Upload
fitoru
View
218
Download
9
Embed Size (px)
DESCRIPTION
kahit ano
Citation preview
TALAAN NG MGA NILALAMAN
Kabanata I: Ang Suliranin at Kaligiran Nito
1. Panimula
2. Layunin ng Pag-aaral
3. Kahalagahan ng Pag-aaral
4. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral
5. Depinisyon ng mga Terminolohiya
6. Balangkas Konseptual
Kabanata II: Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura
Kabanata III: Disenyo at Paraan ng Pananaliksik
1. Disenyo ng Pananaliksik
2. Mga Respondente
3. Instrumentong Pampananaliksik
4. Tritment ng mga Datos
PANIMULA
Walang hindi makakapagsabi na ang pagkain ay isa sa mga pangunahing
pangangailangan ng isang nabubuhay na nilalang. Mahalaga ang pagkain dahil ito ay
kailangan sa pagpapalaki at pagpapalakas ng katawan. Isa rin ito sa mga mabuting
mapagkukuhanan ng enerhiya upang mabuhay, at sa pagpapanatili ng wastong
pangangatawan. Bagaman kailangan ng tamang pagkain at nutrisyon, hindi lahat ng tao
ay may kakayahang bumili ng makakain sa pang araw-araw dahil sa problemang
pinansiyal.Tulad ng ibang bagay, ang pagkain ay mayroon ding kasaysayan. Nag-
umpisa ito noong panahon pa ng mga primitibong tao. Natuto silang kumain ng prutas
mula sa mga puno. Noong natuklasan nila ang apoy, natuto silang magluto ng karne na
nakukuha nila sa mga hayop at isda mula sa karagatan. Dumating ang panahon kung
saan ay natuto silang magtanim at gumamit ng kung anu-anong klaseng kasangkapan
tulad ng mga yerba at panimpla.
Sa kasalukuyan, ang taong-bayan ay dapat magtipid dahil ang mga presyo ng
mga bilihin ay nagsisitaasan. Nangangailangan ang mga tao ng masarap, de kalidad, at
malinis na pagkain sa mababang halaga.
Dahil sa mga pangyayaring ito, nagsagawa ang mga mananaliksik ng pag-aaral
tungkol sa mga nakakaapekto sa mga indibidwal sa pag-pili ng nais nilang kainin at
kung ilan ang bilang ng mga taong kumakain sa mga establisyementong restaurant
Ang napiling target populasyon ng mga mananaliksik ay ang mga simpleng tao at
mga mayayaman sapagkat sila ang karaniwang nakikita sa loob ng restaurant, gayon
sila ang pinakamagandang pagkuhanan ng impormasyon.
Ang mga sagot na ipinahayag ng mga respondente ay kinolekta gamit ang
personal na pagtatanong o sarbey. Nakuha ang mga tugon sa mga mag-aaral at mga
tao sa Marikina polytechnic college, Ang iba pang mga datos ay masusing nakamit
mula sa aklat at internet.
LAYUNIN NG PAG-AARAL
Naglalayon ang pag-aaral na matamo ang mga sumusunod na layunin:
Maipaliwanag ng mabuti ang konsepto ng batayan sa pag-pili ng pagkain at ang
pagtaas ng bilang ng mga kumakain sa restaurant.
Maipayahag ang mga nagsisilbing mga salik na nakakaapekto sa pagtaas at
pagbaba ng mga kumakain at bumibili sa restaurant.
Maipakilala ang mga adbentahe at disadbentahe na naidudulot sa mga mamimili
ng pagkain sa restaurant.
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay upang malaman ang populasyon at
dahilan ng mga estudyante at gurong mula sa marikina polytechnic college
Magkakaroon ang mga mananaliksik ng pagkakataong mapag-aralan kung ilang
porsyento ng mga mag-aaral at mga guro mula sa piling mga kolehiyo ang kumakain sa
ibat ibang restaurant. Kasabay dito ang pag-alam kung anu-ano ang mga salik ng
kanilang patuloy o paghinto sa pagtatrabaho rito. Mapag-aaralang mabuti ang mga salik
na nakaaapekto sa kanilang mga dahilan tulad ng kasarapan ng pagkain, pagiging
malapit ng lugar, pagkakaroon ng abot-kayang presyo at kasiguraduhan sa kalinisan ng
mga pagkain. Ang nutrisyon ng pagkaing inihahain ay mapag-aaralan din upang
malaman kung sapat ba ang sustansiya na nakukuha ng mga tao rito lalo na’t
naturingan itong restaurant. Ito ang mga salik na mabibigyang linaw at katibayan sa
aming isinasagawang pag-aaral.
Maipapaalam din ng mga mananaliksik sa konsesyoner kung alin pa sa mga
ibinibigay nilang serbisyo ang dapat pang bigyang pansin at ang nangangailangan pa
ng pagbabago.
DEPINISYON NG MGA TERMINOLOHIYA
Narito ang mga salitang ginamit sa pananaliksik at ang kanilang mga kahulugan
upang madaling maintindihan ng mga mambabasa at mananaliksik:
restaurant – Ito ay isang kainan na matatagpuan sa ibat ibang lugar ditto sa
pilipinas
Populasyon – Ito ang bilang o dami ng mga respondeng kumakain at bumibili sa
restaurant
Respondente – Sila ang mga piling mag-aaral at mga guro ng parehong
kasarian, ng mga piling kolehiyo na batayan ng pananaliksik.
MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA
Ayon sa aklat na pinamagatang Quality Food Production, Planning, and
Management (Knight & Kotschevar, 2000), ang serbisyong pang pagkain ay isa
sa pinakamalaking industriya sa buong mundo. Ang nakukuha dito ay mahigit
P16,284 bilyon sa taong 1999 lamang dahil sa bawat P117 na nakukuha sa
pagkain, P50 rito ay napupunta sa serbisyong pang pagkain. Bago pa ang World
War II, nagsimula na ng paglago ng industriyang ito at tumataas ng 5% sa bawat
taon kaya naman masasabi nating ito ang may pinakamabilis na paglaki sa lahat
ng mga tingian sa buong mundo.
Ayon kay VanEgmond-Pannell (1990), sa aklat na pinamagatang
Foodservice Management, nag-umpisa ang pagunlad ng school foodservice o
ang serbisyong pang pagkain, sa pamamagitan ng National School Lunch Act na
itinatag noong 1946. Ang school foodservice ay lumawak at naisama ang
agahan, merienda, a la carte, at sa ibang kaso, hapunan sa mga nakakatanda at
sa mga kabataan.
Sa industriyang ito, makikita na walang bagay sa mundo ang hindi nagbabago
dahil pagdating sa pagkain ang sinusunod ay ang mga mamimili dahil may mga
taong mahilig sa karne, mayroon din namang may ayaw dito, mayroong
masustansyang pagkain lamang at marami pang iba. Ito ang nagdudulot ng
kompetisyon sa industriya kaya minabuti na ng marami ang pagkakaroon ng
tama at masusing pag-aaral ng pagkain. Dito nagsimula ang mga kursong
nakapokus sa serbisyong pang pagkain at mga pagsasanay na dinadaluhan ng
mga manggagawa.
Maraming taon na ang nakalipas at maliban sa lasa ng pagkain isa rin sa mga
talagang nakakaapekto ng serbisyong pang pagkain ay ang kasanayan ng mga
manggagawa. Marami nang nagsisilabasang mga eskwelahan at samahang
nagbibigay ng mga programa upang sanayin sila para mas mapadali at
mapaunlad ang industriyang ito. Dito, pipili sila kung saan nila nais maging
dalubhasa, ilan sa mga ito ay ang pagiging tagapamahala ng inumin,
tagapamahala sa benta ng kainan, tagapamahala sa mga salu-salo, punong
taga-luto at pagtutustos ng pagkain. Marami ay isinasama na lamang ang mga
kasanayang ito sa mga kursong pang negosyo ngunit marami pa rin ang mga
kursong nakatugon lamang sa pag-aaral ng iba’t ibang aspekto ng pagkain.
Sa pagsasanay ng mga manggagawa, dapat binibigyang halaga rin ang
pagkakaiba-iba sa kultura. Hindi lamang kasarian at relihiyon ang dapat
nabibigyang pansin dito. Isinasama na rin ngayon ang edad, “sexual preference”,
estado sa buhay, sweldo, napag-aralan, heograpikong lokasyon, pamilya, paraan
ng pamumuhay, hilig at ugali.
Ang serbisyong pang pagkain ay nagpapahalaga sa pagkakaiba-iba ay nagiging
mas epektibo sa pangangalap ng mamimili, pananatili ng kalidad ng mabuting
pamamahala, mas mataas na “market share” at produksyon, at mas mababang
gastos dahil maiiwasan na ang mga empleyadong palipat-lipat. Kahit ang pag-
unlad ng ganitong pamamahala sa pagkakaiba-iba ay napakahirap isakatuparan
mas marami pa rin ang nakukuhang benepisyo dito kung ikukumpara sa hirap ng
pagpapasakatuparan. Kaya nangangailangan ito ng maingat na
pagpapasakatuparan.
Isa pa sa mga labis na nakakaapekto sa pagtaas ng lagay ng serbisyong pang
pagkain ay ang pagiging produktibo ng isang empleyado. Dapat siguraduhing
ang isang manggagawa ay may labis na kagustuhan sa kanyang trabaho. Ayon
sa maraming mga pag-aaral, hindi hamak na nagiging mas produktibo ang isang
taong gusto ang kanyang ginagawa. Ang mga pabuya ang susi sa pagbibigay
halaga ng indibidwal na kontribusyon ng bawat empleyado.
Ang pagtutulungan ay dapat din ipalaganap upang mapanatili ang
pagkakapareho ng nagagawa para hindi lamang isa o dalawa ang nakikitang
magaling sa isang uri ng serbisyo. (Knight & Kotschevar, 2000).
Ayon sa The Culinary Institute of America (2009) sa aklat na pinamagatang
Remarkable Service, ang kalidad ng serbisyo ay ang pinakaimportante upang
magtagal ang isang establisyemento. Ang serbisyo ay kung papaano inihanda
ang pagkain sa tamang oras, kasama din sa serbisyo ang kalinisan ng mga
kubyertos, at mga mantel na ginagamit bago kumain.
Ayon sa Restaurant & Cafeteria Management Service (Villanueva, 2010),
ang kahalagahan ng serbisyo ng pagkain ay hindi lamang upang magbigay ng
pagkain, ngunit, ang magbigay ng pinakamagandang pagkaing maaaring kainin
at maayos na inihanda sa ilalim ng katanggap-tanggap na istandard ng kalinisan
at ang maihain ito nang may murang halaga.
Ang dedikasyon ng mga nagtatrabaho sa isang establisyemento ng
pagkain ay naging responsable sa pagsulong ng magandang programang
nutrisyonal sa nakalipas na mga panahon. Ang manggagawa na may ugaling
“iyan lang ang makukuha mo; kunin mo na at huwag kang mapili,” ay napalitan
na ng gilas at ng nasa na mapasaya kahit ang mapamili na kliyente.
(VanEgmond-Pannell, 1990).
Ang susi sa pagkakaroon ng kalidad na serbisyong pang pagkain ay ang
maayos na sistema sa pagpaplano kung paano gawing masaya ang mga sa
simula’y hindi nasiyahang mamimili. Sa kadahilanang ang mga mamimili ang
nagbibigay ng buhay sa serbisyong pang pagkain, dapat silang mapanatiling
9
masaya kung hindi, malaki ang mawawala sa negosyo. Kaya dapat may
magandang kasanayan sa pakikipanayam sa mga hindi masayang mamimili.
Ayon sa mga pag-aaral, siyam sa sampu (9 sa 10) serbisyong ibinibigay ang
irereklamo ng isang hindi masayang mamimili at apat sa lima (4 sa 5) serbisyo
lamang ang ikinasaya ng isang nasiyahang mamimili. Ang pamamahala ng
pangkalahatang kalidad ay dapat parating inuuna sa batas at isip ng lahat ng
nagbibigay serbisyo.
Pareho rin ito sa produksyon ng pagkain. Kapag ang pagkain na ibinigay ay hindi
ayon sa pamantayan ng isang kainan dapat gawan agad ng aksyon para
maitama agad ito. Panatiliin parati ang “checklist” sa kung ano ang dapat at hindi
dapat gawin ng mga taga-luto. (Knight & Kotschevar, 2000).
Ang ilan sa mga salik na dapat bigyang pansin upang malaman ang bilang
ng mga empleyado at bilang ng oras ng trabahador na kinakailangan ay ang
sistemang ginagamit ng food service, bilang ng pagkaing ihahain, uri ng
pagkaing ginagamit, bilang at haba ng oras para sa kainan, uri at ayos ng mga
kagamitan, at ang karanasan at sapat na pag-eensayo ng mga manggagawa.
(VanEgmond-Pannell, 1990).
Ang mga foodservices na pang paaralan ay itinatag dahil ito ay may
layunin na tumulong sa pagpapanatili ng mabuting nutrisyonal na estado ng mga
malulusog na bata, at pagpapabuti ng mga nutrisyonal na estado kung
kinakailangan. (VanEgmond-Pannell, 1990).
Ayon kay Villanueva (2010), ang nutrisyon ay ang pundasyon ng
magandang kalusugan, kung kaya’t kinakailangan maturuan ang bawat
10
indibidwal nang tamang pagpili ng mga pagkaing tiyak na makabubuti para sa
ating kalusugan.
Nangangailangan ang mga tao ng iba’t ibang dami ng pagkain depende
sa edad, kasarian, mga gawain sa araw-araw, at laki. Ang ibang mga katawan ay
nakakagamit ng pagkain ng mas mabuti kaysa sa iba. Ngunit, kapag ang pagkain
ay sumobra sa kinakailangan ng katawan, ito ay naiipon sa katawan sa anyong
lipido o taba. (VanEgmond-Pannell, 1990).
Ang mga katangian na taglay ng mga malulusog na tao ay: (1) matibay na
mga buto, bisig at mga ngipin; (2) makinis na balat at malinis na dugo; (3) hindi
nakakaramdam ng sakit o kawalan ng gana kumain; (4) sapat na enerhiya para
sa pang araw-araw na gawain; at (5) maaliwalas at malakas na itsura. Ang
kakulangan sa sapat na nutrisyon ay nangyayari kung mali ang kinakain o kulang
sa nutrisyon ang natatanggap ng katawan. (VanEgmond-Pannell, 1990).
Dapat suriing mabuti ang sustansya ng mga pagkain, dahil hindi lahat ng pagkain
ay naglalaman ng mga esensyal na nutrisyon na kinakailangan ng katawan. Ang
mga nilalaman ng mga pagkaing nakabubuti sa katawan ay ang mga
sumusunod: calcium at phosphorous, magnesium, sodium, potassium, chloride,
iron, zinc, iodine, selenium, fluoride, chromium, at copper. (Drummond & Brefere,
2010).
Ayon kay Jones (1992), ang artipisyal na pampatamis ay hindi
magandang pamalit sa asukal, dahil ito ay may mga kemikal na nakasasama sa
katawan. Ang isang taong palaging kumokunsumo ng artipisyal na asukal,
pagtagal, ay mahihirapan ng malasahan ng tamis nito dahil sa bawat gamit nito 11
ay nasasanay ang panlasa ng isang tao kung kaya naman mapapadami ang
kunsumo nito na pwedeng magdulot ng malubhang sakit. Kailangan ding
umiinom ng anim hanggang walong basong tubig sa isang araw upang
mapanatili ang kalusugan at maging ang magandang kutis ng balat. Ang tamang
pag-inom ng tubig ay ang nagpapakita ng epekto ng mga sobrang basura sa
katawan na sinasala upang hindi mahirapan ang bato.
Limampung porsyento ng kinikita ng isang pamilya ay inilalaan sa
pagkain. Samakatuwid, ang tamang praktis ng pamimili ay nakakagawa ng
malaking pagkakaiba kung mayroong tubo o pagkalugi, at ang pag-alam ng
kalidad ng pagkaing binili. Ang pamimili ng tamang produkto sa kinakailangang
bilang sa oras ng pangangailangan na sang-ayon sa presyong makakaya ay,
ayon kay Lendal Kotschevar, ang mga hamon sa pamimili. (VanEgmond-Pannell,
1990).
Ang mga salik na nakakaimpluwensya sa pinamimili, ayon kay
VanEgmond-Pannell, ay ang menu, badyet para sa pagkain, labor cost at
kabihasnan ng mga tauhan, ang panahon at pagkakaroon ng pagkaing
ibinibenta, imbakan, bilang ng pagkaing inihahain, at mga abeylabol na
kagamitan.
Ayon sa Population and Food (Dyson, 1996), sapagkat hindi nahuhulaan
ang takbo ng ekonomiya, hindi masisigurado na mababawasan ang mga
pagkakataong magkaroon ng biglaang pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa
pandaigdigang pamilihan.
Ang magandang pagkain ay ang malinis na pagkain. Ang malinis na
pagkain ay ligtas sa kemikal, mikrobyo at banyagang kalamnan, tulad ng basag
na salamin. Upang maging malinis ang pagkain, kinakailangan nitong mabili
nang malinis at hindi panis o bulok. Kinakailangang inihanda rin ang mga ito sa
malinis na pamamaraan. (VanEgmond-Pannell, 1990).
Ayon sa aklat na pinamagatang, Food Hygiene (Marwaha, 2007), ang kalakalan
ng mga pagkain at pakikihalubilo sa ibang mga bansa ay patuloy na umuunlad
habang lumilipas ang panahon, at nagdadala ng hindi lamang pang-ekonomiko
ngunit pati pang-sosyal na mga benepisyo. Kung gayon, ang epektibong kontrol
sa kalinisan ng pagkain ay mahalaga upang maiwasan ang masamang epekto
sa kalusugan ng tao at mga ekonomikong dulot ng “foodborne illness, foodborne
injury and food spoilage.” Lahat, hindi lamang mga taong may kinalaman sa
produksyon at distribusyon ng pagkain, ngunit pati ang mg konsyumer ay may
responsibildad na siguraduhing ligtas at maaring konsyumin ang mga pagkaing
ito. Ang kaligtasan ng pagkain o “food safety” ay nangangahulugang hindi
lamang kalinisan ng pagkain, ngunit kasama rin ang lahat ng gawaing may
kinalaman sa proteksyon ng pagkain mula sa kontaminasyon, pag-iwas sa
pagdami ng mikrobyo sa pagkain na umabot sa lebel na maaring magdulot ng
pagkalason, at pagpatay sa mga mikrobyo sa pagkain sa pamamagitan ng
pagluto at iba pang mga proseso.
Nangangailangan ng sapat na kaalaman patungkol sa epektibong “safe food
handling practices” lalo na sa mga taong may kinalaman sa pagproseso,
pagimbak, distribusyon, at pagbenta ng mga pagkain. Lahat ng mga taong may
12
kinalaman sa “food handling” ay mahalagang makatanggap ng sapat na
edukasyon at pagsasanay patungkol sa kaligtasan ng pagkain, na
makasisigurong alam nila ang mga masamang dulot ng mababang kalidad ng
“food handling,” at may sapat silang kaalaman upang mawasak ang di-
maiwasang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari na magdudulot sa
pagkalason. (Marwaha, 2007).
Ayon sa aklat na pinamagatang Food Service and Bartending (Roldan & Edica,
2008), ang pagkakaroon ng kaso sa “food borne diseases” ay sadyang
nakakapekto sa imahe ng isang kainan. Ang pagkakaroon ng isang kaso lamang
ay sadyang makakaapekto at pwedeng maging dahilan ito sa mga konsyumer
upang hindi na bumalik sa kainan na iyon. Ang isang empleyado ng kainan na
hindi marunong mangalaga sa kalinisan ng pagkain at katawan ay pwedeng
maging instrumento sa paglipat ng kontaminasypn at “food borne diseases”.
Kung kaya’t nararapat lamang na ang mga taong may kinalaman sa “food
handling” ay mahalaga at nararapat na makatanggap ng sapat na edukasyon at
pagsasanay tungkol sa kaligtasan at kalinisan ng pagkain. Dahil ang isang “food
handler” ay pwede maging tulay sa kontaminasyon, nararapat lamang na sundin
nito ang mga rules ng tamang kalinisan sa katawan. Nararapat na siya’y maging
libre sa kahit anong mikrobyo, nararapat na siya’y malinis alinsunod sa
“grooming standards” habang ito ay nagtatrabaho.
Mahalaga ang kalinisan para sa ligtas na serbisyo ng pagkain, upang maiwasan
ng mga mamimili ang mga insidenteng tulad ng food poisoning, impeksyon,
diarrhea, gastrointestinal diseases, at iba pang mga sakit; mga gawaing
pangkalinisang mahalagang ipatupad sa trabaho; mga sakit, klasipikasyon nito at
mga paraan upang maiwasan ang mga ito; mga istandard na dapat panatilihin,
upang mabawasan ang posibilidad ng pagkalason; tamang pagtago ng mga
pagkain; pag-iwas sa kontaminasyon ng pagkain; mga sakit; at mga dapat
alalahanin upang maiwasan ang mga masasamang epektong mga ito.
(Villanueva, 2010).
Ayon sa aklat na pinamagatang “Introduction to the Hospitality Industry“,
(Barrows & Powers, 2009) isa ang pagtatapon ng basura sa mga malalaking
problema na kinakaharap ng ating lipunan kaya naman pinagtutuunan na itong
mabuti ng pansin ng mga tao. Isa sa paraan para matapon ang basura ng maigi
ay ang pagkakaroon ng “sanitary landfill” kung saan meron itong “groundwater
monitoring system” na nagtse-tsek kung nako-kontamina ba ang tubig sa ilalim
nito at “methane collection system” na nagbabawas sa amoy na inilalabas ng
mga basura. Ang pagkakaroon ng isang “sanitary landfill” ay mahal kaya naman
sinabi sa aklat na ito ang iba pang paraan tulad ng pag “reduce”, ”reuse”,
“recycle”, ”composting”, at “incineration”. Reduce ay ang pagbabawas ng basura
sa pamamagitan ng paggamit ng mas maliit na “packaging material”. Reuse ay
ang paggamit ng mga materyal na pwedeng magamit ulit tulad ng plastik na
gamit sa kainan sa halip na mga styrofoam. Recycle ang pag bubukod sa mga
basura. Composting ay ang pagkokolekta ng mga tira na pagkain at pagsama
nito sa mga dahon at iba pang “bulking agent” na nagpapalipat-lipat sa hangin
para ito ay mabulok at magamit upang maging mas mainam ang lupa sa
paghahalaman. Ang incinerating naman ay ang pagsusunog ng basura ngunit ito
ay nakasasama sa ating kapaligiran dahil ito ay nagdadagdag sa “greenhouse
effect” kung saan umiinit pa lalo ang ating mundo.
Ang foodservice, ayon kay VanEgmond-Pannell (1990), pang paaralan ay
pinapalakad dapat sa walang salit na batayang pang pinansyal. Hindi maaaring
maging hit-or-miss na sitwasyon.
DISENYO NG PANANALIKSIK
Ang pag-aaral na ito ay isinasagawa ayon sa disenyo ng pamamaraang
deskriptib-analitik na pananaliksik. Tinangkang ilarawan at suriin sa pag-aaral na
ito ang mga pananaw, at dahilan ng mga respondente, sa pamamagitan ng isang
sarbey.
TRITMENT NG MGA DATOS
Dahil ang pamanahong-papel na ito ay isang panimulang pag-aaral
lamang at hindi naman isang pangangailangan sa pagtatamo ng digri tulad ng
tisis at disertasyon, walang ginawang pagtatangka upang masuri ang mga datos
sa pag-aaral na ito sa pamamagitan ng mataas at kompleks na istatistikal na
pamamaraan. Bilang o dami lamang ng mga pumili sa bawat pagpipilian ng
bawat aytem ng kwestyoneyr ang inalam ng mga mananaliksik. Samakatuwid,
ang pagta-tally at pagkuha ng porsyento lamang ang kinakailangan gawin ng
mga mananaliksik.
LAGOM
Ang pananaliksik na ito ay isang pagtatangkang malaman ang pananaw ng mga
estudyante at mga gurong nasa Marikina Polytechnic College hinggil sa mga salik na
nakakaapekto sa dami ng mga kumakain sa isang restaurant, na mahahanap sa ibat
ibang parte ng pilipinas.
KONKLUSYON
Batay sa mga inilahad na datos, ang mga mananaliksik ay humantong sa mga
sumusunod na kongklusyon:
a) Karamihan sa mga mag-aaral at fakulti mula sa iba’t ibang kolehiyo ay kumakain
sa isang restaurant sa kadahilanang higit itong malapit kumpara sa ibang kainan
at dulot ng kakulangan ng oras sa kanilang iskedyul.
b) Ang pangunahing disabentahe ng pagkain sa restaurant ay dulot ng mataas na
presyo ng mga bilihin kung kaya’t kanilang nasabing hindi nakabubusog ang mga
pagkain rito.
c) Karamihan ng mga mag-aaral at fakulti na kumakain sa Med Cafe ay kuntento sa
serbisyong ibinibigay ng mga tauhan rito at kung hindi man ay hindi na nila
pinapansin ito.
d) Malaking bahagi ng populasyon ng kumakain sa Med Cafe ay sumasang-ayon
na higit silang makatitipid kung sa ibang kainan sila kakain at hindi sa Med Cafe.
REKOMENDASYON
Kaugnay sa kongklusyong nabanggit, buong-pagpapakumbabang
inirerekomenda ng mga mananaliksik ang mga sumusunod:
a) Para sa taga-pangasiwa ng isang restaurant:
Malaking kaginhawaan ang madudulot sa mga kumakain sa isang
restaurant kung magkakaroon ng pagbababa ng presyo sa pagkain. Sa
kaunting pagbababa ng presyo, malaking porsyento ang madadagdag sa
magnanais na kumain dito kaya’t ang mababawas na kita sa pagbababa
ng presyo ay maibabalik muli dahil sa higit na madadagdag na mga
kakain dito. Hindi nalalayo sa pagbababa ng presyo ang mabuting
maidudulot ng pagkakaroon ng pagdami sa mapagpipiliang mas
masasarap at mas malalasang pagkain. Maaaring kumalap na lamang ng
mga putaheng gagamit ng sangkap na mas mura ngunit masarap pa rin,
upang hindi magkaroon ng pagkalugi.
Isa pa rin ang pagiging mas malinis ang mga konsesyoner sa
paghahanda ng pagkain sa patuloy na paggamit ng gwantes, ang pag-
iwas sa pagpupunas ng pawis habang naghahain ng pagkain at ang
pagtaguyod sa paggamit ng alcohol o iba pang disinfectants upang
mapanatili ang kalinisan ng lugar.
Dapat maging mas maalaga ang mga empleyado ng isang
establisyemento. Dapat ay isaalang-alang ng isang responsableng
empleyadong mga pangangailangan ng kanilang kustomer, at nang ito ay
mabigyan ng sapat na atensyon sa kanyang nais bilhin.
Higit ding makakatulong sa paghikayat ng mga kakain ang pagkakaroon
ng “suggestion box” para sa pag-alam ng mga nais na kumakain.
b) Para sa mga kustomer ng restaurant
Iparating ang mga saloobin, suhestyon at komento sa isang restaurant
upang malaman ng mga nangangasiwa kung ano ang ninanais. Ang
pagkakaroon ng mabuting pakikitungo ay magdadala ng magandang
ugnayan sa pagitan ng mga mamimili at ng mga tauhan ng isang
restaurant na makapagbibigay din sa kanila ng kaganahang magbigay ng
maayos na serbisyo.
c) Para sa iba pang mananaliksik:
Ipagpatuloy o palawakin pa ang pag-aaral na ito tungo sa pagtuklas ng marami at
higit pang relevant na mga datos o impormasyong maaaring makatulong sa
pagpapalawak ng kaalaman hinggil sa mga establisyementong tulad ng ibat ibang
restaurant.