10
Sa simula ay nilikha ng Diyos ang langit at ang lupa. Wala pa itong hugis at laman at nababalot ito ng dilim. Sinabi ng Diyos, “Magkaroon ng liwanag!” At agad ngang nagkaroon ng liwanag. Tinawag ng Diyos na “araw” ang mga oras na may liwanag at “gabi” naman ang mga oras na madilim. Ito ang unang araw sa bagong mundong nilikha ng Diyos. Nang sumunod na araw ay sinabi ng Diyos, “Magkaroon ng kalawakan.” At nagkaroon nga ng kalawakang humahati sa tubig na nasa itaas at sa tubig na nasa ibaba. Ito ang ikalawang araw. Nang sumunod na araw ay sinabi ng Diyos, “Magsama-sama ang lahat ng tubig upang lumitaw ang tuyong lupa.” Lumitaw nga ang tuyong lupa at nagkaroon ng mga lawa, ilog, at sapa. Sinabi ng Diyos, “Magkaroon ng mga halamang tutubo sa lupa.” At nagkaroon nga ng mga halaman. Nilikha ng Diyos ang lahat ng mga puno, halaman at bulaklak. Nakita ng Diyos na lahat ng Kanyang ginawa ay napakabuti. Ito ang ikatlong araw sa maganda at bagong mundong nilikha ng Diyos. Nang sumunod na araw ay sinabi ng Diyos, “Magkaroon ng mga tanglaw sa kalangitan.” Nilikha Niya ang araw upang tumanglaw sa umaga at ang buwan upang tumanglaw sa gabi. Nilikha rin ng Diyos ang mga bituin. Nakita ng Diyos na ang mundong nilikha Niya ay mabuti. Ito ang ikaapat na araw sa maganda at bagong mundong nilikha ng Diyos. Nang sumunod na araw ay sinabi ng Diyos, “Mapuno ang tubig ng mga hayop na nakalalangoy.” Noon din ay nagkaroon ng mga isda, balyena at lahat ng uri ng hayop na nakatira sa tubig. Sinabi ng Diyos, “Mapuno ang langit ng mga ibon.” At nagkaroon nga ng kuwago, maya at marami pang uri ng ibon. Pinagmasdan ng Diyos ang Kanyang nilikha at nakita Niyang lahat ng ito ay mabuti. Ito ang ikalimang araw sa maganda at bagong mundong nilikha ng Diyos. Nang sumapit ang ikaanim na araw ay sinabi ng Diyos, “Magkaroon ng mga hayop sa lupa.” Lumikha ang Diyos ng mga hayop katulad ng baka, tupa, leon, oso, at lahat ng uri ng hayop na nabubuhay sa lupa. Nakita ng Diyos na lahat ng ito ay mabuti. Ngayon ay handa na ang mundo sa pinaka- natatanging bahagi ng Kanyang paglikha. Nilikha ng Diyos ang tao- isang lalaki at isang babae. Nilikha sila ng Diyos na kalarawan Niya. Ibig sabihin, sila ay banal at walang kasalanan. Sinabi ng Diyos sa lalaki at sa babae, “Pagpapalain Ko kayo. Magkakaroon kayo ng mga anak at aalagaan ninyo ang mga hayop na aking nilikha.” Pinagmasdang muli ng Diyos ang Kanyang nilikha at ito ay napakabuti. Ito ang ikaanim na araw sa maganda at bagong mundong nilikha ng Diyos. Natapos nang likhain ng Diyos ang mundo. Sumapit ang ikapitong araw at ito ay itinangi Niya upang alalahanin ang Kanyang natapos na gawain. Isang napakagandang mundo ang nilikha ng Diyos! 1 A Nilikha ng Diyos ang Ating Magandang Mundo Genesis 1:1-2:3

Nilikha ng Diyos ang Ating Magandang 1 Mundo Genesis 1:1-2:3 A fileNilikha ng Diyos ang lahat ng mga puno, halaman at bulaklak. Nakita ng Diyos na lahat ng Kanyang ginawa ay napakabuti

  • Upload
    others

  • View
    85

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Nilikha ng Diyos ang Ating Magandang 1 Mundo Genesis 1:1-2:3 A fileNilikha ng Diyos ang lahat ng mga puno, halaman at bulaklak. Nakita ng Diyos na lahat ng Kanyang ginawa ay napakabuti

Sa simula ay nilikha ng Diyos ang langit at anglupa. Wala pa itong hugis at laman at nababalot ito ngdilim. Sinabi ng Diyos, “Magkaroon ng liwanag!” At agadngang nagkaroon ng liwanag. Tinawag ng Diyos na“araw” ang mga oras na may liwanag at “gabi”naman ang mga oras na madilim. Ito ang unang arawsa bagong mundong nilikha ng Diyos. Nang sumunod na araw ay sinabi ng Diyos,

“Magkaroon ng kalawakan.” At nagkaroon nga ngkalawakang humahati sa tubig na nasa itaas at satubig na nasa ibaba. Ito ang ikalawang araw. Nang sumunod na araw ay sinabi ng Diyos,

“Magsama-sama ang lahat ng tubig upang lumitawang tuyong lupa.” Lumitaw nga ang tuyong lupa atnagkaroon ng mga lawa, ilog, at sapa. Sinabi ng Diyos, “Magkaroon ng mga halamang

tutubo sa lupa.” At nagkaroon nga ng mga halaman.Nilikha ng Diyos ang lahat ng mga puno, halaman at

bulaklak. Nakita ng Diyos na lahat ng Kanyangginawa ay napakabuti. Ito ang ikatlong araw samaganda at bagong mundong nilikha ng Diyos. Nang sumunod na araw ay sinabi ng Diyos,

“Magkaroon ng mga tanglaw sa kalangitan.” NilikhaNiya ang araw upang tumanglaw sa umaga at angbuwan upang tumanglaw sa gabi. Nilikha rin ngDiyos ang mga bituin. Nakita ng Diyos na angmundong nilikha Niya ay mabuti. Ito ang ikaapat naaraw sa maganda at bagong mundong nilikha ngDiyos. Nang sumunod na araw ay sinabi ng Diyos,

“Mapuno ang tubig ng mga hayop na nakalalangoy.”Noon din ay nagkaroon ng mga isda, balyena at lahatng uri ng hayop na nakatira sa tubig. Sinabi ng Diyos,“Mapuno ang langit ng mga ibon.” At nagkaroon ngang kuwago, maya at marami pang uri ng ibon.Pinagmasdan ng Diyos ang Kanyang nilikha at nakitaNiyang lahat ng ito ay mabuti. Ito ang ikalimang arawsa maganda at bagong mundong nilikha ng Diyos. Nang sumapit ang ikaanim na araw ay sinabi ng

Diyos, “Magkaroon ng mga hayop sa lupa.” Lumikhaang Diyos ng mga hayop katulad ng baka, tupa, leon,oso, at lahat ng uri ng hayop na nabubuhay sa lupa.Nakita ng Diyos na lahat ng ito ay mabuti. Ngayon ay handa na ang mundo sa pinaka-

natatanging bahagi ng Kanyang paglikha. Nilikha ngDiyos ang tao- isang lalaki at isang babae. Nilikhasila ng Diyos na kalarawan Niya. Ibig sabihin, sila aybanal at walang kasalanan. Sinabi ng Diyos sa lalakiat sa babae, “Pagpapalain Ko kayo. Magkakaroonkayo ng mga anak at aalagaan ninyo ang mga hayopna aking nilikha.” Pinagmasdang muli ng Diyos angKanyang nilikha at ito ay napakabuti. Ito ang ikaanimna araw sa maganda at bagong mundong nilikha ngDiyos. Natapos nang likhain ng Diyos ang mundo.

Sumapit ang ikapitong araw at ito ay itinangi Niyaupang alalahanin ang Kanyang natapos na gawain.Isang napakagandang mundo ang nilikha ng Diyos!

1A

Nilikha ng Diyos ang Ating MagandangMundo Genesis 1:1-2:3

Page 2: Nilikha ng Diyos ang Ating Magandang 1 Mundo Genesis 1:1-2:3 A fileNilikha ng Diyos ang lahat ng mga puno, halaman at bulaklak. Nakita ng Diyos na lahat ng Kanyang ginawa ay napakabuti

PARA SA MGAMAGULANG AT

MGA BATA

Itinuturo ng araling ito naang ating makapangyarihangDiyos ay lumikha ng isangmagandang mundo para saatin. Pangalagaan natin itobilang pagpupuri atpagpapasalamat sa Kanya.

1. Pagmasdan ang larawan ng paglikha (sa unangpahina) at tingnan kung mayroon ditong nagsisimula saunang titik ng pangalan ng iyong anak. Humanap ngmga bagay sa inyong bahay na nagsisimula rin saganitong titik. Gumawa ng isang maliit na sisidlangpapel at ilagay dito ang mga nakuhang bagay. Ipadalaito sa iyong anak sa paaralan upang maipakita niya sakanyang mga kamag-aaral.

2. Maglista ng mga bagay na matatagpuan sa inyongbahay na nagmula sa mga halamang nilikha ng Diyos.(Halimbawa: Papel at kasangkapang gawa sa puno,damit at kurtinang gawa sa bulak, mga gulay,bungangkahoy at iba pa) Pasalamatan ang Diyos sapagbibigay Niya ng karunungan sa mga tao upangmakagawa ng iba pang mga bagay mula sa Kanyangmga nilikha.

Maraming salamat, Panginoon, sapaglikha Mo ng isang magandang mundopara sa amin. Tulungan Mo kamingmapangalagaan ito. Maraming salamatna ipinadala Mo ang Iyong Anak na siJesus upang mag-alay ng Kanyang buhaypara sa lahat ng tao at patawarin anglahat ng aming kasalanan. Amen.

SAMA-SAMANG MANALANGIN

TALATA SA BIBLIA NADAPAT TANDAAN

Genesis 1:1

PreK-K OT Set 1 1A

© 2017 Multi-Language Publications-WELS. With permission.

Page 3: Nilikha ng Diyos ang Ating Magandang 1 Mundo Genesis 1:1-2:3 A fileNilikha ng Diyos ang lahat ng mga puno, halaman at bulaklak. Nakita ng Diyos na lahat ng Kanyang ginawa ay napakabuti

Lumikha ang Diyos ng isang magandanghalamanan upang maging tirahan nina Adan at Eva,ang unang mga taong nilikha Niya. Maraming punosa halamanang ito. Lahat ng bunga sa mga punong itoay maaari nilang kainin maliban sa isa. Ito ay angbunga mula sa punong nasa gitna ng halamanan.Sinabi ng Diyos, “Kainin ninyo ang bunga ng lahatng puno, maliban dito. Ito ang puno na nagbibigay ngkaalaman tungkol sa mabuti at masama. Kayo aymamamatay kapag kinain ninyo ang bunga nito.”Ibinigay ng Diyos ang utos na ito upang maipakitanina Adan at Eva na buong puso at bukal sa loob angkanilang pagsunod at pagmamahal sa Diyos. Napakasayang tumira at magtrabaho sa halamanan!

Nilikha ng Diyos sina Adan at Eva na banal atmabuti. Lahat ng kanilang ginagawa ay kasiya-siya saDiyos. Sila ay sumusunod sa Diyos. Hindi silagumagawa ng kasalanan. Kahit minsan ay hindi silanagkakasakit o nakararamdam ng lungkot. Ngunit isang araw ay lumapit kay Eva ang isang

ahas. Hindi ito pangkaraniwang ahas sapagkat ito ayang diyablo na nagsasalita sa pamamagitan ng ahas.Galit ang diyablo sa Diyos. Nais niyang suwayin niEva ang Diyos. Sinabi ng diyablo kay Eva, “Totoo

bang sinabi ng Diyos na hindi ninyomaaaring kainin ang bunga ng lahat ngpuno sa halamanan?” Sumagot si Eva, “Maaari naming

kainin ang lahat ng bunga ng puno ritomaliban lang sa bunga ng puno sa gitnang halamanan. Kami ay mamamataykapag kumain kami ng bunga ng punongiyon.” At nagsinungaling ang mapanlinlang na

ahas at sinabi kay Eva, “Hindi kayomamamatay. Alam ng Diyos na kapagkinain ninyo ang bunga ng punong iyonay malalaman ninyo ang tama at maligaya Niya.” Pinagmasdan ni Eva ang bunga mula sa

punong iyon. Mukha itong masarap. Atgusto rin ni Eva na maging katulad ngDiyos, na alam ang mabuti at masama.Pinitas niya ang bunga at kinain ito.

Kasama niya si Adan nang oras na iyon. Binigyanniya ito at si Adan ay kumain din. Agad nilang nalamang mali ang kanilang ginawa.

Sinuway nila ang Diyos! Sila ay nagkasala.Nalungkot sina Adan at Eva. Noon lang nila itonaramdaman. Nagkasala sila dahil sinuway nila angutos ng Diyos. Narinig nina Adan at Eva ang Diyos na naglalakad

sa halamanan. Natakot sila at nagtago sa mga puno.Alam ng Diyos kung nasaan sila, ngunit nais Niyangsila ang lumapit sa Kanya upang humingi ng tulong.Kaya’t sinabi ng Diyos, “Nasaan kayo? Kinain baninyo ang bungang ipinagbabawal ko?” Sumagot si Adan, “Binigyan ako ni Eva ng bunga at

kinain ko ito.” At tinanong ng Diyos si Eva, “Eva, ano ang iyong

ginawa?” “Kinain ko ang bunga dahil nilinlang ako ng ahas”,

tugon ni Eva. Hindi nasiyahan ang Diyos sapagkat nagkaroon na

ng bahid ng kasalanan ang mundong nilikha Niyangmabuti. Sinabi Niya sa diyablo, “Parurusahan kita, atsa takdang panahon ay mayroong darating upangdurugin ang iyong ulo.” Ipinangako ng Diyos na

2A

Iniligtas ng Diyos sina Adan at EvaGenesis 3

Page 4: Nilikha ng Diyos ang Ating Magandang 1 Mundo Genesis 1:1-2:3 A fileNilikha ng Diyos ang lahat ng mga puno, halaman at bulaklak. Nakita ng Diyos na lahat ng Kanyang ginawa ay napakabuti

ipadadala Niya ang Kanyang anak na si Jesus upangmaging Tagapagligtas. Lalabanan ni Jesus angdiyablo at si Jesus ay magwawagi. Papawiin ni Jesusang kasalanan ng lahat ng tao sa mundo. Sinabi ng Diyos kina Adan at Eva na magbabago na

ang lahat para sa kanila dahil sa kasalanan. Sinabi ngDiyos, “Eva, makakaramdam ka ng sakit sa iyongpanganganak. Adan, magiging mahirap na ang iyongpagtatrabaho. Tutubo ang mga tinik at damo sa iyong

mga pananim. At balang araw, kayong dalawa aymamamatay. Dahil sa kasalanan nina Adan at Eva, nagbago ang

mundong nilikhang mabuti ng Diyos. Ngunit mahalpa rin tayo ng Diyos! Mayroon Siyang plano upangtulungan tayo. Sa takdang panahon ay ipadadala Niyaang Kanyang Anak upang iligtas ang lahat ng tao sakanilang mga kasalanan. Tunay na kahanga-hangaang ating Diyos!

PARA SA MGAMAGULANG AT

MGA BATA

Itinuturo ng araling ito nakahit nagkasala sina Adanat Eva ay ipinangako pa rinng Diyos na ipadadala Niyaang Kanyang Anak na siJesus upang magingTagapagligtas ng lahat ngtao. Nagagalak tayongsumunod kay Jesus bilangpasasalamat sa pagliligtasNiya sa atin.

1. Kumpletuhin ang sumusunod na pangugusap sapamamagitan ng paglalagay ng pangalan ng iyonganak sa kahon. Maaari ring ipaguhit sa iyong anakang kanyang mukha sa loob nito. Tulungan ang iyonganak na basahin ang mabuting balita!

Maraming salamat, aming Tagapagligtas, sapagpapatawad Mo sa aming mga kasalanan. TulunganMo kaming maipakita ang aming pasasalamat sapamamagitan ng pagsunod sa Iyo. Amen.

SAMA-SAMANG MANALANGIN

TALATA SA BIBLIA NADAPAT TANDAAN

Juan 3:16

PreK-K OT Set 1 2A

© 2017 Multi-Language Publications-WELS. With permission.

2. Anong uri ng bunga mayroon ang punongnagbibigay ng kaalaman tungkol sa mabuti atmasama? Walang nakaaalam nito. Ngunit alam natinna ito ang ginamit ng diyablo upang maging sanhi ngpagsuway sa Diyos nina Adan at Eva. Tanungin angbawat isa sa inyong pamilya tungkol sa paboritonilang prutas at isulat ito sa papel. Pag-usapan ninyokung paano ninyo magagamit ang sariwa onakalatang prutas upang sumunod sa Diyos.(Halimbawa: Paano ninyo ito magagamit upangtumulong sa mga taong nalulungkot o may sakit?Paano ito magagamit upang tumulong sa mahihirap?)

Naparito si Jesus upang iligtas si

Page 5: Nilikha ng Diyos ang Ating Magandang 1 Mundo Genesis 1:1-2:3 A fileNilikha ng Diyos ang lahat ng mga puno, halaman at bulaklak. Nakita ng Diyos na lahat ng Kanyang ginawa ay napakabuti

Binigyan ng Diyos sina Adan at Eva nang maraminganak. Lumaki ang mga ito, nag-asawa at nagkaroon dinng kani-kanilang mga anak. Lumipas ang maramingtaon at dumami na ang tao sa mundo. Ngunitkaramihan ng tao ay hindi naniniwala sa Diyos. Hindirin sila naniniwala sa pangako tungkol saTagapagligtas na ipadadala ng Diyos. Ayaw nilangsumunod sa Diyos. Gumagawa sila ng masama atsinasaktan ang isa’t isa. Hindi nasisiyahan ang Diyossa nakikita Niyang nangyayari sa mundo. Ngunit may isang pamilyang patuloy na nagtitiwala

sa Diyos at sa Kanyang pangako tungkol saTagapagligtas. Si Noe, ang kanyang asawa, ang tatlonilang anak at ang kani - kanilang mga asawa aynagtitiwala sa Diyos. Sinabi ng Diyos kay Noe, “Parurusahan ko ang mga

tao at lahat ng nabubuhay sa mundo. Ngunit ililigtaskita. Gumawa ka ng daong, ng isang napakalakingbarko. Magkakaroon nang malaking baha. Ang buongmundo ay lulubog sa tubig. Lahat ng nabubuhay samundo ay mamamatay. Ngunit ipinangangako kongikaw at ang iyong pamilya ay magiging ligtas sa loobng daong. Magsama ka ng dalawang pares ng bawaturi ng ibon at dalawang pares ng bawat uri ng hayopna nakatira sa lupa. Magdala ka nang sapat na pagkainpara sa inyo at sa mga hayop.”

Nakinig si Noe sa Diyos. Sinunodniya ang lahat ng iniutos ng Diyos sakanya. Gumawa si Noe ng isang daong.Naglagay siya rito ng lahat ng uri ngpagkain para sa kanyang pamilya at salahat ng hayop. Pinapasok ng Diyos sadaong ang dalawang pares ng bawat uring mga hayop at ibon. Pagkatapos ayisinara ng Diyos ang pintuan ng daong. Nagpadala ang Diyos nang malakas

na ulan at pinaapaw ang mga tubig sailalim ng lupa. Nagpatuloy ang pag-ulansa loob nang apatnapung araw atapatnapung gabi. Habang tuloy-tuloyang paglaki at pagtaas ng tubig, angdaong ay nagpapalutang-lutang saibabaw nito. Umabot ang tubighanggang sa pinakamatataas na bundok.Tanging ang pamilya lamang ni Noe atang mga hayop sa loob ng daong ang

nakaligtas sa malaking baha. Ang ibang mga ibon,hayop at tao ay nalunod sa baha. Si Noe at ang kanyang pamilya ay matagal na

naghintay sa loob ng daong. Nagpadala ang Diyosng hangin upang humupa ang baha. Tuloy-tuloyang pagbaba ng tubig bawat araw. Hanggang sasumadsad ang daong sa tuktok ng isang bundok.Matiyagang hinintay ni Noe na sabihin ng Diyosna maaari na silang lumabas ng daong. Isang araw ay sinabi ng Diyos, “Lumabas na kayong daong. Isama mo ang iyong pamilya at anglahat ng hayop at ibon. Punuin ninyo ang daigdig.” Lumabas nga ng daong si Noe, ang kanyang

pamilya, at lahat ng ibon at hayop. Labis angpasasalamat ni Noe sa Diyos dahil sa pagliligtas sakanila sa malaking baha. Gumawa si Noe ng isangaltar at naghandog sa Diyos bilang pasasalamat. Nangako ang Diyos na hindi na Niya muling

gugunawin ang mundo sa pamamagitan nangmalaking baha. Pinalitaw ng Diyos ang isangmagandang bahaghari sa langit. Pagkatapos aysinabi Niya, “Tuwing palilitawin ko ang bahaghariay aalalahanin ko ang aking pangako na hindi kona muling gugunawin ang mundo sa pamamagitanng baha.”

3A

Iniligtas ng Diyos si Noe at angkanyang Pamilya Genesis 6:1–9:17,25-27

Page 6: Nilikha ng Diyos ang Ating Magandang 1 Mundo Genesis 1:1-2:3 A fileNilikha ng Diyos ang lahat ng mga puno, halaman at bulaklak. Nakita ng Diyos na lahat ng Kanyang ginawa ay napakabuti

PARA SA MGAMAGULANG AT

MGA BATA

Ipinakikita ng araling itokung paanong iniligtas ngDiyos si Noe at angkanyang pamilya mula samalaking baha na lumipolsa mga tao at hayop samundo. Nagpapasalamat atnagpupuri tayo sa Diyosdahil iniligtas Niya tayo saating mga kasalanan.

1. Kung mayroon kayong mga “animal-shapedcrackers o biscuits”, ito ang gawin ninyong meriendahabang sama-sama ninyong binabasa ang kuwentongito mula sa Biblia. Magalak kayo at mayroon kayongganitong pagkakataon!

2. Tulong-tulong kayong mag-isip at magsulat saisang papel ng mga hayop na iniligtas ng Diyos mulasa baha (maliban sa mga hayop na nakatira sa tubig).Pumili ng isang hayop at gawin ang isa sa mgasumusunod:

• Pag-usapan o pag-isipan kung anong likas napananggalang ang ibinigay ng Diyos ditoupang tulungan itong mabuhay. (Halimbawa:kakayahang magbalat-kayo )

• Pag-usapan o pag-isipan kung paanopinangangalagaan ng mga magulang nahayop ang kanilang mga anak.

Mamangha sa mga pamamaraan ng Diyos upangpangalagaan ang mga hayop. Magpasalamat tayo saDiyos sa dakilang pamamaraan na ginamit Niyaupang pangalagaan tayo – iniligtas Niya tayo sa atingmga kasalanan sa pamamagitan ni Jesus.

Panginoon, pinupuri at pinasasalamatan Ka namindahil iniligtas Mo kami sa aming mga kasalanan.Tunay na Ikaw ay kamangha-mangha at mapagmahalna Diyos. Tulungan Mo kaming laging magtiwala saIyo, at kung dumating na ang takdang panahon,dalhin Mo kami sa aming tahanan sa langit. Amen.

SAMA-SAMANG MANALANGIN

TALATA SA BIBLIA NADAPAT TANDAAN

1 Timoteo 2:3,4

PreK-K OT Set 1 3A

© 2017 Multi-Language Publications-WELS. With permission.

Page 7: Nilikha ng Diyos ang Ating Magandang 1 Mundo Genesis 1:1-2:3 A fileNilikha ng Diyos ang lahat ng mga puno, halaman at bulaklak. Nakita ng Diyos na lahat ng Kanyang ginawa ay napakabuti

Maraming taon na ang lumipas pagkataposmaganap ang malaking baha. Dumami na muli angmga tao sa mundo. Isang lalaking nagngangalangAbraham ang nabuhay sa panahong iyon. Nagtitiwalasi Abraham sa Diyos at sa pangako Niya tungkol saTagapagligtas. May natatanging plano ang Diyos para kay

Abraham. Isang araw ay sinabi ng Diyos sa kanya,

“Lisanin mo ang lupaing iyong tinitirahan. Iwanmo ang iyong tahanan at ang mga taong kakilalamo. Pumunta ka sa isang bagong lupain – isanglupaing ituturo ko sa iyo.” Nangako ang Diyos ngmagagandang bagay kay Abraham. Sinabi ngDiyos, “Maraming tao ang magmumula sa iyongangkan. Pagpapalain kita. Gagawin kong dakilaang iyong pangalan. Makikilala ka ng mga tao atikaw ay magiging pagpapala sa iba.” Sinabi rin ngDiyos kay Abraham, “Lahat ng tao aypagpapalain nang dahil sa iyo”. Ito angpinakamainam na pagpapala sa lahat. Sapagkatipinangako ng Diyos na ang Tagapagligtas aymagmumula sa angkan ni Abraham. Sinunod ni Abraham ang Panginoon. Dala ang

kanilang mga gamit, nilisan ni Abraham at ngkanyang asawang si Sara ang kanilang tahanan.Isinama nila ang kanilang pamangkin na si Lot atang lahat ng taong nagtatrabaho sa kanila.Nagtiwala sila na ituturo sa kanila ng Diyos angkanilang bagong tahanan. Sina Abraham, Sara, at Lot ay naglakad nang

naglakad hanggang marating nila ang lupaingipinangako ng Diyos sa kanila. Ito ay ang lupainng Canaan. May mga tao ng naninirahan saCanaan. Ngunit sinabi ng Diyos kay Abraham,“Ibibigay ko ang lupaing ito sa iyong pamilya.” Nagtiwala si Abraham sa mga pangako ng

Diyos. Nagtayo siya ng altar para sa Panginoon.Sumamba siya sa Diyos at nagpasalamat para salahat ng Kanyang mga pangako, lalong higit saKanyang pangakong Tagapagligtas.

4A

Nagsalita ang Diyos at si Abraham ayNakinig Genesis 11:27–12:9

Page 8: Nilikha ng Diyos ang Ating Magandang 1 Mundo Genesis 1:1-2:3 A fileNilikha ng Diyos ang lahat ng mga puno, halaman at bulaklak. Nakita ng Diyos na lahat ng Kanyang ginawa ay napakabuti

PARA SA MGAMAGULANG AT

MGA BATA

Sa araling ito ay ipinakitani Abraham ang pagtitiwalaniya sa Diyos nang siya aymagtungo sa bagonglupaing itinuro ng Diyos sakanya. Hinihiling natingtulungan tayo ng Diyosupang tayo ay magtiwala saKanya at sa maramingpangakong ipinagkaloobNiya sa atin.

1. Pinagkalooban ng Diyos nang maraming pangakosi Abraham. Tulungan ang iyong anak na sundin angmga panuto upang maiguhit ang dalawa sa mgapangako ng Diyos.

A. Ipinangako ng Diyos na maraming taoang magmumula sa angkan ni Abraham.

Gumuhit nang maraming mukhang nakangiti.

B. Ipinangako ng Diyos na magmumula saangkan ni Abraham ang Tagapagligtas.

Gumuhit ng isang krus.

Panginoon, maraming salamat sa lahat ng kamangha-manghang pangakong ipinagkaloob Mo sapamamagitan ng Iyong Salita. Higit kamingnagpapasalamat sa pagpapatawad Mo sa aming mgakasalanan. Tulungan Mo kaming laging magtiwala saIyo. Amen.

SAMA-SAMANG MANALANGIN

TALATA SA BIBLIA NADAPAT TANDAAN

Kawikaan 3:5

PreK-K OT Set 1 4A

© 2017 Multi-Language Publications-WELS. With permission.

2. Piringan ang isang miyembro ng pamilya.Hayaang akayin ng isa pa ang taong may piring mulasa isang lugar sa inyong bahay papunta sa iba panglugar. Maaaring ulitin ito sa iba pa, kung nanaisin.Madali bang magtiwala sa iba? Sino ang higit nanagtiwala? ang mga nakatatanda ba o ang mga bata?Bakit mahirap magtiwala? Hilingin sa Diyos natulungan ang inyong pamilyang saliksikin ang Biblia,ang Kanyang Salita, upang higit pang tumibay anginyong pagtitiwala sa Kanya.

Page 9: Nilikha ng Diyos ang Ating Magandang 1 Mundo Genesis 1:1-2:3 A fileNilikha ng Diyos ang lahat ng mga puno, halaman at bulaklak. Nakita ng Diyos na lahat ng Kanyang ginawa ay napakabuti

Nagkaroon si Abraham nang maraming pilak, ginto,mga alipin, at mga alagang hayop sa tulong ng Diyos.Nangako rin ang Diyos na pagkakalooban Niya siAbraham ng isang pamilya. Ngunit walang anak siAbraham kahit isa. Naghihintay pa rin siya sakatuparan ng pangakong ito ng Diyos. Nanalangin siAbraham, “Panginoon, wala pa rin kaming anak niSara hanggang ngayon.” Kaya’t dinala ng Diyos si Abraham sa labas ng

kanilang tolda. Sinabi ng Diyos, “Abraham,tumingala ka sa ulap. Pagmasdan mo ang lahat ngmga bituin. Bilangin mo ang mga ito kung kaya mo.Balang araw ay ganyan karaming tao angmagmumula sa iyong angkan.” Hindi kayang bilanginni Abraham ang lahat ng bituin. Nagtiwala siyangtutuparin ng Diyos ang pangako nitongpagkakalooban siya ng isang malaking pamilya.

Matagal na panahon ang lumipas. Hinintay ninaAbaraham at Sara ang katuparan ng pangako ngDiyos. Isang araw, si Abraham ay nakaupo sapintuan ng kanyang tolda. Pagtanaw niya ay maynakita siyang tatlong lalaking paparating. Hindialam ni Abraham na ang mga lalaking ito ay angPanginoon kasama ang dalawang anghel.Lumabas si Abraham upang salubungin sila.Sinabi niya, “Pakiusap, dumito muna kayo.Kukuha ako ng tubig upang mahugasan ninyo anginyong mga paa. Maaari kayong magpahinga salilim ng punong ito. Bibigyan ko kayo ngmakakain.” Pagkatapos ay sinabi niya kay Sara, “Madali ka!

Magluto ka ng tinapay.” Binigyan nina Abrahamat Sara ng masarap na tinapay, karne, keso, atgatas ang kanilang mga panauhin. Pagkatapos ayipinahayag ng Panginoon kay Abraham ang ilangmagandang balita. Sinabi ng Panginoon, “Sa loobng isang taon ay magkakaanak si Sara ng isanglalaking sanggol.” Tumawa si Sara nang marinig niya ito. Naisip

niyang masyado na siyang matanda upangmagkaanak. Alam ng Diyos kung ano ang iniisip ni Sara.

Sinabi niya, “Bakit tumawa si Sara? Hindi baninyo alam na wala akong hindi kayang gawin?Sa susunod na taon ay magkakaroon siya ng isanganak na lalaki.” At paglipas ng isang taon ay tinupad ng Diyos

ang Kanyang pangako. Binigyan niya ng isanganak na lalaki sina Abraham at Sara.Pinangalanan nila itong Isaac. Gayon na lamangang kagalakan nina Abraham at Sara nang sila aymagkaroon na ng anak!

5A

Tinupad ng Diyos ang KanyangPangako kay Abraham Genesis 15:1-6; 17:1-8,15-22; 18:1-15; 21:1-7

Page 10: Nilikha ng Diyos ang Ating Magandang 1 Mundo Genesis 1:1-2:3 A fileNilikha ng Diyos ang lahat ng mga puno, halaman at bulaklak. Nakita ng Diyos na lahat ng Kanyang ginawa ay napakabuti

PARA SA MGAMAGULANG AT

MGA BATA

Sa araling ito ay tinupad ngDiyos ang Kanyangpangakong pagkakaloobanNiya ng anak na lalaki sinaAbraham at Sara.Magpasalamat at magpuritayo sa Diyos dahil tinupadNiya ang lahat ng Kanyangpangako.

1. Tulungan ang iyong anak na buuin ang larawan ngmga bituin sa ibaba. Ang mga bituing ito angsumasagisag sa pangako ng Diyos na maraming taoang magmumula sa angkan ni Abraham. Pagkataposay tulungan ang iyong anak na gumuhit ng krus saisang bituin. Ang krus na ito ang sumasagisag sapinakamahalagang inapo ni Abraham- si Jesus, angTagapagligtas!

Panginoon, nagpapasalamat at nagpupuri kami sa Iyosapagkat tinupad Mo ang lahat ng Iyong pangako,lalong higit ang pangako Mong isusugo si Jesus, angaming Tagapagligtas. Amen.

SAMA-SAMANG MANALANGIN

TALATA SA BIBLIA NADAPAT TANDAAN

Hebreo 10:23

PreK-K OT Set 1 5A

© 2017 Multi-Language Publications-WELS. With permission.

2. Lumabas o sumilip sa bintana at pagmasdan angmga bituin. Gaano karaming bituin ang kayangbilangin ng bawat isa sa inyong pamilya? Sa bawatisang bituing mabibilang ng isang miyembro ngpamilya, hayaan rin siyang magbanggit ng isangparaan kung paanong tinupad ng Diyos ang Kanyangpangako. (Halimbawa: Pinagaling ng Diyos angaking tuhod na nasugatan) Kung kayo ay nakatira saisang lugar kung saan mahirap makakita ng bituin,kumuha ka ng mga buto o butil at ilagay ang mga itosa mesa upang kumatawan sa mga bituin. Magpalitansa pagkuha ng buto o butil at magbanggit ng mgaparaan kung paano tinupad ng Diyos ang Kanyangpangako.