36
KABANATA 5 ANG PANIMULANG TAON NG INTERMEDIA NG INDANG 1904-1905 Start by doing what's necessary; then do what's possible; and suddenly you are doing the impossible. St. Francis Ang Rasyonal sa Pagtatayo ng mga Paaralang Intermedia Hindi maiiwasan na ipagtaka nang mga mambabasa kung ano ang kahalagahan ng paaralang intermedia sa ginagawang pagtalakay sa pag-aaral na ito. Ito ay dahilan sa nakagisnan na ng ating henerasyon ang kaayusan ng paaralang elementarya na binubuo ng dalawang magkabukod na kurso – ang primarya mula sa Grade I hanggang III at ang intermedia mula Grade IV hanggang VI. Subalit sa mga unang dekada ng edukasyong Amerikano ito ay magkaiba at ang mga gusaling paaralan ay magkaiba. Higit na makikita ang kawalan ng isang paaralang elementarya sa unang dekada ng pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas sa ginawang panayam sa dating Thomasite na si Mrs. Maud Jarman noong October 22, 1955: Q. Tell me about your experience in Davao. Did you teach in the elementary? A. There was no elementary then; just primary. 1 Bilang pag-uulit sa mga natalakay na, ang unang anyo ng paaralang pampubliko na itinatag ng mga Amerikano sa taong 1901 ay ang mga paaralang primarya sa mga munisipalidad ng Pilipinas. Ang paaralang ito ay binubuo ng Grade I hanggang III. Sa taong 1902 ay 1 Pecson at Racelis. Tales of the American Teachers in the Philippines. (Manila, Carmelo & Bauermann, 1959) 87. 58

Intermedia ng Indang - Kabanata 05

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Intermedia ng Indang - Kabanata 05

KABANATA 5ANG PANIMULANG TAON NG INTERMEDIA NG INDANG 1904-1905

Start by doing what's necessary; then do what's possible; and suddenly you are doing the impossible.

St. Francis

Ang Rasyonal sa Pagtatayo ng mga Paaralang Intermedia

Hindi maiiwasan na ipagtaka nang mga mambabasa kung ano ang kahalagahan ng paaralang intermedia sa ginagawang pagtalakay sa pag-aaral na ito. Ito ay dahilan sa nakagisnan na ng ating henerasyon ang kaayusan ng paaralang elementarya na binubuo ng dalawang magkabukod na kurso – ang primarya mula sa Grade I hanggang III at ang intermedia mula Grade IV hanggang VI. Subalit sa mga unang dekada ng edukasyong Amerikano ito ay magkaiba at ang mga gusaling paaralan ay magkaiba. Higit na makikita ang kawalan ng isang paaralang elementarya sa unang dekada ng pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas sa ginawang panayam sa dating Thomasite na si Mrs. Maud Jarman noong October 22, 1955:

Q. Tell me about your experience in Davao. Did you teach in the elementary?A. There was no elementary then; just primary.1

Bilang pag-uulit sa mga natalakay na, ang unang anyo ng paaralang pampubliko na itinatag ng mga Amerikano sa taong 1901 ay ang mga paaralang primarya sa mga munisipalidad ng Pilipinas. Ang paaralang ito ay binubuo ng Grade I hanggang III. Sa taong 1902 ay itinatag naman ng mga Amerikano ang ilang mga paaralang panlalawigan para sa kursong sekondarya sa bawat kabisera ng mga lalawigan ng Pilipinas. Sa paaralang sekondarya ay ipinagpapatuloy ng mga mag-aaral na nagtapos sa kursong primarya ang kanilang mga pag-aaral. Sa kaso ng Cavite, ang unang pampublikong paaralang sekondarya sa lalawigan ay ang Cavite High School na natatag noong 1902 at ang mga unang nag-aral dito ay ang mga kabataan na nagtapos sa matandang kurikulum na Espanyol sa mga paaralang primarya sa mga bayan ng Cavite na inabutan ng pananakop. 1 Pecson at Racelis. Tales of the American Teachers in the Philippines. (Manila, Carmelo & Bauermann, 1959) 87.

58

Page 2: Intermedia ng Indang - Kabanata 05

Intermedia ng Indang / Anciano

Bago pa man nagbukas ang taong pampaaralan ng 1903-1904, pinag-ukulan na nang atensiyon ng Kawanihan ng Edukasyon sa Maynila ang suliranin ukol sa malaking bilang ng mga mag-aaral na magtatapos ng kursong primarya sa Marso 1904. Katunayan isang taon pa man bago maganap ang pagtatapos ng mga unang batch ng nakakumpleto ng primarya sa bagong tatag na sistemang pang-edukasyon ng mga Amerikano na pinasimulan noong 1901 ay tinalakay na sa Superintendents’ Convention noong Marso 23-27, 1903 ang panukala sa pagkakaroon ng preparatoryong klase sa mga mag-aaral na lilipat mula sa primarya upang maka-agapay ang mga ito sa mga mataas na antas ng aralin na ituturo sa kanila sa kursong sekondarya.2 Matatanaw ang rasyonalisasyon sa pagtatayo ng kursong intermedia sa pahayag na ito:

The provincial high schools are giving their attention in the current year almost exclusively to intermediate work. This condition is indicate if the careful effort that is being made to grade pupils no higher than is warranted by their facility in reading and writing English. Thus the intermedia te course represents the field of work in which great bulk of “advanced: teaching is being done. The three years of this of this course are dominated by Grade IV, V, and VI, respectively. With but few exemptions classes of Grade V and VI are found only in provincial high schools, but it is common to find cases of Grade IV in central municipal school which have been organized two years ago3

Maging sa pag-uulat ni Sydney K. Mitchell ng Cavite High School para sa taong 1904 ay nagpapakita na ang isa sa sangay

2

Inaanyayahan na basahin ang Minutes of Superintendents’ Convention na ginanap noong Marso 23-27, 1903, upang maunawaan ang kabuuang suliranin ng edukasyong pampubliko sa Pilipinas sa taong 1903. Kapapansinan ng pro-aktibong pagpaplano ang mga Amerikano sa hinaharap ng edukasyon. Sa taong 1904 ay kinaharap nila ang pagpaplano para sa pagtatayo ng isang American university in the Philippines na maaring pasukan ng mga mag-aaral na inaasahan nilang magtatapos ng hayskul sa taong 1907 at 1908.. 3

AROGSE 1904:27-28

59

Page 3: Intermedia ng Indang - Kabanata 05

KABANATA 5 – Panimulang Taon ng Intermedia 1904-1905

ng paaralang panlalawigan ng Cavite ay nagtuturo ng mga araling intermedia sa mga mag-aaral.4

Sa ginawang assesment ng mga mga pinuno ng kawanihan ay magiging biglaan ang paglilipat ng mga mag-aaral at hindi pa ganap na handa para sa mga aralin sa kursong sekondarya. Sa bahaging ito ay kinakailangan na magkaroon ng isang kurso sa pagitan ng primarya at sekondarya – ito ang kursong intermedia.5

Isa pang konsiderasyon na nakita ng Kawanihan sa pagbubukas ng mga paaralang intermedia sa mga importanteng mga bayan ay ang kalayuan ng mga panlalawigang paaralan sa mga malalayong munisipalidad. Ang mga estudyante na mula sa malalayong mga bayan ay kailangan ng malaking panahon at gugulin upang makapagpatuloy ng pag-aaral sa kabisera ng lalawigan. Ispisipiko ang ulat ng Dibisyon ng Cavite noong 1904 na nagpakita sa maliit na bilang ng mga mag-aaral na mula sa malalayong bayan ng Cavite ang nakakapag-aral sa Cavite High School.

Sa pagbalangkas ng kursong intermedia, ang higit na konsiderasyon ay ibinigay sa katotohanan na ang malaking bilang ng mga magsisipag-aral sa gradong intermedia ay hindi na makakapasok pa sa mga paaralang sekondarya, at ang pagtuturo na ipagkakaloob ay nararapat na isang paghahanda para sa angkop nilang bokasyon. Sa kadahilanang ito ang ispesyalisasyon ay nararapat na magsimula sa unang taon ng kursong intermedia. Karagdagan sa pangkalahatang kurso

4

Sydney K. Mitchelle. Report of Provincial School, July 12, 1904. Bahagi ng 5th ARPC Part 1: 462-464.

5 AROGSE 1904:29

60

Page 4: Intermedia ng Indang - Kabanata 05

Intermedia ng Indang / Anciano

(general course), na higit na akademiko sa kalagayan, kinakailangan na ito ay magkaloob ng sapat na panahon sa pagtuturo sa paghahalaman, domestic science, at kaalamang pang-industriya. Sa ganito ang limang kursong ipinagkakaloob sa paaralang intermedia ay ang pagsasaka, pagtuturo, kaalamang pantahanan, negosyo, at kalakalan. Nakapaloob sa limang magkakaibang kurso ang sapat na kaalaman pang-akademiko upang mapahintulutan ang mga nagtapos ng mga paaralang intermedia ay matagumpay na makapagpatuloy pa rin sa araling sekondarya.6

Sa harap nang nabanggit na suliranin at rasyonal ay pinagtibay ng Kawanihan ang isang mapagpasiyang patakaran sa kasaysayan ng edukasyon sa Kapuluan. Ang pagtatayo ng mga paaralang intermedia sa mga istratehikong munisipalidad upang ang mga mag-aaral na nasa kalapit bayan ay makapag-aral dito. Kaugnay nito ay inihanda ng Kawanihan ang isang curriculum na magiging programa ng pagtuturo para sa kurso.

Ang ambisyosong proyekto ng Kawanihan na makapagtayo ng maraming mga paaralang intermedia sa mga istratehiko o/at importanteng bayan sa Pilipinas ay nahadlangan ng limitadong pananalapi na laan para sa pagtuturong publiko.7 Sa ganitong kaayusan, noong 1903 at mga sumunod na mga taon, nagkaroon ng malaking karibalan ang mga pangunahing bayan sa Pilipinas upang mapili na pagtayuan ng mga paaralang panlalawigan (intermedia at sekondarya). Upang mapili ang isang bayan na pagtayuan ng panlalawigang paaralan ay gumawa ang mga mamamayan nito ng mga mga pangako ng pagbibigay ng lupa para sa ipapatayong paaralan at tulong pinansiyal para sa gastusin sa edukasyon.

Indang: Ang Paglalagyan ng Intermedia

Isa sa mga tiyakang nahayag kay C. J. Anderson ay ang sitwasyon ng edukasyon sa kabuuan ng kaniyang distritong nasasakupan. Magmula sa taong 1901 hanggang 1903, kung susundin ang laderisasyon ng grado ng mga mag-aaral sa bawat

6 15th ARTDE:14

7 Magastos ang pagtatayo at operasyon ng mga paaralang intermedia. Ito ay dahilan sa hiwalay ang lokasyon ng paaralang primarya at intermedia. Ang karagdagang gastusin ay sa aspekto ng operasyon dahilan sa karamihan ng mga klase sa intermedia ay kailangan pa na ang magturo ay mga gurong Amerikano na higit na malaki (doble) ang suweldo kumpara sa mga gurong Pilipino.

61

Page 5: Intermedia ng Indang - Kabanata 05

KABANATA 5 – Panimulang Taon ng Intermedia 1904-1905

taon sa ilalim ng edukasyong Amerikano ay ang nalalapit na pagkakaroon sa kaniyang distrito (Indang at mga karating bayan) ng mga mag-aaral na magtatapos sa kursong primarya. Ang mga mag-aaral na ito ay nangangailangan na pumasok sa kursong intermedia na magaganap sa taong pasukang 1904-1905. Ang malaking bilang ng mga mag-aaral na papasok sa intermedia at kalayuan ng distrito ni C. J. Anderson sa kabisera ay siyang naging mahalagang salik sa pagkakapili sa Indang upang maging sentrong pang-edukasyon sa Katimugang Cavite.

Sa kalakaran, nakibahagi ang mga pinunong bayan ng Indang sa pamamagitan ng local school board at konseho ng munisipalidad sa karibalan ng mga bayan sa Cavite upang mapiling pagtayuan ng isang paaralang panlalawigan. Tahimik pa ang mga dokumentong pangkasaysayan sa bahaging ito, subalit ang nakalipas na pagkilos ng mga naunang konseho ng Indang noong 1891 para pagtayuan ng isang maayos na paaralan at ang pagkakasalansan ng mga prosedyur na legal na nakasaad sa mga sirkular pang-edukasyon sa unang taon ng pananakop ng mga Amerikano ay titiyak na muling dumaan ang mga pinunong bayan ng Indang sa magkaparehong proseso ng isang determinadong paghahanda at pagkilos. Kasama na rito ang maagang pagdulog ng mga petisyon upang ipakita sa pamahalaang panlalawigan at insular ang higit na pangangailangan na maitayo ang isang paaralang panlalawigan sa kanilang bayan.

Mayroong mga mahalagang salik upang ang petisyon ng Indang na mapagtayuan ng ikalawang paaralang panlalawigan ay madaling napagbigyan. Una, ang pagiging sentrong pang-edukasyon ng Indang sa Katimugang Cavite, bago pa man magkaroon ng Himagsikan ng 1896, dahilan sa eksistensiya ng Latinidad de Indang. Ikalawa, ang panukala ni Hammon H. Buck noong 1902 sa pagkakaroon paaralang sekondarya sa Katimugang Cavite. Ikatlo, ang paglilipat sa assistant principal ng Tayabas High School na si C. J. Anderson sa Indang ay hudyat ng preperasyon para sa gawaing ito. Pang-apat, ang malaking botanteng populasyon ng Indang at Katimugang Cavite (tinatawag noon na upland district) ay hindi maaring bale-walain ng mga naghahangad sa posisyon sa pamahalaang panlalawigan.8 Panghuli, ang inpluwensiyang pulitikal ng Indang 8

Ang populasyon ng Indang sa senso ng 1903 na 11,526 ay pangalawa sa pinakamalaki sa lalawigan (Nauna ang Imus na 12,912). Ang bilang nga mga lalaking sa Indang na may 21 taon gulang pataas ay 2,647, na rito 1,438 ay literate. (Imus 2,959 - 1,878 literate). Sa

62

Page 6: Intermedia ng Indang - Kabanata 05

Intermedia ng Indang / Anciano

sa pamamagitan ni Severino de las Alas sa gobernador ng Cavite na si Mariano Trias at sa dating Pangulong Emilio Aguinaldo, na noon ay mainpluwensiya sa pamahalaang Amerikano sa Pilipinas.9 Sa ganito, ang petisyon ng Indang ay nakarating sa Philippine Commission at ang panukala para sa pagtatayo ng gusaling paaralan ay inaprobahan at binigyan ng aproprasyon ng komisyon noong 1904.

Sa kabilang dako, ang kalakaran ng mga pangyayari sa Kawanihan ng Edukasyong ang nagpabago sa naunang panukala ni H. H. Buck. Ito ay sa dahilang hindi isang paaralang sekondarya ang nailagay sa Indang kundi isang paaralang intermedia. Sa kabila naman nito ay nanatili ang itatayong paaralang intermedia sa Indang ay may klasipikasyon na bilang isang paaralang panlalawigan.

Baryo ng Bancod: Ang Pagtatayuan ng Gusaling Intermedia

Sa pagsisimula pa man ng 1904 ay halos natiyak na ng mga mamamayan ng Indang na sila ang pagkakalooban ng gusali para sa paaralang intermedia. Dahilan sa katiyakan na iyon, ang mga mamamayan ng bayan ay nagtalaga ng isang tiyak na sukat ng lupa sa baryo ng Bancod upang pagtayuan ng paaralang intermedia.

The site of the intermediate school at Indang has been partly purchased by the municipality and partly donated by a large landowner of that neighborhood. The site comprises some 8 acres.10

kapanahunang iyon ay isang napakayamansa mga botante para sa lideraturang panlalawigan.

9 Ang inpluwensiya ni de las Alas sa dating Pangulong Aguinaldo ay hindi mapapasabulian dahilan sa siya ay naglingkod sa huli bilang Kalihim ng Katarungan sa ilalim ng Unang Republika ng Pilipinas. Si de las Alas ang gumawa ng ulat ukol sa inbestigasyon ng kamatayan ni Antonio Luna sa Cabanatuan.

10 ARPC 1905 Part 4:485 Ang lawak ng lupa na iniulat ni Gobernador D. C. Shanks na

pagtatayuan ng intermedia na 8 acres ay taliwas sa ulat ni Superintendent Campbell na 10 acres, gayong ginamit ni Shanks na exhibit ang ulat ng huli. (Subalit sa mga sumunod na pag-uulat ay binabanggit na 8 acre, maaring itinuwid ni Shanks ang ulat ni Campbell.)

Ipinapapansin sa pag-uulat na ito ang pananalitang “partly

63

Page 7: Intermedia ng Indang - Kabanata 05

KABANATA 5 – Panimulang Taon ng Intermedia 1904-1905

Ang Bancod na napiling pagtayuan ng intermedia ay isang baryo na hindi matao. Mararating ito mula sa poblacion sa pamamagitan ng isang paliko-likong kalsada pababa sa malalim na ilog ng Bañadero na nagsisilbing hangganan ng Bancod at poblacion. Ang topograpiya ng baryo na maburol, may matabang lupa, at ang halos apat na hektaryang lupa na nakalaan na maging lokasyon ng ikalawang paaralang panlalawigan ay natataniman ng mga halaman at mga puno, at sa kanilang paniniwala ay waring angkop na para sa isang paaralang intermedia na nakaukol sa ispesyalisasyon sa pagsasaka.

Tiyakan na bago irekomenda ni C. J. Anderson ang lugar sa Bancod na pagtatayuan ng paaralan ay binisita at nagmasid siya sa sa topograpiya nito partikular ang ilog na maghihiwalay sa magiging paaralan mula sa poblacion. Isang bagay ang makikita sa pagpili ni Anderson sa Bancod, na maaring kaniyang ipinaliwanag sa mga tao upang magkaroon ng interes na magkaloob ng donasyon ang mga mamamayan ng lupa para sa paaralan – ito ang posibilidad sa tranpormasyon ng intermedia tungo sa isang kolehiyo sa pagsapit ng takda nitong panahon.

Ang Unang Klase ng Intermedia sa Indang sa Taong 1904

Iniulat na ang gawaing pampaaralan sa taong 1904-1905 sa lalawigan ng Cavite ay nagsimula noong Hunyo 19, 1904.11 Kung pag-aaralan ang petsang ito ay tumataon sa araw ng Linggo. Sa ganito, ang aktibidad ay higit na seremonyal o kaya ay preperasyon sa pagsisimula ng panibagong taon pampaaralan. Ang sumunod na pag-uulat ay nagpapakita na ang

donated by a large landowner of that neighborhood. Hindi kinilala sa pag-uulat ang nagkaloob ng bahagi ng lupa na pagtatayuan ng intermedia. Ayon kay Mr. Antonio Constante ay nalaman niya sa kaniyang ginawang pakikipanayam noong 1967, na si Don Francisco Ocampo ang naunang naghandog lupa sa paaralan. Maaring tanggapin ang pag-aangkin na ito na si Don Francisco Ocampo dahilan sa ang lupang inihandog niya ay nasa kanlurang bungad na panig ng kalsada ng Bancod at katabi ng pinagtayuan ng matandang gusaling intermedia. Ang lupa ni Don Francisco Ocampo ay lumilitaw na siyang pinagtayuan ng principal hut na kasabay na ginawa ng paaralan. Samantala, ang lupa ni Don Severino de las Alas ay nasa silangang panig ng kalsada ng Bancod. Ang donasyong lupa ni Don Severino de las Alas sa paaralan ay komprehensibong tatalakayin sa bahagi ng pag-unlad ng intermedia ng bilang Indang Farm School noong 1911.

11 5th ARPC Part 4:484

64

Page 8: Intermedia ng Indang - Kabanata 05

Intermedia ng Indang / Anciano

unang araw naman ng klase ay nagsimula sa sinundang araw na tumatapat sa Hunyo 20, 1904.12

Isa sa suliranin ng nagsasaliksik sa matagal na proseso nang pag-aaral na ito ay ang kawalan ng testimonya mula sa Indang na ang klase sa intermedia ay nagsimula sa taong pampaaralan ng 1904. Ang suliraning ito ay natugunan ng kasaysayan na inihanda ng Mendez Historical Research Commission noong 1986. Sa nabanggit na pag-aaral ay kapuna-puna ang isang inpormasyong historikal na nakapaloob sa kanilang pag-aaral.

According to Mr. Isidro Aure. He enrolled in Grade I in 1901-1902 school year and finished Grade III in 1903-1904 school year. He continued his fourth grade class at Indang Elementary School in 1904.13

Ang salaysay ni Mr. Isidro Aure ang nagbigay ng ganap na koroborasyon sa eksistensiya ng klaseng pang-intermedia sa bayan ng Indang sa nabanggit na taon.

Kung pagbabatayan ang talaan ng mga unang nagsipagtapos sa paaralan, ang mga unang mag-aaral na dumalo sa klaseng ito ay sina Guadalupe de las Alas, Maria Erce, Demetrio Creencia, Simeona Diokno, Isaac Mojica, Aproniano Rojales, Paz Vida, Isidro Aure at maaring ilan pang hindi nakasama sa talaan na ito. Mula sa mga apelyido ng mga mag-aaral ay mapapansin na sila ay nagmula sa mga prominenteng pamilya ng Indang at Mendez.

12

5th ARPC Part 1:458

13 Mendez Historical Committee. Mendez History: Seat of Its Government Formerly Known As Barrio Gahitan. (Municipal Government of Mendez-Nunes, Cavite, 1991) p. 100. Ang aklat kasaysayan ng Mendez ay ginawa noong 1986 at nagkaroon ng limitadong reproduksiyon sa taong 1991. Ang kasaysayan ng Mendez ay isang mahusay na bakasan, hindi lamang ng kasaysayan sa kanilang bayan, makakatulong din ito ng malaki sa pag-unawa sa kabuuang kasaysayan ng Katimugang Cavite. Pinasasalamatan ko si Bb. Dionela sa pagparating sa nagsasaliksik ng kopyang ito ng Mendez History.

65

Page 9: Intermedia ng Indang - Kabanata 05

KABANATA 5 – Panimulang Taon ng Intermedia 1904-1905

Ang sumunod na katanungan ay kung saan ginanap ng klase ng mga unang mag-aaral ng intermedia ng Indang noong 1904. Binanggit sa HDSAC, na ang klase ay unang ginanap sa isang pansamantalang istraktura sa sentro ng poblacion. Maipapaliwanag ang pagtatayo ng i strakturang ito sa kadahilanan na ang matandang escuela ay tiyakang puno na para sa tatlong grado ng primarya na umuukopa rito sa kapanahunang iyon.

Ang pagdaraos ng pag-aaral sa temporaryong istraktura ay maaring pansamantala lamang. Sa taong 1904, ang lalawigan ng Cavite ay nakatanggap ng 10,000 picul ng bigas para sa pagpapagawa ng mga gusaling pampaaralan sa mga baryo. Sa panahon ng pag-uulat ay ipinapaalam na naka-kontrata na para gawin ang 55 paaralan na nahahati sa tatlong uri ang laki.14 Sa pag-aaral sa kronolohiya ng mga kaganapan ay lumilitaw na mayroong malaking posibilidad na ang Indang ay nakabahagi ng alokasyon ng Rice Fund.

Programang Pampaaralan sa Intermedia ng Indang

Sa pagbubukas ng kursong intermedia sa mga piling bayan sa buong Pilipinas noong 1904 ay inilabas ang Intermediate Curriculum of 1904 na naglalaman ng mga aralin na ituturo sa mga mag-aaral. Ang mga ito ay ang mga sumusunod na aralin sa bawat Grado at haba ng minuto sa bawat linggo.

14 5th ARPC Part 1:459Ang Rice Fund ay naging tulong ng pamahalaang insular sa panahon ng kaulangan ng bigas sa Pilipinas noong 1902-1903. Ang bigas na inangkat mula sa ibang bansa na ipinadala sa mga bayan-bayan noon ay ginamit na pambayad sa mga nagtatrabaho sa gawaing pampubliko, partikular sa pagpapagawa ng mga gusaling paaralan. Ang picul ay isang sako na naglalaman ng 60.47 kilogramo ng butil .

66

Page 10: Intermedia ng Indang - Kabanata 05

Intermedia ng Indang / Anciano

Sa pagsusuri ni Dr. Calairo, kaniyang ipinaliwanag na ang pagkakaroon ng ganitong uri ng aralin ay dahilan sa pagtrato sa mga mag-aaral ng intermedia ay higit na handa na para sa mataas na antas ng pag-aaral, kung kaya kapapansinan ito ng malaking oras na nakalaan para sa pag-aaral ng wikang Ingles. Ang mga aralin sa aritmetika, heograpiya, agham, edukasyon pisikal at musika ay mga kurso naman na maaring magamit sa pang-araw-araw nilang pamumuhay.15

Para sa ipesipikong mga paksa na tinatalakay sa bawat grado ng pagtuturo ay ipinalabas ng Kawanihan ng Edukasyon noong Hunyo 1904 ang Bulletin No. 7 - Course of Instruction for the Public Schools of the Philippine Islands. Isa sa nilalayon ng bulletin ay ang magkaroon ng iisang anyo nang pag-aaralan ang mga paaralang intermedia sa buong Pilipinas. Sa pag-aaral sa programa na nakasaad sa Uniform Course of Study para sa paaralang intermedia ay matitiyak na ang mga Grade IV ng kursong intermedia sa Indang ay tinuruan ng mga sumusunod na aralin:

Ang araling Language and grammar ay bumubuo sa 2/5 ng kabuuan aralin sa grado. Nakapokus sa Elemento ng grammar and composition. Ang aklat na babasahin ay pinipili pa.

Ang araling Aritmetika ay bumubuo sa 1/5 ng pag-aaral at nakapokus sa pagtuturo ng intergers and compound fraction.

Ang pag-aaral ng Geography ay bumubuo ng 1/5 ng pag-aaral. Binibigyang diin dito ang pagsasaulo ng mga kaalaman sa heograpiya ng daigdig at ang pag-aaral ng mga tao at produktong pangkabuhayan ng iba’t ibang mga bansa.

Sa Science Studies na bumubuo sa 1/5 ng kabuuang pag-aaral ay hinahati ang pagtuturo ayon sa kasarian ng mga mag-aaral. Ang mga lalaki ay paghahalaman at iba pang mga gawain sa labas ng

15

Calairo 2005:186

67

Page 11: Intermedia ng Indang - Kabanata 05

KABANATA 5 – Panimulang Taon ng Intermedia 1904-1905

silid-aralan na ginaganap ng dalawang beses isang linggo.

Ang mga kababaihan ay itinalaga sa araling Housekeeping at tinuturuan ng pangangalaga ng bahay, kusina, silid tulugan. Itinuturo ng dalawang beses isang linggo ang simpleng pananahi.

Ang Physical exercise at mga laro ay bahagi sa pag-aral ng kurso.16

Ayon sa HDSAC , ang institusyon ay nagsimulang isang paaralang intermedia at tinuruan ng 3Rs. Sa pagsusuri naman sa Course of Study ng 1904 ay mababakas na walang payak sa kaniyang unang taon nang pagsisimula, sapagkat ang mga unang mag-aaral ng paaralang intermedia ng Indang ay tinuruan ng ayon sa isang pormal na programang pang-edukasyon at araling tila higit na mas mabigat sa itinuturo sa mga mag-aaral sa ating panahon.

Ang Normal Institute sa Indang Noong 1904

Ang kahalagahan ng Indang bilang ikalawang sentro ng edukasyon sa Cavite sa mga unang taon ng pamahalaang Amerikano ay natiyak noong ganapin dito ang Normal Institute mula Oktubre 3 hanggang 31, 1904. Sinasakop nito ang 21 araw ng aktwal na klase na dinaluhan ng mga guro sa Katimugang Cavite. Hindi lamang dumalo sa institute na ito ang mga guro at aspirante sa distritong nasasa-kupan ni C. J. Anderson, kundi maging ang kalapit na distrito ng Silang na noon ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng isang batikan ding gurong Amerikano na si Harry J. Hawkins.17

16

ARTDE 1904:29

17 Sa taong 1904 ay nagsagawa ng dalawang normal institute para sa mga guro sa lalawigan ng Cavite. Una ay para sa mga nasa mababang bayan ng lalawigan na ginanap sa Cavite noong Abril 4-29, 1904. (ARPC 1904 Part 1:460–461). Ang nasabing nomal institute sa bayan ng Cavite ay pinamunuan ng supervising teacher ng nabanggit na bayan na si P. F. King, na isang rin sa mga gurong Amerikano na dumating sa Pilipinas sakay ng USAT Thomas.

68

Page 12: Intermedia ng Indang - Kabanata 05

Intermedia ng Indang / Anciano

Ang normal institute ay isang anyo ng pagka-klase na pinangungunahan ng mga gurong Amerikano at isinasagawa sa layunin na bigyan ng karagdagang kaalaman ang mga guro sa sistema ng edukasyon na halos tatlong taon pa lamang na nasa ilalim ng mga Amerikano. Sa ginanap na aktibidad na ito, ang mga guro ay tinuruan ng mga aralin sa English, Arithmetic, Geography, American History, Philippine History, Drawing. Makikita sa ginanap na normal institute ang ang kahigitang pang-intelekwal ni C. J. Anderson sa kaniyang mga kasamahang gurong Amerikano sa Cavite, sapagkat si C. J. Anderson ang itinalagang principal sa nasabing institute. 18

Ang Pondo sa Pagpapatayo ng Gusaling Intermedia ng Indang

Habang ginaganap ang pagtuturo ng unang klase sa intermedia sa temporaryong istraktura ay pinagtibay naman noong Disyembre 6, 1904 ng Philippine Commission ang Batas Blg. 1275. Ang nabanggit na batas ay naghahati sa halagang P350,000 mula sa bahagi ng Kawanihan ng Edukasyon sa Government Relief Fund upang maging aproprasyon sa pagtatayo ng mga gusaling pang-intermedia at sekondarya sa

18 Ang sertipiko ng pagdalo ni Guillermo Bayan ay bahagi ng manuskrito ni Mr. Ambrosio Bayan na pinamagatang Guillermo Bayan: Teacher, Soldier, Public Servant and Farmer December 19, 1981.

69

Page 13: Intermedia ng Indang - Kabanata 05

KABANATA 5 – Panimulang Taon ng Intermedia 1904-1905

iba’t ibang bahagi ng Pilipinas. Isa sa pinaglaanan ng pondo ng Batas 1275 ay ang pagpapatayo ng gusaling intermedia sa Indang. Nagkakalahalaga ito ng P9,888.00 at dinagdagan ng P1,000 mula sa pondo ng pamahalaang panlalawigan ng Cavite.

Ipinapapansin sa dokumento na ang Act No. 1275 ay mayroon dalawang mahalagang aspekto. Una ay ang paglalaan ng salapi para sa pagtatayo ng gusaling intermedia ng Indang. Ikalawa ang Act 1275 ang isang hindi direktang pagsabatas sa pagtatayo ng intermedia ng Indang noong taong 1904 .

Ang Plano ng Gusaling Intermedia

Sa paglalaan ng pondo ng Komisyon ng Pilipinas ay isinunod naman ang pagpili ng angkop na plano para sa ipapatayong gusali. Ang kaayusan ng gusali na ipapatayo para sa paaralang intermedia ay nakahanda na ayon sa isang programang pangkonstruksiyon ng kawanihan na mababasa sa sirkular noong 1904”

ON SCHOOL HOUSE CONSTRUCTION

The coming year promises to be notable in the history of this Bureau for building and construction. Not only are a great many barrio schools in process of erection but number of municipalities are undertaking permanent school buildings, while the provincial boards in many provinces have either appropriated or provided by loans for building for the provincial schools.

70

Page 14: Intermedia ng Indang - Kabanata 05

Intermedia ng Indang / Anciano

It is exceedingly desirable, in the case of all school building to be erected, that the construction should be of an improved type and character. The Bureau of Architecture, upon the request of municipal councils or provincial boards, will prepare plans and specifications and will assist us in ether ways, but it is desirable that all preliminary plans and data be carefully scrutinized and completed before the submission of the Bureau of Architecture for final draft. For this work Mr. J. J. Eaton, of the Philippine School of Arts and trades, has been given desk in this office with instructions to correspond with division superintendents relative to proposed school building and to assist in every possible way in the preparation of preliminary plans. A pamphlet will be published which will contain full information upon the matters as well as suggestive plans and illustration for all classes of school buildings.19

Dahilan sa prayoridad ang pagtatayo ng Intermedia ng Indang ay tiyakan na nakarating kay C. J. Anderson ang pamphlet ng Kawanihan na nagtataglay ng mga modelo ng mga gusali ng paaralan. Tinalakay niya sa local school board ng Indang at maging kay superintendent Campbell ng Cavite ang disenyo ng gusali na kaniyang napili. Ang itinakda para sa Indang ay alinsunod sa Plan 6-7 na inihanda ng arkitekto ng kawanihan at inaprobahan ng General Superintendent ng Edukasyon na si David Barrows.

Ipinaliwanag ang disenyo ng Plan 6-7 sa ulat ng Philippine Commission sa taong 1905.

Plan 6-7 - Intermediate school building and grounds. Plant to be composed of (a) a central recitation building, (b) shop building, (c) model Filipino house for teaching housekeeping, (d) nipa houses for accommodation of students (to be erected in all cases at expense of individual benefactors). The central recitation building of this plant are all in the process of erection or will soon to begun at Balanga, Bataan; Indang, Cavite; Cebu; Iloilo; Ilagan, Isabela; Cuyapo, Nueva Ecija; Cagayan, Misamis (for the use of provincial school); Cuyo, Palawan; Camiling,

19

Bureau of Education. Circular No. 15, Series 1904 (February 29, 1904). ON SCHOOL HOUSE CONSTRUCTION

71

Page 15: Intermedia ng Indang - Kabanata 05

KABANATA 5 – Panimulang Taon ng Intermedia 1904-1905

Tarlac; and Iba, Zambales (for use of provincial school) 20

Mababakas sa ulat ang bisyonaryong pananaw para sa paaralan ng Indang. Ang unang gusaling itatayo ay ang central recitation building na panimula lamang ng isang complex ng mga istraktura na nakatalaga upang maging sentro ng isang paaralang mayroong tiyak na ispesyalisasyon. Sa pagkakapili ng plano ng gusaling ipapatayo para sa intermedia ng Indang ay muli na namang matitiyak na mayroong naging malaking inpluwensiya si C. J. Anderson. Isang katanungan ang sasagi sa isipan ng mga mambabasa. Ano ang tunay na dahilan ni C. J. Anderson upang pagsamahin ang malawak na lupa sa gilid ng Ilog sa Bancod at ang bisyonaryong plan 6-7? Sa panahon pa kaya ng kaniyang pagdating sa Indang noong 1903 ay nandoon na sa kaniyang bisyon na ang paaralang kaniyang pasisimulan ay mayroong malayong mararating sa pagdaan ng mga panahon?

Ang Disenyong Ispesyalisasyon Para sa Intermedia ng Indang

Payak ang intermediate curriculum ng 1904 upang masalamin ang pang-bokasyonal na kahalagahan nito sa orihinal na nilayon sa pagbubukas ng kurso. Ang pahabol na sirkular ng General Superintendent ng Kawanihan noong Hunyo 20, 1904 ay nagpapakita na nang lumalaking kahilingan sa pagtuturo ng agrikultura sa mga paaralan at ang pagbabalita ng paghahanda ng isang kurso sa pag-aaral ng pagsasaka na ipalalabas sa madaling panahon. Ang memorandum ay naka-ukol para sa mga mag-aaral ng intermedia (Grade IV, V, at VI). Tinatagubilinan rin sa sirkular ang mga guro na basahin sa kanilang mga mag-aaral ang aklat na Agriculture for Beginners at pangasiwaan ang eksperimentasyon ng mga mag-aaral sa preperasyon at pertilisasyon ng lupa, pagdidilig ng mga halaman, pag-aaral sa masamang epekto ng mapaminsalang insekto, at ang pagtatanim ng mga bagong halaman.21

Noong Enero 5, 1904 ay naitalaga bilang bagong superintendent ng lalawigan ng Cavite si Sydney A. Campbell na

20

Philippine Commission Report 1905:431

21 Bureau of Education: Memorandum on Teaching Agriculture. Circular No. 40 s. 1904.

72

Page 16: Intermedia ng Indang - Kabanata 05

Intermedia ng Indang / Anciano

humalili kay Hammon H. Buck.22 Sa pagdating ni Campbell ay pinag-aralan niya ang kalagayang pangkabuhayan ng lalawigan na nakasalig sa pagsasaka at nakita ang bulubunduking topograpiya ng Katimugang Cavite. Sa maagang panahon pa man ay nakita na niya ang pangangailangan ng isang paaralan sa lalawigan na nakasentro sa ispesyalisasyon sa agrikultura, gaya ng binabanggit sa ulat ng gobernador ng lalawigan ng Cavite.

Later, if means and opportunity permit, the division superintendent desires to establish in a small way in connection with one of the secondary schools of the province a branch that will instruct in scientific horticulture and agriculture. Such instruction would be of great importance in a province whose wealth consist almost entirely in agriculture. The practical schools ought to be encouraged in every way possible, so that the people may see that education leads up to practical affairs of life as well as to such professions as those of the lawyer, doctor, journalist, etc.23

Pansinin na ang pag-uulat ay sa taong 1904, malinaw na sa kaisipan nina Campbell at Gobernador Shanks, na ang nagsisimulang klase ng intermedia sa Indang sa nabanggit na taon ay magiging one of the secondary schools of the province at inilaan ni Campbell para para sa pag-aaral ng agrikultura. Ang kaniyang panukala ay mabibigyan ng koroborasyon sa ipinadalang mga kasangkapan sa noon ay pinasisimulan pa lamang na paaralang intermedia ng Indang.

The bureau of education has undertaken to supply necessary equipment for industrial instruction in intermediate school proper, and to the intermedia te department of provincial schools. To this end 20 sets of agricultural implements, comprising of plows, harrows, spades, hoes, rakes, and minor equipment have been purchased. Seventeen of them have been sent out to the provincial capitals of Albay, Batangas, Bohol, Cagayan, Cavite, Cebu, Ilocos Norte, Leyte,

22 AROGSE 1904:76 - Si Sydney A. Cambell at Director David Barrows ay kapwa alumnus ng University of Chicago.23

ARPC 1904 Part 1:451 - Bahagi ng Report of Provincial Governor of Cavite 1904.

73

Page 17: Intermedia ng Indang - Kabanata 05

KABANATA 5 – Panimulang Taon ng Intermedia 1904-1905

Masbate, Misamis, Nueva Ecija, Oriental Negros, Samar, Sorsogon, Surigao, Tarlac, and Zambales, and are now for use in the agricultural departments of the provincial schools at these points. One is assigned to Atimonan, Tayabas, one to Puerto Princesa, and one to Indang, Cavite for the intermedia te schools of those towns in charge of special teachers of agriculture.24

Sa taong 1905 ay iniulat ni Superintendent Campbell, ang pagtatayo ng gusaling intermedia ng Indang at ang magiging kaukulan nito sa pagtuturo.

An intermediate and agricultural school is being built on a beautiful site near Indang, and an effort will be made there to give practical demonstration of the benefits arising from scientific agriculture.25

Ang ulat na ito ang kumumpirma na bago pa man ganap na makumpleto ang konstruksiyon ng gusali ng intermedia ng Indang ay mayroon nang nakalatag na partikular na plano para sa anyo ng araling ipagkakaloob nito sa kaniyang mga mag-aaral – ang kaalaman sa makabagong pagsasaka.

Ang Indang sa Mga Unang Buwan ng 1905

Tiyakan na nagkaroon ng malaking katuwaan ang mga mamamayan ng Indang sa pangunguna ng mga pinunong bayan, guro at mag-aaral sa mga unang buwan ng 1905. Dahilan sa mga sumusunod na pangyayari:

Gaya nang binabanggit sa unahan, pinagtibay ng Komisyon ng Pilipinas ng Batas 1275 na rito ang intermedia ng Indang ay nakabahagi sa aproprasyon sa pagpapatayo ng

24 ARPC 1905 Part 4:412

25 ARPC 1905 Part 1:213

74

Page 18: Intermedia ng Indang - Kabanata 05

Intermedia ng Indang / Anciano

gusali na gugulan ng pamahalaang insular. Tinitiyak nito na matutuloy ang konstruksiyon ng gusaling intermedia. Para sa kabuuan ng mga mamamayan ng Indang na kinakatawan ng pinunong bayan ay ito na ang reyalisasyon ng kanilang mungkahing modernong paaralan na kanilang isinumite sa nakalip as na kolonyal na pamahalaan ng Espanya na nagkatotoo lamang pagkatapos ng 14 na taon sa ilalim ng pamamahala ng mga Amerikano. Higit sa lahat, ito rin ang reyalisasyon (higit na kontinyuwasyon) ng kanilang naunang bisyon na ang Indang ay magkaroon ng isang paaralan na lampas sa kursong primarya at ang magiging ikalawang sentro ng edukasyon sa lalawigan ng Cavite. Higit pang matitiyak na nagkaroon ng inspirasyon ang mga unang mag-aaral ng intermedia na nagka-klase noon sa temporaryong istraktura sa tabi ng matandang paaralang sentral dahil sa nalalapit na pagkakaroon ng isang bagong gusaling paaralan.

Noong Pebrero 3, 1905 ay ibinalita ng pahayagang Manila American ang parsiyal na pamamahagi ng mga pondo para sa pagpapatayo ng mga paaralan sa iba’t ibang mga lalawigan sa Pilipinas base batas 1274. Ispesipikong ibinalita na ang unang inilabas na pondo para sa pagpapatayo ng gusaling intermedia ng Indang ay ang halagang P 8,000 na itatayo sa lupain na may sukat na 8 acre na ipinagkaloob ng mga mamamayan ng bayan, kasama ang donasyon ng mga taga-Indang na maraming putol ng bato para maging materyales sa ipatatayong paaralan.

Ang maagang distribusyon kaukulang ng pondo mula sa Batas 1274 para sa paaralang intermedia ng Indang ay sinundan ng isang panawagan para sa mga kontratista noong Marso 22, 1905 na magsumite ng kanilang mga sealed proposal hanggang sa katanghalian ng Abril 5, 1905.26 Ang maagang paglalabs ng pondo at paghanap ng kontratista ay mauunawaan sa kadahilanang sa karaniwang kagawian sa Pilipinas na ang konstruksiyon ng mga malalaking gusali ay pasimulan sa mga

26 Manila Time, Marso 22, 1905

75

Page 19: Intermedia ng Indang - Kabanata 05

KABANATA 5 – Panimulang Taon ng Intermedia 1904-1905

unang buwan ng tag-init upang maiwasan ang mga malalakas na pag-ulan na makasisira sa pagkakamada ng mga parte ng gusali na gawa sa kongreto.

Ang maagang pagtatayo ng gusali ng intermedia sa Indang ay makukumpirma sa ulat ni Campbell noong Agosto 15, 1905

In Indang the first intermediate schoolhouse, built according to plans drawn by the bureau and paid by the insular government is nearing completion. The people gave the site, some 10 acres, the stone for the foundation, and an additional P1000 was given by the province. The building will cost P11,000 and will be the first of a number of buildings to be erected on this site for an intermediate and agricultural school.27

Sa buwan ng Marso 1905 bago magtapos ang pasukan ay nagkaroon ng higit pang pagmamalaki ang bayan ng Indang sa paglabas ng resulta ng paglahok ng mga paaralan ng Pilipinas sa St. Louis Exposition sa Estados Unidos. Sa pandaigdigang pagtatanghal na ito ang nag-iisang exhibit ng Indang ay isa sa mga pinagkalooban ng medalyang tanso.28

Sa gitna ng mga tagumpay na ito at napipintong pagtatayo ng gusaling Intermedia, iniwan ni Mr. Anderson ang bayan ng Indang sa mga huling araw ng Marso 1905.

Si C. J. Anderson at ang Bisyon ng Isang Kolehiyo sa Indang

Ang personalidad ni C. J. Anderson ay mababakas sa mga impresyon ng mga manunulat na Amerikano na naging kapanahon niya, katulad ni Luther Parker at Maud Parker. Binabanggit ng mga ito na ang mga Thomasite na nagmula sa mga paaralang ivy league ng Estados Unidos ay nakapokus sa lideratura ng edukasyon upang maging mga principal ng

27

ARPC 1905, Part 1:221

28 “Awards for the Educational Exhibit at St. Louis.” The Philippine Teacher March 15, 1905:28

76

Page 20: Intermedia ng Indang - Kabanata 05

Intermedia ng Indang / Anciano

paaralang panlalawigan, supervising teacher o superintendent ng dibisyong pang-edukasyon.29

Ang pagkakatalaga kay C. J. Anderson sa Indang ay bunga ng pangangailangan na magkaroon ng ikalawang paaralang sekondarya sa lalawigan ng Cavite ay isang konpirmasyon sa impresyon ng dalawang Parker (na kapwa naging Thomasite din) at ang presensiya niya sa Indang ay waring nagdala sa tradisyonal na karibalan ng Harvard at Yale sa lalawigan ng Cavite – ang paaralang panlalawigan sa kabisera na pinamumunuan ni Sydney K. Mitchell ng Yale at ang paaralang panlalawigan sa Indang na itinatatag noon ni C. J. Anderson ng Harvard.30

Upang maunawaan ang kaisipan ni C. J. Anderson bilang guro sa Indang ay dapat na mabatid ang kasaysayan ng prestihiyosong kolehiyon na kaniyang pinagtapusan. Ang Harvard ay itinatag noong 1636 ng Great and General Court of Massachussets Bay Colony sa panahon na ang Estados Unidos ay kolonya pa ng Inglatera. Nagsimula bilang isang schoale na ang unang gusali ay isang farmhouse na naliligiran ng pastulan ng baka.31 Ang paaralan ay itinatag sa agrikultural na pamayanan ng Newetowne at ang lupain ng paaralan ay nasa gilid ng pampang ng Charles River na naghihiwalay rito sa bahagi ng Boston. Sa taong 1638, ang pamayanan ng Newtowne ay pinalitan sa katawagang Cambridge bilang parangal sa dakilang unibersidad ng Inglatera kung saan nangagtapos sina Nathaniel Eaton, ang unang guro ng schoale; si John Harvard, na

29 Luther Parker. “The Thomasites Who Stuck.” American Chamber of Commerce Journal. (August 1923) at Maud N. Parker. “Teachers of the Empire Days.” American Chamber of Commerce Journal. (August 1928) 30

Mababakas ang inpluwensiya sa pagpupuwesto ng mga guro mula sa mga pamantasang Ivy League nang ilagay ni Colton ang kaniyang kaeskuwelang si S. K. Mitchelle sa Cavite High School. Si Sydney K. Mitchell pagkatapos ng serbisyo sa Pilipinas ay nagbalik sa Yale University kung saan siya naging propesor ng History na ang pokus ng ispesyalisasyon ay ang kasaysayan ng Inglatera. Mapapansin din ito sa ginawang pagtatalaga ni Direktor Barrow kay Sydney Campbell na kaniyang kapwa alumnus sa University of Chicago bilang superintendent ng Cavite.31

Otto Freidrich: A "Schoale" and How It Grew Time Magazine September 8, 1986.

77

Page 21: Intermedia ng Indang - Kabanata 05

KABANATA 5 – Panimulang Taon ng Intermedia 1904-1905

benefactor ng paaralan; at Henry Dunster na unang Presidente nito.

Si C. J. Anderson ay nag-aral sa Harvard College noong 1896 at ito ay nasa ika 260 taon na nang eksistensiya. Pinangungunahan noon ng dinamikong pangulo na si Charles William Eliot na siyang pinakabatang naitalaga (35 taon lamang) at pinakamatagal na pangulo ng kolehiyo (40 taon). Sa kapanahunan ng administrayon ni C. W. Eliot naganap ang transpormasyon ng Harvard mula sa isang panlalawigang kolehiyo tungo sa nangungunang unibersidad sa pagsasaliksik ng Amerika.32

Sa panahon ng pag-aaral ni C. J. Anderson sa Harvard ay alam niya ang panimulang kasaysayan ng kaniyang prestihiyosong paaralan bilang isang colonial school, gumagalaw siya sa ilalim ng intilekwal na tradisyon at ambiance ng Harvard. Kabilang siya sa henerasyon ng pangungulo at kabahagi ng bisyon ni ni Charles W. Eliot na ang Harvard ay maging pangunahing pamantasan ng Estados Unidos at maging ng daigdig.33 Ang patakaran ni Eliot ang isa sa magpapaliwanag sa ginawang pagtugon ilang mga alumni ng Harvard noong 1901 na tawirin ang karagatang Pasipiko upang makibahagi sa pagpapasimula ng sistemang pang-edukasyon sa kanilang bagong kolonya.34

Sa pagsalamin sa mga aralin ng mga mag-aaral ng Harvard College sa kapanahunan ni C. W. Elliot ay kapapansinan na sila ay nagtataglay ng matatag na kaalaman sa kasaysayan ng daigdig, ng kanilang bansa, at ng kanila mismong institusyon. Maging si C. J. Anderson ay isa sa mga mahuhusay na mag-aaral (at sa bandang huli ay naging guro ng Kasaysayan sa isa sa mga kolehiyo sa Amerika). Ang mga kaligirang karanasan na ito ni

32 Basahin ang kabuuan ang entry ukol kay Charles W. Eliot sa http://en.wikipedia.org/wiki/Charles_William_Eliot

33 Ipinapaala-ala na ang unang General Superintendent ng Kawanihan ng Edukasyon ng Pilipinas na si Dr. Fred W. Atkinson ay inirekomenda ni C. W. Eliot kay William Taft.

34 Makikita ang malaking partisipasyon ng mga nagtapos ng Harvard sa bagong educational venture na ito sa Pilipinas. Sa mga gurong sakay ng USAT Thomas ay 19 ang nagmula sa Harvard. Ito ay pumapangatlo sa dami ng kinakatawan na paaralan ng mga Thomasites. (University of California, 25: University of Michigan, 24).

78

Page 22: Intermedia ng Indang - Kabanata 05

Intermedia ng Indang / Anciano

C. J. Anderson ang nagpatagpo sa kaniyang pagdating sa Indang sa deja vu ng kasaysayan. Tila baga, isa siyang bagong Nathaniel Eaton na nagtatag ng isang payak na colonial school sa Pilipinas. Na mula naman sa kaniyang karanasan ay alam niya na malayo rin ang mararating sa pagsapit ng panahon. Ang katotohanan, naunawaan ni C. J. Anderson ang bisyonaryong kaukulan ng paaralang panlalawigan na kaniyang itinatayo sa Indang sa kapanahunang iyon na makikita sa Taunang Ulat ni Sekretaryo Bernard Moses ng Department of Public Instruction noong Nobyembre 1, 1902.

PROVINCIAL SCHOOLS OF SECONDARY INSTRUCTION

It was recognized that these provincial schools would furnish the highest grade of instruction that would be demanded by any considerable number of residents of the provinces; that they would become in the course of time the colleges for the people;35

Katulad ng lahat ng guro na nagmula sa mga prestihiyosong paaralan na naitalagang magturo sa isang pook rural, taglay ni C. J. Anderson ang inpluwensiya ng Harvard sa kaniyang pionering work sa Indang. Kumilos siya sa dikta ng paralelismo ng kasaysayan na iwangis ang kaniyang itatayong kolonyal na paaralan sa pasimula ng prestihiyosong kolehiyo na kaniyang pinagtapusan.

Nang piliin ni C. J. Anderson ang lupaing sa Bancod na pinaghihiwalay ng Ilog Bañadero mula sa poblacion ay iwinangis niya ito sa lupain ng Cambridge, Ma., na inihihiwalay ng Charles River sa bahagi ng Boston. Ang malawak na lupain sa harap nang itatayong paaralan ay isang isang ideyal na lugar para sa ekspansiyon nito na sa kurso ng panahon ay magiging bahagi nang naunang bisyon na maging isang kolehiyo para sa mga mamamayan.

Ang pinakamahalagang aksiyon na ginawa ni C. J. Anderson na maghuhubad sa anumang bahid ng presumpsiyon sa pag-aaral na ito ay ang kaniyang pagpili ng modelo ng paaralan na nakabase sa Plan 6-7 - isang plano ng paaralan na nakakawing sa bisyon ng ekspansiyon sa pagdating ng panahon. Sa maraming modelo ng gusali na nasa pamphlet ng arkitekto ng

35 Report of the Secretary of Public Instruction, November 1, 1902

79

Page 23: Intermedia ng Indang - Kabanata 05

KABANATA 5 – Panimulang Taon ng Intermedia 1904-1905

Kawanihan ng edukasyon noon ay pinili ni C. J. Anderson na maitayo muna ang Plan 6.

Nang piliin ni C. J. Anderson ang lupain sa Bancod at ang Plan 6 bilang gusali ng intermedia ng Indang ay maaring ang una niyang naging konsiderasyon ay ang maliit na pagkakawangis sa mga kaayusan ng mga gusali ng Harvard University sa Cambridge, Massachussets.

Ang Legasiya Nang Panunungkulan ni C. J. Anderson sa Indang

Pagkatapos ng klase noong Marso 1905, nilisan ni C. J. Anderson ang Indang. Iniwan niya ang bayan sa panahon na sinisimulan na ang inisyal na konstruksiyon ng gusaling intermedia, na nakaayon sa lugar at disenyo ng gusali na kaniyang pinili. Ang kaniyang pag-alis ay higit sa dahilan ng pagtatapos ng kaniyang kontrata sa Kawanihan ng Edukasyon na sinundan ng kaniyang pagbabalik sa Amerika.

Sa kasalukuyan ay wala na sa mga taga-Indang ang nakakaalala pa sa gurong Thomasite na si Charles John Anderson ng Harvard. Subalit sa kabila ng pagkalimot ay hindi mabubura ang kaniyang mga naiwang legasiya.

Si C. J. Anderson ang unang supervising teacher ng malawak na distritong ng Indang. Ang kaniyang unang legasiya

80

Page 24: Intermedia ng Indang - Kabanata 05

Intermedia ng Indang / Anciano

sa ay ang pagpili ng lugar na pinag-tayuan ng paaralang Sentral ng Indang. Makikita sa kaayusan ng kronolohiya na bago siya umalis ng Indang ay halos matatapos na ang konstruksiyon ng unang gusaling paaralang sentral nasabing lugar na siyang pinaglipatan ng klaseng intermedia noong kalagitnaan ng 1904 o sa pagsisimula ng klase noong 1905. Ang indikasyon na ito ay masasalamin sa ginawang pamamahagi ng Rice Fund noon ng pamahalaang insular sa mga pamahalaang lokal para sa pagpapatayo ng mga paaralan sa mga munisipalidad at baryo.

Ang Ikalawa at ang pinakamahalagang legasiya ni C. J. Anderson ay ang pagtatag ng klase para sa intermedia noong 1904 na siyang unang klaseng kumakatawan sa paaralang intermedia ng Indang at precursor ng ngayon ay Cavite State University.

Sa pag-aaral sa mga naging kaganapan na naobserbahan ng nagsasaliksik sa loob ng CvSU ay waring hindi iniiwan ng ispiritu ni C. J. Anderson ang paaralan na kaniyang pinasimulan. Napansin ng nagsasaliksik ang mga kabalintunaang pangkasaysayan na nagsisilbing taga-kumpirma nito:

Ang unang klase ng intermedia ng Indang na pinasinayaan ni Mr. C. J. Anderson noong Hunyo 19, 1904, sa paglipas ng eksaktong animnapung taon ay naging isang ganap na kolehiyo nang lagdaan ang Batas Republika Bilang 3917 noong Hunyo 19, 1964.

81

Page 25: Intermedia ng Indang - Kabanata 05

KABANATA 5 – Panimulang Taon ng Intermedia 1904-1905

Nagkawangis din ang kasaysayan nito sa paaralang pinagtapusan ni C. J. Anderson, sapagkat ipinangalan ito sa isa sa mga nagkaloob ng lupa sa paaralan na si Don Severino de las Alas.36

Katulad ng paaralang pinagtapusan ni C. J. Anderson na noong una ay pinaniwalaan na itinatag sa taong 1638 at pagkalipas ng ilang panahon ay itinuwid sa taong 1636. Ito rin ang kinakaharap ng CavSU, ang kaniyang taon nang pagkakatatag ay naipagkamali sa taong 1906, subalit sa pagkakataong ito, ang maling inpormasyong historikal ay nananawagan na nang pagtutuwid.37

Waring pinagtiyap ng pagkakataon na ang opisyal na pahayagan ng paaralang pinagtapusan ni C. J. Anderson ay ang The Harvard Gazette at ang opisyal na pahayagan naman ng mga mag-aaral ng CvSU ay ang The Gazette.38

Sa kasalukuyan, ang lideratura ng paaralan na pinasimulan ni C. J. Anderson sa Indang ay nakatanaw sa isang bisyon na ang institusyon ay hindi lamang maging isang unibersidad na panlalawigan, kundi maging isa sa mga pangunahing sentro sa pananaliksik ng bansa at ang mga mag-aaral nito ay nangangailangan na maihanda sa pakikiharap sa mga hamon ng globalisasyon.

36 Dahilan sa edukado si Don Severino de las Alas sa Unibersidad ng Santo Tomas na siyang pinakamatandang unibersidad sa Pilipinas ay tiyakan na nalaman niya ang kasaysayan ng donasyong lupa ni John Harvard sa pinakamatandang kolehiyo ng Estados Unidos. Higit sa lahat ay tiyakan na nagkakausap si Don Severino at si C. J. Anderson. Sa nakalipas na panahon ang paaralan ay tinawag na Don Severino National Agricultural School at naging Don Severino Agricultural College. Sa pagkakapalan dito bilang Cavite State University ay nanatili pa rin ang matandang katawagan rito na DSAC bilang Don Severino de las Alas Campus, bilang main campus ng CvSU.37

Ang taong 1638 na pagkakatatag ng Harvard University ay naibase sa taon ng testamento ni John Harvard. Sa kaso naman ng CavSU, ang taong 1906 na ginamit ay na taon sa panunungkulan ni Don Severino de las Alas bilang presidente ng bayan ng Indang.

38 Ang nagsasaliksik ay naging adviser ng pahayagan ng mga mag-aaral ng CavSU (1998-2003). Ipinagtanong ko sa mga nadatnang staff kung saan nila kinuha ang pangalan ng pahayagan, dahilan sa ang pangalan ay generic, subalit sila man ay walang ideya kung saan ito nagmula.

82

Page 26: Intermedia ng Indang - Kabanata 05

Intermedia ng Indang / Anciano

Pang-huli, ang higit na pinakamataas na kompirmasyon ng pagkakataon ay naganap noong 2004. Sa nabanggit na taon ay tahimik na lumampas sa pamantasan ang kaniyang tunay na taon ng sentinaryo at kahit sino man ay walang nakakakilala sa nagtatag ng institusyon. Subalit makapangyarihan ang kabalintunaan ng pagkakataon, sa nabanggit na taon, sa hindi maipaliwanag na kadahilanan ay ipinalabas na isa sa mga tenet ng CvSU ang salitang Truth na siyang pinakamataas na ideyal ng mga nagtapos ng Harvard tulad ni C. J. Anderson – Veritas.

Sa bahagi ng pag-aaral na ito ay tinitiyak ng nagsasaliksik na sa taong 1904 ay eksistido na ang unang klase ng intermedia ng Indang. Tinitiyak na walang pagkatakot sa kontradiksiyon na ang alumnus ng Harvard na si Mr. Charles J. Anderson ang naging tagapagtatag ng ikalawang paaralang panlalawigan ng Cavite sa bayan ng Indang. Walang sinuman sa mga sumunod na naging principal ng intermedia ng Indang ang makapag-aankin sa pioneering work na ito ni C. J. Anderson.

C. J. Anderson Pagkatapos nang Panunungkulan sa Indang

Sa mga unang yugto ng pag-aaral na ito ay pinili ng nagsasaliksik na sundan ang naging carrer ni C. J. Anderson sa pagtatapos nito ng panunungkulan sa bilang supervisng teacher ng Indang noong Marso 1905. Isang balatkayong pagpapala para sa nagsasaliksik na ang aklat na ito ay hindi nalimbag ng maaga at dahil dito ay nabigyan ng daan ang ginawang pagsasaliksik ni Mr. Rudy Bayan.39 Si Mr. Rudy Bayan ay kasalukuyang naninirahan sa Los Angeles, USA at ang kanyang pananaliksik kay C. J. Anderson ay isinagawa niya sa aklatan ng Harvard University.   Sa inpormasyon na kaniyang ipinagkaloob ukol kay C. J. Anderson ay kaniyang natagpuan ang Harvard College Class of 1900 Secretary’s 11th Report ng 1950.40 39 Si Mr. Rudy Bayan ay apo ng Unang Gurong Pilipino ng Intermedia ng Indang na si Gulillermo Bayan sa kanyang anak na si Mr. Ambrosio Penales-Bayan.  Ang kaniyang mga kapatid ay sina Mrs. Remedios Bayan Amon,  Ms. Amelia Bayan, Mr. Eddie Bayan, Mr. Willie Bayan at Miss Maria Luz Bayan, na mga naunang nagpahiram sa nagsasaliksik ng Ambrosio Bayan Manuscript at mga mahahalagang dokumentong pangkasaysayan na iniingatan ng pamilya. 

40 Ang Harvard College Class of 1900 Secretary’s Report ay pana-panahunang pag-uulat ukol sa mga mag-aaral ng Klase 1900 ng Harvard College klaseng 1900 na inihanda Arthur Drinkwater. Sa mga ulat na ito, ang ulat noong 1950, ang higit na pinaka-komprehensibo at kasasalaminan ng naging tagumpay at kinahinatnan ng mga mag-aaral

83

Page 27: Intermedia ng Indang - Kabanata 05

KABANATA 5 – Panimulang Taon ng Intermedia 1904-1905

Sa pag-alis ni C. J. Anderson sa Indang noong Marso 1905 ay nagtungo siya sa Europa para sa isang panandaliang pagbisita. Sa pasukan ng Setyembre 1905 ay nagpatala sa Harvard Law School (HLS), kung saan siya ay nanatili hanggang 1908. Pagkatapos ng tatlong taong pag-aaral sa HLS ay nagbalik sa paglilingkod sa serbisyo sibil ng kolonyal na pamahalaan ng Pilipinas hanggang sa taong 1911.41

Sa taong 1911, nagtungo si C. J. Anderson sa Brazil at Cuba bilang salesman ng kompanya ng mga botelya na Whitall Tatum ng New York City. Sa taong 1915 ay nangasiwa sa foreign sales ng Lyon and Healy, isang pagawaan ng mga instrumentong musikal sa Chicago, Illinois. Sa taong 1920 ay na-empleyo sa Texas Company sa New York City at sa bandang huli ay sa R. H. Macy Department Store sa nabanggit ding lungsod.

Dahilan sa suliraning pangkalusugan, iniwan ni C. J. Anderson ang kaniyang trabaho sa larangan nang pagtitinda, nagtrabaho ng ilang panahon sa Brooklyn Polytechnic Institute na kasama ni Professor Knudson na pinuno ng Kagawaran ng Kasaysayan at Ekonomiks sa

ng Klase ng 1900 ng Harvard College. Ang kabuuan ng salaysay ukol sa naging carrer ni C. J. Anderson ay mula sa ulat na ito ng 1950.

41 Sa direktoryo ng mga nagtapos sa Harvard na nalathala noong 1919 ay lumilitaw na hindi natapos ni C. J. Anderson ang abogasya sa Harvard Law School. Katunayan, sa tapat ng kaniyang pangalan ay nakalagay ang (AB 00) at ang (l 05-08) na indikasyon ng pagdalo lamang at hindi nang pagtatapos sa kursong abogasya. Naging mailap ang mga tala ukol sa ikalawang yugto ng paglilingkod ni Mr. C. J. Anderson sa serbisyo sibil ng pamahalaang insular ng mga Amerikano sa Pilipinas noong 1908-1911. Hindi matiyak kung nagbalik siya sa Kawanihan ng Edukasyon o sa ibang ahensiya ng pamahalaan na nangangailangan ng kaniyang kaalaman sa batas.

84

Page 28: Intermedia ng Indang - Kabanata 05

Intermedia ng Indang / Anciano

nabanggit na paaralan para sa koleksiyon ng mga aklat. Ang kaniyang kaalaman sa mga aklat at mga naglilimbag ay katangi-tangi. Nakatulong siya ni Professor Knudson sa paghahanda ng aklat na League of Nations at nagturo siya ng araling kasaysayan sa maikling panahon.

Sa mga dokumento na natagpuan ni Mr. Bayan na nilagdaan ng kapatid at pamangkin babae ni C. J. Anderson ay waring lumilitaw na hindi siya nakapag-asawa at namatay sa edad na 56 na taong gulang New York City noong Disyembre 17, 1945.

Mr. Charles John Anderson: Guro at Intilekwal

Ang ulat ni Arthur Drinkwater42 para sa Ika-50 anibersaryo ng pagtatapos ng Class 1900 ng Harvard University ang magbibigay nang pagkakataon sa atin na masilip ang intilekwal na kakayahan ni Charles John Anderson. Sa sinulat ni Drinkwater ay sinasaad ang mga sumusunod:

Charles John Anderson - Learning was his passion. His reading, as far back as our college days, was of the widest range. He was a natural linguist and philologist. He knew Spanish before he went to the Philippines. There he quickly learned Tagalog. In Japan he learned Japanese. Including Greek and Latin he knew some ten languages. His memory was remarkable. When he was in the hospital someone gave him the Anabasis, although he had see no Greek for many years, he read it through with little trouble. He could talk in Hebrew. He was a mathematician. Some forty years having passed since he had seen a textbook, he helped a nurse pass a geometry test. He could talk intelligently in several scientific fields, notably geology and physics. He had a wide knowledge of history. A friend has written him that he was self-centered, but the centering was on knowledge and thinking rather than on himself in any material way. “I once told him,” wrote his friend. “That he was a non-economic man. If it happens that now he can be exploring around the universe, he must be happy

42 Si Athur Drinkwater ang sekretaryo ng Class 1900 ng Harvard College, ang kinikilala sa kasaysayan ng Harvard na pinakamatagal na nanungkulan bilang Class Secretary. http://harvardmagazine.com/2000/03/s-e-c-s-talk.html

85

Page 29: Intermedia ng Indang - Kabanata 05

KABANATA 5 – Panimulang Taon ng Intermedia 1904-1905

beyond the average man’s conception.” Anderson himself wrote for one of our Class Reports, “Though in a hospital would tend to become “long, long” thoughts were it not for the many interesting books that still remain to be read after a lifetime of reading. And when things are most prosaic one can still “follow the gleam whereby gray things golden seem.’”

86