21
“TUBERKULOSIS AT MULTI DRUG RESISTANCE TUBERKULOSIS” ATING ALAMIN: Philippine Nurses Association in Partnership with the International Council of Nurses

Power Point Presentation at OPD TB and MDR TB FINAL!

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Power Point Presentation at OPD TB and MDR TB FINAL!

“TUBERKULOSIS AT MULTI DRUG RESISTANCE TUBERKULOSIS”ATING ALAMIN:

Philippine Nurses Association in Partnership with the International Council of Nurses

Page 2: Power Point Presentation at OPD TB and MDR TB FINAL!

ANO ANG TUBERKULOSIS?

Page 3: Power Point Presentation at OPD TB and MDR TB FINAL!

Ang Tuberkulosis ay isang uri ng karamdaman na sanhi ng bacteria na kilala sa tawag na Tubercle Baccilli. Isa itong uri ng mikrobyong kayang mabuhay sa kabila ng mga mild disinfectants o mahihinang uri ng pamatay mikrobyo at sa mga tuyong panahon ng may kung ilang linggo. Pero maaari lamang itong magparami sa pamamagitan ng isang host na organismo. Ang host na organismo na ito ay walang iba kundi tayong mga tao.

Maaari itong makaapekto sa ibat ibang parte ng katawan ng tao, sa baga, sa buto, sa bato, sa dugo at sa mga glandula ng katawan ng tao.

Page 4: Power Point Presentation at OPD TB and MDR TB FINAL!

PAANO BA NAKUKUHA ANG TUBERKULOSIS?

Ang tuberculosis ay nakukuha at kumakalat sa pamamagitan ng mga infected na indibidwal. Ang mikrobyo ay kumakalat sa pamamagitan ng pagbahing, pag ubo, pagsasalita ng taong positibo sa karamdamang ito. Sa pamamagitan ng hangin ang maliliit na mikrobyong ito ay maaaring malanghap ng isang indibidwal na maari muling maging panibagong host o tirahan ng mikrobyong ito kun saan maaari na naman itong magpadami.

Page 5: Power Point Presentation at OPD TB and MDR TB FINAL!

ANO ANG MGA SINTOMAS NG PAGKAKAROON NG TB?

Page 6: Power Point Presentation at OPD TB and MDR TB FINAL!

TANDA NG TUBERKULOSIS:

1. Ubong higit sa 3 linggo2. Ubong may dugo3. Lagnat at pagpapawis pagdating ng hapon o gabi4. Pananakit ng likod5. Pagbaba ng timbang ng katawan

Page 7: Power Point Presentation at OPD TB and MDR TB FINAL!

MGA BAGAY NA MAAARING MAGBIGAY DAAN O MAKAAPEKTO SA PAGKAKAROON

NG TB? Pagkakaroon ng miyembro ng pamilya o kaibigan na

maysakit na TB Mahinang pangangatawan dala ng ibang

karamdamang taglay, e.q. Pasyenteng positibo sa HIV

Paglipat ng tirahan sa isang bansang may mataas na insidente ng populasyong positibo sa TB

Paglalakbay sa mga lugar na may mataas na bilang nang populasyon na positibo sa TB.

Pagiging Lasenggo o Alkoholik, o Pag aabuso sa pinagbabawal na gamot

Malnutrisyon Walang permanenteng tirahan

Page 8: Power Point Presentation at OPD TB and MDR TB FINAL!

ANG MGA PARAAN UPANG MALAMAN KUNG AKO AY POSITIBO SA SAKIT NA TB? 1. Ang pagmimikroskopyo ng plema at laway ay

isang simple at maaasahang paraan ng pagsusuri sa TB.

2. Ang X-Ray ng dibdib ay isa ring mahalagang paraan para ma-screen ang mga tao sa lugar na laganap ang TB ng baga.

3. Tuberculin Test. Kung saan iiniksyunan sa mababaw na parte ng balat ang tao ng mikrobyong tubercle bacilli, at kapag nagkaroon reaksyon dito ng at naging positibo ang resulta nito sa loob ng 72 oras o tatlong araw, positibo ang nagpatest nito.

Page 9: Power Point Presentation at OPD TB and MDR TB FINAL!

ANO ANG MDR TB O MULTI-DRUG RESISTANCE TB?

Ang MDR TB ay karamdaman na kung saan may resistant sa isa o ilang uri ng gamot na syang ginagamit para gamutin ang tuberculosis.

Nangyayari ang pagkakaroon ng MDR TB ng isang tao, resulta ng maling gamutan, o di pagsunod sa haba ng gamutang itinakda. Ito ay nagreresulta sa mas malakas na uri ng mikrobyo.

Page 10: Power Point Presentation at OPD TB and MDR TB FINAL!

MGA BAGAY NA NAKAKAAPEKTO SA PAGKAKAROON NG MULTI-DRUG RESISTANCE TB O MDR TB?

Hindi pag sunod sa tagal ng gamutan, o guidelines ng gamutan

Kakulangan ng tamang impormasyon

Aspetong Pinansyal :( Libre ang Gamot sa TB)

Transportasyon Maling paniniwala ng Lipunan ukol

sa taong may sakit na TB

Page 11: Power Point Presentation at OPD TB and MDR TB FINAL!

MAY LUNAS BA ANG TB O MDR TB?

Page 12: Power Point Presentation at OPD TB and MDR TB FINAL!

TUBERKULOSIS:

Ang TB ay nagagamot. Isang masusi at responsableng

gamutan ang kailangan. Commitment ng pasyente sa

gamutan Pagsunod sa mga alituntunin ng

gamutan, sa tamang bilang ng haba ng gamutan

Page 13: Power Point Presentation at OPD TB and MDR TB FINAL!

MULTI-DRUG RESISTANCE TB:

Ang MDR TB ay nagagamot. Sa pamamagitang ng mga Special na

Institusyon na may sapat na pasilidad at kaalaman sa pag sugpo sa mga taong may ganitong uri ng karamdaman.

Page 14: Power Point Presentation at OPD TB and MDR TB FINAL!

ANO ANG REKOMENDADONG GAMOT PANG TB SA BAGA SA PILIPINAS?

Unang 2 buwan:Rifampicin, INH, Pyrazinamide Ethambutol

araw-araw.

Susunod na 4 na buwan: Ripampicin at INH araw-araw

Page 15: Power Point Presentation at OPD TB and MDR TB FINAL!

AKO BA’Y HINDI MAKAKARANAS NG SIDE EFFECTS KUNG LULUNOK AKO NG MARAMING

TABLET NA PANG GAMOT SA TB? Maaaring maramdaman mong gusto mong

maduwal o mahilo pagkatapos lumunok ng gamot.

Gayunpaman, unti-unti kang masasanay dito.

Kung makakaranas ka ng panlalabo ng paningin, panghihina ng pandinig, pananakit ng kasu-kasuan o makakapansin ng paninilaw ng mata, itigil mo ang mga gamot at kumunsulta agad sa iyong doktor.

Page 16: Power Point Presentation at OPD TB and MDR TB FINAL!

MAHAL ANG MGA GAMOT.SAAN AKO MAAARING HUMINGI NG LIBRENG GAMOT?

Sa mga itinakdang institusyon kagaya ng Health Center.

Sa mga intensibong institusyon na may sapat kaalaman para sugpuin ang Multi Drug Resistance Tuberkulosis.

Page 17: Power Point Presentation at OPD TB and MDR TB FINAL!

PAALALA SA PASYENTE:

1. Gagaling ka kung walang tigil ang panggagamot mo nang 6 na buwan

2.Kapag nasimulan mo ang panggagamot sa TB, kumunsulta ka sa duktor mo minsan isang buwan para sa pagsusuri at dagdag na payo tungo sa iyong lubusang paggaling.

3. Takpang lagi ang bibig kapag umuubo at dumura lamang sa isang natatakpang sisidlan.

4. Huwag mong tigilan ang panggagamot kahit umiige na ang iyong pakiramdam. Ang mas mabuting pakiramdam ay hindi laging tanda na ikaw ay magaling na.

Kumunsulta agad sa duktor kapag nakaramdam ka ng side effects na gaya ng panlalabo ng paningin, pagiging mabuway, panghihina ng pandinig at paninilaw ng balat.

Iwasan ang paninigarilyo, pananabako at pag-inom ng alak. Maaari kang makihalubilo sa iyong pamilya at sumalo sa pagkain pero

lagi kang iinom ng gamot.

Page 18: Power Point Presentation at OPD TB and MDR TB FINAL!

“KONKLUSYON”

Tuberkulosis San nakukuha ang TB Senyales ng pagkakaron ng TB Mga bagay na nakakaapekto sa pagkakaroon ng TB Pagsusuri sa TB Pinagkaiba ng Tuberculosis sa Multi Drug Resistance TB o

MDR TB Mga bagay na nakakaapekto sa pagakakaroon ng MDR TB Lunas sa TB at MDR TB Side effects ng gamot pang TB San makakakuha ng gamot pang TB Mga Paalaala sa tamang Gamutan sa pagsugpo sa TB

Page 19: Power Point Presentation at OPD TB and MDR TB FINAL!

PRESENTORS:

GIGI P. ESTRADA RNHEAD NURSE (MEDICAL WARD)

CORAZON J. CRUZ RN, MANHEAD NURSE (ER/OPD)

Page 20: Power Point Presentation at OPD TB and MDR TB FINAL!

“SALAMAT PO”

Philippine Nurses Association

International Council of Nurses

Bulacan Medical Center

Mrs.Ginni Williams: ICN Speaker

Mrs. Merceditas Tiongson: Chief Nurse BMC

Mrs. Priscilla Vidal: Asst. Chief Nurse and Training Officer BMC

Page 21: Power Point Presentation at OPD TB and MDR TB FINAL!