Click here to load reader
Upload
ian-ilagan
View
21.028
Download
56
Embed Size (px)
Citation preview
Tatlong Tula Sa Hibik ng
PilipinasBy:Ian IlaganKirby MijaresJonric Mirando
Hibik ng Pilipinas Hibik – daing, “appeal” Mga tulang nagpapahayag ng poot at
pagbabanta ng Pilipinas sa mananakop nitong Espanya
Nagpapahayag din ng madaming di-makatarungang mga pangyayari at pagtrato ng mga Espanyol sa mga Pilipino
Malaking tensyon ang namumuo sa mga Pilipino at mga Espanyol lalo na sa mga pari
Mga pangyayari tulad ng: paggarote kina Padre Gomez, Padre Burgos at Padre
Zamora Pag-aalsa ng iba’t-ibang lalawigan; isa na ang Cavite Mataas na buwis Opresyon sa mga Pilipino
Naging aktibo ang KKK at mga Ilustrado
Tatlong tulang tungkol sa “hibik” ng pilipinas sa mananakop nitong Espanya Hibik ng Inang Filipinas sa Inang Espanya
ni Hermenegildo Flores Sagot ng Espanya sa Hibik ng Filipinas ni
Marcelo H. del Pilar Katapusang Hibik ng Filipinas ni Andres
Bonifacio
Hibik ng Inang Pilipinas sa Inang Espanya ni Herminigildo Flores
Inang mapag-ampon, Espanyang marilag,nasaan ang iyong pagtingin sa anak?akong iyong bunsong abang Pilipinastingni't sa dalita’y di na makaiwas.
Ang mga anak kong sa iyo’y gumigiliw,sa pagmamalasakit ng dahil sa akin;ngayo’y inuusig at di pagitawinng mga prayleng kaaway mong lihim.
Sa bawat nasa mong kagaling-galingan,ayaw ng prayleng ako’y makinabang,sa mga anak ko’y ang ibig lamangisip ay bulagin, ang bibig ay takpan.
Nang di maisigaw ang santong matuwidna laban sa madla nilang ninanaispalibhasa'y wala silang iniisipkundi ang yumaman at magdaya ng dibdib.
Sa pagpapalago ng kanilang yamanbendita't bendisyon lamang ang puhunan,induluhensiya't iba't ibang bahayng mga sagrado naman ang kalakal.
Sapagkat anumang bilhin sa kanila,kaya namamahal, dahil sa bendita,kahit anong gawin pag may halong kantaay higit sa pagod ang hininging upa.
Ibig ng simbaha't kumbentong marikitorgano't kampana aranyang nagsabit;damasko't iba pa, datapwa't pawisng bayan kukunin, mahirap mang kahit.
Ani sa asyenda't kita sa simbahansa minsang mapasok sa mga sisidlanng mga kumbento'y di na malilitawkaya naghihirap, balang masakupan.
Ang dulo'y marami sa mga anak koang di makabayad sa mga impuwestosa gayong katataas ng mga rekargopagka't kailangan naman ng estado.
Sa bagay na iyan, ang mga mahirapna walang pagkunan ng dapat ibayad,sa takot sa Sibil, aalis ngang agad,iiwan ang baya't tutunguhi'y gubat.
Dito pipigain naman ang maiiwan,na di makalayo sa loob ng bayan,siyang pipiliting magbayad ng utangkahima't wala ng sukat na pagkunan.
Maghanapbuhay ma'y anong makikitawala nang salapi, ibayad ang ibapagkat naubos nang hititin ng kurasa pamamagitan ng piyesta't iba pa.
Sa limit ng mga piyesta't mga kasayahanay walang ginhawang napala ang bayankundi ang maubos ang pinagsikapangsa buhay ng tao'y lalong kailangan.
Ang kapalaluang paggugol ng pilaknang dahil sa pyesta ay di nag-aakyatsa langit, kundi ang santong pagliyagng puso ang siya lamang hinahanap.
Niyong ang ating Amang hindi madadayasa inam ng pyesta at lagi ang ganda,sapagkat ang ating gawang masasamaay di mangyayaring bayaran ng tuwa.
Ibigin ang Diyos nang higit sa lahatat ito ang siyang lalong nararapatngunit ang prayle'y walang hinahangadkungdi magpalalo't ang baya'y maghirap.
Ang pangako nila sa mga anak koay magbigay lamang sa mga kumbentong kuwalta'y sa langit naman patutungoat ligtas sa madlang panganib sa mundo.
Saka sasabihing ang kanilang aralay utos ni Kristong dapat na igalangbago hindi'y gayo't kauna-unahanglumalabag sila sa Poong Maykapal.
Ang mga anak ko'y turuan nga lamangng bala-balaking dapat matutuhankahima't maubos ang lahat ng yamankikilanlin ko pang darakilang utang.
Dapwa'y sa akin daya at pag-apiang siyang nakayang pawang iginanti,kaya hanggang ngayon sa ikabubuting kalagayan ko'y wala pang masabi.
Gayunmay'y ako pa ang siyang masamakung aking idaing yaring pagkaaba,sarisaring dusa nama'y nagbabalasa balang dumamay sa aking pagluha.
Yamang may hustisyang hindi humihibikkung dili sa balang ayon sa matuwidsa di natutulog na awa ng langitipauubaya yaring pagkaamis.
Ngunit hindi kaya ngatngatin ng pulang ibang potensya sa balat ng lupaang kamahalan mo kung mapag-unawangsa anak ay inang tunay ang dumusta?
Hanggang dito ina't ang bahala'y ikawdangal mo'y tanghalin ng sansinukubanang pagkakasundo ng lahat mong kawalay lumagi nawa sa kapayapaan.
Analisis Sinasabi dito ang mga pag-api at pagsasawalang
bahala sa mga Pilipino Marami ding reklamo ukol sa mga prayle na
sinasabing nagpapapiyesta, naniningil sa para daw sa “simbahan”, etc.
Maraming pagmamalabis at pag-aabuso ng mga kura’t prayle at mga ibang namumuno sa mga tao
Tila ipinaaalam sa Espanya ang mga pag-abusong ginagawa ng mga ipinadalang tao sa Pilipinas
Herminigildo Flores Isang “local hero” ng mga Tagalog Kabilang sa KKK Isang matapang na katipunero at isa
ding magiting na manunulat
Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas ni Marcelo H. del Pilar
Analisis Paglalahad ng mga pangakong
binitawan o ang mga magagandang pangarap ng Espanya sa Pilipinas
Subalit ang mga Espanyol sa kolonya (Pilipinas) ay binibigo ang mga ito
Marcelo H. del Pilar Isa sa mga Ilustrado Patnugot ng pahayagang La Solidaridad Madami nang naisulat na madalas ay
kritisismo sa mga prayle at mga mapagmalabis na mga pinuno
Katapusang Hibik Ng Pilipinasni Andres Bonifacio
Sumikat na, Ina sa sinisilangan Ang araw ng poot ng Katagalugan, Tatlong daang taong aming iningatan sa dagat ng dusa ng karalitaan.
Walang isinuway kaming iyong anak sa bagyong masasal ng dalita't hirap, Iisa ang puso nitong Pilipinas at ikaw ay di na Ina naming lahat.
Sa kapuwa Ina'y wala kang kaparis Ang layaw ng anak: dalita't pasakit; pag nagpatirapang sa iyo'y humibik, lunas na gamot mo ay kasakit-sakit.
Gapusing mahigpit ang mga Tagalog; hinain sa sikad, kulata at suntok makinahi't ibiting parang isang hayop ito baga, Ina, ang iyong pag-irog?
Ipabilanggo mo't sa dagat itaponbarilin, lasunin, nang kami'y malipol. sa aming Tagalog, ito baga'y hatol Inang mahabagin, sa lahat ng kampon.
Aming tinitiis hanggang sa mamatay bangkay nang mistula'y ayaw pang tigilan, kaya kung ihulog sa mga libingan, linsad na ang buto't lumuray ang laman.
Wala nang namamana itong Pilipinas na layaw sa Ina kundi pawang hiraptiis ay pasulong, patente'y nagkalatrecargo't impuwesto'y nagsala-salabat.
Sari-saring silo sa ami'y inisipkasabay ng utos na tutuparing pilitmay sa alumbrado bayad kami'y tikis kahit isang ilaw ay walang masilip.
Ang lupa at buhay na tinatahanan bukid at tubigang kalawak-lawakan at gayon din pati ng mga halamanan sa paring Kastila ay binubuwisan.
Bukod pa sa rito'y ang iba't-iba pahuwag nang saysayin, O Inang Espanya sunod kaming lahat hanggang may hininga Tagalog di'y siyang minamasama pa.
Ikaw nga, O Inang pabaya't sukabankami'y di na iyo saan man humanggan ihanda mo, Ina, ang paglilibingan sa mawawakawak na maraming bangkay.
Sa sangmaliwanag ngayon ay sasabog ang barila't kanyong katulad ay kulog ang sigwang masasal sa dugong aagos ng kanilang bala na magpapamook.
Di na kailangan sa Espanya ang awa ng mga Tagalog, O Inang kuhila paraiso namin ang kami't mapuksa langit mo naman kung kami'y madusta.
Paalam na Ina, itong Pilipinas, paalam na Ina, itong nasa hirap, paalam, paalam, Inang walang habag, paalam na ngayon, katapusang tawag.
Analisis Pinapakita dito na pagkatapos ng 300 taon ay sa
wakas di na natiis ng Pilipinas ang mga pagpapahirap ng Inang Espanya
Naghuhudyat din ng galit at poot dahil sa lahat ng mga kapabayaan ng Inang Espanya
Ito’y magpapaalab ng damdamin ng mga Pilipino para sa kanilang bayan
Naghuhudyat ng pagsiklab ng isang rebolusyon
Di pa daw tapos ang tulang iyon ni Andres kaya’t sa Hibik ng Pilipinas (1932) ni Leandro A. Diazon kaya’t sa isang bersyon nito ay may idinagdag na pambungad:
Kung tawagin ako’y Perlas ng dagat ng Silanganan,ngunit ako’y parang ibong nakapiit sa kulungan;kung sabihin ay sagana sa lahat ng kailangannguni’t salat sa paglayang pangarap ko habang araw;ang lupain ko’y malawak, sagana sa kayamanan,nguni’t ako’y suno lamang sa sarili kong tahanan.
Andres Bonifacio Isa sa mga pinuno ng Katipunan Ilan sa sinulat “Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog” Ang kanyang “Katapusang Hibik ng
Pilipinas” ay epektibong nagpagising ng damdamin sa maraming Pilipino
Inisulat ito ni Andres nang tapat sa kanyang damdaming tulad ng damdamin ng mga karaniwang Pilipinong tulad niya
Kabuuan Hibik ng Pilipinas sa Espanya
pinahayag ang mga abuso sa loob ng bansa Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas
Inilahad ang mga dapat pangako ng Espanya
Katapusang Hibik ng Pilipinas Pinapakita naman dito ang pagkaubos ng
pasensya ng Pilipinas at ang pag-aalab ng damdamin nito para sa kalayaan