24

panpil12_hudhud_nich

Embed Size (px)

DESCRIPTION

 tinatawag na “Comandancia de Quiangan” noong panahon ng mga Espanyol. Napapaligiran ng mga kabundukan Sa pinakahuling datos ng National Statistics Office (August 2007), ay mayroong 180,711 na mamamayan na lamang sa nasabing probinsya. Kabilang sa mga sinaunang tao sa Pilipinas Pamilya ang “puso” ng kultura ng mga Ifugao. ILANG MGA PANINIWAL A AT TRADISYON:  Ang mundo ay binubuo ng tatlong magkakahiwalay na “layers”. Naniniwala sa propesiya (idao o pitpit) Hagabi

Citation preview

Page 1: panpil12_hudhud_nich
Page 2: panpil12_hudhud_nich
Page 3: panpil12_hudhud_nich

tinatawag na “Comandancia de Quiangan” noong panahon ng mga Espanyol.Napapaligiran ng mga kabundukan Sa pinakahuling datos ng National Statistics Office (August 2007), ay mayroong 180,711 na mamamayan na lamang sa nasabing probinsya.Kabilang sa mga sinaunang tao sa PilipinasPamilya ang “puso” ng kultura ng mga Ifugao.

Page 4: panpil12_hudhud_nich

ILANG MGA PANINIWAL A AT TRADISYON: Ang mundo ay binubuo ng tatlong magkakahiwalay na “layers”.Naniniwala sa propesiya (idao o pitpit)Hagabi

Page 5: panpil12_hudhud_nich

ay tumutukoy sa mga naratibo na binibigkas ng mga Ifugao sa espesyal na okasyon (kamatayan ng isang importanteng tao, magbigay-kulay sa mga seremonya sa panahon ng pag-aani, binugwa)Pumapatungkol sa gawain ng mga bayaning Ifugao, ang kanilang mga kuwentong pag-ibig, kamatayan at muling pagkabuhay.Binabanggit din ang kanilang mitolohiya, pinagmulan, mga relihiyosong paniniwala, tradisyon at gawain.

Page 6: panpil12_hudhud_nich

may tatlong uri:1) Inaawit sa kamatayan ng isang mahalagang tao2) Inaawit sa paghuhukay ng mga buto ng mga ninuno

upang ito’y mabasbasan-bogwa (halimbawa: Daulayannak Dinuganan, Pumbakhayon nak Pangaiwan, Buganha Kallangigan)

3) Inaawit sa panahon ng pag-aani (halimbawa: Aliguyonnak Amtalao, Bugan nak Pangaiwan)

Binubuo ng 200 kwento na may 40 kabanata

Page 7: panpil12_hudhud_nich

noong ika-18 ng Marso 2001, sa unang pagkilala ng UNESCO ( United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization) sa mga “Masterpieces of the Oral and Intangible Heritage of Humanity”, ay ginawaran ang Hudhud ng mga Ifugao ng nasabing parangal.

Page 8: panpil12_hudhud_nich

DumulaoAmtalaw

ALIGUYON Aginaya

Page 9: panpil12_hudhud_nich

IndangunayPangaiwan

Pumbakhayon BUGAN

Page 10: panpil12_hudhud_nich

LinganDinug-anan

Guminigin Induduli

Page 11: panpil12_hudhud_nich

Bumangon mula sa hinihigang bangko si Aliguyon at lumipat sa ibabaw ng palangka pagpasok ng kanilang bahay. Pinagsabihan siya ng kanyang ina na maari niyang maabala ang mga espiritu at mahulog ang kanilang mga alahas. Nagpaalam si Aliguyon na pupunta sa kabilang lugar upang mamugot ng ulo.

Page 12: panpil12_hudhud_nich

Pinakiusapan na lamang siya ng kanyang ina na huwag ng ituloy ang balak, bagkus ay humanap na lamang ng babaeng mapapangasawa. Nagtanong siya kay Amtalaw ngunit hinikayat niya ang anak na sa halip na buhayin muli ang mga nakaraang sigalot ay umuwi na lamang na kasama ang anak ni Pangaiwan.

Umalis si Aliguyon na dala ang sarili niyang kiti at maging ang sibat ng ama. Tinipon niya ang kanyang mga kasamahan upang maghanda na sa kanilang paglalakbay. Ngunit bago sila hinayaan ng kanyang ama na umalis ay kanya munang sinubok ang kakayahan ng anak sa pakikidigma. Nakapasa naman si Aliguyon kaya hinayaan na lamang ng kanyang ama na maghanda siya at ang kanyang mga kasamahan.

Page 13: panpil12_hudhud_nich

Nakarating na sila sa Bilibil at tumuloy-tuloy sila sa mga kamalig ng bigas. Nasilayan sila ni Pumbakhayon na noon ay nasa may mga pilapil. Ang pagdating ni Aliguyon ay tila nagdala ng hamon kay Pumbakhayon , na anak ni Pangaiwan na pangunahing kaaway ni Amtalaw. Agad na bumaba si Pumbakhayon at hinarap si Aliguyon at ang kanyang mga kasama.

Nakiusap si Pumbakhayon na sa may ilog na lamang nila gawin ang kanilang pagtutuos dahil hitik pa sa bunga ang kanilang pilapil. Ngunit hindi pumayag si Aliguyon dahil iniisip niyang natatakot lamang ang nasabing kaaway.

Naging mainit ang labanan dahil sadyang parehong magagaling na mandirigma ang dalawa. At ang mga babae ay naghihiyawan sa takot at kaba.

Page 14: panpil12_hudhud_nich

Sa gitna ng mga hiyawan ay dumating si Indangunay, ang ina ni Pumbakhayon, upang papanhikin ang anak para kumain. Matapos makakain ay muling naglaban ang dalawa. Tumagal ng dalawang buwan ang labanang ito. Pagkatapos nito ay nagpaalam si Aliguyon na babalik pansamantala sa Hananga at doon niya na lamang hihintayin si Pumbakhayon para maipagpatuloy ang kanilang laban.

Kinaumagahan ay tumungo si Pumbakhayon sa Hananga at nakitang naitabi na nila Aliguyon ang kanilang mga aning palay. Dahil dito ay lalong nagalit si Pumbakhayon sa pandarayang ginawa ni Aliguyon .

Page 15: panpil12_hudhud_nich

Habang nagaganap ang pagtutuos na ito nila Aliguyon, sa baryo ng Tabangawon, nadiskubre ni Guminigin ang isang supot ng alahas ng kanyang ina. Tinanong niya ang kanyang anak na si Lingan kung para saan iyon, at nalaman niya na iyon ang magiging kapalit ng kanyang pagpapakasal kay Bugan. Nang malaman ito, agad nang naghanda ng kanin at karneng ipanghahandog sa Bilibil. Nagpakilala at napatunayan na si Guminigin nga ang ipinagkasundo niya sa kanyang anak.

Samantala, nahihirapan na si Pumbakhayon kaya sinabi nitong babalik na siya sa Bilibil. Kung nais pa daw ni Aliguyon na ituloy ang laban ay pumunta siya sa Bilibil kinabukasan. Nang makarating na sa kanila ay nakita ni Pumbakhayon si Guminigin at nagtaka kung sino ito.

Page 16: panpil12_hudhud_nich

Sinabi ng kanyang ina ang tunay na pakay ni Guminigin. At agad na inalala ni Pumbakhayon ang pagpunta ni Aliguyon kinabukasan.

Dumating si Aliguyon sa Bilibil. Hiniling ni Guminigin na siya na lamang ang makikipaglabang para sa puso ni Bugan. Sa kanilang pakikipaglabang ay sinabi ni Guminigin ang kasunduan at ito ang nag-udyok kay Aliguyon na tanging isang marahas na paraan na lamang ang paraan upang makuha si Bugan.

Inakala ni Guminigin na sumuko na si Aliguyon kaya nagmamadali niyang dinala si Bugan sa kanila upang magpakasal na. Ngunit sa daan ay inagaw ni Aliguyon ang dalaga at dinala sa Hananga.

Page 17: panpil12_hudhud_nich

Humabol si Guminigin patungong Hananga at hiniling na ibalik sa kanya si Bugan. Ngunit si Aginaya ang ibinigay sa kanya ni Aliguyon.

Nakarating kay Pumbakhayon ang nasabing pangyayari at agad na dinukot si Aginaya. At nang mangyari iyon ay nakipaglaban si Guminigin kay Pumbakhayon. Narinig din ni Aliguyon ang nasabing balita at tumungo sa Tabangawan at nakipaglaban. Nakatakas si Pumbakhayon, dala-dala si Aginaya.

Nagdalawan ang dalawang pamilya at pagkatapos nito ay sinabi ni Pumbakhayon na dapat ng gawin ang puya. Nagdiwang sila. Matapos nito ay pinagsama na sa pamamagitan ng isang shaman sina Aliguyon at Bugan. At naganap din ang parehong pagdiriwang sa Bilibil.

Page 18: panpil12_hudhud_nich

BUGANBatawilen

ALIGUYON

Page 19: panpil12_hudhud_nich

Noong unang panahon sa baryo ng Gunhadan sa Bontoc ay may mag-asawang naninirahan dito. Ang lalaki ay si Batawilen at Bugan ang pangalan ng babae. Si Bugan ay napakaganda, masayahin at masipag. Samatalang ang kanyang asawa ay tamad, palagi na lamang tulog saa buong maghapon at gabi.

Isang araw ay napuno na lamang si Bugan sa katamaran ng asawa. Nagkunwari itong patay sa pamamagitan ng pagtatago niya ng kanyang mga baga sa kanyang likod upang hindi marinig nag kanyang paghinga.

Page 20: panpil12_hudhud_nich

Kumalat ang balita sa buong bayan at maging sa mga karatig bayan nito. Maraming tao ang nagpunta upang masilayan siya. Hindi siya inilagay sa ataol bagkus ay gumawa ng parang silya para maupuan niya.

Isa sa mga bumisita sa kanya ay si Aliguyon at napansin nitong sariwa at hindi nabubulok si Bugan.

Nang madaling-araw na ay kinuha ni Aliguyon si Bugan at dinala sa kanilang bahay. Binalik niya sa tamang posisyon ang mga baga ng babae at muli itong nabuhyal. Lubos na nagpasalamat si Bugan sa pagkakatangay sa kanya ni Aliguyon sa malayo.

Page 21: panpil12_hudhud_nich

Naganap ang pag-ibig sa unang pagkikita at agad silang nagpakasal. Tumagal ng pitong linggo ang pagdiriwang sa nasabing kasal.

Samatala, abalang-abala si Batawilen sa paghahanap sa asawa. May nakapagsabi sakanya na buhay ang kanyang asawa at nandoon kina Aliguyon.

Agad na naghanda si Batawilen upang makuhang muli si Bugan. Sa Pinula ay kumuha siya ng putik ay inihugis na kamukhang-kamukha ni Bugan.Pagkatapos ay hiningahaan niya ito upang magkaroon ng buhay.

Page 22: panpil12_hudhud_nich

Si Aliguyon ay mahimbing na natutulog ng dumating si Batawilen. Ipinalit niya ang babaeng putik kay Bugan. Nang magising si Aliguyon ay wala siyang kamalay-malay na wala na ang kanyang pinakamamahal.

Pagkaraan ng isang linggo ay saka pa lamang nadiskubre ni Aliguyon ang lahat. Dumalo sila sa bagat ni “Bugan”. Nang pauwi na sila ay umulan ng malakas. Wala silang masilungan kaya nagpatuloy na lamang sila sa paglalakad. Tuloy-tuloy ang pag-ulan kaya unti-unti ding nalusaw ang kanyang inaakalang asawa.

Ipinalagay niyang kagagawan ni Batawilen ang lahat. Gumulo ito sa kaniyang isipan kaya hindi siya nakatulog magdamag.

Page 23: panpil12_hudhud_nich

Kinabukasan, agad na sumugod si Aliguyon sa bahay ni Batawilen. Natutulog pa si Batawilen nang siya ay dumating at sa sobrang galit niya ay agad niyang sinibat sa dibdib si Batawilen. Sa lakas niya, ang katawan ni Batawilen ay nadala ng siyam na sibat na siyam na pilapil ang layo.

Nakuhang muli ni Aliguyon si Bugan at iniuwi ito sa kanilang bahay at namuhay sila ng tahimik at maligaya.

Page 24: panpil12_hudhud_nich

1) Anong anyo ng lupa ang nakapaligid sa probinsya ng Ifugao dahilan upang magkaroon ito ng matatabang lupain na tamang tama para sa pagsasaka?

2) Ang Hudhud ng mga Ifugao ay may ________ na uri.3) Sino ang ama ni Aliguyon?4) Sa “Hudhud hi Aliguyon”, gaano katagal ang naging

unang paglalaban ni Aliguyon at Pumbakhayon sa Bilibil?

5) Sino ang naging karibal ni Aliguyon sa “Bugan nak Pangaiwan”?