22
{ Aralin 1 Kahulugan at kahalagahan ng Ekonomiks Jose C. Reyes Guro ng Araling Panlipunan 9 - Ekonomiks

Aralin 1 kahulugan at kahalagahan ng ekonomiks

Embed Size (px)

Citation preview

{

Aralin 1Kahulugan at kahalagahan ng

Ekonomiks

Jose C. Reyes Guro ng Araling Panlipunan 9 - Ekonomiks

Kahulugan ng Ekonomiks

Ang Ekonomiks ay isang sangay ng Agham Panlipunan na nag-aaral kung paano tutugunan ang tila walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit ang limitadong pinagkukunang yaman.

Ito ay nagmula sa salitang Griyego na oikonomia, ang oikos ay nangangahulugang bahay, at nomos ay pamamahala.

Ang ekonomiya at sambahayan ay maraming pagkakatulad

.

Pagkakatulad ng Ekonomiya at Sambahayan Nagpaplano kung paano mahahati-hati ang mga gawain at nagpapasyakung paano hahatiin ang limitadong resources sa maraming pangangailangan at kagustuhan.

Ang pagpapasya ng sambahayan ay maaaring nakatuon sa kungmagkano ang ilalaan sa pangangailangan sa pagkain, tubig, tirahan, at ibang mga bagay na nakapagbibigay ng kasiyahan sa pamilya.

Ang pamayanan katulad ng sambahayan, ay gumaganap din ng iba’tibang desisyon. Ang pamayanan ay kailangang gumawa ng desisyon kung ano-anong produkto at serbisyo ang gagawin, paano gagawin, para kanino, at gaano karami ang gagawin.

Ang ekonomiks ay unang nakilala bilang political economy na sentral na paksa ng mga pilosopo at may iba’t ibang kaisipan ang lumitaw mula sa mga pilosopo na nag-uugnay sa politika at ekonomiks

Ang Paglaganap ng Kaisipang Ekonomics

Xenophon – Mabuting pamamahala at pamumuno -> Oiconomicus

Plato – Espesyalisasyon at division of labor -> The Republic

Aristotle – Pribadong pagmamay-ari -> Topics and Rhretoric

Mercantilist – Paglikom na yaman sa paggamit ng likas na yaman tulad ng lupa, ginto, at pilak Francois Quesnay at Physiocrats – pagbibigay halaga sa kalikasan at paggamit ng wasto sa mga yamang likasTableu Economique – nagpapakita ng paikot na daloy ng produkto at serbisyo sa ekonomiya

Magkaibang Paniniwala ng mga Sinaunang Pilosopo at Grupo ng mga Ekonomista

Nagbigay –daan sa kaisipan ng iba pang ekonomista ukol sa ekonomiks.

Ekonomista – ay ang nag-aaral batay sa pagpili at pagpapasya ng mga tao sa lipunan, at amg epekto nito sa buong ekonomiya.

Ang kaisipan ng ekonomiks ay nahiwalay sa kaisipan ng ekonomiyang politikalBinigyan diin ng ekonomiks ang mga gawain ng tao na

nakatuon sa pangkabuhayan at gawi ng pamumuhay.Patuloy na pinag-aaralan sa ekonomiks ang mga bagay

na nakakaapekto sa ekonomiyang pamumuhay ng mga tao sa buong bansa.

Ama ng Makabagong EkonomiksAdam Smith

Doktrinang Laissez- faire o let alone policy – hindi dapat nakikialam ang pamahalaan sa pagpapatakbo ng ekonomiya ng mga pribadong sektor, dapat pinagtutuunang pansin ang pananatili ng kapayapaan at kaayusan ng bansa

Ang espesyalisasyon ay paghahati ng mga gawain sa produksyon ayon sa kapasidad at kakayahan sa paggawa

May akda ng aklat na “ An Inquiry into the Nature and Causes of the Wealth of Nations”

David Ricardo

Law of Diminishing Marginal Returns – ang patuloy na paggamit ng tao sa likas na yaman ay nagiging dahilan ng pagliit ng nakukuha mula sa mga ito.

Law of Comparative Advantage – prinsipyo na nagsasaad na higit na kapakipakinabang sa isang bansa na lumikha ng mga produkto na higit na mura ang gastos sa paggawa ( production cost ) kaysa sa ibang bansa.

Thomas Robert Malthus

Binigyang pansin ang mga epekto ng mabilis na paglaki ng populasyon.

Malthusian Theory – ang populasyon ay mas mabilis na lumalaki kaysa sa suplay ng pagkain na nagdudulot ng labis na kagutuman sa bansa

John Maynard Keynes

Father of Modern Theory of Employment.

Ang pamahalaan ay mas malaking papel na ginagampanan sa pananatili ng balanseng ekonomiya sa pamamagitan ng paggastos ng pamahalaan.

May Akda ng Aklat “ General Theory of Employment, Interest, and Money”

Karl MarxAma ng Komunismo

Naniniwala sa pagkakaroon ng pagkakapantay ng tao sa lipunan.

Naniniwala na ang dapat na magmay-ari ng mga salik ng produksyon at gumawa ng desisyon ukol sa produksyon at distribusyon ng yaman ng bansa.

Isinulong na ang rebolusyon ng mga proletariat ang magpapatalsik sa mga kapitalista

May Akda ng Aklat “ Das Kapital” – aral ng komunismo

Kasamang may akda ni Friedrich Engels “ Communist Manifesto”

Pag-aaral ng Ekonomiks

Ang pag-aaral ng ekonomiks ay nalilinang ang mga kaisipang pampolitika, pangkabuhayan, at pangmoralidad ng mga tao.

Ekonomiks Bilang Agham

Ang ekonomiks ay isang sangay ng agham panlipunan kung saan ang tuon ay pag-aralan ang mga kilos, gawi, at lahatng pagpupunyagi ng tao na maghanapbuhay at ang pagsisikap ng pamahalaan na ayusin ang ekonomiya na nakakaapekto sa pamumuhay ng tao.Isinasagawa ang Siyentipikong Pamamaraan upang suriin ang mga suliranin at kaganapan na may kaugnayan at epekto sa ekonomiya. ( polusyon, korapsyon, trapiko)

Mga Hakbang sa Pagsasagawa ng Siyentipikong Pamamaraan

Pagtukoy ng Suliranin -> Pagbibigay ng Hypothesis -> Pangangalap ng mga Datos at Impormasyon -> Pagsusuri ng Datos at Impormasyon -> Pagbibigay Konglusyon at Rekomendasyon.

Kaugnayan ng Ekonomiks sa Iba Pang Pag-aaral

Ekonomiks at Kasaysayan Ang kasaysayan ay ang nagawang pagpupunyagi upang labanan ang kasalukuyangsitwasyon na ginawa ng tao sa iba’t ibang panahon. Ang ekonomiks at kasaysayan ay magkaugnay dahil ang gagawing desisyon ngayon sa pamumuhay ay ibabatay sa nakaraan. Ang kasaysayan ay bahagi ng anumang pangyayari ng ekonomiya. ( Hal. Panahon ng Pananakop )

Ekonomiks at Sosyolohiya Ang sosyolohiya ay ang pag-aaral ng pinagmulan at estraktura ng lipunan. Ang kilos ng tao bunga ng mga batas, gawi, paniniwala, at kultura na umiiral sa lipunan ay nakakaapekto sa uri ng hanapbuhay ng tao.( Hal. Estado ng lalaki at babae bilang mag-asawa )

Ekonomiks at Ethics Ang etika ay may kinalaman sa moralidad at pagawa ng tama o mali sa buhay. Ang disiplina at wastong moralidad ng tao ay mahalagang elemento na kaylangang taglayin ng mamamayan bilang kabalikat ng pamahalaan sa wastong hakbang upang mapaunlad ang ekonomiya. ( Hal. Kaasalan ng Tao )

Ekonomiks at Heograpiya Ang heograpiya ay tumutukoy sa pag-aaral ng mga katangiang pisikal ng bansa, klima, pinagkukunang yaman, at iba pang aspetong pisikal ng tao.( Hal. Kalamidad )

Kaugnayan ng Ekonomiks sa Iba Pang Pag-aaral

Ekonomiks at Sikolohiya Sikolohiya ay ang pag-aaral sa isip, diwa , asal at suliranin ng tao. Ang pagnanais ng tao sa isang bagay ay isang kalagayang sikolohiya na may relasyon sa ekonomiks kapag ito ay tumugon sa kanyang pagnanais. ( Hal. Luho sa sarili )

Ekonomiks at Antropolohiya Antropolohiya - ito ay isang sistematikong pag-aaral ng pinagmulan, ebolusyon at kultura ng tao. Tulad ng isang siyentista ang mga antrologo ay nagsisiyasat sa mga pangkalahatang ugnayan sa gawi ng tao.Nagiging batayan din ng pag-aaral ang mga materyal at di materyal na bagay tulad ng kasuotan, tirahan , paniniwala at pagpapahalaga.

Ekonomiks at Agham Pampulitika Agham Pampulitika – Ito ay isang sistematikong pag-aaral ng buhay pulitikal. Ang mga political Scientists ay sinisikap sagutin ang mga katanungang tulad ng ano ang dahilan ng pagpapatibay ng aksyon ng pamahalaan, kaninong kapakanan ang binibigyang pansin ng pamahalaan.

Ekonomiks at Natural Sciences Ang pag-unawa sa mga kaganapan sa ating kapaligiran ay matutuhan sa iba't ibang sangay ng pag-aaral ng natural science. At ang mga nagaganap na pagbabago sa ating kapaligiran at maging sa kalikasan ay nakakaapekto sa kabuhayan ng mamamayan at ng bansa na pinagtutuunan ng ekonomiks.

Kaugnayan ng Ekonomiks sa Iba Pang Pag-aaral

Ekonomiks at Pisika Ang pisika ay tungkol sa pag-aaral ng mga bagay, enerhiya at mga teknolohiya na ginagamit upang mapaunlad ang enerhiya. Ang ekonomiks ay may kaugnayan sa pisika dahil lahat ng pagbabagoat pagpapau sa mga bagay at enerhiya ay nakaaapekto sa paggawa at supply ng mga produkto na kailangan ng mga tao.

Ekonomiks at Kemistri Ang kemistri ay may kinalaman sa pag-aaral ng iba't ibang kemikal na kailangan sa paglikha ng mga bagay. Ang uri ng kemikal na ginagamit sa mga patanim bilang pataba at pamatay peste ay bahagi ng gastusin sa produksiyon. Sa pagbibigay ng presyo ng mga produkto ay binabase sa gastusin, kaya dito makikita ang ugnayan ng kemistri at ekonomiks.

Ekonomiks at Biyolohiya Biyolohiya ay pag-aaral sa mga bagay na may buhay. Ito ay may kaugnayan sa ekonomiks dahil ang tao, hayop, at halaman ay kailangan sa ekonomiya. Ekonomiks at Matematika Ang pag-aaral ng matematika ang teorya ng numero, tsart, graph, at pagbuo ng matemathical formula o mathematical equations. sa tulong tsart, graph, at equations ay madaling mauunawaan ang mga ekononimiyang kaganapan tulad ng pagtaas ng presyo, paglaki ng produksyon, tamang pagbabadyet at iba pa.

Mga Mahalagang Konsepto sa Pagpili at Pagdedesisyon

Ang pagpili nat padedesisyon ay magkaugnay. Ang tao na nakapili ng isang bagay na bibilhin o gagawin ay tanda na siya ay nakagawa ng pagdedesisyon.

Individual Choice ang pagawa ng pagpili at pasya ng indibidwal upang matugunan ang kanyang pangangailangan dahil sa limitadong pinagkukunang yaman.

Social Choice Ang pagpapasyang ginagawa ng pamahalaan upang matugunan ang pangangailangan ng lipunan. Economic Choice ay may kinalaman sa desisyon ukol sa iba’t ibang gamit ng limitadong pinagkukunang yaman.

Mga Mahalagang Konsepto sa Pagpili at Pagdedesisyon

Ang ating ginawang pagpili at pagpapasya ukol sa ating gustong makamit ay matumbas na Opportunity cost at Benefit.

Opportunity cost ay ang isinasakripisyong bagay upang gamitin sa kasalukuyang paggagamitan nito.

Trade Off ang pagpili batay sa mga alternatibong kapalit ng mga bagay na isinakripisyo o pagpapaliban ng pagbili ng isang bagay upang makamit ang ibang bagay.

Benefit ito ay may kinalaman sa pakinabang na natamo sa nagawang pagpili.

Unang Performance Task

Paano naaapektuhan ng agham ng ekonomiks ang inyong pang-araw-

araw na buhay? Gumawa ng Collage na nagpapakita ng benepisyo ng tao sa ginawang pagpili at desisyon sa mga bagay na gagawin.

Rubrics sa Pagtataya ng PerformanceKatangian 4

Napakahusay

3 Mahusay

2

Katamtaman

1 Kailangan

pa ng pagsasanay

A. Pagkakaisa

Ang lahat ng kasapi ay nagpapakita ng mataas na antas ng pagkakaisa

Hindi ang lahat ng kasapi ay nagpapakita ng mataas na antas ng pagkakaisa

Halos lahat ng kasapi ay nagpapakita ng mababang antas ng pagkakaisa

Walang ipinapakitang pagkakaisa ang mga kasapi

B. Pakikilahok

Aktibong nakikilahok ang lahat ng kasapi

Aktibong nakikilahok ang nakararami sa mga kasapi

Aktibong nakikilahok ang ilan sa kasapi

Walang nakikitang pakikilahok sa mga kasapi

C. Pakikipag- talastasan

Ang lahat ng kasapi ay maayos at malinaw na nakikipagtalast- asan sa isa’t isa

Ang nakararami sa mga kasapi ay maayos na nakikipagtalastasan.

Iilang kasapi ang maayos na nakikipagtalastasan.

Walang maayos na pakikipagtalastasan

Kahulugan ng Ekonomiks

Ang Ekonomiks ay isang sangay ng Agham Panlipunan na nag-aaral kungpaano tutugunan ang tila walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ngtao gamit ang limitadong pinagkukunang-yaman.

Ito ay nagmula sa salitang Griyegona oikonomia, ang oikos ay nangangahulugang bahay, at nomos na pamamahala.

Ang ekonomiya at sambahayan ay maraming pagkakatulad.Ang sambahayan, tulad ng lokal at pambansang ekonomiya, ay gumagawa rin ng mgadesisyon. Nagpaplano ito kung paano mahahati-hati ang mga gawain at nagpapasyakung paano hahatiin ang limitadong resources sa maraming pangangailangan atkagustuhan.

Ang pagpapasya ng sambahayan ay maaaring nakatuon sa kungmagkano ang ilalaan sa pangangailangan sa pagkain, tubig, tirahan, at ibang mgabagay na nakapagbibigay ng kasiyahan sa pamilya.

Kahulugan ng Ekonomiks

Ang Ekonomiks ay isang sangay ng Agham Panlipunan na nag-aaral kungpaano tutugunan ang tila walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ngtao gamit ang limitadong pinagkukunang-yaman.

Ito ay nagmula sa salitang Griyegona oikonomia, ang oikos ay nangangahulugang bahay, at nomos na pamamahala.

Ang ekonomiya at sambahayan ay maraming pagkakatulad.Ang sambahayan, tulad ng lokal at pambansang ekonomiya, ay gumagawa rin ng mgadesisyon. Nagpaplano ito kung paano mahahati-hati ang mga gawain at nagpapasyakung paano hahatiin ang limitadong resources sa maraming pangangailangan atkagustuhan.

Ang pagpapasya ng sambahayan ay maaaring nakatuon sa kungmagkano ang ilalaan sa pangangailangan sa pagkain, tubig, tirahan, at ibang mgabagay na nakapagbibigay ng kasiyahan sa pamilya.