Ayusin ang mga titik upang malaman ang tinutukoy sa bawat bilang.
Naglalaman ng mga salitang nakaayos nang paalpabeto at nagbibigay ng kahulugan at iba pang impormasyon tungkol sa salita
N I Y O K U D S R A Y
Naglalaman ng mga mapang nagsasabi ng lawak, distansya, at lokasyon ng mga lugar. Ipinakikita rin dito ang mga anyong-lupa at anyong tubig na matatagpuan sa isang lugar
S A L T A
Ang ginagamit na batayang aklat ng mga mag-aaral sa ikalimang baytang ng DLSZ
5 M A P U L
Bahagi ng Aklat
Mahalagang malaman natin ang mga bahagi ng aklat upang magamit natin ito nang wasto. May mga bahagi ng aklat na magagamit para sa iba’t-ibang hangarin.
Pabalat – takip ng aklat kung saan mababasa ang pamagat ng aklat, may akda, at manlilimbag
Pahina ng Pamagat – pahinang kasunod ng pabalat at katulad ng nakasulat dito
Pahina ng Karapatang Sipi – nilalaman nito ang taon ng pagkakalimbag, ang naglimbag, at ang lugar kung saan nilimbag ang aklat
Dedikasyon – pahinang kakikitaan ng mga pangalan ng nais pasalamatan ng may-akda at handugan nito ng aklat.
Panimula – maikling paliwanag sa pagkakabuo ng aklat
Paunang Salita – ito ay nagtataglay ng nais iparating ng may-akda sa mambabasa
Talaan ng Nilalaman – listahan ng mga paksa at ng pahina nito
Teksto o Katawan ng Aklat – ito ang kabuuan ng lahat ng paksang tinalakay
Bibliyograpi – paalpabetong talaan ng mga aklat at iba pang sanggunian
Glosari – talaan ng mahihirap ng salitang may kasamang katuturan o paliwanag
Indeks – paalpabetong listahan ng paksang tinalakay sa akda at kung saang pahina makikta ito
Pagsasanay
Sagutin ang Gawin Natin sa pahina 160 ng Pluma 5