9
Liksyon 13 para sa ika-27 ng Marso, 2021

Liksyon 13 para sa ika-27 ng Marso, 2021

  • Upload
    others

  • View
    2

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Liksyon 13 para sa ika-27 ng Marso, 2021

Ang proseso ng pagsasauli. Isaias 65:17-25

Pagsasauli ng Dios. Isaias 66:1-18

Pakikipagtulungan ng tao sa pagsasauli:

Pagbahagi ng mensahe. Isaias 66:19-20

Pansanlibutang pagkapari. Isaias 66:21

Pangwakas na pagsasauli. Isaias 66:22-24

Ang planetang tahanan natin ay malayo araw-araw saorihinal na plano ng Dios. Nagdulot ng pagkasira ang kasalanan sa kalikasan at sangkatauhan. Kailanganpareho ng mga tao at ng planetang Earth ang lubusang pagsasauli.

Ang orihinal na plano ng Dios at unti-unting ibalikkasama ng bayan ng Israel, mula sa Jerusalem. Dahil tinanggihan Siya ng Israel, inakma Niya ang Kanyangplano.

“Sapagka't narito, ako'y lumilikha ng mga bagong langit, at ng bagong lupa, at ang mga dating bagay ay hindi maaalaala, o mapapasa isip man.” (Isaias 65:17)

Sa bagong Earth, “ang leon ay kakain ng dayami na gaya ng baka” (v. 25). Babalik ang kalikasan sa dati nitong sakdal na katayuan.

Ayaw ng Dios na gumawa ng marahas, at madaliang pagbago. Nais Niyang mapalagoang sitwasyon paunti-unti. Dapat ang Jerusalem ay lugar kung saan ang mga tao ay mabubuhay ng mahigit 100 taon (v. 20), magdudulot ng maraming ani ng lupa (v. 21), at mamumuhay ang mga tao sa kapayapaan(v. 22).

Pupunta sa Jerusalem ang mga tao mula sa ibang mga bansa, at tatanggapin ng lahat nag Pabalita. At isasauli ng Dios ang buongmundo, at bigyan ang mga tao ng buhay na walang hanggan.

“Ang panahon ay dumarating na aking pipisanin ang lahat nabansa at ang mga may iba't ibang wika; at sila'y magsisiparoon,

at mangakikita ang aking kaluwalhatian.” (Isaias 66:18)

Iniingatan ng Dios ang mga “nanginginig sa Aking salita.” (v. 2, 5) kung dadalhin na ang pagsasauli. Kabilang sa Kanyang pagsasauli ang:

Pagtanggi sa mga mapagpaimbabaw (v. 3)

Pagsasauli sa mga mapagpakumbaba (v. 5)

Pagpaparusa sa mga nanakit sa mga banal (v. 5)

Pag-aaliw sa mga mananampalataya (v. 13)

Pagwasak sa mga sumasamba sa diosdiosan (v. 17)

Titipunin ng Dios ang mga taoupang makita nila ang kaluwalhatian Niya bago ang wakas at lubusang pagsasauli (v. 18).

Layunin ng Dios na isauli ang bawat isa. Nais Niyangtanggapin ng lahat ang Kanyang panawagan, ito ang pinakadakila Niyang hangarin (1Tim. 2:4).

Sa orihinal na plano ng Dios, nagpadala sana Siya ng mga ebanghelista mula sa Jerusalem tungo sa apatna sulok ng mundo matapos na maibalik ang Israel.

Gayunpaman, tinanggihan ng Israel ang Mesias na dumating upang isaulisila. Kaya, pinili ni Jesus ang Kristianong Iglesia upang ipangaralang Kanyang mensahe (Mateo 28:19-20).

Ang mensahe ay umabot sa kilalang mundo sa isang henerasyon(Colosas 1:23). Gayunpaman, marami pa ring dapat gawin.

Silang mga nanampalataya sa ating mga gawa ay handog sa Dios (Is. 66:20). Tayo ay “isang haing buhay, banal, na kaayaaya sa Dios” kasama nila (Roma 12:1).

“‘At sa kanila rin naman ako kukuha ng mga pinaka saserdote at mga pinaka Levita, sabi ng Panginoon.” (Isaias 66:21)

Sino ang “sa kanila” sa talatang ito?

Sila ang mga Hentil. Mga tao mula sa ibang bansa nananampalataya at sumama sa mga nahikayat (Efe. 2:14).

Tayo ay bayan ng mga pari (1P. 2:9). Ang pagkapari naito ay hindi nakabase sa pagkapari sa Levitico. Iyon ay nakabase sa gawain ng ating Punong Saserdote na siJesus (Heb. 6:20). Gayunman, ang pagtataas sa mga Hentil ay hindi

kabilang ang paghamak sa mga Hudio. Inihambing niPablo ang bayan ng Dios sa puno ng olibo. Ang orihinalna mga sanga ay ang bayan ng Israel, at ang mga Hentilay mga supling na ikinabit sa kaparehong puno (Rom. 11:17-18).

Bawat isa ay pantay sa Iglesia ng Dios, at bawat isa saatin ay may misyon na gagawin.

“‘At mangyayari, na mula sa bagong buwan hanggangsa panibago, at mula sa isang sabbath hanggang sapanibago, paroroon ang lahat na tao upang sumamba

sa harap ko, sabi ng Panginoon.” (Isaias 66:23)

Sa huling pagsasauli, mababago ang langit at ang Lupa. Ang binagong Nilalang at ang naisauling tao ay mananatilimagpakailanman (Is. 66:22).

Sama-sama tayong sasamba sa Dios bawat Sabado. At magtitipon tayo upangkumain ng bunga mula sa Puno ng Buhaybawat buwan (Apoc. 22:2). Salamat at itoay mangyayari dahil sa dakilangsakripisyo ni Jesus para sa atin.

Nagtatapos ang aklat ng Isaias sa isang babala: ang bawat isa na ayaw mabuhay ng walanghanggan ay mamamatay ng walang hanggan(Is. 66:24; Apoc. 20:14-15).

Sa bagong Lupa, ay wala nang “luha, kamatayan, dalamhati, o ng pananambitan man, o ng hirap pa man” (Apoc. 21:4).

“Kamanlalakbay, tayo ay nasa gitna parin ng anino at

gulo ng mga gawin ng sanlibutan; ngunit malapit nang

dumating ang ating Tagapagligtas upang magdala ng

kaligtasan at kapahingahan. Ating tingnan sa

pananampalataya ang mapalad na hinaharap gaya ng

iginuhit ng kamay ng Dios. Siya na namatay para sa

mga kasalanan ng sanlibutan ay maluwag na

binubuksan tarangkahan ng Paraiso sa lahat na

nananampalataya sa Kanya. Malapit nang matapos ang

digmaan, ang maipanalo ang laban. Di na magtatagal

ay makikita natin Siya kung saan ang ating pag-asa ng

walanghanggang buhay ay nakasentro. At sa Kanyang

presensya ang mga pagsubok at paghihirap sa buhay

na ito ay bale wala.”

E.G.W. (Prophets and Kings, cp. 60, p. 731)

“Ang dakilang tunggalian ay natapos. Ang

kasalanan at makasalanan ay wala na.

Malinis na ang buong uniberso. Isang pulso

ng kaayusan at kaligayahan ay pumipintig sa

malawak na nilikha. Mula sa Kanya na

gumawa ng lahat, umaagos ang buhay at

liwanag at kaligayahan, hanggang sa

kalawakan ng walanghanggang. Mula sa

pinakamaliit na atom tungo sa

pinakadakilang mundo, lahat ng bagay, may

buhay o wala, sa kanilang hindi nalililimang

ganda at sakdal na ligaya, ay nagpapahayag

na ang Dios ay pag-ibig.”

E.G.W. (The Great Controversy, cp. 42, p. 678)