43
Pamagat: Rizal Sa Dapitan Tauhan: Albert Martinez bilang Jose Rizal - Ang pangunahing tauhan sa pelikula. Siya ay kinulong sa Dapitan dahil sa paglaban sa mga Kastila. Amanda Page bilang Josephine Bracken – Ang kasintahan ni Rizal na kanyang nakilala sa Dapitan. Roy Alvarez bilang Kapitan Ricardo Carnicero – Ang gwardyang nagbabantay kay Rizal habang siya ay na sa Dapitan. Cris Michelena bilang Padre Obach – Ang paring nabigo sa pagpapabalik loob ni Rizal. Candy Pangilinan bilang Maria Rizal – Ang kapatid ni Rizal na nagsumbong sa pagtataksil ni Josephine. Tess Dumpit bilang Narcisa Rizal – Isa sa mga babaeng kapatid ni Rizal na kanyang nakasama sa Dapitan. Rustica Carpio bilang Doña Teodora Alonzo – Ang ina ni Rizal. Jaime Fabrigas bilang Padre Francisco Sanchez – Ang kanyang Heswitang guro na tumulong sa kanya sa pagpapaayos ng bayan ng Dapitan.

Rizal Sa Dapitan - Movie analysis

Embed Size (px)

DESCRIPTION

a film analysis of Rizal sa Dapitan

Citation preview

Pamagat:

Rizal Sa Dapitan

Tauhan:

Albert Martinez bilang Jose Rizal - Ang pangunahing tauhan sa pelikula. Siya ay

kinulong sa Dapitan dahil sa paglaban sa mga Kastila.

Amanda Page bilang Josephine Bracken – Ang kasintahan ni Rizal na kanyang nakilala

sa Dapitan.

Roy Alvarez bilang Kapitan Ricardo Carnicero – Ang gwardyang nagbabantay kay

Rizal habang siya ay na sa Dapitan.

Cris Michelena bilang Padre Obach – Ang paring nabigo sa pagpapabalik loob ni Rizal.

Candy Pangilinan bilang Maria Rizal – Ang kapatid ni Rizal na nagsumbong sa

pagtataksil ni Josephine.

Tess Dumpit bilang Narcisa Rizal – Isa sa mga babaeng kapatid ni Rizal na kanyang

nakasama sa Dapitan.

Rustica Carpio bilang Doña Teodora Alonzo – Ang ina ni Rizal.

Jaime Fabrigas bilang Padre Francisco Sanchez – Ang kanyang Heswitang guro na

tumulong sa kanya sa pagpapaayos ng bayan ng Dapitan.

Paul Holmes bilang George Taufer – Ang ama ni Josephine Bracken na nagtugno kay

Rizal upang magpagamot.

Tagpuan:

Ang takbo ng istorya ng pelikula ay naganap sa Dapitan sa probinsya ng Zamboanga

noong taong 1892. Ito ang mga panahong si Rizal ay ipinatapon sa Dapitan.

Buod:

Ang pelikula ay nagsimula sa pagpapatapon kay Jose Rizal sa Dapitan probinsya ng

Zamboanga. Ito ay dahil sa paglaban niya sa relihiyon at gobyernong Kastila. Nakilala niya si

Padre Obach sa kanyang unang araw sa Dapitan. Dito ay pinilit siya ng pari na magbalik loob

ngunit ito ay nabigo dahil sa kanyang matibay na paninindigan.

Sa kanyang pagdating sa Dapitan, nakita niya ang bayan na kalunos-lunos. Siya ay

nangako na siya ay gagawa ng mga pagbabagong ikakaunlad ng bayan. Kasama sa kanyang mga

ginawa ay ang paglalagay ng patubigan gawa ng mga kawayan, ang papatanggal ng mga tubig sa

mga ilat para mawala ang mga lamok dahil ito ang nagiging sanhi ng sakit na Malaria, kasama

rin dito ang pagpapalagay ng mga lamparang gawa sa niyo para sa mga kalsada. Ipinaayos rin

niya ang liwasang bayan sa tulong ng kanyang Heswitang guro na si Padre Francisco Sanchez.

Ginawang makabuluhan ni Rizal ang kanyang pamamalagi sa loob ng piitan. Hindi

lamang siya naging isang ordinaryong bilanggo, siya rin ay naging guro, manggagamot at

tagapamahala ng kanyang bukirin.

Dumating sa Dapitan ang kanyang ina na si Doña Teodora kasama ang dalawa sa

kanyang mga kapatid na babae, sina Narcissa at Maria. Si Teodora sa naging isa sa mga pasyente

ni Rizal. Isa rin sa kanyang mga naging pasyente ay ang Amerikanong si George Taufer.

Dumalaw si George kay Rizal dahil sa kanyang kalagayan, ngunit ito ay hindi kaya ni Rizal.

Dito na niya nakilala si Josephine Bracken, ang anak-anakan ni George. Dahil sa hindi

kayang gamutin ni Rizal ang ama nito, nagpaalam ito at nangakong babalik. Tinupad niya ang

kanyang pangako at sila ay naging magkarelasyon ni Rizal.

Ang kasunduan ng pagpapakasal nina Rizal at Josephine ay kinuwestyon ng kanyang

pamilya lalo na ang kanyang kapatid na si Maria. Naniniwala si Maria na si Josephine ay isang

espiya. Hindi sila nagpakasal sa simbahan dahil sa pagsalungat ng mga lokal na prayle sa mga

kasulatan ni Rizal, itinuloy pa rin nila ang pagpapakasal kahit walang presensiya ng pari.

Naging masaya ang pagsasama ng dalawa hanggang sa malaman ni Rizal ang pagtataksil

ni Josephine. Ito ang naging dahilan ng pagkasira ng kanilang magandang samahan at nagresulta

ng pagkalaglag sa sinapupunan ng kanila sanang magiging anak na si Francisco.

Ang pelikula ay nagtapos sa pag-iwan ni Rizal kay Josephine pati na rin sa bayan ng

Dapitan. Kasabay dito ang kalungkutang bumalot sa mga mamamayan ng bayan dahil sa pag-alis

ni Rizal. Siya ay nagtungo sa Cuba kasama ang kanyang mga mahal sa buhay.

Halaga at Implikasyon

Ang halaga ng pelikulang ito ay ang pagbibigay kaalaman sa mga naganap sa

pagpapatapon kay Rizal sa Dapitan. Sa pamamagitan ng pelikulang ito, ipinakita rito ang mga

nangyari kay Rizal sa panahon na siya ay ipinatapon.

Ang pelikulang ito ay nagbibigay ng aral sa mga manunuod nito. Isa sa mga aral na ito ay

ang pagtulong sa kapwa kahit ano pa ang iyong kalagayan. Ang pagtulong ay hindi lang para sa

mga piling tao kundi ito ay para sa lahat.

Ang pelikulang pinamagatang “Rizal sa Dapitan” sa direksyon ni Tikoy Aguiluz ang

nagbigay linaw sa mga tagpong naganap sa buhay ni Rizal noong siya ay ipinatapon sa bayan ng

Dapitan sa probinsya ng Zamboanga. Ipinakita ng pelikulang ito ang mga bagay na nagawa ng

ating pambansang bayani upang buhayin ang bayan ng Dapitan.

Pamagat:

Jose Rizal

Tauhan:

Cesar Montano bilang Jose Rizal – Ang pangunahing tauhan sa pelikula. Siya ang ating

pambansang bayani na ipinapatay dahil sa paglaban sa mga Kastila.

Joel Torre bilang Crisostomo Ibarra / Simoun – Ang pangunahing tauhan sa nobelang

isinulat ni Rizal. Siya ay inihalintulad ni Rizal sa kanyang sarili.

Jaime Fabrigas bilang Luis Taviel de Andrade – Ang naging tagapayo ni Rizal upang

pag-aralan ang kanyang kaso.

Gloria Diaz bilang Doña Teodora Alonzo - Ang ina at unang guro ni Rizal.

Ronnie Lazaro bilang Don Francisco Mercado – Ang ama ni Rizal.

Gardo Versoza bilang Andres Bonifacio – Ang pinuno ng Katipunan na umaklas laban

sa mga Kastila.

Monique Wilson bilang Maria Clara – Ang kasintahan ni Crisostomo Ibarra sa nobelang

isinulat ni Rizal.

Chin Chin Gutierrez bilang Josephine Bracken – Ang babaeng naging kasintahan niya

ng siya ay ipatapon sa Dapitan.

Mickey Ferriols bilang Leonor Rivera – Ang pinsan ni Rizal na kanya ring naging

kasintahan.

Pen Medina bilang Paciano – Ang lalaking kapatid ni Rizal na kasapi sa kilusan.

Peque Gallaga bilang Archbishop Bernardo Nozaleda, OP – Ang Arsobispong

naniniwala na si Rizal ang nagpasiklab ng rebolusyon sa Pilipinas.

Bon Vibar bilang Ramon Blanco – Ang dating gobernador-heneral na pinapalitan ng

arsobispo.

Tony Mabesa bilang Camilo de Polavieja – Ang gobernador-heneral na ipinalit kay

Blanco.

Dennis Marasigan bilang Marcelo H. Del Pilar – Ang punong patnugot ng pahayagan sa

Espanya na La Solidaridad.

Jhong Hilario bilang Alipin – Ang alipin sa bilangguan na nagdadala ng pagkain ni Rizal.

Siya ay namangha sa katalinuhan ni Rizal noong ito’y nagkukwento.

Marco Sison bilang Dr. Pio Valenzuela – Isang doctor na kasapi ng Katipunan. Inutusan

ni Bonifacio na kausapin si Rizal noong siya ay nasa Dapitan.

Rowena Basco bilang Trinidad Rizal – Isa sa mga kapatid na babae ni Rizal. Siya lang

sa mga babae ang nakakapagsalita ng Ingles.

Tagpuan:

Ang pelikula ay naganap sa bayan ng Calamba sa probinsya ng Laguna. Ang ilang mga

eksena ay kinuhaan sa Fort Santiago kung saan siya ay nabilanggo at sa Bagumbayan na ngayon

ay mas kilala sa Rizal Park kung saan siya ay pinatay. Nagkaroon din ng mga eksena mula sa

ibang bansa tulad sa Ghent, Belgium kung saan nagsimula ang pelikula at mayroon din sa

Espanya kung saan siya nag-aral ng medisina.

Buod:

Ang pelikula ay nagsimula sa Ghent, Belgium kung saan sinimulan ni Rizal ang nobelan

El Filibusterismo. Habang si Rizal ay nagsasalaysay ay ipinakita rin dito ang mga bahagi ng

kanyang unang nobela na Noli Me Tangere. Ipinakilala dito ang pangunahing tauhan ng kanyang

nobela na si Crisostomo Ibarra na nagdalawang katauhan at naging si Simoun sa ikalawa niyang

nobela.

Kumalat sa Pilipinas ang mga nobelang isinulat ni Rizal. Ang mga nobelang ito ang nag-

udyok kay Andres Bonifacio na magsimula ng isang rebolusyon, ang Katipunan. Sa kabilang

banda’y napansin ito ng arsobispong si Archbishop Bernardo Nozaleda kung saan niya sinabi at

ipinilit na ang nagpasimula nito ay si Rizal. Binalaan ng arsobispo si Gobernador-Heneral

Blanco na kapag hindi ito nagawan ng paraan ay papapalitan ito.

Habang nagpapatuloy ang paghahanap kay Rizal, ang kanyang kapatid na si Paciano ay

nadakip ng mga Kastila. Siya ay pinahirapan at binugbog upang magsalita kung nasaan si Rizal.

Hindi siya nagsalita at nagbigay ng impormasyon tunugkol sa kanyang kapatid. Ipinagpatuloy

ang pagpapahirap sa kanya hanggang sa malaman niya na nadakip na ang kanyang kapatid.

Pinalaya rin siya at pinauwi. Umalis sina Paciano at ang kanyang ama na si Francisco sa

kanilang tirahan.

Si Rizal ay sinamahan ng mga gwardya sibil patungo sa kolonel upang imbestigahan.

Naniniwala ang kolonel na sangkot si Rizal sa himagsikan dahil sa pagsulat niya tungkol sa

tatlong paring martir na sina Padre Gomez, Padre Burgos at Padre Zamora. Ang pagpatay sa

tatlong pari ay nasaksihan ni Paciano noong siya ay bata pa.

Siya Ay nakapag-aral sa isang pampublikong paaralan kung saan siya ay laging inaapi ng

kanyang mga kamag-aral at ng kanyang guro. Habang ipinagpapatuloy niya ang kanyang pag-

aaral, ang kanyang ina na si Teodora Alonzo ay dinakip ng mga gwardya dahil siya ay

napagbintangan na lumason sa kanyang kapatid. Hanggang siya ay lumipat sa Ateneo Municipal

de Manila at opisyal na niyang ginamit ang Rizal.

Habang siya ay nasa bilangguan, ikinukwento niya sa isang alipin ang mga nangyari sa

kanyang buhay. Ang alipin ay namangha sa angking talino ni Rizal. Sa bilangguan na rin niya

nakilala ang kanyang abogado o tagapayo na si Luis Taviel de Andrade. Ipinagpatuloy ni Rizal

ang pagkukwento tungkol sa kanyang buhay. Kabilang dito ang pag-aaral niya sa Unibersidad ng

Santo Tomas kung saan kasama niya ang ilang mga Pilipinong estudyante na nagkaroon ng alitan

laban sa mga estudyanteng Espanyol.

Isinaad niya rin ang kanyang relasyon kay Leonora Rivera, ang kanyang unang pag-ibig

at pinsan. Ngunit kailangan niya itong iwan dahil kanyang ipagpapatuloy ang pag-aaral sa

Madrid. Nakiusap ang kanyang kapatid na ipagpatuloy ang pag-aaral sa Madrid at kumuha ng

kursong medisina. Siya ay nag-aral sa Unibersidad Central de Madrid.

Sa kanyang pagtungo sa Madrid, ay kanyang nakilala ang mga kababayan. Kasama rito si

Marcelo Del Pilar. Itinatag nila ang La Solidaridad, sa umpisa ay nagtagumpay ito ngunit

kalaunan ay nagkagulo. Nagkaroon ng alitan sina Rizal at Marcelo at dahil sa kakulangan ng

pagkakaisa, umalis si Rizal sa Madrid at nagbalik sa Pilipinas. Sa kanyang pagbabalik ay kaagad

niyang binuo ang La Liga Filipina, ngunit ito ay mabilis na bumagsak.

Dahil dito, ipinatapon si Rizal sa Dapitan. Doon niya nakilala si Josephine Bracken.

Kahit na malayo na si Rizal, hindi pa rin nakuntento sa Archbishop Nozaledo. Napilitang

ipatapon ni Blanco sa bilangguan si Rizal matapos paniwalain na maaari siyang magtrabaho sa

Cuba bilang manggagamot. Gusto ng arsobispo na ipapatay si Rizal kaya’t pinapalitan niya si

Blanco bilang gobernador-heneral. Ang kanyang ipinalit ay si Camilo de Polavieja.

Sa araw ng Kapaskuhan, siya ay binisita ni Taviel sa kanyang kulungan sa Fort Santiago

dala ang isang bote ng alak. Sa paglipas ng mga araw, patuloy na inusisa ni Taviel ang mga gawa

ni Rizal kung saan niya kinuwestyon ang El Filibusterismo pati na rin ang kanyang kredebilidad.

Naniniwala si Taviel na hindi siya ang nagpasimula ng rebolusyon dahil sinasabi niyang nabigo

si Rizal sa kanyang mga isinulat na nobela.

Sa araw ng kanyang paglilitis, Nagkaroon siya ng pagbabalik-tanaw sa pag-uusap nila ni

Pio Valenzuela sa Dapitan. Ipinadala ni Bonifacio si Pio upang kunin ang opinyon tungkol sa

nagaganap na kilusan at himukin na sumali ngunit ito ay tinanggihan ni Rizal.

Isinaad ni Taviel sa mga hukom na si Rizal ay walang kinalaman sa nagaganap na

kilusan. Ito ay dahil sa kakulangan sa ebidensya laban sa kanya. Ipinagtanggol ni Rizal ang

kanyang sarili at sinabing siya ay tumututol sa Katipunan. Ngunit ang pagsusumikap niya at ni

Taviel na maipanalo ang kaso ay nabalewala. Ito ay dahil pinilit ni Nozaleda si Polavieja na

ituloy ang pagpapapatay kay Rizal. Dahil sa mga pangyayari, nagalit si Taviel sa kanyang sarili

at siya ay nahihiya kay Rizal dahil siya ay isang Kastila.

Itinakdang patayin si Rizal noong ika-30 ng Disyembre at dahil sito’y may sapat pa

siyang oras upang magpaalam sa kanyang ina at mga kapatid. Inihiling niya sa kanyang ina na

kunin ang kanyang katawan at ito ay ilibing, lagyan ng krus at nakalagay dito ang kanyang

pangalan, taon ng kapanganakan pati na rin ang taon ng kanyang pagkamatay. Ibinigay niya ang

isang lampara kay Trinidad na kayang magsalita ng Ingles ay kanyang sinabi na “It has

something inside.”

Sa huling gabi ni Rizal sa kanyang bilangguan, siya ay nakatitig sa piraso ng papel at ang

kanyang panulat sa mesa. Wala siyang maisulat para sa kanyang huling obra. Noong gabi ring

iyon ay tumakbo ang imahinsyon niya at siya ay kinumpronta ng kanyang konsensya sa katauhan

ni Simoun. Matapos ang ilang saglit, sinimulan na niya ang kanyang huling obra, ang Mi Ultimo

Adios.

Araw na ng kanyang kamatayan, matapos ang kanilang huling pag-uusap ni Taviel ay

nagtungo na sila sa Bagumbayan. Inihiling ni Rizal sa namumuno sa pulutong na kung maaari ay

nakaharap siya sa mga babaril sa kanya ngunit hindi siya pinahintulutan nito. Inihiling na lang

niya na iwan ang kanyang ulo. Habang inaasinta ng mga sundalo ang kanyang likod, siya’y

ngumiti at nagwikang “ito’y tapos na” sa wikang Latin. Ayon sa kanyang hiling, iniwan ang

kanyang ulo at binaril siya sa likod. Sa kanyang pagkabaril ay pinilit ni Rizal na humaram at

tuluyan na siyang natumba.

Sa katapusan ng pelikula ay ipinakita ang Katipunan. Ang pag-atake nila sa mga sundalo

at ang paglusob nila sa mga simbahan. Ang mga simbahan ang sumisimbulo ng kapangyarihan

ng bansa.

Halaga at Implikasyon

Ang pelikula ay nagpapakita ng takbo ng kwento ng buhay ni Rizal. Ito ay nagbibigay

kaalaman sa mga nangyari sa buhay ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal. Kahit na

ang pagsasalaysay ay direkta, sinamahan ito ng flashback, mga eksena sa kanyang mga nobela.

Ito ay maaaring magbigay ng kalituhan sa mga manunuod lalo na sa mga walang alam tungkol sa

buhay ni Rizal.

Ang pelikulang pinamagatang “Jose Rizal” sa deriksyon Marilou Diaz-Abaya ang

nagbigay sa atin ng dagdag na kaalaman tungkol sa ating pambansang bayani. Ito ang nagbigay

daan sa mga manunuod para malaman ang mga pangyayari sa buhay ni Rizal. Ang pagganap ni

Cesar Montano bilang Rizal ay sadyang kahanga-hanga. Ito rin ay pumukaw sa mga damdamin

ng mga manunuod nito.

Pamagat:

Bayaning Third World

Tauhan:

Ricky Davao bilang Filmmaker 1 – Siya ang gusting gumawa ng pelikula na tungkol sa

pagkabayani ni Rizal.

Cris Villanueva bilang Filmmaker 2 – Siya ay tumutulong sa pag-imbestiga tungkol sa

pagkabayani ni Rizal para sa kanilang pelikula.

Joel Torre bilang Jose Rizal – Siya ang ating pambansang bayani na gustong gawan ng

pelikula ng mga film makers.

Daria Ramirez bilang Teodora Alonzo – Siya ang ina ni Rizal.

Joonee Gamboa bilang Paciano – Ang nakatatandang lalaking kaoatid ni Rizal na kasapi

sa kilusan.

Rio Locsin bilang Trinidad – Isa sa mga babaeng kapatid ni Rizal. Kasapi rin siya sa

Katipunan.

Cherry Pie Picahe bilang Narcisa – Isa sa mga babaeng kapatid ni Rizal. Siya ay

nagtiwala kay Josephine

Ed Rocha bilang Padre Balaguer – Isang prayle na nagsasabing siya ang testigo sa

retraksyon ni Rizal.

Tagpuan:

Ang kabuuhan ng pelikula ay naganap sa opisina n dalawang film makers. Ang ilang mga

eksena ay naganap sa bahy ng pamilya Rizal sa Calamba at ang ilan naman ay sa bilangguan ni

Rizal sa Fort Santiago.

Buod:

Ang kwento ng pelikulang ito ay nagsimula sa pagatatanong ng dalawang gumagawa ng

pelikula na kung kasalanan ba ang kwestyunin ang kabayanihan ni Rizal. Sa simula ng pelikula

ay isinalaysay nila ang mga katotohanan, kwento at mga opinion tungkol sa pagkabayani ni

Rizal, sa pagkamatay nito at epekto nito sa medya, sa pera at sa mga negosyo.

Nag-usap ang dalawa kung ano ang pwedeng nilalaman ng gagawing pelikula. Nadawit

pa rito ang kasarian ni Rizal pero ang mas kontrobersyal na kanilang naisip ay ang katotohanan

sa likod ng retraksyon nito. Ayon kay Villanueva, isa sa mga filmmaker, ito ay matagal ng

nakalimutan at tinuturing na patay na isyu, pero ipinagpatuloy pa rin nila ang paghanap ng mga

impormasyon tungkol dito. Ang pangunahin nilang suspect ay si Josephine Bracken. Siya ang

huling kasintahan ni Rizal. Upang mailigtas ang kanilang kasal kailangan ni Rizal ang

retraaksyon.

Ang kanilang pagsasaliksin ay inilarawan sa pamamagitan ng paggamit ng imahinasyon

upang makapanayam ang mga taong malapit sa buhay niya. Kabilang dito ang kanyang ina na si

Teodora, ang kanyang nakakatandang kapatid na lalaki na si Paciano, ang dalawa sa kanyang

mga kapatid na babae na sina Trinidad at Narcisa at kasama rin ang huling babaeng inibig ni

Rizal na si Josephine.

Si Teodora ang unang kinapanayaman ng unang filmmaker at ito ay naganap noong bago

ang pagpatay kay Rizal. Ayon sa kanya, siya mismo ay tutol sa ideya na si Rizal ay tutol sa

simbahan. Tutol din siya sa pagpapakasal nina Bracken at Rizal.

Sunod na ikinapanayam ay si Paciano ng ikalawang filmmaker. Siya ang nakatatandang

kapatid ni Rizal at kasapi rin siya sa katipunan. Ikinuwento niya ang mga layunin ni Rizal, ang

pagiging martir nito, ang buhay nila kung paano sila pinahirapan ng mga Kastila at ang

pagkabagot nito sa Dapitan. Sinabi rin niya na hindi siya sang-ayon sa pagpapakasal nina

Bracken at Rizal.

Ang sunod na ikinapanayam sa imahinasyon ng unang filmmaker ay si Josephine

Bracken. Ipinagtanggol niya ang sarili sa mga paratang na siya ay espiya at tungkol sa pagtanggi

sa kanya ng pamilya ni Rizal. Tinanong rin siya tungkol sa pag-uusap ni Rizal at Padre Obach

kung saan isinumite ni Rizal ang kanyang retraksyon at ipinasa it okay Padre Balaguer kahit

wala pa itong lagda. Ito ay nagpapahiwatig na si Josephine ay nagsisinungaling o di kaya naman

ay naguguluhan dahil wala siya sa pinangyarihan.

Si Narcisa ang isinunod na ikinapanayam ng ikalawang filmmaker. Siya ang natatangi sa

pamilya ni Rizal na malapit kay Josephine. Ang takbo ng panayam ay tungkol sa pagkakadawit

ni Rizal sa Katipunan. Sinabi rin niya na si Rizal ay biktima lamang.

Sunod na kinapanayam ay ang isa pa nitong kapatid, si Trinidad. Siya ay pabagu-bago sa

kanyang mga pahayag. Sa una niyang panayam noong 1922 itinanggi niya ang retraksyon ni

Rizal. Sa kanyang ikalawang panayam noong 1949 sa paglabas ng kopya ng retraksyon, siya ay

naniwala na si Rizal ay nag retraksyon. Napag-usapan din kung ano ang laman ng lamparang

ibinilin sa kanya ni Rizal. Dito rin nalaman na siya pala ay namuhay mag-isa at ang mga bagay

na may kasamang alaala ni Rizal ay kinuha sa kanya isa-isa.

Kahit na marami silang nakuha sa kanilang mga panayam, hindi pa rin nasagot ang

kanilang mga tanong tungkol sa kabayanihan ni Rizal at ang kangyang mga gawa na laban sa

Simbahang Katoliko. Naisip ng ikalawang filmmaker na ang dapat na pamagat ng kanilang

gagawing pelikula ay “Bayaning Third World” matapos na basagin ng isang filmmaker ang isang

maliit na rebulto ni Rizal. Ang sabi pa nito ay marupok at nababagay sa third world.

Naiwan sa kanilang listahan ang taong hindi nila gustong makapanayam tungkol sa

usapin na ito. Siya ay si Padre Balaguer, siya ang responsable sa paglabas ng retraksyon ni Rizal.

Sinabi ng prayle na si Rizal nga ay nagbalik sa pagiging Katoliko, nangumpisal ng maraming

beses, binasa ang kanyang retraksyon sa harap ng ibang mga Heswita, humiling ng isang misa

upang makapag komunyon at pinakasalan si Josephine Bracken.

Tulad sa kanilang inaasahan, nakuha nila ang sagot na inaasahan nilang marinig mula kay

Padre Balaguer. Narinig ng dalawang filmmaker ang pag-uusap ni Trinidad at Narcisa sa

pagtingin sa lamparang ibinigay ni Rizal. Doon nila nakita ang huling tula na ginawa ni Rizal

ang “Mi Ultimo Adios.”

Biglang dumating si Josephine at sinasabing sa kanya dapat ang labi ni Rizal. Ipinahayag

niya ang pagpapakasal nila ni Rizal at dahil dito’y sinabihan siya ni Trinidad na “Hongkong

Bitch”. Muli siyang tinanong ng dalawang filmmakers, ngunit sa pagkakataong ito ay puro

personal na katanungan. Ito ay kung totoo nga bang pinagsamantalahan siya ng kanyang ama-

amahan o kung kay Rizal nga ba talaga ang dinadala niyang anak. Dahil sa sobrang kaba ni

Josephine ay hindi niya kayang patunayan ang naganap na pagpapakasal nila ni Rizal. Nasabi ng

isa sa mga filmmaker na dapat ang gawan na lang nila ng pelikula ay ang buhay ni Josephine.

Naisip nila na dapat mas bigyan nila ng tuon ang huli nilang panayam. Ang panayam sa

nag-iisang pambansang bayani, Jose Rizal. Ang kanilang mga tanong kay Rizal ay sinasagot nito

sa mga malalalim nitong mga salita. Ang panayam na ito ay imbis na maging isang

imbestigasyon ay naging labasan ng emosyon. Ang nagawang Rizal ng mga filmmaker ay halos

tulad din nila na galit, nalilito at naninigarilyo.

Sa katapusan ng pelikula, ang dalawang filmmakers ay nakatayo sa monument ni Rizal.

Nagtatanong kung dapat ba nilang ituloy ang paggawa ng pelikula tungkol kay Rizal. Sabi ng

isang filmmaker na marami tayong pwedeng magawang Rizal sa ating isipan at ang buhay ni

Rizal ay para sa mga libro lamang. Sa katapusan ng pelikula, ang isa naman ay nagwikang ito ay

mahirap basagin.

Halaga at Implikasyon:

Ang pelikulang pinamagatang “Bayaning Third World” sa direksyon ni Mike de Leon ay

ang nagpapakita sa mga kontrobersya sa buhay ni Rizal. Tinatalakay nito kung totoo ba ang

retraksyong ginawa ni Rizal sa kanyang mga ginawa at isinulat. Kung totoo bang siya ay

nagbalik sa pagiging isang Katoliko.

Ang pelikulang ito ay maaaring magbigay ng mga maling persepsyon sa kung ano talaga

ang tunay na nangyari bago mamatay si Rizal. Sa pelikulang ito ipinapakita ang mga kwento ng

iba’t ibang tauhan tungkol sa buhay ni Rizal. Kinuwestyon din dito kung bakit si Rizal ang

naging pambansang bayani.

Sa makatuwid, ang tunay na kwento sa likod ng buhay ni Rizal ay isa pa ring malaking

palaisipan. Marami pa ring mga katanungan ang hindi pa nasasagot. Hanggang ngayon ang mga

ito ay nagbibigay pa rin ng palaisipan sa mga tao.

Pamagat:

Ang Buhay ng Isang Bayani

Tauhan:

Joonee Gamboa bilang Tagapagsalaysay – Ang tagapagsalaysay ng dokyumentaryo

tungkol sa buhay ni Dr. Jose Rizal.

Pen Medina boses ni Jose Rizal – Ang bayaning tinutukoy sa dokyumentaryo.

Gabe Mercado boses ni Paciano – Ang nakakatandang lalaking kapatid ni Jose Rizal.

Lea Chiu boses nina Saturnina at Narcisa – Dalawa sa mga babaeng kapatid ni Jose

Rizal.

Joonee Gamboa boses ni Ferdinand Bluentritt – Ang matalik na kaibigan ni Rizal na

isang Austrian na iskolar.

Eric Gomez boses ni Antonio Luna – Ang kababayang kaibigan na umiibig din kay

Nellie Boustead.

Rofel Brion boses ni Silvestre Ubaldo – Ang kanyang bayaw sa kanyang kapatid na si

Olimpia.

Tagpuan:

Ang dokyumentaryo ay kinuhaan sa Luneta Park. Ang ilang lugar na nabanggit sa

dokyumentaryo ay ang bayan ng Calamba kung saan isinilang si Rizal. Sa Madrid kung saan siya

nag-aral ng medisina. Sa Dapitan kung saan siya ipinatapon. Sa Inglatera, Paris, Hongkong,

Japan, Macau at Amerika kung saan siya naglibot-libot at namalagi.

Buod

Ang dokyumentaryong ito ay tungkol sa buhay ng ating pambansang bayani na si Dr.

Jose Rizal na isinalaysay ni Joonee Gamboa. Ang dokyumentaryong ay hinati sa limang bahagi.

Ito ay ang mga sumusunod: Ang batang si Moy Mercado, Jose Rizal Mercado: Atenistang

Probinsyano, Patungo sa Liwanag ng Dunong at Daigdig, Ang Lakbayin Patungo sa

Ligalig at Dapithapon at Dilim.

Sa simula ng dokyumentaryo ay nagpakilala ang ating tagapagsalaysay. Itinanong niya

kung ano ating naiisip kapag narinig ang pangalang Jose Rizal. Binanggit din niya ang

pinakatanyag na mga salitang iniwan ni Rizal, “Ang taong „di marunong magmahal sa sariling

wika ay higit pa ang amoy samalansang isda.” Hanggang ngayoon ay taglay pa rin natin ang

kwadernong may pamagat na “Memorias de un Estudiante de Manila” na naglalaman ng

kanyang mga alaala hanggang sa kanyang unang pag-ibig.

Ang unang bahagi ng dokyumentaryo ay ang “Ang batang si Moy Mercado.” Nakasaad

dito ang kwento sa pagkabata ni Rizal. Siya ay isinilang noong Hunyo 19, 1861 sa pagitan ng

alas-once at alas-dose ng gabi. Ipinakilala rin ang kanyang ina na si Teodora Alonzo na mas

kilala sa tawag na Lolay. Ayon sa kanyang mga tala, si Doña Lolay ay hindi ordinary. Ito ay

dahil mahilig ito sa literatura at magaling sa Espanyol at siya rin daw ay isang Matematika. Dahil

sa kanyang malakas na personalidad at pagsisikap, malaki ang nagawa ni Doña Lolaysa

masigasig na paghuhubog ng pagkatao ng kanyang mga anak at ng kanilang pag-ibig sa

karunungan.Tinuruan niya silang bumasa at sumulat. Sinanay sila sa pagdarasal at pagtulong sa

gawaing bahay atkabuhayan. Dahil dito, lubhang malapit si Rizal sa kanya.

Sunod na ipinakilala ay ang kanyang ama na si Francisco Mercado o tinatawag din na

Kikoy. Mahigit 40 taon na siya nang isilang si Jose Rizal at siya’y sensitibo kaya siya ay malapit

sa kanyang mga anak. Ayon kay Rizal, ang kanyang ama ang huwaran ng mga ama. Siya ay

nagbigay ng edukasyong naaayon sa kanilang bahagyang kakayahan sa kanilang buhay. Dahil sa

kanyang pagsisikap, siya ay nakapagpundar ng bahay na bato at nakapagpatayo pa ng isa.

Sa bahay kubo madalas maglaro ang isang batang kung tawagin nila‟y Moy. Ayon sa

kanyang mga kapatid, tahimik na bata si Rizal. Bagaman madaling mahalata sa panlalaki ng

kanyang mga mata kung siya‟y natutuwa o nabibighani sa isang bagay. Mahilig siyang mag

pinta ng mga hayop, ibon atbulaklak gamit-gamit ang achuete, uling at iba pang katas ng

halaman bilang pintura. Mahilig din siyanghumubog ng pigurin at busto ng mga tanyag na taong

nababasa niya sa kanilang mahigit 1000 mga aklat.

Matamis ang oras sa tahanang iyon kaya mauunawaan ang lungkot na nadama ni Rizal

nang sanapakamurang gulang na 9 na taon ay nalayo siya sa kanyang pamilya upang mag-aral sa

Biñan. Sa pamamagitan ni Maestro Justiniano Cruz, namulat si Rizal sa isang paraan ng

pagtuturo nausong-uso noong panahong iyon. Babahagya lamang ang sakit na nadama ni Rizal

kung ihahambing sa mga sumunod na pangyayarina nag-iwan ng malalalim na sugat sa kanyang

ala-ala.

Sinubukan ni Doña Lolay na pagbatiin ang kanyang kapatid na si Jose Alberto at ang

pabayangasawa nito na bukod sa nakiki-apid ay iniwan pa ang kanilang mga anak. Ikinagalit ng

babae angpakikialam ni Doña Lolay at pinaratangan siyang kasabwat ni Alberto sa tangkang

lasunin siya. Sa tulong ngtiniente ng guwardiya sibil, na kaibigan pa man din ng Pamilya

Mercado, inaresto si Doña Lolay sa kanilangbahay. Tumagal ng 2½ taon ang pagkabilanggo ng

ina ni Rizal.

Ganoon na lamang ang lungkot na pinasan ni Rizal nang ihatid siya ni Paciano sa Ateneo

Municipalsa Maynila na nakatirik noon sa Intramuros. At dito’ y naranasan ng probinsyanong

taga-Calamba angtagumpay, pait, at pag-ibig sa buhay ng isang estudyanteng Maynila.

Ang sumunod na bahagi ay ang “Jose Rizal Mercado: Atenistang Probinsyano.” 11

taong gulang pa lamang si Rizal nang siya’y magpatala sa Ateneo. Noong una’y diskumpiyado

pa ang mga pari na tanggapin siya dahil bukod sa alangang panahon siya nagpatala, sadyang

napakaliitat napakatamlay ni Rizal. Kaya’t, taliwas sa inaakala ng marami, hindi agad

nakapagpakitang-gilas si Rizal bilang estudyante. Noo’y hirap siyang magsalita ng Kastila, isang

probinsyanong malayo sa kanyangbayan, napakaliit kung ikukumpara sa mga kaklase niyang

Español at Meztiso, at malumbay dahil sakapalarang sinapit ng ina.

Napalaya na si Doña Teodora, nang magtapos si Rizal ng kursong sekondarya at bumalik

saAteneo upang mag-kolehiyo. Nang panahong ito ay umusbong ang talino niya sa pag-aaral.

Tuwing semestre ay nakakapag-uwi siya ng mga premyo. Sa ilalim ng matiyagang

pamamatnubay ng propesorniyang si Padre Francisco de Paula Sanchez, pinatalas ni Rizal ang

kanyang pagkatha sa wikang Español.

Nang bumalik si Rizal sa Calamba, umasa si Doña Lolay na tutulungan na lamang niya si

Pacianosa bukid. Pero nanghinayang si Don Kikoy sa talino ng kanyanganak kaya pinag-aral ito

ng Pilosopiya sa Unibersidad ng Sto. Tomas. Kumuha din si Rizal ng kurso sa LandSurveying o

Agrimensura sa Ateneo upang mapagbigyan ang kanyang ina. Pagkaraan ng 1 taon, nagpasiya si

Rizal na mag-aral na lamang ng Medisina matapos matuklasang nabubulag na ang kanyang ina.

Noo‟y nakilala ni Rizal ang kanyang unang pag-ibig, isang kolehiyalang kasamahan sa

dormitoryo ng kapatid niyang si Olimpia, isang binibining nagngangalang Segunda Katigbak.

Naudlot ang suyuan nang pauwiin si Segunda ng kanyang ina upang alagaan ang sanggol na

kapatid. Ilan pang mga dalagita ang pinagka-interesan o naging interesado kay Rizal bago niya

natuklasanang pag-ibig sa kaanak niyang si Leonor Rivera.

Sumali si Rizal sa isang timpalak-pampanitikan. Nanalo ng unang gantimpala ang lahok

niyang “El Consejo de los Dioses”. Nang pumanhik siya sa entablado at nakita ng mga

manonood na isang Pilipino - na isang Indio - ang nanalo, walang pumalakpak. Gayunpaman,

hindi nasiraan ng loob si Rizal. Nang mapagtanto niya na hindi kikilalanin at hindi sasapat ang

kanyang pag-aaral sa Sto. Tomasupang makapanggamot, nabuo ang kayang pasya na mag-aral sa

España. Tinanggap ni Rizal ang hikayatng mga kaibigan, maging ng tiyo niyang si Antonio

Rivera, ama ni Leonor.Pero walang kapantay ang ibinigay na suporta ng kapatid ni Rizal na si

Paciano. Masinop niyangbinalak ang pag-aaral ni Rizal at ipinamana ang pangarap na laan sana

sa kanya - isang pangarap naipinagpalit sa obligasyon ng panganay na lalake na pangasiwaan ang

kabuhayan ng pamilya. Inilihim nila sa pamilya ang mga balak.

Sumunod ang ikatlong bahagi, “Patungo sa Liwanag ng Dunong at Daigdig”.

Naglalaman ito ng kwento ni Rizal tungkol sa kangyang pag-aaral sa kolehiyo. Nagtungo si

Rizal sa Maynila. Matapos humingi ng mga sulat ng rekomendasyon kay Pedro Paternoat sa mga

paring Heswita, naglayag siya patungong Europa noong ikalawa ng Mayo sa edad na 20

taonggulang. Unti-unti ring naglaho ang lumbay ni Rizal, pinalitan ng pagkamangha sa pagtuklas

ng bagongbuhay at daigdig sa kabila ng mga alon. Iniwan sa atin ng kasaysayan ang

napakaraming larawan ng mga tao’t tanawin, mga sulat sa magulang at kaibigan, at mga ala-ala

tungkol sa kanyang mga paglalakbay namasinop niyang sinulat sa mga papel at kwaderno.

Dumaong si Rizal sa Marseille, France at mula roo’y sumakay ng tren patungong Barcelona,

Spain kung saan siya namalagi ng ilang buwan upang palipasin ang bakasyong pang-tag-araw ng

mgaunibersidad. Unang araw pa lamang, nawalan na ng amor si Rizal sa Inang España.

Mula sa Barcelona‟y lumipat si Rizal sa Madrid at magkasabay na nagpatala sa Kolehiyo

ngMedisina at Kolehiyo ng Pilosopiya at Letras. Nakuha rin niyang ipagpatuloy ang hilig sa

pagpipinta, pagsusulat at pag-aaral ng mga wikang Europeo. Tinipid ni Rizal ang sarili sa

maraming bagay, maliban salibro, tiket sa teatro, at kaunting paglilibang.

Nakasama ni Rizal ang mga Filipinong intelektwal tulad ni Graciano Lopez-Jaena, isang

datingestudyante ng Medisina na unti-unting kinikilala sa kanyang pagsusulat at pagtatalumpati

at si GregorioSanciangco, may akda ng “El Progreso de Filipinas”. Sumapi siya sa Circulo

Hispano-Filipino, isangsamahan ng mga Filipino at Español na nagtitipon sa isang bahay upang

pag-usapan ang mga bagay-bagay na may kinalaman sa Filipinas at maglabas ng isang

pahayagan o revista. Namatay ang Ciculo dahil sa kakulangan ng pondo at paglaganap ng

pulitikal na kulay na ikinailang ng matatandang Kastila. Di man nila napansin, tumatalab na ang

mga liberal na ideya sakamalayan ng mga Filipinong intelektwal, isang proseso ng pagbubukas

ng isip sa pagkakaiba ng buhay sakonserbatibong Filipinas at España kung saan napaka-liberal

ng pagpapalitan ng mga ideya.

Makikita ang pagsibol ng kamalayang-pulitikal sa isang talumpating binigkas ni Rizal

bilangparangal sa pagkapanalo nina Juan Luna at Felix Resurreccion Hidalgo sa isang timpalak

sa pagpinta. Hindi inakala ni Rizal na mamasamain sa Pilipinas ang isang talumpating

pinapurihan ng mga liberal na tao’t pahayagan sa España.

Naging mahirap ang kabuhayan sa Calamba nang bumagsak ang presyo ng asukal sa

pamilihan.Dahil dito, lubhang nahuli ang pagpapadala ng salapi kay Rizal. Nagprisinta naman

siya na umuwi nalamang sa Pilipinas, yaman din lamang at nakuha na niya ang lisensiyado sa

Medisina at hindikakailanganing mag-aral ng doktorado dahil hindi naman niya balak magturo

ng Medisina.Napagkasunduan ng pamilya na huwag pauwiin si Rizal at sundin ang mungkahi na

magsanay muna siya saoptalmolohiya sa isang klinika sa Paris.

Napagpasiyahan ni Jose na magtungo sumandali sa Heidelberg, Germany upang

magsanay panglalo sa klinika ni Otto Becker. Pinagbuti rin niya ang pagsasalita at pagsulat ng

wikang Aleman. Kahit kapos sa salapi, pinagsisikapanniyang bigyan ng aginaldo ang kanyang

mga pamangkin. Isinalin niya at ginawan ng dibuho (sketch) angmga kwentong pambata ni Hans

Christian Andersen.

Sa panahong ito, nagsimula sa pamamagitan ng isang sulat ang matalik na pagkakaibigan

ninaJose Rizal at Ferdinand Blumentritt, isang Austrian iskolar. Pinakilala ni Blumentritt si Rizal

sa mga kilalang iskolarng Europa, mga higante ng karunungan at siyensya. Bagama’t sa simula’y

siyensya at Filipiniana angnagbuklod sa kanila, sa pagtagal ng panahon, si Blumentritt ay naging

ama-amahan, tagapayo, tagapagtanggol at tagahanga, ang tunay na kabiyak ng kanyang

kaluluwa.

Sa panahong ito’y tinatapos na ni Rizal ang Noli Me Tangere pero nahirapan siyang

maghanap ngpondo upang ipalimbag ito sa mga imprenta ng Berlin. Hindi pa nabebenta ang

asukal sa kamalig ng mga Rizal at mahirap ang buhay ng pamilya. Sa kabutihang palad,

nagpunta roon si Maximo Viola, isangkaibigang nakilala niya sa Barcelona. Agad na humanga si

Viola kay Rizal dahil sa talino nito at dedikasyonsa mga gawain. Dinala niya si Rizal sa isang

espesyalistang doktor na nagsabing nagkasakit ito dahil salabis na pagtitipid sa pagkain.

Inabonohan din ni Viola ang buong halaga ng pagpapalimbag ng Noli Me Tangere kahit na

noong una’y ayaw pumayag ni Rizal. Nagpasya si Rizal na bumalik sa Pilipinas, sa kabila ng

pagpigil ng lahat.

Ang sumunod na bahagi ay ang “Ang Lakbayin Patungo sa Ligalig.” Nang magbalik si

Rizal sa Pilipinas, hindi pa gaanong napag-uusapan ang Noli Me Tangere.Bukod sa kakaunti ang

kopyang nakapasok sa bansa, kasalukuyan pa lamang itong sinusuri ng mga prayle. Pero

makaraan ang tatlong linggo, nagkatotoo ang hinala ni Rizal. Pinatawag siya ng gobernador-

heneral sa Malacañang dahil sa reklamo ng mga prayle tungkol sanobela. Inilipat ng gobernador

sa Komisyon ng Sensura ang pagpapasya sa nobela at nagtalaga ng isang militar kay Rizal na di

umano‟y mangangalaga sa kanyang kaligtasan ngunit sa katotohana‟y isang bantay. Sinundan ni

Taviel de Andrade si Rizal saan man siya magpunta. Nagkasundo silang dalawa dahil siya ay

edukado at liberal.

Nang imungkahi ng Sensura na pigilin ang pamumudmod ng Noli Me Tangere,

pinagkaisahan ngmga prayle na pilitin ang gobernador na gumawa ng marahas na hakbang tulad

ng pagpapakulong kayRizal. Pinayuhan siya ng heneral at ng mga mahal sa buhay na umalis na

lamang upang matahimik na ang lahat. Nilisan ni Rizal ang Pilipinas. Tumigil muna siya sa

Hongkong, Macau at pagkatapos ay sa Japan. Nahumaling si Rizal sa Japan at maging sa isang

Haponesang pinangalanang O Sei San.Walang naiwang salaysay tungkol sa kanilang pagniniig.

Pagkatapos ay sa Amerika naman naglakbay si Rizal mula California hanggang New

York. Sa Inglatera susunod namalagi si Jose. Sa tulong ng isang sulat mula kay Blumentritt,

nakilala niyadoon si Dr. Reinhold Rost na mabilis din niyang naging mabuting kaibigan. Bukod

sa palagiang pag-iimbitasa kanya sa bahay upang mag-tsaa kasama ng kanyang pamilya,

tinulungan siya nitong makakuha ngpermisong gumamit ng aklatan ng British Museum. Doon

natagpuan ni Rizal ang isang libro tungkol sakasaysayan ng Pilipinas(Sucesos de las Islas

Filipinas) na sinulat ni Antonio Morga, isang tagapayo nggobernador-heneral na namalagi sa

Pilipinas ng 10 taon. Matiyaga niyang kinopya ang buongdokumento pagkatapos ay ikinumpara

ang datos nito sa iba pang dokumento tungkol sa Pilipinas. Nang di tumupad ang kababayan

niyang si Antonio Maria Regidor sa pangakong ipalilimbag ang aklat, nagtungo siRizal sa Paris

upang makamura sa palimbagan.

Panahon din ito nang maging aktibo si Rizal sa La Solidaridad, ang pahayagang

propagandistanginilalabas ng mga Filipino sa España. Nagsulat siya sa paanyaya ni Graciano

Lopez Jaena, ang una nitongeditor at kahuntahan niya noong nasa España. Karaniwang tema ng

mga artikulo ni Rizal ang pagtatanggolsa kultura at pagkatao ng Filipino laban sa panghahamak

ng mga peryodistang Español.

Nagkaroon ng kaunting intriga sa pagitan nina Rizal at Del Pilar tungkol sa organisasyon

atpamamalakad ng gawain ng mga Filipino sa Madrid. Sinasabi na nagsimula lamang ito sa

palagiangpagpapayo ni Rizal tungkol sa pamamalakad ni Del Pilar ng La Solidaridad. Bukod pa

rito ang madalasniyang panunuligsa sa pagpapabaya at pambababae ng mga Filipino. Hindi niya

naisip na posibleng naliligaw siya sa teritoryo ni Del Pilar na kinikilala din ng lahat, kasama na

ni Rizal, bilang pangunahing tagapagsulong ng lahat ng gawaing pulitikal ng mga Filipino sa

Madrid mula nang umalis si Rizal.

Ganoon nga ang nadama niya nang magtungo siya sa Biarritz, isang maayang bayan sa

Francemalapit sa dagat. Biniyayaan siya ng panahon upang haluhin ang sarili, upang ayusin ang

kanyangikalawang nobela, upang umibig nang muli. Umibig siya kay Nellie Boustead na

sinusuyo ng kababayanniyang si Antonio Luna. Noong lumaon ay natanggap din ni Luna

angmga bagay-bagay bagama‟t minsan nang malasing siya ay muntik na silang mag-duwelo ni

Rizal. Nang lumao’y nagkabati rin ang dalawa at ipinaubaya ni Luna kay Rizal ang babae. Pero

hindi maaaringmagpakasal si Rizal. Nakasangla ang puso niya sa kanyang mga gawain.

Nagtungo si Rizal sa Belgium upang ipalimbag ang kanyang pangalawang nobela

(ElFilibusterismo). Pero tulad ng dati, kinapos siya ng pondo. Pero tulad din ng dati, may

kaibigan siyang Valentin Ventura nanagpaluwal ng salapi para sa nobela. Ang isa pa niyang

kaibigang si Jose Basa ang nagpautang ng pamasahe patungong Hongkong. Dito’y muling

nakatagpo ni Rizal ang kanyang pamilya.

Ang huling bahagi ng dokyumentaryong ito ay ang “Dapithapon at Dilim”. Nang

mabalitaan ng mga Español na pabalik na si Rizal sa Asya, minabuti nilang iliban si Pacianoat

ang kanyang mga bayaw sa Jolo. Sa kabutihang palad, nakatakas sila at nakapuslit patungong

HongKong kasama si Don Kikoy. Sumunod na pinag-initan ang kawawang si Doña Lolay.

Dinakip siya sabalighong paratang ng hindi paggamit ng tamang apelyido. Naawa ang

gobernadorsilyo, pinawalan ang matanda. At pagkaraa‟y pinahintulutang pumunta sa Hong

Kong.

Maligayang-maligaya na sana ang pamilya pero hindi mapalagay si Jose sa

kapayapaan,ngayong alam niyang napakaraming dapat gawin. Sinulat niya, inilimbag at

ipinadala sa Maynila angkonstitusyon ng isang samahang tinawag niyang Liga Filipina na

naglalayong himukin ang mga Filipino namagtulong-tulong upang gumawa ng mga

kinakailangang pagbabago sa bayan.

Bagaman panandaliang nagpuspos ng kalungkutan nang ipatapon siya sa malayong bayan

ng Dapitan na nasa probinsiya ngayon ng Zamboanga del Norte. Tumirasi Rizal kasama ng

komandanteng militar at ng kanyang maybahay na kapwa niyang nakagaanan ng loob. Noong

tumagal ay nagtayo siya ng klinika na bukas sa mayaman at mahirap at nagtatag ng maliit na

eskuwelahan. Dito ay Europeo ang istilo ng pag-aaral. Itinuturo skasama ng wikang Español ang

Ingles, palakasan at mga kakayanan sa paghahanapbuhay. Hindi siya pinabayaan nina

Blumentritt sampu ng mga kaibigan nitong iskolar sa Europa. Lagi siyang nakakatanggap at

sumusulat ng liham sa iba‟t ibang wikatungkol sa iba‟t ibang bagay. Dumating din ang panahon

na pinayagang tumira kasama niya ang kanyang ina at ilang kapatid na babae.

Naibsan ang pangungulila ni Jose nang dumating si Josephine Bracken. Sinamahan ni

Josephine saklinika ang kanyang nabubulag na ama-amahang si Mr. Taufer. Nahulog ang loob

nila sa isa‟t isa. At sinasabi na sa dalampasigan ipinagtapat ni Rizal ang nilalaman ng kanyang

puso.

Pinagkaitan sila ng kasal hangga‟t hindi pormal na nagbabalik-loob si Rizal sa

simbahang Katoliko. Gawin man ni Rizalang lahat ng paliwanag, ikinahiya ng ilang miyembro

ng kanyang pamilya ang kanilang pagsasama. Ayonkay Josephine, kung minsa‟y

pinagduduldulan pa ito sa kanyang mukha sa harap ng kanilang mgapamangkin. Gayunman,

tiniis niya ang lahat ng pasaring.

Sadyang mahirap takasan ang mga kamay ng kasaysayan. Tinanggihan man ni Rizal

angplano ng mga Katipunero na itakas siya‟t gawing haligi ng himagsikan, hindi maikakaila na

malaki ang nagawa ng kanyang mga sinulat, ginawa at sinabi sa kamalayan ng mga taong

nagpasyang makibaka. Pinili niya ang kapayapaan, ang buhay na sa wakas ay tahimik, angbuhay

na sa unang pagkakataon ay kanyang-kanya. Sinunod niya ang payo ni Blumentritt na mag-

boluntaryo bilang manggagamot sa Cuba sa ngalan ng España upang mawakasan ang kanyang

pagkakatapon at kalauna/y makabalik sa kalayaan ng Europa. Malayo na siya sa Pilipinas nang

maibaba ang pasya na pabalikin siya sa Pilipinas upang humarap sa kortesa paratang na rebelyon

at pagbubuo ng mga ilegal na samahan.

Ipiniit siya sa Fort Santiago noong mga unang araw ng Nobyembre. Nilitis siya noong

ika-26 ngDisyembre. Pagkaraan ng 3 raw, binasa sa kanya ang hatol ng kamatayan. Pinaka-

unang dumalaw ang kanyang ina. Humingi si Rizal ng tawad para sa lahat ng paghihirapna

idinulot niya sa pamilya at hiniling na kunin nito ang kanyang bangkay. Gusto siyang yakapin

ngkanyang ina ngunit pinaghiwalay sila ng mga guwardiya sibil. Sumunod na dumalaw ang

kanyang mgakapatid na babae at mga pamangkin. Isa-isa niyang ipinamigay ang kanyang mga

nalalabing gamit.Ipinagbilin niya kay Trining ang isang lamparang inihandog sa kanya ng mga

Pardo de Tavera. “There is something inside,” ibinulong ni Rizal sa Ingles upang ‘di maunawaan

ng mga guwardiya. Doon niya isiniksikang kanyang huling tula.

Disyembre 30, 1896, binaril si Rizal sa Bagumbayan. Ang kanyang huling sinabi bago

siya barilin ay “Consummatum est” na ang ibig sabihin ay “Tapos na.” Nakabili ng kabaong ang

pamilya Rizal pero ipinagkait sa kanila ang bangkay.Inilibing ito ng lihim sa sementeryo ng

Paco. Walang kabaong, walang pangalan.

Halaga at Implikasyon

Sa domyumentaryong ito na pinamagatang “Ang buhay ng Isang Bayani” mula sa

deriksyon ni Butch Nolasco ipinakita ang detalyadong mga pangyayari sa buhay ng ating

pambansang bayani na si Jose Rizal. Sa dokyumentaryong ito’y ginamit ang kwadernong isinulat

ni Rizal ng naglalaman ng kanyang mga alaala. Gumamit din ito ng mga liham na nagmula sa

mga taong malalapit sa buhay niya upang mas maagbigay ng detalye sa buhay ni Rizal. Isang

magandang dokyumentaryong ito upang madagdagan ang ating mga kaalaman tungkol sa ating

mga bayaning si Dr. Jose Rizal.

Pamagat:

The Count of Monte Cristo

Tauhan:

Jim Caviezel bilang Edmond Dantes – Siya ang pangunahing tauhan sa palabas na ito kung saan

siya’y ipinabilanggo sa salang di niya ginawa. Nagdalawang tao upang siya ay

makapaghiganti.

Guy Pearce bilang Fernand Mondego – Siya ang malapit na kaibigan ni Dantes ngunit siya ay

pinagtaksilan.

Richard Harris bilang Abbe Faria – Ang kasamang bilanggo ni Dantes na nagturo sa kanya at

angsabi tungkol sa nakatagong kayamanan.

James Frain bilang J.F. Villefort – Ang taong nagpakulong kay Dantes at nagpahayag na siya ay

patay na.

Dagmara Dominczyk bilang Mercedes Iguanada – Ang babaeng inibig ni Dantes ngunit ang

pinakasalan ay si Fernand.

JB Blanc bilang Luigi Vampa – Ang pinuno ng mga kontrabando na tumulong kay Dantes.

Alex Norton bilang Napoleon Bonaparte – Ang taong nag-utos kay dantes na magpadala ng

sulat na naging mitsa ng pagkakulong nito.

Patrick Godfrey bilang Morrell – Ang taong nagmamay-ari ng isang negosyong pagpapadala sa

Marseille.

Albie Woodington bilang Danglars – Ang kasamahan nila sa barko na tumulong kay Fernand

upang ipakulong si Dantes.

Tagpuan:

Ito ay naganap sa France noong mga panahong ito’y humihiwalay sa mga kamay ni

Napoleon Bonaparte.

Buod:

Sa panahon kung saan ang Pransya ay humuhiwalay mula sa mga kamay ni Napoleon, Si

Edmond Dantes at ang kanyang matalik na kaibigan na si Fernand Mondego, ay naghangad ng

parehong bagay. Ito ang maging susunod na kapitan ng isang barko ni Morrell sa kanyang

negosyo ng pagpapadala sa Marseille at ang kamay ni Mercedes Iguanada.

Sina Dantes at Mondego ay inilihis papunta sa Elba sa isang misyon sa pagpapadala dahi

ang kanilang kapitan ay nangangailangan ng medikal na atensyon. Ang tulong ay dumating nang

hindi inaasahan, isa sa mga personal na manggagamot ng ipinatapon na si Napoleon. Kapalit ng

pagtulong ng kanyang mga doktor, kinailangan niya si Dantes upang maghatid ng sulat para sa

kanya at ang misyon na iyon at ang sulat ay panatilihing isang lihim. Lingid sa kaalaman ni

Dantes na ang liham ay naglalaman ng impormasyon para sa mga Bonapartist sa Marseille upang

mailigtas si Napoleon. Isa pa’y hindi rin niya alam na nabasa ng kanyang matalik an kaibigan na

si Fernand ang nilalaman ng liham.

Sa kanyang pagbabalik sa Pransya, umabot sa tuktok ang swerte ni Dantes. Pinangalanan

siya ni Morel bilang isang kapitan ng isa niyang mga barko at isang pianbuting buhay na

nagtulak kay Dantes na alukin ng kasal si Mercedes, na tinanggap ang alok. Dahil nakamit na ni

Dantes ang kanyang mga pangarap, nainggit ang kanyang kaibigan na si Fernand. Alam niya ang

laman ng sulat na dala-dala ni Dantes. Kinasabwat niya ang isang kasamahan na si Danglars at

pianaalam nila sa mahistrado na si Villefort ang laman ng sulat. Ito raw ay ang maaaring tawagin

na pagtataksil para sa bayan.

Hinuli sa Dantes ng mga lokal na awtoridad sa harap ni Villefort. Sa kabila ng kanyang

determinasyon na si Dantes ay inosente sa krimen, siya ay naging kabado sa pagtuklas na ang

sulat ay para kay Noirtier Villefort. Si Villefort ay isang kilalang Bonapartist at kasabay nito ang

pagiging masamang ama sa kanyang anak an gustong maging abogado sa bagong Pransya. Para

mawala lahat ng ebidensiya na magdadawit sa kanyang ama sa balak na pagtakas ni Napoleon.

Sinunog niya ang liham at ipinakulong niya si Dantes at dinala sa Chateau D’If, isang kulungan

na may mataas na seguridad, kung saan si Dante ay mabubulok ng isang dekada na walang

inaasahang siya ay makakalaya.

Kinaibigan ni Dantes ang kasama niyang bilanggo na si Abbe Faria. Siya ay isang

magaling na mag-aaral at ang bumago kay Dantes na ginawang matalinong tao. Matanda na si

Faria, dahil dito, naisip niya na malapit na siyang mamatay. Dahil dito, sinabi niya kay Dantes

ang isang kayamanan at kung saan ito nakalibing.

Lihim na nilagay ni Dantes ang kanyang sarili sa sakong paglalagyan ng bangkay ni

Faria, na kung saan ito ay itatapon sa bangin at papaanurin sa ilog sa tabi ng bilangguan.

Pagkatapos ng mapanganib na pagtakas, nakihalubilo siya at sa huli ay nakipagkaibigan sa isang

grupo ng mga kontrabandista sa pamumuno ni Luigi Vampa. Nakagawa si Dantes ng paraan para

makabalik sa Marseille at nalihis ang kanyang atensyon sa paghanap ng kayamanan na tinutukoy

ni Abbe.

Pagkatapos mahanap ang nakatagong kayamanan, ang yaman ni Dantes ay walang

katapusan, ngunit sa halip na siya’y huminto sa isang buhay ng paglilibang, ang kanyang bagong

dahilan ay paghihiganti kina Fernand na isa ng konde, Danglars na isa ng baron at kay Villefort

na isa ng punong piskal, lahat sila’y namamalagi sa Paris. Dahil sila ay napapabilang na sa

mataas na lipunan sa Paris, napagtanto ni Dantes na upang makalapit siya dito ay kailangan

niyang baguhin ang sarili. Gamit ang kanyang yaman, bumili siya ng isang malaking lupain

malapit sa Paris. Matapos nito ay inihayag niya ang kanyang sarili bilang Konde ng Monte Cristo

at kahit na walang masyadong nakakakilala sa kanya, ang kanyang proklamasyon na isang konde

ay kapani-paniwala dahil sa kanyang mga yaman.

Ang konde ay nagplano ng isang kasiyahan sa kanyang bagong lupain at kanyang

inimbitahan niya ang matataas sa lipunan ng Paris, kasama ang lahat ng mga taong gusto niyang

paghigantihan. Ngayong mayroon na siyang kakayahan na makalapit sa kanila upang magawa

ang kanyang paghihiganti. Si Danglars ay niloko sa isang gawa ng pagkalustay at si Villefort

naman ay inuto upang sabihin lahat ng kanyang nalalaman tungkol sa sabwatang naganap upang

ang sariling ama ay mapapatay. Ang pag-amin na ito ay naganap sa harap ng mga lokal na

awtoridad.

Ang konde ay naging malapit kina Fernand at Mercedes, na ngayon ay mag-asawa na.

Nagawa niya ito sa pamamagitan ng pagbabayad kay Luigi Vampa na dukutin ang anak nito na

si Albert. Nagbigyan ng pagkakataon si Dantes na iligtas ang bata, kaya ngayon ang konde ay

malugod na tinanggap sa tahanan ng mag-asawa.

Dahil sa kanyang kinagawian, Gumaan ang loob ni Mercedes para sa konde sa maikling

panahon. Ngunit ang konde ay mayroon pa ring lakas ng loob upang kunin si Mercedes, kahit na

ito ay nagpakasal kaagad pagkaraan ng kanyang pagkakaaresto at nagkaanak kay Fernand

makalipas ang sandaling panahon. Ito ay tila isang palatandaan ng kanyang pagtataksil, ngunit

nalaman ng konde na ipinahayag ni Villefort na si Dantes ay namatay na makalipas ang simula

ng kanyang pagkakabilanggo. Nakipagkasundo si Fernand kay Villefort upang mapangasawa si

Mercedes kapalit ang pagpatay sa ama ni Villefort. Ngayong nalaman na napaniwala si Mercedes

na patay na si Dantes. Dahil dito bumaba ang galit niya tungkol sa pagpapakasal ni Mercedes

kay Fernand. Ngunit hindi pa rin siya makapaniwala dahil sa mabilis na pangyayari.

Napagpasyahan na ng konde na siya’y magbabalik loob kay Mercedes. Ngunit ang

yaman ni Fernand ay naubos dahil sa pagsusugal at nagdulot ito ng pag-alis nila sa Paris para

maiwasan ng kanyang mga pinag-utangan. Dahil sa ayaw sumunod ni Mercedes kay Fernand

kasama ang kanilang anak, nagtapat ito sa konde. Sinab niya na kaya lang siya nagpakasal ay

dahil nabuntis siya ni Dantes bago ito makulong. Gusto lang niya na magkaroon ng ama ang

batang kanyang dinadala. Sa katotohanan, samakatuwid, ang tunay na ama ni Albert ay ang

konde mismo.

Sa wakas, handa na niya itong mapatawad. Ang konde ay muling nahulog sa

pagmamahal niya kay Mercedes. At ngayon na ang mga taong nagtraydor sa kanya ay wala na,

naayos na niya ang kanilang buhay kasama ang kanilang anak na si Albert. Sila ay nabuhay na

masaya upang punuin ang mga nanakaw na sandali na dapat sila’y magkasamang masaya.

Halaga at Implikasyon

Ang pelikulang pinamagatang “The Count of Monte Cristo” sa deriksyon ni Kevin

Reynolds, ay tungkol sa isang lalaki na ikinulong dahil sa kasalanang ibinintang sa kanya. Ang

pelikulang ito ay hinango mula sa isa sa mga paboritong basahin na nobela ni Rizal.

Ipinapakita ng palabas na ito ang hindi maayos na patakaran pagdating sa hustisya. Na

lagi ang mayayaman ang nagwawagi. Ang pangunahing tauhan ay ang siyang naglagay ng batas

sa sarili niyang mga kamay. Ito ay marahil naisip niya na hindi matutugunan ito kung siya ay

dudulong sa pamahalaan dahil siya’y mahirap lamang.

Ginamit niya ang yamang nahanap upang mag dalawang anyo at maghiganti. Marahil

dito ibinase ni Rizal ang katauhan ni Simoun na isang tauhan sa kanyang nobelang El

Filibusterismo. Tulad ni Edmond, si Crisostomo Ibarra ay angdalawang anyo upang makapag

higanti. Ngunit dapat nating iisipin, lalo na sa panahon ngayon, na ang batas ay hindi natin

maaring ilagay sa ating mga kamay.

.