8
1 Mababang Paaralan ng Alvarado Nailathala noong: Enero 2015 Lupon ng Edukasyon Jonas Dino Presidente Michelle Matthews Klerk Sarabjit Cheema Michael Ritchie Linda Canlas Mga Miyembro Administrasyon ng Distrito Punong Opisyal Pang- Akademya Arlando Smith Punong Opisyal Pang- Administratibo Akur Varadarajan Punong Opisyal Para sa mga Tauhan Derek McNamara Pinag-isang Distrito ng mga Paaralan ng New Haven 34200 Alvarado-Niles Rd. Union City, CA 94587 (510) 471-1100 1. IMPORMASYON TUNGKOL SA SARC Ayon sa batas ng estado, bawat paaralan sa California ay kinakailangan maglathala ng School Accountability Report (SARC) bago mag-ika-1 ng Pebrero kada taon. Nakalahad sa SARC ang mga impormasyon tungkol sa kondisyon at performans ng kada pampublikong paaralan sa California. Sa ilalim ng Local Control Funding Formula (LCFF), lahat ng Lokal na Ahensya pang- edukasyon (LEAs) ay kinakailangan maghanda ng Local Control Accountability Plan (LCAP), kung saan nakalahad kung papaano nila makakamtan ang anwal na layunin ng paaralan para sa mga estudyante, na may espesipikong aktibidad upang makamit ang mga priyoridad na pang-estado at pang-lokal. Bukod rito, kinakailangan na ang mga datos na iniulat sa LCAP ay sang-ayon sa mga datos na iniulat sa SARC. • Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kinakailangan para sa SARC, tingnan ang websayt ng Departamento ng Edukasyon ng California (CDE) SARC sa http://www.cde.ca.gov/ta/ac/sa/. • Maaaring makita ang SARC na ito sa website ng paaralan at/o sa websayt ng mga Lokal na Ahensya Pang-edukasyon (LEAs). • Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa LCFF o LCAP, tingnan ang websayt ng CDE LCFF sa http://www.cde.ca.gov/ fg/aa/lc/. • Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa paaralan, maaaring lumapit ang mga magulang at mga miyembro ng komuni- dad sa punong-guro ng paaralan o sa opisina ng distrito. 2. Ang Misyon ng Distrito Ang misyon ng New Haven Unified School District, na isang samahan ng mga estudyante, mga pamilya, mga empleyado, at ng ating napakayaman na komunidad ng pinaghalong mga etnisidad, ay upang maturuan ang BAWAT mag-aaral na maging kapaki-pakinabang, responsable at matagumpay na ika-21-siglong mamamayan sa pamamagitan ng paggawa ng isang mahusay na inclusive educational system na may ligtas, maalagang lugar ng pagkatuto at isang nakaka-challenge, kumprehensibong kurikulum upang masigurado ang kanilang kahusayan pang-akademya. 3. Ang Misyon ng Paaralan Ang misyon ng Alvarado Elementary School, isang samahan ng komunidad na mayaman sa pinaghalong mga etnisidad ng mga estudyante, mga pamilya, at mga empleyado, ay akitin at pukawin ang bawat mag-aaral na maging kritikal tinker na may integridad at sosyal responsibiliti sa pamamagitan ng pagbibigay ng inklusib, mahigpit at kulturali respansib na kurikulum sa isang ligtas, maunawaing kapaligiran na nagsusulong ng pang-habambuhay na karunungan, na nagbibigay ng kasiguraduhan ng kahusayan sa akademya, sa tulong ng ating komunidad. Enrolment Sa pamamagitan ng Pinagmulan Ang chart na ito ay naglalarawan ng pagpapatala trend sa pamamagitan ng lahi o pangkat ng mag-aaral. 5. Profayl ng Distrito at ng Paaralan Nasasakop ng New Haven Unified School District ang Union City at ilang bahagi ng Hayward at ito ay may 12,873 estudyanteng nakaenrol. Pinagmamalaki namin ang mga tagumpay ng aming mga mag-aaral na galing sa iba’t ibang lahi. Ang misyon namin ay ang maturuan at mabigyan ng lakas ng loob ang bawat estudyante na maging kapakipakinabang, responsable, at matagumpay. Ang distrito ay binubuo ng pitong paaralan pang-elementarya, dalawang gitnang eskuwelahan o middle schools, dalawang hayskul, isang senter para sa pagsuporta sa mga estudyante, malayang pag-aaral o independent study, programa sa pag-aaral sa bahay o home school program, at isang paaralan para sa mga matatanda o adult school. Noong taon o school year na 2012-13, mayroon 881 na estudyante na nakaenrol simula Kindergarten hanggang ika-limang baitang. P inag-isang Distrito ng mga Paaralan ng New Haven Mababang Paaralan ng Alvarado 31100 Fredi Street, Union City, CA 94587 (510) 471-1039 Ulat ng mga Pananagutan ng Paaralan sa mga taong 2013-2014 Marcus Lam, Punong-guro Enrollment sa pamamagitan ng Pangkat ng Mag-aaral 2013-14 Porsiyento Afrikanong Amerikano 6.3% Amerikanong Indyan 0.1% Asyano 21.9% Pilipino 34.6% Kastila 23.1% Mga Taga-Isla ng Pasipiko 1.4% Puti 5.0% Dalawa o Higit pa 7.6% Walang Iniulat - Mga Mag-aaral ng Wikang Ingles 33.7% Gipit (Mahirap ang Kabuhayan) 54.8% Mga Estudyante na may Kapansanan 8.6%

Mababang Paaralan ng Alvarado

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Mababang Paaralan ng Alvarado

1Mababang Paaralan ng Alvarado Nailathala noong: Enero 2015

Lupon ng EdukasyonJonas DinoPresidente

Michelle MatthewsKlerk

Sarabjit CheemaMichael RitchieLinda Canlas

Mga Miyembro

Administrasyon ng DistritoPunong Opisyal Pang-

AkademyaArlando Smith

Punong Opisyal Pang-Administratibo

Akur Varadarajan

Punong Opisyal Para sa mga Tauhan

Derek McNamara

Pinag-isang Distrito ng mga Paaralan ng New Haven

34200 Alvarado-Niles Rd.Union City, CA 94587

(510) 471-1100

1. IMPORMASYON TUNGKOL SA SARC Ayon sa batas ng estado, bawat paaralan sa California ay kinakailangan maglathala ng School Accountability Report (SARC) bago mag-ika-1 ng Pebrero kada taon. Nakalahad sa SARC ang mga impormasyon tungkol sa kondisyon at performans ng kada pampublikong paaralan sa California. Sa ilalim ng Local Control Funding Formula (LCFF), lahat ng Lokal na Ahensya pang-edukasyon (LEAs) ay kinakailangan maghanda ng Local Control Accountability Plan (LCAP), kung saan nakalahad kung papaano nila makakamtan ang anwal na layunin ng paaralan para sa mga estudyante, na may espesipikong aktibidad upang makamit ang mga priyoridad na pang-estado at pang-lokal. Bukod rito, kinakailangan na ang mga datos na iniulat sa LCAP ay sang-ayon sa mga datos na iniulat sa SARC.

• Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kinakailangan para sa SARC, tingnan ang websayt ng Departamento ng Edukasyon ng California (CDE) SARC sa http://www.cde.ca.gov/ta/ac/sa/.

• Maaaring makita ang SARC na ito sa website ng paaralan at/o sa websayt ng mga Lokal na Ahensya Pang-edukasyon (LEAs).• Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa LCFF o LCAP, tingnan ang websayt ng CDE LCFF sa http://www.cde.ca.gov/

fg/aa/lc/. • Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa paaralan, maaaring lumapit ang mga magulang at mga miyembro ng komuni-

dad sa punong-guro ng paaralan o sa opisina ng distrito.

2. Ang Misyon ng DistritoAng misyon ng New Haven Unified School District, na isang samahan ng mga estudyante, mga pamilya, mga empleyado, at ng ating napakayaman na komunidad ng pinaghalong mga etnisidad, ay upang maturuan ang BAWAT mag-aaral na maging kapaki-pakinabang, responsable at matagumpay na ika-21-siglong mamamayan sa pamamagitan ng paggawa ng isang mahusay na inclusive educational system na may ligtas, maalagang lugar ng pagkatuto at isang nakaka-challenge, kumprehensibong kurikulum upang masigurado ang kanilang kahusayan pang-akademya.

3. Ang Misyon ng PaaralanAng misyon ng Alvarado Elementary School, isang samahan ng komunidad na mayaman sa pinaghalong mga etnisidad ng mga estudyante, mga pamilya, at mga empleyado, ay akitin at pukawin ang bawat mag-aaral na maging kritikal tinker na may integridad at sosyal responsibiliti sa pamamagitan ng pagbibigay ng inklusib, mahigpit at kulturali respansib na kurikulum sa isang ligtas, maunawaing kapaligiran na nagsusulong ng pang-habambuhay na karunungan, na nagbibigay ng kasiguraduhan ng kahusayan sa akademya, sa tulong ng ating komunidad.

Enrolment Sa pamamagitan ng PinagmulanAng chart na ito ay naglalarawan ng pagpapatala trend sa pamamagitan ng lahi o pangkat ng mag-aaral.

5. Profayl ng Distrito at ng PaaralanNasasakop ng New Haven Unified School District ang Union City at ilang bahagi ng Hayward at ito ay may 12,873 estudyanteng nakaenrol. Pinagmamalaki namin ang mga tagumpay ng aming mga mag-aaral na galing sa iba’t ibang lahi. Ang misyon namin ay ang maturuan at mabigyan ng lakas ng loob ang bawat estudyante na maging kapakipakinabang, responsable, at matagumpay.

Ang distrito ay binubuo ng pitong paaralan pang-elementarya, dalawang gitnang eskuwelahan o middle schools, dalawang hayskul, isang senter para sa pagsuporta sa mga estudyante, malayang pag-aaral o independent study, programa sa pag-aaral sa bahay o home school program, at isang paaralan para sa mga matatanda o adult school.

Noong taon o school year na 2012-13, mayroon 881 na estudyante na nakaenrol simula Kindergarten hanggang ika-limang baitang.

Pi n a g - i s a n g D i s t r i t o n g m g a P a a r a l a n n g N e w H a v e n

Mababang Paaralan ng Alvarado31100 Fredi Street, Union City, CA 94587

(510) 471-1039

Ulat ng mga Pananagutan ng Paaralan sa mga taong 2013-2014Marcus Lam, Punong-guro

Enrollment sa pamamagitan ng Pangkat ng Mag-aaral

2013-14

Porsiyento

Afrikanong Amerikano 6.3%

Amerikanong Indyan 0.1%

Asyano 21.9%

Pilipino 34.6%

Kastila 23.1%

Mga Taga-Isla ng Pasipiko 1.4%

Puti 5.0%

Dalawa o Higit pa 7.6%

Walang Iniulat -

Mga Mag-aaral ng Wikang Ingles 33.7%

Gipit (Mahirap ang Kabuhayan) 54.8%

Mga Estudyante na may Kapansanan 8.6%

Page 2: Mababang Paaralan ng Alvarado

2Mababang Paaralan ng Alvarado Nailathala noong: Enero 2015

6. Pagpasok sa Paaralan at EnrolmentAng regular na pagpasok ay isang mahalagang bahagi ng proseso ng pag-aaral at ito ay kritikal para magtagumpay sa akademya. Ang mga batas tungkol sa pagpasok, pagiging huli, at paglalakwatsa ay maliwanag na nakasaad, at ito ay patuloy na ipinapatupad, at ang mga konsikwensya ay pinangangasiwaan na walang kinikilingan.

Pinapayuhan ang mga magulang ukol sa kanilang mga responsibilidad, kasama na dito ang wastong pagbibigay-alam kung kailan at bakit hindi pumasok ang isang estudyante. Ang pagpasok ng estudyante ay laging sinusubaybayan at ang pagtawag sa telepono ng mga magulang ay ginagawa araw-araw. Magpapadala kami ng mga sulat kung nagiging problema na ang hindi pagpasok ng mag-aaral. Ang mga estudyante na may maraming record ng pagiging-huli, paglalakwatsa o ng hindi pinayagang pagliliban ay ipinapaalam sa Student Attendance Review Board (SARB).

Pinapakita ng tsart na ito ang takbo ng enrolment ayon sa antas ng grado para sa huling tatlong taon pang-paaralan o school year.

7. A. Mga Kondisyon ukol sa Pag-aaral8. Priyoridad ng Estado: Panimula o BeysikNakasaad sa SARC ang mga sumusunod na impormasyon na may kaugnayan sa Panimulang Priyoridad Pang-estado (Priority 1):

• Digri kung papaano sinisigurado na ang bawat guro ay may kumpletong kredensyal at sila ay naatasang magturo ng angkop na asignatura at angkop na mga estudyante na kanilang tinuturuan.

• Binibigyan ang mga estudyante ng mga kagamitan sa paaralan na naaayon sa mga pamantayan o istandards.

• Sinisigurado na ang mga pasilidad sa paaralan ay nasa maayos na kondisyon.

9. Gurong Matataas ang Kwalipikasyon (Taon ng Paaralan 2013-14)Ayon sa Federal No Child Left Behind Act kinakailangan na maabot ng lahat ng guro na nagtuturo ng mga mahahalagang asignatura o core subjects ang ilang mga kwalipikasyon upang maituring na “Highly Qualified o may mataas na kwalipikasyon” simula sa katapusan ng taon o school year 2006-07. Ang pinakamababang kwalipikasyon ay: ang pagkakaroon ng Bachelor’s Degree, pagkakaroon ng mga kredensyal sa pagtuturo ng California, at nagpakita ng kagalingan sa mga mahahalagang asignatura o core academic subjects. Para sa karagadagang impormasyon, tignan ang pahina ng Pagpapaunlad ng Kalidad ng mga Guro at Punong-guro ng CDE sa:http://www.cde.ca.gov/nclb/sr/tq/.

Tandaan: Ang mga paaralan na mataas ang bilang ng mahihirap na estudyante ay maaaring maglaan ng 40 porsiyento o higit pa ng mga estudyante na makakatanggap ng libre o murang pagkain sa paaralan.

10. Pagtalaga ng mga GuroTumatanggap lamang ang New Haven Unified School Districts ng mga pinakakwalipiladong mga guro. Pinapakita ng tsart na ito ang impormasyon tungkol sa kwalipikasyon ng mga guro.

Ang Teacher Misassignments ay ang bilang ng mga pagtatalaga sa loob ng paaralan kung saan ang mga sertipikadong empleyado na nasa posisyon ng pagtuturo at iba pang serbisyo (kasama na ang mga posisyon ng mga nagtuturo ng mga estudyanteng nag-aaral ng Ingles) ay walang legal na sertipiko o kwalipikasyon. Ang Teacher Vacancies naman ay ang bilang ng mga posisyon kung saan wala ni isang sertipikadong empleyado ang naitatalaga sa simula ng taon at maging sa loob ng buong taon.

Tanda: Ang ibig sabihin ng “Misassignments” ay ang bilang ng mga posisyon na ginagampanan ng mga guro na walang legal na awtorisasyon na turuan ang nasabing baiting, asignatura, grupo ng mag-aaral, etc.

12. Mga Pasilidad ng Paaralan at KaligtasanItinayo ang Alvarado Elementary School noong 1959 at ito ay binubuo ng 45 na silid-aralan, isang multi-purpose room, isang portable media center, isang gusali para sa mga serbisyo ng paaralan at isang gusali ng administrasyon.

Isa sa mga pangunahing tungkulin ng Alvarado Elementary ay ang masigurado ang kaligtasan ng mga estudyante at empleyado. Ang paaralan ay patuloy na sumusunod sa lahat ng batas, patakaran, at alituntunin ukol sa mga mapanganib na kagamitan at mga pamantayan ng estado para sa lindol. Ang School Site Safety Plan ay huling sinuri at binago noong Agosto 2013 ng Komite para sa Kaligtasan sa Paaralan. Ang lahat ng pagbabagong ito ay pinaalam sa lahat ng empleyado maging klasipikado o sertipikado. Ang plano sa paghahanda ng paaralan laban sa mga sakuna ay may mga hakbang upang masigurado ang kaligtasan ng mga estudyante at empleyado kung may sakuna man na dumating. Nagsasagawa ng Fire at Disaster drill buwan-buwan. Nagsasagawa naman ng Lockdown drill kung kinakailangan lamang. Binabantayang mabuti ng mga guro at ng punong-guro ang mga estudyante bago at pagkatapos ng klase. Mayroon din mga tauhan na nagbabantay sa mga bata tuwing tanghalian at recess. Mayroon nakatalagang lugar para sa paghahatid at pagsusundo ng mga estudyante. Ang lahat ng mga bisita sa paaralan ay kinakailangan magrehistro sa opisina o main office at magsuot ng palatandaan o badge habang nasa paaralan.

Proseso ng PaglilinisAraw-araw na nakikipagugnayan ang punong-guro sa mga tagalinis upang masigurado ang wastong paglilinis upang maging malinis at ligtas ang paaralan. Ang district governing board ay gumawa ng mga pamantayan sa kalinisan para sa lahat ng paaralan sa distrito. Ang buod ng mga pamantayan na ito ay makikita sa opisina ng distrito para masuri.

Pagpapanatili at PagkukumpuniSinisigurado ng mga kawani sa pagpapanatili o maintenace staff ng distrito na natatapos agad ang mga kailangan kumpunihin para mapanatili ang pagkakaroon ng paaralan ng tinatawag na good repair at work order. Ang proseso ng work order ay ginagamit upang masigurado na ang mga serbisyo ay episyente at binibigyan ng pinakamataas na prayoridad ang mga kailangan kumpunihin ng biglaan o emergency repairs. Noong ito ay nilathala 100% ng lahat ng mga banyo ay nasa

Takbo ng Talaan (Rehistrasyon) Ayon sa Baitang2011-12 2012-13 2013-14

Kinder 140 128 144

Una 159 163 150

Ikalawa 149 153 159

Ikatlo 144 149 153

Ika-apat 133 146 165

Ikalima 139 142 151

Mga Gurong Alinsunod sa NCLB% ng mga Kursong Buod na Tinuturo

Alinsunod sa NCLB

% ng mga Kursong Buod na di

Tinuturo Alinsunod sa NCLB

Paaralan 100.0% 0.0%

Distrito 98.9% 1.1%

Mga Paaralang Mataas ang Karalitaan sa Distrito 98.7% 1.3%

Mga Paaralang Mababa ang Karalitaan sa Distrito 99.6% 0.4%

Kalagayan ng Lisensya ng GuroPaaralan Distrito

12-13 13-14 14-15 14-15

Lisensyado 38 38 36 464

Kulang sa Katibayan o Lisensya 0 0 0 8

Gumagawa sa Labas ng Pinag-aaralan 0 0 0 8

Pagkakamali sa Pagtatalaga/Mga Bakanteng Posisyon12-13 13-14 14-15

Maling Pagtalaga ng Guro ng mga Mag-aaral ng Ingles 0 0 0

Maling Pagtalaga ng Guro (Iba) 0 0 0

Suma ng Maling Pagtalaga ng mga Guro 0 0 0

Bakanteng Posisyon sa Pagtuturo 0 0 0

Page 3: Mababang Paaralan ng Alvarado

3Mababang Paaralan ng Alvarado Nailathala noong: Enero 2015

maayos na kondisyon. Habang sinusuri ninyo ang ulat na ito, dapat alalahanin na kahit mga maliliit na mga pagkakaiba ay iniuulat habang nagaganap ang proseso ng inspeksyon. Ang mga aytem na nakasulat sa talaan ay naayos na o kung hindi man ay nasa proseso na ng pagkukumpuni.

Mga Ipinagpaliban na Pondo para sa PagpapanatiliNakikilahok ang distrito sa State School Deferred Maintenance Program, na nagbibigay ng pondo sa tinatawag na dollar-for-dollar basis, upang matulungan ang mga distrito ng mga paaralan ng magagamit na pera para sa mga malalaking kukumpunihin at pagbabago ng mga bahagi ng mga gusali ng paaralan. Ito ay karaniwang binubuo ng mga bubong, mga tubo ng tubig, mga pampainit, mga sistema ng kuryente, panloob o

panlabas na pintura, at mga sahig.

Mga Gamit sa Pagtuturo (Taon ng Paaralan 2014-15)Nagsagawa ng pampublikong pagdinig ang New Haven Unified School District noong ika-16 ng Oktubre, 2013, at napagpasyahan na ang bawat paaralan sa loob ng Distrito ay may sapat at dekalidad na mga aklat, gamit sa pagtuturo, o mga kagamitan sa Science lab ayon sa kasunduang Williams vs. State of California. Lahat ng estudyante, kasama na rin ang mga nag-aaral ng Ingles, ay binibigyan ng kanya kanyang aklat o ibang gamit sa pag-aaral na naaayon sa pamantayan, o parehas, para sa mga mahahalagang asignatura o core subjects upang magamit ito sa loob ng silid-aralan at sa bahay. Ang mga aklat at iba pang kagamitan ay may sinusunod na cycle na ginawa ng Departamento ng Edukasyon ng Estado, upang masigurado na ang mga aklat na ginagamit sa paaralan ay ang pinakabagong edisyon. Ang mga kagamitan na naaprubahan ng estado ay sinusuri ng lahat ng mga guro at ang isang komite ng pinagsamang mga guro at mga administrador ay gumagawa ng rekomendasyon para sa School Board. Lahat ng mga kagamitan na nirerekomenda ay nasa opisina ng distrito at maaari itong suriin ng mga magulang. Pinapakita sa talaan ang mga impormasyon tungkol sa kalidad, pagiging bago, at pagkakaroon ng mga aklat na naaayon sa pamantayan ng estado at ng iba pang mga kagamitan sa pagtuturo na kasalukuyang ginagamit ng paaralan, simula Novyembre 2013.

13. B. Mga Resulta ng Pag-aaral ng mga Estudyante14. Priyoridad Pang-estado: Mga Nakamtan ng mga EstudyanteNakasaad sa SARC ang mga sumusunod na impormasyon na may kaugnayan sa Priyoridad Pang-estado ukol sa mga Nakamtan ng mga Estudyante (Priyoridad 4):

• Pang-estadong pagsusuri o Statewide Assessments (halimbawa, California Assessment of Student Performance and Progress at ang naunang uri ng pagsusuri na Standardized Testing and Reporting Program);

• Ang indeks ng akademikong pagganap; atAng porsyento ng mga estudyante na nagtagumpay sa pagkumpleto ng kanilang mga kurso na sang-ayon sa mga kinakailangan upang makapasok sa Unibersidad ng

California at sa Pang-estadong Unibersidad ng California, o mga programa ng pag-aaral para sa karerang pang-teknikal na edukasyon.

16. Mga Resulta ng California Assessment of Student Performance at ng Progress/Standardized Testing and Reporting Inawtorisahan ng California EC Seksyon 60640 ang pagpalit ng lumang programa na Standardized Testing and Reporting (STAR) kapalit ng bagong programa ng pagsusuri na tinatawag na CAASPP. Noong ika-7 ng Marso, 2014, inaprobahan ng Departamento ng Edukasyon ng U.S. (ED) ang weyber rekwest for fleksibiliti ng California sa mga probisyon tungkol sa pagsusuri at pananagutan ayon sa Title I ng Batas ng Edukasyon Pang-elementarya at Pang-sekondarya (ESEA). Kasali sa mga pagsusuri pang-siyensiya ay ang California Standards Tests (CSTs), California Modified Assessment (CMA), at ang California Alternate Performance Assessment (CAPA).

Makikita sa unang talahanayan ang porsiyento ng mga estudyante na nakakamit ng Profisyent o Adbans na antas (nakamtan o nahigitan ang mga pamantayan ng estado) sa siyensiya (para sa mga grade 5, 8, at 10), para sa huling tatlong taon.

Kalagayan ng Paaralan at Kagamitan Petsa ng Pinakahuling Inspeksyon: 03/13/2014

Pangkalahatang Kondisyon ng mga Pasilidad ng Paaralan: Napakahusay

Mga Aytem na Sinuri Istatus ng Component System ng mga Pasilidad

Mga Pagkukulang at mga Pagtutuwid

na Ginawa o BinalakMahusay Katamtamang

HusayHindi

Mahusay

Mga Sistema (Sumisingaw na Gas, Mech/HVAC, Poso Negro)

X

Panloob X

Kalinisan (Pangkalahatang Kalinisan, Infestasyon ng mga Peste)

X

Elektrikal X

Mga Banyo at Inuman X

Kaligtasan (Kaligtasan sa Sunog, Mga Mapanganib na Materyal)

X

Mga Straktura (Mga Sira sa Straktura, Mga Bubong) X

Panlabas (Paligid, Mga Bintana, Mga Pintuan, Mga Pasukan, Mga Bakod)

X

Mga Araling-aklat na Kinabig ng Distrito

Mga Baitang Paksang Aralin Tagalathala

Taon ng Pagkabig

(Pagsimula)Sapat %

Kulang

K-5 Agham MacMillan/ McGraw Hill 2008 Oo 0.0%

K-5 Kasaysayan/Agham Panlipunan

Harcourt School Publishers 2006 Oo 0.0%

K-5 Matematikas Houghton Mifflin 2009 Oo 0.0%

K-5 Matematikas Scott Foresman 2001 Oo 0.0%

K-5 Wikang Ingles / Sining Pangwika Houghton Mifflin 2002 Oo 0.0%

Mga Resulta ng California Assessment of Student Performance at ng ProgressPaksang Aralin Paaralan Distrito Estado

2012 2013 2014 2012 2013 2014 2012 2013 2014

Agham 81 64 63 62 60 60 60 59 60

Page 4: Mababang Paaralan ng Alvarado

4Mababang Paaralan ng Alvarado Nailathala noong: Enero 2015

Makikita sa ikalawang talahanayan ang porsyento ng mga estudyante, ayon sa grupo, na nakakamit ng Profisyent o Adbans na antas (nakamtan o nahigitan ang mga pamantayan ng estado) para sa pinakahuling pagsusuri.

17. Ang California Standards TestAng California Standards Test (CST), isang bahagi ng Programang STAR, ay binibigay sa lahat ng estuyante tuwing pagsibol o spring upang malaman kung ang kanilang performans ay kapantay ng mga State Content Standard o mga pamantayan na binigay ng Estado. Ang mga marka ng estudyante ay inuulat ayon sa antas ng performans o performance levels: Advanced (kung mas mataas ito sa pamantayan ng estado), Proficient (kung kapantay nito ang pamantayan), Basic (kung malapit nang maabot ang pamantayan, Below Basic (kung mas mababa ito sa pamantayan, at Far Below Basic (kung napakababa nito kumpara sa pamantayan).

Ang unang talaan ay nagpapakita ng porsiyento ng mga estudyante na nakabilang sa Proficient o Advanced na antas (kung kapantay o mas mataas ang kanilang marka sa pamantayan ng estado) sa English/Language Arts, Mathematics, Social Sciences, at Science, para sa pinakahuling tatlong taon.

Ang pangalawang talaan ay nagpapakita ng porsiyento ng estudyanye, ayon sa grupo, na nabibilang sa Proficient o sa Advanced na antas (kung naabot o mas mataas ang kanilang marka sa pamantayan ng estado) para sa pinakahuling ginawang pagsubok o most recent testing period.

Para sa mas detalyadong impormasyon tungkol sa mga resulta ng Programang STAR para sa bawat baitang o grade at antas ng performans, kasama na ang porsiyento ng mga estudyante na hindi nabigyan ng pagsubok o test, tingnan sa CDE STAR Results Website sa http://star.cde.ca.gov.

TANDA: Ang pinakahuling CST ay naganap noong 2012-2013.

Ang California Standards Test (CST)Paksang Aralin Paaralan Distrito Estado

2011 2012 2013 2011 2012 2013 2011 2012 2013

Wikang Ingles / Sining Pangwika 59 62 53 54 55 54 54 56 55

Matematikas 72 73 62 45 44 42 49 50 50

Agham 83 84 64 60 62 60 57 60 59

Kasaysayan/Agham Panlipunan * * * 43 40 42 48 49 49

*Ang mga puntos ay hindi pinapaalam kung mababa sa sampung estudyante ang sinuri sa isang baitang o grupo.

Mga Resulta ng California Assessment of Student Performance at ng Progress/

Standardized Testing and ReportingMga Lupong Pangalawang Antas

Paksang Aralin Agham

Distrito 60

Paaralan 63

Amerikanong Indyan *

Asyano 62

Afrikanong Amerikano/ Itim 67

Pilipino 61

Kastila 58

Mga Taga-Isla ng Pasipiko *

Puti *

Mga Lalaki 53

Mga Babae 75

Gipit (Mahirap ang Kabuhayan) 57

Mga Mag-aaral ng Wikang Ingles 29

Mga Estudyante na may Kapansanan *

Edukasyon ng mga Dayo *

Dalawa o Higit pa *

*Ang mga puntos ay hindi pinapaalam kung mababa sa sampung estudyante ang sinuri sa

isang baitang o grupo.

Page 5: Mababang Paaralan ng Alvarado

5Mababang Paaralan ng Alvarado Nailathala noong: Enero 2015

15. Indeks ng Akademik Performans (API)Ang Academic Performance Index ay sukat mula sa hanay na 200 hanggang 1,000. Ito ay taunang sukat ng galing at pag-unlad ng bawat paaralan sa California. Pansamantala, itinakda ng California ang talang 800 bilang layunin ng mga paaralan.

Hanayan sa Buong Estado: Ang API Base score ng mga paaralan ay hinahanay sa sampung kategorya na magasinlaki (deciles) mula 1 (pinakamababa) hanggang 10 (pinakamataas), at ayon sa uri ng paaralan (mababanga paaralan, panggitnang paaralan, o mataas na paaralan).

Hanayan ng Magkasin-uri na mga Paaralan: May hanay din ang mga paaralan na naghahambing sa 100 ibang mga paaralan na may kahambing na demographic characteristics. Ang bawat lupon ng 100 na paaralan ay hinahanay ayon sa API score mula mula 1 (pinakamababa) hanggang 10 (pinakamataas) upang malaman kung gaano kagaling ang nagawa ng paaralan kung ihambing sa magkasintulad na paaralan.

Ang unang talaan ay nagpapakita ng mga ranggo ng API ng paaralan at ang aktwal na pagbabago sa mga puntos ng API o actual API point changes ayon sa grupo ng mga estudyante para sa huling tatlong taon. Pinapakita ng ikalawang talaan, ayon sa grupo ng estudyante, ang pinakabagong Growth API sa paaralan, distrito, at estado.

Tanda: Para sa 2014 at susunod na mga taon, ang mga pang-estado at kaparehas na ranggo para sa mga paaralan ay hindi na ilalahad.

18. Priyoridad Pang-estado:: Iba pang Resulta ng mga EstudyanteNakasaad sa SARC ang mga sumusunod na impormasyon na may kaugnayan sa Priyoridad Pang-estado para sa ibang pang mga Resulta ng mga Estudyante:

• Resulta ng mga estudyante sa mga asignaturang Ingles, Matematika, at edukasyon pampisikal.

19. Kaankupang Pampisikal (Taon ng Paaralan 2013-14)Tuwing Pagsibol o Spring, inuutusan ng estado ang Alvarado Elementary School na magsagawa ng physical fitness test para sa lahat ng estudyante ika-limang baitang o grade five. Ang physical fitness test ay isang pagsubok na ginagawa ng lahat ng paaralan upang masubaybayan ang pag-unlad ng mataas na kalidad ng programang pangkalusugan at tulungan ang mga mag-aaral na mapanatili ang pisikal na gawain bilang bahagi ng kanilang pang-araw araw na buhay. Ang mga resulta ng performans ng mga estudyante ay ikinukumpara sa ibang estudyante sa buong estado na kumuha ng parehas na pagsubok.

20. C. Pakikibahagi21. Priyoridad Pang-estado: Pakikibahagi ng mga MagulangNakasaad sa SARC ang mga sumusunod na impormasyon na may kaugnayan sa Priyoridad Pang-estado ukol sa Pakikibahagi ng mga Magulang (Priyoridad 3):

• Ang mga pagsisikap ng distrito ng paaralan na hingian ng opinyon ang mga magulang sa tuwing may pinagdedesiyonan ito at ang iba’t ibang paaralan.

22. Pagsali ng MagulangNapakalaking benepisyo ang natatanggap ng Alvarado Elementary School mula sa mga matulungin na mga magulang na nagboboluntaryo sa paaralan, sa silid-aralan, o mga nakikibahagi sa mga iba’t ibang aktibiti at mga kaganapan sa eskwelahan. Hinihikayat ang mga magulang na makilahok sa Parent Teacher Club at mga pulong o meeting ng School Site Council.

23. Impormasyong Pang-ugnayAng mga magulang o mga miyembro ng komunidad na nais makilahok sa mga koponan ng mga pinuno o leadership teams, mga komite ng paaralan, mga gawain sa paaralan, maging boluntaryo ay maaaring tumawag kay Punong-guro Marcus Lam sa numerong (510) 471-1039.

24. Priyoridad Pang-estado: Klima ng PaaralanNakasaad sa SARC ang mga sumusunod na impormasyon na may kaugnayan sa Priyoridad Pang-estado ukol sa Klima ng Paaralan (Priyoridad 6):

• Porsyento ng mga estudyante na nasuspinde;• Porsyento ng mga estudyante na pinaalis; at • Iba pang pamamaraan ng pagpapatatag ng kaligtasan.

Resulta ng mga Paaralang API2011 2012 2013

Buong Estado 7 7 6

Mga Katulad na Mga Paaralan 8 7 2

Lupon 10-11 11-12 12-13Lahat ng Estudyante sa Paaralan

Aktwal na Pagbabago ng API 17 2 -45

Asyano

Aktwal na Pagbabago ng API 23 -19 -6

Pilipino

Aktwal na Pagbabago ng API 11 -8 -35

Hispaniko o Latino

Aktwal na Pagbabago ng API 19 30 -105

Gipit (Mahirap ang Kabuhayan)

Aktwal na Pagbabago ng API 26 4 -47

Mga Mag-aaral ng Wikang Ingles

Aktwal na Pagbabago ng API 9 -10 -44

Porsiyento ng mga Mag-aaral na Malusog2013-14

Antas ng GradoApat sa Anim na

Pamantayan

Lima sa Anim na

Pamantayan

Anim sa Anim na

Pamantayan

5 43.0% - -

*Ang mga puntos ay hindi pinapaalam kung mababa sa sampung estudyante ang sinuri sa isang baitang o grupo.

Page 6: Mababang Paaralan ng Alvarado

6Mababang Paaralan ng Alvarado Nailathala noong: Enero 2015

25. Disiplina at Kapaligiran ng Pag-aaralAng mga estudyante ng Alvarado Elementary School ay ginagabayan ng batas at mga inaasahan sa silid-aralan na nagtataguyod ng respeto, kooperasyon, paggalang at pagtanggap sa kapwa tao. Nagtatag ang paaralan ng Conflict Management Program, na may 20 na kalahok na naglilingkod bilang tagapagbantay sa mga palaruan o playground tuwing reses o tanghalian. Ang layunin ng programang pang-disiplina ay upang patatagin ang responsibilidad panlipunan at paunlarin ang pagkakaroon ng integridad. Ipinapaalam namin ang mga batas ng paaralan at mga patakaran pang-disiplina sa pamamagitan ng pagpapadala ng Student Handbook sa kani-kanilang tahanan sa simula ng taon o school year.

Makikita sa talaan ang bilang ng mga suspensyon at ekspalsyon sa paaralan at sa distrito, pati na rin ang porsyento ng kabuuang enrolment (bilang ng mga estudyanteng nasuspinde hinati sa kabuuang enrolment). Nangyayari lang ang ekspalsyon kapag kinakailangan ayon sa batas o wala nang iba pang paraan na maaring gawin.

Ang sumusunod ay ang mga porsiyento ng mga suspensyon sa buong estado para sa nakaraang tatlong taon:

2011-12: 5.7%2012-13: 5.1%2013-14: 4.4%

Ang porsyento ng ekspalsyon sa buong estado ay 0.1% bawat taon nang nakaraang tatlong taon.

27. D. Iba pang Impormasyon Tungkol sa SARCAng mga sumusunod na impormasyon ay kinakailangan ilahad sa SARC ngunit hindi kasama sa mga priyoridad ng estado para sa LCFF.

28. Ang Federal Intervention Program (Taon ng Paaralan 2013-14)Ang mga paaralan at distritong tumatanggap ng pondong pederal na Title I ay isasali sa Program Improvement (PI) pag di maabot ang AYP sa loob ng dalawang magkasunod na taon sa katulad na paksang-aralin (Wikang Ingles/Singing Pangwika o Matematikas) o katulad na batayan (API or graduation rate). Pagkatapos pumasok sa PI, ang mga paaralan at distrito ay susulong sa susunod na antas ng pagtulong bawat taond di maabot ang AYP. Para sa detalyadong impormasyon tungkol sa identipikasyon ng PI, tignan ang pahina ng Determinasyon ng Katayuan ng CDE PI: http://www.cde.ca.gov/ta/ac/ay/tidetermine.asp.

29. Pamumuno ng PaaralanAng pamumuno sa Alvarado Elementary School ay isang responsibilidad na pinaghahatian ng administrasyon ng distrito, ng punong-guro, ng mga guro, ng mga mag-aaral, at ng mga magulang. Binibigyan ng diin ng distrito ang balansyado at mahigpit na core curriculum para sa lahat ng baitang o grade level. Ang mga programa sa pagtururo ay naaayon sa mga pamantayan ng estado at ng distrito. Ang mga tungkulin ng pinuno ng paaralan ay ginampanan ni Punong-guro Marcus Lam.

Nakikilahok ang mga empleyado, mga guro at mga magulang sa iba’t ibang komite na gumagawa ng mga desisyon tungkol sa mga dapat unahin at direksyon ng plano ng edukasyon upang masigurado na ang mga programa ng pagtuturo ay alinsunod sa mga pangangailangan ng mga estudyante at sumusunod sa mga layunin ng distrito. Ang mga samahan na namumuno ay ang mga sumusunod:

• Instructional Leadership Team (ILT)• School Site Council (SSC)• Parent Teacher Club (PTC)

30. Laki ng mga KlaseIpinapakita sa talaan ang karaniwan na laki ng klase ayon sa baitang o grade level, pati na rin ang bilang ng mga klase na inaalok na may kinalaman sa kanilang enrolment.

Pansamantalang Pagpahinto at PagpapatalsikPaaralan Distrito

11-12 12-13 13-14 11-12 12-13 13-14

Pansamantalang Pagpahinto 2 14 4 1087 888 594

Talaan ng mga Pansamantalang Pinahinto 0.2% 1.6% 0.4% 8.4% 6.9% 4.7%

Mga Pagkaltas/Pagbagsak 0 1 0 18 29 21

Sukat ng Pagkaltas/pagbagsak 0.0% 0.1% 0.0% 0.1% 0.2% 0.2%

Kalaganapan ng Kalakhan ng KlaseMga Silid-paaralang May

Average Kalakhan ng Klase

1-20 Mga Mag-aaral

21-32 Mga Mag-aaral

33+ Mga Mag-aaral

12 13 14 12 13 14 12 13 14 12 13 14

Ayon sa Antas ng Grado

Kinder 27 21 24 - 2 1 6 4 5 - - -

1 24 23 21 1 2 2 6 5 5 - - -

2 24 22 27 - 2 1 6 5 5 - - -

3 28 21 26 - 3 1 5 4 5 - - -

4 33 21 29 - 3 1 - 3 2 4 1 3

5 35 28 22 - 1 2 - - 5 4 4 -

Programang Pantulong ng Pamahalaang PederalPaaralan Distrito

Kalagayan Kainaman ng Programa Sa PI Sa PI

Unang Taon sa PI 2010-2011 2010-2011

Taon sa PI (2013-14) Taon 4 Taon 3

# ng mga Paaralang Kasalukuyang nasa PI - 6

Porsiyento ng mga Paaralang Isasali sa PI - 85.7%

Page 7: Mababang Paaralan ng Alvarado

7Mababang Paaralan ng Alvarado Nailathala noong: Enero 2015

31. Iba pang Internet Access/Pampublikong LibraryPara sa karagdagang materyal para sa pagsusuri at kung nais gumamit ng Internet, hinihikayat ang mga estudyante na pumunta sa mga pampublikong aklatan o laybrari na mahahanap sa iba’t ibang lokasyon sa loob ng Alameda County, kung saan maraming mga kompyuter worksteysyon. Para sa impormasyon tungkol sa oras nga pagbubukas o pagsasara at sa lokasyon ng mga library, maaaring bisitahin ang http://www.aclibrary.org/.

32. Pagpapaunlad ng mga EmpleyadoPatuloy na hinahasa ng mga guro at empleyado ang kani-kanilang galing at kaalaman sa pagtuturo sa pamamagitan ng paglahok sa maraming konferens at mga worksyap na isinasagawa sa buong taon, tapos ibinabahagi nila ang kanilang mga karanasan at karunungan sa kanilang mga kapwa guro at empleyado sa distrito. Ang distrito nakatuon dalawang araw sa mga kawani-unlad taun-taon para sa nakaraang dalawang taon at hindi magkakaroon ng anumang distrito naka-sponsor na mga tauhan araw-unlad sa 2012-13 taon ng paaralan.

33. Mga Empleyado na Tagapayo at TagasuportaLayunin ng Alvarado Elementary School na tulungan ang mga estudyante na umunlad ang kanilang pakikipagkapwa-tao at personalidad pati na rin ang kanilang karunungan. Binibigyan ng espesyal na atensyon ng paaralan ang mga estudyante na nakakaranas ng problema sa pag-aaral, nahihirapan dahil sa mga problemang personal at pampamilya, nahihirapan sa paggawa ng desisyon, at ang mga nahihirapan dahil sa pagpipilit ng mga kaibigan o peer pressure. Walang academic counselor ang aming paaralan. Nakalista sa talaang ito ang mga empleyado o support service personnel ng Alvarado Elementary School.

34. Pagbibigay ng Karangalan sa Estudyante at Mga Ekstrakurikular na GawainHinihikayat namin ang mga estudyante na makilahok sa mga karagdagang akademik at ekstrakurikular na gawain sa paaralan, dahil ang mga ito ay mahalagang bahagi ng programa ng edukasyon. Ang mga insentibong ito na binibigay sa buong eskwelahan at sa loob ng mga silid-aralan ay nagtataguyod ng positibong atitud, naghihikayat ng tagumpay, at tumutulong sa pag-iwas sa pagkakaroon ng mga problema sa pag-uugali. Kabilang sa mga ko-kurikular na gawain ang Bike Club, Color Guard, Dance o Sayaw, Conflict Manager o Tagapagbantay, Choir o Mga Mang-aawit, at mga Recorders o Tagapag-tala.

Kinikalala at ipinagdidiwang ng Mababang Paaralan ng Alvarado ang mga tagumpay ng kanilang mga estudyante at mga empleyado. Binibigyan nito ng karangalan ang mga estudyante at empleyado na may Perpektong Atendans, Mabuting Pagkamamamayan, pati na rin ang mga Karangalang Mag-aaral ng Linggo at Mag-aaral ng Buwan.

35. Mga Pinagkunan ng DatosAng mga datos na nasa SARC ay nanggaling sa New Haven Unified School District, na nakuha galing sa templeyt ng 2012-13 SARC, na mahahanap sa Dataquest (http://data1.cde.ca.gov/dataquest), at/o sa website ng Ed-Data.

Ang Dataquest ay isang search engine, na pinapanatili ng Departmento ng Edukasyon ng California o California Department of Education (CDE), kung saan maaaring mahanap ng publiko ang mga impormasyon tungkol sa mga eskwelahan at mga distrito sa buong estado. Kabilang sa mga datos na mahahanap dito ng mga magulang, at ng komunidad ay mga impormasyon tungkol sa performans ng paaralan, mga marka sa mga pagsubok o test, demograpiko ng mga estudyante o student demographics, mga empleyado at pagkuha ng empleyad o staffing, at mga paglabag na ginawa ng mga estudyante/kaukulang aksyon o student misconduct/intervention. Ang Ed-Data naman ay isang samahan ng CDE, EdSource, at ng Fiscal Crisis and Management Assistance Team (FCMAT) na nagbibigay ng ekstensibong impormasyon tungkol sa pinansiyal, demograpiko at performans ng mga pampublikong paaralan pandistrito at paaralan simula kindergarten hanggang ikalabing-dalawang baiting o grade twelve ng California.

37. Sahod ng mga Guro sa Paaralan (Taon Pampiskal 2011-12)Makikita sa talaan na ito ang karaniwang sahod ng mga guro sa paaralan, at inihahambing ito sa karaniwang sahod ng guro sa distrito at sa estado.

Average na Sahod ng mga GuroPaaralan at Purok

Paaralan $80,539

Distrito $81,433

Porsiyento ng Pagkakaiba -1.1%

Paaralan at Estado

Lahat ng Distrito ng mga Paaralang Ugnayan $69,360

Porsiyento ng Pagkakaiba 16.1%

Kawaning Tagapayo at Tagatulong

Bilang ng mga Kawani

Katumbas na Buong

Oras

Tagapamahala o Guro ng Aklatan 1 1.0

Dalubhasa sa Sikolohiya 1 0.5

Guro ng Resource Specialist Program (RSP)

Dalubhasa sa Pagsalita/Wika/Pandinig 2 1.5

Page 8: Mababang Paaralan ng Alvarado

8Mababang Paaralan ng Alvarado Nailathala noong: Enero 2015

36. Sahod ng mga Guro at Pangasiwaan (Taon Pampiskal 2011-12)Pinapakita ng talaang ito ang mga pang-distritong sweldo ng mga guro, mga punong-guro, mga superintendent, at inihahambing nito ang mga numero na ayon sa estado ay ang karaniwang sweldo sa ibang distrito na may kaparehas na uri at laki. Pinapakita rin ng talaan ang mga sweldo ng mga guro at ng mga taga-administratibo bilang porsiyento ng pondo ng distrito, at inihahambing ito sa mga numero na ayon sa estado ay ang karaniwang sweldo sa ibang distrito na may kaparehas na uri at laki. Maaaring makita sa website ng CDE ang detalyadong impormasyon ukol sa mga sweldo.

38. Distrito Pinagmumulan ng Kita (Taon Pampiskal 2012-13)Kasalukuyang tumatanggap ng pondo ang New Haven Unified School District para sa mga sumusunod na kategorikal, edukasyon para sa mga may kapansanan o special education, at programang pang-suporta o support program maliban sa karaniwang natatanggap na pondo mula sa estado:

• Titulo I• Titulo II• Titulo III• Programa sa Pagpapaunlad ng Lenggwaheng Ingles (ELAP)• Tulong para sa Estudyante Nahihirapan sa Pag-aaral at Estudyanteng Baylingwal (EIA)

39. Gastusin ng Distrito (Taon ng Paaralan 2011-12)Ipinapakita ng tsart na ito ang paghahambing ng mga mga pondo ng paaralan sa bawat mag-aaral (mula sa restriktado at hindi restriktadong pinanggalingan ng pondo) ayon sa (hindi restriktadong) pinanggalingan ng pondo ng Distrito at ng Estado.

Ang Karagdagan/Restriktadong gastusin ay galing sa pera na kontrolado ng batas o ng donor. Ang pera na iniliaan ng distrito o ng mga namamahala sa bord para sa mga partikular na layunin ay hindi itinuturing na restriktado. Ang Pangunahin/Hindi Restriktadong gastusin, maliban sa pangkalahatang alituntunin, ay hindi kontrolado ng batas o ng donor.

Para sa mas detalyadong impormasyon sa gastusin ng paaralan para sa lahat ng distrito ng California, tignan ang pahina ng Kasalukuyang Gastusin ng Edukasyon at Gastusin sa Bawa’t Mag-aaral ng CDE sa http://www.cde.ca.gov/ds/fd/ec/. Para sa impormasyon tungkol sa sweldo ng mga guro sa bawat distrito ng California, tignan ang pahina ng Sweldo at Benepisyo ng mga Sertipikadong Empleyado ng CDE sa http://www.cde.ca.gov/ds/fd/cs/. Upang mahanap ang mga gastusin at sweldo para sa partikular na distrito ng mga paaralan, tignan ang Web sayt ng Ed-Data sa: http://www.ed-data.org.

Impormasyon Tungkol sa Average na SahodMga Guro – Mga Punong-guro – Mga Pinunong-Guro

2012-13 Distrito Estado

Mga Gurong Baguhan $45,834 $41,318

Mga Gurong Nasa Kalagitnaan $77,629 $65,615

Pinakamataas na mga Guro $99,897 $84,981

Mga Punong- guro ng mga Paaralang Pang-elementarya $113,817 $107,624

Mga Punong-Guro ng Pangitnang Paaralan $119,177 $112,817

Mga Punong-guro ng Mataas na Paaralan $148,533 $121,455

Pinunong-Guro $212,613 $206,292

Mga Sahod bilang Porsiyento ng Pangkalahatang Badyet

Sahod ng mga Guro 49.0% 40.0%

Sahod Pampangasiwaan 6.0% 5.0%

Gugol sa Bawat Mag-aaralPaaralan

Suma ng Gugol Bawat Mag-aaral $7,747

Kinuha sa Karagdagan/Restriktado na Pinagmulan $3,085

Kinuha sa Pangunahin/Hindi Restriktado na Pinagmulan $4,652

Distrito

Kinuha sa Pangunahin/Hindi Restriktado na Pinagmulan $5,109

Porsiyento ng Pagkakaiba ng mga Paaralan at Purok -8.9%

Estado

Kinuha sa Pangunahin/Hindi Restriktado na Pinagmulan $4,690

Porsiyento ng Pagkakaiba ng mga Paaralan at Estado -0.8%