Tayutay at bahagi ng pananalita

Preview:

Citation preview

WIKA

BAHAGI NG PANANALITA

MGA BAHAGI NG PANANALITA:1. PANGNGALAN 7. PANGATNIG2. PANGHALIP3. PANG-URI4. PANG-ABAY5. PANDIWA6. PANG-UKOL

TAYUTAY (FIGURE OF SPEECH)- TINATAWAG DIN ITONG “PATALINGHAGANG

PAHAYAG”- LUMALAYO ANG NAGPAPAHAYAG SA

KARANIWANG PARAAN NG PAGSASALITA UPANG SA GANOON ANY MAGAWANG HIGIT NA MAGANDA AT KAAKIT-AKIT ANG KANYANG SINASABI.

- NAGBIBIGAY SA BUMABASA NG DAGDAG NG KAKAYAHANG MAGBIGAY KAHULUGAN SA KANYANG BINABASA.

MGA URI NG TAYUTAY:1. PAGTUTULAD (SIMILE)2. GINAGAMIT SA PAGHAHAMBING NG

DALAWANG MAGKAIBANG BAGAY, TAO, PANGYAYARI, AT IBA PA.ITO AY GINAGAMITAN NG MGA SALITANG TULAD NG:GAYA NG PARA NG KAPARAKAWANGIS TILA KATULAD

HALIMBAWA:

ANG UGALI NG BATANG IYON AY KAWANGIS NG PANAHON, MADALING MAGBAGO.

2. PAGWAWANGIS (METAPHOR)

ITO AY NAGHAHAMBING DIN GAYA NG PAGTUTULAD NGUNIT ITO AY TIYAKANG PAGAHAHAMBING.

HALIMBAWA:

ANG KAMAY NG AMA AY BAKAL SA TIGAS

3. PAGMAMALABIS (HYPERBOLE)

SADYANG PINALALABIS O PINAGKUKULANG ANG KALAGAYAN O KATAYUAN NG TAO O BAGAY NA TINUTUKOY.

HALIMBAWA:BUMAHA NG LUHA SA BUROL NG AMA DAHIL

SA MATINDING PAGSISISI NG ANAK.

4. PERSONIPIKASYON

PAGSASALIN NG TALINO, GAWI, AT KATANGIAN NG TAO SA MGA BAGAY-BAGAY SA PALIGID NATIN.

HALIMBAWA:

LUMUHA ANG LANGIT NANG MASAWI ANG KANYANG AMA.

5. PAGPAPALIT-TAWAG (METONOMIYA)

PAGPAPALIT NG KATAWAGAN NG MGA BAGAY NA MAGKAKAUGNAY, HINDI KAHAMBINGAN KUNDI SA MGA KAUGNAYAN.

HALIMBAWA:

NAGNGALIT ANG BAGANG (MATINDING GALIT) NG AMA NANG SUMUWAY SA KANYANG UTOS ANG NAG-IISANG ANAK.

6. PAGPAPALIT-SAKLAW(synecdoche)

SA PAGPAPAHAYAG NA ITO, MAARING BANGGITIN ANG BAHAGI NG BILANG PAGTUKOY SA KABUUAB AT MAARI NAMANG ANG ISANG TAO AY KUMATAWAN SA ISANG PANGKAT.

HALIMBAWA:DALAWANG MAPAGPALANG KAMAY ANG

HUMUBOG SA PAGKATAO NG BATANG IYAN.

7. PAGTATANONG (RHETORICAL QUESTION)

GINAGAMIT UPANG TANGGAPIN O DI TANGGAPIN ANG ISANG BAGAY.

ANG PAGPAPAHAYAG NA ITO AY HINDI NAGHIHINTAY NG SAGOT.

HALIMBAWA: MATIIS MO KAYANG NAGHIHIRAP ANG IYONG MAGULANG HABANG IKAW NAMAN AY NAGPAPAKALIGAYA SA MARAMING BAGAY?

(APOSTROPHE)

PAKIKIPAG-USAP SA KARANIWANG BAGAY O ISANG DINARAMANG KAISIPANG PARA BANG NAKIKIPAG-USAP SA ISANG BUHAY NA TAO O ISANG TAONG GAYONG WALA NAMAN AY PARANG NAROO’T KAHARAP.

HALIMBAWA:PAG-IBIG, HALIKA AT PUNUIN MO NG

PAGMAMAHAL ANG LAHAT NG PUSO NG TAO.

8. PAGTAWAG

9. PAGTANGGI (LITOTES)

GUMAGAMIT ITO NG PANANGGING “HINDI” UPANG MAGPAHIWATIG NG ISANG MAKABULUHANG PAGSANG-AYON.

HALIMBAWA:HINDI KO SINASABING MATAAS KA, LAMANG

NAPAPANSIN KO NA HINDI KA MARUNONG TUMANAW NG UTANG NA LOOB.

10. PANG-UYAM (IRONY)

GINAGAMITAN NG PANANALITANG NANGUNGUTYA SA PAMAMAGITAN NG MGA SALITA KUNG KUKUNING LITERAL ANG KAHULUGAN AY TILA KAPURI-PURI.

HALIMBAWA:KAY BAIT MONG ANAK. PAGKATAPOS KITANG

TULUNGAN SA IYONG MGA KAGIPITAN AY NAGAWAN MO PA AKONG PAGSINUNGALINGAN.

BAHAGI NG PANANALITA: PANG-ABAY

PANGUNGUSAP A:NAKATULOG NANG MAHIMBING

UMIHIP NANG BANAYAD

PANGUNGUSAP B:PAGOD SI APO

MAGANDA ANG LAYUNIN

TANONG:ANO ANG NAPAPANSIN MONG PAGKAKAIBA SA

DALAWANG PANGUNGUSAP?

PANG-ABAY

Pangungusap APandiwa ang inilalarawan kaya ang mga

salitang “mahimbing” at “banayad” ay ginamit bilang pang-abay

Pangungusap BPangangalan ang isinasalarawan kaya

ang mga salitang “Pagod” at “maganda” ay ginamit bilang pang-uri.

Pang-uriNaglalarawan o nagbibigay turing sa

pangngalan o panghalip

Samantalang…

Pang-abayNaglalarawan o nagbibigay-turing sa

pandiwa, pang-uri at kapwa pang-abay

HALIMBAWA:HALIMBAWA (1)MAINGAT NA NILUTO NI BATHALA

ANG LAHING KAYUMANGGIHALIMBAWA (2)TOTOONG MAPALAD ANG ATING LAHI

HALIMBAWA (3)TALAGANG MASAKIT SA BUTIHING

BATHALA ANG PAGKASUNOG NG KANYANG NILUTO.

PANG-ABAYKAPAG NAKAKAKITA TAYO NG SALITANG

NAGLALARAWAN AY “HINDI” NATIN AGAD NASASABING ITO’Y PANG-URI O PANG-ABAY.

KAILANGAN MUNANG SURIIN ANG SALITANG INILALARAWAN O BINIBIGYAN NG TURING.

MGA URI NG PANG-ABAY

1. PAMANAHON- NAGSASAAD NG PANAHON ANG URING ITO. SUMASAGOT SA TANONG NA KAILAN.

HALIMBAWA: Nakamtam ng Pilipinas ang ganap na kasarinlan noong Hulyo 4, 1946.

Kasama ko si Jasfer na magsisimba bukas.

2. PANLUNAN

NAGSASAAD NG POOK O LUNANG KINAROROONAN O PINAGGAGANAPAN NG KILOS. SUMASAGOT ITO SA TANONG NA SAAN AT NASAAN.

HALIMBAWA:Kakanta kami sa entablado nang

maipakita ang aming kakayahan.

Sa look ng Maynila naganap ang labanan.

3. PAMARAANNAGSASAAD KUNG PAANO GINAGANAP ANG KILOS NA SUMASAGOT SA TANONG NA PAANO.

HALIMBAWA:Dahan-dahang iminulat ni Diane ang kanyang mata.

Ang masigasig na pagsisikap ng mga pinuno sa Senado ang nagpasimula ng ligal na paglakad ng kalayaan ng bansa.

4. PANG-AGAM- NAGSASAAD ITO NG WALANG KATIYAKAN O PAG-AALINLANGAN.

HALIMBAWA:Marahil ang pinakabantog sa mga ito

si Manuel L. Quezon.

Marahil ay hindi na niya uulitin ang ginawang pagkakamali.

5. KUNDISYUNAL- NAGSASAAD NG KUNDISYON PARA MAGANAP ANG KILOS NA ISINASAAD NG PANDIWA.

ITO AY MAY MGA SUGNAY O PARIRALANG PINANGUNGUNAHAN NG “KUNG”, “KAPAG O PAG” AT “PAGKA”

HALIMBAWA:Magmamahal lamang ulit ako kung

handa na akong masaktan.

6. BENEPAKTIBO- NAGSASAAD NG BENEPISYO PARA SA ISANG TAO. ITO AY KARANIWANG BINUBUO NG PARIRALANG PINANGUNGUNAHAN NG “PARA SA.”

HALIMBAWA:

Isang monumento ang ipinatayo para kay Manuel L. Quezon bilang pagkilala sa kanyang kabayanihan.

7. KAWSATIBO- NAGSASAAD NG DAHILAN NG PAGGANAP SA KILOS NG PANDIWA. ITO’Y MAKIKILALA SA PARIRALA O SUGNAY NA “DAHIL SA.”

HALIMBAWA:Dahil sa tydings McDuffie Law ay

nabigyang daan ang kasarinlan ng Pilipinas.

8. PANANG-AYON- NAGSASAAD ITO NG PAGSANG-AYON. ITO’Y MAY MGA PANG-ABAY NA OO, OPO, OHO, TUNAY, TALAGA AT IBA PA.

HALIMBAWA:Talagang makupad kumilos sina Elijah at

Alvin.

9. PANANGGI- NAGSASAAD ITO NG PAGTANGGI O PAG-AYAW TULAD NG HINDI, AYAW, AT DI.

HALIMBAWA:Hindi inamin ni Albert ang tunay na

nararamdaman.

10. INKLITIK- 11. PANGGAANO- NAGSASAAD NG SUKAT O

TIMBANG.HALIMBAWA: TUMAGAL NANG DALAWANG ORAS ANG

TALUMPATI NG PANGULO.

PAGSASANAY:PANUTO: TUKUYIN KUNG ANONG URI NG

PANG-ABAY ANG GINAMIT SA SUMUSUNOD NA MGA PANGUNGUSAP.

1. PATALUN-TALONG TUMUKA NG PALAY ANG MGA TANDANG.

2. KAGABI AY NADATNAN KONG MALUNGKOT SI JULIET

3. AYAW KONG MATULAD SA MGA BABAENG NIYAYAPAKAN ANG KARAPATAN.

4. ANG KADAYAWAN AY ISANG PAGDIRIWANG SA DAVAO.

5. HINDI PINAHIHINTULUTAN NG PULIS SI AMA NA UMALIS.

SEATWORKSAGUTAN SA KWADERNO ANG

“MADALI LANG YAN” AT SUBUKIN PA NATIN NA MAKIKITA SA PAHINA 370 AT 371 NG INYONG PLUMA.

POKUS NG PANDIWAPOKUS ANG TAWAG SA RELASYONG

PANSEMANTIKA NG PANDIWA SA SIMUNO O PAKSA NG PANGUNGUSAP.

NAGKAKAROON NG IBA’T IBANG POKUS AYON SA PAKSA AT PANLAPING IKINAKABIT SA PANDIWA.

1. POKUS SA TAGAGANAP O AKTORANG SIMUNO O PAKSA ANG

GUMAGANAP NG KILOS NA ISINASAAD NG PANDIWA.

MGA HALIMBAWA:KAKANTA SI ANNA SA PALUTUNTUNAN

BUKASLUMAGDA SI PANGULONG NOYNOY NG

KAUTUSAN NA NAGBABAWAL SA PAGGAMIT NG WANGWANG SA SASAKYAN NG MGA OPISYALES NG GOBYERNO.

2. POKUS SA TAGATANGGAP1. ANG PAKSA SA PANGUNGUSAP AY ANG

TAGATANGGAP O PINAGLALAANAN NG KILOS NA IPINAHIHIWATIG NG PANDIWA.

MGA HALIMBAWA:

Ipinagtitimpla ko ng gatas si Inay araw-araw

Ipinagkumpini ko siya ng sasakyan.

3. POKUS SA GANAPAN1. ANG PAKSANG BINIBIGYANG-DIIN AY

ANG LUGAR O GANAPAN NG KILOS.

MGA HALIMBAWA:

Sa Davao ay nilagdaan ng Pangulo ang kanyang mga kautusan.

Pagdarausan ng marangyang pagtitipon ang bagong gusali.

4. POKUS SA LAYON1. ANG LAYON ANG PAKSA O

BINIBIGYANG-DIIN SA PANGUNGUSAP.

MGA HALIMBAWA:

Inihanda ko ang mga pagkain para kay Inay.

Ang isang kasunduan ay nilagdaan ng Pangulo.

5. POKUS SA SANHI1. ANG SANHI O DAHILAN ANG PAKSANG

BINIBIGYANG-DIIN SA PANGUNGUSAP.

MGA HALIMBAWA:

Ikinalungkot ng dalaga ang pag-alis ng binata

Ikinahiya niya ang maraming basurang nagkalat sa daan sa araw ng pagbisita ng mga dayuhan sa bansa.

6. POKUS SA KAGAMITAN1. ANG BAGAY NA GINAMIT O NAGING

KAGAMITAN SA PAGGANAP NG KILOS ANG PINAGTUTUUNAN NG PANDIWANG NASA POKUS NA INSTRUMENTAL.

MGA HALIMBAWA:

IPINAMBILI NG BIGAS ANG BUWIS NG PAMAHALAAN.

IPINAMBAYAD NG UTANG PANLABAS ANG KITA NG MGA OFW.

7. POKUS SA DIREKSYUNAL1. PINAGTUTUUNAN NG PANDIWA ANG

DIREKSYON O TINUTUNGO NG KILOS.

MGA HALIMBAWA:

PUNTAHAN NATIN ANG MGA BANSANG MAY MAITUTURO SA ATING MAGANDA

TINUNGO NG MARAMING TAO ANG LUNETA UPANG MAKIISA SA KAMPANYA NG PAMAHALAAN LABAN SA KAHIRAPAN.

Seatwork:

1. Si Mang Marlon ay bibili ng isang malaking bag sa SM kasaman ang kanyang anak. Ito ay gagamitin niya sa kanilang paglalakbay kasama ang asawa. Ipapasyal niya ang asawa sa Isla ng Bohol upang kahit papaano ay makapagpahinga mula sa isang taong pagtatrabaho. Subsob kasi ang asawa sa trabaho kung kaya marapat lamang na bigyan niya ito ng pagkakataong magpahinga kasama siya sa isang lugar na tila paraiso sa ganda.

Seatwork:1. Ang bolo ay ipinabungkal ni Mar sa lupa.2. Sumusulat ng kwento si Bb. Mora3. Ang karetela ay sasakyan ng mga diyos at

diyosa.4. Binili ni Meljoy ang bagong usong bestida.5. Pinagtapatan ni Carlos ng pag-ibig si

Johanna.6. Ipinagluto niya ng cake ang kanyang ina.7. Pinaglalaruan nila ang gym ng aming

paaralan.8. Ang palayok ang kanyang ginamit sa

pagluluto.9. Ikinabahala niya ang patuloy na paglakas ng

ulan.10. Ang labis niyang pagpapalayaw sa

panganay na anak ay ikinalalayo naman ng loob ng dalawa pa niyang anak sa kanya.

Magandang Umaga!1. PAGPAPALITAN

2. PAGPAPALIWANAG3. NAGSASABI

4. TINATALAKAY5. NAKIKIPAG-TSISMISAN

6. NAKIKIPAG-USAP7. TUMANGGAP

TANONG: ANO ANG NAPAPANSIN MO SA MGA SUMUSUNOD NA SALITA?

PANDIWA O SALITANG KILOS1. SALITANG NAGSASAAD NG KILOS O

GAWA NA NAGBIBIGAY BUHAY SA ISANG PANGUNGUSAP.

KADALASAN, TINATAWAG DIN ITONG SALITANG KILOS NA SIYANG PINAKAKALULUWA NG PANGUNGUSAP.

ASPEKTO NG PANDIWA1. 1. PERPEKTIBOKUNG ANG SALITANG KILOS AY NANGYARI

NA, TAPOS NA, O NAGANAP NA.GINAGAMITAN ITO NG MGA PANLAPING

UM, NAG, IN/AN, AT IBA PA.HALIMBAWA:TUMAKBO NAGLABAUMINOM

NAGSAMPAYLUMAKAD NAG-ARALUMAWIT NAGLAROLUMUNOK NAGLUTO

2. IMPERPEKTIBO1. KUNG ANG SALITANG KILOS AY

NANGYAYARI PA LAMANG, O NAGAGANAP PA LANG. GINAGAMITAN ITO NG MGA PANLAPING UM, NAG, AT IBA PA, NGUNIT INUULIT ANG UNANG PANTIG NG SALITANG-UGAT.

HALIMBAWA:Tumatakbo Naglalaba umiinomNagsasampay lumalakad nag-

aaralUmaawit naglalaro lumulunoknagluluto

3. KONTEMPLATIBO1. KUNG ANG SALITANG KILOS AY

MANGYAYARI PA LANG, HINDI PA NAGAGAWA, O MAGAGANAP PA LANG. GINAGAMITAN ITO NG PANLAPING MAG AT INUULIT ANG UNANG PANTIG NG SALITANG-UGAT.

HALIMBAWATatakbo iinom lalakadAawit lulunok maglalabaMagsasampay mag-aaral

maglalaromagluluto

PAGSASANAY1. PANUTO: BILUGAN ANG SALITANG

KILOS O PANDIWANG GINAMIT SA MGA SUMUSUNOD NA PANGUNGUSAP. ISULAT SA PATLANG ANG P KUNG PERPEKTIBO, I KUNG IMPERPEKTIBO, AT K KUNG KONTEMPLATIBO ANG ASPEKTO NITO.

PAGSASANAY:1. Nagsasayaw ang batang babae ng Cha-Cha.2. Ang mga mag-aaral ay nakikinig sa guro.3. Hinugasan mo ba ang mga plato.4. Hindi ako pwede mamaya kasi magbabasa pa

ako ng aking mga leksyon.5. Ikinadena ni Carlo ang pintuan ng kanilang

bahay.6. Ang punong-guro namin ay nagtatalumpati sa

entablado.7. Magtatayo kami ng isang samahan para sa

kalinisan ng ating barangay.8. Isiniwalat ni Jun Lozada ang anumalya sa ZTE

contract sa pagitan ng Pilipinas at Tsina.9. Ang punong-guro namin ay magtatalumpati sa

entablado10. Ang mga pinuno ng mga kadete ay humuhudyat

na.

PAGSASANAY:1. Nagsasayaw ang batang babae ng Cha-Cha.2. Ang mga mag-aaral ay nakikinig sa guro.3. Hinugasan mo ba ang mga plato.4. Hindi ako pwede mamaya kasi magbabasa pa

ako ng aking mga leksyon.5. Ikinadena ni Carlo ang pintuan ng kanilang

bahay.6. Ang punong-guro namin ay nagtatalumpati sa

entablado.7. Magtatayo kami ng isang samahan para sa

kalinisan ng ating barangay.8. Isiniwalat ni Jun Lozada ang anumalya sa ZTE

contract sa pagitan ng Pilipinas at Tsina.9. Ang punong-guro namin ay magtatalumpati sa

entablado10. Ang mga pinuno ng mga kadete ay humuhudyat

na.