2
”Filipino: Wika ng Pambansang Kaunlaran” Ano nga ba ang kahulugang maikakapit sa wika? Ano ba ang Filipino bilang akademik na wikang pangkaunlaran? Napakaraming kahulugan ang maikakapit sa wika hindi lamang bilang gamit sa pakikipagtalastasan o instrumento sa mabisang pagpapahayag ng iniisip at nadarama ng tao. Sa kahulugang ito, epektibong nagagamit ang wika bilang midyum sa pakikipag-usap at pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang kapwa. Dahil dito, maituturing na pag-aari ng tao ang wika at hindi ang wika ang nagmamay-ari sa tao dahil nasa tao ang paraan kung paano ito gagamitin, sa anumang paraan, maging sa mabuti o masama. Iniaayon ng tao ang kanyang pamumuhay sa mundo mula sa mga dinaranas niyang iba't-ibang yugto ng komunikasyon. Ang paggamit ng wika ay pinakamahalaga at pinakamaunlad sa paraang pasalita upang magkaunawaan at makamtan ang ating mga pangunahing kailangan sa buhay. Likas sa ating mga tao ang makisama, makihalubilo at makipagtalastasan sa kapwa bilang kasapi ng lipunan. Dahil dito, tayo ay nangangailangan ng isang wikang panlahat na siyang magbubuklod sa atin at magiging tulay na wika sa pag-uugnayan ng iba't-ibang pangkat-etniko sa kapuluan na may kani-kanilang katutubong wikang ginagamit. Ang ating wikang pambansa ay Filipino. Ang Filipino ay wikang panlahat na may malaking ambag upang maging mabisa ang komunikasyon saan mang dako sa tahanan, paaralan, simbahan, opisina, palengke at iba pang lugar at pagkakataon upang maging normal ang komunikasyon sa kapwa. Nakagagawa tayo ng desisyon tungkol sa anumang bagay maging pangkabuhayan, panrelihiyon, pang-edukasyon at pampulitika. Gayunpaman, nangangailangan din ng isang mabisang wika ang anumang propesyon upang mapagtagumpayan ito. Hindi maikakaila na sa kasalukuyan ay mayroon tayong wikang pambansa na nililinang at patuloy na nililinang. Mahirap magtayo, madaling magwasak. Ang likha ng isang henerasyon na pinaggugulan ng milyun-milyong piso ay hindi maipagwawalang-bahala o mawawasak sa isang kumpas lamang ng panulat. Umuunlad ang wika sa pamamagitan ng

Sanaysay Ni Hotshot

Embed Size (px)

DESCRIPTION

sanaysay

Citation preview

Page 1: Sanaysay Ni Hotshot

”Filipino: Wika ng Pambansang Kaunlaran”

Ano nga ba ang kahulugang maikakapit sa wika? Ano ba ang Filipino bilang akademik na wikang pangkaunlaran? Napakaraming kahulugan ang maikakapit sa wika hindi lamang bilang gamit sa pakikipagtalastasan o instrumento sa mabisang pagpapahayag ng iniisip at nadarama ng tao. Sa kahulugang ito, epektibong nagagamit ang wika bilang midyum sa pakikipag-usap at pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang kapwa. Dahil dito, maituturing na pag-aari ng tao ang wika at hindi ang wika ang nagmamay-ari sa tao dahil nasa tao ang paraan kung paano ito gagamitin, sa anumang paraan, maging sa mabuti o masama.

Iniaayon ng tao ang kanyang pamumuhay sa mundo mula sa mga dinaranas niyang iba't-ibang yugto ng komunikasyon. Ang paggamit ng wika ay pinakamahalaga at pinakamaunlad sa paraang pasalita upang magkaunawaan at makamtan ang ating mga pangunahing kailangan sa buhay. Likas sa ating mga tao ang makisama, makihalubilo at makipagtalastasan sa kapwa bilang kasapi ng lipunan. Dahil dito, tayo ay nangangailangan ng isang wikang panlahat na siyang magbubuklod sa atin at magiging tulay na wika sa pag-uugnayan ng iba't-ibang pangkat-etniko sa kapuluan na may kani-kanilang katutubong wikang ginagamit.

Ang ating wikang pambansa ay Filipino. Ang Filipino ay wikang panlahat na may malaking ambag upang maging mabisa ang komunikasyon saan mang dako sa tahanan, paaralan, simbahan, opisina, palengke at iba pang lugar at pagkakataon upang maging normal ang komunikasyon sa kapwa. Nakagagawa tayo ng desisyon tungkol sa anumang bagay maging pangkabuhayan, panrelihiyon, pang-edukasyon at pampulitika. Gayunpaman, nangangailangan din ng isang mabisang wika ang anumang propesyon upang mapagtagumpayan ito.

Hindi maikakaila na sa kasalukuyan ay mayroon tayong wikang pambansa na nililinang at patuloy na nililinang. Mahirap magtayo, madaling magwasak. Ang likha ng isang henerasyon na pinaggugulan ng milyun-milyong piso ay hindi maipagwawalang-bahala o mawawasak sa isang kumpas lamang ng panulat. Umuunlad ang wika sa pamamagitan ng pagtanggap at paggamit ng bayan. Ating ipagpatuloy ang proseso ng pagpapadalisay at pagpapayaman nito. Tayong mga Pilipino ay may sapat na kakayahang pagtibayin pa ang ating wikang pambansa. Isaalang-alang at bigyang-halaga natin ang Wikang Filipino na siyang nagpapalawak at nagsisilbing matatag na pundasyon tungo sa kaunlaran hindi lamang sa kasalukuyan kundi sa mga susunod pang henerasyon.