3
Pagboto sa Australya Ang Pagboto sa pang-Estadong halalan ng NSW sa 2019 Sino ang kailangang bumoto sa mga halalan sa Australya? Kailangang nakalagay ang inyong pangalan sa listahan ng mga botante (electoral roll) at bumoto sa Australya kung kayo ay: isang mamamayang Australyano may edad na 16 taon o mahigit (ngunit saka lamang makakaboto kung nasa edad na 18 taon na) nakatira sa kasalukuyang tirahan nang di kukulangin sa isang buwan. Ang paglalagay ng inyong pangalan sa “electoral roll” ay nangangahulugan na makakaboto kayo sa lahat ng mga halalan: sa pambansa, pang-estado at pang-lokal na gobyerno. Paano ako makakaboto sa pang-Estadong halalan ng NSW? Ang pang-estadong halalan ng NSW ay gagawin sa ika-23 ng Marso 2019. Sa araw ng halalan, kayo ay personal na boboto sa isang presintong panghahalan sa inyong lugar. Makikita ang listahan ng mga presinto sa inyong lugar sa elections.nsw.gov.au Kung kailangan ng interpreter sa pagboto, hilingin sa mga kawani ng presinto na bigyan kayo ng interpreter sa telepono. Maaari ring magdala ng taong makakatulong sa inyong pagboto. 1 Hakbang 1Tingnan ang inyong pangalan sa listahan ng mga botante (electoral roll) Itatanong ng isang kawani sa halalan ang inyong pangalan, petsa ng kapanganakan, tirahan at kung kayo ay nakaboto na sa halalang ganito. Makakatulong kung nakasulat na ang mga detalyeng ito sa isang papel kung nahihirapan kayong mag-Ingles. 2 Hakbang 2Bumoto Magbibigay kami ng dalawang balota na inyong dadalhin sa biyumbong may tabing 3 Hakbang 3 Isumite ang inyong balota Ang balota ay ilalagay sa ibat-ibang urna o kahon. Magpatulong sa kawani ng halalan kung hindi kayo nakakatiyak. Dito matatapos ang inyong pagboto. Sa maliit na papel na balota Isulat ang numero 1 sa kahon na katabi ng pangalan ng taong iboboto ninyo. Maaari kayong bumoto ng maraming tao sa pamamagitan ng paglalagay ng mga numero sa iba pang mga kahon ayon sa pagkakasunod na gusto ninyo. Sa malaking papel na balota A Ang pagboto sa itaas ng linya Isulat ang numero 1 sa kahon na katabi ng pangkat o partido na iboboto ninyo. Maaari kayong bumoto ng maraming mga pangkat o partido sa pamamagitan ng paglagay ng mga numero sa iba pang mga kahon ayon sa pagkakasunod na gusto ninyo. O B Ang pagboto sa ibaba ng linya Kailangang bumoto ng hindi kukulang sa 15 katao. Bumoto sa pamamagitan ng paglagay ng numero sa kahon na katabi ng kanilang pangalan ayon sa pagkakasunud-sunod na pinili ninyo. A B Page 1 of 3 TR002Fi Filipino/Tagalog

Pagboto sa Australya - NSW Electoral Commission sheet/Translated fact sheets...Ang sistemang pagboto sa internet ay isinalin sa anim na wika: • Arabo • Sinimpleng Tsino • Tradisyonal

  • Upload
    others

  • View
    3

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Pagboto sa AustralyaAng Pagboto sa pang-Estadong halalan ng NSW sa 2019

Sino ang kailangang bumoto sa mga halalan sa Australya?Kailangang nakalagay ang inyong pangalan sa listahan ng mga botante (electoral roll) at bumoto sa Australya kung kayo ay:

• isang mamamayang Australyano

• may edad na 16 taon o mahigit (ngunit saka lamang makakaboto kung nasa edad na 18 taon na)

• nakatira sa kasalukuyang tirahan nang di kukulangin sa isang buwan.

Ang paglalagay ng inyong pangalan sa “electoral roll” ay nangangahulugan na makakaboto kayo sa lahat ng mga halalan: sa pambansa, pang-estado at pang-lokal na gobyerno.

Paano ako makakaboto sa pang-Estadong halalan ng NSW?Ang pang-estadong halalan ng NSW ay gagawin sa ika-23 ng Marso 2019. Sa araw ng halalan, kayo ay personal na boboto sa isang presintong panghahalan sa inyong lugar. Makikita ang listahan ng mga presinto sa inyong lugar sa elections.nsw.gov.au

Kung kailangan ng interpreter sa pagboto, hilingin sa mga kawani ng presinto na bigyan kayo ng interpreter sa telepono. Maaari ring magdala ng taong makakatulong sa inyong pagboto.

1 Hakbang 1Tingnan ang inyong pangalan sa listahan ng mga botante (electoral roll)

Itatanong ng isang kawani sa halalan ang inyong pangalan, petsa ng kapanganakan, tirahan at kung kayo ay nakaboto na sa halalang ganito. Makakatulong kung nakasulat na ang mga detalyeng ito sa isang papel kung nahihirapan kayong mag-Ingles.

2 Hakbang 2Bumoto

Magbibigay kami ng dalawang balota na inyong dadalhin sa biyumbong may tabing

3 Hakbang 3 Isumite ang inyong balota

Ang balota ay ilalagay sa ibat-ibang urna o kahon. Magpatulong sa kawani ng halalan kung hindi kayo nakakatiyak. Dito matatapos ang inyong pagboto.

Sa maliit na papel na balota

• Isulat ang numero 1 sa kahon na katabi ng pangalan ng taong iboboto ninyo.

• Maaari kayong bumoto ng maraming tao sa pamamagitan ng paglalagay ngmga numero sa iba pang mga kahon ayon sa pagkakasunod na gusto ninyo.

Sa malaking papel na balota

A Ang pagboto sa itaas ng linya

• Isulat ang numero 1 sa kahon na katabi ng pangkat o partido na iboboto ninyo.

• Maaari kayong bumoto ng maraming mga pangkat o partido sa pamamagitan ng paglagay ng mga numero sa iba pang mga kahon ayonsa pagkakasunod na gusto ninyo.

O

B Ang pagboto sa ibaba ng linya

• Kailangang bumoto ng hindi kukulang sa 15 katao. Bumoto sa pamamagitan ng paglagay ng numero sa kahon na katabi ng kanilang pangalan ayon sa pagkakasunud-sunod na pinili ninyo.

A

B

Page 1 of 3

TR002Fi Filipino/Tagalog

Paano kung hindi ako makakapunta sa presinto sa araw ng halalan?Kung hindi kayo makapunta sa panghalalang presinto sa araw ng halalan, maaari nang bumoto bago sumapit ang araw ng halalan sa ibat-ibang paraan:

• bumoto ng personal sa opisina ng namamahala ng halalan

• bumoto sa “internet’ o sa pamamagitan ng telepono (iVote)

• bumoto sa pamamagitan ng koreo.

Bumoto ng personal sa opisina ng tagapamahala ng halalanMagsisimula ang pagboto sa opisina ng namamahala ng halalan sa ika-11 ng Marso 2019.

1 Tingnan kung nasaan ang mga opisina ng tagapamahala ng halalan sa elections.nsw.gov.au o tumawag sa 1300 135 736

2 Personal na bumoto sa opisina ng isang namamahala sa halalan. Ang mga opisina ay bukas mula ika-8:00nu hanggang ika-6:00ng mula Lunes hanggang Biyernes.

Kung kailangan ng interpreter, humiling sa kawani ng opisina ng tagapamahala ng halalan na magkaroon ng serbisyo ng interpreter sa telepono o magdala ng makakatulong sa inyong pagboto.

Bumoto sa internet o sa pamamagitan ng telepono (iVote)

Kung kayo ay kwalipikado, maaari nang bumoto sa telepono sa pamamagitan ng iVote.

May mga tagubilin sa ibat-ibang wika kung paano gamitin ang iVote sa internet at telepono sa ivote.nsw.gov.au

Ang sistemang pagboto sa internet ay isinalin sa anim na wika:

• Arabo

• Sinimpleng Tsino

• Tradisyonal na Tsino

• Biyetnames

• Griyego

• Italyano

Tandaan na ang pagboto sa telepono ay nasa wikang Ingles at upang matiyak ang pagkasagrado ng boto, hindi pwedeng magtawag ng ibang tao katulad ang interpreter.

1 Mag-aplay na gamitin ang internet o telepono sa pagboto mula ika-11 ng Pebrero hanggang 1:00ng sa ika-23 ng Marso 2019. Mag-aplay sa:

• “online” sa ivote.nsw.gov.au or

• telepono: 1300 248 683 (kung tumatawag sa loob ng Australya), o +612 9290 5287 (kung nasa ibayong-dagat).

2 Bumoto sa pagitan ng ika-11 ng Marso at 6:00ng sa ika-23 ng Marso 2019.

3 Maaaring tingnan ang mga ibinoto sa “iVote Verification App”.

Page 2 of 3

Bumoto sa pamamagitan ng koreo (postal voting)

Tandaan na ang pagboto sa pamamagitan ng koreo ay nasa Ingles. Baka kailangan ninyo ng tulong sa pag-aplay at pagboto kung mahina kayo sa Ingles.

1 Mag-aplay na gumamit ng koreo sa pagboto (postal voting) sa:

• kompyuter (online) sa elections.nsw.gov.au o

• iprinta ang porma, kompletuhin at ipadala sa sentro ng pagboto sa koreo (postal vote centre) ng NSW Electoral Commission sa:

Centralised Postal Vote Count CentreNSW Electoral Commission Reply Paid 89531 Alexandria NSW 2015

Kailangang matanggap ng NSW Electoral Commission ang aplikasyon o porma bago ang 6:00ng sa Lunes, sa ika-8 ng Marso 2019. Kayo ay padadalhan ng balota sa pamamagitan ng koreo.

2 Bumoto sa mga balota at ibalik ang mga ito. Dapat maisulat ang inyong boto hanggang sa araw ng halalan at matanggap ng NSW Electoral Commission bago mag 6:00ng ng Miyerkoles ika-27 ng Marso 2019.

Maaari kayong bumoto sa pamamagitan ng mga pamamaraang ito kung hindi kayo pwedeng makapunta sa presinto sa araw ng halalan.

Ang ilang pwedeng idahilan ay:

• magtatrabaho kayo sa araw ng halalan sa pagitan nang 8:00nu at 6:00ng (hindi pwedeng gumamit ng iVote)

• wala kayo sa New South Wales sa araw ng halalan

• kayo ay may-kapansanan

Para sa mga karagdagang dahilan sa pagpili ng “early voting”, tingnan ang elections.nsw.gov.au

Page 3 of 3 TR00

2Fi_

Vot

e_N

OV

18

| V

OTI

NG

AT

THE

NS

W S

TATE

ELE

CTI

ON

201

9