77
BAHAGI NG PANANALITA

bahagi ng pananalita

Embed Size (px)

DESCRIPTION

filipino

Citation preview

Page 1: bahagi ng pananalita

BAHAGI NG PANANALITA

Page 2: bahagi ng pananalita

PangngalanPanghalipPandiwaPang-uriPang-abayPantukoyPangatnigPang-ukolPang-angkopPandamdam

Page 3: bahagi ng pananalita

PANGNGALAN

Page 4: bahagi ng pananalita

Kahulugang Pansemantika : Ang pangngalan ay pasalitang simbolong ang tinutukoy ay tao, hayop, bagay, pook, pangyayari, atb.

Balarilang Tradisyunal: Ang pangngalan ay ngalan ng tao, hayop, bagay, pook, pangyayari, atb.

Page 5: bahagi ng pananalita

MGA HALIMBAWA:

1. Mga Pangngalang Ngalan ng Tao

Mando ama guro

Bong anak manananggol

 

2. Mga Pangngalang Ngalan ng Hayop

Tagpi aso tandang

Muning pusa katyaw

 

Page 6: bahagi ng pananalita

3. Mga Pangngalang Ngalan ng Bagay

Mongol lapis pagkain

Bagong Balari- aklat laruan

lang Filipino

4. Mga Pangngalang Ngalan ng Pook

Pilipinas lungsod kaparangan

Bundok ng Apo bundok Kamaynilaan

 

Page 7: bahagi ng pananalita

5. Mga Pangngalang Ngalan ng Katangian

bait kabaitan pagkamabait

tapang katapangan pagkamatapang

 

6. Mga Pangngalang Ngalan ng Pangyayari

Ikalawang Digmaang Pandaigdig

kasalan pulong

pag-aaway suntukan

Page 8: bahagi ng pananalita

Ang kayarian ay tumutukoy sa anyo ng salita at iba pang yunit ng wika.

Ang anumang salitang maaaring isunod sa ang/si, ng/ni, sa/kay, at mga anyong maramihan ng mga ito, ay isang pangngalan o dili kaya ay isang salitang gumaganap ng tungkulin ng pangngalan.

Page 9: bahagi ng pananalita

Halimbawa:Nakatapos sa pagdodoktor ang anak na

matiyaga.Ang tagumpay ng anak ay tagumpay rin ng

mga magulang.Hindi matatapatan ng salapi ang pagtingin

ng magulang sa anak.

Page 10: bahagi ng pananalita

Ang anyong maramihan ng ang/si ay ang mga/sina; ang maramihan ng ng/ni ay ng mga/nina; at ang maramihan ng sa/kay ay sa mga/kina.

Page 11: bahagi ng pananalita

HALIMBAWA:

ang mga anakng mga anak sa mga anak nina Mariakina Mariasina Maria

Page 12: bahagi ng pananalita

MGA KLASIPIKASYON

NG PANGNGALAN

Mga Uring Pansemantika

Page 13: bahagi ng pananalita

1. Pangngalang Pantangi : ang pangngalan kung tumutukoy sa isang tanging tao, hayop, bagay, pook, o pangyayari.

Halimbawa: Mga Pangngalang Partikular na Ngalan ng

na Tao

Miguel Bb. Luz de Guzman

Carisa Dr. Villaroman

 

Page 14: bahagi ng pananalita

Mga Pangngalang Partikular na Ngalan ng ng Iba’t Ibang Uri ng Hayop

Tagpi Spot

Muning Brownie

 Mga Pangngalang Partikular na Ngalan ng

Iba’t Ibang Bagay

Bic Bagong Balarilang Filipino

Mongol Magasing Panorama

Page 15: bahagi ng pananalita

Mga Pangngalang Partikular na Ngalan ng Pook

Talon ng Maria CristinaIlog Pasig

Bundok ng Makiling Baguio

 Mga Pangngalang Partikular na Pangyayari

Paligsahang Bb. Universe ng Taong 1975

Unang Pambansang Kilusan sa Pagpaplano ng Pamilya

 

Page 16: bahagi ng pananalita

2. Pangngalang Pambalana : ang mga pangngalang tumutukoy sa pangkalahatang diwa.

Halimbawa:

 Mga Pangngalang Pangkalahatang Ngalan ng

Tao

bata guro

lalaki abogado

Page 17: bahagi ng pananalita

Mga Pangngalang Pangkalahatang Ngalan ng Hayop

aso baka

pusa insekto

 Mga Pangngalang Pangkalahatang Ngalan

ng Bagay

lapis radyo

bahay relo

Page 18: bahagi ng pananalita

Mga Pangngalang Pangkalahatang Ngalan ng Pook

ilog bulubundukin

kapatagan lungsod

 Mga Pangngalang Pangkalahatang Ngalan

ng Pangyayari

sayawan kantahan

gulo banggaan

 

Page 19: bahagi ng pananalita

ISA PANG PAG-UURING

PANSEMANTIKA NG PANGNGALAN

Page 20: bahagi ng pananalita

1.TAHAS : ANG PANGNGALANG HINDI TUMUTUKOY SA BAGAY NA MATERYAL.

Halimbawa:

tao puno pagkain

hayop gamut kasangapan

Page 21: bahagi ng pananalita

DALAWANG URI NG TAHAS

Palasak : ay tumutukoy sa pangkat ng iisang uri ng tao o bagay.

Halimbawa:

buwig hukbo tumpok

kumpol lahi tangkal

 

Di- Palasak : ay tumutukoy lamang sa ga bagay na isinasaalng-alang nang isa-isa.

Halimbawa :

saging sundalo kamatis

bulaklak tao manok

Page 22: bahagi ng pananalita

MGA URI NG PANGKAYARIAN

Page 23: bahagi ng pananalita

1. PANGNGALANG PAYAK : KUNG ITO AY ISANG SALITANG UGAT LAMANG

Halimbawa:

asin balak

bunga diwa

Page 24: bahagi ng pananalita

2. PANGNGALANG MAYLAPI O HINANGO : KUNG BINUBUO ITO NG SALITANG-UGAT AT PANLAPING MAKANGAAN.

Halimbawa:

kaklase pagbasa

kabuhayan dinuguan

Page 25: bahagi ng pananalita

3. PANGNGALANG INUULIT : KUNG ANG KABUUAN NITO O BAHAGI NITO AY INUULIT.Dalawang Paraan ng Pag-uulit

Pag-uulit na di-ganap o pag-uulit na parsyal ay yaong bahagi lamang ng salitang ugat ang inuulit.

Halimbawa:

bali-balita dala-dalawa

sali-salita bali-baligtad

Page 26: bahagi ng pananalita

Pag-uulit na Ganap : pag-uulit sa buong pangngalan.

Halimbawa:

kuru-kuro buhay-buhay

bayan-bayan sabi-sabi

Page 27: bahagi ng pananalita

2. PANGNGALANG TAMBALAN : BINUBUO NG DALAWANG MAGKAIBANG SALITANG PINAG-ISA

Dalawang Uri ng Pagtatambal ng Pangngalan

 

Page 28: bahagi ng pananalita

1. Malatambalan o Tambalang Di- Ganap : yaong nananatili ang kahulugan ng pinagsasamang salita.

Halimbawa:

balikbayan dalagang-bukid (tao)

alay-kapwa bahay-kalapati

Page 29: bahagi ng pananalita

2. Tambalang Ganap : yaong nagkakaroon ng bagong kahulugan ang mga pinagtatambal na salita.

Halimbawa:

kapitbahay hampaslupa

bahaghari dalagambukid (isda)

Page 30: bahagi ng pananalita

MGA KAKANYAHAN NG PANGNGALAN

Page 31: bahagi ng pananalita

1. KAUSAPAN O PANAUHAN NG PANGNGALAN : ANG NAGSASABI KUNG ANG PANGNGALAN AY TUMUTUKOY SA TAONG NAGSASALITA, TAONG KUMAKAUSAP, O TAONG PINAG-UUSAPAN.

Halimbawa :

Ako si Don Diego.

Ikaw si Don Diego.

Siya si Don Diego.

Page 32: bahagi ng pananalita

2. KAILANAN NG PANGNGALAN : NALALAMAN NATIN KUNG ANG PANGNGALAN AY TUMUTUKOY SA ISA, DALAWA O HIGIT PANG TAO, HAYOP, BAGAY, POOK, O PANGYAYARI. ITO AY MAAARING ISAHAN, DALAWAHAN, MARAMIHAN O LANSAKAN.

Halimbawa:

Isahan : kapatid

Dalawahan : kambal

Lansakan : kawan

Page 33: bahagi ng pananalita

3. KASARIAN NG PANGNGALAN : PANGNGALANG MAY SEKSO AT WALANG SEKSO. 

Pag-uuri ng Pangngalan Ayon sa Kasarian

Mga Pangngalang may Kasarian

Tiyak na Kasarian

Panlalaki

Pambabae

Di-tiya na Kasarian

Mga Pangngalang Walang Kasarian

Page 34: bahagi ng pananalita

HALIMBAWA:

Mga Pangngalang Tiyak na PanlalakiMario kuyaGinoong Ramos tandangDon Jose ninong

 Mga Pangngalang Tiyak na Pambabae

Maria Ana ateGng. Ramos dumalagaDonya Perez ninang

 

Page 35: bahagi ng pananalita

Mga Pangngalang Di-Tiyak ang Kasarian

estudyante kapatid

guro manok

manananggol kalabaw

 

Mga Pangngalang Walang Kasarian

Bibliya diwa

Bulking Mayon aklat

Maynila laro

Page 36: bahagi ng pananalita

4.KAUKULAN NG PANGNGALAN : ANG TAWAG SA KAKANYAHAN NG PANGNGALANG NAGPAPAKITA NG GAMIT NITO SA PANGUNGUSAP

Dalawang Uri ng Kaukulan ng Pangngalan:

Page 37: bahagi ng pananalita

1. KAUKULANG PALAGYO : KUNG GINAGAMIT ITONG SIMUNO, PAMUNO SA SIMUNO, PANGNGALANG PATAWAG, KAGANAPANG PANSIMUNO, O PAMUNO SA KAGANAPANG PANSIMUNO.

Halimbawa:

• Simuno gamit ang pangngalan

Si Rizal ay Dakilang Malayo

• Pamuno sa Simuno ang gamit ng pangngalan

Si Rizal, ang bayani, ay Dakilang Malayo.

Page 38: bahagi ng pananalita

• Pangngalang patawag ang gamit ng pangngalan

Carisa, alagaan mo si Choy.

• Kaganapang pansimuno ang gamit ng pangngalan

Si Mabini ay Dakilang Lumpo.

• Pamuno sa kaganapang pansimuno ang gamit ng pangngalan

Ang dalagang iyon ay si Alice, ang pinsan ko.

Page 39: bahagi ng pananalita

2. KAUKULANG PALAYON : ANG PANGNGALAN KUNG GINAGAMIT NA LAYON NG PANDIWA O LAYON NG PANG-UKOL O KUNG PAMUNO SA ALINMAN SA DALAWA.

Halimbawa:

• Layon ng pandiwa ang gamit ng pangngalan.

Ang masipag na ama ay nagsisinop ng kanilang bakuran

Page 40: bahagi ng pananalita

• Layon ng pang-ukol ang gamit ng pangngalanIbigay mo kay Cesar ang para kay Cesar, at sa Diyos

ang para sa Diyos.

• Pamuno sa layon ng pandiwa ang gamit ng pangngalan

Ang mga Hapon ay umaangkat sa Pilipinas ng mangga, isang ipinagmamalaking bungang-kahoy natin.

• Pamuno sa layon ng pang-ukol ang gamit ng pangngalan

Igalang mo ang ukol sa relihyon, ang tagapag-ugnay natin sa ating Panginoon.

 

Page 41: bahagi ng pananalita

PANGHALIP

Page 42: bahagi ng pananalita

Pananaw na Pansemantika : ang panghalip ay salita o katagang panghalili sa ngalan.

Pananaw na Istruktural : and panghalip ay maikilala dahil sa impleksyon o pagbabagong- anyo.

Page 43: bahagi ng pananalita

1. MGA PANGHALIP NA PANAO : AY PANGHALILI SA NGALAN NG TAO. 

Uri ng Panghalip

Page 44: bahagi ng pananalita

Panauhan Anyong ang (palagyo)

Anyong ng (paukol)

Anyong sa (paari)

Isahan

Una Ako Ko Akin

Ikalawa Ikaw, ka Mo Iyo

Ikatlo Siya Niya kanya

Dalawahan

Una *(kata)Kita, tayo

*(nita)Natin

*(kanita)Atin

Ikalawa Kayo Ninyo Inyo

Ikatlo Sila Nila Kanila

Maramihan

Una Kami Naming Amin

Ikalawa Kayo Ninyo Inyo

Ikatlo Sila Nila Kanila

Page 45: bahagi ng pananalita

2. MGA PANGHALIP NA PAMATLIG : HUMAHALILI SA SA NGALAN NG TAO, BAGAY, ATB. NA ITINUTURO O INIHIHIMATON.

I. Pronominal

Anyong ang (Paturol)

*ire (ibang anyo : yari)

ito

iyan (ibang anyo : yaan)

iyon (ibang anyo : yaon)

 

Page 46: bahagi ng pananalita

Anyong ng (Paari)

*nire (ibang anyo : niyari)

nito

niyan

noon (ibang anyo: niyon, niyaon)

 

Anyong sa (Paukol)

*dine

dito

diyan

doon

Page 47: bahagi ng pananalita

II. Panawag-pansin o Pahimaton

1. *(h) ere

2. (h) eto

3. (h) ayan

4. (h) ayun

III. Patulad

*ganire

ganito

ganyan

ganoon (ibang anyo: gayon)

 

Page 48: bahagi ng pananalita

IV. Palunan

*narini (ibang anyo : nandini)

narito (ibang anyo : nandito)

nariyan (ibang anyo : nandiyan)

naroon (ibang anyo : nandoon)

Page 49: bahagi ng pananalita

3. PANGHALIP NA PANAKLAW : SUMASAKLAW SA KAISAHAN, DAMI, O KALAHATAN NG TINUTUKOY. 

Halimbawa:

isa anuman magkanuman

iba alinman kuwan

balana sinuman

lahat ilanman

tanan kailanman

madla saanman

pawa gaanuman

 

Page 50: bahagi ng pananalita

4. PANGHALIP NA PANANONG : YAONG MGA PANGHALILI SA NGALAN NG TAO, BAGAY, ATB. NA GINAGAMIT SA PAGTATANONG.

Halimbawa:

Isahan Maramihan

sino sinu-sino

ano anu-ano

alin alin-alin

kanino kani-kanino

ilan ilan-ilan

Page 51: bahagi ng pananalita

PANDIWA

Page 52: bahagi ng pananalita

Pansemantika : ang pandiwa ay salitang nagpapakilos o nagbibigay-buhay sa isang lipon ng mga salita

 

Istruktural : ang pandiwa ay nakikilala sa impleksyon nito sa iba’t ibang aspekto ayon sa uri ng kilos na isinasaad nito.

Page 53: bahagi ng pananalita

Kayarian ng Pandiwa

Ang pandiwa sa Filipino ay nabubuo sa pamamagitan ng pagsasama ng isang salitang-ugat at ng isa o higit pang panlapi.

Page 54: bahagi ng pananalita

Kaganapan ng Pandiwa

Ang tawag sa bahagi ng panaguri na bumubuo o nagbibigay ng ganap na kahulugan sa pandiwa at magagawang paksa ng pangungusap kung babaguhin ang pokus ng pandiwa.

Page 55: bahagi ng pananalita

Pitong Uri ng Kaganapan ng Pandiwakaganapang tagaganapkaganapang layonkaganapang tagatanggapkaganapang ganapankaganapang kagamitankaganapang sanhikaganapang direksyunal

Page 56: bahagi ng pananalita

MGA POKUS NG PANDIWA

1. kaganapang tagaganap - panaguring nasa pokus sa tagaganap ang pandiwa + paksa

Halimbawa : Kinain ng bata ang suman at manggang hinog.

–Kumain ng suman at manggang hinog ang

bata. (Ang bata ay kumain ng suman at manggang

hinog.)

Page 57: bahagi ng pananalita

2. kaganapang layon - panaguring nasa pokus sa layon ng pandiwa + paksa

Halimbawa : Kinain ng bata ang suman at manggang

hinog. –Kumain ng suman at manggang hinog ang

bata.(Ang suman at manggang hinog ay kinain

ng bata.)

Page 58: bahagi ng pananalita

3. kaganapang tagatanggap – panaguring nasa pokus sa tagatanggap ang pandiwa + paksa

Halimbawa: Bumili ako ng ilaw na kapis para sa pinsan

kong nagbalikbayan. –Ibinili ko ng ilaw na kapis ang pinsan

kong nagbalikbayan.(Ang pinsan kong nagbalikbayan ay ibinili

ko ng ilaw na kapis.)

Page 59: bahagi ng pananalita

4. kaganapang ganapan - panaguring nasa pokus sa kaganapan ang pandiwa + paksa

Halimbawa:Nagtanim ng gulay sa bakuran an gaming

katulong. –Pinagtamnan ng gulay ng aming katulong

ang bakuran.(Ang bakuran ay pinagtamnan ng gulay ng

aming katulong.)

Page 60: bahagi ng pananalita

5. kaganapang kagamitan – panaguring nasa pokus sa kagamitan ang pandiwa + paksa

Halimbawa:Pinunsan ko ang mga kasangkapan (sa

pamamagitan) ng basahang malinis. –Ipinampunas ko ng mga kasangkapan ang

basahang alinis.(Ang basahang malinis ay ipinampunas ko

ng mga kasangkapan.)

Page 61: bahagi ng pananalita

6. kaganapang sanhi – panaguring nasa pokus sa sanhi ang pandiwa + paksa

Halimbawa:Nagkasakit siya dahil sa labis na paghithit

ng opyo. – Ipinagkasakit niya ang labis na paghithit

ng opyo.(Ang labis na paghithit ng opyo ay

ipinagkasakit niya.)

Page 62: bahagi ng pananalita

7. kaganapang direksyon - panaguring nasa pokus sa direksyon ang pandiwa + paksa

Halimbawa:Ipinasyal ko sa Tagaytay ang mga panauhin

kong kabilang sa Peace Corps. – Pinagpasyalan ko ng aking mga panauhing

kabilang sa Peace Corps ang Tagaytay.(Ang Tagaytay ay pinagpasyalan ko ng

aking mga panauhing kabilang sa Peace Corps.)

Page 63: bahagi ng pananalita

MGA ASPEKTO NG PANDIWA

Ang aspekto ay katangian ng pandiwa na nagsasaad kung naganap na o hindi pa nagaganap ang kilos at kung nasimulan na o natapos nang ganapin o ipinagpapatuloy pa ang pagganap.

Page 64: bahagi ng pananalita

1. ASPEKTONG PANGNAKARAAN O PERPEKTIBO : KILOS NA NASIMULAN NA AT NATAPOS NA.

Halimbawa :

Anyong Pawatas Aspektong Pangnakaraanmagsaliksik nagsaliksikmanghakot nanghakotmaunawaan naunawaanumunlad umunladalatan inalatansabihan sinabihanmatamaan natamaan

Page 65: bahagi ng pananalita

2. ASPEKTONG PERPEKTIBONG KATATAPOS : KILOS NA KAYAYARI O KATATAPOS LAMANG BAGO NAGSIMULA ANG PAGSASALITA.

Halimbawa :

Anyong Pawatas Aspektong Katatapostumula katutulauminog kaiinogmasulat kasusulatmakalibot kalilibotmakaamin kaaaminmaglakbay kalalakbay

Page 66: bahagi ng pananalita

3. ASPEKTONG PANGKASALUKUYAN O IMPERPEKTIBO : KILOS NA NASIMULAN NA NGUNIT DI PA NATATAPOS AT KASALUKUYAN PANG IPINAGPAPATULOY.

Halimbawa :

Anyong Pawatas Aspektong Pangkasalukuyanmagsaliksik nagsasaliksikmanghakot nanghahakotumunlad umuunladalatan inaalatansabihan sinasabihanpagtawanan pinagtatawanan

Page 67: bahagi ng pananalita

4. ASPEKTONG PANGHINAHARAP O KONTEMPLATIBO : KILOS NA HINDI PA NASISIMULAN.

Halimbawa :

Anyong Pawatas Aspektong Panghinaharap magsaliksik magsasaliksik maghakot maghahakot umunlad uunlad yumuko yuyuko alatan aalatan sabihan sasabihan pagtawanan pagtatawanan

Page 68: bahagi ng pananalita

PANG-URI

Page 69: bahagi ng pananalita

GAMIT NG PANG-URI

1. Panuring Pangngalan

Mararangal na tao ang pinagpapala.

Panuring Panghalip

Kayong masigasig ay tiyak na magtatagumpay.

Page 70: bahagi ng pananalita

2. Pang-uring Ginagamit Bilang Pangngalan

Ang mapagtimpi ay malayo sa gulo.

 

3. Pang-uring Kaganapang Pansimuno

Mga madasalin ang mga Pilipino.

Page 71: bahagi ng pananalita

KAYARIAN NG PANG-URI

1. Payak : kung binubuo ng likas na salita lamang o salitang walang lapi.

Halimbawa : Maiinit ang ulo ng taong gutom.Huwag kang makipagtalo sa sinumang

galit.

Page 72: bahagi ng pananalita

2. Maylapi : kung binubuo ng salitang-ugat na may panlapi.

Halimbawa :kalahi kaygandamataas makataomalahininga

Page 73: bahagi ng pananalita

3. Tambalan : kung binubuo ng dalawang salitang pinag-iisa.

Halimbawa :Karaniwang Kahulugantaus-puso biglang-yamanbayad-utang hilis-kalamay

Patalinghagang Kahulugankalatog-pinggan ngising-buwayabulang-gugo kapit-tuko

 

Page 74: bahagi ng pananalita

KAILANAN NG PANG-URI

May tatlong kailanan ang mga pang-uri : isahan, dalawahan, at maramihan.

Halimbawa:Kalahi ko siya. (Isahan)Magkalahi kaming dalawa.(Dalawahan)Magkakalahi tayong lahat. (Maramihan)

Page 75: bahagi ng pananalita

KAANTASAN NG KASIDHIAN NG PANG-URI

IBA’T IBANG ANTAS NG KASIDHIAN ANG PANG-URI:

1.Lantay o Pangkaraniwan – karaniwang anyo ng pang-uri tulad ng mayaman, pang-araro, palabiro, atb.

Page 76: bahagi ng pananalita

2. Katamtamang Antas – naipapaita ito sa paggamit ng medyo, nang bahagya, nang kaunti atb., o sa pag-uulit ng salitang-ugat o dalawang unang pantig nito.

Halimbawa :Medyo hilaw ang sinaing.Labis nang bahagya ang pagkain.Mapurol nang kaunti ang kutsilyong ito.Masarap-sarap na rin ang ulam na niluto ni

Aling Maria.

Page 77: bahagi ng pananalita

3. Pinakamasidhi – naipapakita ito sa pamamagitan ng pag-uulit ng salita, paggamit ng mga panlaping napaka-, nag-, -an, pagka-, at kay- ; at sa paggamit ng salitang lubha, masyado, totoo, talaga, tunay, atb.

Halimbawa :Mataas na mataas pala ang Bundok Apo.Napakalamig pala sa Lalawigang Bulubundukin.Talaga naming napakalinis ngayon ng Rizal

Park.