10
F I L I P I N O 5 Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA) Distance Education for Elementary Schools SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS IBA’T-IBANG ASPEKTO NG PANDIWA/PAGSULAT NG BALITA Department of Education BUREAU OF ELEMENTARY EDUCATION 2nd Floor Bonifacio Building DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City

Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA ...€¦ · IBA’T-IBANG ASPEKTO NG PANDIWA/ PAGSULAT NG BALITA . May tatlong aspekto ng pandiwa . Alam kong napag-aralan mo

  • Upload
    others

  • View
    73

  • Download
    1

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA ...€¦ · IBA’T-IBANG ASPEKTO NG PANDIWA/ PAGSULAT NG BALITA . May tatlong aspekto ng pandiwa . Alam kong napag-aralan mo

F I L I P I N O

5

Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA)

Distance Education for Elementary Schools

SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS

IBA’T-IBANG ASPEKTO NG PANDIWA/PAGSULAT NG

BALITA

Department of Education

BUREAU OF ELEMENTARY EDUCATION 2nd Floor Bonifacio Building DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City

Page 2: Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA ...€¦ · IBA’T-IBANG ASPEKTO NG PANDIWA/ PAGSULAT NG BALITA . May tatlong aspekto ng pandiwa . Alam kong napag-aralan mo

Revised 2010 by the Learning Resource Management and Development System (LRMDS),

DepEd - Division of Negros Occidental under the Strengthening the Implementation of Basic Education

in Selected Provinces in the Visayas (STRIVE).

This edition has been revised with permission for online distribution through the Learning Resource Management Development System (LRMDS) Portal (http://lrmds.deped.gov.ph/) under Project STRIVE for BESRA, a project supported by AusAID.

Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides: “No copyright shall subsist in any work of the Government of the Republic of the Philippines. However, prior approval of the government agency or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit.” This material was originally produced by the Bureau of Elementary Education of the Department of Education, Republic of the Philippines.

Page 3: Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA ...€¦ · IBA’T-IBANG ASPEKTO NG PANDIWA/ PAGSULAT NG BALITA . May tatlong aspekto ng pandiwa . Alam kong napag-aralan mo

1

IBA’T-IBANG ASPEKTO NG PANDIWA/ PAGSULAT NG BALITA

May tatlong aspekto ng pandiwa Alam kong napag-aralan mo na ang mga ito. Pag-usapan nating muli bilang paghahanda sa mga susunod na aralin.

• Ang aspetong pangnagdaan ng pandiwa ay kilos o galaw na nangyari o naganap na. Hal. Si Ramon ay nagkasakit ng tuberculosis. • Ang aspektong pangkasalukuyan ng pandiwa ay kilos o galaw na nangyari o nagaganap. Hal. Siya ay nagpapagamot sa Ospital ng Maynila. • Ang aspektong panghinaharap ng pandiwa ay kilos o galaw na hindi pa nangyari o nagaganap. Hal. Iinom siya ng gamot at kakain ng masusustansyang pagkaing upang gumaling sa kanyang karamdaman. Subukin natin ang iyong kakayahan sa pagkilala ng mga pandiwa sa iba’t ibang aspekto.

Magandang araw, kaibigan! Narito an naman ako upang samahan ka sa iyong pag-aaral sa katapusan ng modyul na ito ay inaasahang: Nagagamit mo na ang mga pandiwa sa iba’t ibang aspekto nito. Nakasusulat ka na ng maikling balita tungkol sa pangyayaring nagaganap sa paligid.

Page 4: Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA ...€¦ · IBA’T-IBANG ASPEKTO NG PANDIWA/ PAGSULAT NG BALITA . May tatlong aspekto ng pandiwa . Alam kong napag-aralan mo

2

Basahinang mga pangungusap. Isulat sa iyong sagutang papel ang pandiwa at Isulat ang aspekto.

1. nagdulot ng malaking baha ang magdamag na ulan. 2. Lumutang sa tubig baha ang mga plastic at iba pang basura. 3. Ang mga kabahayan ay nalubog sa tubig ulan. 4. Ang mga sasakyan ay naiwan sa lansangan. 5. Itinutulak ng mga tao ang mga tumirik na sasakyan upang hindi makaabala sa ` lansangan. 6. Isinansakay sa bangka ang mga pangunahaing kakailanganin ng mga tao. 7. Isinasakay ang mga taong nalubong sa tubig-baha ang kanilang mga tahanan. 8. Ang pamahalaang-bayan ay maghahanap ng lugar na pagdadalhan sa mga tao. 9. Maghahandog ng tulong ang Red Cross. 10. Ang iba’t ibang organisasyon ay mangangalap ng pondo upang makatulong sa mga biktima. Pandiwa Aspekto 1. - 2. - 3. - 4. - 5. - 6. - 7. - 8. - 9. - 10. - Iwasto mo ang iyong mga sagot. Ganito ba ang sagot? Pandiwa Aspekto 1. nagdulot - pangnagdaan 2. lumutang - pangnagdaan 3. nalubog - pangnagdaan 4. naiwan - pangnagdaan 5. itinutulak - pangkasalukuyan 6. isinasakay - pangkasalukuyan 7. pagdadalhan - panghinaharap 8. maghahanap - panghinaharap 9. maghahandog - panghinaharap 10. mangangalap - panghinaharap

Page 5: Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA ...€¦ · IBA’T-IBANG ASPEKTO NG PANDIWA/ PAGSULAT NG BALITA . May tatlong aspekto ng pandiwa . Alam kong napag-aralan mo

3

Basahin Natin Ipagpatuloy mo ang iyong pag-aaral Ngayon ay handa ka na sa ating aralin. Basahin ang usapan. Sagutin ang mga sumusunod na tanong. 1. Ano ang nabasa ni Mon sa pahayagan? 2. Ano ang epekto ng malawakang pagputol ng mga puno? 3. Paano maiiwasan ang mga kalamidad na dulot nito? 4. Paano ka makatutulong sa pangangalaga ng kapaligiran?

Pangalagaan ang kapaligiran Julie: Mon, Nabalitaan mo ba na pinayagan muli ng DENR ang pagtotroso sa ibang lugar ng bansa? Mon: Nabasa ko nga sa isang kolum ng pahayagan . Kaya nga laganap na naman daw ang pagtotroso sa mga lugar na iyon. Julie : Libu-libong ektarya na naman ng kagubatang ang makakalbo. Mon: Hindi ba nila nauunawaan ang epekto ng pagpuputol ng puno sa kabundukan? Wala nang pipigil sa tubig na aagos mula sa mga kabundukan tuwing uulan. Aagos ang tubig sa mababang lugar at tiyak na babaha sa kapatagan. Julie: Maaaring mangyari sa atin ang naganap sa Quezon, Aurora at Nueva Ecija, di ba? Mon: Oo, at hindi lamang tubig ang darating sa atin. Maging putik at bato ay dadaloy sa ating pamayanan. Julie: Tama ka. Maiiwasan ito kung tayo ay magtutulungan. Mon: Sige, tutulong ako, Magtatanim ako ng mga punongkahoy. Julie: Tinutulungan ko si Tatay sa kanyang mga itatanim na puno. Dinidiligan ko ang mga ito araw-araw. Babakuran ni kuya ang mga ito. Mon: Mabuti yan, gagaya na ako sa iyo. Siguro gagaya na rin ang iba nating mga kamag-aral.

Page 6: Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA ...€¦ · IBA’T-IBANG ASPEKTO NG PANDIWA/ PAGSULAT NG BALITA . May tatlong aspekto ng pandiwa . Alam kong napag-aralan mo

4

Ganito ba ng iyong sagot? 1. Nabasa ni Mon na ibinalik na ng DENR ang pagtotroso sa ibang lugar sa bansa. 2. Ang malawakang pagputol ng puno ay nagdudulot ng pagbaha at pagdalo’y ng putik at bato sa mga mababang lugar. 3. Maiiwasan ang mga kalamidad na dulot ng pagbaha kung tayo ay tulong- tulong na magbabantay sa ating mga kabundukan. Ipagbawal ang pagputol ng mga puno. Magtanim ng mga batang puno. 4. Maraming paraan upang makatulong ka sa pangangalaga ng kapaligiran. maaari kang magkaroon ng iba pang sagot. a. magtanim ng mga punungkahoy. b. Itapon nang wasto ang basura. c. Panatilihing malinis ang paligid. d. Iwasan ang pagsusunog at pagsisiga. Pagpapahalaga Hindi lamang malawakang pagputol ng mga punungkahoy ang sanhi ng pagbaha. Paano ka makatutulong upang maiwasan ang mga kalamidad na dulot ng Kalikasan?

Basahin mong muli ang mga pangungusap na hango sa usapan. Pansinin ang mga pandiwang ginamit at ang aspekto ng mga ito.

1. “Nabalitaan mo ba na ibinalik na ng DENR ang pagtotroso sa ibang lugar sa bansa? 2. “Nabasa ko nga sa isang kolum sa pahayagan.” 3. “Libu-libong ektarya na naman ng kagubatan ang makakalbo.” 4. “Hindi ba nila nauunawaan na kapag ang mga puno sa kabundukan ay naputol, wala nang pipigil sa tubig na aagos mula sa mga kabundukan tuwing uulan.” 5. Aagos ang tubig sa mababang lugar sa kapatagan at tiyak na babaha.

Page 7: Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA ...€¦ · IBA’T-IBANG ASPEKTO NG PANDIWA/ PAGSULAT NG BALITA . May tatlong aspekto ng pandiwa . Alam kong napag-aralan mo

5

Itala sa iyong sagutang papel ang mga pandiwa at Isulat ang aspekto ng mga ito. Pandiwa Aspekto ____________________ _____________________ ____________________ _____________________ ____________________ _____________________ ____________________ _____________________ ____________________ _____________________ ____________________ _____________________ Maaari ba nating gamitin sa pagsasalaysay ang iba’t ibang aspekto ng pandiwa? Oo, tama ka! Ganito ba ang iyong sagot? Pandiwa Aspekto nabalitaan pangnagdaan ibinalik pangnagdaan nabasa pangnagdaan makakalbo panghinaharap nauunawaan pangnagdaan naputol pangnagdaan pipigil panghinaharap aagos panghinaharap uulan panghinaharap magtutungo panghinaharap Wasto bang lahat ang iyong sagot? Alam kong kayang-kaya mo ito. Bukod sa pagsasalaysay, magagamit ba natin ang iba’t ibang aspekto ng pandiwa sa pagsulat ng balita? Oo, maaari rin nating magamit ang mga ito, di ba? Masasabing sa pagsulat ng balita at pagsasalaysay, magagamit natin ang mga iba’t ibang aspekto ng pandiwa.

Page 8: Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA ...€¦ · IBA’T-IBANG ASPEKTO NG PANDIWA/ PAGSULAT NG BALITA . May tatlong aspekto ng pandiwa . Alam kong napag-aralan mo

6

Pagsasanay

Pera sa Basura Tingnan mo ngayon kung makakabuo ka ng mga pandiwa na iba’t ibang aspekto. Gamitin ang balangkas na ito upang magkaroon ng patnubay sa pagsulat maaari kang magdagdag ng iba pang kaisipang kaugnay sa paksa.

Patuloy na namumulot ng basura para may ikabuhay ang ilang residente ang Barangay Cyterus, San Jose Del Monte City, Bulacan sa ginawang dumpsite. Hindi naman alintana ng mga residente ang nakaambang panganib sa kanilang kalusugan.

Page 9: Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA ...€¦ · IBA’T-IBANG ASPEKTO NG PANDIWA/ PAGSULAT NG BALITA . May tatlong aspekto ng pandiwa . Alam kong napag-aralan mo

7

itinapon sa lansangan basurang pakikinabangan maaaring ipagbili karaniwang maganda nakikita at malinis na kapaligiran taong hindi nagmamalasakit mapapanatili natin ang kalinisan mapapanatili natin Isulat mo ang iyong talata sa iyong sagutang papel _________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________.

Pera sa Basura Bawat isa sa atin ay naghahangad na mamuhay sa isang maganda at malinis na kapaligiran. Makakamit natin ito kung tayo ay magtutulong-tulong magsinop ng ating mga basura. Ang mga basurang karaniwang nakikita sa mga lansangan ang nagpapapangit sa ating kapaligiran. AQlam mo ba na maaaring ipagbili ang mga basurang itinapon sa lansangan? Kung puputulin o itatabi ang mga basurang pakikinabangan pa, nakatutulong tayo sa pagpapanatili ng kalinisan na ating paligid. Bukod dito, maaari pang pagkakitaan ang mga basura.

Basura

Page 10: Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA ...€¦ · IBA’T-IBANG ASPEKTO NG PANDIWA/ PAGSULAT NG BALITA . May tatlong aspekto ng pandiwa . Alam kong napag-aralan mo

8

O, kid, nakasulat ka ba ng talata tulad ng aking isinulat? Ngayon handa ka na ba sa ating pangwakas sa gawain? Subukin ang sarili Tingnan ang larawan. Sumulat ng isang balita tungkol dito.

Dahil sa matinding init ng panahon, hindi na alintana ng mga batang ito ang masamang maaaring maidulot sa kanilang kalusugan ng maruming tubig sa Navotas.