39
Edukasyon sa Pagpapakatao Unang Markahan, Linggo 5 at 6 - Modyul 3 Lipunang Pang-Ekonomiya Department of Education ● Republic of the Philippines 9

Edukasyon sa Pagpapakatao€¦ · Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda ng mga guro sa EsP ... Pumunta sa isang takdang lugar ng inyong bahay, silid-aklatan, o anomang lugar

  • Upload
    others

  • View
    26

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Edukasyon sa Pagpapakatao€¦ · Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda ng mga guro sa EsP ... Pumunta sa isang takdang lugar ng inyong bahay, silid-aklatan, o anomang lugar

NOT

Edukasyon

sa Pagpapakatao

Unang Markahan, Linggo 5 at 6 -

Modyul 3

Lipunang Pang-Ekonomiya

Department of Education ● Republic of the Philippines

11

9

Page 2: Edukasyon sa Pagpapakatao€¦ · Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda ng mga guro sa EsP ... Pumunta sa isang takdang lugar ng inyong bahay, silid-aklatan, o anomang lugar

Edukasyon sa Pagpapakatao - Baitang 9

Alternative Delivery Mode

Unang Markahan, Linggo 5 at 6 - Modyul 3: Lipunang Pang-Ekonomiya

First Edition, 2020

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in anywork of

the Government of the Philippines. However, prior approval of the government agency or

office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit.

Such agency or office may, among other things, impose as a condition the payment of

royalty.

Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names,

trademarks, etc.) included in this book are owned by their respective copyright holders.

Every effort has been exerted to locate and seek permission to use these materials from

their respective copyright owners. The publisher and authors do not represent nor claim

ownership over them.

Published by the Department of Education – Division of Iligan

Schools Division Superintendent: Roy Angelo L. Gazo, PhD., CESO V

Mga Bumuo ng Modyul

Author: Aga Christy A. Dologmandin

Content and Language Evaluators: Airlene B. Lagas, MAPM and

Judith V. Esmillaren, MEd

Design and Lay-out Evaluator: Ernida A. Lucagbo, MAEd

Editor: Maria Tita Y. Bontia, MARE, MEd, MT I

Illustrator/Photographer: Maria Tita Y. Bontia, MARE, MEd, MT I

Aga Christy A. Dologmandin, Ernida A. Lucagbo, MAEd

Management Team

Chairperson: Roy Angelo E. Gazo, PhD, CESO V

Schools Division Superintendent

Page 3: Edukasyon sa Pagpapakatao€¦ · Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda ng mga guro sa EsP ... Pumunta sa isang takdang lugar ng inyong bahay, silid-aklatan, o anomang lugar

Printed in the Philippines by

Department of Education – Division of Iligan City

Office Address: General Aguinaldo, St., Iligan City

Telefax: (063)221-6069

E-mail Address: [email protected]

Co-Chairperson: Nimfa R. Lago, PhD, CESE

Assistant Schools Division Superintendent

Members: Henry B. Abueva, EPS, OIC-CID Chief

Amelita M. Laforteza, Division EsP Coordinator

Sherlita L. Daguisonan, LRMS Manager

Meriam S. Otarra, PDO II

Charlotte D. Quidlat, Librarian II

Page 4: Edukasyon sa Pagpapakatao€¦ · Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda ng mga guro sa EsP ... Pumunta sa isang takdang lugar ng inyong bahay, silid-aklatan, o anomang lugar

Edukasyon

sa Pagpapakatao

Unang Markahan, Linggo 5 at 6–

Modyul 3

Lipunang Pang-Ekonomiya

Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda ng mga guro sa EsP

Junior High School sa Dibisyon ng Iligan. Hinihikayat namin ang mga guro

at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at

mungkahi sa [email protected].

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon

Republika ng Pilipinas

9

Page 5: Edukasyon sa Pagpapakatao€¦ · Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda ng mga guro sa EsP ... Pumunta sa isang takdang lugar ng inyong bahay, silid-aklatan, o anomang lugar
Page 6: Edukasyon sa Pagpapakatao€¦ · Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda ng mga guro sa EsP ... Pumunta sa isang takdang lugar ng inyong bahay, silid-aklatan, o anomang lugar
Page 7: Edukasyon sa Pagpapakatao€¦ · Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda ng mga guro sa EsP ... Pumunta sa isang takdang lugar ng inyong bahay, silid-aklatan, o anomang lugar

This page is intentionally blank

Page 8: Edukasyon sa Pagpapakatao€¦ · Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda ng mga guro sa EsP ... Pumunta sa isang takdang lugar ng inyong bahay, silid-aklatan, o anomang lugar

Talaan ng mga Nilalaman

Mga Pahina

Pangkalahatang Ideya …………………………..........….................... i

Nilalaman ng Modyul …………………………..........….................... i

Pangkalahatang Panuto …………………………..........….................... ii

Mga Icon na Ginagamit sa Modyul ......………………………........................... iii

Alamin …………………………..........….................... 1

Subukin …………………………..........….................... 2

Balikan …………………………..........….................... 3

Tuklasin …………………………..........….................... 3

Linangin …………………………..........….................... 4

Suriin …………………………..........….................... 4

Pagyamanin …………………………..........….................... 7

Isaisip …………………………..........….................... 7

Isagawa …………………………..........….................... 8

Buod …………………………..........….................... 10

Tayahin …………………………..........….................... 10

Susi ng Pagwawasto …………………………..........….................... 12

Sanggunian …………………………..........….................... 12

Page 9: Edukasyon sa Pagpapakatao€¦ · Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda ng mga guro sa EsP ... Pumunta sa isang takdang lugar ng inyong bahay, silid-aklatan, o anomang lugar
Page 10: Edukasyon sa Pagpapakatao€¦ · Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda ng mga guro sa EsP ... Pumunta sa isang takdang lugar ng inyong bahay, silid-aklatan, o anomang lugar
Page 11: Edukasyon sa Pagpapakatao€¦ · Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda ng mga guro sa EsP ... Pumunta sa isang takdang lugar ng inyong bahay, silid-aklatan, o anomang lugar

This page is intentionally blank

Page 12: Edukasyon sa Pagpapakatao€¦ · Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda ng mga guro sa EsP ... Pumunta sa isang takdang lugar ng inyong bahay, silid-aklatan, o anomang lugar

i

Pangkalahatang Ideya ng Edukasyon sa Pagpapakatao 9

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto tungkol sa lipunan

at paggawa bilang paglilingkod tungo sa tamang pagpili ng kurso o hanapbuhay na

magiging makabuluhan at kapaki-pakinabang sa kaniya at sa lipunan.

Mula sa: Kagawaran ng Edukasyon. K to 12 Gabay Pangkurikulum ng Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 1-10.

(Pasig City: Kagawaran ng Edukasyon, 2016).

Nilalaman ng Modyul

Ang modyul na ito ay nagsisimula sa pagpakikilala ng paksa at pagpauunawa sa

mga mag-aaral ng halaga ng pagkatuto mula rito. Sumunod nito ang pagtataya ng kaalaman

ng mag-aaral tungkol sa paksa batay sa anim (6) na antas ng Blooms Taxonomy ng

Layuning Kognitibo. Nakabatay sa nilalaman ng babasahin sa Suriin ang mga paksa ng

bahaging Subukin. Sinusundan ito ng pag-uugnay ng pagkatuto mula sa nagdaang modyul

at ng kasalukuyang modyul sa bahaging Balikan.

Narito ang apat (4) na pangunahing bahagi ng modyul: Ang bahaging Tuklasin ay

tumataya sa mga dating kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa paksa na nakabatay sa

kanilang karanasan upang matukoy ng guro ang kanilang mga maling kaalaman

(misconceptions). Tinutugunan ng bahaging ito ang unang Pinaka-Esensiyal na Kasanayang

Pampagkatuto (PKP1), na nakatuon sa pagsukat ng Kaalaman (Knowledge) sa Blooms

Taxonomy.

Ang bahaging Linangin ay tumutulong sa mga mag-aaral sa pagsagot sa

Mahalagang Tanong (MT) at paghinuha ng Batayang Konsepto (BK) gamit ang mga

kaalaman ng mag-aaral na hango sa karanasan. Tinutugunan ng bahaging ito ang

ikalawang Pinaka-Esensiyal na Kasanayang Pampagkatuto (PKP2), na nakatuon sa

pagsukat ng Pag-unawa (Comprehension), Pagsusuri (Analysis) at Ebalwasyon (Evaluation)

sa Blooms Taxonomy.

Ang bahaging Suriin ay binuo ng isang babasahin na naglalaman ng mga kaalaman

at malalim na paliwanag sa paksa batay sa mga disiplina ng EsP– ang Etika at Career

Guidance na nakaankla sa expert system of knowledge. Tinutugunan ng bahaging ito ang

ikatlong Pinaka-Esensiyal na Kasanayang Pampagkatuto (PKP3), na nakatuon sa pagsukat

ng Pag-unawa (Comprehension), at Pagbubuod (Synthesis) sa Blooms Taxonomy. Gabay

ito ng mga mag-aaral sa pagsagot sa dalawang Gawain sa Pagyamanin.

Page 13: Edukasyon sa Pagpapakatao€¦ · Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda ng mga guro sa EsP ... Pumunta sa isang takdang lugar ng inyong bahay, silid-aklatan, o anomang lugar

ii

Ang bahaging Isagawa ay pagtataya ng mga kaalaman, kasanayan, at pag-unawa ng

mga mag-aaral sa pamamagitan ng paglalapat ng mga pagkatuto sa mga sitwasiyon ng

buhay. Tinutugunan nito ang ikaapat na Pinaka-Esensiyal na Kasanayang Pampagkatuto

(PKP4), na nakatuon sa pagsukat ng Paglalapat (Application) at Paglikha (Creating) sa

Blooms Taxonomy.

Mula kay: Luisita B. Peralta, “Power Point Presentation,” May 6, 2019, 49-57.

Pangkalahatang Panuto

Ang modyul na ito ay sadyang binuo upang maunawaan mong mabuti ang mga aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9 kahit hindi ka makapasok sa paaralan nang regular. Upang maging lubos ang iyong pag-unawa sa mga nilalaman ng aralin, sundin mo nang tapat ang sumusunod na tagubilin:

1. Pumunta sa isang takdang lugar ng inyong bahay, silid-aklatan, o anomang lugar na tahimik, ligtas, at kaaya-aya para sa pag-aaral ng iyong mga aralin.

2. Gumamit lamang ng gadget (hal. cellphone, tablet, laptop, computer) kung kinakailangan ito sa iyong pinag-aaralan. Kung hindi ito kailangan, iwasan munang gumamit o pansamantalang itabi ito upang maituon ang iyong buong atensiyon sa pag-aaral.

3. Maglaan ng kuwaderno para sa Edukasyon sa Pagpapakatao para sa mga sagot sa mga tanong sa mga gawain at mga tala (notes) ng mga konsepto mula sa bahaging Suriin. Isulat naman ang iyong mga pagninilay sa isang journal.

4. Basahin ang modyul ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga gawain.

5. Unawaing mabuti ang nilalaman ng bahaging Alamin bago tumuloy sa ibang bahagi ng modyul.

6. Basahin at sundin ang mga panuto at ibang tagubilin.

7. Pag-isipang mabuti ang sagot sa bawat tanong bago ito isulat sa kuwaderno sa Edukasyon sa Pagpapakatao.

Page 14: Edukasyon sa Pagpapakatao€¦ · Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda ng mga guro sa EsP ... Pumunta sa isang takdang lugar ng inyong bahay, silid-aklatan, o anomang lugar

iii

8. Maging tapat sa iyong sarili sa lahat ng pagkakataon. Laging isaalang-alang ang iyong puso at damdamin sa pagsagot sa mga tanong. Gamiting gabay ang layuning matuto, mapaunlad ang sariling pagkatao, at makapagtapos ng pag-aaral sa lahat ng mga gawain.

9. Kung kinakailangan, magtanong sa guro, magulang, kamag-aral, kaibigan, o sa mga awtoridad sa pamayanan.

10. Maging matiyaga sa pag-aaral. Huwag mawalan ng pag-asa kahit nahihirapan.

Mula kay: Luisita B. Peralta, “MS Word,” September 26, 2017, 1-2.

Mga Icon na Ginagamit sa Modyul

Alamin Ito ay ang bahaging naglalahad ng mga layunin na

dapat makamit sa pag-aaral mo ng modyul na ito.

Subukin

Ito ay pagtatasa sa antas ng iyong kaalaman sa

tatalakaying aralin. Sa pamamagitan nito masususuri

kung ano na ang iyong alam tungkol sa bagong

tatalakaying aralin.

Balikan

Ito ay ang pagtatatag ng ugnayan sa pamamagitan ng

pagtatalakay sa mga mahahalaga mong natutuhan sa

nagdaang aralin na may koneksiyon sa tatalakaying

bagong aralin.

Tuklasin

Ito ay paglalahad sa bagong aralin sa pamamagitan ng

iba’t ibang gawain.

Suriin

Ito ay ang pagtatalakay sa mga mahahalaga at

nararapat mong matutuhan na mga konsepto upang

malinang ang pokus na kasanayang pampagkatuto.

Page 15: Edukasyon sa Pagpapakatao€¦ · Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda ng mga guro sa EsP ... Pumunta sa isang takdang lugar ng inyong bahay, silid-aklatan, o anomang lugar

iv

Pagyamanin

Ito ay ang mga gawain na magpapalawak sa iyong

natutuhan at magbibigay ng pagkakataong mahasa

ang kasanayang nililinang.

Isaisip

Ito ay mga gawaing magpoproseso sa iyong

mahahalagang natutuhan sa aralin.

Isagawa

Ito ay ang mga gawain na gagawin mo upang mailapat

ang iyong mahahalagang natutuhan sa mga

pangyayari o sitwasyon sa totoong buhay.

Page 16: Edukasyon sa Pagpapakatao€¦ · Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda ng mga guro sa EsP ... Pumunta sa isang takdang lugar ng inyong bahay, silid-aklatan, o anomang lugar
Page 17: Edukasyon sa Pagpapakatao€¦ · Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda ng mga guro sa EsP ... Pumunta sa isang takdang lugar ng inyong bahay, silid-aklatan, o anomang lugar
Page 18: Edukasyon sa Pagpapakatao€¦ · Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda ng mga guro sa EsP ... Pumunta sa isang takdang lugar ng inyong bahay, silid-aklatan, o anomang lugar

This page is intentionally blank

Alamin

Kung minsan, dumarating sa mga

magkakapatid ang tanong na "Sino ang paborito ni

Nanay" o "Sino ang paborito ni Tatay." May halong

inggit, kung minsan, ang pagpapabor ni Nanay kay

Ate o ang pagiging maluwag ni Tatay kay Kuya.

Naghihinanakit naman si Ate dahil sa tingin niya

mas malapit ang kanilang mga magulang kay

bunso. Naranasan mo na ba ito? Kung oo, ano ang

naramdaman mo? Ano ang naisip mo? Ano ang

ginawa mo?

Sadyang magkakaiba ang mga tao. May mga magagaling sa Math. May

mahuhusay sa pagdrowing. May masinop sa gamit. May marunong sa pera. May

magaganda at makikisig ang katawan kahit na hindi nag-eehersisyo. Mayroon din

namang tabain at kailangang mag-ingat sa pagkain. Dahil sa pagkakaiba-ibang ito,

hindi maiiwasan ang paghahambing sa isa’t isa. Nagkakaroon ng inggitan.

Nagkakaroon din naman ng pakiramdam ng pagiging mas angat. Natural ang

ganitong mga pakiramdam. Subalit bago lumalim ang pakiramdam at tumungo sa

sama ng loob, marahil magandang balikan ang karanasan at tingnang mabuti kung

nagkulang ba ng pagmamahal ang ating magulang o sadyang naghahangad lang

Modyul

Lipunang Pang-Ekonomiya

3

Page 19: Edukasyon sa Pagpapakatao€¦ · Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda ng mga guro sa EsP ... Pumunta sa isang takdang lugar ng inyong bahay, silid-aklatan, o anomang lugar

2

tayo nang higit pa. Ang karanasan sa pag-ibig ng magulang ay isang ekonomiya na

hindi malayo sa ekonomiya ng lipunan.

Sa modyul na ito ay inaasahang masasagot ang Mahalagang Tanong na: Ano

ang mabuting ekonomiya? Para saan ang ekonomiya? Handa ka na bang unawain

nang mas malalim ang lipunan? Halika na!

Sa modyul na ito, inaasahang malilinang sa iyo ang sumusunod na

kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:

3.1 Nakikilala ang katangian ng mabuting ekonomiya.

3.2. Nakapagsusuri ng maidudulot ng magandang ekonomiya

3.3. Napatutunayan na:

a. Ang mabuting ekonomiya ay iyong napauunlad ang lahat – walang taong sobrang

mayaman at maraming mahirap.

b. Ang ekonomiya ay hindi para lamang sa sariling pag-unlad kundi sa pag-unlad ng

lahat.

3.4. Nakatataya ng lipunang ekonomiya sa isang baranggay/pamayanan, at lipunan/bansa

gamit ang dokumentaryo o photo/video journal (hal.YouScoop) (change to italic form)

Mula sa: Kagawaran ng Edukasyon. Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9, Modyul Para sa Mag-aaral (Pasig City:

Kagawaran ng Edukasyon, 2015), 36.

Subukin

Panuto: Basahing mabuti ang tanong. Isulat ang titik ng pinakatamang sagot sa kuwaderno.

1. Sino ang nagsabi na, “bahagi ng pagiging tao ng tao ang pagkakaroon ng magkakaibang

lakas at kahinaan”?

A. Dr. Manuel Dy B. Malala Yousafzai C. Martin Luther King D. Max Scheler

2. Ano ang prinsipyong gagabay sa pamilya upang ang bahay ay magiging tahanan?

A. Prinsipyo ng Proportio B. Prinsipyo ng Lipunang Pampulitika

C. Prinsipyo ng Pagkakaisa D. Prinsipyo ng Lipunang Ekonomiya

3. Bakit mahalaga ang pagbabahagi ng yaman ng ating bansa?

Page 20: Edukasyon sa Pagpapakatao€¦ · Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda ng mga guro sa EsP ... Pumunta sa isang takdang lugar ng inyong bahay, silid-aklatan, o anomang lugar

3

A. Malikha ng bawat isa ang sarili ayon sa kani-kaniyang mga tunguhin at kakayahan.

B. Masiguro na ang bawat isa ay mabigyan ayon sa kaniyang mga pangangailangan.

C. Maging pantay ang mga tao sa matatanggap na yaman at walang lamangan.

D. Magkaroon ng patas na pag-unlad sa iba’t ibang lugar ng bansa.

4. Ano ang mabuting gawin ng mga tagapangasiwa ng Local Govenment Unit (LGU) upang

malutas ang problema sa kakulangan ng tubig?

A. Siguraduhing pantay ang rasyon ng tubig sa bawat barangay na nasasakupan.

B. Ayusin ang sirang tubo kung nag-uumapaw na ang tubig nito sa kalsada.

C. Siyasatin kung maayos ang mga koneksiyon ng tubo na daluyan ng tubig.

D. Maghanap ng panibagong pagkukunan ng tubig ng mga sirang tubo.

5. Alin sa sumusunod na mamamayan ang tunay na nakatali ang sarili sa bagay?

A. Pagbili ni Tito ng mga gadgets upang makapagtrabaho nang maayos at madali.

B. Hindi mabitawan ni James ang kaniyang lumang mga damit upang ibigay sa kamag-

anak dahil mayroon itong sentimental value sa kaniya.

C. Inuubos ni Earl ang kaniyang pera sa pagbili ng mamahaling imported na relo dahil

dito niya nakukuha ang labis na kasiyahan.

D. Ipinipilit ni Mina na nararapat siyang makatanggap ng tulong mula sa pamahalaan,

kahit na kaya naman niya itong bilhin at kahit hindi naman niya ito kailangan.

6. Ano ang katotohanan sa likod ng paniniwala na “ang tao ay pantay-pantay”?

A. Lahat ay may kani-kaniyang angking kaalaman.

B. Lahat ay dapat mayroong pag-aari.

C. Lahat ay iisa ang mithiin.

D. Lahat ay likha ng Diyos.

7. Paano dapat ipakita ang tamang ugnayan ng tao sa kaniyang pag-aari?

A. Sa pag-iwas na maitali ang kaniyang halaga bilang tao sa kaniyang pag-aari.

B. Sa pagpapakita na may kakayahan siyang bumili ng mga mamahaling gamit.

C. Sa pagmamayabang sa mga kakilala at kaibigan ng dami nang naimpok na pera.

D. Sa higit na pagpapahalaga sa mga ari-arian kay sa pagpapahalaga sa mismong sarili.

8. Mahalagang siguraduhin ng pamahalaan na ang bawat bahay ay magiging tahanan sa

Lipunang Pang-ekonomiya. Ano ang dapat nitong gawin?

A. Magbibigay ng tulong pinansiyal ang pamahalaan sa mga mahihirap na pamilya.

B. Pangungunahan ang pangangasiwa at pamamahagi ng patas sa yaman ng bayan.

C. Sisikapin na bigyang trabaho ang bawat kasapi kahit hindi angkop sa kakayahan nito.

D.Tutulungan ang mga manggagawa nito sa paghanap ng hanapbuhay sa ibang bansa.

9. Paano mas epektibo ang patas kaysa pantay na pagbabahagi ng yaman ng bayan?

A. Hindi pantay-pantay ang mga tao, ngunit may angkop para sa kanila.

B. Karapatan ng bawat mamamayan na matanggap ang nararapat sa kaniya.

C. Walang kakayahang magpasiya para sa sarili at sa iba ang mga mamamayan.

D. Higit na isinasaalang-alang nito ang kakayahan at pangangailangan ng bawat isa.

10. Paano maipakikita ng pamahalaan ang tamang pamamahala sa yaman ng bansa?

A. Pamamahala ng budget katulad sa isang mayamang pamilya

Page 21: Edukasyon sa Pagpapakatao€¦ · Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda ng mga guro sa EsP ... Pumunta sa isang takdang lugar ng inyong bahay, silid-aklatan, o anomang lugar

4

B. Pagkilos para sa pantay na pagbabahagi ng yaman sa mga mamamayan nito

C. Pangangasiwa ng yaman ng bayan ayon sa kagustuhan ng Presidente lamang

D. Pagsisiguro na ang bawat bahay ay nasusunod ang kani-kanilang mga kagustuhan

Balikan

Sa naunang modyul naunawaan mo na mahalaga ang pag-iral ng mga prinsipyo ng

subsidiarity at prinsipyo ng pagkakaisa upang matugunan o makamit ng tao ang kaniyang

pangangailangang pangkabuhayan, pangkultura, at pangkapayapaan. Binigyang-daan ito ng

pagtutulungan ng pamahalaan at ng mga mamamayan upang maipatupad ang layunin ng

lipunan. Sa modyul na ito, gagabayan ka na makita ang halaga ng tamang pangangasiwa

ng yaman ng bansa sa pag-abot ng kabutihang panlahat.

Sa modyul na ito ay inaasahang masasagot ang Mahalagang Tanong na: Ano ang

mabuting ekonomiya? Para saan ang ekonomiya? Handa ka na bang unawain nang mas

malalim ang lipunan?

Tuklasin

Gawain 1

Panuto: Naririnig mo na ba ang salitang ekonomiya? Ninanais mo bang magkaroon ng

mabuting ekonomiya ang tahanan at lipunang iyong kinabibilangan? (change the

word to narinig)

1. Isulat sa loob ng graphic organizer sa ibaba kung ano ang mga katangian ng mabuting

ekonomiya para sa iyo. (the word graphic organizer was changed in italic form)

Halimbawa:

mataas na

sahod

Page 22: Edukasyon sa Pagpapakatao€¦ · Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda ng mga guro sa EsP ... Pumunta sa isang takdang lugar ng inyong bahay, silid-aklatan, o anomang lugar

5

2. Pagkatapos, sagutin ang sumusunod na tanong sa iyong kuwaderno:

a. Ano-anong katangian ng mabuting ekonomiya ang naitala mo?

b. Ano ang naramdaman mo ukol dito?

c. Sa palagay mo, posible ba na makamit ito ng isang tahanan at ng isang lipunan?

Pangatwiranan.

d. Paano ka makibahagi sa pagkamit ng mabuting ekonomiya para sa inyong tahanan at

lipunan? Magbigay ng halimbawa.

Linangin

Gawain 2

Panuto:

1. Gumawa ng isang panayam o interview sa magulang o iba pang nakatatanda na siyang

namamahala sa budget ng inyong tahanan.

2. Gamitin mong gabay ng panayam ang sumusunod:

a. Magkano ang budget ng tahanan natin para sa isang buwan?

b. Ano-ano ang pinagkakagastusan sa ating tahanan?

c. May pagkakataon po ba na nagiging maganda ang budget ng tahanan? Ano ang

naidudulot nito?

d. May mga pagkakataon din po bang kinukulang ang budget? Paano po ninyo

pinagkakasya?

3. Bigyan din ng kopya nitong mga tanong ang iyong kapanayamin na magulang o

nakatatandang may hawak sa budget ng tahanan.

4. Isulat sa iyong kuwaderno ang mga sagot niya sa panayam.

5. Huwag kalimutang magpasalamat pagkatapos ng panayam.

Mabuting

ekonomiya

Page 23: Edukasyon sa Pagpapakatao€¦ · Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda ng mga guro sa EsP ... Pumunta sa isang takdang lugar ng inyong bahay, silid-aklatan, o anomang lugar

6

6. Pagkatapos, bumalik na sa lugar ng bahay kung saan ka nag-aaral.

Sagutin ang sumusunod na tanong sa iyong kuwaderno:

1. Ano ang naramdaman mo sa mga narinig mong sagot ng iyong magulang o ng

nakatatandang nagdadala ng budget sa inyong tahanan?

2. Batay sa panayam, masasabi mo ba na maganda ang ekonomiya ng inyong tahanan?

Ipaliwanag.

3. Kung nagiging maganda ang ekonomiya ng inyong tahanan, ano ang naidudulot nito sa

inyong lahat? Kung hindi naman nagiging maganda ang ekonomiya ng inyong tahanan

paano naman kayo naaapektuhan nito?

4. Bilang nagdadalaga/nagbibinata, paano ka makatutulong upang magkaroon ng

magandang ekonomiya ang inyong tahanan?

5. Bilang mag-aaral, ano ang nararapat mong gawin upang makatutulong sa pagpapabuti ng

ekonomiya ng bansa?

Suriin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sanaysay. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong

sa Pagyamanin.

Lipunang Pang-Ekonomiya

Isang debate sa mga pilosopo ang tanong ukol sa pagkakapantay-pantay. Sa isang

panig, may nagsasabing pantay-pantay ang lahat dahil likha tayo ng Diyos, dahil tao tayo.

Isa pa, dahil kung titingnan ang tao sa kaniyang hubad na anyo, katulad lamang din siya ng

iba. Sa kabilang panig, may nagsasabi rin namang hindi pantay-pantay ang mga tao. May

mga taong mananatiling nasa itaas, dinudungaw ang mga tao sa ibaba. May mga taong

yayaman at patuloy na yayaman at may mga taong mahirap at mananatili sa kanilang

kahirapan dahil sadyang ganito ang kaayusan ng mundo.

Page 24: Edukasyon sa Pagpapakatao€¦ · Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda ng mga guro sa EsP ... Pumunta sa isang takdang lugar ng inyong bahay, silid-aklatan, o anomang lugar

7

Isa sa mga gitnang posisyon ay ang posisyon ng pilosopong si Max Scheler. Para

kay Scheler, bahagi ng pagiging tao ng tao ang pagkakaroon ng magkakaibang lakas at

kahinaan. Nasa hulma ng ating katawan ang kakayahan nating maging isang sino. Ang

taong matangkad ay sadyang may pangunguna sa basketbol kaysa maliliit. Ang babae ay

mas may taglay na karisma upang manghalina kaysa lalaki. May timbre ng boses ang

hinahanap upang maging tagapagbalita sa radyo. May linaw ng mata na hinihingi sa

pagiging isang piloto. Idagdag pa rito ang iba pang aspekto ng kasinohan ng tao: ang

kaniyang kinagisnan, ang pagpapalaki sa kaniya, ang mga koneksyon ng pamilya, ang

kaniyang lahi, relihiyon, at iba pa. Ang lahat ng ito ay naglalatag ng maaabot ng tao.

Ngunit, sinasabi rin ni Scheler na dahil na rin sa hindi pagkakapantay-pantay na ito,

kailangang sikapin ang pagkakapantay-pantay sa pamamagitan ng pagbabahagi ng yaman

ng bayan. Hindi dahil maliliit ang manlalaro ng basketbol hindi na siya kailanman magiging

mahusay at masaya sa kaniyang paglalaro. Hindi niya maaabot ang naaabot ng matangkad

ngunit mayroon siyang magagawa sa bukod-tangi niyang paraan na magpapaiba sa kaniya

sa matangkad. Kailangan lamang niya ng tiwala at pagkakataon.

Malabo? Gamitin nating halimbawa ang sitwasiyon sa klase. Maaaring si Elmer ang

pinakamagaling sa Math ngunit hindi nito ibig sabihin na si Elmer na lamang ang tuturuan ng

guro ng Math. Pagsisikapan pa rin ng guro na ituro ang mga tuntunin sa Math sa kapuwa

mabilis matuto at sa mga mag-aaral na kailangan ng ibayong pag-akay. Subalit, upang higit

pang mapaunlad ang husay ni Elmer, maaaring bigyan siya ng dagdag na mga Math

problems na kaniyang pag-aaralan. Tugma ito sa tinatawag ni Sto. Tomas de Aquino na

prinsipyo ng proportio, ang angkop na pagkakaloob ng naaayon sa pangangailangan ng tao.

Sa madaling salita, hindi man pantay-pantay ang mga tao, may angkop para sa kanila.

Kailangang maging patas ayon sa kakayahan, ayon sa pangangailangan.

Kung mayroon man tayong isandaang tinapay na dapat ipamigay sa isandaang tao,

ano ang pinakamabisang paraan ng pagbabahagi nito? Bibigyan ba ang lahat ng tig-iisang

tinapay o bibigyan ang mga tao nang ayon sa kanilang hinihingi? Baka may ibang busog pa

o kaya naman ay mahinang kumain. Baka may ibang may sakit o mas gutom. Hindi ba’t

pinakamabisa at masinop na paraan ang pagbabahagi ng tinapay ayon sa huling batayan?

Ang mga Pag-aari: Dapat Angkop sa Layunin ng Tao

Marahil magpipilit ang iba at sasabihing, “bakit hindi na lang ibigay ang tinapay sa

lahat at bahala na ang mga nakatanggap na ipamigay o ibahagi sa iba ang sobra sa kanila?”

Maganda ang hangarin ng ganitong pag-iisip. Umaasa ito sa kabutihang loob na taglay ng

bawat isa. Naniniwala ito sa kakayahan ng tao na gumawa ng matinong pagpapasiya para

sa kaniyang sarili at para sa iba. Ngunit may sinasabi rin ito ukol sa pagtingin ng tao sa

tinapay mula sa halimbawa sa itaas, o sa anumang yaman na ibabahagi sa mga tao, sa mas

malakihang pagtingin.

Page 25: Edukasyon sa Pagpapakatao€¦ · Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda ng mga guro sa EsP ... Pumunta sa isang takdang lugar ng inyong bahay, silid-aklatan, o anomang lugar

8

Una, tila tinatali ng tao ang kaniyang sarili sa bagay- ibig sabihin, kung hindi siya

makakakuha ng bagay, bumababa ang kaniyang halaga bilang tao. Kung hahayaan niya na

ang iba lamang ang mabigyan ng tinapay, para siyang nagpapalamang o para niyang

binitiwan ang tinapay na karapatan naman niya talaga. Pakiramdam niya ay nagpapaapi

siya. Mali ang ganitong pananaw. Hindi sa tinapay nagkakaroon ng halaga ang tao. Una ang

halaga ng tao bago ang tinapay. May tinapay man o wala, may halaga ang tao. May yaman

man ang tao o wala, may halaga pa rin siya bilang tao. Ang tinapay ay nariyan upang siya

ay busugin, palakasin, at paginhawahin. May pangingibabaw siya sa tinapay; hindi ang

tinapay sa kaniya. Ang kunin pa niya ang tinapay ay pagsasayang na lamang sa tinapay.

Ang pagpilit naman niyang kainin ang tinapay para masabi lamang na hindi nasayang ang

tinapay ay isang pagsira naman niya sa kaniyang sarili. Maaari pa itong dahilan ng kaniyang

pagkakasakit. Maling-mali ito.

Pangalawa, kailangan yatang balikan ang dahilan ng paggawa at pag-aari

(ownership). Bakit nga ba ako nagtratrabaho at nagmamay-ari ng mga bagay?

Nagtratrabaho ba si Tatay para ipagmayabang niya sa kaniyang kapitbahay ang kaniyang

pera? Bumibili ba si Nanay ng gamit sa bahay para ibandera sa iba ang kanilang mga

bagong appliances? Gumagawa at nagmamay-ari ang tao hindi upang

makipagmayabangan sa iba, ibagsak o pahiyain ang iba o makipagkompetisyon sa iba.

Gumagawa siya dahil nais niyang ipamalas ang kaniyang sariling galing. Nagtratrabaho siya

upang maging produktibo sa kaniyang sarili.

Napakaganda ng salitang Filipino para sa trabaho. Ang tawag natin dito ay “hanap-

buhay.” Ang hinahanap ng gumagawa ay ang kaniyang buhay. Hindi siya nagpapakapagod

lamang para sa pera kundi para ito sa buhay na hinahanap niya. Ang kaniyang pag-aari ay

hindi lamang patunay ng kaniyang pagpapagal. Ito rin ay ang mga gamit niya upang

matulungan siyang mahanap ang kaniyang buhay. Mayroon siyang videoke machine hindi

para mag-ingay kundi para magamit niya sa kaniyang pagpapahinga at muling

pagpapalakas. Mayroon siyang telebisyon hindi upang ipagmalaki ang kaniyang

kakayahang makabili ng mamahaling gamit kundi upang malibang at makakakuha ng

bagong kaalaman na makatutulong sa muli niyang pagbalik sa pagtratrabaho. Mayroon

siyang damit hindi para ipang-porma kundi dahil kailangan niya ito upang gawing

presentable ang kaniyang sarili sa trabaho at sa mga nakakasalamuha niya. Marapat na

ipaalala sa sarili na ang gamit sa paligid at yamang pinagbabahaginan ay hindi iniipon para

higit na palakihin lamang ang yaman. Nariyan ang mga ito upang umayon sa mga layunin

ng tao.

Ang buhay ng tao ay isang pagsisikap na ipakilala ang sarili. Naipakikilala ng tao ang

kaniyang sarili sa paggawa. Hindi ang yaman, hindi ang mga kagamitan na mayroon siya o

wala, ang humuhubog sa tao. Ang tunay na mayaman ay ang taong nakikilala ang sarili sa

bunga ng kaniyang paggawa. Hindi sa pantay-pantay na pagbabahagi ng kayamanan ang

tunay na kayamanan. Nasa pagkilos ng tao sa anomang ibinigay sa kaniya ang kaniyang

ikayayaman.

Hindi Pantay Pero Patas: Prinsipyo ng Lipunang Pang-Ekonomiya

Page 26: Edukasyon sa Pagpapakatao€¦ · Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda ng mga guro sa EsP ... Pumunta sa isang takdang lugar ng inyong bahay, silid-aklatan, o anomang lugar

9

Ito nga ang prinsipyong iniinugan ng Lipunang Pang-ekonomiya. Ang lipunang ito ay

nagsisikap na pangasiwaan ang mga yaman ng bayan ayon sa kaangkupan nito sa mga

pangangailangan ng tao. Patas. Nakatutuwang malaman na ang pinagmulan ng salitang

“Ekonomiya” ay ang mga Griyegong salita na “oikos” (bahay) at “nomos” (pamamahala).

Ang ekonomiya ay tulad lamang din ng pamamahala sa bahay. Mayroong sapat na budget

ang namamahay. Kailangan niya itong pagkasyahin sa lahat ng mga bayarin (kuryente,

tubig, pagkain, panlinis ng bahay, at iba pa) upang makapamuhay nang mahusay ang mga

tao sa bahay, maging buhay-tao (humane) ang kanilang buhay sa bahay at upang maging

tahanan ang bahay.

Ang Lipunang Pang-Ekonomiya, sa mas malakihang pagtingin, ay ang mga pagkilos

na masiguro na ang bawat bahay ay magiging tahanan. Pinapangunahan ito ng estado na

nangunguna sa pangangasiwa at patas na pagbabahagi ng yaman ng bayan. Lumilikha ito

ng mga pagkakataon na makapamuhunan sa bansa ang mga may kapital upang mabigyan

ang mga mamamayan ng puwang na maipamalas ang kanilang mga sarili sa

paghahanapbuhay. Sinisikap gawin ng estado na maging patas para sa mga nagkakaiba-

ibang mga tao ang mga pagkakataon upang malikha ng bawat isa ang kanilang sarili ayon

sa kani-kanilang mga tunguhin at kakayahan. Bilang pabalik na ikot, ang bawat mahusay na

paghahanapbuhay ng mga tao ay kilos na nagpapangyari sa kolektibong pag-unlad ng

bansa. Kung maunlad ang bansa, higit na mamumuhunan ang mga may kapital na siyang

lilikha ng higit pang mga pagkakataon para sa mga tao- pagkakataon hindi lamang

makagawa, kundi pagkakataon ding tumaas ang antas ng kanilang pamumuhay.

Hindi lamang sariling tahanan ang binubuo ng mga tao sa loob ng Lipunang

Ekonomiya. Ginagawa rin nilang isang malaking tahanan ang bansa- isang tunay na

tahanan kung saan maaaring tunay na tumahan (huminto, manahimik, pumanatag) ang

bawat isa sa pagsisikap nilang mahanap ang kanilang buhay.

Pagyamanin

Gawain 3a: Tayahin ang iyong pag-unawa mula sa babasahin sa itaas.

Panuto: Ano ang naunawaan mo sa iyong binasa? Upang masubok ang lalim ng iyong

naunawaan sagutin mo ang sumusunod na tanong sa iyong kuwaderno:

Page 27: Edukasyon sa Pagpapakatao€¦ · Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda ng mga guro sa EsP ... Pumunta sa isang takdang lugar ng inyong bahay, silid-aklatan, o anomang lugar

10

1. Ano ang pagkakaiba ng pantay at patas?

2. Bakit mas epektibo ang patas na pagbabahagi ng yaman ng bayan kaysa sa pantay na

pamamahagi?

3. Ano ang kaibahan ng trabaho sa hanapbuhay? Magbigay ng halimbawa at ipaliwanag ito.

4. Ano ang tamang ugnayan ng tao sa kaniyang pag-aari?

5. Ipaliwanag ang ugnayan ng pag-unlad ng sarili at pag-unlad ng bayan.

6. Paano makakapanahan ang mga tao sa loob ng Lipunang Ekonomiya?

Gawain 3b: Paghinuha ng Batayang Konsepto

Panuto: Anong mahalagang konsepto na nahinuha mo mula sa mga Gawain at babasahin?

(change the capital letter G to small letter g)

1. Bumuo ng Batayang Konsepto ng aralin.

2. Gamitin mong gabay ang Mahalagang Tanong sa simula ng modyul na ito. Pantulong sa

gagawin mo ang mga salita sa loob ng kahon sa ibaba.

napauunlad ekonomiya mayaman pag-unlad mahirap

(words ahould be placed at the center, or adjust the words)

Ang mabuting __________ ay iyong ________ ang lahat – walang taong sobrang

_______ at maraming ________.

Ang ekonomiya ay hindi para lamang sa sariling ________ kundi sa pag-unlad ng

lahat.

Isaisip

Gawain 4: Pagninilay

Panuto: Sagutin ang mga tanong na nakapaloob sa talahanayan upang lubusang

mapalawak ang iyong pagkakaunawa sa aralin. Isulat ang sagot sa kuwaderno.

Ano-ano ang konsepto at

kaalaman na pumukaw sa akin?

Ano ang aking

pagkaunawa at

reyalisasyon sa bawat

konsepto at kaalamang ito?

Ano-ano ang hakbang na

aking gagawin upang

mailapat ko ang mga pang-

unawa at reyalisasyong ito

Page 28: Edukasyon sa Pagpapakatao€¦ · Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda ng mga guro sa EsP ... Pumunta sa isang takdang lugar ng inyong bahay, silid-aklatan, o anomang lugar

11

sa aking buhay?

1.Tungkol sa pagkakapantay-

pantay

2. Tungkol sa pagiging patas

3.Tungkol sa Lipunang

Ekonomiya

Mula sa: Kagawaran ng Edukasyon. Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9, Modyul Para sa Mag-aaral (Pasig City:

Kagawaran ng Edukasyon, 2015), 42-47.

Isagawa

Gawin 5: Pagganap

Panuto:

1. Panoorin ang GMA News TV segment na Kape at Balita na may titulong

“Ekonomiya ng Pilipinas, naitinuturing na 'Best Performing in Asia' ng Philippine Chamber

of Commerce” ng https://www.youtube.com/watch?v=KZAypzf8Y40.

2. Pagkatapos, sagutin ang sumusunod na tanong sa iyong journal:

a. Ano-ano ang mga bagay na nakatulong sa pag-angat ng ekonomiya ng Pilipinas?

b. Paano pinauunlad ng gawaing pagpaplano ang buhay ng isang tao?

c. Bumuo ng sariling plano kung paano mo pauunlarin ang iyong buhay gamit ang mga

paraan na kaya mong gawin sa ngayon upang makatulong ka sa pag-angat ng

ekonomiya ng Pilipinas.

3. Gamitin mong gabay ang pormat ng plano sa ibaba.

Plano ng Pagpauunlad ng Aking Buhay

Layunin: Mula ngayon tutulong ako sa pagpaaangat ng ekonomiya ng Pilipinas

Page 29: Edukasyon sa Pagpapakatao€¦ · Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda ng mga guro sa EsP ... Pumunta sa isang takdang lugar ng inyong bahay, silid-aklatan, o anomang lugar

12

A. Mga paraang gagawin ko ngayon sa aking buhay

(Halimbawa: Ayusin ang sistema ko ng pag-aaral sa pamamagitan ng pagkakaroon ng

iskedyul sa mga kailangang gawin upang maiwasang matukso na maglaro

ng gadget at iba pang mga tukso na hadlang sa pag-aaral ko nang mabuti.)

1.

2.

3.

4.

5.

B. Mga taong gagabay at tutulong sa akin

(Halimbawa: Mary Yoldan – ate ko na tapos na sa kaniyang pag-aaral at may trabaho na)

1.

2.

3.

4.

5.

C. Mga kakailanganin kong kagamitan

(Halimbawa: Naka-encode na iskedyul sa bond paper, perang pan-laminate at pandikit ng

naka-laminate na iskedyul sa dingding na nasa harap ng mesang ginagamit ko

sa pag-aaral.)

1.

2.

3.

4.

5.

D. Panahong ilalaan ko sa pagsasagawa ng bawat paraan

(Halimbawa: Isang buwan kong titingnan araw-araw ang iskedyul ko hanggang sa masanay

akong maging tapat sa oras ng mga gawaing nakasulat sa iskedyul ko.)

1.

Page 30: Edukasyon sa Pagpapakatao€¦ · Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda ng mga guro sa EsP ... Pumunta sa isang takdang lugar ng inyong bahay, silid-aklatan, o anomang lugar

13

2.

3.

4.

5.

Narito ang mga kraytirya ng pagtataya ng output sa Gawain 5:

1. Nakatutukoy ng limang konkretong paraang gagawin sa kasalukuyan bilang pagpauunlad

ng kaloob na buhay

2. Angkop ang limang konkretong paraan sa layuning tumulong sa pagpaaangat ng

ekonomiya ng Pilipinas

3. Naisusulat nang malinaw ang bawat paraang gagawin sa pagkamit ng layunin

4. Natutukoy ang mga taong gagabay at tutulong sa pagsasabuhay ng mga paraan

5. Makatotohanan ang panahong inilalaan sa pagsasagawa ng bawat paraan

Gawain 6: Pagsasabuhay

Panuto: Habang ang buong bansa ay nahaharap pa rin sa Bagong Normal o New Normal

dahil sa COVID 19, marami ang nahihirapang maghanapbuhay o magkakaroon ng

pagkakakitaan. Subalit hindi dapat maging dahilan ang sitwasiyong ito upang

mawalan ng panustos sa mga pang-araw-araw na pangangailangan. Kung kaya,

habang nasa Bagong Normal ang buong bansa, magkaroon ng diyalogo o bukas

na pag-uusap sa mga kasapi sa tahanan kung ano ang angkop na proyektong

gagawin na maaari ninyong pagkakitaan sa kasalukuyan.

1. Narito ang mga larawan ng ilang paksa para sa gagawing diyalogo.

Maliit na negosyo Gulayan sa likuran ng

bahay

Gulayan sa mga plastic

na sisidlan

2. Gamiting gabay ang sumusunod na hakbang para sa diyalogo:

Page 31: Edukasyon sa Pagpapakatao€¦ · Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda ng mga guro sa EsP ... Pumunta sa isang takdang lugar ng inyong bahay, silid-aklatan, o anomang lugar

14

a. Batay sa inyong kakayahan (Halimbawa: perang kakailanganin, lugar na

mapagtaniman), pumili ng proyekto ng programang pangkabuhayan (livelihood

program) na gagawin.

b. Magtala ng mga paraan kung paano simulan ang proyekto.

c. Pagkasunduan kung sino sa kasapi ng tahanan ang mamumuno sa pagsasagawa ng

proyekto.

d. Mahalagang matumbok at maging malinaw sa lahat kung kailan simulan ang napiling

proyekto.

e. Isa-isahin ang mga kagamitang kailangan.

f. Kung kinakailangan, humingi ng tulong mula sa ahensiya ng pamahalaan na

nagpasimuno ng proyekto. (Halimbawa: humingi ng binhi sa Department of Agriculture)

g. Magbalangkas ng mga gabay sa proyektong gagawin alinsunod sa mga patakaran sa

Bagong Normal na ipinaiiral ng lokal na pamahalaan.

3. Pagkatapos ng diyalogo, huwag kalimutang magpasalamat sa mga kasapi ng tahanan.

4. Bumalik sa lugar ng bahay kung saan ka nag-aaral at sagutin ang sumusunod na tanong:

a. Ano ang naramdaman mo sa proyektong napagkasunduan ninyong gawin sa diyalogo?

b. Paano makatutulong ang napiling proyekto sa pagpapabuti ng ekonomiya ng inyong

tahanan ngayong panahon ng Bagong Normal?

c. Ano ang gagawin mo upang makaambag sa tagumpay ng proyektong ito?

Narito ang mga kraytirya ng pagtataya ng output sa Gawain 6:

1. Ang pagkasunod-sunod ng pagtala ng output mula sa open forum ay ayon sa mga

hakbang na nasa panuto blg. 3.

2. May maikling paliwanag sa napiling proyekto na gagawin ng pamilya

3. May patunay na kuhang mga larawan sa ginawang open forum

4. May kasamang pagninilay sa resulta ng open forum ang ipinasang output

Buod

Page 32: Edukasyon sa Pagpapakatao€¦ · Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda ng mga guro sa EsP ... Pumunta sa isang takdang lugar ng inyong bahay, silid-aklatan, o anomang lugar

15

Ang mabuting ekonomiya ay iyong napauunlad ang lahat – walang taong sobrang

mayaman at maraming mahirap.

Ang ekonomiya ay hindi para lamang sa sariling pag-unlad kundi sa pag-unlad ng

lahat.

Tayahin

Panuto: Basahing mabuti ang tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang katotohanan sa likod ng paniniwala na “ang tao ay pantay-pantay”?

A. lahat ay may kani-kaniyang angking kaalaman

B. lahat ay dapat mayroong pag-aari

C. lahat ay iisa ang mithiiN

D. Lahat ay likha ng Diyos

2. Bakit mahalaga ang pagbabahagi ng yaman ng ating bansa?

A. Malikha ng bawat isa ang sarili ayon sa kani-kaniyang mga tunguhin at kakayahan.

B. Masiguro na ang bawat isa ay mabigyan ayon sa kaniyang mga pangangailangan.

C. Maging pantay ang mga tao sa matatanggap na yaman at walang lamangan.

D. Magkaroon ng patas na pag-unlad sa iba’t ibang lugar ng bansa.

3. Sino ang nagsabi na, “bahagi ng pagiging tao ng tao ang pagkakaroon ng magkakaibang

lakas at kahinaan”?

A. Dr. Manuel Dy B. Malala Yousafzai C. Martin Luther King D. Max Scheler

4. Paano dapat ipakita ang tamang ugnayan ng tao sa kaniyang pag-aari?

A. Sa pag-iwas na maitali ang kaniyang halaga bilang tao sa kaniyang pag-aari.

B. Sa pagpapakita na may kakayahan siyang bumili ng mga mamahaling gamit.

C. Sa pagmamayabang sa mga kakilala at kaibigan ng dami nang naimpok na pera.

D. Sa higit na pagpapahalaga sa mga ari-arian kay sa pagpapahalaga sa mismong sarili.

5. Mahalagang siguraduhin ng pamahalaan na ang bawat bahay ay magiging tahanan sa

Lipunang Pang-ekonomiya. Ano ang dapat nitong gawin?

A. Magbibigay ng tulong pinansiyal ang pamahalaan sa mga mahihirap na pamilya.

B. Pangungunahan ang pangangasiwa at pamamahagi ng patas sa yaman ng bayan.

C. Sisikapin na bigyang trabaho ang bawat kasapi kahit hindi angkop sa kakayahan nito.

Page 33: Edukasyon sa Pagpapakatao€¦ · Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda ng mga guro sa EsP ... Pumunta sa isang takdang lugar ng inyong bahay, silid-aklatan, o anomang lugar

16

D.Tutulungan ang mga manggagawa nito sa paghanap ng hanapbuhay sa ibang bansa.

6. Ano ang prinsipyong gagabay sa pamilya upang ang bahay ay magiging tahanan?

A. Prinsipyo ng Proportio B. Prinsipyo ng Lipunang Pampulitika

C. Prinsipyo ng Pagkakaisa D. Prinsipyo ng Lipunang ekonomiya

7. Ano ang mabuting gawin ng mga tagapangasiwa ng Local Govenment Unit (LGU) upang

malutas ang problema sa kakulangan ng tubig?

A. Siguraduhing pantay ang rasyon ng tubig sa bawat barangay na nasasakupan.

B. Ayusin ang sirang tubo kung nag-uumapaw na ang tubig nito sa kalsada.

C. Siyasatin kung maayos ang mga koneksiyon ng tubo na daluyan ng tubig.

D. Maghanap ng panibagong pagkukunan ng tubig ng mga sirang tubo.

8. Paano maipakikita ng pamahalaan ang tamang pamamahala sa yaman ng bansa?

A. Pamamahala ng budget katulad sa isang mayamang pamilya

B. Pagkilos para sa pantay na pagbabahagi ng yaman sa mga mamamayan nito

C. Pangangasiwa ng yaman ng bayan ayon sa kagustuhan ng Presidente lamang

D. Pagsisiguro na ang bawat bahay ay nasusunod ang kani-kanilang mga kagustuhan

9. Alin sa sumusunod na mamamayan ang tunay na nakatali ang sarili sa bagay?

A. Pagbili ni Tito ng mga gadgets upang makapagtrabaho nang maayos at madali.

B. Hindi mabitawan ni James ang kaniyang lumang mga damit upang ibigay sa kamag-

anak dahil mayroon itong sentimental value sa kaniya.

C. Inuubos ni Earl ang kaniyang pera sa pagbili ng mamahaling imported na relo dahil

dito niya nakukuha ang labis na kasiyahan.

D. Ipinipilit ni Mina na nararapat siyang makatanggap ng tulong mula sa pamahalaan,

kahit na kaya naman niya itong bilhin at kahit hindi naman niya ito kailangan.

10. Paano mas epektibo ang patas kaysa pantay na pagbabahagi ng yaman ng bayan?

A. Hindi pantay-pantay ang mga tao, ngunit may angkop para sa kanila.

B. Karapatan ng bawat mamamayan na matanggap ang nararapat sa kaniya.

C. Walang kakayahang magpasiya para sa sarili at sa iba ang mga mamamayan.

D. Higit na isinasaalang-alang nito ang kakayahan at pangangailangan ng bawat isa.

Page 34: Edukasyon sa Pagpapakatao€¦ · Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda ng mga guro sa EsP ... Pumunta sa isang takdang lugar ng inyong bahay, silid-aklatan, o anomang lugar

17

Susi ng Pagwawasto

Subukin

Bilang ng

Aytem

Sagot Kasanayan/Skill

1 D Kaalaman/Knowledge

2 D Kaalaman/Kowledge

Page 35: Edukasyon sa Pagpapakatao€¦ · Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda ng mga guro sa EsP ... Pumunta sa isang takdang lugar ng inyong bahay, silid-aklatan, o anomang lugar

18

Tayahin

3 A Pag-unawa/Comprehension

4 C Paglalapat/Application

5 D Paglalapat/Application

6 D Pagsusuri/Analysis

7 A Pagtataya/Evaluation

8 B Paglalapat/Application

9 D Pagsusuri/Analysis

10 B Pagtataya/Evaluation

Bilang ng

Aytem

Sagot Kasanayan/Skill

1 D Pag-unawa/Comprehension

2 A Pagsusuri/Analysis

3 D Kaalaman/Kowledge

4 A Pagtataya/Evaluation

5 D Pagsusuri/Analysis

6 D Kaalaman/Kowledge

7 C Pagsusuri/Analysis

8 B Paglalapat/Application

9 D Pagtataya/Evaluation

10 D Paglalapat/Application

Page 36: Edukasyon sa Pagpapakatao€¦ · Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda ng mga guro sa EsP ... Pumunta sa isang takdang lugar ng inyong bahay, silid-aklatan, o anomang lugar

19

Sanggunian

Kagawaran ng Edukasyon. Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9 Modyul para sa Mag-

aaral. Pasig City: Kagawaran ng Edukasyon, 2015.

Kagawaran ng Edukasyon. K to 12 Gabay Pangkurikulum ng Edukasyon sa Pagpapakatao

Baitang 1-10. Pasig City: Kagawaran ng Edukasyon, 2016.

Peralta, Luisita B. “Ang EsP Bilang Asignatura.” Powerpoint Presentation at the Nationa l

Training of Trainers on the K To 10 Critical Content in Edukasyon sa Pagpapakatao,

Guimaras Province, May 6, 2019.

Peralta, Luisita B. “Modyul 1: Mga Angkop at Inaasahang Kakayahan at Kilos sa Panahon

ng Pagdadalaga/Pagbibinata”. Module presented at the Alignment, Revision and

Finalization of the OHSP Modules with the K-12 Curriculum, Tagaytay City, September

26, 2017.

Mula sa internet:

https://www.youtube.com/watch?v=KZAypzf8Y40

Page 37: Edukasyon sa Pagpapakatao€¦ · Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda ng mga guro sa EsP ... Pumunta sa isang takdang lugar ng inyong bahay, silid-aklatan, o anomang lugar

Para sa mga katanungan at puna, maaaring sumulat o tumawag:

DepEd Division of Iligan City

Office Address: General Aguinaldo, St., Iligan City

Telefax: (063)221-6069

E-mail Address: [email protected]

Page 38: Edukasyon sa Pagpapakatao€¦ · Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda ng mga guro sa EsP ... Pumunta sa isang takdang lugar ng inyong bahay, silid-aklatan, o anomang lugar
Page 39: Edukasyon sa Pagpapakatao€¦ · Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda ng mga guro sa EsP ... Pumunta sa isang takdang lugar ng inyong bahay, silid-aklatan, o anomang lugar