22
Kabanata I- Sa ibabaw ng kubyerta Naglalakbay ang Bapor Tabo mula maynila patungong laguna. Lulan nito sina Donya Victoria, Don Custodyo, Ben Zaub, Padre Treni at simon paksa ang kanilang usapan ang pagpapalalim sa ilog pasig. Kabanata II- Sa ilalim ng kubyerta Sa ilalim na bahagi ng Bapor Tabomatatagpuan sina Basilio at Isagani. Kausap nila si Kapitan Basilio pinag-uusapan ang planong pagtatatag ng akademya ng wikang kastila. Kabanata III- Mga alamat Ikinuwento ni Kapitan Basilio kay simon ang alamat sa ilog pasig. Tungkol ito sa mapalad na bato na nagging bahay ng mga ispirito. Isinalaysay naman ni Padre Florentiro ang tungkol sa alamat ni Donya Geronima na isang engkantada na ikinulong sa loob ng kweba. Kabanata IV- Kabesang Tales Si tandang selo na ama ni Kabesang Tales ay nag patag ng kagubatan na inakala nyang walang may-ari ginawa nila itong tanim ng tubo. Nang ang bukid ay umunlad ito ay inangkin ng mga prayle pinabubowisan kay Kabesang Tales ang taniman.

BUOD NG EL FILIBUSTERISMO

Embed Size (px)

DESCRIPTION

CONTIRBUTION FOR FOURTH YEAR STUDENTS IN SUMMARIZING THEIR EL FILIBUSTERISMO

Citation preview

Page 1: BUOD NG EL FILIBUSTERISMO

Kabanata I- Sa ibabaw ng kubyerta

Naglalakbay ang Bapor Tabo mula maynila patungong laguna.Lulan nito sina Donya Victoria, Don Custodyo, Ben Zaub, Padre Treni at simon paksa ang kanilang usapan ang pagpapalalim sa ilog pasig.

Kabanata II- Sa ilalim ng kubyerta

Sa ilalim na bahagi ng Bapor Tabomatatagpuan sina Basilio at Isagani.Kausap nila si Kapitan Basilio pinag-uusapan ang planong pagtatatag ng akademya ng wikang kastila.

Kabanata III- Mga alamat

Ikinuwento ni Kapitan Basilio kay simon ang alamat sa ilog pasig.Tungkol ito sa mapalad na bato na nagging bahay ng mga ispirito.Isinalaysay naman ni Padre Florentiro ang tungkol sa alamat ni Donya Geronima na isang engkantada na ikinulong sa loob ng kweba.

Kabanata IV- Kabesang Tales

Si tandang selo na ama ni Kabesang Tales ay nag patag ng kagubatan na inakala nyang walang may-ari ginawa nila itong tanim ng tubo.Nang ang bukid ay umunlad ito ay inangkin ng mga prayle pinabubowisan kay Kabesang Tales ang taniman.Nagalit si Kabesang Tales at nagmatigas na hindi sya magbabayad ng buwis hangat walang ipinakikitang titulo ng lupa ang mga prayle .Binantayan ni Kabesang Tales ang kangyang bukid hawak ang baril / gulok at palakol sa huli dinukot ng mga tulisan at pinatutubos.

Kabanata V- Bisperas ng pasko ng ibang kutsero

Lumalakad na ang prusisyon na pang nochebwena nang dumating si Basilio sa san diego.Naabala sila sa daan dahil nakalimutan ng kutsero na si sinong nag kanyang cedula at siya ay binugbog ng mga guardiang sibil.

Page 2: BUOD NG EL FILIBUSTERISMO

Sa prusisyon idinaan ang imahe ni “Matesalem” ang pinaka magandang tao ng nabuhay sa mundo, imahe ng tatlong hari ng mago, imahe san jose, at imahe ni birheng maria.

Dumalaw si Basilio sabahay ni kapitan Basilio kung saan naroon si simon.Pagkatapos nang magtungo na nasabing bahay umuwi si BAsilio sa kanilang tahanan sa bahay ni kapitan Tiyago.

Kabanata VI- Si basilio

Palihim na nagtungo sa gubat si Basilio upang dalawin ang libingan ng kanyang ina na si Sisa bigla nyang naalala ang isang lalaki na tumulong sa kanya na ilibing ang kanyang ina at nagbigay sa kanya ng pera upang siya ay umalis ng san diego at lumuwas ng maynila.

Natagpuan si Basilio ni kapitan Tiyago at ni tiya Isabel na kakahatid pa lamng sa kaniyang anak na si Maria Clara sa kombento.

Kabanata VII- Si Simon

Sa pagbabalik ni Basilio sa bayan nakita naalala at nakilala niya si Simon.Ang lalaking tumulong sa kanya nailibing ang kanyang ina.Si simon ay naging biktima ng masamang pamahalaan kaya naman nag sikap siya upang magkaroon ng maraming pera ng sa kanyang pagbabalik matupad ang kanyang layunin na pabagsakin ang pamahalaan ng kastila.Gagawin nya ito sa pamamagitan ng pagpapaalala sa nga damdamin ng mga pilipino ng mahimagsik.

Sinabi ni Simon kay Basilio na tutol sya sa nais ni Isagani at Macaraig na itayo ang akademya ng wikang kastila

Kabanata VIII- Maligayang pasko

Hindi nag himala ang mahal na birhen, hindi nakapagbigay ng pera, Si Huli para sa pagpapalaya sa kanyang ama na si Kabesang Tales.Samantalang dahil sa tindi ng sama ng loob hindi na nakapagsalita o napipi na si Tandang Selo.

Kabanata IX- Si Pilato

Page 3: BUOD NG EL FILIBUSTERISMO

Pinagusapan sa buong bayan ang nangyari kay tandang Selo.Nais nilang malaman king sino ang may kasalanan nito.Ang alperes o tiniente ng gwardya sibil ba.Sila kasi ang nagsamsam ng mga sandata na naging dahilan ng pagdukot ng mga tulisan kay Kabesang Tales.

O ang asendero na gumagawa sa lupa ni Kabesang Tales.Siya kasi ang nagsumbong kay Kabesang Tales sa mga alperes na may dalang armas na sa kanyang pakiramdam ay siya ang gutong patamain.

Ayon kay Hermana Penchang amo ni Huli si Tandang Seloang tunay na may kasalanan dahil sya ang taong hindi marunong magdasal.

Nakauwi na si Kabesang Tales,Tulong ng mga alahas na ibinenta ni Huli at utang kay Hermana Pengchang.

Kabanata X- Kayamanan at karalitaan

Nakituloy si Simon sa bahay ni Kabesang Tales sa loob ng isang araw at isang gabina ikinagulat ng taong bayan dala ni Simon ang mga pagkain at dalawang sakong alahas.

Nag sidatingan dito ang mga mamimili ng mga alahas .Ipinagmalaki ni Simon kay Kabesang Tales ang kanyang rebolber.

Nabanggit ni Kabesang Tales ang kuwintas ni Huli at nais na bilhin ito sa halagang 500 pesos.Kailangan pararaw ipaalam ni Kabesang Tales sa anak ang planong pagbebenta ng kuwintas.Kinabukasan nawala si Kabesang Tales dala ang rebolber ni Simon.Nag iwan ito ng isang liham at kuwintas.Sumapi si Kabesang Tales sa gropo ng mga tulisan.

Kabanata XI- Los Baños

Ang kapitan heneral kasama sina Padre Sibyla, Padre Camora, Padre Irene at Padre Fernandez ay nangaso sa kagubatan.Kasama nila banda ng musiko walang nabaril na ibon o osa ang Kapitan Heneral.

Ibig na sana pagbihisin ng osa ang isang taong.Para lamang hindi mapahiya ang pinuno ayon sa Kapitan Heneral mabuti na raw yun dahil maawain siya sa hayop ang totoo ay hindi siya matutuwa dahil hindi siya talaga marunong mamaril ng hayop.Nagbalik na sila sa bahay na kanilang tinutuluyan sa Los Baños.

Page 4: BUOD NG EL FILIBUSTERISMO

Kabanata XII- Placido Penitente

Nais ni Placido Penitente, mag-aaral ng batsilyer sa artes sa UST nahuminto na sa kanyang pag-aaral.Apat na taon na siyang nag-aaral ngunit hindi parin siya nakilala at napapasin ng mga guro.Gayung matalino at lagi siyang nag aaral.

Sakatunayan siya ang idolo sa katalinuhan sa kanilang bayan sa tanawan.

Kabanta XIII- Klase sa pisika

Si Padre Milon, isang paring dominekano ay guro sa pisika tinalakay ng guro sa klase ang tungkol sa paksang salamin nag tanong siya at tinawag niya si Placido penitente nalito si Placido at nahirapan siya sa pagsagot.

Nilait siya ni Padre milon, na ikinagalit ni Placido, “maaari nyo akong bigyan ng marka kahit anong gusto ninyo, subalit wala kayong karapatan nalaitin ang pagkatao ko”.At ang estudyante ay umalis ng walang paalam.

Kabanata XIV- Sa bahay ng mga estudyanteSa malaking bahay Macaraeg, nakatira ang maraming estudyante.

Na pakatahimik sa bahay na ito tuwing umaga subalit napakaingay tuwing gabi.Dumating sa bahay na ito sina Isagani at Sandoval.Nag usap-usap ang mga estudyante tungkol sa estado ng panokalang pag tatayo ng akademyang kastila.

Sa pag dating ni Macaraeg ibinalita niya ang pusibilidad na sangayunan ito ng kapitan heneral ito ang mang yayari kung mag daragdagan ang papanig dito bukod pa Padre Irene kaylangan nilang kumbinsehin si Don Custodio na miyembro ng kumite na panig kay Padre Irene.ang pagkumbinse ay plano ni lang gawin sa tulong naman ng kaibigan at magaling na abogado sa si ginoong Pasta.

Kabanata XV- Ginoong PastaNag punta si Isagani sa tanggapan ni Ginoong Pasta.

Ito ay upang kausapin sya na kumbinsehin si Don Costodio, hindi pumayag si Ginoong Pasta sa kahilingan ng estudyante dahil sa kanyang mga kayamanan at mga kliyente na prayle natauhan ang pamahalaan.

Page 5: BUOD NG EL FILIBUSTERISMO

Kabanata XVI- Kapighatihan ng isang InstikIsang negusyanteng instik si quiroga na nais magtatag ng konsulado ng china sa

pilipinas at sya ang magiging kulsul.Naghandog sya ng hapunan na dunaluhan ng mga tanyag na panauhin.Dumating sa handaan si Simuon at sinisingil nya si Kiruga sa kanyang utang na

9,000 pesos.Sinabi ni kiruga na nalugi sya sa negusyo inalok ni simuon na bawasan ng 2,000

pesos ang utang ni kiruga kung papayag ang instik na itago sa budega nya ang mga baril ni simuon hindi daw dapat mangamba ang instik dahol uting-uti nya naming ililipat ang mga baril sa ibat-ibang bahay.

Kabanata XVII- Ang mga perya sa quiapoMaraming panuorin at manonood sa perya may labing dalawang katao na galing

sa bahay ni quiroga ang nag tungo sa quipo upang manood ng palabas ni Mr.Leeds na isang madyikero.Tuwang-tuwa si Renzayb lalo higit si Padre Camorra nang makakita ng magagandang dalaga kabilang si Paulita na kasama sina isagani at Donya Victorina pinasok nila ang tindahan na niloklok na tao-tauhang kahoy at na pansin nila na kamukha nila ang ilan dito.

Bigla nilang naaalala ang mag-aalahas ng Makita ng kamukha nito hindi nila kasama sa perya sa quiapo si Simuon.

Kabanata XVIII- Mga kadayaanSi Mr.leeds ay isang amerikano ay bihasa sa larangan ng mahika.

Dinala siya sa pagtatanghal ng kababalaghan bago magsimula ang kanyang palabas ay sinayasat ni Benzayb ang kabuuan ng madilim ng tanghalan upang mahanap ang salamin na posibleng ginagamit ng madyikero sa panggagaya sa ka samaang palad wala siyang nakita salamin.

Nagsimula na ang palabas ni Mr.Leeds iasng maliit na kahon ang kanyang nagmula sa puntod malapit sa piramide ng dakilang si Khafy ng Egypt at may umusok ang may kakaibang amoy ang kahon ipinatong ni Mr.Leeds sa ibabaw ng mesa at namatay ang ilaw sa lampara isang ulo ng bangkay ang lumitaw at unti-unting bumukas ang mga mata ng espingtie at nag pakilala siyang si Imutis.

Ikinuwento niya kung paano siya namatay na ikinagulat at ikinatakot ng mga manunuod pagkatapos ng pagsasalaysay nito ay naging abo uli ang mahiwagang ulo kinabukasan ay kaagad na ipinagbawalan ng simbahan at ipinahuhuli ni Mr.Leeds

Kabanata XIX- Ang mitsaLumabas sa klase si Placido Penitente. Hindi na siya ang dating mapagtimpi. Galit

na galit siya. Nais niyang gumawa ng isang libo`t isang paghihiganti. Parang ibinubulong

Page 6: BUOD NG EL FILIBUSTERISMO

ng kanyang budhi: Placido Penitente, ipakilala mong ikaw ay may karangalan, na ikaw ay matapang at maginoo. Taga-Batangas ka na ang paglait ay hinuhugasan ng dugo.

Nakitang nagdaan ang isang sasakyang kinalulunanan nina Padre Sibyla at Don Custodio. Nais niyang habulin ang kura at ihagis sa ilog. Napadaan sa Escolta. May naraanang dalawang Agustino sa pinto ng basar ni Quiroga. Ibig pag-uundayan ng suntok. Nagpigil. May naraanang dalawang kadete na nakikipag-usp sa isang kawani. Sinagasa niya ito. Tumabi ang mga kadete. Inaalihan ng hamok si Placido.

Inakala na ni Placidong wala na siyang pagkakataong mag-aral. Aniya sa sarili. Hindi raw kami marunong maghiganti. Dumating na sana ang lintik at nang makita nila.

Naratnan ni Placido sa bahay na kanyang tinutuluyan ang kanyang ina si Kabesang Andang. Kararating nito mula sa Batangas. Sinabi ni Placido na di na siya mag-aaral. Naghinagpis ang ina. Nakiusap sa anak. Nagpaalam si Placido sa ina. Ginala nito ang Sibakong, Tundo, San Nicolas, Sto. Kristo. Mainit pa ang ulo. Nguni`t nakaramdam ng gutom. Naisipang umuwi. Inakalang wala na sa bahay ina`t nagtungo na sa kapitbahay upang makipangginggi. Mali siya. Naroon pa ang ina. Naghihintay.

Kabanata XX- Ang pagpapalagayAng usapin ukol sa akademya ng salitang kastila ay nasa mga kamay ni Don

Custodio, na siyang pinagkatiwalaan lumutas sa suliraning ito.Si Don Custodio de Salazar y Sanchez deMonteheredondo ay kilalang tanyag

sabahagi ng lipunan sa Maynila at tinaguriang “Buena Tinta”. Siya ay nakapag-asawa ng isang mayaman at sa pamamagitan ng yaman ng asawa, nakapagnegosyosiya kahit kulang sa kaalaman sa mga tungkuling kanyang hinahawakan siya ay pinupuri dahil siya ay masipag.

Nang bumalik siya sa Espanya walang pumansin sa kanya dahil sa kakulangan niya sa pinag-aralan, kaya walapang isang taon nagbalik na siya sa Pilipinas at nagmagaling sa mga Pilipino sa kanyang kunwaring magandang karanasan sa Madrid.

Lumagay siya parang amo’t tagapagtanggol, ngunit siyay naniniwalang may ipinanganak upang mag-utos at ang iba’y upang sumunod. Ang Pilipino’y ipinanganak upang maging utusan, kaya’t kailangang pagsabihang lagi na ang mga ito’y sa gayon lamang ukol.

Sa loob ng labing limang araw, si Don Custodio ay bumuo ng pasiya ukol sa kasulatan at handa na niya itong ipaalam sa lahat.

Kabanata XXI- Nahati ang maynilaNang gabing iyon ay may pagtatanghal sa teatro de Variendades, ang Les

Choches de Corneville ng bantog na mga Pranses. Ubos kaagad ang tiket, at mahabang-mahaba ang hanay ng nagsipasok.

Isang Kastila ang tanging walang bahala sa pagpasok sa dulaan. Ito’y si Camarroncocido na anyong pulubi o palaboy. May lumapit sa kanya na isang kayumangging lalaki na matanda at may amerikanang mahaba’t hanggang tuhod. Siya’y

Page 7: BUOD NG EL FILIBUSTERISMO

si Tiyo Kiko. Pinakitaan nito ng mga mamisong Mehikano si Camarroncocido. Iisa ang kanilang hanapbuhay: pagdidikit ng mga paskil.Anim na piso ang iniupa ng mga Pranses kay Tiyo Kiko. Ani Camarroncocido: E, magkano naman ang ibinigay nila sa mga prayle? Dapat mong malaman na ang buong kikitain ng palabas ay mauuwi sa mga kumbento.

Ang palabas ay humati sa Maynila. Mayroong nagsitutol dito bilang masagwa at laban sa moralidad, tulad nina Don Custodio at ng mga prayle. Mayroon namang nagtanggol dito. Mga pinuno ng hukbo at mga marino, ang kawani, at maraming matataas na tao. Laban ang mga babaing may asawa o may kasintahan. Ang wala nama’y sang-ayon sa opera. Naging malaki at malaganap ang bulung-bulungan at kasamang nababanggit ang Kapitan Heneral, si Simoun, si Quiroga at mga artista.

Kabanata XXII- Ang palabas Maingay sa dulaan. Lampas na sa oras ay di pa nagsisimula ang palabas dahil

wala pa ang Kapitan Heneral. May nagsisipadyak ng baston at sumisigaw na buksan na ang tabing. Maraming pabastos na paghanga sa mga babae na maririnig sa mga artilyero. Maraming tsismisan. Mausok. Maraming pagtatalo. May isang matigas ang ulo sa isang luklukang di kanya at ayaw ibigay iyon sa may-aring si Don Primitivo. Hindi ito napakiusapan ng tagapamahala. Nagsigawan ang mga artilyero. Ibibigay o hindi na oo na hindi! Nalibang ang mga tao.

Ang mga tanod ay di makapangahas magpaalis sa nasa upuan ni Don Primitivo dahil sa ito ay isang mataas na tao sa pamahalaan.

Dumating ang Heneral. Tumugtog ng marcha real. Si Pepay ay nasa isang palko na handog ni Makaraig. Katapat ito ng palko ng mga estudyante. Si Don Custodio ay tinipan ni Pepay sa dulaan kaya’t di man ibig ay napilitan ang tagapagmungkahi na pasadulaan.

Masaya si Pepay. Masaya rin ang mga estudyante pati si Pecson. Si Isagani lang ang hindi dahil nakita niya sa dulaan si Paulita na kasama ni Pelaez na kanyang karibal.

Kabanata XXIII- Isang bangkayNang gabing iyon, ikapito, ay makalawang umalis at dumating si Simoun sa bahay na may iba’t ibang taong kasama. Nakita siya ni Makaraig nang mag-iikawalo sa may daang Ospital, malapit sa kumbento ng Sta. Clara. Nakita siya ni Camarroncocido sa may dulaan nang mag-iikasiyam na may kausap na tila estudyante.Si Basilio ay dir in nanonood. Nagrerepaso siya sa bahay. Hindi na nag-sasama sa mga kamag-aaral mula nang tubusin si Huli sa pagkakaalila. Pinag-aralang mabuti ang pagpapagaling kay Kapitan Tiyago na noon ay lalong naging mahirao pakiba-gayan. Kung minsan ay mahal na mahal nito si Basilio at kung minsa’y nilalait. Pabigatnang pabigat ang karamdaman nito.Ang pagbabawas sa paghitit ni Kapitan Tiyago ay isinasagawa ni Basilio ngunit kung nasa lalawigan o nasa paaralan siya’y may nagbibigay ng labis na apyan sa matanda. Si Simoun at si Padre Irene lang naman ay walang itinatagubilin kay Basilio kundi ang pagalingin ang maysakit, pagtiisan ito sa pag-aalaga.

Page 8: BUOD NG EL FILIBUSTERISMO

Kabanata XXIV- Mga pangarapMag-uusap sina Isagani at Paulita sa Luneta. Handang-handa si Isaganisa pagbabagsak ng kanyang galit sa gabi. Pany raw ang tingin ni Isagani sa mga Pransesa. Kayaraw siya sumama kay Juanito ay para nga magkita sila ni Isagani. Si Donya Victorina raw angmay ibig kay Pelaez. Nagkatawanan ang dalawa.Nagkapalitan sila ng mga pagtanaw sa kinabukasan. Nais ni Isagani na sa nayon manirahan. Pinakaiibig raw niya ang kanyang bayang iyon. Bago raw niyanakita siPaulita, ang bayang iyon ang tangi niyang kaligayahan at magandang-maganda para sa kanya. Nguni’t nang makilala niya si Paulita ay naging parang may kulang sa kanya ang bayang iyon atNatiyak niyang ang kulang ay si PaulitaNguni’t ayaw ni Paulita na tumungo roon. Ayaw niyang magdaan sa mga bundok na malimatik. Ang ibig niyang paglalakbay ya sa pamamagitan ng tren.

Kabanata XXV- Tawanan at IyakanIdinaos ang piging ng mga estudyante sa Panciteris Macanista de Buen Gusto. Labing–apat sila, kasama si Sandoval. Pinakyaw nilang lahat ang mesa. Ani ng isang paskin: “Luwalhati kay Don Custodio sa kaitaasan at Pansit sa lupa sa mga Binatang may Magagandang Kalooban!” Matatlim ang mga salita ng mga estudyante. Naghalakhakan sila’y pilit at may tunog ng paghihinakit.Dumating si Isagani. Si Pelaez na lang ang kulang. Ani Tadeo sana’y si Basilio na ang inanyayahan nila sa halip ng impormal na si Juanito. At malala-sing pa raw sana nila si Basilio upang mapagtapat ng mga lihim ukol daw sa nawawalang bata at sa isang mongha.

Kabanata XXVI- Mga paskilMaagang nagbangon si Basilio upang magtungo sa ospital. Nais niyang pakialaman ang kanyang linsensiyatura sa Unibersidad pagkatapos madalaw ang may sakit. Uutang siya kay Makaraig ng perang gugugulin. Ang naimpok niya ay naipanubos kay Huli.Sa tapat ng San Juan de Letran ay may nagtanong sa kanya ukol sa pagbabangon. Iniugnay niya sa isip ang pagkakatungo sa kanya ni Simoun. Marami raw nadadamay na mga estudyante ayon sa nagbabalita. Nagpatuloy sa paglalakad si Basilio.Nakasalubong niya ang isang katedratiko na malapit ang loob sa kanya. Itinanong kung nasa piging ng mga estudyante si Basilio. Mabuti raw at wala. Nang malamang kasapi si Basilio sa kapisanan ay pinayuhan nitop ang binata na umuwi na’t sirain niya ang lahat ng kasukatang magdadawit sa kanya. Nabanggit ni Basilio si Simoun. Wala raw

Page 9: BUOD NG EL FILIBUSTERISMO

kinalaman dahil nahihiga ang mag-aalahas dahil sa sinugatan ng kung sino. Dito’y may ibang mga kamay na nakapangingilabot, anang katedratiko.

Kabanata XXVII- Ang prayle at mga estudyanteSi Isagani ay ipinatawag ni Padre Fernandez na isang katedratiko. Labis na iginagalang ito ng binata.Ayon sa pari narinig nito si Isagani sa pagtatalumpati ng binata. Itinata-nong ng kura kung kasama si Isagani sa hapunan. Pinuri rin ang pagkakaroon ni Isagani ng paninindigan . Pinaupo ang binata. Nguni’t nanatiling nakatayo si Isagni. Patuloy na nagsalita ang pari. May mga dalawang libong estudyante na raw ang naturuan niya o sinikap niyang turuang mabuti at karamiha’y pumupula at lumalalos sa mga prayle nguni’t walang makapagsalita nang tapatan o harapan.Ayon kay Isagani ay di kasalanan iyon na kabataan na pag nagsalita laban sa maykapangyarihan ay kaagad nang sinasabing pilibustero at alam ng pai ang ibinubunga ng gayong paratang. “Baliw ang sino mang magsabi nang malakas sa kanyang iniisip sapagka’t siya’y magtitiis ng pag-uusig,” ani Isagani.Sinabi ng prayle na di niya inuusig si Isagani at malaya itong nakapagsasalita ng anuman sa kanyang klase. Sa halip ay paborito pa niya si Isagani.

Kabanata XXVIII- PagkatakotIpinangalandakan ni Ben Zayb sa El Grito na tama siya sa madalas niyang sabihing nakasasama sa Pilipinas ang pagtutuo sa kabataan. Ito’y pinatunayan ng mga paskil.Naging takot ang lahat mula sa Heneral hanggang sa mga intsik. Ang mga prayle ay di nakasipot sa basar ni Quiroga. Ang intsik man ay nag-ayos ng tindahan na madaling maisara kung sakali. Inisip ni Quiroga na magtungo kay Simoun at isangguni kung panahon na upang gamitin ang mga baril at pulbura’t bala na ipinatago nito sa kanya. Ayon sa himatong ni Simoun iyon ay palihim na ilalagay sa mga bahay-bahay at saka magpapahalughog ang pamahalaan. Daami ang madarakip at mabibilanggo. Maami, lalo sa mayayaman, ang patutulong sa kanila ni Simoun at iyon ay mangangahulugan ng malaking salapi. Nguni’t di niya nakausap si Simoun. Ipinasabi lamang na huwag galawin ni Quiroga ang anuman sa kinalalagyan.Nagtungo si Quiroga kay Don Custodio upang isangguni kung dapat sandatahan ng intsik ang sariling tahanan. Ayaw ring tumanggap si Don Custodio ng sinuman. Kay Ben Zayb nagtungo ang intsik. Nang makita niya na nakapatong sa mga papeles ng manunulat ang dalawang rebolber, kaagad nagpaalam ang intsik. Umuwi ,nahiga at nagdahilang maysakit.Kinahapunan ay kumalat pa ang balitang may panayam ang mga estudyante at mga tulisan sa San Mateo; niyari daw ang balak na paglusob sa lungsod sa isang Pansiterya; may bapor pandigma aw ang mga Aleman sa look, katulong ng mga estudyante; may mga estudyante pa aw na nagtungo sa Malakanyang upang magpahayag ng pagkamaka-Kastila ngunit nahulihan sila ng armas kaya’t pinagpipit; naligtas daw ang Heneral dahil noo’y nakikipanayam sa mga puno ng orden o provincial sa Pilipinas.

Page 10: BUOD NG EL FILIBUSTERISMO

Kabanata XXIX- Huling salitaMarangal ang libing ni Kapitan Tiyago. Si Padre irene ang hinirang na tagapamahala at tagapagpatupad ng testamento ng kapitan. Paghahati-hatiin ang kanyang kayaman sa Sta. Clara, sa Papa, sa Arsobispo, at sa mga orden. P20.00 ay itinira para pangmatrikulang mga estudyante mahihirap. Iminungkahi ito ni Padre Irene para masabing tagatangkilik siya ng mga estudyante. Inalis ni kapitan Tiyago ang P25.00 pamana kay basilio dahil sa kawalang-utang na loob ngunit isinauli ni paddre Irene at siya raw ang magpapaluwal sa sariling bulsa.Nang nakaburol si Kapitan Tiyago ay marami ang usap-usapan ukol sa kanya. Nakita raw ng mga mongha ang nagliliwag na kaluluwa ni Kapitan Tiyago. Iyon daw ang utang sa maraming pamisang nagawa ni Kapitan.Naisip ng sakristan na ipanabing ang kaluluwa ni Kapitan Tiyago ay may hawak pang mangkok ng taho. May nangaghaka namang hamunin ni Kapitan Tiyago ng sabong si San Pedro. Pero paano magkakamatayan o magkakatalo mag manok na kaluluwa? Ayon kay Pilosopo Primotivo, di magkakatalo sagka’t ang pagkatalo’y kaugnay ng sama ng loob ay walang puwang sa langit.

Kabanata XXX- Si HuliNabalita sa San Diego ang pagkamatay ni Kapitan Tiyago at ang pagkadakip kay Basilio. Dinamdam ng bayan nang higit ang huli. Maari raw ipatapon o patayin ang binata. Enero rin daw nang bitayin ang tatlong martit sa Kabite. Mga pari na iyon, nabitay pa. Tiyak daw na bibitayin din si Basilio.Nagkagayon daw si Basilio, ayon kay Hermana Penchang, dahil di nag-aagwa bendita sa Simbahan dahil narurumihan sa tubig. Hindi raw nakasasakit ang agwa bendita. Nakagagaling pa nga raw ito. May ilan pa ang nanisi rin sa binata.Ngunit marami ang nagsasabing di dapat mangyari iyon kay Basilio.Tahimik ito. Naghihiganti raw lamang ang mga prayle dahil sa pagkakatubos ni Basilio kay Huli na anak ng tulisang si Tales.Mabuti raw at pinaalis na niya si Huli, ani Hermana Penchang. Ayaw daw niyang magalit ang mga prayle sa kanya. Ang totoo’y di niya ibig ipatubos si Huli.Si Hermana Bali ang nagbalita kay Huli ng tungkol kay Basilio. Hinimatay pa si Huli dala ng balita. Sa Pilipinas ay kailangan ang ninong sa ano mang pagkilos. Wala nang tagatangkilik si Basilio sa pagkamatay ni Kapitan Tiyago kaya’t tiyak na mabubulok sa bilangguan si Basilio o mabibitay wala mang kasalanan.

Kabanata XXXI- Ang mataas na kawaniHindi man lamang nabalita sa mga pahayagan ang nangyari kay Huli. Nangakalaya ang mga estudyanye. Una’y si Makaraig. Pinakahuli si Isagani. Nabalita sa tulong ni Ben Zayb, ang pagiging mahabagin ng Heneral. Ang tanging di nakalaya ay si Basilio. Ipinagtanggol ng Mataas na Kawani si Basilio. Mabuting bata raw at matatapos na ng panggagamot. Lalong napahamak si Basilio dahil lahat ng sabihin ng Kawani ay

Page 11: BUOD NG EL FILIBUSTERISMO

tinututulan ng Heneral. At kailangan daw magkaroon ng halimbawang di dapat tularan ang mga mahilig sa pagbabago. Si Basilio ay pinagbintangan ng Heneral na gumamit ng bawal na aklat sa medisina. Sinabi ng Kawani na dapat matakot ang Heneral sa bayan. Natawa ang Heneral wala raw siyang pakialam sa bayan dahil ang naghalan sa kanya ay ang bayang Espanya hindi ang bansang Pilipinas.Kapag itinanggi sa isang bayan ang liwanag, tahanan, katarungan at kalayaan ituturing ng bayan na magnanakaw ang nagtanggi ng mga ito.

Kabanata XXXII- Ibinunga ng mga paskilDahil sa mga nangyayari sa mga estudyante ang maraming magulang ay din a nagpaaral ng mga anak. Buti pa ang maglimayom o kaya’y masaka.Marami ang di nakasulit sa eksaming ibinigay ng serbisyo sibil. Natuwa pa si Tadeo, sinigan ang kanyang mga aklat. Si Pelaez ay napatali sa negosyo ng ama. Napasa-Europa si Makaraig. Si Isagani’y sa aklat lamang ni Padre Fernandez nakasulit. Si Salvador ay nakapasa dahil sa kahusayang magtalumpati. Si Basilio lamng ang di nakakuha ng pagsusulit. Nasa bilangguan pa siya. Doon niya nabatid ang pagkawala ni Tandang Selo sa tulong ni Senong na kutsero na tanging dumadalaw sa bilanggong kanayon.Si Simoun ay mabuti na’t ayon kay Ben Zayb ay di mag-uusig at sa halip ay madaraos ng isang pistang walang katulad bago umalis sa bayan.Naipayo ni Ben Zayb na bilin ni Simoun ang bahay ni Kapitan Tiago na nabili ng ama ni Pelaez. Mula noo’y madalas si Simoun sa tindahan ng mga Pelaez na wika ng iba’y pinakisamahan na niya. At tumagal ang ilang linggo ay nabalitang ikakasal si Juanito kay Paulita.Higit na magkabagay si Juanito at Paulita. Kapuwa walang isip at muning lampas sa pansariling kaligayahan kapwa anak-Maynila.

Kabanata XXXIII- Ang huling matuwidAraw ng pag-alis ni Simoun. Sasama na siya sa Kapitan Heneral. Nakahanda na ang kanyang dadalhingmga alahas at lahat na. Paniwala ng marami na hindi makapangahas magpaiwan si Smoun. Maring paghigantihan siya ng mga galit sa kanya o pag-uusigin siya ng kahaliling Heneral.Nagkulong si Simoun sa kanyang silid. Wala raw dapat tanggapin kundi si Basilio. Dumating ang binata. Pinatuloy siya sa utusan Kay laki ng ipinagbago ni Basilio. Payat na payat, gusot ang buhok at walang ayos ang pananamit. Wala ang dating kaamuan sa kanyang mga mata.Matalim na ang mga iyon. Para siyang bangkay na nabuhay. Maging si Simoun ay nagulumihan sa anyo ng kababayan. Sinabi ni Basilio kay Simoun na siya ay naging masama na anak at kapatid na nilimot niya ang pagkapatay ng kapatid kaya siya ay pinarusahan ng Diyos. Siya ngayon ay nakahanda ng gumanti ng samasama. Sinabi niya na ang pag-iwas niya sa gulo na tulad ng pakikiisa kay Simoun ay nagbunga lamang ng kanyang pagkabilanggo Sasanib na raw siya kay Simoun.

Page 12: BUOD NG EL FILIBUSTERISMO

Kabanata XXXIV- Ang kasalNasa sa daan si Basilio. Ika-8 ng gabi. Makikituloy sana siya kina Isagani nguni’t hindi umuwi ang kaibigan sa buong araw na iyon. Dalawang oras na lamang at sasabog na ang ilawan ni Simoun. Maraming dadanak na dugo. Marami ang mamamatay. Sinalat ni Basilio ang kanyang rebolber at mga bala. Naalala niya ang babala ni Simoun na siya ay lumayo sa daang Anloague.Naghinala si Basilio. Ang bahay ni Kapitan Tiyago ay nasa daang iyon.May binanggit na kasayahan si Simoun. Sa bahay na iyon idaraos ang piging sa kasal nina Paulita at Juanito. nakita niyang dumating ang sasakyan ng bagong kasal. Nahabag si Basilio kay Isagani. Naisip niyang yakaginng sumama sa kanya si Isagani.Siya rin ang tumugon. Hindi papayag si Isagani sa gayong madugong pagpatay sa marami. Hindi pa nararanasan nito ang nangyari sa kanya.Nagunita niya ang pagkabilanggo, ang kabiguan sa pag-aaral,ang nangyari kay Huli. Muling hinaplos ang puluhan ng rebolber at ninasang dumating na sana ang sandaling hinihintay. Nakita niyang dumating si Simoun. Si Sinong ang kutsero ni Simoun. Sumunod ang sasakyan ni Simoun sa mga bagong kasal.Nagtungo si Basilio sa Anloague. Doon ang tungo halos ng lahat – sa bahy ni Kapitan Tiyago. Ang Kapitan Heneral ang ninong at dadalo sa hapunan, dala ang isang tanging ilawang handog naman ni Simoun.

Kabanata XXXV- Ang pagigingIkapito ng gabi nang magsisimulang dumating ang mga may paanyaya. Una ang maliliit. Sunod ang palaki sa katayuan sa tungkulin at sa kabuhayan. Lahat ay pinagpupugayan ni Don Timoteo.Dumating ang bagong kasal. Kasama si Donya Victoria. Batian. Kamayan. Naroon na sina Padre Salvi nguni’t wala pa ang Heneral. Nais tumungo ni Don Timoteo sa palikuran nguni’t di siya makaalis at wala pa ang Heneral. May pumintas sa mga kromo sa pader. Nagalit si Don Timoteo. Iyon saw ang pinakamahal na mabibili sa Maynila. Sisisngilin daw niya ang utang ng namintas kinabukasan.Dumating na rin ang heneral. Nawal ang mga dinaramdam ni Don Timoteo. May nagsabi na ang araw ng kapitan dahil natititigan na tio nang harap-harapan.Si Basilio ay nasa harap ng bahay at pinapanood ang mga nagdaratingan. Naawa siya sa mga inakala niyang mga walang malay na mamamatay roon. Naiisip na bigyan ng babala ang mga iyon. Nguni’t siyang pagdating ng sasakyan nina Padre Slavi at Padre Irene. Nagbago siya ng isip.Hindi ako dapat magmalabis sa pagtitiwalang inilagak sa akin. Ako’y may utang na loob sa kanya; sa kanila’y wala. Siya ang humukay ng libingan ng aking ina na pinatay nila. Ako’y nagpakabuti; pinagsikapan kong magpatawad, ano ang ginawa sa akin? Mangamatay na nga sial na ang aming pagtitiis, nasabi ni Basilio.

Kabanata XXXVI- Mga kagipitan ni Ben Zayb

Page 13: BUOD NG EL FILIBUSTERISMO

Mula sa bahay ni Kapitan Tiyago ay patakbong tinungo ni Ben Zayb ang kanyang tanggapan upang sulatin ang pangyayari. Pinalabas niyang bayani ang Kapitan Heneral, sina Padre Irene, Don Custodio at Padre Salvi. Ang lathalain ay isa ring paghahangad ng mabuting pagyao at paglalakbay ng Heneral.Ngunit ang kanyang isinulat ay ibinalik sa kanya ng patnugot ng pahayagan. Ipinagbawal ng Heneral ang pagbanggit ng ano mang ukol sa pangyayari.Dumating ang balita mula sa Pasig. Nilusob dawn g maraming tulisan ang bahay-pahingahan ng mga prayle at nakatangay ng may dalawang libong piso. Malubha ang isang prayle at dalawang utusan. Gumalaw ang guni-guni ni Ben Zayb. Gagawin niyang bayani ang kura na sa pagtatangol ay nagkasira-sira ang isang silyang ginamit laban sa mga tulisan.Nagtungo siya sa Pasig. Natagpuan niyang ang nasugatan ay si Padre Camorra. Doon siya pinapagtika sa kasalanang ginawa sa Tiyani. May isang maliit na sugat sa kamay at may pasa sa ulo. Tatlo ang mga magnanakaw na may taglay ng gulok. Limampung piso ang nanakaw. Ayon kay Ben Zayb ay hindi tama ang salaysay ni Padre Camorra. Kailangan daw gawing marami ang mga tulisan.May nadakip sa mga tulisan. Sila raw ay inanyayahang sumama sa pangkat nina Matanglawin upang sumalakay sa kumbento at mga bahay ng mayayaman. Pangungunahan sila ng isang Kastila na mataas, kayumanggi, puti ang buhok at ang pasabi’y kumikilos sa utos ng Kapitan Heneral na kaibigan niyang matalik. Katulong pa raw nila ang mga artilyero. Wala raw dapat ikatakot. Ang hudyat daw ay isang malakas na putok. Walang putok. Inakala ng mga tulisan na sila ay nilinlang. Nagsiurong ang ilan Ang iba’y nagsibalik sa bundok. Balak nilang maghiganti sa Kastila na makalawa nang lumoko sa kanila. Ang tatlong tulisan ay nagpasiyang manloob.

Kabanata XXXVII- Ang kahiwagaanNabatid din ng madla, sa likod ng pagpigil sa balita, ang mga pagbabangon at mga supot ng pulbura . Ito ang naging paksa ng usapan ng lahat - palihim nga lamang. Si Chikoy kasi, payat na platero. Ay nagdala ng hikaw para kay Paulita nang tinatanggal na ang mga palamuti at mga hapag sa bahay ni Kapitan Tiyago at nakita niya mismo ang suput-supot na pulbura sa ilalim ng mesa, sa silong, sa bubungan, sa likod ng mga upuan.Ayon daw kay G. Pasta ay iisa ang maaring gumawa ng gayon-isang kaaway ni Don Timoteo o kaagaw ni Juanito.Naroon sa bahay ng mga platero si Isagani. Anang may-aring si Kapitan Loleng ay magtago si Isagani.Ngumiti lamang si Isagani.Nagpatuloy si Chikoy. Dumating daw ang mga sibil. Wala namang mapgbintangan. Si Don Timoteo lamang daw at si Simoun ang nangasiwa sa pag-aayos ng bahay na iyon. Pinaalis daw ang lahat ng mga di kailangan sa imbestigasyon.Naku, kung may isa man lang daw na nanigarilyo sa mga trabahador, sasabog ang buong daan ng Anlogue. Kung sumabog daw ang mga pulbura ang noong gabi.Nangatakot ang mga babae. Naghulaan kung sino ang pinaghihinulaan. Mga prayle. Si Quiroga. Isang estudyante. Si Makaraig. At tumingin si Kapitan Toringgoy kay Isagani. Ani Chikoy: ayon sa ilang kawani, si Simoun. Nagtaka ang lahat.

Page 14: BUOD NG EL FILIBUSTERISMO

Naalala ni Momoy, isang dumalo sa piging, ang pagalis ni Simoun sa bahay bago magsimula ang hapunan.Si Simoun daw ay nawawala, patuloy ni Chikoy. Kasalukuyang ito’y pinaghahanap ng mga sibil. Lalong nabuo sa isip ng mga kababaihan ang pagiging demonyo ni Simoun na nagkakatawang-tao.

Kabanata XXXVIII- KasawianBuong Luzon halos ang nilaganapan ni Matanglawin sa kanyang panunulisan. Siya’y pumatay sa hukom pamayapa sa Tiyani, nanunog, nangulimbat. Ngayo’y sa Batangas, bukas ay sa Kabite, di maglilipat-araw ay sa Tayabas, pagkatapos ay sa Panggasinan o sa Albay. Laging naliligtasan ni Matanglawin ang mga habol sa kanya. At sa kawalangkaya ng mga sibil sa dumakip sa mga tulisan ay mga magsasakang walang sala ang kanilang dinarakip.May anim o pitong magsasaka ang dinakip ng mga sibil matapos ang isang pagsalakay ni Kabesang Tales. Abut-siko at kabit-kabit ang gapos ng mga ito na inilakad nang tanghaling tapat sa kainitan ng Mayo walang sombrero at nakayapak. Ang pawis nila’t alikabok ay nagpuputik sa kanilang mukha ang magkahalong poot at kawalang pag-asa.Ni hindi nila mapahid ang mahapding pawis na sumisigid sa kanilang mga mata. Kung may isang nabubuwal sa hapo at gutom ay hinahagupit silang lahat at ang nabuwal ay makakaladkad sa kanilang pagtakbo. Sumisigaw ang nabuwal na patayin na siya. Umiiyak. Parang bata. Isinusumpa ang oras ng kanyang pagsilang.Nilalait pa sila ng mga guwardiya sibil. Nguni’t may isang sibil na tutol sa gayong pagmamalupit. Nang di makatiis ay sumisigaw na rin ito sa mapagparusa: Hoy, Mautang, bayaan mo silang magsilakad nang payapa! Nagpakikilalang bago ka nga lamang Carolino patuya pang tugon ni Mautang. Ano ba ang ginagawa ninyo sa mga bihag ng digma? Pinakukundanganan namin. Tugon ni Carolino:Mangyari’y kaaway na nagsilaban ang mga iyon ang mga ito’y mga kababayan natin! ganti ng mapagpahirap. At bumubulong kay Carolina: Ginaganyan natin iyan upang lumaban o tumakas at nang barilin na lamang natin. Isang bilanggo ang sinumpong ng pagdumi o pag-ihi marahil at nakiusap na payagan muna siyang makatigil nang sandali. Di siya pinayagan. Mapanganib daw ang lugal na iyon. Naliligid sila ng bundok.

Kabanata XXXIX- wakasBuodMalungkot na tumugtog ng kanyang armonyum si Padre Florentino. Kaaalis ni Don Tiburcio de Espadana na nag-akalang siya ang Kastilang tinutukoy sa telegrama na darakpin daw sa gabing iyon. Inakalang siya’y natunton na ni Donya Victorina.Ang telegrama ay pinabasa ng tenyente ng guwardiya sibil sa bayan kay Padre Florentino sa ngalan ng pagkakaibigan. Anang telegrama: “Espanyol escondido casa Padre Florentino cojera remitara vivo muerte”.Ang totoo, si Simoun ang Kastilang tinutukoy sa telegrama. Sugatang dumating doon si Simoun may dalawang araw na. Di man lamang siya inusisa ay tinanggap siya ng pari.

Page 15: BUOD NG EL FILIBUSTERISMO

Hindi pa nakabalita ang pari ng nangyari sa Maynila. Inakala ng pari na dahil wala na ang Kapitan Heneral ay may nagtangkang maghiganti kay Simoun. Ang sugat niya’y buhat daw sa kawalang-ingat, ayon sa mag-aalahas. Nagkasiya ang pari sa mga palagay. At nakatulong ang hinala ng pari na si Simoun ay tumakas samga kawal na tumutugis nang tanggapin nito ang telegrama.Si Simoun ay tumangging paggamot pa sa mediko sa kabesera. Pumayag siyang paalaga kay Dr. de Espadana lamang. Malubha ang mga sugat ni Simoun.Tumigil sa pagtugtog si Padre Florentino. Iniisip ng pari ang kahulugan ng pakutyang ngiti ni Simoun nang mabatid nito ang tungkol sa telegrama at sa ikawalo ng gabi ang dating mga darakip. Naisip ni Padre Florentino na isang taong palalo si Simoun. Dati’y makapangyarihan, ngayo’y kahabag-habag. Nguni’t bakit sa kanya pinili ni Simoun na makituloy? At darakpin na lamang nang patay o buhay ay nakukuha pang ngumiti nang pakutya.