21
FILI PINO Magandang hapon sa inyong lahat,sa hapong ito inaasahan na ang lahat ay magiging aktibo sa talakayan. Kapag kayo ay tinanong kinakailangan ninyong sagutin ito upang magkapuntos sa RECITATION

Grade 10 Tayutay

Embed Size (px)

DESCRIPTION

tayutay

Citation preview

Page 1: Grade 10 Tayutay

FILIPINO

Magandang hapon sa inyong lahat,sa

hapong ito inaasahan na ang lahat ay

magiging aktibo sa talakayan. Kapag kayo

ay tinanong kinakailangan ninyong

sagutin ito upang magkapuntos sa

RECITATION

Page 2: Grade 10 Tayutay

FILIPINO

Pamantaya:

* ideya ---------3 pts.* pagbigkas ------ 3 pts.* kaalaman --- 3 pts.

9 pts.

Page 3: Grade 10 Tayutay

Ay mula sa dalawang salita

TALI at HIWAGA

TALINGHAGA

Page 4: Grade 10 Tayutay

ito’y nakapahayag ng mga katotohanan sa paraang nakabalat kayo

di tahasa ang kahulugan kaya’t masasabing lumikha ito ng mga larawan o imahen

Ito ay isang sinadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng mga salita upang gawing mabisa, matalinghaga, makulay at kaakit-akit ang pagpapahayag.

TAYUTAY

Page 5: Grade 10 Tayutay

FILIPINO

MGA URI NGTAYUTAY

Page 6: Grade 10 Tayutay

pagtutulad ay isang simpleng paghahambing ng dalawang bagay na magkaiba sa pangkalahatang anyo subalit may mga magkakatulad na katangian na sukat ipagkaugnay ng dalawa.

Kadalasang gumagamit ng tulad, gaya, magkasing, pareho at iba pa.

PAGTUTULAD/PAGHAHAMBING (SIMILE)

Page 7: Grade 10 Tayutay

Halimbawa:

Ang larong dama ay tulad ng buhay- may mga urong at sulong.

PAGTUTULAD/PAGHAHAMBING (SIMILE)

Page 8: Grade 10 Tayutay

Ito ay isang tuwirang paghahambing na di gumagamit ng mga salitang katulad ng at iba pa, ngunit nagpapahayag ng hambingan sa pamamagitan ng paglalapat ng pangalan, tawag, katangian, o gawain ng isang bagay na inihahambing.

PAGWAWANGIS (METAPHOR)

Page 9: Grade 10 Tayutay

Halimbawa:

Ang Panginoon ay pastol ng aking buhay.

PAGWAWANGIS (METAPHOR)

Page 10: Grade 10 Tayutay

Paglilipat ng katangian ng isang tao sa mga walang buhay

Layon nitong pakilusin na katulad ng mga tao ang mga bagay na walang buhay.

PAGBIBIGAY-KATAUHAN (PERSONIFICATION)

Page 11: Grade 10 Tayutay

Halimbawa:

Lumuluha ang langit dahil sa pagkasawi ng

kanyang iniibig.

PAGBIBIGAY-KATAUHAN (PERSONIFICATION)

Page 12: Grade 10 Tayutay

Nagpapasobra sa normal upang bigyan ng kaigtingan na nais ipahayag

Maaari ring itong pagpapakulang sa tunay na kalagayan upang makatawag ng pansin sa nais ipahayag.

PAGMAMALABIS (HYPERBOLE)

Page 13: Grade 10 Tayutay

Halimbawa:

Babaha ng dugo sa lugar na ito dahil sa

sagupaan ng dalawang fraternity.

PAGMAMALABIS (HYPERBOLE)

Page 14: Grade 10 Tayutay

Layon nitong kausapin ang mga bagay o kaisipan na hindi maaaring sumagot.

Halimbawa;

O tukso, layuan mo ako!

PAGTAWAG (APOSTROPHE)

Page 15: Grade 10 Tayutay

Ito ay ang pagbanggit sa bahagi bilang katapat ng kabuuan, o ng kabuuan bilang katapat ng bahagi.

PAGPAPALIT-SAKLAW (SYNECDOCHE)

Page 16: Grade 10 Tayutay

Halimbawa:

Bawat kamay sa kusina ay mabilis na kumikilos

upang mapabilis ang mga gawain.

PAGPAPALIT-SAKLAW (SYNECDOCHE)

Page 17: Grade 10 Tayutay

Kadalasan pinangungunahan ng salitang HINDI/DI

Gumagamit ng dalawang salitang magkasalungat

PAGSALUNGAT/PAGTANGI (LITOTES)

Page 18: Grade 10 Tayutay

Halimbawa:

Nasa kapangitan ni Becky ang kanyang

kagandahan.

PAGSALUNGAT/PAGTANGI (LITOTES)

Page 19: Grade 10 Tayutay

Layon nitong mangutya sa pamamagitan ng paggamit ng mga salitang kapuri-puri

Halimbawa;

Ang sisipag ng mga anak ni Aling Meme. Maghapon nakahiga sa

kama.

PAG-UYAM (IRONY)

Page 20: Grade 10 Tayutay

Ito ang paggamit ng mga salitang kung ano ang tunog ay siyang kahulugan.

HALIMBAWA:

Naririnig ko ang lagaslas ng talon mula sa aking kinatatayuan

PAGHIHIMIG(ONOMATOPEYA)

Page 21: Grade 10 Tayutay

PAGPAPALIT-TAWAG(METONYMY)

Isang pansamantalang pagpapalit ng mga pangalan ng mga bagay na magkaugnay.

HALIMBAWA:

Sampung lapad ang nainom ng barkadang hampas-lupa