42
KABANATA 22 - TAPON SA DAPITAN A. Ang Buhay ng Isang Tapon 1. Hulyo 15, 1892 - nakarating si Rizal sa Dapitan at ipinagkaloob kay Kapitan Ricardo Carnicero ang komandante ng hukbong Espanyol sa lugar. 2. Dala ni Rizal ang sulat ni Padre Pablo Pastells na superior ng mga Jesuita para kay Padre Antonio Obach ang paring Jesuita sa Dapitan. Ang sulat ay naglalaman ng mga kondisyon upang si Rizal ay makatira sa kumbento. 3. Pansamantalang nanirahan si Rizal sa kuwartel na pinamumunuan ni Kapitan Carcinero na kanyang naging kaibigan. 4. Setyembre 21, 1891 - nakatanggap sina Rizal, Carcinero at isang Espanyol ng Dipolog ang gantimpala na ang kanilang ticket bilang 9736 ay nanalo ng ikalawang gantimpalang P20,000. Ang naging hati ni Rizal ay P6,200. Ibinigay niya ang P2,000 sa kanyang ama at P200 kay Jose Ma. Basa sa Hongkong at ang natira ay kaniyang ginamit sa pagbili ng lupa sa Talisay na isang kilometro ang layo sa bayan ng Dapitan.

Jose Rizal and Josephine Bracken in Dapitan

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Jose Rizal's life with Josephine Bracken in Dapitan

Citation preview

Page 1: Jose Rizal and Josephine Bracken in Dapitan

KABANATA 22 - TAPON SA DAPITANA.    Ang Buhay ng Isang Tapon1.     Hulyo 15, 1892 - nakarating si Rizal sa

Dapitan at ipinagkaloob kay Kapitan Ricardo Carnicero   ang komandante ng hukbong Espanyol sa lugar.

2.     Dala ni Rizal ang sulat ni Padre Pablo Pastells na superior ng mga Jesuita   para kay Padre Antonio Obach   ang paring Jesuita sa Dapitan. Ang sulat ay naglalaman ng mga kondisyon upang si Rizal ay makatira sa kumbento.

3.     Pansamantalang nanirahan si Rizal sa kuwartel na pinamumunuan ni Kapitan Carcinero na kanyang naging kaibigan.

4.     Setyembre 21, 1891 - nakatanggap sina Rizal, Carcinero at isang Espanyol ng Dipolog ang gantimpala na ang kanilang ticket bilang 9736 ay nanalo ng ikalawang gantimpalang P20,000. Ang naging hati ni Rizal ay P6,200. Ibinigay niya ang P2,000 sa kanyang ama at P200 kay Jose Ma. Basa sa Hongkong at ang natira ay kaniyang ginamit sa pagbili ng lupa sa Talisay na isang kilometro ang layo sa bayan ng Dapitan.

5.     Ngkaroon ng isang mahabang sulatan sina Rizal at Pastells ukol sa usapin ng relihiyon na naglalaman ng mga paniniwalang pangrelihiyon ni Rizal.

a.     Ginagamit ng mga prayle ang relihiyon sa pansariling kapakinabangan.

b.     Ang sariling pagpapasiya ay biyaya ng Diyos sa lahat ng tao.

1.     Hindi nagtagumpay si Pastell na maibalik si Rizal para sa simbahan.

2.     Hinamon ni Rizal ang isang Pranses na si Mr. Juan Lardet ng duwelo dahilan sa pagbebenta kay Rizal ng mga kahoy na mababa ang kwalidad.

Page 2: Jose Rizal and Josephine Bracken in Dapitan

3.     Inilipat ni Padre Pastells si Padre Francisco Sanchez sa Dapitan upang muling akitin si Rizal na magbalik sa simbahan. Ngunit hindi rin ito nagtagumpay.

4.     Nakatanggap na rin si Rizal ng mga panauhin sa Dapitan at nakasama niya ang kanyang mga kapamilya at nagpatayo na ng bahay sa Talisay.

5.     Nagpadala ang mga prayle ng isang tao na may alyas na Pablo Mercado (Florencio Namanan) upang isangkot si Rizal sa mas malaking kaso.

6.     Nagtrabaho si Rizal sa Dapitan bilang isang manggagamot. Ang kanyang mga pasyente ay mga mahihirap na hindi makabayad at mga mayayaman na nagbabayad ng malaki sa kanyang paglilingkod. Nang tumira ang kanyang ina sa Dapitan sa loob ng isa at kalahating taon, ginamot din ito ni Rizal. Nakilala ang kahusayan ni Rizal sa panggagamot kahit na siya ay nasa Dapitan, sinasadya sya ng mga pasyente mula sa iba't ibang panig ng daigdig. Naging interes din ni Rizal ang mga lokal at halamang gamot.

7.     Itinayo ni Rizal ang isang sistema ng patubig sa Dapitan upang magkaroon ng malinis na tubig sa bawat bahay ng Dapitan.

8.     Mga Proyektong Pangkomunidad sa Dapitan:

a.     Paglilinis ng mga latian upang mawala ang malaria

b.     Paglalagay ng pailaw sa lansangan ng Dapitan

c.      Pagpapaganda ng liwasan at ang paglalagay ng mapa ng Mindanao sa plasa.

1.     Ang malaking panahon ni Rizal ay ginamit din niya sa pagtuturo ng mga kabataan sa Dapitan. Tinuruan niya ang mga ito ng mga aralin sa wika, heograpiya,

Page 3: Jose Rizal and Josephine Bracken in Dapitan

kasaysayan, matematika, gawaing industriyal at iba pa. Ang oras ay mula alas 2:00 hanggang 4:00 ng hapon.

2.     Mga ambag ni Rizal sa Agham sa Dapitana.     Pinasok ni Rizal ang mga kagubatan at

baybay dagat ng Dapitan para sa paghahanap ngmga specimen upang ipadala niya sa mga museo ng Europa.

b.     Nakapag-ipon siya ng 346 na uri ng mga kabibi.

c.      Natagpuan niya ang species ng Draco rizali Apogonia rizali at Rhacophorus rizali.

1.     Ang pag-aaral ng mga wika ay ipinagpatuloy ni Rizal sa Dapitan. Sa panahong ito ay natutunan niya ang wikang Bisaya, Subuanin, at Malayo.

2.     Ang kahusayan sa larangan ng sining ay makikita pa rin kay Rizal sa panahon ng pagkakatapon niya sa Dapitan. Gumuguhit siya ng mga bagay na nakaakit sa kanya at nililok niya ang (1) Paghihiganti ng Ina: (2) ang ulo ni Padre Guericco; (3) estatwa ng isang babaeng taga-Dapitan.

3.     Ginamit din ni Rizal ang kanyang panahon sa Dapitan bilang isang magsasaka. Umabot ng 70 hektarya ang lupang kanyang pag-aari na tinaniman niya ng abaka, niyog, punong kahoy, tubo , mais, kape, at cocoa. Ginamit din ni Rizal ang modernong pagsasaka sa pamamagitan ng pag-aangkat sa Estados Unidos ng mga makabagong makinarya.

4.     Ang pagnenegosyo ay isa sa mga naging gawain ni Rizal sa Dapitan. Nakipagsosyo siya kayRamon Carreon ,   mangangalakal na taga-Dapitan sa negosyo ng pangingisda, koprahan at abaka. Itinayo din ni Rizal ang kooperatiba ng mga magasasaka sa Dapitan upang

Page 4: Jose Rizal and Josephine Bracken in Dapitan

mabawasan ang monopolyo ng mga Tsino sa lugar.

5.     Naging malikhain si Rizal sa Dapitan sa pamamagitan ng paglikha ng mga sumusunod;

a.     sulpukan - isang pagsindi ng sigarilyo na gawa sa kahoy

b.     makina sa paggawa ng bricks1.     Si Josephine Bracken.a.     Namatay si Leonor Rivera noong Agosto

28, 1893 dahilan sa panganganak.b.     Dumating si Josephine Bracken (edad 17)

sa Dapitan upang samahan ang kanyang ama-amahan na si George Tauffer   upang mapagamot kay Rizal. Dala nila ang isang tarheta ni Julio Llorente.

c.      Nagmahalan sina Rizal at Josephine at nagbalak na magpakasal ngunit ayaw silang ikasal ni Padre Obach ng walang permiso ng arsobispo ng Cebu.

d.     Umalis si Tauffer sa Maynila at naiwan si Josephine sa Dapitan upang makisama kay Rizal.

e.     Sa unang bahagi ng 1896, nakunan si Josephine sa kanilang anak ni Rizal.

1.     Dumating sa Dapitan noong Hunyo 1896 si Dr. Pio Valenzuela   upang ipaalam kay Rizal ang ukol sa Katipunan. Hinikayat ni Valnzuela ang pamumuno ni Rizal sa Katipunan na tinaggihan naman niya.

2.     Nagboluntaryo si Rizal upang maglingkod sa hukbong Espanyol bilang isang seruhano saCuba. Ang kanyang kahilingan ay tinugon naman ni Gob. Hen. Ramon Blanco na sumagot sa kanyang sulat noong Hulyo 1896 na nagsasabi ng pagsang-ayon sa kanyang plano.

3.     Nilisan ni Rizal noong Hunyo 31, 1896   sakay ng barkong Espana kasama nina Josephine, Narcisa, at pamangking si Angelica.

Page 5: Jose Rizal and Josephine Bracken in Dapitan

……………….

Ang Pag-Ibig ni RizalKuwento ni Alberto Segismundo CruzSilahis, Abril 22, 1

         --  Ang lalong matatamis na alaalang pinitas sa sanga ng walang-kamatayang  pakikipagsapalaran ng ating bayani sa larangan ng pag-ibig, ang atin ngayong matutunghayan.  

           --  Si Rizal, katulad din ng lahat ay may puso at sa pitak ng pusong iya’y minsan ding namugad  ang pag-ibig.

I.

Kung may kamaliang maituturing sa panig ng mga nagsisulat ng talambuhay ni Dr.

Jose Rizal ay walang iba kundi ang pagtutulad sa kanyang katauhan sa isang Bathala at hindi sa isang karaniwang taong may mga paang putik.

Dahilan diya'y lumabo na tuloy ang mga dapat lumiwanag na kabanata sa kanyang buhay lalo na ang nauukol sa kanyang pag-ibig sa pangunang matuwid na ang pag-ibig na ito kailan ma'y hindi kinilala ng mga pangunahing manunulat ng kanyang talambuhay na isang damdamin ng kabataan o isang damdaming katugon ng karaniwang tibok ng puso. At, tanggapin man sakaling ang pag-ibig na iyan ng Bayani ng Kalamba'y nabuo sa isang dakilang damdaming makabayan, dili iba kundi ang pag-ibig sa kanyang Tinubuan, sukat na kanyang dahilan iyan upang huwag na mabatid ng mga huling salin ng lahi ang tunay na damdamin ng kanyang puso?

"Fiat Lux." Pabayaan nating magkaroon ng liwanag. At ang liwanag na hinihintay ng abang maykatha nito'y walang iba kundi ang ilaw ng katotohanan. Sapagka't naniniwala't nananalig pa ang maykatha nito na sa pagkakabunyag ng malalabong kabanatang ito sa buhay ni Dr. Rizal ang kadakilaan niya sa puso ng bayang nagmamahal at halos sumasamba sa kanyang pagka-bayani'y hindi magbabawas bahagya man, bagkus magiging lalo pa ngang dakila dahilan sa lalong naging malapit at matapat ang kanyang larawan sa kanila.

Sapagka't kung hindi magiging matapat ang pagbubunyag ng kanyang kabanata sa pag-ibig, ang panahon ng kanyang kabataan, na masasabing simula ng pag-aalab ng kanyang damdaming makatao'y maaaring mapakubli at hindi mahirang ang lalong maningning at kapupulutan ng aral na bahagi nito.

Page 6: Jose Rizal and Josephine Bracken in Dapitan

Bilang unang palatandaan ng isang maselang na damdaming naghahari sa kaluluwa ni Dr. Rizal sa maagang panahon pa lamang ng kanyang kabataan ay ang malabis niyang pagmamahal sa tula. Napukaw sa kanya ang damdaming-makata sa pagbibigay-sigla ng kanyang ina at ng matandang kapatid na si Saturnina na "nag-atas" sa batang si Pepe na magmahal at mag-aral ng mga bagay na may kinalaman sa sining at sa klasiko. Ang mga aklat ni Saturnina hinggil sa mga paksang nasabi'y pinatutunghayan sa kanyang kapatid kaya't sa loob ng dalawa pang taon, ay nangyari nang mabasa niya pati ang Bibliyang Kastila. Nang nakasusulat na si Pepe at sa pagbibigay-sigla ng kanyang ina ay nangyaring makalikha ang bata ng isang tulang may mga kamalian, datapuwa't may mga kamalian ma'y nagpapakilala rin ng matayog na lipad ng diwa't tanging salamisim.

Bago siya tumuntong sa kanyang ika-walong taong gulang ay nakasulat siya ng isang dula, na itinanghal sa isang kapistahan ng nayon, at sa kasiyahan ng kapitan munisipal, siya'y pinagkalooban noon ng dalawang pisong gantimpala. Gayon din naman, sa gayon ding gulang, ang mga tala ng kasaysaya'y nagsisiwalat na siya'y nakalikha ng isang tulang inihandog sa kanyang mga kababata. Anopa't sa gayong maagang pagkakagising ng kanyang damdaming-makata, ang kanyang kudyapi'y umunlad at tumaginting sang-ayon sa damdaming inilalarawan ng pihikan niyang diwa. Katibayan nito'y ang kanyang tulang Un Recuerdo a Mi Pueblo (Isang Gunita sa Aking Bayan) na nagpapasariwa't nagbibigay ng mga alalahanin hinggil sa kanyang kamusmusan sa Kalamba - sa bayan niyang sinilangan.

“Murang kamusmusan,bayang iniibig,Bukal ng ligayang walangkahulilipNg mga awiting kapana-panabik na nagpapatakas sa lungkot at pait!

Magbalik kang muli sapuso ko't dibdib,Magbalik na muli,sandaling nawaglit!Magbalik sa akingkatulad ng pipitSa pamumukadkad ngbulaklak-bukid.”

Ang tulang iyan ay sinulat noong 1876 nang maglalabinlimang taong gulang pa lamang ang ating bayani at nang siya'y nagsisimula pa ng pag-aaral sa Ateneo.

Kung ang layon nati'y ang sumulat hinggil sa kanyang pagka makata't sa mga nalikha niyang tula, tayo'y makapagpapatuloy nang walang sagabal. Walang ibig na

Page 7: Jose Rizal and Josephine Bracken in Dapitan

ipakilala sa mga talatang sinundan kundi ang maagang pagkakagising kay Rizal ng isang diwang-makata na ang ibig sabihi'y lalong handa ang kanyang damdamin sa tibok ng puso. Maaaring ang tibuking ito'y dahilan lamang sa diwang maka-sining sapagka't ang diwang-makata'y may pag-ibig na matapat sa sining, datapuwa't sa ibabaw niya'y hindi maikakait na handa na nga ang damdaming may init at sigla ng kabataan upang isaalang-alaang ang ano mang tibukin ng puso.

Nasa kabataan ang ating bayani, noon. Nguni't talambuhay niya -- at dito nagkakaisa ang mga pangunahing manunulat na nang siya'y labing-animing taon pa'y nakarama na ng "masasal na tibukin ng puso". Ang tibukin ng pusong ito'y ukol ni Pepe sa isang dalagitang nag-aaral sa Kolehyo ng "Concordia", kay Segunda Katigbak. Ang mga pangyayari sa bahagi ng buhay na ito ng bayani ay naganap pagitan ng Abril hanggang Disyembre ng 1877.

Ang isang kapatid na babae ni Pepe, si Olimpia, ay isa ring kolehiyala noon sa nasabing kolehiyo at matalik na kaibigan ni Segunda (Gunding). Kung dumadalaw si Mariano, kapatid na binata ng huli, ay nakakasabay si Pepe, sa pagdalaw sa kapatid naman nito -- kay Olimpia nga. Sa tuwing darating si Pepe sa kolehiyo'y nasasalubong niya sa tanggapan ng mga panauhin si Segunda at nag-uusisa agad kay Pepe kung nais na makausap ang kapatid.

Bilang gunita sa mga araw na yaon ng kanyang unang pag-ibig, ang mga unang bugso ng damdaming naghahari sa puso ni Pepe, ay lalong kaakit-akit manamnam sa sariling paghahanay din niya:

"Itinatanong niya (ni Gunding) sa akin kung anong bulaklak ang aking naiibigan. Sinabi ko sa kanyang ibig ko ang lahat ng bulaklak, datapuwa't lalong higit ang maiitim at mapuputi.Isinagot naman niya sa akin na nais niya ang mga puti at rosas, at pagkatapos ay nag-isip siya."

"May kasintahan ka ba?", tanong niyang bigla sa akin makaraan ang ilang saglit.

"Wala!" ang tugon ko. "Kailan man ay hindi ako nagkaroon ng kasintahan, sapagka't walang sino mang dalagang pumapansin sa akin."

"Ikaw ay baliw! Ibig mo bang kumuha ako ng isa para sa iyo," tanong ng dalaga.

"Salamat sa inyo," ang wika kong lipos ng pamimitagan, "nguni't di ko ibig na abalahin pa kayo."

"Nagunita kong may nagbalita sa akin na siya (si Gunding) ay ikakasal sa darating na Disyembre, kaya't magalang akong nag-usisa, at siya naman ay tumugon sa lahat at bawa't isang katanungan ko."

Page 8: Jose Rizal and Josephine Bracken in Dapitan

"Dadalaw ba kayo sa inyong bayan sa Disyembre?"

"Hindi", ang tuyot na sagot niya.

"Ibinalita nila sa akin na may malaking pistang idaraos sa inyong bayan, at kayo'y magiging isa sa mga punong-abala."

"Hindi", ang wika niyang kasabay ng pagtawa. "Nais ng aking mga magulang na ako'y mamahinga na, nguni't di ko nais, sapagka't nais ko pang manatili dito ng limang taon!"

At isiniwalat ni Rizal, pagkatapos na sila'y nagpatuloy sa pag-uusap, ng iba't ibang matitimyas na "kabaliwan ng kabataan". Nang sumunod na mga pagkakataon, si Pepe at si Gunding, ay parang nag-kakahulihan na ng loob, na hindi maikakait na katugon na ng tibukin ng puso. Aywan kung sa anong himala at nangyaring maipagtapat ni Gunding kay Pepe ang ganito:

"Nalalaman mo kaya kung gaano kalungkot sa akin, kung ikaw'y mapalayo pagkatapos na tayo'y magkakilala? Halimbawa'y hindi ako makipag-iisang-dibdib?" at dalawang patak na luha ang nalaglag buhat sa magagandang mata ng kolehiyala.

Datapuwa't nababatid ni Rizal ang kalagayan ng dalagita. Napipinto na ito upang makipag-isang-dibdib sa isang lalaking matapat na umiibig at umaasa.

Dumating ang Disyembre at kailangang dumating din naman ang sandali ng paghihiwalay. Si Pepe'y nagbalik na sa kanyang bayan, si Gunding ay gayon din. Nguni't sa lansanga'y nagkatagpo sila – si Pepe'y nakasakay sa isang kabayo at si Gunding nama'y sa isang kalesa -- walang nagawa si Pepe kundi yumukod bago ngumiti samantalang ang dalagita nama'y nagwasiwas ng panyolitong nag-aanyaya upang sumama o sumunod sa kanya ang binata. Datapuwa't si Rizal na nakawawatas sa tunay na kalagayan ni Gunding na nakatakda na ang pakiki-isang-kapalaran sa isa namang matapat na umiibig ay nagpasiyang salungatin ang simbuyo ng damdamin ng kabataan. Noon di'y ipinihit ang kabayo sa ibang landas, sapagka't naniniwala siyang maaaring siya ang maging dahilan ng pagkapalungi, kung sakali, ng matapat na pag-ibig ng isang lalaki't binatang katulad niya. Ayaw niyang maging kaapihan ng iba ang ikaliligaya niya.

Nakaraan ang kabanatang ito ng isang pag-ibig na malungkot sa ating bayani, nguni't siya'y maalam na lumunas sa sugat ng kanyang puso. Nababatid niyang panaho'y isang dalubhasang manggagamot at ito ang tiyak na lulunas sa sugat ng kanyang puso, yamang siya'y maaaring makalimot at ang paglimot na ito'y maaaring sa pamamagitan din ng paghanap ng ibang pag-ibig na kundi man higit

Page 9: Jose Rizal and Josephine Bracken in Dapitan

ay sadyang kanais-nais upang magpaalab na lalo sa kanyang likas at dakilang pagmamahal sa Tinubuang Lupa.

II. Unang Pag-ibig

Sa buhay ng isang tao, masidhing tibukin ng puso'y nadarama sa panahon ng kabataan. Ang kababata niyang si Leonor Rivera, larawan ng kayumian ng dalagang Pilipina, ay siya niyang unang naging kasintahan, gaya ng isinisiwalat ng mga nagsisiwalat ng kanyang talambuhay. Iyan din ang abang palagay ng sumulat nito, sapagka't ang pakikipag-kaibigan ni Rizal kay Segunda Katigbak, kung umunlad man, ay likha lamang ng mga biglang pangyayaring bawa't isa sa kanila'y hindi nakawawatas.

Unang sanhi't dahilan kung bakit masasabing dakila't mahalaga sa buhay ni Rizal ang kanyang pag-ibig kay Leonor Rivera ay sapagka't ang kabanatang ito'y naging sagisag ng kanyang lunggating katugon ng mataos na hangarin sa ikagiginhawa ng kanyang bayan. Sa katotohan, ang kasaysayan nila sa pag-ibig ay maaaring kasaysayan din sa pag-ibig ng isang kabataang katulad nila sa panahong yaon; lalo na't kung "namamagitan" sa pagmamahalan ng dalawang puso, ang magulang. Datapuwa't ang katangian ng pag-ibig ni Pepe kay Leonor ay nasa pangyayaring kaakibat nito ang pagsasakit at katugon nga ng damdamin sa pag-ibig sa Tinubuan.

Kung paano iniibig ni Rizal si Leonor ay masasabing gayon din kainit at kadakila ang pag-ibig niya sa kanyang bayan; at sa katotohanan, sa mga bansang narating ng bayani sa Europa, samantalang nagsasakit siyang makagawa tungo sa kabutihan ng kanyang bayan, ang gunita niya kay Leonor ay halos kaugnay ng paggunita sa kalagayan ng kanyang Inang Pilipinas, noon.Sa katunayan, ang magagandang balita kay Leonor ay nakapagpapasigla kay Rizal sa ibang lupa upang lalong magsumakit siya sa kanyang lunggati at misyon sa paglilingkod sa Tinubuan. Parang init na pampasigla sa pusong nanglalamig, waring hamog sa buko ng mga bulaklak, mandi'y unang patak ng ulan ng Mayo sa tigang na lupa!

Kaya't nang mabalitaan niyang makikipag-isang-dibdib na si Leonor sa isang binatang Inggles, kay Henry C. Kipping na siyang nangangasiwa sa paglalatag ng daang-bakal buhat sa Bayambang hanggang sa Dagupan, Pangasinan, narama ni Rizal na parang nasagasaan ng mga gulong ng tren ang kanyang puso. Sa laki ng damdamin ay ibinulalas niya ang lahat ng laman ng kanyang nagdurugong puso sa kaiibigang-dayuhan, kay Ferdinand Blumentritt. Ang dalubhasang propesor Aleman ay nagsumakit na malunasan ang sugat ng kanyang puso at inaliw siya. Sa isa sa mga liham ng pantas na Aleman ay sinabi ang ganito:

“Dinaramdam ko ang pangyayaring nabigo ang pag-ibig mo sa babaing

Page 10: Jose Rizal and Josephine Bracken in Dapitan

pinaglalaanan ng iyong puso't kaluluwa, nguni't kung tunay na maaari niyang tanggihan ang pag-ibig at pagmamahal ng isang Rizal, hindi siya nag-iingat ng kadaki1aan ng kaluluwa. Para siyang isang musmos na nagtapon ng brilyante upang pulutin pagkatapos, ang isang batong-buhay . . .”  Sa ibang pangungusap, hindi siya ang nararapat na maybahay ni Rizal.

Gaya ng unang nangyari, si Rizal ay nakapangyari sa kanyang damdamin. Minsan pang pinapagtagumpay niya ang isipan at matuwid sa ibabaw ng tibukin ng puso, kaya't nakapagpasiya siyang walang ibang lunas kundi ang lumimot . . . sapilitang lumimot kay Leonor. At upang magawa ito'y kinailangan niyang dumako na sa ibang panig ng daigdig. Dito naranasan ni Rizal sa unang pagkakataon kung gaano kahapdi ang lumisan sa sariling bayang taglay ang isang sugatang puso.

Para bagang ang bayani'y natitigilan kung minsan. May pagkakataon naman siyang wari'y kausap ang anino ng naglaho niyang Leonor – ang dalagang nang siya'y mapalayo at nakabagtas ng bughaw na karagata'y saka pa mandin lalong naging malapit sa kanyang pusong sa palagay niya'y nawalan ng pampasigla sa paglikha ng mga dakilang tibuking kaugnay ng sa Tinubuang Lupa.

III. Suliranin ng Puso sa Biarritz

Kung hindi man masasabi nang tahasan na kaya nangibang-lupa ang Bayani ng Kalamba ay dahilan sa kabiguan sa pag-ibig ay hindi naman maikakait na ang bagay na ito'y isa pang nakapag-atas sa kanya nang gayon, yamang may lalo siyang dakilang layong nais na maitaguyod sa labas ng Pilipinas, bago pa lamang magwakas ang 1890.

Nabatid ng mga magigiting na kababayan sa ibang lupa ang damdamin ng puso ni Rizal, kaya't kabilang na rito si Tomas Arejola, na noong ika-9 ng Pebrero ng 1891, ay sumulat sa bayani at ipinapayong natutumpak na ipalit kay Leonor ang isang Adelina Boustead, kilalang angkan sa Biarritz na matapat na kaibigan ng mga Pilipinong nagsisidayo roon sapagka't may isang uri ng otel ang mag-anak sa nasabing lunsod.

Sang-ayon sa mga tala, si Adelina'y isang dalagang marilag, may dakilang kaluluwa at may mga kaibigang kababayan ni Rizal na naghangad na ang pagkakaibigan ay umunlad at maging kanais-nais sa dalawang puso.

Datapuwa't nang dumating na ang sandali ng tunay na pagpapasiya, hiningi ni Adelinang si Rizal ay pumasok na Protestante. Dito nag-alinlangan si Rizal, sapagka't ang gayong pasiya ay nasasalungat sa malalaya niyang palagay. Bukod dito'y nag-aalinlangan din naman si Adelina kung talagang tunay siyang iniibig ni Rizal o baka inaaliw lamang ang sarili upang siya (si Adelina) ay maging pamalit

Page 11: Jose Rizal and Josephine Bracken in Dapitan

lamang sa isang Leonor, na ang kaugnayan sa pag-ibig ng bayani'y umabot din sa pandinig ni Adelina. Marahil ay nabulay-bulay din ni Rizal ang mga bagay na nasabi. Bukod diya'y naisip din niya ang kanyang dakilang layon sa ibang lupa – ang kanyang misyon sa kapakanan ng Bayang Tinubuan! Kung siya'y magkakaroon ng isang kabiyak ng dibdib, at, samakatuwid ay ng pamilya o kaanak, hindi kaya magiging sagabal iyan sa kanyang mga lakad at gawain? Sa kanyang sarili'y naniwala siyang naging tumpak ang pagtanggi ni Adelina, pagkatapos na maunawaan ang paninindigan at palagay ng dalaga.

Matapos na ituring na makatarungan ang nangyari sa kanila ni Adelina, ang bayani, noong ika-3 ng Pebrero, 1888 ay tumulak patungong Hongkong. Doo'y kasalamuha niya ang mga kabanalang Kastila, kabilang  na rito si Jose Maria Basa, pinagbintangan sa pagbabangon ng Paghihimagsik sa Kabite. Upang malimot ang nakaraang pangyayari sa kanyang saglit na pakikipagkaibigan kay Adelina'y sumama siya sa mga kabayang nabanggit nang magsidalaw sa Makaw, isang kolonyang Portuges, at doo'y nanood sila ng mga dulang Intsik na nakatawag ng pansin sa bayani kaya't pinag-ukulan din niya ng kaukulang panahon ng pag-aaral.

IV. O-Sei-San

Pagkatapos ng paglakbay-bayan sa Makaw, si Rizal ay nagpasiyang dumalaw sa Hapon. Sa loob ng isang maikling panahon ay di lamang nilibot niya ang mahahalagang panig ng Imperyo ng Ninikat na Araw, kundi sadyang pinagsumakitan niyang mapag-aralan ang galaw ng mga tao't ang kanilang wika, upang kung dumating ang pagkakatao'y matiyak niya kung paano siya makikitungo. Nakarating siya sa Tokyo nang hindi sumakay sa anomang sasakyan sanhi sa pagnanais na makita itong mabuti't mapag-aralan gaya ng ginawa niyang pag-aaral sa mga narating na lunsod at bayan ng Europa.

Sinasabi ng ilang manunulat ng kanyang buhay na nagdamdam siya ng malabis nang makita ang mga "coolie" na nagsisihila ng "Rickshas". Ipinalagay niya noong hindi nararapat na magpakahirap ng gayon ang isang tao, sapagka't ang paghihila ay nauukol lamang sa kabayo. Anopa't natawag nga ang puso niya ng isang damdaming makatao.

Nakarating din naman siya sa Nikko, Hakone, Miyonoshita . . . ang maririkit na nayon ng Hapon, na nakatawag sa kanyang pansin sanhi sa kanilang kagandahan, pangkaraniwang pamumuhay at kainaman ng simoy ng hangin. Nang una'y nagpatala siya sa pinakapangunang otel sa Tokyo, datapuwa't makaraan ang ilang araw, ay nanirahan na siya sa tahanan ng legasyong Kastila, na ang pangunang dahilan ay ang makita't masubaybayan ang kanyang mga kilos at hakbangin.

At doon, ang itinuturing niyang bughaw na kabanata ng kanyang kabataan ay ini-

Page 12: Jose Rizal and Josephine Bracken in Dapitan

alay nang buong puso. Nakilala niya rito ang isang O-Sei-San, at nagkaroon siya ng pagkakataon at saka masidhing pagnanais na makapagpalitan ng tibukin ng puso. Sa pagkakilala sa kanya at sa katapatan ng kanyang pagmamahal, si O-Sei-San ay tumugon at narama ng ating bayani ang init at walang maliw na pagmamahahal.

Sa kanyang tala-arawan, ang diwang-makata'y nagtala ng ganito:

"Nakapagpalugod sa akin ang Hapon. Ang magagandang tanawin, ang mga bulaklak, punong-kahoy, at mga mamamayan - napakatahimik, napakamapitagan at nakasisiya -- O-Sei-San,sayonara, sayonara! Nakagugol ako ng isang buwang mahalaga't kaayaaya; hindi ko mabatid kung maaari pa akong magkaroon ng ganyang pagkakataon sa buong buhay ko. Pag-ibig, salapi, nang ito'y di masasabing di madarama, sa iyo, ay ihahandog ko ang pangwakas na kabanatang ito ng mga gunitain ng aking kabataan. Walang babaeng katulad mo ang umibig sa akin. Walang babaeng kaparis mo ang nakagawa ng pagsasakit. Katulad ng bulaklak ng chodjina nahulog sa tangkay, nang buo at sariwa pa, nang di man nalagas ang mga talulot o naunsiyami --ganyan ka rin nang mahulog! Hindi naglaho ang iyong kapurihan at ni hindi man nalanta ang mga talulot ng iyong kawalang-malay -- sayonara, sayonara!

"Kailan man ay di ka na magbabalik pa upang mabatid na minsan pang ginunita kita at ang iyong larawan ay nasa aking alaala; gayon man, kailan man ay aalalahanin kita -- ang iyong pangalan ay mabubuhay sa aking mga himutok at ang iyong 1arawan ay mapapasama at magbibigay-pakpak sa aking mga gunitain. Kailan ako magbabalik upang magparaan ng isa pang banal na hapon gaya noon sa Templo ng Meguro? Kailan pa magbabalik ang maliligayang oras sa iyong piling. Kailan ko matatagpuan itong lalong matimyas, lalong mapayapa't lalong kalugod-lugod? Nasa iyo ang kasariwaan nito't samyong kariktan .... - Ah! Huling salin ng isang dakilang angkan, matapat sa isang walang kapalarang paghihiganti, ikaw'y kaibig-ibig katulad ng lahat ay nagwakas na! Sayonara, sayonara."

V. Ilang Buwan sa "Primrose Hill"

Buhat sa Imperyo ng Ninikat na Araw, ang ating bayani'y nagpatuloy na naman sa kanyang paglalayag. Una muna'y sa Estados Unidos, sa mga lunsod sa baybayin ng Pasipiko, at buhat doon ay sumakay siya sa tren at nagdaan sa Salt Lake City, Omaha, Tsikago at Albany. Lumunsad siya sa siyudad ng New York pagkatapos na makapagpasiyal at makapagmasid sa balitang talon ng Niagara. Hindi naglaon at nilisan niya ang New York, lulan ng "City of Rome"

Bago magwakas ang Mayo, noon, ay nakatagpo siya ng isang mauupahang bahay - isang tahanang malapit sa tinatawag na "Primrose Hill". Nasa dakong hilagang-kanluran ng Londres, sa isang pook na matahimik ang kanyang natagpuan. Ito'y

Page 13: Jose Rizal and Josephine Bracken in Dapitan

tinatahanan, noon, ng isang Mr.Beckett, organista ng Simbahang San Pablo.

Sa mga gawain ni Rizal sa kapakanan ng kanyang bayan, kabilang na rito ang pagtatala't pag-uukol ng palagay sa bantog na aklat ni Morga, ay nangyaring makapamagitan din ang isang bagong kabanatang likha ni Kupido, o kundi man masasabing ganito, ay isang tunay na kabanata ng pakikipagkaibigan. Nakilala niya ang isa sa mga anak na dalaga ng mga Beckett, nang nagsusumakit ang ating bayani na makapagsalita ng wikang Ingles. Si Gertrude (Gettie) ang laging naghahatid ng agahan sa silid niya (ni Dr. Rizal), at ang paraang ito'y kaugalian nang sinusunod ng isang nagpapaupa sa pananahan sa Londres o sa alin mang lunsod ng Inglaterra).

May ilang buwan ding nanahanan ang bayani sa tahanang iyon ng mga Beckett, at sa loob ng nasabing panahon, siya't si Gettie ay nagkaunawaan at naging matimyas ang kanilang pag-uusap at pagkakaibigan. Datapuwa't hindi ninais ni Rizal na makadurog pa siyang muli ng isang puso ng anak ni Eba. "Hindi ko maaaring pagsamantalahan siya (si Gettie)", ang sabi ni Dr. Rizal. "Hindi ako maaaring makipag-isang dibdib sa kanya, sapagka't may iba pang kaugnayan ako na nakapagpapagunita sa puso sa ibabaw ng isang wagas at bugtong na pag-ibig na maaari niyang itugon sa akin."

Upang maiwasan ang maaaring nangyari sa kanilang dalawa ni Gettie, nilisan agad ng ating bayani ang Inglaterra upang lumipat naman sa Pransya. Si Gettie, sa kabila ng lahat, ay di nakalimot, at sa katotohana'y sumulat pa sa kanya, datapuwa't sinadya ni Rizal na malimot na ang babaeng iyon, bagaman at nababatid niyang siya'y (si Rizal) ay naging malupit sapagka't iyan lamang sa palagay niya, ang kaukulang lunas sa kabutihan din nilang dalawa.

VI. Katuparan ng Pag-Ibig

Walang masasabing katuparan sa pag-ibig ni Dr. Rizal kundi ang sa kay Josephine Leopoldine Bracken, isang marilag na dalagang lahing Irlandes, at anak-anakan ng isang halos ay bulag nang inhenyerong Amerikano, na nagngangalang Taufer, at naninirahan sa Hongkong.

Nang mapatapon ang ating bayani sa Dapitan (tumulak siyang patungo roon, isang tapon ng pamahalaang Kastila noong ika-15 ng Hulyo, 1892) ay naging isa sa mga ginamot niya ang nasabing Mr. Taufer.

May labingwalong taon noon si Josephine, maputi, bughaw ang mga mata, mapulang mangitim-ngitim ang kanyang malago't mahabang buhok at pangkaraniwan kung manamit. Natuklasan niRizal ang dilag na ito, at, kapagdaka, ang puso niya'y tumibok nang masasal.

Page 14: Jose Rizal and Josephine Bracken in Dapitan

Paano'y naniwala siyang si Josephine ay hulog ng langit sa kanya, sa panahong yaon ng kanyang pag-iisa.

Hindi nakapag-aral ng mataas na karunungan ang dalagang banyagang ito, datapuwa't may likas na talino, magiliw sa pakikipag-usap at may malaking pananabik na marinig ang lahat ng isinusulit ng bantog na okulista (ni Rizal). Sa tuwi-tuwinang sila'y magkikita ay lalong nagiging mahalaga sa kanya ang ating bayani, at ito naman, sa tuwi-tuwinang makakapanayam si Josephine ay lalo naman itong nagiging kaibig-ibig. Kaya't di naglaon at sila'y nagkasundo, sa kabila ng pagtutol ni Mr. Taufer, sanhi sa kanyang pagdaramdam na mawawalan na siya (si Mr. Taufer) ng isang tagapag-akay at isang tunay na katulong sa kanyang buhay, matapos na maiwan siya ng kanyang kabiyak ng dibdib. Upang maiwasan ang masamang tangka ni Mr. Taufer ay sumama na si Josephine sa kanyang ama-amahan sa Maynila.

Kung sa bagay, nang magkasundo na ang ating bayani at si Josephine ay nagbalak agad silang pakasal kay Padre Obach, isang pari sa Dapitan, nguni't sinabi ng kinatawan ng Diyos sa lupa na kinailangang pa muna niyang humingi ng pahintulot sa obispo sa Sebu. Nang lumisan si Josephine kasama ang kanyang ama-amahan sa Maynila, ay ipinayo ni Rizal sa banal na pari na huwag na munang sumulat sa obispo hinggil sa balak na pag-iisang-dibdib.

Hindi nagbalik sa Hongkong si Josephine sapagka't nanatili sa Maynila. Nang ipagtapat nito sa ina ni Dr. Rizal na kinakailangan pa ng pari sa Dapitan ang pagkuha ng kaukulang pahintulot, at samakatuwid ay kinakailangan pa ang paglagda ng bayani sa isang kasulatang maaaring mangahulugan ng paninindigan niya sa pananampalataya, nagpahayag ng paniwala ang ina ni Dr.Rizal na hindi dapat na mangyari ang pakikipagkasundo ng manggagamot sapagka't noon pa't itinuturing nang lider siya ng bayang Pilipino. Kaya't si Josephine at si Dr. Rizal ay naging magkabiyak ng dibdib sa harap ng Diyos, sa harap ng lipunan ng mga tao't ng Katalagahan.

Ang pagmamahal ni Dr. Rizal kay Josephine ay ipinakilala sa isang sulat ng ating bayani sa kanyang ina – sulat na niyari sa Dapitan ay may petsa noong ika-14 ng Marso, 1895.

Anang liham:

"Pinakamamahal kong ina,Ang may taglay po ng sulat na ito'y si Binibining Josephine Leopoldine Taufer, na munti ko na pong mapanumapaang maging kabiyak ng dibdib sa harap ng isang alagad ng pananampalataya, kung may kaukulan ninyong pahintulot. Ang amin pong pag-iisa sa kanyang payo, ay hindi po natuloy sapagka't nagkaroon ng maraming sagabal. Siya po'y isang ulila; at ang ama niya'y nasa malayong pook.

Page 15: Jose Rizal and Josephine Bracken in Dapitan

"Sapagka't may malaki po akong pagnanais sa kanyang kapakanan, at sapagka't malamang na siya'y magpasiyang bumalik dito sa aking kinaroroonan sa hinaharap, at sapagka't siya po'y maaaring mag-isa at walang sino mang tumingin, kaya't hinihingi ko sa inyong ituring siya rin na parang tunay ninyong anak hanggang sa magkaroon po ng isang mabuting pagkakataong makabalik siya rito. Tangkilikin ninyo sana si Bb. Josephine na isang taong minamahalaga ko at pinakamamahal, at sadyang di ko nais na makita sa panganib o sa pag-iisa.

"Ang inyong anak na nagmamahal,

“Jose"

Noong ika-15 ng Enero ng1896, sa isang sulat naman ni Dr. Jose RizaI sa kanyang kapatid na si Trinidad ay ibinabalita ang kaligayahan ng ating bayani sa piling ng kanyang kasintahan saDapitan, nang si Josephine ay magpasiya nang bumalik doon.

Sa ganyang pakikisama ni Dr. Rizal, ang mapunahin, noon, ay walang pagsalang nakatagpo ng dahilan upang ilagay sa pagsusuri ang pagsisintahan ng dalawang puso, datapuwa't hindi nangimi ang bayani, sapagka't siya'y anak ng katotohanan, isang tunay na maka-Silangan, na di nagpapanggap na banal, bagkus ipinakikilala pa noong siya'y isang taong may mga paang putik, isang lalaking umiibig, at ang pag-ibig na ito'y hindi nakasalig sa pagsunod sa hinihingi at ini-aatas ng mga tuntunin ng simbahan. Sa kanya ay sukat ang mag-ukol ng malinis na pagmamahal sa nagmamahal sa kanya nang boong kawagasan. Tumupad nga siya ng tugkulin sa pagiging tunay na mangingibig. Hindi maaaring siya'y makapagkunwari, magbalat-kayo kaya o magkunwang walang batik, sapagka't sa harap ng Diyos at ng tao, ay nababatid niyang siya'y matapat na gaya rin ng kanyang "kasalo sa ligaya't kahati sa hilahil" sa Dapitan.

Nagkaroon ng bulaklak ang kanilang pag-ibig: isang maliit na sanggol na may walong buwan ang isinilang ni Josephine, nguni't nabuhay lamang ng tatlong oras! Tatlong oras na katimbang ng tatlong siglo o tatlong daang taon sa buhay at kapalaran ng isang bayang nagbabagong-akala na't nagsisimula nang makasinag ng isang pagbubukang-liwayway.

Bukod sa kanyang tulang Huling Paalam na iniuukol niya sa bayan, ang isa sa pinakamalungkot niyang tula ay nalikha nang ang kanyang kabiyak ng dibdib, si Josephine, ay pahintulutan na niyang makabalik sa Hongkong. Samantalang minamasid niya sa pamamaalam ang minamahal na lumisan, naisulat ni Dr. Rizal ang ganitong mga talata:

"Josefina, Josefinang napaligaw sa pampangin

Page 16: Jose Rizal and Josephine Bracken in Dapitan

Naming ito na ang hanap,Isang pugad ng paggiliw,Ikaw mandi'y golondrinangdi matiyak ang tunguhinKung dito nga o sa Shanghay,Tsina't Hapong mararating,Nguni't huwag malilimot nasa lupang ito na rinay may pusong nagmamahal,pusong tunay ang tibukin."                   ………………

1 Einleitung

Quelle: Bautista, Clemen M. Ang una at huling pag-ibig ni Dr. Jose P. RizalLIWAYWAY, 23 Hunyo 2008 p. 29 {  Liwayway}

Etwas boshaft gesprochen, ist der Artikel unterwürfiger Hofklatsch im Schulmeisterstil und damit typisch für einen Teil der philippinische Journalistik. So wird oft vom ating pambansang bayani (der er erst nach seinem Tod wurde) oder von Dr. Rizal (während er noch studierte) gesprochen. Eine Wortwahl wie z.B. 'der

junge Jose' würde der Verfasser vermutlich unangemessen finden.

Page 17: Jose Rizal and Josephine Bracken in Dapitan

3 Originaltext

Ang una at huling pag-ibig ni Dr. Jose P. RizalNi Clemen M. Bautista, LIWAYWAY, 23 Hunyo 2008

{3.1}

Sa hanay ng ating mga pambansang bayani, masasabing natatangi, namumukod at nangunguna si Dr.Jose P. Rizal sapagkat napakarami niyang katangian kaysa iba pang bayani ng Pilipinas. Dahil dito, sa kalawakan ng kanyang karunungan, naging bahagi na siya sa bawat mahalagarig bagay na napapaloob sa kasaysayan ng ating bansa. Ang ating pambansang bayani ay isang makata, nobelista, doktor, manunulat, engineer, guro, pintor at isang dakilang mangingibig o great lover.

...

Sa kanyang pagiging isang dakilang mangingibig, may mga manunulat ng talambuhay o biographer na nagsasabing ang ating pambansang bayaning isinilang sa Calamba, (lunsod na ngayon), Laguna noong Hunyo 19, 1861 ay isang international playboy. Sa pagdiriwang ng kaarawan ni Dr. Jose P. Rizal, ang lunsod ng Calamba ang sentro ng selebrasyon. Isang pulang araw sa lalawigan ng Laguna upang mabigyan ng pagkakataon ang kanyang mga kalalawigan na mag-ukol ng nararapat na pagpupugay at parangal sa kadakilaan ng ating pambansang bayani.

...

{3.2}

Sa bawat bansang kanyang napuntahan habang naglalakbay siya sa Europa, maraming babaing nagpatibok ng kanyang puso. Niligawan. Minahal. Naging inspirasyon at aliw o lunas sa kanyang nadaramang pangungulila at kalungkutan sa pagkakalayo sa kanyang mga mahal sa buhay. At higit sa lahat, sa iniibig nating Pilipinas na kanyang tinawag na Perla del Mar Oriente o Perlas ng Dagat Silangan.

...

{3.3}

Maraming babaing nagkaroon ng kaugnayan sa buhay ng ating pambansang bayani sa larangan ng pag-ibig. Sa bawat bansang kanyang puntahan o tigilan, isa o dalawang babae ang kanyang nagiging kasintahan. Ngunit karamihan sa mga pag-ibig na iyon ni Dr. Jose P. Rizal ay pagkahumaling (infatuation) lamang. Gayunman, ang isa sa itinuturing na unang pag-ibig ni Dr. Jose P. Rizal ay ang pagtatangirig iniukol niya kay Segunda Katigbak na taga-Lipa (lunsod na ngayon), Batangas. Ayon sa ating pambansang bayani, ang dalagang ito'y may mga matang mapang-akit, namumurok at namumula ang mga pisngi. May mapuputing ngipin at may ikinukubling lihim na karilagan.

...

Nakilala ito ng ating pambansang bayani noong siya'y minsang dumalaw sa bahay ng kanyang lola (sa panig ng ina) sa Trozo, Maynila. Labing-anim na taon noon si Rizal at katatapos pa lamang niya ng pag-aaral sa Ateneo de Manila (unibersidad na ngayon). Sa unang pagkikita pa lamang nila ni Segunda Katigbak ay tinibukan na ng pag-ibig ang ating pambansang bayani. Iginuhit pa niya ang larawan nito nang hilingin sa kanya ng mga kasamahang dalaga ni Segunda Katigbak na panauhin din ng kanyang lola.

...

Page 18: Jose Rizal and Josephine Bracken in Dapitan

{3.4}

Ang pagkikilalang iyon nina Rizal at Segunda ay lalong tumibay nang maging kaklase ni Olimpia (isa sa mga kapatid na babae ni Rizal) si Segunda sa La Concordia College. Lagi silang nagkikita tuwing dadalaw si Rizal sa kanyang kapatid na si Olimpia. Masasabing ang pagkikilala nila'y love at first sight o pag-ibig sa unang pagkikita. Subalit sa kabila ng katalinuhan ng ating pambansang bayani, siya'y naging isang kimi at mahiyain sa harap ni Segunda. At nang huli silang magkita at nagkausap noong Disyembre 1877, hindi rin nakapagtapat si Rizal ng kanyang damdamin sa dalaga. Kaya nang makauwi na ang dalaga sa Lipa, Batangas, nagpakasal ito kay Mariano Luz na kanyang kababayan at katipan ni Segunda bago pa man nagkakilala sila ng ating pambansang bayani.

...

Makalipas ang tatlong taon, isinulat ng ating bayani ang mga sumusunod tungkol sa kanyang una at nabigong pag-ibig: Nagwakas nang maaga ang una kong pag-ibig. Ipagluluksa lagi ng aking puso ang mga ginawa kong di-maingai na mga hakbang na humantong sa ibabaw ng mabulaklak na bangin. Magbabalik ang aking mga pangarap ngunit ito'y naiiba, natatangi at handa na sa pagkakanulo sa landas ng unang pag-ibig.

...

{3.5}

Nabigo man ang ating pambansang bayani kay Segunda Katigbak, dalawang dalagang may pangalan ang nagkaroon ng bahagi sa kanyang puso at pagmamahal. Sila'y sina Leonor Valenzuela at Leonor Rivera. Ang unang Leonor ay nakilala ni Rizal noong siya'y nanunuluyan o boarder sa bahay ni Dona Concha Leyva sa Intramuros, Maynila. Nasa ikalawang taon na ng medisina ang ating pambansang bayani sa Unibersidad ng Sto. Tomas.

...

Anak nina Capitan Juan at Capitana Sanday Valenzuela si Leonor Valenzuela. Maganda si Leonor at halos magkasintaas sila ng ating pambansang bayani. Siya'y lihim na niligawan ni Rizal. Ang mga liham niya kay Leonor ay isinusulat niya sa pamamagitan ng invisible ink o tinta na binubuo ng asin at tubig. Ang tinta ay hindi nag-iiwan ng bakas sa papel. Para mabasa ito ni Leonor, itinuro ng ating pambansang bayani ang paraan. Itinatapat sa isang may sinding ilawan o kandila.

...

Ang pangingibig ni Rizal kay Orang (palayaw ni Leonor Valenzuela) ay hindi nagkaroon ng magandang wakas. Sa hindi malamang dahilan, tinigilan ng ating pambansang bayani ang panliligaw sa dalaga. May nagsasabi na kung sa ating makabagong panahon nangyari ang panliligaw ni Rizal kay Leonor Valenzuela, baka sa pamamagitan ng text sa cellphone ay ipinagpatuloy niya ang panliligaw kung nahihiya man magpahayag ng pag-ibig ang ating pambansang bayani.

...

{3.6}

Ang ikalawang Leonor sa buhay ni Dr. Jose P. Rizal ay si Leonor Rivera. Isang magandang dalagang pinsan ng ating pambansang bayani na taga-Camiling, Tarlac. Unica hija o tanging anak ng mag-asawang Antonio Rivera at Silvestra Bauzon. Mahinhin kumilos. Maputi o flawless ang kutis ni Leonor Rivera. May katangi-tanging kagandahan. Kaakit-akit at maganda ang kanyang tindig bagamat may kababaan nang kaunti. Matalino at may maliwanag na pagkukuro. Dahil dito, Si Leonor ay nakalulugod kausapin. Marunong tumugtog ng piyano at mahusay umawit. Palibhasa'y nag-aangkin ng magandang tinig, nabibigyang buhay, niya

...

Page 19: Jose Rizal and Josephine Bracken in Dapitan

ang kanyang inaawit.Nagsimulang magkakilala si Leonor Rivera at Dr. Jose P. Rizal nang pamahalaan ng ama ng dalaga ang Casa Tomasino o ang bahay na nasa Santo Tomas street, Intramuros, Maynila. Nag-aaral ng medisina ang ating pambansang bayani at sa bahay nina Leonor nanunuluyan. Doon sila nagkahulihan ng loob hanggang magkaroon sila ng mabuting pagtitinginan at pagmamalasakit sa isa't isa na humantong sa isang matapat na pag-iibigan.

...

Ngunit nang mamuno si Rizal sa isang pangkat ng mga mag-aaral sa Unibersidad ng Santo Tomas, siya'y napagbintangang isang pilibustero. Dahil dito, ang ating pambansang bayani ay napilitang maglakbay sa Espana. Umalis siya sa Pilipinas noong Mayo 3, 1882 nagkalayo man sila ni Leonor Rivera ay hindi nagbago ang matapat nilang pagmamahalan.

...

Kung bakit sila nag-break at kung bakit hindi rin natuloy ang plano nilang pagpapakasal ay hindi matiyak ng ibang historian ang mga dahilan. May nagsasabing ang dahilan ay nagsimula sa pag-iimbot sa kayamanan. May nagsasabi naman na ibig ng ina ni Leonor na makitang may maginhawang kabuhayan ang kanyang anak. Ngunit sa salaysay ni G. Leoncio Bauzon, tito o amain ni Leonor Rivera, ang hindi pagkakatuluyan ng dalawa ay nagmula sa ina ng dalaga.

...

{3.7}

Dahil dito, ang pag-ibig ng Henry C. Kipping, isang inhinyerong Ingles na ayaw pansinin ni Leonor ay sinikap ng kanyang ina na magtagumpay. Si Kipping ay ang (ang) engineer na nangasiwa sa pagpapagawa ng mga riles ng tren sa Maynila at sa Dagupan nang panahong iyon. Kinasabwat ng ina ni Leonor ang empleyado ng koreo upang pigilin ang mga liham ni Rizal sa dalaga. Nawalan din ng saysay ang paglagda niya ng Taimis sa kanyang mga sulat sa ating pambansang bayani upang ilihim sa kanyang ina ang kanilang pag-iibigan.

...

Nang lumaon, napahinuhod din si Leonor ng kanyang ina na siya'y magpakasal kay Henry Kipping. Sila'y ikinasal noong Hunyo 17, 1891. Nang araw ng kasai ni Leonor, natuklasan niya ang lihim ng kanyang ina. Ngunit nagkaroon man sila ng sumbatan ay wala na ring nangyari. Natuloy din ang kasal. Nagkaanak si Leonor Rivera ng dalawa. Ang panganganak niya sa kanyang pangalawang anak ang pinagmulan ng pagkakaroon ng malubhang sakit na kanyang ikinamatay noong Agosto 28, 1892. Ang pagkamatay ni Leonor Rivera ay nag-iwan ng mapait na gunita sa puso ni Dr. Jose Rizal. Pinakiusapan pa ng ating pambansang bayani ang kanyang mga magulang na siya ay makipaglibing sa paghahatid sa huling hantungan kay Leonor.

..

{3.8}

Namatay man si Leonor Rivera, siya'y naging isang imortal o walang kamatayang tauhan bilang Maria Clara sa NOLI ME TANGERE, isang social novel o nobelang panlipunan na sinulat ng ating pambansang bayani. Si Maria Clara ay ang kasintahan ni Crisostomo Ibarra.

...

Sa Kabanata VII ng Noli Me Tangere na may pamagat na Suyuan sa Asutea, ay ganito ang pagpapahalaga ng ating pambansang bayani sa mga alaala ni Maria Clara (Leonor Rivera) sa pamamagitan ng mga pahayag ni Ibarra:

..

Maaari ba kitang malimot? Ang iyong alaala ay lagi kong kaalakbay at siyang nagligtas sa akin sa mgapanganib na dinanas ko sa aking paglakad; siyang nagbigay aliw sa aking kaluluwa sa pag-iisa ko sa mga ibang lupain. Ang iyong alaala'y nagpawalang-bisa sa loto(bulaklak) sa Europa na siyang pumaparam sa gunita ng marami nating kalahi ng mga

..

Page 20: Jose Rizal and Josephine Bracken in Dapitan

pag-asa at kasawian ng tinubuang lupa! Sa mga panaginip ay nakikita kitang nakatayo sa baybayin ng Maynila, nakatanaw ka sa malayong kalawakan ng daigdig, at ikaw ay nababalot ng malamlam na liwanag ng maagang bukang-liwayway. Waring nakikita kitang isang diwata, isang diwa, isang masanghayang sagisag ng aking Bayan - at dahil dito ang pag-ibig mo at pag-ibig ko sa aking Inang Bayan ay nauuwi lamang sa isa.

{3.9}

Isa pa sa naging pag-ibig at naging kabiyak ng puso ni Dr. Jose P. Rizal ay si Josephine Bracken. Higit siyang malapit sa puso ng ating pambansang bayani kung ihahambing kay Leonor Rivera. Sinasabing Mayo - Disyembre ang pag-iibigan nina Josephine Bracken at Dr. Jose P. Rizal sapagkat 18 anyos lamang si Josephine nang makilala siya ng ating pambansang bayani. Si Josephine Bracken ay isang Irish at anak ng isang mag-asawang Irlandes na nanirahan sa Hongkong. Balingkinitan ang kanyang katawan at may bughaw na mga mata.

...

Ipinanganak sa Hongkong si Josephine Bracken noong Oktubre 3, 1876. Namatay sa panganganak ang kanyang ina kung kaya't inampon siya ni G. Tauter, isang Amerikanong engineer. Dumating sila sa Dapitan noong Pebrero 1895 kasama si Manuela Orlac, upang ipagamot ang nabubulag na mata ng inhinyerong Amerikano. Sa unang pagkikita pa lamang nina Dr. Jose P. Rizal at Josephine ay nagkaibigan na sila. Makalipas ang may isang buwan nilang pag-iibigan, napagkasunduan na sila'y magpakasal. Ngunit ang pari noon sa Dapitan na si Padre Obach ay hindi sila ikinasal sapagkat kailangan pa ang pahintulot ng Obispo sa Cebu. Dahil dito, nag-holding hands o naghawak-kamay na lamang sina Dr. Jose P. Rizal at Josephine Bracken at sila na ang nagkasal sa kanilang sarili. Nagsama sila bilang mag-asawa sa Dapitan.

..

{3.10}

Naging maligaya ang pagsasama nina Dr. Jose P. Rizal at Josephine Bracken sa Dapitan. Sa ilang sulat ng ating pambansang bayani sa kanyang mga magulang ay madalas niyang purihin ang kabutihan ni Josephine. Ipinagtapat din niya ang bagong kaligayahang nadarama niya sa piling ni Josephine. At isa sa tanda ng malaking pagmamahal ni Rizal kay Josephine ay ang pag-aalay ng isa niyang tulang sinulat para sa kanyang kabiyak ng puso. Ganito ang nilalaman ng tula ng ating pambansang bayani para kay Josephine: Josephine, Josephine,/ na nagmula sa ibang bayan,/ upang hanapin ang pugad at tahanan,/ katulad ng langay-langayang namamasdan,/kung sa palad ngayon, ika'y mapadalaw,/ sa Japan, sa China at maging sa Shanghai,/ sa pasigang ito'y hindi kita malilimutan,/ at sa iyo'y isang puso ang lagi nang nagmamahal!

...

Sa pagsasama nina Josephine at Rizal ay nagkaroon sila ng isang anak na lalaki. Ngunit ito'y isinilang nang walong buwan. Nabuhay lamang ng walong oras. Pinangalanan nila ang sanggol ng Francisco sa karangalan ng ama ng ating pambansang bayani. Sa Dapitan na rin nalibing ang sanggol. Ang pagkamatay ng sanggol ay nagdulot kay Rizal ng matinding kalungkutan.

..

{3.11}

At noong bago barilin si Dr. Jose P. Rizal sa Bagumbayan (Rizal Park na ngayon), sila'y ...

Page 21: Jose Rizal and Josephine Bracken in Dapitan

nagpakasal ni Josephine sa loob ng kulungan. Matapos ang kasal, isang aklat ang na may pamagat naImitation of Christ ang ibinigay na alaala ng ating pambansang bayani kay Josephine. Ganito ang isinulat na paghahandog ni Rizal sa aklat: Sa pinakamamahal ko at nalulungkot na kabiyak.Ang mga nabanggit na babae ang masasabing mga pag-ibig at minahal ng ating pambansang bayani. Sila ang mga babaing gumanap ng mahalaga (kasama si Teodora Alonso, ina ni Dr. Jose P. Rizal) at dakilang gawain sa buhay ng martir ng Bagumbayan. Maidaragdag pa ang kanyang walang katulad at pinakadakilang pag-ibig - ang pagmamahal niya nang matapat, wagas at natatangi sa ating Bayang Magiliw na pinaghandugan niya ng buhay alang-alang sa ikararangal at pagkakamit nito ng Kalayaan na kanyang pangarap.

..

Die filipinische Sprache von Armin Möller   http://www.germanlipa.de/text/rizal_ibig.htm   17. Dezember 2009

Die filipinische Sprache - Werkstatt - Ende Pag-ibig ni Rizal

Seitenanfang   Titelseite Werkstatt   Syntax   Titelseite Filipino   Mabuhay

……………..

The Insurrecte and The ColegialaDolores S. Feria

Makikita ang malaking bahagi ni Leonor Rivera sa buhay ni Rizal sa mga sulating kagaya ng “If Dreams Must Die” at “The Love of Leonor Rivera” ni Severino Montana. Kung saan kapwa nagpapakita ng imahe ng isang dalagitang umiibig sa bata nitong puso, isang kolehiyala na naihahalintulad kay Maria Clara, at isang walang-hanggang pag-ibig ni Rizal.

Sa buhay ng pagka-bayani ni Rizal ay may dalawang babae na kapwa nagkaroon ng mahalagang bahagi, ito ay ang kanyang ina at si Josephine Bracken. Si Donya Teodora Alonzo ay isang mapagmahal at mapag-kalingang ina, na nagpakita ng mga katangian ng isang huwarang inang Pilipino. Isang parokyano ng Kristiyanismo, para sa kanya ay isang pagtalikod o kasalanan sa paniniwala ang pag-aaral ng siyensya at pag-ibig kay Josephine Bracken.

Samantalang makikita si Leonor Rivera kay Maria Clara, si Josephine Bracken naman ay kay Salome. Si Salome ang karakter ni Rizal sa Noli Me Tangere na hindi isinama sa publikasyon kaya iilan lamang ang nakakikilala. Si Salome ay ang iniibig ni Elias, isang babaeng kakikitaan ng liberal na pag-uugali sa pagsasalita, pagkilos at pananaw sa sex. Ang usapan nina Elias at Salome ay isang senaryong kakikitaan ng lubusang pagtukoy sa pagnanasa bago pa ang mga sulatin ni Jose Garcia Villa. Maihahalintulad din si Josephine Bracken kina Magdalene, Mat Hari, Kitty O’Shea, Sadie Thompson, at Joan of Arc.

Si Josephine Bracken ang naging daan upang makita ang liberalismo ni Rizal ng ina nito at mga kapatid. Isa na rito ang naging pagtatalo ni Rizal at ng kanyang ina tungkol sa pagsasama nila ni Josephine Bracken kahit na walang basbas ng simbahan. Bukod sa pagiging liberal taglay din ni Josephine Bracken

Page 22: Jose Rizal and Josephine Bracken in Dapitan

ang mga kaugalian kagaya ng pagiging matatag at may buong-loob sa pakikipaglaban ng kanyang mga pinaniniwalaan.

Ayon kay John Foreman, si Josephine Bracken ay maihahalintulad kina Gabriela Silang at Joan of Arc sa kanyang walang hanggang pakikibaka sa laban ng mga Katipuneros kahit sa pagkamatay ni Rizal. Unang nakita si Josephine sa Asamblea sa Imus, Kabite noong ika-29 ng Disyembre. Kasama niyang dumating sa pagtitipon si Paciano Rizal at iba pang kabilang sa pamilya Rizal. Ayon pa kay General Ricarte, hindi rin matatawaran ang partisipasyon ni Josephine sa paggagamot sa bahay sa Tejeros kung saan naging nurse at inspirasyon siya sa mga may sugat at iba pang nagpupunta dito. Gayundin ay makikita ang partisipasyon ni Josephine sa “Battles of Silang” st “Battle of Dasmariñas” noong ika-27 ng Pebrero. Makikita ang lubhang katatagan ni Josephinwe Bracken sa Rebolusyon, nang panahon kung kailan dadakipin na siya ng mga Espanyol. Kung saan naglakad siyang dumudugo ang mga paa mula sa Maragondon hanggang Laguna hanggang makarating siya sda daungan papuntang Maynila.

Si Josephine Bracken ay isang malaking bahagi ng kasasayan ng Pilipinas hanggang sa kanyang kamatayan noong taong 1902 sa sakit na tubercolosis. Ang kanyang kusang-loob na pakikibahagi sa Rebolusyon at patuloy na pagtulong sa mga Pilipino sa kabila ng hindi pagkilala ng mga ito sa kanya noong una ay sadyang kahanga-hangang kaugaliang napatunayan ni Josephine Bracken sa loob ng mahabang panahon.

Isang paggtalakay sa sanaysay ni Dolores S. Feria,Ang The Insurrecte and The Colegiala

Ang sanaysay ay tumutukoy sa mga kaugaliaang taglay nina Lenor Rivera, Doña Teodora Alonzo, at Josephine Bracken. Ang tatlo sa mga babaeng nagkaroon ng malaking bahagi sa buhay ni Dr. Jose Rizal. Inihalintulad ng may-akda si Leonor Rivera kay Maria Clara, bilang isang kolehiyala at walang hanggang pag-ibig ni Rizal. Maaalalang ang sulat ni Leonor Rivera kay Rizal noong Disyembre 1890 ang lubhang nagbigay kalungkutan kay Rizal. Ang sulat na ito ay nagpapabatid ng pagpapakasal ni Leonor sa isang Henry Kipping, isang British Engineer sa Maynila partikular sa Dagupan Railway. Samantalang si Doña Teodora Alonzo ang ulirang ina ni Rizal na siyang nagbigay sa kanya ng unang edukasyon at mga pangaral sa relihiyon. Sa kabilang bahagi, si Josephine Bracken ang inihahalintulad sa pag-uugali ni Salome (tauhan sa Noli Me Tangere), bilang liberal na babae sa pagkilos, pagsasalita, at paniniwala. Nakilala ni Rizal si Josephine Bracken ng sumama ito sa kanyang amain, na nakilala bilang George Taufer, upang magpagamot kay Dr. Jose Rizal. Naging asawa ni Dr. Jose Rizal si Josephine at nanirahan sila sa Dapitan bilang mag-asawa. Nagkaroon sila ng anak na lalaki subalit namatay sa loob ng tatlong oras pagkatapos ipanganak.

Makikita sa kabuuan ng sanaysay na binigyang-pansin ng may-akda ang mga mahahalagang kontribusyon ni Josephine Bracken sa Rebolusyon sa halip na hangaan ang mala-Maria Clara na pagkilos ni Leonor Rivera. Sa literatura ng Pilipinas sa ngayon, ay makikita na isa si Leonor Rivera sa mga pinaka-nababanggit at pinahahalagahang Pilipina kasama nina Gabriela Silang at Cory Aquino.

Bilang mag-aaral ng kursong tumatalakay sa Buhay at mga Akda ni Rizal ay iminumungkahi ng grupo na marapat lamang bigyan ng sapat na pagtingin si Josephine Bracken. Na dapat maging basehan ang mga mahalang ambag nito sa kasaysayan kagaya ng pagiging bahagi sa Tejeros Convention noong Marso 22, 1897 at bilang mahalagang inspirasyon bukod sa pagiging manggagamot ng mga sundalo. Higit sa lahat dapat nating tingnan ang katapatan ni Josephine Bracken kay Rizal sa kabila ng pagdududa ng mga kapamilay nito at hindi ang kanyang mga kakulangan bilang tao.

balik sa itaas|| Home

Buhay Pag-ibig; Mga Babae Sa Buhay ni Rizal

Page 23: Jose Rizal and Josephine Bracken in Dapitan

  Edit   0   0   16 …

IB-B Group 3 Aldrich Mayoralgo, Cedric Chan, Paul Dee, Benedict Co

Mga Babae sa Buhay ni RizalAng mga babaeng makikita sa buhay ni Rizal ay sina Leonor Rivera, Dona Teodora Alonzo, at si Josephine Bracken. Ang bawat babae ay may papel sa buhay ni Rizal at sa kasaysayan ng mga Pilipino. Si Leonor Rivera ay naging importante sa mga nobela at mga sinusulat niya. Si Dona Teodora Alonzo ay ang mapagmahal na ina ni Rizal, at si Josephine Bracken naman ay ang babaeng minahal at ikinasal kay Rizal.

Ang mga babaeng ito ay maihahalintulad sa mga gawa ni Rizal at sa mga kwentong Pilipino. Si Leonor Rivera ay makukumpara kay Maria Clara habang si Josephine Bracken naman ay tulad ni Salome. Si Salome ay isang tauhan galing sa Noli Me Tangere pero di isinama sa publikasyon kaya kakaunti lamang ang nakakaalam sa kanya. Si Josephine ang may pinakamaraming pagtutulad; siya ay ikinukumpara kina Gabriela Silang at Joan of Arc dahil tulad nila, siya rin ay naglaban kasama ng mga Katipunero kahit namatay na si Rizal. Siya ay naging isang malaking papel sa kasaysayan ng Pilipinas, ang partisipasyon niya sa “Battle of Silang” at “Battle of Dasmarinas”, hanggang sa pagkamatay niya noong taong 1902 dahil sa tuberculosis.

May pito pang babae na makikita sa buhay ni Rizal: Segunda Katigbak, Leonor Valenzuela, Consuelo Ortiga, O-Sei San, Gertrude Beckette, Nelly Boustead, Suzanne Jacoby. Lahat sila'y may maliit o malaking epekto sa buhay ni Rizal.

Si Segunda Katigbak at si Leonor Valenzuela ang una niyang mga pag-ibig bago siyang pumunta sa Espanya. Nagsimula siya sa kanyang pagsusulat ng mga letra at tulang panliligaw sa kanila.

Si Consuelo Ortiga, isang anak ni Pablo Ortiga, ang pag-ibig ng isang kaibigan ni Rizal, si Eduardo se Lete. Dahil dito, marahil pumunta sina Rizal at mga kaibigan niya sa bahay Ortiga. Dito, umibig si Consuelo kay Rizal. Dahil sa kanyang pag-ibig kay Leonor Rivera at dahil sa kayang kaibigan si Eduardo, di siya nag-ibig kay Consuelo Ortiga.

Si O-Sei San ay anak ng isang Hapon na "samurai." Tiunuruan niya si Rizal ang paraan ng pagpipinta na tawag ay "sumie." Tinulungan niya rin si Rizal na gumaling sa pagsasalita ng wikang hapon. Kung wala siyang tungkulin na tulungin ang kanyang bansa, nanatili sana siya sa tabi ni O-Sei San.

Noong nasa London si Rizal, Nakitira siya sa bahay ng pamilyang Beckett. Si Gertrude ay ang panganay sa babaeng magkakapatid at na-inlove na inlove siya kay Rizal. Bigla na lang umalis at pumunta sa Paris si Rizal para makaiwas kay Gertrude pero bago siyang umalis, natapos niya ang "carving" ng tatlong magkakapatid at ibinigay niya ito sa kanila bilang simbolo ng kanilang pagkakakilala.

Dahil nawala kay Rizal si Leonor Rivera, nasa-isip niya ang posibilidad na manligaw sa ibang babae. Noong naging bisita siya sa isang city resort na tawag ay Blarittz, nakilala niya ang dalawang babaeng anak ng may-ari ng lugar. Tinuruan siya ng magkapatid kung paano "mag-fence." At si Nellie Boustead,

Page 24: Jose Rizal and Josephine Bracken in Dapitan

isa sa dalawa ay "na-inlove" kay rizal. Hindi tumuloy ang kanilang relasyon nila hangang kasal dahil ayaw maging protestano si Rizal at ayaw ng nanay ni Nellie dahil hindi gaanong mayaman si Rizal.

Pumunta si Rizal sa Brussels galing Paris dahil mahal makatira sa Paris. Dito nakitira siya sa boarding house ng dalawang babaeng magkapatid na apelido ay Jacoby. Si Suzanne ay "na-inlove" kay Rizal at umiyak siya noong umalis si Rizal papuntang Madrid. Sinulatan niya si Rizal noong nakaalis na siya.

……………..

Rizal sa Dapitan Edit  0  0  13…

Noong Hulyo 6, 1892 siya ay nakulong sa Fort Bonifacio. Dahil nalaman at hindi nagustuhan ng pamahalaang Kastila ang mga pinagagawa ni Jose Rizal laban sa mga prayle at sa mga Kastilang dayuhan na sumakop sa ating bayan.

Pinatapon si Jose Rizal sa Dapitan, Zamboanga noong Hulyo 14, 1892. Apat na taon siya namalagi rito. Ang pera nakuha niya sa pagkapanalo saManila Lottery at sa pagkatrabaho niya bilang isang magsasaka at negosyante ay nagamit sa pagbili ng isang lupain sa Talisay, malapit sa Dapitan. Dito sa lupa ay nagtayo siya ng tatlong bahay na gawa sa kawayan, kahoy at nipa. Nakatira sa unang bahay si Jose Rizal at ang hugis nito ay parisukat. Nakatira naman sa pangalawang bahay ang mga mag-aaral ni Jose Rizal. At ang huli ay gumawa si Jose Rizal ng isang tirahan para sa mga alaga niya na manok. Ang pangalawang bahay ay hugis octagon dahil may walong bahagi ito, samantala ang pangatlong bahay naman ay hugis na hexagon, ito ay may anim na bahagi/parte.

Masaya nanirahan dito sa Dapitan si Jose Rizal. Siya ay nangagamot sa mga maysakit tuwing umaga, tapos pupunta siya sa Dapitan gamit ang baroto, (isang barko) para magbigay lunas sa mga pasyente rito. Nagtuturo at nagtatanim si Jose Rizal tuwing hapon. Tahimik ang buhay ni Jose Rizal dito. Maraming siya naging kaibigan. Noong unang Pasko niya sa Dapitan, may imbitasyon si Jose Rizal galing kay Kapitan Carnicero na doon sa kanila ipagdiwang ang Noche Buena.

Nakapagbili si Jose Rizal ng maraming lupain dahil sa kanyang mga naipon na pera. Ang mga ito ay tinanim niya ng maraming prutas, kape at cacao. Tinuruan din niya ang mga magsasaka ng mga moderno paraan ng pagtatanim tulad ng paglagay ng tamang pataba sa lupa.

Habang nasa Dapitan si Jose Rizal, pinag-aralan din niya ang mga wika ng Malay, Bisayan at Subanun. Napakagaling ni Jose Rizal. Maraming siyang alam na wika, at lagi niya ito natatandaan at nagagamit niya ito kung may dayuhan siyang kausap. Nakagawa din siya ng mga tula tulad ng "Mi Retiro" (My Retreat).

Marunong din si Jose Rizal magpinta. Sa loob ng Simbahan Santiago, sa Dapitan ay mayroon gawa na painting si Jose Rizal. Tinawag siya ni Padre Balaguer para gumawa nito. Dahil kailangan ng pari ang painting para ilagay sa likod ng altar.

Mayroon mga nilikha si Jose Rizal ng mga sculptures tulad ng statue ng isang babae na tawag ay "The Dapitan Girl"; bust ng kanyang Ateneo professor na si Father Jose Guerrico; isang bust din ni St. Paul na binigay niya kay Father Pastells at isang woodcarving ni Josephine Bracken, ang asawa ni Jose Rizal.

Page 25: Jose Rizal and Josephine Bracken in Dapitan

Mahusay si Jose Rizal sa pagmamahala ng negosyo. Kasama ni Jose Rizal sa negosyo si Ramon Carreon. Sila ay mayroon negosyo na hemp, pangingisda, at copra. Nag-imbento din siya ng cigarette lighter na ang tawag niya ay sulpukan at isang makina na kahoy para makagawa ng maraming wooden bricks.

Noong Pebrero 1895, nagpagamot si George Taufer, isang bulag na pasyente ni Jose Rizal. Ngunit hindi nagaling si Taufer. Sinamahan siya ni Josephine Bracken, ang ampon ni George Taufer sa pagpunta niya sa Dapitan. Dito nakilala ni Jose Rizal si Josephine at nagustuhan niya ang magandang dalaga. Sila ay nagpakasal subalit hindi sila pinalad magkaroon ng anak dahil namatay ang bata habang ipinapanganak.

Huling araw ni Jose Rizal sa Dapitan noong Hulyo 31, 1896. Sumakay siya sa "Espana", pangalan ng barko papunta ng Maynila. Binenta niya ang mga kanyang lupain sa mga taga-Dapitan. Malungkot umalis si Jose Rizal at sumigaw ng "Adios Dapitan" sa mga nagmamahal sa kanya sa Dapitan. Kasama rin si Kapitan Carnicero sa paghatid kay Jose Rizal at may banda nagtugtog ng "Chopin's Farewell March" para sa pag-alis ni Jose Rizal.Noong Hulyo 6, 1892 siya ay nakulong sa Fort Bonifacio. Dahil nalaman at hindi nagustuhan ng pamahalaang Kastila ang mga pinagagawa ni Jose Rizal laban sa mga prayle at sa mga Kastilang dayuhan na sumakop sa ating bayan.

Pinatapon si Jose Rizal sa Dapitan, Zamboanga noong Hulyo 14, 1892. Apat na taon siya namalagi rito. Ang pera nakuha niya sa pagkapanalo saManila Lottery at sa pagkatrabaho niya bilang isang magsasaka at negosyante ay nagamit sa pagbili ng isang lupain sa Talisay, malapit sa Dapitan. Dito sa lupa ay nagtayo siya ng tatlong bahay na gawa sa kawayan, kahoy at nipa. Nakatira sa unang bahay si Jose Rizal at ang hugis nito ay parisukat. Nakatira naman sa pangalawang bahay ang mga mag-aaral ni Jose Rizal. At ang huli ay gumawa si Jose Rizal ng isang tirahan para sa mga alaga niya na manok. Ang pangalawang bahay ay hugis octagon dahil may walong bahagi ito, samantala ang pangatlong bahay naman ay hugis na hexagon, ito ay may anim na bahagi/parte.

Masaya nanirahan dito sa Dapitan si Jose Rizal. Siya ay nangagamot sa mga maysakit tuwing umaga, tapos pupunta siya sa Dapitan gamit ang baroto, (isang barko) para magbigay lunas sa mga pasyente rito. Nagtuturo at nagtatanim si Jose Rizal tuwing hapon. Tahimik ang buhay ni Jose Rizal dito. Maraming siya naging kaibigan. Noong unang Pasko niya sa Dapitan, may imbitasyon si Jose Rizal galing kay Kapitan Carnicero na doon sa kanila ipagdiwang ang Noche Buena.

Nakapagbili si Jose Rizal ng maraming lupain dahil sa kanyang mga naipon na pera. Ang mga ito ay tinanim niya ng maraming prutas, kape at cacao. Tinuruan din niya ang mga magsasaka ng mga moderno paraan ng pagtatanim tulad ng paglagay ng tamang pataba sa lupa.

Habang nasa Dapitan si Jose Rizal, pinag-aralan din niya ang mga wika ng Malay, Bisayan at Subanun. Napakagaling ni Jose Rizal. Maraming siyang alam na wika, at lagi niya ito natatandaan at nagagamit niya ito kung may dayuhan siyang kausap. Nakagawa din siya ng mga tula tulad ng "Mi Retiro" (My Retreat).

Marunong din si Jose Rizal magpinta. Sa loob ng Simbahan Santiago, sa Dapitan ay mayroon gawa na painting si Jose Rizal. Tinawag siya ni Padre Balaguer para gumawa nito. Dahil kailangan ng pari ang painting para ilagay sa likod ng altar.

Page 26: Jose Rizal and Josephine Bracken in Dapitan

Mayroon mga nilikha si Jose Rizal ng mga sculptures tulad ng statue ng isang babae na tawag ay "The Dapitan Girl"; bust ng kanyang Ateneo professor na si Father Jose Guerrico; isang bust din ni St. Paul na binigay niya kay Father Pastells at isang woodcarving ni Josephine Bracken, ang asawa ni Jose Rizal.

Mahusay si Jose Rizal sa pagmamahala ng negosyo. Kasama ni Jose Rizal sa negosyo si Ramon Carreon. Sila ay mayroon negosyo na hemp, pangingisda, at copra. Nag-imbento din siya ng cigarette lighter na ang tawag niya ay sulpukan at isang makina na kahoy para makagawa ng maraming wooden bricks.

Noong Pebrero 1895, nagpagamot si George Taufer, isang bulag na pasyente ni Jose Rizal. Ngunit hindi nagaling si Taufer. Sinamahan siya ni Josephine Bracken, ang ampon ni George Taufer sa pagpunta niya sa Dapitan. Dito nakilala ni Jose Rizal si Josephine at nagustuhan niya ang magandang dalaga. Sila ay nagpakasal subalit hindi sila pinalad magkaroon ng anak dahil namatay ang bata habang ipinapanganak.

Huling araw ni Jose Rizal sa Dapitan noong Hulyo 31, 1896. Sumakay siya sa "Espana", pangalan ng barko papunta ng Maynila. Binenta niya ang mga kanyang lupain sa mga taga-Dapitan. Malungkot umalis si Jose Rizal at sumigaw ng "Adios Dapitan" sa mga nagmamahal sa kanya sa Dapitan. Kasama rin si Kapitan Carnicero sa paghatid kay Jose Rizal at may banda nagtugtog ng "Chopin's Farewell March" para sa pag-alis ni Jose Rizal.

Ang Mi Ultimo Adios ay ang huling tula na isinulat ni Rizal bago siyang binaril sa Bagumbayan. Noong hapon ng Disyembre 29, 1896, pumunta ang ina at ang mga babaeng kapatid ni Rizal sa kanyang kulungan. Binigay niya sa kanyang mga kapatid ng isang libro, alcohol burner (na may papel sa loob), ang kanyang mga sapatos, at isang payo. Sa kanilang pagbukas ng alcohol burner, nakita nila ang tula (nasa linguahe ng Espanyol) ni Rizal, na walang pamagat at walang petsa na isinulat. Walang pamagat binigay ni Rizal sa kanyang huling tula, ngunit pinalangan ito ng "Mi Ultimo Adios" dahil sa kanyang kaibigan na si Mariano Ponce.

………………..

Josephine BrackenIn the last days of February 1895, while still in Dapitan, Rizal met an 18-year old petite Irish girl, with bold blue eyes, brown hair and a happy disposition. She was Josephine Bracken, the adopted daughter of George Taufer from Hong Kong, who came to Dapitan to seek Rizal for eye treatment. Rizal was physically attracted to her. His loneliness and boredom must have taken the measure of him and what could be a better diversion that to fall in love again. But the Rizal sisters suspected Josephine as an agent of the friars and they considered her as a threat to Rizal’s security.

Rizal asked Josephine to marry him, but she was not yet ready to make a decision due to her responsibility to the blind Taufer. Since Taufer’s blindness was untreatable, he left for Hon Kong on March 1895. Josephine stayed with Rizal’s family in Manila. Upon her return to Dapitan, Rizal tried to arrange with Father Antonio Obach for their marriage. However, the priest wanted a retraction as a precondition before marrying them. Rizal upon the advice of his family and friends and with Josephine’s consent took her as his wife even without the Church blessings. Josephine later give birth prematurely to a stillborn baby, a result of some incidence, which might have shocked or frightened her.

……………………….

TAGAPULO ng Ireland, sa gilid ng Europa, ang mga magulang ni Josephine Bracken, ipinanganak nuong Agosto 9, 1876 sa Victory City sa Hongkong kina Elizabeth MacBride at James Brown, isang sundalo sa sandatahan ng Britain. Naulila at inampon siya ng isang nagngangalang Ginoong Bracken

Page 27: Jose Rizal and Josephine Bracken in Dapitan

nuong bata pa. Katulong siya ng isa pang nag-ampon, ang 63-anyos at nabubulag na makinista mula New York, si George Edward Taufer, kasama ang 40-anyos na Francesca Spencer nang dumating sa Maynila nuong ika-5 ng Pebrero 1895. Kapwa may cataract ang mga mata ni Taufer at, sa payo ni Julio Llrenete, Pilipinong nakatira sa Hongkong, nagpagamot siya kay Rizal. 

Hindi naglipat buwan, unang nakita ni Rizal si Josephine, ang 19 taon gulang na dayuhang giliw [dulce estrangera, sweet foreigner], nang dumating ang 3 taga-Hongkong sa Dapitan. Bago nito, papetek-petek ang buhay ni Rizal mula nang dumating nuong Julio 17, 1892, - nagtayo ng bahay malapit sa dagat, pinaligiran ng mga namumungang punong-kahoy, nagtayo ng sariling ospital para sa kanyang panggagamot at paaralan para sa mga tinuturuang bata, pinaganda ang plaza ng kabayanan, nagtatag ng tubigan pang-bayan. Nagsulat, nagkuru-kuro at nakipagtalo sa sulat at sa dumalaw na mga ilustrado at mga pamangking Estanislao, Mauricio, Prudencio at Teodosio at mga kapatid na Trinidad at Maria. 

Nuong buwan ding iyon, Febrero 1895, sinilaban ni Jose Marti ang himagsikan sa Cuba, sa kabila ng daigdig, isa sa 2 na lamang na nalalabing lupaing sakop ng Espanya [Spanish colonies] sa America. 

Sinamahang pabalik sa Hongkong ni Josephine ang matandang Taufer nuong Marso 14, 1895, ngunit madaling nagbalik sa Dapitan, kasama naman ang ate ni Rizal, si Narcisa Rizal-Lopez, at ikinasal sila, sa munisipyo sapagkat ayaw ng mga frayleng Jesuit sa simbahan hangga't hindi binabawi ni Rizal ang mga sinulat laban sa Espanyol. Patay nang ipanganak ang kanilang anak, pinangalanang Francisco ni Narcisa bilang parangal sa kanilang ama. 

Noong araw ng kanilang kasal, ipinagbigay alam kay Josephine ng isang utusan na pumunta sa piitan ni Rizal kung saan ang huli ay sinasabing naghihintay sa kanya para sa kanilang kasal. Noong panahong iyon, sinasabing naninirahan ng mag-isa ang dalaga at hindi na sa bahay ng mga Rizal. Ayon sa kwento mismo ni Josephine, ikinasal siya sa kanyang iniirog sa matahimik at taimtim na pamamaraan. Wala ding nabanggit na paghahanda ukol sa kasal ayon kay Padre Balaguer, ang paring nakatakdang mangumpisal kay Josephine. 

Ipinagtapat din ni Josephine na noong nasa Dapitan pa lamang sila ay nais na siyang pakasalan ni Rizal, ngunit dahil sa hindi pagkakaintindihan sa simbahan ay hindi ito naisakatuparan. Magkaganoon pa man, sa isa sa mga sulat ni Rizal sa ina na si Dona Teodora na iniabot mismo ni Josephine habang nagbabaksyon sa mga Rizal, humingi ng permiso si Rizal pakasalan ang dalaga. 

Page 28: Jose Rizal and Josephine Bracken in Dapitan

Inilahad din ni Josephine ang isang umanong regalo ni Rizal sa kanya sa kanilang kasal. Ang naturang handog ay isang aklat ni Kempis na nagtataglay ng mga sumusunod na kataga: “ To my dear and unhappy wife, Josephine, 30th December 1896…” Binigyang-diin din nito na ang huling hiling sa kanya ng bayani ay ayusin ang bangkay at libingan nito na siya ring inihabilin ni Rizal sa kanyang kapatid na si Trining. Sinabi rin nito na may iniwan na liham sa kanya si Rizal na matatagpuan sa piitan nito sa loob ng lampara at sa sapatos ng huli. Ang naturang liham ay ang Mi Ultimo Adios na ayon kay Josephine ay ang huling habilin at mensahe sa kanya ng kanyang kabiyak. 

"Mi Ultimo Adios" PAHIMAKAS ni Dr. Jose Rizal 

Pinipintuho kong Bayan ay paalam, Lupang iniirog ng sikat ng araw, 

mutyang mahalaga sa dagat Silangan, kaluwalhatiang sa ami'y pumanaw. Masayang sa iyo'y aking idudulot 

ang lanta kong buhay na lubhang malungkot; maging maringal man at labis alindog 

sa kagalingan mo ay aking ding handog. Sa pakikidigma at pamimiyapis 

ang alay ng iba'y ang buhay na kipkip, walang agam-agam, maluag sa dibdib, 

matamis sa puso at di ikahapis. Saan man mautas ay dikailangan, 

cipres o laurel, lirio ma'y patungan pakikipaghamok, at ang bibitayan, 

yaon ay gayon din kung hiling ng Bayan. Ako'y mamamatay, ngayong namamalas 

na sa silinganan ay namamanaag yaong maligayang araw na sisikat 

sa likod ng luksang nagtabing na ulap. Ang kulay na pula kung kinakailangan 

na maitina sa iyong liway-way, dugo ko'y isabong at siyang ikinang 

ng kislap ng iyong maningning na ilaw Ang aking adhika sapul magkaisip ng kasalukuyang bata pang maliit, 

ay ang tanghaling ka at minsan masilip sa dagat Silangan hiyas na marikit. 

Natuyo ang luhang sa mata'y nunukal, taas na ang noo't walang kapootan, walang bakas kunot ng kapighatian 

gabahid man dungis niyong kahihiyan. Sa kabuhayang ko ang laging gunita 

Page 29: Jose Rizal and Josephine Bracken in Dapitan

maningas na aking ninanasa-nasa ay guminhawa ka ang hiyas ng diwa 

hingang papanaw ngayong biglang-bigla. pag hingang papanaw ngayong biglang-bigla. 

Ikaw'y guminhawa laking kagandahang akoy malugmok, at ikaw ay matanghal, hiniga'y malagot, mabuhay ka lamang 

bangkay ko'y masilong sa iyong Kalangitan. Kung sa libingan ko'y tumubong mamalas sa malagong damo mahinhing bulaklak, sa mga labi mo'y mangyayaring itapat, 

sa kaluluwa ko hatik ay igawad. At sa aking noo nawa'y iparamdam, sa lamig ng lupa ng aking libingan, 

ang init ng iyong paghingang dalisay at simoy ng iyong paggiliw na tunay. 

Bayaang ang buwan sa aki'y ititig ang iwanag niyang lamlam at tahimik, 

liwayway bayaang sa aki'y ihatid magalaw na sinag at hanging hagibis. 

Kung sakasakaling bumabang humantong sa krus ko'y dumapo kahit isang ibon doon ay bayaan humuning hinahon at dalitin niya payapang panahon. 

Bayaan ang ningas ng sikat ng araw ula'y pasingawin noong kainitan, 

magbalik sa langit ng boong dalisay kalakip ng aking pagdaing na hiyaw. Bayaang sino man sa katotang giliw 

tangisang maagang sa buhay pagkitil; kung tungkol sa akin ay may manalangin idalangin, Bayan, yaring pagka himbing. 

Idalanging lahat yaong nangamatay, mangagatiis hirap na walang kapantay; 

mga ina naming walang kapalaran na inihihibik ay kapighatian. Ang mga bao't pinapangulila, 

ang mga bilanggong nagsisipagdusa; dalanginin namang kanilang makita ang kalayaan mong, ikagiginhawa. 

At kung an madilim na gabing mapanglaw ay lumaganap na doon sa libinga't 

tanging mga patay ang nangaglalamay, huwag bagabagin ang katahimikan. 

Ang kanyang hiwagay huwag gambalain; kaipala'y maringig doon ang taginting, 

Page 30: Jose Rizal and Josephine Bracken in Dapitan

tunog ng gitara't salterio'y mag saliw, ako, Bayan yao't kita'y aawitin. 

Kung ang libingan ko'y limat na ng lahat at wala ng kurus at batang mabakas, bayaang linangin ng taong masipag, 

lupa'y asarolin at kauyang ikalat. At mga buto ko ay bago matunaw 

maowi sa wala at kusang maparam, alabok ng iyong latag ay bayaang 

siya ang babalang doo'y makipisan. Kung magka gayon na'y aalintanahin 

na ako sa limot iyong ihabilin pagka't himpapawid at ang panganorin 

mga lansangan mo'y aking lilibutin. Matining na tunog ako sa dingig mo, 

ilaw, mga kulay, masamyong pabango, ang ugong at awit, pag hibik sa iyo, pag asang dalisay ng pananalig ko. Bayang iniirog, sakit niyaring hirap, 

Katagalugang ko pinakaliliyag, dinggin mo ang aking pagpapahimakas; 

diya'y iiwan ko sa iyo ang lahat. Ako'y patutungo sa walang busabos, walang umiinis at berdugong hayop; 

pananalig doo'y di nakasasalot, si Bathala lamang dooy haring lubos. 

Paalam, magulang at mga kapatid kapilas ng aking kaluluwa't dibdib 

mga kaibigan bata pang maliit sa aking tahanan di na masisilip. 

Pag pasasalamat at napahinga rin, paalam estranherang kasuyo ko't aliw, 

paalam sa inyo, mga ginigiliw; mamatay ay siyang pagkakagupiling! 

-Sa salin ni Andres Bonifacio- 

Matapos ang pagbitay kay Rizal, napilitan ding tumakas mula Cavite sina Josephine Bracken at magkapatid na Trinidad at Paciano Rizal, tumawid ng bunduking Maragondon papuntang Laguna de Bay gayung duguan na ang mga paa ng nakayapak na Josephine. Tinulungan silang makapuslit sa Manila ni Venancio Cueto, isang pinuno ng Katipunan, at naisakay si Josephine sa isang barko papuntang Hongkong. Duon namalagi ang biyuda ni Rizal hanggang Deciembre 15, 1898, nang napangasawa niya ang isang Pilipinong nagkakalakal, si Vicente Abad. Bumalik ang mag-asawa sa

Page 31: Jose Rizal and Josephine Bracken in Dapitan

Manila, kasama ang anak nila, si Dolores. Nagturo ng English si Josephine, at isa sa mga naturuan niya ang binatang taga-Cebu, si Sergio Osmena, bayani ng Pilipinas nuong panahon ng Amerikano. Tahimik na yumao si Josephine, ang dayuhang giliw ni Rizal, nuong Marso 15, 1902, ng tuberculosis sa lalamunan. Nalibing siya sa Happy Valley cemetery sa Hongkong. Lumaki at nakapag-asawa si Dolores at nag-iwan ng mga anak na apelyido ay Mina. Gaya ng ama, si Vicente Abad, ipinilit niya hanggang sa kahuli-hulihan, na anak siya ni Abad, hindi ni Rizal. 

Nuong Junio 1896, pinapunta ni Bonifacio sa Dapitan ang isang manggagamot, si Pio Valenzuela, dati niyang kasama sa trabaho, upang anyayahan si Rizal, itatakas at itatago ng Katipunan, ngunit tinanggihan ni Rizal hindi lamang ang mungkahi kundi pati na ang himagsikan mismo: 

'Mula pa nuong unang marinig ko ang tinatangkang himagsikan, kinalaban ko na. Higit pa rito, nang marining kung nagtipon na ang mga

maghihimagsik, inalay ko ang dangal, mating buhay ko, upang sugpuin ang himagsikan dahil tiwala akong masama ang ibubunga nito. Nailahad ko, at inuulit ko, na ang pagbubuti ng bayan ay kailangang manggaling sa itaas,

ang nagmumula sa ibaba ay pambihira at walang katiyakan. Dahil sa paniwala kong ito, wala akong magagawa kundi isumpa ang himagsikan -

kahangalan, kahayupan at binunyi nang hindi ko namamalayan - nakakasirang-puri sa ating mga Pilipino at pinapawalang-saysay ang mga nananawagan para sa ating ikabubuti. Muhi ako sa pusakal na paraan, at itinatatwa ko anumang kinalaman dito, awang-awa ako sa mga nalansi at

sumapi.' 

[Hango sa The Hero of the Filipinos nina Charles Edward Russell at EB Rodriguez, 1923]