3
Salawikain 1. Ano ang salawikain? 2. - 3. Sinu-sino ang kapwa Pransiskano na unang nagtipon ng mga salawikaing Tagalog? 4. Kilala siya sa pagsasaayos ng mga tinipong salawikain ng mga taong binanggit sa bilang ikalawa hanggang ikatlo. 5. Ano ang pamagat ng koleksyon ng salawikain na ginawa ng taong binanggit sa ikaapat na bilang? 6. Gumawa siya ng masusing pag-aaral tungkol sa mga salawikain sa Pilipinas at sinabi niya na maaaring hatiin ang mga salawikain sa ilang mga pangkat. 7 – 8. Ibigay ang kahulugan ng salawikaing ito: Saan mang gubat ay may ahas. 9 – 10. Ano ang kahalagahan ng salawikain? BONUS QUESTON Magbigay ng isang pangkat ng salawikain ayon sa taong binanggit sa bilang anim. Longares, Joshua C. Toribio, Eugene F. X – Graviton

Salawikain

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Pagsubok sa Salawikain

Citation preview

Page 1: Salawikain

Salawikain

1. Ano ang salawikain?

2. - 3. Sinu-sino ang kapwa Pransiskano na unang nagtipon ng mga salawikaing Tagalog?

4. Kilala siya sa pagsasaayos ng mga tinipong salawikain ng mga taong binanggit sa bilang ikalawa hanggang ikatlo.

5. Ano ang pamagat ng koleksyon ng salawikain na ginawa ng taong binanggit sa ikaapat na bilang?

6. Gumawa siya ng masusing pag-aaral tungkol sa mga salawikain sa Pilipinas at sinabi niya na maaaring hatiin ang mga salawikain sa ilang mga pangkat.

7 – 8. Ibigay ang kahulugan ng salawikaing ito:

Saan mang gubat ay may ahas.

9 – 10. Ano ang kahalagahan ng salawikain?

BONUS QUESTON

Magbigay ng isang pangkat ng salawikain ayon sa taong binanggit sa bilang anim.

Longares, Joshua C.Toribio, Eugene F.

X – Graviton

Page 2: Salawikain

MGA SAGOT

1. Mga bantog na matatandang kasabihang puno ng aral

Kinapapalooban ng mabubuting payo at paalala hango sa mga naging karanasan ng mga matatanda

Ang salawikain ay may ibang kahulugan bukod sa literal na ibig sabihin ng mga salitang pinagkabit-kabit upang mabuo ito.

Ang salawikain ay bantog na matatandang kasabihang puno ng aral na maaaring maging gabay tungo sa tamang direksiyon sa pamumuhay.

2 – 3. Padre Gregorio Martin at Mariano Cuadrado

4. Padre Lucio Bustamante

5. Collecion de Refranes Frases y Modismos Tagalo

6. Damiana Eugenio

7 – 8. Hindi nawawalan ng masasamang tao. Kahit saan ka magpunta ay may taong hindi mabuti ang kalooban.

9 – 10. Ito ay magsisilbing tagapangalaga ng mayamang tradisyon ng mga Filipino. Makakukuha tayo rito ng mga payo tungkol sa ating pakikipagrelasyon sa ibang tao. Magsisilbi rin itong inspirasyon sa ating buhay upang makayanan natin ang lahat ng pagsubok at karahasan sa buhay.

Nagiging batayan ng magandang pag-uugali ang mga salawikain

Ang salawikain ay nagsisilbing larawang magtuturo sa atin o magsasabi sa atin ng katotohanang hindi dapat pagdudahan.

BONUS: Alinman sa anim na ito:

(1) nagpapahayag ng panlahat na paningin sa buhay at sa batas ng buhay

(2) nagpapahayag ng mabuting asal

(3) nagpapahayag ng pagpapahalaga ng mabuting asal

(4) nagpapahayag ng pagpapahalaga ng mga tao

(5) nakapagpapatawa

Longares, Joshua C.Toribio, Eugene F.

X – Graviton