51
Synopsis: Jorein's a girl who's given the title "QUEEN OF REJECTIONS" by his friends and classmate. It's because in her entire high school life, she already confessed to many guys but unfortunately no one return the same feelings. On the other hand, she has a childhood friend who is popular to every girls in their campus. He is indeed a very likeable guy but Jorein don’t have any feelings for him. She even thinks that her childhood friend is a Gay. Why? Will her feelings remain the same until the end? == I LOVE WHO? == [ Written by CHOU ] Sabi ng mama ko maganda daw ako. Sabi din naman ng papa ko maganda din daw ako. Sabi rin ng mga kaibigan ko mabait din daw ako kahit papano. Sabi naman ng mga teacher ko napaka masayahin ko. So anong bang kaayaw ayaw sa akin at sa lahat ng lalaking nagustuhan at napagtapatan ko ng pag.ibig ay wala man lang nagbalik ng pagmamahal ko!?

I LOVE WHO?

  • Upload
    others

  • View
    2

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: I LOVE WHO?

Synopsis:

Jorein's a girl who's given the title "QUEEN OF REJECTIONS" by his friends and classmate. It's because in

her entire high school life, she already confessed to many guys but unfortunately no one return the

same feelings. On the other hand, she has a childhood friend who is popular to every girls in their

campus. He is indeed a very likeable guy but Jorein don’t have any feelings for him. She even thinks that

her childhood friend is a Gay. Why? Will her feelings remain the same until the end?

== I LOVE WHO? ==

[ Written by CHOU ]

Sabi ng mama ko maganda daw ako. Sabi din naman ng papa ko maganda din daw ako. Sabi rin ng mga

kaibigan ko mabait din daw ako kahit papano. Sabi naman ng mga teacher ko napaka masayahin ko. So

anong bang kaayaw ayaw sa akin at sa lahat ng lalaking nagustuhan at napagtapatan ko ng pag.ibig ay

wala man lang nagbalik ng pagmamahal ko!?

Page 2: I LOVE WHO?

"Because you become reckless and confess at the wrong time."

Ayan ang sagot ng aking kababata. Si Nathan. Ang aking kabaliktaran. Alam mu yun? Yung bang ang

sitwasyon namin sobrang ironic kumbaga? E kasi siya na sikat, pinagkakaguluhan, madaming nagtatapat

ng pagmamahal, na minsan e halos ipagsubsuban na nung mga babaeng nahuhumaling sa kanya yung

mga pagmumuka nila e walang interes na magkaGF. Ni minsan sa tagal naming magkasama e di ko pa

siya nakitaan ng interes sa babae.

Ako naman na sobrang nagmamahal, na gustong gusto ng magkaBF, ilang beses nang nainlove at ilang

beses na rin nagtapat ay tila iniiwisan ng mismong PAG-IBIG. Minsan nga nasabi ko na lang sa kanya na

sana magpalit na lang kami ng katauhan e. Pero yung gagong yun ang sagot naman sa akin,"Ayoko nga.

Ayokong maging tanga." Hmmph! Pasalamat nga siya at may pinagsamahan kami kundi matagal ko na

yang binigte!

xxxxxxxx

"Oh! Ayan na pala ang QUEEN OF REJECTIONS." Pagkapasok na pagkapasok ko ng room e ayan agad

ang narinig ko sa aking bestfriend na di ko ba alam kung bestfriend ko nga. Aba e siya lagi ang

nangnguna sa pang.aasar sa akin.

Page 3: I LOVE WHO?

"Hmmp. Luka ka Felicia! Atleast may lakas ako ng loob magtapat ng nararamdam ko noh."

"Shut up. Stop giving me lame nicknames! And well yeah.Siguro tama ka. Pero aanhin mu naman yun

kung lagi ka namang bigo! Wahaha!"

"Che! Kainis ka rin noh. Ni minsan di mo pa ko nacocomfort rather you're always making fun of my

only talent!"

"Sus. What talent? And for you to know lang ha, di mo kailangan ng comfort te. E para nga lang wala

sayo kada marereject ka nung pinagconfessan mu. Di ka naman naiyak. Di ka mukang down or sad or

depress."

"Well,kahit na noh. E sa ganun ang ugali ko e. Tsaka kasalanan ko bang masanay mareject kaya wala

na lang sa akin yun."

"Oh. Tamo. Kaw din ang nagsabi na wala na sayo yun. Kalerkey. Nag.iinarte ka lang lam mu! At saka

nasasayo din naman kasi yun e. Napakareckless mo. You cant control you're own feelings."

Hanggang sa dumating yung teacher namin ay nagtatalo kami ni bff. Ewan nga kung saan saan na

napunta yung usapan namin e.

Page 4: I LOVE WHO?

LUNCHBREAK.

"Oi patingin naman! Patingin!"

"Sheet. I.bluetooth mu saken dali..!"

"Sakin den!"

"Oi pati sa sakin ha!"

"Kyaaaa! Pogi talaga ni Nathan ko! Gosh!"

I knew it. Sabi na't picture ni Nathan pinagkakaguluhan nila e. Nga pala andito ako sa isang cubicle sa CR.

Nawiwi ako di ako nag.i.eavesdrop sa kanila. Sila lang talaga tong malalakas ang boses.

Page 5: I LOVE WHO?

*FLUSH*

Pagkalabas ko nung cubicle e napatingin sa akin yung mga makakating higad na naghihiyawan kanina.

Napahiya ata sa akin dahil di nila alam na may ibang nakarinig ng kalandian nila. Well di naman dapat

sila mahiya normal na yan ngayon. Harhar. o_<

"Umm. Excuse me?"

"Ah? Yeah?" Sagot ko dun sa isang bubae. Ano naman kaya kelangan nito?

"Di ba ikaw yung girl na laging kasama ni Nathan Quizon?"

OWKEI. Ano kaya talaga gusto ng mga to? Wag mung sabihing magiging maladrama tong scene na to

ha? Bubulihin nila ako kasi Im close to their prince or the likes. GOD! "Ah.. Kung sa tingin mo ako nga

yun edi ako yun. Bakit may kelangan ba kayo?"

"Yeah. Im sure ikaw yun e." Singit nung isa pang guuuurrll..

"So ano nga po kelangan nila?"

Page 6: I LOVE WHO?

"Kaano.ano mu si Nathan?" Ohh. Pagsinabi ko kayang gf niya ko ano kaya gagawin sa akin ng mga to?

Haha. Pero ugh. Forget it.

"Pinsan ko siya bakit?"

"AHH! Pinsan! Kala namen gf ka niya, pero siguro nga. Ang ganda mu po kasi e. Nasa lahi niyo ata. Ang

gwapo gwapo kasi ng pinsan mo. Hehe." Ay susme. Sisipsip pa sakin. Kung talagang pinsan ko yung tao

yung iisipin ko talagang compliment yan kaso sorry guurrls. Im his childhood friend e. So if I know gusto

niyo lang sumipsip sakin. Tss. Escape na nga!

"Ahh. Hehe. Thanks. Oo gwapo nga yun kaya sikat e.. ui sige kelangan ko na umalis ha. Bye!" Woo.

Sabay takbo. Di ko na inintay sagot nila. And sa totoo lang, yung thoughts na ako, GF ni Nathan is

creeping me to death! Oo naisip ko nga din na sabihin yun sa kanila pero, ugh pinagsisisihan ko na. Wag

niyo naman sabihing ang sama ko kasi parang pinandidirian ko si Nathan e kaya lang naman kasi siya e. I

notice something in him that really you know. At saka siguro nasanay na din ako sa pagmumukha niya

kaya eto walang feelings towards him si ako.

*Booggssh!*

"Awwts!"

"Ah! Jo? Sorry. Ayos ka lang?"

Page 7: I LOVE WHO?

"hmmm? Nats ikaw pala.Oo ayos lang. Hehe."

"San ka galing?"

"Ha? Sa CR whyness?"

"Ahh.. Kala ko may pinagtapatan ka na naman e."

" Ano? Wala pa. Haha. Sinabi ko pang wala pa. Parang package lang na iniintay e. Pero hayaan mu.

Sinasabi ko naman sayo kapag may nagugustuhan ako di ba?"

"Dapat lang sabihin mo saken.Sige hinahanap ka nga pala ni Felice."

"OK. Una na ako." Then I continue walking papunta sa room. Hayyss. Naging rule na talaga yun samin ni

Nathan e. Na dapat sabihin ko sa kanya kung sino yung guy na nagugustuhan ko. At ayokong suwayin

yung rule na yun. Ayoko kasi magalit siya sa akin kasi nakakatakot siyang magalit. Phobia ko nga yun e.

Nung 1 time di ko sinabi sa kanya yung guy na gusto ko. Ewan ko ba kum bakit Large, huge & big deal sa

kanya yun. Piling ko nga bakla yan si Nats e. Sorry for thinking like this about my childhood friend. Gawa

naman kasi niya. Lahat na lang ng guy na nagustuhan ko e inaalam niya and what's more? Halos tunawin

niya sa titig. Ayun yung something na sinabi kong napansin ko sa kanya. So ngayon masisisi niyo ba kong

Page 8: I LOVE WHO?

isipan siya ng ganto. Idagdag mu pa yung wala niyang pagkainteres sa babae di ba? Baka nga mamaya

sya pa maging karibal ko sa lovelife ko e. Mwahaha. OK enough.

"Hui! Di ka pa din nakain?"

" 'Hui di ka pa din nakain?' mo yang mukha mo! Sabi mo hintayin kita tas magtataka ka ngayon kum

bat di pa ko nakain. Tsaka bat ga tagal mo bandila na e!?"

"Haha! Wala. May nakausap lang. Tara na nga. Lalabas na dragon mu sa tyan e." Pumunta na kami ni

bff sa canteen at kumain doon. Nauna akong umorder sa kanya kaya ako na naghanap ng mauupuan

namin dala yung inorder ko.

*Booggsh!*

"Awwts."

Whoa? De javu? This is the second *boogssh* here. Yun nga lang this time may juice yung palda ko!

"Sorry! Ayos ka lang miss."

Page 9: I LOVE WHO?

"Huh! Ako oo pero yung palda ko nagrereklamo oh!" Galit na sabi ko habang pinupunasan ko ng panyo

yung palda ko. Ni hindi ko man lang nililingon yung nakabangga saken.

"HAHA! You're funny!" Upon hearing that, automatic na tumunghay yung mukha ko at dumiretso ng

tingin sa kanya. Funny? Di ako natutuwa. Gusto ko sana siyang tarayan kaso you know what? I think I

saw my future hubby! >3<

"Ummm. Hello? Miss ok ka lang? Miisss.."

"H-hah? Ahhh. Ok lang ok. Hehehe."

"You sure? Sure ka talaga. Ano bang pede kong gawin para makabawi." Aggh. Pwede umalis ka na

lang? Or else.. Bff help me. where na you ba? Naorder pa rin siya! Ugh. Someone help me! Or else.. or

else!!

"GO ON A DATE WITH ME! I LIKE YOU!"

"H-huh??"

Page 10: I LOVE WHO?

"H-ha..?" Shit! What did I just said! Look. Everyone's looking at us! And.. did I just confess or

something!?

"Im sorry. I have a girlfriend and I love her. Sorry. And sorry again about your skirt." Then he walked

away. Now what!? Oh god! I just humiliated myself in public!

xxxx

"Wahahaha! Bff! Ang galing mo! Pinapanindigan mo talaga yung title mo ha! QUEEN OF REJECTIONS!

And ano pa? yung reckless personality mo! HAHAHA!"

"Hey! I need you to console me not to laugh at me here. Not that Im bitter but Im ashamed!" Nadito

kami ngayon ni bff sa may garden. Kainis sa canteen. Nakakahiya lang kaya hinila ko siya dito. Pero ano?

Pagtatawanan niya lang din pala ako!

"Ok. Sorry na sorry na ok.Haha! Hayaan mu na yun. Bukas makalawa limot na din yan nung mga tao.

Haha."

"Hay ewan kainis ka!"

Page 11: I LOVE WHO?

"Hahaha! Kay Nathan ka na lang kasi!"

"WHAT? I mean WHO? Nathan!? Oh not him bff! Utang na loob!"

"Ha? Bakit naman ganan reaksyon mo?"

"May sasabihin ako pero wag mu pagkakalat ha."

"Ha? Anu yun? Anu yun?" Bago ko sabihin e ilang beses kong inulit na wag niya ipagkakalat. Tas ayun

nga. I told her about 'that something' in Nathan. At pagkatapos niyang marinig e humagalpak ulit siya sa

tawa.

"HAHAHAHA! Oh god! Are you sure bff? HAHA!"

"Oo sa tingin ko nga." napatawa ba siya dahil sa revelation ko?

"HAHA! I dont think so bestfriend." Sabi niya sa akin na medyo natatawa tawa pa.So Hindi siya

naniniwala??

Page 12: I LOVE WHO?

"bakit naman?"

"Because you're so dense. Haha!"

"Huh? Di ko gets." Bago pa ako makapagtanong sa kanya kung ano bang gusto niyang sabihin e

tumunog na yung bell. Oh well. Pede ko naman siya tanungin kahit kelan. ^o^v

Pumunta na kami ng room at eto tulad ng inaasahan ko. Puring puri ako ng aking mababait na klasmeyt.

Grabe mga makatawa. Kesyo ang lakas daw ng loob ko magconfess sa harap ng madaming tao sa isang

lalaking noon ko pa lang nakilala at umalis na parang wala lang matapos mareject. Di ko ugaling mainis

sa mga ganang asar tama nang nakapaglabas na ako ng hiya sa aking bff kanina kaya sinasakyan ko na

lang ang mga asar nila. Well this is more like me naman kesa magmukmok sa tabi at alam nila yun.

*BELL RINGS*

"Whoo. Buhay! Sa wakas awasan na din! Bff sabay ka samin ni Nats?"

"Ha? Naku baka hindi muna ngayon. I have a date with mah boylet."

Page 13: I LOVE WHO?

"Sows. Boylet. Kaw na nga ang may boytoy."

"Haha.Solohin mo muna ulit si Nathan."

Sabay kami lumabas ng room pero nauna siya lumabas ng building. Pumunta pa muna ako sa room ni

Nathan. Wala siya sa loob. Tinanong ko yung isang guy na lumabas kung nasan siya ang sabi nasa may

field daw may practice. Nagthankyou ako sa kanya at pupunta na sa field kaso may bumangga sa akin.

"boogggssh!"

"Awwts." Na naman ulet! Ga yan ha. Pero ngayon Im aware na sinadya yung pagbangga sa akin.

"Oh. Im sorry. Di kasi kita nakita e. Alam mu naman ang mga panget di kapansin pansin."

"Haha. Nice one girl."Sabay apir pa nila sa isa't isa. Err. Problema ng mga to? Mga klasmeyt sila ni

Nathan. Mukang mga naiinggit sa akin kasi nga ako close ke Nats pero sila as I know ay di pinapansin ni

Nats. So bitter mga te?

"Ah It's alright. Now I know why Nathan is not even looking at you guys." Hmmph! Papatalo ba naman

ako sa kanila? Ofcourse not! Wahaha!

Page 14: I LOVE WHO?

"What!"

"Hey what do you mean by that huh!?"

"I mean what I said. Bye gotta go." Pipigilan pa sana nila ako kaso ako pilya,inihagis ko yung laruang ipis

na lagi kong baon sa bag. Madami ako nan panakot sa mga maarte. Haha. Sensya kum para akong bata!

Dumiretso agad ako sa field at ayun nakita ko si Nats sa batterbox nung field.

Oo nga pala, baseball player si kuya. Ewan ko nga dyan. Pede naman basketball at mas sikat yun. Tsaka

dun pawis lang makukuha mo e dito sa baseball, dumi't pawis. Andungis niya na nga e.

"KYAAAAAA!! TITIRA NA SI NATHAN!"

"GO! NATHAN!! KYAAA!"

"AM POGI POGI MO TALAGA NATHAN!!"

Page 15: I LOVE WHO?

Oh well, kahit naman pala ata lumusong pa sa poso negro tong si Nats madami pa ring magkakagusto sa

kanya. Hayy. Buti pa siya noh. Kainsicure ha. Kundi ko lang talaga naiisip na baka bakla siya siguro

nagkagusto na din ako sa kanya? Urghh.

After 15 minutes na paghihintay e natapos na yung practice nila. Pumunta ako sa locker room nila at

hinintay siya dun sa may labas.

*OPENS*

"Ah Nats! Antagal mo ha." Masayang bati ko sa kanya. Pero siya? Ansama ng tingin sa akin? "B-bakit

ka ganyan makatingin?"

"Jorein Garcia! Di ba sabi mo kanina wala ka pang nagugustuhan ulet? Ano yung nabalitaan kong

ginawa mo kanina sa canteen!?" Oh! For rat's sake naman oh. Nakow better explain to him baka

magalit siya ng tuluyan sa akin. Ayoko nun.

"Ah. Ayun?Ano kasi yun e. Alam mu ba yung love at first sight?"

"Huh? Teka. Wag mung sabihin pagkakita mu dun sa lalaki na love at first sight ka tas nagtapat ka

kagad?"

Page 16: I LOVE WHO?

"Parang ganon este ganon nga.." Sabi ko sa kanya habang nilalaro yung dulo ng buhok ko. Tapos bigla

siyang humagalpak ng tawa!

"HAHAHAHAA!! Grabe! Lumevel up ata pagiging reckless mo Jo! HAHA!" Argggh! Kasura ha!

Pagtawanan ba daw ako! Yae na nga kesa naman magalit siya!

"Hay naku! Whatever tayo na nga!"

Sa paglalakad namin ni Nats e andami niyang kinukwento. Napakadaldal niya kalalaking tao. Pero lalaki

nga ba? Sa lahat kasi ng ikinuwento niya wala man lang tungkol sa babae. Kelan kaya siya aamin sa akin?

Di ko naman siya ipagtatabuyan kung sakali e. Hahaha!

"NATHAAAAN!"

May lumapit sa aming isang babae. Maganda, sexy at mukhang mabait. Nakauniform siya ng pang ibang

school.

"Ui! Ikaw pala Cathryn!" Bati sa kanya ni Nats. Whoa! Look at his expression. Mukhang galak na galak

ah? Ok. Prove me wrong Nats!

"Kumusta ka na Nathan? Tagal natin di nagkita ah.?"

Page 17: I LOVE WHO?

"Oo nga eh. Haha. Lumipat ka ulit ng ibang school?"

"Oo eh. Ngayon nga lang ako nakabalik dito. May iniutos kasi sakin si tito."

"Ah ganun ba? Tara kwentuhan muna tayo. Mukhang mamaya paalis ka na din ulit e."

"Ahh. Oo nga. Well sige tara dun maupo." HEEEPP! Teka parang limot na ako ng author ah? Helloo poo.

Andito pa ako.

"Ah teka." Humarap sa akin si Nats. Ok tanda pa niya ako. Mabuti." Jo.Tambay muna tayo dito pede?"

"Hala may kasama ka pala Nathan nakakahiya naman. Wag na lang kaya?" Wow hah. So di pala talaga

niya ako kita kanina??

"Ah. Hindi ok lang saken! Usap muna kayo ok lang talaga!" At ayun masaya nga silang nag.usap habang

nakaupo. Pero ako? Walei. Parang limot na ulit nilang nadito ako. Grabe atmosphere di ko kaya. I need

to escape na.a.out of place ako here.

Page 18: I LOVE WHO?

"Ummm. Excuse lang present? May bibilhin lang ako saglit." Sabay alis ko naman pagkatango nila.

Hayyss. Bumili ako ng softdrinks at dito muna sa may tindahan. Nauhaw ako sa pakikinig sa kanila. Haha.

May ganun ba? Di ba dapat sila ang mauhaw? Di ba nanunuyot ang mga lalamunan nila? Pero from here,

they look like a cute and perfect couple.

*tusok!*

Huh? What was that? Anong tusok? Author ang lame mo ha. Mamaya kung saan yung tinutusok na yan!

Pero balik tayo dun sa dalwa. Ano nga yung sabi ko kanina? Na parang magjowa si Nats at yung girl? A

perfect one.

*tusok!*

Teka ano ga yun! Parang galing sa dibdib ko. Ano ba to? Takte author ha! Umayos ka!!

Hanggang sa makabalik ako sa kanila e andito pa din sa dibdib ko yung tusok.tsuok something ek.ek na

yun. Ano ba kasi yun e..??

"Ah. Ajan ka na pala Jo."

Page 19: I LOVE WHO?

"Oo buti napansin mo." After some minutes pagkalapit ko sa kanila e parang di ko na ulit kaya yung

atmosphere between them. I really need to go na for real. Palusot.com ready?

"Ui Nats. Kelangan ko na palang umalis. May inuutos nga pala sa akin si mama."

"Ha? Samahan na kita?"

"Hala hindi na. Samahan mo na lang muna si ate jan. Halata namang antagal niyo nga di nagkita kung

magkwentuhan kayo wagas e!" Huh? Teka! Bat parang bitter ako dun sa sinabi ko. Hala takte!

"Naku sorry miss. S-sige ok lang. Paalis na din ako e."

"Hala hindi. Pahatid ka na kay Nats. Kaya ko naman mag.isa. Hehe. Sige alis na ako ha. Nats ihatid mo

siya." ESSSCCCCAAAAPPPE!! RRUUUNNN! Shet.

Di ko alam kung ano na ang iisipin ni Nats tungkol sa akin. Bat ba kasi ako biglang nagkaganun e!

*booogggssshh!*

Page 20: I LOVE WHO?

"Awwttss!" Oi! Tengene author pang.apat na to ha! Kala mo di ko bilang ! Kulang na lang ipabangga mo

ko sa sasakyan e!

"Sorry! Ayos ka lang miss?" Whoa! Parang De javu to ah! Nung pangalwang beses na pagkabangga ko!

Oh no no no! Dont look at him Jorein. Mamaya pagtumunghay ka makita mu ulit mapapangasawa mo.

Kaya dont look at him.

"OK lang. Dont worry." Sabi ko habang nakatungo.

"You sure? Sure ka talaga?" Aww. Para talagang replay to nung kanina! Ang kulit ayaw na lang niyang

umalis!

"Oo sabi e. Ayos nga lang ako."

"Sorry. Ah! Saglit wag kang gumalaw."

"Huh!?" Sa sobrang taka ko sa sinabi niya e napatingin ako sa kanya."May dahon ka sa buhok teka."

Tinanggal niya yung dahon sa buhok ko and tada. Feeling ko nasa Zoo ako. Bat may unggoy sa harap ko?

Ah ang mean ko. Haha. I mean oh thank god di siya gwapo! HAHA. Bad na kung bad. Para lang ako tanga

kanina e. Kakatawa! Haha!

Page 21: I LOVE WHO?

"Thankyou ha? Hehe"

"Ok lang."

"NIKO!" Mula sa likod ko may sumigaw. Ang hilig naman manawag ng mga character dine! Pero bakit

ganto? Akala ko nakaligtas na ako kay kupido pero pagkakita ko dun sa sumigaw na palapit samin ay

para akong nasa simbahan at nakasuot ng wedding gown habang palapit yung aking groom. NOOO! This

feeling again!! Bakit ba napakaCasanova ko? Ambilis ko magpalit ng crush! Yeah. Im a casanova in my

own way ok!

"Hui. Brad! Tagal mo papunta na sana ako sa school mo eh." O sige di naman ako kailangan dito di ba

author pedeng paalisin muna ako? Scene naman nila ata to e.

(a/n: Tanga ikaw bida dito kaya kelangan ka diyan. Wag mo nga ako pangunahan! xDD)

Fine. Whatevs. Pero dont make me embarass myself ha!

"Ah. Sorry. May inasikaso pa saglit e. Huh?" Ok. This is the time para mapansin niya ako na dapat

naman kasi wala dito!

"You know her?" Tanong nung gwapo dun sa hindi gwapo. Harhar.

Page 22: I LOVE WHO?

"Ah hindi. Nakabangga ko lang siya."

"Ganun? Pero miss you look familiar."

"Baka nakita mo na ako sa panaginip mo. Kinakasal sayo?"

"Huh? Ano?"

"Ha? Hahaha! Wala joke lang." Sheet. Eto na naman ako ha!

"Ah. Haha. Joke. O.oo na sana ako e haha!" Wow. He's so friendly. Or maybe he likes me? Mwahaha!

Habang nag.uusap ang gwapo't maganda may nakisingit na panget. Haha. Jowk. Ang sama ko. Dapat

good girl ako ah."Ano brad. Sa tingin ko schoolmate kayo. Halata sa uniform niyo." Tapos sabay kami

napatingin sa uniform namen then uh-oh. Oo nga! Nakkuuu. Di kaya kaya ako pamilyar sa kanya gawa

nakita niya ako kanina sa canteen at yung kahihiyan na ginawa ko?

"Ahhh! Kaya pala!" Sigaw niya na parang nadiskubre na niya na ako nga yung kahiya.hiyang girl sa

canteen!"Tanda na kita! Ikaw yung GF ni Nathan!"

Page 23: I LOVE WHO?

"HUH!? GF!?" Teka nga . Ok masaya ako kasi iba pagkakakilala niya sa akin pero to hell with that

statement! Anong GF sasabe niya?!

"bakit hindi ba?"

"Hindi ah! Para ko lang yung kapatid nuh."

"Ah ganun ba?" Then he smile at me. So cute. "Nga pala. Im Jin. And this is Niko my friend."

"Hello. Im Jorein. Nice to meet you."

"Sige ha. Alis na kami. Kita na lang tayo sa school. Ingat ka."

Then umalis na sila. OH my god. Hahanapin talaga kita sa school. Pero huweiit! Bat nya kilala si Nats??

Well just leave it be. Basta ang alam ko gwapo siya at gusto ko na siya!

Page 24: I LOVE WHO?

The next morning ikinuwento ko kagad kay bff yung guy yesterday. Syempre siya inasar.asar muna ako

tungkol sa talent ko kuno. Pero di ko siya inintinde. Idiniscribe ko sa kanya yung future husband ko tas

niyakag ko siyang hanapin. Pero nag.awasan na't lahat di man lang namin nakita ni hibla ng buhok niya.

"Haayss. Bff. Kainis naman."

"Haha. Baka you're not meant for each other te."

"Anlahay. To hell with you! Wala ako pake. Gusto ko siya makita! Siya pa nga nagsabi ng kita na lang

daw kami pero di naman siya nagpapakita."

"Hay ewan. Sige una na ulit ako. I have a date again. At di lang ngayon. Baka madalang niyo na ko ni

Nathan makasabay pag.uwian. Solong solo mo na siya haha!"

"Che! Edi kaw na nga may lovelife! Umalis ka na nga lang! Shoo! Shoo!"

Pagkaalis niya e nagdiretso ako sa locker room nina Nats. Sa labas lang naman at baka makakita ako ng

mga nakaboxers sa loob. Haha. Maya maya pa nagbukas na yung pinto. Akala ko si Nathan yung lumabas

pero nabigla ako kasi hindi siya.

"Ui. Jorein! Sabi ko na dito lang ulet kita makikita e."

Page 25: I LOVE WHO?

"Jin!? Anong ginagawa mu bat ka galing jan??"

"Huh? Di ko ba nabanggit na player ako ng baseball? Teammate ko si Nathan."

"Eh? Ahh.." Aisows naman e. Dito lang pala! "Dito lang pala kita makikita. Hayyss!"

"Hmm? Bakit hinahanap mu ba ako?

"Ha?" Wait!! Should I tell him na buwis buhay kong hinanap siya? Oh NO. I feel that's not a good

idea."Hindi ah. Bakit naman kita hahanapin. Ano ka chicks?"

"HAHA! Sabi ko nga."Biglang nagbukas ulit yung pinto. This time si Nats na talaga yung lumabas.

"Hm? Jo..Jin.. Magkakilala kayo?" Tanong niya samin pagkalabas na pagkalabas niya.

"Kakakilala lang namen kahapon Nathan. Akala ko nga GF mu siya e."

Page 26: I LOVE WHO?

"Teka sinabi ko na nga na di niya ko GF.Hmmph! Tsaka kung GF lang din naman ni Nathan baka yung

babae kahapon yun!!" Sabi ko na medyo naiinis inis. Tumawa naman bigla si Jin pagkasabi ko nun.

"Hahaha! Selos ata tol."

"Heh. Muka nga."

Huh?? Ano pinagsasasabe ng mga to? Selos? Anong selos? Sino? Ako?? "Oi. Sinasabe niyo jan ha??"

Ngumiti saken ng nakakalokong ngiti si Nathan."Are you jealous with Cathryn? Do you like me too?

Haha!"

"H-HUH??!!"

"Haha. Napaka straight forward mu magtanong dude!"

"Haha!"

Page 27: I LOVE WHO?

"HOI! Ano sinasabe mo jan NATHAN QUIZON! Ang kapal mo ha! Asa ka pa!" Sabay walk out ako.

Anong gusto ko siya? Bat ako magseselos! Hello lang ha! Nakakainis talaga! Ahhh! Kasura!!

"Wait Jo!"

"Alahay! Tigilan mo ko!!"

"Haha! Bat ka ba masyado defensive e joke lang naman yun."

"D-defensive?? Asa."

"Haha! Pero really, what made you think na GF ko si Cathryn?"

"Kelangan ko pa bang sabihin yun e obvious na obvious naman kahapon na ang saya saya mo nung

magkasama kayo!!"

"Dahil lang don?"

Page 28: I LOVE WHO?

"DAHIL DON! Di pa kaya kita nakikitang umasta ng ganun sa isang babae."

"Hmm. So anu ka lalake?"

"Ha?"

"Pero sa bagay di mo naman nakikita ang sarili mo unless tumingin ka sa salamin."

"What? I don't get you?"

"Haha! Ang sinasabe ko, kung akalang mung GF ko siya dahil lang nakita mo kong masaya nung

magkasama kame e di ikaw din GF ko? Or dapat siguro asawa na?"

"H-ha? What..do you mean?"

"Sigh.. Im saying that Im the happiest when Im with you more than when Im with someone else."

Page 29: I LOVE WHO?

BOOM!

Speechless. Wide eyes. Red cheeks. Look away! T-teka.. Bakit ako nahihiya sa kanya? B-bat ambilis ng

tibok ng puso ko? Siguro naman walang siyang ibig sabihin dun Jorein. Di ba sabi mo bakla siya?? Oo

tama! Wala lang yun!

"Sus! Dame mo alam Nats!" I said habang diretso lang ang tingin ko sa daan.

"Haha."

Hanggang sa makarating kami sa bahay e hindi ko na nagawang tumingin sa kanya. Although

nakaka.usap ko pa din siya pero yung parang naiilang. Hindi ko alam. Bakit nga ba?? Nga pala. Sinabe ko

din sa kanya na I like Jin. I dont know what his expression but his tone somewhat became sad or

something.

Until I got to bed, the feelings that I felt upon hearing what Nathan said is still inside me. Hindi ko na

maintindihan ang sarili ko. Bakit ganto??? Ahh.. Maitulog na nga lang!

Kinabukasan..

"Jorein good morning." Pagkatingin ko sa bumati sa akin feeling ko napatalon ang aking puso. This is

indeed a nice beginning of my morning!

Page 30: I LOVE WHO?

"Good morning Jin."

"Oo nga pala. Sorry kahapon ha? Mukhang nainis ka."

"H-ha? Ah yun? Naku wala yun. Ehehe."

"Umm. Tanong lang ha. May gusto ka ba kay Nathan?"

O.O

"HA??"

"Ahh. Tinatanong ko lang okay lang kung di mo sagutin."

"W-wala. Ang totoo nga nan ika---mmm!" Mula sa likod ko e may tumakip ng bibig ko dahilan para di ko

maituloy yung sasabihin ko.

Page 31: I LOVE WHO?

"Nathan. Yo. Morning pre.Ahh sige una na ako sa inyo."

"Sige tol. Kita na lang maya."

"Mmmm! Mmm. Mmmm! mm!"

"Alam mong wala akong naiintindihan sa sinasabi mo di ba." Pagkasabi niya nun tinanggal na niya yung

kamay niya sa bibig ko.

"Pwe! Ano ba problema mo?"

"Oi. Magthankyou ka muna sa akin bago ka magalit."

"Ha?Bakit naman ako magpapasalamat sayo?"

"Pinigilan kitang magconfess sa kanya. This isn't the right time ok?"

Page 32: I LOVE WHO?

"Ah."Oh yeah.I almost said to Jin na siya yung gusto ko but is this really not the right time?"How did you

know na di ito yung tamang panahon?"

"I just know. But dont worry. I'll tell you when's the right time to confess your feelings for the one you

love." Sabay umalis siya. Is it just me or parang lumungkot yung tone nung voice niya? Whatever. Pero

siguro nga di ito yung right time. What if na lang kung nagtapat ako sa kanya kanina tas nireject niya ko.

Magkakailangan na kami noh. E friends pa naman sila ni Nathan tas kaplayer pa. Di malabong makita ko

siya everytime na hihintayin ko si Nats pag.uwian. PHEW!*

xx

xx

xx

xx

Three weeks had pass at sa loob nung 3 weeks na yun lalo kong naging kaclose si Jin. Syempre naman

araw araw na ko napunta sa may practice nila e tas lagi ko pa siya nakakausap. Andami ko tuloy nalaman

sa kanya na lalo ko namang ikinagusto sa kanya. Ayiie. Ilang beses ko nga din muntik masabi kay Jin na

gusto ko siya kahit wala sa plano ko buti na lang lagi akong napipigilan ni Nathan. Uhm. Speaking of

Nathan. Err. Di ko alam. May nararamdaman akong something kapag nakakasama ko na siya ngayon. Sa

totoo lang naramdaman ko na to dati back when were in grade six nung ipinagtanggol niya ako sa mga

nang.aaway na mga babae sa akin. Nagkasugat ako nun ng malaki sa binti na hindi na ako makalakad.

Binaba niya ako nun sa likod niya hanggang makarating kami sa bahay. May praktis dapat sila nun ng

soccer pero di na siya umattend. Kinabukasan nalaman kong pinarusahan siya nung coach nila. Pero di

niya ako nun sinisi. Hayy. Di ko alam bigla na lang nawala yun.

Page 33: I LOVE WHO?

AWASAN.Im here ulit nanonood ng practice nina Jin. Hayy. Kahit madungis na siya ang cute cute pa din

niya. Ngayon atleast alam ko na yung pakiramdam nung mga bubaeng head over heels kay Nats. Teka.

Bat parang hindi ko nakikita si Nats? Hmm. Baka nasa locker room na. Makapunta na kasi papunta na din

dun si Jin. IHHH. Kiri ko. Mwaha.

After some time lumabas na si Jin. Nauna pa siya kay Nats?

"Jin! Hello."

"Ahh. Jorein. Hello. Pansin ko kanina ka pa nanonood samen."

"e lagi naman ako nanonood ng practice niyo di ba?"

"E syempre hinihintay mu din naman nun si Nathan."

"Ehehe." Naku. Di mo lang alam."Si Nats nga pala bat antagal lumabas?"

Page 34: I LOVE WHO?

"Hm? Wala na dito si Nathan. nagpaalam siya kay coach na hindi muna siya makakapagpractice. Di mo

alam?"

"Ha? Hindi. bakit daw? San siya nagpunta?" Hala. Lokong yun di man lang ako tinext! Siguro kaya siya

nagtataka na nanonood ako sa practice nila.

"Hindi ko alam e. Sensya."

"Ah. Ok lang. Kaya ko naman umuwi mag.isa. Hehe."

"Gusto mo ihatid na kita?"

"Eh? S-sure ka?"

"JIIINNN!!" Ow shemai! Pang.abala. E'e naman eh.

"Kenneth? Bakit?"

Page 35: I LOVE WHO?

"Sabi ni coach sumama ka daw sa kanya. Kelangan daw."

"Ha? Ngayon na?"

"Oo e. ASAP nga daw. Sige una na ako ha."

then humarap siya sa akin. Kahit di niya sabihin gets ko na."Ahmm. Jorein I think di kita masasamahan

pag.uwi."

"OK lang. Hehe. Di sabi ko nga kaya ko mag.isa. Sige babye." Tapos umalis na kami pareho. AHH

PUNYETA! Ayun na e tapos napurnada pa! Kakainis naman oh.

Ngayon mag.isa akong naglalakad. Kapanibago. Lagi ko kasi kasabay si Nats pag.uwi e. Well meron

naman time na di ko siya nakasabay pero bilang na bilang yun ng mga daliri ko. 3 times lang naman ata

kasi yun e. Tsaka that 3 times e kasabay ko naman si Bff so dehins pa din lonely. Hayyy.

Patuloy ako sa paglalakad at nakakailang buntong hininga na ako ng mula sa di kalayuan nakakita ako ng

pamilyar na figure ng isang lalaki. Si NATHAN. Mag.isa siya tapos nakaupo sa bench. Napangiti ako tas

lalapit na sa kanya ng may makita ulit akong pamilyar na mukha ng isang magandang dilag.

"Cathryn!"

Page 36: I LOVE WHO?

"Nathan!"

Tumayo si Nathan at sinalubong with a happy face yung Cathryn girl na yun. Ako naman. Ewan ko ba

bigla akong napatago sa malapit na pwedeng pagtaguan. Teka. Bat ba kelangan ko magtago? Para

naman akong stalker e. Pede naman akong umuwi na lang. Pero ayaw umalis nung paa ko dito.

30 mins. na akong nakatayo dito kasi nadun pa din sila nakaupo. Kanina pa sila nag.uusap dun. Ngalay na

ako. Bumili muna ako ng softdrinks pampatanggal ngalay. Haha. Pero nung pagtingin ko ulit sa kanila,

hindi ko alam pero sobrang sakit ng dibdib ko. Parang sasabog. Hindi ko alam kung bakit. Kung ano to.

Ayoko na. gusto ko nang umalis. Ayokong makita sila. Habang magkahawak ng kamay at nagyayapusan.

Ansakit talaga ng dibdib ko. ANO BA TO????

Kinabukasan pagkagising ko ang dami kong muta. Tapos may tubig yung pisngi ko. Ano naman daw to.

Agad akong naligo,nagbihis, kumain, nagtoothbrush at umalis na papunta sa school. Piling ko nanghihina

ako. Ano ba kasi talaga problema ko ?

Pagpasok ko nung room nakita ko si Bff natutulog sa may desk niya. Sinabunutan ko siya. Wala lang. Di

ko alam gusto kong manabunot e.

"Aray! Agang aga bff sadista ka."

Page 37: I LOVE WHO?

Di ko siya pinansin. Napabuntong hininga lang ako tas umupo na.

"Hui. Problema mo?"

"Hayyy.."

"Aba. kung sinasabi mo sakin ng hindi ka puro buntong hininga jan."

"E kasi bff. Di ko din alam problema ko e."

"HA? So baliw ka lungs?"

"Hayy.. Pag ba nakita mo yung isang guy na hindi mo naman gusto na may kaholding hands at

kayakapan na isang girl tapos parang sumakit bigla dibdib mo. Ibig sabihin ba nun may sakit ka sa

puso? Sa tingin ko kelangan ko na magpacheck.up bff."

Tumingin ako sa kanya at kita ko yung pagtataka sa mukha niya. Seconds pass bigla na lang siyang

nakangiti na. Isang nakakalokong ngiti.

Page 38: I LOVE WHO?

"Bff ano nga ulit yung name nung lovelife mo?"

"Hm? Jin bakit?" Ako naman ngayon ang nagtaka dahil dun sa tanong niya.

"Wala lang. Sa tingin ko kasi---"

*BELL RINGS*

"Time na. ui pakopya nga pala ako nung assignment sa Math."

"Ha? Teka may sinasabi ka pa e."

"Hala wala yun. Pakopya na dali.!!"

At ayun nga. Dahil na naman sa punyemai na bell na yan e nainterrupt na naman ang pag.uusap namin

ni bff.

Page 39: I LOVE WHO?

LUNCHBREAK.

"Hazel nakita mo si Felice?"

"Ha. Di ba lumabas."

"Ah ok. Mamats." Hay naku yung bff kong yun. Sabi ko hintayin niya ako. NagCR lang ng bahagya e. San

naman kaya yun nagpunta. Gutom na ako. Baka naman pagkumain na ako magalit yon. O baka naman

nakakain na siya? Baka nga. So kakain na ba ako? Gutom na talaga ako. Pero pano kung di pa pala siya

nakain? Magagalit siya saken. Pero gutom na talaga ako. Ngayon pang parang wala akong kaene.energy.

"BOO!"

"PUSA!" Napaigtad ako kasi may sumundot nun dalwa kong tagiliran. Lakas pa naman ng kiliti ko dun.

"Hahaha! Te OA lang."

"Alam mo bang nasa kalagitnaan ng pagtatalo yung tiyan at konsensya ko tapos gugulatin mo lang

ako. Kain na nga tayo ng lumakas na ulit pakiramdam ko."

Page 40: I LOVE WHO?

"Nako bff. Here a choice, pagkain o lovelife?"

"HA? Ano? Tinitipus ka na naman jan."

"Tangi ka! Yung lovelife mo hinahanap ka. Nasa labas. May gusto daw sabihin so ano? Food or

lovelife? Haha."

*PAK!*"Bat di mo agad sinabe dami mo pa paepek jan! bakit daw?"

"Aray ko. Aba ewan ko sa kanya! Bat di mo na lang puntahan ng malaman mo!"

Tinitigan ko muna yung lunchbox ko tapos lumunok. Then lumabas na ko at pagkalabas ko nadun nga si

Jin naghihintay at pagkakita sa akin ay ngumiti siya. Bat ganon? Dapat kiligin ako sa ngiti niya pero hindi

e.

"Ah. Jin? Bakit may kailangan ka ba?"

"Ahh.. Ano kasi.. ahmm... Pwede sama ka saken sa rooftop?"

Page 41: I LOVE WHO?

"H-ha? O.ok.." Sumunod ako sa kanya na may pagtataka sa aking pagmumukha. Bat kaya niya ako

niyaya sa rooftop. Hindi kaya.... Hayy. Asa pa ako. Wag ko lang maiisipang magtapat ngayon kasi baka

pagnireject niya ako e umepekto na. May sakit na kasi sa dibdib ko na di ko alam kung san nagmula.

"Ahhmm.. Jorein. "

"Hmm?"

"Di ko talaga alam kung paano ko to sasabihin e."

"Anu ba yon?"

"E kasi.."

"Ano?"

"JOREIN I THINK I LIKE YOU."

Page 42: I LOVE WHO?

"Eh?"

"I LIKE YOU."

"Come again?"

"I LIKE YOU."

"W-what? I think Im hearing things."

"Haha." He laugh but that sounds bitter." You're not hearing things. I really said that I LIKE YOU. I want

you to be my girlfriend."

And so. nagregister na din sa utak ko yung mga sinabi niya. Dapat na ba akong maglulundag sa saya?

Ngayon lang may nagtapat na lalaki sa akin at yung lalaking mahal ko pa! Lundag na Jorein! Pero.. ayaw

lumundag ng paa ko. Este ng puso ko. Bat ganon? Bat naiisip ko si Nathan??

I looked away at him,"I..I dont know what to say. L-let me think about it."

Page 43: I LOVE WHO?

"No need." Nagulat ako sa sinabi niya at napatingin sa kanya. He's smiling. But as I can see. It's a painful

smile."No need to think about it. I just wanted to tell you my feelings. Bukas magtatransfer na ako ng

school. I just want to convey my feelings to the girl I love bago ko siya hindi na ulit makita."

"B-bakit ka lilipat? Biglaan naman ata?"

"It's not. Nakaplano na to. Pero masaya talaga ako na nakilala kita at naging close tayo. Sayang nga

lang at hindi tayo parehas ng nararamdaman."

"H-ha?"

He smiled again."I know from the start that you like Nathan. Though it seems unknown by yourself.

Goodbye Jorein."

Sinundan ko siya ng tingin habang naglalakad paalis. Sobrang nagulat as in gulat na gulat ako sa sinabi

niya. I like Nathan? Do I like my childhood friend?

Bumalik ako ng room na parang mas nanghina kumpara sa kanina. Dahil ata di ako nakakain ng

tanghalian. Nag.awasan na kami wala man lang akong naintindihan sa lesson namin. Di ko na inintay si

Nathan. Ayoko muna kasabay siya. Umiba din ako ng daan dun sa dinaanan ko kahapon. Sa totoo lang

nagpakalayo pa ako. Baka kasi makita ko ulit sila don. Mas lalong akong makaramdam ng kung ano.

Page 44: I LOVE WHO?

Nakahiga na ako sa kama straight sa kisame ang tingin ko. Ang dami ng nasa isip ko. Una nalaman ko

may gusto sa akin si Jin. Pangalwa. nalaman ko bukas magtatransfer na siya. Pangatlo. May gusto nga ba

ako kay Nathan? Pang-apat.. piling ko may relasyon talaga si Nathan at yung Cathryn girl na yun. At ang

pinaka nakakagulo sa utak ko.. Bakla baga si Nathan o hindi? Ahh. Kasakit ng ulo. Basta ngayon. Isa lang

ang alam ko. Pagkagising ko bukas. Di ko na ulit makikita sa Jin. Magsisisi kaya ako na hindi ko nasabi sa

kanya na siya yung gusto ko? Pero.. gusto ko nga ba talaga siya??

Pagkagising ko ganun pa din ang aking pakiramdam. Ang tamlay ko. Sabi nga ni mama para daw hindi

ako to. kahit ako e ayun an nasa isip ko. Pagkapunta ko ng school. Di ako pumasok sa mga klase namin

instead nagpunta ako sa rooftop. Dito muna ako mag.i.stay. Wala ako gana pumunta sa room. Wala rin

naman akong maiintindihan for sure. Nakaupo lang ako habang nag.iisip pa din. May gusto ba ako kay

nathan? Ano ba tong sakit na nararamdaman ko. Then nireminisce ko yung mga times na magkasama

kami ni Nats. Noon ko narealize na ansaya ko pala tuwing kasama ko siya. Iniisip ko pano nga kung may

mahanap na iba si Nathan? Nakaramdam ako ng sakit. Lalo na nung maalala ko sila ni Cathryn. And I

realized na I love him. I LOVE MY CHILDHOOD FRIEND. I dont want him to be taken away from me. All

along I already love him. And this pain I feel is jealousy right? Mababaliw na ako dito nang biglang

nagbukas yung pinto.

"N-Nathan!" Napatayo ako kasi nakita kong si Nats yung galing sa pinto.

"Jorein...... Im sorry."

Page 45: I LOVE WHO?

"S-sorry for what?" He smiled at me but not so sweet smile.

"For my selfishness but I tell you this is the right time."

"Selfishness? Right time? Ano ba sinasabi mo?"

"Di ba I told you na I will tell you when's the right time to confess your feelings for the one you love?

Then this is that time."

I got it. Sinasabi niya na magtapat na ako ngayon kay Jin. Pero. Tama ba ang time na to? Paalis na siya

tsaka isa pa.." I dont think this is the right time."

"Sigh. If not now, there wont be any time anymore. You should confess to him now." Im very positive

na malungkot ang tunog ng boses niya? But why?

"To who?"

"Sino ba yung mahal mo? now tell him."

Page 46: I LOVE WHO?

I smiled."Then listen." I dont care kung masaktan ako pero gusto kong sabihin. Ako na ang reckless so

what."I LOVE YOU NATHAN QUIZON."

I can see that he's really shocked coz of what I just said. "J-Jo..What are you saying."

"Im saying I love you."

"Ha?"

"Ang kulit. I love you, mahal kita, te amo, aishiteru! Di ka ba nakakaintindi ng salitang pantao."

He bow his head. I dont know why but I still have things to confirm to him.

"I have questions."

He didnt respond. Pero itutuloy ko pa rin pagtatanong.

Page 47: I LOVE WHO?

"First. Have I been reckless just now?"

Itinunghay niya yung mukha niya."YES."

"Then, this isn't the right time?"

"NO."

I smiled."Yeah. I knew it. Andami kong time nun pero binalewala ko. Ngayon may mahal ka na."

"What are you saying? I said NO. NO this isnt "isnt the right time."

Lumapit siya sa akin tapos niyapos niya ako. Then he whispered something to me."I love you Jorein

Garcia. Ive been loving you for years you know."

My eyes became wide. I dont know what to say. Tapos feeling ko na lang kumunot yung noo ko tapos

bigla ko siyang tinulak.

Page 48: I LOVE WHO?

"Aray! Bakit? Akala ko mahal mo ko? Normal lang tayo magyapusan di ba?"

Lalo akong nainis dun sa sinabi niya at pinaghahampas siya."Walanya ka! Normal pala ha! Nakakainis

ka! Di pa tayo non pero pinagtaksilan mo na agad ako! Timer! Walangya!"

"A-aray! Ano ba.. Aw! ano bang sinasabi mo?"

"Maangmaangan ka pa! Nakita ko kaya kayo nung Cathryn mo nagyayapusan tas magkawak kamay

pa!! Normal ha! eto sayo!" Tuloy pa din ako sa paghampas sa kanya.

"HA!!? Ayun ba? Aray. Teka naman aray. Scripted naman yun! Sabi niya gawin namin yun kasi may

nag.i.stalk sa kanya. Hanggang dito sinundan siya kaya wala kamin nagawa kundi magpanggap na

magBF-GF!"

Tinigil ko na paghampas pero ansama pa rin ng tingin ko sa kanya.

"Jorein.. Sorry na kung ganun."

Di ko pa din siya iniimikan.

Page 49: I LOVE WHO?

"Hayy. May sasabihin ako sayo. Alam mu ba yung pagpigil ko sayo ng pag.amin mo kay Jin na gusto

mo siya e hindi dahil hindi pa yun yung right time?"

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Dahil yun kasi ayokong maging kayo at magseselos ako ng husto."

Nanlaki naman yung mata ko sa sinabi niya."Eh bakit kanina pinipilit mo kong magtapat sa kanya?"

"E kasi magtatrasfer na siya. Nakonsensya ako kasi akala ko mahal mu talaga siya. Kaya naisip ko na

masaktan na ako ayos lang. Basta sumaya ka. Kaya ako nagsosorry kanina diba? Ang selfish ko."

Hindi ko alam kung dapat ba akong magalit. Pero di ko mapigilan ngumiti. Tarantado talaga. Pero

hayaan mu na. Mahal ko na tong walanyang to e.

"PROMISE ME YOU'LL LOVE ME FOR REAL?!"

"Haha. That's what Im doing for this pass years."

Page 50: I LOVE WHO?

I smiled again."I LOVE YOU."

He smile too."I LOVE YOU TOO."

Our lips was about to touch each other when the door slammed!

"Hoi! Kayo mga bata kayo! Ano ginagawa niyo dito? Bat wala kayo sa klase?? Tsaka PDA yan ginagawa

niyo ha!"

"S-sir! Di to PDA! Kaya nga kami nagpunta dito kasi walang public."

"Oo nga po!"

"A-aba nasagot pa. Cutting kayo!"

"Jo. Pagkabilang ko ng tatlo takbo tayo ha?"

Page 51: I LOVE WHO?

"OK."

"1 !

2!

3!"

--- Finished --

Maraming salamat pos a pagbabasawa nitong walanh kwentang story na to. I appreciate your effort..

Anyways oneshot lang naman to kaya siguro di masyado aksaya sa oras niyo di ba?? Pero Thanks pa

din talaga sa pagbabasa. Vote niyo po sana tong story na to sa wattpad then Fan me if you like. And

again thankyou. Basahin niyo din po sana yung iang kwentong isinulat ko at isusulat pa.

See yah again (^o^)