2018.9 Vol.74Ota City Navigation
Ang Japan ay isang bansa na maraming sakuna tulad ng lindol at
bagyo. Sa nakalipas na taon, marami ang naging biktima ng hindi
pa nararanasan na malakas na pag-ulan. Pangalagaan ang sarili at
buhay ng pamilya sa pamamagitan ng araw-araw na paghahanda
para sa pagdating ng sakuna.
Sa panahon ng biglaang pag-ulan ng malakas.
Noong July, malaking
pinsala ang dinulot ng
malakas na pag-u lan
sa kan lu rang bahag i
ng Japan at maraming
buhay ang nawala. Sa
lungsod ng Ota, maaring
magkaroon ng malaking
pinsala kapag umapaw ang ilog ng Tamagawa.
[Lumikas sa mga Evacuation Centers]
Maaring manganib ang buhay kapag nasa lugar na malapit sa ilog ng
Tamagawa sa pagkasira ng pilapil at nakapalibot na lupa o buhangin
mula sa ilog, mangyaring alamin ang impormasyon mula sa lungsod
at lumikas sa evacuation centers.
[Lumikas sa mataas na lugar]
Kapag inaasahan na ang mababaw na pagbaha na idudulot ng
malakas na pag-ulan at wala ng oras na lumikas sa evacuation
areas, mangyaring lumikas sa pinakamalapit na matibay at mataas
na gusali.
Kapag LumindolNoong mga nakalipas na
lindol, maraming buhay
ang nawa la dah i l sa
mga sugat o pinsala sa
katawan na natamo sa
pagbagsak mga gusali,
kasangkapan sa bahay
at iba pa. Mangyaring pag-isipan ang paghahanda sa nararapat na
gawin upang mapangalagaan ang sarili kapag may dumating na
lindol.
[Kapag nasa loob ng gusali]Laging suriin ang mga ruta sa paglisan ng gusali. Mag-ingat sa
pagbagsak ng mga malalaking bagay tulad ng salamin at iba pa.
[Kapag nasa labas]Maghanap ng lugar na maaring maprotektahan ang sarili sa mga
bagay na maaring bumagsak o matumba tulad ng poste, billboard,
vending machine at iba pa.
Alamin ang mga impormasyonMapapangalagaan ang buhay sa pamamagitan ng pag-alam
ng wastong impormasyon. Alamin at i-register ang mga tools o
pagkukunan ng impormasyon.
Homepage ng lungsod https://www.city.ota.tokyo.jp/
Offi cial Twitter account ng lungsod https://twitter.com/city_ota
Gabay sa Paghahanda sa mga Sakuna [para sa mga dayuhan]
(wikang Ingles, Intsik, Koreyano)
https://www.city.ota.tokyo.jp/seikatsu/chiiki/bousai/pamphlet/
multilingual-bousai-pamphlet.html
Sanggunian
Disaster Preparation and Crisis Management
Division
☎ 03-5744-1611 FAX 03-5744-1519
Pangangalaga sa Sarili sa Pagdating ng Sakuna
Paghahanda para sa mga Sakuna
[Mga Bagay na Kailangan Paghandaan]
Tubig na maiinom: 3 liters/day para sa 1 tao, Pagkain: 9 meals,
portable gas stove, portable radio, flashlight, helmet, baterya,
gamot, emergency portable toilet, lighter, plastic wrap, pera, atbp.
Impormasyon para sa mga dayuhan
Tagalog
Maaaring ma download ang listahan ng mga boluntaryong Japanese class sa Ota City sa URL sa ibaba.
https://www.city.ota.tokyo.jp/kokusaitoshi/kouryu/nihongo_kyositu_multilingual.fi les/tagalog.pdf2
Isasagawa ang pagtanggap ng reserbasyon para sa pagpasok sa 0 yr.
old class sa nursery school (para sa mga bata na ipinanganak ng April 2
~October 1, 2018). Kailangang mag-apply bukod sa pangkaraniwang
aplikasyon na isinasagawa para sa pagpasok. Mangyaring bisitahin ang
homepage ng lungsod para sa karagdagang impormasyon (Wikang
Hapon lamang).
●Nararapat: Mga tumutugon sa mga sumusunod na kondisyon.
① Sa panahon ng pag-apply, ang bata at magulang ay naninirahan sa
lungsod.
② Ang magulang ay patuloy na naka- childcare leave mula sa
pagpanganak hanggang sa araw bago mag -1 yr. old na kaarawan ng
anak.
③ Nararapat na makatanggap ng childcare leave allowance (o
nakatakdang makatanggap).
④ Nais na ipasok sa nursery school ang anak sa buwan ng unang
kaarawan (Hanggang 1 yr. 2 mths. old para sa Papa, Mama Childcare
Plus System).
⑤ May posibilidad na bumalik sa trabaho sa katapusan ng buwan na
magsisimulang ipapasok sa nursery school ang anak.
●Kapasidad: 1 bata sa bawat sumusunod na nursery schools
Omori Nishi, Sanno, Magome, Wakaba, Den-en chofu 2 cho-me, Chidori,
Yukigaya, Hamadake, Haginaka (hanggang 2 yrs. old class), Shimoda,
Higashi Kamata, Hon-kamata
●Paraan ng Pag-apply:
Dalhin ang certificate of employment (para sa mga magulang) sa
nakasaad na lugar ng sanggunian sa Oct. 1~19.
※ Pagpunta sa lugar ng sanggunian, punan ang application form. Hindi
na kailangan ang certificate of employment para sa mga aplikante
nagsubmit na sa loob ng 3 buwan bago dumating ang petsa ng
aplikasyon.
Mangyaring tumawag sa International City Ota Association Multilingual Consultation Desk (☎03-6424-8822) kung hindi marunong
ng wikang Hapon.
Ang My Number Card Center ng Ota City ay sumusuporta sa proseso
ng pag-apply ng my number card (mula libreng pagkuha ng larawan
ng mukha hanggang pagpuno ng aplikasyon), pagtanggap, pagbabago
ng nakasaad na impormasyon dulot ng pagbabago ng address, muling
pagpa-issue ng My Number notifi cation card, at iba pa.
Maganda ang lokasyon nito na 1 min. mula sa JR Omori station,
bukas ito sa gabi ng pangkaraniwang araw, Sabado at Linggo para sa
mga taong mahihirapan magpunta ng weekdays at daytime. Huwag
mag-atubiling magpunta dito.
※ Para sa nais magpasuporta, iikli ang oras ng paghihintay kapag
nagpareserba.
[Reserbasyon]
☎0570-03-3370 (Weekdays: 9:00a.m - 5:00p.m)
WEB: https://ota-tokyo.net/mn
[Oras ng Pagbubukas]
Weekdays: 9:00a.m~7:00p.m (Tumatanggap hanggang 6:30p.m)
Sat/Sun: 9:00a.m~5:00p.m (Tumatanggap hanggang 4:30p.m)
[Mga Araw na Sarado]
3rd Sat. ng buwan at sumunod na araw na Sun., public holidays,
katapusan ng taon at simula ng bagong taon.
[Mapa]
Ota City My Number Card Center
Address:
Ota-ku Sanno 2-3-7
Notisya mula sa City Offi ce
大田区生活展Simula ng Pagtanggap ng Reserbasyon para sa Pagpasok sa Nursery School pagkatapos ng Maternity at Childcare Leave (para sa 1st term ng 2019)
大田区生活展Paggamit ng My Number Card Center ng Ota City
SanggunianNursery Usage Support Section, Nursery Services
Division ☎03-5744-1280 FAX03-5744-1715
Sanggunian
Household Residents Registry Section, Household
Residents Registry Division
☎03-5744-1554 FAX03-5744-1513
My (Individual) NumberCard Center
Convenience Store
Wes
t Gat
e
Ikeg
ami D
ori
St.
JR O
mo
ri S
tati
on
©Ota City
Libreng serbisyo ng interpretasyon gamit ang Tablet sa Ota City Offi ce atbp.
● Mga Wika: English, Chinese, Korean, Spanish, Portugese, Vietnamese, Tagalog, Thai, French, Nepalese Russian at Hindu
Makipag-ugnay sa: Internationalization and Multiculturalism Promotion Division ☎ 03-5744-1227
3
Nais ba ninyong maranasan ang kaganapang [Pakipag-ugnay ng
Ota City sa buong mundo]? Magkakaroon ng pagtatanghal ng mga
musika ng iba’t-ibang bansa, omikoshi (portable shrine) at hayashi
(orchestra) ng Japan at mga pagkain ng iba’t-ibang bansa. May plano
rin na magkaroon ng bahagi kung saan maaring mag-usap ang mga
dayuhang naninirahan at bumibisita sa Japan at mga mamamayan
ng Japan. Anyayahan ang pamilya at mga kaibigan na magpunta sa
kaganapan.
●Petsa: Sept. 29, 2018 (Sat)
※ Itutuloy na gaganapin kapag umulan ng mahina lamang, ikansela
kapag sumama ang panahon o bagyo.
Nailimbag (published) na ang [Library Guide]
2018 edition. Ipapamahagi sa mga sumusunod
na lugar.
Japanese version: bawat aklatan o library
Ingles, Intsik, Koreyano: Global City Ota
C o o p e r a t i o n A s s o c i a t i o n M u l t i l i n g u a l
Consultation Desk
P a r a s a m g a
nagbabasa ng aking
column kada buwan,
ikinalulungkot kong
sab ih in na i t o na
ang magiging hul i
dah i l matapos na
makumpleto ko ang
aking termino bilang
CIR, ako ay babalik na sa UK. Ngayon buwan na ito, nais kong ibahagi
sa inyo ang balita tungkol sa British cake cooking class na ginanap sa
tulong ng Ota City Global Cooperation Association bago ako umalis ng
July. Kami ay gumawa ng tradisyonal na drizzle cake na makikita ninyo
sa halos lahat na café o teahouse sa UK. Masaya kaming uminom ng tea
habang nagpapahinga at aking naikwento ang kasaysayan ng tsaa o tea at
ang dahilan kung bakit gustong-gusto ko ito. Noon ko pa hilig ang magluto
sa hurno o baking at masaya akong maibahagi ito sa mga nais na matuto.
Masaya kami na magkasamang naranasan ang kultura ng Britanya at
nagkaroon ng pagkakataon na magkakilala. Naiisip ko na magkakaroon pa
ng mga kaganapan o events katulad nito sa darating na mga araw, kaya
ipinapayo ko sa lahat na laging basahin ang bahaging ito upang malaman
ang impormasyon tungkol sa mga pinakabagong kaganapan o event.
[Sanggunian]
Internationalization and Multiculturalism Promotion Division
☎03-5744-1227
大田区生活展Global City Ota Festival in [Sky Day] Haneda 2018
大田区生活展8th Itsutsu no Wa Fureai Matsuri
大田区生活展
Paglimbag ng [Library Guide]
Matilda’s Corner: Miyembro ng International Exchange
SanggunianOmori-Higashi Branch Offi ce
☎03-3741-8801
SanggunianTourism Promotion Section, Tourism Division
☎03-5744-1322 FAX03-5744-1323
SanggunianOta Library
☎03-3758-3051 FAX 03-3758-3625
Isang pagdiriwang o fiesta na inorganisa ng Omori Higashi
Neighborhood Council Association. Ito ay isasagawa sa apat na
magkalapit na lugar.
Bilang karagdagan sa mga stalls at children’s corner, magkakaroon
rin ng bahagi ng pagpapayo tungkol sa kalusugan. Mula mga bata
hanggang mga matatanda, lahat ay maaring masayang magdiwang.
●Petsa: Oct. 21, 2018 (Sun) / 10:00a.m~3:00p.m
※Itutuloy na gaganapin kapag umulan ng mahina lamang
●Lugar:
① Sa tabi ng Omori Higashi Branch Offi ce Multipurpose Square ( 4-6
Omori-minami Ota-ku)
② Omori Higashi Branch Offi ce ( 4-9-1 Omori-minami Ota-ku)
③ Morigasaki Traffi c Park (4-9-3 Omori-minami Ota-ku)
④ Omori Minami Field (4-3 Omori-minami Ota-ku)
10:00a.m~4:00p.m
●Lugar: Haneda Airport's Former Maintenance Area ( 1-5 Haneda
Kuko Ota-ku)
●Paraan ng Pagpunta: 5 mins. lakad mula sa Tenkubashi station ng
Keikyu Airport Line o Tokyo Monorail
Libreng bus mula sa east exit ng JR Omori at Kamata station
●Nilalaman:
Stage event, pagtatanghal ng mga booth na lokal at ng iba’t-ibang
bansa, iba’t-ibang atraksyon at marami pa.
4Ota City Navigation 2018/9/15 (Inilalathala tuwing ika-15 ng buwan (maliban sa buwan ng Enero at Agosto)
Issued by Internationalization and Multiculturalism Promotion Division, Ota City Office
144-8621 5-13-14, Kamata, Ota ☎ 03-5744-1227 FAX 03-5744-1323
Global City Ota Cooperation Association
Tokyu Line
RJ
to Kawasaki
Kampachi Ave.
東口East Exit
Kamata Sta.
Ota City Office
East Exit
To Kawasaki
C o n s u m e r
Center
Nagbibigay ng konsultasyon sa iba’t-ibang wika. Huwag mag-atubiling
sumangguni tungkol sa mga problema o mga bagay na nais malaman
tungkol sa problema sa wika, tungkol sa anak, pagpapakasal,
pakikipag-hiwalay, trabaho, atbp.
Bilang karagdagan, maaring ipasalin ang dokumento na kailangan
i-submit sa lungsod ng Ota at nagpapadala ng tagasalin ng wika sa
munisipyo o public office.
Oras at Suportadong Wika: Mon-Fri, 9:00~12:00 Intsik, Ingles,
Tagalog, Nepalese, Vietnamese
Mula Sept. 26 hanggang Oct.1, 2018 sarado ang Multilingual
consultation desk dahil sa Seikatsuten (Exhibit ng consumer center).
※ Mangyaring bisitahin ang homepage para sa schedule ng mga
suportadong wika at iba pang impormasyon.
https://www.ota-goca.or.jp/consultation/
Ang opisina ng Global City Ota Cooperation Association ay inilipat
noong July.
Lugar:Machizukuri Suishin Shisetsu 4F 2-3-7 Sanno Omori
Multilingual Consultation Desk
大田区生活展
Paglilipat ng Opisina
Sanggunian
Global City Ota Cooperation Association
Multilingual Consultation Desk
Lugar: Consumer Center 1F 5-13-26 Kamata Ota-ku
☎03-6424-8822 FAX 03-5710-6330
Sanggunian
Global City Ota Cooperation Association (GOCA)
Office
☎03-6410-7981 FAX 03-6410-7982
Ito ay isang kurso para sa mga magsisimulang mag-aral ng wikang
Hapon sa unang pagkakataon. Pag-aaralan ang hiragana, katakana
at simpleng pakikipag-usap sa wikang Hapon.
●Schedule:
Petsa: ①10/7 ②10/14 ③10/21 ④10/28
⑤11/4 ⑥11/11 ⑦11/18 ⑧11/25 ⑨12/2
(kabuuang 9 na beses)
Oras: 1:00p.m ~ 3:00p.m
Lugar: mics Ota Classroom ( Consumer
Center 1F 5-13-26 Kamata Ota-ku Tokyo )
●Paraan ng Pag-apply:
Mangyaring basahin ang QR code sa kanan
at i-access ang homepage (https://www.ota-goca.or.jp/
japaneseclass/)
Kumuha ng application form mula sa information desk ng
asosasyon o multilingual consultation desk at i-submit sa
multilingual consultation desk. Maari rin na mag-apply sa homepage
(online).
●Nararapat:
Naangkop sa lahat ng nakasaad na kondisyon sa 1 ~ 3.
1. Mga dayuhan na higit sa 16 yrs. old, naninirahan, nagtatrabaho
o nag-aaral sa lungsod ng Ota. 2. Hindi marunong magsulat ng
hiragana at katakana. 3. Makakasali ng higit sa 7 beses sa loob ng
kabuuang 9 na beses na pag-aaral.
▼Bayad:
Mga ¥1500 (para sa textbook)
※Bibilhin ang textbook sa unang araw ng pag-aaral.
▼Kapasidad:
20 Katao (magkakaroon ng draw o bunutan kapag marami ang
aplikante)
▼Abiso sa Resulta ng Bunutan:
Ang abiso ng resulta ng bunutan ay ipapadala sa pamamagitan ng
e-mail o koreyo hanggang Oct. 1 (Mon).
大田区生活展Pagsisimula ng Japanese Class para sa mga Baguhan