25
TAYUTAY Ito ay salita o isang pahayag na ginagamit upang bigyan diin ang isang kaisipan o damdamin.

tayutay lecture

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Lektyur sa Filipino

Citation preview

Page 1: tayutay lecture

TAYUTAY Ito ay salita o isang pahayag na

ginagamit upang bigyan diin ang isang kaisipan o damdamin.

Page 2: tayutay lecture

TAYUTAY Sinasadya ng pagpapayahag na

gumagamit ng talinghaga o di-karaniwang salita o paraan ng

pagpapahayag upang bigyan diin ang kanyang saloobin

Page 3: tayutay lecture

Uri ng TAYUTAY (Figures of Speech)

Pagtulad

Pagwawangis

Pandiwantao/Pagtatao

Pantawag

Pagmamalabis

Pag-uyam

Paglilipat-wika

Pagpapalit-saklaw

Pagpapalit-tawag

PagsalungatPaglulumay

Page 4: tayutay lecture

Simili o Pagtutulad - di tiyak na paghahambing ng dalawang magkaibang bagay.

Ginagamitan ito ng mga salitang:

tulad ng, paris ng, kawangis ng, tila,sing-,

Ito ay tinatawag na Simile sa Ingles.

sim-, magkasing-, magkasim-, parang, gaya, atbp.

Page 5: tayutay lecture

HALIMBAWA

Ang paghahabi ng tela ay gaya ng paghihirap ng isang

tao.

Ang pangako mo ay parang hangin.

Page 6: tayutay lecture

Metapora o Pagwawangis

- tiyak na paghahambing ngunit hindi na ginagamitan ng panandang panulad.

- Ito ay tiyak na paghahambing ng dalawang magkaibigang bagay.

- Ito ay tinatawag na METAPHOR sa Ingles.

Page 7: tayutay lecture

HALIMBAWA

Ang puso mo ay bato.

Ang mga nangangalaga ng kalikasan ay mga anghel ng

kagubatan.

Page 8: tayutay lecture

Personipikasyon o Pagtatao

• Ginagamit ito upang bigyang-buhay, pagtaglayin ng mga katangiang pantao - talino, gawi, kilos ang mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng mga pananalitang nagsasaad ng kilos.

• PERSONIFICATION

Page 9: tayutay lecture

HALIMBAWA

Sumasayaw ang mga bulaklak.

Nahiya ang buwan at nagkanlong sa ulap.

Page 10: tayutay lecture

Paglilipat-wika

• Katulad din ng Pagtatao (personification) ang pinagkaiba lamang ay gumagamit lamang ito ng mga PANG-URI.

• Transferred Epithet

Page 11: tayutay lecture

HALIMBAWA

Mapapait na langit.

Matiising sipilyo.

Page 12: tayutay lecture

Pagmamalabis o Eksaherasyon

isang pagpapahayag na lampas sa mahinahong larawan ng katotohanan sa hangaring magbigay-diin sa katotohanang pinagmamalabisan.

Hyperbole

Page 13: tayutay lecture

HALIMBAWA

Bumaha ng dugo sa awayan ng mga magsasaka.

Namuti ang mga mata ni Joan sa kakahintay kay Joy.

Page 14: tayutay lecture

Panawagan/Pagtawag (Apostrophe)

- ginagawa rito ang pakikipag-usap sa karaniwang bagay na para bang nakikipag-usap sa isang buhay na

tao o isang taong parang naroon at kaharap gayongwala naman

Page 15: tayutay lecture

HALIMBAWA

Diyos ko, iligtas po ninyo ang aming bayan sa masamang

elemento.

O, pag-ibig nasaan ka na?

Page 16: tayutay lecture

Pagpapalit-saklaw (Synecdoche)

- pagbanggit sa bahagi bilang katapat ng kabuuan, o ng kabuuan bilang katapat ng

bahagi. - isang bagay, konsepto kaisipan, isang bahagi ng kabuuan ang binabanggit

Page 17: tayutay lecture

HALIMBAWA

Ang panahong ito (Mayo) ay mabulaklak.

Hiningi ko na ang kamay ni Kim sa kanyang mga

magulang.

Page 18: tayutay lecture

Pagpapalit-tawag (Metonymy)

- isang pansamantalang pagpapalit ng mga pangalan ng mga bagay na magkakaugnay.

Page 19: tayutay lecture

HALIMBAWA

Ang anghel sa kanilang tahanan ay isang malusog na sanggol.

Siya ang nag-akyat ng ginto sa kanilang pamilya.

Page 20: tayutay lecture

Pagsalungat/Pagtatambis (Oxymoron)

- Paggamit ng dalawang salitang

magkasalungat bilang paglalarawan sa taong kausap o

pinag-uusapan

Page 21: tayutay lecture

HALIMBAWA

Ikaw ang una’t huli kong mamahalin.

Urong-sulong siya kung magpasya.

Page 22: tayutay lecture

Paglulumanay (Eupimism)

- Paggamit ng salitang nagpapagaan sa tindi ng

kahulugan ng orihinal na salita.

Page 23: tayutay lecture

HALIMBAWA

Sumakabilang-buhay na si Aling Dolores.

Isang mababang lipad ang napangasawa niya.

Page 24: tayutay lecture

- pananalitang nangungutya sa tao o bagay sa pamamagitan ng mga salitang kapag kukunin sa tiyakan ay tila kapuri-puring mga pananalita ngunit sa tunay nakahulugan ay may bahid na pang-uyam

Pag-uyam/Balintunay(Irony)

Page 25: tayutay lecture

HALIMBAWA

Ubod siya ng gara kung lumalabas! Napakagulo naman ng bahay.

Yumaman si Napoles sa laki ng pangungurakot nito sa bayan.