20
KABANATA 6 – ANG PANUNUNGKULAN NI Mr. HARRY J. HAWKINS SA INTERMEDIA NG INDANG (1905-1906) Si H. J. Hawkins Bago Ang Panunukulan sa Indang Si Mr. Harry J. Hawkin ay isang gurong Amerikano mula sa estado ng Missouri, USA. Nagtapos ng Bachelor of Letters sa Christian University sa Canton, Missouri noong Hunyo 1901 at mayroong dalawang taong karanasan sa pagtuturo sa Amerika. Katulad nina Krauss at Anderson, isa rin siya sa mga orihinal na gurong Amerikano na dumating sa Pilipinas na sakay ng USAT Thomas. 1 Una siyang naitalaga na magturo sa pulo ng Corregidor noong 1901. Sa taong 1903, nadestino bilang supervising teacher sa Silang, Cavite. Ang distrito na kaniyang nasasakupan ay binubuo ng mga bayan ng Silang, Carmona, at Amadeo. Ang kaniyang panunungkulan sa Silang ay naging katangi-tangi dahilan sa kaniyang inisyatibo sa pagpapatayo ng ilang mga temporaryo at semi-permanenteng gusaling paaralan sa mga baryo ng nasabing bayan. 2 1 To the Islands Far Away: 66 2 ARPC 1904 Part 1:459 87

Intermedia ng Indang - Kabanata 06

Embed Size (px)

Citation preview

KABANATA 6 – ANG PANUNUNGKULAN NI Mr. HARRY J. HAWKINSSA INTERMEDIA NG INDANG (1905-1906)

Si H. J. Hawkins Bago Ang Panunukulan sa Indang

Si Mr. Harry J. Hawkin ay isang gurong Amerikano mula sa estado ng Missouri, USA. Nagtapos ng Bachelor of Letters sa Christian University sa Canton, Missouri noong Hunyo 1901 at mayroong dalawang taong karanasan sa pagtuturo sa Amerika. Katulad nina Krauss at Anderson, isa rin siya sa mga orihinal na gurong Amerikano na dumating sa Pilipinas na sakay ng USAT Thomas.1 Una siyang naitalaga na magturo sa pulo ng Corregidor noong 1901. Sa taong 1903, nadestino bilang supervising teacher sa Silang, Cavite. Ang distrito na kaniyang nasasakupan ay binubuo ng mga bayan ng Silang, Carmona, at Amadeo. Ang kaniyang panunungkulan sa Silang ay naging katangi-tangi dahilan sa kaniyang inisyatibo sa pagpapatayo ng ilang mga temporaryo at semi-permanenteng gusaling paaralan sa mga baryo ng nasabing bayan.2

Sa panahon din ng kaniyang panunungkulan sa Silang ay natamo niya ang pambansang popularidad nang maibalita sa pahayagan ang kaniyang ginawang pagbisita sa Amadeo, Cavite. Sa pagbisitang iyon ay kasama niya ang gurong si Guillermo Bayan at sila ay pinalibutan ng 30 taong labas at kinuha ang kaniyang rebolber, relos, at kabayo. Sa nasabing insidente ay dinukot ng mga masasamang loob ang presidente ng Amadeo,

1 To the Islands Far Away: 662

ARPC 1904 Part 1:459

87

Intermedia ng Indang / Anciano

subalit hinayaan lamang ng mga ito sina H. J. Hawkins at Guillermo Bayan na hindi naman sinaktan..3

Noong Marso 30, 1905 ay inilipat si H. J. Hawkins sa Indang bilang supervising teacher na kahalili ni C. J. Anderson.4 Isa sa maaring dahilan sa pagkalipat niya sa Indang ay ang kaniyang mataas na edukasyonal na kwalipikasyon upang ipagpatuloy ang pangangasiwa sa pinasimulang paaralang panlalawigan sa Katimugang Cavite. Ikalawa, ang karanasan niya sa pagpapatayo sa Silang ng mga gusaling pampaaralan sa mga baryo ay makakatulong sa superbisyon sa noon ginagawa pang gusaling intermedia.

Ang Pansamantalang Gusaling Paaralang Intermedia ng Indang

Sa pagdating ni Hawkins sa Indang ay nadatnan niya ang sitwasyon sa magiging kakulangan ng silid-aralan dahilan sa pagkakaroon ng Grade V sa pasukan ng Hunyo 1905. Bilang supervising teacher ng Indang ay kinakailangan niyang mabigyan ng solusyon ang magiging kakulangan na ito. Tiyakan na sa panahong iyon ay ginagamit pa rin ang matandang escuela para sa mga mag-aaral sa primarya at maaring ginagamit pa rin ang temporaryong istraktura na itinayo sa gitna ng poblacion para sa akomodasyon ng mga mag-aaral ng Grade IV. Samantalang nasa proseso ng konstruksiyon ang gusaling intermedia sa Bancod.

Isa sa mga pinakaposible na naging hakbangin ni Hawkins ay subaybayan na rin ang ang inumpisahan ni C. J. Anderson na pagtatayo ng isang istraktura sa lokasyon na nakalaan para sa bagong paaralang sentral sa dulong timugan ng poblacion. Sa ganito ang istrakturang ito ay una munang nagamit ng mga

3 DARING HOLD-UP IN CAVITE - Band of Thirty Rob American Schoolteacher and Kidnap President Manila Times October 8, 1903. Lumilitaw sa panahong iyon na ang presidente ng Amadeo na dinukot ng mga bandido ay si Feliciano Mediran. Pagkatapos ng insidente, ang Amadeo ay ipinaloob na sa bayan ng Silang hanggang sa taong 1914.

4 Ang unang Kabitenyo na makapag-aangking naging supervising teacher ng distritong pampaaralan sa lalawigan ng Cavite ay si Mr. Jose Ambalada ng Silang na unang nanungkulan noong Marso 30, 1905 hanggang sa taong 1927 – (HCLCP:369). Sa pag-aaral sa pag-aangkin ni Mr. Jose Ambalada na siya ay nanungkulan noong Marso 30, 1905 ay lumilitaw na sa petsang ito umalis si H. J. Hawkin sa Silang at ito rin halos ang petsa ng pag-alis si C. J. Anderson sa Indang.

88

Kabanata 6 – Mr. Harry J. Hawkins (1905-1906)

mag-aaral ng intermedia sa taong 1905, bago magamit ng mga mag-aaral sa primarya.5

Ang pinakamahalagang magpapatunay na ang lokasyon ng paaralang sentral ng Indang ay pinagdausan ng klaseng pang-intermedia ay ang mismong kasaysayan ng Indang Central Elementary School na inihanda nila noong 1981 na nagsasabi na ““Indang Elementary School started as an intermediate school.6 Alam nang naghanda ng nasabing kasaysayan ang tunay na panimula ng paaralan, subalit hindi niya alam kung sino ang nagpatayo, bakit, kailan at papaano ito napasimulan.

Mahalaga para sa paaralang sentral ng Indang ang naipatayong gusali na unang pinagdausan ng klaseng intermedia

5 Kung magsasagawa ng kalibrasyon ng kronolohiya ay mauunawaan na ang Indang ay naging recipient ng Rice Fund, dahilan sa gusali sa larawan ng paaralan na nasa pahinang ito ay isang modelong semi-permanente na gawa sa kahoy na naitatag sa pamamagitan ng Rice Fund na ipinamahagi noong 1903-1904. Ang gusaling Gabaldon na ngayon ay main building ng paaralan ay naipatayo sa pamamagitan ng ipinalabas na pondong noong lamang 1915, bilang bahagi ng Batas Gabaldon .6

HCLPC:295

89

Intermedia ng Indang / Anciano

noong 1905. Ang istrakturang iyon ang nagsilbing nucleus ng unang gusali sa bagong paaralan sentral ng Indang. Sa pagtatapos ng konstruk siyon ng gusaling intermedia noong 1906, ang paaralang primarya sa matandang escuela ay inilipat na sa bagong paaralang sentral sa magkatulad na taon. Sa pagkakalipat na ito, ang escuela ng ginamit pa noong panahon ng Espanya at sa mga unang taon ng mga Amerikano ay ibinalik sa pag-aari ng munisipyo ng Indang at ginamit na bilang pambayang Health Center.

Aktibidad Pampaaralan sa Intermedia ng Indang sa Taong 1905-1906

Sa taong pampaaralan ng 1905-1906 ay pumasok ang ikalawang batch ng intermedia ng Indang bilang mga mag-aaral ng Grade IV. Ilan sa mga ito ay sina Filomena Aviñante, Maria Mojica, Eufracia Costa, Matilde Condicion, Gertrudes Estuart, Dorotea Malabanan, Guadalupe Pelimiano, Genaro de la Cruz, Atilano de Lara, Emilio Medina, Olimpio Ortega, Braulio Panganiban at iba pa.

Ang pagkakaiba ng ikalawang batch sa una ay ang pinagmulang mga bayan ng mga mag-aaral. Mapapansin sa mga apelyidong ng bagong mag-aaral na marami sa kanila ay hindi mula sa Indang. Indikasyon na nagsimula nang pumasok sa intermedia ang mga mag-aaral mula sa kalapit bayan. Sina Filomena Aviñante at Olimpio Ortega ay taga Alfonso; sina Matilde Condicion at Gertrudes Estuar, Naic; Dorotea Malabanan, Mendez. Sa ganito ay ginampanan na nang paaralang intermedia ang unang bisyon nito na maging sentro ng edukasyon ng mga bayan sa Katimugang Cavite.

Ang unang batch ng mag-aaral sa intermedia na pumasok noong 1904 mula sa paaralang sentral ng Indang ay inilipat sa pansamantalang paralan na na nasa timugan ng poblacion. Ang mga araling pinag-aralan ng mga Grade 5 ay ang mga sumusunod:

Ang araling Language and grammar ay bumubuo sa 2/5 ng kabuuan aralin sa grado. Nakapokus sa

90

Kabanata 6 – Mr. Harry J. Hawkins (1905-1906)

pagbasa ng aklat na Intermediate language book at suplementong aklat ay A Reader on Philippine History.Ang araling Aritmetika ay bumubuo sa 1/5 ng pag-aaral at nakapokus sa pagtuturo ng Fraction, common and decimal, at metric system.

Ang pag-aaral ng Geography ay bumubuo ng 1/5 ng pag-aaral. Binibigyang diin ang adbanseng heograpiya na may diin sa kaalaman sa katawang lupa at tubig. Binigyan ng ispesyal na pagtuturo sa meteorology ng mga Pulo ng Pilipinas, aralin ukol sa bulkan, lindol, bagyo, pormasyon ng mga coral, at katangian ng tag-init at tag-ulan.

Sa Science Studies na bumubuo sa 1/5 ng kabuuang pag-aaral ay tinuturuan ukol sa mga hayop ng Malaysia (tatlong beses isang linggo). Subalit nagkaroon ng modipikasyon at ginawang na ang aralin sa pagsasaka ay itinuro sa unang kalahati ng taon at ang ukol sa hayop ay sa huling kalahati.

Ang mga mag-aaral na lalaki ay tinuruan ng araling sa agrikultura base sa textbook sa elementary agriculture, at sinamahan ng pagtatanim ng mga pangunahing pagkain at halamang pangkabuhayan.

Ang mga mag-aaral na babae ay tinutuan ng housekeeping. Partikular ang pagluluto at tamang paghahain nito sa hapag kainan (ginagawa ng dalawang beses isang linggo).7

Ang pagbibigay ng lundo sa araling agrikultura sa mga mag-aaral na lalaki ayon sa binubuong disenyo ng lalawigan at Kawanihan para sa intermedia ng Indang ay nagsimulang maging kongkreto nang idestino sa Indang ang gurong Amerikano na si C. E. Workman noong Hulyo1905 upang magturo ng agrikultura.

Mga Dokumentong Pang-Edukasyon ng 1905-1906

Noong 1906, inilathala ng Kawanihan ng Edukasyon ang Bulletin No. 25 na naglalaman ng talaan ng lahat ng mga Amerikano at Pilipino na may designasyon na mga gurong insular sa buong Pilipinas. Mahalaga ang dokumento dahilan sa

7 ARTDE 1904:29 - Ang mga aralin na ito ay binigyan ng koroborasyon sa Report Card noong 1905-1906 ng mga-aaral na si Eugenia Mojica.

91

Intermedia ng Indang / Anciano

nabigyan nito ng pangalan ang mga unang gurong Pilipino sa Kapuluan na dating masasalamin lamang sa estadistika. Makikita rin sa ulat ang paghahati ng mga dibisyong pang-edukasyon at ang designasyon at responsibilidad na ginagampanan ng mga Pilipinong guro sa mga unang taon ng edukasyong Amerikano sa Pilipinas. Ang Bulletin No.25 ay mula sa iwinastong talaan ng mga personnel ng Kawanihan noong Marso 1906 at sa ganito, higit itong repleksiyon ng mga nanunungkulan noong Taong Pampaaralang 1905-1906.

Ang bahagi ukol sa lalawigan ng Cavite ay nasa pahina 11 ng nabanggit na bulletin at mababasa sa pag-uulat na sa Taong Pampaaralan ng 1905-1906 si H. J. Hawkins ang nagsisilbing supervising teacher ng distrito ng Indang. Sinasakop pa rin niya ang mga bayan ng Alfonso at Mendez. Nakatulong niya ang mga gurong sina Felisa Mercado para magturo Grade IV sa paaralang sentral ng Indang; Remigio Cruz na nangangasiwa sa paaralang

92

Kabanata 6 – Mr. Harry J. Hawkins (1905-1906)

sentral ng Alfonso; at Emilio Castro na nangangasiwa sa paaralang baryo ng Mendez.8

Kabilang sa maraming tungkulin ni Harry J. Hawkins ay ang pagiging principal ng intermedia ng Indang at ang isa sa pangunahin niyang hinarap sa paaralan ay ang pagsubaybay sa progreso ng konstruksiyon at komplisyon ng gusaling intermedia. Isa sa napakahalagang inpormasyon na nilalaman ng Bulletin No. 25 ay ang pagtiyak na ang intermedia ng Indang ay nagtataglay na nang katayuan bilang isang paaralang panlalawigan sa Taong Pampaaralan ng 1905-1906 at ipinakikilala nito si H. J. Hawkin bilang principal ng paaralan at si C. E. Workman ang kaniyang katulong sa pagtuturo ng araling pagsasaka.

Ang sumunod na dokumento na magbibigay ng koroborasyon sa Bulletin No. 25 ay ang Report Card ng mag-aaral ng Grade IV na si Eugenia Mojica para sa Taong Pampaaralan ng 1905-1906.9 Makikita na ang mga aralin na kaniyang kinuha ay naka-ayon sa Intermediate Curriculum of 1904. Mapapansin na ang pumirma bilang principal sa

8

Bulletin No. 25:11 - Si Emilio (ang tamang pangalan ay Emiliano) Castro ay mula sa Rosario, Cavite at napangasawa niya si Dolores Mojica ng Mendez noong Nobyembre 9, 1904. (Mendez History).

9 Si Eugenia Mojica ay nakatala sa listahan ng mga nagtapos noong 1907, kasabay ng kaniyang nakakatandang kapatid na si Isaac Mojica Sr. Subalit ang kaniyang Report Card ay tumutugma na siya ay unang nag-aral ng Grade IV sa taong 1905-1906 at kasama sa nagtapos noong 1908.

93

Intermedia ng Indang / Anciano

kaniyang report card ay si H. J. Hawkins at countersigned lamang sa ilalim ni C. E. Workman.

Sa dalawang magkasunod na dokumento na ipinakita rito ay ganap nitong nilulusaw ang mga hindi tumpak na paniniwala na ang paaralang intermedia ng Indang ay nagsimula lamang noong 1906 at ang mga naunang impresyon na si C. E. Workman ang unang principal nito.

Felisa Mercado: Ang Unang Dokumentadong Gurong Pilipino sa Intermedia ng Indang

Sa pag-aaral sa nilalaman ng Bulletin No. 25 ng Kawanihan ng Edukasyon ay mayroong lamang 28 guro at 1 clerk na insular sa lalawigan ng Cavite sa taong 1905-06. Sa bilang na 28 ay 15 na lamang ang mga Amerikano at ang 13 ay mga gurong Pilipino. Lumilitaw na ang orihinal na insular item positions na para sa mga gurong Amerikano sa Cavite ay nanatili sa dami at ang mga bakanteng item ay sinimulan na punan ng mga gurong Pilipino na nakapasa sa eksaminasyon ng Serbisyo Sibil ng Pilipinas noong Disyembre 27-28, 1904.

Ang mga gurong insular sa Bulletin No. 25 ay nahati sa 21 lalaki (10 Amerikano at 11 Pilipino) at pitong babae. Sa mga babaeng ito ay lima ang Amerikana at dalawa lamang ang Pilipina – sina Felisa Mercado na nakatalaga sa Indang, Cavite at Rosario Imzon na nakatalaga sa Julugan, Tanza, Cavite. Nakasaad din sa ulat na ang mga bayan ng Noveleta, Imus, at Indang lamang ang mayroong mga paaralan na nagtuturo ng Grade IV na kumakatawan sa unang taon ng kursong intermedia. Dahilan si Felisa Mercado ay mayroong designasyon na gurong insular at nakatalaga bilang guro ng Grade IV subalit hindi in-charge (si Rosario Imson ay in-charge ng Julugan, subalit hindi nagtuturo ng Grade IV) sa paaralang sentral ng Indang. Ito ay indikasyon ng kaniyang pagiging guro sa klaseng intermedia.10

10 Sa kapanahunang, iyon, tatlong gurong lamang ang nagtuturo sa klase ng Grade IV sa lalawigan ng Cavite. Si Gertrude Brink sa Noveleta, si Zosimo Topacio sa Imus, at si Felisa Mercado sa Indang.

94

Kabanata 6 – Mr. Harry J. Hawkins (1905-1906)

Si Felisa Medina-Mercado ay nagmula sa isa sa mga nakakariwasang pamilya sa bayan ng Silang, Cavite. Nakapagtapos ng kaniyang pag-aaral La Consolacion.11 Hindi matiyak kung siya ay nanunungkulan na sa intermedia ng Indang noon pa mang 1904.

Ang lohika ng kronolohiya ay lumilitaw na tila kinuha siya ni Mr. H. J. Hawkins mula sa Silang sa paglipat nito sa Indang noong 1905. Ikinukuwento pa ng mga apo ang salaysay ni Felisa Mercado naglalakbay ito sa pamamagitan ng pagsakay sa kabayo ng kaniyang pinsan na si Catalino Castillo papunta ng Indang at nakakasabay pa nila ang isa pang gurong insular na taga Silang na si Guillermo Bayan na noon ay nakatalaga naman sa Amadeo, Cavite.12

11

Panayam kay Ms. Veneranda Castillo – Enero 2008, sa bahay ng nagsasaliksik sa Silang, Cavite.

Isa sa mga unang palaisipan sa nagsasaliksik ay kung bakit si Felisa Mercado ay hindi kasama sa listahan ng mga aspirante na siyang mga naging unang guro sa Silang, Cavite. Nang banggitin ng kinapanayam na ang kaniyang lola ay nagtapos ng La Consolacion ay doon lamang naunawaan ng nagsasaliksik ang kwalipikasyon ni Felisa Mercado. Ang La Consolacion noong 1902 ay nagpokus ng pagtuturo sa Ingles at sa paghahanda ng mga mag-aaral na kababaihan upang makapasa sa pagsusulit ng serbisyo sibil.

Basahin ang website ng La Consolacion College sa www.lccm.edu.ph/

12 Panayam kay Ma. Luisa Belardo September 2007 – Municipal Hall, Silang, Cavite.

95

Intermedia ng Indang / Anciano

Para sa karagdagang inpormasyon ukol kay Felisa Mercado. Siya ay naglingkod sa intermedia ng Indang hanggang 1907 at nalipat ng pagtuturo sa bayan ng Amadeo, Cavite.13 Ang pangalan niya ay hindi na lumitaw sa Official Roster ng mga guro ng Kawanihan ng Edukasyon para sa mga taong 1912 hanggang 1914, na isang indikasyon na wala na siya sa mga nabanggit na taon sa serbisyong pagtuturo. Ang pagkawala ni Felisa Mercado sa Kawanihan ng edukasyon ay dahilan sa nakapag-asawa siya ng isang musikero na mayroong apelyidong Yamson at nanirahan sa Shanghai, China.14 Maagang namatay ang kaniyang asawa at nag-iisang anak na siyang dahilan kung bakit wala siyang direktang descendant. Pagkatapos ng mahabang panahon ng pagkakawala ni Felisa Mercado-Yamson, siya ay nagbalik sa bayan ng Silang. Natatandaan pa ng ilang mga nakaabot sa kaniya ang pagiging ismarte ng matanda at ang pag-gamit nito ng wikang Ingles sa pakikipag-usap.15 Dahilan sa matagal na nawala sa pagtuturo, ang mga nakaabot sa kaniya ay walang nalalaman na siya ang unang Pilipinang gurong insular at unang gurong intermedia sa lalawigan ng Cavite. Si Felisa Mercado-Yamson ay namatay noong Mayo 1966 sa Maynila sa edad na mahigit 80.16

Ang Gusaling intermedia

Ang pinakamahalagang kaganapan sa taong 1906 para sa Indang ay ang ginawang pagbubukas sa gusaling intermedia. Ang edipisyong ito ay maituturing na katuparan ng mga naunang adhikain noon pa mang panahon ng mga Espanyol ng mga mamamayan na magkaroon ng isang modernong gusaling paaralan sa bayan. Ang gusali rin na ito ang siyang simbolo ng Indang bilang pangalawang sentro ng edukasyon sa lalawigan.

13

Ang pagtuturo ni Felisa Mercado sa bayan ng Amadeo ay nakasaad sa Marker sa Amadeo Elementary School. 14

Sinasabi ng manunulat na si John Foreman na sa mga unang dekada ng pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas ay mayroong grupo ng mga mahuhusay na musikerong Pilipino na nagpe-perform sa Shanghai. Maaring dito napabilang ang asawa ni Ms. Felisa Mercado-Yamson. 15 Panayam kay Mrs. Alicia Carada – Disyembre 2007.

16 Panayam Ma. Luisa Belardo. Kung pagbabasehan ang edad na 80+ na kamatayan ni Felisa Mercado siya ngayon ay 120 taon na. Mahahaka na siya ay nagturo sa Indang sa edad na 20+.

96

Kabanata 6 – Mr. Harry J. Hawkins (1905-1906)

Tinatantiya ng nagsasaliksik na ang pagbubukas ng gusaling intermedia ng Indang ay naganap sa pagitan ng Disyembre ng 1905 o Enero 1906 at maaring inihabol din ito sa nalalapit na pag-alis ni H. J. Hawkins sa serbisyo sa Kawanihan ng Edukasyon. Sa unang buwan din ng 1906 ay nahalal at nanungkulan si Don Severino de las Alas bilang presidente ng bayan ng Indang.

Ang mukha ng edipisyo ay naipreserba sa larawan na ginamit sa artikulo na sinulat ni Joseph A. Cocannouer sa dyornal ng Kawanihan ng Edukasyon na The Philippine Crafstman na nalathala noong Pebrero 1914. Sa bahaging ito ng pag-aaral ay tinangka ng nagsasaliksik na ilarawan ang matandang gusali ng intermedia mula sa mga nalalabing larawan at pahayag ng mga nakapanayam ng mga matatandang mamamayan ng Indang na nakakita pa sa gusaling na minsan ay naging monumento ng determinasyong pang-edukasyon ng mga taga- Indang para sa kanilang mga kabataan.

Ang gusali ng intermedia ay itinayo na nakapagitna sa isang malawak na lupain na nakaharap sa kalsada ng Bancod. Ipinapaliwanag ng Kawanihan ng Edukasyon ang rasyonal sa paglalagay ng paaralan sa sentrong bukana ng bakuran ng paaralan sa kapanahunang iyon. Ito ay upang bigyan ng distinksiyon at dignidad ang gusali ng paaralan.17 Magmula sa

17 Harry Theobald, The Filipino Teacher's Manual (New York and Manila.Wold Book Company, 1907) p. 3-5.

97

Intermedia ng Indang / Anciano

kalsada ay makikita ang kabuuang kagandahan ng gusali ayon sa istilo ng kaniyang kapanahunan. Ang gusali ng intermedia ay naitayo na may ilang metro ang layo mula sa kanlurang bahagi ng kalsada ng Bancod. Ang paaralan ay nakaharap pasilangan sa kalsada na ang kabilang panig noon ay isang malawak na lupa na nagsisilbing taniman ng niyog at iba pang mga halaman at punong kahoy.

Ang bubong ay gawa mula sa yerong galbanisado, mula sa isang mahabang palupo sa itaas ay bumubuka paibaba na parang tatsulok. Sa magkabilang panig ng bubong sa kaliwa at kanan ay mayroon itong mga parihabang siwang na nagsisilbing bentilasyon para sa kisame at mayroong paikot na sibe na ang pinakamalapad dito ay ang sa dakong harapan. Ang kabuuan ng edipisyo mula sa ibaba ng bubong hanggang sa sahig ay gawa naman sa mga matitibay na kahoy sa kaniyang kapanahunan, at ang ibaba Ang hugis ng gusali ay nakaayon sa Plan 6.18 Kung titingnan mula sa itaas ay tila mayroong hugis na kuwadradong sapatos ng kabayo. Mula sa kalsada ay hantad ang kabuuan ng gusali na mayroong dalawang nakausbong na panig at paloob na pantay sa harapan. Ang bahagi ng nakapaloob na harapan ng gusali ay sinasakop ng ekstensiyong bubungan upang ikubli nito sa sikat ng araw at buhos ng ulan ang bahagi ng magkabilang hagdanan na gawa sa kahoy at maging silungan din ng mga mag-aaral na nasa harapan ng paaralan.

Ang dingding na nagsisilbing exterior ng gusali ay gawa sa mga matitibay na tablang kahoy na inilapat ng buong kahusayan. Ang mga bintana ay gawa sa kahoy at kapis na nabubuksan at naisasara sa pamamagitan ng pagtulak at pagbatak na paayon sa riles na pinagkamadahan sa sa mga ito. Ang kahoy sa ibaba ng bintana ay nililok na mga tabla na sinadyang magkaroon ng simetrikal na mga butas na nagsisilbing ventanilla upang makapasok ang hangin mula sa labas patungo sa sahig ng mga silid na pinagdarausan ng klase.

18 Mayroong dalawang modelo ng plan 6. Ang una ay ang plan 6 na ginawa ayon sa naunang plano ng arkitekto ng Kawanihan ng Edukasyon (na maaring si Mr. Eaton) na inangkop sa mga unang taon ng pamamahala ng mga Amerikano sa Pilipinas. Ang sumunod ay ang pinaghusay na modelo na tinawag na Standard Plan 6 na ginuhit ng arkitektong si William Parsons at pinagbasehan sa pagpatayo ng mga gusaling pinondohan ng Batas Gabaldon. Ang gusaling intermedia ng Indang ay modelo na kabilang sa pre-Gabaldon at disenyong pre-Parson.

98

Kabanata 6 – Mr. Harry J. Hawkins (1905-1906)

Sa pagitan ng lupa at ang una palapag ng gusali ay mayroong elebasyon na tatlong talampakan ang taas. Tinatawag itong silong at nag-iwas sa sahig ng unang palapag sa posibilidad na abutin ng baha o ng putik. Sa silong na ito ay matatagpuan ang mga kongretong pundasyon na sumusuporta sa buong kabigatan ng gusali. Mula sa ibaba, ang gusali ay mapapanhik sa pamamagitan ng isang hagdanang gawa sa mga matigas na kahoy na mayroong apat na baitang. Mayroon itong dalawang maluwang na pintuan na halos nakadikit sa magkabilang wing ng gusali na mabubuksan na patulak paloob mula sa hagdanan. Sa pintuang ito ay maaring makapasok nang sabayan ang tatlong mag-aaral. Sa pagpanhik sa hagdanan at pagpasok sa pintuan ay tatambad ang bulwagan na nagsisilbing pulungan sa magkabilang panig ay mayroong nakalaan na tig-dadalawang silid-aralan na pinagdarausan ng klase.

Ang matandang gusaling intermedia sa Indang ay sinimulang gamitin sa taong 1906 at sa pagkakaroon ng ilan pang mga gusali, tinawag itong academic building.19 Ginamit rin ito para sa klase ng mga unang mag-aaral ng programang sekondarya sa Indang Farm School hanggang sa ito ay mabigyan ng panibagong aproprasyon upang makapagtayo ng bagong gusali na alinsunod sa Standard Plan 7 ng Gabaldon.20 Sa ginawang pagpapakita ng larawan ng dating gusaling intermedia at pagtatanong sa mga matatandang mamamayan ng Indang ay kanilang kinumpirma na ang gusali ay nakatayo pa rin hanggang sa mga unang taon ng 1950’s.

Maliban sa gusaling paaralan ay kasabay na itinayo ang principal hut sa tabi ng paaralan upang maging opisyal na tahanan ng pinuno ng paaralan. Sa pagsalaysay ni Mrs. Dominga Alano-Sosa sa nagsasaliksik ay inilarawan nito ang nasabing bahay na napakalaki, gawa sa kahoy at ang bubungan ay gawa sa cogon. Kaniya pang natatandaan ang bahay dahilan

19

Sa artikulo ni Cocannouer noong 1914 ay inilagay niyang caption para sa gusali ang “academic building” isang indikasyon na mayroon ng ilang mga gusali na nakatayo sa complex ng paaralan sa panahon ng kaniyang panunungkulan na principal ng paaralan.

20 Sa pagtatantiya ng nagsasaliksik ang gusali para sa kursong sekondarya ng paaralan ay napagkalooban lamang ng kaukulang aproprasyon noong mga unang taon ng 1930’s.

99

Intermedia ng Indang / Anciano

sa sila ay napatira rito, sapagkat ang kaniyang ama na si Mr. Numeriano Alano ay nagtrabaho sa intermedia ng Indang bilang janitor at toolkeeper ng paaralan at ang kaniyang ina ay pinagkatiwalaan sa bahay na iyon mula kay Mr. Workman hanggang kay Mr. Cocannouer.21

Ang Pagtatapos ng Panunungkulan ni H. J. Hawkins sa Indang

Kung pag-aaralan ang kaayusang kronolohikal at ilang mga natitirang dokumento na ginamit sa pag-aaral na ito. Ang panunungkulan ni H. J. Hawkins ay naging limitado lamang sa taong pampaaralan ng 1905-1906. Maaring nagbitiw siya sa Kawanihan ng Edukasyon bago magtapos ang nabanggit na taong pampaaralan o kaya ay bago nagsimula ang pasukan ng 1906-07. Si H. J. Hawkins ay lumipat na sa ibang kawanihan ng pamahalaan. Sa pag-alis ni Hawkins si C. E. Workman na ang nanungkulan bilang Officer-In-Charge ng paaralan at pansamantalang supervising teacher ng distrito ng Indang.

Pagkatapos nang panunungkulan ni H. J. Hawkins bilang

principal ng intermedia ng Indang ay naitalaga siyang opisyal ng Philippine Constabulary. Noong Oktubre 30, 1907 napabalita na ang detachment ng konstabularya na pinamumunuan ni Lt. H. J. Hawkins sa Jaen, Nueva Ecija ay nakipagsagupa sa mga masamang loob at nakapatay ng dalawa at nakadakip ng tatlong bandido.22

21

Panayam: Mrs. Dominga Alano - Sosa Oktubre 2007 at Enero 2008.

22 ARPC 1908 Part 2:389

100

Kabanata 6 – Mr. Harry J. Hawkins (1905-1906)

Larawan ni Col. Hary J. Hawkins (c. 1920’s) sa isa niyang paglalakbay sa lugar na sakop ng kaniyang distritong pangkonstabularya.

Harry J. Hawkins CollectionAmerican Historical Collection – ADMU

Nang pumutok ang Bulkang Taal noong mga huling araw ng Enero 1911 ay iniulat nang noon ay nanunungkulang Inspektor ng Philippine Constabulary sa Upland District ng Cavite na si Tinyente William Farr na ilang araw pagkatapos nang nabanggit na kalamidad ay pinalitan siya ni Tinyente H. J. Hawkins sa Indang.23

Larawan ni Mr. Harry J. Hawkins sa harapan ng kaniyang tindahan ng Socony Motor Oil sa Legaspi, Albay c. 1930’s.Harry J. Hawkins CollectionAmerican Historical Collection – ADMU

Ilang taon ang lumipas si H. J. Hawkins ay naitalaga bilang hepe ng secret service sa Bureau of Custom.24 Si H. J. Hawkins

23 William C. Farr. Taal Eruption, 1911. Philippine Magazine May 1938. Sa Salaysay ni Lt. William Farr na pinuno ng Philippine Constabulary sa Indang noong 1910-1911 ay sinasabi niya na siya ay pinalitan ni Lt. Hawkins sa Indang ilang linggo matapos na pumutok ang Bulkang Taal. Ang pagbabalik ni H. J. Hawkins sa Indang mula sa pagiging principal at guro sa bago niyang bihis bilang opisyal ng konstabularya ang maaring dahilan upang maisulat sa HDSAC na ang mga unang gurong Amerikano sa Intermedia ng Indang ay mga kawal ng Hukbong Sandatahan ng Amerika.24

Rosentock’s Manila City Directory 1917:443

101

Intermedia ng Indang / Anciano

ay isa sa mga Thomasites na pinili na manirahan sa Pilipinas.25 Pagkatapos ng kaniyang panunungkulan sa pamahalaang Insular siya ay nagretiro at ang address kung saan ipinapadala ang kaniyang suskripsiyon ng Philippine Magazine ay sa Socony, Legaspi Albay.26

Ikumpara ang entry kay Harry J. Hawkin sa Cornejo’s Commonwealth Directory of the Philippines. (Philippine Government : Manila 1939)

25 Luther Parker The Thomasites Who Stuck The American Chamber of Commerce Journal August 1923.

26 Mula sa mga isyu ng Philippine Magazine na nagpapakita ng mga importanteng subscriber ng kanilang magasin para sa taong 1932.

102