8
TAGALOG TRANSLATION ENGAGED EMPOWERMENT TOWARDS 2016

Simplified PBV Voter's Education (Tagalog)

  • Upload
    slbweb

  • View
    505

  • Download
    7

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Ang Pinoy Big Voter ay isa sa mga inisyatibo at tugon ng Simbahang Lingkod ng Bayan sa pangangailangan ng mga botanteng Pilipino ng isang malawak at malalim na kamalayan na kinakailangan at kalakip sa kanilang pagboto. Ang Pinoy Big Voter ay hango sa mga pinakamabisang bahagi’t sangkap ng mga nagdaang Voters’ Education Manual na nilikha at nilimbag ng SLB. Hinati sa tatlong bahagi, ang Pinoy Big Voter ay sumususog sa Karanasan (experience), Pagninilay (repleksiyon), Pagkilos (Action) na eskima ng Ignatian Pedagogical Paradigm (IPP). Adhikain ng manwal na ito ang malalim na pagtugon sa mga panawagan para sa wagas na reporma at mabuting pamamahala na kasalamin ng mga tunguhin ng Task Force 2013 para sa paparating na halalan ngayong taon (ang mga adihkaing ito ay ang sumusunod: Pamayanang Nakikisangkot at Pagbibigay tinig sa mga sektor na hindi nabibigyang pansin sa mga prosesong elektoral, bilang paghahanda sa Pambansang Halalan ng 2016) na ipinapahayag sa pamamagitan ng ating napakahalaga at Iisang boto! Ang manwal na ito, at ang pagsasanay na kalakip, ay isang imbitasyon sa bawat isa na maging mapagmatyag, kabilang at sangkot na mamayan ng ating bansa-- para maging isang PINOY BIG VOTER!

Citation preview

Page 1: Simplified PBV Voter's Education (Tagalog)

TAGALOG TRANSLATION

ENGAGED EMPOWERMENT TOWARDS 2016

Page 2: Simplified PBV Voter's Education (Tagalog)

1

Panginoon, sa gitna ng aming pagkabagabag at mga problema sa buhay,Sa kalagitnaan ng paparating na halalan at mga posibleng pagbabago

sa pamumuno at liderato ng aming bansa,Ipinapanalangin namin na aming makita ang kaibuturan ng iyong kalooban,

at kami ay makatugon sa iyong paanyayang maglingkod sa aming kapwa lalo na sa mga aba.

ipagkaloob mo sa amin ang iyong grasyana aming taus-pusong tanggapin ang atas na ipinagkatiwala mo sa amin,

na magpakatatag na gawin kung ano ang matuwid,at matimtimang talimahin ang ninanais mo ng walang pag-aalinlangan.....

Nawa’y aming maramdaman ang udyok ng Espiritu Santo,Na siyang gagabay at magpapakita ng landas tungo sa iyong banal na kalooban

sa mga kalagaya’t kaganapang sumasaklaw sa aming sarili, pamilya, komunidad at aming bansa.

amen.

Ang Pinoy Big Voter ay isa sa mga inisyatibo at tugon ng Simbahang Lingkod ng Bayan sa pangangailangan ng mga botanteng Pilipino ng isang malawak at malalim na kamalayan na kinakailangan at kalakip sa kanilang pagboto. Ang Pinoy Big Voter ay hango sa mga pinakamabisang bahagi’t sangkap ng mga nagdaang Voters’ Education Manual na nilikha at nilimbag ng SLB. Hinati sa tatlong bahagi, ang Pinoy Big Voter ay sumususog sa Karanasan (experience), Pagninilay (repleksiyon), Pagkilos (Action) na eskima ng Ignatian Pedagogical Paradigm (IPP). Adhikain ng manwal na ito ang malalim na pagtugon sa mga panawagan para sa wagas na reporma at mabuting pamamahala na kasalamin ng mga tunguhin ng Task Force 2013 para sa paparating na halalan ngayong taon (ang mga adihkaing ito ay ang sumusunod: Pamayanang Nakikisangkot at Pagbibigay tinig sa mga sektor na hindi nabibigyang pansin sa mga prosesong elektoral, bilang paghahanda sa Pambansang Halalan ng 2016) na ipinapahayag sa pamamagitan ng ating napakahalaga at Iisang boto! Ang manwal na ito, at ang pagsasanay na kalakip, ay isang imbitasyon sa bawat isa na maging mapagmatyag, kabilang at sangkot na mamayan ng ating bansa-- para maging isang PINOY BIG VOTER!

a. Ano ang mga bumabagabag sa iyo?b. Anu-ano ang mga bumabagabag sa iyo tungkol sa iyong pamilya?c. Anu-ano ang mga bumabagabag sa iyo tungkol sa iyong komunidad?d. Anu-ano ang mga bumabagabag sa iyo tungkol sa ating bansa?

(Bago matapos ang panalangin, ang tagapagpadaloy ay ipapaloob ang mga sumusunod na katanungan sa loob ng dasal)

ANG ATING PILIPINAS: Isang Pagbasa ng Pambansang Kalagayan ng Ating Bansa

PRAYER & CONTEMPLATION

• Q3 2012 [www.sws.org.ph]: 47% ng mga Pilipino ang nagsasabing sila ay mahirap, 21% ng mga pamilyang Pilipino ay nakakaranas ng pagkagutom, 29.4% ang walang trabaho.

• Tatlong pinaka-nangungunang suliraning lokal [www.sws.org.ph]: Serbisyong Panlipunan (30%), Krimen (14%), Imprastruktura (12%).

Lipunan:

PAKIKISANGKOT

Page 3: Simplified PBV Voter's Education (Tagalog)

2

Answer: 301x1 = 16, 2x2 = 9, 3x3 = 4, 4x4 = 1.16 + 9 + 4 + 1 = 30

“Ilan ang mga parisukat sa larawan?”

Figure 1

• Q3 2012 [www.nscb.gov.ph]: Paglago ng GDP hanggang 7.1%, pangalawa lamang sa Tsina at pinakamataas sa ASEAN. (Mga Tagapahiwatig ng Pag-unlad: mataas ng grado/marka ng pagpapautang , positibo’t matatag, Ang Pilipinas bilang isang prospektibong pook para sa pamumuhunan, Mabisa at epektibong pangongolekta ng buwis.)

• Q4 2012: Labor Force Participation (Paglahok ng Pwersang Paggawa), 63.9%, Employment Rate, 93.2%, Unemployment Rate, 6.8% at Underemployment, 19%.

• Tinataya ng mga analista, na ang kaganapan ng tunay at wagas na mga reporma, ay nakasalalay sa paghahalal ng tatlong (3) magkakasunod na presidenteng nakatutok ang pamamahala at atensiyon sa pag-aakda ng mga tunay na reporma sa ating bansa. Kinikilala ang pagkapangulo ni Noynoy Aquino bilang ang pinakauna, samakatuwid ay kailangan ng dalawa pa.

• Mataas na antas ng kasiyahan ng mga Pilipino: sa ilalim ng pamamahala ni Pangulong Noynoy Aquino, Pambansang Pamahalaan, at Mabuting Pamamahala. [www.sws.org.ph]

Ekonomiya:

Pulitika:

Kapaligiran:• Humihinang kalagayan ng mga likas na yamang dagat (labing-isa sa

limampung, 11/50, tradisyunal na mga pook pangisdaan ay sira na) at Kagubatan (dahil sa ilegal na pagputol ng mga kahoy at kombersyon ng mga lupang agrikultural).

• Patuloy na pagtaas ng antas ng pagkakahantad sa panganib ng ating bansa sa mga kalamidad at sakuna (pangatlo sa sampung bansang hantad sa panganib na dulot ng sakuna at kalamidad)

• Ikaw ay bahagi ng isang mas malaking parisukat. ikaw ay isang parisukat na bahagi ng isang 2 x 2 na parisukat kahambing ng iyong pamilya na bahagi naman ng 3 x 3 na parisukat na kahambing ng iyong pamayanan na sa huli ay bahagi ng mas malaking 4 x 4 na parisukat na kahambing ng iyong bansa. Ang iyong mga karanasan at ang mga karanasan ng iba ay magkaugnay. Sa katunayan, ikaw ay bahagi ng—at isa sa mga humuhulma sa, Pambansang Kalagayan ng ating bansa katulad ng pagiging bahagi ng lokal na kalagayan ng iyong pamayanan sa unang nabanggit.

• Madalas, nakikita lamang natin ang mga impormasyon na nais nating makita. Maaaring ang nakita mo ay labis o kulang sa wastong bilang ng mga parisukat na maaaring matunghayan sa larawan. Mainam na suriin din natin ang ating mga nalalaman at payamanin ng mga bago at angkop na mga kaalaman patungkol sa ating pamayanan, ekonomiya, pulitika, kapaligiran at lipunan.

PAGPOPROSESONG GAWAIN

Page 4: Simplified PBV Voter's Education (Tagalog)

3

KODIGO NG PAMAHALAANG LOKAL NG 1991 (The Local Government Code of 1991) Isinasaad sa Kodigo ng Pamahalaang Lokal ng Pilipinas ang mga probisyon patungkol sa mga kapangyarihan at tungkulin ng ating mga lokal na pinuno’t namamahala. Mahalaga na malay ang bawat mamamayan sa kung anu-ano ang mga maaring hingiin at asahan bilang bahagi ng kanilang mga karapatan sa mga halal na mga pinuno’t namamahala.

PANGAKALAHATANG PUNTOS• Ang Kodigo ng Pamahalaang Lokal ng Pilipinas ay ipanapahintulot ang pagsasalin

o pagpapahiram ng mga kapangyarihan, tungkulin at mga pondo ng Pambansang Gobyerno/Pamahalaan sa mga Lokal na Gobyerno/Pamahalaan.

• Ang mga Lokal na Pangunahing Ehekutibo/Tagapangasiwa (Gobernador, Alkalde, Kapitan de Barangay) ay mayroong magkatulad na mga kapangyarihan at tungkulin, nagkakaiba lamang sa saklaw ng kanilang mga nasasakupan.

• Ang mga pangunahing tungkulin at gampanin ng mga Konseho o Lupon (Sangguniang Barangay, Sangguniang Bayan, Sangguniang Panglungsod, at Sangguniang Panlalawigan) ay ang lumikha at magpasa ng mga ordinansa o mga kautusan.

• Ang Kodigo ng mga Lokal na Pamahalaan ng Pilipinas ay naglalaman ng mga kondisyon at kautusan na nagtatakda ng mga alituntunin ng mga kapangyarihan at tungkulin ng mga lokal na opisyal ukol sa pagpapatupad ng mga gampanin na maaaring hingiin at asahan, ayon sa probisyon ng nasabing batas, ng bawat mamayang Pilipino. Ang mga nasabing kapangyarihan at tungkulin ay ang mga sumusunod:

• Mga Batayang Serbisyo Para sa Kapakanan Ng Mamamayan• Mga Interbensyong Pang-Ekonomiya• Pakikilahok ng mga Mamamayan • Pangangalaga sa mga Likas na Yaman

SUPRAHIYO: ANG IYONG KARAPATANG PANTAOAng Karapatang

BumotoHayag at Sangkot na

Pamamahala Tunay na Demokrasya

Ito ay isang karapatang kakambal ng ating kapanganakan. Ang lahat ay maaaring gamitin ang karapatan na ito maliban lamang kung ang isang indibidwal ay diskwalipikado ayon sa isinasaad ng batas.

Isa sa mga kritikal at importanteng paraan na maiimpluwensiyahan ng bawat isa ang mga proseso ng pagpapasya ng ating gobyerno.

Isang kasangkapan at pormal na pagpapahayag ng pagtangi sa napupusuang kandidato o mungkahing resolusiyon o kapasyahan tungkol sa isang isyu.

Ang bawat isa ay may karapatang makibahagi sa direktang pag-gogobyerno’t pamamahala ng kaniyang bansa, o sa pamamagitan ng mga “malayang naihalal na mga representate’t tagapamahala.”

Ang bawat isa ay may karapatan sa pantay-pantay na pagtamasa sa mga kaloob na serbisyo publiko ng kaniyang bansa.

[Artikulo 21 ng Pangkalahatang Pagpapahayag ng Karapatang Pantao, 1948]

Ang kagustuhan ng mga mamamayan ang batayan ng awtoridad at kapangyarihang taglay ng Pamahalaan. Pinatitibay ng paglilipat ng mandato ang pagkalehitimo ng pamumuno ng mga kandidatong naihalal sa pamamagitan ng boto ng mga mamamayan.

Ipinapahayag sa pamamagitan ng takda at tunay na eleksiyon na isinasagawa sa pangkalahatang antas, pantay-pantay, at naaayon sa mga saad na pamamaraan ng pagboto

KAGALINGAN

Page 5: Simplified PBV Voter's Education (Tagalog)

1 4

KATURUANG PANLIPUNAN NG SIMBAHANG KATOLIKA

1. Ang Simbahang Katolika ay hindi kalakip o kadikit sa anumang sistemang pulitikal.2. Ang Simbahang Katolika ay walang anumang ambisyong pulitikal.3. Ang kagalingan ng Simbahang Katolika ay relihiyoso at may kaugnayan sa mga usaping

moralidad/moral.4. Ang mga kasapi ay hinihikayat na magkaroon ng ganap na pananaguta’t responsibilidad

bilang mga mamamayan ng kanilang bansa.5. Ang awtoridad/kapangyarihan ay nanggagaling sa Diyos may likha.6. Ang anumang kapangyarihang pulitikal ay hindi lubos/walang kalubusan.7. Kinakailangan ng isang awtoridad/kapangyarihan upang magpanatili ng kaauysan ng

lipunan.8. Ang pag-gamit ng kapangyarihang pulitikal ay dapat na nasasaklaw sa loob ng kaayusan

na naaayon sa moralidad.9. Ang panawagan ng Simbahan na magkaloob ng sibiko at pulitikal na edukasyon.

Ang iyong karapatang bumoto ay isang pangkalahatang kaloob na ibinabahagi sa bawat mamamayan na kuwalipikadong isagawa o gamitin ang nasabing karapatan. Subalit, kahit ito ay kinikilala bilang isang pangkalahatang karapatan na kaloob sa bawat isa, marami sa ating mga Pilipino ang hindi nagpaparehistro upang makaboto o di kaya’y hindi bumuboto kahit nakapagrehistro na. Sa kalaunan, ating mapagmumunihan na ang ganitong pananaw

ay hindi nakatutulong sa ating demokrasya sapagkat ating pinaplampas ang oportunidad na isagawa at gamitin ang ating karapatan at impluwensyahan ang pulitikal na buhay n gating

bansa.Sa pagtatapos ng modyul na ito, mainam na isapuso natin na ang unang hakbang sa pag-

angkin at pagtamasa sa mga pribilehiyong kalakip ng karapatang ito ay ang pagpaparehistro at ang aktuwal na pagboto. Ito ay hindi lamang isang karapatan kung hindi isa ring

responsibilidad sa paparating na salinlahi at pribilehiyong maaaring gamitin ng bawat isa dahil ito ay hindi maaaring ipagkait ninuman hangga’t naaayon sa batas. Sa huli, ang pag-

gamit sa karapatang ito ay nakasalalay sa ating sariling pasya.

BAKIT KAILANGAN KONG BUMOTO?

Pribilihiyo Tagapagpantay ng Lipunan Responsibilidad

Ito ay ang iyong taya sa pambansang interes-

kagalingan at mga polisiya.

isang oportunidad na maging direktang

kasangkot sa mga gawain na may kinalaman sa kapakanan ng bansa

Isang boto sa kada isang tao/botante

Anuman ang relihiyon, kasarian, antas ng pinag-

aralan, at katayuan sa buhay, ang iyong boto ay kasinghalaga ng boto ng

iyong kapwa.

Sa salinlahing Pilipino. Ang paghulma sa kinabukasan ay

dinidiktahan ng kung ano ang ginagawa natin

sa kasalukuyan. Ang iboto o ipaubaya sa mga pulitiko na kaduda-duda

ang integridad at may bahid ang reputasyon ang panunungkulan

sa gobyerno, ay nangangahulugan ng

pagdalisdis sa ikasasama ng katayuan ng ating

ekonomiya at lipunan.

Salamin o manipestasyon ng iyong pagninilay.

Page 6: Simplified PBV Voter's Education (Tagalog)

ii5

? ?? ?? ??

Ang aking ambag: Anu-ano ang aking gagawin para tulungan ang aking napupusuang kandidato at ang ating gobyerno para

maisakatuparan/maabot ang aking mga inaasahan at hinihingi?

[KinakailangangitoaybataysaacronymnaSMART:Specific(tukoy),Measurable(sukat), Attainable (kaabot-abot), Realistic (malapit sa katotohanan), at Time-bound

(may tukoy na panahon)]

ANU-ANO ANG MGA INAASAHAN AT HIHINGIIN KO SA AKING NAPUPUSUANG KANDIDATO AT SA ATING GOBYERNO?

TUNGO SA 2016

Page 7: Simplified PBV Voter's Education (Tagalog)

iii 6

Loyola House of StudiesAteneo de Manila UniversityLoyola Heights 1108 Quezon CityTel. No. (02) 426-6101 loc. 3441Telefax No. (02) 426-5968Email: [email protected]: www.slb.ph

Facebook: www.fb.com/katotooTwitter: @manindigan / www.twitter.com/manindigan

Para sa inyong mga kuru-kuro, suhestiyon o mga katanungan, makipagugnayan sa mga sumusunod:

Duke Dolorical: [email protected]/0932-8790-SLB (752)Frances Estipona: [email protected]/0932-8797-SLB (752)

Ito ay isang call and text center na buong bansa ang saklaw, ito ay itinatag ng Simbahang Lingkod ng Bayan kasama ang iba’t-ibang organisasyong nagtutustos ng mga serbisyong pang-telekomunikasyon para tugunan, magbigay abiso at sagutin ang mga katanungan patungkol sa mga usaping may kinalaman sa eleksiyon. Ang Gabay Halalan ay idinisenyo rin upang tumanggap ng mga ulat at sumbong tungkol sa anumang uri ng mga iregularidad o katiwalian na ipapasa naman sa mga respektibong ahensiya de gobyerno at mga kinauukulan.

Isang programang isinusulong ang kultura ng hayag na pamamahala at pananagutan ng mga opisyales de gobyerno sa mga mamamayang Pilipino sa pamamagitan ng pagsusog ng taong bayan sa mga plataporma de gobyerno at mga pangakong binitiwan ng mga nanalong kandidato.

Bantay Pangako

Gabay Halalan

ANG MGA ELEKTORAL NA PROGRAMA NG SIMBAHANG LINGKOD NG BAYAN

Makipagugnayan:

Page 8: Simplified PBV Voter's Education (Tagalog)

ii1