Upload
others
View
49
Download
0
Embed Size (px)
Citation preview
Planong AralinIniligtas ng isang Asno (Unang Aralin)
Unang Aralin: Mga Mensahero sa Mesopotamia | Guro: Teksto sa Kasulatan: Mga Bilang 22:1-12 Layunin ng aralin: Matututunan ng mga bata na maaaring gamitin ng Diyos ang ating mga kaaway upang palakasin tayo
Panimulang panalangin: Manalangin ng maiksi kasama ang mga bata bago simulan ang aralin.
Buod ng Aralin sa Bibliya: Sa Unang Aralin, nakita ni Haring Balak at ng mga matatanda ng Madian ang milyun-milyong mga
Israelita na nagkakampo malapit sa kanilang lupain. Puno ng takot, nakaisip ang hari ng isang
masamang plano upang mawala sila sa kanilang landas. Nagpadala siya ng isang grupo ng mga
mensahero sa lupain ng Mesopotamia upang kausapin ang isang propetang nagngangalang
Balaam at hiniling dito na sumpain ang mga Israelita. Inalok nila si Balaam ng malaking halaga
upang gawin ito. Bago sila sinagot ni Balaam, hiniling niya sa Diyos (YHVH) kung ano ang kanyang
gagawin. Sinabi sa kanya ng Diyos na huwag siyang sumama sa mga mensahero papuntang
Moab.
Nakakatuwang Katotohanan mula sa Bibliya? Alam ba ninyo na isang higante si Og, ang Hari ng Bashan? Ginamit sa Bibliya ang salitang
Hebreong “Nefilim” o “Refa’im” upang ilarawan ang mga higante. (Deuteronomio 3:11)
©Bible Pathway Adventures 2018 www.biblepathwayadventures.com
Aralin sa Bibliya: Basahin ang mga pahina 1, 2, at 3 mula sa kuwentong ‘Iniligtas ng isang Asno.’ Mga gagamiting
tanong:
1. Sino ang hari ng mga Moabita na nagnais na labanan ang bayan ng Diyos?
2. Bakit siya natatakot sa mga Israelita?
3. Sino ang sinubukang bayaran ni Balak upang sumpain ang mga Israelita?
4. Saan nakatira si Balaam?
5. Bakit hindi sumama si Balaam sa lupain ng Moab kasama ng mga mensahero?
Mensahe: Basahin: Mateo 7:24-28 at Deuteronomio 8. Ginagamit ng Diyos ang mahihirap na sitwasyon upang
subukin at pakalasin tayo.
Talatang isasaulo: “Sapagkat kasama mo ang Diyos mong si Yahweh; siya ang makikipaglaban para sa iyo at
pagtatagumpayin ka niya.” (Deuteronomio 20:4)
Gawain: 1. Pahinang kukulayan: Ang mga Mensahero sa Mesopotamia
2. For more activities, see our Balaam’s Donkey Activity Book for Kids Ages 3-5. Preview here:
https://biblepathwayadventures.com/activities/balaams-donkey-book-3-5/
Pangwakas na panalangin: Tapusin ang aralin sa isang maiksing panalangin.
©Bible Pathway Adventures 2018 www.biblepathwayadventures.com
Planong AralinIniligtas ng isang Asno (Ikalawang Aralin)
Ikalawang Aralin: Naglakbay si Balaam patungong Moab Guro: Teksto sa Kasulatan: Mga Bilang 22:13–23 Layunin ng aralin: Matututunan ng mga bata na laging tama ang sumunod sa Diyos
Panimulang panalangin: Manalangin ng maiksi kasama ang mga bata bago simulan ang aralin.
Buod ng Aralin sa Bibliya: Sa Ikalawang Aralin, sinabi ni Balaam sa mga mensahero na hindi niya susumpain ang mga
Israelita. Bumalik ang mga mensahero sa Moab at sinabi kay Balak ang masamang balita.
Determinadong mapaalis ang mga Israelita, nagpadalang muli si Balak ng isa pang grupo ng mga
mensahero na may dalang mas maraming salapi upang makipagusap kay Balaam. Gusto ni
Balaam na magkamal ng malaking kayamanan! Pagkatapos na makipagusap sa Diyos, pumayag
siya na magtungo sa lupain ng Moab kasama ng mga mensahero. Habang daan, nakita ng
kanyang sinasakyang asno ang anghel ng Diyos sa unang pagkakataon at tumakbo ito palayo sa
daraanan. Hindi nakita ni Balaam ang anghel gaya ng kanyang asno.
Nakakatuwang Katotohanan mula sa Bibliya? Alam ba ninyo na nanirahan si Moises kasama ang mga Madianita sa loob ng 40 taon bago siya
bumalik sa Egipto upang palayain ang mga Israelita? (Mga Gawa 7:29-30)
©Bible Pathway Adventures 2018 www.biblepathwayadventures.com
Aralin sa Bibliya: Basahin ang mga pahina 4, 5, at 6 mula sa kuwentong ‘Iniligtas ng isang Asno.’ Mga gagamiting
tanong:
1. Bakit nagulat si Haring Balak ng hindi pumunta si Balaam sa Moab?
2. Ano ang sunod na ginawa ng Hari upang baguhin ang desisyon ni Balaam?
3. Ano ang sinabi ng Diyos na gagawin ni Balaam?
4. Ano ang lihim na plano ni Balaam? Paano niya sinuway ang Diyos?
5. Bakit tumakbo ang asno palayo sa daraanan?
Mensahe: Basahin: Mga Gawa 5:17–32. Sinubukan ni Balaam na bigyang kasiyahan ang Diyos at si Haring
Balak? Bilang mga tagasunod ni Yeshua (Jesus), dapat nating sundin ang Diyos sa halip na gumawa
ng desisyon upang pahangain o bigyang kasiyahan ang ibang tao.
Talatang isasaulo: “Sumagot si Pedro at ang ibang mga apostol, “Sa Diyos kami dapat sumunod, at hindi sa tao.”
(Mga Gawa 5:29)
Gawain: 1. Pahinang kukulayan: Naglakbay si Balaam patungong Moab
2. For more activities, see our Balaam’s Donkey Activity Book for Kids Ages 3-5. Preview here:
https://biblepathwayadventures.com/activities/balaams-donkey-book-3-5/
Pangwakas na panalangin: Tapusin ang aralin sa isang maiksing panalangin.
©Bible Pathway Adventures 2018 www.biblepathwayadventures.com
Planong AralinIniligtas ng isang Asno (Ikatlong Aralin)
Ikatlong Aralin: Ang Anghel ng Diyos | Guro: Teksto sa Kasulatan: Mga Bilang 22:24-38 Layunin ng aralin: Matututunan ng mga bata na nais ng Diyos na masiyahan tayo sa kung ano ang mayroon tayo
Panimulang panalangin: Manalangin ng maiksi kasama ang mga bata bago simulan ang aralin.
Buod ng Aralin sa Bibliya: Sa Ikatlong Aralin, nagpatuloy si Balaam at ang kanyang asno sa paglalakbay patungong Moab.
Muling nakita ng asno ang Anghel ng Diyos at muling pinalo ni Balaam ang kanyang asno. Nang
makita ng asno ang Anghel sa ikatlong pagkakataon, hindi na ito gumalaw. Binigyan ng Diyos ng
kakayahang magsalita ang asno. Bigla, binuksan ng Diyos ang mata ni Balaam at nakita niya ang
Anghel (na si Yeshua) sa kanyang harapan. Alam ni Yeshua na mas interesado si Balaam sa pera at
sa pagbibigay kasiyahan kay Haring Balak kaysa sa sumunod sa Kanya. Sinabi Niya kay Balaam na
pumunta sa Moab at sabihin kung ano lamang ang ipinasasabi ni YHVH. Pumayag si Balaam at
mabilis na nagtungo sa Moab.
Nakakatuwang Katotohanan mula sa Bibliya? Alam ba ninyo na ang pangalan ni Jesus sa wikang Hebreo ay Yeshua? Ang Kanyang buong
pangalan ay Yehoshua na ngangangahulugang, ‘Ang Diyos ang Aking kaligtasan’.
©Bible Pathway Adventures 2018 www.biblepathwayadventures.com
Aralin sa Bibliya: Basahin ang mga pahina 7, 8, at 9 mula sa kuwentong ‘Iniligtas ng isang Asno.’ Mga gagamiting
tanong:
1. Ano ang nakita ng asno ni Balaam sa daraanan?
2. Ano ang ginawa ni Balaam sa tuwing iniiwasan ng kanyang asno ang Anghel ng Diyos?
3. Ano ang sinabi kay Balaam ng kanyang asno?
4. Sino ang Anghel na humarang sa daraanan? Ano ang Kanyang sinabi kay Balaam? Bakit?
5. Sa huli, ano ang sinabi ni Balaam kay Haring Balak ng dumating siya sa Moab?
Mensahe: Basahin: Mga Bilang 22:20-38. Ang pag-ibig ni Balaam sa salapi ay ang nagtulak sa kanya na
bigyang kasiyahan si Haring Balak ng higit sa Diyos. Hindi tayo dapat na magnasa ng pera ng higit
sa Diyos. Dapat tayong masiyahan kung ano ang mayroon tayo.
Talatang isasaulo: “Huwag kayong magmukhang pera; at masiyahan na kayo sa anumang nasa inyo. Sapagkat sinabi
ng Diyos, “Hindi kita iiwan ni pababayaan man.” (Hebreo 13:5)
Gawain: 1. Pahinang kukulayan: Ang Malaking Kayamanan!
2. For more activities, see our Balaam’s Donkey Activity Book for Kids Ages 3-5. Preview here:
https://biblepathwayadventures.com/activities/balaams-donkey-book-3-5/
Pangwakas na panalangin: Tapusin ang aralin sa isang maiksing panalangin.
©Bible Pathway Adventures 2018 www.biblepathwayadventures.com
Planong AralinIniligtas ng isang Asno (Ikaapat na Aralin)
Ikaapat na Aralin: Pinagpala ng Diyos ang Bansang Israel Guro: Teksto sa Kasulatan: Mga Bilang 23:1–24:9 Layunin ng aralin: Matututunan ng mga bata na iniingatan ni YHVH ang Kanyang bayan
Panimulang panalangin: Manalangin ng maiksi kasama ang mga bata bago simulan ang aralin.
Buod ng Aralin sa Bibliya: Sa Ikaapat na Aralin, dinala ni Balak si Balaam sa isang mataas na lugar kung saan nagtayo siya ng
pitong altar at nagdala ng mga hayop na susunugin para sa Diyos. Pagkatapos ng pakikipagusap
ni Balaam kay YHVH, sinunod niya ang sinabi ni YHVH at pinagpala ang bansang Israel. Nagalit si
Balak. Dinala niyang muli si Balak sa isa pang mataas na lugar upang maghandog. Muli, sinunod ni
Balaam ang Diyos at pinagpala ang bayang Israel. Sa ikatlong pagkakataon, dinala niyang muli si
Balaam sa isang mataas na lugar upang maghandog. Muli, sinunod ni Balaam ang Diyos at
pinagpala ang bansang Israel.
Nakakatuwang Katotohanan mula sa Bibliya? Alam ba ninyo na si Balaam ay nagmula sa Pethor sa Mesopotamia? (Deuteronomio 23:4). Sa
salitang Hebreo, ang pangalang Pethor ay nangangahulugang ‘manghuhula’ o ‘tagapagbigay
kahulugan sa mga panaginip’.
©Bible Pathway Adventures 2018 www.biblepathwayadventures.com
Aralin sa Bibliya: Basahin ang mga pahina 10, 11, 12, at 13 mula sa kuwentong ‘Iniligtas ng isang Asno.’ Mga
gagamiting tanong:
1. Saan si Balaam naghandog?
2. Ano ang nakikita ni Balaam mula sa tuktok ng burol?
3. Ano ang mga pagpapala na sinabi ng Diyos sa pamamagitan ni Balaam pagkatapos ng ikalawang
paghahandog?
4. Ano ang mga pagpapala na sinabi ng Diyos sa pamamagitan ni Balaam pagkatapos ng ikatlong
paghahandog?
5. Sinumpa ba ni Balaam ang bayan ng Diyos gaya ng nais na ipagawa sa kanya ni Haring Balak?
Mensahe: Basahin: Mga Bilang 23–34. Ang masamang plano ni Balak ay ginamit ng Diyos para sa ikabubuti ng
Kanyang bayan, ang bayang Israel. Laging iniingatan ng Diyos ang Kanyang bayan na umiibig at
sumusunod sa Kanyang mga utos.
Talatang isasaulo: “Yaong umiibig sa kanya ng lubos ay iniingatan; ngunit ang masama'y wawasakin niya't walang
mabubuhay.” (Awit 145:20)
Gawain: 1. Pahinang kukulayan: Pinalo ni Balaam ang kanyang asno
2. For more activities, see our Balaam’s Donkey Activity Book for Kids Ages 3-5. Preview here:
https://biblepathwayadventures.com/activities/balaams-donkey-book-3-5/
Pangwakas na panalangin: Tapusin ang aralin sa isang maiksing
panalangin.
©Bible Pathway Adventures 2018 www.biblepathwayadventures.com
Planong AralinIniligtas ng isang Asno (Ikalimang Aralin)
Ikalimang Aralin: Ang napakasamang plano ni Balaam | Guro: Teksto sa Kasulatan: Mga Bilang 24:10-25:9, 31:1-54 Layunin ng aralin: Matututunan ng mga bata na pinagpapala tayo ng Diyos sa tuwing sinusunod natin ang Kanyang mga utos
Panimulang panalangin: Manalangin ng maiksi kasama ang mga bata bago simulan ang aralin.
Buod ng Aralin sa Bibliya: Sa Ikalimang Aralin, nagalit si Balak kay Balaam dahil pinagpala nito ang mga Israelita. Gayunman,
mas maraming balitang nais ibahagi si Balaam. Sinabi nito kay Balak na isang Tagapagligtas ang
darating at pupuksain nito ang mga kaaway ng Israel. Sinabihan ni Balak si Balaam na umuwi na.
Ngunit bago siya bumalik sa Mesopotamia, sinabi ni Balaam kay Balak kung paano sila gagapiin ng
mga Israelita.Nagpadala si Balak ng maraming babae upang aliwin ang mga Israelita. Ngunit hindi
natuwa si Yahweh. Nagpadala Siya ng salot sa mga taong sumamba sa mga diyus-diyusan at
inutos sa mga Israelita na salakayin ang mga Madianita. Sinunod ni Moises ang Diyos at nagwagi
sila sa labanan.
Nakakatuwang Katotohanan mula sa Bibliya? Alam ba ninyo na ginamit ng Diyos si Balaam upang hulaan ang kapanganakan ng darating na
Mesiyas o Tagapagligtas? (Mga Bilang 24:17)
©Bible Pathway Adventures 2018 www.biblepathwayadventures.com
Aralin sa Bibliya: Basahin ang mga pahina 14, 15, at 16 mula sa kuwentong ‘Iniligtas ng isang Asno.’ Mga gagamiting
tanong:
1. Bakit gusto ni Balak na pauwiin si Balaam?
2. Ayon sa Bibliya, ano ang nangyayari sa mga Israelita sa tuwing sumusunod at sumusuway sila sa
Diyos?
3. Anong payo ang ibinigay ni Balaam kay Balak upang matalo nito ang mga Israelita?
4. Ano ang nangyari ng sundin ni Balak ang payong iyon?
5. Ano ang ginawa ng Diyos sa mga Israelita at mga Madianita?
Mensahe: Basahin: Deuteronomio 28. Binigyan tayo ng Diyos ng mga utos upang tulungan tayo. Kung
susundin natin ang mga iyon, pagpapalain Niya tayo.
Talatang isasaulo: “Mamuhay kayo ayon sa kanyang mga utos. Sa ganoon, sasagana kayo at hahaba ang buhay ninyo
sa lupaing sasakupin ninyo.” (Deuteronomio 5:33)
Gawain: 1. Pahinang kukulayan: Ang napakasamang plano ni Balaam
2. For more activities, see our Balaam’s Donkey Activity Book for Kids Ages 3-5. Preview here:
https://biblepathwayadventures.com/activities/balaams-donkey-book-3-5/
Pangwakas na panalangin: Tapusin ang aralin sa isang maiksing panalangin.
©Bible Pathway Adventures 2018 www.biblepathwayadventures.com