81
BOOK REVIEW INDANG INTERMEDIA Ni Daniel Anciano Ipinasa ni: Lovely Tina R. Añonuevo

Indang Intermedia Full

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Indang Intermedia Full

BOOK REVIEW

INDANG INTERMEDIA

Ni

Daniel Anciano

Ipinasa ni:

Lovely Tina R. Añonuevo

Seksyon:

BS Accountancy 2-2

Page 2: Indang Intermedia Full

TALAAN NG NILALAMAN

ANG MAY-AKDA ……………………………………………

KABANATA 1 ……………………………………………

Ang Paghahanap sa Kasaysayan ng Paaralan

KABANATA 2 ……………………………………………

Kaligirang Pangkasaysayan

KABANATA 3 ……………………………………………

Edukasyon sa Indang sa mga Unang Taon

ng Pananakop ng mga Amerikano 1900-1902

KABANATA 4 ……………………………………………

Unang Taon ng Pangangasiwa ni

Mr. C.J. Anderson sa Edukasyon ng Indang

KABANATA 5 ……………………………………………

Ang Panimulang Taon ng Intermedia

ng Indang 1904-1905

KABANATA 6 ……………………………………………

Ang Panunungkulan ni Mr. Harry J. Hawkins

sa Intermedia ng Indang 1905-1906

KABANATA 7 ……………………………………………

Ang Pangangasiwa ni Mr. Clifton E. Workman

sa Intermedia ng Indang

KABANATA 8 ……………………………………………

Ang Pangangasiwa ni Mr. Henry Wise

Sa Intermedia ng Indang 1908-1911

KABANATA 9 ……………………………………………

Ang Panahon ng Panunungkulan ni

Mr. Joseph A. Cocannouer

sa Intermedia ng Indang 1911-1915

Page 3: Indang Intermedia Full

KABANATA 10 ……………………………………………

Guillermo Bayan: Ang Makabayang Guro

ng Intermedia ng Indang 1907-1917

KABANATA 11 ……………………………………………

Ang Administrasyon ni

Mr. Mariano Mondoñedo sa Indang 1915-1919

KABANATA 12 ……………………………………………

Ang Panunungkulan

ni Mr.Simeon Madlangsakay

KABANATA 13 ……………………………………………

Ang mga Naging Guro

ng Intermedia ng Indang 1904-1927

KABANATA 14 ……………………………………………

Ang mga Nagsipagtapos

sa Intermedia ng Indang 1904-1927

KABANATA 15 ……………………………………………

Paglalagom sa Kasaysayan ng Intermedia ng Indang

Page 4: Indang Intermedia Full

ANG MAY-AKDA

Ang Intermedia ng Indang ay isang aklat na ukol sa kasaysayan ng Cavite State

University. Ang may-akda nito ay si Daniel Mendoza Anciano na nagtapos sa Philippine Normal

University ng kursong Batsilyer sa Siyensya ng Edukasyon- Medyor ng Araling Panlipunan.

Siya ay naging regular na guro sa araling sekondarya sa mga paaralaang pampubliko sa Cavite at

ngayon ay isang instructor ng mga aralin sa Agham Panlipunan sa Cavite State University.

Page 5: Indang Intermedia Full

KABANATA 1

ANG PAGHAHANAP SA KASAYSAYAN NG PAARALAN

Ang institusyong pang-edukasyon na maraming pagkakataon na nagpalit ng pangalan

maging ang antas ng kaalaman na ipinagkakaloob sa mga mag-aaral ay matatagpuan limang

daang metro mula sa silangan ng poblacion ng Indang, Cavite. Taong 1995, ang paaralan ay

tinawag na Don Severino Agricultual College (DSAC). Ito ay ipinahayag na sentro ng

pangrehiyong pagtuturo at pagsasaliksik sa larangan ng agrikultura sa Timog-Katagalugan.

Kasalukuyan na itong tinatawag na Cavite State University (CvSU) at kinikilala bilang

pangunahing pamantasan sa Rehiyon ng CALABARZON. Ipinagdiwang ng CvSU ang kanyang

sentinaryong taon noong 2006.

ANG PAGKAWALA NG BATIS PANGKASAYSAYAN NG INSTITUSYON

Ang CvSU, na noon ay tinatawag na Indang Rural High School ay nasa ika-37 taon ng

paglilingkod bilang ikalawang paaralang sekundarya sa lalawigan ng Kabite bago maganap ang

Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Pinaniniwalaan na ang kawalan ng kasaysayan ng paaralan ay

dahil sa ginawang pananakop sa bansa ng Hukbong Hapones noong 1942 hanggang 1945. Nang

panahong iyon, ang main building ng institusyon ang nagsilbing himpilan ng mga kawal na

Hapones. Sinasabi na ang mga hayop sa paaralan, aklat, mga talaan, kagamitan sa tanggapan ay

nasira at nawala. Ito ang tinutukoy na kadahilanan kung bakit hindi naisulat ang

komprehensibong kasaysayan ng paaralan.

UNANG NAISULAT NA KASAYSAYAN NG PAARALAN

Noong 1967, unang naisulat ang kasaysayan ng paaralan bilang bahagi ng Souvenir

Program sa Diamond Anniversary ng institusyon na pinamagatang “History of the Don Severino

Agricultural College.” Ito ay isinulat ng Historical Committee na pinamunuan ni Mr. Feliciano

Buhay kasama nina Mr. Severino Diokno, Condrado Costa at Antonio Constante. Ang paggamit

ng HDSAC ang siyang nagbigay ng kalagayan bilang opisyal na kasaysayan ng paaralan.

Limitasyon ng ihinandang kasaysayan ng Komite:

1. Ang HDSAC ay bahagi lamang ng isang manipis na souvenir program.

2. Ang kaiklian ng panahon ay hadlang para sa maramihang paghahanap ng mga batis historikal na

kanilang nakalap.

3. Hindi pagkakaroon ng oras sa mga natitirang dokumento sa Pambansang Aklatan ng Pilipinas.

Page 6: Indang Intermedia Full

Ang listahan ng mga nagsipagtapos sa paaralan mula 1907 hanggang 1967 ang

pinakamahalagang naidagdag ng Komite sa kasaysayan.

ANG MGA PANGHULING PAG-AARAL SA KASAYSAYAN NG PAARALAN

Nagkaroon ng kontrobersya ukol sa tunay na taon kung kalian tunay na naitatag ang

paaralan noong 2005. Inatasan nila si G. Renata Peňaflorida na nagsagawa ng pag-aaral ukol dito

at mula sa kanyang pagkalap ng datos ay sinasabi na ito ay taong 1905 naitatag at hindi 1906.

Isinalaysay naman sa thesis ni Bb. Carolina Lantos ang ilan sa mga kinaharap na

suliranin at pamamaraan na ginawa ng pamahalaan upang maitayo at maipagpatuloy ang

paaralan bilang isang Farm School at nakasaad din sa kanyang pag-aaral na 1905 naitatag ang

nasabing paaralan.

MGA PANIBAGONG BATIS SA PAGSULAT NG KASAYSAYAN NG PAARALAN

Mula sa mga naunang pag-aaral ay nabuo sa isipan ng may-akda na ipagpatuloy ang mga

naunang pag-aaral. Ito ang sinundan ng malalimang pagsusuri na isinagawa ni Dr. Emmanuel

Calairo na pinag-aralan ang kasaysayan ng edukasyon sa Kabite noong panahon ng Amerikano.

Ang may-akda ay nagsagawa ng mga pananaliksik o pagkalap ng impormasyon upang malaman

ang buong kasaysayan ng institusyon.

MGA NILALAMAN NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral ay nagsimula sa mga kaligirang pangkasaysayan sa Indang sa

pamamagitan ng kahiligan ng mga mamamayan nito sa edukasyon.

Nakilala sa pag-aaral ni G. Hammon H. Buck na siyang deputy assistant superintendent

(1901) at superintendent (1902-1903) ng mga paaralan sa lalawigan. Sa panahon ng kanyang

pamumuno ay itinatag ang Cavite High School subalit kasabay nito ang kanyang panukala na

magkaroon ng ikalawang paaralang panlalawigan para sa Katimugang Kabite.

Pinagtuunan ng pansin ng mananaliksik ang pagsasaliksik sa buhay ng mga naging

principal ngunit hindi nagkaroon ng malaking oportunidad upang matagpuan ang lahat ng mga

impormasyon ukol dito. Nagpokus ang pag-aaral sa pangunguna ni G. Charles J. Anderson, ang

nagpatayo ng Intermedia ng Indang. Nagsaliksik din siya mula sa mga dokumento sa panahon ng

panunungkulan ng mga principal na sina G. Harry J. Hawkins, Clifton Earl Workman at Henry

Wise pati na rin sa huling principal na Amerikano na si Joseph A. Cocannouer na sinasabing

nagpasimula ng pagtuturo ng siyentipikong pag-aaral sa Intermedya at nagpalit sa katayuan at

pangalan ng institusyon bilang Indang Farm School noong 1911. Sa panahon ng kanyang

Page 7: Indang Intermedia Full

panunungkulan ay naging tanyag bilang isa sa mga pangunahing paaralan pang-agrikultura sa

Pilipinas ang paaralan.

Sa pamumuno minsan ni G. Mariano Mondeňedo, ipinakita ang karagdagang pokus at

ispesyalisasyon sa paghahayupan. Kasama din sa tinalakay na pag-aaral ang mga naging guro at

nagsipagtapos sa Intermedya ng Indang.

ANG INTERMEDYA NG INDANG BILANG POKUS NG PAG-AARAL

Ang Cavite State University ay dumaan sa ilang yugtong transpormasyon bilang

institusyong pang-edukasyon na nakatala sa ibaba:

1904 – 1927 -Isang paaralang nagkakaloob ng araling intermedya.

1927 – 1961 -Isang paaralang nagkakaloob ng araling sekundarya at tinawag na

Indang Rural High School.

1961 – 1964 -Pinangalanang Don Severino Agricultural College (DSAC) na nagkaloob

ng araling sekundarya, ispesyal na kurso sa agrikultura at pagtuturo sa

mga preliminaryong panahon para sa mga mag-aaral na

maghahanda sa para sa mga kursong batsilyer.

1964 – 1998 -Naging isang ganap na kolehiyo na tinawag na Don Severino Agricultural

College (DSAC).

1998 – kasalukuyan- Naging isang pamantasan na tinatawag na Cavite State University.

Ang institusyon ay dumaan din sa iba’t ibang aspekto ng pagbabago gaya ng:

1. Pagbabago ng lokasyon.

2. Ang Intermedia sa loob ng 23 taon ng eksistensya ay nagkaroon ng iba’t ibang

katawagan:

1904 – 1905 - Panimula ng klaseng Pang-Intermedia

1905 – 1907 - Indang Intermediate School

1907 – 1910 - Indang Agricultural School

1910 – 1911 - Ibinalik sa Indang Intermediate School

1911 – 1927 - Indang Farm School

1927 - Naging isang ganap na paaralang sekundarya at nakilala sa

katawagang Indang Rural High School.

Bilang isang paaralang intermedia ay nagkaroon ito ng pitong bisyonaryong principal at

ang institusyon ay nakapagtala ng maraming tagumpay at karangalan.

Page 8: Indang Intermedia Full

KABANATA 2

KAPALIGIRANG PANGKASAYSAYAN

ANG BAYAN NG INDANG

Ang bayan ng Indang ay matatagpuan sa parte ng Upland Cavite. Ito ay may lawak na

100.2 kilometro kwadrado na binubuo ng 36 na barangay. Batay sa pinakahuling senso noong

taong 2007, ang populasyon dito ay umaabot sa 60, 755.

Noong 1985, napansin ng mga historyador na sina Saulo at Ocampo ang kamangahaan ng

Indang sa aspeto ng edukasyon dahil sa kabila ng maliit na kinikita ng munisipalidad ay mayroon

itong 21 na elementary, 6 na mataas na paaralan, isang kolehiyo at isa sa bawat apat na

mamamayan ang nakakapag-aral. Ito ay nagsisilbing indikasyon na mataas ang pagpapahalaga

ng mga mamamayan nito sa edukasyon.

KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG INDANG BAGO ANG MGA ESPANYOL

Sinasabing daang taon pa man bago dumating ang mga Espanyol sa Pilipinas ay mayroon

nang sibilisasyon sa Katimugang Kabite. Ayon sa karaniwang kaalaman, ang pangalan ng Indang

ay hango mula sa puno na matatagpuan sa lugar. Ang mga artifacts na natuklasan sa lugar ay

tinatayang ginamit noong panahong Bato. Dagdag pa rito, ang pagkakaroon ng kalipunan ng mga

pre-colonial na pamayanan na pinaninirahan ng mga taong nagtataglay ng mataas na antas ng

kaalamang kultural at intelektwal. Ang nakikitang salik sa paglitaw ng pre-colonial na

pamayanan sa Indang ay dahilan sa lokasyon nito na nasa sentrong bahagi ng mataas na lupa sa

lalawigan.

ANG INDANG SA PANAHON NG PANANAKOP NG MGA ESPANYOL

Nang dumating ang mga Espanyol sa Pilipinas, ang lalawigan ng Kabite ay isa sa mga

unang pook na napasailalim ng kanilang kolonisasyon at sa prosesong ito, ang instrumentong

ginamit nila ay ang pangangaral ng Katolisismo. Natamo ng Indang noong 1655 ang katayuan

bilang hiwalay na pueblo sa Silang at naitalagang unang punong bayan si Don Juan Dimabiling

at si San Francisco Xavier bilang unang santo ng parokya.

ANG PANIMULA NG EDUKASYON SA INDANG HANGGANG KALAGITNAAN NG

IKA-18 SIGLO

Ang Impluwensyang Jesuita

Sinasabing ang pagkatalaga ng mga misyonerong Jesuita sa pueblo ay ang syang naging

dahilan sa pagkahilig ng mga taga-Indang sa edukasyon. Ang eksistensya ng Ratio Studiorum at

Page 9: Indang Intermedia Full

ang pagiging kolonya ng Pilipinas ang naging dahilan upang ang mga misyonerong ito ay

harapin ang pagtuturo sa mga kabataan. Ang pagtuturo ng mga Jesuita ay nakapadron sa Ratio

Studiorum na ang layunin ay makalikha ng mga kabataang tapat sa simbahan. Sila ay

nagtagumpay sa misyong ito at nang sumunod na taon ay si Juan Santo Cruz na isang taga-

Indang ay isinama nila patungong Marianas upang doon ay magpalaganap ng Katolisismo.

ANG IMPLUWENSYA NG INDANG SA PAG-AARAL NG MGA JESUITA

Ang sinaunang edukasyon ng mga mamamayan ng Indang ay naimpluwensyahan ng mga

Jesuita. Sa kabilang dako, sila rin ay natuto lalo na ang bagay na ukol sa wikang Tagalog. May

mga prayle na nagsulat ng vocabulario kung saan pinag-aralan nila ang mga wikang Tagalog at

gumawa sila ng kompilasyon nito.

MGA DATOS PANG-EDUKASYON UKOL SA INDANG SA PAGTATAPOS NG IKA-18

SIGLO AT UNANG KALAHATI NG IKA-19 NA SIGLO

Sa kabila ng pagkawala ng mga Jesuita sa Indang ay masasalamin sa mga ulat pang-

edukasyon na patuloy ang pagkahilig ng mga taga rito sa pag-aaral. Makikita sa nagawang ulat

na 20.42% ng populasyon ng kabataan ng Indang ay nag-aaral. Dalawampung taon pagkatapos

ng naunang ulat ay nagpapakita pa rin na consistent ang mga taga-Indang sa kanyang palaaral na

tradisyon.

ANG MGA ULAT NINA BUZETA AT BRAVO UKOL SA KALAGAYAN NG BAYAN NG

INDANG

Ayon sa dalawang Agustinong prayle, sina Buzeta at Bravo, ang bayan ng Indang ay

mayaman sa mga likas na yaman. Ang mga casa paroquial at casa comunidad ng nasabing

bayan ang nagsisilbing indikasyon ng progreso ng pamayanan. Ang dalawang istrukturang ito ay

naipatayo mula sa malaking donasyong pansimbahan at malaking buwis mula sa mga

mamamayan. Mula naman sa mga paring sekular na nangasiwa sa kanilang parokya ay natutunan

ng mga mamamayan sa Indang ang kahalagahan ng intelektwal na kahigitan na sinasabing daan

sa pangunguna at pagtatagumpay sa buhay.

ANG EDUKASYON SA INDANG SA HULING BAHAGI NG KOLONYANISMO NG

ESPANYA

Batay sa mga datos na nakalap noong taong 1863, ang bayan ng Indang ay parating

nangunguna sa lalawigan ng Kabite sa bilang ng mga mamamayan na nagnanais matuto at mag-

Page 10: Indang Intermedia Full

aral. Bunga nito, sa paglipas ng panahon ay kanilang ninais na ilunsad ang bagong paaralan na

magkakaloob ng mas mataas na antas ng pagkatuto.

ANG KOMPLEKS NG POBLACION NG INDANG, 1890

Ang plano ng poblacion na nagpapakita sa lokasyon ng paaralan ay mahalaga upang

maunawaan ang kalakaran ng edukasyon noong panahon ng kolonyalismong Espanya hanggang

sa taong 1906.

ANG GUSALING PAARALAN AT BAHAY NG GURO SA INDANG

Nakumpirma sa mga ulat nina Buzeta at Bravo na noong 1850’s ay dinadaluhan ng

maraming mag-aaral ang magandang gusaling paaralan sa bayan ng Indang. Base sa proporsyon

ng poblacion, ang gusaling ito ay mayroong malawak na sukat. Ang guro ng paaralan ay may

sariling tirahan na malapit sa nasabing escuela.

ANG PAGKASIRA NG ESCUELA NG INDANG AT ANG PLANONG PAGTATAYO NG

PANIBAGO

Sa kabila ng pagkasira ng paaralan sa Indang ay hindi nila pinabayaan ang edukasyon. Ito

ay sa pamamagitan ng pag-upa sa bahay na siyang pagdadausan ng pag-aaral. Pinagkalooban ng

pamahalaan ng espediente noong 1892 upang maipasaayos ang nasirang paaralan at ng bahay ng

guro. Ngunit, ang planong arkitektural para sa ikagaganda ng paaralan ay hindi naisakatuparan

nang dahil sa kawalan ng pondo ng pamahalaan.

Ang Indang ay mayroon lamang paaralang primarya noong panahong iyon. Nang lumaon

ay naghahangad ang mga mamamayan nito na magkaroon rin ng paaralang sekundarya. Dahil

dito ay nagkaroon din sila ng ganitong uri ngunit dahil sa pakikialam ni delas Alas sa rebolusyon

ay pamansamantalang natigil ang operasyon ng paaralang sekundarya dito.

Page 11: Indang Intermedia Full

KABANATA 3

PANIMULA NG EDUKASYONG AMERIKANO SA INDANG 1900-1902

Nang kalagitnaan ng 1899 ay nagsimula ang pananakop ng mga Amerikano sa Cavite at

noong 1900 ay bumagsak ito sa kanilang kamay. Kaugnay ng mangyaring pananakop ay

gumagamit ng telegrapo ang mga sundalaong Amerikano upang medaling makahingi ng saklolo

sa kanilang mga kasamahan mula sa anumang pagsalakay ng mga gerilya.

ANG EDUKASYONG AMERIKANO PARA SA PILIPINAS

Taong 1990 ng ang komisyong pinamumunuan ni William H. Taft ay gumanap sa gawain

ng pamahalaang sibil, lupong pambatasan at tagapagpaganap ng pamahalaang insular ng mga

Amerikano sa Pilipinas. Isa sa mga naging plano ng komisyon ay ang pagpapatayo ng kawanihan

ng edukasyon na siyang mangangasiwa sa mga gawaing pagtuturo at itinalaga nila bilang

General Superintendent ng Institusyong Publiko si Dr. Fred W. Atkinson. Nang dumating si

Atkinson sa Pilipinas ay sinimulan niyang pag-aralan ang mga suliraning edukasyon ng kapuluan

at mula rito ay nakagawa siya ng plano at iminungkahi niya na magkaroon ng mga

superintendent at guro ang mga paaralan na mula sa Estados Unidos. Isinumite niya sa Philippine

Commission noong Enero 1, 1901 ang batas na naglalahad ng mga programang pang-edukasyon.

Pinagpasyahan itong maging Act 74 noong Enero 21, 1901 na nagsasabatas ng pagkakatatag ng

burukrasyang pang-edukasyon sa Pilipinas.

Sa pagtatapat na ginawa ni Atkinson ay makikita na nais niyang ipadron ang anyo ng

pagtuturo sa Pilipinas sa isinasagawang pagtuturo sa mga paaralan sa Estados Unidos para sa

mga Afro-American kung saan sila ay tinuturuan ng mga kaalaman sa mga gawaing manwal,

pangkalakalan at agrikultura. Sa ginawang pagdalaw ni Atkinson kay Booker Washington, bago

magtungo sa Pilipinas para gampanan ang posisyon niya, makikita ang naging epekto nito sa

agricultural na Edukasyon sa Pilipinas.

Agricultural School- Ang plano ni Atkinson na magkaroon ng paaralan sa pagsasaka ay

nakaapekto ng malaki sa naging kalakaran ng edukasyon ng bansa particular na sa paaralan sa

bayan ng Indang.

EDUKASYON SA INDANG SA UNANG TAON NG MGA AMERIKANO

Iniulat noong 1900 na ang bayan ng Indang ay binubuo ng 1500 na katao at isang

paaralan na tinuturuan ng isang gurong babae. Nang panahong ito ay nagpatupad ng mandato

Page 12: Indang Intermedia Full

sina Heneral Elwell Otis at Arthur McArthur na gamitin ang edukasyon sa pasipikasyon dahil

ang Indang ay isang istrahetikong bayan sa Cavite na nagsilbing taguan ng mga gerilya.

Itinalaga bilang president ng bayan si Mariano Penaflorida. Itinatag ng mga pinuno ng

bayan ang isang local school board na may apat na kataong nanunungkulan sa loob ng dalawang

taon. Dahil dito ay nagkaroon ng papel ang mga pinuno sa direktang pagsubaybay sa primaryang

edukasyon sa munisipalidad at nagbigay ng mga suhestyon upang higit itong mapaunlad,

mabigyan ng sapat na pondo para sa pagpapatayo at pagsasaayos ng mga gusaling pampaaralan.

Noong Hunyo 1901 nagsimula ang klase sa Indang sa ilalim ng pamahalaang sibil ng mga

Amerikano, Ang matandang escuela sa poblacion ang pinagdadausan ng pagtuturo sa araling

primary na ang pagtuturo ay nakapokus sa wikang Ingles. Nakatawag ng pansin si Percy A. Hill,

isang kawal na Amerikano na nakadestino sa Indang dahil siya ay naging matatas sa pagsasalita

ng wikang Tagalog sa loob ng ilang araw na pamamalagi sa Pilipinas.

ANG PAGTATAG NG DIBISYONG PANG-EDUKASYON SA CAVITE

Sa pagtuturo ay hinati ng mga kawal na Amerikano ang Pilipinas mng ayon sa dibisyong

pangmilitar. Itinalaga si Captain Harrisson S. Kerrick bilang superintendent ng dibisyong Cavite,

Tayabas, Batangas at Marinduque mula Hunyo 1- Setyembre 25, 1901. Hindi nagtagal ay nasalin

kay Molton A. Colton ang katungkulang ito kung saan sakop niya ang pinagsamang lalawigan ng

Tayabas, Batangas at Cavite. Mula sa Bacoor ay nalipat sa bayan ng San Roque ang punong

tanggapan ng dibisyon at dahil sa lawak ng kanyang pinamamahalaan ay kumuha siya ng nga

deputy superintendent na siyang susubaybay sa gawaing edukasyon ng bawat lalawigan.

IMPLUWENSYA NI HAMMON H. BUCK SA EDUKASYON NG TIMUGANG CAVITE

Si Hammon H. Buck ay dumating sa Pilipinas bilang bahagi ng South Dakota Volunteer

na kalahok at nasugatan sa panahon ng pananakop ng Amerikano sa Pilipinas. Umalis siya sa

serbisyo ng hukbong Amerikano at hinarap ang pagtuturo. Itinalaga siya ni Colton bilang deputy

superintendent ng Cavite dahil sa paglaki ng gawaing pang-edukasyon sa Cavite. Sa pagdating

ng mga gurong Thomasites sa Cavite ay kinausap niya ang mga presidente at konseho ng mga

munisipalidad at nag-estima sa mga bubuksang paaralang baryo. Nagtalaga rin siya ng mga

gurong Amerikano sa bawat paaralang sentral at ang isinaayos ang programa sa pagsasanay sa

mga aspirante. Dahil dito, siya ay naging ganap na superintendent ng bagong tatag na dibisyong

pang-edukasyon sa Cavite noong 1902.

Page 13: Indang Intermedia Full

Pinagtanggol ni Buck ang karapatang pantao ng mga taga-Cavite na isang mahalagang

salik upang ang mga guro ay makakilos ng ligtas at nakapagtaglay ng paggalang ng mga tagarito.

Ito ang naging dahilan upang walang gurong Amerikano ang napatay sa Cavite kahit na ang

lalawigan ay nasa kasagsagan ng operasyong gerilya laban sa mga Amerikano.

Kapansin-pansin din na nagkaroon si H.H. Buck ay nagkaroon ng malalimang pag-aaral

sa cultural at sosyolohikal na katangian ng mga mamamayan at pagpapaunlad ng Katimugang

Cavite. Sa pagkatapos ng serbisyo sa kawanihan ng edukasyon, si Buck ay nanirahan sa Alfonso

at napangasawa niya si Dolores Angeles.

ANG PAGKAKATALAGA KAY J.M. KRAUSS SA PAARALAN NG INDANG 1901-1902

Dahil sa pagdating ng nag-iisang gurong Amerikano sa Indang ay naisalin sa gurong

sibilyan ang pagtuturo sa paaralang primary sa Indang. Ang dahilan nito ay hindi naabot ang

target na bilang ng mga gurong Amerikano na dapat italaga sa pilipinas. Ipinanukala ni Atkinson

na magkaroon ng 38 gurong Amerikano noong 1902 ngunit 29 lamang ang naitalaga sa Cavite

ng taong iyon. Ang gurong naitalaga sa Indang ay si J.M.Krauss. Ang kanyang pagsasanay ay

nakapokus sa adbanseng metodolohiya ng pagtuturo.

Ipinaayos ng pamahalaang bayan ang matandang escuela at ito ang ginamit ni Krauss sa

pagtuturo. Si Moses Flint na pinakamalapit na gurong Amerikano kay Krauss ang siyang

nagsalaysay ng mga aktibidad pang-edukasyon nito kung saan mapapansin na magkatulad

lamang sila ng pinagdaanan sa pagtuturo samga mag-aaral.

ANG UNANG PAARALANG PANLALAWIGAN SA CAVITE

Itinadhana noong Marso 7, 1902 ng Batas ng Pamahalaang Insular ang pagtatayo ng mga

paaralang sekondarya na ang karamihan ay itinatag sa mga kabisera at sinusuportahan ng pondo

na mula sa pamahalaang panlalawigan. Noong Hunyo 19,1902 itinatag ang paaralang

panlalawigan sa Cavite ngunit ang klase ay nagsimula noong buwan ng Hulyo at ito ay tinawag

na Cavite High School. Ang paaralan ay pinamunuan ng principal na si Sydney K. Mitchelle.

Layunin ng paaralang panlalawigan na maging destinasyon ng mga mag-aaral na

nagsipagtapos sa kursong primary mula sa iba’t ibang munisipalidad ng lalawigan. Sa ulat ni

H.H. Buck ukol sa unang taon ng paaralan ay walang mag-aaral mula sa Katimugan ng Cavite

ang nakapasok sa paaralang panlalawigan. Ito ay sa dahilang ng kalayuan at laki ng gastusin sa

pagpapaaral.

ANG PAG-ALIS NI J.M.KRAUSS SA INDANG

Page 14: Indang Intermedia Full

Umalis sa Indang si J.M.Krauss sa Indang nang magtatapos ang taong 1902 sa hindi

malamang dahilan bukod sa pagliit ng bilang ng mga guro sa lalawigan bago magtapos ang taon.

Naiulat ni Buck na tatlong gurong Amerikano ang nagbitiw at umuwi sa Estados Unidos at

maaaring kabilang si Krauss sa tatlong iyon. Sa kabila ng problemang ito ay ito naman ang

siyang naging daan upang maitalagang supervising teacher sa mga distrito ng bayan na kanilang

kinatatalagahan ang mga nalalabing guro. Nagkaroon ng oportunidad ang mga gurong Pilipino

na nakapasa sa pagsususlit ng Serbisyo Sibil na maitalaga bilang mga gurong insular. Ang mga

gurong Pilipino na ito ay dapat dumalo ng Normal Institute upang malinang ang kanilang

kakayahan sa pagtuturo. Ito ang nagsilbing daan upang sila ang magturo sa mga silid-aralan at

taga-pangasiwa sa mga paaralang pambaryo.

KABANATA 4

UNANG TAON NG PANGANGASIWA NI MR. CHARLES JOHN ANDERSON SA

EDUKASYON NG INDANG (1903 – 1904)

Page 15: Indang Intermedia Full

Si Mr. Charles John Anderson o kilala bilang C.J. Anderson ang naitalagang kapalit ni

J.M. Krauss sa pangangasiwa sa edukasyon sa bayan ng Indang. Siya ay nakapagtapos ng

kursong Bachelors of Arts noong Hulyo 1900 sa Harvard College. Isa siyang orihinal na guro na

sakay ng USAT Thomas na dumating sa Pilipinas noong 1901.

Una siyang naglingkod sa Lucena at bago matapos ang taong 1902 ay napalipat siya sa

Indang. Ang dahilan ng pagkakadestino niya dito ay upang bigyan siya ng pagkakataon na

magturo sa mas malaking bilang ng mga nasasakupang guro at mag-aaral. Samantala, ang

pagkapili naman sa bayan ng Indang ay nangangahulugan ng angkop sa kahusayan at

katalinuhan ng guro sa itinalagang tungkulin sa kanya.

Sa pagdating niya sa Indang ay ginampanan niya ang kanyang katungkulan bilang

supervising teacher. Sa papel niyang ito ay tinulungan siya ni Moses Flint na isang gurong

Amerikano na nakadestino sa Alfonso. Dahil dito ay nagkaroon ng pagkakataon si Anderson na

harapin ang mga gawaing pampaaralan at ang pagpapatayo sa Katimugang Kabite ng ikalawang

paaralang panlalawigan.

Sa ilalim ng panunungkulan ni Anderson ay kinaharap niya ang paghahanda ng mga

kagamitan at kasangkapan upang ipamahagi ito sa Philippine Educational Exhibit na gaganapin

sa St. Louis Exposition. Isa ang paaralan ng Indang sa napili para lumahok sa nasabing exhibit

kung saan isinali nila ang proyekto ng isang mag-aaral na school bag na gawa sa palapa ng

niyog.

PAGPILI NG LUPANG PAGTATAYUAN NG PAARALANG PANLALAWIGAN

Isang kopya ng bagong sirkular mula sa general superintendent ang dala-dala ni

Anderson nang siya ay dumating sa Indang. Ito ang magsisilbing panuntunan niya sa pagpili ng

lupain na pagtatayuan ng bagong paaralang sekundarya sa bayan ng Indang.

Agad niyang binigyang-pansin ang bagay na ito. Sa tulong ng local school board ng

bayan ay nakapili siya at binili ang lupa na magiging lokasyon ng institusyon at ang pera na

gagamitin sa pagpapatayo nito ay mula sa pondong lokal at donasyong nakalap nila mula sa mga

mamamayan. Ang napiling lokasyon ay sa Baryo ng Bancod na may layong limandaang metro

mula sa poblacion.

ANG PAGPILI NG PAGTATAYUAN NG PANIBAGONG PAARALANG SENTRAL NG

INDANG

Isang panibagong sirkular ang ipinalabas ng Kawanihan ng Edukasyon ukol sa tamang

Page 16: Indang Intermedia Full

pamamaraan ng pagpili ng lokasyon ng bagong paaralang sentral. Dahil sa naipatupad na sirkular

ay napilitan si Anderson na pumili ng panibagong lokasyon na paglalagyan ng paaralang sentral.

Ang pangalawang lokasyon na napili ay nasa dulo ng kalye ng poblacion na ang daan ay

patungong Tagaytay. Binago ng nabanggit na sirkular ang dating sistema ng pagtatayo ng

paaralan kung saan, ang paaralan ay ipinagsisiksikan sa poblacion. Ito ay itinatayo na sa mga

lugar na may malawak na espasyo para ito ay maaari pang mapalaki para sa hinaharap kung

kinakailangan pa ng paaralan.

MGA PANGSIBIKONG GAWAING NI C.J. ANDERSON SA INDANG

Bukod sa pagtuturo, naging aktibo rin si Anderson sa mga pangsibikong gawain na

nakatulong ng malaki sa Indang. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:

1. Nagsilbi siyang volunteer observer sa Weather Bureau kung saan isinalaysay niya ang

kalagayang pangkabuhayan ng bayan na nakasalalay sa pagtatanim ng abaka, mais at cocoa.

2. Nagsilbi din bilang kagawad ng local board of health. Kasama ng iba pang kagawad ay

pinagtibay nila ang ordinansa municipal na nag-aatas ng sanitary inspection sa lahat ng pribadong

bahay, sapilitang pagbabakuna at iba pa. Nakatulong ang ordinansang ito dahil maraming buhay

ng mga mamamayan ang nailigtas mula sa panibagong epidemya ng kolera noong 1906.

3. Naganap ang unang pambansang pagsesenso noong 1903 sa ilalim ng Batas Jones.

KABANATA 5

ANG PINAGMULANG TAON NG INTERMEDIA NG INDANG 1904-1905

ANG RASYONAL NA PAGTATAYO NG MGA PAARALANG INTERMEDIA NG INDANG

Page 17: Indang Intermedia Full

Nakagisnan na na natin na ang kaayusan ng paaralang elementarya ay binubuo ng

dalawang kurso- ang primarya (Grade I-III) at ang intermedia (Grade IV-VI). Sa isinagawang

panayam kay Mrs. Maud Jarman noong Oktubre 22, 1955 ay makikita ang kawalan ng isang

paaralang elementarya sa unang dekada ng pananakop ng mga Amerikano. Ang unang anyo ng

paaralang ipinatayo ng mga Amerikano noong 1901 ay mga paaralang primarya sa iba’t ibang

munisipalidad sa Pilipinas at taong 1902 ng maitatag para sa kursong sekondarya ang mga

paaralang panlalawigan. Sa Cavite, ang Cavite High School ang unang pampublikong paaralang

sekondarya na naitatag noong 1902. Taong pampaaralan ng 1903-1904 naman ng bigyang-pansin

ng Kawanihan ng Edukasyon ang problema sa malaking bilang ng mga mag-aaral na magtatapos

ng kursong primarya sa Marso 1904. Bago pa man maganap ito ay nagkaroon noong Marso 23-

27, 1903 ng Superintendents’ Convention kung saan tinalakay ang pagkakaroon ng

preparatoryong klase sa mga mag-aaral ng primarya para makaagapay sa mga aralin sa kursong

sekondarya.

Sa ulat ni Sydney K. Mitchell ay naipakita na ang isang sangay ng paaralang

panlalawigan sa Cavite ay magtuturo ng araling intermedia sa mga mag-aaral. Napagpasyahan

ng Kawanihan na magkaroon ng intermedia- kurso sa pagitan ng elementarya at sekondarya.

Ang mga konsiderasyon sa pagbubukas ng intermedia ay ang hindi pagiging hanap na

handa ang mga mag-aaral para sa mga aralin sa kursong sekondarya, kalayuan ng mga

panlalawigang paaralan sa mga malalayong munisipalidad at malaking bilang ng mga

magsisipag-aral ng Intermedia ay hindi makakapasok sa mga paaralang sekondarya. Ang mga

kurso na ipinagkakaloob ng intermedia ay ang pagsasaka, pagtuturo, kaalamang pantahanan,

negosyo at kalakalan. Sa limang kursong ito ay nakapaloob ang sapat na kaalamang pang-

akademiko upang matagumpay na maipagpatuloy ang araling sekondarya. Ngunit ang

pagpapatayo ng maraming paaralang intermedia ay nahadlangan dahil sa budget na laan para sa

pagtuturong publiko.

INDANG: ANG PAGLALAGYAN NG INTERMEDIA

Ang kalayuan ng distrito ni C.J. Anderson sa kabisera at ang malaking bilang ng mga

mag-aaral na papasok sa intermedia ay ang naging mahalagang salik kung bakit napili ang

Indang na maging sentro ng edukasyon sa lalawigan ng Cavite.

Ang mga salik na isinaalang-alang upang ang petisyon na ang Indang ang pagtayuan ng

ikalawang paaralang panlalawigan ay: (1) Ang pagiging sentrong pang-edukasyon ng Indang sa

Page 18: Indang Intermedia Full

Katimugang Cavite dahilan sa eksistensya ng Latinidad de Indang, (2) ang panukala ni Hammon

H. Buck noong 1902 sa pagkakaroon ng paaralang sekondarya sa Katimugang Cavite, (3) ang

paglilipat sa assistant principal ng Tayabas High School na si C.J. Anderson sa Indang ay hudyat

ng preparasyon para sa gawaing ito, (4) ang malaking botanteng populasyon ng Indang at

Katimugang Cavite ay hindi nararapat balewalain ng mga naghahangad sa posisyon sa

pamahalaang panlalawigan at (5) ang impluwensyang pulitikal ng Indang na noon ay

maimpluwensya sa pamahalaang Amerikano sa Pilipinas. Ito ay nakarating sa Philippine

Commission at naaprobahan noong 1904.

BARYO NG BANCOD: ANG PAGTATAYUAN NG GUSALING INTERMEDIA

Dahil sa pagkakatiyak ng mga mamamayan ng Indang ang pagpapatayo ng gusali para sa

paaralang intermedia ay nagtalaga sila ng tiyak na sukat ng lupa sa baryo ng Bancod na

mapapagtayuan ng intermedia. Ang Bancod ang napiling pagtayuan dahil ito ay hindi matao at

ang topograpiya ng baryo ay angkop na lokasyon para sa isang paaralan na ang ispesyalisasyon

ay pagsasaka.

ANG UNANG KLASE NG INTERMEDIA SA INDANG SA TAONG 1904

Naiulat na nagsimula ang gawaing pampaaralan sa taong 1904-1905 sa Cavite noong

Hunyo 19, 1904 at ang unang araw ng klase ay nagsimula ng sinundang araw. Ang salaysay ni

Mr. Usidro Aure ang nagbigay patunay tungkol sa unang klase sa Indang. Ang klase na ito ay

naganap sa pansamantalang istraktura sa sentro ng poblacion ayon sa HDSAC.

PROGRAMANG PAMPAARALAN SA INTERMEDIA NG INDANG

Ang Intermediate Curriculum of 1904 na naglalaman ng mga aralin na ituturo sa mga

mag-aaral ay inilabas kasabay ng pagbubukas ng kursong intermedya. Pinalabas noong Hunyo

1904 ng Kawanihan ng Edukasyon ang Bulletin No.7- Course of Instruction for the Public

Schools of the Philippine Islands na naglalayon na magkaroon ng iisang anyo nang aralin sa mga

paaralang intermedia sa buong Pilipinas.

ANG NORMAL INSTITUTE SA INDANG NOONG 1904

Naganap sa Indang ang Normal Institute noong Oktubre 3-31 na dinaluhan ng mga guro

sa Katimugang Cavite. Ito ay isang klase na pinangungunahan ng mga gurong Amerikana at may

layunin na bigyan ng karagdagang kaalaman ang mga guro sa sistema ng edukasyon.Dito,

tinuruan ang mga guro ng mga aralin sa English, Arithmetic, Geogrephy, American History,

Page 19: Indang Intermedia Full

Philippine History at Drawing. Sa nasabing institute ay si C.J. Anderson ang itinalagang

principal.

ANG PONDO SA PAGPAPATAYO NG GUSALING INTERMEDIA NG INDANG

Pinagtibay noong Disyembre 6, 1904 ng Philippine Commission ang Batas Blg.1275 na

naghahati sa halagang P350,000 mula sa bahagi ng Kawanihan ng Edukasyon sa Government

Relief Program upang gamitin sa pagpapatayo ng mga gusaling pang-intermedia ta sekondarya

sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.. Ang pera na laan para sa intermedia ng indang ay

nagkakahalaga ng P9,888 at karagdagang P1,000 mula sa pamahalaang panlalawigan.

ANG PLANO NG GUSALING INTERMEDIA

Inihanda na ang pagpapatayo ng gusaling pang-intermedia at nagsagawa na ng pagpili

para sa angkop na plano para rito ang pamahalaan. Ang unang gusaling itatayo ay ang central

recitation building na panimula ng isang complex ng mga istraktura na nakatalaga upang maging

sentro ng isang paaralang may tiyak na ispesyalisasyon. Sinasabi na mayroong malaking

impluwensya si C.J.Anderson sa pagpili ng plan para sa gusali ng intermedia.

ANG DISENYONG ISPESYALISASYON PARA SA INTERMEDIA NG INDANG

Ang sirkular ng General Superintendent ng Kawanihan noong Hunyo 20,1904 ay

nagpakita ng malaking kahilingan sa pagtuturo ng agrikultura at pagtuturo ng pagsasaka sa

madaling panahon. Tinagubilinan nito ang mga guro na ipabasa sa kanilang mga mag-aaral ang

aklat na Agriculture for Beginners at pangasiwaan ang eksperimentasyon . Itinalaga noong Enero

5, 1905 bilang bagong superintendent ng lalawigan si Sydney A. Campbell na siyang humalili

kay Hammon H. Buck. Pinag-aralan ni Campbell ang kalagayang pangkabuhayan ng lalawigan

at nakita niya ang pangangailangan ng isang paaralan sa lalawigan na ang sentro ng

ispesyalisasyon ay pagsasaka.

ANG INDANG SA MGA UNANG BUWAN NG 1905

Ang unang ng 1905 ay naging masaya para sa mga mamamayan ng Indang dahil sa mga

sumusunod na pangyayari: (1) Pinagtibay ng Komisyon ng Pilipinas ang Batas 1275, (2) Noong

Pebrero 3, 1905 ay ibinalita ng pahayagang Manila American ang parsiyal na pamamahagi ng

mga pondo para sa pagpapatayo ngmga paaralan sa lalawigan base sa Batas 1274, (3) Sa buwan

ng Marso 1905 bago matapos ang pasukan ay nagkaroon ng higit pang pagmamalaki ang bayan

ng Indang sa paglabas ng resulta ng paglahok ng mga paaralan ng Pilipinas sa St. Louis

Exposition sa Estados Unidos.

Page 20: Indang Intermedia Full

SI C.J. ANDERSON AT ANG BISYON NG ISANG KOLEHIYO SA INDANG

Bunga ng pangangailangan na magkaroon ng ikalawang paaralang sekondarya sa Cavite

ay naitalaga si C.J.Anderson sa Indang. Ang pagpili na ginawa niya sa magiging lokasyon ng

paaralan at plan 6 ay binigyan niya ng konsiderasyon ang maliit na pagkakawangis nito sa

kaayusan ng mga gusali ng Harvard University.

ANG LEGASIYA NANG PANUNUNGKULAN NI C.J. ANDERSON SA INDANG

Iniwan ni C.J. Anderson ang Indang ng matapos ang klase noong Marso 1905 dahil sa

pagtatapos ng kanyang kontrata sa Kawanihan ng Edukasyon at kanyang pagbabalik sa Amerika.

Bilang unang supervising teacher ng malawak na distrito ng Indang, si Anderson ang pumili ng

lugar na pagtatayuan ng paaralang Sentral ng Indang at ang pagtatag ng klase para sa intermedia

noong 1904 na siyang unang klaseng kumakatawan sa paaralang intermedia ng Indang at

precursor ng ngayon ay Cavite State University.

Nang eksaktong animnapung taon ng intermedia ay naging ganap itong kolehiyo nang

lagdaan ang Batas Republika Blg.3917 noong Hunyo 19, 1964.

C.J. ANDERSON PAGKATAPOS NANG PANUNUNGKULAN SA INDANG

Sa pag-alis ni Anderson sa Indang noong 1905 ay tumungo siya para bumisita sa Europa.

Siya ay nag-aral sa Harvard Law School sa loob ng tatlong taon at pagkatapos nito ay bumalik sa

Pilipinas para muling maglingkod hanggang sa tong 1911. Nagtungo siya sa Brazil at Cuba

noong 1911 at nagtrabaho sa Texas Company noong 1920.Dahil sa problemang kalusugan ay

tumigil siya sa pagtatrabaho at noong Disyembre 17, 1945 ay binawian siya ng buhay sa edad na

56 na taong gulang.

KABANATA 6

ANG PANUNUNGKULAN NI MR. HARRY J. HAWKINS SA INTERMEDIA NG

INDANG (1905-1906)

Page 21: Indang Intermedia Full

SI H.J. HAWKINS BAGO ANG PANUNUNGKULAN SA INDANG

Si Mr. Harry J. Hawkins ay isa ring gurong Amerikano na dumating s aPilipinas na sakay

ng USAT Thomas. Una siyang nagturo sa Corregidor ng taong 1901 at nadestino sa Silang,

Cavite noong 1903 bilang supervising teacher kung saan nakapagpatayo siya ng mga gusaling

paaralan at natamo niya ang pambansang popularidad dahil sa nagawa niyang pagbisita sa

Amadeo, Cavite. Nang Marso 30, 1905 naman ng ilipat siya sa Indang bilang kahalili ni

C.J.Anderson. Ang paglipat niya ay maaaring sanhi ng mataas niyang edukasyonal na

kwalipikasyon,at karanasan sa pagpapatayo ng gusaling pampaaralan.

ANG PANSAMANTALANG GUSALING PAARALANG INTERMEDIA NG INDANG

Bilang supervising teacher ng Indang ay kinailangang solusyunan ni Hawkins ang

kakulangan sa silid-aralan dahil nang panahong iyon ay nasa proseso ng konstruksyon ang

gusaling intermedia sa Bancod. Ang paaralang sentral ng Indang ang naipatayong gusali na

unang pinagdausan ng klaseng intermedia noong 1905.

AKTIBIDAD PAMPAARALAN SA INTERMEDIA NG INDANG SA TAONG 1905-1906

Ang ikalawang batch ng intermedia ng Indang bilang mga mag-aaral ng Grade IV ay

pumasok noong taong pampaaralan ng 1905-1906. Nang taong ito ay nagsimula nang pumasok

sa intermedia ang mga mag-aaral mula sa kalapit-bayan ng Indang na naging dahilan upang

magampanan nito ang bisyon nito na maging sentro ng edukasyon sa Katimugang Cavite.

Ang unang batch ng mag-aaral sa intermedia ay inilipat sa pansamantalang paaralan sa

timog ng poblacion. Ang mga aralin ng Grade V ay Language and Grammar, Aritmetika,

Geography, Science Studies,at araling agrikultura para sa lalaki at housekeeping sa mga babae.

MGA DOKUMENTONG PANG-EDUKASYON NG 1905-1906

Inilathala noong 1906 ng Kawanihan ng Edukasyon ang Bulletin No.25 na naglalaman ng

talaan ng lahat ng mga Amerikano at Pilipino na may designasyon na mga gurong insular sa

buong Pilipinas. Mahalagang impormasyon sa Bulletin No.25 ang pagtiyak na ang intermedia ng

Indang ay isa nang paaralang panlalawigan sa taong pampaaralan ng 1905-1906 at ipinakilala

nito si H.J. Hawkins bilang principal ng paaralan at si C.E. Workman na guro sa araling

pagsasaka.

FELISA MERCADO: ANG UNANG DOKUMENTADONG GURONG PILIPINO SA

INTERMEDIA NG INDANG

Page 22: Indang Intermedia Full

Isa si Felisa Mercado sa gurong insular at nakatalaga bilang guro ng Grade IV ng

intermedia. Lumilitaw na siya ay kinuha ni Hawkins mula sa Silang at inilipat sa Indang noong

1905. Siya ay naglingkod sa intermedia ng Indang hanggang 1907 dahil lumipat siya sa Amadeo.

Batay sa Official Roster ng mga guro sa Kawanihan ng Edukasyon noong 1912-1914 ay wala na

siya sa serbisyong pagtuturo dahil sa kanyang pag-aasawa.Dahil sa kanyang mahabang taon na

pagkawala ay walang nakaalam na siya ang unang gurong insular at unang gurong intermedia sa

Cavite. Siya ay namatay noong Mayo 1966 sa edad na mahigit 80.

ANG GUSALING INTERMEDIA

Sa taong 1906, ang pinakamahalagang kaganapan sa Indang ay ang pagbubukas ng

gusaling intermedia.Ito ang siyang naging katuparan sa adhikain na magkaroon ng isang

modernong gusaling paaralan at simbolo ng Indang bilang pangalawang sentro ng edukasyon sa

lalawigan. Ang pagbubukas ng intermedia ay naganap noong Disyembre 1905 o Enero 1906.

Nanungkulan si Don Severino de las Alas bilang president ng bayan ng Indang noong unang

buwan ng 1906. Itinayo ang gusali ng intermedia na nakapagitna sa isang malawak na lupain na

nakaharap sa kalsada ng Bancod na ang dahilan ay upang bigyan ng distinksyon at dignidad ang

gusali ng paaralan. Ang gusali ng paaralan ay itinayo batay sa mga katangian na nakalagay sa

plan 6.

Ang matandang gusaling intermedia sa Indang ay sinimulang gamitin noong 1906 at ito

ay tinawag na “academic building” dahil sa pagkakaroon ng ilan pang mga gusali. Ito ay ginamit

rin ng mga unang mag-aaral ng programang sekondarya sa Indang Farm School. Hindi nagtagal

ay naaprubahan ang pagpapatayo ng bagong gusali na batay sa Standard Plan 7 ng Gabaldon.

Ipinatayo rin maliban sa gusaling paaralan ang principal hut na magsisilbing opisyal na tahanan

ng pinuno ng paaralan. Sinalaysay ni Mrs. Dominga Alano-Sosa ang nasabing bahay na

napakalaki at gawa sa kahoy at cogon bilang pambubong.

ANG PAGTATAPOS NG PANUNUNGKULAN NI H.J. HAWKINS SA INDANG

Limitado lamang sa taong pampaaralan ng 1905-1906 ang panahon ng panunungkulan ni

H.J. Hawkins sa intermedia ng Indang.Siya ay nagbitiw sa kanyang posisyon upang lumipat sa

ibang kawanihan ng pamahalaan. Sa pag-alis niya ay si C.E. Workman ang tumayong Officer-in-

Charge ng paaralan at pansamantalang supervising teacher ng distrito ng Indang.

Page 23: Indang Intermedia Full

KABANATA 7

ANG PANGANGASIWANI MR. CLIFTON EARL WORKMAN

SA INTERMEDIA NG INDANG 1906-1908

PANIMULANG IMPORMASYON KAY C.E. WORKMAN

Sa pag-alis ni H.J. Hawkins, ang nangasiwa sa paaralang intermedia ng Indang ay si Mr.

Clifton E. Workman. Siya ay naitalagang magturo sa Pilipinas noong Hunyo 21, 1905 kung saan

una siyang nadestino sa Indang at ang panimulang sweldo niya ay P2, 400 kada taon. Ayon sa

kanyang pagsasalaysay ay pinangasiwaan niya ang siyam na gusaling paaralan na gawa sa

kawayan at pawid sa lalawigan ng Cavite. Siya ay naipagkamali na unang principal ng

intermedia ng Indang dahil sa siya ang naabutan ng mga mag-aaral na nangangasiwa sa itinayong

gusali ng paaralan, at siya ang principal ng maganap ang pagtatapos ng mga mag-aaral noong

1907.

ANG KLASE SA INTERMEDIA NG 1906

Nadagdagan ang bilang ng mga mag-aaral ng Intermedia ng Indang na mag-aaral ng

Grade IV noong Hunyo 1906. Ang mga estudyante rito ay nagmula sa bayan ng Alfonso,

Amadeo, Mendez at mga anak ng mga nakakaangat sa buhay. Ang mga mag-aaral ng Grade V ay

may kaparehong aralin ng klaseng nauna sa kanila at ang mga Grade VI na pinangungunahan

nina Guadalupe de las Alas ay tinuturuan ng Language and Grammar, Aritmetika, Science

Studies, ang mga mag-aaral na lalaki ay nakasentro sa gawaing karpinterya samantalang ang

babae ay sa araling pantahanan, at araling may kinalaman sa pulitika.

ANG UNANG PAGTATAPOS SA INTERMEDIA NG INDANG

Noong Marso 1907, ang mga mag-aaral nag Grade VI ay humarap sa pagsusulit at ang

mga nakapasa ay kinilala na unang batch na nagsipagtapos sng araling intermedia sa Indang.

Mula rito ay nabigyang patunay na ang intermedia ay nagsimula noong Hunyo 19, 1904 at ang

unang klase ay ginanap noong sumunod na araw. Ang pagtiyak na iti ay nakabase sa mga

sumusunod na dahilan:

1. Kinikilala ang Cavite State University na siya ay nagsimula bilang isang pioneer intermediate

school.

2. Kinikilala ang institusyon na ang mga nagsipagtapos sa Intermedia ng Indang noong 1907, ang

unang grupo ng alumni nito.

Page 24: Indang Intermedia Full

3. Ang unang pormal na kurikulum ng ginamit ng mga mag-aaral ng intermedia sa buong bansa ay

ang Intermediate Curriculum of 1904 at ang araling itinuturo ay nakabase sa Bulletin No. 7

Course of Instruction for the Public Schools of the Philippine Islands.

4. Ang Intermediate Curriculum ng 1904 ay nagtatadhana na ang mga mag-aaral sa kurso ay

bubuuin ng mga klase sa Grade IV, V, VI.

5. Ang pinakamahalagang dokumento na ibinigay sa unang batch ng mga nagsipagtapos sa

paaralang intermedia ng Indang ay ang Form No.131- Certificate of Completion of Intermediate

Course.

Mula sa mga nasaad na argumento ay mapapatunayan na ang eksakong petsa ng pagsisimula

ng Intermedia ng Indang ay naganap noong Hunyo 19 at 20,1904.

ANG INTERMEDIA BILANG PAARALAN NG PAGSASAKA

Naibalita sa magasin na The Filipino Teacher noong magtatapos ang taong pampaaralan

ng 1906-1907 ang pagkilala ng isang paaralang pang-agrikultural na tinawag na Indang

Agricultural School. Ito ang naging dahilan ng pagbisita ni Edwin Copeland upang tingnan

ang magiging lokasyon ng paaralang insular sa pagsasaka sa bansa na ang sukat nito ay hindi

umangkop sa pamantayan.

Sa taong pampaaralan ng 1907-1908 ay dinagdagan ng isang taon ang kurso ng paaralang

intermedia. Nang panahong iyon ay pinaniniwalaang si C.E. Workman ang nagsimula ng

pagtuturo ng agrikultura ngunit hindi ito naisakatuparan dahil natuon lamang sa

paghahalaman ang aralin. Dahil sa ulat na ito ay mauunawaan na hindi pa gamay ng

kawanihan kung anong kursong pang-ispesyalisayon ang kanilang ipapatupad. Nagkaroon ng

karagdagang aralin para sa mga lalaki- ang shopwork at Physical Education samantalang sa

panig ng mga mag-aaral na babae ay sinimulan ang aralin sa domestic science.

ANG PROMOSYON NI C.E.WORKMAN

Ibinalita noong Hulyo 1907 sa The Filipina Teacher na tumaas ang sahod ni

C.E.Workman mula P2,400 sa P2,800 dahilan sa ang lebel ng posisyong naitalaga sa kanya

ay gaya ng pagiging principal o supervising teacher. Ang promosyong ito ay nakaayon sa

criteria kung saan nasasalamin ang kanyang pagkatao. Pagkatapos ng promosyong ito noong

Hunyo 9, 1907 ay nanatili siyang principal ng paaralan hanggang 1908.

Page 25: Indang Intermedia Full

ANG KABIGUAN SA PAGTUTURO NG PAGSASAKA SA INTERMEDIA NG INDANG

Ang paaralan ay naging bigo sa inaasahan ng Kawanihan na ang intermedia ng Indang na

kilala na sa panahong iyon bilang Indang Agricultural School. Sa ulat ng Direktor ng

Edukasyon sa taong 1907-1908 ay gumawa ng assessment batay sa pagtuturo ng pagsasaka

sa mga paaralang intermedia sa Pilipinas. At kung titingnan sa panukat na isinagawa ay

makikita na ang intermedia ng Indang ay hindi pumasa sa pamantayan ng Kawanihan. Ito ay

dahil sa ang lupa sa Intermedia ay may kaliitan at may kawalan ng maayos na irigasyon at

hindi ganap na tumutok si Workman sa pagpapakadalubhasa ng kanyang mga mag-aaral sa

araling agrikultura. Ang pinakamatibay na katunayan ng hindi nito pagpasa ay ang pag-aalis

ng nomenclatura sa Indang Agricultural School noong 1911 at nakilala na lamang bilang

paaralang intermedia na nagtuturo ng agrikultura. Sinasabi na maaaring dahil din ang pokus

ng pagtuturo ni Workman ay sa general course at mahina sa panig ng pagsasaka.

ANG PAG-ALIS NI C. E. WORKMAN SA INDANG

Taong 1908 ng si Mr. workman ay naging principal ng Cavite High School at naitalagang

Insular Examiner for all American Primary and Intermediate Schools sa kapuluan ng

Pilipinas. Umalis siya sa Pilipinas ng tag-init ng 1909 at nagbalik sa Maynila ng huling

bahagi ng Setyembre 1909. Sa kanyang pagbabalik ay itinalaga siyang supervising teacher sa

Imus at siya ay natukoy sa isyu ng The Filipino Teacher noong Nobyembre 1909 dahil sa

programang Town Improvement Society of Imus Central Primary School na kanyang

inilunsad. Sa mga talang nakuha ay mahihinuha na hindi nakapokus ang interes ni Workman

sa agrikultura bagkus ay angkop siya sa mga gawaing pang-akademiya.

Page 26: Indang Intermedia Full

KABANATA 8

ANG PANGANGASIWA NI MR. HENRY WISE SA INTERMEDIA NG INDANG 1908-

1911

Si Mr. Henry Wise ang humalili kay Mr. C.E.Workman bilang principal ng Intermedia ng

Indang. Siya ay naitalaga sa serbisyo ng pamahalaang insular ng mga Amerikano bilang guro sa

Pilipinas noong Setyembre 5, 1901. Naglingkod siyang supervising teacher at napagkalooban ng

gintong medalya sa naganap na St. Louis Exposition noong 1904. Makikita ang kahusayan ni

Mr. Wise bilang guro ng wikang Ingles sa kanyang komento na nalathala sa pang-akademikong

dyornal para sa adapsyon ng isang pandaigdigang alpabeto.

Ang paglilingkod ng mag-asawang Wise sa Bacnotan ay nagtapos nang sila ay madestino

sa Indang noong 1803. Si Henry Wise ay nagsimulang nanungkulan bilang supervising teacher

ng Indang at principal ng Intermedia noong taong pampaaralang 1908-1909. Ang kanyang asawa

na si Mary Wise ay nagtuturo ng aralin sa Ingles at nagkaroon ng interes na isulong ang

Domestic Science na naging daan upang maipatayo ang mga gusaling pantahanan.

Sa panahon ng panunungkulan ni Mr. Wise ay nagkaroon ng panukalang babaguhin ang

kurikulum para sa susunod na taong pampaaralan. Wala pa mang programa para ditto ay

isinaayos na niya ang tututukan niyang programa, ang pagtuturo ng pagsasaka. Ang pressure ng

kawanihan nag awing sentro ng ispesyalisayon ang mga paaralang intermedia sa bansa ang

dahilan kung bakit nais niyang iangat ang kahusayan ng pagtuturo ng paghahalaman na kanyang

nadatnan sa paaralan.

Makikita na ang ginawa ni Mr.Wise sa loob ng taong pampaaralan 1908-1909 ay ang

pagpapagaan ng kanyang administratibong katungkulan. ito ay nasa ulat ni Mr. Ernest H.

Hammond na nakatulong ng malaki kay Wise ang pagkakalikha ng sub-district ng Alfonso at

nagagawa niyang bisitahin ang kanyang mgabayan na sakop na distrito ng lingguhan na

nagbunga upang malaking oras ang mailaan niya sa administratibong gawain sa intermedia.

Dagdag pa sa nasabing ulat ang balita ukol sa aktibidad ng mag mag-aaral sa intermediasa

nagtapos na taong pampaaralan.

Sinimulan na ng panahong ito ang pagpapatupad ng bagong programa sa pagtuturo na

tinawag na Intermediate Curiculum of 1909na napagtibay sa pamamagitan ng Memoramdum ng

Direktor ng Edukasyon noong Hulyo 1909. Ito ay naglalayong matutunan at magawa ng mga

mag-aaral ang mga bagay na mapapakinabangan nila pagkatapos ng kurso. Ang mga aralin na

Page 27: Indang Intermedia Full

nakapaloob sa binagong kurikulum ay General Curriculum, Teaching Curriculum, Business

Curriculum, Trade Curriculum, Farming Curriculum at House Keeping and Household Arts

Curriculum. Ang Farming Curriculum ay itinuturo sa mga lalaking mag-aaral at para naman sa

mga kababaihan ang House Keeping and Household Arts Curriculum. Ipinahanda ng kawanihan

ang magsisilbing textbook para sa bagong programa ng pagtuturo lalong-lalo na ang paggamit ng

textbook na ang pokus ay pagsasaka at housekeeping.

Sa taong ito ay naging popular ang kalakaran ng Trade Instruction na ang pokus ng pag-

aaral ay sa gawaing pangkabuhayan.Ito ay hindi lamng limitado sa bokasyonal industriyal ngunit

pati na rin sa bokasyonal na agrikultura. Lumilitaw na ang paaralang intermedia ay hindi ganap

na nakatutugon sa ekspektasyon ng kawanihan para sa gawaing pagsasaka na talagang

pinaglalaanan nito.

Nalathala sa magasin na The Filipino Teacher noong Enero 1910 ang isinagawang

Normal Institute sa Indang noong Oktubre 4-29, 1909 na dinaluhan ng 33 guro mula sa bayan ng

Alfonso, Indang, Magallanes at Silang. Itinuro ditto ang mga gawaing Industriyal , Language at

Number Works at pagsasanay sa mga guro sa pagtuturo . Ang naganap na institute ang unang

institute na naganap sa Pilipinas mula ng itayo ng mga Amerikano ang sistema ng Edukasyon.

Naging mahalaga sa nasabing institute ang pagdao ni MondeNaging mahalaga sa nasabing

institute ang pagdalo ni Mondeñedo at ang presensiya na Mr. Fernamdo Matron na naging unang

Pilipinong supervising Teacher sa distrito.

Sa panahong ito ay kailangang maisakatuparan ni Mr. Henry Wise ang Curriculum of

1909. Sa pagsisikap niya pag-ibayuhin ang aktibidad sa paghahalaman upang maisagawa ang

Food Campaign ay kaakibat nito ang hindi labis na pagpapahalaga ng Kawanihan ng Edukasyon

ang sa kanyang pagsisikap. Sanhi nito ay mapapalagay na hindi din pumasa sa pamantayan ng

kawanihan ang kanyang pamamahala sa intermedia upang maging ganap itong Farm

Demonstration School. Sa kabila nito ay labis naming hinahangaan ang kanyang kahusayan sa

pagtuturo.

Ang kawalan ng komprehensibong programa ng kawanihan ng Edukasyon ang siyang

dahilan kung bakit hindi naging matagumpay ang intermedia sa larangan ng pagsasaka. Ang mga

salik na naging daan upang unti-unting maging matagumpay sa araling pagsasaka ay: (1)Ang

kaunlarang pangkabuhayan ng bayan dala ng malakas na presyo sa domestiko at internasyonal na

Mercado, (2) Ang pagpasok ng mga mag-aaral na mga anak ng mga magsasaka na mayroong

Page 28: Indang Intermedia Full

kaalaman at interes sa mga gawaing bukid, (3) Ang pagbubukas ng serbisyo ng tren sa linyang

Manila-Cavite Naic na nagpadali ng pagluluwas ng mga produktong kalakal, (4) Ang

pagbubukas ng Kolehiyo ng Agrikultura sa UPLB, (5) Inihanay niya sa talumpati ni Dr. Henry

Jackson Waters ang dapat na maging programang pang-edukasyon na nakapokus sa kahalagahan

ng pagtuturo ng agrikultura na nakabase sa eksperimentasyon, mahuhusay na guro at

pangangailangang ilapit ang paaralan sa mga mamamayan, (6) Ang kaisipan ni Dr. Waters ay

naipasok sa Indang sa pamamagitan ni Mr. Joseph A. Cocannouer na noon ay may pinaka-

impluwensiyal na guro sa agrikultura at masugid na tagasunod ng bisyon ni Dr. Waters.

Page 29: Indang Intermedia Full

KABANATA 9

ANG PANAHON NG PANUNUNGKULAN NI MR. JOSEPH A. COCANNOUER

SA INTERMEDIA NG INDANG 1911-1915

Si Mr. Joseph A. Cocannouer ay nagmula sa angkan ng mga magsasakang Olandes at

naglingkod sa Intermedia ng Indang bilang kahalili ni Mr. Henry Wise. Naglingkod siya ibang

paaralang agrikultura sa Pilipinas bago siya madestino sa Indang bilang principal ng farm school

na ito. Naitalaga siyang supervising teacher at mula dito ay natuklasan niya ang iba’t ibang

paraan ng pagsasaka ng mga Pilipino. Nahasa siya sa pagsasalita ng wikang Espanyol na siyang

wikang ginagamit ng mga Pilipinong opisyal noong panahong iyon. Sa lungsod ng Baguio at

lalawigan sa Hilagang Luzon ay natuklasan niya ang sistemang patubig ng mga magsasaka sa

kanilang rice terraces. Nasaksihan niya ang pagputok ng Bulkang Taal sa Batangas at napagtanto

niya na ang dalisdis ng Tagaytay ay magandang pagtaniman ng mga gulay at ibang halaman.

Nakapagturo siya sa Maynila at pagkatapos nito ay nagtungo siya sa ibang bansa sa

Europa upang tumuklas ng ibang pamamaraan sa pagsasaka. Sa mga lugar na napuntahan niya

gaya ng Holland, Belgium at Germany ay ang paraan ng pagsasaka ang sadyang hinangaan niya.

Bumalik siya sa Pilipinas at ang pamamaraan na kanyang natutunan sa Holland ay kanyang

iminungkahi sa Kawanihan. Pinayagan siyang magturo ng kaalamang ito sa pagsasaka. Naitalaga

siyang principal ng Intermedia ng Indang. Sa kanyang panahon ng panunungkulan ay maraming

magulang ng mga mag-aaral ang hindi sumang-ayon sa pagbabago ng pokus sa pag-aaral kung

saan ang general course na itinuturo ay naging farming course. Ito ay sa dahilang mas nais nilang

matutunan ng kanilang mga anak ang adbanseng pag-aaral kaysa sa pang-agrikultura. Makikita

na ang bisyon ng pag-aaral ni Cocannouer ay ang orihinal na intensyong pang-edukasyon ng

akademiya na pagsasaka at hindi pang-akademiya na siyang naunang naituro sa mga mag-aaral

nito. Ang naging pagpapalit ng bisyon at misyon ng paaralan ang nagdulot upang kausapin ni

Cocannouer ang mga magulang at ang paghingi niya ng tulong sa dalawang maimpluwensyang

tao sa bayan ng Indang na sina Padre Policarpio Villafranca at si Don Severino delas Alas. Ang

nauna ang siyang kura-paroko ng Indang na una niyang kinausap sapagkat kinailangan ni

Cocannouer ng impluwensyang ispiritwal nang sa gayon ay matanggap ng mga mamamayan ang

pagbabagong ito. Saka niya kinausap si Don Severino at ang ito ay nagbigay ng ilang ektaryang

lupain na angkop sa pamantayan ng isang farm school. Maliban sa pangangailangan ng lupain ay

kinailangan din niya nag awing isang tunay na farm school ang noon ay Indang Farm School.

Page 30: Indang Intermedia Full

Ang mga kagamitang ipinadala sa Pilipinas at ang ginagamit ng mga Pilipino para sa pagsasaka

ay kanyang sinuri upang maipagpatuloy nila ang pagsasaka gamit ang mga ito. Unti-unting

pinakilala sa kanila ang mga makabago at simpleng kagamitan sa pagsasaka. Hindi inalis ni

Cocannouer ang unang misyon ng paaralang pang-agrikultura dahil naisip niya na ito ay

magpapaunlad ng mga katutubong pagkain.

Nakarating si Cocannouer sa Tagaytay upang maghanap ng hayop na aalagaan at

gagamitin sa pagsasaka at dito ay nakakita siya ng baka. Nangolekta rin sila ng mga binhi na

kanilang itatanim at gagamitin sa kanilang mga eksperimento. Ang mga binhi at tanim na

kanilang ginamit ay kasalukuyang makikita sa lokalidad ng Indang. May ilang pagkakataon na

nakakabalita sila na may isang magsasaka na may magagandang halaman na tanim, agad nila

itong pinupuntahan kahit na ito ay sa malayong baryo pa. Ang gawaing ito nina Cocannouer ang

nagsanhi ng pagkakalapit ng loob ng mga mamamayan sa paaralan na naming dahilan upang sila

na mismo ang magdala ng binhi sa paaralan na sa tingin nila ay maidadagdag sa koleksyon nito.

Sa simula ng pamumuno ni Cocannouer ay makikita na ang maga naidulot nito sa mga

mamamayan ng Indang. Ipinakita niya sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng pamayanan na

maaari nilang makuhanan ng mga karagdagang kaalaman na itinuturo sa paaralan at ang

pagtingin ng mga magsasaka sa paaralan bilang isang institusyong pambayan.

Nasubok ang husay ng paaralan ng magkaroon ng problema gaya ng kakulangan sa bigas

na sanhi ng tagtuyot ng panahong iyon. Iniutos ng pamahalaang insular ang pagtatanim ng mais

na magsisilbing alternatibong pagkain sa buong Pilipinas. Humanap si Cocannouer ng

magandang uri ng mais na itatanim sa paaralan at sumubok sila ng ibang paraan ng pagsasaka

kung saan sila ay nagtagumpay dahil itinaon nila ang pagtatanim nito sa panahon ng taglamig.

Ngunit hindi lahat ng bunga ng nag-iisang halaman na ito ay nahinog at naani sapagkat may isa

lamang na natirang bunga na may kakaibang laki at sanhi nito ay nagkaroon ng pagdiriwang sa

pagbubukas ng natirang pakwan. Naging maganda ang kinalabasan ng pag-aalaga sa pakwan ng

mga mag-aaral na hindi gaya ng sumunod na pagtatanim ng mga magsasaka.

Nang panahon ng pamamahala ni Cocannouer sa Indang Farm School ay nagkaroon ng

pamiminsala ng mga hayop sa taniman. Ang bagay na ito ay ikinabahala ni Cocannouer dahil sa

bawat araw na dumadaan ay nadaragdagan ang bilang ng mga nasisirang pananim. Ang

problemang ito ay nasolusyunan dahil sa mungkahi ng isang mag-aaral na taniman ang paligid

ng mga tanim upang ito na lamang ang makuha ng mga hayop. Dagdag pa sa kinaharap na

Page 31: Indang Intermedia Full

suliranin ni Cocannouer ay ang tag-init. Nagkaroon ng mahabang tagtuyot noong 1912 na

nagdulot ng pagkasira ng mga pananim. Ito ay nasolusyunan sa tulong ng mga mag-aaral na

nagmungkahi na gumawa ng daanan na magdadala sa kanila ng tubig mula sa Bañadero.

Humanga si Cocannouer sa ipinakitang sipag at tiyaga ng mga mag-aaral sa pag-iigib at

pagpapanatiling buhay ng mga halaman sa IFS. Ninais ni Cocannouer na magkaroon ng isang

hydraulic ram na siyang mag-aakyat ng tubig mula sa ilog paitaas dahil sa pangyayaring ayaw

niyang matatak sa isipan ng mga mag-aaral na ang pagsasaka ay isang mahirap na gawain.

Hiniling niya ang pagkakaroon nito kay Direktor White ngunit siya ay hindi napagbigyan dahil

ang makinang ito ay nagkakahalaga ng P4, 000. Sa pagpunta ni Cocannouer sa Baguio upang

magturo ay napalapit siya kay Direktor White ay ipinagpilitan niya ang kanyang hiling na at

dahil sa pampulitikang pressure ay pumayag ito. Bago matapos ang tag-init ay nagtulung-tulong

ang mga mamamayan sa pagtatayo ng Dam na pag-iipunan ng tubig. Gumagawa sila ng walang

kabayaran at kahit gabi, sila ay nagtatrabaho. Mayaman ang bayan ng Indang sa likas na yaman

kaya hindi rin sila nahirapan sa paghahanap ng mga kailangang materyales.

Natapos ang paggagawa ng dam ngunit nagkaroon sila ng problema kung paano nila

madadala ang mga naglalakihang parte nito mula sa Naic patungong Indang. Nagpagawa si

Cocannouer ng paragosa na siyang pagsasakyan ng gamit. Nang matapos nilang madala sa

Indang ang mga kagamitan ay laking tuwa ng president ng bayan na si Simeon Coronel at siya ay

nagpafiesta pa.Nagawa nilang paganahin ang dam ngunit kasabay ng kasiyahan nila ay namatay

ang kanyang ina.

Ang pagkakaroon ng hydraulic ram ay nagdulot ng sapat na tubig para sa mga pananim

ng IFS at nagbigay ng magandang ugnayan sa mga mamamayan ng Indang. Napadali rin ang

pagkuha ng tubig mula sa ilog at ang mga mamamayan dito ay hindi na kailangang pumunta sa

ilog upang doon mag-igib. Ang mga mamamayan ay pinahintulutan lamang kumuha ng tubig

kapag may nagbabantay na mag-aaral ngunit sadyang may mga tao na matigas ang ulo at hindi

sumunod sa palakad.

Naging kontributor ng isang journal na ginagamit ng mga paaralan sa buong Pilipinas si

Cocannouer na naging dahilan upang magkaroon ng kapuluang katanyagan ang paaralan. Siya ay

nakilala bilang isang principal na dalubhasa sa agrikultura at mahusay sa pagsusulat. Sa kabila

ng tagumpay na ito ay may ilang magulang pa rin na hindi tanggap ang kurso sa paaralan dahil

pinag-aaral nila ang kanilang mga anak upang magkaroon ng magandang trabaho at hindi para

Page 32: Indang Intermedia Full

maging isang magsasaka. Dahil dito ay gumawa ng requirement si Cocannouer para sa mga mag-

aaral na lalaki bago ito makakuha ng diploma kung saan kailangan nilang pamunuan ang

dalwang cooperative farm- isa sa kanilang pamilya at isa sa taong hindi niya kaanu-ano.

Marami ang nagkainteres na sumali lalo na sa mga magsasaka ng dahil malaman nila na

ang binhi ay magmumula sa paaralan at ang ani nito ay mapapasakanila, at ang siyang hahawak

sa mga gawain ay si Cocannouer kung saan maipagmamalaki nila na ang kanilang taniman ay

napili nito. Ang cooperative farm ang naging unang serbisyong ekstensyon ng paaralan sa

pamayanan.

Nakatulong rin ng malaki ang simbahan sa pag-unlad ng paaralan sa paraang ang dumi ng

mga paniki na nakatira sa tore ng simbahan ang nagsilbing pataba sa mga tanim na halaman ng

Indang Farm School. Nagsilbi ring pataba ang pinagputol-putol na beans na ibinaon nila sa lupa.

Sa loob ng isang taon ay dalawang beses nagkakaroon ng fair sa paaralan upang ipakita

ng mga mag-aaral at magsasaka na kasama sa cooperative farm ang kanilang mga inaning

pananim. Ito ay dinadaluhan ng mga mamamayan sa Katimugang Cavite at mga hurado na

siyang pipili ng pananim na ilalahok sa exhibit sa Kamaynilaan. Nagkaroon ng shopwork na

nakasentro sa mechanical sketching, carpentry at blacksmithig ang IFS noong taong 1913-1914.

Sinasabi ditto na ang mga mag-aaral ng agricultural ay nararapat ding mag-aral ng mga bagay na

pang-industriyal. Ang muebles ng Indang ang siyang tanyag na produkto ng shop ngunit sa

kamahalan ay hindi ito nabili.Ang mga kasangkapan ginagawa nila ay gawa sa rattan, usiu at

lapnis na ang mga disenyo ay may payak na anyo patungo sa kumplikadong disenyo.

Base sa pagkakaayos ng The Philippines Craftsman ay pumapangatlo ang IFS sa mga

paaralang pang-agrikultura na pinangungunahan ng UPLB sunod naman ay ang Central Luzon

Agricultural School. Sa journal na ito ay sumulat si Cocannouer ng mga nangyaring pagbabago

sa loob ng kanyang pamamahala sa IFS. Ang paaralang ito ang siyang kumatawan sa lalawigan

ng Cavite ng magkaroon ng insular exhibit sa Maynila. Dito ay nanalo ang IFS ng ikalawang

pwesto na ang sinasabing dahilan ng pagkapanalo nito ay ang di-pangkaraniwang laki ng mais

pati ng butil nito at ng mga pananim na kinuha nila sa taniman ng paaralan.

Noong 1914, ipinadala si Dr. Henry Jackson Waters sa Pilipinas upang pag-aralan ang

kalagayang pang-agrikultura ng bansa. Tinawag niya ang Indang Farm School na Cavite Farm

School na patunay na hindi lamang sa bayan ng Indang ang importansya ng paaralan kundi pati

na rin sa buong lalawigan ng Cavite. Pumunta sa Cocannouer kasama si Dr. Waters sa Tsino at

Page 33: Indang Intermedia Full

ditto ay napag-aralan nila ang paraan ng passasaka ng mga Tsino.Naghanap din sila dito ng mga

aalagaang hayop sa IFS at sa pagbabalik nila sa Pilipinas ay sinimulan nila ang pag-aalaga ng

mga Cantonese Chicken . Ang produktong ito ang kauna-unahang produkto ng intermedia na

lumabas sa ibang paaralan sa Pilipinas at noong taong na ito ay naipadala sa pandaigdigang

exhibit ang mga gawa ng IFS.

Noong nasa China sina Cocannouer at Dr. Waters ay napag-usapan nila ang

paglipat ng nauna sa UPLB. Maraming bagay ang bumabagabag kay Cocannouer dahil sa

napipintong pag-alis niya sa intermedia ng Indang gaya na lang ang dam na kanyang

pinaghirapang ipatayo at ang magiging lagay ng IFS kung wala siya. Iniwan niya ang paaralan sa

kanyang mga dating mag-aaral na ang tatlo ay naging president pa nito.

Page 34: Indang Intermedia Full

KABANATA 10

GUILLERMO A. BAYAN: ANG BAYANING GURO SA INTERMEDIA NG INDANG

Isa si Guillermo sa gurong Pilipino na naglingkod sa intermedia ng Indang. Siya ay

ipinanganak noong Hunyo 25, 1874. Nag-aral siya ng pagkaguro sa Escuela Nornal at nagtapos

noong 1893. Nauna siyang naitalagang guro sa Amadeo, Cavite na sinundan sa lalawigan ng

Albay at noong Enero 31, 1894 nang siya ay nagturo sa bayan ng Silang. Siya ay naglingkod

bilang opisyal ng rebolusyonaryong hukbo na nagtanggol sa bayan ng Silang noong himagsikan

at nakasama ni Aguinaldo sa Mahabang Martsa noong 1897. Ang kanyang pakikibahagi sa

himagsikan ay tumagal hanngang noong panahon ng pananakop ng mga Amerikano at siya ay

nagtapos lamang sa pakikilahok sa rebolusyon noong 1901 nang siya ay pakiusapang sumuko.

Sa pagsuko ni maestrong Emong ay bumalik siya sa serbisyong pagtuturo kung saan bago

magturo ay naging aspirante siya ng mga gurong Amerikano upang sanayin siya sa paggamit ng

wikang Inglesna siyang medium ng pagtuturo ng panahong iyon. Siya ay dumalo sa Normal

institute sa Indang noong Oktubre3-31, 1904. Noong Disyembre 27-28, 1904 naman ng maipasa

ni Maestrong Emong ang pagsusulit na binigay ng Lupon ng Serbisyo Sibil para sa Pilipinong

kandidato sa pagkagurong insular. Sa kanyang unang taon sa pagtuturo ay naitalaga siya bilang

guro na “Class K” na sumasahod ng $180 kada taon.

Taong 1907 ng palitan ng pumalit si Guillermo kay Felisa Mercado bilang guro sa

intermedia ng Indang. Noong araw ng Mayo 25, 1909 ng siya ay naging gurong “Class H” na

may taunang sahod na P720.00 at naitalaga siya bilang gurong “Class G” na may sahod na

P840.00 noong araw ng Enero 1, 1915.Siya ay nakilala sa lugar bilang “Maestrong Emong.”

Napangasawa niya si Engracia Penales at taong 1917 ng magretiro siya sa pagtuturo at

tumanggap ng pensyon mula sa pamahalaan at ginugol niya nag kanyang natitirang panahon sa

pagsasaka.

Sa pagreretiro ni Maestrong Emong sa Intermedia noong 1917 ay pinangasiwaan niya

nag pagpapatayo ng monumento ni Rizal sa Silang na natapos noong Enero 13, 1918. Isa siya sa

nagbigay ng talumpati at dito ay pinahayag niya ang kanyang pagiging nasyolistiko. Sumali siya

sa pulitika bilang miyembro ng Partido Democrata kung saan si Claro M. Recto ang pinuno

nito.Nahalal siya bilang konsehal ng Silang at siya ay namatay noong Nobyember 10, 1926.

Si Guillermo Bayan ay isang guro na ang propesyon ay sumakop sa tatlong

mahahalagang panahon sa kasaysayan ng Pilipinas. Siya ay nagtapos sa Escuela Normal at

nakilahok sa himagsikang Pilipino noong 1896-1898 na may layuning pagpapalaya sa bayan

kung saan ay iniwan niya ang kanyang pagkaprincipalia para rito. Kalahok din siya sa

Page 35: Indang Intermedia Full

pakikidigmang gerilya noong 1899-1901 laban sa mga Amerikano. Sumuko siya sa mga

Amerikano at binalikan ang pagtuturo gamit ang wikang Ingles na kanyang pinagsikapang

matutunan.Mula sa pagtuturo sa Amadeo ay nalipat siya sa Indang noong 1907.Isa siya sa

pinakamatagal na guro sa intermedia na may malaking impluwensya sa operasyon ng institusyon.

Bilang guro ay makikita ang kanyang pagsunod sa pamamahala ng mga Amerikano ngunit nang

siya ay magretiro ay masasalamin na hindi namatay ang apoy ng himagsikan sa kaibuturan ng

kanyang puso. Sa kanyang talumpati ay makikita ang ideyang cooperative-non-conformism sa

ilalim ng pamahalaang Amerikano.

Ang kabanatang ito ay nagpapabatid na taong 2006 binuksan ng CvsU ang sangay nito sa

Silang. Wala sa kanila ang nakakaalam na 99 taon na ang nakalipas nang si Maestrong Emong ay

dumating at nagturo sa intermedia ng Indang at dito ay mapapansin ang isang mapagbirong

pagkakataon na tila noong 2006 naibalik ng Indang ang pagkakautang nito sa bayan ng Silang.

Page 36: Indang Intermedia Full

KABANATA 11

ANG ADMINISTRASYON NI MR. MARIANO MONDEŇEDO (1915 – 1919)

Naitalaga bilang unang Pilipinong principal ng Indang Farm School si Mario Mondeňedo

noong taong 1915. Dahil sa angking talino ay nakasama siya sa grupo ng mga Pilipino na

susustentuhan ang pag-aaral ng gobyerno ng Estados Unidos. Sila ay tinatawag na pensionados

at siya ay nakabilang dito sa edad pa lamang niyang 16. Ginugol niya ang unang taon niya sa

kolehiyo sa Washington D.C. at pinag-aralan naman niya ang animal husbandry at agronomy sa

Iowa State College of Agriculture and Mechanic Arts sa Ames, Iowa noong taong 1904.

Dahil sa pagiging pensyonado ay naging abentahe niya ito upang magkaroon ng puwesto

sa pamahalaan noong siya ay umuwi dito sa Pilipinas.

Base sa ginawa niya sa Normal Institute sa Indang noong 1909 ay mapapansin na ang

Indang talaga ang kanyang unang destino ng pagtuturo. Batay sa mga dokumentong nakalap ay

nakitang sya ay karapat-dapat na bigyan ng kredito sa Cantonese Chicken na ipinamamahagi ng

IFS sa iba’t ibang paaralan sa kapuluan. Nakapagtataka, na sa kabila ng mga bagay ukol sa kanya

ay hindi siya nakabilang sa listahan ng mga may posisyon ng serbisyong sibil noong 1912

hanggang 1915.

Ang Indang Farm School ng taong 1915-16 ay mayroong 7 guro at binubuo ng 149 na

mag-aaral mula sa gradong V – VII. Ang nasabing paaralan ay may lawak na 9.5 ektarya at 7.5

ektarya nito ay ginagamit sa pagsasaka. Ito ay may dalawang baka na ginagamit sa bukid, tatlong

baboy at 57 manok na inaalagaan. Ang paaralan ay kumita noon ng 1, 354 piso na halaga mula

sa pagbibili ng hayop, nakatanim na halaman, prutas at ibang produkto na gawa dito. Natanggap

naman ito ng 4, 970 piso na halaga mula sa pamahalaang insular at 300 piso mula sa

pamahalaang probinsyal. Nang taong 1915 ay nakabilang ang paaralan sa dalawampu’t walong

paaralan na nagtamo ng medalyang ginto mula sa naganap na Panama – Pacific International

Exposition. Ang paglalagay ng farm management ng paaralan sa pagsasaka at karagdagang taon

sa araling sekundarya ay ilan sa mga hakbang na pinasimulan ng pamahalaan ukol sa kursong

pagsasaka sa intermedia.

Dalawang daan at anim ang bilang ng mga mag-aaral at 7 naman ang mga guro noong

1916-1917. Naging 8.5 ektarya ang ginagamit sa pagsasaka; 2 ang baka; 25 na baboy; at 250 na

manok. Sa pangkalahatan, tinataya na 1, 354 ang kita nila mula sa pagbibili ng hayop, prutas,

gulay, ibang halaman at produkto ng institusyon. Itinakda ang pagsasaka bilang isang

Page 37: Indang Intermedia Full

ispesipikong linya ng kahusayan na naging dahilan ng pagdami ng mga mag-aaral. Binigyang-

espesyalisasyon na din ang paghahayupan dahil sa paglaki ng bilang ng mga alagang hayop.

Noong Oktubre 1916 ay naibalita ang Indang Farm School sa Philippine Craftsman dahil

sinasabing nakapag-ani ito ng 15, 725 Indang corn noong Agosto 17.

Maganda ang tala ng Indang Farm School pagdating sa pag-aalaga ng mga manok ayon

sa ulat ng The Philippine Craftsman. Ang epekto ng pag- aalagang ito ay nakita noong taong

1916-1917 na sa ulat ng kawanihan ay nagkaroon ng pamamahagi ng Cantonese Chicken sa mga

paaralan sa mga pulo ng Pilipinas. Naiulat din na maayos ang pagtatanim ng kamoteng

Momungan sa nasabing paaralan.

Ang kursong pagsasaka sa Intermedia ay nakapokus lamang sa mga praktikal na gawain

samantalang ang general course ay may mas mataas na lebel ng pag-aaral. Sa kadahilanang ito,

mababa ang nakukuhang marka ng mga mag-aaral na mula sa mga paaralang intermedia na ang

ispesyalisasyon ng kurso ay trade at pagsasaka kumpara sa mga kursong general course. Ito ay

napatunayan na hindi kasalanan ng mga mag-aaral kung mababa ang nakukuha nilang marka

dahil maaaring ang klase ng preparasyon sa kanila ang problema.

Sa taong 1918-19, dumami ang bilang ng mga mag-aaral na umabot sa bilang na 227. Sa

kabila nito ay 7 pa rin ang mga guro na nagtuturo sa kurso sa Intermedia. Ang paaralan ay

mayroong 2 baka, 12 baboy at 187 na manok at kumikita ito ng 1, 774.20 piso. Bumaba ang

sukat ng lupang pinagtataniman at malaking bilang ang nabawas sa mga baboy ay manok ngunit

ang kita mula sa mga hayop ay umabot ng 97 piso kasabay ng pagtaas ng kita sa pagbebenta ng

mga halaman. Ang taong ito ang huling taon ng panunungkulan ni Mariano Mondeňedo sa

Indang Farm School. Naging suliranin ng paaralan ang pagpapatayo ng bagong gusali at pagbili

ng mga kagamitan sanhi ng kakulangan sa badyet. Ang pamahalaan nang taong ito ay naghain ng

batas na may layuning magkaroon ng pagbabago sa pagtuturo ng agrikultura. Kaakibat ng

layuning ito ay ang pagpapalaganap ng agrikultura sa pagtutulungan ng pamahalaang insular at

probinsyal dahil pinaniniwalaang ito ang magiging daan sa pag-unlad ng kapuluan. Ang pag-

aaral ng panahong ito ay pinahaba ng 12 buwan dahil sa pangambang magkaroon ng kakapusan

ng pagkain ang mga mamamayan.

Ang pagpapatuloy ng kursong Bachelor of Science in Agriculture sa Iowa State

Agricultural College ang siyang naging dahilan kung bakit iniwan ni Mondeňedo ang Indang

Farm School. Siya ay nagturo ng paghahayupan sa UPLB mula nang siya ay magbalik sa

Page 38: Indang Intermedia Full

Pilipinas. Habang siya ay nagtuturo ay ginugol din niya ang kanyang panahon sa pag – aaral at

siya ay naging Doctor of Veterinary Medicine. Taong 1957 nang siya ay magretiro sa pagtuturo

at noong 1985 ay pinarangalan siya bilang pinakamatandang alumnus ng Iowa State University.

Sumakabilang buhay siya noong Setyembre 8, 1985 sa edad na 98.

Page 39: Indang Intermedia Full

KABANATA 12

ANG PANUNUNGKULAN NI MR. SIMEON MADLANGSAKAY

Taong 1919, si G. Madlangsakay ay nanungkulan bilang punong-gurong Indang Farm

School. Siya ay tubong Silang, Kabite at anak nina Nicolas Madlangsakay, isang guro na

nakasama ni Guillermo Bayan sa pagsisimula ng himagsikan at Merced Fajardo na nagtapos ng

pagkaguro sa Phillipine Normal College.

Ilan sa mga programang ipinatupad sa panahon ng kanyang panunungkulan ay ang

pagpapalaganap ng wikang Ingles dahil nang panahong iyon ay itinuturing ang nasabing wika

bilang karaniwang linggwahe sa buong kapuluan. Ito ay naipatupad sa Intermedia noong 1922

kung saan ang mga mag-aaral ay tinuturuan ng mga araling conversational English. Itinatag din

ang panukala sa mga agricultural na paaralan na ang pokus sa particular ng pananim ay gaya ng

palay, prutas, tabako at iba pa. Pinalakas ng pamahalaang insular sa mga paaralan ang “food

campaign” na ang mga mag-aaral ay magtatanim ng mais at sila naman ay nag-ukol ng food

demonstration para sa domestic science.

Isa sa mga pinakamahalagang kaganapan sa edukasyon ay ang kahilingan para magtatag

ng karagdagang paaralang sekundarya sa Pilipinas. Nagkaroon ito ng epekto sa Intermedia ng

Indang at kaagapay nito ay ang kahilingan na madagdagan ang bilang ng mga guro. Sapagkat

natatakot ang pamahalaan na magkaroon ng mga mag-aaral na wala naming matatamo o

makukuha sa pinag-aaralang kurso ay hindi agad napahintulutan ang ganitong kagustuhan.

Dagdag pa sa mga magagandang pangyayari na ito ay ang pagbabalik ng mga dating mag-aaral

na nakapagtapos sa UPLB ng kursong pagsasaka at ang pagkakaroon ng mga kwalipikadong

guro na nakapagtapos ng kursong Bachelor. Ito ang naging daan upang maihanda ang Indang

Farm School sa kursong sekundarya.

Naipagkaloob sa IFS ang kursong sekundarya noong Hunyo 23, 1923 na siyang naging

unang taon nito. Ang vocational agriculture ang siyang unang kursong inalok ng paaralan at ito

ay nadagdagan ng kursong Home Economics noong taong 1927. Nang taong din iyon, ang

Indang Farm School ay naging isang paaralang sekundarya at hindi rin nagtagal nang ang

pangalan nito ay pinalitan ng Indang Rural High School.

Page 40: Indang Intermedia Full

KABANATA 13

ANG MGA NAGING GURO SA INTERMEDIA NG INDANG 1904-1927

Mula 1904 hanggang 1909 ay madaling napagsunod-sunod ang mga gurong Amerikano

na nagturo sa intermedia ngunit walang tiyak na bilang ng mga gurong Pilipino ang naglingkod

dito. Sa pagsisimula ng kurso ay kaunti lamang ang bilang ng gurong subalit nang 1905-1906 ay

napabilang sa nagturo sa intermedia si Felisa Mercado at 1907-1908 ng palitan ni Mr. Guillermo

Bayan ang unang nabanggit dahil sa paglipat nito sa Amadeo. Taong 1909-10 naman ng

madestino sa Pilipinas si Mr. Mariano Mondeñedo at sa bandang huli ay nakasama niya ang

asawa niya na si Maria sa paaralan.

Ayon sa ulat ng 11th ARTDE na isinagawa noong panahon pa ni Henry Wise, naisalin na

ang lahat ng tungkuling pagtuturo sa mga paaralang primarya sa mga gurong Pilipino maliban sa

special school na naging simula ng kanilang teaching force sa intermedia ng bansa. Isang

mahalagang bagay ukol dito ay ang pagbibigay ng ispesipikong datos ukol sa Indang

Agricultural School.

Sa 12th ARTDE na inihanda ni Cocannouer ay lumiit ang bilang ng mag-aaral na mula sa

102 ay naging 81 na lamang kung saan ng panahong iyon ay tig-isang Amerikano at Pilipino ang

guro dahil ipinalagay na insular teacher lamang sila ni Guillermo Bayan. Samantala sa 13th

ARTDE ay naiulat na mayroong 75 mag-aaral na tinuturuan nina Cocannouer, Guillermo Bayan,

mag-asawang Mondeñedo, Simeon Madlangsakay at isang guro na hindi makilala.

Walang nalimbag na 14th at 15th ARTDE. Naiulat sa 16th ARTDE na mayroong pitong

guro sa paaralan na kinabibilangan ng mag-asawang Mariano at Maria Mondeñedo, Simeon

Madlangsakay, Carlos Bayot, Guadalupe de las Alas, Nieves Mojica at Jacinto Dili-Dili. Ang

21st ARTDE ay naiulat na mayroong anim na guro na lamang dahilan ng pag-alis ni Mr.

Mondeñedo at sa 22nd hanggang 24th ARTDE ay mayroong pitong guro ang paaralan. Ang bilang

ng mga guro sa 25th ARTDE ay walo.

Sina Charles J. Anderson, Harry J. Hawkins, Clifton Earl Workman, Felisa Mercado,

Guillermo Bayan, Henry Wise, May Swanson-Wise, Mariano Mondeñedo, Simeon

Madlangsakay at Maria del Rosario-Mondeñedo, Guadalupe de las Alas, Carlos Bayot, Jacinto

Dili-Dili, Nieves Mojica Catuncan, Camilo V. Guevara, Basilio Viado, Pedro Creencia, Eulogio

M. Acuña at Conchita Riego ang mga naging guro sa Intermedia ng Indang noong 1904-1925.

Page 41: Indang Intermedia Full

KABANATA 14

ANG MGA NAGSIPAGTAPOS SA INTERMEDIA NG INDANG

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng mga nagsipagtapos sa Intermedia ng Indang mula

ng taong 1927 hanggang 1928. Ang mga impormasyon o datos na naitala ay nakalap sa

pamamagitan ng mga nilimbag na materyal ng Unibersidad ng Pilipinas at ng Philippine Normal

School, lumang pahayagan, magasin, pakikipanayam sa mga mamamayan at ang mga record nila

sa pamahalaan. Nakatulong din dito ang listahan mula sa souvenir program ng Don Severino

Agricultural College na inihanda ng Buhay Committee. Sanhi ng kawalan ng sapat na panahon

at resources ay may ilang detalye ukol sa mga nagsipagtapos ang hindi nalaman.

Noong taong 1907, ang mga nagsipagtapos sa nabanggit na paaralan ay sina Guadalupe

de las Alas, Maria Erce Matias, Isaac Mojica, Aproniano Rojales, Paz Vida, Demetrio Creencia

at Simeona Salgado. Samantala, sina Filomena Aviñante, Eugenia Mojica, Eufrancia Costa,

Matilde Condicion, Gertrudes Estuar, Dorotea Malabanan, Olimpio Ortega, Guadalupe

Pelimiano, Genaro de la Cruz, Braulio Panganiban, at Atilano de Lara naman ang mga

nagsipagtapos ng taong 1908.

Napag-alaman na noong taong 1909 ay binubuo ng walong mag-aaral ang nakapagtapos

dito. Ito ay kinabibilangan nina Cristeta Angeles, Corazon Aure, Librada Buhay, Artemio

Coronel, Josefa Roman, Maria Ramos, Trinidad Varias at Carlos Bayot. Taong 1910 naman nang

sina Juana Penales, Benito Rojales, Alejo Ramos, Crisanto Vidamo, Teofilo Novero at Maximo

Pereño ang mga nagsipagtapos.

Nang sumunod na taon naman, ang mga grumadweyt ay sina Pablo de las Alas, Lorenzo

Aure, Melquiades Creencia, Soledad Madlangsakay, Crispin Llamado, Patricia Novero, Juan

Penalba, Petra Romera, Tomas Rosete, Jacinto Dilidili at Feliciano Hicaro na sinundan nina

Modesto Anacay, Luis Bayot, Tomasa Lopez, Nieves Mojica, Gregorio Plata, Guillermo Rodil,

Nestorio Mojica, Arsenio Montoya Bayla, Lorenzo Cruz, Anacleto Panganiban, Severino

Tibayan, Simeona Diokno, Gregoria Garcia, at Atanacio Lovina noong taong 1912.

Taong 1913 ng magtapos sa pag-aaral sina Miguel Bayot, Emilio Leachon, Simeon

Montoya, Severo Marquez, Agapito Castillo, Simeon Romilla, Nazario Erni, Francisca Esguerra,

Julio Rosas, Agapito Fello, Arcadio Ambion, Camilo Guevara, Macaria Costa, Gregoria Diokno,

Juana Bayot, Maria Mojica, Amado Ortiz, Silvestre Perez, Valentin Rodil, Isayas Vidamo, at

Rosa Castillo. Ang mag-aarala naman na sina Maria Corazon Aure, Eulogio Acuña, Gregorio

Page 42: Indang Intermedia Full

Fidel, Pablo Feranil, Maria Rodriguez, Leon Villanueva, Severino Diokno, Marcos Panganiban,

Miguel Perlado, Pedro Rojales, Sebastian Garcia, Manuel Ramos, Sabas Ramos, Hilarion

Crucillo at Pablo Dimapilis naman ang nagsipagtapos nang sumunod na taon.

Sina Teofilo Baybay, Jose Caparaz, Leopoldo Coronel, Conrado Costa, Pedro Creencia,

Felisa Costa, Basilio Viado, Alejandro Romerosa, Cresenciano Vicedo, Eduardo Velasco,

Concepcion Punongbayan at Cayetana Romera ang grumadweyt ng taong 1915 at taong 1916

naman nagtapos ang batch nina Cornelia Aviñante, Jose Asuncion, Feliciano Buhay, Bernardo

Baybay, Paulino Costa, Anacleto Peliño, Angela Peñaflorida, Gregoria Esguerra, Benjamin

Santos, Marcela Salazar, Laureano Ferrer, Toribio Mercado, Alfredo Pio de Roda, Candelaria

Gatmaitan, Luis Mojica, Isidora Pio de Roda, Margarita de las Alas, Alejandro Ambion, Marcela

Ambion, Alejandra Tanael, Roseta Vida, Antonio Bautista, Eulogio Vidallon, at Florencio

Ilagan.

1917 naman ang taon ng ang grupong kinabibilangan nina Gregorio Aure, Gerardo

Aterrado, Carmen Candare, Angel Mojica, Gabriel Madrazo, Josefa Coronel, Buenaventura

Leyran, Maximina Feranil, Brigido Villanueva, Felipe Rint, Maria Gonzales, Florencia Rodil,

Praxedes Romilla, Pacita Peñaflorida, Primitivo Garcia, Engracia Lavina, Rafael Madriago,

Constancia Mateo, Agrifina Mojica, Silvestre Tibayan, Rosario Villanueva, Maria Coronel,

Maria Costelo, Balbino Dimapilis, Severino Ferma, Marcos Ferrer, Roque Aure, Felix Asuncion,

at Brigido Ambion ay nagsipagtapos. Dagdag pa dito sina Anastacia de las Alas, Leopoldo Aure,

Joaquin Espineli, Jose Ocampo, Fidela Espineli, Francisca Mayuga, Magdalena Mayuga,

Magdalena Esguerra, Pedro Hernando, Manuel Montenegro, Maria Peji, Maria Ronaldo, Rafael

Tiki, Leonila Cruz, Gregoria de la Cruz, Maria de la Cruz, Atilano Espineli, at Lorenzo Avilla

noog 1918.

Nagtapos naman noong taong 1919 sina Paterno Bayan, Maria Esguerra, Felix Feranil

Villa, Maria Vida(Alonso), Cornelio Crucillo, Miguel Ocampo, Francisco Costa Panganiban,

Ma. Conchita Riego, Manuela Salazar, Mamerta Arevalo, at Eusebio Bataclan, at ang mga

grumadweyt ng sumunod na dalawang taon ay sina Pedro Erce, Juan Guevarra, Maura

Panganiban(Gil), benvenuto Perey, Petra Salazar, Dominador Resell, Jose Marinduque, Leon

Leano, Eriberto Umali, Melququiades Austria, Maria Roseus, Tomas Candare, Teodoro

Francisco Romerosa, Marcos Rosarda, Mateo Diloy, Lope Dimayuga, Lorenzo Maraan.

Sinundan naman sila nina Bernarda Llorente, Dominga Alano, Alfredo Guevarra, Juan Peginia,

Page 43: Indang Intermedia Full

Delfin Buhay, Vicenta Ocampo, Gaudio Costa, Sotero Bay, Matias Costelo, Lope Mayuga,

Julian Cueno, Eusebio Traba, Macaria Callejas, Pascuala Penales, at Maxima Guevarra noong

taong 1922.

Ang mga nagsipagtapos naman noong huling dalawang taon (1927-1928) kinabibilangan

nina Anatolio Aterrado, Francisco Creencia, Filomeno Diokno, Aurelio Panganiban, Jose

Vidamo, Teodoro Cruz, Primitivo Crucillo, Isabelo Huerto, Mauricio Lopez, Atanacio Mardo,

Antonio Creencia, Isaac Marges, Maximino Monges, German Pacia, Julian Rodis, Martiniano

Rosel, Galicano Sumagui, Malanio Salgado, Diosdado Vida, Crispin Petelo, Anselmo Lesarda,

Basilio Sierra, Maximo Llorente, Arcadio Matilla, Macario Panganiban, Eusebio Espineli,

Emerito Guerre, Roman Halos at Santiago Vidamo.

Mula sa mga nakalap na impormasyon ukol sa mga nabanggit na tao sa itaas ay

mapapansin na malaki ang naitulong ng Intermedia upang magkaroon ng magandang

kinabukasan ang mga mamamayan. Ang ilan sa kanila ay naging guro, abogado, pulis,

agriculturist at iba pang propesyon. May ilan pa sa kanila na nakapagpatuloy ng pag-aaral sa

Unibersidad ng Pilipinas at Philippine Normal University upang mas palawakin ang kanilang

kaalaman.

Ilan sa mga mag-aaral na nagsipagtapos noong taong 1920 na nakapagpatuloy ng pag-

aaral sa UPLB ay sina Candido Bayot, Eusebio Bataclan, Lorenzo Esguerra, Melanio Calinisan,

Abundio Mojica, Eugenio Pelle, Juan Fidel, Svero Rea, Maximo Pepa, Gabino Buhay, Ciriaco

Acuña.

Sina Benito Aterrado, Arsenio Austria, Eusebio Baes, Guillermo Bautista, Jose Buhay,

Emilio Calleja, Gavino Diloy, Nicanor Espineli, Teofilo Ilagan, Felipe Ligtas, Dominador

Macenas, Jose Marinduque, Daniel Mojica, Doroteo Mojica, Emiliano Mojica, Francisco del

Mundo, Primitivo Perey, Bernardo Pulido, Alejandro Romerosa ang mga nakapagtapos ng taong

1923 na sila ring nakapagtapos ng hayskul noong taong 1927.

Ang mga nagsipagtapos sa intermedia noong 1924 at nagtapos rin sa Indang Rural Hagh

School noong 1928 ay binubuo nina Lorenzo Aure, Salvador Aure, Maximino Cortez, Hilario

Dime, Pastor Manalo, Santiago Mojica, Obeneferedo Peňa, Florencio Petelo, Pablo Rocillo,

Abundio Rodriguez, Pedro Romera, Abundio Rodriguez,Artemio Vinzon.

Samantala, sina Fidel Rosanes, Maria Aure Dimapilis, Filoteo Rodis, Felix Mojica

Esguerra, Pedro Hernais, at Gregorio Dimapilis ang mga estudyante naman ng Intermedia ng

Page 44: Indang Intermedia Full

Indang na hindi nakasama sa listahan ng mga nagsipagtapos. Ang mga taga-Timugang Cavite na

nagsipagtapos sa Unibersidad ng Pilipinas na posibleng nag-aral sa Intermedia ng indang ay

kinabibilangan nina Aure Bartolome, Gaudencio Rogado, Sulpicio Lesarda, Feliciano Nuestro,

Ana Erce, at Paulina Ocampo.

Page 45: Indang Intermedia Full

EPILOGO

Ang pag-unawa sa kasaysayan ng Cavite State University bilang isang paaralang

intermedia ay naging susi upang maintindihan ang kalakaran sa paglitaw ng kasalukuyang

kolehiyo at unibersidad sa Pilipinas. Ang intermedia ay bahagi ng paaralang panlalawigan na

may sariling gusali at malawak na lupa. Ilan sa mga intermedia ang naging Farm School ay

nakarating sa antas ng pagiging pamantasan.

ANG PAG-UNLAD NG INTERMEDIA NG INDANG SA PAGLIPAS NG PANAHON

Taong 1927 nang ang Indang Farm School na mula sa intermedia ay naging paaralang

sekondarya na nakilala bilang Indang Rural High School.Naging pambansang paaralan ito noong

1961 na kilala bilang Don Severino National Agricultural School. Ito ay nakonberte bilang Don

Severino Agricultural School nang taong 1964 hanggang 1998 sa bisa ng Batas Republika 3917

at napabilang sa kategoryang kolehiyo ng estado hanggang sa huling buwan ng taong 1997. Sa

bisa ng Batas Republika 8468 ang institusyon ay ginawang pamantasan na ngayon ay kilala sa

katawagang Cavite State University.

MGA IMPRESYON MULA SA PAG-AARAL

Ang mga sumusunod ang impresyon na nalagom ng mananaliksik ukol sa pag-aaral ng

kasaysayan ng institusyon:

1. Ang malalim na kasaysayan ng Indang ay nag-ugat sa pagpapahalaga sa edukasyon ng mga

mamamayan nito.

2. Ang lokasyon nito ay nabigyan ng kaukulang kompensasyon sa pagkakatalaga ng mga

misyonerong Jesuita na nagpakilala ng pormal na edukasyon sa pueblo.

3. Ang edukasyon ay isang mahalagang bagay sa bayan ng Indang noong panahon ng mga Espanyol

na makikita sa pagkakaroon nito ng escuela at planong pagsasaayos ng paaralan noong 1891.

4. Itinatag ni Don Severino de las Alas sa Indang ang Latinidad noong 1895. Makikita mula dito na

nais niyang maging sentro ng Edukasyon sa Katimugan ng Cavite ang Indang.

5. Sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano ay binuksan nila ang paaralang pampubliko sa

Indang kung saan tinuro nila sa mga kabataan ng bayan ang pakikilahok sa mga gawaing

pampamahalaanat sistemang pangkabuhayan.

6. Inirekomenda ni Hammon H. Buck noong 1902 ang pagpapatayo ng ikalawang paaralang

panlalawigan sa Indang na ang layunin ay bigyang oportunidad ang mga mag-aaral ng kabilang

kabisera na magkaroon ng mataas na edukasyon.

Page 46: Indang Intermedia Full

7. Malaking kontribusyon ang nagawa ng Thomasite na si Charles J. Anderson na nanungkulan

bilang unang supervising teacher ng Indang mula Enero 1,1903 hanggang Marso 30,1905 upang

maitatag ang Intermedia ng Indang.

8. Ang paaralang intermedia ng Indang ay batay sa rasyonal na pagsasaliksik.

9. Ipinanukala ng taong 1904 ni Superintendent Sydney Campbell na ang magiging pokus ng pag-

aaral sa paaralang sekondarya sa Indang ay ang ispesyalisasyon sa pagsasaka.

10. Noong Marso 1907 ay naganap ang inagurasyon ng paaralan bilang Indang Agriculrural School.

Nabigo ang Kawanihan na gawing paaralan ng pagsasaka ang intermedia.

11. Si Cocannouer ang unang nagtaguyod ng pagtuturo ng siyentipikong pagsasaka sa intermedia ng

Indang kung saan kinumpara niya ang pamamaraan ng kanyang pangangasiwa sa bisyong

pampilosopiya ni Dr. Henry J. Waters na naging sanhi upang ang intermedia ay tawaging Indang

Farm School.

12. Ang Cavite High School at Indang Intermediate School ang dalawang paaralan na naitatag sa

Cavite noong panahon ng pananakop ng mga Amerikano. Napanatili ng nauna ang kanyang

istatus bilang paaralang sekondarya dahil sa availability at accessability nito sa ibang matataas na

antas na paaralan sa lalawigan at Maynila. Samantalang ang intermedia ng Indang ay dumaan sa

proseso ng progresyon bunga ng mga pagbabago nag programa na naganap sa Kawanihan ng

Edukasyon.

13. Ang kabuhayan at politika ay ilan sa mga konsiderasyon sa pagkakatayo at dinamismo sa pag-

unlad ng institusyon.

14. Ipinagkatiwala sa mga bisyonaryo, kwalipikado, matatalino at may integridad na pinuno ang

pangangasiwa sa pamamaha;a ng paaralan.

15. Ang mga guro ng intermedia ay nagsilipat sa iba’t ibang paaralan sa lalawigan at ibang dako ng

kapuluan na siyang indikasyon na ang mga guro nito ay mahuhusay at may potensyal sa

edukasyon.

16. Ang retensyon at admisyon ng mga mag-aaral sa intermedia at mababang bayarin sa pag-aaral ay

salik upang magkaroon ng mga mahuhusay na mag-aaral na may kontribusyong kahanga-hanga

sa lipunan.

MGA REKOMENDASYON

Ang pag-aaral na ito ay nagpapanukala ng mga sumusunod:

1. Iminungkahi na ipadala ang pag-aaral sa National Historical Institute upang maging batayang

pangkasaysayan sa pagkakaloob ng isang opisyal na historical marker para sa ating pamantasan.

Page 47: Indang Intermedia Full

2. Inirekomenda nang pag-aaral na ito na iwasto ng paaralan ang tunay na taon nang pagkakatatag

ng institusyon sa taong 1904 mula sa nakagisnang paniniwala na 1906.

3. Kilalalnin ng CvSU na ang kanyang eksistensya ay resulta ng inisyatibo ni Hammon H. Buck

para sa magkaroon ng ikalawang paaralang panlalawigan sa Katimugang Cavite noong 1902.

4. Ang mga pagsisikap, ekspertisyo at bisyonaryong aktibidad ni Mr. Charles J. Anderson ay

nararapat na pagkalooban ng pagkilala ng Cavite State University. Ito ay sa pamamagitan ng

paglalagay sa kaniya sa unahan ng listahan nang mga namuno sa institusyon.

5. Maitala sa listahan ng namuno sa institusyon ang pangalan ni Mr. Harry J. Hawkins bilang

ikalawang pinuno ng institusyon.

6. Ang pagtutuwid sa listahan ng mga naging principal ng institusyon mula sa pagiging “una” tungo

sa pagiging pangatlong principal ni Mr.Clifton E. Workman.

7. Mapagkalooban ang mga sumusunod na pinuno at guro ng paaralan ng isang pang-alaalang

bulwagan:

a. Charles J. Anderson - isang bulwagan sa Gusali ng administrasyon ng Cavite State University.

Ispesipiko, ang bungad na bulwagan ng CvSU Administration Building.

b. H. J. Hawkins – isang bulwagan sa College of Engineering dahilan sa kaniyang kontribusyon

sa pagtatayo ng mga temporaryong gusali sa mga baryo sa Silang at pagtatapos ng gusaling

intermedia ng Indang. Sa kanyang kapanahunan naitayo ang isa sa mga mahahalagang paaralang

pambaryo sa Indang – ang paaralang primarya ng Kaykiwit.

c. C. E. Workman – isang bulwagan partikular ang audio-visual room sa College of Arts and

Science dahilan sa kanyang pangunguna sa pagtuturo ng wikang Ingles sa lalawigan ng Cavite na

ipinakita sa ginanap na Teachers’ Normal Institute sa S. F. Malabon noong 1910.

d. Henry Wise – isang bulwagan sa College of Education dahilan sa kanyang kahusayan bilang

guro upang ang marka ng mga mag-aaral sa Indang ay nakakataas ng higit sa average

performance ng mga mag-aaral sa lalawigan ng Cavite. .

e. Joseph A. Cocannouer – higit pang pag-aralan ang kaniyang mga naging kontribusyon sa

makabagong pagsasaka at magiging kaangkupan na ang pangunahing edipisyo ginagamit ng

Kolehiyo ng pagsasaka sa kasalukuyan at sa magiging panibagong gusali ay perpetual na

tawaging Joseph A. Cocannouer.

f. Guillermo Bayan – isang bulwagan sa CvSU Silang, Campus.

g. Mariano Mondeňedo – isang bulwagan sa alinmang gusali ng College of Veterinary Medicine

o sa gusali ng Animal Science.

h. Simeon Madlangsakay – Isang bulwagan sa gusali ng kasalukuyang CVSU Science High

School.

Page 48: Indang Intermedia Full

i. Felisa M. Mercado – Isang bulwagan sa magiging permanenteng gusali ng CvSU – Silang

Campus. Ito ay bilang pagkilala sa unang gurong Pilipina na naglingkod sa ating instusyon.

j. Guillermo Bayan – Isang bulwagan sa magiging permanenteng gusali ng CvSU – Silang

Campus. Ito ay bilang pagkilala sa unang gurong Pilipino na naglingkod sa ating

instusyon.

8. Iminumungkahi sa Distritong Pang-edukasyon ng Indang na ituwid ang kanilang listahan ng mga

naging supervising teacher na nagsimula lamang noong 1927 at iusod ang kronolohiya ng mga

namuno sa distrito mula sa taong 1901 sa mga sumusunod na kaayusan:

a. J. M. Krauss

b. C. J. Anderson

c. H. J. Hawkins

d. C. E. Workman

e. Henry Wise

f. Fernando Matro

g. Lorenzo Cruz

h. Gabriel Salgado8

i. Macario Gonzales

j. Marcos Olaso

k. Ang mga sumunod na pangalan ay nasa kanila ng talaan at mayroon ng mga larawan sa

kanilang tanggapan.

9. Ipinaalam sa Paaralang Sentral ng Indang, na ang kanilang taon ng pagkakatatag ay ayon sa

kaayusan ng kasaysayan ng edukasyon ng Pilipinas na ang ginagamit na panimulang reperensiya

ay ang panahon ng Amerikano- sa ganito, ito ay natatag noong 1901 sa matandang escuela ng

Indang at nalipat sa kasalukuyang lokasyon sa taong 1905.

MGA PANGHULING REKOMENDASYON

Ang pag-aaral na ito ay tumatalakay lamang sa unang yugto ng institusyon at maaring

pag-aralan ang mga sumusunod na yugto: Indang Rural High School, Don Severino Agricultural

School, at Don Severino Agricultural College. Mayroong madaliang pangangailangan na

masundan ang pag-aaral na ito lalo na sa yugto nito bilang Indang Rural High School dahil sa an

gang mananaliksik ay nakatagpo ng ilang matatandang mamamayan sa Katimugang Cavite na

nagsipagtapos sa paaralan na maaaring makunan ng impormasyon ukol sa kanilang karanasan sa

Page 49: Indang Intermedia Full

paaralan. Magiging isang malaking kasalanan ng institusyon sa kaniyang kasaysayan kung

mapapabayaang sinupin ang kanilang mga memorya.

Hinihiling na rin na sa susunod na pag-aaral ay maglaan ang pamantasan ng sapat na

pondo para sa pagsasaliksik at pagpapalimbag.

Ipinapaalala nito na tungkulin ng pamantasan na magsilbing tagasinop ng mga cultural na

pamana ng lalawigan ng Cavite nang sa paglipas ng panahon ay masasagot nila ang katanungan

kung bakit pinabayaan ng institusyon ang responsibilidad sa pagsisinop ng mga ganitong bagay.

Page 50: Indang Intermedia Full

BUOD NG INTERMEDIA NG INDANG

Sa pagdaan ng panahon, ang Cavite State University na isang institusyon sa Rehiyon ng

CALABARZON, ay ilang beses nagkaroon ng pagpapalit ng pangalan at antas ng kaalaman na

ipinagkakaloob sa mga mag-aaral nito. Ito, na noon ay tinatawag na Indang Rural High School

ay nasa ika-37 taon ng paglilingkod bilang pangalawang paaralang sekundarya sa lalawigan bago

maganap ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang unang kasaysayan nito ay naisulat ng

Historical Committee sa History of the Don Severino Agricultural College kung saan ang

listahan ng mga nagsipagtapos sa paaralan mula 1907 hanggang 1967 ang piakamahalagang

kontribusyon ng Komite. Sinasabi ng mga pag-aaral na naisagawa na ang tunay na araw ng

pagkakatatag nito ay noong 1905 at hindi 1906.

Ang pag-aaral ayn agsimula sa Indang sa pamamagitan ng kahiligan ng mga mamamayan

nito sa edukasyon. Nakilala sa pag-aaral si G. Hammon H. Buck na siyang deputy assistant

superintendent (1901) at superintendent (1902-1903) ng mga paaralan sa lalawigan. Sa panahon

ng kanyang pamumuno ay itinatag ang Cavite High School ngunit kasabay nito ang kanyang

panukala na magkaroon ng ikalawang paaralang panlalawigan para sa Katimugang Cavite.

Bilang isang paaralang intermedia ay nagkaroon ito ng pitong bisyonaryong principal at

ang institusyon ay nakapagtala ng maraming tagumpay at karagalan. Naging guro sa paaralang

primary sa Indang si J. M. Krauss na ang pagsasanay ay nakapokus sa adbaseng metodolohiya ng

pagtuturo. Sa pag-alis ni Krauss ay si Mr. Charles John Anderso ang naitalagang kapalit niya sa

pangangasiwa sa edukasyon ng bayan. Ginampanan niya ang kanyang katungkulan bilang

supervising teacher at siya ang pumili ng lupang pagtatayua ng paaralang Sentral sa Indang.

Napagpasyahan ng Kawanihan ng Edukasyon na magkaroon ng pagtuturo ng kursong

intermedia. Ang mga kurso na ipinagkakaloob nito ay pagsasaka, pagtuturo, kaalamang

pantahanan, negosyo at kalakalan. Ang intermedia ng Indang ay nagbukas noong Hunyo 19,

1904 at Hunyo 20, 1904 naman ng magsimula ang klase ito.

Noong Marso 30, 1905 ay inilipat si Mr. Harry J. Hawkins sa Indang bilang kahalili ni

C.J. Aderson at aaungkulan siya bilang principal ng paaralan. Nakasama niya sa paglilingkod sa

intermedia sina C.E. Workman, guro sa araling pagsasaka at si Felisa Mercado, unang gurong

Pilipino sa Intermedia g Indang. Sa taong 1906, ag pinakamahalagag kaganapan sa Indang ay

ang pagbubukas ng gusaling intermedia na siyang naging katuparan sa pagkakaroon ng isang

Page 51: Indang Intermedia Full

modernong gusaling paaralan at simbolo ng Indang bilang pangalawang sentro ng edukasyon sa

Cavite.

Si Mr. Clifton Workma ang sumunod na nangasiwa sa intermedia. Siya ay naipagkamali

na unang principal ng Intermedia ng Indang dahil siya ang naabuta ng mga mag-aaral na

nangangasiwasa itinayong gusali ng paaralan at principal noong nagtapos ang mga mag-aaral ng

taong 1907. Nang taong 1907-1908, naiulat ng Direktor ng Edukasyon na hindi pumasa ang

paaralan sa pamatayan ng Kawanihan dahil sa kaliitan ng lupa nito at kawalan ng maayos na

irigasyon at hindi pagtutok ni Workman sa pagkadalubhasa ng mga mag-aaral sa araling

agrikultura.

Humalili si Mr. Henry Wise kay Workma bilang principal ng intermedia at supervising

teacher ng Idang noong taong pampaaralang 1908-190. Nagkaroon ng panukalang baguhin ang

kurikulum ng panahong ito na ang programa ay Intermediate Curriculum of 1909 na ang layunin

ay matutunan at magawa ng mga mag-aaral ang mga bagay na mapapakinabagan nila pagkatapos

ng kurso. Pinagsikapang pag-ibayuhin ni Wise ang aktibidad sa paghahalaman ngunit hindi pa

rin ito pumasa sa pamatayan ng kawanihan upang maging ganap itong Farm demonstration

School ngunit si Wise ay labis na hiahangaan sa kanyang kahusayan sa pagtuturo.

Ang sumunod na naging principal at supervising teacher ay si Joseph A. Cocannouer. Sa

panahon ng kanyang paunungkulan ay maraming magulang ng mga mag-aaral ang hindi

sumang-ayon sa pagbabago ng pokus ng pag-aaral kung saan ang general course na itinuturo ay

naging farming course. Piakilala sa mga Pilipino ang mga makabago at simpleng kagamitan sa

pagsasaka. Ipinakita niya sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng pamayanan na maaari nilang

makuhanan ng mga karagdagang kaalaman na itinuturo sa paaralan at ang pagtingin ng mga

magsasaka sa paaralan bilang isang intitusyong pambayan. Nagkaroon ng problema gaya ng

kakulangan sa bigas, pamiminsala ng mga hayop sa mga taniman at pagkasira ng mga pananim

dahil sa panahon ng tagtuyot noon. Nakapagpatayo ng Dam at hydraulic ram na nagdulot upang

magkaroon ng sapat na tubig para sa pananim ng IFS. Nakilala si Cocanouer bilang isang

principal na dalubhasa sa agrikultura base sa The Philippine Craftsman. Nanalo ang paaralan gg

ikalawang pwesto ng magkaroon ng insular exhibit sa Maynila kung saan ang paaralang ito ang

kumatawan sa lalawigan ng Cavite. Sinimula ang pag-aalaga ng Cantonese chicken at ito ang

kauna-unahang produkto ng itermedia na lumabas sa ibang paaralan sa Pilipinas at ang mga

gawa ng IFS ay naipadala rin sa pandaigdigang exhibit.

Page 52: Indang Intermedia Full

Isa si Guillermo Bayan sa gurong naglingkod sa Intermedia ng Indang at pumalit kay

Felisa Mercado. Siya ay mas kilala bilag Maestrong Emong. Nang siya ay magretiro sa pagtuturo

ay pinangasiwaan niya ang pagpapatayo ng monumento ni Rizal sa Silang na natapos noong

Enero 18, 1918.

Naitalaga bilang unang Pilipinong principal ng Indang Farm School si Mariano

Mondeñedo noong 1915. Sa panunungkulan niya sa Intermedia ay itinakda ang pagsasaka at

paghahayupan bilang ispesipikong linya ng kahusayan na naging dahilan ng pagdami ng mga

mag-aaral nito. Lumaki ang kita ng paaralan ngunit sa huling taon ng panunungkulan ni

Mondoñedo ay naging suliranin ng paaralan ang pagpapatayo ng bagong gusali at pagbili ng mga

kagamitan sanhi ng kakulanga sa badyet.

Taong 1919, si G. Madlangsakay ay nanungkulan bilang punongguro ng Indang Farm

School. Ilan sa mga programang ipinatupad niya noon sa paaralan ay ang paggamit ng wikang

Ingles, panukala sa mga agricultural na paaralan na ang pokus ay ang partikular na pananim gaya

ng palay, prutas, at tabako at nagkaroon din ng food campaign dito. Naipagkaloob sa IFS ang

kursong sekundarya noong Hunyo 23, 1923 na hindi nagtagal ay napalitan ang pangalan ng

Indang Rural High School.

Ang mga naging guro ng Intermedia ng Indang noong 1904-1925 ay sina Charles J.

Anderson, Harry J. Hawkins, Clifton Earl Workman, Felisa Mercado, Guillermo Bayan, Henry

Wise, May Swanson-Wise, Mariano Mondoñedo, Simeon Madlangsakay, Maria Mondoñedo,

Guadalupe de las Alas, Carlos Bayot, Jacinto Dili-Dili, Nieves Mojica Catuncan, Camilo

Guevara, Basilio Viado, Pedro Creencia, Eulogio Acuña at Conchita Riego. Samantala,

maraming mag-aaral na nagsipagtapos sa Intermedia ang naging propesyonal at ang ilan ay

nakapagpatuloy pa ng pag-aaral sa UPLB at Philippine Normal University.

Page 53: Indang Intermedia Full

REAKSYON

Nakakatuwang isipin na mayroong mga tao na gaya ni Daniel Anciano ang nagnanais na

malaman ang kasaysayan o pinagmulan ng mga bagay-bagay sa ating paligid. Sa ginawa niyang

pag-aaral ay makikita ang hirap na kanyang dinanas at problemang kinaharap upang masuplayan

ang mga pira-pirasong impormasyon ukol sa institusyon. Isang magandang aklat ang naging

resulta ng paghihirap niya mabuo lamang ito.

Mahalaga ang parteng ginagampanan ng paaralan na may layuning makalikha ng mga

mag-aaral na may kakayahang makibahagi at humarap sa mga hamon ng pandaigdigang

kompetisyon. Ang pagsulat niya ng Indang Intermedia ay makakatulong ng malaki lalo na sa

mga mag-aaral na tulad ko maging sa iba pang mamamayan na mamulat at magkaideya kung

paano naitatag, napangasiwaan at kung ano ang mga nangyari sa institusyon sa paglipas ng

panahon. Dagdag pa rito, nakatulong ito upang irekognisa o makilala ang mga tao na may

malaking ginampanan sa institusyon upang matamo nito ang kasalukuyan nitong kinalalagyan sa

lipunan at ngayon nga ay kinikilala na sa pangalang Cavite State University na isang

pangunahing pamantasan sa Rehiyon IV-A.