1
Ang ating mga tagapagpakilala, ang aming pinagpipitagang punong guro, Gng. Teresita A. Gianan, ang tagapamuno ng asignaturang pang- akademiko at pang bokasyunal, Gng Josefina Torio at G. Domingo Evangelista. Ang ating panauhing tagapagsalita; mga minamahal naming guro; kapwa ko mga mag-aaral, magandang umaga po sa inyong lahat. Tuwing buwan ng Agosto ay ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Wikang Pambansa, bilang paggunita sa ating kasaysayan at pagpapahalaga sa mga naging kaganapan upang ang wikang Filipino ay maisabatas bilang Pambansang Wika ng Pilipinas. Kung ating babalikan ang ating naging kasaysayan, masasabing naging mahalagang salik ang wika sa tagumpay at kabiguan ng ating mga ninuno sa pakikipaglaban sa mga dayuhang mananakop. Ang pagkakaroon ng iba’t ibang dayalekto sa ating bansa ay naging sanhi ng hindi pagkakaunawaan at kawalan ng pagkakaisa. Kayat nang maisabatas noong Panahon ng Komonwelt at pagtibayin ni Dating Pangulong Manuel Luis Quezon, ang Wikang Filipino bilang Wikang Pambansa na batay sa wikang Tagalog na siyang pangunahing dayalekto ng nakararaming pangkat etniko sa Pilipinas,unti unting nawala ang “language barrier”. Patuloy itong pinagyaman mula sa pagbabalangkas ng Balarila at Alpabetong Filipino mula kay Lope K. Santos hanggang sa pagsasali sa Asignaturang Filipino sa kurikulum ng bawat paaralan sa bansa sa halip na wikang Kastila, sang-ayon kina Komisyoner Jose Romero at Dating Kalihim Jorge Bocobo. Sa kasalukuyan, ang “Revisyon ng Wikang Filipino” ay isa sa mga makabuluhang pagbabago sa istruktura ng ating wikang pambansa, kung saan isinama na rito ang iba’t ibang mga salita buhat sa mga lokal na dayalekto sa ating bansa, maging ang ilan sa wikang banyaga gayon din ang “wikang panteknolohiya at pang-henerasyon” na kung dati’y lalawiganin at pang-gramatika lamang, ay kasama na rito ang mga kolokyal at makabagong “balbal” tulad ng gay lingo at jejemon. Ito ay nagpapahiwatig na ang ating wika ay umuunlad at buhay. Sa tulong makabagong teknolohiya, at makabagong paraan ng medya, madaling maituturo sa bawat Pilipino ang paggamit ng wika. Sa pamamagitan ng telebisyon at internet, ay natututunan ng mabilis ng mga kabataan ang pagsasalita ng wikang Filipino. Sa ganitong paraan, saanmang lupalop ng ating bansa tayo mapadpad, ay maiintindihan tayo ng ating mga kapwa Pilipino. Kaya sa pagdiriwang na ito, ay maisakatuparan sana ang mithiing mapahalagahan ang kalikasan na kaakibat ngayon sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Dapat nating mahalin ang wikang Filipino, sapagkat ito ang daan patungo sa ating pag-unlad bilang nag-kakaisang bansa. Maraming Salamat Po..

Pambungad Na Pananalita

Embed Size (px)

DESCRIPTION

gfg

Citation preview

Page 1: Pambungad Na Pananalita

Ang ating mga tagapagpakilala, ang aming pinagpipitagang punong guro, Gng. Teresita A. Gianan, ang tagapamuno ng asignaturang pang-akademiko at pang bokasyunal, Gng Josefina Torio at G. Domingo Evangelista. Ang ating panauhing tagapagsalita; mga minamahal naming guro; kapwa ko mga mag-aaral, magandang umaga po sa inyong lahat.

Tuwing buwan ng Agosto ay ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Wikang Pambansa, bilang paggunita sa ating kasaysayan at pagpapahalaga sa mga naging kaganapan upang ang wikang Filipino ay maisabatas bilang Pambansang Wika ng Pilipinas.

Kung ating babalikan ang ating naging kasaysayan, masasabing naging mahalagang salik ang wika sa tagumpay at kabiguan ng ating mga ninuno sa pakikipaglaban sa mga dayuhang mananakop. Ang pagkakaroon ng iba’t ibang dayalekto sa ating bansa ay naging sanhi ng hindi pagkakaunawaan at kawalan ng pagkakaisa. Kayat nang maisabatas noong Panahon ng Komonwelt at pagtibayin ni Dating Pangulong Manuel Luis Quezon, ang Wikang Filipino bilang Wikang Pambansa na batay sa wikang Tagalog na siyang pangunahing dayalekto ng nakararaming pangkat etniko sa Pilipinas,unti unting nawala ang “language barrier”. Patuloy itong pinagyaman mula sa pagbabalangkas ng Balarila at Alpabetong Filipino mula kay Lope K. Santos hanggang sa pagsasali sa Asignaturang Filipino sa kurikulum ng bawat paaralan sa bansa sa halip na wikang Kastila, sang-ayon kina Komisyoner Jose Romero at Dating Kalihim Jorge Bocobo. Sa kasalukuyan, ang “Revisyon ng Wikang Filipino” ay isa sa mga makabuluhang pagbabago sa istruktura ng ating wikang pambansa, kung saan isinama na rito ang iba’t ibang mga salita buhat sa mga lokal na dayalekto sa ating bansa, maging ang ilan sa wikang banyaga gayon din ang “wikang panteknolohiya at pang-henerasyon” na kung dati’y lalawiganin at pang-gramatika lamang, ay kasama na rito ang mga kolokyal at makabagong “balbal” tulad ng gay lingo at jejemon. Ito ay nagpapahiwatig na ang ating wika ay umuunlad at buhay.

Sa tulong makabagong teknolohiya, at makabagong paraan ng medya, madaling maituturo sa bawat Pilipino ang paggamit ng wika. Sa pamamagitan ng telebisyon at internet, ay natututunan ng mabilis ng mga kabataan ang pagsasalita ng wikang Filipino. Sa ganitong paraan, saanmang lupalop ng ating bansa tayo mapadpad, ay maiintindihan tayo ng ating mga kapwa Pilipino.

Kaya sa pagdiriwang na ito, ay maisakatuparan sana ang mithiing mapahalagahan ang kalikasan na kaakibat ngayon sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Dapat nating mahalin ang wikang Filipino, sapagkat ito ang daan patungo sa ating pag-unlad bilang nag-kakaisang bansa.

Maraming Salamat Po..