6
Mga Mahahalagang Konseptong Pangwika 1 *wika - sistema ng arbitraryong simbolo na patunog na ginagamit sa komunikasyon ng mga tao (Fer Ramos, 2008); isang kalipunan ng mga salita at ang pamamaraan ng mga ito para magkaunawaan at makapagkomyunikeyt ang isang grupo ng mga tao (Silapan at Fabros 1999) *wikang pambansa – wikang nagsisilbing lingua franca sa pambansang saklaw; estado ang nagsasabi kung ano ang magiging wikang pambansa *lingua franca - isang pinakagamiting wika na maaring gagamitin sa komunikasyon ng dalawang may magkaibang wika, common language/karaniwang wika; maaaring may internasyonal, pambansa, at rehiyonal na lingua franca *wikang opisyal –wikang ginagamit ng estado sa kanyang mga instrumentalidad at maging sa komunikasyon sa mga mamamayan * wikang panturo – wikang ginagamit sa pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon *wikang panrehiyon/wikang rehiyonal – wikang nagsisilbing lingua franca sa rehiyonal na saklaw *wikang internasyonal- wikang nagsisilbing lingua franca sa pakikipag-ugnayang internasyonal/antas international (halimbawa 1 Mula sa samo't saring sanggunian tulad ng www.wikipedia.org, Essential High School Dictionary (1 st ed.) ng The Princeton Review; "Filipino 2: Pagbasa at Pagsulat sa Iba't Ibang Disiplina" nina Francisco, Dinglasan, Bron, at Paulino, 2002, p.3; "Sining ng Komunikasyon Pangkolehyo" nina Dr. Paz M. Belvez, Ed. D., et.al., 2004, pp.1-2; "Sining ng Komunikasyon para sa mga Kolehiyo at Pamantasan" nina Aggabao, et.al., 2002, p.6; "Kahusayan sa Pagbasas ng mga Mag- aaral sa Elementarya at Hayskul" ni Dr. Lalunio sa librong "Filipino at Pagpaplanong Pangwika", patnugot P. Constantino, 2005, pp. 140-145; “Ilang tala sa estado at direksyon ng intelektwalisasyon ng wikang Filipino” ni Dr. Zafra na makikita sa pp. 29, 41 ng Tomo XIII, bilang 1-2 2006 ng dyornal na Daluyan ng UP Sentro ng WIkang Filipino; at mga tala mula sa klase ng Filipino 225 ni Dr. Ramos sa UP Diliman; Arrogante, Jose A. et al. (2007). Sining ng Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Lungsod Mandaluyong: National Bookstore; at Linguistics for Nonlinguist nina Parker at Riley, 2000, p.134 at sa Komunikasyon I: Kasanayan sa Komunikayon nina O. Silapan at M. Fabros (QC: UP Open University, 1999). Gayunpaman, marami sa mga termino ay nagmula sa klase ng Filipino 225 sa ilalim ni Dr. Jesus Fer Ramos (UP KAL DFPP, ika-2 semestre 2007-2008). sa United Nations, anim ang wikang internasyunal na ginagamit nito bilang opisyal na wika – Arabic, Chinese, English, French, Russian, at Spanish) *mother tongue –wikang kinagisnan, unang wikang natutunan *unang wika/first language- wikang kinagisnan, mother tongue *ikalawang wika/second language - wikang natutunan karagdagan sa unang wika *vernacular language/wikang vernakular – wika ng isang grupong sosyal/panlipunan na nadomina ng ibang wika *monolingual/monolingguwal – isang wika ang umiiral *bilingual/bilingguwal – dalawang wika ang umiiral * subtractive bilingualism -mahina sa dalawang wika (hindi lang sa pangalawa kundi maging sa unang wika) *additive bilingualism – hal. pagpapatatag ng kasanayang akademiko ng isang mag-aaral sa paggamit ng kaniyang unang wika bago ituro ang pangalawang wika *plurilingual/multilingual/plurilingguwal/multil ingguwal – maraming wika ang umiiral *disglosiko – dalawang wika ang sabay na pangunahing ginagamit nang hiwalay * “global language”/”wikang global – wikang papawi diumano sa mga border para sa isang globalisadong daigdig * “universal language”/wikang unibersal – may batayang biblical kaugnay ng kaganapan sa lumang testamento nang ginawaran ng Diyos ng iba’t ibang wika ang mga taong noo’y may iisang wika nang magtangka silang magtayo ng toreng aabot sa langit (tore ng Babel) *domain/domeyn/larang – lugar, institusyon, o sitwasyon kung saan ginagamit ang wika *controlling domains of language/larangang pangwika na nagkokontrol – ang wika at varayti ng wikang ginagamit sa domeyn na ito ay dinidikta kapwa pasulat at pasalita; dito nangangahulugan ng katiyakan at wastong gamit ng mga salita at kadalasan itong ginagamit sa matataas na antas ng karunungan

Lektyur Wika at Wikang Filipino

Embed Size (px)

DESCRIPTION

fil 25

Citation preview

Page 1: Lektyur Wika at Wikang Filipino

Mga Mahahalagang Konseptong Pangwika1

*wika - sistema ng arbitraryong simbolo na patunog na ginagamit sa komunikasyon ng mga tao (Fer Ramos, 2008); isang kalipunan ng mga salita at ang pamamaraan ng mga ito para magkaunawaan at makapagkomyunikeyt ang isang grupo ng mga tao (Silapan at Fabros 1999) *wikang pambansa – wikang nagsisilbing lingua franca sa pambansang saklaw; estado ang nagsasabi kung ano ang magiging wikang pambansa *lingua franca - isang pinakagamiting wika na maaring gagamitin sa komunikasyon ng dalawang may magkaibang wika, common language/karaniwang wika; maaaring may internasyonal, pambansa, at rehiyonal na lingua franca *wikang opisyal –wikang ginagamit ng estado sa kanyang mga instrumentalidad at maging sa komunikasyon sa mga mamamayan * wikang panturo – wikang ginagamit sa pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon *wikang panrehiyon/wikang rehiyonal – wikang nagsisilbing lingua franca sa rehiyonal na saklaw *wikang internasyonal- wikang nagsisilbing lingua franca sa pakikipag-ugnayang internasyonal/antas international (halimbawa 1 Mula sa samo't saring sanggunian tulad ng

www.wikipedia.org, Essential High School Dictionary (1st ed.) ng The Princeton Review; "Filipino 2: Pagbasa at Pagsulat sa Iba't Ibang Disiplina" nina Francisco, Dinglasan, Bron, at Paulino, 2002, p.3; "Sining ng Komunikasyon Pangkolehyo" nina Dr. Paz M. Belvez, Ed. D., et.al., 2004, pp.1-2; "Sining ng Komunikasyon para sa mga Kolehiyo at Pamantasan" nina Aggabao, et.al., 2002, p.6; "Kahusayan sa Pagbasas ng mga Mag-aaral sa Elementarya at Hayskul" ni Dr. Lalunio sa librong "Filipino at Pagpaplanong Pangwika", patnugot P. Constantino, 2005, pp. 140-145; “Ilang tala sa estado at direksyon ng intelektwalisasyon ng wikang Filipino” ni Dr. Zafra na makikita sa pp. 29, 41 ng Tomo XIII, bilang 1-2 2006 ng dyornal na Daluyan ng UP Sentro ng WIkang Filipino; at mga tala mula sa klase ng Filipino 225 ni Dr. Ramos sa UP Diliman; Arrogante, Jose A. et al. (2007). Sining ng Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Lungsod Mandaluyong: National Bookstore; at Linguistics for Nonlinguist nina Parker at Riley, 2000, p.134 at sa Komunikasyon I: Kasanayan sa Komunikayon nina O. Silapan at M. Fabros (QC: UP Open University, 1999). Gayunpaman, marami sa mga termino ay nagmula sa klase ng Filipino 225 sa ilalim ni Dr. Jesus Fer Ramos (UP KAL DFPP, ika-2 semestre 2007-2008).

sa United Nations, anim ang wikang internasyunal na ginagamit nito bilang opisyal na wika – Arabic, Chinese, English, French, Russian, at Spanish) *mother tongue –wikang kinagisnan, unang wikang natutunan *unang wika/first language- wikang kinagisnan, mother tongue *ikalawang wika/second language - wikang natutunan karagdagan sa unang wika *vernacular language/wikang vernakular – wika ng isang grupong sosyal/panlipunan na nadomina ng ibang wika *monolingual/monolingguwal – isang wika ang umiiral *bilingual/bilingguwal – dalawang wika ang umiiral * subtractive bilingualism -mahina sa dalawang wika (hindi lang sa pangalawa kundi maging sa unang wika) *additive bilingualism – hal. pagpapatatag ng kasanayang akademiko ng isang mag-aaral sa paggamit ng kaniyang unang wika bago ituro ang pangalawang wika *plurilingual/multilingual/plurilingguwal/multilingguwal – maraming wika ang umiiral *disglosiko – dalawang wika ang sabay na pangunahing ginagamit nang hiwalay * “global language”/”wikang global – wikang papawi diumano sa mga border para sa isang globalisadong daigdig * “universal language”/wikang unibersal – may batayang biblical kaugnay ng kaganapan sa lumang testamento nang ginawaran ng Diyos ng iba’t ibang wika ang mga taong noo’y may iisang wika nang magtangka silang magtayo ng toreng aabot sa langit (tore ng Babel) *domain/domeyn/larang – lugar, institusyon, o sitwasyon kung saan ginagamit ang wika *controlling domains of language/larangang pangwika na nagkokontrol – ang wika at varayti ng wikang ginagamit sa domeyn na ito ay dinidikta kapwa pasulat at pasalita; dito nangangahulugan ng katiyakan at wastong gamit ng mga salita at kadalasan itong ginagamit sa matataas na antas ng karunungan

Page 2: Lektyur Wika at Wikang Filipino

(hal. batas, paaralan, pamahalaan, industriya, negosyo, komersiyo) *semicontrolling domains of language – ang wika at varayting ginagamit sa domeyn na ito ay pasulat ngunit tanging tagapakinig lamang ang mga gumagamit nito; di-tulad ng nauna (controlling domains) hindi kasinghigpit ang paggamit ng wika rito; ipinapahintulot ang pakikibahagi ng tao sa iba’t ibang gawain subalit hindi kinakailangan na maging dalubhasa ang isang tao sa paggamit ng wika (hal. enterteynment, relihiyon) *noncontrolling domains of language – ang wikang gamit dito ay pasalita lamang na kadalasang makikita sa tahanan at lingua franca ng isang bansa *varayti – uri ng wika o sublanguage *varyasyon – sistematikong pagkakaiba sa paggamit sa iisang wika ng iba’t ibang grupo ng tao o pagkakaiba sa paggamit ng wika sa iba’t ibang sitwasyon ng iisang tao (Parker at Riley, 2004) *dialect/diyalekto/dayalek – varayti ng wika batay sa lugar *sociolect/sosyolek – varayti ng wika batay sa katayuang panlipunan *ecolect/ekolek –varayti ng wika batay sa sambahayan (household) *register/rehistro/rejister – tiyak at tanging gamit ng wika sa isang disiplina o larang

Maikling Kasaysayan ng Wikang Pambansa2 Ayon kay Dr. Lumbera (2005), nagsimula

ang buhay ng wikang pambansa nang itakda ng Konstitusyong 1935 ang pangangailangan para sa isang wikang bibigkis sa mga mamamayang tatawaging Filipino. Itinayo ang Institute of National Language, at ito ang nagpasya na ang

2 Mula sa mga sangguniang "Saan Tutungo ang Wikang

Filipino Ngayong Binubura ito ng Globalisasyon?" ni Dr. Lumbera na makikita sa pp. 260-265 ng librong "Filipino at Pagpaplanong Pangwika", patnugot P. Constantino (2005) at “Ilang tala sa estado at direksyon ng intelektwalisasyon ng wikang Filipino” ni Dr. Zafra (2006) na makikita sa pp. 29, 41 ng Tomo XIII, bilang 1-2 ng dyornal na Daluyan ng UP Sentro ng WIkang Filipino.

wikang pambansa ay ibabatay sa wikang Tagalog (1937). Mala-Tagalog ang unang naging anyo ng wikang pambansa, bagay na sa kalaunan ay tinutulan ng taga-ibang rehiyong may sariling wikang katutubo na ipinalagay nilang pinapatay ng wikang galing sa sentro. Sa layong ipaangkin sa mga rehiyon ang wikang pambansa bilang wika hindi lamang ng tagasentro kundi ng buong kapuluan, noong dekada 1960 ay tinawag itong "Pilipino." Ang ikalawang anyo ng wikang pambansa ay hindi pa rin nagpatahimik sa mga pagtutol bagama't patuloy na ang anyong ito ang itinuro sa mga paaralan. Noong 1970, nang tumawag ang pamahalaang Marcos ng bagong kumbensyong konstitusyonal, naging magiit ang ilang delegadong nagsasabing walang ipinag-iba ang Pilipino sa mala-Tagalog na wikang pambansa. Noong nagsimula ang rebisyon ng orihinal na wikang pambansa upang buksan ito sa pagpasok ng bokabularyo, gramatika, sintaks, at mga letra ng mga kapatid na wika galing sa iba't ibang rehiyon at sa iba't ibang grupong etniko. Sa Konstitusyong 1973 at Konstitusyong 1987, pinagtibay ang pangatlong anyo ng wikang pambansa na sinimulan nang kilalanin bilang "Filipino."

Sa paglalahad naman ni Dr. Zafra (2006), pinili na noong 1937 at idineklara noon 1939 ang Tagalog bilang wikang pambansa, na ginawang Pilipino noong 1959, at Filipino noong 1987 (bagaman may pagbanggit na sa wikang Filipino sa Konstitusyong 1973). Sinasabing hanggang ngayon ay malaking debate pa kung ang wikang Filipino na itinakda ng Konstitusyong 1987 ay nakabatay sa Tagalog, o gaya ng isinasaad sa probisyon ng Konstitusyon, nakabatay sa lahat ng umiiral na wika sa Filipinas, katutubo man o banyaga. Inaampon sa papel na pinamagatang “Ilang tala sa estado at direksyon ng intelektwalisasyon ng wikang Filipino” ni Dr. Galileo Zafra ang ideya na ang ubod ng wikang Filipino nang buuin ang probisyong pangwika sa Konstitusyon ay nakabatay sa wikang Pilipino na nakabatay sa

Page 3: Lektyur Wika at Wikang Filipino

Tagalog. Ngunit ang pagpapaunlad nito ay dapat iayon sa itinakda ng Konstitusyon.

Mga Probisyong Pangwika sa Konstitusyon

Konstitusyong 1987 Artikulo XIV, Seksiyon 6-9

Seksyon 6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika. Alinsunod sa tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon. Seksyon 7. Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at, hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi na pantulong ng mga wikang panturo roon. Dapat itaguyod nang kusa at opsyonal ang Kastila at Arabic. Seksyon 8. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic, at Kastila. Seksyon 9. Dapat magtatag ang Kongreso ng isang komisyon ng wikang pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-

uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap, at pagpapanatili.

Estandardisasyon ng Wikang Filipino Kasaysayan at Mga Pagbabago sa Alfabeto at

Ortograpiyang Filipino3 Sinimulan ang serye ng pagbabago sa alpabetong Filipino noong 1976 sa pamamagitan ng Mga Tuntunin sa Ortograpiyang Filipino ng Surian ng Wikang Pambansa. Mula sa letrang abakada ng wikang Tagalog, ang alpabeto ay naging 31 letra. Idinagdag sa dating abakada ang 11 bagong letra - c, ch, f, j, ll, ñ, q, rr, v, x, z. Dahil sa dami ng letra, binasagan ang 1976 alpabeto na "pinagyamang alpabeto". Muling binago ang alpabeto noong 1987 nang ilathala ang Alpabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino ng Linangan ng mga Wika sa Pilipinas. Ang dating 31 letra ay ginawang 28. Tinanggal sa dati ang mga digrapo o kambal katinig na ch, ll, rr sa katwirang ang mga letrang c, h, l, r ay bahagi na ng alpabeto at maaari namang pagtambalin kung kailangan. Dahil sa pagbabagong ito, tinawag ang 1987 alpabeto na "pinasimpleng alpabeto". Pinakabago sa mga rebisyong ito ay ang 2001 Revisyon sa Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Komisyon sa Wikang Filipino. May 28 letra pa rin sa 2001 alpabeto, walang idinagdag, walang ibinawas. Ang binago ay ang mga tuntunin sa paggamit ng walong dagdag na letra na pinagmulan ng maraming kalituhan simula nang pormal na ipinasok sa alpabeto noong 1976. Biglang pagbabalik-tanaw, ang lumang 3 Mula sa "Ang Estandardisasyon ng Wika at ang

Pagsusulong ng Filipino sa Akademya," Gabay sa Editing sa Wikang Filipino (tuon sa pagbaybay) nina Galileo Zafra, atbp. Quezon City: UP-SWF, 2004, pp.xi-xvii.

Page 4: Lektyur Wika at Wikang Filipino

abakadang Tagalog ay binubuo ng mga sumusunod na titik: Aa Bb Kk Dd Ee Gg Hh Ii Ll Mm Nn NGng Oo Pp Rr Ss Tt Uu Ww Yy Ang pinagyamang alpabeto (1976 Alpabeto) naman ay ang mga sumusunod na letra:4 Aa Bb Cc CHch Dd Ee Ff Gg Hh iI Jj Kk Ll LLll Mm Nn Ññ NGng Oo Pp Qq Rr RRrr Ss Tt Uu Vv Ww Xx Yy Zz Ang pinasimpleng alpabeto (1987 alfabeto at 2001 alfabeto, ang kasalukuyang alfabeto) Aa Bb Cc Dd Ee Ff Gg Hh iI Jj Kk Ll Mm Nn Ññ NGng Oo Pp Qq Rr Ss Tt Uu Vv Ww Xx Yy Zz Ang mga letra sa kasalukuyang alfabeto ay binibigkas sa Ingles, maliban sa ñ na binibigkas sa Espanyol (“eñe”). Ilang depinisyon kaugnay ng alfabeto: *ponolohiya - pag-aaral ng mga tunog sa isang wika *ponema - pinakamaliit na yunit ng tunog na may kahulugan *ortograpiya-sining ng ispeling ayon sa tamang gamit *patinig = mga sinasalitang tunog (speech sound) na hindi humahadlang sa pagdaloy ng hangin mula sa baga (lungs); mga letrang kumakatawan sa mga nasabing tungo (a, e, i, o, at u) *katinig = mga letrang kumakatawan sa mga tunog na humahadlang sa pagdaloy ng hangin mula sa baga (lungs); mga letrang kumakatawan sa nasabing tunog *diptonggo - kambal-patinig, may mga teksbuk na nagsasabing tambalan ng patinig at malapatinig (tinuturing na malapatinig ang mga letrang w at y) *digrapo - pangkat ng dalawang letrang may iisang tunog (hal. ch, sh) 4 Sa pinagyamang alpabeto, kung tatanggalin ang

letrang ng, katumbas na nito ang alpabetong Espanyol. Tanggalin ang letrang ñ at ng sa pinasimpleng alpabeto, katumbas na ito ng alpabetong Ingles.

Mga Hakbang sa Paggamit o Pagbuo ng Salita

Ayon kay Zafra (2004), simple ang tuntunin sa pagbaybay: Kung ano ang bigkas ay siyang baybay; gayunpaman, dahil sa mga dagdag na letra sa dating abakadang Tagalog, naging komplikado ang simpleng tuntunin na ito. Sa layuning mapadali ang pagbasang biswal at pagtuturo ng literasi, batay sa Gabay sa Editing sa Wikang Filipino (tuon sa pagbaybay), narito ang mga hakbang sa pagbuo o paghiram ng salita (Zafra, 2004):

1. Hanapin ang katumbas ng salita sa korpus ng wikang Filipino at iba pang wika sa Filipinas. 2. Hiramin ang salita sa Espanyol at isa-Filipino ang baybay. 3. Hiramin ang salita sa Ingles (o iba pang wika) at isa-Filipino ang baybay. 4. Hiramin nang buo ang salita sa Ingles (o iba pang wika). 5. Lumikha ng salita at ibaybay.

Ayon kay Zafra, ideal na inihanay ang mga paraang ito pagtutumbas bilang sunod-sunod na hakbang sa pagpili ng salita (hangga’t maaari sundin ang mga hakbang batay sa pagkakasunod-sunod). Gayunpaman, sa kaniyang paglilinaw, may mga makaagham at makasining na konsiderasyon na nakakaapekto sa pagpili ng salita tulad ng:

1. mambabasang pinag-uukulan ng akda; 2. estilo o kaalaman at kasanayan ng manunulat; 3. paksa at larang ng kinapapalooban ng akda; at 4. katiyakan ng salita sa pagpapahiwatig ng konsepto.

Panghuli, ayon kay Zafra, mas mainam kung maihahanay muna ang lahat ng posibilidad sang-ayon sa iba’t ibang paraan ng pagtutumbas bago magpasiya manunulat kung alin ang pinakaangkop na salita na

Page 5: Lektyur Wika at Wikang Filipino

makatutugon sa layunin ng pagpapahayag.

Intelektuwalisasyon ng Wikang Filipino5 Mahalagang ipuwesto ang kurso at mga

konseptong tinalakay sa usapin ng intelektuwalisasyon ng wikang Filipino. Narito ang sipi mula sa “Ilang tala sa estado at direksyon ng intelektuwalisasyon ng wikang Filipino” ni Dr. Galileo Zafra. Ayon sa kanya:

“Isa sa mahahalagang

aspekto ng development ng wika ang intelektuwalisasyon nito. Ipinapaliwanag ng mga lingguwista na dumaraan sa iba’t ibang proseso ang pag-unlad ng wika, at may ilang teoretikal na modelo na nag-uugnay-ugnay sa mga prosesong ito. Ang isa sa nagsasabi na karaniwang nagsisimula ito sa seleksiyon o pagpili ng isang buhay na katutubong wika bilang batayan ng wikang pambansa. Kasunod ang diseminasyon o ang pagpapalaganap ng napiling wika. Sa patuloy na paggamit, lalo na sa pagsulat, sumasailalim naman ito sa proseso ng estandardisasyon. Itinatakda sa yugtong ito ang unipormadong mga anyo at estruktura sa pamamagitan ng konsensus o sa pagbuo ng mga patakaran ng pambansang ahensiya na nagsasagawa ng pagpaplanong pangwika. Dumaraan ang estandardisadong wika sa kodipikasyon sa pamamagitan

5 Mula sa “Ilang tala sa estado at direksyon ng

intelektwalisasyon ng wikang Filipino” ni Dr. Zafra (2006) na makikita sa pp. 29, 41 ng Tomo XIII, bilang 1-2 ng dyornal na Daluyan ng UP Sentro ng WIkang Filipino.

ng mga diksiyonaryo, manwal, at gramatika. Kasunod nito ang kultibasyon na tumutukoy sa pagbuo ng korpus ng mga sulatin sa iba’t ibang intelektuwal na disiplina. Sa korpus na ito ibabatay ang register ng wika, o ang tiyak at tangi na gamit ng wika sa bawat larang. Ang huling prosesong ito ang saklaw ng intelektuwalisasyon ng wika (sipi ni Zafra kay Gonzales, 2002, 5; Gonzales 1988, 4). Mahalagang idiin ang pagiging proseso ng mga nabanggit sa halip na ituring na mga hakbang upang maiwasang tingnan ito bilang magkakasunod na pangyayari na may malinaw at tiyak na pagkakahati-hati.” (29)

Karagdagan: Wika at Kultura

Sa kasalukuyan (tingnan ang website ng

Komisyon sa Wikang Filipino), may 154 wika at diyalekto sa Pilipinas (hindi kasama ang wikang Filipino). Ipinapakita lamang nito kung gaano kayaman ang kultura ng lipunang Filipino. Ang wika at kultura ay laging magkaagapay. Bawat lahi ay nakabuo ng kanilang wika mula sa kanilang sariling karanasan at kultura. Ang paggamit ng wika ay naaayon sa uri ng kulturang nakagisnan, kaya ang wika ay nakapagbibigay ng identidad ng isang lahi. Kung maunlad ang kultura ng isang lahi, ang wika ay gayundin. Mababakas ang antas ng lipunang kinabibilangan ng isang lahi sa pamamagitan ng wika. Magiging mabilis ang pagkakaunawaan ng isang lahi sa pamamagitan ng wikang kanilang ginagamit. Uunlad ang isang kultura sa pamamagitan ng wika at lalawak naman ang talasalitaan ng isang wika dahilan sa kaunlaran ng kultura (Francisco et

Page 6: Lektyur Wika at Wikang Filipino

al., 2002). Ayon kay Raymond Williams (1976), ang

kultura ay 'isang partikular na gawi ng pamumuhay" ("a particular way of life"). Ipinapakahulugan din ito bilang "pangkalahatang proseso ng intelektwal, ispiritwal, at estetikong pag-unlad ("general process of intelectual, spiritual, and aesthetic development"). Isa pang kahulugan ng kultura ay "mga intelektwal at mapanlikhang gawain at likha" (works ang practices of intelectual and especially artistic activity").

Ayon kay Dr. Bienvenido Lumbera (2005), kailangang alamin ang kaalamang nakapaloob sa wika. Ayon sa kanya, produkto ng lipunang Filipino ang wikang pambansa. Nakalangkap sa wikang Filipino ang kultura ng mga taong gumamit noon at gumagamit ngayon nito sa kanilang pakikipamuhay sa ibang tao at sa mga institusyon ng ating lipunan. Taglay ng wika, ayon kay Dr. Lumbera, ang mga kaisipang pinalitaw ng mga tagisan at pagtatalo ng mga palaisip na Filipino at dayuhan. Hinubog ang wika, paliwanag ni Dr. Lumbera, ng mga pangyayari sa ating kasaysayan mula pa sa panahong preekolonyal hanggang sa kasalukuyan, at naging tagahubog din ang kasaysayan ang wikang ginamit ng mga nag-isip at kumilos upang baguhin ang ating lipunan. Kapag sinasabing may "henyo" ang wika, hindi talinghaga lamang ang kasabihan. Kapag binungkal ang wika'y ngayo'y kinagawian ng ituring na isa lamang instrumento, isang dula ng kaalamang hindi pa natin naaarok ang mabubuksan sa atin.

Ayon kay Miclat (2001): “Dahil sa wika, naipamamana ng magulang ang kaniyang karanasan sa kaniyang anak, at ng anak sa apo sa kaapo-apohan. Dahil sa wika, hindi na kinailangang muli at muling magsimula sa simula ang mga sumunod na henerasyon; maaari na nilang ipagpatuloy na lamang ang karanasan ng nakaraan, isaayos ang pag-iisip, payamanin ang mga palatandaan at

hudyat, hubugin ang kaisipan. Ganiyan nabuo ang lipunan, ganiyan nabuo ang kabihasnan. Sa palaki nang palaking kabang-yaman ng karanasang naidedeposito sa wika, naiba ang tao sa oranggutan.”

Mga Konseptong Pangkomunikasyon

Ang komunikasyon ay galing sa salitang Latin na "communis". Ibig sabihin nito ay "common" o "karaniwan". Ayon kay Raymond Williams (1976), ang "communicate" ay nangangahulugan ng "make common to many" o "the object thus made common". Patungkol ang komunikasyon sa mga ideya at impormasyon.

Ang komunikasyon ay proseso ng

paghahatid ng mensahe o pagpapalitan ng impormasyon, ideya, kaalaman, at mga saloobin (Siazon-Lorenzo et al., 2002).

Sa klase tulad ng Komunikasyon I,

nililinang sa mag-aaral ang kaniyang kakayahang pangwika (kakayahang linggwistiko/linguistic competence). Ang kakayahang ito ay may kinalaman sa pag-aaral ng mga katangian at tuntunin ng wika at sa iba pang kaalamang gramatika o balarila. Kasabay nito, nililinang din sa mag-aaral ang kaniyang kakayahang komunikatibo (communicative competence) o ang kakayahang panglinggwistika at aplikasyon nito sa kapaligiran, lipunan at araw-araw na gamit (Aggabao, 2002).