3
Afable, Sanny Boy D. III-Hydrogen V-E Day (Victory in Europe) Day (1943-1945) 1941- pinalayas ni Heneral Erwin Rommel, ang desert fox ng Germany, ang mga alyado mula Libya hanggang Egypt. Noong Mayo 1942 naman, nanalakay siya tungo sa Suez Canal . Ngunit tinalo si Heneral Rommel sa labanan ng mga Alyado sa ilalim ng pamumuno ni Heneral Bernard Montgomery, hanggang sa umurong ang pwersang Nazi sa Libya. -Nagtungo naman ang hukbong Ingles sa Morocco at Libya sa pamumuno ni Heneral Dwight Eisenhower. Tinulungan naman ng Nazi ang hukbong Vichy para lumaban sa pagsalakay ng mga Allies. Noong ika-13 ng Mayo, matapos ang maraming labanan, nagwagi ang mga Allies sa hilagang Africa. Hulyo 10, 1943 naman, sumalakay ang Allied powers sa Sicily. Sinubukang lumaban ng hukbong pasista, ngunit natalo sila. Noong Agosto 17, nagtagumpay ang ang Allied kaya nakuha ang pulo mula sa mga Italyano. 1943, natalo ang hukbong Italyano sa hilagang Africa at Sicily. Nagbunsod ito ng pagbagsak ni Mussolini. Nagtatag muli sila ng pasistang pamahalaan ngunit hindi ito sinuportahan. Hunyo 4, 1944 naman, nakuha ng Allies ang Rome. Tumakas sa burol si Benito Mussolini nang wala na siyang magawa. Nahuli parin siya ng mga gerilyang Italyano at pinatay siya kasama ang kanyang pangalawang asawa na si Clara Pettaci. Hunyo 6, 1944, bumagsak ang Germany kasunod ng Italy. Lumusob sa Normandy, France ang malalakas na hukbo ng Allies. Noong Agosto 25, napalaya ang Paris. Nagsunod-sunod naman ang tagumpay ng Allies at napalaya ang napakaraming bansa. Noong Abril 1945, gumuho ang Germany sa ilalim ng sabay sabay at sama-samang pagdurog ng mga Allies mula sa kanluran at ng mga Russians mula sa silangan. Habang nawawasak ang Berlin, naghahanda naman si Hitler sa kanyang pagpapakamatay sa isang selda sa ilalim ng lupa. Noong umaga ng Abril 30, 1945, hinirang niya si Admiral Karl Doenitz bilang kahalili, nagpakamatay si Hitler at ang asawang si Eva Braun. Noong Mayo 2, nabihag ng Russia ang Berlin. Noong Mayo, 1945 naman , sumuko ang si Doenitz sa America at Britain. Matapos ang anim na taong mapaminsalang digmaan, dumating ang V-E Day (Victory in Europe) noong Mayo 8, 1945.

WORLD WAR II.docx

Embed Size (px)

DESCRIPTION

WWII

Citation preview

Page 1: WORLD WAR II.docx

Afable, Sanny Boy D.III-Hydrogen

V-E Day (Victory in Europe) Day (1943-1945)

1941- pinalayas ni Heneral Erwin Rommel, ang desert fox ng Germany, ang mga alyado mula Libya hanggang Egypt. Noong Mayo 1942 naman, nanalakay siya tungo sa Suez Canal . Ngunit tinalo si Heneral Rommel sa labanan ng mga Alyado sa ilalim ng pamumuno ni Heneral Bernard Montgomery, hanggang sa umurong ang pwersang Nazi sa Libya.

-Nagtungo naman ang hukbong Ingles sa Morocco at Libya sa pamumuno ni Heneral Dwight Eisenhower. Tinulungan naman ng Nazi ang hukbong Vichy para lumaban sa pagsalakay ng mga Allies. Noong ika-13 ng Mayo, matapos ang maraming labanan, nagwagi ang mga Allies sa hilagang Africa.

Hulyo 10, 1943 naman, sumalakay ang Allied powers sa Sicily. Sinubukang lumaban ng hukbong pasista, ngunit natalo sila. Noong Agosto 17, nagtagumpay ang ang Allied kaya nakuha ang pulo mula sa mga Italyano.

1943, natalo ang hukbong Italyano sa hilagang Africa at Sicily. Nagbunsod ito ng pagbagsak ni Mussolini. Nagtatag muli sila ng pasistang pamahalaan ngunit hindi ito sinuportahan.

Hunyo 4, 1944 naman, nakuha ng Allies ang Rome. Tumakas sa burol si Benito Mussolini nang wala na siyang magawa. Nahuli parin siya ng mga gerilyang Italyano at pinatay siya kasama ang kanyang pangalawang asawa na si Clara Pettaci.

Hunyo 6, 1944, bumagsak ang Germany kasunod ng Italy. Lumusob sa Normandy, France ang malalakas na hukbo ng Allies. Noong Agosto 25, napalaya ang Paris.

Nagsunod-sunod naman ang tagumpay ng Allies at napalaya ang napakaraming bansa. Noong Abril 1945, gumuho ang Germany sa ilalim ng sabay sabay at sama-samang pagdurog ng mga Allies mula sa kanluran at ng mga Russians mula sa silangan.

Habang nawawasak ang Berlin, naghahanda naman si Hitler sa kanyang

pagpapakamatay sa isang selda sa ilalim ng lupa. Noong umaga ng Abril 30, 1945, hinirang niya si Admiral Karl Doenitz bilang kahalili, nagpakamatay si Hitler at ang asawang si Eva Braun.

Noong Mayo 2, nabihag ng Russia ang Berlin. Noong Mayo, 1945 naman , sumuko ang si Doenitz sa America at Britain.

Matapos ang anim na taong mapaminsalang digmaan, dumating ang V-E Day (Victory in Europe) noong Mayo 8, 1945.

Liberasyon sa mga bansang Asyano

Nakatulong kay Heneral Mac Arthur sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas ang pagwawagi ng Allies. Noong 1943, nagtamo siyang maraming tagumpay nang padalhan siya ng maraming sundalo, barko, eroplano at kagamitang pandigma na mula sa Europe.

Lumusob ang Allies sa Marshall Islands noong unang linggo ng Pebrero. Hunyo naman nang sinalakay ang Marianas at huling nakuha ang Guam. Sumunod na nabawi ang Carolines. Matapos ang maraming labanan sa pangunguna ni Heneral MacArthur, nabawi naman ang Pilipinas matapos matalo ang Japan sa Second Battle of the Philippine Sea.

Bukod sa pasipiko, napalaya rin ang lahat ng mga bansang nasakop ng Hapon sa timog-silangang Asya.

Ang Pagsuko ng JapanNoong Hulyo 26, naglabas ng ultimatum

ang Britain, China at US sa Japan na ito’y sumuko na. Noong Agosto 6, pinasabog ng US ang lungsod ng Hiroshima sa Japan sa unang bombang atomika. Winasak nito ang 60% ng lungsod at 200, 000 katao ang namatay. Noong Agosto 9 naman, muli na namang pinasabog ang ikalawang bombang atomika sa Nagasaki, Japan. Nawasak ang 40% ng lungsod at 100, 000 katao ang namatay. Dahil sa takot sa mabagsik na bomba ng mga Amerikano, tinanggap ng Japan

Page 2: WORLD WAR II.docx

Afable, Sanny Boy D.III-Hydrogen

nang walang pasubali ang pagsuko sa mga Allies.

Noong Setyembre 2, lumagda ang Japan sa tadhana ng walang pasubaling pagsuko sa ginanap na USS Missouri sa Tokyo Bay. Naglaho ang pangarap ng Japan na magkaroon ng imperyo sa Asya. Sa unang pagkakataon, natalo ang Japan sa digmaan at sumuko. Idineklara ng Allies ang V-J Day (Victory in Japan) at nagsaya ang buong mundo dahil hudyat ito ng opisyal na pagtatapos ng ikalawang digmaang pandaigdig.

Mga Epekto ng WWII-Milyon-milyong buhay ang nasawi sa digmaan

-Napakabigat rin ng pinsala sa ari-arian.

-Umabot ng 50, 000, 000 ang namatay (20, 000, 000 kawal at 30, 000, 000 mamamayan).

-Nagkakahalaga ng $1, 384, 000, 000 ang pinsala sa ari-arian na dinulot ng digmaan.

-Panandaliang natigil ang pagsulong ng daigdig dahil sa hirap ng pagbangon mula sa nasirang agrikultura, industriya, transportasyon, ari-arian at pananalapi.

-Nawasak din ang Imperyong Aleman ni Hitler, Imperyong Italyano ni Mussolini at Imperyong Hapones ni Hirohito, ngunit lumakas naman ang bagong diktadurya ng partidong komunista.

-Itinatag ang United Nations Organization (UN) upang mangalaga sa kapayapaan at kaayusan ng mundo.