2
Maging kalmado at alerto. Huwag magpanic. Kung nasa loob ng matibay na gusali, mabilis na buksan ang pinto kung maaari. Magtago sa isang matibay na mesa at manatili doon habang pinuprotektahan ang ulo. Umiwas sa mga salamin at mabibigat na muwebles at gamit na maaaring bumagsak. Kung nasa loob ng gusali, magpunta sa open area. Umiwas sa mga puno, poste, linya ng kuryente, at istruktura. Umiwas din sa matarik na lugar at mga landslide-prone area. Umiwas din sa dalampasigan at lumikas papunta sa mas mataas na lugar dahil sa peligro ng tsunami. Kung nasa loob ng umaandar na sasakyan, huminto at lumabas sa sasakyan. Huwag magtangkang dumaan sa tulay, underpass, tunnel, at flyover. Alamin ang earthquake hazard sa inyong lugar. Sundin ang structural design at engineering practices kung magpapatayo ng bahay. Alamin kung gaano katibay ang inyong bahay o ang tinatawag na structural soundness nito. Maaaring kumonsulta sa City Engineering Office kung kinakailangan. Ihanda ang inyong tahanan, lugar ng trabaho, at paaralan. Talian o i-bolt sa dingding ang mabibigat na kasangkapan tulad ng cabinet at malalaking appliances upang hindi ito matumba sa pag-uga. Alamin kung matibay ang pagkakakabit ng mga hanging objects tulad ng ceiling fan at chandelier. Itago ang mga babasaging gamit, mapanganib na kemikal, at bagay na madaling masunog sa isang secured na lugar. Gawing pamilyar ang sarili sa mga exit route sa inyong tahanan, lugar ng trabaho, at paaralan. Alamin din kung nasaan ang mga fire extinguishers at first aid kits. Magbasta ng emergency kit na naglalaman ng de-latang pagkain, bottled water, gamot, flashlight, ekstrang baterya, at transistor radio na de-baterya. Magsagawa o lumahok sa regular na earthquake drill. Kapag huminto ang pagyanig, lumabas agad ng gusali. Huwag gumamit ng elevator o pumasok sa nasirang gusali. Suriin ang sarili at ang kapwa kung mayroong injury. Suriin ang linya ng kuryente at tubig upang malaman kung na-damage ito. Suriin kung may natapong kemikal, at mga nakalalason at madaling magliyab na uri nito. Puksain agad ang apoy sa paligid upang hindi na ito kumalat. Kung kinakailangang lisanin ang tahanan, mag-iwan ng mensahe kung saan kayo pupunta. Magdala ng emergency kit. Manatiling nakaantabay sa mga balita sa pamamagitan ng radyo na de-baterya. Bago lumindol: Magplano Valley Fault System Habang lumilindol: Maging kalmado Pagkatapos lumindol: Humanda sa aftershocks SA KABILA NG NANGYARI sa bansang Japan kamakailan matapos lumindol na umabot sa halos 9 magnitude at salantain ng malakas at rumaragasang tsunami, pinahayag ni Marikina Mayor Del De Guzman na ang pagiging handa pa rin ang sagot upang maiwasan ang malaking pinsala sa anumang kalamidad. Samantala, ukol sa mga naglabasang balita sa Marikina Fault Line, nagpahayag ang alkalde na huwag nang gamitin ang pangalang ito sapagkat ito ay pinalitan na bilang Valley Fault System. Ayon sa Phivolcs, umaabot lamang sa 5.8 kilometro ng fault system ang sakop ng Marikina habang ang natitirang kilometro nito na umaabot sa halos 100 kilometro ay dumadaan na sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila. Nilinaw rin ni Mayor Del De Guzman na kaya tinawag itong Marikina Fault Line noong araw ay sa kadahilanang malaking bahagi ng fault system noon ay nasa Marikina, dahil ilan sa mga lungsod ngayon tulad ng Pasig, Quezon City, atpb. ay sakop pa noon ng Marikina. SA KADAHILANANG ANG PILIPINAS ay isa sa mga bansang nasa Pacific Ring of Fire, ang paghahanda sa iba’t ibang uri ng kalamidad tulad ng lindol ay nararapat na maging prayoridad ng mga mamamayan at kinauukulan. Narito ang ilan sa mga gabay at tagubilin upang manatiling ligtas ang mga tao kung sakaling lilindol:

Earthquake Preparedness Guide

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Earthquake Preparedness Guide

Maging kalmado at alerto. Huwag magpanic.

Kung nasa loob ng matibay na gusali, mabilis na buksan ang pinto kung maaari. Magtago sa isang matibay na mesa at manatili doon habang pinuprotektahan ang ulo. Umiwas sa mga salamin at mabibigat na muwebles at gamit na maaaring bumagsak.

Kung nasa loob ng gusali, magpunta sa open area. Umiwas sa mga puno, poste, linya ng kuryente, at istruktura. Umiwas din sa matarik na lugar at mga landslide-prone area. Umiwas din sa dalampasigan at lumikas papunta sa mas mataas na lugar dahil sa peligro ng tsunami.

Kung nasa loob ng umaandar na sasakyan, huminto at lumabas sa sasakyan. Huwag magtangkang dumaan sa tulay, underpass, tunnel, at flyover.

Alamin ang earthquake hazard sa inyong lugar. Sundin ang structural design at engineering practices kung magpapatayo ng bahay. Alamin kung gaano katibay ang inyong bahay o ang tinatawag na structural soundness nito. Maaaring kumonsulta sa City Engineering Office kung kinakailangan.

Ihanda ang inyong tahanan, lugar ng trabaho, at paaralan. Talian o i-bolt sa dingding ang mabibigat na kasangkapan tulad ng cabinet at malalaking appliances upang hindi ito matumba sa pag-uga. Alamin kung matibay ang pagkakakabit ng mga hanging objects tulad ng ceiling fan at chandelier. Itago ang mga babasaging

gamit, mapanganib na kemikal, at bagay na madaling masunog sa isang secured na lugar.

Gawing pamilyar ang sarili sa mga exit route sa inyong tahanan, lugar ng trabaho, at paaralan. Alamin din kung nasaan ang mga fire extinguishers at first aid kits.

Magbasta ng emergency kit na naglalaman ng de-latang pagkain, bottled water, gamot, flashlight, ekstrang baterya, at transistor radio na de-baterya.

Magsagawa o lumahok sa regular na earthquake drill.

Kapag huminto ang pagyanig, lumabas agad ng gusali. Huwag gumamit ng elevator o pumasok sa nasirang gusali.

Suriin ang sarili at ang kapwa kung mayroong injury.

Suriin ang linya ng kuryente at tubig upang malaman kung na-damage ito.

Suriin kung may natapong kemikal,

at mga nakalalason at madaling magliyab na uri nito.Puksain agad ang apoy sa paligid upang hindi na ito kumalat.

Kung kinakailangang lisanin ang tahanan, mag-iwan ng mensahe kung saan kayo pupunta. Magdala ng emergency kit.

Manatiling nakaantabay sa mga balita sa pamamagitan ng radyo na de-baterya.

Bago lumindol: Magplano

Valley Fault System

Habang lumilindol: Maging kalmado

Pagkatapos lumindol: Humanda sa aftershocks

SA KABILA NG NANGYARI sa bansang Japan kamakailan matapos lumindol na umabot sa halos 9 magnitude at salantain ng malakas at rumaragasang tsunami, pinahayag ni Marikina Mayor Del De Guzman na ang pagiging handa pa rin ang sagot upang maiwasan ang malaking pinsala sa anumang kalamidad.

Samantala, ukol sa mga naglabasang balita sa Marikina Fault Line, nagpahayag ang alkalde na huwag nang gamitin ang pangalang ito sapagkat ito ay pinalitan na bilang Valley Fault System. Ayon sa Phivolcs, umaabot lamang sa 5.8 kilometro ng fault system ang sakop ng Marikina habang ang natitirang kilometro nito na umaabot sa halos 100 kilometro ay dumadaan na sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila.

Nilinaw rin ni Mayor Del De Guzman na kaya tinawag itong Marikina Fault Line noong araw ay sa kadahilanang malaking bahagi ng fault system noon ay nasa Marikina, dahil ilan sa mga lungsod ngayon tulad ng Pasig, Quezon City, atpb. ay sakop pa noon ng Marikina.

SA KADAHILANANG ANG PILIPINAS ay isa sa mga bansang nasa Pacific Ring of Fire, ang paghahanda sa iba’t ibang uri ng kalamidad tulad ng lindol ay nararapat na maging prayoridad ng mga mamamayan at kinauukulan. Narito ang ilan sa mga gabay at tagubilin upang manatiling ligtas ang mga tao kung sakaling lilindol:

Page 2: Earthquake Preparedness Guide

Alerto

Lindol

earthquake preparedness guide

PUBLIC INFORMATION OFFICE

Emergency kit

checklist□ Tubig pang 3 araw (4L kada tao)□ Pagkaing ready-to-eat na hindi

napapanis (pang 3 araw)□ 1 damit kada tao□ 1 pares ng sapatos kada tao□ 1 kumot o tulugan kada tao□ First aid kit na kasama ang mga

resetang gamot□ radyong de baterya□ flashlight□ maraming baterya□ pito□ gas mask□ importanteng susi, credit cards,

pera, tseke, etc.□ sanitation supplies (tissue,

sanitary napkins, etc.)□ mga special na gamit ng mga

sanggol, matatanda, at disabled na miyembro ng pamilya

□ importanteng papeles at dokumento na nakabalot sa water-proof na lalagyan

Triangle of Life

Sa anumang uri

ng sakuna:

161646-2436 to 38

Kapag may kalamidad

682-9279646-1634

City Social Welfare

and Development Office369-4132

Philippine National

Red Cross382-7270

Ano ba ang TRIANGLE OF LIFE?Ang Triangle of Life ay isang kontrobersyal na teyorya tungkol sa kung paano ka makakaligtas mula sa isang malakas na lindol, ito ay kasalukuyang kumakalat ngayon sa internet at mga e-mails.

Ang pamamaraang ito ng Triangle of Life ay iba mula sa “drop, cover, and hold on” method na karaniwang ibinabahagi ng iba’t ibang ahensiya. Ayon kay Doug Copp, na siyang developer ng nasabing teyorya, sakaling lumindol kailangan lamang na humanap ng masisilungan malapit sa mga solid items tulad na lamesa, kama, aparador, atbp. Ang espasyong hugis tatsulok na tinutukoy ni Copp bilang Triangle of Life ay karaniwang nakikita sa mga gusali o istrakturang gumuho mula sa paglindol. (Tingnan ang drawing sa ibaba)

Anumang pamamaraan, Triangle of Life man o “drop, cover, and hold on” , ang mahalaga ay masiguro natin ang ating kaligtasan maging ng ating mga mahal sa buhay sakaling lumindol. Kaya naman ang pamahalaang lokal ng Marikina ay pinaiigting ang kampanya hinggil sa pagkakaroon ng tamang kaalaman ng mga residente upang maiwasan ang malubhang trahedya sakaling lumindol.

MGA KASALUKUYANG PROGRAMANG binibigyang-pansin ni Mayor Del De Guzman upang maging handa ang mga residente sa pagharap sa lindol.

1. Pagsasagawa ng puspusang earthquake drill sa mga paaralan at tanggapan ng pamahalaan sa pamamagitan ng Bureau of Fire Protection-Marikina, Rescue 161, at Emergency Response Team ng pamahalaang lungsod.

2. Pamamahagi ng mga flyers na naglalaman ng mga dapat gawin bago, habang, at pagkatapos ng lindol.

ISA SA MGA PINAKAMAHALAGANG BAGAY na dapat ihanda sa bawat tahanan, maging sa mga paaralan at lugar ng trabaho ay ang emergency supplies. Dapat isagawa ang mga sumusunod:1. Maghanda ng isang emergency supplies kit na naglalaman

ng mga bagay na kakailanganin sa paglikas o evacuation. Siguruhing ito ay aabot hanggang sa tatlong araw.

2. Siguruhing ang emergency supplies kit na ito ay ilalagay sa lugar na madaling makita at makuha sakaling kakailanganin. Maaari itong ilagay sa isang easy-to-carry containers tulad ng backpacks o duffle bags.

3. Ang iyong emergency supplies kit ay kinakailangang naglalaman ng mga sumusunod: tubig na maiinom hanggang tatlong araw at pagkaing hindi madaling masira tulad ng mga delata; damit na pamalit, kumot o sleeping bag; at first aid kit na naglalaman ng mga gamot na reseta sa inyo ng duktor.

4. Isama rin sa inyong emergency supplies kit ang debateryang radio, flashlight, pito at gas mask.

TANDAAN: Sa inyong mga tahanan, ipaalam sa bawat miyembro ng pamilya kung saan matatagpuan ang main electric fuse box. Alamin kung kailan ito dapat i-turn off o patayin sakaling kakailanganin.

Gaano kahalaga ang Emergency Supplies?

Handa Ako.

Mga numerong dapat n’yong

tandaan:

3. Pagsasagawa ng mga seminars sa bawat barangay upang lubos na maturuan at sa gayon ay maging handa ang mga mamamayan.

4. Pagpapalakas sa kakayahan ng iba’t ibang response group sa pamamagitan ng pagsasagawa ng komprehensibong training upang matiyak ang kanilang pagiging epektibo.

Ang paggalaw ng lupa ay karaniwang nagaganap saan man, ang ating

pagiging handa dito ang mas mainam nating pagtuunan upang maiwasan ang malaking pinsalang maaaring idulot nito.

Handa Ako. Alerto Marikenyo!”

Mayor Del de Guzman

Marikenyo!