10
Eloisa Lyn C. Cristobal BSEd-3 rd Year FILIPINO: Kaligirang Pangkasaysayan ng Maikling Kwento Umunlad ang maikling kuwento noong panahon ng Amerikano. Nagkaroon ito ng sariling pitak sa mga pahayagang Muling Pagsilang at sa dahong Tagalog ng El Renacimiento. Ang ilan sa mga nakilalang kuwento sa panahong ito ay: 1. Dagli - tinatawag sa Ingles na sketches. Ito ay naglalahad. Ng mga sitwasyong may mga tauhang nasasangkot ngunit walang aksyong umuunlad at pawing mga paglalarawan lamang. Ito ay tahasang nangangaral at nanunuligsa. 2. Pasingaw - nag-aanyo ring maikling kuwento ngunit hindi rin ganap ang banghay. Ito ay naglalayong maihandog ang katha sa babaeng pinaparaluman o siyang inspirasyon ng manunulat. Ang pangalan ng may-akda ay hindi inililimbag dahil karaniwan na na ito ay may asawa. Ito ay naglalayong mangaral ng diretsahan. 3. Kuwentong bitbit (salaysay) – dito nag-ugat ang Maikling kwento - maiikling salaysay na pumapaksa sa mga anito, lamanlupa, malikmata, multo at iba pang mga bunga ng guniguning di kapanipaniwala. 4. Kuwentong Komersyal (pangaral)– sumulpot sa paglaganap ng Liwayway. Ito ay pinagugatan ng maikling katha. 5. Kakana (kasaysayang pampatawa) – - naglalaman ng mga alamat at engkanto - panlibang sa mga bata

Umunlad Ang Maikling Kuwento Noong Panahon Ng Amerikano

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Umunlad Ang Maikling Kuwento Noong Panahon Ng Amerikano

Eloisa Lyn C. Cristobal

BSEd-3rd Year

FILIPINO: Kaligirang Pangkasaysayan ng Maikling Kwento

Umunlad ang maikling kuwento noong panahon ng Amerikano. Nagkaroon ito ng sariling pitak sa mga pahayagang Muling Pagsilang at sa dahong Tagalog ng El Renacimiento. Ang ilan sa mga nakilalang kuwento sa panahong ito ay: 

1. Dagli - tinatawag sa Ingles na sketches. Ito ay naglalahad. Ng mga sitwasyong may mga tauhang nasasangkot ngunit walang aksyong umuunlad at pawing mga paglalarawan lamang. Ito ay tahasang nangangaral at nanunuligsa. 

2. Pasingaw - nag-aanyo ring maikling kuwento ngunit hindi rin ganap ang banghay. Ito ay naglalayong maihandog ang katha sa babaeng pinaparaluman o siyang inspirasyon ng manunulat. Ang pangalan ng may-akda ay hindi inililimbag dahil karaniwan na na ito ay may asawa. Ito ay naglalayong mangaral ng diretsahan. 

3. Kuwentong bitbit (salaysay) – dito nag-ugat ang Maikling kwento- maiikling salaysay na pumapaksa sa mga anito, lamanlupa, malikmata, multo at iba pang mga bunga ng guniguning di kapanipaniwala.

4. Kuwentong Komersyal (pangaral)– sumulpot sa paglaganap ng Liwayway. Ito ay pinagugatan ng maikling katha.

5. Kakana (kasaysayang pampatawa) –- naglalaman ng mga alamat at engkanto- panlibang sa mga bata

Deogracias A. Rosario - tinaguriang "Ama ng Maikling Kuwento". 

MGA URI NG MAIKLING KUWENTO 

1. SALAYSAY - ang uring ito'y walang katangiang nangingibabaw, timbang na timbang ang mga bahagi, hindi nagmamalabis bagamat masaklaw maluwag ang pagsasalaysay at hindi apurahan. 

2. KUWENTO NG KABABALAGHAN - binibigyang kasiyahan sa kuwentong ito ang ating pananabik sa mga bagay na kataka- taka at salungat sa wastong bait at kaisipan. Karaniwang lildra lamang ng mayamang guniggni ng may-akda. 

3. KUWENTO NG KATUTUBONG KULAY - binibigyang-diin ang kapaligiran ng isang pook. Ang tagpuan ang higit na binibigyang-pansin. Inilalarawnn ang mga tao sa isang pook, 

Page 2: Umunlad Ang Maikling Kuwento Noong Panahon Ng Amerikano

ang kanilang pamumuhay at hanapbuhay, mga gawi, mga kaugalian at rnga paniniwala. 

4. KUWENTO NG KATATAWANAN - may kabagalan at ilang paglihis sa balangkas ang galaw ng mga pangyayari. 

5. KUWENTO NG TAUHAN - nagbibigay-rliin sa mga tauhan. 

6. KUWENTO NG KATATAKUTAN - Ang damdamin, sa halip na ang mga kilos ang binibigyang-diin. Pinupukaw ang damdamin ng mambabasa at ang mahalaga ay ang bisa at kaisahan. 

7. KUWENTO NG PAKIKIPAGSAPALARAN - ang kawilihan ay nasa balangkas sa halip na sa mga tauhan ng kuwento. Ang kawilihan ay nababatay sa mga pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan sa kuwento. 

8. KUWENTO NG MADULANG PANGYAYARI - kapansin- pansin ang pangyayari sa ganitong uri ng kuwento. Ang pangyayari'y lubhang mahalaga at nagbubunga ng isang bigla at kakaibang pagbabago sa kapalaran ng mga tauhan sa kuwento. 

9. KUWENTO NG TALINO - ang may-akda ay lumililkha ng masuliraning kalagayan sa simula upang mag-alinlangan ang mambabasa hanggang sa sumapit ang takdang oras ng paglalahad. Ang umaakit sa mambabasa uring ito ng kuwento ay ang pagkakabuo ng balangkas sa halip na ang rnga tauhang gumaganap. 

10. KUWENTONG SIKOLOHIKO - inilalarawan ang mga tauhan sa isipan ng mambabasa. Ang suliranin ng may-akda ay maipadarama sa mambabasa, ang damdamin ng isang tao sa harap ng isang pangyayari. 

FILIPINO: Kaligirang Pangkasaysayan ng Maikling Kwento

KALIGIRANG PANGKASAYSAYSAN NG MAIKLING KUWENTOKuwentong bitbit (salaysay) – dito nag-ugat ang Maikling kwento- maiikling salaysay na pumapaksa sa mga anito, lamanlupa, malikmata, multo at iba pang mga bunga ng guniguning di kapanipaniwala.

Kakana (kasaysayang pampatawa) – sumulpot pagdating ng Espanyol- naglalaman ng mga alamat at engkanto- panlibang sa mga bata

Pasingaw         Ang kapatid ng bayan – Pascual Poblete         Ang kaliwanagan – Lope K. Santos

Dagli – binahiran ng pangangarap, panunuligsa at pagpapasaring. Nagpapahayag ito ng pagmimithi ng Pilipino ng kalayaan

         Elias – Rosauro almario - nanalo sa patimpalak- lumabas sa pahayagang “ang mithi”Sumilang ang Liwayway at ang dagli ay naging kwento.

Page 3: Umunlad Ang Maikling Kuwento Noong Panahon Ng Amerikano

         Clodualdo del Mundo- nagsimulang mamina ng kwento sa kanyang Parolang Ginto

         Alejandro Abadilla - Talaang Bughaw

         Deogracias Rosario - ama ng maikling kwentong Tagalog

Kuwentong Komersyal (pangaral)– sumulpot sa paglaganap ng Liwayway. Ito ay pinagugatan ng maikling katha.

         Ang Pinakamabuting Maikling Kathang Pilipino – koleksyon ng mabubuting kwento         G. Agoncillo – nagsabing taglay ng mga yon ang:1.       Katimpian sa pagtalakay ng paksa2.       Pamamayani ng panloob na pangyayaring madula3.       Kawalan ng banghay ng mga kwento4.       Pagpaksa sa mga bagay o pangyayaring winalang-kabuluhan ng lumang paaralan5.       Pagtatangkang magkaroon ng iba’t ibang paraan ng pagsasalaysay6.       Kalawakan ng panigin ng mga manunulat ngunit kawalan ng kabatiran sa mabibisang damdamin at

kaisipan7.       Magandang kapayakan ng mga pangungusap na hindi mabulaklak at hindi umuulit sa pananalitang

hapo na sa madalas ng pagkakagamit8.       Di maiwaiwasang paghanay ng mga pangungusap ng himig-Ingles

         Mga Kwentong Ginto- Alejandro Abadilla at Clodualdo del Mundo- naglalaman ng mabubuting kwento

         50 Kuwentong Ginto ng 50 Batikang Kuwentista- sumunod sa Mga Kwentong Ginto

         Mga Piling Katha- G. G. Abadilla

Page 4: Umunlad Ang Maikling Kuwento Noong Panahon Ng Amerikano
Page 5: Umunlad Ang Maikling Kuwento Noong Panahon Ng Amerikano

SYEYRINGni Jun Cruz Reyes

Malulungkot ba ka mo, Ka Vergelang buhay kapag malayo ang iniwanan?Ang maputol sa pusod na nag-uugnay sa inunan?Siguro Ka Vergel, ako’y nakalutang,sa hangi’y walang salay na matanaw

Page 6: Umunlad Ang Maikling Kuwento Noong Panahon Ng Amerikano

may pakpak ako ngunit walang uuwianang iniwa’y alaalaang kasama’y aninong hindi maiwalay.

Iba kita ng kagubatanbumabaha ng tao, umaagos kaliwat-kananwalang tigil, walang direksiyonang walang mukhang dagat ng mga mukha,iyon ang aking pinanggalingan.

Gusali ang aking mga puno’t kuwebanakakalat, nakahilera, ngunit kulangsa maraming ibong ligawAng mga maya ko’y inihuhuning mga tambutso ng bus at jeepneyng mga makina sa pabrikang mga sipol at silbato ng sirena

Kung minsan’y parang ibong tinirador,may dugo ang musikang pumuputolng kamay at paa, ng buhayng mga ibong naghahanap ng matutuka.Sa mga pabrika, may dugo sa pingganng pamilyang naiwan,may dugo ang musika ng mga pinaslangpinapaslang at nabubuhaysa paghahanap ng ikabubuhay.

Malungkot Ka Vergel maging saksisa mga di inabot ng katas ng hiningasa mga ampunan, ospital at kulunganmaging sa mga lansangan at loob ng bahay.May mga nagdarahop,may nagdarahop sa bitukamay nagdarahop sa kaisipan,at sa dulo’y may libingang naghihintay.

May rangya pa rin sa paligidsa mga kuweba ng mga santo, santito at santa.Narinig mo na ba ang alamatng tatlong libong sapatosna iniwan ng isang alupihan? Ang asawa nito’y si kamatayanna may buto at lamangtumatakot pa rin hanggang sa kasalukuyan.Ang halakhak nila’y tumataginting,mas malakas sa lindol at bagyoparang delubyong walang sini-sino.Masisira ang masisira

Page 7: Umunlad Ang Maikling Kuwento Noong Panahon Ng Amerikano

kapag pita’y sinagkaan.Silang mababangis ay may kamandag ang isipat may pangil sa dila,bawat galaw nila’y nagbabadya ng pinsala.Tumakas na nga ang kampon ng kadilimanang naiwa’y mga galamay at aninoat buo pa rin ang puwersang kanyang putting anito.

Wala, wala Ka Vergel, walang punodi damong silungan o kublihansa aspaltado kong gubatnagkalat ang karahasanwala kang pagtataguan di dadapuanna hindi ka magugurlisan.Hindi batas ng kalikasaniyon ay tradisyong kinagisnaniyon daw ang dikreto ng kaayusankaya dapat ipatupad at igalang.Kay hirap intindihin ng mga modernong milagro,ang mga tao’y naging hayup at insekto;mga palakang kokak na nagsasatinigsa boses ng malalakas,mga buwayang puti at kulay kapenag-aaway-nagtatalosubalit parating magkakampi sa huli.Mayroon ding gagambang-bahay, gagambang-parimay bulik, maputla at maputipero iisa ang kanilang katangianang sapot ay sa maliit ang butas ay sa malakiat patay ang mahuli.Mayroon ding nagsa ipis, langaw, daga, lamok.Sila ang mga taong bawalsilang hindi mahalaga sa iniskrinang lipunan.

Hindi linta Ka Vergel ang tawagsa mga taong sumisipsip sa dugo ng maliliithindi rin bampirang kamag-anak ni Dracula.Takot sila sa liwanag na pulaang kadiliman ng gawa, o ng isip at mataang kadahilanan ng pagsasamantala.Hindi subay o niknik lamangang mahilig mangagatmay mga taong-asong simbangis ng amo, turuan silang kumain ng kapuwa tao.

Tutoo rin Ka Vergel ang mga balita,may mga naglalakad na naligaw

Page 8: Umunlad Ang Maikling Kuwento Noong Panahon Ng Amerikano

may natutulog na binangungotmay nagising sa singasing ng balamay natauhan sa torturemay nadapa, may napahilatamay tumakas, may nakaligtasang huli, sabi mo’y mga kasamahan na nita.

Malungkot Ka Vergel ang mabuhaysa bayang inaari ng iba,kami man sa aming gubat ay may tinigumaalingawngaw ding tulad ng bala.Sa aming pagtutol kung minsa’y may nasasalantakung minsa’y sa puso tumitimo ang marahas na babala. Dibdib lamang ang nawiwindangkatawan ang hahandusayngunit ang diwa’y hindi mapapaslang

Nalulungkot ako Ka Vergel,kapag naiisip na ang pagtigil ko’ypanandalian lamangnahihiya akong pagtutol lamang ang alamsamantalang kayo’y bumubuhay nasa tinaguriang mundong bawal.Ako, kami Ka Vergel, kapatid mo rinsa malaot-madali’y makakasama.Turuan mo akong lumimot ng lungkothindi kita magkukuwento tungkol sa pantasyahindi rin kita magsasayaw ni kakanta.Pahiramin mo ako ng iyong laruanumpisahan natin sa pagkakalas at paglilinisnang paglalagay ng bala at pagpuntiryaisabay natin sa pagbabaklas at paglilinissa buhay kong binurgis.

Katayuan ng maikling kwento

Kakaibang mga hamon ang ibinunga ng kalakarang panlipunan nang si Deogracias A. Rosario (o

DAR) ay pumagitna sa daigdig ng panulatan. Bagamat halos dalawang dekada pa lamang ang

dispensasyong kolonyal ng Amerika (nang malathala ang mga unang akda ni DAR) mahihinuhang

makapangyarihan ang bisa ng kulturang iniluwal ng bagong sistemang panlipunan, sampu ng

kanyang iba't ibang mga institusyon, na naglayong muling isaayos ang pambansang kabuhayan at

kalakaran. Isinapaw ang mga ito sa kaayusang matagal nang nailatag ng nagaping mga

mananakop na Kastila; at ang pinakapusod ng ganitong mabilis na pagbabago ay ang

Kamaynilaan.

Dagdag sa realidad na ipininta ni Dar sa kanyang mga kuwento, hayaang gamiting reperensiya ang

mga peryodiko't lingguhang lathalain, kagaya ng Buntot Pagi ,Photonews at Liwayway bilang

tulong sa paglalarawang-isip at muling pagbibihag sa kalakarang panlipunan ng naturang panahon

Page 9: Umunlad Ang Maikling Kuwento Noong Panahon Ng Amerikano

Maituturing na ang sensibilidad na nagluwal sa mga maikling kuwento ni Deogracias A. Rosario ay

supling na ng bagong panahon. Ngunit ang kaligirang pinagmumulan ng buhay ng naturang

sensibilidad ay napapagitna sa dialektika ng pag-usbong ng bagong kultura at paglaho ng luma,

ang mabilis na pag-aangkop ng kalakarang panlipunan at ang mabagal na pagtugon ng kamulatan

sa tinakdang modernisasyon. Sa larangan ng panulatan, mahihinuhang ang makalumang poetika

ay masugid na naglalagay ng mga hadlang sa pamumukadkad ng modernong estetika.

Mistulang Bernardo Carpiong namamagitan sa dalawang nag-uumpugang pader na napapagitna

ang sining ni Deogracias A. Rosario sa matinding tensyong ito. At ang ganitong maselang

kalagayan marahil ang ibig tukuyin ni Gng. Matute nang sabihing si Deogracias A. Rosario ay

"napagitan o transisyon sa panahon ng mga manunulat na hayagang nagpalitaw ng kani-kanilang

moraleha sa kanilang mga akda at sa panahon ng 'sakdalista't aristokratang Samahan ng

Panitikan' na lantarang naghimagsik sa mga paksa at pamamaraan ng mga matatanda."

[Genoveva Edroza-Matute: "Deogracias A. Rosario, Ama ng Maikling Kathang Tagalog," The Urian

Lectures III ng Philippine Studies , tomo 19, blg. 2, Abril 1971, pah. 341-372]. Sa ganitong pekulyar

na konteksto maaaring pahalagahan ang mga maikling kuwento ni Deogracias A. Rosario. Mula sa

kanilang masinop na kontekstuwalisasyon, hanggang sa pagpapagalaw ng proseso ng buhay

panlipunan, waring mapapansin, kagaya ng ipinamalas ng mga gumaganap na tauhan, na

nagpupumiglas na makawala ang panitikang ito sa nakasasakal na higpit ng kapit ng lumang

kumbensyong moral at sosyal na dominanteng kalakaran pa rin sa panulatan; samantalang

pinupuna naman nang buong kaalistuhan ang wari'y dekadente't walang iniintinding kaluwagan sa

asal ng panlipunang paligid.

Sa loob ng mahigit na dalawang dekada ng pagsusulat ay nanalaytay ang ganitong bagong

pagdulog at kadalasa'y bawal na paglalarawan ng pag-ibig sa halos isang daang maikling kuwento

ni Deogracias A. Rosario. Hindi lamang sa tema mahihinuha ang ganito, pati na sa ibang aspekto

ng naturang anyong pampanitikan. Binigyan ng bagong anino ni Deogracias A. Rosario ang sining

na wari'y kinakaladkad na lamang ang sarili para makausad sa pluma ng mga manunulat na

nagpipilit ikulong ang naturang diskurso sa mga parametro ng lumang tradisyon. Marahil, kung

Amerikano o Europeyanong manunulat si Deogracias A. Rosario, madaling ilalatag siya sa hanay ng

mga modernista