129
SERMON SA BUNDOK TMBC Course #1 Leader’s Guide

SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

  • Upload
    others

  • View
    21

  • Download
    1

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

SERMON SA

BUNDOK TMBC Course #1

Leader’s Guide

Page 2: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

Mahal na Guro, Nais kong malaman mo kung gaano kalaki ang aming pasasalamat sa Diyos sa iyong pakikisama sa amin sa pangangalaga at pagtulong sa paglago ng iglesia. Sinabi ni Apostol Pablo kay Timoteo, ang kanyang anak sa pananampalataya: “Kaya nga, anak ko, magpakatatag ka sa tulong ni Cristo Jesus. Ang mga narinig mo sa akin sa harap ng maraming saksi ay ituro mo rin sa mga taong mapagkakatiwalaan at may kakayahang magturo naman sa iba. Makibahagi ka sa hirap tulad ng isang mabuting kawal ni Cristo Jesus” (2 Timoteo 2:1-3). Habang itinuturo natin ang aralin na ito, nais kong itanong mo sa iyong sarili at sa iyong grupo ang mga sumusunod na katanungan:

• Ano ang sinasabi ng Salita ng Diyos? • Ano ang ibig sabihin ng talatang ito? • Ano ang ibig sabihin nito sa akin? Paano ko maisasapamuhay ang walang hanggang

prinsipyo ng Diyos ngayon? Kung alam mo ang mga katanungan na ito at sasaliksikin ang mga kasagutan, kung magkagayon, ang aralin na ito ay magiging mabunga at kapaki-pakinabang. Naniniwala ako habang pinag-aaralan natin ang Srmon sa Bundok at ito ay iyong itinuturo, ikaw ay lalago sa iyong relasyon Cristo Jesus. Ang mga kaisipan at ideya sa panimula ay makakatulong sa iyo upang lalong maging epektibo sa iyong pag-aaral at pagtuturo. Ang aming dalangin na ang karanasan na makukuha mo sa pag-aaral na ito ay magiging takdang sandali ng iyong buhay espirituwal at maglalagay ng matibay na pundasyon sa iyong patuloy na paglago sa iyong buhay at sa buhay ng mga taong pinangungunahan mo. Dalangin ko ang pagpapala sa iyo, Dick Woodward Pastor and Author of the Mini-Bible College

Page 3: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

PAMUMUNO SA GRUPO NG PAG-AARAL SA BIBLIA Inihanda ng Mini Bible College ang debosyonal at praktikal na pagmamasid sa pangunahing aklat ng Biblia. Ang iyong papel bilang guro ay akayin ang grupo sa mga sesyon ng pag-aaral at pagsasanay, upang tulungan silang maunawaan ang mga konsepto, madiskubre ang mga walang hanggang prinsipyo at ang pinaka-mahalaga sa lahat, maipamuhay nila ito. Ang pag-aaral na ito ay aabot ng apat na buwan at dinisenyo ito na hindi lamang isang kurso. Ang pag-aaral na ito ay bahagi ng stratehiyang plano upang mabigyan ka ng mga kagamitan upang palusugin at palaguin ang iyong iglesia sa espirituwal at sa bilang. Upang matulungan ka binigyan ka namin ng mga magagamit mo:

• Ang Leader’s Guide • Ang Target Media Approach (TMA) manual • Report Forms • Audio of Genesis and Exodus • A study booklet on Genesis and Exodus • A Set of 10 workbooks

Ang Leader’s Guide ay dinisenyo upang bigyan ka ng kakayahan na gawin ang trabaho. PAGPAPANIMULA Bago ang Klase

• “'Pumunta kayo sa mga lansangang matao at inyong anyayahan sa kasalan ang lahat ng makita ninyo.’ Pumunta nga sa mga pangunahing lansangan ang mga lingkod at isinama nila ang lahat ng kanilang natagpuan, masasama't mabubuti, at napuno ng mga panauhin ang bulwagang pangkasalan.'” (Mateo 22:9-10). Simulan ngayon na mag-imbita ng mga tao sa piging espirituwal.

• Ihanda ang sarili sa panalangin para sa mga darating na tao. Kung posible, ipanalangin sila sa kanilang pangalan. Ang Diyos lamang ang makapagbabago ng kanilang puso at ang panalangin ay makapangyarihang gamit para dito. “Isinalaysay ni Jesus ang isang talinhaga upang ituro sa kanila na dapat silang laging manalangin at huwag mawalan ng pag-asa” (Lucas 18:1).

• Humingi ng tulong. Huwag mong sikaping gawin ang lahat. Hingin ang tulong ng isa o dalawa para sa musika, awit, pagbati, at taga-pagtala para sa klase.

• Suriin ang aralin at unawain ang layunin ng aralin. • Alaming mabuti ang bawat aralin; pakinggan, basahin at pag-aralan ang bawat aralin at

isaulo ang talata sa Biblia bago magsimula ang klase. • Siguruhin na ang mga aralin ay laging nakahanda para sa klase. • Siguruhing ang lugar na pagdarausan ay sapat sa bilang ng mga tao at komportable para

sa grupo.

Habang nasa Klase • Batiin ang bawat dumarating. (Tandaan na mabuti na lagi kang masaya na tumatanggap?

Palawigin ang pagtanggap ng Diyos sa lahat.) Mahalaga na magkaroon ng isang taga-pagbati.

Page 4: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

• Ipakilala ang iba sa bawa’t isa kung hindi pa magkakakilala. • Magsimula sa pagsamba at panalangin, hingin sa Diyos na tulungan ka at ang bawat isa

na maunawaan at isapamuhay ang aralin. • Makinig sa audio na aralin (audio lesson). • Gamitin ang workbook, mag-anyaya ng talakayan na may kaugnayan sa pamumuhay.

Naniniwala kami na ang mga katanungan ay maglalagay ng masiglang talakayan at unawa na magdudulot nang tamang pamumuhay. Kung masyadong malaki ang grupo, hatiin sa maliliit na grupo. Tig-tatlo o tig-lima sa bawat grupo upang makahikayat ng talakayan. Siguruhing nababantayan mo ang oras at ingatan na ang pag-uusap ay hindi lumalayo sa aralin at pag-aaral ng Salita ng Diyos.

• Pasalamatan ang lahat sa kanilang pagdating at hikayating maging tapat sa pagdalo. • Himukin ang bawat estudyante na mag-imbita ng iba na sumali sa pag-aaral ng Biblia. • Hikayatin ang mga estudyante na isaulo ang mga talata sa mga aralin sa bawat linggo.

Pagkatapos ng Klase

• Lipulin ang mga materyales sa pag-aaral. • Ibalik ang silid sa dating kaayusan. Mas maayos pa kaysa bago pa kayo nagsimula. • Itala sa talaan ang report. • Kung nagpupulong kayo sa ibang bahay, siguruhing mapasalamatan ang may bahay sa

kanilang pag-tanggap sa inyo. Espesyal na tagubilin sa Pagtuturo sa mga Natututo sa Pandinig lamang Napakahalaga na alalahanin na ang mga hindi makabasa at makapagsulat ay natututo at napapanatili nila ang mga impormasyon kakaiba sa mga marurunong. Ang mga nag-aaral sa pamamagitan ng pakikinig ay natututo sa pamamagitan ng pakikinig at pagsasalita ng kanilang narinig. Ang di-marunong magbasa at magsulat ay hindi hadlang sa panahon ni Jesus. Makakatulong na alalahanin at sabihin sa klase, halos lahat ng mga disipulos at karamihan ng mga taong nagpapalaganap ng Ebanghelyo ay di-marunong magbasa at magsulat. Sa maraming kapamaraanan, ang mga nag-aaral na gumagamit ng pandinig ay may kakayahan na matuto sa kanilang narinig higit doon sa mga nagsusulat upang maalala ang pinag-aralan. Kaya nga dapat hayaan ang mga estudyante na marinig ang Banal na Kasulatan at ang aralin, itigil ang mensahe at balikan ang bahagi na hindi pa naintindihan, at pagkatapos hayaan silang tumugon sa mga katanungan. Kapag ang mga nag-aaral na gumagamit lang ng kanilang pandinig ay “kayang balikan ang kuwento” – gamit ang sariling salita upang sabihin ang kanilang narinig at natutunan – ay nagsasabi na kanilang nakuha ng mabuti ang prinsipiyo. Samakatuwid, gamitin ang mga katanungan sa aralin upang gabayan sila sa mas-malalim na pang-unawa sa Salita ng Diyos at tumibay ang relasyon sa Kanyang Anak, na si Jesus na siyang Cristo.

Page 5: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

Ang Konteksto ng Sermon sa Bundok

Kabanata 1

Aralin sa Pakikinig: Sermon sa Bundok 1

Layunin: Upang maunawaan ang konteksto ng isa sa mga dakilang sermon ni Jesus, ang Sermon sa Bundok. (Teksto: Mateo 4:23-5:12) Nilibot ni Jesus ang buong Galilea. Nagtuturo siya sa mga sinagoga at ipinapangaral ang Magandang Balita tungkol sa paghahari ng Diyos. Pinapagaling din niya ang lahat ng mga taong may sakit at karamdaman. Ang balita tungkol sa kanya ay kumalat

sa buong Siria kaya't dinadala sa kanya ang lahat ng maysakit at mga nahihirapan dahil sa iba't ibang karamdaman, mga sinasapian ng mga demonyo, may mga epilepsya at mga paralitiko. silang lahat ay kanyang pinagaling.

—Mateo 4:23-24 Ang Sermon sa Bundok ay itinuring na isa sa pinaka importanteng diskurso ni Jesus at isa sa mga pinaka pundasyon na katuruan Niya, itinuring na naglalaman ito ng diwa nang katuruan ni Jesus. Kahit ang karamihang sa mga hindi Kristiyano, ay naniniwala na ang sermong ito ay isa sa pinaka importanteng mensahe na naituro magpakailan man. Marahil wala alin man sa Biblia ang nasipi na napaka rami at mahirap maunawaan ay ang katuruan na matatagpuan sa Mateo 5-7. Maraming mga tao ang sumunod kay Jesus dahil sa Kanyang katuruan, pangangaral, at pag-papagaling. Ipinangaral Niya ang Sermon sa Bundok ,ang mga tao noon ay nagtipon sa Kanya sa tabi ng Dagat ng Galilea. Umakyat Siya sa bundok at inanyayahan ang ilan sa Kanyang mga disipulos na sumama sa Kanya. Dito naghati ang grupo sa dalawa: yaong nasa ibaba ng bundok, mga kinakatawan ng lahat ng problema ng tao, at yaong nasa mataas na antas na nais maging bahagi ng solusyon sa mga problema. Nagsimulang magturo si Jesus at nagsanay ng Kanyang mga taga-sunod upang makapunta sila sa mundo na dala ang Kanyang mensahe at ang lakas Niya.

Page 6: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

1. Tama o Mali? Wala ni isa man sa mga ibang ebanghelyo na nagbanggit ng pagtuturo ni Jesus sa bundok.

2. Tama o Mali? Pagkatapos ipangaral ang Sermon sa Bundok, inatasan ni Jesus ang labing

dalawang disipulos. 3. Tama o Mali? Sa panahon ni Jesus, ang mga may problemang pisikal at pang-kaisipan ay

dinadala sa institusyon, nakatago mula sa araw-araw na buhay.

4. Tama o Mali? Ang Sermon sa Bundok ay itinuring na “unang Kristiyanong retreat.”

Maliban na nabanggit, pumili ng isang sagot sa bawat tanong.

5. Ano ang tugon ni Jesus noong makita niya ang madla? a. Nawalan Siya ng loob at nalungkot. b. Nagmalaki Siya dahil sa Kanyang kasikatan. c. Nag-alala Siya sa dami ng humihingi ng pansin. d. Nagsimula Siyang magsanay ng mga tagasunod upang mapunan ang

kanilang mga pangangailangan.

6. Sino ang pinangaralan ni Jesus sa Sermon sa Bundok? a. Ang buong madla b. Ang mga nasasaktan lamang at gutom na mga tao sa baba ng bundok c. Ang mga disipulos na umakyat sa mataas na antas d. Si Mateo lang, na siyang sumulat ng lahat ng Kanyang salita

7. Bakit nagturo si Jesus ng mga pinili lamang na grupong tagasunod? a. Upang maipagmalaki nila sa iba na mayroon silang kaalaman b. Upang sanayin sila na maging bahagi ng tugon Niya sa mundo c. Upang subukin ang Kanyang mensahe kung ito ay tanyag d. Dahil ang Kanyang mensahe ay hindi para sa lahat

Page 7: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

8. Alin sa mga sumusunod ang mahalagang bahagi sa ministeryo ni Jesus? a. Pangangaral b. Pagpapagaling c. Pagsasanay d. Lahat ng nasa itaas

9. Anong uri ng problema ang tinalakay? a. Kaisipan b. Pisikal c. Espirituwal d. Lahat ng nasa itaas Anong uri ng disipulo o “diputado” ni Jesus ang nais mong maging? Nais mo ba na isa ka sa mga nakikinig lamang kay Jesus o sa iilan na sumama sa Kanya upang maging bahagi ng solusyon?

____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________

Pasalamatan ang Diyos sa Kanyang Salita at sa mga katuruan ni Jesus, at para sa Kanyang misyon upang punan ang lahat ng pangangailangan ng lahat ng tao. Hingin sa Kanya na turuan ka paano maging bahagi ng Kanyang solusyon sa

mundo.

Page 8: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

Mas Malalim na Pag-aaral 1. Bakit napakaraming tao ang sumusunod kay Jesus sa bundok na ito? Ano ang kanilang mga

kailangan at ninanasa? 2. Bakit nakaupo si Jesus na nagtuturo sa mga disipulos samantalang napakaraming mga tao

doon? 3. Ano ang istratehiya ni Jesus noong itinuro Niya ang Sermon sa Bundok? 4. Anong uri ng problema ang tinalakay ni Jesus sa Kanyang pagtuturo? 5. Ano ang mga pangunahing pagkakaiba ng mga taong “bahagi ng problema” at mga taong

“bahagi ng solusyon?” 6. Bigyan mo nang buod ang personal mong “nakuha” o magagamit sa aral na ito.

Page 9: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

7. Isaalang-alang ang iyong personal na isyu at relasyon, paano ka magiging tunay na

“tagapakinig” at kasama sa bahagi ng solusyon?

Page 10: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

Ang Nilalaman ng Sermon sa Bundok

Kabanata 2

Aralin sa Pakikinig: Sermon sa Bundok 2

Layunin: Upang malaman ang konteksto at nilalaman ng Sermon sa Bundok. (Teksto: Mateo 5; 6; 7) Nang makita ni Jesus ang napakaraming tao, umakyat siya sa bundok. Pagkaupo niya lumapit ang kanyang mga alagad “Mapalad ang mga taong walang inaasahan kundi ang Diyos, sapagkat mapapabilang sila sa kaharian ng langit. “Mapalad ang mga

nagdadalamhati, sapagkat aaliwin sila ng Diyos. “Mapalad ang mga mapagpakumbabá, sapagkat mamanahin nila ang daigdig. at sila'y tinuruan niya.” “Mapalad ang mga nagugutom at nauuhaw sa katuwiran, sapagkat sila'y bubusugin. “Mapalad ang mga mahabagin, sapagkat kahahabagan sila ng Diyos. “Mapalad ang mga may malinis na puso, sapagkat makikita nila ang Diyos. “Mapalad ang mga gumagawa ng paraan para sa kapayapaan, sapagkat sila'y ituturing na mga anak ng Diyos. “Mapalad ang mga inuusig nang dahil sa kanilang pagsunod sa kalooban ng Diyos, sapagkat mapapabilang sila sa kaharian ng langit.”

—Mateo 5:1-10 AngSermon sa Bundok ay susi sa mga katuruan sa Biblia. Ipinangaral ni Jesus ang kanyang sermon sa ibabaw ng bundok sa Galilea noong hinamon Niya ang mga tao na nagsasabing sila’y mga disipulos Niya, na nalagay sa istratehiyang paraan sa gitna ng pag-ibig ng Diyos at ng kahirapan ng mga taong nasasaktan sa mundo. Tinapos Niya ang kanyang sermon sa pagtawag sa pangako. Nabago ang buhay ng marami sa narinig nila. Hinirang Niya ang 12 tao upang maging apostol Niya, o “mga sinugo.” Ang mga apostol ay nabuhay at namatay para sa Kanya sa kanilang paggawa ng mga alagad sa buong mundo para sa Kanya.

Page 11: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

1. Tama o Mali? Ang pagiging alagad ni Jesus ay siyang pinaka madaling paraan na mabuhay. 2. Tama o Mali? Nagturo si Jesus na may awtoridad at di tulad ng pagtuturo ng mga eskriba. 3. Tama o Mali? Inumpisahan ni Jesus ang Kanyang pagtuturo tungkol sa mga dapat nating

ugaliin.

4. Tama o Mali? Ang Tamang Asal (Beatitudes) ay pinipilit tayong tumingin sa ating kalooban.

Maliban na nabanggit, pumili ng tamang sagot sa bawat tanong.

5. Ang Ebanhelyo ni Mateo ay higit na binigyan ng pansin si Jesus bilang_________? a. Hari b. Mangangaral c. Saserdote d. Banal na lalaki

6. Alin sa mga sumusunod ang makikita natin sa Sermon sa Bundok? (piliin lahat ng akma) a. Ang krisis sa pagiging Kristiyano b. Ang ginhawa sa pagiging Kristiyano c. Ang ugali ng pagiging Kristiyano d. Ang hamon sa pagiging Kristiyano e. Ang panganib sa pagiging Kristiyano

7. Saan tayo dinadala ng Sermon sa Bundok na tumingin? a. Sa loob ng ating sarili b. Sa Diyos sa itaas c. Sa buong mundo d. Lahat ng nasa itaas

Page 12: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

8. Sino ang makikinabang nang itinuro ni Jesus sa mga alagad ang Sermon sa Bundok? a. Para sa pinili na kakaunti b. Para sa Kanyang sarili at Kanyang kasikatan c. Para maraming tao na nasa ibaba ng bundok d. Para sa mga pinunong relihiyoso noong panahon na iyon

Kung tinawag ka ni Jesus sa ibabaw ng bundok upang makinig sa Kanyang turo, sasama ka ba sa Kanya? Sa paanong paraan mo magagawa iyon ngayon sa pamamagitan ng mga katuruan Niya sa Salita?

___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

Pasalamatan ang Diyos sa lubos niyang pagmamahal sa mundo at mayroon Siyang kasagutan sa bawat problema ng mundo. Hingin sa Kanya na tulungan ka sa mga imposibleng bagay—na magkaroon ka ng mga ugali at katangian na itinuro Niya

sa Sermon sa Bundok.

Page 13: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

Mas Malalim na Pag-aaral 1. Anong krisis ang nasasangkot sa pagiging Kristiyano? 2. Ano ang sinasabi ng Sermon sa Bundok tungkol sa katangian ng Kristiyano? 3. Saan ikinumpara ni Jesus ang mananampalataya na ginagamit ang Kanyang katuruan sa mga

Tamang Asal? 4. Itinuro ni Pastor Woodward na ang magagamit sa Mateo kabanatang 5 at 6 ay nanawagan sa

“pagtingin sa loob, pagtingin sa labas (pagtingin sa paligid), at pagtingin sa itaas.” Ipaliwanag ang mga terminong “pagtingin sa loob, pagtingin sa labas (pagtingin sa paligid), at pagtingin sa itaas.”

5. Ipakita kung paano ang ganitong pagtingin ay magpapabago sa mananampalataya na maging

“bahagi ng solusyon kaysa bahagi ng problema.”

Page 14: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

6. Ano ang matututunan mo sa mga talatang ito upang maging asin at ilaw ka sa mga nakapaligid sa iyo?

7. Paano mapapananatili sa gintong aral na gawin nang isang tao na maging bahagi ng

solusyon?

Page 15: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

Hindi Ko Kaya, Ngunit Kaya Ni Jesus

Kabanata 3 Aralin sa Pakikinig: Sermon sa Bundok 3

Layunin: Upang maunawaan ang unang Tamang Asal (Bautitudes) at ano ang ibig sabihin ng pagiging “mapagkumbabang loob.” (Teksto: Mateo 5:1-3) Mapalad ang mapagkumbabang-loob: sapagka’t sa kanila ang kaharian ng langit.

—Mateo 5:3 Nagsimula si Jesus sa pagtuturo sa Kanyang mga alagad ng walong ugali—tinatawag na “Tamang Asal,” dahil ang bawat isa ay ipinapakilala sa pamamagitan ng salitang “mapalad.” Ipinapangako ni Jesus na pagpapalain ang mga alagad na mayroong ganitong mga ugali. Ang salitang “pinagpala” ibig sabihin talaga ay “masaya,” “masaganang espirituwal,” o “nasa estado ng biyaya.” Ang bawat ugali ay napapalooban ng pangako na naglalarawan ng anyo kung saan ang pagpapala ay darating sa buhay ng mga alagad. Ang walong Tamang Asal ay inilalarawan ang tamang isip na nakaka-apekto sa gawain ng mga alagad ni Jesus. Ang konteksto kung saan itinuturo Niya ang mga Tamang Asal ay gumaganap sa pahayag na ang pananaw na ito sa buhay ay gagawin ng mga alagad na bahagi ng solusyon at kasagutan ni Cristo sa lahat ng paghihirap sa mundo na kinakatawan ng madla sa ibaba ng bundok. Ang unang Tamang Asal ay nauugnay sa tanong ng mga relihiyosong mga pinuno na nagtanong kay Juan Bautista: “Anong masasabi mo sa iyong sarili?” (Juan 1:22). Kung wala ang tamang ugali sa sarili natin hindi tayo magiging bahagi ng solusyon ni Jesus. Sinasabi ng mga iskolar na ang salitang “mapagkumbabang-loob” ay maaring isalin ng “basag na espiritu.” Na ang ibig sabihin ay larawan ng kabasagan – na makikita natin doon sa buhay ng mga tinawag at sinanay ng Diyos sa espesyal na ministeryo.

1. Ang unang Tamang Asal ay “Mapalad ang ___________________: sapagka’t sa kanila ang _________ ng _________.”

2. Tama o Mali? Nagturo si Jesus sa mga alagad na ibenta ang kanilang pag-aari at maging

mahirap. 3. Tama o Mali? Ang pangako ng Tamang Asal ay pareho ng pangako na mayroon tayo kapag

tinanggap ninyo si Jesus bilang Taga-pagligtas at Panginoon.

Page 16: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

Maliban na nabanggit, pumili nang isang sagot sa bawat tanong.

4. Alin sa mga sumusunod na mga ugali ang bilang mga halimbawa ng “mapagkumbabang-loob? (piliin ang lahat ng akma)

a. Pagsusumikap na maging malugod sa Diyos sa pamamagitan ng pagpapakita sa Kanya gaano tayo kabuti

b. Sikaping makuha ang mataas na posisyon sa iglesia c. Pag-amin ng ating mga kasalanan sa Diyos at sa iba d. Pagpili ng mga posisyon na naglilingkod sa halip na estado e. Ginagawan ang iba na managot sa kanilang kasalanan

5. Magbanggit ng isang tauhan sa biblia na mayroong magandang halimbawa sa pagiging “mapagkumbabang-loob.” _____________________ (Moses o Pedro)

6. Batay sa Filipos 2:5-11, ang ating ugali (kaisipan) ay dapat tulad ng kay Jesu Cristo. Basahin

ang sipi sa ibaba at guhitan ang mga ugali na nakalista na naglalarawan kay Jesus. Isip tagumpay Maka-sarili Mapag-lingkod Malakas na kalooban Mapagmalaki Masunurin Mapagkumbaba Ambisyoso Agresibo

7. Ang magkaroon ng “pagpapakumbabang loob” ay larawan ng isang salitang mapagkumbaba.

Basahin ang susunod na kasulatan at piliin ang isang tamang sagot sa bawat tanong: 1 Pedro 5:5-7—Kanino nagbibigay nang biyaya ang Diyos?

a. Sa mapagmalaki b. Sa masikap magtrabaho c. Sa taos-puso d. Sa mapagkumbaba

Roma 12:3—Ano ang dapat nating isipin sa ating sarili?

a. Mataas b. Matino c. Akusado

Nawa’y magkaroon kayo ng kaisipan na tulad ng kay Cristo Jesus. Kahit siya’y likas at tunay na Diyos hindi niya ipinagpilitang manatiling kapantay ng Diyos. Sa halip, kusa niya hinubad ang pagigingkapantay ng Diyos, naging katulad ng isang alipin. Ipinanganak siyang tulad ng mga karaniwang tao. At nang si Cristo’y naging tao, nagpakumbaba siya at naging masunurin hanggang kamatayan, maging ito man kamatayan sa krus. At dahil dito, siya’y lubusang itinaas ng Diyos, at ibinigay sa kanya ang pangalang higit sa lahat ng pangalan. Sa gayon, sa pangalan ni Jesus ay luluhod at magpupuri ang lahat ng nasa langit, nasa lupa, at nasa ilalim ng lupa. At para sa ikaluluwalhati ng Diyos Ama, ang lahat ay magpapahayag na si Jesu-Crsito ang Panginoon.

—Filipos 2:5-11

Page 17: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

d. Huwag nating isipin ang ating sarili kailan man

Mayroon bang bagay sa buhay mo na hindi nagpapakita ng mapagkumbabang-loob? Anong bahagi ng iyong buhay ito? Ipaliwanang paano ka magkakaroon ng “mapagkumbabang-loob” dito.

____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________

Pasalamatan ang Diyos sa pagsugo kay Jesus para sa atin sa anyo na bilang lingkod. Aminin na hindi mo kayang maging lingkod sa Kanya sa iyong sarili lamang, ngunit makakaya mo sa tulong Niya. Hingin sa kanya na tulungan kang

maging mapagkumbabang-loob tulad ni Jesus at bigyan ka nang pagkakataon na paglingkuran ang iba.

At kayo namang mga kabataan, pasakop kayo sa mga pinuno ng iglesia. Magpakumbaba kayong lahat sapagkat nasusulat, “Sinasaway ng Diyos ang mapagmataas, ngunit kinaluluguran niya ang may mababang kalooban.” Kaya nga, pasakop kayo sa kapangyarihan ng Diyos at dadakilain niya kayo pagdating ng takdang panahon. Ipagkatiwala ninyo sa kanya ang inyong mga alalahanin sa buhay sapagkat siya ay nagmamalasakit sa inyo.

—1 Pedro 5:5-7 Dahil sa kagandahang-loob ng Diyos sa akin, sinasabi ko sa bawat isa sa inyo, huwag ninyong pahalagahan ang inyong sarili nang higit sa nararapat. Sa halip, pakaisipin ninyong mabuti ang tunay ninyong katayuan ayon sa sukat ng pananampalatayang ipinagkaloob ng Diyos sa bawat isa sa inyo.

—Roma 12:3

Page 18: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

Mas Malalim na Pag-aaral 1. Anong ibig sabihin ng “mapagkumbabang-loob?” Pareho ba ito ng pagiging mahirap? 2. Paano nagkaroon si Moses ng unang “Tamang Asal – ang mapagkumbabang-loob?” 3. Paano nagkaroon si Pedro ng unang “Tamang Asal – ang mapagkumbabang-loob?” 4. Paano nagkaroon si Pablo ng unang “Tamang Asal – ang mapagkumbabang-loob?” 5. Meron bang parte ng buhay mo na hindi nagpapakita ng mapagkumbabang-loob? Ipaliwanag

kung paano magkakaroon ng “mapagkumbabang-loob” doon.

Page 19: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

6. Ipaliwanag kung paano ang unang dapat-ugaliin ay naglalarawan sa sinasabi ni Pastor Woodward sa unang Sikretong Espirituwal, “Hindi ko kaya ngunit kaya Niya, at ako ay nasa Kanya at Siya ay nasa akin.”

7. Naranasan mo na ba ang ganitong karanasan na maging totoo sa iyong buhay? Paano?

Page 20: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

Mga Ministerio ng Kaaliwan At Paraan ng Pagpapahinga

Kabanata 4

Aralin sa Pakikinig: Sermon sa Bundok 4

Layunin: Upang maunawaan ang pangalawa at pangatlong tamang asal at matutunan anong ibig sabihin ng nagdadalamhati at maamo (Teksto: Mateo 5:4-5) “Mapapalad ang nangahahapis: sapagka't sila'y aaliwin. Mapapalad ang maaamo: sapagka't mamanahin nila ang lupa.”

—Mateo 5:4-5Kung minsan ang mga mananampalataya ay mayroong maling opinyon na ang tanda ng mahinang pananampalataya ay ang pagdadalamhati. Ang tamang asal dito ay hindi lamang sinusuportahan ang pagdadalamhati o pagkahapis—kundi ito ay pagpapala rin. Ang pagdadalamhati sa pagkawala ng minamahal ay normal at may mga bagay na nais ng Diyos na matuto tayo sa mga pagkawala ng mga bagay sa ating buhay. Dapat nating hayaan ang Diyos na gamitin Niya ang ating pagdadalamhati sa tatlong kapamaraanan. Una, tinutulungan tayo na magtanong ng tamang mga tanong sa ating buhay. Pangalawa, tinutulungan tayo na hanapin ang mga kasagutan ng Diyos. Pangatlo, tinutulungan din tayo na tanggapin ang pagpapala ng Diyos na ibinigay sa atin kasama ang ating kaligtasan. Ang pagiging maamo ay hindi katulad ng pagiging mahina. Ang pinaamong malakas na kabayo ay mabait at maamo sa kanyang taga-pagalaga at handang gamitin ang kanyang lakas kapag kailangan. Tinawag ni Jesus ang kanyang sarili na maamo at mapagkumbabang loob sa Mateo 11:29, gayun pa man hindi siya kailan man naging mahina. Sa Mga Bilang 12:3 sinasabi ng Biblia na si Moses ang pinaka-maamong tao na nabuhay, gayun pa man, siya ay may sapat na lakas na pangunahan ang libo-libong mga tao sa gitna ng maraming pagsubok sa loob ng 40 taon, patungo sa Lupang Pangako. Ang maamo ay kapangyarihan na kontrolado—pagsuko sa kalooban ngPanginoon. Ang pagiging maamo ay disiplina sa ating kalooban. Ang salitang alagad(disciple) sa Griyego sa Bagong Tipan ay galing sa ugat na salitang disiplina(discipline). Ang maging alagad ay nangangailangan ng disiplina—nabubuhay sailalim ng pamatok ng Ama (Mateo 11:28-30)

1. Ang pangalawang tamang asal ay “Mapalad ang ___________________: sapagka’t sila’y.” 2. Ang ibig sabihin ni Jesus sa salitang panghahapis ay

a. Lumbay dahil sa namatay b. Lumbay dahil sa kasalanan c. Lumbay dahil sa kundisyon ng mundo

Page 21: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

d. Lahat ng nasa itaas 3. Tama o Mali? Ang pagkahapis ay nagpapahiwatig ng kawalan ng pananampalataya.

4. Tama o Mali? Nagdulot kay Job ang magtanong ng tamang katanungan at nagsaliksik ng

kasagutan sa Diyos dahil sa kanyang pagkahapis.

Maliban na nabanggit, pumili ng isang sagot sa bawat tanong.

5. Nagbibigay sa atin ng mga kasagutan ang Awit 23 tungkol sa pagharap sa kamatayan at walang hanggan. Basahin ang Awit 23 at sagutin ang mga sumusunod na tanong. Kung ang Panginoon ay siya mong pastol…

Sino ang iyong pastol? ______________________ Sino ang nag-pupunan ng iyong pangangailangan? ______________________ Sino ang nag-papanumbalik ng iyong kaluluwa? ______________________ Sino ang nag-aakay sa iyo sa tamang daan? ______________________ Sino ang kaagapay mo sa gitna ng kamatayan? ______________________ Sino ang nagbibigay ng kapahingahan sa iyo? ______________________ Sino ang naghahanda ng lugar sa iyo? ______________________ Sino ang naglalagay ng langis sa iyong ulo? ______________________ Sino ang nagpapala sa iyo na umaapaw? ______________________ Kanino ka mabubuhay ng walang hanggan? ______________________

6. Sa liwanag nitong awit at iba pang mga katuruan sa kasulatan tungkol sa kamatayan at pagkabuhay na muli, ano ang iyong pakiramdam tungkol sa kamatayan ng isang mananampalataya? Ano ang pakiramdam mo tungkol sa iyong sariling kamatayan? Guhitan ang iyong mga sagot. Pagkatapos lagyan mo ng tsek sa tabi ang maaaring pakiramdam ng di-mananampalataya.

Umaasa ✓ Kinakabahan ✓ Natatakot ✓ Pagkalito Kaaliwan Minahal Ligtas Kalmado ✓ Iniwan Kapayapaan ✓ Sira ang loob ✓ Ligaw ✓ Takot Katapatan Protektado

Si Yahweh ang aking pastol, hindi ako magkukulang; pinapahimlay niya ako sa luntiang pastulan, at inaakay niya sa tahimik na batisan. Pinapanumbalik ang aking kalakasan, at pinapatnubayan niya sa tamang daan, upang aking parangalan ang kanyang pangalan. Dumaan ma ako sa madilim na libis ng kamatayan, wala akong katatakuatan, pagkat ikaw ay aking kaagapay. Ang tungkod mo at pamalo, aking gabay at sanggalang. Ipinaghahanda mo ako ng salu-salo, na nakikita pa nitong mga kalaban ko; sa aking ulo langis ay ibinubuhos, sa aking saro, pagpapala’y lubus-lubos. Kabutihan at pag-ibig mo sa aki’y di magkukulang, siyang makakasama ko habang ako’y nabubuhay; at magpakailanma’y sa bahay ni Yahweh mananahan.

—Mga Awit 23

Page 22: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

7. Ang pangatlong tamang asal ay “Mapalad ang ________________ sapagkat _____________

ang mundo.” 8. Ang maamo ay katumbas ng salitang ___________

a. Mahina ang loob b. Pasibo c. Naturuan (tamed) d. Mahiyain

9. Basahin ang Mateo 11:28-30. sino ang iniimbita ni Jesus na kunin ang Kanyang pamatok?

a. Sa mga taong pagod na at may mabigat na pasanin b. Sa mga taong malalakas c. Sa mga taong gagawa kasama Niya d. Sa mga taong nais mabuhay lamang sa kanilang sarili Anong pasananin ang sobrang bigat na iyong dinadala? Paano ang pamatok ng kaamuan ay magagawang magaan ang iyong pasanin at maging madali ang buhay gaano man kalaki ang mga paghamon sa iyong buhay?

___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

Pasalamatan ang Diyos sa pag-asa na ibinibigay Niya sa atin maging sa harapan ng kamatayan. Pasalamatan Siya sa pag-anyaya Niya na ibigay ang ating pasanin sa Kanya at kunin ang pamatok ni Jesus at ilagay sa atin. Hingin sa Kanya na pastulan ka sa bawat sitwasyon sa buhay at tulungan ka na mabuhay nang mayroon tamang pag-

uugali sa Kanya at sa iba.

“Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at nabibigatang lubha sa inyong pasanin, at kayo’y bibigyan ko ng kapahingahan. Pasanin ninyo ang aking pamatok at sundin ninyo ang aking mag itinuturo sapagkat ako’y maamo at mapagkumbabang loob. Matatagpuan ninyo sa akin ang kapahingahan sapagkat madaling dalhin ang aking pamatok at magaan ang pansaning ibinibigay ko sa inyo.”

—Mateo 11:28-30

Page 23: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

Mas Malalim na Pag-aaral 1. Maaari ka bang mag-ministeryo sa iba, bigyang kaaliwan ang mga nabibigatan at

nasasaktan? 2. Anong kaaliwan ang iyong natamo na maaring magbigay sa iyo ng kakayahan na aliwin ang

iba na naghihirap tulad ng naranasan mo? 3. Paano ang paghahapis o dalamhati ay makakatulong sa atin upang iayon natin ang mga

mahahalagang bagay sa atin sa mga bagay ng Diyos? 4. Ipaliwanag paano ang paghihirap/dalamhati ay magdudulot sa tao na a) itanong ang tamang

katanungan, b) marinig ang sagot ng Diyos at c) maniwala sa kasagutan ng Diyos. 5. Maghayag ng personal na karanasan na may paghihirap at ano ang naging dulot nito sa iyong

buhay.

Page 24: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

6. Paano ka magiging bahagi ng kasagutan ni Jesus at solusyon para sa mga taong naghihirap?

7. Paano ang unang dalawang tamang asal ay nagpapabuo sa isa’t-isa bilang “magkakambal?” 8. Ipaliwanag sa iyong sariling pananalita ang ibig sabihin ng “maamo” na ayon sa paggamit sa

Mateo 5. 9. Ano ang pinaka mabigat mong pasanin? Anong bahagi ng iyong buhay ang masyadong

nakakabahala?

10. Paano ang pamatok ng kaamuan ay magbibigay sa iyo nang gaan sa iyong pasanin at ang buhay mo’y magiging madali, gaano man kalaki ang mga paghamon.

11. Sa paanong paraan ang pasanin ni Jesus ay magaan? Paano ang kanyang pamatok ay magagawang magaan ang pasanin?

12. Ano ang ibig sabihin ng “puspos ng espiritu?”

Page 25: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

13. Ano ang mga kondisyon ni Jesus upang matagpuan ang “kapahingahan?” 14. Ano ibig sabihin ng “kasaganaan sa espirituwal?”

Page 26: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

Kakaibang Katuwiran

Kabanata 5 Aralin sa Pakikinig: Sermon sa Bundok 5

Layunin: Upang maunawaan ang pang-apat na dapat ugaliin at matutunan kung anong ibig sabihin ng kagutuman at kauhawan sa katuwiran (Teksto: Mateo 5:1-6) Mapalad ang mga nagugutom at nauuhaw sa katuwiran, sapagkat sila'y bubusugin.

—Mateo 5:6

Kapag tayo ay maamo, hinahanap ang pamumuno ng Diyos, nabubuo ang ating pagka gutom sa katuwiran—ang pagnanasa na mabuhay na kalugod-lugod sa Diyos. Nais nating malaman ang tama at gawin ang tama. Kung ano ang iyong ginagawa at iyong pag-uugali ay mahalaga sa Diyos. Tayo ay tinawag upang gawin ang tama—hindi lang kung ano ang nababagay. Yaon ang ibig sabihin ng maging gutom at uhaw sa katuwiran. Ngayon mayroon na tayong nakikitang lumalabas na parisan sa mga dapat ugaliin. Ito ay may kaparis kung dumating. Tayo ay nagdadalamhati habang natututo tayong maging mapagkumbaba, at kapag tayo ay naging maamo tayo ay magugutom at mauuhaw sa katuwiran. Ang maging gutom at uhaw sa katuwiran ay magkaroon ng malubhang pagnanasa na alamin ang matuwid—lalo na ang matuwid para sa atin. Ang pangako na kasama sa dapat ugaliin na ito ay mapupuno tayo ng katuwiran kung saan tayo ay gutom at uhaw mismo. Ang ibig sabihin din nito ay lubos tayong mapupuspos ng Espiritu ng Diyos. Siya mismo ang tunay na katuwiran at pinapaalam sa atin ang nais Niyang ipagawa sa atin.

Page 27: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

Sauna

1. Ang ika-apat na dapat ugaliin ay “Mapalad ang mga nagugutom at nauuhaw sa ______________ sapagka’t sila’y _________.”

2. Tama o Mali? Ang pagnanasa na gawin ang tama ay nagpapahiwatig rin na itama ang mali.

Maliban na nabanggit, pumili ng isang sagot sa bawat tanong.

3. Ano ang pangakong binitawan ni Jesus sa mga taong gutom at uhaw sa katuwiran? a. Hindi na sila magkakasala. b. Magiging mas matuwid sila sa iba. c. Sila ay bubusugin, o makokontento. d. Mabibigyan sila ng gantimpala

4. Anong uri ng katuwiran ang sinasabi ni Jesus?

a. Ang hustisya ng Diyos at mahahalagang bagay sa kanya b. Ang gumawa ng tama c. Personal na integridad d. Lahat nang nasa itaas

5. Binibigyan tayo ni Jesus ng direksyon paano iayos ang ating mga prayoridad sa Mateo 6:33.

Ayon sa talatang ito, saan nararapat ilagay ang katuwiran sa ating buhay? ____________ 6. Basahin ang 1 Pedro 2:24. Ayon sa talatang ito, bakit namatay si Jesus sa krus?

a. Para sa ating katuwiran b. Para mamatay tayo sa kasalan c. Parehong a at b

Page 28: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

d. Hindi ang a o b

7. Basahin ang Isaias 61:3. Ayon sa talatang ito, bakit tayo tinawag na matuwid? a. Upang mahikayat ang iba na maging matuwid din b. Upang may lakas loob tayo sa harapan ng Diyos c. Dahil inutusan tayo na sumunod sa Diyos d. Upang mabigyan ng luwalhati ang Diyos

8. Basahin ang Awit 4:5. Sa talatang ito, saan nauugnay ang katuwiran?

a. Pagtitiwala b. Pagsunod c. Pagsamba d. Pagsisikap

Anong mga bagay sa buhay mo na pumipigil sa iyo na unahin mo ang Kaharian ng Diyos at ang Kanyang katuwiran? Ano ang mga paghamon sa buhay mo upang mamuhay ka ng matuwid? Ano ang nais ng Diyos na gawin mo sa mga paghamon na ito?

____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________

____________________________________________________________________

Datapuwa't hanapin muna ninyo ang kaniyang kaharian, at ang kaniyang katuwiran; at ang lahat ng mga bagay na ito ay pawang idaragdag sa inyo.

—Mateo 6:33 Na siya rin ang nagdala ng ating mga kasalanan sa kaniyang katawan sa ibabaw ng kahoy, upang pagkamatay natin sa mga kasalanan, ay mangabuhay tayo sa katuwiran; na dahil sa kaniyang mga sugat ay nangagsigaling kayo.

—1 Pedro 2:24 Upang iukol sila na nagsisitangis sa Zion, upang bigyan sila ng putong na bulaklak na kahalili ng mga abo, ng langis ng kagalakan na kahalili ng pagtangis, ng damit ng kapurihan na kahalili ng kabigatan ng loob; upang sila'y matawag na mga punong kahoy ng katuwiran, na pananim ng Panginoon upang siya'y luwalhatiin.

—Isaias 61:3

Mangaghandog kayo ng mga hain ng katuwiran, at ilagak ninyo ang inyong tiwala sa Panginoon.

—Awit 4:5

Page 29: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

Pasalamatan ang Diyos sa Kanyang katuwiran, kadalisayan, at hustisya. Hingin sa kanyan na magkaroon ka ng kagutuman at kauhawan sa katuwiran at upang ikaw ay lubos na mabusog.

Page 30: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

Mas Malalim na Pag-aaral 1. Ipaliwanag anong ibig sabihin ni Jesus noong sinabi Niya, “Dapat ninyong malampasan ang

katuwiran ng mga eskriba at Pariseo.” 2. Anong uri ng “katuwiran” mayroon ang mga Pariseo? 3. Anong uri ng “Katuwiran” ang nais ni Jesus? 4. Ano ang pangako ng ika-apat na “dapat ugaliin” (beautitudes)? 5. Sinabi ni Pastor Woodward ang tukso na “ madaling gawin” kaysa sa “gawin ang tama.”

Saan bahagi ng iyong buhay na natukso ka na gawin ang madali kaysa sa hanapin mo muna ang Kaharian ng Diyos at ang Kanyang katuwiran?

6. Ano ang ibig sabihin para sa iyo nang “sakrispisyo ng katuwiran?”

Page 31: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

7. Ano ang mga bagay sa iyong buhay na pumipigil sa iyo upang hanapin muna ang Kaharian

ng Diyos at ang Kanyang katuwiran?

Page 32: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

Daluyan ng Pagmamahal at

Ang Nalinis na Puso

Kabanata 6 Aralin sa Pakikinig: Sermon sa Bundok 6

Layunin: Upang maunawaan ang pang-lima at pang-anim na dapat ugaliin at matutunan anong ibig sabihin ng mahabagin o maawain at malinis na puso (Teksto:

Mateo 5:1-8) Mapapalad ang mga mahabagin: sapagka't sila'y kahahabagan. Mapapalad ang mga may malinis na puso: sapagka't makikita nila ang Dios.

—Mateo 5:7-8Ang ibig sabihin ng salitang “mahabagin” ay “walang kondisyong pag-ibig.” Noong isulat ni David ang Awit 23 na susundan siya ng habag (mercy) sa lahat ng araw ng kanyang buhay, ang salitang “susundan” ang talagang kahulugan ay “habulin. ”Ang walang kondisyon na pag-ibig ng Diyos ay hahabol kay David sa buong buhay niya. Ito ang uri ng pagmamahal sa iba na nais mapasa atin din naman, kung tayo ay magiging tulad ng Diyos. Kapag tayo ay mahabagin, ang ating motibo ay napapag-kamalan. Dahil nagpapakita ng ibat-ibang motibo sa pagmamahal ang mga tao, karamihan ay makasarili. Ang walang kondisyon na pag-ibig ay mahirap maunawaan, lalo na sa mga taong hindi pa nakakita nito. Kapag tayo ay nagmamahal ng walang kondisyon, tulad ng pagmamahal ng Diyos sa atin at di dahil sa makasariling motibo kundi dahil sa pagkabuhay muli ni Cristo na nakatira sa atin, tayo ay nagiging daluyan ng pag-ibig. Ang ating motibo ay malinis.

1. Ang ika-limang dapat ugaliin ay “Mapalad ang mga ________ sapagka’t sila’y _________.” 2. Tama o Mali? Nais ni Jesus na ang kanyang mga alagad ay maging daluyan ng walang

kondisyong pagmamahal.

Maliban na nabanggit, pumili ng isang sagot sa bawat tanong.

3. Anong ibig sabihin ng maawain para sa atin? a. Kanyang pinipigil ang parusang dapat sa atin. b. Tayo ay kanyang mahal kung masunurin tayo. c. Tayo ay kanyang pinagpapala kahit di tayo karapat-dapat.

Page 33: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

d. Tayo ay kanyang hinihintay hanggang sa maging handa tayo upang pagpalain Niya

4. Basahin ang Mga Panaghoy 3:22-23. Gaano kadalas ang habag at pagmamahal ng Diyos ay

nagiging bago? a. Araw-araw b. Kada linggo c. Kada buwan d. Kada taon

5. Basahin ang 1 Juan 4:16. Anong salita ang ginamit ni Juan upang ilarawan ang Diyos?

a. Paghatol b. Katuwiran c. Kabanalan d. Pag-ibig

6. Mula sa listahan sa ibaba, guhitan ang mga katangian ng isang alagad na “maawain.”

Mapag-mahal nagmamadaling magbigay ng pagpapala Matuwid sa sarili Mapag-patawad Mapang-husga Makasarili Matiisin Mapag-kiling

7. Ang ika-anim na dapat ugaliin ay “Mapalad ang ___________ sapagkat makikita nila ang

_____________.”

8. Tama o Mali? Ang mga alagad ni Jesus ay umaasa ng kapalit kapag sila ay naging maawain.

9. Basahin ang 1 Juan 1:7-9. Ayon sa talatang ito, paano nalilinis ang ating mga puso? a. Sa pagsisikap b. Sa pag-amin ng ating kasalanan c. Sa pag-gawa ng rituwal d. Sa pagpapapasya na iwasan ang kasalanan

Sa mga kaawaan nga ng Panginoon ay hindi tayo nalipol, sapagka't ang kaniyang mga habag ay hindi nauubos. Ang mga yao'y bago tuwing umaga, dakila ang inyong pagtatapat.

—Mga Panaghoy 3:22-23

At ating nakilala at ating sinampalatayanan ang pagibig ng Dios sa atin. Ang Dios ay pagibig; at ang nananahan sa pagibig ay nananahan sa Dios, at ang Dios ay nananahan sa kaniya.

—1 Juan 4:16

Page 34: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

10. Paano makikita ang Diyos ng isang taong may malinis na puso? (piliin lahat ng akma)

a. Gagawa ang Diyos sa buhay ng isang tao. b. Ilalapit ng Diyos ang tao sa kanya. c. Ipapakita ng Diyos na si Jesus ay nakatira doon sa tao na yaon. d. Ang taong iyon ay magpapakilala nang pag-ibig ng Diyos sa iba.

Mailalarawan ba nang iba na ikaw ay “maawain?” Paano ka lalong magiging maawain? Ano ang motibo mo sa ibang mga tao? Kapahayagan ba ito ng dalisay na pagmamahal ni Jesus?

____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________

____________________________________________________________________

Pasalamatan ang Diyos sa Kanyang awa at aminin sa Kanya anumang kasalanang dapat mong aminin. Hingin sa kanya na linisin ang iyong puso at bigyan ka ng pagkakataon na magpakita ng awa sa iba.

Nguni't kung tayo'y nagsisilakad sa liwanag, na gaya niyang nasa liwanag, ay may pakikisama tayo sa isa't isa, at nililinis tayo ng dugo ni Jesus na kaniyang Anak sa lahat ng kasalanan. Kung sinasabi nating tayo'y walang kasalanan, ay ating dinadaya ang ating sarili, at ang katotohanan ay wala sa atin. Kung ipinahahayag natin ang ating mga kasalanan, ay tapat at banal siya na tayo'y patatawarin sa ating mga kasalanan, at tayo'y lilinisin sa lahat ng kalikuan.

—1 Juan 1:7-9

Page 35: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

Mas Malalim na Pag-aaral 1. Ano ang istratehiya ni Jesus sa Sermon sa Bundok? 2. Bakit hindi natin kayang matutunan at gamitin na nag-iisa ang ikalawang hanay ng apat na

dapat ugaliin? 3. Ipaliwanag ang pagkakaiba ng may kondisyon at walang kondisyon na pag-ibig. 4. Sinong mga tao sa buhay mo na minamahal mo nang may kondisyon? 5. Sinong mga tao sa buhay mo na minamahal mo nang walang kondisyon? 6. Ano ang makapagbibigay nang dahilan sa iyo upang magmahal ka ng maraming tao, lalo na

sa mga kakilala mo sa trabaho, ng walang kondisyon?

Page 36: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

7. Anong pagkakabia ang magagawa sa kanila? Sa iyo? 8. Ano ang katagang pagmamatuwid (logic) nang pagkakahati ng unang apat at nang ikalawang

apat na dapat ugaliin? 9. Ano ang talagang ibig sabihin nang “malinis na puso?” 10. Ano ang kaugnayan ng salitang katarsis sa dapat ugaliing “malinis na puso?” 11. Bakit kailangang gawin ng taong maawain na maging malinis ang puso para maipakita ang

pagmamahal sa iba? 12. Paano mo masisiguro na ang iyong pagmamahal ay totoo, walang kondisyon na tuald nanga

pag-ibig ng Diyos? 13. Sa paanong paraan ipinakita ng Diyos sa iyo ang Kanyang walang kondisyong pag-ibig?

Page 37: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

14. Sa Awit 51, humiyaw si David, “Likhain mo sa akin ang isang malinis na puso, O Diyos.” Bakit kailangan ito upang dumaloy ang pag-ibig ng Diyos sa mga iba?

Page 38: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

Ministerio ng Pagkakasundo

Kabanata 7 Aralin sa Pakikinig: Sermon sa Bundok 7

Layunin: Upang maunawaan ang pangpitong dapat ugaliin at matutunan anong ibig sabihin ng pagiging mapagpayapa (Teksto: Mateo 5:1-9) Mapapalad ang mga mapagpayapa: sapagka't sila'y tatawaging mga anak ng Dios.

—Mateo 5:9

Ang tao ay nahiwalay sa Diyos. Kaya nga ang mga alagad ni Cristo—naroon sila sa itaas ng bundok—kailangang bumalik pababa na mayroong layunin. Kung tayo ay pinagkasundo sa Diyos—itinuwid sa ating relasyon sa Kanya—tama lang na gamitin tayo ng Diyos upang tulungan ang iba na ipagkasundo sa Kanya. Tutulungan din tayo na makipagkasundo sa ating sariling mga relasyon sa ibang tao at gagamitin tayo na tulungan ang iba na makipagkasundo sa mga kanilang relasyon sa ibang tao. Sinasabi ng ika-pitong dapat ugaliin ang misyon ng mga taong bahagi ng solusyon ng Diyos.

1. Ang ika-pitong dapat ugaliin ay “Mapalad ang mga ________ sapagka’t sila’y tatawaging __________________.”

2. Tama o Mali? Sinuman na nakipagkasundo sa Diyos ay maaring maging ministro ng

pakikipagkasundo.

3. Tama o Mali? Ang ibig sabihin nang taga-pamayapa ay tumutulong sa mga tao na makipagkasundo sa Diyos, ngunit wala itong pakialam sa pagtulong sa iba na ipagkasundo sila.

4. Tama o Mali? Mga pastor lang at iba pang ministro ang may kakayahan na tumulong sa tao

na hanapin ang kapayapaan ng Diyos

Basahin ang 2 Corinto 5:14-21 at pagkatapos ay pumili ng isang tamang sagot sa bawat tanong sa mga sumusunod na 4 na tanong.

5. Ano ang nag-uudyok sa atin na ibahagi ang mensahe ng kaligtasan ng Diyos sa iba (talatang

14)? a. Ang Kanyang kautusan b. Ang Kanyang pag-ibig c. Ang ating konsiyensa d. Ang ating talento at abilidad

6. Paano pinagkasundo ang mundo sa Diyos sa pamamagitan ni Cristo (talatang 19)?

Page 39: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

a. Tinuruan tayo paano maging kaayaaya sa Kanya. b. Sinasabi Niya sa atin na walang sinasabing kasalanan. c. Sinasabi Niya sa atin na ang kasalanan ay hindi mahalaga d. Hindi Niya ibinibilang ang ating mga kasalanan laban sa atin.

7. Sino ba ang may responsibilidad na dalhin ang mensahe ng kaligtasan (talaang 19)?

a. Gagawin mismo ng Diyos o magpapadala siya ng anghel. b. Nasa Biblia; kung nais ng mga tao makikita nila ito. c. Tayo ang mga mensahero. d. Kakauti lamang na piniling mga tao ang marunong magsalita ang nabigyan nitong

misyon. 8. Paano mo ilalarawan ang pag-uugali ni Pablo sa talatang 20?

a. Kaswal b. Masigasig at masayahin c. Galit at mapaghusga d. Walang malasakit at pakialam

9. Ano ang mga epektibong pamamaraan upang maging isang 10. “ambasador” kay Cristo, o ministro nang pakikipagkasundo sa iba? (piliin lahat ng akma)

a. Ibahagi ang ebanghelyo sa iba. b. Dumalo sa iglesia lagi. c. Ipakita ang pag-ibig at awa ng Diyos. d. Ipakita ang mga kasalanan ng tao at sabihin na kailangang magsikap sila. e. Matiyaga sa mga tao na hindi nauunawaan ang Diyos. f. Pakiusapan ang mga tao na napakahalaga ng kanilang relasyon sa Diyos. g. Huwag magbigay ng panahon sa mga makasalanan.

11. Bakit mo iniisip na ang mga ministro ng pakikipagkasundo ay tatawaging mga anak ng

Diyos? (piliin lahat ng akma)

Sapagka't ang pagibig ni Cristo ay pumipilit sa amin; sapagka't ipinasisiya namin ang ganito, na kung ang isa ay namatay dahil sa lahat, kung gayo'y lahat ay nangamatay; At siya'y namatay dahil sa lahat, upang ang nangabubuhay ay huwag nang mabuhay pa sa kanilang sarili, kundi doon sa namatay dahil sa kanila at muling nabuhay. Kaya nga mula ngayon ay hindi namin nakikilala ang sinoman ayon sa laman: bagama't nakilala namin si Cristo ayon sa laman, nguni't sa ngayo'y hindi na namin nakikilala siyang gayon. Kaya't kung ang sinoman ay na kay Cristo, siya'y bagong nilalang: ang mga dating bagay ay nagsilipas na; narito, sila'y pawang naging mga bago. Datapuwa't ang lahat ng mga bagay ay pawang sa Dios, na pinakipagkasundo tayo sa kaniya rin sa pamamagitan ni Cristo, at ibinigay sa amin ang ministerio sa pagkakasundo; Sa makatuwid baga'y, na ang Dios kay Cristo ay pinakipagkasundo ang sanglibutan sa kaniya rin, na hindi ibinibilang sa kanila ang kanilang mga kasalanan, at ipinagkatiwala sa amin ang salita ng pagkakasundo. Kami nga'y mga sugo sa pangalan ni Cristo, na waring namamanhik ang Dios sa pamamagitan namin: kayo'y pinamamanhikan namin sa pangalan ni Cristo, na kayo'y makipagkasundo sa Dios. Yaong hindi nakakilala ng kasalanan ay kaniyang inaring may sala dahil sa atin: upang tayo'y maging sa kaniya'y katuwiran ng Dios.

—2 Corinto 4:16-21

Page 40: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

a. Sila ay masunurin at ginagawa ang gawain. b. Sila ay kahawig Niya. c. Sila ay ipinanganak sa Kanyng Espiritu. d. Nakamit nila ang kanyang pabor.

Ano ang iyong ginagawa upang maipagkasundo mo ang iba sa Diyos? Mayroon bang mga tao na dapat kang makipagkasundo? Kung mayroon, ano ang nais ng Diyos na dapat mong gawin? Ano ang iyong ginagawa upang matulungan ang iba na makipagkasundo sa iba.

____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________

____________________________________________________________________

Pasalamatan ang Diyos na ipinadala si Jesus upang ipagkasundo tayo sa Kanya at hindi niya ibinibilang ang ating mga kasalanan laban sa atin. Hingin sa Diyos na tulungan ka na maging ambasador ka Niya at bigyan ka ng pagkakataon na dalhin ang iba pa sa kanya.

Page 41: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

Mas Malalim na Pag-aaral 1. Ano ang ibig sabihin nang pinagkasundo ang tao sa Diyos? 2. Ano ang milagro ng pakikipagkasundo? 3. Ano ang ministro ng pakikipagkasundo? 4. Ano ang iyong ginagawa upang ipagkasundo ang iba pa sa Diyos? 5. Meron bang mga tao na dapat kang makipagkasundo? Kung meron, ano ang nais ng Diyos na

dapat mong gawin? 6. Ano ang iyong magagawa upang ipagkasundo ang iba pang mga tao? Ikaw ba ay gumagawa

ng masigasig upang tulungan ang iba pa na magkasundo?

Page 42: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

7. Bakit mo iniisip na ang mga ministro ng pakikipagkasundo ay tinatawag na mga anak ng

Diyos?

Page 43: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

Inalipusta na Tagapamayapa at

Mga Pangako

Kabanata 8 Aralin sa Pakikinig: Sermon sa Bundok 8

Layunin: Upang maunawaan ang pangwalong dapat ugaliin at matutunan kung paano tutugon sa pag-uusig (Teksto: Mateo 5:1-10) Mapapalad ang mga pinaguusig dahil sa katuwiran: sapagka't kanila ang kaharian ng langit.

—Mateo 5:10Mayroong dahilan bakit sinundan nang dapat ugaliin ang tagapamayapa na dapat ugaliin tungkol sa pag-uusig. Ang mga gustong maging ministro ng pakikipagkasundo kadalasan ay dumaranas ng masakit na karanasan dahil sa kanilang pakikipag-isa kay Jesu Cristo. Ang pagiging tagapamayapa ay maaring magdala sa mga alagad ni Jesus sa gitna ng mapanganib na labanan. Kung minsan ay nawawalan sila ng buhay. Ang mga alagad na may “magandang dapat ugaliin” ay hinaharap ang mga tao na may modelong nararapat. Kapag ang mga tao ay hinaharap ng mga tunay na alagad, kanilang inaamin na ito ang dapat nilang maging buhay, o maaring salakayin ang mga alagad na kamukha ni Jesus.

1. Ang ika-walong dapat ugaliin ay “Mapalad ang mga ________ dahil sa katuwiran, sapagka’t kanila ang _________________.”

Page 44: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

2. Tama o Mali? Ang dapat ugaliin na ito ay tumutukoy sa kahit sinong inuusig sa anumang

dahilan.

3. Tama o Mali? Kung sinumang mawalan ng buhay dahil kay Jesus ay tunay na nagpapakitang hari niya si Jesus.

Maliban na nabanggit, pumili ng isang sagot sa bawat tanong.

4. Basahin ang Mga Gawa 5:40-41. Paano tumugon ang mga apostol sa pag-uusig?

a. Tumakas sila dahil sa takot. b. Lumaban sila. c. Nagdesisyon na sundin ang mga pinuno. d. Natuwa sila sa pribilehiyong naghihirap sila para kay Jesus

5. Basahin 1 Pedro 4:12-14. Ayon sa talatang 12, Dapat isaalang-alang ng Kristiyano ang pag-

uusig bilang: a. Kakaiba at di-pangkaraniwan b. Tanda ng pag-hatol ng Diyos c. Normal lang at asahan na bahagi ito ng buhay Kristiyano d. Madali itong harapin

6. Ayon sa 1 Pedro 4:14, ang pagdurusa ay tanda ng?

a. Presensiya ng Espiritu ng Diyos sa ating buhay b. Galit ng Diyos sa ating mga kasalanan c. Ikaw at ang mundo ay di magkasundo d. Wala ang espiritu at pagpapala ng Diyos sa iyong buhay

7. Ano sa isip mo bakit sinasalakay ng mundo ang nagpapakita ng ugali ni Jesus? (piliin lahat

ang akma)

At sila'y nagsisangayon sa kaniya: at pagkatawag nila sa mga apostol, ay pinalo nila at ibinala sa kanila na huwag silang mangagsalita sa pangalan ni Jesus, at sila'y pinawalan. Sila nga'y nagsialis sa harapan ng Sanedrin, na nangatutuwang sila'y nangabilang na karapatdapat na mangagbata ng kaalimurahan dahil sa Pangalan.

—Mga Gawa 5:40-41

Mga minamahal, huwag kayong mangagtaka tungkol sa mahigpit na pagsubok sa inyo, na dumarating sa inyo upang kayo'y subukin, na waring ang nangyayari sa inyo'y di karaniwang bagay: Kundi kayo'y mangagalak, sapagka't kayo'y mga karamay sa mga hirap ni Cristo; upang sa pagkahayag ng kaniyang kaluwalhatian naman ay mangagalak kayo ng malabis na galak. Kung kayo'y mapintasan dahil sa pangalan ni Cristo, ay mapapalad kayo; sapagka't ang Espiritu ng kaluwalhatian at ang Espiritu ng Dios ay nagpapahingalay sa inyo.

—1 Pedro 4:12-14

Page 45: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

a. Ang mga tulad ni Jesus ay hinaharap ang iba kung paano maging katulad ni Jesus.

b. Ang mga ugali ni Jesus ay hindi akma sa sistema ng mundo at kultura. c. Ang mga ugali ni Jesus ay makasarili at natural na nakakatisod. d. Ang kasalanan at katuwiran ay laging magkaaway sa isa’t-isa. e. Ang mga ugali ni Jesus ay hindi nagpaparaya at hindi matuwid na palagay.

Ano ang natural na pagtugon sa pag-uusig? Makakapag-isip ka ba ng mga paraan upang ipakita ang ugali ng Diyos kapag ikaw ay inuusig? Paano?

____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________

____________________________________________________________________

Pasalamatan ang Diyos at pinagpapala ang mga inuusig dahil sa Kanya. Ipanalangin ang mga kapatiran na dumaranas ng pag-uusig dahil sa Ebanghelyo ni Jesus na sila’y manatiling tapat at matatag. Hingin sa kanya na tulungan ka na ipakita ang mga ugali ni Jesus at bigyan ka ng lakas kapag inayawan ka ng iba dahil sa ikaw ay

isa sa mga taga-sunod Niya.

Page 46: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

Mas Malalim na Pag-aaral 1. Ipaliwanag bakit ang unang apat na dapat ugaliin ay tinatawag na paparating na ugali, at ang

pangalawang apat ay papalabas na ugali? 2. Sinabi ni Pastor Woodward ang apat na batas ng sikretong espirituwal:

Hindi ko kaya pero kaya Niya, at ako ay nasa Kanya at Siya ay nasa akin. Ayoko ngunit gusto Niya, at ako ay nasa Kanya at Siya ay nasa akin. Ako ay bale wala ngunit Siya ay Siya, at ako ay nasa Kanya at Siya ay nasa akin. Hindi ko ginawa, ngunit Siya ang gumawa, dahil ako ay nasa Kanya at Siya ay nasa akin.

Paano at bakit ang bawat isa sa mga pahayag na ito ay nauugnay sa bawat pares ng mga dapat ugaliin? 3. Ang ibig bang sabihin ng ika-walong dapat ugaliin ng mga alagad ni Jesus ay dapat magsikap

na hanapin na maghirap kay Cristo? 4. Inirekomenda ni Pastor Woodward na dapat isaulo ang mga dapat ugaliin. Ginawa mo na ba

ito? Kung hindi pa, magagawa mo bang ipangako na gawin ito? 5. Mayroon ka bang kakilala na ayaw kay Jesus? Talakayin.

Page 47: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

6. Ano ang natural na reaksyon ng mga taong ganito sa harap ng mga taong nakikiisa kay

Jesus?

7. Sinabi ni Pastor Woodward, patungkol sa Dapat Ugaliin, “kailangan natin ng check-up mula

neck-up.” Paano natin bibigyan ang ating sarili ng “check-up mula sa neck-up?” 8. Ano ang sinasabi ng unang dalawang dapat ugaliin tungkol sa paano tayo katatagpuin ng

Diyos. 9. Sa paanong paraan at bakit ang may mapagkumbabang loob ay makakatanggap ng Kaharian

ng Langit? 10. Bakit ang mga taong lantarang nakikiisa kay Jesus, yaong mga nagpapakita ng

“magagandang ugali,” kadalasa’y dumaranas ng kahirapan? 11. Sa paanong paraan ang pag-uusig at pagdurusa ay nagiging pagpapala? 12. Ano ang natural mong reaksyon sa pag-uusig? Maari ka bang mag-isip ng mga paraan para

ipakita ang ugali ng Diyos kapag ikaw ay nagdurusa? Paano?

Page 48: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

13. Bakit ipinangako ng Diyos na ang maamo ay magmamana ng mundo? 14. Bakit pinapahalagahan ni Pastor Woodward ang night-call bilang social worker?

Page 49: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

Ang Pagkatao at ang Kultura

Kabanata 9

Aralin sa Pakikinig: Sermon sa Bundok 9

Layunin: Upang maunawaan ang tungkulin ng Kristiyano sa kultura sa pamamagitan ng apat na talinhaga na ginamit ni Jesus upang ilarawan ang pagsaksi ng mga alagad.

(Teksto: Mateo 5:11-16) “Kayo ang asin ng lupa: nguni't kung ang asin ay tumabang, ay ano ang ipagpapaalat? wala nang ano pa mang kabuluhan, kundi upang itapon sa labas at yurakan ng mga tao.”

—Mateo 5:13Ang mga Tamang asal ang pinaka sentro at laman ng Sermon sa Bundok ni Jesus. Sa pamamagitan ng walong ugali, Kanyang inilarawan ang maka-Diyos na katangian na magpapabago sa mundo. Ang susunod na bahagi ay naglalaan ng komentaryo at paggamit ng Kanyang sermon. Pagkatapos ibigay ni Jesus ang larawan ng mga magagandang ugali, nagbigay siya ng apat na talinhaga upang ilarawan kung ano ang mangyayari kapag ang Kristiyano ay naging bahagi ng solusyon ng Diyos sa mundo. Ang mga mananampalataya ay nagiging asin sa mundo, ilaw sa mundo, kandila sa kandelabra, at lungsod sa maliit na bundok. Ang unang talinhaga na ginamit ni Jesus sa mga alagad ay maging isang asin. Ang asin ay pampigil sa pagkabulok para di masira ang karne, at ang mga Kristiyanong may ugali ni Jesus ay nagmimistulang asin sa mundo. Kapag ang mga alagad na may ugaling maka-Cristo ay “ipinahid” sa mga tao sa mundo bilang asin na ipinahid sa karne, ang kanilang inpluwensiya ay pampigil sa kabulukan ng mundo. Sila ay nagiging mahalagang bagay na ginagamit ni Jesus upang baguhin ang kultura at lipunan kung saan sila ay nabubuhay.

Page 50: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

1. Tama o Mali? Marami ang naniniwala na ang mga Tamang Asal ay ang pangunahing

katuruan sa Sermon sa Bundok at ang nalalabi ay kung paano gamitin ito. 2. Tama o Mali? Ang tamang asal na ito ay tumutukoy sa kahit sinong inuusig sa anumang

dahilan.

3. Tama o Mali? Ang tanging layunin ng mga katuruan ni Jesus ay bigyan ang mga tao ng maraming kaalaman hindi upang ipakita sa mga tagasunod kung paano mabuhay

4. Tama o Mali? Ang salitang “Kristiyano” ay madalas na gamitin sa Biblia.

Maliban na nabanggit, pumili ng isang sagot sa bawat tanong.

5. Paano nakiugnay si Jesus sa kultura? a. Sinubok Niyang makibagay dito. b. Siniguro Niyang hindi siya kabagay. c. Inilayo Niya ang Kanyang sarili upang hindi Siya maapektuhan ng kultura. d. Dumating Siya na salungat sa kultura at ninais niya itong baguhin.

6. Alin sa mga isinalarawan ni Jesus ang nagpapakita kung sino ang Kanyang mga tagasunod?

(piliin ang lahat ng akma) a. Asin b. Buhangin c. Kidlat d. Ilaw e. Lungsod sa maliit na bundok f. Kandelabra g. Isda

Page 51: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

7. Ano ang paraan ni Jesus para baguhin Niya ang kultura? a. Magbigay ng bagong kautusan b. Baguhin ang puso ng mananampalataya at isugo sila sa mundo c. Baguhin ang gobyerno d. Bigyan ang tao ng maraming edukasyon

8. Ano ang gamit ng asin na inisip ni Jesus sa talinhaga ng asin? (piliin lahat ng akma)

a. Pampigil sa pagkabulok b. Isang mahalagang bagay na kapalit ng pera c. Pampahapdi sa sugat d. Pampauhaw e. Panlinis f. Pampagamot g. Pampalasa sa pagkain

Anong hakbang ang maaring mong gawin upang lalo kang maging epektibo na “asin” sa iyong komunidad?

__________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________

Pasalamatan ang Diyos sa Kanyang abilidad na baguhin ang iyong puso at ang pagnanasa Niya na gawin ka niyang ambasador. Hingin sa Kanya na gamitin ka upang magkaroon ka ng epekto sa iyong kultura at sa mga taong nasa paligid mo.

Page 52: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

Mas Malalim na Pag-aaral 1. Kapag ang tao ay mayroong maka-Cristong katangian, anong uri ng katangian na mayroon

siya? 2. Ang katuruan ba ng Kristiyano ay nais makibagay o nais baguhin ang kultura? Paano? 3. Ipaliwanag ang talinhaga ni Jesus tungkol sa asin sa Mateo 5:13. Bakit ginamit Niya ang

asin? 4. Ano ang kailangang gawin sa asin upang ito ay magamit na epektibo sa pagbabago? 5. Anong mga tiyak na hakbang ang maaring mong kunin upang lalo kang maging epektibong

“asin” sa iyong komunidad.

Page 53: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

6. Sa anong paraan ninasa ni Jesus na ang Kanyang bayan ay maging isang “lungsod sa maliit na bundok?”

7. Sa paanong paraan ka maaaring maging halimbawa at ilaw sa ibang tao sa iyong

komunidad?” 8. Bakit pinapahalagahan ni Pastor Woodward ang night-call bilang social worker?

Page 54: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

Asin at Ilaw

Kabanata 10 Aralin sa Pakikinig: Sermon sa Bundok 10

Layunin: Upang matutunan na maging bahagi ng solusyon ng Diyos—maging asin at ilaw ng mundo—sa ating mga relasyon. (Teksto: Mateo 5:13-16) “Kayo ang ilaw ng sanglibutan. Ang isang bayan na natatayo sa ibabaw ng isang bundok ay hindi maitatago. Hindi rin nga pinaniningasan ang isang ilawan, at inilalagay sa ilalim ng isang takalan, kundi sa talagang lalagyan ng ilaw; at

lumiliwanag sa lahat ng nangasa bahay. Lumiwanag na gayon ang inyong ilaw sa harap ng mga tao; upang mangakita nila ang inyong mabubuting gawa, at kanilang luwalhatiin ang inyong Ama na nasa langit.”

—Mateo 5:14-16Ang asin ay pampigil sa pagkabulok ng karne, at ang mga Kristiyano na mayroong pag-uugali ni Jesus ay mga asin sa mundo. Kapag ang mga alagad na may maka-Cristong pag-uugali ay “napahid sa” mga tao sa mundo bilang asin na napahid sa karne, ang kanilang impluwensiya ang pipigil sa pagkabulok ng mundo. Sila ay magiging mahalagang kasangkapan na magagamit ni Jesus upang mabago nang lubos ang kultura. Ang pangalawang talinhaga ay nagpapahiwatig na ang mga Kristiyano ang siyang pinagmumulan ng ilaw ng maraming nabubuhay sa kadiliman. Tulad ng naunang talinhaga, ang mga salita ni Jesus ay literal na nagsasabi na “ikaw at ikaw lamang” ang asin at ilaw. Kung hindi tinupad ng mga alagad ang kanilang tungkulin bilang asin at ilaw, wala nang iba pa na tutupad nito. Ang mga taong mayroong mga pag-uugali ni Jesus ay sinugo sa mundo bilang solusyon ng Diyos upang lumiwanag sa paningin ng lahat. Ang pangatlo at pangapat na talinhaga ay nakaugnay sa pangalawa. Ang dulot nito, sinasabi ni Jesus “Bago kayo naging Aking mga alagad, tulad ninyo ang kandilang walang ilaw. Ngayon na naging Kristiyano na kayo, umilaw na ang inyong kandila. Tuwing ako ay magbibigay ng ilaw sa kandila, inilalagay ko ito sa kandelabra para makita ng iba.” Tulad ng isang lungsod sa maliit na bundok o maliwanag na lampara, ang mga tunay na alagad Niya ay hindi maaring magtago.

1. Tama o Mali? Hindi kailan man maaaring mag-impluwensiya sa mundo ang mga Kristiyano

kung sila mismo ay hiwalay at nananatili sa bote ng asin. 2. Tama o Mali? Dumating si Jesus sa mundo upang baguhin ang kultura.

3. Tama o Mali? Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad na sila ay mga ilaw dahil ang mundo ay lugar ng kadiliman.

Page 55: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

4. Tama o Mali? Hindi magandang halimbawa si Jesus na nabuhay bilang asin at ilaw.

Maliban na nabanggit, pumili ng isang sagot sa bawat tanong.

5. Kailan ang ating tungkulin bilang “asin” ay higit na epektibo? a. Kapag nag-aaral tayo ng Biblia b. Kapag tayo ay dumadalo sa simbahan c. Sa ating relasyon sa iba d. Sa ating relasyon sa ibang mananampalataya

6. Mula sa sumusunod na listahan, guhitan ang lugar ng iyong kultura kung saan naniniwala ka

na higit na kailangan ang impluwensiya ng Kristiyano (iba-iba ang magiging sagot) Sukatang moralidad Ekonomiya at kalakal Pag-aasawa Gobyerno Relasyon sa pamilya Relasyong panlipunan Relihiyon Edukasyon Aliwan Kultura

7. Ano sa isip mo ang ibig sabihin ng maging ilaw sa mundo? (piliin lahat ng akma)

a. Ibahagi ang salita ng Diyos b. Gumawa ng mabuting gawa mula sa tamang motibo c. Ipagmayabang ang iyong katuwiran d. Magdulot ng pansin sa sarili e. Magkaroon ng maka-diyos na pag-uugali f. Magpakita ng pagmamahal sa iba

8. Ano ang pinagmumulan ng ating ilaw?

a. Ang ating sariling kabutihan b. Ibang mananampalataya c. Ang halaga ng kaloob-looban natin d. Si Jesus na nasa atin

9. Basahin ang Juan 17:14. Ayon sa talatang ito, paano kakaiba ang mga alagad ni Jesus sa mundo?

a. Mas mabuti silang tao. b. Mas talento sila. c. Nabigyan sila ng Kanyang Salita. d. Hindi naman sila kakaiba

Ibinigay ko sa kanila ang iyong salita: at kinapopootan sila ng sanglibutan, sapagka’t hindi sila taga sanglibutan, gaya ko naman na hindi taga sanlibutan.

—Juan 17:14

Ako’y hindi ninyo hinirang, nguni’t kayo’y hinirang ko, at aking kayong inihalal, upang kayo’y magsiyaon at magsipagbunga, at upang manatili ang inyong bunga; upang ang naumang inyong hingin sa Ama sa aking pangalan, ay maibigay niya sa inyo.

—Juan 15:16

Page 56: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

10. Basahin ang Juan 15:16. Ayon sa talatang ito, ano ang layunin ni Jesus bakit pinili Niya ang mga alagad?

a. Upang alagaan nila ang kanilang kalakal b. Upang makisalamuha sa ibang mga Kristiyano c. Upang husgahan ang mundo d. Upang humayo at magbunga

11. Kapag sinabi ng Biblia na hinirang ni Jesus ang kanyang mga alagad na humayo at magbunga, ito ay gumamit ng salitang Griyego na “madiskarteng inilagay.” Bilang isa sa mga alagad, ano ang iyong pakiramdam na madiskarteng inilagay ka ng Diyos sa kinalalagayan mo ngayon? (piliin lahat ng akma; maaaring iba-iba ang mga sagot)

maginhawa takot kababaang loob may layunin lakas ng loob mapag-pasalamat

Sa anong bagay kakaiba ang buhay mo kumpara sa mga iba na hindi kilala si Jesus? Alin sa iyong mga relasyon ang higit na kailangan mo na maging asin at ilaw?

_____________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________

Pasalamatan ang Diyos sa mga pagkakataon na ibinigay sa iyo upang maging ilaw sa gitna ng kadiliman. Hingin sa kanya na tulungan kang magningning ng maliwanag at magbunga ng marami.

Page 57: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

Mas Malalim na Pag-aaral 1. Bakit sinabi ni Pastor Woodward na kailangan muna tayong maging “asin” bago maging

“ilaw?” 2. Ang iyo bang buhay na sangkot sa ibang mga buhay ay sapat upang maging asin at ilaw sa

kanila? Paano? 3. Sa anong mga paraan ang iyong buhay ay kakaiba sa iba na hindi kilala si Jesus? 4. Alin sa iyong mga relasyon na higit mong kailangan na maging asin at ilaw ng mundo? 5. Ikaw ba ay “lungsod sa maliit na bundok” kung saan ka nagtratrabaho? Sa anong paraan

ikaw ay makikita ng iyong kapwa manggagawa bilang “asin at ilaw” sa Mateo 5?

Page 58: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

6. Kilala mo ba ang ibang mananampalataya sa iyong trabaho? Paano mo masasabi?

7. Bakit ang lugar ng iyong trabaho ay madiskarteng lugar para sa iyo na maging “asin at ilaw?”

Page 59: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

Ang Utos ng Diyos At ang Buhay ng Tao

Kabanata 11

Aralin sa Pakikinig: Sermon sa Bundok 11

Layunin: Upang maunawaan ang pagtingin ni Jesus sa Batas ng Diyos at ang katuwirang personal. (Teksto: Mateo 5:17-20) “Sapagka't sinasabi ko sa inyo, na kung hindi hihigit ang inyong katuwiran sa katuwiran ng mga eskriba at mga Fariseo, sa anomang paraan ay hindi kayo makakapasok sa kaharian ng langit.”

—Mateo 5:20Maraming mga tao ang nag-iisip na sumasalungat si Jesus sa Lumang Tipan sa mga talatang ito, ngunit kanya lamang itinutuwid ang katuruan ng mga pinuno sa relihiyon. Sinasabi Niya sa kanyang mga alagad: “Lahat ng tinuturo ko ay matatagpuan ninyo sa Salita ng Diyos, ngunit lahat ng aking tinuturo ay salungat sa mga itinuturo ng mga pinuno sa relihiyon.” Ipinaliwanag Niya sa mga sumusunod na mga talata kung ano ang pagkakaiba ng titik sa batas—katuruan ng mga Fariseo, at espiritu ng batas—katuruan ni Jesus. Itinuro Niya na ang Kautusan ay panloob, hindi lamang panlabas; na ito ay pataas (gawin para sa Diyos) sa halip pahalang (gawin para sa iba); dapat base sa kasulatan hindi nang tradisyon; at makatotohanan sa halip na mapagkunwari.

1. Tama o Mali? Upang maging bahagi ng solusyon ni Jesus, kailangang malaman natin paano

gamitin ang Kasulatan sa buhay ng mga tao.

Page 60: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

2. Tama o Mali? Ibinigay ng Diyos ang Kanyang mga Kautusan at ang Kanyang Salita dahil mahal Niya ang mga tao.

3. Tama o Mali? Lubos na salungat ang katuruan ni Jesus sa batas ng Lumang Tipan.

4. Tama o Mali? Itinuro ni Jesus na mas malalim ang espiritu ng batas sa Lumang Tipan at higit na personal kaysa turo ng mga pinunong relihiyoso.

Maliban na nabanggit, pumili ng isang sagot sa bawat tanong.

5. Ano ang sinasabi ni Jesus tungkol sa ating katuwiran sa Mateo 5:20?

a. Higit pa ito sa katuwiran ng pinuno sa relihiyon. b. Hindi ito maitatapat sa katuwiran ng mga pinuno sa relihiyon. c. Hindi na ito mahalaga sa Diyos. d. Hindi na dapat batay sa Lumang Tipan kailan man.

6. Basahin ang 2 Corinto 3:6. Batay sa talatang ito, ano ang pagkakaiba ng titik at espiritu ng

batas? a. Walang pagkakaiba; magkapareho sila. b. Ang titik ay madaling sundin. c. Ang Espiritu ay maluwag tungkol sa

kasalana. d. Ang titik ay pumapatay ngunit ang

Espiritu ay nagbibigay ng buhay.

7. Sa pamamagitan ng lente ng pag-ibig ng Diyos, bakit ibinigay ang Kautusan?

a. Upang husgahan at ikondena ang kasalanan b. Upang himukin ang mga tao na gumawa ng mas mabuti c. Upang mapabuti ang buhay ng tao d. Upang maging masarap ang pakiramdam ng mga pinuno ng relihiyon

8. Sa listahan sa ibaba, guhitan ang maling tingin ng mga pinuno ng relihiyon sa Kautusan.

Pagkatapos lagyan ng check ang tamang tingin ni Jesus sa Kautusan? Panlabas ✓Pataas ✓Base sa Kasulatan ✓Panloob Pahalang Mapagkunwari ✓Makatotohanan Tradisyonal

Na sa amin naman ay nagpapaging sapat na mga ministro ng bagong tipan; hindi ng titik, kundi ng espiritu: sapagka’t ang titik ay pumapatay, datapuwa’t ang espiritu ay nagbibigay ng buhay.

—2 Corinto 3:6

Page 61: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

Nakikita mo ba ang pagkakapareho ng iyong paraan ng pagtingin at paggamit ng Salita ng Diyos at ng mga Fariseo? Kung nakikita mo nga, ano ang mga ito? Ano ang maaari mong gawin upang maging katulad ni Jesus?

____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________

Pasalamatan ang Diyos na nagtuturo sa atin ng katuwiran dahil sa Kanyang pagmamahal sa atin. Hingin sa kanya na magkaroon ka ng panloob na katuwiran sa iyong puso habang ikaw ay natututo at sumusunod sa Kanyang Salita.

Page 62: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

Mas Malalim na Pag-aaral 1. Ano ang ibig sabihin na gamitin natin ang batas ng Diyos sa pamamagitan ng pag-ibig ng

Diyos? 2. Sa anong paraan sinuway ng mga Fariseo ang prinsipyong ito? 3. Bakit salungat ang katuruan ni Jesus sa mga Fariseo? Magtala ng mga iilang pagkakaiba sa

katuruan ni Jesus at ng mga Fariseo. 4. Bigyang kahulugan at ilarawan anong ibig sabihin ng salitang “matuwid” batay sa gamit ng

Mateo 5:20. 5. Ano ang pagkakaiba ng konsepto ni Jesus sa “katuwiran” at ng mga Fariseo?

Page 63: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

6. Ang paggamit mo ba ng Salita ay tulad ng sa mga Fariseo o tulad nang kay Jesus? Ano ang maaari mong gawin upang lalong maging katulad ka ni Jesus?

7. Ano ang pagkakaiba ng titik ng batas at ng espiritu ng batas? Bakit ang “titik ay pumapatay

at ang espiritu ay nagbibigay buhay?” (2 Corinto 3:6)

Page 64: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

Ang Utos ng Diyos At ang Iyong Kapitbahay

Kabanata 12

Aralin sa Pakikinig: Sermon sa Bundok 12

Layunin: Upang maunawaan ang pagtingin ni Jesus sa Batas ng Diyos at ang katuwirang personal. (Teksto: Mateo 5:21-24) “Kaya't kung inihahandog mo ang iyong hain sa dambana, at doo'y maalaala mo na ang iyong kapatid ay mayroong anumang laban sa iyo, Iwan mo roon sa harap ng dambana ang hain mo, at yumaon ka ng iyong lakad, makipagkasundo ka muna sa

iyong kapatid, at kung magkagayon ay magbalik ka at ihandog mo ang iyong hain.” —Mateo 5:23-24

Itinuro ni Jesus na napakahalaga para sa mga mananampalataya na linangin at pagtibayin ang mapagmahal na relasyon. Ang mga pinuno ng relihiyon sa panahon ni Jesus ay itinuro na kung hindi mo pinapatay o sinasaktan ang iyong kapatid, ang relasyon mo sa kanya ay tama lang sa harapan ng Diyos. Ngunit ang mga may paguugali ni Jesus ay nagpapamalas ng habag; kung hindi gagawin ay makaka-apekto sa ating personal na pagsamba. Siguruhin natin hindi tayo kakaiba sa mga tinatawag ni Jesus na “kapatid.” Ang galit at di magandang damdamin sa kapwa natin ay dapat ayusin kung nais natin na magkaroon ng relasyon na katanggap-tanggap sa harapan ng Diyos.

1. Tama o Mali? Habang ang relasyon natin sa Diyos ay mabuti, hindi na mahalaga kung ang

relasyon natin sa iba ay mabuti.

Page 65: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

2. Tama o Mali? Ang mahalaga lang sa ating mga relasyon sa iba ay ang iwasan na saktan sila.

Ano man ang nararamdaman natin sa loob ay hindi mahalaga.

3. Tama o Mali? Ayon kay Jesus, anumang uri ng di pagkakaunawaan sa kapatid kay Cristo ay dapat ayusin ito kung nais nating magkaroon ng tamang relasyon sa Kanya.

4. Tama o Mali? Sa tuwing sinasabi ni Jesus, “Narinig ninyo… datapwa’t sinasabi ko sa

inyo…,” Siya ay sumasalungat sa sinasabi ng Lumang Tipan.

Maliban na nabanggit, pumili ng isang sagot sa bawat tanong.

5. Anong situwasyon ang tinutukoy ng Mateo 5:23-24? a. Kapag ginawan tayo ng masama ng iba b. Kapag ginawan nating ng masama ang iba

6. Basahin ang Marcos 11:25. Anong sitwasyon ang

tinutukoy nito? a. Kapag ginawan tayo ng masama ng iba b. Kapag ginawan natin ng masama ang iba

7. Sa Mateo 5:21-24, saan tayo sinasabihan ni Jesus na

tumingin? a. Loob b. Taas c. Palibot d. Palayo

8. Sa turo ni Jesus, sino ang tinutukoy niyang “kapatid?”

a. Ang ating mga kapatid sa laman b. Ibang mananamapalataya c. Kalahi natin d. Bawat isa

9. Alin sa mga sumusunod ang pinaka punto ni Jesus sa katuruan Niya sa Mateo 5:21-24? a. Huwag nating patayin ang ibang mga mananampalataya. b. Huwag tayong magalit kahit anumang dahilan. c. Ang utos na huwag pumatay ay hindi na magagamit sa atin ngayon. d. Dapat nating matutunan paano mahalin ang ibang mananampalataya kung

nais nating magkaroon ng tamang relasyon sa Diyos.

At kailan man kayo’y nangakatayong nagsisipanalangin, mangagpatawad kayo, kung mayroon kayong anomang laban sa kanino man; upang ang inyong Ama naman na nasa langit ay patawarin kayo ng inyong mga kasalanan.

—Marcos 11:25

Page 66: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

Siyasatin mo ang iyong mga relasyon. Mayroon ka bang relasyon na pumipigil sa iyong pagsamba? Kung mayroon, anong hakbang ang kaya mong gawin upang maayos ito?

____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________

Pasalamatan ang Diyos sa pagnanais Niya ng matibay at mapagmahal na relasyon sa iyo at ang pagnanasa Niya na tulungan ka na magkaroon ng matibay at mapagmahal na relasyon sa iba. Hingin sa Kanya na pa-galingin ang nasira mong relasyon sa ibang mga mananampalataya at tulungan kang magpatawad, humingi ng tawad, at gumawa ng iilang hakbang upang makipagkasundo sa iba.

Page 67: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

Mas Malalim na Pag-aaral 1. Bakit ang paningin sa kasulatan (o pilosopiya sa kasulatan) maaring magkaroon ng kaibahan

sa pagbibigay kahulugan at paggamit sa kasulatan? 2. Ano ang kaibahan ng “patayo” na katuwiran at “pahalang” na katuwiran? 3. Ano ang ibig sabihin ni Pastor Woodward sa sinabi niyang “isalin ang Salita ng Diyos sa

pamamagitan ng pagmamahal ng Diyos?” Bakit ito magkakaroon ng kaibahan sa paggamit nito?

4. Ang ika-anim na Utos, “Huwag kang papatay” ay patungkol lang ba sa pagpatay ng tao?

Kung hindi, ano ang tunay na nilalaman at sakop nitong kautusan? 5. Ang pakahulugan ba ni Jesus dito ay tumutukoy sa iyo? Kung ganon nga, ano kailangan

mong gawin tungkol dito?

Page 68: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

6. Magbigay ng halimbawa kung paano pinakahulugan ng mga Fariseo ng legalismo ang kasulatan.

7. Ngayon ay magbigay ka ng halimbawa ng legalismo mula sa iyong karanasan.

Page 69: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

Ang Batas ng Diyos, Ang Kaaway, Ang Kababaihan, At ang Iyong Asawa

Kabanata 13

Aralin sa Pakikinig: Sermon sa Bundok 13

Layunin: Upang maunawaan kung paano tayo makipag-ugnay sa mga kalaban, miyembro ng kaibang kasarian, at sa ating mga asawa ayon kay Jesus. (Teksto: Mateo 5:25-32)

“Makipagkasundo ka agad sa iyong kaalit, samantalang ikaw ay kasama niya sa daan; baka ibigay ka ng kaalit mo sa hukom, at ibigay ka ng hukom sa punong kawal, at ipasok ka sa bilangguan.”

—Mateo 5:25

“Narinig ninyo ang sinabi, Huwag kang mangangalunya: Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, na ang bawa't tumingin sa isang babae na taglay ang masamang pagnanasa ay nagkakasala, na ng pangangalunya sa kaniyang puso.”

—Mateo 5:27-28

“Sinabi rin naman, Ang sinumang lalaki na nais hiwalayan ang kanyang asawa, kailangang bigyan niya ito ng kasulatan ng paghihiwalay: Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, na ang sinumang lalaki na hiniwalayan ang kaniyang asawa, liban na lamang kung sa pakikiapid ang dahilan, siya ang sa kaniya'y nagbibigay kadahilanan ng pangangalunya: at ang sinumang mag-asawa sa kaniya kung hiniwalayan na siya ay nagkakasala ng pangangalunya.”

—Mateo 5:31-32Tayo ay nabubuhay sa mapagkumpitensyang mundo. Kung minsan ang ating relasyon sa ating “ka-kumpitensya,” o kalaban ay mapanganib, at determinadong isakdal tayo o ipakulong. Ang mga alagad na may pusong makipagkasundo ay di nagagalit o subukin mang maghiganti sa kaaway. Sa halip, determinadong hindi sila pagmumulan ng away sa mga palaaway na tao. Tinuruan di tayo ni Jesus paano makipag-ugnay sa mga taong iba ang kasarian kaysa sa atin. Tulad ng ibang kasalanan, laging tinutukoy ni Jesus ang pinagmumulan nito: ang ating mga puso. Kung tunay ngang nais nating maging bahagi ng solusyon bilang asin at ilaw, kailangang alam nating kontrolin ang ating sekswal na pagnanasa. Ang turo ni Jesus sa hiwalayan ng mag-asawa ay isang halimbawa kung paano hindi Siya sumasang-ayon sa pakahulugan ng mga eskriba at Pariseo noong binanggit nila ang Batas ni Moses. Ang hiwalayan at paghihiwalay ay isang epidemya sa maraming kultura ngayon, at itinuro ni Jesus na ang hiwalayan ay hindi kailanman kalooban ng Diyos.

Page 70: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

1. Tama o Mali? Inaasahan ni Jesus na lagi nating hayaan ang bawat isa na gawin nila ang anumang nais nila.

2. Tama o Mali? Ang mga alagad ni Jesus ay hindi kailan man makakaranas ng pagsalungat sa

iba.

3. Tama o Mali? Madaling malupig ang kasalanang sekswal bago tumingin ng pangalawa, di dalisay na pag-iisip, at mga malalaswang pag-iisip.

4. Tama o Mali? Ang Tamang Asal ay magagamit din sa relasyon natin sa ating asawa.

5. Kung mayroon kayong di pagkakaunawaan sa iba at ang ilan nito ay dahil sa iyo, ngunit karamihan ay kasalanan nang iba, ano sa isip mo ang nais ni Jesus na dapat mong gawin? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________

Maliban na nabanggit, pumili ng isang sagot sa bawat tanong.

6. Alin sa tamang asal ang tiyak na magagamit mo sa turo ni Jesus tungkol sa ating mga

kalaban? a. Ang pangalawang tamang asal b. Ang pangatlong tamang asal c. Ang panglimang tamang asal d. Ang pangpito na tamang asal

7. Ano sa isip mo ang ibig sabihin ni Jesus nang sinabi

Niyang dukutin ang iyong mata o putulin ang iyong kamay?

a. Putulin kaagad ang tukso. b. Puwedeng tumingin basta huwag ka lang

magkasala. c. Ang lahat ng pagnanasa mo ay masama. d. Supilin mo ng dahas ang iyong sarili

upang umiwas sa kasalanan.

8. Basahin ang Santiago 1:13-15. Ayon sa talatang ito, saan nagsisimula ang kasalanan sa ating buhay?

a. Tinutukso tayo ng Diyos b. Sa sarili nating pagnanasa c. Nililinlang natin ang tukso d. Kamatayan

9. Ayon sa Santiago 1:13-15, ano ang resulta ng

pagkakasala? a. Hindi kuntento

Huwag sabihin ng sinuman pagka siya’y tinutuksom Ako’y tinutukso ng Dios; sapagka’t ang Dios ay hindi matutukso sa masamang bagay, at hindi rin naman siya manunukso sa kanino man: Kundi ang bawa’t tao ay natutukso, pagka nahihila ng sariling masamang pita at nahihikayat. Kung magkagayo’y ang kahalayan, kung maipaglihi ay manganganak ng kasalanan; at ang kasalanan pagka malaki na mamumunga ng kamatayan.

—Santiago 1:13-15 Dahil dito’y iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ina, at makikisama sa kaniyang asawa; at ang dalawa ay magiging isang laman. Ang hiwagang ito ay dakila: datapuwa’t sinasalita ko ang tungkol kay Cristo at tungkol sa iglesia.

—Efeso 5:31-32

Page 71: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

b. Pansamantalang kasiyahan c. Di aprobado ng Diyos d. Kamatayan

10. Basahin ang Efeso 5:31-32. Ayon sa talatang ito, ano ang pag-aasawa? a. Makataong samahan b. Maginhawa at praktikal c. Larawan ni Cristo at ng iglesia d. Pang kultura at legal na dahilan lang

Ano ang sinasabi ng iyong kultura tungkol sa di pagkakaunawaan, kalaswaan, at paghihiwalay? Paano naiiba ang mga kulturang bagay na ito sa katuruan ni Jesus?

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________

Pasalamatan ang Diyos dahil may kakayahan Siyang ingatan ka sa pagkahulog sa kasalanan. Hingin sa kanya na tulungan ka na itakwil ang tukso sa bawat bahagi ng iyong buhay.

Page 72: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

Mas Malalim na Pag-aaral 1. Ano ang pagkakaiba ng “kaaway” at “kumakalaban” sa atin? 2. Bilang Kristiyano, ano ang responsibilidad natin sa mga kumakalaban sa atin? 3. Ang mag-isip ba ng pangangalunya ay kasingsama ng gumawa mismo nito? 4. Ano ang ugat ng pangangalunya? Ano dapat ang gawin upang matigil ito? 5. Ano ang espiritu nang kautusan tungkol sa pangangalunya? 6. Gumamit si Jesus ng talinhaga na putulin ang kamay o dukutin ang mata. Ano talaga ang

kahulugan ng talinhagang ito?

Page 73: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

7. Ano ang kahulugan ng “ipasa ang batas ng Diyos sa pamamagitan ng salamin ng pag-ibig ng

Diyos?” 8. Ano ang pagkakaiba ng turo ni Jesus sa diborsiyo sa turo ng mga Fariseo? Bakit ito

magkaiba? 9. Ano ang batas ng Diyos sa pagpaparami ng mabubuting tao sa mundo? 10. Ano ang kailangan upang matupad ang batas na ito? 11. Bakit sinabi ni Satanas na sirain ang pagsasama ng mag-asawa? 12. Tinuro ni Pastor Woodward na ang pagtataksil sa asawa ang tanging dahilan upang mawala

ang bisa ng pag-aasawa?

Page 74: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

13. Bakit ang Genesis 2:24 ang susi sa utos ni Jesus tungkol sa diborsiyo? 14. Ano ang sinasabi ng iyong kultura tungkol sa di-pagkakaunawaan, kalaswaan, at diborsiyo?

Ano kaibahan ng mga ito sa turo ni Jesus?

Page 75: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

Ang Batas ng Diyos At ang Iyong Salita

Kabanata 14

Aralin sa Pakikinig: Sermon sa Bundok 14

Layunin: Upang maunawaan ang katuruan ni Jesus tungkol sa panunumpa at pagiging matapat. (Teksto: Mateo 5:33-42)

“Datapuwa't ang magiging pananalita ninyo'y, Oo, oo; Hindi, hindi; sapagka't ang humigit pa rito ay buhat sa masama.”

—Mateo 5:37

“Narinig ninyong sinabi, Mata sa mata, at ngipin sa ngipin: Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, Huwag kayong makilaban sa masamang tao: kundi sa sinomang sa iyo'y sumampal sa kanan mong pisngi, iharap mo naman sa kaniya ang kabila.”

—Mateo 5:38-39 Ang mga lider ng mga relihiyon sa panahon ni Jesus ay may mga detalyadong sistema kung saan iilan sa mga panunumpa ay nabubuklod, ang iba naman ay hindi. Ito ay walang katotohanan, kumplikadong sistema na hindi nagbibigay dangal sa utos ng Diyos na huwag sumaksi ng di totoo. Iginiit ni Jesus na ang mga alagad ay nagsasabi ng katotohanan at kanilang tinutupad ang kanilang sinabi. Ang mga lider ng relihiyon ay nagtuturo din ng batas sa Lumang Tipan na may maling espiritu. “Ang mata sa mata at ngipin sa ngipin” ay hindi tinakdang matapang na hustisya kundi ito’y limitado sa paghihiganti ng taong nasaktan. Sa halip itinuro ni Jesus na huwag pigilin ang masamang tao sa pamamagitan ng paghihiganti. Ipinapakita Niya ang higit pa sa hustisya, at ito ang espiritu ng Batas, na laging may awa.

Page 76: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

1. Tama o Mali? Itinuturo ni Jesus na ang pagiging tapat at may integridad ay lubhang napakahalaga sa kanya.

2. Tama o Mali? Inasahan ni Jesus ang mga alagad na hindi mangangako kailan man, kung

sakaling hindi nila kayang tuparin ito.

3. Tama o Mali? Ang katuruan ng mga eskriba at Fariseo sa panunumpa ay galing sa Lumang Tipan, ngunit hindi sumang ayon si Jesus dito.

4. Tama o Mali? Walang binanggit na bawal sa Biblia ang maling pag-akay sa mga tao sa

pagsasabi ng kalahating katotohanan.

Maliban na nabanggit, pumili ng isang sagot sa bawat tanong.

5. Ano ang mararamdaman mo kung may nangako sa iyo at hindi ito tinupad? a. Hindi ako maabala; lagi naman ginagawa yan. b. Di ako mapakali, datapuwa’t nauunawaan ko. Ginagawa ko rin naman yan. c. Di ako mapakali dahil ito ay hindi pagiging tapat. d. Di ako mapakali dahil alam ko gagawin nila iyon.

6. Alin sa mga sumusunod ang pumupukaw sa pinaka turo ni Jesus tunngkol sa pagiging totoo?

a. Dapat laging maging totoo sa lahat ng ating sinasabi at huwag tangkain iligaw ang iba.

b. Walang anuman ito sa Diyos kung kaya nating sabihin ang totoo at iligaw pa rin ang iba, hanggat hindi tayo nagsisinungaling.

c. Katanggap-tanggap ang maging tahimik at huwag ituwid ang maling akala kung ito ay magdadala sa atin sa labas ng kaguluhan.

Page 77: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

d. Lagi nating sabihin ang nasa isip natin, kahit na masaktan ang iba at walang humihingi sa atin nang opinyon.

7. Paano magagamit ang katuruan ni Jesus sa mga taong nakikipag-paligsahan sa mundo?

a. Sinasabi lang na makipagpaligsahan tayo. b. Sinasabi na maging kakaiba tayo sa pagiging tagapamayapa. c. Sinasabi na saliksikin ang hustisya at gawing pantay-pantay ang lahat. d. Sinasabi na pabayaan ang kasamaan na mamuno.

8. Ano sa palagay mo ang magiging tugon ng mga tao sa mga alagad na sinusunod itong literal?

(piliin lahat ng magagamit: maaring iba-iba ang sagot) a. Mamamangha sila, baka maligtas pa sila. b. Tatawa sila. c. Iisipin nila na hindi tayo ganon katalino. d. Sasamantalahin nila ang ating pagiging mapagbigay. e. Titingalain tayo ngunit iisipin nila na hindi ito praktikal.

Paano tinitignan ng iyong kultura ang di-matapat at paghihiganti? Ito ba’y katanggap-tanggap sa lipunan? Kung ipapamuhay mo ang katuruan ni Jesus sa integridad at awa, paano makaka-apekto ito sa mga tao sa paligid mo?

__________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________

Pasalamatan ang Diyos dahil lagi Siyang tapat sa Kanyang salita at lagi Siyang nagpapakita ng awa. Hingin sa Kanya na tulungan ka na maging matapat lagi sa iyong salita at mahabagin sa iba.

Page 78: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

Mas Malalim na Pag-aaral 1. Sa paanong paraan kakaiba ang paggamit ni Jesus sa kasulatan kaysa doon sa mga Fariseo? 2. Paano mangyayari na sasabihin natin ang katotohanan habang nilalabag natin ang kautasan,

“Huwag kang magbibintang nang walang katotohanan?” 3. Sa paanong paraan hinihiling ni Jesus sa mga alagad na itakwil ang likas na ugali at maging

kakaiba sa mga tao sa mundo? 4. Bigyan nang kahulugan ang salitang “integridad.” 5. Ano ang mga dahilan ng iyong kultura sa kawalan ng pagiging tapat o integridad sa pulitiko?

Sa kalakal? Sa araw-araw na buhay?

Page 79: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

6. Kung ang isang tao sa iyong kultura ay may higit na katapatan at integridad sa kalakal, pulitiko, pagtuturo, o sa simbahan, ano ang pwedeng sabihin o isipin ng mga tao patungkol sa kanya? Siya ba ay lalong magiging popular o di magiging popular o impluwensiyado?

7. Ano ang posisyon ni Jesus sa panunumpa?

Page 80: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

Pagiging Katulad ng Diyos

Kabanata 15 Aralin sa Pakikinig: Sermon sa Bundok 15

Layunin: Upang maunawaan paano tratuhin ang ating mga kalaban at ipakita ang pagmamahal ng Ama na nasa langit. (Teksto: Mateo 5:38-48)

“Narinig ninyong sinabi, Iibigin mo ang iyong kapuwa, at kapopootan mo ang iyong kaaway: Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, at idalangin ninyo ang sa inyo'y nagsisiusig; Upang kayo'y maging mga anak ng inyong Ama na nasa langit.”

—Mateo 5:43-45

Marahil ang mga talatang ito ang pinaka-mahirap sa mga katuruan ni Jesus na bigyan ng kahulugan at gamitin sa buhay. Itinuro ang pinaka mataas na etika na kailan man ay hindi pa narinig ng mundo. Itinuro ng mga pangulo ng relihiyon na sinasabi ng Kautusan mahalin mo ang iyong kapwa (na siyang totoo) at mapoot ka sa iyong kaaway (na di totoo). Itinuwid ni Jesus ang di pagkaunawa dito at hiningi Niya sa kanyang mga alagad ang lubos na katapatan dito. Ang mahalin ang iyong kapwa pati na iyong kaaway ayon sa pamantayan ng Diyos ay imposible: maliban na si Jesus ay nasa atin.

1. Tama o Mali? Ang mga aral sa Sermon sa Bundok, kasama ang mahihirap na katuruan, ay ibinigay sa mga alagad, hindi sa madla.

2. Tama o Mali? Hindi itinuturo ng Biblia na kapootan natin ang ating mga kaaway.

3. Tama o Mali? Ang ating motibo sa pagmamahal sa kapwa ay para matawag tayong mga anak ng Diyos.

4. Tama o Mali? Ang pangangalaga sa sarili ay siyang pangunahing etika ng mga alagad ni

Jesus.

Maliban na nabanggit, pumili ng isang sagot sa bawat tanong.

5. Sa anong batayan ang alagad—tagasunod ni Jesus—maaaring isuko ang karapatang maghiganti o humingi ng hustisya para sa kanya?

a. Walang mga karapatan ang mga Kristiyano. b. Lagi namang mali ang mga Kristiyano at mapapahiya lamang sila kung

makikipagtalo. c. Dapat lang na magkaroon ng puntos ang Kristiyanong naghihirap. d. Kusang loob na tinanggap ng mga Kristiyano si Jesus bilang Panginoon at

kanilang isinuko ang lahat ng bagay kaya wala nang mawawala sa kanila.

Page 81: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

6. Basahin ang Lucas 10:30-37. Sa parabulang ito, ano ang kapansin-pansin sa Samaritanang tumulong sa Judio?

a. Wala. Ang mga Judio at Samaritana ay nagtutulungan sa isa’t-isa. b. Ang mga Judio at Samaritana ay galit sa isa’t-isa. c. Ang mga Judio at Samaritana ay magkalayo sa isa’t-isa, hindi sila nagkikita. d. Ang mga Judio at Samaritana ay mula sa magkaibang kultura at hindi makapag-

usap ng parehong salita.

7. Kapag sinabi ni Jesus na mahalin natin ang ating kapwa, ano sa isip mo ang ibig niyang

sabihin? a. Mga taong nakatira malapit sa atin b. Mga taong parehong kulay ng balat

natin c. Mga taong parehong estado sa buhay d. Mga kaibigan lamang natin e. Lahat

8. Basahin ang Galacia 2:20. Batay sa talatang ito, anong kapangyarihan mayroon tayo upang tulungan tayo na mahalin ang iba, pati na ang ating kaaway?

a. Ang ating sarili na makasalanan b. Ang ating pagnanasa sa puso c. Mga kautusan ng Diyos d. Si Jesus mismo

9. Kapag sinasabi ni Jesus na maging sakdal kayo tulad ng Diyos na sakdal, anong ibig Niyang

sabihin dito? a. Maaari tayong maging walang kasalanan. b. Maaari tayong lumago at maging kumpleto sa disenyo ng Diyos

Sumagot is Jesus at sinabi, Isang tao’y bumaba sa Jericl na mula sa Jerusalem; at siya’y nahulong sa kamay ng mga tulisan, na sa kaniya’y sumamsam at sa kaniya’y humampas at nagsialis na siya’y iniwang halos patay na. At nagakataong bumababa sa daang yaon ang isang saserdote; at nang makita siya ay dumaan sa kabilang tabi. At sa gayon ding paraan ang isang Levita naman, nang dumating siya sa dakong yaon, at nakita siya, ay dumaan sa kabilang tabi. Datapuwa’t ang isang Samaritano, sa kaniyang paglalakbay, ay dumating sa kinaroroonan niya: at nang siya’y makita niya, ay nagdalang habag. At lumapit sa kaniya, tinalian ang kanyang mga sugat, na binuhusan ng langis at alak; at siya’y isinakay sa kaniyang sariling hayop, at dinala siya sa bahay-tuluyan, at siya’y inalagaan. At nang kinabukasa’y dumukot siya ng dalawang denario, at ibinigay sa katiwala ng bahay-tuluyan, at sinabi, Alagaan mo siya, at ang anumang magugol mong higit, ay aking pagbabayaran sa iyo pagkabalik ko. Sino sa tatlong ito, sa akala mo, ang nagpakilalang kapuwa tao sa nahulog na kamay ng mga tulisan? At sinabi niya, Ang nag-kawanggawa sa kanya. At sinabi sa kaniya ni Jesus, Humayo ka, at gayon din ang gawin mo.

—Lucas 10:30-37

Ako’y napako sa krus na kasama ni Cristo; at hindi na ako ang nabubuhay, kundi si Cristo ang nabubuhay sa akin: at ang buhay na ikinabubuhay ko ngayon sa laman ay ikinabubuhay ko sa pananampalataya, ang pananampalataya na ito’y sa Anak ng Dios, na sa akin ay umibig, at ibinigay ang kanyang sarili dahil sa akin.

—Galacia 2:20

Page 82: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

c. Maaari tayong maging maka-diyos, tulad ng Diyos.

10. Ano ang inasahan ni Jesus na dapat gawin ng mga alagad? a. Ano man ang ginagawa ng mundo b. Upang mapabilang sa pamantayan ng lipunan c. Yun lamang inaasahan tulad ng mga relihiyosong tao d. Higit pa sa inaasahan na galing sa iba

Ang iyo bang mga relasyon ay nagpapakita ng iyong kultura o nagpapakita na ikaw ay kay Cristo? Anong mga ginagawa mong naiiba sa mundo?

_____________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________

Pasalamatan ang Diyos sa pangako niyang Anak, na si Jesus, na manahan sa atin. Hingin sa Kanya na punuin ka ng lakas, katangiang mabuti, at pagmamahal, upang maging katulad ka ng Ama sa langit.

Page 83: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

Mas Malalim na Pag-aaral 1. Saan sa kasulatan makikita na inuutusan tayo na kapootan ang ating kaaway? 2. Ano ang dahilan kung bakit dapat mahalin ang iyong kaaway? 3. Ano ang kahulugan ng “pagiging ganap” sa konteksto ng mga talatang ito? 4. Ano ang pinaka-makapangyarihang turo sa Bagong Tipan? 5. Ano ang itinuturo ng iyong kultura patungkol sa mga maaaring tawaging kaaway? 6. Sa paanong paraan ka umaayon o sumusunod sa iyong kultura? Sa paanong paraan ka di

sumasang-ayon?

Page 84: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

7. Kapag pinanghahawakan natin ang karapatang maghiganti sa mga nanakit sa atin, imbis na ibigay ito sa Diyos, ano ang ginagawa natin sa ating sarili?

Page 85: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

Ano ang Ginagawa Mong Higit Kaysa Iba

Kabanata 16

Aralin sa Pakikinig: Sermon sa Bundok 16

Layunin: Upang maunawaan kung ano ang pagkakaiba ng mga Kristiyano sa ibang mga tao. (Teksto: Mateo 5:43-48)

“Sapagka't kung kayo'y iibig sa nangag-sisiibig lamang sa inyo, ano ang ganti na inyong kakamtin? hindi baga gayon din ang ginagawa ng mga maniningil ng buwis? At kung ang mga kapatid lamang ninyo ang inyong babatiin, ano ang kalabisan ng inyong ginagawa? hindi baga gayon din ang ginagawa ng mga Gentil? Kayo nga'y mangag-pakasakdal, na gaya ng inyong Ama sa kalangitan na sakdal.”

—Mateo 5:46-48

Kung tayo ay sumusunod kay Jesus at nasa atin ang Kanyang mga ugali, tayo ay mababago. Tayo ay magiging asin at ilaw na lumiliwanag sa mundo. Ang ibig sabihin ay hindi tayo mabubuhay tulad ng pamumuhay ng iba. Mas marami tayong magagawa sapagkat nasa ating mga puso si Jesus. Magkakaroon tayo ng mas dakilang pagmamahal kaysa sa alam ng mundo at mag-papamalas ng mas dakilang biyaya at awa kaysa sa pang-unawa ng mundo. Sa gayong paraan tayo ay nagiging katulad ng Ama na nasa langit.

1. Tama o Mali? Tinuruan ni Jesus ang Kanyang mga alagad na maging kaiba sa mundo.

Page 86: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

2. Tama o Mali? Masisiyahan na ang Diyos kahit sa pagbati man lang ng mga taong bumabati sa atin.

3. Tama o Mali? Bilang mga alagad, kung hindi tayo magiging kaiba sa mundo, hindi tayo

magiging kagamit-gamit sa mga nasa “ibaba ng bundok,” sa mga nasa paligid natin.

4. Tama o Mali? Ang pagmamahal sa kapwa ay isang paraan ng pagsasabi na kailangan natin ang ibang tao.

Maliban na nabanggit, pumili ng isang sagot sa bawat tanong.

5. Anong uri ng pagmamahal mayroon si Jesus?

a. May pasubaling pag-ibig b. Walang pasubaling pag-ibig c. Pansamantalang pag-ibig d. Mahinang pag-ibig

6. Bakit nais ng Diyos na maging katulad Niya? (piliin lahat ng akma)

a. Upang maunawaan natin Siya at mahalin Siya. b. Upang maging bahagi tayo ng Kanyang solusyon sa mundo. c. Upang mapilit natin ang mga tao na gawin ang tama. d. Ito ay isa sa mga paraan na maluwalhati Siya. e. Upang maipakita natin sa mga tao na mas matuwid tayo kaysa sa kanila.

7. Saan sa kasulatan makikita ang pag-ibig ng Diyos?

a. Sa Lumang Tipan lamang b. Sa Bagong Tipan lamang c. Bago nagkasala si Adan at Eva at pagkatapos ng muling pagdating ni Jesus

lamang d. Kahit saan

8. Anong katangian mayroon tayo kapag katulad tayo ng Diyos? a. Magmamahal tayo katulad ng pagmamahal Niya. b. Magkakaroon tayo ng galit sa mga makasalanan. c. Magkakaroon tayo ng pang-unawa tulad ng Kanyang pang-unawa. d. Magiging makapangyarihan tayo tulad Niya.

9. Kailan tayo unang minahal ng Diyos?

a. Noong tayo ay nagsisi ng ating mga kasalanan. b. Noong pinili natin na maging bahagi ng Kanyang solusyon. c. Lagi Niya tayong minamahal, kahit noong makasalanan pa tayo. d. Naghihintay pa rin siya kung karapat-dapat tayo sa Kanyang pagmamahal.

Page 87: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

Mayroon ka bang alam na isang tao na mahirap mong mahalin? Kung mayroon, paano ang pag-ibig ng Diyos ay makakatulong sa iyo upang ibigin mo ang taong ito? Anong uri ng pagmamahal ang nais ng Diyos na ipakita mo sa mga tao? Anong magagawa mo ngayong linggong ito para maipakita mo ang pagmamahal ng Diyos

sa kanila? _____________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________

Pasalamatan ang Diyos sa Kanyang walang pasubaling pagmamahal sa iyo. Idalangin sa Kanya na bigyan ka ng pagkakataon at lakas ng loob na ipakita ang Kanyang pagmamahal sa ibang tao—at lalo na sa mga taong hindi inaasahan na pakikisamahan mo sila ng ganoong kabuti.

Page 88: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

Mas Malalim na Pag-aaral 1. Anong kahulugan nang bagong nilalang? Sa paanong paraan magkaiba ang lalaki at babae? 2. Ipaliwanag ang agape love. Paano ito kakaiba sa paraan ng pagmamahalan ng mga tao sa

mundo? 3. Kapag tinignan ang iyong mga relasyon, ilan ang bilang ng mga taong iyong minahal na

walang kondisyon? Paano at bakit? 4. Sa paanong paraan tayo magiging katulad ni Jesus? 5. Mayroon ka bang makikita na tunay na mahirap mahalin? Ipaliwanag. 6. Paano natin mamahalin ang isang nakakasakit sa atin?

Page 89: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

7. Bakit mahirap malaman ang ating mga motibo, gayong napakahalaga nito sa ating mga

relasyon?

Page 90: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

Ang Espirituwal na Disiplina Ng Pagbibigay

Kabanata 17

Aralin sa Pakikinig: Sermon sa Bundok 17

Layunin: Upang maunawaan ang espirituwal na disiplina ng pagbibigay. (Teksto: Mateo 6:1-4)

“Mangag-ingat kayo na huwag magsigawa ng katuwiran sa harap ng mga tao, upang kanilang makita: sa ibang paraan ay wala kayong ganti ng inyong Ama na nasa langit. Datapuwa't pagka ikaw ay naglilimos, ay huwag malalaman ng iyong kaliwang kamay ang ginagawa ng iyong kanang kamay: Upang ang iyong

paglilimos ay malihim: at ang iyong Ama na nakakikita sa lihim ay gagantihin ka.” —Mateo 6:1, 3-4

Tinuruan ni Jesus ang Kanyang mga alagad ng pinagpalang pag-uugali na dapat isapuso at tinuruan paano ipamalas ang mga pag-uugaling iyon sa kanilang mga relasyon. Ngayon sa Mateo 6, Kanyang dinala ang mga alagad sa panibagong direksyon—sa kanilang relasyon sa Diyos. Ipapamuhay nila ang kanilang pinangako bilang mga alagad sa pamamagitan ng pagsunod sa iilang espirituwal o pataas na disiplina at kahalagahan. Ang unang esprituwal na disiplina na nais ni Jesus sa mga nais maging bahagi ng kanyang solusyon ay ang disiplina sa pamamahala. Ang maka-bibliyang pamamahala ay may pang-unawa na ang lahat sa atin (kalusugan, abilidad, pag-aari, pera, pamilya at iba pa) ay pag-aari ng Diyos at tayo ay taga-pamahala lamang. Ang ginagantimpalaan ng pamamahala ng Diyos ay ang pribado at tapat na pagbibigay. Ito ay nagpapamalas ng pataas na pagtuon sa Diyos imbis na pahalang na pagpapasikat sa tao. Sinabi ni Jesus ang mga nagbibigay upang makita ng iba ay nakatanggap na nang gantimpala: papuri ng tao. Ang totoong katuwiran ay hindi nauudyukan ng pagnanasa na magpasikat sa tao kundi binibigyan ng gantimpala ng Diyos ang nagbibigay ng palihim.

Page 91: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

1. Tama o Mali? Sa totoo lang nais ng mga Fariseo na makita ng iba na sila ay lubhang mapagbigay.

2. Tama o Mali? Ang mga Fariseo ang magandang halimbawa sa sinabi ni Jesus sa kabanatang

5, nang sinabi Niya na hayaang magningning ang inyong ilaw upang makita nang iba.

3. Tama o Mali? Sa unang bahagi ng Mateo 6, itinuloy ni Jesus ang pagtuturo kung paano tumingin sa paligid at sa ibang tao.

4. Tama o Mali? Ngayon, walang mga tao na katulad ng problema ng mga Fariseo kung saan

nais ng atensiyon sa kanilang mabubuting gawa.

5. Tama o Mali? Hindi sapat na magkaroon ng espirituwal na disiplina; kinakailangan din naman magkaroon ng mga kahalagahan tulad ng kay Jesus.

6. Tama o Mali? Mas pinapahalagahan ni Jesus ang panlabas na kaanyuhan kaysa sa panloob

na katangian.

Maliban na nabanggit, pumili ng isang sagot sa bawat tanong.

7. Ano ang pinaka mabuting paraan na magpakita ng mga kahalagahan nang iba? a. Patuloy na ipaliwanag sa kanila hanggang sa maunawaan nila. b. Parusahan sila hanggang sa matutunan nila ang aral. c. Ipanalangin na lang at umasa na turuan sila ng Diyos. d. Ipakita sa kanila kung paano na may kahalagahan ang isang tao sa

pamamagitan ng kanyang buhay.

Page 92: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

8. Bakit sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad na hayaang magliwanag ang kanilang ilaw upang makita ng tao ngunit tinuligsa naman Niya ang mga Fariseo sa paggawa ng kabanalan upang makita ng tao? (piliin lahat ng akma)

a. Ang motibo ng puso ng mga Fariseo ay para sa kanilang pansariling karangalan.

b. Nanibugho si Jesus sa atensiyon na nakuha ng mga Fariseo. c. Ang mga Fariseo ay gumawa ng kanilang sariling katuwiran at ang mga

alagad ay dapat gumawa mula sa buhay ng Diyos na nasa kanila. d. May dobleng pamantayan si Jesus.

9. Bakit sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad na magbigay ng palihim? (piliin lahat ng akma)

a. Upang ang motibo nila sa pagbibigay ay maging dalisay. b. Upang huwag silang mapahiya kapag nagbigay sila ng kakaunti. c. Upang huwag maituon ang atensiyon sa Kanya kapag sila ay mapagbigay. d. Upang gantimpalaan sila ng Diyos.

Nagbibigay ka ba sa Diyos na mayroong lihim na pagnanasa na makita at mapuri ng iba? Kung sakali man, ano ang iyong naging pakiramdam? Paano ka magbibigay ng palihim?

______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

Pasalamatan ang Diyos sapagkat nakikita Niya ang ating mga puso, nais Niya na maging dalisay ang ating motibo, at tayo ay binibigyan Niya ng gantimpala sa mga sakripisyo ginagawa natin. Hingin sa Kanya ang tulong na maging dalisay ang mga motibo sa lahat ng iyong gagawin.

Page 93: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

Mas Malalim na Pag-aaral 1. Ano ang ibig sabihin ni Pastor Woodward sa “tumingin sa loob” at “tumingin sa paligid?” 2. Ipaliwanag kung saan nagkaroon ka ng pagkakataong makibahagi sa gawain ng Diyos sa

pamamagitan ng pagbibigay? 3. Ano ang mga pinapahalagahan mo? Paano mo sila ikukumpara sa mga pagpapahalaga ni

Jesus? 4. Ano ang kahulugan ng salitang “kumpisal” sa konteksto ng Biblia, tulad ng “ikumpisal si

Jesus?” 5. Bakit mahalaga sa Diyos at sa atin ang motibo sa pagbibigay?

Page 94: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

6. Bakit ang pagbibigay ay itinuring na espirituwal na disiplina na kailangan ay pribadong bagay?

7. Paano isinasalarawan ng ating pagbibigay ang relasyon natin sa mga nangangailangan at sa

Diyos?

Page 95: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

Ang Espiritual na Disiplina Ng Panalangin

At ang Paraan ng Pananalangin Ng Isang Alagad

Kabanata 18

Aralin sa Pakikinig: Sermon sa Bundok 18

Layunin: Upang maunawaan ang espiritual na disiplina ng pagbibigay. (Teksto: Mateo 6:5-15)

“Datapuwa't ikaw, pagka ikaw ay mananalangin, pumasok ka sa iyong silid, at kung mailapat mo na ang iyong pinto, ay manalangin ka sa iyong Ama na nasa lihim, at ang iyong Ama na nakakakita sa lihim ay gagantihin ka. At sa pananalangin ninyo ay huwag ninyong gamitin ang walang kabuluhang paulitulit,

na gaya ng ginagawa ng mga Gentil: sapagka't iniisip nilang dahil sa kanilang maraming kasasalita ay didinggin sila. Huwag nga kayong magsigaya sa kanila: sapagka't talastas ng inyong Ama ang mga bagay na inyong kinakailangan, bago ninyo hingin sa kaniya.”

—Mateo 6:6-8

Tinuruan ni Jesus ang Kanyang mga alagad paano manalangin ng panalangin na tinatawag nating “Ang Panalangin ng Panginoon.” Ngunit ang panalangin na ito ay dapat tawagin “ang Panalangin ng mga Alagad” dahil hindi kailanman idinalangin ni Jesus ito. Ang sabi Niya ganito tayo manalangin. Sinabi ni Jesus na manalangin tayo sa lugar kung saan sarado ang pintuan at nag-iisa, kung wala sinumang taong mapag-papasikatan kundi ang Diyos. Ang modelong panalangin ay naglalaman ng mga petisyon, kung saan ang panalangin ay inuuna ang Diyos. Naglalaman din naman ng personal na kahilingan, na mga panalangin na kailangan ng mga alagad. Ito ay umaakma sa iisang mensahe ng Biblia na unahin ang Diyos. Kapag ginawa natin ito, hindi tayo pumupunta sa Diyos na may dala-dalang listahan ng mga bibilhin natin na magagawa Niya para sa atin, kundi hilingin kung ano ang magagawa natin para sa Kanya. Tinutugon Niya ang mga personal na petisyon natin kapag naka-linya ang ating kalooban sa Kanyang kalooban.

1. Tama o Mali? Kapag sinabi ni Jesus na manalangin tayo ng palihim, ang ibig Niyang sabihin ay huwag tayong manalangin sa publikong pagsamba.

2. Tama o Mali? Ang pangunahing bagay na dapat tandaan sa anumang uri ng panalangin na

tayo ay nakikipagusap sa Diyos at hindi upang magpasikat sa mga taong nakapaligid sa atin.

3. Tama o Mali? Ang pagtawag sa Diyos ng “Ama” ay bagong konseptong radikal para sa mga alagad ni Jesus.

Page 96: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

Maliban na nabanggit, pumili ng isang sagot sa bawat tanong.

4. Sa listahan, guhitan ang bawat hiling na “inuuna ang Diyos.” Pagkatapos maglagay ng check

sa bawat hiling na personal ng pangangailangan ng mga alagad. Sambahin nawa ang pangalan mo ✓Ibigay mo sa amin ngayon ang aming kakanin sa araw-araw ✓Patawarin mo ang aming mga utang na gaya rin naman nang pagpapatawad namin sa mga ✓may utang sa amin Gawin nawa ang iyong kalooban ✓Iligtas mo kami sa masama Dumating nawa ang kaharian ✓Huwag mo kaming ilapit sa tukso

5. Bakit mahalaga na maunawaan na ang Diyos ay ating Ama? (piliin lahat ng akma)

a. Ipinapakita na Siya ay isang personal na Diyos at bilang mga anak Niya ay puwede tayong makipag-usap sa Kanya.

b. Ipinapakita na Siya ay interesado sa detalye ng buhay natin. c. Nagsasabi ito na hindi na natin kailangan ang isang saserdote upang lumapit

sa Kanya. d. Dahil ito ay isang ideya na hindi matatagpuan sa Lumang Tipan.

6. Ano ang nais nating ipahiwatig kapag nanalangin tayo ng “sambahin nawa ang pangalan

mo?” a. Na ang pangalan ng Diyos ay sukdulang banal para ito ay mabanggit natin. b. Na nais nating mabuhay kung saan tayo ay nagsisilbing bayan na may maka-

Diyos na paggalang sa Kanyang pangalan. c. Ang susi sa panalangin ay malaman paano kausapin ang Diyos. d. Wala sinuman ang makakakilala sa Kanya.

7. Ano ang ibig nating sabihin kapag nanalangin tayo ng “dumating nawa ang iyong kaharian?”

a. Handa tayo sa muling pagbabalik ni Jesus b. Nais natin na ibagsak ng Diyos ang maka-mundong gobyerno c. Nais nating mapabilang sa Kanyang kaharian hindi ng atin

8. Anong ibig sabihin ni Jesus sa “ang pagkain namin sa araw-araw?”

a. Ang tinapay ay kumakatawan sa lahat ng ating pangangailangan b. Maging kontento tayo sa tinapay lamang at wala ng iba pa c. Ang tinapay ay talinhaga lamang ng pagkaing espirituwal

9. Bakit inilagay na una ni Jesus ang kapatawaran sa mga kahilingan espirituwal?

a. Ito ang pinakamahalaga sa ating pangangailangan. b. Ang mga alagad ay may mga dalang kasalanan. c. Atubiling magpatawad ang Diyos at kailangan muna Siyang mahikayat.

Page 97: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

10. Kapag tayo ay nanalangin na ilayo tayo sa masama, ano ba talaga ang hinihingi natin sa Diyos?

a. Alisin tayo sa mundo. b. Gamitin Niya ang Kanyang lakas upang ipagtanggol tayo laban kay Satanas. c. Gawin tayong hindi tinatablan ng tukos at kasalanan.

Sa iyo bang mga panalangin ay inuuna mo ang Diyos? Alin sa “Panalangin ng mga Alagad” ang iyong hindi madalas na banggitin? Mag-ukol ka ng panahon upang ituon doon ang iyong panalangin ngayon.

_____________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________

Idalangin ang “Panalangin ng mga Alagad” ngayon, unawain ang bawat kaisipan nito:

“Ama namin sumasalangit ka, samabahin ang pangalan mo. Dumating nawa ang iyong kaharian. Gawin nawa ang iyong kalooban gaya ng nasa langit. Ibigay ang aming kakanin sa araw-araw. Patawarin mo kami sa aming mga pagkakautang, gaya ng aming pagpapatawad sa mga nagkautang sa amin. Ilayo mo kami sa tukso, at iligtas mo kami sa kasamaan. Sapagkat iyo ang kaharian, kapangyarihan, at kaluwalhatian magpakailan man. Amen.”

—Mateo 6:6-8

Page 98: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

Mas Malalim na Pag-aaral 1. Anong ibig sabihin nang “pagbibigay nang may biyaya,” at bakit natin kailangan ito kapag

tayo ay nagsasanay sa disiplinang espirituwal ng pagbibigay? 2. Bakit kailangan nating gawin sa pribadong lugar ang disiplinang espirituwal sa panalangin? 3. Naniniwala ka ba sa Diyos na “ngayon” kaysa sa Diyos na “noon?” Ano ang pagkakaiba? 4. Ano ang ibig sabihin ng “walang kahulugang paulit-ulit?” Magbigay ng halimbawa. Bakit

mali ito? 5. Ano/sino ang binibigyang pansin sa disiplinang espirituwal na panalangin? Bakit? 6. Bakit mahalagang maunawaan na ang Diyos ay ang ating Ama?

Page 99: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

7. Alam ng Diyos ang mga kailangan natin bago pa tayo humingi? Paano ang apat na kahilingan bumubuod sa ating pangangailangan

8. Bakit ang panalangin na ito ay tinawag na “Panalangin ng mga Alagad” kaysa “Panalangin

ng Panginoon?” 9. Kanino dapat hihilingin ang mga panalangin? Paano at bakit hindi ito lagi ang ginagawa sa

maraming mga panalangin? 10. Ano ang pagkakaiba ng maraming gamit na panalangin sa “walang kabuluhang paulit-ulit”

na panalangin? 11. Ipaliwanag ng maikli kung anong ibig sabihin kapag nanalangin ka nang, “Sambahin ang

pangalan Mo,” “Mangyari nawa ang kalooban Mo,” “Dumating nawa ang kaharian mo?”

Page 100: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

12. Itala ang lahat ng pangalang ginamit tungkol Diyos na matatagpuan sa Kasulatan. Gumamit ng Bible Dictionary o ibang mga Bible study tools kung kailangan. Alin dito ang kumakatawan sa Diyos na iyong naranasan na sa Kanya?

13. Ano ang ibig sabihin ng Kaharian ng Diyos? 14. Paano ipinaliwanag ni Pastor Woodward ang pariralang, “Ilayo mo kami sa tukso?”

Page 101: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

Pagpapatawad at Pag-aayuno

Kabanata 19 Aralin sa Pakikinig: Sermon sa Bundok 19

Layunin: Upang maunawaan ang espirituwal na disiplina ng pagbibigay. (Teksto: Mateo 6:14-18)

“Bukod dito, pagka kayo'y nangagaayuno, ay huwag kayong gaya ng mga mapagpaimbabaw, na may mapapanglaw na mukha: sapagka't kanilang pinasasama ang mga mukha nila, upang makita ng mga tao na sila'y nangagaayuno. Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Tinanggap na nila ang sa

kanila'y ganti. Datapuwa't ikaw, sa pagaayuno mo, ay langisan mo ang iyong ulo, at hilamusan mo ang iyong mukha; Upang huwag kang makita ng mga tao na ikaw ay nagaayuno, kundi ng Ama mo na nasa lihim: at ang Ama mo, na nakakikita sa lihim, ay gagantihin ka.”

—Mateo 6:16-18

Tulad ng pagbibigay at panalangin, ang pag-aayuno ay kailangang paitaas, patungo sa Diyos at hindi upang mapabilib ang iba. Tulad ng ibang mga disiplina, gagantihan ng Diyos ang nakikita Niya, ang motibo ng ating puso. Tulad ng oportunidad na nakukuha sa pagbibigay upang sukatin ang ating pangako sa Diyos, ang pag-aayuno ay nagbibigay ng oportunidad upang sukatin ang antas ng ating pagpapahalaga sa mga espirituwal higit sa pisikal na aspeto ng ating buhay. Ito rin ay nagpapakita ng ating sinseridad sa ating mga panalangin.

1. Tama o Mali? Inasahan ni Jesus na ang kanyang mga alagad ay magaayuno. 2. Tama o Mali? Gusto ng mga Fariseo na makita ng mga tao na sila ay nagaayuno upang

masabi na sila ay mas espirituwal kaysa sa iba.

3. Tama o Mali? Ang pagaayuno ay nakakatulong upang makapag-pokus tayo sa espirituwal at unahin ang Diyos.

4. Tama o Mali? Ayon sa Mateo 17:21, ang

pagaayuno ay makakaragdag ng kapangyarihan sa atin.

5. Tama o Mali? Kung malalaman ng iba na tayo ay

nagaayuno, walang magagawa ang ating pagaayuno.

Maliban na nabanggit, pumili ng isang sagot sa bawat tanong.

“Sapagkat katotothanan sinasabi ko sa inyo, kung magkakaroon kayo ng pananampalataya na kasinglaki ng butil ng binhi ng mostasa, ay masasabi ninyo sa bundok na ito, Lumipat ka mula rito hanggang doon; at ito’y lilipat; at sa inyo’y hindi may pangyayari. Ngunit ang ganoong uri ng masamang espiritu ay mapapalayas lang sa pamamagitan ng panalangin at pagaayuno.

—Mateo 17:20-21

Page 102: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

6. Ano ang nais ni Jesus sa mukha natin kapag tayo ay nagaayuno? a. Malungkot at seryoso b. Pagod at gutom c. Mas espirituwal kaysa sa iba d. Maningning at masaya

7. Bakit mo iniisip na gusto ni Jesus na magayuno ang kanyang mga alagad? a. Upang makuha ang pabor ng Diyos at magawang makinig Siya b. Upang ipakita gaano ka-disiplina sila c. Upang ilagay ang atensiyon nila sa Diyos at hindi sa kanilang mga ninanais d. Upang maging malusog sila

8. Aling bahagi natin ang walang hanggan?

a. Ang ating pisikal na katawan b. Ang ating isip c. Ang ating espiritu d. Wala ni isa

Nagayuno ka na ba na ikaw lang, bilang paitaas na pahayag ng iyong pananampalataya sa Diyos? Paano naapektuhan ang iyong pagaayuno sa paraan ng iyong panalangin? Kung hindi pa, mag-plano kung paano ka makapag-umpisa sa disiplina ng pagaayuno.

_____________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________

Pasalamat sa Diyos bagaman ang iyong katawan ay magkakasakit at mamatay, ang iyong espiritu ay mabubuhay ng walang hanggan. Hingin sa kanya na gabayan ka sa pagaayuno ayon sa nais Niya. Hingin sa Diyos na tulungan kang matutunan ang disiplina ng pagaayuno.

Page 103: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

Mas Malalim na Pag-aaral 1. Ang atin bang kapatawaran ay naka depende sa pagpapatawad natin sa iba? Bakit o bakit

hindi? 2. Bakit tayo inutusan ni Jesus na patawarin ang mga nagkasala sa atin? 3. Paano magagamit ang parabula ng alipin na pinatawad ngunit hindi nagpatawad? 4. Ayon kay Pastor Woodward, ano ang halaga o importansya ng pagaayuno? 5. Bakit natin kailangan ilihim sa ating sarili ang pagaayuno? 6. Nagayuno ka na bang mag-isa bilang kapahayagan pataas ng iyong paniniwala sa Diyos?

Ipaliwanag paano naapektuhan ang iyong pag-iisip tungkol sa Diyos.

Page 104: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

7. Paano ang paraan ng iyong panalangin ay naapektuhan ng iyong pagaayuno?

Page 105: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

Mga Kahusayang Espirituwal

Kabanata 20 Aralin sa Pakikinig: Sermon sa Bundok 20

Layunin: Upang maunawaan ang mga mahahalagang bagay na nais ni Jesus sa kanyang mga alagad. (Teksto: Mateo 6:19-34)

“Huwag kayong mangagtipon ng mga kayamanan sa lupa, na dito'y sumisira ang tanga at kalawang, at dito'y nanghuhukay at nagsisipagnakaw ang mga magnanakaw: Kundi mangagtipon kayo ng mga kayamanan sa langit, na doo'y hindi sumisira kahit ang tanga kahit ang kalawang, at doo'y hindi nanghuhukay at

hindi nagsisipagnakaw ang mga magnanakaw: Sapagka't kung saan naroon ang iyong kayamanan, doon naman doroon ang iyong puso.”

—Mateo 6:19-21

Isa sa mga dahilan kung bakit maraming mga problema ang mga tao ay sapagkat wala silang tamang pagpapahalaga. Ang mga alagad na mayroong tamang pag-uugali ay may tamang pagpapahalaga. Kaya sila ay mga asin at ilaw upang maimpluwensiyahan ang mundo; naka base sa walang hanggan hindi sa mga maka-lupang kayamanan. Kung paano natin tinatrato ang pera at kayamanan ay nagpapakita kung ano ang mahalaga sa atin. Ang ating puso ay laging sumusunod kung nasaan ang ating mga kayamanan. Ginugugol ba natin ang ating sarili sa pansamantala o walang hanggang kayamanan? Ayon kay Jesus, malalaman natin kung ano ang mga mahalaga sa atin kung paano natin ginagamit ang ating oras, ano ang ating iniisip, ano ang pinag-kaka abalahan natin at ano ang ambisyon natin, at sino ang pinaglilingkuran natin. Posible na maglingkod sa iisang amo lamang, sa ganon hindi natin pagsisilbihan pareho ang Diyos at ang pera. Ngunit kung paglilingkuran natin ng buong puso ang Diyos, makakatagpo tayo ng katuwaan at kapayapaan.

Page 106: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

1. Tama o Mali? Walang koneksiyon ang tinuturing nating kayamanan at ang kondisyon ng

ating puso. 2. Tama o Mali? Kung ano ang mahalaga sa atin at kung ano ang pag-uugali natin ay nagsasabi

kung tayo ay puno ng ilaw o nang kadiliman.

3. Tama o Mali? Noong sinabi ni Jesus ang tungkol sa itinuturing nating “kayamanan,” tinutukoy lamang Niya ang pera, hindi oras o talento, o iba pang mga magagamit natin.

Maliban na nabanggit, pumili ng isang sagot sa bawat tanong.

4. Bakit sinabi ni Jesus na huwag aksayahin ng mga alagad ang kanilang lakas sa mga

makamundong kayamanan? a. Ang mga bagay sa mundo ay hindi mahalaga. b. Ang mga makamundong kayamanan ay lagi naluluma o nananakaw. c. Ang kayamanan ay nakapagkakasala. d. Ang mahihirap ang maliligtas.

5. Ano kadalasan ang kumakatawan sa “mata” ayon sa kasulatan? a. Ating isip b. Ating trabaho c. Ating kawatasan d. Salita ng Diyos

Page 107: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

6. Noong sinabi ni Jesus sa mga alagad na hindi sila dapat magkaroon ng dalawang Panginoon, aling panginoon maliban sa Diyos ang tinutukoy niya?

a. Katayuan b. Pera c. Trabaho d. Pamilya

7. Alin sa mga susunod na listahan ang nakakahadlang upang maglingkod ka kay Jesus? (piliin lahat ng akma; maaring iba-iba ang mga sagot)

Pangangamba Edukasyon Plano sa pang hinaharap Katayuan Mga gawain Relasyon sa mga kaibigan Relasyon sa pamilya Ambisyon Mga pag-aari pagkagumon

Mula sa listahan sa itaas, maari mo bang matukoy anumang ugali o gawain, si Jesus bilang iyong Panginoon, ang humahadlang para sa iyong pakinabang? Ano ang dapat mong gawin kung isa sa mga ito ay magsimulang hadlangin ka sa iyong relasyon sa Diyos?

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________

Pasalamatan ang Diyos sa pagtuturo niya ng mga mahahalagang bagay at sa pagtawag Niya sa atin upang mahalin at paglingkuran Siya nang higit sa lahat. Hingin sa Kanya kung Nais niyang isaayos ang mga prayoridad mo at sundin Siya saan ka man Niya pangunahan.

Page 108: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

Mas Malalim na Pag-aaral 1. “Sapagka’t kung saan naroon ang iyong kayamanan, doon naman naroon ang iyong puso.”

Tingnan mo ang iyong checkbook o credit card statements at sagutin ang tanong, “Kung nasaan ang aking kayamanan, nasaan ang aking puso?”

2. Kung ano ang ginagawa natin sa ating pera at buhay nagpapakita ng ating “pilosopiya sa

buhay,” o “pananaw sa mundo.” Ikaw ba ay nabubuhay ayon sa pananaw ng mundo? Ipaliwanag.

3. Anong ang ibig sabihin ng “ang mata ay puno” ng liwanag o ang mata ay puno ng

kadiliman? 4. Habang sinusuri mo ang mga pinapahalagahan mo, mga pinagmamalasakitan mo at mga

prayoridad, ano ang sumasalungat sa sinasabi sa Mateo 6:33? 5. Bakit ang Panginoon ay hindi natutuwa sa “namamangka sa dalawang ilog,” ang mga taong

di tulak kabigin “sala sa init o sala sa lamig?”

Page 109: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

6. Mayroon ka bang plano na maging isa lang ang isip at gawin ang iyong buhay Kristiyano na base sa maka-bibliang pananaw? Kung ito nga, paano?

7. Ano ang mga ugali mo? Ano ang mga pinapahalagahan mo? Paano sila naka-linya doon sa

mga tinataglay ni Jesus na makikita natin sa Sermon sa Bundok?

Page 110: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

Mga Kahusayang Pangkaharian

Kabanata 21 Aralin sa Pakikinig: Sermon sa Bundok 21

Layunin: Upang maunawaan ang ating mga alalahanin, mga prayoridad, at ang pangako ng Diyos na iingatan tayo. (Teksto: Mateo 6:25-34)

“Kaya nga sinasabi ko sa inyo, Huwag kayong mangabalisa sa inyong pamumuhay, kung ano baga ang inyong kakanin, o kung ano ang inyong iinumin; kahit ang sa inyong katawan, kung ano ang inyong daramtin. Hindi baga mahigit ang buhay kay sa pagkain, at ang katawan kaysa pananamit?... Datapuwa't hanapin muna ninyo

ang kaniyang kaharian, at ang kaniyang katuwiran; at ang lahat ng mga bagay na ito ay pawang idaragdag sa inyo. Kaya't huwag ninyong ikabalisa ang sa araw ng bukas: sapagka't ang araw ng bukas ay mababalisa sa kaniyang sarili. Sukat na sa kaarawan ang kaniyang kasamaan.”

—Mateo 6:25, 33-34

Tinutukoy ng mga talatang ito ang pag-aalala, ngunit ang pinaka sentro nito ay ang tunay na katuruan tungkol sa pagpapahalaga, o prayoridad. Kapag tayo ay nag-aalala, ipinapakita natin kung ano ang mahalaga sa atin at gaano natin pinagtitiwalaan ang Diyos na iingatan tayo. Ang bawat alagad ni Jesus ay dapat magkaroon ng “prayoridad na target,” na mayroong maitim na bilog sa gitna na naglalarawan ng pamumuno ng Diyos sa kanilang puso. Lahat ng labas sa bilog dapat i-prayoridad ng Hari ng mga hari habang ipinapakita sa atin kung ano ang tama. Ano man ang tumutukso upang mag-alala tayo ay ipagkakaloob ng Ama sa Langit. Sinabi ni Jesus na dapat unahin muna ang kaharian ng Diyos at ang Kanyang katuwiran higit sa lahat. Ito ang dapat maging laman ng isipan natin. Ipagkakaloob ng Diyos ang ating pangangailangan; ang ating responsibilidad ay sundin Siya at hanapin ang Kanyang kaharian. Kung Siya ang ating prayoridad, ang ibang mga mahahalaga ay magkakaroon ng tamang lugar sa ating mga puso.

Page 111: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

1. Tama o Mali? Sinasabi sa atin ni Jesus na huwag tayong mag-alala sa mga bagay na hindi natin kontrolado.

2. Tama o Mali? Pinangako ni Jesus na maaari tayong lubos na maging malaya sa pag-aalala

tulad ng mga ibon at damo.

3. Tama o Mali? Hindi alam ng Diyos ang ating mga pangangailangan hangga’t hindi natin sinasabi sa Kanya

4. Tama o Mali? Hindi tayo binibigyan ng Diyos hangga’t hindi tayo karapat-dapat.

5. Tama o Mali? Itinuro ni Jesus na hindi tayo dapat maghanda para sa kinabukasan.

6. Sa susunod na listahan, guhitan ang mga bagay na nagpapaalala sa iyo ng higit (maaring iba-iba ang sagot). Pagkatapos lagyan ng tsek ang mga kabilang sa pangako ng Diyos.

✓Pagkain ✓Damit Pera Bahay ✓Inumin Trabaho Relasyon Mga anak Asawa ✓Plano sa hinaharap

Maliban na nabanggit, pumili ng isang sagot sa bawat tanong.

7. Ano ang nagagawa kapag nag-alala sa mga bagay na hindi natin ma-kontrol?

a. Hindi magmamalasakit ang Diyos sa pangangailangan natin kapag nakita Niya na tayo ay hindi nagmamalasakit.

b. Ang pag-alala ay isa lang sa mga uri ng panalangin na tutugunin ng Diyos. c. Ang pag-alala ay may mistikong kapangyarihan upang mabago ang mga

pangyayari. d. Walang nagagawa ang pag-aalala.

8. Sa paanong paraan tayo madadamitan ng “espirituwal?” a. Sa makabagong uso b. Sa katuwiran ni Cristo c. Sa bunga ng Espiritu d. Sa balabal ng monghe o saserdote e. Sa mabubuting gawa

9. Saan tayo dapat mamuhunan?

a. Mga pag-aaring materyal na pwedeng masira o manakaw b. Walang hanggang kayamanan na hindi mawawala c. Pamumuhay na komportable at masaya d. Kapayapaan sa mundo

Page 112: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

Ibinigay mo na ba ang iyong buhay, nang walang atubili, buong-buo sa paghahanap ng kaharian ng Diyos at nang Kanyang katuwiran? Kung hindi pa, ano ang pumipigil sa iyo na gawin ito?

______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

Pasalamatan ang Diyos sa pangako Niya na hindi na tayo dapat mag-alala sa mga pangangailangan natin. Hilingin sa kanya na tulungan ka na manahan sa Kanyang pangako at tulungan ka na hanapin ang Kanyang kaharian higit sa lahat.

Page 113: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

Mas Malalim na Pag-aaral 1. Ilarawan ang mga pangyayari sa buhay mo na nagpapatunay sa Mateo 6:33 na ito nga ay

totoo. 2. Ano ang karanasan mo kung saan napunan ang iyong pangangailangan? Paano mo nakita ang

pagkakaiba ng iyong kailangan at gusto, ang iyong oras at ang oras ng Panginoon? 3. Paano natin mababatid ang pagkakaiba ng mga bagay na dapat tayong magmalasakit at mga

bagay na di dapat mag-alala? 4. Ang pag-aalala ba ay may sinasabi tungkol sa iyong pagtitiwala sa Diyos at doon sa mga

hindi mo pinagtitiwalaan? Ano ang mga bagay kung saan ka nag-aalala ? 5. Sino o ano ang hinahanap mo at pinaglilingkuran mo sa araw-araw? Mayroon ka bang

layunin sa buhay? Ano ang sinasabi nito sa sistema ng pagpapahalaga?

Page 114: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

6. Lagi ka bang nagkaka-problema paano mo maiaayos ang iyong mga prayoridad? Anong sistema ang ginagamit mo upang maiayos mo ang iyong prayoridad?

7. Pumasok ka na ba sa relasyon mo sa Diyos kung saan Siya ang Hari? Pumasok ka na ba sa

Kaharian ng Diyos? Ipaliwanag. 8. Ano ang mga ebidensiya sa buhay mo na ikaw ay “naipanganak na muli?” 9. Ilarawan mo kung ano ang kahulugan nang magkaroon ng katuwaan na hindi nakasalalay sa

mga pangyayari. 10. Ipaliwanag kung paano ang pagpapahalaga ay “nakukuha sa pamamagitan ng halimbawa.” 11. Ano ang mga pinapahalagahan ng isang taong tunay na nakatingala sa itaas? Tingnan mabuti

ang Mateo 6:33

Page 115: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

Ang Samahang “Ako Muna”

Kabanata 22 Aralin sa Pakikinig: Sermon sa Bundok 22

Layunin: Upang manatili sa katuruan ni Jesus at pagsasagawa sa mga ito at maunawaan ang pagkakaiba ng tunay na alagad at ng hindi. (Teksto: Mateo 6:19-34; 7:1-6)

“Huwag kayong magsihatol, upang huwag kayong hatulan. Sapagka't sa hatol na inyong ihahatol, ay hahatulan kayo: at sa panukat na inyong isusukat, ay susukatin kayo.”

—Mateo 7:1-2

Tinuruan ni Jesus ang mga alagad na tumingin sa panloob at maunawaan na ang Kanyang walong tamang asal ay magagawang gawin silang asin at ilaw na kailangan ng mundo. Tinuruan din sila na tumingin sa paligid, gamitin ang mga ugaling banal sa kanilang mga relasyon, at pagkatapos ay tumingin sa itaas at tanggapin mula sa Diyos ang mga disiplinang espirituwal at mga pagpapahalaga na kailangan nila upang magpatuloy na maging mabungang mga alagad. Ang huling bahagi ng Sermon sa Bundok ay paghamon: “Ano ang dapat mong gawin sa iyong natutunan?” Laging binibigyan diin ni Jesus ang praktikal na paggamit; kung ano talaga ang mga pinaniniwalaan ng mga alagad, ang mga ginagawa nila. Ngayon ay sinimulan Niya ang kabanatang 7 nang tatlong talumpati upang magamit ang Kanyang sermon sa praktikal na buhay. Hindi dapat mapagkunwari ang mga alagad ni Jesus. Nagiging gawi natin na tingnan ang problema ng ibang tao imbis na ang mga isyu sa buhay natin. Nagtanong si Jesus ng dalawang napaka-halagang tanong: “Bakit mo ginagawa ito?” at “Paano ka magiging matagumpay?” Ang itinutulak ng mga katuruan na ito ay ayusin muna ng mga alagad ang kanilang pansariling problema bago tulungan ang iba sa kanilang mga problema.

Page 116: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

1. Tama o Mali? Bago natin maibabahagi ang mga pagpapahalaga ng kaharian sa mundo ay kailangan, nasa sa atin muna ang mga ito.

2. Tama o Mali? Ang lahat ng mga katanungan na tinanong ni Jesus sa Sermon sa Bundok ay

para sa mga kritiko at mga sumasalungat sa Kanya. 3. Tama o Mali? Noong sabihin ni Jesus na huwag humusga, ang tunay na nais Niyang sabihin

ay huwag magkaroon ng opinyon sa ibang tao.

4. Tama o Mali? Sa talatang ito, ang tunay na sinasabi ni Jesus ay dapat magkaroon tayo ng “ako muna”, isang hakbang sa pagharap sa mga personal na problema.

Maliban na nabanggit, pumili ng isang sagot sa bawat tanong.

5. Alin sa mga sumusunod ang hindi tinanong ni Jesus sa Kanyang mga alagad tungkol sa

Sermon sa Bundok? a. Ano ang iyong mga ugali? b. Ano ang mga alalahanin mo? c. Gaano ka ka-relihiyoso at ka-banal? d. Nasaan ang iyong puso?

6. Paano naililipat ang mga pagpapahalaga mula sa isang tao papunta sa isa?

a. Paglelektura b. Puwersahin ang mga tao na sumunod c. Pagmamasid d. Pagbabasa tungkol sa mga ito

7. Ano muna ang ating gagawin kapag nakita natin ang iba na nabubuhay ng mali o mali ang

pag-uugali? a. Tingnan muna natin ang ating sarili b. Sabihin sa kanya na tumigil sa pagkakasala c. Sabihin sa iba gaano kasama ang taong iyon d. Huwag pansinin ang problema

8. Ano ang sinasabi ni Jesus sa mga taong humuhusga sa iba ngunit hindi naman inaayos ang kanilang sariling problema?

a. Nauunawaan natin na ginagawa lang nila ang natural. b. Sila ay mapag-kunwari. c. Lubos nilang nauunawaan ang Kautusan. d. Sila ay mabuti upang humusga sa iba.

9. Noong sabihin ni Jesus na huwag itapon ang perlas sa mga baboy, ano ang ibig Niyang

sabihin dito? a. Ang pagbabahagi ng magandang balita sa iba ay aksaya lamang ng panahon. b. Ang ibang mga tao ay hindi karapat-dapat na maligtas. c. Ang mga ugaling banal ay mga sikretong banal, hindi dapat ilantad sa bawat tao.

Page 117: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

d. Dapat tayong matutong kumilatis kapag humaharap tayo sa mga kalaban natin at mga di-interesadong tagapakinig.

Sa anong paraan ka maaaring mas maghuhusga sa ibang tao? Anong mga isyu sa buhay na naiisip mo na nais muna ng Diyos na dapat mong ayusin?

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________

Pasalamatan ang Diyos dahil tinitingnan Niya tayo na may awa at nag-aalok ng kapatawaran sa atin. Hingin sa Kanya na bigyan ka nang ganun ding pag-uugali sa ibang tao gaya ng ipinapakita Niya sa iyo.

Page 118: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

Mas Malalim na Pag-aaral 1. Bakit kailangan ang isang tao ay maipanganak na muli upang maunawaan ang mensaheng

espirituwal na ibinigay ni Jesus kay Nicodemo sa Juan kabanatang 3? 2. Naranasan mo na ba ang Diyos kung saan napagtanto mo na Siya ang Diyos at Hari? Kung

ganon, anong pagkakaiba ang nagawa nito? 3. Sa paanong paraan malaman na nahusgahan mo ang ibang mga tao? 4. Anong mga isyu sa sarili mong buhay ang malamang na nais muna ng Diyos na ayusin mo? 5. Noong sinabi ni Jesus na huwag itapon ang perlas sa baboy, ano talaga ang ibig Niyang

sabihin?

Page 119: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

6. Talakayin ang maka-bibliyang kahulugan ng salitang “kumpisal.”

7. Isalarawan ang panahon kung kailan minsan ay itinapon mo ang perlas sa baboy? 8. Bakit kailangan tayong tumingin muna “sa panloob” bago tayo makakatulong sa iba?

Page 120: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

Ang Paglapit at Paghayo ng Mga Alagad

Kabanata 23

Aralin sa Pakikinig: Sermon sa Bundok 23

Layunin: Upang maunawaan ang hikayat ni Jesus na maging matiyaga sa panalangin at matutunan ang Gintong Aral, na siyang kabuuan ng etikong katuruan ng Biblia. (Teksto: Mateo 7:7-12)

“Magsihingi kayo, at kayo'y bibigyan; magsihanap kayo, at kayo'y mangakasusumpong; magsituktok kayo, at kayo'y bubuksan: Sapagka't ang bawa't humihingi ay tumatanggap; at ang humahanap ay nakasusumpong; at ang tumutuktok ay binubuksan. O anong tao sa inyo, ang kung siya'y hingan ng tinapay ng kaniyang anak, ay bato ang ibibigay; O kung hingan siya

ng isda, ay bibigyan niya ng ahas? Kung kayo nga, bagaman masasama ay marurunong mangagbigay ng mabubuting kaloob sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Ama na nasa langit na magbibigay ng mabubuting bagay sa nagsisihingi sa kaniya? Kaya nga lahat ng mga bagay na ibig ninyong sa inyo'y gawin ng mga tao, gawin naman ninyo ang gayon sa kanila: sapagka't ito ang sa kautusan at ang mga propeta.”

—Mateo 7:7-12

Sinabi ni Jesus sa Kanyang mga tagasunod na manatiling “tumingin sa itaas.” Ganoon matatanggap ang mga disiplinang espirituwal at pagpapahalaga na nanggagaling sa Diyos. Gumamit si Jesus ng tuloy-tuloy na mga pandiwa sa salitang “humingi, magsaliksik, at kumatok” upang hamunin ang mga alagad na tuloy-tuloy na tumingin sa itaas at magtiyaga. Ang magsaliksik at pagkatok ay mga salitang paulit-ulit na nagpapahayag ng matinding salita sa paghingi. Tinatawag ni Jesus ang mga alagad na maging tao na may maalab na damdamin sa Diyos. Ipinangako Niya na sinumang humihingi, nagsasaliksik, at kumakatok sa ganitong paraan ay gagantimpalaan Niya. Pagkatapos ay ibinuod ni Jesus ang katuruan Niya sa isang etikong pangungusap: “Kaya nga lahat ng mga bagay na ibig ninyong sa inyo ay gawin ng mga tao, gawin din ninyo ang gayon sa kanila,” na kilala sa tawag na Gintong Aral.

Page 121: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

1. Tama o Mali? Itinuro ni Jesus na minsan lang tayo hihingi sa Diyos, kung hihingi tayo nang paulit-ulit, ito ay nagpapakita na kulang tayo ng pananampalataya.

2. Tama o Mali? Ang pangako para sa mga naghahanap at sila ay makakatagpo ay magagamit

hindi lamang sa panalangin ng kaligtasan kundi sa mga regalong espirituwal, disiplina, pagpapahalaga, at lahat ng mabubuting regalo na nais ibigay ng Diyos.

3. Tama o Mali? Ayon kay Jesus, ang kilalang “Gintong Aral” para sa lahat ay tungkol sa lahat

ng Kautusan.

4. Tama o Mali? Ang Gintong Aral ay magagamit lamang sa iilang mga tao sa iilang panahon; kung hindi sasamantalahin nang ibang tao ang ating kabaitan.

Maliban na nabanggit, pumili ng isang sagot sa bawat tanong.

5. Para kanino ang pangakong paghingi at pagtanggap?

a. Mga alagad lang ni Jesus b. Mga tao lang sa madla na nakarinig kay Jesus noong araw na iyon c. Bawat isa!

6. Bakit sa isip mo maraming mga tao ayaw tanggapin ang paanyaya na himingi ng may tiyaga

sa mga mabubuting regalo ng Diyos? (piliin ang lahat ng akma; maaring iba-iba ang sagot) a. Inisip nila na ang pangakong ito ay masyadong mabuti upang maging totoo. b. Nawawala ang kanilang pananampalataya kapag humingi nang isa o dalawa. c. Iniisip nila na hindi para sa kanila ang pangakong ito. d. Hindi nila alam na nasa Biblia ang pangakong ito. e. Hindi nila maintindihan ang kahulugan ng pangako. f. Hindi sila naniniwalang iniingatan sila ng Diyos ng personal.

7. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing layunin ng iglesia?

a. Upang maging eksklusibong komunidad na may piling miyembro b. Panatiliing abala ang mga tao sa pagpupulong c. Upang maging isang misyonaryong organisasyon sa buong mundo d. Upang magbigay ng isang sosyal na samahan sa mga Kristiyano

8. Kanino mo dapat gamitin ang gintong aral? (piliin lahat ng akma) Mag-asawa Mga anak Mga kaibigian Ka-manggagawa Mga Guro Mga estudyante Mga ibang lahi Mga taong iba ang estado Mga kaaway Mga kapatid Mga Kristiyano Mga taong hindi kilala si Jesus

Page 122: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

Anong mga bagay o oportunidad ang hinahanap mo mula sa Panginoon? Sa isip mo gaano katagal ka Niyang pababayaan na humihingi? Ano ang pangako Niya para sa mga humihingi, naghahanap, at kumakatok?

_____________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________

Pasalamatan ang Diyos dahil tutugunin Niya ang ating mga panalangin ayon sa Kanyang karunungan at pagmamahal. Hingin ang tulong Niya upang mabuhay ka ayon sa Gintong Aral—gawin sa iba ang nais mong gawin sa iyo—at ipakita sa iyo ang mga pagkakataon na magawa mo ito.

Page 123: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

Mas Malalim na Pag-aaral 1. Anong mga bagay o pagkakataon ang iyong hinahanap mula sa Panginoon? 2. Bakit nais ng Panginoon na tuloy-tuloy at matiyaga ang ating paghahanap kay Jesus at ang

Kanyang mga pagpapala? Ilarawan ang isang parabula ni Jesus kung saan ipinapakita ang prinsipiyong ito.

3. Sa paanong sitwasyon nagagamit ang Gintong Aral sa iyong trabaho? Sa iyong bahay? 4. Ano ang mahirap na bahagi ng Gintong Aral? Bakit? 5. Nangako ka na ba na “titingin ka sa panloob, at titingin sa paligid,” gaya ng sinabi ni Pastor

Woodard? Paano mo ito inisip na gawin?

Page 124: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

6. Bakit ang humayo para sa Panginoon ay walang magiging bunga kung ang isang tao ay hindi

pa lumapit sa Panginoon?

7. Isalarawan kung paano ang iglesia ay isang misyonaryong organisasyon?

Page 125: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

Pagpapasya Para Kay Jesus

Kabanata 24 Aralin sa Pakikinig: Sermon sa Bundok 24

Layunin: Upang maunawaan ang dakilang imbitasyon ni Jesus sa lahat na nais sumunod sa Kanya. (Teksto: Mateo 7:13-27)

“Kayo'y magsipasok sa makipot na pintuan: sapagka't maluwang ang pintuan, at malapad ang daang patungo sa pagkapahamak, at marami ang doo'y nagsisipasok. Sapagka't makipot ang pintuan, at makitid ang daang patungo sa buhay, at kakaunti ang nangakakasumpong noon.”

—Mateo 7:13-14

“Hindi ang bawa't nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit.”

—Mateo 7:21 “Kaya't ang bawa't dumirinig ng aking mga salitang ito at ginaganap, ay matutulad sa isang taong matalino, na itinayo ang kaniyang bahay sa ibabaw ng bato:”

—Mateo 7:24 Sa pagbibigay ng tatlong tawag na mangako, na natapos sa Gintong Aral, si Jesus ay nagbigay nang mabigat na imbitasyon. Ito ay mahirap na hamon sa pagiging mga alagad upang maging solusyon at tugon na abutin ang mundo para sa Kanya. Ito ay isang matalas na hamon kung ikaw ay magiging, “Bahagi ng problema o bahagi ng solusyon?” Ang susunod na bahagi ng mga talata ito ay pagkilala kung, “Ikaw ba ay tunay na alagad o di-tunay na alagad?” Sa huling parabula, tinuro ni Jesus na kahit ang mga alagad ay hindi makakayang kilalanin sa umpisa ang pagkakaiba. Sa pamamagitan lamang ng pagsisiyasat sa bunga, sa panahong inukol, ang mga pagkakaiba ng mga tunay at di tunay na mga alagad ay makikilala. Ang pangatlong bahagi ng mga talatang ito ay nagtatanong, “Ikaw ba ay alagad na nagsasabi lang, o yung gumagawa, nang kalooban ng Ama?” Ang gumagawa ng maraming kamangha-manghang mga bagay ay hindi katibayan ng tunay na relasyon kay Jesus. Ang Kanyang tugon sa mga alagad sa salita lang: “Lumayo kayo sa akin kayong manggagawa ng katampalasanan.” Hindi ideyalistiko o negatibo si Jesus. Siya ay makatotohanan. Itinuro Niya na ang buhay ay may bagyo, at walang sino man ang hindi tatamaan. Ang mga taong nabubuhay sa Kanyang mga katuruan ay maliligtas, at ang hindi nabubuhay sa kanyang mga katuruan ay hindi maliligtas. Ang Kanyang dakilang sermon ay nagtapos sa katanungang, “Anong uri kang alagad?” Ang sagot mo ang magsasabi kung maliligtas ka sa mga bagyo ng buhay.

Page 126: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

1. Tama o Mali? Ang maging asin at ilaw ng mundo ay madali. 2. Tama o Mali? Ang mga naniniwala sa tamang mga bagay, sinasabi ang mga tamang bagay,

at tinatawag si Jesus na “Panginoon” ay ang tunay Niyang mga alagad. 3. Tama o Mali? Ang makinig sa salita ni Jesus at gawin ang mga ito ay hindi parehong bagay.

4. Tama o Mali? Itinuro ni Jesus sa mga alagad Niya kung sino man ang sumusunod sa Kanya ay hindi na daranas ng bagyo.

Maliban na nabanggit, pumili ng isang sagot sa bawat tanong.

5. Ayon kay Jesus, ano ang pinaka mabuting paraan upang makilala ang bulaang propeta?

a. Sa mga bunga nila b. Sa kanilang anyo c. Sa kanilang salita d. Sa paraan kung paano nila inilalayo ang kanilang sarili sa mga tunay na

mananampalataya

6. Ano ang tawag ni Jesus sa mga tumatawag sa Kanya ng “Panginoon”, pero hindi naman tunay na naniniwala at sumusunod sa Kanya?

a. “Ginawa mo ang pinaka mabuti.” b. “Lumayo ka sa akin.” c. “Tuloy lang ang pagsisikap.” d. “Tawagin mo ako ng ‘Panginoon’ ay sapat na.”

Page 127: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

7. Ano ang susi upang maligtas sa bagyo? a. Maniwala kay Jesus b. Tawaging Panginoon si Jesus c. Gawin kung ano ang sinabi ni Jesus d. Mamangha sa turo ni Jesus

Paano mo malalaman kung totoo ka ngang alagad ni Jesus? Kung mayroon kang napansin na pagkukunwari sa relasyon mo kay Jesus, ano ang magagawa mo upang ayusin ito?

_____________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________

Pasalamatan ang Diyos sa lahat ng mga salitang nagbibigay buhay sa iyo. Hingin sa Kanya na tulungan kang makilala mo Siya ng malalim, tulungan ka na manatiling matibay na taga-sunod ni Jesus, at gamitin ka bilang bahagi ng Kanyang solusyon sa mundo.

Page 128: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

Mas Malalim na Pag-aaral 1. Mayroon bang pagitan sa iyong sinasabi at ginagawa? Paano mo maaalis ang pagitan? 2. Alam mo ba kung tunay ka ngang alagad ni Jesus? Ikaw ba ay bahagi ng problema o bahagi

ng solusyon? Anong uri ng solusyon ka?. 3. Ano ang ginagawa ng Panginoon sa pamamagitan mo upang tulungan ang iba? 4. Ilarawan ang sitwasyon kung saan maliwanag na pipiliin mo ang “malawak” at “makipot” na

pinto? 5. Ang paghayo ba sa ebanghelyo ay usaping ginagawa o sinasalita? Bakit?

Page 129: SERMON SA BUNDOK - mbctagalog.org

6. Ano ang espirituwal na disiplina na iyong ginagamit upang lalong mong makilala si Jesus nang mas malapit? Ipaliwanag.

7. Alin ang mas mahalaga sa atin, ang walang hanggang destinasyon, mga kamangha-

manghang gawain o kilalanin si Jesus?