Download pptx - Wastong Gamit ng mga Salita

Transcript
Page 1: Wastong Gamit ng mga Salita

TAMANG GAMIT NG WIKANG FILIPINO

Inihanda ni Prop. Reynele Bren Zafra

Page 2: Wastong Gamit ng mga Salita

GAMIT NG “NANG”

A. Makikita sa unahan ng pangungusap o bilang katumbas ng salitang “noong”.

1. Nang dumating ang guro, tumahimik ang mga mag-aaral.2. Nang maluto ang sinaing, agad na hinarap ni Maria ang pagpiprito ng isda.

Page 3: Wastong Gamit ng mga Salita

B. Gamit sa pang-abay na pamaraan

1. Lumakad siya nang dahan-dahan. 2. Ang tumatakbo nang matulin kung matinik ay malalim.3. Lumangoy nang mabilis si Celle.4. Sumigaw nang malakas si Ablaza.

GAMIT NG “NANG”

Page 4: Wastong Gamit ng mga Salita

GAMIT NG “NANG”

C. Gamit sa pagitan ng inuulit na pandiwa.

1. Sayaw nang sayaw ang mga bata sa ulanan.2. Kanina pa siya ikot nang ikot.3. Iyak nang iyak ang sanggol sa kuna.4. Tahol nang tahol ang aso.

Page 5: Wastong Gamit ng mga Salita

GAMIT NG “NANG”

D. Ginagamit ang salitang “nang” bilang katumbas ng salitang “upang”.

1. Sunduin mo na ang tatay mo sa bahay ng lola mo nang makauwi na tayo.2. Kailangan nating matulog nang maaga nang maaga rin tayong magising.

Page 6: Wastong Gamit ng mga Salita

GAMIT NG “NANG”

E. Ginagamit ang salitang “nang” bilang kapalit ng pinagsamang “na at ang” sa pangungusap.

1.Sukdulan “na ang” kahirapang ito. Sukdulan nang kahirapang ito. 2. Marami “na ang” panauhin sa bahay. Marami nang panauhin sa bahay.

Page 7: Wastong Gamit ng mga Salita

GAMIT NG “NANG”

E. Ginagamit ang salitang “nang” bilang kapalit ng pinagsamang “na at na” sa pangungusap/pahayag.

1. Tumigil ka “na na” manigarilyo. Tumigil ka nang manigarilyo.

Page 8: Wastong Gamit ng mga Salita

GAMIT NG “NG”

A. Ginagamit ang salitang “ng” kung ang pangungusap ay nagpapahayag ng pagmamay-ari.

1. Talagang kahang-hanga ang bagong tayong mansyon ng mga Gabuat.

2. Bakit ang palad ng mahihirap ay magaspang?

3. Kinabukasan ng mga anak ang laging iniisip ng mga magulang.

Page 9: Wastong Gamit ng mga Salita

GAMIT NG “NG”

B. Ginagamit ang salitang “ng” kung ang sumusunod na salita ay pangalan.

1. Nagbabasa ng libro si Franchesca Lazaga.2. Naglalaro ng Dota si Lance dela Cruz.3. Naglilinis ng kotse si Innah Lopez.4. Nag-iipon ng tubig si Yessa. 5. Nagwawalis ng bahay si Mariel Calumban.

Page 10: Wastong Gamit ng mga Salita

GAMIT NG “NG”

C. Ginagamit ang salitang “ng” kung ang sumusunod na salita ay pang-uri.

1. Nagbabasa ng makapal na libro si John Wendell Sepillo.

2. Nagluto ng masarap na adobo si Clara para kay ibigay kay Hao.

Page 11: Wastong Gamit ng mga Salita

GAMIT NG “NG”

D. Ginagamit ang salitang “ng” kung ang sumusunod na salita ay pang-uring-pamilang.

1. Nagsampay si Jessica ng isang dosenang damit na pinalabhan ni Sergio.

2. Bumili si Acer ng tatlong rosas para ibigay kay Liclic.

Page 12: Wastong Gamit ng mga Salita

GAMIT NG “MAY”

A.MAY ang ginagamit kung ang sumusunod na salita ay pangngalan, pandiwa, pang-uri, pang-abay at katagang “mga”.

1. May babaeng umiiyak.2. May nagluluto sa kusina.3. May magandang babae akong nakita sa SM Mall

kanina.4. May iisa siyang salita. 5. May mga tao na sa bulwagan?

Page 13: Wastong Gamit ng mga Salita

GAMIT NG “MAYROON”

Ang MAYROON ay ginagamit kung ang sumusunod na salita ay isang kataga, panghalip na panao (personal pronoun) at pang-abay na panlunan (adverb of place).

1.Mayroon siyang malaking suliranin sa kanyang asawa.2.Mayroon kayang pasok bukas?

Page 14: Wastong Gamit ng mga Salita

GAMIT NG “MAYROON”

Ang MAYROON ay ginagamit kung ang sumusunod na salita ay isang kataga, panghalip na panao (personal pronoun) at pang-abay na panlunan (adverb of place).

3. Mayroon itong mabisang sangkap laban sa pagtatae.4. Mayroon na ba siyang gamit?

Page 15: Wastong Gamit ng mga Salita

Pinto (Door). Ito ay ginagamit kung ang tinutukoy ay ang kongkretong bagay.

1.Pininturahan ni Angela ang bagong gawang pinto.2. Gawa sa narra ang pinto.3. Pumasok tayo sa bakal na pinto.4. Mula pa sa Italya ang pinto nina Carlitos.5. Huwag mong sipain ang pinto, Roque.

GAMIT NG “PINTO”

Page 16: Wastong Gamit ng mga Salita

GAMIT NG “PINTUAN”

Pintuan. Ito ay “Entrance”, “Doorway” sa wikang Ingles. Ito ay ginagamit kung ang tinutukoy ay isang lugar. Ito ay ang lagusan o pasukan o ang lugar kung saan nakalagay ang pinto kung meron man.

1. Sa may pintuan makikita ang bakas ng paa ng magnanakaw.2. Sa may pintuan sa likod ang tanging daanan para makaalis tayo.3. Hahara-hara sa pintuan si Kaizarah kaya nabangga ni Mohammad.

Page 17: Wastong Gamit ng mga Salita

GAMIT NG “GITLING”

Page 18: Wastong Gamit ng mga Salita
Page 19: Wastong Gamit ng mga Salita

c. Mga salita na kapag ginigitlingan ay nakakaroon ng ibang kahulugan

Mag-alis , nag-ulat, mang-ulo

d. Kapag may katagang nawawala sa pagitan ng dalawang salitang pinagsama

Pamatay ng insekto -> pamatay-insektoKahoy sa gubat -> kahoy-gubat

GAMIT NG “GITLING”

Page 20: Wastong Gamit ng mga Salita

GAMIT NG “GITLING”

e. Kapag may unlapi ang tanging pangalan ng tao, lugar, bagay o kagamitan (brand) o simbolo. Ang tanging ngalan ay walang pagbabago sa ispeling.

maka-Diyos , mag-Tide, mag-Johnson , taga-Luzon

Page 21: Wastong Gamit ng mga Salita

GAMIT NG “GITLING”

f. Sa pag-uulit ng unang pantig ng tanging ngalang may unlapi, ang gitling ay nalilipat sa pagitan ng unang pantig ng tanging ngalan at ng buong tanging ngalan

mag-Zonrox --- magso-Zonrox

Page 22: Wastong Gamit ng mga Salita

GAMIT NG “GITLING”

Page 23: Wastong Gamit ng mga Salita

GAMIT NG “GITLING”

i. Kapag nananatili ang kahulugan ng dalawang pinagtambal na salita.

lakad-pagong, urong-sulong, bahay-aliwan

j. Kapag pinagsasama o pinagkakabit ang apelyido ng babae at ng kanyang asawa.

Gloria Macapagal-ArroyoMarian Rivera-Dantes

Page 24: Wastong Gamit ng mga Salita

GAMIT NG “GITLING”

Page 25: Wastong Gamit ng mga Salita
Page 26: Wastong Gamit ng mga Salita
Page 27: Wastong Gamit ng mga Salita
Page 28: Wastong Gamit ng mga Salita
Page 29: Wastong Gamit ng mga Salita
Page 30: Wastong Gamit ng mga Salita
Page 31: Wastong Gamit ng mga Salita
Page 32: Wastong Gamit ng mga Salita
Page 33: Wastong Gamit ng mga Salita
Page 34: Wastong Gamit ng mga Salita
Page 35: Wastong Gamit ng mga Salita
Page 36: Wastong Gamit ng mga Salita
Page 37: Wastong Gamit ng mga Salita
Page 38: Wastong Gamit ng mga Salita
Page 39: Wastong Gamit ng mga Salita

MARAMING SALAMAT!


Recommended