Upload
chinphiline-lu
View
3.892
Download
8
Embed Size (px)
Citation preview
ANG PINAGMULAN NG TAO
Ang ebolusyon ng tao o ebolusyong pantao ang proseso ng ebolusyon na tumungo sa paglitaw ng species na homo
sapiens (tao). Ang proseso ng ebolusyon ng tao ay nagsimula pa sa huling pinakakaraniwang ninuno ng lahat ng
buhay ngunit ang paksa ng ebolusyong pang-tao ay karaniwang sumasaklaw lamang sa kasaysayang pang-
ebolusyon ng mga primado sa partikular na ang paglitaw ng homo sapiens bilang isang species ng genus na Homo.
Ang ebolusyon ng tao ay sinusuportahan ng maraming mga disiplinang pang-agham kabilang
ang henetika, antropolohiya, primatolohiya,arkeolohiya, at embryolohiya.
Ang ebolusyon ng tao ay inilalarawan ng isang bilang ng mga pagbabagong morpolohikal, pang pag-unlad,
pisiolohikal at pang-pag-aasal na nangyari mula sa pakikipaghiwalay ng tao sa karaniwang ninuno ng mga tao
at chimpanzee. Ang pinakamahalagang mga pagbabagong ito sa tao angbipedalismo, pagsasalita, lumaking sukat
ng utak, humabang ontoheniya, lumiit na dimorpismong seksuwal. Ang mga pagbabagong ito ay resulta ng
mga mutasyon sa kromosoma o DNA na napili sa ninuno ng tao sa paglipas ng panahon. Ito ang pareho ngunit hindi
ang tanging mekanismo na nagpalitaw sa mga iba ibang species na makikita sa mundo ngayon.
Teoryang Atheistic MaterialismAng atheistic materialism o teoryang atheistic ang isang teorya ng pinagmulan ng tao na kung saan sinasabi ni
Carolus Linaeus nung 1760 na maaring may isang pinagmulan ang mga buhay na organismo. Naisip niya ito
habang pinag papangkatiya ang mga organismo.
Sinusugan ito ni Comte De Georges Buffon at ipinanukala niya na ang pagkaka iba ng pagkakaibaiba ng mga
organismo ay dahil sa kanilang kapaligiran na kanilang pananahanan.
Inilimbag naman ni Jean Baptiste Lamarck ang unang teorya, subalit hindi sapat ang ibinigay nitong impormasyon
hanggang sa nagpalabas ng impomasyon sina Charles Darwin at A.R. Wallace noong 1858 at dito pinag-ibayo ni
Darwin ang pagpaliwanag sa kanyang aklat na Origin Of Species noong 1859.
Ebolusyong TheisticIsang paliwanag ang ebolusyong theistic tungkol sa pinagmulang ng tao na nakabatay rin sa teoryang ipinanukala ni
Darwin at ang kanyang mga kasama. Naniniwala ang mga nagpanukala nito na nagmula rin ang tao sa isang selula
na sa pagdaan ng panahon , ay nagiging komplikadong organismo dahil sa mutasyon. Ang hindi maipaliwanag ni
Darwin ay ang pinagmulang ng nag-iisang selula, paano nagkaroon nito at paano nabuo.
Sa mga taong tumatanggap sa teorya ng ebolusyon at naniniwalang tanggap na rin ito ng lahat ng tao, nagkaroon sila
ng pag-aagam-agam dahil sa kanilang relihiyon. Ipinaliliwanag ng nakararaming mga relihiyon na ang tao, hayop at
lahat ng bagay ay gawa ng Diyos. Kung gayon, paano nila mapag-iisa ang dalawang teorya, and Atheistic
Materialism at Espesyal na Paglalang? Kasagutan sa problemang ito ang Teoryang Theistic. Ipinanunukala ng mga
naniniwala rito na nilalang ng Diyos ang unang selula sa daigdig at mula sa proseso ng ebolusyon, sumulpot ang
unang tao.
Teoryang Panrelihiyon (Creationist theory)Naniniwala ang nakararaming relihiyon sa daigdig na nilalang ng Diyos ang tao. Isang halimbawa ang paniniwala
ng mga Kristyano. Ayon sa Bibliya, unang nilalang ng Diyos si Adan at binigyan ng kapangyarihang mamuno sa
lahat ng mga bagay, halamn at hayop. Subalit ng makita ng Diyos na malungkot si Adan, pinatulog siya at saka
kinuha ang isa niyang tadyang. Mula rito, hinugis ang babae at pinangalanang Eba. Silang dalawa ang nagging
unang mga magulang na pinanggalingan ng lahat ng lahi.
O sa madaling salita, ang teoryang ito ay ang paniniwala na ang daigdig o ang mundo ay nilikha ng Diyos. Ito ay
biblikal na paniniwala o nakuha sa biblia at mas kapanipaniwala sa mga tao dahil maraming patunay to gaya ng
biblia.
Ang mga Unang Tao at ang kanilang Distribusyon sa DaigdigAng mga primado ay humiwalay mula sa ibang mga mamalya noong mga 85 milyong taong nakakalipas. Ang
pinakamaagang mga fossil ng mga primado ay mula 55 milyong taong nakakalipas. Ang mga maagang primado ay
lumitaw sa Eurasya. Ang angkan ng primado na pinaglitawan ng mga ape na Aprikano at mga tao kabilang
ang Dryopithecus ay lumipat patimog mula sa Europa o Kanluraning Asya tungo sa Aprika. Ang mga populasyong
tropikal ng mga primadong natuklasan sa mga fossil bed ng panahong Eocene at Oligocene sa
depresyong Faiyum ng timog kanlurang Ehipto ay nagsanga sa iba't ibang kasalukuyang nabubuhay na species
na lemur ng Madagascar, mga loris ng Timog Silangang Asya, mga galago ng Aprika, at
mga anthropoid: platyrrhine (mga Bagong Daigdig na unggoy), at mga catarrhine na kinabibilangan ng
mga Lumang Daigdig na unggoy at mga dakilang bakulaw(great apes) na kinabibilangan ng mga tao. Noong mga 40
milyong taong nakakalipas, ang impraorden na Simiiformes ay nagsanga tungo sa mga pangkat
na Platyrrhini (mga Bagong Daigdig na unggoy) at Catarrhini (mga hominoid at mga Lumang Daigdig na
unggoy). Ang mga hominoid(bakulaw) ay humiwalay mula sa mga Lumang Daigdig na unggoy sa pagitan ng 29
milyon at 34.5 milyong taong nakakalipas. Ang Hylobatidae(mga gibbon) ay humiwalay mula saHominidae(mga
dakilang bakulaw) noong mga 15-20 milyong taong nakakalipas. Ang Ponginae(mga orangutan) ay humiwalay
mula sa Hominidae noong mga 12-15 milyong taong nakakalipas. Ang mga ninuno ng mga orangutan o mga malapit
na nauugnay rito ay maaaring kinakatawan ng mga fossil gaya ng Sivapithecus at Ramapithecus na natuklasan sa
mga burol na Siwalik ng Pakistan. Ang mga gorilya ay humiwalay sa linya na tumutungo
sa Pan(chimpanzee at bonobo) at tao noong mga 10 milyong taong nakakalipas. Ang species na malapit sa huling
karaniwang ninuno ng mga gorilya, mga chimpanzee, mga bonobo at mga tao ay maaaring kinakatawan ng mga
fossil na Nakalipithecus na natagpuan sa Kenya at Ouranopithecus na natagpuan sa Gresya. Ang
linyangPan(chimpanzee at bonobo) ay humiwalay sa linya na tumutungo sa tao noong mga 6 hanggang 7 milyong
taong nakakalipas. Pagkatapos nito, ang chimpanzee at bonobo ay naghiwalay noong kaunti sa 1 milyong taong
nakakalipas. Ang DNA ng tao ay 99.4% katulad sa DNA ng mga chimpanzee samantalang ang DNA ng tao ay 96%
katulad sa DNA ng gorilla. Ang ilang pag-aaral ay nagpapakita na ang mga chimpanzeeat bonobo ay mas malapit na
nauugnay sa mga tao kesa sa mga gorilla. Dahil sa labis na pagkakatulad ng mga chimpanzee at bonobo sa tao,
iminungkahi ng ilang mga siyentipiko na muling uriin ang mga chimpanzee at bonobo sa genus na Homo: Homo
paniscus at Homo troglodytes. Ang alternatibong mungkahi ay dapat muling uriin ang tao bilang Pan
sapiens bagaman ito ay lalabag a prinsipyo ng prioridad dahil ang Homo ay unang pinangalanan bago ang Pan. Ang
pinakamaagang hominin na bipedal ang Sahelanthropus o Orrorin na posibleng ang pinagsasaluhang karaniwang
ninuno ng parehong tao at chimpanzee. Ang Ardipithecus ang kalaunang unang buong bipedal na hominin na
posibleng nagebolb tungo sa henus na Australopithecus. Ang australopithecus ay nag-ebolb naman tungo sa henus
na Homo. Ang pinakamaagang kasapi ng Homo ang homo habilis na nagebolb noong mga 2.3 milyong taong
nakakalipas mula sa Australopithecus. Ang homo hablis ang unang species na gumamit ng mga kasangkapang bato.
Sa sumunod na mga milyong taon, ang proseso ng ensepalisasyon ay nagsimula sa paglitaw ng Homo
ergaster/Homo erectus. Ang homo erectus at homo ergaster ang unang mga hominina na lumisan sa Aprika. Ang
mga ito ay kumalat sa Aprika, Asya at Europa sa pagitan ng 1.3 hanggang 1.8 milyong taong nakakalipas. Ang mga
ito ang pinaniniwalaang ang mga species na unang gumamit ng apoy at mga komplikadong kasangkapan. Ang homo
ergaster ay pinaniniwalaang nag-ebolb sa Homo heidelbergensis at ang Homo heidelbergensis ay nagsanga naman
sa mga neanderthal sa Europa at mga Homo sapiens sa Aprika. Ayon sa teoriyang kamakailang pinagmulang
Aprikano ng tao, ang mga homo sapiens ay nagebolb sa Aprika mula sa Homo heidelbergensis noong mga 200,000
taong nakakaraan at lumisan sa kontinenteng Aprika noong 50,000 hanggang 100,000 taong nakakalipas. Ang mga
ito ang pumalit sa mga lokal na populasyon ng homo erectus at Homo neanderthalensis. Ang paglipat tungo sa pag-
aasal na moderno ay nangyari pagkatapos nito. Ang tumaas na sopistikasyon ng paggawa ng kasangkapan at pag-
aasal ay mula 80,000 taong nakakalipas. Ang buong modernong pag-aasal na kinabibilangan ng sining, musika,
paghihiyas sa sarili, kalakal, mga libingang ritwal at iba pa ay ebidente noong 30,000 taong nakakalipas. Ang
pinakamatandang mga halimbawa ng mga prehistorikong sining gaya ng mga pigurinang Venus at pagpipinta sa
kweba sa kwebang Chauvet ay pinetsahan sa panahong ito.
Antas ng Tao1. Hominid- ay mga kasapi ng biyolohikal na pamilyang Hominidae (ang dakilang mgabakulaw), na
kinabibilangan ng mga Tao, mga tsimpansi, mga gorilya, at
mga oranggutan. Mas karaniwan ang katawagang "dakilang
bakulaw" kesa sa pantawag na taksonomiko at may mga
pagkakaiba sa paggamit. Bahagyang tila Hindi kasama rito ang
mga Tao ("mga Tao at iba pang dakilang mga bakulaw") o
isinasama ang mga ito ("mga Tao at mga Hindi-taong dakilang
mga bakulaw"). Sa paggamit ng katawagang homo sapiens,
Hindi nangangahulugang tinatanggal ang Tao mula sa iba pang
mga kasapi ng mag-anak na biyolohikal, kaya't nilalarawan sa
lathalaing ito ang mga Tao bilang dakilang mga bakulaw.
Ang Batang Taung o Sanggol na Taung ang fossil na bungo ng isang batang indibidwal
na Australopithecus africanus. Ito ay tinatayang may edad na 2.5
milyong taong gulang. Ito ay natuklasan noong 1924 ng mga
nagtitibag para sa Northern Lime Company sa Taung, South
Africa. Ito ay inilarawan ni Raymond Dart bilang isang bagong
species sa journal na Nature noong 1925 at binigyang pangalan
na Australopithecus africanus("katimugang bakulaw ng
Aprika").[1] Ito ang unang panahon na ang Australopithecus ay
ibinigay sa anumang hominid. Ang foramen magnum nito ay
matatagpuan sa ilalim ng bungo na nagpapakitang ito ay naglalakad
ng nakatindig. Inangkin ni Dart na ang bungo nito ay isangpagitang species sa pagitan ng mga
bakulaw at mga tao ngunit ito ay hindi tinanggap ng pamayanang siyentipiko sa panahong ito
dahil sa paniniwalang ang isang malaking kapasidad ng bungo ay dapat mauna sa bipedal na
lokomosyon. Pagkatapos lamang ng 20 taon na ito ay tinanggap bilang isang bagong henus at ito
ay tunay na kasapi ng Homininae.
Ang Paranthropus (mula sa Griyego παρα, Para "sa
tabi ng"; άνθρωπος, ánthropos "tao"), ay
isang extinct na genus ng hominin. Ito ay kilala
rin bilangmatipunong mga australopithecine.
Sila ay mga bipedal na hominin na malamang
nagebolb mula sa mga balingkinitang mga
australopithecine na hominid
na Australopithecus noong mga 2.7 milyong
taong nakakalipas.
Si Lucy ay ang pangalang ibinigay sa
isang posilisadong hominidyo ng species na Australopithecus afarensis. Binigyan rin ito ng
pangalawang pangalang Amhariko na dinqineš o "Dinkenesh" na may ibig sabihing "maganda
ka"[3]. Naging isang pangkaraniwang pangalan ang Lucy ng AL
288-1, ang 40% buong kalansay ng Australopithecus
afarensis natuklasan noong Nobyembre
24, 1974 ng International Afar Research Expedition o IARE
(salin: Pandaigdigang Ekspedisyong Pampananaliksik ng Afar;
direktor: Maurice Taieb, kasamang mga direktor: Donald
Johanson at Yves Coppens) sa Lambak ng
Awash ng Depresyong Afar ng Etiyopya. Tinatayang namuhay
si Lucy noong 3.2 milyong mga taon na ang nakakaraan.
Ang kalansay nito ay nagpapakita ng ebidensiya ng isang maliit
na kapasidad ng bungo katulad sa mga bakulaw(na hindi tao) at
naglalakad ng nakatindig na bipedal na sumusuporta sa
pinagtatalunang pananaw na ang bipedalismo ay nauna sa paglaki ng sukat ng utak sa ebolusyon
ng tao.
Limang Uri ng Hominid batay sa laki ng panga, bagang at utak Ang Australopithecus anamensis (o Praeanthropus
anamensis) ay isang tangkay na species ng tao na
nabuhay noong mga 4 milyong taong nakakalipas. Ang
halos 100 spesimen nito ang natagpuan sa Kenya [1]
[2] at Ethiopia [3] na kumakatawan sa mga 20 indibidwal.
Ang Australopithecus africanus ay isang extinct na
maagang hominid na
nabuhay sa pagitan
ng ~3.03 at 2.04
milyong taong nakakalipas sa hulingPlioseno at
maagang Pleistoseno. Ito ay balingkitan tulad ng mas matanda
ritong Australopithecus afarensis. Ito ay pinaniwalaang isang
direktang ninuno ng mga modernong tao. Sa kabila ng katamtamang mas tulad sa taong mga
katangian sa bungo nito na nakikita halimbawa sa mga specimen na Mrs. Ples at STS 71, ang
ibang mga katangiang mas primitibo nito ay kinabibilangan ng tulad sa bakulaw(na hindi tao) na
mga kurbadong daliri para sa pag-akyat sa mga puno. Dahil sa ibang mga mas primitibong
katangiang makikita sa Au. africanus, ang ilang mga mananaliksik ay naniniwala na sa halip na ito
ay direktang ninuno ng mga modernong hominin ay nag-ebolb ito tungo sa Paranthropus. Ang
isang matipunong Paranthropus na nakikitang inapo ng Au. africanus ang Paranthropus robustus.
Tulad ng Au. afarensis, ang Au. africanus ay katulad nito sa maraming mga katangian na
isang bipedal na hominid na nag-aangkin ng mga brasong katamtamang mas malaki kesa sa mga
hita nito(na isang katangiang pisikal na makikita rin sa mga chimpanzee). Sa kabila ng mga
pagkakatulad saAu. afarensis, ang mga labing fossil nito ay nagpapakitang ang A. africanus ay
mas higit na katulad ng mga modernong tao kesa sa Au. afarensis. Ito ay nag-aangkin ng isang
mas tulad sa taong cranium na pumapayag sa isang mas malaking utak at mas humanoid na mga
katangiang pangmukha. Ang Au. africaus ay natagpuan lamang sa mga apat na lugar sa
katimugang Aprika — Taung (1924), Sterkfontein (1935), Makapansgat (1948)
atGladysvale (1992)
Ang Australopithecus afarensis ay isang ekstinkt
na hominid na nabuhay sa pagitan ng 3.9 at 2.9
milyong mga taon ang nakalilipas
Ang Paranthropus boisei o Australopithecus
boisei ay isang
maagang hominin na inilalarawan
bilang ang pinakamalaking species ng Paranthropus o mga
matipunang australopithecine. Ito ay nabuhay sa Silanganing
Aprika noong panahong Pleistoseno mula mga 2.3 hanggang 1.2
milyong taong nakakalipas.
2. Homo Habilis- (may kahulugang "taong marunong gumawa ng kung anu-anong mga bagay) ay
isang extinct na species ng genus na Homo, na namuhay noong
bandang 1.4 hanggang 2.3 milyong mga taon na ang nakalilipas sa
simula ng panahong Pleistoseno. Ang Homo habilis (o maaaring H.
rudolfensis) ang pinakamaagang nakikilalang species ng genus
na Homo. Sa anyo at morpolohiya nito, ang H. habilis ay ang
pinaka malayo ang pagkakatulad sa modernong tao sa lahat ng
species ng genus na Homo (maaaring maliban sa H. rudolfensis).
Ang H. habilis ay maiksi ang taas at may hindi pantay na
mahahabang mga bisig kung ihahambing sa mga modernong tao.
Subalit hindi gaanong nakaungos ang mukha nito kung ihahambing
sa mga australopithecine na pinaniniwalaang mga ninuno nito. Ito ay may kapasidad na pangbungo na
bahagyang mas kakaunti kaysa kalahati ng sukat ng makabagong mga tao. Sa kabila ng morpolohiya ng
katawan na parang sa bakulaw, ang mga nalalabi ng H. habilis ay madalas na nasasamahan ng mga
primitibong mga kagamitang yari sa bato (halimbawa na
ang nasa Olduvai Gorge, Tanzania at Lawa ng
Turkana, Kenya natagpuan noong 1960 na tinatawag na
Taong Olduvai). Ang Homo habilis ay sabay na nabuhay
sa ibang mga primadong tulad ng Homo na bipedal gaya
ng Paranthropus boisei na ang ilan ay nabuhay sa loob
ng maraming mga libong taon. Gayunpaman, dahil sa
posibleng maagang paggamit ng mga kasangkapan at isang kaunting espesyalisadong diyeta ng H. habilis,
ito ay nag-ebolb sa buong linya ng bagong species samantalang ang ibang species gaya ng Paranthropus
boisei at mga matipunong kamag-anak nito ay naglaho na sa fossil record. Pinakamatandang bungo ng
Homo Habilis ang ER 1470 na nahukay noong 1972. Natuklasan ito sa lawa ng Turkana ni Richard P.
Leakey.
Ang Homo habilis ay pinaniniwalaang ang ninuno ng mas may magandang hubog ng katawan at mas
sopistikadong Homo ergaster na nagpalitaw sa species na kamukha ng tao na Homo erectus. Noong 2007,
may bagong mga pagkakatuklas na nagmumungkahing maaaring ang parehong H. habilis at H. erectus ay
sabay na umiral at maaaring ito ay magkahiwalay na angkan mula sa isang karaniwang ninuno sa halip na
nagmula ang H. erectus mula sa H. habilis. Ito maaaring nagpapakita na ang anumang mga kaugnayang
pang ninuno ng H. habilis sa H. erectus ay isang kladohenetiko sa halip naanahenetiko na
nangangahulugang kahit ang isang hiwalay na subgrupong populasyon ng H. habilis ay naging karaniwang
ninuno ng natitirang henus, ang ibang mga subgrupo ay nanatili bilang hindi nagbagong H. habilis
hanggang sa kanilang mas kalaunang ekstinksiyon.
3. Homo Erectus- (mula sa Latin: nangangahulugang "taong nakatindig") ay isang species ng genus
na Homo. Unang nilarawan ito ng anatomistang Olandes na
si Eugene Dubois noong mga 1890 bilang Pithecanthropus
erectus, batay sa takip o putong ng bungo at sa tila makabagong-
panahong itsura ng buto ng hitang natuklasan sa baybayin
ng Ilog Solo sa Trinil, Java. Ngunit salamat sa unang
paglalarawan ng Kanadyanong anatomistang si Davidson
Black's noong 1921 sa isang mababang molar, na
tinaguriang Sinanthropus pekinensis, sapagkat naganap
sa Zhoukoudian sa Tsina ang halos lahat ng mga maaga at
ispektakular na mga pagtuklas ng taksong ito. Ibinigay ng
Alemang anatomistang si Franz Weidenreich ang karamihan sa
mga detalyadong paglalarawan sa materyal na ito sa ilang mga
monograpong inilathala sa diyaryong Palaeontologica
Sinica (Serye D) Natagpuan ang mga labing fossil sa Java noong
mga 1890 at sa Tsina noong 1921.
Noong kaagahan ng ika-20 daantaon, nakaraang pinaniniwalaan na namuhay ang mga unang modernong
tao sa Asya. Ngunit noong mga 1950 at mga 1970, maraming mga natagpuang fossil mula
sa Kenya ng Silangang Aprika na nagpakitang nagmula ang mga pinakamatandang modernong tao mula
doon. Pinaniniwalaan na ngayong ninuno ng mga Homo erectus ang mga mas sinaunang mga taong katulad
ng Australopithecus na nag-ebolb sa henus na Homo. Ang species ng Homo na Homo habilis ay
pinaniwalaan na ninuno ng Homo Ergaster na nagpalitaw naman sa Homo erectus. Gayunpaman, may mga
bagong tuklas noong 2007 na nagpapahiwatig na namuhay sa magkaparehong panahon ang Homo habilis at
ang Homo erectus at maaaring nagmula sa nagiisang ninuno. Gayunpaman, ito ay maaaring nagpapakita na
ang anumang mga kaugnayang pang ninuno ng H. habilis sa H. erectus ay isang kladohenetiko sa halip
na anahenetiko na nangangahulugang kahit ang isang hiwalay na subgrupong populasyon ng H. habilis ay
naging karaniwang ninuno ng natitirang genus, ang ibang mga subgrupo ay nanatili bilang hindi nagbagong
H. habilis hanggang sa kanilang mas kalaunangekstinksiyon.
Ang Homo erectus ang nananatiling ang pinakamatagal na nabuhay na species ng Homo na nabuhay sa
higit sa isang milyong taon. Ang Homo sapiens(modernong tao) ay umiiral pa lamang sa loob ng 200,000
taon.
Mga Subspecies ng Homo Erectus Ang Taong Java(Homo erectus erectus) ay isang subspecies ng Homo erectus na ang mga fossil
ay natagpuan sa Java, Indonesia ng siyentipikong Olandes na
si Eugène Dubois noong 1891. Ito ang isa sa mga unang alam na
specimen ng Homo erectus. Tinawag itong Pithecanthropus
erectus ni Dubois, nang matuklasan niya ito mula sa pulo ng Trinil
sa Java, Indonesya. Ito ay pinaniniwalaang umiral sa pagitan ng 1
milyong taon at 700,000 taong nakakalipas. Ito ay nakaraang
iminungkahi ng mga ilang mga siyentipiko na isang potensiyal
na anyo sa pagitan ng mga modernong tao at karaniwang ninuno na
pinagsaluhan ng tao sa ibang mga dakilang bakulaw. Ang kasalukuyang kasunduan ng mga
siyentipiko ay ang mga direktang ninuno ng mga modernong tao ay mga populasyong Aprikano
ng Homo erectus na posibleng ang Homo ergaster sa halip na na mga populasyong Asyano gaya
ng Taong Java at Taong Peking. Ang Taong Yuanmou (pinapayak na Intsik: 元 谋 人 ; tradisyunal na Intsik: 元 謀 人 ; pinyin:
Yuánmóu Rén), Homo erectus yuanmouensis, ay isang subspecies ng Homo erectus na ang
dalawang incisor ay natagpuan sa Bayang Danawu sa kondadong Yuanmou (pinapayak na Intsik:
元谋县 ; tradisyunal na Intsik: 元謀縣 ; pinyin: Yuánmóu Xiàn) sa timog kanlurang probinsiya
ng Yunnan, Tsina. Kalaunang, ang mga batong artipakto at mga piraso ng buto ng hayop ay
nagpapakita ng mga tanda ng paggawa dito gayundin ang mga abo sa mga apuyan ay nahukay sa
lugar. Ang mga fossil nito ay nakatanghal saNational Museum of China, Beijing.
Ang Taong Lantian (pinapayak na Intsik: 蓝田人; tradisyunal na Intsik: 藍田人; pinyin: Lántián
rén) na dating kilala bilang Sinanthropus lantianensis at
kasalukuyang tinatawag na Homo erectus lantianensis ay isang
subspecies ng Homo erectus. Ang pagkakatuklas nito noong
1963 ay unang inilarawan ni J. K. Woo ng sumunod na taon.
Ang mga labi ng Taong Lantian na tinawag na Lantian Ren(蓝
田 人 sa Tsino) ay natagpuan sa Lantian County ( 蓝 田 县 ;
pinyin: Lántián Xiàn)sa timog kanluraning
probinsiyang Shaanxi ng Tsina na tinatayang 50 km timog
kanluran ng siyudad ng Xi'an. Sa sandaling pagkatapos
matuklasan ang buto ng panga ng unang Taong Lantian
sa Chenjiawo (陈家窝) sa Lantian County, ang isang bungo na may mga buto ng ilong, kanang
maxilla at tatlong mga ngipin ng isa pang specimen ng Taong Lantian ay natagpuan
sa Gongwangling (公王岭) na isa pang lugar sa Lantian County.
Ang Taong Nanjing (Homo erectus nankinensis) ay isang subspecies ng Homo erectus na
natagpuan sa Tsin. Ang bungo ng isang lalake at babaeng taong Nanjing ay natuklasan noong 1993
sa kwebang Tangshan malapit sa Nanjing na may edad na mga 580,000 hanggang 620,000 taong
gulang.[1] Ang bungo ay nasa Nanjing Museum at pinag-aaralan ng mga siyentipikong nasa
larangang ito.
Ang Taong Peking (Tsinong payak: 北京猿人 ; Tsinong tradisyunal: 北京猿人 ; pinyin: Běijīng
Yuánrén), na kilala rin bilang Sinanthropus
pekinensis oPithecanthropus
pekinensis[1] ngunit pangkasalukuyang
tinatawag na Homo erectus pekinensis, ay
isang halimbawa ng Homo erectus. Isang
pangkat ng mga ispesimeng fossil ang
natagpuan noong 1923 hanggang 1927
habang naghuhukay sa Zhoukoudian (Chou
K'ou-tien) malapit sa Beijing (na kilala
bilang Peking noon), Tsina. Mas kamakailan lamang, pinetsahan ang mga natuklasan mula mga
500,000 mga taon na ang nakalilipas.[2], bagaman may isang bagong pag-aaral na
nagmumungkahing maaaring umaabot sila sa 680,000 hanggang 780,000 mga taong gulang na.[3] May isang bilang din ng mga fossil ng modernong mga tao ang natuklasan sa Pang-itaas na
Yungib sa kaparehong pook noong 1933.
Ang Taong Solo (Homo erectus soloensis) na dating inuri bilang Homo sapiens soloensis ay
itinuturing ngayong isang subspecies ng Homo erectus. Ang mga specimen nito ay nakuha sa mga
lugar sa kahabaan ng Bengawan Solo River sa Indonesia sa kapuluang Java. Ang mga labi nito ay
karaniwang tinatawag na Ngandong na ipinangalan sa bayang kung saan ito unang natuklasan.
Ang kultura ay hindi karaniwang maunlad.
Ang Taong Tautavel (Homo erectus tautavelensis) ay iminungkahing subspecies ng Homo
erectus. Ito ay may edad na 450,000 taong gulang
at natuklasan sa kwebang Arago
sa Tautavel, Pransiya. Ang mga paghuhukay nito
ay nagsimula noong 1964 na may unang kilalang
pagkakatuklas noong 1969.
Ang Meganthropus ang mga pragmento ng bungo
na
natuklasan
sa lugar
na Sangiran malapit sa Surakarta sa sentral
na Java, Indonesia. Ang orihinal na pangalang siyentipiko
nito ay Meganthropus palaeojavanicus at bagaman
itinuturing ngayong hindi balido, ang pangalan ng genus ay
nagpatuloy bilang impormal na pangalan nito. Ang
karamihan ng mga paleoantropolgo ay tumuturing rito bilang nauugnay sa Homo erectus ngunit
hindi pa mapagkasunduan kung gaano kalapit ditto.
4. Homo Sapiens- Ang tao (Homo sapiens) ay isang primado ng
pamilyang Hominidae, at ang tanging nabubuhay na espesye ng henus
na Homo.[3][4][5] Ang mga tao ay nagmula sa Aprika kung saan ang mga
ito ay umabot sa pagiging moderno sa anatomiya nito mga 200,000
taon ang nakalilipas at nagsimulang magpakita ng buong pagiging
moderno sa pag-aasal mga 50,000 taon ang nakalilipas.[6] Ang lipi ng
tao ay nag-na diberhente mula sa huling karaniwang ninuno kasama
ng pinaka-malapit na nabubuhay nitong kamag-anak
na chimpanzee mga limang milyong taon ang nakalilipas na nag-
ebolb saAustralopithecines at kalaunan ay sa henus Homo.[7] Ang unang
espesyeng Homo na lumisan sa Aprika ang Homo erectus na uring Aprikano na kasama ng Homo
heidelbergensis ay itinuturing na agarang ninuno ng mga modernong tao.[8][9] Nagpatuloy na sakupin o
ikolonisa ng mga Homo sapiens ang mga kontinente na dumating sa Eurasya noong 125,000 hanggang
60,000 taon ang nakalilipas,[10][11] sa Australia noong mga 40,000 taon ang nakalilipas, sa Amerika mga
15,000 taon ang nakalilipas at sa mga malalayong isla gaya ng Hawaii, Easter Island, Madagascar, atNew
Zealand sa pagitan ng mga taong 300 CE at 1280 CE.[12][13] Noong mga 12,000 taon ang nakalilipas, ang
mga tao ay nagsimulang magsanay ng sedentaryong agrikultura na domestikasyon ng
mga halaman at hayop na pumayag para sa paglago ng kabihasnan. Ang tao ay kalaunang nagtatag ng iba't
ibang mga anyo ng pamahalaan, relihiyon at kultura sa buong mundo na nagpaisa ng mga tao sa loob ng
isang rehiyon at tumungo sa pagpapaunlad ng mga estado at imperyo. Ang mabilis na pag-unlad ng
pagkaunang pang-agham at medikal noong ika-19 at ika-20 siglo ay tumungo sa pagpapaunlad ng mga
pinapatakbo ng gatong(fuel) na mga teknolohiya at napabuting kalusugan na nagsanhi sa populasyon ng tao
na tumaas ng eksponensiyal. Sa pagkalat sa bawat kontinente maliban sa Antarctica, ang mga tao ay
isang kosmopolitanng espesye at sa 2012, ang populasyon ng daigdig ay tinatayang mga 7 bilyon.[14][15] Ang
mga tao ay inilalarawan sa pagkakaroon ng malaking utak na relatibo sa sukat ng katawan nito na may
isang partikular na mahusay na neokorteks, preprontal na korteks at lobong temporal na gumagawa sa mga
ito na may kakayahan sa pangangatwirang abstrakto, wika,instrospeksiyon, paglutas ng problema at kultura
sa pamamagitan ng pagkatutong panlipunan. Ang kakayahang pang-isip na ito na sinamahan ng pag-
aangkop sa lokomosyong bipedal na nagpapalaya sa mga kanya sa pagmamanipula ng mga bagay ay
pumayag sa mga to na gumawa ng mas higit na paggamit ng kasangkapan kesa sa anumang mga ibang
nabubuhay na espesye ng daigdig. Ang mga tao ang mga tanging nabubuhay na espesye ng hayop na alam
na makagagawa ng apoy at pagluluto gayundin ang tanging mga espesyeng makapagdadamit sa kanilang at
lumikha at gumamit ng maraming ibang mga teknolohiya at mga sining. Ang pag-aaral ng mga tao ang
disiplinang pang-agham na antropolohiya. Ang mga tao ay walang katulad na labis na may kasanayan sa
paggamit ng mga sistema ng komunikasyong simboliko gaya ng wika para sa paghahayag ng sarli, ang
pagpapalit ng mga ideya at organisasyon. Ang mga tao ay lumilikha ng mga komplikadong mga
istrakturang panlipunan na binubuo ng maraming mga nakikipagtulungan at nakikipagtunggaling mga
pangkat mula sa pamilya at ugnayang kamag-anak hanggang sa mga estado. Ang mga interaksiyong
panlipunan sa pagitan ng mga tao ay naglatag ng isang sukdulang maluwag na uri ng mga halaga, mga asal
panlipunan, at mga ritwal na ang magkakasamang ang bumubuo ng basehan ng lipunang pantao. Ang mga
tao ay kilala sa pagnananis ng mga ito na maunawaan at maimpluwensiyahan ang kapaligiran nito na
naghahangad na ipaliwag at imanipula ang phenomena sa pamamagitan
ng agham, pilosopiya, mitolohiya at relihiyon.
Mga Labing natuklasan na Nagsilbing Katibayan Ang Homo rhodesiensis (Rhodesian man) ay isang extinct na species na Hominin ng henus
na Homo. Ito ay inilalarawan mula sa fosill na
buong Kabwe. Ang ibang mga maihahambing sa
morpolohiyang labi ay natagpuan mula sa pareho o
mas maagang panahon sa katimugang Aprika
(Hopefield oSaldanha), Silangang Aprika (Bodo,
Ndutu, Eyasi, Ileret) at Hilagang Aprika (Salé,
Rabat, Dar-es-Soltane, Djbel Irhoud, Sidi
Aberrahaman, Tighenif). Ang mga labing ito ay pinetsahan mula 300,000 at 125,000 taong gulang.
Ang Homo rhodesiensis ay itunuturing ngayon ng karamihan ng mga siyentipiko na isa pang
pangalan para sa Homo heidelbergensis.
Ang mga Neanderthal ay isang hindi na umiiral ngayong espesye o subespesye sa loob ng henus
na Homo at malapit na nauugnay sa mga Homo sapiens(modernong tao). Ang mga ito ay alam
mula sa mga specimen ng fossil na may petsa sa panahong Pleistocene at natagpuan sa Europa at
sa mga bahagi ng kanluaran at sentral na Asya. Ang terminong
Neanderthal na pagpapaikli ng taong Neanderthal ay
minsang binabaybay na Neandertal na modernong baybay
ng Lambak na Neander sa Alemanya kung saan ang
espesyeng ito ay unang natuklasan. Ang mga Neanderthal ay
alternatibong inuuri bilang isang subespesye ng Homo
sapiens(Homo sapiens neanderthalensis) o bilang isang
hiwalay na espesye ng Homo (Homo
neanderthalensis). Ang unang katangiang proto-
Neanderthal ay lumitaw sa Europa mga 600,000–350,000
taon ang nakalilipas. Ang mga katangiang Proto-
Neanderthal ay minsang pinapangkat sa isa pang
espesyeng phenetiko na Homo heidelbergensis, o isang
anyong migrante na o Homo rhodesiensis. Ang pinakabatang mga natuklasang Neanderthal ay
kinabibilangan ng Hyena Den (UK) na itinuturing na mas matanda sa 30,000 taon ang nakalilipas
samantalang ang mga Neanderthal naVindija (Croatia) ay muling pinetsahan sa pagitan ng 33,000
at 32,000 taon ang nakalilipas. Walang tiyak na mga specimen na mas bata sa 30,000 taon ang
nakalilipas ay natagpuan. Gayunpaman, ang ebidensiya ng apoy ng mga Neanderthal sa Gibraltar
ay nagpapakitan ang mga ito ay nagpatuloy doon hanggang 24,000 taon ang nakalilipas. Ang Cro-
Magnon o mga labing kalansay ng sinaunang modernong tao na may katangiang Neanderthal ay
natagpuan sa Lagar Velho (Portugal) at pinetsahan ng 24,500 tao ang nakalilipas at
pinakahulugang mga indikasyon ng malawak na paghahalong mga populasyon. Ang ilang mga
pagtitipong kultural ay naiugnay sa mga Neanderthal sa Europa. Ang pinaka una ang kulturang
kasangkapang batong Mousterian na may petsang mga 300,000 ang nakalilipas. Ang Huling mga
artipaktong Mousterian ay natagpuan sa kweba ni Gorham sa timog na humaharap sa baybayin ng
Gibraltar. Ang ibang mga kulturang kasangkapan na nauugnay sa Neanderthal ay kinabibilangan
ng Châtelperronian,Aurignacian, at Gravettian. Ang mga kalaunang pagtitipong kasangkapang ito
ay lumilitaw na unti unting umunlad sa loob ng mga populasyon kesa sa pagiging naipakilala ng
mga bagong populasyon na dumating sa rehiyon.
Ang kapasidad pang-bungo ng Neanderthal ay inakalang kasing laki na sa mga modernong tao at
marahil ay mas malaki na nagpapakitan ang sukat ng utak ng mga ito ay maaaring maihahambing
o mas malaki. Noong 2008, ang isang pangkat ng mga siyentipiko ay lumikha ng isang pag-aaral
gamit ang isang tatlong dimensiyonal na tinulungan ng kompyuter na mga rekonstruksiyon ng mga
sanggol na Neanderthal batay sa mga fossil na natagpuan sa Rusya at Syria. Ang pag-aaral ay
nagpapakitang ang utak ng mga Neanderthal at modernong tao ay may parehong sukat sa
kapanganakan ngunit sa pagtanda, ang utak ng Neanderthal ay mas malaki kesa sa utak ng
modernong tao. Ang mga neanderthal ay higit na mas malakas sa mga modernong tao na may mga
malalakas na mga braso at mga kamay. Ang mga lalakeng Neanderthal ay may taas na 164–168
cm (65–66 in) at ang mga babaeng Neanderthal ay may taas na mga 152–156 cm (60–61 in).
Ang Proyekong Genome ng Neanderthal na inilimbag noong 2010 ay nagmumungkahing ang mga
Neanderthal ay nag-ambag ng DNA sa anatomikong modernong mga tao na malamang ay sa
pamamagitan ng pagtatalik sa pagitan ng mga Neanderthal at pinakaunang mga tao na kumalat
mula sa Aprika. Ito ay pinaniniwalaang nangyari sa pagitan ng 80,000 at 50,000 ang nakalilipas o
sa sandaling pagkatapos na ang mga proto-Eurasyano ay lumisan mula sa Aprika. Ayon sa pag-
aaral, ang 1–4% ng genome ng populasyon ng mga tao na pumuno sa Eurasya ay inambag ng mga
Neanderthal.
Ang mga neanderthal ay naging extinct noong mga 35,000 taong nakakaraan.
Ang Cro-Magnon (bigkas: /kroʊˈmæɡnən/, Pranses [kʀomaɲɔ̃h]) ay isa mga pangunahing mga uri
ng arkaiko o sinaunang Homo
sapiens ngPaleolitikong Europa (Paleolitikong Pang-itaas), na
ginamit para sa mga ispesimen o halimbawa
ng posil o kusilba pinetsahang tinatayang mga 40,00 0 hanggang
10,000 mga taon na ang nakaraan. Pinangalanan ito mula sa yungib
ng Crô-Magnon na nasa timog-kanlurang Pransya, kung saan
natagpuan ang unang ispesimen.
Bumabagsak ang katawagan o termino sa labas ng
pangkaraniwang kumbensiyon o gawa sa
pagpapangalan para sa sinaunang mga tao at ginagamit sa diwang panglahat para sa
pinakamatandang moderno o makabagong taong nasa Europa, bagaman espesipiko o tiyak (ngunit
napakadalas) na para sa isang kabahaging tipo o sub-tipong kabilang sa mga labi ng kanilang mga
kusilba o posil. Sa mas kamakailang mga makaagham na panitikan, mas ginagamit ang
kataguriang "maagang modernong mga tao".
Ang ispesimen ng Taong Cro-Magnon na may pinakamatandang tiyak na petsa ay mula 34,000
hanggang 36,000 mga taon na ang nakararaan.