18
KAPOOKANG PANGKASAYSAYAN: ANG PILIPINAS SA PANAHON NI DR. JOSE RIZAL * Atoy M. Navarro Introduksyon Mahalaga ang dalumat ng kapookang pangkasaysayan o pangkasaysayang kontekstwalisasyon sa pag-aaral ng Pilipinas sa panahon ni Dr. Jose Rizal. Sa pag-aaral sa kapookang pangkasaysayan, inaasahang higit nating masusuri ang Pilipinas sa panahon ni Rizal tungo sa pag-unawa ng kapookang pangkasaysayan ng ating panahon. Tumutukoy ang kapookang pangkasaysayan sa pagkakaugnay at pag-uugnay ng tatlong elemento ng kasaysayan (panahon, lugar, at tao) sa loob ng mga kaayusan/kayarian o istrukturang pangkabihasnan sa Pilipinas. Tatlong Elemento ng Kasaysayan Sa puntong ito, bigyang-pansin natin ang mga elemento ng panahon, lugar, at tao sa kasaysayan. Ang panahon o piryod ang isinasaalang-alang bilang batayang yunit ng kasaysayan. Tinitingnan ito bilang pagkakahanay-hanay ng mga kaganapan at pangyayari na kaugnay ng katangian ng lugar at pagkilos ng sangkatauhan. Maaari namang kalikasan o kapaligiran ang lugar na itinuturing na “entablado” ng mga kaganapan at pangyayari. Tumutukoy ang kalikasan sa kung ano ang pinapalagay na katutubo, likas, o taal na naririyan na samantalang tumutukoy naman ang * Papel na unang binasa sa Kumperensya ng KAGUNARI, Main Library, Pamantasang Normal ng Pilipinas, Taft Avenue, Manila, 2 Mayo 2000. Papel- Parangal kay Dr. Albina Peczon Fernandez sa kanyang Pagreretiro, UP Diliman, Enero 2002. Bahagyang nirebisa para sa Rizal 150.

Kapookang Pangkasaysayan: Ang Pilipinas sa Panahon ni Dr. Jose Rizal

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Kapookang Pangkasaysayan: Ang Pilipinas sa Panahon ni Dr. Jose Rizal

Citation preview

Page 1: Kapookang Pangkasaysayan: Ang Pilipinas sa Panahon ni Dr. Jose Rizal

KAPOOKANG PANGKASAYSAYAN:

ANG PILIPINAS SA PANAHON NI DR. JOSE RIZAL*

Atoy M. Navarro

Introduksyon

Mahalaga ang dalumat ng kapookang pangkasaysayan o pangkasaysayang kontekstwalisasyon sa pag-aaral ng Pilipinas sa panahon ni Dr. Jose Rizal. Sa pag-aaral sa kapookang pangkasaysayan, inaasahang higit nating masusuri ang Pilipinas sa panahon ni Rizal tungo sa pag-unawa ng kapookang pangkasaysayan ng ating panahon.

Tumutukoy ang kapookang pangkasaysayan sa pagkakaugnay at pag-uugnay ng tatlong elemento ng kasaysayan (panahon, lugar, at tao) sa loob ng mga kaayusan/kayarian o istrukturang pangkabihasnan sa Pilipinas.

Tatlong Elemento ng Kasaysayan

Sa puntong ito, bigyang-pansin natin ang mga elemento ng panahon, lugar, at tao sa kasaysayan.

Ang panahon o piryod ang isinasaalang-alang bilang batayang

yunit ng kasaysayan. Tinitingnan ito bilang pagkakahanay-hanay ng mga kaganapan at pangyayari na kaugnay ng katangian ng lugar at pagkilos ng sangkatauhan. Maaari namang kalikasan o kapaligiran ang lugar na itinuturing na “entablado” ng mga kaganapan at pangyayari. Tumutukoy ang kalikasan sa kung ano ang pinapalagay na katutubo, likas, o taal na naririyan na samantalang tumutukoy naman ang

* Papel na unang binasa sa Kumperensya ng KAGUNARI, Main Library,

Pamantasang Normal ng Pilipinas, Taft Avenue, Manila, 2 Mayo 2000. Papel-

Parangal kay Dr. Albina Peczon Fernandez sa kanyang Pagreretiro, UP Diliman,

Enero 2002. Bahagyang nirebisa para sa Rizal 150.

Page 2: Kapookang Pangkasaysayan: Ang Pilipinas sa Panahon ni Dr. Jose Rizal

2 Ang Bayani Bilang Buhay na Akda

kapaligiran sa pagtatakda ng tao sa kalikasan bilang gilid o nasa kanyang paligid. At tumutukoy ang tao sa pinapalagay na may pinakamapagpasyang papel sa kasaysayan –– bilang tagapaglikha ng kasaysayan (Navarro, 2000; Reyes-Boquiren, 2003; Navarro, 2008; Navarro, 2010).

Diagram 1.1

Tatlong Elemento ng Kasaysayan

Navarro, 2000

Maaaring tukuying halimbawa ng pagkakaugnay at pag-uugnay

ng panahon, lugar, at tao ang panahong “Bayan at Nacion: Magkahiwalay na Kamalayan Tungo sa Bagong Kabuuang Pilipino (1762-1896 MK)” (Navarro, 1999-2002a; Navarro, 1999-2002b) –– ang panahong humubog kay Rizal –– isang panahong binubuo ng samu’t saring kaganapan at pangyayari.

Sa pag-aaral sa isang panahon, mahalaga rin ang pagtukoy sa

mga makabuluhang bagtasang pangkasaysayan at hugpungan o ikutang pangyayari (Veneracion, 1990; Gealogo, 1990; Navarro, 1998; Navarro, 2010) na tumutukoy naman sa mga partikular na kaganapan at pangyayaring pinapalagay na naglatag ng pagbabago sa harap ng pagpapatuloy sa loob ng pagkakaugnay at pag-uugnay ng mga elemento ng kasaysayan. Tumutukoy ang bagtasang pangkasaysayan sa pagsasanib ng magkakaiba ngunit magkakaugnay na salik pangkasaysayang tila baga magkakapanabay na kumilos at tumahak sa isang bagtasan. Samantala, tumutukoy naman ang hugpungan o ikutang

TAO

PANAHON

LUGAR

KASAYSAYAN

Page 3: Kapookang Pangkasaysayan: Ang Pilipinas sa Panahon ni Dr. Jose Rizal

Samu’t Saring Pagbasa kay Dr. Jose Rizal 3

pangyayari sa mga kaganapan o pangyayaring nakapagdala ng pagbabago sa mga elemento ng kasaysayan sa isang yugto kaugnay ng sumunod na mga yugtong pangkasaysayan. Isang halimbawa ng bagtasang pangkasaysayan at hugpungan o ikutang pangyayari ang taong 1762 kung kailan nagkaroon ng malalawak, sabay-sabay, at tuluy-tuloy na paghihimagsik sa iba’t ibang sulok ng Pilipinas –– pinakamalawak na ang kina Gabriela at Diego Silang –– sa harap ng pagkatalo ng mga Español sa Pilipinas sa kamay ng mga Ingles. Mainam na halimbawa rin ang taong 1896 kung kailan nailunsad ang Himagsikang Pilipino na nagluwal ng sama-samang pagkilos para mabuo ang Inang Bayan, bansa, at sambayanan.

Ang bagtasang pangkasaysayan at hugpungan o ikutang

pangyayari ang batayan ng pagpapanahon o piryodisasyon na tumutukoy naman sa pagbabalangkas sa magkakaiba ngunit magkakaugnay na yugtong pangkasaysayan sa loob ng pagkakaugnay at pag-uugnay ng mga elemento ng kasaysayan. Maaari tayong magbigay ng tatlong halimbawa ng pagpapanahon o piryodisasyon na pumapaksa sa Kabuuang Kasaysayang Pilipino, Panahon ng “Bayan at Nacion: Magkahiwalay na Kamalayan Tungo sa Bagong Kabuuang Pilipino (1762-1896),” at Talambuhay ni Jose Rizal.

Para sa pangkalahatang kasaysayang Pilipino (Veneracion, 1990;

Salzar, 1993; Navarro, Rodriguez, at Villan, 1997; Navarro, 1999-2002a; Navarro, 1999-2002b), maaaring maisaalang-alang ang sumusunod na pagpapanahon na nahahati sa tatlong pangunahing yugto ng Sinaunang Bayan, Krisis at Pagbabagong-Anyo ng Bayan, at Inang Bayan, Bansa, Sambayanan:

I. SINAUNANG BAYAN (Bago 250,000 BK-1565 MK)

A. Simula ng Kasaysayang Pilipino (Bago 250,000 BK) B. Mga Unang Tao sa Kapuluang Pilipino (250,000 BK-1,000 BK) C. Mga Unang Bayan: Sinaunang Kabihasnang Pilipino (1,000 BK-1565 MK)

Ang panahon ng Sinaunang Bayan (Bago 250,000

BK-1565 MK) ay sumasaklaw sa panahon kung kailan nabuo ang magkakaugnay na ili/bayan/banua bilang sinaunang kabihasnang Pilipino. Sinisimulan ito sa pagtalakay sa mga pagdadalumat ukol sa “simula ng kasaysayang Pilipino.” Agad na sinusundan ito ng

Page 4: Kapookang Pangkasaysayan: Ang Pilipinas sa Panahon ni Dr. Jose Rizal

4 Ang Bayani Bilang Buhay na Akda

pagtalakay sa mga unang taong lumitaw sa kapuluang Pilipinas na nagbibigay ng malaking pansin sa kalinangang Nusantao. Ito ang nagbibigay-daan naman sa ganap na pagtalakay sa sinaunang kabihasnang Pilipino na mahihinuha sa pagbubuo ng mga unang ili, bayan, banua.

II. KRISIS AT PAGBABAGONG-ANYO NG BAYAN (1565 MK-1896 MK)

D. Sa Gitna at Gilid/Loob at Labas ng Kabayanang Pilipino: Kabayanihan at Kolonyalismo (1565-1762) E. Bayan at Nacion: Magkahiwalay na Kamalayan

Tungo sa Bagong Kabuuang Pilipino (1762-1896)

Ang panahon naman ng Krisis at Pagbabagong-

Anyo ng Bayan (1565-1896) ay tumatalakay sa masalimuot na paglalakbay tungo sa pagbubuo ng isang kabuuang pangkapuluan. Sinisimulan ito sa paglalahad ng hamon na nagpalitaw sa gitna at gilid/loob at labas sa kabayanang Pilipino sa harap ng pakikibaka at pakikibagay sa kolonyalismong Español. Sinusundan ito ng pagkakaisa at pagkakahati sa loob ng Bayan na huhubog sa magkahiwalay na kamalayan ng Bayan at Nacion, na makakakita ng kasukdulan sa Himagsikang Pilipino. III. INANG BAYAN, BANSA, SAMBAYANAN

(1896 MK-Hinaharap) F. Paghahanap ng Kalayaan: Himagsikan ng mga Anak ng Bayan (1896-1946) G. Paghahanap ng Kasarinlan: Kilusang Bayan at Lihis na Landasin ng Estadong Nasyonal

(1946-1986) H. Kalayaan at Kasarinlan: Kapangyarihang

Bayan Tungo sa Pagbabago at Pagbubuo (1986-Hinaharap)

At ang panahon ng Inang Bayan, Bansa,

Sambayanan (1896-Hinaharap) ay tumatalakay sa patuloy na adhikaing mapagtagpo at mapagsanib tungo sa kabuuan at kaisahan ang mga kontradiksyong

Page 5: Kapookang Pangkasaysayan: Ang Pilipinas sa Panahon ni Dr. Jose Rizal

Samu’t Saring Pagbasa kay Dr. Jose Rizal 5

panlipunan –– hidwaan, salungatan, at tunggalian sa bagong kabihasnang Pilipino. Sinisimulan ito sa Himagsikang Pilipino 1896 bilang pagtatanghal ng paghahanap ng kalayaan sa bisa ng mga dalumat ng Inang Bayan at Anak ng Bayan. Sinusundan ito ng pagtalakay sa paghahanap ng kasarinlan sa harap ng kilusang bayan at lihis na landasin ng estadong nasyonal. At sa huli, paksa ang patuloy na paghahanap ng kalayaan at kasarinlan sa diwa ng kapangyarihang bayan sa patuloy na himagsikan tungo sa pagbabago at pagbubuo ng Inang Bayan, bansa, at sambayanan.

Para naman sa partikular na Panahon ng “Bayan at Nacion:

Magkahiwalay na Kamalayan Tungo sa Bagong Kabuuang Pilipino (1762-1896),” maaaring maisaalang-alang ang pagpapanahong nahahati sa dalawang pangunahing yugto ng Pagbubuo ng Kamalayang Pangkabuuan (1762-1840) at Pagpapanday ng Kamalayang Bayan at Nacion (1840-1896) (Navarro, 1999-2002a; Navarro, 1999-2002b). Ang unang yugto ay pumapaksa sa mga kaganapan at pangyayaring umiikot sa malalawak na paghihimagsik sa iba’t ibang sulok ng Pilipinas sa harap ng pagkatalo ng mga Español sa Pilipinas sa kamay ng mga Ingles noong 1762 at pagkakaroon ng kinatawan ng Pilipinas sa Cortes Español noong 1810 sa harap ng mga kilusang liberal sa España at Europa at mga paghihimagsik sa Latina Amerika na pawang naging tuntungan sa pagbubuo ng kamalayang pangkabuuan. Ang pangalawang yugto naman ay tumatalakay sa mga kaganapan at pangyayaring umiikot sa paghihimagsik ni Hernamo Puli noong 1840 at pagkakaugnay ng kilusang sekularisasyon sa kilusang propagandista-repormista noong 1872 hanggang sa pagkakatatag ng Katipunan noong 1892 at paglulunsad ng Himagsikan noong 1896.

At para naman sa Talambuhay ni Rizal (Coates, 1995; Zaide at Zaide, 1997), maaaring maisaalang-alang ang sumusunod na pagpapanahong nahahati sa tatlong pangunahing yugto ng Sa Kanyang Kabataan, Kilusang Propagandista-Repormista, at Patuloy na Himagsikan:

I. RIZAL SA KANYANG KABATAAN (1861-1882) A. Angkan at Kamag-anakan (Bago 1861) B. Kamusmusan sa Kalamba at Biñan (1861-1872) C. Pag-aaral sa Ateneo at UST sa Manila (1872-1882)

Page 6: Kapookang Pangkasaysayan: Ang Pilipinas sa Panahon ni Dr. Jose Rizal

6 Ang Bayani Bilang Buhay na Akda

Ang panahon ng Sa Kanyang Kabataan (1861-1882) ay sumasaklaw sa panahon kung kailan nahubog ang pagkatao ni Jose Rizal sa sariling bayan. Sinisimulan ito sa pagtalakay sa angkan at kamag-anakan ni Rizal. Agad na sinusundan ito ng pagtalakay sa kamusmusan sa Kalamba at Biñan. Ito ang nagbibigay-daan naman sa pagtalakay sa kabataan at pag-aaral ni Rizal sa Manila.

II. RIZAL AT KILUSANG PROPAGANDISTA-REPORMISTA

(1882-1892) D. Unang Paglalakbay sa Iba’t Ibang Bansa

(1882-1887) E. Unang Pagbabalik-bayan (1887-1888) F. Muling Paglalakbay sa Iba’t Ibang Bansa

(1888-1892)

Ang panahon naman ng Kilusang Propagandista-Repormista (1882-1892) ay tumatalakay sa masalimuot na paglalakbay sa iba’t ibang bansa at pagbabalik-bayan na nagsilbing kapookan ng pagiging bahagi ni Rizal ng kilusang propagandista-repormista. Sinisimulan ito sa paglalahad ng unang duyan ng paglalakbay ni Rizal sa iba’t ibang bansa. Sinusundan ito ng unang pagbabalik-bayan ng bayani. Ngunit bunga ng panganib ng pananatili sa sariling bayan, naitulak si Rizal sa kanyang pangalawang duyan ng paglalakbay sa iba’t ibang bansa. III. RIZAL AT PATULOY NA HIMAGSIKAN (1892-Hinaharap)

G. Muling Pagbabalik-bayan at Pagpapatapon sa Dapitan (1892-1896) H. Pagkakaugnay sa Katipunan at Himagsikan

(1896) I. Pagpatay at Patuloy na Pagbuhay (1896-Hinaharap)

At ang panahon ng Patuloy na Himagsikan (1892-

Hinaharap) ay tumatalakay sa pagiging buhay na akda ni Rizal sa patuloy na himagsikan. Sinisimulan ito sa muling pagbabalik-bayan ni Rizal na nagbunga ng pagpapatapon sa kanya sa Dapitan. Sinusundan ito ng

Page 7: Kapookang Pangkasaysayan: Ang Pilipinas sa Panahon ni Dr. Jose Rizal

Samu’t Saring Pagbasa kay Dr. Jose Rizal 7

pagkakaugnay ni Rizal sa Katipunan at Himagsikan. At sa huli, paksa ang pagpatay kay Rizal at patuloy na pagbuhay kay Rizal bilang akda ng paghahanap ng kalayaan at kasarinlan sa diwa ng patuloy na himagsikan tungo sa pagbubuo ng Inang Bayan, bansa, at sambayanan.

Sa pag-aaral sa Pilipinas sa panahon ni Rizal, mahalaga ang pag-unawa sa pagkakaugnay at pag-uugnay ng tatlong elemento ng kasaysayan. Mahalaga rin ang pag-unawa sa pagkakaugnay at pag-uugnay ng tatlong halimbawa ng pagpapanahon o piryodisasyon. Higit nating mauunawaan ang mga pagkakaugnay at pag-uugnay na ito kung gagamitan natin ng kritikang diakroniko at kritikang sinkroniko (Salazar, 1994; Navarro, 2010).

Diagram 1.2 Kritikang Diakroniko at Kritikang Sinkroniko sa Kasaysayan

Navarro, 2010 Tumutukoy ang kritikang diakroniko sa pagsusuring tumatalunton sa bawat panahon ng magkakaugnay na kaganapan at pangyayari upang makita ang pangkasaysayang proseso ng pagbabago sa harap ng pagpapatuloy mula sa isang panahon patungo sa susunod na panahon. Higit na mahalaga ito sa pangkabuuang pag-unawa sa mga bagtasang pangkasaysayan at hugpungan o ikutang pangyayari.

Samantala, tumutukoy naman ang kritikang sinkroniko sa pagsusuring naglalarawan sa kalagayan at katangian ng bawat panahon kung kailan pinapalagay na magkakapanabay at magkakapantay na lumitaw at umusbong ang iba’t ibang aspeto ng kalagayan at katangian ng bawat panahon. Higit na mahalaga naman ito sa pag-unawa sa mga

DIAKRONIKO

Panahon 1 Panahon 2 Panahon 3

SINKRONIKO SINKRONIKO SINKRONIKO

Page 8: Kapookang Pangkasaysayan: Ang Pilipinas sa Panahon ni Dr. Jose Rizal

8 Ang Bayani Bilang Buhay na Akda

kaayusan/kayarian o istrukturang pangkabihasnan sa bawat panahon na maaaring hinubog o humubog ng mga kaganapan at pangyayari.

Kaayusan/Kayariang Pangkabihasnan ng Pilipinas sa Panahon ni Rizal

Tumutukoy ang kaayusan/kayarian o istrukturang

pangkabihasnan sa mga nalikhang kabuuan ng pagkakaugnay at pag-uugnay ng tatlong elemento ng kasaysayan na maaaring hinubog o humubog ng mga kaganapan o pangyayaring pangkasaysayan. Sa pag-aaral ng kasaysayan, maaari nating isaalang-alang ang mga istrukturang pangkalikasan-pangkapaligiran, pangkalinangan-pangkamalayan-pangkaisipan, at pangkapangyarihan-pangkabuhayan-pangkalipunan (Navarro, 2001-2002a). Ito rin ang ating isasaalang-alang sa pag-aaral sa Pilipinas sa panahon ni Rizal (Robles, 1969; Fast at Richardson, 1979; Ileto, 1979; Schumacher, 1991; Camagay, 1995; Bankoff, 1996; Gealogo, 1997; Diokno at Villegas, 1998; Schumacher at Guerrero, 1998; Salazar, 1999).

Talahanayan 1.1 Ang Pilipinas sa Panahon ni Rizal:

[Bayan at Nacion: Magkahiwalay na Kamalayan Tungo sa Bagong Kabuuang Pilipino (1762-1896)]

Kaayusan/Kayarian o Istrukturang Pangkabihasnan

Kaganapan at Pangyayari

Pangkalikasan-Pangkapaligiran

Pagkakaroon ng mga bagyo, lindol, at pagsabog ng bulkan.

Pagkawala ng mga ilog at look sa ilang bahagi ng kapuluan.

Pagkakaroon ng mga palaisdaan sa tabing-dagat.

Pagtatatag ng mga baluarte sa tabing-dagat laban sa mga mananalakay at mangangayaw na Moro.

Pagpapalawak ng mga hacienda na pagmamay-ari ng mga indio, mestizo, at prayle at inuupahan ng mga inquilino sa prontera.

Pagpapalawak ng komersyalisasyon ng mga

Page 9: Kapookang Pangkasaysayan: Ang Pilipinas sa Panahon ni Dr. Jose Rizal

Samu’t Saring Pagbasa kay Dr. Jose Rizal 9

pananiman at konsentrasyon ng mga kagamitan at teknolohiya para sa malawakang produksyong agrikultural na pangkalakal.

Pagkakapeste ng mga hayop agrikultural.

Pagbabagong-anyo bunga ng paglawak ng network ng mga kalsada at kanal sa interyor at pagbubukas ng Ferokaril patungong Pangasinan at Cagayan.

Pagpapalawak ng pagmimina at pagtotroso at pagtatatag ng mga destakamento sa kabundukan lalo na sa Kordilyera.

Paglawak ng panunulisan mula sa kabundukan.

Paglaki ng populasyon, kabilang na ang populasyong tapon, ngunit nagkaroon ng krisis sa huling bahagi ng ika-19 na dantaon na ang pangunahing dahilan ay ang malawakang pagkakasakit bunga ng epidemya ng kolera.

Pangkalinangan-Pangkamalayan- Pangkaisipan

Paglawak ng kamalayang bayan sa mga pakikidigma sa Kordilyera, Mindanao, at Sulu at paghihimagsik sa iba pang bahagi ng kapuluan.

Paglaganap ng mga inangking panitikan at sining na madalas kaugnay ng Krisyanismong bayan gaya ng pasyon.

Paglaganap ng ideolohiyang nasyon sa hanay ng mga insulares, kreolyo, mestizo, at indio bunga ng pagdating ng mga liberal na Español at bahagyang paglaganap ng edukasyon para sa mga indiong inquilino at may-aring-lupa na kung minsa’y nagbubunga ng mga kilusan at pagkilos ng tulad ng mga sabwatang militar, sekularisasyon, masoneriya, at propaganda-reporma.

Paglaganap ng mga arte at literatura sa anyo at wikang Español at Europeo sa pamamagitan ng mga ilustrado.

Pangkapangyarihan-Pangkabuhayan-

Pag-unlad ng kapangyarihang bayan sa mga pakikidigma sa Kordilyera, Mindanao, at

Page 10: Kapookang Pangkasaysayan: Ang Pilipinas sa Panahon ni Dr. Jose Rizal

10 Ang Bayani Bilang Buhay na Akda

Pangkalipunan

Sulu at paghihimagsik sa iba pang bahagi ng kapuluan.

Pagpapatuloy ng kapangyarihan ng mga opisyal (kasama na ang bagong organisang guwardya sibil) at prayleng Español sa mga hacienda at pueblo sa harap ng pagpapalit-palit ng mga konserbatibo at liberal sa administrasyong sibil sa Pilipinas bunga ng kaguluhan sa España at pag-aalsa sa Latina Amerika.

Pagpapatuloy ng pag-unlad ng ideolohiyang nasyon sa hanay ng mga insulares, kreolyo, mestizo, at indio laban sa mga peninsulares na kung minsa’y nagbubunga ng posisyon sa gobiernong kolonyal o kaya nama’y mga kilusan at pagkilos na tulad ng mga sabwatang militar, sekularisasyon, masoneriya, at propaganda-reporma na kinabibilangan ng kabataan.

Pagpapalawak ng pagmamay-aring lupain ng mga hacenderong indio o mestizo at prayleng Español na inuupahan ng mga inquilino sa harap ng pagpapalawak ng komersyalisasyon ng mga pananiman at konsentrasyon ng mga kagamitan at teknolohiya para sa malawakang produksyong agrikultural na pangkalakal.

Pagtaas ng bilang ng mga daungan at pabrika para sa mga produktong inaangkat at iniluluwas sa pandaigdigang kalakalan.

Paglakas ng uring mangangalakal at manggagawa na kinabibilangan ng kababaihan.

Sa pag-aaral sa istrukturang pangkalikasan-pangkapaligiran,

maaaring tukuyin ang mga dimensyong geograpikal at demograpikal na malaki ang epekto sa sangkapilipinuhan. Sa kaso ni Rizal, maaari tayong magbigay ng dalawang halimbawa. Una, mahalaga ang pag-aaral sa pagpapalawak ng mga haciendang inuupahan ng mga inquilino. Matatandaang sa panahon ng ninunong Tsino ni Jose Rizal na si Domingo Lam-co noong gitnang ika-18 dantaon, umuupa lamang ang mga inquilino ng humigit-kumulang 3 ektarya ngunit sa panahon ni Rizal noong dekada 90 ng ika-19 na dantaon, umuupa ang kanyang mag-anak

Page 11: Kapookang Pangkasaysayan: Ang Pilipinas sa Panahon ni Dr. Jose Rizal

Samu’t Saring Pagbasa kay Dr. Jose Rizal 11

ng humigit-kumulang 400 ektarya. Pangalawa, mahalaga rin ang pag-aaral sa paglaki ng populasyong tapon upang higit nating masuri ang pagpapatapon kay Rizal sa Dapitan.

Sa pag-aaral naman sa istrukturang pangkalinangan-

pangkamalayan-pangkaisipan, maaaring tukuyin ang mga usapin ng edukasyon, relihiyon, panitikan, sining, at marami pang iba. Sa kaso ni Rizal, mahalaga ang pag-aaral sa paglaganap ng ideolohiyang nasyon na nakaugat sa liberalismo ng Europa upang higit nating masuri at maunawaan ang kanyang kaisipan at kamalayan. Ngunit higit na mahalagang makita kung may bisa nga ba ang ideolohiyang nasyon sa kapookang pangkasaysayan. Matatandaang sa maraming pagkakataon, higit na naging mabisa ang kamalayang bayan na umangkin kay Rizal sa Pilipinas.

At sa pag-aaral naman sa istrukturang pangkapangyarihan-

pangkabuhayan-pangkalipunan, maaaring tukuyin ang iba’t ibang katayuan, sektor, at uring panlipunan sa loob ng mga usapin ng pulitika at ekonomiya. Sa kaso ni Rizal, mahalaga ang pag-aaral sa pagpapatuloy ng kapangyarihang Español sa kolonya, hacienda, at pueblo upang higit nating masuri at maunawaan ang mga paninindigan niya laban sa estado at simbahan.

Sa pag-aaral ng iba’t ibang kaayusan/kayariang

pangkabihasnan, kailangang isaalang-alang ang pagkakawing at pagkakaugnay ng mga ito. Sa pagsasalang-alang sa isang istrukturang pangkabihasnan sa panahon ni Rizal, mapapansing hindi ito maihihiwalay sa iba pang istrukturang pangkabihasnan.

Ang Pilipinas sa Panahon ni Rizal, Anong Saysay Ngayon?

Sa pangkalahatan, ang pagsusumikap na pag-aralan ang

kapookang pangkasaysayan ng Pilipinas sa panahon ni Rizal ay mahalaga sa pagsusuri at pag-unawa ng kapookang pangkasaysayan ng ating panahon. Ano nga ba ang kasaysayan kundi salaysay hinggil sa nakaraan na may saysay para sa sinasaysayang salinlahi (Navarro, 2000). Ang kasaysayan ay laging para sa kasalukuyan at hinaharap. Sa pamamagitan ng kritikang diakroniko at kritikang sinkroniko, makikita natin ang mga pagbabago sa mga kaayusan/kayariang pangkabihasnan sa harap ng pagpapatuloy ng iba’t ibang panahon at yugto sa ating nakaraan na makakatulong naman sa ating pag-unawa sa kasalukuyan at

Page 12: Kapookang Pangkasaysayan: Ang Pilipinas sa Panahon ni Dr. Jose Rizal

12 Ang Bayani Bilang Buhay na Akda

pag-aadhika ng maaliwalas na kinabukasan. Ang kasaysayan ay pagbabalik-tanaw sa nakaraan para sa pagkakaroon ng pananaw na umuunawa sa kasalukuyan na tungo naman sa pag-aabot-tanaw sa mas maaliwalas na kinabukasan.

Diagram 1.3

Pagkakaugnay at Pag-uugnay ng Nakaraan sa Kasalukuyan

NAKARAAN KASALUKUYAN

Navarro, 2000

Sa ating panahon, patuloy ang ating pag-aadhika tungo sa pagbubuo ng Inang Bayan, bansa, at sambayanan (Navarro, 1999-2002a; Navarro, 1999-2002b; Navarro, 2000).

Ang Inang Bayan ay bunga ng mapanghawang-landas na

pagdadalumat nina Andres Bonifacio, Emilio Jacinto, at Katipunan ng isang kabuuang pangsangkapilipinuhan. Pinahahalagahan sa Inang Bayan ang pagmamahal sa “tinubuang bayan” na tinawag sa Katipunan bilang “Inang Bayang Tinubuan.” Katulad ng isang ina, ang tinubuang bayan ang “tangi na kinamulatan.” “Sa kanya’y utang ang unang pagtanggap.” Ang Inang Bayang Tinubuan din ang “nagkupkop” sa kanyang mga “anak” mula sa “kasanggulan” hanggang “mapasalibingan” (Guillermo, Rodriguez, at Navarro, 1998). Mapapansin sa mga ito ang pagtawid sa talinhaga ng “ina” bilang sagisag ng kabuuan. Mauugat ang pagpapahalagang ito sa “ina” sa “mag-anak” bilang batayan ng mga kabuuang ili/bayan/banua. Umiiral sa loob ng mag-anak ang mahalagang papel na ginampanan ng ina. Siya ang “may-bahay” na kumupkop sa lahat ng kasapi ng mag-anak. Siya rin ang nagtataglay ng “bahay-bata” na salalayan ng ginhawa (Salazar, 1996). Sa kanyang sinapupunan, ipinupunla ang binhi ng buhay ng ili/bayan/banua. Samakatwid, makikita rito ang pagtatangkang ihulma ang “tinubuang bayan” sa kabuuan ng mag-anak na nakasentro sa ina.

PAKSA

TANONG

SULIRANIN NG KABIHASNAN

PAG-UUGNAY NG IBA’T IBANG

PANGYAYARI SA IBA’T IBANG

PANAHON

SAGOT

Page 13: Kapookang Pangkasaysayan: Ang Pilipinas sa Panahon ni Dr. Jose Rizal

Samu’t Saring Pagbasa kay Dr. Jose Rizal 13

Samantala, ang bansa naman ang layuning pagsanibin,

pagtagpuin, at pagtugmain ang dalawang magkahiwalay at magkatunggaling kamalayang iniluwal ng karanasang pangkasaysayan upang maging batayan ng tunguhing kabuuan. Tinatalunton sa pagbubuo ng bansa ang hangaring mapagtagpo ang naitatag na kulturang nasyon ng mga elite sa bukal ng kalinangang bayan sa loob ng isang kabuuang may sariling kalinangan, karanasan, lipunan, tradisyon, at wika –– isang kabihasnang pambansa (Salazar, 1993; Navarro, Rodriguez, at Villan, 1997; Salazar, 1999).

At ang sambayanan naman ay nagpapahiwatig ng pagbabalik sa

batayang bayan habang kinikilala ang pag-unlad sa harap ng pag-aangkin ng pagkabansa (Veneracion, 1990). Ang sambayanan ay pagkilala sa pangangailangang pag-isahin (makikita sa sam- na mula sa isa) ang mga bayan (makikita sa -bayanan) na binubuo ng magkakaiba, ngunit magkakaugnay (magkakasanib, magkakatagpo, magkakatugma o magkakahidwaan, magkakasalungat, magkakatunggali) na uri, lipi, relihiyon, kasarian, at gulang na may sari-sariling katangiang Pilipino. Ang sambayanan ay isang katagang nilikha at hinubog ng bayan at sangkapilipinuhan na nagpapahiwatig ng kakayahang hawanin ang sariling landasin at tunguhin (Navarro, 1998).

Patuloy na nagsisilbing buhay na akda ng ating pag-aadhika

tungo sa Inang Bayan, bansa, at sambayanan si Rizal. Buhay na akda si Rizal sa harap ng maaaring pagtingin ng postmodernistang historya sa tunguhing Inang Bayan, bansa, at sambayanan bilang “alamat, imahinasyon at mito” na nasasalalay sa isang metanaratibong tungo sa isang utopia –– isang dakila, natatangi, at perpektong kaayusan at kabuuang hindi makakamit at mararating (Guerrero, 1999; Navarro, 1999). Ngunit ano nga ba ang hindi pa alamat, imahinasyon, at mito sa larangan ng mga pagpapakahulugan at pagsusuring postmodernismo? Hindi ba’t bunga ng pagkahiwalay at pagkakalas ng mga pagpapakahulugan at pagsusuring ito sa kapookang pangkasaysayan at talastasang bayan, lahat na’y itinuturing bilang alamat, imahinasyon, at mito? Tawagin mang alamat, imahinasyon, at mito, ang mahalaga para sa atin ay ang alamin kung may saysay –– may kahulugan, kabuluhan, at katuturan ba ang mga ito sa sangkapilipinuhan. Ang mahalaga ay ang tuklasin kung para kanino ba talaga may saysay ang mga ito.

Page 14: Kapookang Pangkasaysayan: Ang Pilipinas sa Panahon ni Dr. Jose Rizal

14 Ang Bayani Bilang Buhay na Akda

Maaari ngang utopia ang tunguhing Inang Bayan, bansa, at sambayanan. Ngunit sino ang makapagsasabi kung maaaring makamit at marating ito? Ang mahalaga ay ang pagsusumikap at pagkilos upang makamit at marating ang ating tunguhing kabuuan. Kung tutuusin, hindi naman ang tunguhin ang pinakamahalaga kundi ang paglalakbay at pagtahak sa landasin upang makamit at marating ang tunguhin. Sa paglalakbay at pagtahak sa landasin at hindi sa mismong tunguhin tayo tunay na nagkakaroon ng makasaysayang pag-unawa at pag-unlad. Sa paglalakbay at pagtahak sa landasin tayo lumilikha ng kasaysayan!

Konklusyon

Sa huli, sa harap ng globalisasyon bilang globalismo o ang dogmatikong doktrinang naggigiit na benepisyal at superyor ang lahat na global; hegemonisasyon o mapanaklaw at mapanlamong kapangyarihan ng iilang malalaking bansang nakapangyayari sa malilit na bansa; at homogenisasyon o mapag-isang kapangyarihan na hindi kumikilala at gumagalang sa kabuuan, kakanyahan, katangian, kalayaan, at kasarinlan ng mga bansa na makipag-ugnay ng makatwiran sa isa’t isa, masasabi nating mahalaga sa ating panahon ang patuloy na makabayang pagkilos (Navarro, 2000; Navarro, 2003). Kung tutuusin, tanging sa patuloy na makabayang pagkilos –– patuloy na paglikha ng kasaysayan para sa ganap na pagkamit ng kalayaan at kasarinlan ng Inang Bayan at pagkakabuo ng bansa at sambayanan lamang tunay na magiging buhay na akdang may saysay para sa atin si Rizal.

Sanggunian Bankoff, Greg (1996). Crime, Society, and the State in the Nineteenth

Century Philippines. Quezon City: Ateneo de Manila University Press.

Camagay, Ma. Luisa (1995). Working Women of Manila in the 19th

Century. Quezon City: University of the Philippines Press at University Center for Women’s Studies.

Coates, Austin (1995). Rizal: Makabayan at Martir. Salin ni Nilo

Ocampo. Quezon City: University of the Philippines Press.

Page 15: Kapookang Pangkasaysayan: Ang Pilipinas sa Panahon ni Dr. Jose Rizal

Samu’t Saring Pagbasa kay Dr. Jose Rizal 15

Diokno, Ma. Serena at Ramon Villegas (1998). Kasaysayan: The Story of the Filipino; Volume 4; Life in the Colony. New York, Hong Kong, at Metro Manila: Asia Publishing Company Limited.

Fast, Jonathan at Jim Richardson (1979). Roots of Dependency;

Political and Economic Revolution in 19th Century Philippines. Quezon City: Foundation for Nationalist Studies.

Gealogo, Francis (1990). Ang mga Taong Labas, ang Kabayanihan, at

ang Diskurso ng Kapangyarihan at Kasaysayan. Diliman Review 28, 1, 23-31. Muling inilathala sa Lilia Quindoza-Santiago (patnugot), Mga Idea at Estilo; Komposisyong Pangkolehiyo sa Wikang Filipino, Quezon City: University of the Philippines Press, 1995, 123-138.

Gealogo, Francis (1997). Kalagayang Demograpikal ng Salinlahi ng

Himagsikan: Populasyon at Lipunan sa mga Kristiyanong Rehiyon, 1885-1896. Pithaya 1, 113-129.

Guerrero, Milagros (1999, Agosto 25). Ang Bisa ng Post-Modernismo sa

Ating Saysay: Ilang mga Tala. Panayam-Propesoryal na binasa bilang bahagi ng 1999 Linggo ng Kasaysayan, Pulungang Recto, Bulwagang Rizal, UP Diliman.

Guillermo, Bomen, Mary Jane Rodriguez, at Atoy Navarro (1998). Pag-

iibigan sa Katipunan: Isang Paglingon sa Panitikan ng Himagsikan. Nasa Atoy Navarro at Raymund Abejo (mga patnugot), Wika, Panitikan, Sining, at Himagsikan. Quezon City: Limbagang Pangkasaysayan, 93-107.

Ileto, Reynaldo (1979). Pasyon and Revolution: Popular Movements in

the Philippines, 1840-1910. Quezon City: Ateneo de Manila University Press.

Navarro, Atoy (1998). Ang Pag-aaral ng Himagsikan sa Ating Panahon.

Nasa Atoy Navarro at Ryan Palad (mga patnugot), Tayabas: Pagmumulat sa Kasaysayan, Himagsikan, at Sentenaryo, Quezon City: Limbagang Pangkasaysayan, 201-209.

Navarro, Atoy (1999, Agosto 25). Bagong Kasaysayan at

Postmodernismo: Tugon sa Panayam ni Dr. Milagros Guerrero na pumapaksa sa “Ang Bisa ng Post-Modernismo sa Ating Saysay: Ilang mga Tala.” Papel-Reaksyon na binasa bilang bahagi ng

Page 16: Kapookang Pangkasaysayan: Ang Pilipinas sa Panahon ni Dr. Jose Rizal

16 Ang Bayani Bilang Buhay na Akda

1999 Linggo ng Kasaysayan, Pulungang Recto, Bulwagang Rizal, UP Diliman.

Navarro, Atoy (1999-2002a). Bagong Kasaysayan at Kasaysayang Bayan:

Pambungad sa Pag-aaral ng Kabuuang Kasaysayang Pilipino. Nasa Atoy Navarro (tagapagtipon), Bagong Kasaysayan at Kasaysayang Bayan: Pambungad sa Pag-aaral ng Kabuuang Kasaysayang Pilipino (Piling Babasahing Pangkasaysayan); History I Reader. Los Baños: UP Open University, 2001-2002. Bahagyang inilathala sa Balitang ADHIKA, 5 (1), Mayo 2003, 3-4.

Navarro, Atoy (1999-2002b). Balangkas at Kronolohiya ng Kabuuang

Kasaysayang Pilipino (Bago 250,000 BK-Hinaharap). Nasa Atoy Navarro (tagapagtipon), Bagong Kasaysayan at Kasaysayang Bayan: Pambungad sa Pag-aaral ng Kabuuang Kasaysayang Pilipino (Piling Babasahing Pangkasaysayan); History I Reader. Los Baños: UP Open University, 2001-2002.

Navarro, Atoy (2000). Ang Bagong Kasaysayan sa Wikang Filipino:

Kalikasan, Kaparaanan, Pagsasakasaysayan. Bagong Kasaysayan: Mga Pag-aaral sa Kasaysayan ng Pilipinas, 11, 1-61.

Navarro, Atoy (2003, Disyembre 13). Paghahanap ng Global na Pinoy:

Pagmumuni-muni sa Globalisasyon, Kasaysayan, at Pagkamakabayan. Papel na binasa sa KaADHIKA sa Kamaynilaan Serye ng mga Panayam sa Kasaysayan, NIH Conference Room, UP Manila.

Navarro, Atoy (2008, Abril). Kalikasan, Kapaligiran, at Kalamidad.

BAKAS Sulat-Balitaan 2 (1), 3. Navarro, Atoy (2010). Pagpapanahon sa Kasaysayang Asyano. Nasa

Zeus Salazar, Atoy Navarro, Sharon Maminta, at Lars Raymund Ubaldo, ASYA: Kasaysayan at Kabihasnan. Quezon City: Abiva Publishing House, Inc., 43-52.

Navarro, Atoy at Raymund Abejo (1998). Wika, Panitikan, Sining, at

Himagsikan: Pagpopook ng Kahulugan. Nasa Atoy Navarro at Raymund Abejo (mga patnugot), Wika, Panitikan, Sining, at Himagsikan. Quezon City: Limbagang Pangkasaysayan, 199-202.

Page 17: Kapookang Pangkasaysayan: Ang Pilipinas sa Panahon ni Dr. Jose Rizal

Samu’t Saring Pagbasa kay Dr. Jose Rizal 17

Navarro, Atoy, Mary Jane Rodriguez, at Vicente Villan (1997). Kasaysayan ng Pilipinas: Isang Balangkas (ca 250,000 B.K.-1992); Pagbubuod ng mga Patnugot. Nasa Atoy Navarro, Mary Jane Rodriguez, at Vicente Villan (mga patnugot), Pantayong Pananaw: Ugat at Kabuluhan; Pambungad sa Pag-aaral ng Bagong Kasaysayan. Mandaluyong: Palimbagang Kalawakan. Binagong edisyon, Quezon City: Palimbagan ng Lahi, 2000, 127-154.

Reyes-Boquiren, Rowena (2003). Ang Pook, Panahon, at Kultura sa

Kasaysayan ng Filipinas. Nasa Eden Gripaldo, Rowena Reyes-Boquiren, Evelyn Miranda, Ricardo Jose, Violeta Ignacio, Dante Ambrosio, Phoebe Zoe Maria Sanchez, Daniel Talde, Henry Funtecha, Dwight David Diestro, Bernard Leo Karganilla, at Roberto Mata, Kasaysayan ng Filipinas at mga Institusyong Filipino. Quezon City: UP Sentro ng Wikang Filipino, 2003, 1-17.

Robles, Eliodoro (1969). The Philippines in the 19th Century. Quezon

City: Malaya Books Inc. Salazar, Zeus (1993). Kasaysayan ng Pilipinas: Isang Balangkas.

Quezon City: UP Departamento ng Kasaysayan. Salazar, Zeus (1994). Pook at Materya: Ang Kaalaman at Karunungang

Pangkasaysayan. Manuskrito. Diliman, Quezon City. Salazar, Zeus (1996, Oktubre 18). Anak, Mag-anak, Kamag-anakan,

Bayan: Ugnayan ng Lalaki at Babae sa Sinaunang Kabihasnan. Panayam na binasa Third WSAP General Assembly and First National Conference on Women’s Studies, Ecotech Center, Lahug, Cebu City.

Salazar, Zeus (1999). Wika ng Himagsikan, Lengguwahe ng Rebolusyon:

Mga Suliranin ng Pagpapakahulugan sa Pagbubuo ng Bansa. Bagong Kasaysayan: Mga Pag-aaral sa Kasaysayan ng Pilipinas, 8, 1-78.

Schumacher, John (1991). The Making of a Nation; Essays on

Nineteenth-Century Filipino Nationalism. Quezon City: Ateneo de Manila University Press.

Page 18: Kapookang Pangkasaysayan: Ang Pilipinas sa Panahon ni Dr. Jose Rizal

18 Ang Bayani Bilang Buhay na Akda

Schumacher, John at Milagros Guerrero (1998). Kasaysayan: The Story of the Filipino; Volume 5; Reform and Revolution. New York, Hong Kong, at Metro Manila: Asia Publishing Company Limited.

Veneracion, Jaime (1990). Agos ng Dugong Kayumanggi. Quezon City:

Abiva Publishing House, Inc. Binagong edisyon, 1997. Zaide, Gregorio at Sonia Zaide (1997). Jose Rizal: Buhay, mga Ginawa

at mga Sinulat ng Isang Henyo, Manunulat, Siyentipiko, at Pambansang Bayani. Quezon City: All-Nations Publishing Co., Inc.