baybayin nito. Ito ang dahilan kung bakit ang Isla ng Kalayaan sa

Spratly ay sakop ng teritoryo ng Pilipinas.

Bilang isang archipelagic state, ang mga tao, katubigan at kalupaan ng Pilipinas ay

itinuturing na iisang bansa kahit na sila ay magkakalayo. Dahil kinikilala iba’t ibang isla

bilang bahagi ng iisang bansa, nakakatanggap ang mga ito ng suporta galing sa

pambansang pamahalaan upang magkaroon ng sapat na badyet para sa mga

Copyright © 2018 Quipper Limited

9

programang pampubliko. Sinigurado rin ng doktrina ng archipelagic state na laging

mayroong sapat na pinagkukunang-yaman ang bansang arkipelago upang tustusan ang

mga pangangailangan nito.

Sa kasulukuyan, anim lamang ang bansang arkipelago sa buong mundo–ang Pilipinas,

Indonesia, Papua New Guinea, Fiji, Bahamas, at Trinidad at Tobago.

Isulat ang tamang sagot sa mga patlang.

Ano ang dalawang pinakamalaking isla sa Pilipinas?

1. __________________________________________

2. __________________________________________

Ano ang kabuuang sukat ng teritoryo ng Pilipinas?

3. __________________________________________

Ilang pulo ang bumubuo sa 95 porsiyento ng kabuuang kalupaan ng Pilipinas?

4. __________________________________________

Gaano kahaba ang baybayin na nakapalibot sa Pilipinas?

5. __________________________________________

Ano ang pandaigdigang lupon na nagdeklarang ang Pilipinas ay isang archipelagic state?

6. __________________________________________

Ano ang maaring maapektuhan kung ang isang kapuluan tulad ng Pilipinas ay hindi

kikilalaning isang archipelagic state?

7. __________________________________________

Gaano kalaki ang kabuuang sukat ng katubigang sakop ng Pilipinas?

8. __________________________________________

Suriin Natin

Copyright © 2018 Quipper Limited

10

Ano-anong bansa sa mundo ang kinikilala bilang archipelagic state? Magbigay ng

dalawang halimbawa bukod sa Pilipinas.

9. __________________________________________

10. __________________________________________

Sagutin ang sumusunod na tanong:

1. Ano ang arkipelago?

2. Ano ang pinakamalaking pulo sa Pilipinas? Ano ang kabuuang sukat nito?

3. Ano ang kabuuang haba ng baybayin ng Pilipinas?

Sa iyong palagay, nakabubuti ba o nakasasama ba sa pag-unlad ng bansa ang pagiging

arkipelago ng Pilipinas?

Isagawa ang sumusunod:

Magsaliksik at ilista sa tsart ang limang bayan o lungsod na makikita sa baybayin ng

Pilipinas. Isulat din ang pangunahing kabuhayan ng mga taong naninirahan dito.

Bayan o Lungsod Pangunahing Kabuhayan ng mga Tao

Sagutin Natin

Pag-isipan Natin

Gawin Natin

Copyright © 2018 Quipper Limited

11

Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:

Pamantayan

[25%]

Mas Mababa

kaysa Inaasahan

[50%]

Kailangan pa

ng Pagsasanay

[75%]

Magaling

[100%]

Napakahusay Marka

Kalidad ng

Nilalaman

Kulang ang

halimbawa at

walang

karagdagang

impormasyon na

ibinigay

May iilang

detalye

lamang; may

ibang bahagi

na

kinakailangan

pa ng

kaukulang

impormasyon

Maraming

detalye ang

isinaad; may isa

o dalawang

halimbawa na

hindi lubusang

naipaliwanag

Puno ng tamang

detalye at maayos

na ipinahayag,

inilarawan, at

ipinaliwanag ang

mga

halimbawang

ibinigay

Tiyaga/

Pagsisikap

Tinapos ang

gawain para

lamang

may maipasa sa

guro

Tinapos ang

gawain ngunit

hindi

sinikap na

mapaganda

pa itong lalo

Tinapos ang

gawain na may

kasiyasiyang

resulta, may

pagsisikap na

pagandahin

pang lalo

Tinapos ang isang

napakagandang

gawian na may

masidhing

pagsisikap na

maging

natatangi ito

Kasanayan/

Husay

Hindi

naipapakita ang

pagnanais na

mapaghusay ang

isinumiteng

gawain

Nagpapakita

ng

pagnanais na

mapaghusay

ang kaniyang

paggawa

May angking

husay sa

paggawa;

kailangan pa ng

kaunting

pagsasanay

Nagpapakita ng

husay at

galing sa

paggawa; may

sapat na

kaalaman o

pagsasanay

Panahon ng

Paggawa

Nakapagpasa ng

kaniyang

sanaysay sa loob

ng

dalawang linggo

matapos ang

itinakdang petsa

ng pagpapasa

Nakapagpasa

ng kaniyang

sanaysay sa

loob ng

isang linggo

matapos ang

itinakdang

petsa ng

pagpapasa

Nakapagpasa

ng kaniyang

sanaysay sa

itinakdang

petsa ng

pagpapasa

Nakapagpasa ng

kaniyang

sanaysay bago pa

ang

itinakdang petsa

ng

pagpapasa

KABUUAN

Copyright © 2018 Quipper Limited

12

Aralin 2

Hangganan at Teritoryo ng Pilipinas bilang Isang

Arkipelago

Natutuhan natin sa nakaraang

aralin na ang Pilipinas ay isang

arkipelago na binubuo ng higit

7,600 isla. Bilang isang

arkipelago, malaking bahagi

ng bansa ay napapalibutan ng

tubig.

Sa araling ito, ating

matutuklasan at kikilalanin

ang mga hangganan ng

teritoryo ng bansa, maging

ang mga batayan sa pagtukoy

ng mga hangganang ito.

Layunin Natin

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang natutukoy ang

hangganan at teritoryo ng Pilipinas.

Ang Mapa ng Teritoryo ng Pilipinas ayon sa Kasunduan sa Paris

Gawa ni Roel Balingit para sa Wikipedia Pilipinas

Copyright © 2018 Quipper Limited

13

Tukuyin kung saang bahagi ng Pilipinas matatagpuan ang mga nasa larawan sa

Hanay A. Bilugan ang lokasyon sa mapa.

1.

2.

3.

4.

5.

Subukan Natin

Copyright © 2018 Quipper Limited

14

Natalakay na natin sa naunang aralin ang mga

katangian ng Pilipinas bilang isang arkipelago.

Alam natin na sa kasalukuyan, marami tayong

kinahaharap na isyu tungkol sa teritoryo ng

Pilipinas, partikular na ang pakikipag-agawan sa

atin ng Tsina sa Kanlurang Dagat Pilipinas at mga

islang matatagpuan dito. Dahil dito, mahalagang

matukoy at matutuhan natin kung ano ang

hangganan at ang sakop na teritoryo ng ating

bansa.

Mga Anyong Tubig na Nakapalibot sa

Pilipinas Bilang isang arkipelago, napapalibutan ang

Pilipinas ng iba’t ibang anyong tubig. Dahil dito,

walang kaagaw ang bansa sa mga teritoryo nito

sa lupa; gayunpaman, kinailangan ng Pilipinas na

pumasok sa iba’t ibang kasunduan upang tukuyin ang mga katubigang nakapaloob sa

teritoryo nito. Halimbawa, ang Kasunduang ng Paris noong 1898 at ang kasunduan sa

pagitan ng Estados Unidos at Britanya noong 1930 ay nagtalaga ng International Treaty

Limits na siyang nagtalaga ng lawak at teritoryo ng Pilipinas at nagpahayag nito sa daigdig.

Batay sa relatibong lokasyon ng Pilipinas, ito ang sumusunod na anyong tubig na

nakapalibot sa ating bansa:

Bahagi ng Pilipinas Anyong Tubig

Hilaga Bashi Channel

Timog Dagat Celebes at Dagat Sulu

Silangan Karagatang Pasipiko at Dagat Pilipinas

Kanluran Kanlurang Dagat Pilipinas

Pag-aralan Natin Alamin Natin

Tandaan at gawing gabay ang

kahulugan ng sumusunod na

salita:

• Kasunduan ng Paris – nabuo sa

pagitan ng Estados Unido at

Britanya na nagtukoy ng mga

hangganan ng mga bansang

sakop ng bawat isa, sa Ingles,

Treaty of Paris

• International Treaty Limits –

hangganan ng katubigan na

sakop ng teritoryo ng Pilipinas

• irregular polygon - walang tiyak

na hugis

Copyright © 2018 Quipper Limited

15

Ayon sa ikatlong artikulo ng Kasunduan ng Paris, ang teritoryo ng Pilipinas ay may hugis na

irregular polygon. Sa bisa ng Republic Act No. 9522, natukoy ang mga baseline na

teritoryong pandagat ng Pilipinas. Mula sa batas na ito, makikita ang Kipot ng Tablas na

matatagpuan sa pagitan ng mga isla ng Tablas at Mindoro, ang pinakagitnang bahagi ng

Pilipinas.

Pinakadulong Bahagi ng Pilipinas Isang katangian din ng arkipelago ang pagkakaroon ng kalat-kalat na isla gaya ng sa

Pilipinas. May iba’t ibang islang matatagpuan sa pinakadulong bahagi ng Pilipinas.

Sa pinakahilagang

bahagi ng bansa

matatagpuan ang isla

ng Y’ami. Ito ay nasa

probinsiya ng Batanes

at kilala rin sa tawag na

Isla ng Mavudis. Malapit

na ito sa bansang

Taiwan at nasa 200

kilometro lamang ang

layo gamit ang Bashi

Channel. Kahit pa

bahagi ng Pilipinas ang

isla ng Y’ami, hindi ito

madaling puntahan,

kahit pa ng mga taong

nakatira mismo sa

Batanes. Mas madali pa

para sa mga nakatira sa

isla ng Y’ami ang

magpunta ng Taiwan

kung kaya’t maraming

nagmula sa isla ng Y’ami ay nakatira na sa Orchid Island, ang dulong bahagi naman

ng Taiwan.

Mga Pinakadulong Bahagi ng Pilipinas

Copyright © 2018 Quipper Limited

16

Nasa dulo naman ng timog na bahagi ng Pilipinas ang isla ng Saluag na bahagi ng

probinsiya ng Tawi-Tawi. Ang isla ay pinaninirahan ng dalawang tribo—ang mga Tausug at

Sama Dilaut. Ang pangunahing ikinabubuhay ng dalawang tribo ay ang pangingisda,

pangongolekta ng halamang dagat, at paggawa ng bangka. Mula sa baybayin ng Saluag ay

matatanaw na ang Malaysia.

Sa pinakadulong kanlurang bahagi ng Pilipinas ay matatagpuan ang isla ng Balabac na

binubuo ng 31 na isla. Ito ay matatagpuan halos 350 kilometro mulas sa Puerto Princesa,

Palawan. Maituturing ito na isa sa pinakamagandang isla sa Pilipinas at punong-puno ito

ng mayayamang anyong tubig at iba pang likas na yaman. Sa katunayan, mayroon nang

mga dolphin na matatagpuan sa dagat nito. Dito rin naninirahan ang mga katutubong

Molbog na kabilang sa mga minoryang Muslim.

Ang hangganan naman ng Pilipinas sa silangang bahagi ay ang Pusan Point sa Caraga na

nasa probinsiya ng Davao Oriental. Dito unang sumisikat ang araw sa Pilipinas.

Sa katunayan, dito pa ginanap ang First Millenium Sunrise o ang unang pagsikat ng araw

sa pagpasok ng milenyo. Bilang pagpupugay sa makasaysayang pangyayaring ito, itinayo

sa Pusan Point ang Jubilee Cross. Tandaan na nasa direksiyong ito rin ang Philippine Rise

ngunit dahil ito ay nasa ilalim pa lamang ng dagat, hindi pa ito ang kinikilalang

pinakadulong silangan ng Pilipinas.

Isulat sa patlang ang tamang sagot.

Ano-anong isla ang matatagpuan sa pinakadulong bahagi ng Pilipinas?

1. Hilaga ____________________________________________________

2. Silangan ____________________________________________________

3. Timog ____________________________________________________

4. Kanluran ____________________________________________________

Suriin Natin

Copyright © 2018 Quipper Limited

17

Ano-anong kasunduan ang nagtalaga ng International Treaty Limits ng Pilipinas?

5. ____________________________________________________

6. ____________________________________________________

Ano-anong anyong tubig ang nakapalibot sa Pilipinas?

7. Hilaga ____________________________________________________

8. Silangan ____________________________________________________

9. Timog ____________________________________________________

10. Kanluran ____________________________________________________

Sagutin ang sumusunod na tanong:

1. Bakit mahalagang malaman natin ang mga hangganan ng Pilipinas?

2. Bakit may anyong lupa at anyong tubig na hangganan ang Pilipinas?

3. Paano natin natukoy ang hangganan ng Pilipinas?

Sa iyong palagay, may karapatan ba talaga an gating bansa angkinin ang Kanlurang Dagat

Pilipinas at ang mga isla na nandito?

Tukuyin ang mga bansang malapit sa hangganan ng Pilipinas. Gayundin, tukuyin kung ano-

anong probinsiya sa Pilipinas ang malapit sa mga bansang ito. Ilista sa tsart sa ibaba ang

mga nakalap na impormasyon. Isumite guro at ibahagi sa klase sa susunod na linggo ang

mga datos na iyong nakalap.

Sagutin Natin

Pag-isipan Natin

Gawin Natin

Copyright © 2018 Quipper Limited

18

Bansa Lugar na Malapit

Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:

Pamantayan

[25%]

Mas Mababa

kaysa Inaasahan

[50%]

Kailangan pa

ng Pagsasanay

[75%]

Magaling

[100%]

Napakahusay Marka

Kalidad ng

Nilalaman

Kulang ang

halimbawa at

walang

karagdagang

impormasyon na

ibinigay

May iilang

detalye

lamang; may

ibang bahagi

na

kinakailangan

pa ng

kaukulang

impormasyon

Maraming

detalye ang

isinaad; may isa

o dalawang

halimbawa na

hindi lubusang

naipaliwanag

Puno ng tamang

detalye at maayos

na ipinahayag,

inilarawan, at

ipinaliwanag ang

mga

halimbawang

ibinigay

Tiyaga/

Pagsisikap

Tinapos ang

gawain para

lamang

may maipasa sa

guro

Tinapos ang

gawain ngunit

hindi

sinikap na

mapaganda

pa itong lalo

Tinapos ang

gawain na may

kasiyasiyang

resulta, may

pagsisikap na

pagandahin

pang lalo

Tinapos ang isang

napakagandang

gawian na may

masidhing

pagsisikap na

maging

natatangi ito

Kasanayan/

Husay

Hindi

naipapakita ang

pagnanais na

mapaghusay ang

isinumiteng

gawain

Nagpapakita

ng

pagnanais na

mapaghusay

ang kaniyang

paggawa

May angking

husay sa

paggawa;

kailangan pa ng

kaunting

pagsasanay

Nagpapakita ng

husay at

galing sa

paggawa; may

sapat na

kaalaman o

pagsasanay

Copyright © 2018 Quipper Limited

19

Panahon ng

Paggawa

Nakapagpasa ng

kaniyang

sanaysay sa loob

ng

dalawang linggo

matapos ang

itinakdang petsa

ng pagpapasa

Nakapagpasa

ng kaniyang

sanaysay sa

loob ng

isang linggo

matapos ang

itinakdang

petsa ng

pagpapasa

Nakapagpasa

ng kaniyang

sanaysay sa

itinakdang

petsa ng

pagpapasa

Nakapagpasa ng

kaniyang

sanaysay bago pa

ang

itinakdang petsa

ng

pagpapasa

KABUUAN

Ang mga pinakadulong isla ng Pilipinas tulad ng Isla ng Balabac (nasa larawan) ay

nagtataglay ng pinakamagagandang baybayin sa buong bansa. Dahil sa kanilang layo,

kakaunti pa lamang ang nakararating sa mga islang ito.

Sa katunayan, kailangan ng

isang buong araw upang

marating ang Isla ng Balabac

(kung ikaw ay manggagaling

ng Puerto Princesa, Palawan);

dalawang araw naman ang

kailangang gugulin upang

marating ang Isla ng Y’ami

(mula sa Batanes). Mas

madaling magbiyahe

patungo sa Pusan Point dahil

daang lupa lamang ang daan

patungo rito. Samantala,

kailangan namang

magbiyahe nang higit isang oras sa eroplano patungo sa Zamboanga, isang oras sa

eroplano mula Zamboanga papunta ng Tawi-Tawi, at 30-40 minuto sa bangka mula sa sa

Tawi-Tawi upang marating ang Isla ng Saluag.

Karagdagang Kaalaman

Ang Isla ng Balabac sa Palawan

Copyright © 2018 Quipper Limited

20

Hatiin sa apat na pangkat ang klase. Isagawa ang sumusunod:

1. Ang bawat pangkat ay mamimili ng isa sa sumusunod na lugar: Isla ng Y’ami,

Grupong Isla ng Balabac, Pusan Point at Isla ng Saluag.

2. Kailangan magsaliksik ang mga mag-aaral tungkol sa kanilang napiling lugar.

Mahalagang magkaroon sila ng ideya kung paano namumuhay ang mga tao sa lugar

na ito, paano ang katutubo nilang pamahayan, at ang iba’t ibang aspekto ng kultura

ng mga taong nakatira sa lugar.

3. Mula sa nasaliksik, bubuo ang mga mag-aaral ng isang iskit na nagpapakita sa

kultura at pang-araw-araw na pamumuhay sa lugar na kanilang pinili. Ang iskit ay

hindi dapat lumampas ng sampung minuto.

Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:

Pamantayan

[25%]

Mas Mababa

kaysa Inaasahan

[50%]

Kailangan pa ng

Pagsasanay

[75%]

Magaling

[100%]

Napakahusay Marka

Pag-unawa

sa Paksa/

Gawain

Karamihan sa

mga

impormasyong

inilahad ay hindi

tama.

Ang pagtatanghal

ay hindi

tumutugma sa

paksa o gawain

Karamihan sa

mga

impormasyong

inilahad ay

tama.

Nagpapakita ng

pag unawa sa

paksa o gawain

Halos lahat ng

imporma yong

inilahad ay

tama.

Nagpapakita

ng tamang

pag-unawa sa

paksa o

gawain

Tama ang mga

impormasyong

inilahad.

Nagpapakita ng

ganap na pag-

unawa sa paksa

o gawain

Kooperasyon

ng mga

kasapi ng

Pangkat

Hindi

nagtutulungan

ang mga kasapi

para sa kanilang

gagawing

pagtatanghal

Isang tao lamang

ang gumagawa

Ang mga kasapi

ay may kani-

kaniyang ideya

at hindi

magkasundo sa

dapat nilang

gawin

Ang mga

kasapi ay

tumatanggap

ng ideya nang

hindi

nagbibigay ng

negatibong

komento at

sinusubukang

Ang mga kasapi

ay tumatanggap

ng ideya ng isa’t

isa at

nagkakasundo

as dapat gawin

Lahat ng kasapi

ay may ambag

Pagyamanin Natin

Copyright © 2018 Quipper Limited

21

para sa

pagtatanghal

Ilang kasapi

lamang ang

nagaambag

para sa

pagtatanghal

magkasundo

sa dapat gawin

Karamihan sa

mga kasapi ay

nagbibigay ng

ambag sa

pagbuo ng

presentasyon

sa pagbuo ng

presentasyon

Pagtatanghal Nagpuputol-putol

ang pagtatanghal

Hindi halos

nakikinig o

nanonood ang

mga manonood

Maraming

pagkakataon na

bumubulong at

hindi naririnig

Hindi gumagamit

ng angkop na

galaw o kilos; o

hindi masyadong

gumagalaw

Nagpapakita ng

pagkahiya o

hindi tiyak ang

gagawin

Sinusubukang

makuha ang

interes ng mga

manonood

Hindi

masyadong

marinig sa ilang

pagkakataon

Gumagamit ng

angkop na

galaw at kilos

sa ilang

pagkakataon

Nagpapakita

ng

Kumpiyansa

Nakukuha ang

interes ng mga

manonood

Nagsasalita sa

paraang

naririnig ng

mga

manonood

Gumagamit ng

angkop na

galaw at kilos

sa maraming

pagkakataon

Nagpapakita ng

Kumpiyansa

Nakakaaliw at

nakukuha ang

interes ng mga

manonood

Nagsasalita

nang malakas at

malinaw

Gumagamit ng

angkop na

galaw at kilos

KABUUAN

Copyright © 2018 Quipper Limited

22

Ang sumusunod na video link ay maaaring tingnan para sa karagdagang impormasyon o

mas malalim na pagtalakay:

• 7107: Islands of the Philippines ni Christer Isulat

(https://www.youtube.com/watch?v=Z8p5n6qrtck)

• How Maritime Law Works ng Wendover Productions

(https://www.youtube.com/watch?v=N7CvEt51fz4)

Paglalagom

DAPAT TANDAAN

• Dahil napalilibutan ng katubigan, sagana ang Pilipinas sa iba’t ibang likas na

yaman. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit ito binansagang “Perlas ng

Silangan.”

• May mga pandaigidigang kasunduan na nagtatalaga ng kabuuang lawak,

laki, at sakop ng Pilipinas.

• Ang pinakadulong bahagi ng Pilipinas ay ang Y’ami sa hilaga, Pusan Point sa

silangan, Saluag sa timog, at Balabac sa kanluran.

• Sa kasalukuyan, ang Pilipinas ay binubuo na ng mahigit sa 7,600 na isla.

Dagdag Sanggunian

Pilipinas bilang Arkipelago

Mga Katangian

Hangganan at

Teritoryo

Copyright © 2018 Quipper Limited

23

• Philippines and Indonesia Sign Border Agreement ng Eagle News

(https://www.youtube.com/watch?v=V6fHI8bI7ao)

Aralin 1: Mga Salik na Nakakaapekto sa Klima

Subukan Natin

1. Cagayan Valley

2. Cordillera

3. Ilocos

4. Central Luzon

5. Metro Manila

6. CALABARZON

7. Bicol

8. MIMAROPA

9. Western Visayas

10. Eastern Visayas

11. Central Visayas

12. CARAGA

13. Northern Mindanao

14. Autonomous Region in Muslim Mindanao

15. Zamboanga

16. SOCCKSARGEN

17. Davao

Suriin Natin

1. walang tiyak na pagkakasunod, Luzon o Mindanao

2. walang tiyak na pagkakasunod, Luzon o Mindanao

3. 340,000 kilometrong kwadrado

4. 11

5. 36,289 kilometro

6. United Nations Convention on the Laws of the Sea (UNCLOS)

7. soberanya

Gabay sa Pagwawasto

Copyright © 2018 Quipper Limited

24

8. 2.2 milyon kilometrong kwadrado

9. mamili ng alin sa mga ito: Indonesia, Papua New Guinea, Fiji, Bahamas, Trinidad at

Tobago

10. mamili ng alin sa mga ito: Indonesia, Papua New Guinea, Fiji, Bahamas, Trinidad at

Tobago

Aralin 2: Hangganan at Teritory ng Pilipinas Bilang Isang Arkipelago

Subukan Natin

1. Matatagpuan ang pawikan sa maraming baybayin sa Pilipinas, mula sa Luzon

hanggang dulo ng Mindanao.

2. Luzon, Samar, Leyte at Mindanao

3. Ifugao

4. Batanes

5. Cebu, Pangasinan, Leyte, Sorsogon, Palawan

Suriin Natin

1. Isla ng Y’ami

2. Pusan Point

3. Isla ng Saluag

4. Mga Isla ng Balabac

5. walang pagkakasunod-sunod, Kasunduan ng Paris noong 1898 o kasunduan sa

pagitan ng Estados Unidos at Britanya noong 1930

6. walang pagkakasunod-sunod, Kasunduan ng Paris noong 1898 o kasunduan sa

pagitan ng Estados Unidos at Britanya noong 1930

7. Bashi Channel

8. Karagatang Pasipiko at Dagat Pilipinas

9. Dagat Celebes at Dagat Sulu

10. Kanlurang Dagat Pilipinas

Copyright © 2018 Quipper Limited

25

"Kinalalagyan at Laki ng Pilipinas.” Heograpiya. Nakuha mula sa

http://www.seasite.niu.edu/tagalog/modules_in_Tagalog/heogapiya.htm

"Pusan point rises as new tourism landmark.” Republic of the Philippines: Philippine

Information Ageny. Nakuha mula sa http://news.pia.gov.ph/

article/view/1591465179790/pusan-point-rises-as-new-tourism-landmark

“Island by Land Area.” UN System-Wide Earthwatch. Nakuha mula sa

http://islands.unep.ch/Tiarea.htm

“Philippines Coastal & Marine Resources: An Introduction.” World Bank. Nakuha mula sa

http://siteresources.worldbank.org/INTPHILIPPINES/

“Philippines.” Infoplease. Nakuha mula sa

http://www.infoplease.com/country/philippines.html

“Saluag Island.” Mindanao Tours. Nakuha mula sa

https://www.mindanaotours.com/saluag-island/

“Travel Guide: Balabac.” Lakwatsero. Nakuha mula sa

http://www.lakwatsero.com/destinations/travel-guide-balabac/

“UNEP-WCMC World Atlas of Coral Reef.” United Nations Environment Programme World

Conservation Monitoring Centre. Nakuha mula sa http://coral.unep.ch/atlaspr.htm

“Y’ami Island.” Vista Pinas. Nakuha mula sa http://www.vistapinas.com/article/ yami-

island.Resources/PEM05-ch1.pdf

Bernardo, Janet and Lucresia Tabayoyong. Philippines: Our Land and Heritage. Quezon

City: C&E Publishing, Inc. 2009.

Magallona, Merlin at Castillo, Celeste Ann. “Philippine Teritorry and the UN Convention Law

on the Sea.” University of the Philippines. Nakuha sa

http://www.up.edu.ph/philippine-territory-and-the-un-convention-on-the-law-of-the-

sea/

Sanggunian