25
Tekstong Argumentatibo

Tekstong Argumentatibo

  • Upload
    scps

  • View
    6.477

  • Download
    496

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Tekstong Argumentatibo

Tekstong Argumentatibo

Page 2: Tekstong Argumentatibo

Uri ng teksto na nangangailangang ipagtanggol ng manunulat ang posisyon sa isang tiyak na paksa o usapin gamit ang mga ebidensya mula sa personal na karanasan, kaugnay na mga

literatura at pag-aaral, ebidensyang kasaysayan at resulta ng empirikal

na pananaliksik.

Page 3: Tekstong Argumentatibo

Tekstong Argumentatibo Tekstong Persweysib1. Nangungumbinsi batay sa datos o impormasyon.

1. Nangungumbinsi batay sa damdamin at opinyon.

2. Nakahihikayat dahil sa merito ng ebidensya.

2. Nakahihikayat sa pamamagitan ng pagpukaw ng emosyon ng mambabasa at pagpokus sa kredibilidad ng may-akda.

3. Obhetibo 3. Subhetibo

Page 4: Tekstong Argumentatibo

Nangangailangan ang pagsulat ng masusing

imbestigasyon kabilang na ang pangongolekta at ebalwasyon ng mga

ebidensya.

Page 5: Tekstong Argumentatibo

Mula rito ay paninindigan ang isang posisyon na

isusulat sa maikli ngunit malaman na paraan.

Page 6: Tekstong Argumentatibo

Mga Elemento ng Pangangatwiran

Page 7: Tekstong Argumentatibo

proposisyon

argumento

Page 8: Tekstong Argumentatibo

Ayon kay Abad (2004) ang proposisyon ay ang pahayag na inilalahad upang pagtalunan o pag-usapan at ito ang isang bagay na pinagkakasunduan bago ilahad ang katuwiran ng

dalawang panig.

Page 9: Tekstong Argumentatibo

Magiging mahirap ang pangangatuwiran kung hindi muna ito itatakda sapagkat hindi magkakaisa sa mga

batayan ng isyu ang dalawang panig.

Page 10: Tekstong Argumentatibo

1. Dapat na ipasa ang Divorce Bill upang mabawasan ang karahasan

laban sa kababaihan.2. Nakasasama sa pamilya ang pag-

alis ng isang miyembro nito upang magtrabaho sa ibang bansa.

3. Mas epektibo sa pagkatuto ng mga mag-aaral ang multilingual education

kaysa sa bilingual education.

Page 11: Tekstong Argumentatibo

Ang argumento ay ang paglalatag ng mga dahilan at

ebidensya upang maging makatuwiran ang isang panig. Kinakailangan ang malalim na

pananaliksik at talas ng pagsusuri sa proposisyon upang makapagbigay ng mahusay na

argumento.

Page 12: Tekstong Argumentatibo

Katangian at Nilalaman ng Mahusay na

Tekstong Argumentatibo

Page 13: Tekstong Argumentatibo

1. Mahalaga at Napapanahong Paksa

Page 14: Tekstong Argumentatibo

Pagpili ng angkop na paksa sa pamamagitan ng iba’t ibang napapanahon at

mahahalagang isyu na may bigat at kabuluhan.

Page 15: Tekstong Argumentatibo

Nangangailangan ng interes sa paksa ngunit kailangan din

pag-isipan kung ano ang makatwirang posisyon na

masusuportahan ng argumentasyon at ebidensya.

Page 16: Tekstong Argumentatibo

2. Maikli ngunit malaman at malinaw na

pagtukoy sa tesis sa unang talata ng teksto.

Page 17: Tekstong Argumentatibo

Ipinaliliwanag ang konteksto ng paksa sa

pamamagitan ng pagtalakay nito sa

pangkalahatan.

Page 18: Tekstong Argumentatibo

Tinatalakay sa bahaging ito kung bakit mahalaga ang paksa

at kung bakit kailangan makialam sa isyu ang mga

mambabasa.

Page 19: Tekstong Argumentatibo

Gumamit ng introduksyon na makakakuha ng atensyon ng

mambabasa gaya ng estadistika, makabuluhang sipimula sa prominenteng

indibidwalo kaya’y anekdota na may kinalaman sa paksa ng

teksto.

Page 20: Tekstong Argumentatibo

3. Maayos na pagkasunod-sunod ng talatang naglalaman ng

mga ebidensya ng argumento

Page 21: Tekstong Argumentatibo

Ang bawat talata ay tumatalakay sa iisang pangkalahatang ideya

lamang. Ito ay nagbibigay linaw at direksyon sa buong

teksto.

Page 22: Tekstong Argumentatibo

Tiyakin ding maikli ngunit malaman ang bawat talata

upang maging mas madaling maunawaan ng

mambabasa.

Page 23: Tekstong Argumentatibo

Iwasan ang paggamit ng wikang emosyonal.

Mahalagang pagtibayin ang ebidensya at paghusayin ang lohikal na pangangatuwiran kaysa umapila sa emosyon

ng mambabasa.

Page 24: Tekstong Argumentatibo

Huwag mag-imbento ng ebidensya at banggitin

ang pinagmulan ng impormasyon at pagpapatunay.

Page 25: Tekstong Argumentatibo

“Huwag matakot na magsalita at manindigan para sa katapatan atkatotohanan laban sa kawalan ng

hustisya, kasinungalingan atkasakiman. Kung lahat ng tao sa buong daigdig ay gagawa nito,

mababago ang mundo”

- WILLIAM FAULKNER