23
Ekonomiyang Kolonyal Bago ang Ika-19 na Siglo ARALIN 13

Ekonomiyang Kolonyal Bago ang Ika 19 na Siglo (Nayo)

  • Upload
    pcsn

  • View
    9.062

  • Download
    16

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Ekonomiyang Kolonyal Bago ang Ika 19 na Siglo

Citation preview

Page 1: Ekonomiyang Kolonyal Bago ang Ika 19 na Siglo (Nayo)

Ekonomiyang Kolonyal Bago ang Ika-19 na Siglo

ARALIN 13

Page 2: Ekonomiyang Kolonyal Bago ang Ika 19 na Siglo (Nayo)

PAGSASAKA• Itinuro ng mga Tsino ang paggamit ng araro,

karamihan sa kanila ay galing sa Fukien, isang lalawigan sa Timog China kung saan malawakan ang pagtatanim ng palay.

• Isang pandayan ng araro ang binuksan sa baryo ng Damalayan sa Santa Ana de Sapa noong 1584 at inilipat sa Maynila noong 1590.

• Si Panday Pira ang unang panday. Nakilala siya sa husay niya sa pagpapanday at naging pangunahing tagagawa ng kanyon sa Pilipinas.

Page 3: Ekonomiyang Kolonyal Bago ang Ika 19 na Siglo (Nayo)

LUPA• Ayon sa Recopilacion de

Leyes de las Indias, ang hari ng Espanya ang may-ari ng lahat ng lupa sa Pilipinas.

• Usufructuary Rights - karapatan na gamitin o linangin ang lupa.

• Ang lupa ay hindi maaaring ipagbili o ibigay sa iba pang mga Pilipino o Español. Aalisin sa kanila ang karapatan sa lupa kung hindi nila gagamitin ang titirhan ang lupa sa loob ng dalawang magkasunod na taon. Ang karapatan sa lupa ay maaaring ilipat sa nararapat na tagapagmana, kung walang tagapagmana ang lupa ay ibabalik sa hari.

Page 4: Ekonomiyang Kolonyal Bago ang Ika 19 na Siglo (Nayo)

HACIENDA

• Ang lupang tinatanggap ng mga prayle mula sa hari.

• Ipinatrabaho ng mga prayle sa mga Pilipinong mula sa mga lugar na hindi pa ginagawang parokya.

• Kung ihahambing ito sa lupa na itinalaga para sa mga pueblo, higit na malawak ang mga lupaing ito.

Page 5: Ekonomiyang Kolonyal Bago ang Ika 19 na Siglo (Nayo)

HACIENDA APIYA

Page 6: Ekonomiyang Kolonyal Bago ang Ika 19 na Siglo (Nayo)

PAGBUBUWIS• Buwis - pangunahing pinagkukunan ng salapi

upang tustusan ang mga pampublikong gawain ng pamahalaang kolonyal.

• Real - ang tawag sa salapi noong panahon ng Español. Ito ay gawa sa pilak.

Page 7: Ekonomiyang Kolonyal Bago ang Ika 19 na Siglo (Nayo)

ENCOMIENDA AT TRIBUTO

• Encomienda - ang karapatang mangulekta ng tributo sa isang lugar. Ito ay ibinibigay sa mga Español bilang gantimpala sa kanilang tulong sa pagsakop at pagpapatahimik sa Pilipinas.

• Encomendero - tawag sa taong nabigyan ng encomienda. Ito ay may tungkuling pangalagaan ang kanyang nasasakupan laban sa mga kaaway, panatilihin ang kapayapaan at kaayusan, at tulungan ang mga misyonero na mapalaganap ang relihiyong Katoliko. Binigyan sila ng karapatan maningil ng buwis sa kanilang nasasakupang may 19 hanggang 60 taong gulang na kalalakihan. Pinagbabayad ang bawat taong nasa wastong gulang ng walong reales at kalahating real naman sa walang asawa kung nasa wastong gulang na rin ito.

Page 8: Ekonomiyang Kolonyal Bago ang Ika 19 na Siglo (Nayo)

BANDALA

• Ang Bandala ay isang sapilitang pagbebenta ng produkto

• Ito ay isang uri ng di - tuwirang pagbubuwis sapagkat ang halaga ng mga produkto ay itinatakda ng pamahalaan at di ayon sa hinihingi ng pamilihan.

• Madalas ding hindi nababayaran ng pamahalaan ang mga produktong ipinagbibili sa mga tao.

Page 9: Ekonomiyang Kolonyal Bago ang Ika 19 na Siglo (Nayo)

PAGLILINGKOD• Hindi lamang buwis ang kinuha

ng mga Español mula sa mga Pilipino. Matindi rin ang mga pangangailangan sa paglilingkod. Nagpatupad ang pamahalaan ng polo y servicio o sapilitang paggawa (forced labor) upang tugunan ang pangangailangan ng kolonya.

Page 10: Ekonomiyang Kolonyal Bago ang Ika 19 na Siglo (Nayo)

POLO• Nagsimula ito sa

kasagsagan ng Digmaang Spanish-Dutch upang makakuha ng mga Pilipino na gagawa ng barko.

• Ito ay serbisyo para sa pamahalaang kolonyal.

• Ito ay sapilitang paggawa para sa pamahalaan ng 40 araw sa loob ng isang taon (ginawang 15 araw noong 1844).

• Polista ang tawag sa mga lalaking 16-60 anyos na sapilitang nagtratrabaho sa Polo noong panahon ng mga Español.

• Hindi ito dapat tinatapat sa panahon ng pagtatanim at pag-aani.

Page 11: Ekonomiyang Kolonyal Bago ang Ika 19 na Siglo (Nayo)

LUPA

• Sa pagsakop ng Spain sa Pilipinas, lahat ng lupa rito ay naging pag-aari ng hari ng Spain. Tinatawag itong “crown islands”. Ipinagkatiwala ng pamahalaaan ang lupa sa mga encomendero upang maningil lamang ng buwis.

Page 12: Ekonomiyang Kolonyal Bago ang Ika 19 na Siglo (Nayo)

MONOPOLYO

• Isang pinagkunan din ng buwis ng pamahalaan ay ang pagtatatag ng mga monopolyo. Maraming uri ng mga monopolyo tulad ng sa tabako at alak na basi. Nagdulot din ito ng ibayong paghihirap sa mga tao.

Page 13: Ekonomiyang Kolonyal Bago ang Ika 19 na Siglo (Nayo)

TABAKO• Noong 1782 inilagay ni Gobernador-Heneral

Jose Basco sa pangangasiwa ng pamahalaan ang pagtatanim ng tabako.

• Halimbawa ng mga lugar na pinagtataniman ng tabako ay ang Cagayan, Isabela, La Union, Ilocos Sur at Nueva Ecija.

• Ang mga magsasaka ay binigyan ng takdang dami ng dahon ng tabako na kailangan nila ipagbili sa pamahalaan. Kung higit sa takdang dami ang itinanim ng isang magsasaka, ang lahat ng sobrang dahon ay kinukuha ng pamahalaan ng walang bayad.

• Mapang-abuso ang monopolyo ng tabako sapagkat lahat ng takdang dami ng ani ay ibinebenta sa pamahalaan. Ito ang nagdedesisyon sa kalidad at halaga ng produkto.

Page 14: Ekonomiyang Kolonyal Bago ang Ika 19 na Siglo (Nayo)

Kalakalan

• Kalakalang Tsino o Galleon Trade lang ang pinahintulutan.

• Hinikayat ng mga Español ang mga Tsino na makipagkalakalan.

Page 15: Ekonomiyang Kolonyal Bago ang Ika 19 na Siglo (Nayo)

MGA TSINO AT KALAKALANG MAYNILA-

CHINAMga pangunahing produkto:• Linen• Seda• Cotton• Alahas• Porselana

Page 16: Ekonomiyang Kolonyal Bago ang Ika 19 na Siglo (Nayo)

PARIANIsang distrito sa labas ng pueblo ng Maynila

kung saan naninirahan ang mga Tsinong hindi nagpabinyag bilang mga Kristiyano.

Page 17: Ekonomiyang Kolonyal Bago ang Ika 19 na Siglo (Nayo)

KALAKALANG MAYNILA-ACAPULCO

• Galing sa pangalan ng barkong may daldalang kalakal na tumatawid ng Dagat Paipiko mula Acapulco, Mexico patungong Maynila.

• Dahil sa kalakalang ito, may palitan ng produkto na naganap sa pagitan ng Asya, Mexico at America

• Maraming mga Kastila ang sumali dito at umigting ang sapilitang paggawa ng mga Pilipino lalo na sa larangan ng paggawa ng barko at langis para dito.

Page 18: Ekonomiyang Kolonyal Bago ang Ika 19 na Siglo (Nayo)

KALAKALANG MAYNILA-ACAPULCO

Page 19: Ekonomiyang Kolonyal Bago ang Ika 19 na Siglo (Nayo)

MGA PANGUNAHING PRODUKTO

KALAKALANG MAYNILA-ACAPULCO

Page 20: Ekonomiyang Kolonyal Bago ang Ika 19 na Siglo (Nayo)

KALAKALANG PANLOOB

• Ang mga lalawigan ay nakikipagkalakalan sa Maynila. Ang kalakalan ay inihahatid sa Maynila ng malalaking bangka sa mga baybaying dagat. Sa pamamagitan ng kalakalang ito, natanggap ng Maynila ang mga produkto ng mga lalawigan

Page 21: Ekonomiyang Kolonyal Bago ang Ika 19 na Siglo (Nayo)

PAGPAPAUTANG

• Ang Obras Pias lamang ang tanging institusyon na nagpapautang.

• Ito ay isang organisasyon ng Simbahan na humihingi ng salapi mula sa mayayaman upang gamitin sa kawanggawa.

Page 22: Ekonomiyang Kolonyal Bago ang Ika 19 na Siglo (Nayo)

MGA BAGONG HALAMAN AT HAYOP

Sa pagdating ng mga Español, mga bagong halaman at hayop ang nakarating sa Pilipinas. Higit na pinayaman ng mga bagong halaman ang pagkain ng mga Pilipino.

Page 23: Ekonomiyang Kolonyal Bago ang Ika 19 na Siglo (Nayo)

WAKAS☺☺☺☺☺☺☺☺☺☺☺☺☺☺