21
Ang Alamat ng mga Panahon

Alamat Ng Mga Panahon

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Alamat Ng Mga Panahon

Ang Alamat ng mga

Panahon

Page 2: Alamat Ng Mga Panahon

Simulan natin...

Marahil hindi sukat akalain na ang pagpapalit ng mga panahon ay maihalintulad sa isang alamat ng pamilyang diyos at diyosa.

Page 3: Alamat Ng Mga Panahon

Si Zeus ay binansagan ang hari ng mga diyos at diyosa.Siya ay may tatlong kapatid na babae na pinangalanang:

ATHENA HERADEMETER

Ang Reyna ng mga dios at diyosa ng pag-aasawa,

at asawa ni Zeus.

Ang diyosa ng anihanat responsable sa mga halaman at pananim.

Ang diyosa ng labanan atng karunungan.

Page 4: Alamat Ng Mga Panahon

Si Demeter, diyosa ng ani at pananim, ay may isang anak na babae sa pangalang Persephone.

PERSEPHONESi Persephone ay

minahal ng lahat , lalo na ng kanyang Inang si

Demeter.

Si Persephone ay lumaki sa kalinga ng kanyang inang nagmahal sa kanya ng lubusan.

Ang ‘Alamat ng mga Panahon’ ay natuon kay Demeter.

Roel Monserata
Page 5: Alamat Ng Mga Panahon

Subalit, isang araw ay biglang nawala si Persephone.Nais ninyo bang malaman nasaan si Persephone?

Page 6: Alamat Ng Mga Panahon

Ganito nagsimula ang lahat: Naglilibot si Persephone kasama sina Athena at Artemis, habang namumulot sila ng mga bulaklak para kay Demeter.

Samantala, sa “kailiman ng mundo (underworld)”, narining at nakita ni Hades ang kagandahan ni Persephone na ikinabighani ni Hades.

Ang dios ng mga patay at nang kailaliman ng

lupa

Habang si Persephone ay naglalakad, may nakitang isang lawa ng tubig. Dumakot at uminom ng tubig. Lingid sa kanyang kaalaman na ito ay bintana sa kailaliman ng mundo.

Habang umiinom siya ay biglang nagpakita si Hades sa kanya. Nagulat at Napatigil si Persephone sa pag-inom. “Sino ka?!”, tanong ni Persephone.

HADES

Page 7: Alamat Ng Mga Panahon

“Patawarin mo ako, hindi ko sinasadyang takutin ka.”, paliwanag ni Hades. ”Ako ay isang hari. ”, dagdag pa niya.

“Hari? Subalit, nasaan ang kaharian mo? At paano ka nakakahinga sa ilalim ng tubig?.”, inosenteng tanong ni Persephone.

“Ah, Itong lawa ng tubig ay parang isang bintana sa aking kaharian.”, paliwanag ni Hades. “Ganoon pa man ako’y nalulungkot dahil ang aking kaharian ay walang reyna.”

“Walang tumatanggap sa aking alok.”, sagot ni Hades. “At hindi ko sila masisisi, dahil sa aking kaharian ay madilim. Natatakot sila, posibleng magsawa at naisin agad na bumalik sa itaas ng mundo. Marahil mas mainam na hindi ako magmahal kaysa magmahal naman ako at masaktan, dahil wala naman sa akin gustong magmamahal. ”, malungkot na ipinaliwanag ni Hades.

“Hindi totoo ‘yan. Mayroon din posibleng magmahal sa iyo. Bakit gaano ba kapangit ang iyong kaharian?“, sabi ni Persephone. “ Sasamahan kita sa iyong kaharian ng ilang araw, tayo ay magsasaya , sasayaw at maging mahusay na kaibigan.”

“Kaharian na walang reyna, bakit ganyan?”, tanong nanaman ni Persephone.

Page 8: Alamat Ng Mga Panahon

“Sige!”, masayang sagot ni Hades. Bumukas ang lupa para makapasok si Persephone.

“Masayang pagdating sa aking kaharian, Persephone.” , magiliw na pag-bati ni Hades.

Page 9: Alamat Ng Mga Panahon

Dahil sa kanyang labis na kalungkutan , nawalan ng saya at kulay ang buhay ni Demeter at maging ng kanyang mga tauhan sa palayan.

Ganun pa man, hindi nawalan ng pag-asa si Demeter. Pumunta kay Apollo, ang diyos ng araw, upang humingi ng tulong.

Samantala, si Demeter ay lumipad sa ibat ibang mga lupalop, hinahanap si Persephone, subalit nabigo siyang makita si Persephone.

”Oo, nakita ko si Persephone.” Sabi ni Apollo. ”Siya ay dinala ni Hades sa kailaliman ng mundo.”

Si Apollo ay ang dios ng araw.

“Kailan ko ba siya makikita muli?” Tanong ni Demeter.

“Siya ay nasa malaking panganib, Demeter. Kapag siya ay nakakain ng anumang pagkain o inumin mula sa kailaliman ng mundo, hindi na siya maaaring bumalik sa mundong itaas.”

Page 10: Alamat Ng Mga Panahon

Labis ang kalungkutan ng kanyang ina, habang si Persephone naman ay abala sa kanyang bagong pakikipagsapalaran.

“Anong tingin mo sa aking kaharian, Persephone?” ,tanong ni Hades kay Persephone.

“Uh, Medyo may kadiliman nga dito.” , sabi ni Persephone. “Marahil, gawin mong mas malinawag ang iyong kaharian”.

Ginamit ni Persephone ang kanyang kapangyarihan upang gumawa ng mga bulaklak at palaguin ang mga halaman sa paligid ng madilim na lugar.

Page 11: Alamat Ng Mga Panahon

"Kailangan ko ng lupa at tubig upang panatilihing sariwa ang mga bulaklak." Sinabi ni Persephone kay Hades. "May sariwang tubig na puwedeng bumaba dito, hindi ba?"

"Oo, may isang ilog pababa sa kuweba doon.“ , sagot ni Hades.. “Huwag mong inumin ang tubig sa kuweba.” , babala ni Hades kay Persephone. “Dahil...”

“Dahil .. ano?” , mausisang tanong ni PersephoneTumawa si Persephone at sinabing “Maghintay ka dito, babalik ako."

Page 12: Alamat Ng Mga Panahon

Si Hades ay may isang alalay sa pangalang “Levi” -isang serpente na dating bata na makulit at sumira ng hardin ni Demeter kaya pinarusahan ni Demeter at naging serpenteng nanatili sa kailaliman ng lupa.

Ang serpenteng Levi ay uhaw sa paghihiganti kay Demeter. Nakaisip siya ng isang masamang balak kay Persephone upang makapaghiganti kay Demeter. Pakainin o Painumin si Persophone at hindi na makabalik sa kanyang ina. LEVI

Si Levi ay isang bata na pinrusahan ni

Demeter para magin serpyente, dahil sa kanyang pagsira sa kanyang halamanan

Page 13: Alamat Ng Mga Panahon

Inalok ni Levi si Persephone, “Gusto mo bang kumain?” “Aba! Salamat. Ako ay gutom na gutom na!” , masayang sagot ni Persephone.

Hawak na ni Persephone ang isang prutas nang pigilan siya ni Hades. "Hindi! Dahil sa ikaw ay mabuting tao. Hindi ka karapatdapat na maloloko nang ganito!”

"Bakit? Ano ang mangyayari?" Tanong ni Persephone.

“Kung kakain ka o iinom ng tubig dito sa kailaliman ng lupa ay hindi ka na makakabalik sa mundo ninyo sa itaas.”

Page 14: Alamat Ng Mga Panahon

"Demeter! Ano ang nagyari sa ‘yo, aking kapatid? Madumi kang tingnan!“ Sabi ni Zeus. “Nilinlang ni Hades ang aking anak na si Persephone“ ,bulalas ni Demeter.

“Tignan natin ang kanyang kalagayan.” , sabi ni Zeus. Sa pamamagitan ng kidlat, nakitang masaya si Persephone sa kailaliman ng mundo.

Samantala, pumunta si Demeter kay Zeus upang humingi ng tulong."Zeus! Zeus!“ , sigaw ni Demeter habang lumilipad patungong Mount Olympus.

Page 15: Alamat Ng Mga Panahon

“Bakit niya nagawa na ako ay iwan?”, taghoy ni Demeter.”Bakit? Bakit? Paano niya nagawang iwan ako?“. .

Napuno ng panibugho at galit si Demeter. “Sa aking pagdurusa ay magdurusa din ang buong mundo!”, pagalit na salita ni Demeter.Inutos niya kay Hilagang Hangin, “Sakupin ang buong mundo ng niyebe at wala kahit isang dahon o damo ang makikita!”

Page 16: Alamat Ng Mga Panahon

At dumaan ang mga araw, ang buong mundo ay nabalot ng niyebe.

Page 17: Alamat Ng Mga Panahon

Samantala, si Hades ay maligayang-maligaya sa kanyang kaharian puno ng sigla at kulay. Subalit si Persephone ay nagsimulang malungkot at naalaala ang kanyang mahal na Ina.

“Tatapusin ko ang hardin at pagkatapos ay kailangan ko umuwi sa aking Ina.”, bulong sa sarili.

Page 18: Alamat Ng Mga Panahon

Lumapit ang serpyente,"Ikaw ay kumain ng pagkain ng underworld! Ang ilan sa mga buto ay nawawala !!“, sabi ng serpente. "Ngunit tatlong maliit na buto lamang ang aking kinain?”, tutol ni Persephone.

Page 19: Alamat Ng Mga Panahon

Maya-maya, dumating si Demeter, “Persephone!” iyak ni Demeter. “Nanay!”, sigaw ni Persephone. At nagyakapan sila. Sumibol ang habag , awa at pagmamahal ni Demeter. Sa sandaling iyon, panahon ng tag-sibol ang naganap.

Page 20: Alamat Ng Mga Panahon

Dahil sa tatlong buto na kinain ni Persephone, tatlong buwan ang itatagal ng bawat panahon. Panahon ng Tag-Init at Tag-lagas, ay hudyat kay Persephone upang pagsisihan ang kanyang pagkakamali at paghahandang harapin ang kabayaran nito. At sa tuwing panahon ng tag-niyebe, pinagsisilbihan ni Persephone si Hades sa loob ng tatlong buwan, taun-taon… magpakailan man.

Page 21: Alamat Ng Mga Panahon

Wakas(The End)

Sana naibigan ninyo ang alamat ng panahon.