12
Gabay sa pagharap sa mga pinansiyal na paghihirap .

Gabay sa pagharap sa mga pinansiyal na paghihirap€¦ ·  · 2017-03-14at paggawa ng mga desisyon batay sa partikular ... naghain ng alitan sa FOS. Tinulungan ng FOS ang kapwa partido

  • Upload
    ngophuc

  • View
    234

  • Download
    4

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Gabay sa pagharap sa mga pinansiyal na paghihirap€¦ ·  · 2017-03-14at paggawa ng mga desisyon batay sa partikular ... naghain ng alitan sa FOS. Tinulungan ng FOS ang kapwa partido

Gabay sa pagharap

sa mga pinansiyal na paghihirap

.

Page 2: Gabay sa pagharap sa mga pinansiyal na paghihirap€¦ ·  · 2017-03-14at paggawa ng mga desisyon batay sa partikular ... naghain ng alitan sa FOS. Tinulungan ng FOS ang kapwa partido

.

Sino kami? Ang Financial Ombudsman Service (FOS) ng Australya ay nag-aalok ng patas, malaya at madaling ma-access na pagresolba ng alitan para sa mga konsyumer na hindi nagawang lutasin ang mga reklamo sa miyembrong mga tagapagtaguyod ng mga serbisyong pinansiyal.

Kabilang sa aming mga miyembro ang mga bangko, mga taga-seguro, mga tagapagtaguyod ng kredit, mga tagapayo sa pananalapi at mga tagaplano, mga ahensiyang taga-kolekta ng utang at iba pang mga negosyo na nagbibigay ng mga produkto at serbisyong pinansiyal.

Ang hindi pinagkakakitaan, hindi pampamahalaang organisasyon na FOS ay nagreresolba ng mga alitan nang mabilis at maayos, na nagbibigay ng mas murang alternatibo imbes na pumunta sa hukuman. Ang aming serbisyo ay walang bayad para sa mga aplikante, dahil ang mga gastos sa pagpapatakbo ng serbisyo ay sinasagot ng aming mga miyembro.

Page 3: Gabay sa pagharap sa mga pinansiyal na paghihirap€¦ ·  · 2017-03-14at paggawa ng mga desisyon batay sa partikular ... naghain ng alitan sa FOS. Tinulungan ng FOS ang kapwa partido

. .

Paano kami tumutulongNireresolba namin ang mga alitan sa pagitan ng mga konsyumer at Tagapagtaguyod ng mga Serbisyong Pinansiyal:

sa paraang nakikiisa, mahusay, napapanahon at patas

nang may minimong pormalidad at teknikalidad, at

maaaninag hangga’t maaari, habang isinasaalang-alang ang aming mga obligasyon sa pagiging kompidensiyal at pagkapribado.

Nangangailangan ito ng pag-unawa sa lahat ng aspeto ng alitan nang walang pinapanigan, at paggawa ng mga desisyon batay sa partikular na mga katotohanan at mga pangyayari ng bawat alitan.

Ano ang pinansiyal na paghihirap?

Minsan ang mga indibidwal at maliliit na negosyo ay nalalagay sa sitwasyon na hindi nila kayang tugunan ang kailangang pagbabayad sa ilalim ng pasilidad ng kredit (tulad ng pautang sa pabahay, pautang sa negosyo o credit card). Tinatawag namin itong pinansiyal na paghihirap.

Ang pagkakasakit, pagkawala ng trabaho, sobrang nakompromiso at mga pangyayari tulad ng mga likas na kalamidad ay maaaring maging sanhi ng pinansiyal na paghihirap.

Page 4: Gabay sa pagharap sa mga pinansiyal na paghihirap€¦ ·  · 2017-03-14at paggawa ng mga desisyon batay sa partikular ... naghain ng alitan sa FOS. Tinulungan ng FOS ang kapwa partido

Ano ang magagawa ko kung ako ay dumaranas ng pinansiyal na kahirapan?

Makipag-ugnayan sa iyong tagapagtaguyod ng mga serbisyong pinansiyal

Kumilos kaagad. Kung nahihirapan ka sa pagbabayad, o kung ang iyong bangko, credit union o ibang tagapagtaguyod ng mga serbisyong pinansiyal ay nagpadala sa iyo ng isang paalala sa overdue at hindi mo kayang magbayad, dapat kang makipag-ugnayan sa kanila kaagad. Marami sa mga tagapagtaguyod ng mga serbisyong pinansiyal ang may masigasig na pangkat para sa pinansiyal na paghihirap na maaari mong kausapin.

Maging handa na:

magbigay ng impormasyon tungkol sa iyong kita at mga gastusin

sabihin sa kanila kung kailan, sa tingin mo, bubuti ang iyong kalagayan

ipaliwanag kung anong tulong, sa tingin mo, ang kailangan mo at gaano katagal mo kakailanganin ito.

Maghanda ng badyet

Ang paghahanda ng badyet ang pinakamahusay na paraan upang matulungan kayo ng iyong tagapagtaguyod ng mga serbisyong pinansiyal na makahanap ng solusyon na makabubuti para sa iyo.

Ang badyet ay tutulong sa iyong maunawaan ang iyong pinansiyal na posisyon at ang antas ng pagbabayad na kaya mong gawin. Kailangan mong pag-isipan kung ano ang kaya mo sa ngayon at kung ano ang makakaya mo sa hinaharap kung sakaling magkaroon ng pagbabago sa iyong kalagayan.

May makukuhang libreng mga serbisyong makakatulong sa iyo upang maghanda ng badyet at para sa iba pang mga pangkalahatang payo kung paano pamamahalaan ang pera. Ang inirerekomenda naming mga rekurso sa pagpaplano ng badyet sa online ay:

.

Page 5: Gabay sa pagharap sa mga pinansiyal na paghihirap€¦ ·  · 2017-03-14at paggawa ng mga desisyon batay sa partikular ... naghain ng alitan sa FOS. Tinulungan ng FOS ang kapwa partido

ASIC’s MoneySmart - tingnan ang www.moneysmart.gov.au/tools-and-resources/calculators-and-tools/budget-planner

Nahihirapan na ba? ng Australian Bankers’ Association - tingnan ang www.doingittough.info/your-budget

Iba pang mga tool/link sa website FOS - www.fos.org.au

Makipag-usap sa isang pinansiyal na tagapayo

Ang pinansiyal na tagapayo ay makakatulong sa iyo upang magkaroon ng malinaw na larawan ng iyong pangkalahatang pinansiyal na kalagayan at ipapaliwanag ang iyong mga pagpipilian. Karamihan sa mga pinasyal na tagapayo ay nagtatrabaho sa mga organisasyon ng komunidad at ang kanilang mga serbisyo ay libre, kompidensiyal at independiyente.

Para sa karagdagang impormasyon, tawagan ang linya ng tulong ng pambansang pinansyal na pagpapayo sa 1800 007 007 o bisitahin ang www.financialcounsellingaustralia.org.au.

Magtanong

Kung ang iyong tagapagtaguyod ng mga serbisyong pinansiyal ay hindi makakatulong sa iyo, magtanong kung maaari kang magbigay ng karagdagang impormasyon na maaaring makatulong upang magbago ang isip nito.

Ipagpatuloy ang pagbabayad na kaya mo

Ipagpatuloy ang pagbabayad na kaya mo habang sinusubukan mong maghanap ng solusyon sa problema. Ang regular na mga pagbabayad ay makakabawas sa halaga ng interes na naiipon sa pautang at maaari ring masuportahan ang iyong kahilingan para sa tulong.

Maghain ng di-pagkakunawaan sa FOS

Kung kayo ng iyong tagapagtaguyod ng mga serbisyong pinansiyal ay hindi nakahanap ng kasiya-siyang solusyon, maaari kang maghain ng alitan sa FOS.

. .

Page 6: Gabay sa pagharap sa mga pinansiyal na paghihirap€¦ ·  · 2017-03-14at paggawa ng mga desisyon batay sa partikular ... naghain ng alitan sa FOS. Tinulungan ng FOS ang kapwa partido

.

Paano ako maghahain ng alitan sa FOS?

Upang maghain ng reklamo sa amin, pumunta sa www.fos.org.au para ma- access ang aming pormularyo sa alitan sa online. Ang pormularyo ay maaaring kumpletuhin sa online o maaari mong i-print ito at ipadala sa koreo o i-email sa amin. Maaari mo rin kaming tawagan sa 1800 367 287 at maaari ka naming tulungan sa pagkumpleto nito.

Anong uri ng tulong ang maaari kong hilingin?

Maaari kang humingi ng anumang makatwirang pagbabago sa iyong kontrata sa credit na maaaring makatulong sa iyo upang bayaran ang iyong utang. Maaaring kabilang dito ang:

paghingi ng palugit sa yugto ng pautang at pagbawas sa halaga ng regular na mga pagbabayad

pag-antala sa mga pagbabayad na nakatakda sa partikular na petsa

pagpapahinto ng mga pagbabayad para sa isang yugto ng panahon at paghingi ng palugit sa yugto ng pautang.

Dapat makipagtulungan sa iyo ang iyong tagapagtaguyod ng mga serbisyong pinansiyal upang matulungan kang maresolba ang iyong pinansiyal na paghihirap. Gayunpaman, hindi nila kailangang sang-ayunan ang mga pagbabago na iyong hinihiling at hindi nila kailangang talikdan ang mga interes o utang.

Page 7: Gabay sa pagharap sa mga pinansiyal na paghihirap€¦ ·  · 2017-03-14at paggawa ng mga desisyon batay sa partikular ... naghain ng alitan sa FOS. Tinulungan ng FOS ang kapwa partido

. .

Paano kami tumutulongKung ang isang di-pagkakaunawan sa pinansiyal na paghihirap ay inihain sa FOS, kami ay:

hihilingin namin sa tagapagtaguyod ng mga serbisyong pinansiyal na pag-isipang-muli ang iyong kahilingan

pagsasamahin namin kayo ng iyong tagapagtaguyod ng mga serbisyong pinansiyal upang talakayin ang kahilingan, sa pamamagitan ng negosasyon o pakikipagkasundo sa telepono

magpapasya kung ang tagapagtaguyod ng mga serbisyong pinansiyal ay tumugon nang naaangkop.

Kung ang pautang ay isang uri na kaya naming ibahin at naniniwala kami na ang pautang ay dapat ibahin, maaari naming hilingin sa tagapagtaguyod ng mga serbisyong pinansiyal na baguhin ang mga pagbabayad ng iyong utang. Kapag gumawa kami ng desisyon kung ang isang pautang ay dapat na ibahin, isasaalang-alang namin ang iyong pinansiyal na kalagayan, ang iyong kakayahang tugunan ang pagbabayad at kung ang utang ay mababayaran sa makatwirang panahon. Mayroon kaming kapangyarihang ibahin ang pautang na sakop ng National Credit Code.

Page 8: Gabay sa pagharap sa mga pinansiyal na paghihirap€¦ ·  · 2017-03-14at paggawa ng mga desisyon batay sa partikular ... naghain ng alitan sa FOS. Tinulungan ng FOS ang kapwa partido

.

Ano ang inaasahan sa akin?Kung nagpasya kang humingi ng tulong sa FOS upang resolbahin ang iyong alitang pinansiyal na paghihirap, mahalaga na handa kang:

patuloy na makipag-usap sa iyong mga tagapagtaguyod ng mga serbisyong pinansiyal tungkol sa iyong kalagayan

maging bukas sa iyong pinansiyal na kalagayan at handang magbigay ng impormasyon tungkol sa iyong mga kalagayan tulad ng iyong kita at mga gastusin

sabihin sa amin kung ano ang nais mong gawin ng iyong tagapagtaguyod ng mga serbisyong pinansiyal upang tulungan ka

maging bukas-isip at maghanap ng alternatibong mga solusyon

magpatuloy sa pagbibigay ng kabayarang kaya mong ibigay habang pinag-aaralan namin ang iyong alitan.

Paano kung ako ay isang maliit na negosyo?

Dapat isaalang-alang ng mga tagapagtaguyod ng mga serbisyong pinansiyal ang mga kahilingan para sa tulong ng mga maliliit na negosyo. Maaaring kailanganin mong magbigay ng mas detalyadong impormasyon sa iyong tagapagtaguyod ng mga serbisyong pinansiyal, tulad ng isang plano sa negosyo, mga statement sa tubo at pagkalugi at mga pagtataya.

Sa ilang kaso, maaaring maggawad ang FOS ng kompensasyon para sa mga bayarin o nabigong (default) interes kung hindi isinaalang-alang ng tagapagtaguyod ng mga serbisyong pinansiyal ang lahat ng makatwirang mga pagpipilian upang matulungan ang negosyo. Gayunpaman, hindi namin maaaring ipag-utos sa tagapagtaguyod ng mga serbisyong pinansiyal na ibahin ang kontrata ng negosyo.

Page 9: Gabay sa pagharap sa mga pinansiyal na paghihirap€¦ ·  · 2017-03-14at paggawa ng mga desisyon batay sa partikular ... naghain ng alitan sa FOS. Tinulungan ng FOS ang kapwa partido

. .

Ano ang mangyayari sa aking utang habang pinag-aaralan ng FOS ang aking alitan?

Interes at mga pagbabayad

Kadalasan ang interes ay patuloy na sisingilin sa iyong account habang pinag-aaralan namin ang iyong alitan. Mahalagang bayaran mo ang kaya mong bayaran. Kung hindi mo babayaran ang kaya mong bayaran, maaaring lumala ang iyong kalagayan.

Gawain ng Koleksyon

Dapat ihinto ng iyong tagapagtaguyod ng mga serbisyong pinansiyal ang gawain na koleksyon o pagbawi habang pinag-aaralan namin ang iyong alitan.

Kung nagsimula na ang mga legal na paglilitis

Sa ilang pagkakataon, maaari rin naming ipabinbin sa iyong tagapagtaguyod ng mga serbisyong pinansiyal ang mga legal na paglilitis habang pinag-aaralan namin ang iyong alitan. Ang pagbinbin ng legal na paglilitis ay depende kung nasaang yugto na ang paglilitis.

Paano kung kailangan ko ng karagdagang impormasyon?

Ang polyetong ito ay isang maikling pagpapakila ng pinansyal na paghihirap. Ang aming website ay mayroong mas detalyadong impormasyon tungkol sa maaari mong gawin kung ikaw ay may pinansiyal na paghihirap - tingnan ang www.fos.org.au. Maaari mo rin kaming tawagan sa 1800 367 287 kung mayroon kang anumang mga katanungan.

Page 10: Gabay sa pagharap sa mga pinansiyal na paghihirap€¦ ·  · 2017-03-14at paggawa ng mga desisyon batay sa partikular ... naghain ng alitan sa FOS. Tinulungan ng FOS ang kapwa partido

.

Kuwento ni SallyPinagsasabay ni Sally ang full-time na trabaho at solong pag-aalaga sa kanyang batang anak na lalaki. Napilitan siyang bawasan ang oras ng kanyang pagtatrabaho makaraang magbago ang kalagayan na nangangahulugan na ang kanyang ina ay hindi na kayang mag-alaga ng bata ng dalawang araw bawat linggo.

Mabilis na natanto ni Sally na hindi na niya kayang bayaran ang buwanang mortgage dahil sa kanyang nabawasang kita.

Hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin. Kinulang siya ng $200 sa kanyang buwanang pagbabayad sa magkasunod na dalawang buwan at nagsimulang mangamba na baka mawalan ng bahay. Makaraan ang ilang gabing walang tulog, tinawagan ni Sally ang pangkat ng pinansyal na paghihirap ng kanyang tagapagtaguyod ng mga serbisyong pinansiyal.

Tinulungan nila si Sally na maghanda ng badyet na nagpapakita kung ano ang kaya niyang bayaran. Sinabi rin niya sa kanyang tagapagtaguyod ng mga serbisyong pinansiyal na balak niyang bumalik sa full-time na pagtatrabaho kapag nagsimula nang pumasok sa paaralan ang kanyang anak na lalaki mga walong buwan mula ngayon.

Binawasan ng tagapagtaguyod ng mga serbisyong pinansiyal ang kanyang buwanang pagbabayad sa interes lamang sa tatlong buwan.

Nadama ni Sally na hindi naresolba ng kanilang tugon ang kanyang problema, kaya’t siya ay naghain ng alitan sa FOS.

Tinulungan ng FOS ang kapwa partido na isaalang-alang ang mga alternatibo. Dahil ang kalagayan ni Sally ay hindi magbabago sa tatlong buwan, nag-alok ang tagapagtaguyod ng mga serbisyong pinansiyal na dagdagan ang termino ng interes-lamang hanggang si Sally ay makabalik sa full-time na trabaho. Sila ay sumang-ayon din na idagdag ang atraso (arrears) sa utang sa pabahay upang ito ay mabayaran sa itatagal ng pautang.

Page 11: Gabay sa pagharap sa mga pinansiyal na paghihirap€¦ ·  · 2017-03-14at paggawa ng mga desisyon batay sa partikular ... naghain ng alitan sa FOS. Tinulungan ng FOS ang kapwa partido

. .

Iba pang mga kapaki-pakinabang na impormasyon

Tingnan ang iba pang polyeto ng FOS sa [email protected] o www.fos.org.au:

Paano mareresolba ang isang alitan

Gabay sa responsableng pagpapahiram at mga credit card

Page 12: Gabay sa pagharap sa mga pinansiyal na paghihirap€¦ ·  · 2017-03-14at paggawa ng mga desisyon batay sa partikular ... naghain ng alitan sa FOS. Tinulungan ng FOS ang kapwa partido

.

Makipag-ugnayan sa aminAng mga sumusunod na pagpipilian ay makukuha kung maghahain ng alitan sa FOS:

Online

Ang mga alitan ay maaaring ihain sa online sa www.fos.org.au o sa pamamagitan ng pagpapadala ng email sa [email protected]

Telepono

Ang mga alitan ay maaaring ihain sa pamamagitan ng pagtawag sa amin sa 1800 367 287 (1800 FOS AUS) (9nu hanggang 5nh mula Lunes hanggang Biyernes)

Koreo

Ang mga pormulayo sa alitan ay maaaring ipadala sa:

Financial Ombudsman Service Limited GPO Box 3 Melbourne 3001

Lahat ng mga detalye ay tama sa oras ng paglalathala (Hulyo 2015)Naka-print sa isang papel na mabuti sa kapaligiran